PDA

View Full Version : Pasali Naman Kami, Taga-batangas City

Pages : [1] 2 3

leetswin
December 10th, 2003, 01:02 AM
:rbounce: MGA DRE, MAY KASAMAHAN GA AKO DITO SA SITE N TAGA BAYAN NG ALE EH?!:)

balisong2
December 10th, 2003, 01:41 AM
Balisong here...

Batangas City minutes from BSU.

batangenoSaLA
December 10th, 2003, 02:25 AM
ala'y kumusta ga kabayan:rbounce: kumusta na ang pasabong sa Balagtas, Santa Rita At SAn Pascual?

I.C.F.
December 10th, 2003, 06:28 AM
leetswin,
Saan ka ba dyan sa atin, anong st ka ba san ka ba graduate ng high school and college para ma trace namin ako ay malapit sa balgtas complex, oh sige kabayan chicken talk tayo, asan ka ga ngayun hehehehehe.....madami tayo dito.

I.C.F.

gamecock96
December 10th, 2003, 07:56 PM
Pre, di ako tumitira sa batangas pero sa batangas may konti kaming negosyo at syempre manok. Lumalaban kami sa balintawak as pa minsan minsan san pascual at sta. rita. Entry name. Pangao kampit and or Malarayat

Al

leetswin
December 10th, 2003, 11:36 PM
balisong2,
dre, sang campus, main ga or alangilan? malimit kc ako alangilan.

batangenoSaLA,
dre, ayos na ayos pa din ang sabong dito. dapat nga lang eh talented ang mga panlabang manok ngayon dito sa atin para lumaki ang chance na manalo. madami na kc magagaling. musta dyan, wala ka ata mapuntahan dyan n sabungan?!

I.C.F.,
dre, it's nice to hear na marami tayo d2, ok na ok! d2 ako sa banaba east. malamang nakapunta ka na d2. graduate ako ng pbmit ng highschool, t.i.p. ng college. d nga ako masyado makapasyal dyan s balagtas complex, busy s trabaho, pag wala nman trabaho, asikaso ng manukan. nakikibalita na lang sa mga tga dito sa amin, suki ng balagtas. chicken talk, nagbi breed k rin ba?

gamecock96,
dre, nakikita ko nga entry name nyo. sa experience nyo, san medyo magaan ang labanan, sa batangas ba or sa manila? san ang source ng manok nyo, palahi nyo ba?

malalim
December 11th, 2003, 12:11 AM
Sa Bgy Malalim kami, pagitan ng San Isidro at Mahabang Dahilig.

Lumalaban ako sa Sta Rita, sa San Pascual at minsan sa Balagtas (kaso mahina ang sultada, ibang sultada ang malimit mangyari pag pumupunta kami dun :)). Pero medyo matagal tagal na rin na hindi napapalaban kasi lugon ang mga manok...

Malamang pagkatapos ng mga laban dito sa Maynila, laban uli sa Batangas. Kakilala ko si Jun Villena ng Sta Rita Cockpit.

Entry name ko ay RCE Malalim.

gamecock96
December 11th, 2003, 05:32 AM
Pre,
Hehehehehe, sa pangit ng manok na nilalaban namin, hindi namin bibilhin yun hehehehehhe( karamihan off colored). Mga palahi rin naman.
Anyways, i think para sa akin eh may hiyang na sabungan. Kahit na di naman matitigas manok napakahirap manalo. Dyan sa San Pascual, sobrang tigas tingin nila sa amin dyan kasi palaging kalaban namin dyan si Lani. Sa Balintawak din, lahat na doon nabangga namin dati, although kahit sobrang titigas nila, tatapang naman nila lahat sa laban, lumalaban ba naman ng maliit sila kasi off colored manok namin. Yun di OK resulta. Sa manila naman i would think pareho na rin kasi mga mananabong sa manila eh namimili naman ng manok so pili rin nilalaban nila. Pre pare pareho lang yan, kahit sino mabangga natin, manok lang naman napapalaban.

Al

yan si roy (malalim) mas malapit sa iyo yan. mabait yan (pag tulog) hehehhehee

larry
December 11th, 2003, 05:35 AM
ISA PANG DUGONG ALA- EH ARE, BORN SA MUNLAWIN, ALITAGTAG , BATANGAS ,ALITAGTAG ANG NANAY KO AT TAGA MABINI ANG TATAY KO. LARRY MEDRANO DELMUNDO... KUMUSTA SA INYO MGA KABAYAN , MAY MGA MANOK DIN AKO DIYAN SA P.I. , NASA NEW JERSEY AKO NGAYON. MAYROON AKONG POST SA GALLERY UNDER LARRY ... SALAMAT MGA KABAYAN..

balisong2
December 11th, 2003, 05:56 AM
leetswin,

Malapit kami sa main campus. Doon lang kami sa may stadium, malapit kina Jun at Tek Villena.

Both sa Balagtas at Sta. Rita inilalaban ang mga manok namin under entry name Alhambra. Kung malimit ka sa Sta. Rita noong 90's, si Tikbalang ang tagabitaw namin.

Balisong

gamecock96
December 11th, 2003, 05:56 AM
Punta ka sa mga kitakita ng mga taga New Jersey/New York area. Maraming mababait dyan na kaibigan natin although wala akong alam na taga Batangas dyan sa kanila. Nag popost sila dito ng kitakits nila, Im sure pag nagkaroon niyan eh welcome ka pumunta.

Al

Mga east coast guys, inunahan ko na kayo.....

agieto
December 11th, 2003, 11:44 AM
Isa pa are, tga Malabong.

josabb
December 11th, 2003, 12:05 PM
pero nag-asawa ng batangueña...diyan ako sa batangas city, arce subd...taga saan ka leetswin?

linggo-linggo ako nasa sabungan...diyan sa sta rita at san jose, mataas kasi premyo sa 2-cock ngayon sa san jose, bagong bukas.

Nauwi ako diyan sa atin pag-weekends lang dahil sa manila ako nagtra-trabajo. call me 300-3772...

josabb

mag-barik ng katamtaman laang...

Torpas
December 11th, 2003, 07:01 PM
Ako naman dugong malambing na nakapag asawa ng taga San Miguel, Bauan. Palagi ako dati sa Sta Rita at paminsan minsan sa Sn Pascual bago ako napunta dito.

Josabb, saan ka sa Fairview? Taga Lagro ako.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.

leetswin
December 12th, 2003, 12:36 AM
:rbounce:

malalim,

pinsan! ebora din ako. tga malalim din ang father ko. bka ikaw yung may mga manok dyan malapit sa mga kuya bugoy?! sabi kc magaganda daw manok don,yon din ang balita ko na may magagandang panlaban.bka s inyo yon?! correct me if i'm wrong. thanks

gamecock96,

dre, giant killer k pla di2 s batangas! bka nman madala kalaban nyo pagka ganyan, bka d n kyo labanan!

bkit mo nahiligan maglaban ng mga off colored, di k ba mahilig sa magagandang manok?

dre, sigurado mabait nga yang c roy(malalim). kamag-anak eh!!! hehe...

larry,

kabayan,malayo k nga.nkaka miss din mga manok pagka ganyan. nagbabalik bayan k p g? ingat n lang dyan,God bless...

balisong2,

dun g s de joya bay view or dun sa hilera dun nina capt. racimo? san galing mga panlaban nyo, palahi mo n? nsa batangas k g?

agieto,

dre, hindi g ako pamilyar sa malabong san g dito sa atin yon?

josabb,

dito ako sa banaba east. pamilyar k g sa lugar nmin? ang arce subd. nga ay dyan malapit sa U.B., di g?

buti pa kayo, enjoy nyo na ating favorite sport! nkakapaglaban malimit. di p kmi masyado makapaglaban ng kabakas ko sa manukan, kulang pa kc ang bala(capital).hehe...

hindi ka ba nahihirapan maglaban dyan sa san jose, hindi lang manok ang magugulang, kasama na pati mag-uulot? lamang na sila sa laki, di ka p labanan! mas ayos ata sa sta. rita lalo pag s umaga, ayos din premyo. palahi mo n ba mga panlaban mo?

try akong tawag s u, chicken talk tyo... thanks

torpas,

dre, nkk-miss din cguro ang manood ng naglalabang manok ano? ingat n lang dyan, God bless

h-manokis
December 12th, 2003, 01:15 AM
from the bulalo town of batangas..ala eh sto.tomas........:hombre:

JBAB_ALAS
December 12th, 2003, 05:03 AM
Mga igan,

Ala eeeh, ay cya , dine la-ang pala kayo. Akoy tubong negros na nakapag asawa la-ang ng taga Batangas.

Tanauan po ang bahay ko at akoy gustong magkaroon ng mga igan na taga batangas kung inyong marapatin.

Di-yan la-ang po ako sa Calamba, Malvar at Talisay lumalaban at ang entry name ko ay santor JB or JB Santor.

Ay sya mga kabayan pagpasensyahan nyo na la-ang po ako at trying hard po. Sana magkaroon ako ng maraming kakilala diyan para makapamasyal din sa ibang sabungan pag uwi ko diyan.

Best regards,

jbab:rbounce:

agieto
December 12th, 2003, 12:10 PM
leetswin,

sa Brgy. Duhatan, Lipa City

malalim
December 12th, 2003, 12:35 PM
leetswin,

Katabi nga ni Bugoy yung manukan ko. Roy Ebora ang pangalan ko.

Tungkol sa magagandang manok, di tutoo yun bili lang sa tabi-tabi karamihan dun...tsaka maraming mga white leg horn dun...

Marami pang taga batangas dito...si clear cut sa San Miguel, kabila ng malalim. Si La Concordia sa Alitagtag.

rocad47
December 12th, 2003, 07:44 PM
tubong San Juan,nakatira ngayon sa Angono Rizal.Kumusta na kayo mga kabayan....

leetswin
December 13th, 2003, 11:23 PM
malalim,
san k malimit maglaban ngayon? kilala ka ng kuya edwin ebora. siya ang kabakas ko dito sa maliit nmin na farm. nakakalaro mo daw sya ng basketball pag nagbabakasyon k dati sa malalim. nakapagtanong n din dati sa kanya ng manok ang father mo kaya lang wala pa kami manok nung time na yon.

JBAB_ALAS,
dre, welcome ka dito sa batangas city!

agieto,
sa lipa pala. mdami magagaling na manok dyan.

rocad47,
dre, san juan? marami kaming mga kamag-anak dyan, mga ebora.

rhhoney
December 14th, 2003, 03:34 PM
Mga Kabayan,

Di ko mapigilang di sumali sa inyong usapan. Nakaka-miss tuloy ang sabong dyan sa Pinas.

Ako'y taga dyan lang sa San Pascual, sa may kanto ng Caltex. Malapit ang bahay namin sa sabungan ng Sta. Rita at San Pascual. Araw-araw din akong laman ng mga sabungan dyan noong nasa Pinas pa ako.

May maliit din akong manukan dyan sa Pinas. Alam kong marami pang mga Batanguenyong miyembro sa web site na ito kaya mga kabayan lumantad kayo at makipagkumustahan.

Mabuhay ang sabong!:rbounce:

leetswin
December 14th, 2003, 11:44 PM
rhhoney,

dre,medyo nga nakakamiss yang ganyan pero ika nga konting sakripisyo para sa pamilya. maswerte ka p nga,andyan k, yung iba gusto makaalis, di nman swertehin. visit k n lang lagi sa site para maaliw. pag balik mo naman,enjoy mo na favorite sport natin.ingat na lang dyan, God bless:)

rhhoney
December 15th, 2003, 12:15 AM
leetswin,

thanks for the response! sa ngayon nga dito na lang muna ako nagsasabong sa site na ito, di lang makapusta! araw-araw talaga akong bumibisita sa sabong.net.ph. minsan ay nagsi-share din naman tayo sa gallery para naman ibahagi sa mga kakmets natin yong ating munting nakayanan sa pagmamanukan.

sana ay dumami pa ang mga Batanguenong makipagkumustahan sa atin sa thread na ito.

