PDA

View Full Version : Kung maibabalik ko lang!!!!



king_ed
December 4th, 2003, 01:21 AM
anong panahon kaya ang mas maganda ang pamumuhay ng pinoy?

simulan natin sa panohon ni makoy hanggang ngayon ha

donnie
April 26th, 2007, 08:23 AM
sinong presidente nga ba ang masasabing nakapagbigay ng magandang buhay sa ating mga pilipino

RENEGADE
April 26th, 2007, 09:20 AM
palagay ko paganda ang buhay ng pinoy...nasa nagdadala lang yan...kasi meron akong alam nagtitinda ng fishball nakapagpaaral ng nursing at engineering....may cell phone pa...noong panahon ni Marcos kaya ba ito?

DR ENKWENTRO
April 26th, 2007, 02:29 PM
[quote=RENEGADE]palagay ko paganda ang buhay ng pinoy...nasa nagdadala lang yan...kasi meron akong alam nagtitinda ng fishball nakapagpaaral ng nursing at engineering....may cell phone pa...noong panahon ni Marcos kaya ba ito?[/quote

PARE IKAW NAMAN! SA PANAHON NI MARCOS WALA PA NAMANG CELL PHONE AT SA PROVINCIA NGA NAMIN NUN WALA PARING TELEPHONO. ETO NAMAN ANG ANG SA AKIN, NUNG PANAHON NI MARCOS BASTA MASIPAG KANG MAG-ARAL MAKAKATAPOS KA NG PAG AARAL DAHIL MURA AT LIBRE LANG. SA PANAHON NGAYON MERON PA KAYANG LIBRE!

Boy London
April 26th, 2007, 07:03 PM
gumaganda ang lagay ng tao pinas habang tumatagal... kahit pa ito mabagal ang pag isod.. akalain ba ninyo na noon kodak lang gamit ngayon digital na .. na kahit mag sasago o mag bobote may hawak na cell pone na heheheheheeh noon araw lata lang ng darigold ang pone ko heheheeh ngayon milo na waaaa..

KesheJe
April 26th, 2007, 09:53 PM
RENEGADE

Boss talagang hindi kaya ito nong panahon ni marcos dahil hindi pa naman Uso ang
Cellphone nuon eh.. Kailan lang ba lumitaw ang mga yan?





palagay ko paganda ang buhay ng pinoy...nasa nagdadala lang yan...kasi meron akong alam nagtitinda ng fishball nakapagpaaral ng nursing at engineering....may cell phone pa...noong panahon ni Marcos kaya ba ito?

coolchico
April 26th, 2007, 10:06 PM
palagay ko paganda ang buhay ng pinoy...nasa nagdadala lang yan...kasi meron akong alam nagtitinda ng fishball nakapagpaaral ng nursing at engineering....may cell phone pa...noong panahon ni Marcos kaya ba ito?
sir sa pagkakaalam ko at totoo naman, kung bubuklatin mo ang utang ng pilipinas sa ibang bansa (usa ect.) noon panahon ni macoy eh bilyon palamang at ng mapalitan sya ni cory naging trilyon, so dun palang masasabi mo na masmaganda nung panahon ni macoy kesa ngayon na ang utang ng pinas sa ibang bansa ay mahigit pa sa trilyon, at may napanood din ako na interview sa matandang Ayala, na sinasabi nya na pera mismo ni macoy ang ginagamit para mapaunlad ang pinas, tungkol sa kurakot, wala nangungurakot non dahil pinapapatay ni macoy yun, at malaki ang buwis ng mga negosyante,
noong 2005 hindi pa tayo kasama sa 9 most corrupt country, pero ngyon 2007 tayo na ang top.

JOJI BINAY
April 26th, 2007, 11:19 PM
hindi kaya ang salitang ito ang kailangan para tayo maisalba sa ating kahirapan:D SAKLOLOOOOOOOOO :D

leontigre_atbp
April 27th, 2007, 05:05 PM
RENEGADE,

Mahirap yatang pag ka-isipin na isang mag pi-fishball ay makapag paaral ng nursing at engineering courses...anong klaseng fishball ba yan??? baka naman may shabu sa loob!? hehehehehe...sa aking pag kakaalam ang tuition fee ng nursing ay 25-30K per semester sa isang average nursing school i dagdag mo pa yung other expenses ng isang student ..engineering course ok lang may mga school katulad ng T.U.P., P.U.P etc.na mababa ang tuition fee.. o baka mga scholar ang mga bata dahil sa angking talino...hindi ko minamaliit ang mag tinda ng fishball...pero doon lang tayo sa realidad....opinyon lang.

donnie
April 27th, 2007, 09:53 PM
nuong araw ang 400 pesos mo pwede ng pang board and lodging ng isang buwan ngayon pamasahe mo na lang ito kung malayo layo pa biyahe mo baka di pa makabalikan ito

ang tuition fee mo malaki na ang 1000 piso ngayon halos 10 doble na sa patuka na lang nuong araw me mabibili ka pang 7 pesos maganda ng patuka ito ngayon sa 20 na pataas

silver2dmoon
April 27th, 2007, 11:24 PM
doon sa lugar na makaka pag bigay sa akin ng mas maraming $$$.

