PDA

View Full Version : mga sisiw na nagtutukaan ng buntot


macgyver
March 28th, 2003, 07:49 PM
mga prens ano po ba ang dapat kung gawin kung yung mga sisiw e nagtutukaan ng mga buntot hangang magsugat na cya. ok naman kung pakainin ko cla palagi ko clang binibigyan ng pagkain tsaka nilalagyan ko naman cya ng tubig na meron pang gamot so wala akong makita na parang nagugutom cla. cna mabigyan nyo ako ng mga sugestions nyo thanks..:confused:

macgyver
March 28th, 2003, 07:53 PM
at tsaka nga pala ang idad nila ay mga nasa 1month na & nasa kulungan cla na screen na kasama nila ang nanay nila. thanks:(

gax
March 28th, 2003, 07:54 PM
Pedeng maliit ang espasyo na kinalalagyan nila.

Pero minsan napanood ko ang palabas ni Idol Patrick na me pinapahid sila na parang llikido sa balahibo. Medyo mapait daw yun. Kaya pag natikman ng nanunuka e aayaw din na kumain ng balahibo.

Ang problema nakalimutan ko kung ano ang tawag.

solraya
March 28th, 2003, 08:19 PM
Ang manok eh walang panlasa, kaya hindi ako naniniwala sa pampahid na mapait ang solusyon.

Ang panabong ay likas na nagtutukaan. Pag dumugo ang sugat, lalo silang na attract sa kulay pula. Lalo silang magtutukaan.

Subukan mong mag sabit ka ng kulay pula na tela sa naabot nilang tukain, para doon mapunta ang atensyon nila.

macgyver
March 28th, 2003, 08:25 PM
hi mam sol bali nakausap ko na po yung kasama nyo po dyan sa store nyo regarding sa wband txt na lang nya raw ako kung pwede na.

gax
March 28th, 2003, 08:26 PM
tutal ako pag nagtukaan na e hinihiwalay ko na lang.

macgyver
March 28th, 2003, 08:37 PM
gax ti ngin ko nga rin maliit yung space pero yung kulungan kasi yung haba nya is lampas isang dipa tapos ang taas nya is mga kalahating dipa, pero tingin ko nga pakawalan ko or lagay ko sa malaking kulungan, but right now pinag hiwalay ko yung mga sugatan na.

Gallos Locos
March 28th, 2003, 09:06 PM
Subukan maghalo ng isang kutsaritang asin (iodized ) sa isang galon na tubig, at ito ang ipainom sa kanila sa loob ng isang linggo.

majestic
March 28th, 2003, 10:14 PM
Ang pinapahid na sinasabi mo ay yung PINE TAR, medyo mabaho ang amoy nito at mapait nga.

May point si SOLRAYa na wala nga yatang pang lasa ang manok pero malakas ang sense of smell nila. Medyo malagkit itong pine tar.

Dapat ay huwag sa masikip ang kulungan at talagang mag "feather picking " yan. The best talaga ay kung ma range sila pag dating ng 1 & 1/2 months para maluwag ang alpasan. Kung May Fowl Pox vaccine na sila at mayroon namang kasamang inahin ay huwag na ilawan.

Napansin namin na kapag maliwanag masyado ang ilaw at masikip ang kulungan ay madalas may feather picking.

gax
March 28th, 2003, 10:16 PM
macgyver,

yup hiwalay mo muna.

GL,

Mukhang ibang ideya yun a. Baka magamit namin sa mga ganyang mga pangyayari.

Bakit asin? Hindi kaya magkaroon ng epekto yun sa gana ng pagkain nila?

O di kaya magkasakit sa bato? hehe.

Pero bakit nga ba? Mukhang mgandang saling kaalaman yan GL.

solraya
March 29th, 2003, 02:17 AM
GL,

the vet said salt too....pero nung marami akong tanong na HOW,WHEN etc....sabi eh sabitan ko na lang ng tela....hahahaha

Oplod
March 29th, 2003, 03:25 AM
tama si gallos Locos- kulang sa salt ang manok mo kaya nag ka ganoon (dahil salty ang dugo o balahibo) maliban sa over crowded ang kulungan mo. mag lagay ka ng shell grits sa clay pot at haluan ng asin. kung hindi ako magkakamali more ang grains mo kay sa pellets (sa ration mo).

-Oplod-

thundercock
March 29th, 2003, 07:06 AM
Ang mga sisiw ko kahit nasa range e tukaan parin ng buntot, try ko rin po tung ASIN na sinasabi po ninyo, kung di ako nagkakamali meron ditong nag post na nung nagkaroon ng feather picking ang mga sisiw nya eh pinalitan nya ng kulay asul na ilaw at nahinto itong feather picking ng mga sisiw.