God bless.

gamecock96
December 15th, 2003, 07:54 AM
Meron ba dito sa site na sumali or gustong sumali sa BBC or batangas breeders club. Kasi recognized na organization na ito pati ng bakbakan. Pwede kayo mag pa band dito. Just contact Mr. Fred Katigbak teka, di ko alam contact no. kaya hahanapin ko muna. Baka si Roy alam

Al

h-manokis
December 15th, 2003, 12:22 PM
:rbounce: LAGKITAN...ANGEL....pag akoy lumaban.......:hombre:

La Concordia
December 15th, 2003, 01:01 PM
ala eh present!!
how are you ga?

taga Concordia, Alitagtag, Batangas ako. nama mang-us ng matam-is na tubo habang naka upo sa tagurtor at nakatingin sa mga manok para makatakas sa ling-gal ng buhay sa bayan.
sa bukid ay mapanglaw pero masaya ang mga manok, sa bayan ang manok ay naliban sa karsada kaya nagigiik ng dyip.
sa linggo ako ay nauwi sa bayan at pagkatapos magpa-gupit at magpakuha ng larawan ay magha halo-halo at aahon na.

he he he, anla eh kagaling.:D

leiper
December 15th, 2003, 03:11 PM
kabayan.......

balayan/san luis .. meron pa bang manok banaba sa atin?

La Concordia
December 15th, 2003, 04:41 PM
larry, pinsan,
taga concordia ako katabi ng munlawin, ang father ko ay delmundo ang middle name at medrano ang family name.
small world.

JBAB_ALAS
December 16th, 2003, 01:07 AM
h-manokis,

baguhan lang ako dyan sa Tanauan. Sa Negros talaga ako lumalaban kaya alaitz pa ako mga kakilala dyan maliban ang taga sa amin. May mga 3 beses lang akong sumali dyan sa calamba nung umuwi ako pero naglalaban kami dyan ng regular sundays.

Sana kitakits tayo pag uwi ko.

regards,

jbab

xrhomelpnoy
December 16th, 2003, 12:44 PM
mga pre taga ibaan ako..........naglalaban din ako dyan sa balagtas, san pascual, ibaan etc.........tibolee entry name ko..
musta na sa inyo lahat..........

malalim
December 16th, 2003, 01:41 PM
Mga Kabayan,

Yung mga gustong sumali sa Batangas Breeders Club, paki-txt or tawagan niyo si Mang Fred Katigbak, siya ang presidente nito.

Tinanong ko kung pwede bang i-post ang kanyang number dito at sabi niya ay oo.

Ang cellphone number niya ay 0917-5274056. Yung mga stags na wing banded ng BBC ay accepted sa Bakbakan.

Katulad niyo hindi pa rin ako miyembero nito, nag-iisip pa ako kung sasali din ako.

don2md
December 16th, 2003, 07:26 PM
HEP! HEP! ALA EH! HORAY NGA! bwehehehe!

Kumusta mga kabayan? Pagkakagaling nito ah! Kadami pala dineng taga Batangas. Taga Lemery ako, meron ga diyang medyo malapit-lapit ng kaunte dine? Sinsay muna't makapag-kape!
:D

Dondon :cool:

rhhoney
December 16th, 2003, 07:32 PM
don2md,

Saan ka sa Lemery? Medyo malapit lang tayo. Nakakapagsabong ka din ba sa San Pascual, Sta. Rita at Balagtas? Taga San Pascual ako!

don2md
December 16th, 2003, 11:19 PM
rhhoney,
Bayan mismo ako ng Lemery, malapit sa McDonald and Jollibee. Minsan lang ako nakakadayo sa San Pascual at Santa Rita. Madalas ako dito lang sa Lemery, Taal at Calaca, minsan sa Balayan din. Malapit kc dun ang Farm ko, sa Arumahan.

Dondon

JBAB_ALAS
December 17th, 2003, 12:28 AM
don2md,

galing kami diyan sa Indiana nung lingo, taga riyan sa valparaiso me ari ng manok na gagamitin namin sa xmas derby ngayong sabado sa KY.

Dito lang ako sa IL. baka gusto mo rin pumunta pwede kita daanan pagka hindi out of the way papunta KY sa inyo. 5cock sasalihan namin and we are fileding two shows.

Sya igan sabihin mo laang kung may time ka sa weekend.

regards,

jbab:rbounce:

don2md
December 17th, 2003, 10:32 AM
JBAB,

OK na OK ako dyan! Dito ako sa Schererville, san ba ang daan nyo papunta KY? Pa-drop na lang ako sa kapatid ko para meet ko kayo. Tagal na din ako nde nakakarinig ng tilaok ng manok, hehe. Salamat parekoy sa imbitasyon. Ano oras nga pala ng alis nyo? :rbounce:

Dondon :rbounce:

JBAB_ALAS
December 17th, 2003, 12:50 PM
don2md,

tawag mo ko pre sa cell # 773-983-3149. Alis kami ng friday afternoon tapos balik sa sunday afternoon kasi meron akong apat na farms na bisitahin.

Yung iba sa saturday around 4am alis tapos balikan lang after the derby.

call me & we'll work it out.

regards,

jbab

apache phoenix
December 17th, 2003, 04:16 PM
Hello Batangueno Cockers...

Tubong iloilo po at nakapag-asawa ng taga Lian, Batangas.
Doon na ako nakatira. Sitio Hukayin, Bgy.Kapito, Lian, Batangas.

Merry Christmas sa inyong lahat...

ApachePhoenix
"What Dreams May Come"

don2md
December 17th, 2003, 04:29 PM
Apachephoenix,

Parekoy, Meron ako kilala dyan sa Lian, mga Villadolid at Limon, Nag-duty kasi ako dyan sa Nasugbu. Sarap ang merengue dyan! hehe, San ka ba ngayon?

Dondon :cool:

leiper
December 17th, 2003, 05:34 PM
apache phoenix, don2md ...tatlo na tayo na taga 1st district. may mga kakmeyts din tayo sa nasugbu, tuy at calaca.

don2md
December 17th, 2003, 06:23 PM
Leiper,

Parekoy, san ka sa Balayan? Kelan ka pa dyan sa Cali? Madalas kami maglaban sa Calaca, dumadayo ka din ba doon?

Dondon :cool:

freddie
December 17th, 2003, 10:25 PM
Alae pasali na rin dyan kahit ko di taga-batangas ay, ba't di nyo subukan sa pasig square, cainta, angono o tayuman, magaganda laban dine, nakakasa ang pusta! Taga-Visaya ini, hehehehe,,,,,,para malipay!!!!:lol:

leiper
December 18th, 2003, 03:34 AM
don2md....

marami akong kilala dyan sa lemery. born ako sa botong,taal at san luis ang mother ko. 1982 pa ako dito at sa calaca at palico ako nag sasabong pag nauwi sa pinas. sa mismong bayan ako ng balayan .

larry
December 21st, 2003, 07:36 PM
MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA INYO MGA KABAYAN.....................

leetswin
December 22nd, 2003, 07:59 AM
mga kabayan,

greet ko din kayo ng MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON!!! may the SPIRIT of CHRISTMAS be with us all...

larry,
sir, ang gaganda naman ng mga broodfowls nyo na mga bruce burnette. sana makita ko sa laban ang mga palahi nyo pag nag testing kayo dito sa atin! MERRY CHRISTMAS!!!

larry
December 22nd, 2003, 09:32 AM
Sa January 25 maglalaban ako ng dalawa sa PASIG SQUARE GARDEN.Kahit wala ako dyan sabi ko sa mga tao dyan, ilaban ang DEMOCRAT, AT ISANG SWEATER para masubukan naman ang lahi.HAPPY HOLIDAYS ULI SA INYO DYAN. AT KONTING HINAY SA PUTO BUMBONG PAG SIMBANG GABI..............

larry
December 22nd, 2003, 09:36 AM
LA CONCORDIA, PINSAN MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR SA IYO AT SA IYONG PAMILYA........................................... ........................

I.C.F.
December 22nd, 2003, 10:01 AM
hehehhe maligayang pasko at manigong bagong taon sa lahat ng ating mga kabayan dito sa site....
Happy sabong pasalta sa bagong taon..

kabayan(Tingga ,batangas ct)
I.C.F.

gamecock96
December 22nd, 2003, 10:22 AM
Maligayang Pasko sa lahat ng mga kabayan ko dito. Ako sa manila ako nakatira pero madalas martes eh nasa lipa ako. Sanay may ma meet ako sa mga nag popost dito..

Al

reongmanchi63
December 22nd, 2003, 11:47 AM
Mga Kabayan,
Ang tagal ko nang namamasyal dito sa Sabong Ph ngayon ko lang nalaman na marami palang kabayan dito.Kumusta na kayo dyan sa Cumba at Bolbok Lipa City?Namimiss ko na Batangas at ang mga manokis ko dyan.Wala pa kasi akong makitang manok dito sa Oregon USA. Baka meron tiga Portland Oregon dyan na mga kapatid sa sabong magparamdam naman po tayo pati na rin yung mga tiga-Washington State para magkaroon din tayo ng kitakita kits..Pwede pa ba sabong dito sa lugar natin?Balita ko hinuhuli na rin.Next week punta ko ng East Coast bakasyon ng konti at baka pasyalan ko na rin si 1st UBBA 3-cock derby Champion 007 alias Parehas aka Roldan Ceradoy. Baka may mga kabayan dyan na mamamasyal sa mga farm pasabit naman pangpaalis lang ng homesick.
Ala e, sa muli na lang....Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong Lahat mga Kabayan!

freddie
December 24th, 2003, 12:32 PM
Sir larry,

ano'ng entry name gagamitin n'yo, gusto ko kase mapanood at pumusta, merry christmas and happy new year.

freddie

don2md
December 24th, 2003, 04:12 PM
MERRY CHRISTMAS AT HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!

Sana ay maging maganda ang pagsasabong ninyo sa pagpasok ng bagong taon.:D

Dondon:cool:

JBAB_ALAS
December 24th, 2003, 10:48 PM
MERRY XMAS MGA KABAYAN & A HAPPY NEW YEAR!!!

Congratulations Don2md for being one of the CHAMP sa UBBA last week.

Sana swertehen tayo sa muli nating pagbalik sa kentucky.

:rbounce:

silangan
December 25th, 2003, 03:28 AM
Ako kung sa manok island born. Sa Batangas City ang mother ko, ang father ko naman sa Mahabang Parang. Ipinanganak sa Manila at doon na rin lumaki. Merry Christmas sa inyong lahat!:blush:

don2md
December 25th, 2003, 04:33 AM
JBAB,

Thank you parekoy! Napapanaginipan ko pa din ang mga manok @ laban sa Kentucky, hehehe. Sa swerte, konti na lang ang kailangan natin, ang dapat ay maraming REST! Talo tayo sa pagod! Naka-point ang manok, pero OFF ang mga handler, hehe:D Pero sabi nga sa Batangas, " Ala eh, charge to experience na laang! " Next time alam na natin @ mapapaghandaan na natin!

Merry Christmas @ Happy New Year.

Dondon
:sprcool:

larry
December 25th, 2003, 05:47 AM
FREDDIE, January 25, sa square, kahit wala ako diyan. Democrat at W/ L Kelso ang ilalaban ko, ang entry name ay ANDREA,PEARL AND RUBY. Saan ka sa Pasig ? Laki ako diyan. LARRY OF N.J.

