PDA

View Full Version : Mga madalang na pisikal na senyales sa manok?



ParaTex70
February 19th, 2003, 01:23 AM
Ano ba sa palagay niyo ang mga ito na madalang lang makita sa isang panlabang manok.

cesario
February 19th, 2003, 05:34 AM
bulik tae na itim ang paa

BULIK
February 19th, 2003, 04:26 PM
sa akin iyong itim ang dila, magandang senyales yon, kasi nagkaroon na kami ng itim and dila mas madalas ang panalo, minsan lang kami natalo ng mayron kaming itim ang dila, kaya lang namatay dahil na peste. paborito ko rin ang kukong baboy at solo sintas na kaliskis, kasi di pa kami natatalunan ng ganyang sinyales. Pero, kailangan din ng magandang alaga o kondisyon at magandang match o laban dahil di natin kailangan umasa sa senyales ng manok para manalo, dahil ang senyales ay isang pangdagdag lamang sa swerte.

Bty Hunter
February 19th, 2003, 08:45 PM
Sa amin naman ay onse-onseng bagwis.. Walang natatalo sa unang laban. At yung may pamukulan sa dalawang bagwis..May mga naging manok na kaming ganito, alahado na nananalo pa.:D

macgyver
February 20th, 2003, 12:53 AM
sa tingin ko yung may baligtad sa pakapak o yung barenahan sa pakpak @ sa buntot, nagkaroon kc ako nyun naka 7x win sa 8x nya win yung kalaban syang.:(

banyog1023
February 20th, 2003, 09:47 AM
para sakin yong namimilas sa joint ng pakpak. habang sariwa pa yong pilas kulay brownish red, halos magsasalita na ang manok na 'ilaban mo na ako amo' :D ganito ang manok ng tropa ko dati, nakarami din yon kaya lang nilaban nya ng sya ang namilas, hindi yong manok, kya natalo rin:D

balian
February 20th, 2003, 04:40 PM
meron akong manok na nakita ng isang matandang magmamanok sa amin... sabi niya pasabihan ko raw siya kapag ilalaban ko na at sasama daw siya ng pusta. Pambihira daw sa manok ang may "guhit lapis" sa tuka dahil nagkaroon daw siya dati at nagbilang ng panalo. hindi ko pa 'to nailalaban pero nasa pre-con na siya.

rebel
February 20th, 2003, 05:17 PM
Ang isang buntot na parang walis tingting lang ay bihirang makita sa manok. Para siyang barina pero iba eto doon. Nakahalo lang sya sa normal na buntot kaya parang hindi mo mapapansin kung talagang hindi mo titingnan ng maige. 4X winner na sa amin ang manok na may buntot na ganito sa hackfight lang. Hindi namin nilalaban sa derby kasi binili namin sya sa murang halaga lang at pang catch cock lang namin para sa mga hinahanda na manok.
Nag iisip pa kami kung susubukan namin syang i breed o hayaan na lang syang tumanda at mamatay.... :confused: :confused:

Bty Hunter
February 20th, 2003, 09:33 PM
Rebel yan yata yung tinatawag na "baston" marami sa amin ang bilib sa ganyang senyal

macgyver
February 20th, 2003, 09:47 PM
mga pre meron ako tanong, yung tig dalawa ang tahid left & right legs e senyalis din ba? actually naka 3x na syang nananalo. tapos yung ibinireed ko cya sa mga anak nyang babae e yung anak nya e puro talo syang?:(

Wintuha
February 21st, 2003, 01:16 AM
Rebel,

Anong kulay ng manok ninyo na may baston na may baston? Paki describe naman?

Thnak you
Wintuha

Bty Hunter
February 21st, 2003, 01:30 AM
Yung sa amin mayahin at isang dalusapi.. Nanalo 2 years ago walang sugat..nadale ng peste sa lugar namin August last year walang laban:(

Camarines
February 22nd, 2003, 07:48 PM
Sa akin ang pinakamadalang na senyales ay ang daliri ng manok ay parang hagdanan.

patuzai
February 24th, 2003, 12:04 AM
para sa akin ang pinaka-madalang na senyales ng manok ay
dalawa ang kuko sa kanang daliri ng manok , na nabili ko sa GORTTO last january 19 araw ng linggo yun ng umaga at nilaban ko kinahaponan sa kaybega at
nanalo naman .


patuzai

MABUHAY ANG SABUNGERO !!!!!!

cesario
February 24th, 2003, 01:03 AM
sino na sa inyo ang nagkaroon ng manok na duling, maganda raw itong senyales

rebel
February 24th, 2003, 07:45 AM
Wintuha,
Ang kulay niya ay sinibalang at dilaw paa. Baston ba ang tawag dun sa ganun senyales? Ang baston para sa akin ay yung kaliskis na derechong linya mula una hanggang dulo ng kaliskis ng manok. :confused:

abai
February 24th, 2003, 08:03 AM
Tawag sa Bisaya nito "Banaogan". One of the best senyales.

Wintuha
February 24th, 2003, 08:06 PM
Rebel,

Maraming salamat sa email mo na nasa PM.

Tungkol naman sa senyales, mayroon kaming na breed last season na ang pagitan ng daliri ay may maliliit na balahibo. Hindi pa namin inilalaban ito dahil medyo bata. Pero sa bitaw ay may ipinakikita ng kagalingan maski ang kabitaw ay matatanda pa.

Ngayon lang ako nakakita nito ng ganitong senyales at sabi ng matatanda sa amin ay pambihira daw ito.

Mayroon na ba sa iyo na nagkaroon ng ganitong klaseng manok.

Ano ang experience ninyo dito?

Maraming salamat mga cockmates,

Wintuha

patuzai
February 24th, 2003, 08:18 PM
wintuha ..