Thundercock

" Life is Short...Enjoy " :)

Gallos Locos
March 29th, 2003, 07:11 AM
solraya, was that Rey's advise too? :lol:

gax, ang asin ay isang mineral na madalas makaligtaan na sangkap sa pakain ng alagain natin. Ginagamit ko rin ito tuwing tag-init para sa aking mga tinali. 1 tsp. salt, 2 tsps. mascobado sugar sa kada 2 galon na tubig. Home made electrolyte solution.

solraya
March 29th, 2003, 07:23 AM
GL,

you know i only trust 1 vet ahhaha, but bec his orientation is big animals, he thought abt using salt blocks, the ones we use for cattle! thot abt breaking it into small pcs, parang tawas.

yung reseta mo nanaman eh mahal....muscovado, ako nga i use that!

jacket
March 29th, 2003, 08:30 AM
yap I have tested that also! And it worked. I mix it to its feed once a day For a week. Mother hen will also help. she will be the fereree.
Solraya
Doc Rey is a far relative of mine.

solraya
March 29th, 2003, 10:51 AM
jacket,

i figured that out from your lastname....i hope we can meet. walang wala ako alam sa panabong, sana you can help me?

uuwi si jlbs, kita kita tayo. sama nyo ako sa sabungan.

rolly_rolly216
March 29th, 2003, 11:16 PM
KAYA NAG TUTUKAAN NG BALAHIBO ;;una wala silang mapag libangan kaya ang kasamahan ang napag didiskitahan.mas maige na may nakukutkot sila gaya ng damo, durog na mais,. tama din ma may asin ang tubig upang manawa sila sa lasa ng dugo na maalat. ang sobrang init ng ilaw o araw ay dahilan ng init ng temperatura ng sisiw ito ang simula ng tukaan. kung may parte na may sugat lagyan ng PINE TAR ang sugat upang hindi ulitan ng katutuka ng kasamahan ayaw nila ang amoy nito at marahil ng lasa o lagkit.hindi delikado ito antiseptic ito.. pero ako bago mag tukaan ang sisiw ginugupit ko ng nail cutter ang dulo ng tuka upang maalis ang tulis at hindi makahila ng balahibo at di magsugat ang balat ng tinuka. nakakakain naman at tutubo uli..:) ( isang artikel na to a):hippie:

Oplod
March 30th, 2003, 05:21 AM
Ang feed ration na pellets natin ay may halong mga ingrediento na sugar galing sa molasses; salt; at shell powder "based" sa "feed requirements" ng mga manok. Pero kadalasan, ay nag bibigay tayo ng grains na siyang hinahalo natin sa "daily feed ration" kaya sa kabu-ohan naging bumababa o naging "deficient" ang sugar, salt, at calcium content ng ating feeds. Para maiwasan ito ay kailangan bigyan ng supplimento ang mga alaga natin. Ginagawa ko ito sa pag lalagay ng shell grits na may asukal at asin sa bawat kulungan "ad libitum". gaano karami ang asin at asukal? by estimate- parang naglalagay ka ng asin at asukal sa luto mo. During pre-conditioning or laying period hindi ko na nilalagyan ng asin at asukal.

-Oplod-

leiper
March 30th, 2003, 05:38 AM
lagyan mo ng mapait na substance o pine tar. ang manok ay may panlasa rin kaya nagkakahig dahil choosy rin sila.

ubb6793
March 31st, 2003, 01:44 AM
Mac,

Lahat ng sinabi nila ay tutuo. Halos lahat ay nakasulat sa article na ito: http://msucares.com/poultry/management/poultry_pecking.html

Maari mo ring i-redesign ang brooder mo para malagyan ng ipa ng palay. Nababaling ang atensyon ng mga sisiw sa pagtutuka at pag-scratch sa ipa kaya nawawala ang cannibalism nila.

ubb

La Concordia
March 31st, 2003, 06:19 PM
Ito di ko pa alam kung tama kaya tanong ko na rin dito kung tama, Nung in-advise sa amin na haluan ng Pecutrin(Bayer) yung patuka at lagyan ng konting asin ay hindi nagtukaan ang mga sisiw. Pero wala na akong mabili nung pecutrin (at parang sa broiler ito) ngayon at di ko rin nahaluan ng asin ay nagtutukaan na ang mga sisiw. sa pagkaka-alam ko pag nakataas ang kulungan ay marami ang feather pecking, pero kung nakalapat sa lupa ay nakakakuha sila ng mineral sa lupa(kaya siguro tama ang asin dahil ito ay minral salt.)