Chris Balba
December 25th, 2003, 11:13 PM
Ala eh mga kakmeyts,

Eh kumusta naga lahat ang mga taga Batangas, ay kami rin ay tiga Tanauan din. Gusto ko lang batiin kayo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon at goodluck nga pala sa mga sasali sa Jan. 28 sa San Mateo.

Chris Balba/Flying Gold '91

------------------------------------------------------------------------------------
M A B U H A Y A N G T I G A B A T A N G A S

:rbounce:

jonjie88
December 30th, 2003, 02:06 AM
To all Batangenos,

Baka puwede meron representative ang Batangas sa aming kitakits and 2 cock ulutan sa Jan. 24, 2004.....main purpose is to start the club with a BANG!!! wish lang ang participation ng ibang club...

.....Thanks in advance anyway,

CAVITE CYBERKADA COCKERS CLUB

kiok_dgf
January 1st, 2004, 04:49 PM
batngas city lang din ako, entry name na ginagamit ng dad ko nissi en minsan anigane. basta mukha tagalog yun manok, cgurado samin na yun. hehehe..

gamecock96
January 1st, 2004, 06:09 PM
Taga dyan sa may inyo ang accountant namin ah. Si Ray Pinlac. Baka kilala mo sya.

Al

don2md
January 8th, 2004, 06:42 AM
Gamecock96,

Sa Lemery town proper ba? Ano yung address nya? Medyo hindi yata pamilyar yung pangalan, kokonte kasi ang mga kilala ko, sa Manila kasi ako madalas tumigil noon.:D

Dondon

rhon-rhon
January 11th, 2004, 05:02 AM
ako ay tubong bacolod yong misis ko naman taga calicanto,batangas pag kami ay nagbabakasyon akoy lumalaban sa sta rita at san pascual.

alimbuyugin
January 15th, 2004, 04:39 PM
pasali sa inyo mga kabayan ala eh ako'y taga-batangas din napadpad nga laang dini sa singapore. Ako'y tubong brgy. Pag-asa, bayan ng Taysan, ano ga ang sikat na lahi dyan sa Batangas ngay-un,goodluck n laang sa inyo.:) :evil:

alimbuyugin
January 15th, 2004, 04:55 PM
KABAYAN bago p laang ako, ano ga advantages ng member ka ng isang breeders club, ano ga ang required dyan, kung magmember gaano ga kadami na manok ang kelangan i mean ung inaalagaan parang di yata pwede kung backyard laang salamat ng marami.

apache phoenix
March 2nd, 2004, 09:37 AM
Asan na kayow...

Knock... Knock....

Busy yata sa pagsasabong mga boys dito...

Kmusta na??

Apache Phoenix
"What Dreams May Come"

tulaynabuhangin
March 2nd, 2004, 11:18 AM
Mga Cockmate,
May entry ba kayo siniloan UBBA 3cock derby...see you there!!!

Cheer's

h-manokis
March 3rd, 2004, 07:50 PM
sa dami nating mga taga batangas bakit kaya di tayo mag unite...BATANGAS BACKYARD BREEDERS ASSOCIATION>>>> ano sa palagay ninyo........meron na sa pamumuno ni ginoong fred katigbak..alaeh naisip ko lang.......:hombre:

zyver_cocker
March 4th, 2004, 12:52 AM
sa tanauan nga pala ako, sa darasa ako malimit magsabong..

oliver abrenica

gamecock96
March 4th, 2004, 03:43 AM
sorry pre at ngayon ko lang nakita posting mo. Yung accountant namin na si rey pinlac taga dyan sa schererville indiana sya.

Ramil,
Sumilip ako sa Darasa kahapon (tuesday) nung nagpunta ako ng lipa. Laban sana kami ng hackfight pero di ko alam na umaga pa lang pala umpisa na eh dumating kami ng 2 pm. Di kami napalaban. Kilala ka pala ng mga sentenciador dun. Ako rin kilala ko sila kasi dati sa roligon yun eh.

Al

h-manokis
March 5th, 2004, 08:01 PM
kilala ako kasi puro so-so ang manok ko kaya madaling tandaan pare...agahan mo ang punta para mapalaban ka sayang ang time condisyun at travel mo..cge next time gudluck....ramil:hombre:

zyver_cocker
March 5th, 2004, 08:27 PM
ganda magsabong ngayon sa darasa, malakas ang sabong malaki pa ang mga premyo at dinadayo ng big time, noong wednesday 4 cock may entry sina patrick antonio, sonny lagon at boy diaz. Malimit ako rito kasi kapitbahay ko lang halos ang sabungan,, kaibigan ko yung mga kristo dito.

oliver

malalim
March 7th, 2004, 09:18 PM
kabayang alimmbuyugin,

Sorry hindi ako kaagad nakasagot sa post mo...Ang alam ko sa Batangas Breeders Club, wala yang minimum number, pero mas maganda siguro kung kontakin mo si Mang Fred Katigbak sa number na nakapost dito sa thread na ito...

Ang BBC ay miyembro ng NFGB umbrella group, which means pwede mong isali sa NFGB sponsored derbies ang mga wing banded ng BBC...Noong nakaraang Bakbakan 8-Stag Derby sa Araneta ay me mga entries ang BBC sa pamumuno ni Mang Fred...

Sana ay nakatulong ito...Good Luck...

don2md
March 9th, 2004, 02:05 AM
Meron din sariling Stag Derby ang BBC. Last year kc ay umatend kami ng meeting sa Lipa, at isa nga yun sa napag-usapan, pero nde naman natuloy. Ang natuloy ay yung 3 Stag derby ni Mang Fred pero sa place nila. Mga banded ng BBC din ang mga accepted. Pero pwedeng isali sa bakbakan ang mga stags na banded ng BBC. Sana this year matuloy na ang sariling paderby ng BBC. Start na ang banding April 1-31.

:rbounce:

batalmwp
March 31st, 2004, 09:16 AM
dondon,
don't know if you get my e-mail.... taga taal/lemery ako e-mail me.
thanks,
batalmwp (batang taal/midwest park subd.)

funkybuddha
June 18th, 2005, 12:41 AM
Mga cockmates meron ba po sa inyo na nakakakilala ng breeder or farm na gumagamit ng COBRA na wingband mark dito sa batangas area any info would help thanks alot.

I.C.F.
October 11th, 2005, 02:59 AM
From ala eh sugud mga kapatid sa dami natin dito eh... Ingat lang sa unying kahat dyan...

Cheer,
I.C.F.

rbarro
October 18th, 2005, 11:27 AM
magandang araw sa lahat ng batangas cockers!

tanong ko lang kung active pa ba jan ung RAM Farm of Edwin Aranez, et al... info lang po sana.:hippie:

salamat

La Concordia
October 21st, 2005, 02:51 PM
RED gamefarm, sa tanauan batangas po yan at active pa.

jon_elasigue
October 21st, 2005, 05:03 PM
pwede ba ko sumali dine? Taga-Laguna ako at nakapangasawa ko ay taga-Tanauan. Malimit din kami dyan sa Tanauan sa Bungkalot, at may maliit na manukan sa SALA.

lyamadista
March 24th, 2007, 01:36 AM
Mga Kabayan,

Di ko mapigilang di sumali sa inyong usapan. Nakaka-miss tuloy ang sabong dyan sa Pinas.

Ako'y taga dyan lang sa San Pascual, sa may kanto ng Caltex. Malapit ang bahay namin sa sabungan ng Sta. Rita at San Pascual. Araw-araw din akong laman ng mga sabungan dyan noong nasa Pinas pa ako.

May maliit din akong manukan dyan sa Pinas. Alam kong marami pang mga Batanguenyong miyembro sa web site na ito kaya mga kabayan lumantad kayo at makipagkumustahan.

Mabuhay ang sabong!:rbounce:

ronald (onald) mercado kilalang kilala kita magkapitbahay lang tayo dyan sa san pascual sa likod kami nang bahay nyo...kumusta na onald ? dyan ka na pala sa england kala ko nasa abudhabi ka pa. regards na lang sa yo..

Ernie aldovino ito

lyamadista
March 24th, 2007, 01:38 AM
kabayang alimmbuyugin,

Sorry hindi ako kaagad nakasagot sa post mo...Ang alam ko sa Batangas Breeders Club, wala yang minimum number, pero mas maganda siguro kung kontakin mo si Mang Fred Katigbak sa number na nakapost dito sa thread na ito...

Ang BBC ay miyembro ng NFGB umbrella group, which means pwede mong isali sa NFGB sponsored derbies ang mga wing banded ng BBC...Noong nakaraang Bakbakan 8-Stag Derby sa Araneta ay me mga entries ang BBC sa pamumuno ni Mang Fred...

Sana ay nakatulong ito...Good Luck...

MALALIM NAGLABAN KA NG MANOK LAST MARCH 3 SA BALAGTAS ANG KALABAN MO AY KAY RV IBAAN SA YO AKO KARGA KASO DI NA NAKAPALO MANOK MO...BAWI NA LANG NEXT TIME

Rab45
March 24th, 2007, 02:38 AM
magandang gabi kabayan

lyamadista

aba katagal na naring nabungkal mo ah at ang huling post ay oct 21, 2005 hehehe pero ayos din ika nga ay huli man ay abot pa rin, eto ga ang tambayan ng magsasabong ng Sta Rita, Balagtas at San Pascual (centro) nuon? kapitbahay mo pala sina rhhoney, noong june & july ay kasama ko lagi si elpin utol ni rhhoney at nakatira rin ako dyan malapit kina rhhoney makatawid lang ng kalsada, barkada ko dyan sina Ruel Pita at sina Pangulong Nap San Juan, laman rin ako ng sabungan araw araw dyan sa San Pascual pag Monday - Friday at Sta Rita kung Sabado at linggo ng umaga hanggang alas 3:30 ng hapon tapos lipat ng Balagtas ng 4pm hanggang gabi hehehe.....

malalim
March 24th, 2007, 10:45 AM
Reuben,

Long time no hear, no see...ano na ga ang balita sa iyo???

Parati kaming magkasama ni Al pag may laban...kelan ang uwi mo?

Hanep din naman yun nakahalungkat ng thread na ito, aba'y 2003 pa ito sinimulan...hehehe...Ayos

Rab45
March 24th, 2007, 07:53 PM
magandang hapon mga kakosa

senator malalim este moderator malalim

musta na ga? oo nga eh long time no hear, ndi ako umabot sa mga pandiinan mo sana meron pa pagdating ko, kako kay Al eh kasarap pustahan ng mga nokis mo at lamang sa panalo hehehe, ang ahun ko dito ay March 28 (wednesday) at april 1 (sunday) nasa atin na baka abot ng april 1 sa balagtas ng hapon kc hanggang gabi naman ang sultada ndi na aabot sa sta rita ng umaga at ang lapag ng eroplano ay 2pm na..... kahaba ga ng paliwanag hehehe. basta magkita na lang tayo dyan at sama lagi ako kung saan ka man may laban....... goodluck

gani
March 26th, 2007, 08:47 AM
shalom!!!

may nauna palang tambayan ang mga taga ala eh!! nauna nga ga ari o yung isa? alin man sa dalawa ay pareho nating itaas..

RAB - pre, kumusta na ga? malapit na ang uwi mo, talagang ikaw ay mapapalaban ng husto!! gudlak pare sa mga laban mo...

ALCOHOL
March 26th, 2007, 09:33 AM
Maganda Umaga Po Mga Sir, May Nakakakilala Ga Kay A.g Farm Sa Inyo? Naglalaban Pa Ga Sya?

1stKnight
March 28th, 2007, 03:11 PM
MAGANDANG ARAW KABAYAN! napasyal lang po sa inyong bakuran. GOD BLESS

gani
March 29th, 2007, 02:44 AM
nasaan na ga ang may bahay nire?

whiteJackeT
June 8th, 2007, 12:59 AM
dine din ako sa batangas city sa may BRH!