Pre....... nagkaroon na ako ng ganyan klasing
manok . maganda yan ilaban sa panahon ng tag-init
mabilis .

patuzai:D :D :D

:blush:

tsampoy
February 24th, 2003, 10:59 PM
smooth,a bit oily strawberry red face.puffy area between eye and beak.crow in "high pitch".reddish pink on the side of the shank.:D :lol:

Wintuha
February 25th, 2003, 09:29 PM
Patuzai,

Maramang salamat sa tip mo. Balak kung ilaban ang batch nila (3 brothers) sa Mayo, 14 months na sila by that time.

roy reyes
February 26th, 2003, 06:12 PM
para sa akin ang isa sa magandang senyales ng manok ay ang may "uban"(1 white na balahibo sa bandang likod ng ulo ng manok)buenas daw ito at napatunayan ko na rin,preng cecario yaan mo hanap ako ng manok na duling,kayang lang mukhang mahirap hanapin yon.he,he.

patuzai
February 26th, 2003, 07:24 PM
Roy.

maganda nga yang may uban kc meron ako niyan
wala pang natalo sa unang laban . tawag namin ay
ubanin .


patuzai:D

daguevar
February 26th, 2003, 11:23 PM
sa amin may manok ako na duling na bakang pa ,mahusay sa bitaw ang manok laging nakakapagpatakbo ng kalaban di ko lang alam pag natarian na kung ok pa sya...:hippie:

Boy London
February 27th, 2003, 12:40 AM
Mga Kaibigan,
Huwag kayong kukuha ng manok na duling, Dahil ang manok na duling walang magawang magaling he:lol: he:lol: he:lol:

sweater02
February 27th, 2003, 04:16 AM
"sinco in camas" tama ba spelling ko? manok na may limang buong kaliskis sa magkabilang paa nabasa ko 6years ago sa magazine ng sabong. napaka galing daw ng manok na ito at nanalo ng 3 times sa derby w/o scratch. halos mawasak daw ang katawan ng manok sa lakas pumalo. sabi ng lolo kong sabungero nung nabubuhay pa sya bihira daw ito sa manok at totoo daw na magandang sinyales ito ng manok.

Babam
February 27th, 2003, 06:02 AM
meron akong manok na may kaliskis sa ilalim ng kanyang kaliwang paa. ewan ko kung senyales ito pero 2x derby winner sa pasig square. hindi pa nasusugatan. pag binibitaw namin sa mga ibang winner namin, parang ayaw siyang paluin. nagiiba ang palo ng nakakatapat niya.

Teksas
February 27th, 2003, 02:47 PM
Karamihan ng mga mananalong manok ay may senyales na hawak. Lalo na kung 3 o higit pang panalo.

Ito ang mga halimbawa
May krus sa tapat ng tahid
Ang tahid ay pababa o pataas
Paningit sa kamao
Kukong baboy kung tawagin
Sudya sa biyas at marami pang iba.


Thanks.

tristan
March 17th, 2003, 08:12 PM
meron akong manok na barenahan tapos silong sa lilongang buntot at walang kaliskis famillar ba kayo sa manok na walang kaliskis sabi ng kapitbahay namin wala daw katalo-talo yun pero ayoko laban e pls. reply anyone 1 na familliar thanks

tristan
March 17th, 2003, 08:23 PM
meron akong manok na barenahan tapos silong sa lilongang buntot at walang kaliskis famillar ba kayo sa manok na walang kaliskis sabi ng kapitbahay namin wala daw katalo-talo yun pero ayoko laban e pls. reply anyone 1 na familliar thanks

patuzai
March 17th, 2003, 08:23 PM
tristan.......


pre.........saan ka sa kalookan ? madaanan kita at tingnan ko ang sinasabi mong manok . at maituro ko sa'yo ang dapat mong gawin .



patz.:cool: :cool:

rolly_rolly216
March 18th, 2003, 11:18 AM
TRISTAN, may manok din ako na walang kaliskis .inahin puti ang problema diko alam bloodline mula ito sa ilo-ilo .ang ama nito ay wala din kaliskis at ayon sa kinunan ko ay 14 na panalo na . biyas kawayan ang tawag sa senyales .mula mapunta sa kin ang hen na wala kaliskis ay nag silbing lucky charm ko ito . kung maniniwala ka 9 straight win sa 9 na manok ko na pina inum ko sa pinag inuman ng hen na walang kaliskis. to all cock meyt ang mga senyaladong manok ay nakakalamang sa kalaban na walang senyales.kung pareho ng uri at kalidad.pero kahit nasa manok mo na lahat ng senyales kung ito naman ay mistiso o tagalog .mahihirapan din sa mga alas na manok ng kilalang magmamanok. kaya ihahanap mo din ng kalebel. nasa galing ng panabong at magandang pag aalaga ang sekreto. RR:)

tristan
March 21st, 2003, 01:04 PM
patuzai,
thanks taga deparo caloocan city ako here's my add blk2 lot 57 alecon homes deparo caloocan city see u


3stan

tristan
March 21st, 2003, 01:21 PM
rolly r,
yung akin red in colorwhite legged ibinigay lang sa akin ito nung 2mos. pa lang ito yung una kong manok na nag-motivate sa akin na paramihin yung lahi niya kasi sabi dito sa amin lahat daw ng senyales nandito na sa manok ko kasi bukod sa walang kaliskis barenahan siya at baliktad ang buntot sa laro naman masarap talaga siyang panoorin sa bitaw kahit mas matanda sa kanya ang kabitaw noong 5mos. nga siya noong una ko siyang binitaw mas matanda sa kanya kabitaw niya at mas malaki katawan pero napatakbo niya parang kahapon nung nag-spar kami manok ko din kalaban niya na inihahanda namin para sa abril pagkatapos ng sparring di na nakakain yung kinukokndisyon ko sa sakit ng katawan kahit 3-5buckels lang ang sparing malakas siyang pumalo mabilis angat at nambabagsak sa likod thank u sa reply i hope i here from you again..

3stan

sweater02
March 22nd, 2003, 07:23 AM
mga guys nag karoon ako nyan dati at ubod ng galing ang mga anak nito meron akong inahin at tandang na regalo ng tatay ng bayaw ko nabili nya ito sa isang matanda sa ilo-ilo city pero hindi ko rin alam ang bloodline. pero ang sabi nung ibigay sa akin yon ay magaling daw magbigay ng mga anak na winner ang dalawa. nung una hindi ako naniwala na magaling pero sinubukan ko at nung inilaban namin ang mga anak ay nagsipanalo nga ang mga anak nito at nang magpunta ako dito sa US ay hininto ko muna palahiin ang mga manok ko at yung mga stock ko ay nasa tiyuhin ko sa QC. sya na ngayon ang gumagamit ng mga stock ko. kumukuha na lang ako ng panlaban sa kanya kapag umuuwi ako sa pinas

tristan
March 22nd, 2003, 07:15 PM
sir,
ano appearance nung manok mong walang kaliskis yung akin white leg na mukhang claret at kung pwede bang makabili sa iyo ng kahit sisiw o pullet ng purong lahi ng walang kaliskis kasi gusto kong i-maintain yung line na ito e lalaki lang kasi yung sa akin matagal kasi kung mag ba-back crossing ako im from deparo nova caloocan hope 2 hear from u ty

