PDA

View Full Version : Sa ating mga bata noon.



La Concordia
November 8th, 2002, 05:32 AM
Pagkagaling dati sa eskwelahan, libre na ang
> > mga bata para maglaro
> > buong araw. Hindi tulad ngayon, mas stressed out pa
> > sila sa matatanda
> > dahil sa mga naka-schedule na academic subjects
> > review, piano lesson,
> > computer tutorial, ballet class, basketball
> > training, painting session, at
> > marami pang iba.
> >
> > Simple lang ang buhay noong araw. Simple lang
> > ang konsepto ng mga
> > bata sa salitang "paglilibang". Solb na sila sa
> > traditional games.
> >
> > Naalala mo pa ba ang tumbang preso? E yung
> > taguang bato, agawang
> > panyo, takip silim, luksong lubid, hilahang lubid,
> > chinese garter,
> > jackstones, trumpo, saranggola, softball, sipa,
> > siyatong, piko, at sungka?
> > Lahat ng mga larong 'to e nangangailangan ng
> > equipments or materials. Pero
> > no problemo, mga mura lang 'to, at karamihan e bagay
> > na pwede mong makita
> > sa basurahan o bodega n'yo.
> >
> > Meron ding mga mas matipid na alternatives,
> > talagang wala nang gastos.
> > Eto yung patintero, taguan pung, habulang daga,
> > doctor kwak-kwak, open the
> > basket, touch the color, luksong baka, luksong
> > tinik, pitik-bulag, jack en
> > poy(na tinawag na ngayong bato-bato-pik),
> > sawsaw-suka, at yung
> > mataya-taya--isang uri ng larong habulan para sa mga
> > batang gustong tumakbo
> > nang tumakbo hanggang hikain sila.
> >
> > Andyan din yung mga larong pwedeng tawaging
> > Sugal For Kids, gaya ng
> > goma, tex at jolens. Pero for formality lang ang
> > mga rubber bands, play
> > cards, at marbles n 'to. Ang totoo, hindi mo na
> > kailangan bumili sa
> > tindahan para maranasan ang thrill ng pustahan.
> > Dahil pwede mong ilaban sa
> > Kalog ang mga bagay na tulad ng balat ng sigarilyo,
> > balat ng candy, at
> > tansan ng mga bote ng beer, softdrinks, toyo, at
> > patis. (Tip: ,magandang
> > pamato ang mga tansan ng patis!)
> >
> > Inabutan ko rin noon yung mga larong sadista
> > tulad ng sumpak at
> > sumpit. Masaya 'to, mga monggo ang bala mo.
> > Magtatago ka, tapos titirahin
> > mo lahat ang kalaro mo nang pa-traydor. Maraming na-barangay sa min
> > dati dahil dito. Ang saya!!!
> >
> > Hindi pa 'yan kumpleto. Syempre meron din
> > tayong mga medyo weird na
> > laro. Isa na dito ang larong hindi ko alam ang
> > pangalan at hindi ko alam
> > kung paano ko ide-describe. Para 'to sa mga batang
> > lalake. Isang pinitpit
> > at pinatalim na tansan ang ikinakabit sa tali na
> > isinusuot naman sa mga
> > hinlalaki ng magkabilang kamay. Paiikutin mo ang
> > matalim na tansan na
> > parang chain saw, tapos itatapat sa kalaban mong may
> > hawak ding ganito.
> > Panalo ka pag napatid mo yung tali nung kalaban.
> > Talo ka pag tumalsik sa
> > mukha mo yung blade at sumirt ang maraming dugo.
> >
> > Kung mahilig ka sa mga brutal na kasiyahan,
> > pwede mo ring pagtripan
> > ang mga gagamba. Kailangan mo lang ng walis
> > tingting o stick ng banana-Q
> > at dalawang nagbubugbugang gagamba (disqualified