A1GFarms
June 8th, 2007, 01:18 AM
kumusta mga fellow cockers sa batangas........matanong ko lang kung ok bang mag set -up nang gamefarm sa bandang matabunkay.........salamat sa inyo........yfis.....

whiteJackeT
June 28th, 2007, 11:59 PM
Ala e! taktalaok!

whiteJackeT
June 29th, 2007, 12:00 AM
taktalaok ulet!

Ace Cock
June 29th, 2007, 01:21 AM
up lng

Blue Leg
October 30th, 2007, 12:57 PM
Ako'y Batangueño! May aangal ga? :D

RNOLD
October 30th, 2007, 02:55 PM
GANDANG HAPON .......TAGA BATANGAS CITY (d.silang st. / paharang west)

ALCOHOL
October 30th, 2007, 05:40 PM
Patalastas muna kahit hiram, hehehe!!! nasaan na ga ang may bahay nire?http://i178.photobucket.com/albums/w263/gani_09/chicken3.jpg

PRENG GANI YAN NA GA YUNG BNABAE NA INAAWITAN MO SA TITO MO...?

ALCOHOL
October 30th, 2007, 05:41 PM
Baka Pwede Rin Ako Dito.... Taga D.silang Din Po Ako....

Ganda Day Po Sa Lahat.... :)

jemayku
October 30th, 2007, 07:18 PM
Baka puwede din ako dine, Taga Gulod Itaas, Ang aking ama ay taga Broken Land ang aking ina ay taga Gulod Itaas.

ALCOHOL
October 30th, 2007, 07:33 PM
Baka puwede din ako dine, Taga Gulod Itaas, Ang aking ama ay taga Broken Land ang aking ina ay taga Gulod Itaas.

AKO RIN PRE NAG MULA ANG ANGKAN NG AKING INA SA SIRANG LUPA.... :)

jemayku
October 30th, 2007, 07:53 PM
Pre Alcohol,

Ano gang family name ng iyong ina?

ALCOHOL
October 30th, 2007, 07:55 PM
Pre Alcohol,

Ano gang family name ng iyong ina?

ATIENZA AT BAHALA

ALCOHOL
October 30th, 2007, 08:08 PM
Pre Alcohol,

Ano gang family name ng iyong ina?

MGA GUDOY AT IBURA MGA KAANAK PA NG PALA.....

jemayku
October 30th, 2007, 09:01 PM
Pre Alcohol, Sino ga ang kilala mo sa mga Godoy?

jemayku
October 30th, 2007, 09:10 PM
Pre Alcohol, may PM ako sayo.

rcgualberto
October 30th, 2007, 09:12 PM
gandang gabi, hapon,umaga sa lahat ng mga kabayan at kasabong dine..dyan lang po sa Alangilan BC lumaki pero sa Lipa ngayon nahapon..

jemayku
October 30th, 2007, 11:21 PM
Sir rcgualberto, May kilala ka gang Jun gualberto?

trapperjohn
October 30th, 2007, 11:49 PM
kwentuhan muna tayo mga kabayan... ako taga rine lamang sa bandang ibaba...

Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay.
Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot.
Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na laang siyang napaumis, nahurindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon ay naglulupagi sa gabokan
kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang
gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana
kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan,lungkuyin at
hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahi l mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at
tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato,amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad.Sa
pagkabanas ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi
ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops......awat
na.
------------ --------- --------- --
Pop Dado: Sana ay naintindihan ninyo ang 52 Batangueno words at
nakapulot kayo ng gintong aral

M.I.B.: Teka, yung 52 Batangueno words naintindihan naming dahil
purong
Batangueno kami pero ano ga yung gintong aral dine?

ALCOHOL
October 31st, 2007, 02:41 PM
Pre Alcohol, may PM ako sayo.

PSAN,
SAN ANG FARM MO SA LAGUNA GA O SA CAVITE?
MERON DIN AKO KUNTING NOKIS SA FAMI LAGUNA...
PURO ASIL/PARAWAKAN ANG NANDUN PAGALA LAANG... :D

jemayku
October 31st, 2007, 06:50 PM
Insan, nasa cavite ang maliit na munting backyard na manukan. may nabili ang mrs ko na lupa sa Silang cavite baka sa march ko pa mapaayos ang lugar magiipon munang pang pagawa. magastos itong ating hobby na ito.

Rab45
October 31st, 2007, 09:21 PM
ala eh asngaw pala rine ang punto ng taga batangas city eh, hahaha halakhak na ang mga tawo, ay sya tuloy ulit ang kwentutan at akoy babalagbag muna sa tabi tabi, musta sa mga taga City.... wala pong aangal hehehe

gani
October 31st, 2007, 11:03 PM
ala eh, are pala ay nabubuhay!!!

kumusta na baga kayo diyan?

sya palakarin na yaan, ng tayo ay maragdagan.:p

jemayku
November 1st, 2007, 12:26 PM
Good day to all

gani
November 1st, 2007, 12:30 PM
Good day to all

kumusta na ga ho sir? long tym no talk kita ah, heheheh. kayo ga ay nakauwi na uli sa atin? :p

TOLITS ROSALES
November 1st, 2007, 01:00 PM
Aba eh kagaling ga ng naghalungkay nare. Malapit na ang 4th year anniversary ng thread na ito at mas nauna pa pala ito dun sa isang thread ng mga CABayan.

Magandang hapon dyan sa Bats. City...Long Live mga Batang, itataas ko laang.

Hernan Yema
November 1st, 2007, 03:16 PM
A1GFarms, maraming farms dun, like Wildfoot farm, Araneta... medyo maiinit nga lang tabi kasi ng dagat... if I we're you, sa bandang Lipa ka maghanap dahil malamig dun...kumusta mga fellow cockers sa batangas........matanong ko lang kung ok bang mag set -up nang gamefarm sa bandang matabunkay.........salamat sa inyo........yfis.....

gani
November 1st, 2007, 05:59 PM
Aba eh kagaling ga ng naghalungkay nare. Malapit na ang 4th year anniversary ng thread na ito at mas nauna pa pala ito dun sa isang thread ng mga CABayan.

Magandang hapon dyan sa Bats. City...Long Live mga Batang, itataas ko laang.

paminsan-minsan na areng nagitaw kaya laang ay nalubog din laang!!

ika nga eh pag may magpapalakar eh di pirmeng nakagitaw, heheheh.

ikaw yata ay taga sta. Rita di baga?:p

rcgualberto
November 1st, 2007, 06:11 PM
Sir rcgualberto, May kilala ka gang Jun gualberto?

Sir Jemayku..meron po..kaya lamang po madaming Jun na Gualberto..pero kung tiga Alangilan po sya eh sya yong kilala ko..kaya lang matagal tagal na ding ala kaming kontak

Kayo po ba ay tiga saan?

Rab45
November 1st, 2007, 06:11 PM
Ako'y Batangueño! May aangal ga? :D

hahaha wala po.

kagaling maghalukay

jemayku
November 1st, 2007, 06:12 PM
kumusta na ga ho sir? long tym no talk kita ah, heheheh. kayo ga ay nakauwi na uli sa atin? :p

Pre Gani, nakuwi na ko last September. Ito kayod na naman para kumita. Musta na ga dyan sa Israel? mag iingat ka diyan pare at baka mawagiswisan ng ligaw na bala.

rcgualberto
November 1st, 2007, 06:14 PM
Di ko agad nabasa..tiga Gulod pala kayo Sir Jemayku...kilala nyo po ba si Danny Balina dyan

gani
November 1st, 2007, 06:29 PM
Pre Gani, nakuwi na ko last September. Ito kayod na naman para kumita. Musta na ga dyan sa Israel? mag iingat ka diyan pare at baka mawagiswisan ng ligaw na bala.

kayo pala ay natuloy umuwi sa pinas nung September, nagpanalo baga ho kayo? Akoy hindi pa uli nakakauwi eh, wala pang tiyak kung kailan baga uli makakahimas ng manok. Ayos ang naging huntahan natin dine ah, sya ay mukhang magkakasarapan yata dine.:p

gani
November 1st, 2007, 06:34 PM
hahaha wala po.

kagaling maghalukay
mukhang lumabas na ang resulta sa tawas eh, heheheh. musta na ga pareng Rab? malapit na ga uling makauwi? uwi na uli at ikaw naman ay hiyang sa bakasyon, panay ang panalo mo lagi.

ATAP- musta na baga pare? bakit naga ikaw ay pirmeng nawawala na sa sirkulasyon? musta ga ang palaban ni edwin sa Binian?

Rcgualberto- musta na pareng Ramil? mukhang busy ka palagi sa mga pullets mo diyan ah! pasyal ka palge dito ng tayoy magkahuntahan.

ALCOHOl- musta na baga pare? ikaw ga ay nakagaling na sa sementeryo? wala pa gang tupadahan sa bandang San Jose?:)

Sa mga hindi ko nabanggit ay pasensya na! gudlak sa bagong lumang tambayan!!:D

rcgualberto
November 1st, 2007, 09:26 PM
gandang gabi, araw , umaga po sa lahat ng kabalaybay, kaibigan at kaklase sa sabong dine...tambay muna po dine at ng mabuhay muli areng thread na are..musta na po sa lahat ...mukhang nangangaluluwa pa mga kasamahan dine

rgbgf07
November 1st, 2007, 10:55 PM
aba ay meron palang ganire thread dine.... pwede ga pong ako makasali? sa paharang east B.C. po ako....
kumusta po kayo mga kabalaybay....

jemayku
November 1st, 2007, 11:33 PM
Di ko agad nabasa..tiga Gulod pala kayo Sir Jemayku...kilala nyo po ba si Danny Balina dyan

kilala ko si Danny Balina. ano mo ga yun o kasama sa trabaho? nagkikita ga kayo?

jemayku
November 1st, 2007, 11:35 PM
kayo pala ay natuloy umuwi sa pinas nung September, nagpanalo baga ho kayo? Akoy hindi pa uli nakakauwi eh, wala pang tiyak kung kailan baga uli makakahimas ng manok. Ayos ang naging huntahan natin dine ah, sya ay mukhang magkakasarapan yata dine.:p

Nakapaglaban naman. 1 nanalo sa Fastest kill. at naksali din sa 3 stag Derby sa Argem nanalo ang 2 ang last fight ko talo na 3 points ng kalaban pero patay din ang kalaban pag kakareyo.

gani
November 2nd, 2007, 12:05 AM
aba ay meron palang ganire thread dine.... pwede ga pong ako makasali? sa paharang east B.C. po ako....
kumusta po kayo mga kabalaybay....

ay naku po at dumami na nga baga, heheheh!!! musta na baga mr. Champ? kailan baga ang laban mo uli? banatan mo ng banatan pare habang maiinit pa. GUDLAK...:p

rcgualberto
November 2nd, 2007, 12:08 AM
kilala ko si Danny Balina. ano mo ga yun o kasama sa trabaho? nagkikita ga kayo?

Dati ko Sir jemayku katrabaho sa AG & P pero since noon eh di pa kami nagkikita ulit..matagal tagal na din iyon..

rcgualberto
November 2nd, 2007, 12:12 AM
up ko laang are mga kabayan bago matulog

rgbgf07
November 2nd, 2007, 12:18 AM
pre rnold tayo pala magkalapit laang paharang east ako.....