3stan:lol:

sweater02
March 24th, 2003, 06:46 AM
pula ang kulay ng mga stocks ko at yung tandang ay itim at may puti konti ang paa. yung inahin light blue ang paa yung mga nilalabas na anak nito ay blue leg kung minsan may itim. yung paa nila wala talagang kaliskis. parang balat ng tao makinis. sorry pre pero wala sa akin ang mga manok ngayon nasa tiyuhin ko kasi wala ng mag-aalaga sa farm kaya nilagay ko na sa farm ng tiyuhin ko bago ako umalis ng pinas and may isa kaming inahin na binigay sa isang kaibigan na taga Iba Zambales. cross nya sa mga blueface nya.

waldas123
March 24th, 2003, 11:18 AM
Cesario,

Mahirap atang maghanap ng manok na duling at kung meron man, sigurado akong mahihirapang manalo at baka tumakbo pa dahil dalawa ang makakalaban niya, he!he!he!

waldas

jlbs72
March 24th, 2003, 11:42 AM
mayroon naman akong may kuko sa may pakpak. Ano sa palagay ninyo, maganda ba yung may ganitong senyales ?

God Bless.

rolly_rolly216
March 26th, 2003, 08:08 PM
TRISTAN punta ka sakin marami na ko wala kaliskis sinibalang, bagkas.yellow legs , blue legs, white legs. pero walang babae kahit isa di pa nag anak ng babae ang inahin na walang kaliskis. panay lalaki at marami wala kaliskis . tama ka malakas pumalo at mabilis ang paa. :hippie:

ParaTex70
March 27th, 2003, 12:10 AM
Di pa ako nakakita at nagkaroon ng ganitong manok,ok sigurong subukan out of curiousity.
Rolly_rolly216, kung may selling station ka lang sana sa Manila baka kahit sa pamangkin ko'y magpakuha ako, yamang narin na marami kanang buyer bakit hindi mo i- try magkaroon ng bagsakan ng manok sa parteng Maynila? tiyak kuha mo yung mga mga karatig probinsiya bandang Norte gaya ng Bulacan,Pampanga at Tarlac na malapit sa maynila. Napakahirap kasi magpunta ng Laguna nakakainis ang trapik bandang South expressway. Mahilig ako sa mga senyal at believer ako sa bagay na ito, kapag kursunada ko ang manok kahit kanino pa galing, kung magaling talaga ang senyal ay pagsusumikapan kong bilhin.

rolly_rolly216
March 27th, 2003, 08:17 PM
PARATEX 70 ,, TRISTAN .. ang totoo 2 taon ko nang pinaaanak ang hen na walang kaliskis , pero ni minsan wala pa akong pinagbentahan ng walang kaliskis , dahil pag may nakakakita lagi inaarbor. kaya nasanay na ako na pag may buyer na nag interes lagi sagot ko , gusto mo ba?? sige sayo na. kaya tuloy di ako makapag laban ng walang kaliskis. sisiw pa lang na pipitas na. IKAW GUSTO MO BA??:) pero ang original na hen na walang kaliskis marami na nag alok ng magandang presyo pero di sumama. ( lucky charm ) :hippie:

ParaTex70
March 28th, 2003, 12:17 AM
Ano pa kaya ang maaari kong isagot sa nakakaindayog na tanong na yan? isang dumaragundong na "syempre"
Di ko nga lang talaga sigurado kung literal ba talaga ang ibig sabihin niyan:)

Ikaw narin ang nagsabi laging napipitas ang lahi niyan,e ano pa ang maari nating pitasin baka bulaklak pa lang ang mga nandiyan saiyo:p

Pero hayaan mo kapag nahagisan mo ako niyang lahi na iyan,hahagisan rin kita ng mga Sumatra Aseels grades ko, na 32 years ko ng mini mentain,Oriental fanatic kasi ako,gaya ng yumao kong kibigan na si Totoy Dela Cruz.

Sebastian
March 28th, 2003, 01:09 PM
Guys, meron akong manok na ang tawag nila SOTA. Yong bang itim ang isa at puti naman yong isang paa. Di daw 'to natatalo sa unang laban. Medyo bata at kaya di pa namin nilalaban. Totoo bang sinyales ang sota?

rolly_rolly216
March 28th, 2003, 05:45 PM
:hombre: SEBASTIAN PRE ANG SOTA DAW AY PINALALAGAY NA BALE DALAWA ANG PAGKAMANOK, halimbawa pula na dilaw at berde ang paa , lumalabas na mayahin at dalusapi kaya senyales din ito na suma dalawa kalaban. PARATEX, ang mga walang kaliskis 1 & 2 mos. old panay lalaki. sa loob ng 2 taon di pa nag anak ng babae. marami din ako asil , sonatol , indian raja asil, boles,julo,brazillan gold.baka lang type mo, no money involve.:)

ParaTex70
March 29th, 2003, 12:53 AM
In advance,paki tabi mo nalang muna ako ng isa dyan baka kasi mauubusan gawa narin ng pagka galante mo.Baka ipakuha ko nalang sa pamangkin ko na taga Maynila,siguro mga 2nd week ng April.Sa Palawan pa kasi tayo, kung sakaling makakuha nga tayo niyang mga palahi mong walang kaliskis gagawin ko ring lucky charm yan,mapamahiin kasi tayo sa sabong.Napakarami mo rin palang Asil kala ko wala ka,kaya kita gustong hagisan rin.
By the way, may mga palahi kabang mga Blueface hatch na puro? kanino galing? kailangan ko kasing mag infuse na sa mga Asil grades ko,pullet sana para ma i range ko pa sa farm ko kasama ng mga baby stags ko.Magkano mo bang ibibigay sa akin yon kung sakaling meron ka diyan? paki txt nalang ng presyo sa # ko 09198006082, baka kasi bigyan mo ako ng discount d2 at mabasa pa ng iba ay baka ikasira pa ng mga presyo ng mga palahi mo:D

sige hanggang sa muli...

tristan
March 29th, 2003, 10:38 AM
:rbounce:
mr. rolly r,
talaga bibigyan mo ako ng walang kaliskis mo alam mo sa akin baligtad 2 beses ko pa lang nai-breed yung walang kaliskis ko he's about 11 mos. now pero laging isa lang ang lumalabas na walang kaiskis na lalaki pero sa ngayon may isa pa akong babaeng 2 mos. old na walang kaliskis gusto mo dalhin ko na lang sa iyo pagpunta ko dyan paano ba papuntan diyan na i-text mo na sa akin dati yung add. mo kaya lang nawala ko e saka saan nga pala cross yung mga walang kaliskis mo u can call me at 9372825 look for tristan

3stan

tristan
March 29th, 2003, 10:49 AM
patuzai ,
ang buo ko nga palang add ay blk2 lot 57 alecon homes deparo ,novalices caloocan hintay kita ha!