> > ang gagambang-alikakabok
> > at gagambang-talon). Kung gusto mo naman, pwede
> > ring pagpustahan ang
> > dalawang salagubang. Pagdikitin lang ang mga likod
> > nila ng nginuyang
> > bubble gum at ilapag sila sa sahig nang patagilid.
> > Kung sino ang unang
> > makatayo, yun ang panalo. Tiyak mag-e-enjoy ang
> > buong pamilya.
> >
> > Samantala, kung may ant farm ang mga taga-ibang
> > bansa, meron din tayo,
> > original at mas masaya pa. Madalas ako dating
> > mag-ipon ng ipis sa loob ng
> > bote ng softdrinks, o kaya naman, mga millipede o
> > garapata sa loob ng
> > transparent na lalagyan ng film ng camera. Pag sawa
> > na 'ko, binubuhusan ko
> > lang ng alcohol ang mga alaga ko. Minsan iniihian
> > ko para mas cool!
> >
> > Isa pang paborito kong laro e yung bangaw na
> > may sinulid. Humuli ka
> > lang ng malaking bangaw (yung makintab ang pwet) at dahan-dahan na
> > pisain ang tiyan nito. May lalabas na kulay puti sa pwetan
> > nito (na hanggang
> > ngayon e hindi ko alam kung ano). Dito mo itatali
> > ang sinulid, at presto,
> > meron ka nang kaibigang bangaw na pwede mong sundan
> > kahit saan!
> >
> > Sa mga kababaihan naman, hindi mawawala yung
> > aral-aralan,
> > bahay-bahayan, luto-lutuan, at yung mga papel na
> > manika. Eto yung mga
> > larong makalat, dahil pagkatapos, asahan mong marami
> > silang iiwanang mga
> > durog na chichiria, mga ginupit na papel, at mga
> > halamang hiniwa, tinadtad,
> > at niluto sa "bahay" nila. At syempre pag may
> > niluluto, may apoy. Madalas
> > nagsasabay yung lutu-lutuan at bahay-bahayan.
> > Naluluto yung bahay. Kaya
> > kaaway ng mga bumbero ang larong 'to.
> >
> > Marami-rami na 'yan, pero kung wala ka pa ring
> > naaalalang sinalihang
> > laro dati, malamang e ikaw yung loner na tipo ng
> > bata. Kuntento ka na sa
> > pamamakyaw ng mga maaalat na chichiria sa katabi
> > n'yong tindahan, o sa
> > pag-arkila ng mga Funny Komiks. Ayos na rin sa'yo
> > yung pagpapaikot ng
> > gulong sa kalsada, yung bang mga nakikita sa junk
> > shops. O kaya naman e
> > yung magnet, na ididikit mo sa kung saan-saan tapos
> > masaya ka na. Andyan
> > din yung pagpapaputok ng pinalobong plastic bag, yun
> > bang transparent na
> > plastic na pinaglagyan ng mga sibuyas na binili sa palengke. O kaya
> > e yung pagligo sa malakas na ulan, kasama na d'yan yung
> > karerahan ng bangkang
> > papel sa kanal at yung paglulublob sa baha.
> >
> > 'Yan ang pinagkakaabalahan ng mga bata. At ang
> > mga maririnig mo sa
> > kalye, ganito:
> >
> > May dumi sa ulo
> > Ikakasal sa Linggo
> > Inalis, inalis
> > Ikakasal sa Lunes
> >
> > (Hindi ko alam kung ano ang sikreto ng kantang
> > 'to, pero hindi 'to
> > pumalpak kahit kelan. Pag kinantahan mo ng ganito
> > ang bata, automatic na
> > pilit nitong tatanggalin ang dumi sa ulo n'ya, kahit
> > wala.)
> >
> > Wala sa likod, wala sa harap
> > Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo
> > Isa, dalawa...
> > (sisilip ang taya)
> > ...Game?
> > (Sisigaw naman ang isang tanga: "Game!" - -
> > s'ya ang kadalasan ang
> > laging unang nakikita.)