GANDANG HAPON .......TAGA BATANGAS CITY (d.silang st. / paharang west)

don_r07
November 2nd, 2007, 12:20 AM
daan lang po sir mrs ko kc taga sta rita batangas din taas ko lang

rgbgf07
November 2nd, 2007, 12:20 AM
pre gani ayos laang. naku eh matagal pa ulit mapalaban at nag-iipon pa ng pang minimum... ikaw ga?
musta na laang pre...

ay naku po at dumami na nga baga, heheheh!!! musta na baga mr. Champ? kailan baga ang laban mo uli? banatan mo ng banatan pare habang maiinit pa. GUDLKA...:p

rgbgf07
November 2nd, 2007, 12:24 AM
welcome po sir don_07, pasyal po laang lagi dine sa tambayan ng mga ala eh at masarap ang huntahan

daan lang po sir mrs ko kc taga sta rita batangas din taas ko lang

gani
November 2nd, 2007, 12:24 AM
daan lang po sir mrs ko kc taga sta rita batangas din taas ko lang

ay sya ay welcome ka dine kabayan! saan ka ga nakabase ngayon? saan ang manukan mo sa pinas? Pasyal ka lamang dine parati at ng magkahuntahan ng inam. salamat!!!:p

Hernan Yema
November 2nd, 2007, 10:39 AM
pare Rab, pagkakabarako ding dumali niyan, ano?, hehehehahaha wala po.

kagaling maghalukay

Rab45
November 2nd, 2007, 12:40 PM
[LEFT]pare Rab, pagkakabarako ding dumali niyan, ano?, hehehe

Ala oo nga eh batangenyong batangenyo hahaha, mas barako pa keysa biyenan mo eh hehehe kc ang tawag sa amin sa iyong biyenan since nuong bata pa ako ay nakagisnan ko na ang tawag ay barakong Mundo..... kumusta na ga dyan sa Ausi? malapit na ang uwi mo.

Don Gani

ayos lang naman dine, kumusta na ga rin dyan sa inyo madami pa gang natawid na Palestino may dala...malapit na nga eh 5 months na lang, ala eh laging nakakauna pag malapit na ang balik d2 ay ubos rin eh....

gani
November 2nd, 2007, 12:51 PM
Gani

ayos lang naman dine, kumusta na ga rin dyan sa inyo madami pa gang natawid na Palestino may dala...malapit na nga eh 5 months na lang, ala eh laging nakakauna pag malapit na ang balik d2 ay ubos rin eh....

Yus laang naman dine, tahimik na naman dine maliban sa manaka-nakang pagsulpot ng mga rocket galing Gaza.:D Kagaling mo pa at regular ang pag uwi sa atin, makaka dalwa ka na ay akoy hindi pa nakaka isa eh. Ikaw naman ay kapitalin kaya pwedeng mandali ng mandali sa maynila eh.:D

Manager ATAP- how are you?;)

rcgualberto
November 2nd, 2007, 02:27 PM
musta na sa lahat ng batanguenong kasabong...napasinsay laang dine at mangungumpay muna at baka magaroti ng mamay...

Weekend na naman po bukas..good luck sa mga may laban sa weekend at magsipanalo sana kayo lahat.

Pre Gani...musta na ga sabong dyan sa bagong bukas ulit na San Jose Cockpit...malakas na ga daw?

rgbgf07
November 2nd, 2007, 06:07 PM
kumusta po mga kabalaybay na ala eh.... ano ga pong balita na? :) :) :)

rgbgf07
November 2nd, 2007, 06:10 PM
pre hanggang ngayon ga ay nasulpot pang rocket galing gaza? baka pwedeng ipagtabi mo ako pag uwi mo, maikwadro sa bahay... ha!ha!ha!
ano gang balita na pre?

Yus laang naman dine, tahimik na naman dine maliban sa manaka-nakang pagsulpot ng mga rocket galing Gaza.:D Kagaling mo pa at regular ang pag uwi sa atin, makaka dalwa ka na ay akoy hindi pa nakaka isa eh. Ikaw naman ay kapitalin kaya pwedeng mandali ng mandali sa maynila eh.:D

Manager ATAP- how are you?;)

jemayku
November 2nd, 2007, 07:02 PM
Masinsay muna dine. musta sa lahat?

manok911
November 2nd, 2007, 07:06 PM
magandang gabi mga bossing........:)

jemayku
November 2nd, 2007, 07:14 PM
Pinsan, musta na? umuwi ka ga ng Batangas?

Hernan Yema
November 2nd, 2007, 07:37 PM
pre RAB, may balak umuwi sa January pero 50/50 pa. wala pang bala, hehehe... buti kayo pag nauwi ata eh sagot ng employer ang pamasahe... lumipat dyan yung brod ko sa Dubai galing UAE, sabungero yon at may mga nokis na alaga dyan. mga galing dito ang itlog, palagi daw sila nananalo dyan... timbre ko sa yo pag alam ko na address nya dyan... taga los banos sya sa atin... ingats pre...

Hernan Yema
November 2nd, 2007, 07:41 PM
pre hanggang ngayon ga ay nasulpot pang rocket galing gaza? baka pwedeng ipagtabi mo ako pag uwi mo, maikwadro sa bahay... ha!ha!ha!
ano gang balita na pre?
pare, akala ko'y gagamitin mo sa bagong taon eh, hahaha

gani
November 2nd, 2007, 08:06 PM
pre hanggang ngayon ga ay nasulpot pang rocket galing gaza? baka pwedeng ipagtabi mo ako pag uwi mo, maikwadro sa bahay... ha!ha!ha!
ano gang balita na pre?

wala ng katapusan ang gyera patani dine, basta may narinig sa mike na ADOM ay siguradong ang bomba ay on d way na kaya kanya-kanya ng suot sa basement. yun naman ay sa boarder laang. Ako naman ay 6 hours drive ang agwat duon kaya sa ibang putukan naman tayo nasabak dine. heheheh!!!

musta na ga diyan? napasarap ang ating huntahan kagabi sa conference ah!:p

gani
November 2nd, 2007, 08:32 PM
musta na sa lahat ng batanguenong kasabong...napasinsay laang dine at mangungumpay muna at baka magaroti ng mamay...

Weekend na naman po bukas..good luck sa mga may laban sa weekend at magsipanalo sana kayo lahat.

Pre Gani...musta na ga sabong dyan sa bagong bukas ulit na San Jose Cockpit...malakas na ga daw?

Balita ko kay pareng ATAP ay malakas daw ang sultada eh! kailan baga natin idadale ang pinapahanda natin duon? pag kita ay may tig 2,200 ay larga na yun.:p sa Nov 10 ga pare ay tuloy na ang uwi mo?

rcgualberto
November 2nd, 2007, 08:49 PM
Balita ko kay pareng ATAP ay malakas daw ang sultada eh! kailan baga natin idadale ang pinapahanda natin duon? pag kita ay may tig 2,200 ay larga na yun.:p sa Nov 10 ga pare ay tuloy na ang uwi mo?

Oo nga eh..depende pa din sa sitwasyon ng trabaho dine Pre eh..di pa rin sure ang Nov.10
Pero kailangan eh ..makauwi muna talaga kahit saglit laang at makasama dyan sa mga pinapahanda mo...kagaganda eh

rgbgf07
November 2nd, 2007, 11:14 PM
ay oo nga ano pre bakit ga di ko agad naisip yun, hehehehe
pre gani dalwahin mo na ha para meron din paputok sabagong taon...:D

pare, akala ko'y gagamitin mo sa bagong taon eh, hahaha

rgbgf07
November 2nd, 2007, 11:49 PM
mukhang tulog ang mga kabalaybay ah... hayaan nyo mga ala eh ako muna ang bantay dine sa ating bahay....:) :) :)

gani
November 3rd, 2007, 12:08 AM
mukhang tulog ang mga kabalaybay ah... hayaan nyo mga ala eh ako muna ang bantay dine sa ating bahay....:) :) :)

mamaya ay nandyan na si pareng Ramil. pasilip-silip laang yaan, heheheh!!!:p

kumusta ga ang maghapon mo? mukhang madaming nagpost ngayong araw na ito ah.

ALCOHOL
November 3rd, 2007, 10:38 AM
Pinsan, musta na? umuwi ka ga ng Batangas?

YES..LAGUNA NUNG 1 AT 2 SA BATNGAS NAMAN....
OK NAMAN BACK TO BACK BAREKAN!!! HEHEHE... LASHENG NG 2 DAYS :eek: :D

rocad47
November 3rd, 2007, 10:47 AM
Quote:
Originally Posted by jemayku
kilala ko si Danny Balina. ano mo ga yun o kasama sa trabaho? nagkikita ga kayo?

Dati ko Sir jemayku katrabaho sa AG & P pero since noon eh di pa kami nagkikita ulit..matagal tagal na din iyon..

Mga kabayan,dati rin akong AG&P(1981~1990) at mukhang kilala ko sa D Balina-kung sya yung matangkad na maputi at kulutin hehehe.Kumusta na ga mga kabatangenyo.

gani
November 3rd, 2007, 12:34 PM
YES..LAGUNA NUNG 1 AT 2 SA BATNGAS NAMAN....
OK NAMAN BACK TO BACK BAREKAN!!! HEHEHE... LASHENG NG 2 DAYS :eek: :D

kayo baga ay magpinsan din ni Jemayku pareng Nad?

Ano gang balita na sa Natunuan? sino baga ang mga konsehales sa atinngayun?:p

kumusta na kayong lahat mga taga batangas?

jemayku
November 3rd, 2007, 12:43 PM
Quote:
Originally Posted by jemayku
kilala ko si Danny Balina. ano mo ga yun o kasama sa trabaho? nagkikita ga kayo?

Dati ko Sir jemayku katrabaho sa AG & P pero since noon eh di pa kami nagkikita ulit..matagal tagal na din iyon..

Mga kabayan,dati rin akong AG&P(1981~1990) at mukhang kilala ko sa D Balina-kung sya yung matangkad na maputi at kulutin hehehe.Kumusta na ga mga kabatangenyo.

Siya na nga yan. Si Danny Balina matangkadmaputi at medyo kulot. kahangan ko yan sa Gulod bago nakasama ko pa sa Qatar 1990.

jemayku
November 3rd, 2007, 12:47 PM
YES..LAGUNA NUNG 1 AT 2 SA BATNGAS NAMAN....
OK NAMAN BACK TO BACK BAREKAN!!! HEHEHE... LASHENG NG 2 DAYS :eek: :D

Insan, ayos na ayos pala ang holidays mo. Maglalaban ka ga ngayon at bukas? gud luck kung maglalaban ka.

jemayku
November 3rd, 2007, 12:48 PM
kayo baga ay magpinsan din ni Jemayku pareng Nad?

Ano gang balita na sa Natunuan? sino baga ang mga konsehales sa atinngayun?:p

kumusta na kayong lahat mga taga batangas?

Pre gani, Nagkahalungkatan kami ng mga kamaganak. hehehe

gani
November 3rd, 2007, 02:15 PM
Pre gani, Nagkahalungkatan kami ng mga kamaganak. hehehe

ah, gayun baga! ganun din sa thread ng mga taga an Jose eh nagkakila-kilala ang mga sanga ng angkan. saan ga sa Cavite ang farm nyo?:)

rcgualberto
November 3rd, 2007, 02:33 PM
gandang umaga, gabi, hapon sa lahat ng mga batanguenong kasabong dine sa ating tambayan...

magandang balita at madaming napapadalaw dine sa nabuhay na tambayan ng mga tiga batangas

welcome po kayong lahat dumalaw dine..

sabay pa pala tayong umalis eh kasabong rocad...san ga kayo ngayon?
Quote:
Originally Posted by jemayku
kilala ko si Danny Balina. ano mo ga yun o kasama sa trabaho? nagkikita ga kayo?

Dati ko Sir jemayku katrabaho sa AG & P pero since noon eh di pa kami nagkikita ulit..matagal tagal na din iyon..