3stan:rbounce:

rolly_rolly216
March 29th, 2003, 09:37 PM
ok paratex 70 , spare kita ng wala kaliskis. & salamat sa alok mo na asil. blue face ko jack hammer line ng lucky strike. cross sa blue face ni e. araneta from DR. B.LINDA ,2mos. palang. sama ko na pag punta ng tao mo. :)

ParaTex70
March 30th, 2003, 03:36 AM
Sa kabaitan at hospitality na iginawad mo sa akin, hindi ko in-expect ito sa totoo lang. Dalawang taon na ako sa site na ito pero ngayon lang ako nakaranas ng ganitong" good gesture" imagine ni hindi nga ako humingi, pero ikaw at saiyo pa galing ang alok na mabigyan ako ng manok na senyelado, at nahabulan pa ng isa! napakadalang yatang mangyari ng mga ganitong bagay.

Kung medyo malakas lang ako at medyo bata pa ng kaunti ay gusto sana kitang ma meet ng personal diyan sa Laguna, kaya lang gawa ng sakit ko na "vertigo" ay di ko na ma afford magbiyahe ng malayo, sumakay man ng plane o barko ay hindi na ako pwede gawa ng sakit ko.

Tumutugma lahat sa direksyon na may maganda ngang source ang pinanggalingan ng blueface mo,kay Ferdie D. at Doc Baylon, ang huli ay personal ko talagang alam na may mga nakukuhang lahi galing kay Eddie A. dahil naging Farm vet siya ng Liza Galore Farm.

Salamat ulit Rolly, i really appreciate it.


PS. TATAWAGAN KA NA LANG NG PAMANGKIN KO KAPAG PUPUNTA NA DYAN.

rolly_rolly216
March 30th, 2003, 07:40 PM
PARATEX 70. , ur welcome... 411 maryland compound mayapa ,calamba laguna. o49-8343762 TEL...... 09187117718 CEL... PARA DI LIGAW TAO MO. PRE , GANYAN DIN SINABI NI TINY MENESES SA KIN,ng bigyan nya ko ng seed fowl na lemon , at magkaanak ay dinala ko sa kanya ang 3 stag na anak. talagang natuwa sya at sabi nya " sa daan-daan bilang ng kaibigan na nabigyan ko ng manok " IKAW LANG ROLLY ANG NAG BALIK NG ANAK" ang punto ko ay hindi laging pera ang involve sa pag kakaroon ng pangarap na manok.... sa american breeder nga daw habang pinepresyuhan mo manok para bilhin lalo di mo makuha. pero pag nakagaangan ka ng loob maiuuwi mo pinakamainam sa presyong kaibigan:) OK PARATEX, ANTAYIN KO TAO MO:hippie:

tristan
March 30th, 2003, 08:05 PM
:wink2: mr. rolly r,
pasensiya kana di ako nakapunta kanina kasi agkaroon ng emergency sa bahay, thank you ha 4 inviting gusto ko pa naman sanang makilala si mr. philip neri para makita ko yung mga ruble hatch niyang kayang pumatay ng ka-spar na binanggit niya sa topic na "most powerful hatches" ok lang bang bumisita na lang ako this coming week diyan sa place mo ako din backyard breeder lang range area ko nga sa labas lang ng bahay namin kaya minsan harapanng kapitbahay namin puro ipot ng sisiw. c u na lang po mr. rr

Tristan

tristan
March 30th, 2003, 08:10 PM
:wink2: mr. rolly r,
pasensiya kana di ako nakapunta kanina kasi agkaroon ng emergency sa bahay, thank you ha 4 inviting gusto ko pa naman sanang makilala si mr. philip neri para makita ko yung mga ruble hatch niyang kayang pumatay ng ka-spar na binanggit niya sa topic na "most powerful hatches" ok lang bang bumisita na lang ako this coming week diyan sa place mo ako din backyard breeder lang range area ko nga sa labas lang ng bahay namin kaya minsan harapanng kapitbahay namin puro ipot ng sisiw mr. rr mayroon ba kayo ngayong mga quality chicks at anong bloodline kung meron para pagbumisita ako ay makabili naman ako sa inyo mr. rr contact nyo lang ko di ba sa inyo na cell no# ko
i hope 2 hear from you soon next e-mail ko sa inyo attach ko pic ng walang kaliskis ko para makita rin nang iba pa nating mga cock buddies.


Tristan(sic):rbounce:

rolly_rolly216
March 30th, 2003, 08:41 PM
TRISTAN, ok lang next time nalang tayo lakad pag available ka. may nahiram ako kay philip na ruble broodcock ,man fighter at sa lakas pumalo natanggal ang 2 tahid sa pag palo sa kulungan. nasa farm na nya ngayon at makikita mo na talagang malakas pumalo. :)

tristan
March 31st, 2003, 09:36 PM
:)mr.rr

thank you talaga ha nanghihinayang nga ako di ako nakapunta basta gaya nga ng sinabi ni paratext i-reserbe mo rin ako ng walng kaliskis mo kasi masyado daw kayong galante kung sa next time po na bibisita ulit kayo kay mr.neri txt nyo lang po ako at sanay makasama rin natin si paratext ty uli.

your cockbuddy,
Tristan

tristan
April 17th, 2003, 08:09 PM
:blush: check this out mga cockmates 2 yung pic ng manok kong walang kaliskis hope you like it

MEL
April 27th, 2003, 09:45 AM
may manok ako na blue leg ang kaliwang paa at white leg ang kanan, 2 panalo na sa derby ( 7-cock pareho ) sa virginia, 2nd fight, after lugon walang sugat.
Mel

rolly_rolly216
April 27th, 2003, 11:32 AM
meron nga pala akong manok, mayahin bluelegs, naging dalusapi whitelegs ng maglugon, ngayon lasak bluelegs naman, 4xwinner na.:)

ParaTex70
April 28th, 2003, 02:24 AM
Michael Jackson line, dating negro nang lumaon naging puti:lol:


regards!