RENEGADE
April 28th, 2007, 03:44 AM
RENEGADE,

Mahirap yatang pag ka-isipin na isang mag pi-fishball ay makapag paaral ng nursing at engineering courses...anong klaseng fishball ba yan??? baka naman may shabu sa loob!? hehehehehe...sa aking pag kakaalam ang tuition fee ng nursing ay 25-30K per semester sa isang average nursing school i dagdag mo pa yung other expenses ng isang student ..engineering course ok lang may mga school katulad ng T.U.P., P.U.P etc.na mababa ang tuition fee.. o baka mga scholar ang mga bata dahil sa angking talino...hindi ko minamaliit ang mag tinda ng fishball...pero doon lang tayo sa realidad....opinyon lang.
leon, Pare ang sinasabi ko noong early 90's ang tuition ng nursing wala pang 10k/sem sa probinsya namin at ang engineering wala pang 1k/sem, ang kinikita ng magpi-fishball na ito nasa 300pesos/day bakit hindi kaya? siya nga pala hindi lang fishball ang tinda nya meron ding squidball:D

cool, sa palagay ko wala naman kaugnayan ang pag-asenso ng isang pinoy sa utang ng gobyerno natin diba? dahil kung ibibintang na lang natin sa mga nangungurakot na politiko ang hindi pag-asenso ng indibidwal na pinoy ay mahuhuli ka nga....

kesh, boss hindi cell phone ang subject dito kundi ang buhay noong panahong pagkalipas ni Marcos.:)

Ang buhay sa Pilipinas magaan, kita mo mga tao nagtotong-its lang kahit walang trabaho, kaya ang mga mahihirap kahit saan meron iyan, kahit dito sa america maraming homeless at namumulot ng bote...pero walang cell phone:D

BANDERADO
April 28th, 2007, 03:48 AM
BL kung sayo Darigold......... lata naman ng Liberty pon konun heheheh .....

Boy London
April 28th, 2007, 04:05 AM
BL kung sayo Darigold......... lata naman ng Liberty pon konun heheheh .....


waaa nahahalata ang mga matatanda hehehhhehe

donnie
April 29th, 2007, 12:55 AM
masasarap na condensed milk yan lalo na ilalagay sa tinapay at ang inumin ay chocovim

ligas_paka2006
July 2nd, 2007, 02:52 PM
:D

edwin
July 3rd, 2007, 12:57 AM
Meron nga akong nakitang pulubi nanghihingi ng limos sa may likod ng UST biro ninyo may dalawang anak iyon ang isa ay nasa La Salle at ang isang nasa Mapua.........
Sa harapan nga lang sila ng mga school na ito at nanghihingi ng limos he-he-he.

Mga early 90's meron akong nakitang matandang sabungero sa Pampanga naka sombrero may tabako, may cell phone at may beepers pa pero naka tsinelas lang at puro alikabok pa ang paa.

0.65 cents lang ang jeep ng panahon ko, P 1,350 ang tuition fee at P100 pesos lang ang boarding house kaya lang 15 yata kami sa 2 bedroom apartment he-he-he pero kapitbahay namin si Tetchie at Eula Valdez he-he-he.

^/
(",) Candaba Square Garden

bak_dat_ass_up
July 3rd, 2007, 03:11 AM
problema talaga natin para sa akin ay yung populasyon natin...
sa dami ng tao sa pinas, wala nang mapagtamnan ng palay...
parang virus lang yan eh... hehehe

BullRider
July 3rd, 2007, 05:06 AM
sa panahon ng panunungkulan ni makoy..

sa cebu ako noon..pamasahe in the city is 25cents..lodging ko is 10pesos..tuituion ko for
one semester is the cost of one Rado (Captain Cook) wrist watch which is 350pesos..

kayo na ang mag evaluate.. masakit sa ulo na!!! dalawa ang nasa kolehiyo ko sa
LaSalle-Araneta, isang Vet-Med at isang psychology.. and both are graduating this
school year. hopefully they'll make it to the roll of graduates.. malaki ang gastos pero
nairaraos naman kaya lang higpit sinturon ang bihirang-bihira ang pagsasabong.

OK nalang sa pagbitaw-bitaw ng mga panlaban..

BullRider

ccanlas1153
July 3rd, 2007, 07:00 AM
Noong nag aaral pa ako sa FEU may nag titinda ng balut sa gate si aling Pilang,Sabi sa akin ng mga tambay doon.Tingnan mo si Aling Pilang kahit gaganyan ganyan iyan may anak sa UP at Ateneo,Oh really!! sabi ko ano naman ang course?Hindi nag aaral nag titinda din ng balut. joke-joke-joke..