Mga kabayan,dati rin akong AG&P(1981~1990) at mukhang kilala ko sa D Balina-kung sya yung matangkad na maputi at kulutin hehehe.Kumusta na ga mga kabatangenyo.

rcgualberto
November 3rd, 2007, 02:36 PM
ah, gayun baga! ganun din sa thread ng mga taga an Jose eh nagkakila-kilala ang mga sanga ng angkan. saan ga sa Cavite ang farm nyo?:)

ako laang yata ang walang kamag-anak dine eh..he..he.he..http://sabong.net.ph/forum/images/icons/icon10.gif
Talking

malay mo at baka mya mya ay may susulpot dinhttp://sabong.net.ph/forum/images/icons/icon12.gif
Wink

rcgualberto
November 3rd, 2007, 02:38 PM
nabisto tuloy ang di maalam maglagay ng icon

sensya na mga kabayan...

ALCOHOL
November 3rd, 2007, 02:54 PM
Insan, ayos na ayos pala ang holidays mo. Maglalaban ka ga ngayon at bukas? gud luck kung maglalaban ka.

PSAN,
DI BIHIRA LANG AKO MAGLABAN PAG NAPAULOT LANG... :)
AYAW KO NAMAN NG TRABSIYA LANG EHH...
MASARAP UNG MAY MANOK... :)

kayo baga ay magpinsan din ni Jemayku pareng Nad?

Ano gang balita na sa Natunuan? sino baga ang mga konsehales sa atinngayun?

kumusta na kayong lahat mga taga batangas

PARENG GANI,
GANDA DAY PRE..BASTA TAGA SIRANG LUPA WALANG SALA AT KAANAK...
MERON PA EHH.... SA MAY BANDANG WAWA BTNGAS PA EHH... WALA PA NAPASOK... :eek:

GANDA DAY PO SA LAHAT....

Rab45
November 3rd, 2007, 03:42 PM
pre RAB, may balak umuwi sa January pero 50/50 pa. wala pang bala, hehehe... buti kayo pag nauwi ata eh sagot ng employer ang pamasahe... lumipat dyan yung brod ko sa Dubai galing UAE, sabungero yon at may mga nokis na alaga dyan. mga galing dito ang itlog, palagi daw sila nananalo dyan... timbre ko sa yo pag alam ko na address nya dyan... taga los banos sya sa atin... ingats pre...

ok pre timbre mo lang kung saan d2 sya sa kuwait baka nakokontra ko pa ang nokis nya kaya ako natatalo hehehe, hindi naman libre ang pamasahe, libre lang pag nag resign hahaha, sa akin kako isang laban lang ng manok sa atin ay bawi na pamasahe hehehe lalo pag swerte d2 sa Kuwait sa trabesiya sobra pa sa pamasahe meron pang massage sa taverna pag uwi, ikaw pa pre mawawalan ng bala isang tama lang yan sa forecast lalo kung dehado laki ng divedendo dami pang silang kakareyuhin hehehe... ingats din dyan at goodluck lagi....

rgbgf07
November 3rd, 2007, 03:54 PM
mga kabalaybay kumusta na sa inyong lahat....
kasarap magbasa ng huntahan eh....:)

rgbgf07
November 3rd, 2007, 03:58 PM
pre ramil kumusta ga?
pre pag alang lumabas na kamag-anak mo eh akoy mag-aaply na laang :eek: , hehehe..
pagka gay-ang malapit na ang pasko eh pwede mo akong isama sa mga reregaluhan mo...:D
ano ga balita jan?

ako laang yata ang walang kamag-anak dine eh..he..he.he..http://sabong.net.ph/forum/images/icons/icon10.gif
Talking

malay mo at baka mya mya ay may susulpot dinhttp://sabong.net.ph/forum/images/icons/icon12.gif
Wink

rgbgf07
November 3rd, 2007, 04:02 PM
pre gani kumusta ga? wari koy nahalukay mo na ang iyong mga kamag ank dine sa thread eh ano? ayos na ayos yan pre hanggat maaga eh nagkakakila-kilala...:)

ah, gayun baga! ganun din sa thread ng mga taga an Jose eh nagkakila-kilala ang mga sanga ng angkan. saan ga sa Cavite ang farm nyo?:)

rcgualberto
November 3rd, 2007, 04:08 PM
pre ramil kumusta ga?
pre pag alang lumabas na kamag-anak mo eh akoy mag-aaply na laang :eek: , hehehe..
pagka gay-ang malapit na ang pasko eh pwede mo akong isama sa mga reregaluhan mo...:D
ano ga balita jan?

musta na din Preng Ryan..sabagay di naman nagkakalayo mga initials natin...sa iyo rgb...sa akin rcg...malapit na di ga..nyahhhh

uu nga eh..malapit na pasko...malamig na ga dyan sa inyo

ala pa bagong balita eh..pasyal pasyal laang muna dine sa ating tambayan

rocad47
November 3rd, 2007, 04:15 PM
Quote:
Originally Posted by rgbgf07
pre ramil kumusta ga?
pre pag alang lumabas na kamag-anak mo eh akoy mag-aaply na laang , hehehe..
pagka gay-ang malapit na ang pasko eh pwede mo akong isama sa mga reregaluhan mo...
ano ga balita jan?

musta na din Preng Ryan..sabagay di naman nagkakalayo mga initials natin...sa iyo rgb...sa akin rcg...malapit na di ga..nyahhhh

Magkakalapit pala tayo,RPC naman ako hehehe.Mga kabayan musta na uli sa inyo

manok911
November 3rd, 2007, 04:17 PM
magandang hapon mga bossing.........:)

rcgualberto
November 3rd, 2007, 04:30 PM
patalastas muna po mga kabag-ang!

http://www.xpress4me.com/news/uae/dubai/20003977.html

don_r07
November 3rd, 2007, 04:43 PM
daan lang po kmsta kyong lahat sir

gani
November 3rd, 2007, 04:46 PM
ako laang yata ang walang kamag-anak dine eh..he..he.he..http://sabong.net.ph/forum/images/icons/icon10.gif
Talking

malay mo at baka mya mya ay may susulpot dinhttp://sabong.net.ph/forum/images/icons/icon12.gif
Wink

ayus laang yun parekoy kahit hindi kamag-anak pero ang samahan ay parang magkadugo na din!! ikaw pala ay malaking una sa akin dine sa sabong.net eh, post lang ng post para mailagay mo ang iyong nokis sa avatar mo, heheheh.:D

gani
November 3rd, 2007, 04:49 PM
pre gani kumusta ga? wari koy nahalukay mo na ang iyong mga kamag ank dine sa thread eh ano? ayos na ayos yan pre hanggat maaga eh nagkakakila-kilala...:)

ayus laang parekoy, shabat ngayun dne kaya tahimik! bawal ang mag ingay at bawal mag-drive sa Jewish na religious. pero ang pinoy ay kahit anong gawin ay ok lang naman, heheheh. . . ok nga ang thread na ito, kaya ating patuloy na buhayin at pasayahin.

musta ga ang sabado diyan? may barikan ga din ang mga pinoy sa labas? dine ay pag sabado nyts ay hibay ang nabarik, pirmeng lungar sa SMB.:D

rgbgf07
November 3rd, 2007, 05:30 PM
uu nga pre ramil malapit laang ating intials, hehehe....
ayos na klima dine ngayon nalamig na, mayamaya pa ay nakajacket na ulit....:)

musta na din Preng Ryan..sabagay di naman nagkakalayo mga initials natin...sa iyo rgb...sa akin rcg...malapit na di ga..nyahhhh

uu nga eh..malapit na pasko...malamig na ga dyan sa inyo

ala pa bagong balita eh..pasyal pasyal laang muna dine sa ating tambayan

rgbgf07
November 3rd, 2007, 05:32 PM
ayos yan pre rocad47....:D

Quote:
Originally Posted by rgbgf07
pre ramil kumusta ga?
pre pag alang lumabas na kamag-anak mo eh akoy mag-aaply na laang , hehehe..
pagka gay-ang malapit na ang pasko eh pwede mo akong isama sa mga reregaluhan mo...
ano ga balita jan?

musta na din Preng Ryan..sabagay di naman nagkakalayo mga initials natin...sa iyo rgb...sa akin rcg...malapit na di ga..nyahhhh

Magkakalapit pala tayo,RPC naman ako hehehe.Mga kabayan musta na uli sa inyo

rgbgf07
November 3rd, 2007, 05:38 PM
ala kami dine ay alang piling araw basta libre sa trabaho at may mababarik, yun nga laang madalang ang may may mababarik dine. kung lalabas naman eh napaka mahal kaya tiis na lang dine sa bahay, hehehe....:D

ayus laang parekoy, shabat ngayun dne kaya tahimik! bawal ang mag ingay at bawal mag-drive sa Jewish na religious. pero ang pinoy ay kahit anong gawin ay ok lang naman, heheheh. . . ok nga ang thread na ito, kaya ating patuloy na buhayin at pasayahin.

musta ga ang sabado diyan? may barikan ga din ang mga pinoy sa labas? dine ay pag sabado nyts ay hibay ang nabarik, pirmeng lungar sa SMB.:D

manok911
November 3rd, 2007, 05:44 PM
magandang gabi mga kakmeyts........:)

gani
November 3rd, 2007, 06:21 PM
:p ala kami dine ay alang piling araw basta libre sa trabaho at may mababarik, yun nga laang madalang ang may may mababarik dine. kung lalabas naman eh napaka mahal kaya tiis na lang dine sa bahay, hehehe....:D
ala, akoy hindi rin nalabas kahit araw ng day off. sayang din ang kikitain eh, pambili din nga ng feeds. heheheh. mamayang gabi ay lalabas laang ako ng 4 hours para makakita ng pullets. baka sa lunes ay makapanood na tayo ng bitaw ng pangkauntian natin..:p

gani
November 3rd, 2007, 06:22 PM
magandang gabi mga kakmeyts........:)
kumusta na bay? salamat sa pagdalaw mo palagi didto! saan ka ba naka base ngayon? dami na bang nokis sa Mandaue?:p

jemayku
November 3rd, 2007, 08:07 PM
ah, gayun baga! ganun din sa thread ng mga taga an Jose eh nagkakila-kilala ang mga sanga ng angkan. saan ga sa Cavite ang farm nyo?:)

Sa Bacoor, Cavite ang breeding ko ang range ko ay sa Silang Cavite. Ang farm mo ga ay saan?

gani
November 3rd, 2007, 09:48 PM
Sa Bacoor, Cavite ang breeding ko ang range ko ay sa Silang Cavite. Ang farm mo ga ay saan?