~Masayang araw sa inyong lahat~

reongmanchi63
December 1st, 2004, 08:02 PM
Mayroon po ba kayong mayahin na may nag-iisa o kahit dalawang puti sa pakpak at iyon lang ang puti sa kanyang buong katawan?Papalitan ko ng Dink Fair sweater stags o pullets.
Mayroon akong bulik tae na kulay itim ang paa at dila nakadalawang panalo na at ngayon ay pangbarkada na lang.

alcothans
December 1st, 2004, 11:48 PM
Alaga-an nyo ang manok na may sinyalis o katangi-an. Barinahan, sip-sipan huwag mong ma-una pagbitaw. Haya-an mo sila ang ma-una. Kaliskis sa pa-a, huwag mong elaro sa tag ulan at epa-alam kasi ahas ayan. Yon ang na experience ko at advice nang mga matanda pa sa akin.

patuzai
December 3rd, 2004, 11:00 AM
tanong ko lang

ano ang gagawin kung dumalaga or inahin na BARINAHAN ?:wink2: meron kasi ako rito anak ng imported cock ko na barinahan din ....

boolick
December 15th, 2004, 08:40 PM
Mayroon kami may balahibo sa paa. tinamaah yung puno kung saan siya nakatungtong. Bumagsak siya at nakahiga nang mga 2 minuto tapos bumangon. Yung puno patay.

duweewowee
December 15th, 2004, 09:31 PM
mayron akong manok na may daliri sa may pinakasiko niya, nagkaruon na ba kayo nito?

Anak ng Damulag
December 16th, 2004, 01:02 AM
SAN parte ba ng manok un?:innocent: siguro para sa akin ang pinaka-magandang senyales at madalang ay yung manok na bano sa bitawan pero kpag natarian na ay magaling lumaban.:zippo:

rogenador
December 16th, 2004, 02:32 AM
ano ba tamang panahon para ilaban ang manok na may senyalis?

rogenador
December 16th, 2004, 02:55 AM
e how about kung in visayayan term pamandulan
...?:)

roland_kent
December 16th, 2004, 11:56 AM
ang sakin ay..

may sisiw akong tatlo ang butas ng ilong ang panagatlong butas ay nasa gitna bandang taas ng palong hindi ko lang masilip kung tagusan ang butas, at kung humihinga din cya dun..

ano kaya ang ibig sabihin nito?

hindi ba cya normal o senyales ito???

alikabok
December 16th, 2004, 11:12 PM
me nagsabi sa akin maganda daw yan wag mo susundutin!
nagkamanok ako buo sa tapat ng tahid 5x winner hkfight lang.
another one is kukong baboy..galing sa unang laban.

Aramos
December 17th, 2004, 09:23 AM
Sir Rolly_rolly216

Magkano po price nyo nung manok nyo na walang kaliskis/? meron po ba kayong inahin na availble na for selling? Interesado po ako kahit isang lalaki lng.

saan po ba location nyo?

Chris Balba
December 17th, 2004, 12:20 PM
Noong highschool ako, nakabili ako sa lugar ng mga lolo ko ng isang 2 bawang edad na lalakeng sisiw, green legged at mataas ang pagkadugo, noong hinihimas ko na siya sa edad na anim na buwan, ay nasugatan ang aking kamay, napansin ko na may matalas syang bahagi sa kanang pakpak. Di ako makapaniwala namay kuko siya doon. Binili sa kin ito ng aking pinsan na noon ay malakas magsabong sa Roligon, ang resulta naka tatlo sa kanya ito at wala nakong balita noong dinala nya ito sa probinsya ng kanyang asawa.

leinad
December 20th, 2004, 02:34 PM
meron akong green legged,pea comb sinibalang na inahin na nagaanak ng may senayales.bigay ng kapitbahay namin.according to him ang nanay daw ay may lahing zamboanga white at 'yung erpat e 3x derby winner worth 12 thou from IloIlo na parehong ibinigay lang sa kanila.so meaning to say,hindi sigurado ang mga lahi.karamihan sa mga anak nya may senyales from batch 1 to 5.hindi nawawalan ng sota every batch.nag anak din cya ng may kuko sa leeg.you read it right!may kuko sa leeg!hindi lang isang kuko,2 pa!as in hindi talaga tinutubuan ng balahibo yung bahaging may kuko.nag anak din siya ng silong salilong ang buntot.tapos sinibalang na banderahan.usually pag nagpalahi kayo,ang mga anak kadalasan magkapareho ang kulay di ba?siya 3 klase.sinibalang,alimbuyugin at pula.lamang lang ang sinibalang.eto pa.pag nag-iitlog sya.dark green ang paa,afer maglimlim,asul na maputla na.ang kulay naman ng balahibo nya black and white lang.ang mata combination of black and brown na parang nagaapoy.I REALLY LOVE THIS PRICELESS HEN!why? kasi she is an 80% male producer and ang winning percentage naman ay 90%.in fact,yung lahi nya ang mas mabenta.baby stag pa lng nabibili na.specially yung mga may senyales.kung performance naman, mailag,mautak and 1 hitter lang.pero sure hit naman.1 or 2 hits lang na malinis,paalam na ang kinakanta ko.hehehe.8 months pa lng pwede na.but the problem then was,mahina sila sa sugat. yun kasi ang ikinakatalo minsan e.nag-infuse na ko ng hatch blood(blue face & mclean) to upgrade her chicks last year.so far,quiet good naman ang result.
sensya na kung napahaba ang kwento ha?:blush: :blush:

2_Tower
December 20th, 2004, 02:50 PM
mga cockmyte


yun Broodcock ko ay may senyales na pitong bakod at barenaha yun pakpak mahal n mahal ko yun brood cock at ang yun mga anak niya may mga pitong bakod at barenaha sa pakpak. at yun ibang mga stag ko at pullet ko ay may isang puti sa pakpak.


salamat
John

sandixph
December 20th, 2004, 08:36 PM
mga pre

meron akong manok meztisuhin tapos kulay nya sinibalang ang senyales nya yung kalahati ng buntot nya puti lahat pati lawe, tapos yung kabilang kalahati ng buntot nya itim lahat pati lawe dati pina pantropa ko lang sya kasi meztiso lang pero ginawa ko ikinundisyon ko sya at pinaganda ko katawan kc sabi nung isang matanda samin na senyalado daw yung manok ko na yun at idinadaos daw ng manok ang pagiging senyalado. nilaban ko sa hackfight mitra nakalaban mataas ang pagkamanok at medyo matangkad, ang tanging lamang ko lang medyo malaki katawan ng manok ko, tinarian dehado ako,unang sigawan lo dyes pangalawa lo tres sabi ko ginigisa na manok ko pangatlong sigaw sampu anim patay kako kulang nalang bitawan ko manok ko at luto na! pagbitaw ko 5 secs lang pinatay ng manok ko yung kalaban pero may tama rin manok ko sa kanang hita at sa pulso sa kaliwa buti nalang nkamatay sya agad!

steben_cgal
December 20th, 2004, 09:04 PM
ako naghahanap ako ng manok na tatlo ang mata! eto sigurado mahirap matalo na manok! :lol:

ENZOB
December 20th, 2004, 10:44 PM
ako ang hinahanap ko ay yung me tahid sa dibdib, nagkaroon ako ng manok na ganito naka 4x sa hackfight, yung pangalawa laban nya sa me Las pinas nabaonan ng tari sa likod pagbunot ng tari tumilaok tapos nakatayo pa rin kala mo la tama di inda tama nya, sayang lang namatay sa bilad pagkatapos ng pang apat na laban ya

ariel.aquino
December 21st, 2004, 07:06 AM
sa aking mga napag alaman sa aking Tatay at matatandang sabungero sa amin..