La Concordia
November 8th, 2002, 06:35 AM
English pala dapat dito.
Paki-translate nga. lol

GoldenDragon
November 8th, 2002, 11:18 AM
LOL !!! nakakatawa !!! cheers !!!


'am forever a beginner'

Galapong
November 11th, 2002, 05:27 AM
La Concordia,

Galing, nakakatuwa..magaling ka palang sumulat...

Keep em game and fighting

Galapong

VBalu
November 12th, 2002, 10:36 AM
La Concordia,

Nakalimutan mong isali yung libangan na panonood ng sine sa plaza.. Yung Black and White pa ang uso at may telon na inilalabas..
Lahat enjoy pati yung nagtitinda ng mani at mais na nilaga doon.. Never mind di pa uso ang Barbe que.. Camote Cue at Banana Cue ang uso noon at saka yung Cotton candy na ang tangkay ay yari sa papel na may free sa loob..
Or kaya yung supsupan ng ice drop ( ito yung ice cream on stick) bago pa nauso ang ice buko on sticks at magnolia twin popsies..

Yung languyan sa ilog at pagtalon sa tulay habang malaki tubig sa ilog.. naku the best yun.. doon ako natutong lumangoy..

Those were the days.. pre.. pero the kids now.. di na sila magenjoy without the computer games and yung mga toys ..

Tama ka , pwede siguro itranslate mo s English yung litanya mo sa taas. hehehe

VBalu

La Concordia
November 12th, 2002, 11:54 PM
Bago kayo matuwa ng todo. Di ako ang sumulat nyan. he he he. excerpt lang yan sa "Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?". Di ko alam kung sino sumulat.
Ang naaalala ko pa na libangan ko noon ay ang paglalagay ng pako(pinaka tare) sa tangkay ng dahon ng papaya at gagawin ko itong parang mga manok at pagsasabungin. he he. Paghihintay na mag-away ang kambing at ang aso. gawing flute ang tangkay ng palay o mga dahon. pag gawa ng swing o duyan na sako sa ilalim ng puno ng mangga. at pag nakupulot ako ng sinkong malaki na may lumot na ay aapakan ito sa lupa at iikutin ang paa para kumintab ito bago ibili ng dalawa singkong bagkat o kahit anong kending hubo eh hubad pala.
he he he

[This message has been edited by La Concordia (edited 11-12-2002).]

bvhal331
January 17th, 2004, 04:47 AM
:lol: Nice post, LC. It reminds me our younger years. We used to play almost all you'd mentioned above. Now, I'm feeling even more younger :D

DLANOD
December 17th, 2006, 04:54 AM
oo nga...sarap alalahanin nung bata ka pa! dati pagmay lata ka ng sardinas eh makakagawa ka na ng kotse-kotsehan! at tsaka maganda sa katawan natin ang mga laro noon dahil na-eexercise tayo. hindi kagaya ngayon na more on video games ang pinagkakaabalahan nila.

banderado84
December 17th, 2006, 05:16 AM
.....trumpo peybrit ko nung araw...... biyakan ng trumpo kung sino talo siyang bibiyaken...... at yung sipa....paltos ang talampakan abutin mo.....pero gandang ekskersayssss.....:D

ka emong
December 17th, 2006, 07:15 AM
AKO YUNG MANGINGILAW KA NG GAGAMBA SA BUKID... yung sa gabi ka manghuhuli kasi gumagawa sila ng bahay at madali silang mahuli kasi nga nakalabas sila...tapos pag walang mahuli,yung mga talong o kamatis sa bukid ang pag didiskitahan...syempre pag nahule ng may ari ng taniman habulang katakut takot hehehe...sabi nga ng awitin ng APO... mabuti pa nung bata masaya...

Budol_Budol
December 17th, 2006, 08:58 AM
sa akin tiraduran at espadahan....sa gagamba naman umaabot kami hanggang sa atomic research sa pag hahanap ng matapang na gagamba......higit sa lahat ang pinaka gusto ko rape-rape-an......he he he he

hennie
December 17th, 2006, 09:27 AM
basagan ng sigay, kalog ng panya at dinikdik na eagle ng singkong coin bago ipahid sa ulong may pomada bago ipasalat sa nagtitinda ng ice drop, "tao o ibon?" pag nagkamali sya, may libreng ice drop ka at balik sa iyo ang singko. pag lucky ka talaga sa araw na iyon, baka may nakasulat na "FREE" sa stick at syempre may ice drop ka ulit. at iyong pagbutas at pag-aalis ng laman ng pitugo bago lihain, drowingan ng water color at barnisan. pag tapos na, lalagyan ng kadenang maliit, isasabit sa sinturera at pupunuin ng ten centavo coins hanggang sa mapuno ang pitugo.

sidberm
December 17th, 2006, 09:42 AM
mga paborito ko noon trumpo,eskoter na yari sa tabla atmay bearings ng sasakyan,taguan pag maliwanag ang buwan hanggang madaling araw,pag-akyat sa mga indian mango ng mga kapitbahay sa gabi,giyera ng tirador kalaban iga kabilang barangay.

hennie
December 17th, 2006, 09:45 AM
pinakamaliit na points sa kalog ng kaha ng sigarilyo ay "Golden Coin cigarettes."

my favorite play is flying saranggola. i also love making parol out of cartolina and papel de hapon.