Naku, wala pa akong farm kabayan! Backyard pa laang at babagong nag-uumpisa ng breeding. Magaling kayong mga nakauna eh at marami ng nagagamit. kasarap lumaban ng lumaban kapag sarili ang manok. May ilang ang inyong naka-chord duon? member ga din kayo ng BBC?:)

ALCOHOL
November 4th, 2007, 12:34 PM
UP KO ULI.... GANDA DAY SA LAHAT..... :)

rgbgf07
November 4th, 2007, 04:10 PM
magandang araw po mga kabayan....
sino ga po ang nakapanood ng live na sabong sa ibaan?
ayos baga? yung mga nag laban aba ay balitaan nyo naman kami dine....win or lost para lalong masaya ang ating huntahan

manok911
November 4th, 2007, 06:33 PM
magandang gabi mga kakmeyts..........:)

rgbgf07
November 4th, 2007, 10:21 PM
up!up!up!
and away!!!!!!!

taas muna po ang ating tambayan at napapgyakyak na eh....:)

muzta na po sa lahat from A-Z

gani
November 4th, 2007, 10:22 PM
Magandang gabi, bayan!!!:p

rgbgf07
November 4th, 2007, 10:23 PM
pre manok911 kumusta na baga? kailan ga ang laban ng mga nokis mo? gud luck na laang pre....:)

magandang gabi mga kakmeyts..........:)

rgbgf07
November 4th, 2007, 10:24 PM
pre ayos ga ang date....:D

Magandang gabi, bayan!!!:p

taurus11
November 5th, 2007, 02:12 AM
Magandang gabi, bayan!!!:p

sir....

lahat ba ng nasa photobucket mo ay mga nakolekta mo at nasa farm na for breeding? napakaganda ng grey ni tonio(ikaw siguro ang nakabili) kahit bulag ay alam kong magiging maganda ang palahi mo diyan kasi ang pagkakaalam ko mataas ang winning % ng grey niya at wala pa masyadong manok sa batangas na galing kay tonio......

i salute you sir sa pagiging mapagmahal mo sa manok....... i hope na ma achieve mo ang magagandang offspring this year of breeding......

gani
November 5th, 2007, 03:27 AM

Nagkausap na po kami ni tonio tungkol sa grey na nasa photo-bucket ko. Nabayadan ko na sya ng para dito at para sa isang pullet na grey din. Pero nagbago ang isip ko, plano kong kumuha na lang ng hindi bulag na pure grey broodstag. kaya pwedeng available pa itong bulag kapag nakakuha na ako ng broodstag sa tuesday.

Opo sir, lahat po ng nasa photo-bucket ko ay nasa manukan ko na! taga saan po kayo at saan ang location nyo ngayun? maraming salamat po sir!:)

gani
November 5th, 2007, 03:28 AM
pre ayos ga ang date....:D

heheheh, tayo naman ay hindi na nakikipag date at matanda na.:D

musta ga ang maghapon mo pre? nakatulog na ga ng ayus?

wala yata si pareng Ramil ngayun dine!!

rgbgf07
November 5th, 2007, 06:35 AM
magandang morning mga bataguenio....:)
kumusta na lang po sa lahat!!!!!

rgbgf07
November 5th, 2007, 06:38 AM
kalabaw laang daw pre ang tumatanda.....:D

ayus laang ang maghapon pre. kanina ay nakatawag sa pinas kaya masaya na naman, hehehehe....
ay si pareng ramil ata ay maagang bumu-og kaya di na nakasilip dine sa tambayan...

heheheh, tayo naman ay hindi na nakikipag date at matanda na.:D

musta ga ang maghapon mo pre? nakatulog na ga ng ayus?

wala yata si pareng Ramil ngayun dine!!

jemayku
November 5th, 2007, 12:46 PM
Naku, wala pa akong farm kabayan! Backyard pa laang at babagong nag-uumpisa ng breeding. Magaling kayong mga nakauna eh at marami ng nagagamit. kasarap lumaban ng lumaban kapag sarili ang manok. May ilang ang inyong naka-chord duon? member ga din kayo ng BBC?:)

Pre, Hindi ako member ng BBC. may ilan lang ang naka cord ko dahil konti ang natirang stags dahil mga namatay sa sobrang init sa atin.

LSDJAD
November 5th, 2007, 03:13 PM
Pre, Hindi ako member ng BBC. may ilan lang ang naka cord ko dahil konti ang natirang stags dahil mga namatay sa sobrang init sa atin.

sir jemayku,

ay taga-batangas din po pala kau at naligaw din ng cavite, magandang hapon sir at sa ating mga kabayan!!!

gani
November 5th, 2007, 04:46 PM
Magandang araw mga kabayan!!!:)

jemayku
November 5th, 2007, 05:32 PM
sir jemayku,

ay taga-batangas din po pala kau at naligaw din ng cavite, magandang hapon sir at sa ating mga kabayan!!!

Oo diyan pinalad na makabili ng mapagtayuan ng bahay. Nakapagadhika ng kaunti.
Ikaw ga'y saan sa Cavite?

LSDJAD
November 5th, 2007, 08:44 PM
Oo diyan pinalad na makabili ng mapagtayuan ng bahay. Nakapagadhika ng kaunti.
Ikaw ga'y saan sa Cavite?

Sa atin ay sa Kumintang Ilaya, sa cavite naman ay sa pagasa, imus. malapit sa DHC, sa dec. 15 pala ay di kayo makakaatend sayang at ng may kabayan naman akong makahuntahan!!!

khilabot
November 5th, 2007, 09:22 PM
ANybody sa inyo na nakaka alam ng A&J farm sa batangas?

rgbgf07
November 5th, 2007, 10:03 PM
kumustana po mga ala eh.... mukhang matumal ang dalaw ah....
isang taas muna po sa ating tambayan para madaling makita...:)

gani
November 5th, 2007, 10:11 PM
kumusta na ga pareng Ryan?

Bakit marami yata ang nawawala, heheheh!!!:p

LSDJAD
November 6th, 2007, 09:04 AM
up ko lang para madaling makita!!!

jemayku
November 6th, 2007, 12:31 PM
Sa atin ay sa Kumintang Ilaya, sa cavite naman ay sa pagasa, imus. malapit sa DHC, sa dec. 15 pala ay di kayo makakaatend sayang at ng may kabayan naman akong makahuntahan!!!

Sayang nga hindi ako aabot. di bale marami pa naman araw at magkikita rin tayo. Sa may tapat ng SM bacoor ako.

rgbgf07
November 6th, 2007, 04:56 PM
kumusta na po sa inyo mga ala eh....

rgbgf07
November 6th, 2007, 04:59 PM
pre leo kumusta na ga?
ikaw gay nakapaglaban na ulit ng manok dun kina bagets?
balita koy nagpapanalo daw mga yun eh sabi ni joseph...
naka-isa yata mga yun nung sunday sa ibaan...

up ko lang para madaling makita!!!

jemayku
November 6th, 2007, 05:00 PM
Good evening sa inyong lahat.

rgbgf07
November 6th, 2007, 05:02 PM
pre jemayku magandang hapon naman sa iyo (qatar time)...
ano gang balita na sa manukan mo? san ka pala pre jan sa gulod? meron kc akong kumpare na taga dun taas eh malapit sa may chapel, pero di yun nagsasabong...

Good evening sa inyong lahat.

jemayku
November 6th, 2007, 06:17 PM
pre jemayku magandang hapon naman sa iyo (qatar time)...
ano gang balita na sa manukan mo? san ka pala pre jan sa gulod? meron kc akong kumpare na taga dun taas eh malapit sa may chapel, pero di yun nagsasabong...

Pre Nandyan ka pala sa Qatar, baka makalipat din dyan by Dec. 10. sa QatarGas. Saan ka ga dyan sa Qatar? Nandito ako sa ngayon sa Nigeria.
Ok naman ang mga manok pre.
Doon ako sa Gulod silangan malapit na s dumantay doon sa tapat ng lumang basketball court. Pero matagal na ako sa BAcoor Cavite.

rgbgf07
November 6th, 2007, 07:13 PM
ah di ayus pala pre kung ganun na malilipat ka dito sa qatargas. sa SGS marine surveying ako dito sa qatar. balitaan na lang tayo pre kung sakali matuloy ka na dito para makapagchicken talk naman....

Pre Nandyan ka pala sa Qatar, baka makalipat din dyan by Dec. 10. sa QatarGas. Saan ka ga dyan sa Qatar? Nandito ako sa ngayon sa Nigeria.
Ok naman ang mga manok pre.
Doon ako sa Gulod silangan malapit na s dumantay doon sa tapat ng lumang basketball court. Pero matagal na ako sa BAcoor Cavite.

gani
November 6th, 2007, 08:06 PM
kumusta na ga kayo diyan sir Jemayku at pareng ryan? asbok ang huntahan nyo ah!!

mga taga batangas, musta na ga?:p

taurus11
November 6th, 2007, 09:41 PM
kmsta mga sir...

pre gani....taga ibaan me....dito rin me sa israel kya lang bihira me tambay sa thread ng israel.... marami kanab palahi sa atin? cgr sasali ka rin sa dec 18......uwi kaba sa atin sa dec?

toda raba...

rcgualberto
November 6th, 2007, 10:31 PM
good day mga kasabong...musta na ga balitaan dine...

aba eh...buti naman at madami ng nadalaw dine sa bagong tambayan ng mga ala eh..

welcome po kayong lahat dine..at bisita kayo palagi at ng magkahuntahan...

rcgualberto
November 6th, 2007, 10:45 PM
Nagkausap na po kami ni tonio tungkol sa grey na nasa photo-bucket ko. Nabayadan ko na sya ng para dito at para sa isang pullet na grey din. Pero nagbago ang isip ko, plano kong kumuha na lang ng hindi bulag na pure grey broodstag. kaya pwedeng available pa itong bulag kapag nakakuha na ako ng broodstag sa tuesday.

Opo sir, lahat po ng nasa photo-bucket ko ay nasa manukan ko na! taga saan po kayo at saan ang location nyo ngayun? maraming salamat po sir!:)

Pre Gani..ano gang balita ...update mo naman kami sa perfection grey mo..natuloy ga si Marlon kanina...share mo naman pix sa amin..at alam kong madaming nag-aabang makita bagong materiales mo

zphatch
November 7th, 2007, 09:17 AM
up ko lang.......

ALCOHOL
November 7th, 2007, 04:28 PM
Taas Ko Lang At Malalim Na Ehh....

jemayku
November 7th, 2007, 05:50 PM
kumusta na ga kayo diyan sir Jemayku at pareng ryan? asbok ang huntahan nyo ah!!

mga taga batangas, musta na ga?:p

Ayos laang dine. Kaganda ga niyang nasa avatar mo. May kapatid pa ba yan?

jemayku
November 7th, 2007, 05:51 PM
Pinsan ano gang balita na?

rgbgf07
November 7th, 2007, 06:33 PM
mga taga batangas how are you ga?
:) :) :)

rgbgf07
November 7th, 2007, 06:37 PM
pre ramil kumusta ga? ikaw ga ay matutuloy pag uwi? siguradong mis na mis mo na ang mga bata ano? (lalo na ang dinaanan ng bata):D hehehehe...

pre ay di pa ipaview ni pre gani ang bagong pix ng toino grey eh, siguroy nagpapakasawa pa sa pagtingin :eek: at balita koy napakaganda daw, di ga pre gani?:p

Pre Gani..ano gang balita ...update mo naman kami sa perfection grey mo..natuloy ga si Marlon kanina...share mo naman pix sa amin..at alam kong madaming nag-aabang makita bagong materiales mo

nesch_2311
November 8th, 2007, 02:26 AM
mga kabayan
meron ga kaya akong sanggang dikit dine
batangas varsitarian MLQU chapter 135 brod
ingat kayo

gani
November 8th, 2007, 03:56 AM
taas ko lang, bukas na ako magpo-post uli at antok na! kararating lang ng bahay eh.

jemayku
November 8th, 2007, 12:23 PM
Good day sa lahat

nesch_2311
November 8th, 2007, 12:34 PM
kabayang gani musta na ga malamig na ga diyan
dine eh kahit walang yosi ay nag uusok na ang nguso sa mga kabayan pauna lang maligayang pasko sa inyong lahat 135

LSDJAD
November 8th, 2007, 12:41 PM
pre leo kumusta na ga?
ikaw gay nakapaglaban na ulit ng manok dun kina bagets?
balita koy nagpapanalo daw mga yun eh sabi ni joseph...
naka-isa yata mga yun nung sunday sa ibaan...