....ang UNANG PUTOK o ang unang kaliskis sa kahit anong daliri ng manok magmula sa kuko nito ay may hiwa .,,at kapag ang unang putok ay nasa pinaka maliit na daliri ng manok itoy mas mabisa at kung ang lahat ng daliri nito ay may unang putok cgurado lang na bibilang ng panalo....

...sa manok namn na may hiwa sa ika limang kaliskis sa pinakamahabang daliri nito o yung sa gitnang daliri nito,,,ito rin ay mahirap talunin sa uang laban....

...ang SOLO SINTAS namn ay ang nagiisang linya sa gilid ng shank o paa ng manok yung kulay pulang linya na makikitang diretsong isang guhit lang....cguradong panalo ito sa uang laban!!!

sa aking paniniwala ang mga senyales ay nagbibigay lang ng extra tapang at tiwala sa ating manok na itoy mananalo..sa tamang alaga at conditioning at syempre magandang lahi...cgurado PANALO KA!!!

Desert Dust
December 21st, 2004, 07:26 AM
Tama ka sa solo sintas, wala pa akong natalong ganyan, pero doon sa isa yung sinasabi mo quinto ang tawag magaling sa bitawan pero pag may tari na halos talo, pero merong nagbibitaw na nag papanalo nito madalang lang(isa na ako doon) ang sa akin ang pinakamganda ay ang itim ang dila, pagmasdan ninyo pag tumilaok siya walang sasagot isa man sa mga katabi niya.

Dante D.

ariel.aquino
December 21st, 2004, 07:44 AM
sir DD,

ang tatay ko po ang may swerte sa kalimay bali o yung quinto pala...tnx po.

yung itim ang dila first time ko po narining yan,,cge sir check ko ang aking mga nokis bak mayroon nya heheh!!!

tnx!

racso
December 21st, 2004, 08:12 AM
mga dre

ok bang senyales ang maraming puting buhok na nasa gawing ibaba ng pitso malapit sa pwet? mas mahaba siya sa balahibo kaya pansinin.
di ko pa kasi mailaban dahil medyo maliit nagaalangan ako.

ang tested namin na senyal ay yung tinutubuan ng bilog na kulay pula sa kilikili o ilalim ng pakpak. bumibilang ng panalo.

tagay pa!!!:evil:

rebel
December 21st, 2004, 10:24 AM
Desert dust,

Kumusta naman ang laban mo sa mga manoks mo na itim ang dila? Narinig ko na rin yang itim ang dila ng manok pero di ko alam kung senyales ba yun. Ang alam ko ay pag itim ang dila ng tao ay malakas ang dating sa taong sinabihan ng anything good. Nawawalan ng malay ang tao pag sinabihan ng taong itim ang dila ng " ang kinis naman ng mukha mo, or ang cute naman ng mata mo. Na 'usog' ata ang tawag dun. Ang lola ng kaibigan ko ay may itim na dila kaya pag nagkita kami ay inuunahan ko na ng salita na "LOla, cute ako at chinito kaya wag ka na magsalita, sabay takbo nyahahaha" :D

reb

ochoocho attack
January 5th, 2005, 02:05 PM
sa akin yong manok na mapula ang isang mata ang isa medyo yellowish, meron kaming ganoon manok 4x sa derby 3x sa hackfight, hayup sa laban pag hindi sabihin ng kalaban tama na hindi titigil sa kapapalo

nemesis
January 6th, 2005, 10:20 AM
How about kaliskis-buwayang mga paa...
Barenahang pakpak...
Buntot-inahen sa puno ng buntot (Round feathers instead of the usual pointed)...
saka saddle spurs (medyo umbok sa magkabilang paligid ng tahid)...
Lastly, manok na may tatlong paa :lol: joke

racso
January 10th, 2005, 11:33 AM
meron talagang tatlo paa, may apat pa nga

my uncle from samar owns quite an interesting collection:
apat pakpak, apat paa, salape, dalawa pamukulan, dalawa tahid, kaliskis sa talampakan, balahibo sa paa, kuko sa katawan ng manok, etc...

pero di siya lumalaban sa sabungan, pang tupada lang.

pati paraan ng pagpili kung aling tari ang gagamitin meron din siyang seremonya.:lol:


tagay pa mga dre:evil:

guapo410
January 10th, 2005, 12:41 PM
Meron ako nabasa tungkol sa mga kaliskis ng manok sa latest edition ng Battle Cock Magazine. Baka makaragdag sa kaalaman nyo. Article ni Dr. Bunan.
For your information only. Hindi ko ina advertise ang magazine baka magalit sakin iba publisher. he he he.

dodieindita
January 21st, 2005, 01:58 PM
senyales daw ito sabi nila,ano sa palagay nyo?

dodieindita
January 21st, 2005, 02:04 PM
heto isa pang picture mas malinaw,sensya na sa dumi di pa ko nakapaglinis ng kulungan.

JunRussel
January 21st, 2005, 02:10 PM
Ang alam ko lang na mga senyales ng manok or kakaiba ay yung mag karoon ng parang paa na may kuko syempre sa bitso ng manok yung iba naman ay nagkakaroon ng tubig yung tenga at yung iba rin lagyan mo ng balahibo ng walis tambo yung tenga at lalabs yun sa kabilang tenga yung iba naman ay kung matulog ay talagang nakahiga kaya ilaban mo agad at karamihan naman ay panalo. Kaya lang kasi sa akin ay hindi ako masyado naniniwala sa swerte at malas at sa mga balahibo at senyales. Pero sabi nila gumagana daw lahat yan karamihan. Sa balahibo naman ito lang ang nakita kong hindi pa talaga nananalo sa 14 ko ng nakita ito ha kasi nagsimula naman ito sa manok namin. Pang Derby bangkas nakuha namin kalaban at talisayin namputsa pagdating sa laban yung amin ay parang nakaposas eh ang tindi ng manok na yun kaya ayun sabi ng matanda na koloran daw talo sa kulay mula noon yun na sinubaybayan ko at sa 11 na nakita ko personal talo nga lahat at panalo bulsa ko yung tatlo ay nakita ko naman sa Derby Video. Kaya siguro baka maniwala ako ng lubusan kapag naging 30 na nakita ko hehehehe kulang pa rin kasi yung 14. Kung nakakalaki at taas ba naman manok ko eh bakit hindi ako umoo sa laban kahit na ibigay ko ng lahat ang senyales niya.