banderado84
December 17th, 2006, 10:04 AM
..... Hennie

....pitugo is buto ng indian mango? ..... ihip ng lastiko magandang laruin di nun hehehe saka buhol ng lastiko ..... ubos ang baon sa eskwela sa pabunot pag recess hahahahah .... :)

hennie
December 17th, 2006, 10:35 AM
preng max,

di ko alam tawag sa nut na iyon, pero sa tingin ko ay parang big buto ng nganga. tatalupan mo muna iyong green na balat na katulad ng pili nut. ang meat ay white.

elmosfire
December 17th, 2006, 10:42 AM
meron pa kayang pabunutan ngayon..naalala ko pa dati hehehe dapat matandaan mo kung san ka tumama ng bunot para pag nakita mo yung perehong pabunutan eh malaki tsansa mo na tamaan..nakakaaliw isipin. sarap maggala at maghanap ng sticks ng ice drop pag pinagdikit mo eh may bangka bangkaan ka na.
isa pa paglabas ng eskwela sa hapon laro ng patintero, taguan, tumbang preso..mas maige talaga laro noon kesa ngayon exercise wise di tulad ng mga bata ngayon nagtatabaan dahil lagi nakatutok sa computer games.

Budol_Budol
December 17th, 2006, 10:49 AM
kung gusto naming ng may thrill...mangunguha kami ng Bignay pugo sa forest tree malapit sa atomic research....kaya lang yong nag babantay nakakabayo...kapag nakita na namin na papalapit na si kuneho kahit mataas pa lundagan na takot mahuli....pag hinabol kami takbuhan sa iba ibang dereksyon pag ikaw ang pinagtuunan habulin tapos ka...kaya ang takbo namin papuntang pilapilan dahil hindi na makakahabol ang kuneho sa taniman ng palay....he he he he....minsan kasama naming nanguha ng sinegwelas americano at Bignay yong pinsan kong tulisan din....he he he he habang nangunguha kami ng bunga ng bignay....nangunguha naman siya ng kurakdeng sa mga lumang buwal na punong kahoy...hindi namin napansin na paparating na pala si kuneho...pulasan kami papunta sa pinsan ko sumisigaw pa ang kumag ng "Tangna nyo huli na kayo"! sabay labas ng pinsan ko ng itak nya sabay harap ke kuneho......he he he he....biglang pihit pabalik ang kuneho muntik ng bumaliktad...meron pa kaming pinag kakatuwaan...kumukuha kami ng bubut na mangga sa bakuran ng UP vetinerary....maraming nanghahabol na baka sa kural nito kapag nag suot ka ng pulang t-shirt.....ginagawa namin nag papahabol kami sa mga toro papuntang puno ng mangga....kailangan mabilis ka ring umakyat dahil kapag inabutan ka luray luray ka....ang kaso yong kalaro ko nadapa habang hinahabol kami ng toro kaya yon punit punit sya.....tinigilan lang siya ng pag babatuhin namin at kami naman ang balingan....puro galos at paga ang inabot nya....he he he he.

banderado84
December 17th, 2006, 11:06 AM
BB....... mukhang ang lawak ng libangan nyo nun heheheh parang nawawala ng mga native trees ..... dagta ng Pandakaki madaling pampasakat sa Etits bago ka tuliin heheh..... para hindi maging sungaw ang tule :D ...... nakupoooooo naalala ko yung pangangamatis heheheh :eek:

dotman
December 17th, 2006, 11:28 AM
Nice post, CABayang LC. Brings back not-so-distant memories. Naalala ko pa na pati yung cover ng sigarilyo ay pinaglalaruan namin nuon. Mas malaki ang halaga kapag blue-seal. Kung saan-saang basurahan kami nakakarating para lang mangolekta nito.