OO nga eh, ako yata ang malas pag ako ang nagamit ay natatalo pag wala naman ako ay saka naman nalusot. pahinga muna at walang kapital, walang ring magawa sa trabesiya...hehehe. ipon muna ng pang-share sa secret group...ikaw ga ay kasali sa dec.18???

lenray
November 8th, 2007, 01:12 PM
ala eh!

napadaan laang at nangangamusta.

laheng sto. tomas batangas, lumake sa calamba, laguna.

nagka asawa ng tiga batangas sa may calicanto duon
ba ga sa abacan subdivision?
ang akeng asawa ay tyahen ng isang artista/dancer na "true blue"tubong calicanto.

ako'y lageng naglalaban sa sta rita, balagtas at duon ba ga sa may caltex na sabungan na di ko na maware kung anong pangalan ng simboryong iyon.

kapag ako'y nauwe sa pinas ay nadayo pa ren ako diyan at medyo marameng kadaes ang inyong abang lingkod.

kumpare ko nga pala si super dehadistang si rodel solis ng calicanto kung kilala ninyo.

malamang ay sa marso makakapag laban ule sa lugar na iyan sa pag uwe ko ule.:)

ALCOHOL
November 8th, 2007, 01:50 PM
KAMUSTA NA PO KAYONG LAHAT?.....

PISAN,
AYOS LAANG DINE... KAW GA? WALA GA NANGANGAIN NG TAO DYAN :eek:
HEHEHE..... :D

rgbgf07
November 8th, 2007, 04:16 PM
nataon lang yun sa ganung kapalaran ng manok, hehehehe....
aba ay ikaw gay kasali na sa secret group? ayos ah...tyak na masaya yan.
tamangtama yan pag-iipon mo pre tyak isang damukal na pamusta mo pag dating ng dec.18...

di ako kasali sa dec. 18 at alang kapital.... manonood lng muna ako...:D

OO nga eh, ako yata ang malas pag ako ang nagamit ay natatalo pag wala naman ako ay saka naman nalusot. pahinga muna at walang kapital, walang ring magawa sa trabesiya...hehehe. ipon muna ng pang-share sa secret group...ikaw ga ay kasali sa dec.18???

jemayku
November 8th, 2007, 06:06 PM
KAMUSTA NA PO KAYONG LAHAT?.....

PISAN,
AYOS LAANG DINE... KAW GA? WALA GA NANGANGAIN NG TAO DYAN :eek:
HEHEHE..... :D

Wala ng nangangain ng tao dine. Dyan ang mahirap sa atin wala ng makain ang ibang tao dyan. hehehe Ingat dyan.

rgbgf07
November 8th, 2007, 07:46 PM
taas ko lang po mga ka ala eh at ng madaling makita...

kumusta na lang po sa lahat from A-Z

RNOLD
November 9th, 2007, 11:09 AM
Good Day Sa Mga Kabayan Kong Taga Batangas City......kmusta N Ga

gani
November 9th, 2007, 12:25 PM
kmsta mga sir...

pre gani....taga ibaan me....dito rin me sa israel kya lang bihira me tambay sa thread ng israel.... marami kanab palahi sa atin? cgr sasali ka rin sa dec 18......uwi kaba sa atin sa dec?

toda raba...

manishma? ikaw pala naman ay narito sa Israel eh, saan ga ang work mo? minsan ay magkita tayo at ng makapag-chicken talk naman. ikaw ga ay nalabas tuwing linggo?

jemayku
November 9th, 2007, 12:28 PM
Good day to all

gani
November 9th, 2007, 12:29 PM
Pre Gani..ano gang balita ...update mo naman kami sa perfection grey mo..natuloy ga si Marlon kanina...share mo naman pix sa amin..at alam kong madaming nag-aabang makita bagong materiales mo

musta na pare? akoy medyo busy kaya di makapag online eh! ano gang balita na sa mga nokis mo? oo nakakuha si Marlon wala pa laang ipinapadalang pix. heheheh..

pre Ryan- kumusta na baga? ano gang balita na sa dalawang araw na nawala ako?:p

Jemayku- kumusta na sir? gudlak po sa mga laban nyo.

ALCOHOL- musta na ga pareng NAD? ano gang balita na sa atin? galing yata si Marlon sa farm ninyo nuong isang araw eh.

RNOLD- musta na pare? ikaw ga ay napunta pa sa natunuan?

LSDJAD
November 9th, 2007, 01:38 PM
up ko lang...............................

rcgualberto
November 9th, 2007, 02:16 PM
Taas ko din muna at nayayapaw na eh!!

Musta na po sa lahat ng kabayan at kasabong from "A -Z". Welcome po kayong lahat bumisita dine!!!

Magpapaalam muna po ng isang linggo sa inyong lahat at bibisitahin naman mga bata sa atin...(kasama na syempre ika nga ni kasabong ryan eh..pati dinaanan ng bata..nyahhhh!)

Pag may oras pa Preng Gani eh makabisita don sa manukan mo at ako na kukuha picture ng bago mong dating na materiales...he..he..he...

rgbgf07
November 9th, 2007, 03:19 PM
pre ramil ay kagaling mo ah makakadalaw ka na sa mga bata at makikita mo na ulit ang matanda, hehehehe....

enjoy pre!!!! kahit isang linggo laang ay pahadong sulit ang sabong mo...:D :D :D

musta na laang sa mga bata at sa matanda....:)

Taas ko din muna at nayayapaw na eh!!

Musta na po sa lahat ng kabayan at kasabong from "A -Z". Welcome po kayong lahat bumisita dine!!!

Magpapaalam muna po ng isang linggo sa inyong lahat at bibisitahin naman mga bata sa atin...(kasama na syempre ika nga ni kasabong ryan eh..pati dinaanan ng bata..nyahhhh!)

Pag may oras pa Preng Gani eh makabisita don sa manukan mo at ako na kukuha picture ng bago mong dating na materiales...he..he..he...

gani
November 9th, 2007, 04:27 PM
kabayang gani musta na ga malamig na ga diyan
dine eh kahit walang yosi ay nag uusok na ang nguso sa mga kabayan pauna lang maligayang pasko sa inyong lahat 135

ayus laang naman pare, medyo lumalamig na naman! mas gusto ko pa ang summer at dine ay hanggang 28C lamang.

musta na ga pre? magaganda ang iyong mga nakatali eh! kailang ga mapapalaban ang mga yaan, ipadala mo sa Ibaan para mapanood natin ng live!:p

gani
November 9th, 2007, 04:28 PM
Taas ko din muna at nayayapaw na eh!!

Musta na po sa lahat ng kabayan at kasabong from "A -Z". Welcome po kayong lahat bumisita dine!!!

Magpapaalam muna po ng isang linggo sa inyong lahat at bibisitahin naman mga bata sa atin...(kasama na syempre ika nga ni kasabong ryan eh..pati dinaanan ng bata..nyahhhh!)

Pag may oras pa Preng Gani eh makabisita don sa manukan mo at ako na kukuha picture ng bago mong dating na materiales...he..he..he...

sya pare, sana ay mag-enjoy ka sa iyong bakasyon kahit 10 days laang pala! kasarap din ng iyong trabaho diyan at palagi kang nakakauwi. balitaan mo na lang kami sa iyong mga panalo. ingat pare and God bless you!!!

susulat kang madalas ha!!!:D

gani
November 9th, 2007, 05:07 PM
Ito na ang inyong request!!
tonio's pure frost grey broodstag.
http://i231.photobucket.com/albums/ee8/King_Viper/ed4e4d.jpg
pasensya na kayo at celphone lang ginamit sa pagkuha ng pix, low tech pa. heheheh.:D

ito pa isang kuha, medyo maayos.
http://i231.photobucket.com/albums/ee8/King_Viper/r34r43.jpg

ito naman ang handler kong si Marlon, medyo malungkot!! baka na-delay ang sweldo. heheheh.:p
http://i231.photobucket.com/albums/ee8/King_Viper/dede.jpg

taurus11
November 9th, 2007, 05:44 PM
manishma? ikaw pala naman ay narito sa Israel eh, saan ga ang work mo? minsan ay magkita tayo at ng makapag-chicken talk naman. ikaw ga ay nalabas tuwing linggo?

nalabas din me pre kaya lang hindi linggo-linggo......taga haifa ako...

nagsasabong din sa atin, may alaga noon kaunti...pero iba na ang panahon ngayon palibhasa may internet kaya nakakakita ng magagandang manok sa internet.. nakakahili nga minsan kasi noon basta magaling ang manok ok na pero ngayon may mga pangalan na pala.....marami ka na cgr palahi ano? cgr pag nag for good na me mag-aalaga rin ng manok kc iyan lang ang libangan sa atin...
buti nga ikaw at may simula na kaya sanay maging tama ang mga pagpili mo ng ganador at magkaroon ng magagandang supling...

shabat shalom....

taurus11
November 9th, 2007, 05:50 PM
magaganda ang nakuha mong talisayin...magkano ga kuha mo?anong lahi ga iyan? maninipis ang mga paa niyan....lalakas cgr pumalo....ok ba ng kausap ung si Tonio pre?

gud luck sa palahi mo...

gud pm po sa lahat ng batangenio from A-----Z....

jemayku
November 9th, 2007, 06:00 PM
Good evening to all

gani
November 9th, 2007, 07:03 PM
magaganda ang nakuha mong talisayin...magkano ga kuha mo?anong lahi ga iyan? maninipis ang mga paa niyan....lalakas cgr pumalo....ok ba ng kausap ung si Tonio pre?

gud luck sa palahi mo...

gud pm po sa lahat ng batangenio from A-----Z....

pure frost grey itong nakuha ko pre! kayang-kaya mo din ang presyo. maayos namang kausap si tonio eh, papuntahin mo lang ang handler mo duon at tiyak na makakapili ng ayos sa daming pagpipilian. pwedeng ibitaw lahat ng mapipili at duon pipili sa mga naibitaw mo.

akoy sa tel aviv ang work, nalabas din lang ako ng 3-4 hours every saturday night!:)

shabat shalom!!!:)

gani
November 9th, 2007, 07:04 PM
Good evening to all
musta na po sir? kelan ga ang inyong laban?:)

wrigleycanada
November 9th, 2007, 07:54 PM
Pinsan Gani,

Plagay sa iyo na lang kukuha ng mapipinance sa 2009 pag-uwin namin sa Pinas. Nas Bagong Pook ga ang farm mo o nasa Tugtug? Mukhang maganda ang income mo at nakakabili kay Tonio. 20 K bawat isa roon ah! Kwentuhan na lang tayo ulit.

gani
November 9th, 2007, 08:09 PM
Pinsan Gani,

Plagay sa iyo na lang kukuha ng mapipinance sa 2009 pag-uwin namin sa Pinas. Nas Bagong Pook ga ang farm mo o nasa Tugtug? Mukhang maganda ang income mo at nakakabili kay Tonio. 20 K bawat isa roon ah! Kwentuhan na lang tayo ulit.

Nasa Natunuan ang aking backyard pinsan!..Walang problema, pag uwi mo ay pumasyal ka laang duon at sa 2009 ay siguradong may mapipili ka na.. Maliit laang dine ang income, ika nga ay sapat laang din sa pangangailngan.:p ikaw ga ay nakakatawag pa sa mga taga Tugtug? kumusta na laang diyan sa kakang Corneng!!:)

wrigleycanada
November 9th, 2007, 11:30 PM
Copy Gani. Pero siguro ay papupuntahin ko ang utol kong si Danny sa inyo para makita nya ang iyong backyard breeding. Nagfifnance din kasi yon kaya nga lang minsan ay nasusubuan ng hindi magandang klase kaya medyo aloof na sya ngayon. Sasabihin ko sa kanya pagtawag ko mamaya.

grandeur0
November 9th, 2007, 11:41 PM
mga kabayan kumusta na makikiraan lang,ang taga mindorong mangyan napadaan lang

don_r07
November 10th, 2007, 05:55 AM
mga kabayan kumusta na makikiraan lang,ang taga mindorong mangyan napadaan langtaas ko lang sir