BushPit
January 22nd, 2005, 02:31 PM
Meron ako manok, nasa paa ang palong, binebenta ko nga e:rbounce:

johnnex
January 24th, 2005, 03:59 PM
familiar ba kayo sa "siete coronados"..? may isang kaliskis na kahanay ng tahd at napalibutan ng anim pang kaliskis...pambihira daw ang lakas nito...maari nyong makita to either sa left or roght na paa ng manok.

buhawi
January 24th, 2005, 04:08 PM
ang hanap kong senyales ay:
mabalikat(malapad na balikat)
dibdib na puno at bukang buka
maluwang ang silong
buong buo ang baywang
matipunong mga hita
maumbok na pisngi,mapulang mukha
malinaw at medyo nakabural na mga mata
matalim tumitig
pakat na makintab na balahibo
medyo kipkip na pakpak
kapag ganyan ang mga nakita ko sa manok na ilalaban ko kahit anong kaliskis pa ang itapat mo sa akin sa ulutan,ke kaliskis buwaya yan o kaliskis bayawak yan lalabanan kita.:hippie:

maa-aring makatsamba kang manalo sa ilang laban pero mas lamang ang talo mo sa maraming laban kapag nakatapat mo ang mga manok na may katangiang ito.

BushPit
January 24th, 2005, 07:51 PM
Features ng manok ang mga binanggit mo na di naman kahirapan makita sa isang pansabong na manok. Senyales na pisikal ang pinag uusapan dito, na usually madalang lang makita dahil ito ay "'unusual" features.:hombre:

Bty Hunter
January 24th, 2005, 09:32 PM
Yung parawakan ng kapitbahay namin.. Apat ang paa, bale yung main na paa may branch na tumubo, kumpleto pati kuko ha. Sabi nila buwenas raw 'pambarkada' sa mga panlaban. Ang ginagawa nila e bago paliguan yung mga ilalaban inilulublob muna nila yung parakawan..para raw bwenas:lol:

Nagsipanalo yung mga naunang 'ibinarkada' don sa manok.. Kaya lang parang nawala yung bisa nung ang mapabarakada ay yung kapitbahay namin sa mga manti-tiyope:innocent: Ayun sa inis sa bandang huli yun na mismong 'senyaladong' parawakan ang inilaban.... Unang liparan, berga ang kalaban, pagbagsak titigan sabay siyapulan... YUng pihit ng parawakan SAbay kumarimot na ng takbo humihingi ba ng coke ang tawag doon hahaha!!!:teeth:

Ayon pala ang senyal ng apat na paa kung may hinete pwede sa San Lazaro!

ewolram
January 25th, 2005, 04:33 AM
mas mataas ang isang tahid. kapag pag dikitain mo ang paa ng manok magkapatong ang tahid. bihirang bihira yan pero kapag nagkaroon ka nyan pagkaingatan mo. nagkaroon na ako ng isang ganyan, talisayon sya. anim na beses kong naipanalo. namatay sa kulungan habang kinukundisyon. ginamit ko ring brood cock pero hinde ako nagkapagpalabas ng katulad nya. normal lang ang laro nya kapag bitaw bitaw lang. kapag meron ng tari hinde nakakasugat ang kalaban.

isang matanda sa sabungan ang nakapansin sa manok kong iyon. habang inuulot ko ay binulungan ako na wag mangambang iulot kahit kaninong manok dahil may senyales daw na napakaganda ang manok ko. nuong una ay hinde ako naniwala pero nung makita kong kaliwa at kanan ang sahod ng matanda doon ako naniwala. meron pa akong balato sa matanda.

nemesis
January 25th, 2005, 10:37 AM
Bushpit...Katibayan lang yan na si buhawi ay talagang di naniniwala sa mga senyales. Sigurista kumbaga, at sino naman ang hindi diba? Kahit ba ako, syempre mas gusto ko yung may mga pisikal na katangian na alam kong mas may tsansang manalo kesa magre-rely lang ako ng puro senyales. Please dont' get me wrong, I am not against "senyales" but I'm sure you'll agree with me (and Buhawi) that against a good conditioned and well-maintained cock and a cock that has "senyales", The former will have a better chance of winning. :)

wenweng
January 25th, 2005, 12:35 PM
sorry tol d ako naniniwala sa senyales ng mga manok pero yung senyales ko ang pinaniniwalahan ko pag masakit ang tyan ko yon cgurado alam nyona...joke lang po

junmdz
December 8th, 2007, 05:23 PM
up ko lang mga kasabong..........

raisin
December 31st, 2007, 03:35 AM
Happy New Year!! up lang po natin! :D :D

expressdelivery
December 31st, 2007, 03:57 AM
up ko lang mga kasabong..........

wehehehe
lalim ng pinag hukayan mo nito

jack_kie
December 31st, 2007, 04:03 AM
up ko lang mga kasabong..........


Lalim ng hukay bro! Archaeologist ka ba? :D Joke lang!

alwin
January 1st, 2008, 11:26 AM
up lng natin para mapansin...imagine year of the roster pa ito ngayun year of ano na ba?

roy reyes
January 1st, 2008, 04:27 PM
Year Of The Rat Pre..

jenkarlyn
April 30th, 2009, 12:20 PM
meron kaming nakitang manok, bale alaga sya ng isang matanda na hindi marunong magsabong kulay puti. hindi sya nakatali, kung gustong magpalaban kusang lumalapit sa may-ari tapos kung titingnan mo yung kanyang mata may kulay ng balahibo yun daw yung kulay ng lalabanang manok. naka 19 sya na panalo na hindi man lang nasusugatan ng matindi kaya nga ng nakaraang mga laban nya hindi nadedehado kahit bigtym ang kalaban kasi kilala na nga. nung pa 20 sana nyang laban itinali ng may-ari sa cockhaws para tumingin ng kakulay na nakita nya sa mata ng kanyang manok pag balik nya patay na si manok, NILASON NG MGA WALANGHIYA.