Marami pa kayang isdang kanal sa may sapa dun sa talipapa? :)

Budol_Budol
December 17th, 2006, 11:33 AM
preng MAX....mga gala kami noong ng aking mga barkada....pitong taon pa lamang kaming mag kakaklasmeyt nakakarating na kami kung saan saan....iyang araneta nilalakad lang namin iyan sa pamumulot ng kaha ng sigarilyo....namimitag din kami ng tarat dati diyan sa Quezon circle dati ang paligid nyan puro palayan.....nakakaabot din kami ng tiraduran sa barrio ng sikatuna village at malapit sa may bago bantay....pero ang paborito naming puntahan pag summer ay ang swimming pool sa balara....pero pag ganitong mag ki-kristmas ay sabahay ni FPJ dyan sa marilag ata o maginhawa st, sa teachers village....namimigay kasi ng regalo.....pero pag hindi ako nakatanggap ng regalo sa kanya ang pag didiskitahan ko yong alaga nilang malaking hito sa labas...isang holen ka lang patay siya......he he he he.

banderado84
December 17th, 2006, 11:47 AM
.....pareng BB....maluwang pala talaga heheh.... una yata gawin dyan sa mga proj 8 hangang proj 2 bago naging Cubao hane? ..... nasubaybayan mo ren yatang mga Lo waist gang nung araw hehehe.... Pandong Asintado heheheh.... limot ko na mga torya nun...... kilala mo ba si Poder? ..... naitanong lang :cool:

Budol_Budol
December 17th, 2006, 12:10 PM
preng MAX....hindi ko na inabot yaang lowes gang ang natatandaan kong mga kababag ng mga utol ko ay sila Boy Golden nakikita kong barkada ni utol ay si MAMAW pero off-limits sila sa bahay....baka tompsonin siya ng erpat ko....he he he he.

JuryRudy
December 17th, 2006, 03:40 PM
luksong baka, teks, batbatan ng trumpo, saputan ng gagamba at dogfyt ng saranggola ang madalas na laro ko noon.

rapido7
December 31st, 2006, 02:18 AM
:)

hennie
December 31st, 2006, 01:41 PM
manghuli ng tutubi at mamitas ng aratiles sa la loma at north cemeteries.:)

hennie
December 31st, 2006, 01:50 PM
nung grade 3 ako, ang numbers na ginagamit sa palabunutan ay ginupit na numero galing sa kalendaryo. would you believe na sa edad na nine years old, iyong classmate ko ang ginagawa ay gumugupit din ng numero sa kalendaryo na kamukha ng nasa palabunutan? gagawin nya, pagbunot ng numero, isisilid na nya iyon sa bulsa at ilalabas naman iyong numero na katapat ng sa gusto nyang premyo. jackpot!!!

BANDERADO
December 31st, 2006, 01:50 PM
...hennie ang premyo yung lobong pinaka malake lol.....magka beke ka pa sa pag ihip lol



http://images.encarta.msn.com/xrefmedia/sharemed/targets/images/pho/t048/T048749A.jpg

alimbuyugin
December 31st, 2006, 02:12 PM
meron pa ung tayaan sa itaas ng puno ng mangga,ang bumaba ay atomatik na taya, kaya dapat pagalingan sa pag-akyat...tatsing ng kitse o tansan ang bato kahit ano...

sonny_padilla
December 31st, 2006, 05:51 PM
Happy New Year To All !!

pontengwhite
December 31st, 2006, 08:23 PM
Mga Kasama,

Kung meron Theme Song ang thread na ito ay ang " In My Life " ng Beatles. Akmang akma. Sige kantahin nyo.

" there are places I remember, all my life though some have change - some
forever not for better"

PontengWhite

DINOPATANI
January 5th, 2007, 07:47 PM
bahay namin likran ay pampang ng ilog.............. madalas kami laro ng pukol.......... basang buhanging na mapino, gagawing bola-bola pagulungin sa mapinong alikabuk............ at maglalaban ng banggaan, we-he-he-he............... kung magaling kang gumawa, tigas eto ng husto........... maraming matatalo.............

sa gabi pag maliwanag ang buwan........... tagu-an........... pero mga pinsan ko.............. ang tanim na kamote at mani sa tawid ng ilog.............. te-he-he............... nilalaga namin ang makuha nila............ di kaya pag tymepo ng maize, o di kaya............ pakwan...........

sa skul naman.............. lastiko............ jolens................ sigay............... tansan......... we-he-he........... kaya lang me kasamang palo sa puwet pag nahuli ng maestra........

cccforevergold
January 5th, 2007, 10:10 PM
Buong kabataan ko ay pastol ako ng kalabaw namin pagligo ng kalabaw sa ilog ay ligo din ako. Usong uso pag may sumisid ay naniniktik ka ng bato napakasakit sa tenga non pag nasa ilalim ka, wag ka lang pahuhuli na ikaw ang nagtiktik my kutos ka tiyak.

hennie
January 6th, 2007, 04:14 AM
suggestion ko na theme song..."those were the days..." :)