BattleGear
April 2nd, 2003, 02:48 PM
Maglagay ng Styropor sa kulungan para ito ang kanilang tukain sa halip na yung buntot ng mga kasamang sisiw. OK din kung palitan ng kulay pula na ilaw (pula talaga parang sa beer haus, heheh), advise ito sa akin ng isang kaibigan from Cebu at subok ko na.

Para naman sa mga may sugat na sa buntot, pahiran ng ventian violet.

-BG

lito8215
April 6th, 2003, 06:34 PM
beginner ako sa pag-alaga ng manok. may mga sisiw ako na hatch ng incubator. i'm wondering 2 weeks palang nag-aaway na. kumpleto naman ng pakain. bakit kaya. kindly help me.

Gallos Locos
April 6th, 2003, 06:41 PM
Check out the " mga sisiw na nagtutukaan ng buntot " thread below

AnakNiPepe
March 7th, 2005, 08:52 AM
sabi po ng tatay ko lagyan nga raw po ng asin ung inumin para mabawasan ang tukuan nila o di kaya mawala ung hilig nilang manuka ng buntot. Sabi naman po ng tito ko pahiran ko nga raw para di na rin sila magtukaan ang lalagyan ko po eh maliit lang din kaya medyo masikip. Ang ginawa ko naman po eh inihiwalay ko na lang po sila. Inilgay ko po sa mga kulungan isang manok bawat kulungan un po. Di na po sila sisiw ng inihiwalay ko ng isa isa mga 3 months months na po sila

nemmmo
March 26th, 2005, 03:25 AM
HAPPY EASTER !!!! http://img.photobucket.com/albums/v280/nemmmo2002/Emoticons/418cb39a.gif

rloinm33
April 9th, 2005, 07:58 PM
mga kakmyte, mahirap talaga ang ganitong problema feather picking kagaya ko nag kamali ako. nag range ako ng sisiw hindi pa umabot ng 1 month ung gulang at half inch palang ung bagong balahibo ng sisiw tapos maiinitan pa ung lugar= feather picking talaga. ang ginawa ko binalik ko kaagad sa brooder ko at ganun parin ang ng yari. buti nalang may ganitong kuwentuhan or tread dito.

may tanong po ako, hindi ba nakaka lason ung pine tar na pinapahid sa balahibo ng sisiw? sa ngayaon kasi halos buong balahibo ng sisiw ko ay linagyan ko ng pine tar para hindi tukain baka sabihin niyo na grabe ang pagkalagay ko, e kasi kahit ung balahibo sa dibdib ng sisiw ko ay takaan parin.... :confused:

gax
April 12th, 2005, 12:55 AM
Nakow. Ewan ko lang kung masama. Sana naman inde.

Problema talga ang feather picking na yan.
Kung ang sisiw nagtutukaan ng balahibo, pahiran mo, ipaghiwalay mo, ilagay sa malaking range... daming solusyon.

Pero meron akong isang alaga. Ihiniwalay ko.. pero sariling balahibo kinain! Kita ko na lang wala ng buntot, walang balahibo sa dibdib. Ang labo!

hehe.

:lol:

el_guapito
April 12th, 2005, 08:08 AM
hahahahh!!! natawa naman ako diyan!

ang solusyon niyan ay lagyan mo nang tape ang tuka niyan! :lol: joke only!

juan sabungero
May 5th, 2005, 10:22 PM
sobrang init ng panahon
crowded sa kulungan o
parating nagugulat

pine tar ang huling solusyon
ko ipahid sa nakalbo at
dumudugong balat

ryan72_2000
May 5th, 2005, 11:19 PM
ayoko ng magbigay ng opinyon kasi sa tagal na ng thread na ito eh palagay ko nailaban na lahat iyan :lol: :lol:

ferdz
May 6th, 2005, 12:32 AM
gax!
tanggalan mo nlang ng balahibo pra wla ng tukain he he he
jok lang.

juan sabungero
May 6th, 2005, 04:38 PM
:lol: :lol: :lol: :lol:

jonathanpili
May 10th, 2005, 11:35 AM
Nasubukan nyo nbang mag sbit ng ubod ng saging s gitna ng knilng kulongngan,pra doon mbling ang knilng atensyon at hinde n s blhibo,try nyo efective kc smin.

tigang
May 11th, 2005, 02:08 AM
Eto ang web site ng Anti-Pick Devices.


http://http.shilala.homestead.com/peepers.html