jenkarlyn
April 30th, 2009, 12:34 PM
meron akong manok na barenahan tapos silong sa lilongang buntot at walang kaliskis famillar ba kayo sa manok na walang kaliskis sabi ng kapitbahay namin wala daw katalo-talo yun pero ayoko laban e pls. reply anyone 1 na familliar thanks


KAPAG NANIWALA KA SA KAPITBAHAY MO NA WLANG KATALO TALO YUNG MANOK MO BAKA KA MALOKO PAG DATING NG PANAHON. ANG SABONG IS A GAME OF CHANCE, KUNG WALANG KATALO TALO YANG GANYANG MANOK ABA LAHAT SIGURO NG MAGSASABONG GANYANG MANOK ANG AALAGAAN AT PATI SIGURO YUNG HINDI MARUNONG MAGSABONG, MAG-AALAGA NA RIN NG GANYANG MANOK. KAYA KAMI PAG SINASABIHAN NA WALANG KATALO TALO YUNG MANOK NA SENYALADO SA AMIN, ANG SAGOT KO "BAKIT WALA BANG TARI YUNG MAKAKALABAN NITO" ASAR SILA, TOTOO NAMAN DI BA?

anthony0079
April 30th, 2009, 09:05 PM
ang magandang senyales sa laban ay yung manok na tumutuka ng 2beses sa huli bago matapos ang 10mins.. siguradong panalo!!! hehe:D

nativelito23
April 30th, 2009, 09:29 PM
ako,bihira ako makakita ng sinibalang na itim ang paa.
at pato sa rueweda...joke!!!

ugoy14344
May 2nd, 2009, 05:22 AM
tanong lang kung senyales ba sa manok na 5 ang daliri ng bawat paa. manok kasi ito ng bilas ko naka 4 na panalo na sa hackfight lang.

jeremiahmark
May 2nd, 2009, 07:37 AM
ang magandang senyales sa laban ay yung manok na tumutuka ng 2beses sa huli bago matapos ang 10mins.. siguradong panalo!!! hehe:D

Yan ang magandang senyales na winner ang manok, dagdagan mo pa ng isang shuffle.....;)

Taga_Cebu
May 2nd, 2009, 07:50 AM
Ang magandang senyales ay kung si Weng Weng mag dala ng picker na nokis... sigurado tigok ang labas nyan ! :D :D Pusta kalang sa kabila.

michael angelo
May 5th, 2009, 10:10 PM
mga pre meron ako tanong, yung tig dalawa ang tahid left & right legs e senyalis din ba? actually naka 3x na syang nananalo. tapos yung ibinireed ko cya sa mga anak nyang babae e yung anak nya e puro talo syang?:(

tangilan ang tawag namin sa senyales na yan pre dalawang beses na akong ngkaroon ng manok na ganyan nanalo lahat.:cool:

thomas12345
September 12th, 2011, 06:00 PM
meron akong naging manok na puti regalo lang nung kumpare ko na mag aabroad.. na 1 x winner,,nung mag lugon ay naging sinibalang,at naka 2 panalo...naka 1 lugon pa ay naging purong puti ulit..naka 1 panalo pa din...walang sugat sa lahat ng laban,,,isang araw ay nakita ko na lang na patay sa loob ng kulungan nya...sayang na manok.binansagan ko nga syang si HUGIS...

meme ragudo
September 27th, 2011, 02:53 PM
ang kaliwang paa eh paa ng itik. hindi pwedeng ilaban kasi d malagyan ng tari hahahaha

cnucum
September 27th, 2011, 03:34 PM
Eto isa sa mga stags ko mayroong balbas, parang kambing... :D

http://i13.photobucket.com/albums/a259/darth_guyver/220820111397.jpg

http://i13.photobucket.com/albums/a259/darth_guyver/220820111398.jpg

Gawin ko daw patuka sabi nung banding committee na pumunta sa backyard ko, pag nanalo daw yung unang pinatuka sa kanya, asahan ko daw tuloy tuloy ang panalo ng mga susunod na papatuka sa kanya... Kaya dapat wag patuka yung kalaban sa kanya nun baka yun ang manalo... hehehe

Pag nag ka totoo yan, papatuka ko ang lotto ticket na bibilhin ko, baka manalo rin eh... hehehe

tanyor
September 27th, 2011, 05:08 PM
Eto isa sa mga stags ko mayroong balbas, parang kambing... :D

http://i13.photobucket.com/albums/a259/darth_guyver/220820111397.jpg

http://i13.photobucket.com/albums/a259/darth_guyver/220820111398.jpg

Gawin ko daw patuka sabi nung banding committee na pumunta sa backyard ko, pag nanalo daw yung unang pinatuka sa kanya, asahan ko daw tuloy tuloy ang panalo ng mga susunod na papatuka sa kanya... Kaya dapat wag patuka yung kalaban sa kanya nun baka yun ang manalo... hehehe

Pag nag ka totoo yan, papatuka ko ang lotto ticket na bibilhin ko, baka manalo rin eh... hehehe

ayos ang senyales pala nito, kung nkcoat eh parang nk butterfly

meme ragudo
September 27th, 2011, 08:42 PM
parang bow tie hahaha. naku delikad gawing patuka baka matuka ang senyales matanggal mawala na rin ang swerte

andoods
September 29th, 2011, 02:02 PM
hello,

maconsider po ba na senyales ito? (4.5 mos.)

dalawang paikot na buntot at baligtad na balahiba sa pakpak

http://i77.photobucket.com/albums/j50/coach_01/DSC04279.jpg

http://i77.photobucket.com/albums/j50/coach_01/DSC04280.jpg

Eto naman po yun pitaong bakod ko (4.5 mos.)

http://i77.photobucket.com/albums/j50/coach_01/DSC04166.jpg

profits
September 29th, 2011, 03:53 PM
Hiraw na white legs.
Doble ang dila.
Paang itik/pato.

junmdz
September 29th, 2011, 08:42 PM
Good day mga cockmates...

meron na po kayong naging manok na my kuko sa dibdib, manok na walang dila.....

parekoy74
September 29th, 2011, 08:55 PM
magandang senyales ang seven eleven pito-pito bakod ng buntot tapos 11 ang bagwis kabilaan,isang bes palang kami nagkaroon ng gangyan lasak sibil ang kulay nka 4 n panalo tupada at hakfight lang nmatay nga lang nabilad sa araw....

warlordbegin
October 14th, 2011, 04:22 PM
Good day mga cockmates...

meron na po kayong naging manok na my kuko sa dibdib, manok na walang dila.....

manok na walang dila nagkaruon na ako sir 1win lang kasi nabilad nung time na i cocondistion na ulit. napabayaan sa scrach pin.:mad: