View Full Version : 2 cock timbangan sa JUNE 13, 2003 sa San Mateo
jlbs72
April 24th, 2003, 05:00 PM
Guys,
Since ang iba sa atin dito ay gusto ng timbangan sa laban, Chili_SM and I decided to put a 2 cock timbangan on June 12, 2003. Minabuti namin sa ganitong petsa since holiday ito. Isang kitakits ito between UBBA members, CF members and also non CF members. Sa ganitong paraan, makikilala natin ng personal kung sino ang mga posters dito. pwede din sigurong mag request kung sinong gustong mag-main, hehehe… (joke lang) ibaon na natin sa limot ang konting alitan. Mas mabuti pang mag-usap tayo ng personal. Paminsan-minsan ay mabuti rin na nagkikita tayo. Kitakits na may sabong pa,hehehe…
Paki post na lang kung sino ang mga interesado.
Magandang araw sa inyong lahat.
God Bless.
CORPS COMMANDER
April 24th, 2003, 05:15 PM
interesado!
kaso d ko pa alam kung nasa pilipinas ako nyan o wala. pero andyan man ako o wala, siguradong may entry ako.:rbounce:
corps:hat:
malalim
April 24th, 2003, 08:09 PM
Interesado ako....
jlbs72
April 24th, 2003, 09:24 PM
kharmic at tabuk suba ay sasali din.
Chili,
Si rebel, bibili daw muna ng bayong para may panlaban,hehehe...
masaya ito,hehehe...
God Bless.
Brown Pinoy
April 24th, 2003, 11:12 PM
Pwede malaman kung magkano Pot Money???:D :rbounce:
metal gear
April 25th, 2003, 09:45 AM
Ok yan timbangan.... Malamang mag entry ako dyan.... magkano pot money???? meron n ba????
vulture
April 25th, 2003, 10:56 AM
interesado ako, pero saan ba san mateo mga pare?
metal gear
April 25th, 2003, 11:01 AM
San Mateo, Rizal pagitan ng Marikina at Montalban.
vulture
April 25th, 2003, 11:13 AM
ang layo pala sa laguna! okay lang, makapag-overnite nga sa marikina, hehe.. daming tambayan dun.
talahib747
April 25th, 2003, 03:05 PM
pareng joel at pareng chito,
hindi kaya ma-move yung holiday ng june 13 fri.? kasi thu. yung june 12 alam nyo naman ngayon sa gobyerno. panukala ni sec. Gordon na idikit sa weekend yung holiday para mas mahaba yung pahinga ng mga manggagawa. matutuloy ba sa june 12 yan kahit namove ng 13 ang walang pasok?
alvin
metal gear
April 25th, 2003, 03:16 PM
grabe k pareng talahib advance ang thinking mo..... iba n talaga maraming experience.....
oo nga baka imove s June 13... Friday the 13th yata ito...
Lagi p n nman late ang announcement ng gobyerno malamang s June 9 p idekdeklara kung imomove ang holiday....
Maganda nyan ipit naman ang June 13 (Friday) s June 12 (Thurs) at June 14 (Saturday) gawin naring holiday to....
talahib747
April 25th, 2003, 03:40 PM
nagtatrabaho kasi ako sa gobyerno kaya medyo advance ako pagdating dyan.
jlbs72
April 25th, 2003, 04:32 PM
talahib,
pre, thanks sa concern mo. isa din iyan sa mga na tackle namin ni chito. kaya gusto rin namin makuha ang consensus ninyo. kung ako lang nag magdedesisyon, gusto kong habulin talaga ang holiday. kung june 12 ang holiday, june 12 tayo. kung june 13 ang holiday, june 13 tayo. oks ba sa inyong lahat iyon?
Kung hindi man lahat, karamihan sa atin dito ay nag-oopisina. kaya mas gusto ko na holiday gawin ang pa 2-cock, mas marami tayong magkikita-kita ng personal mas masaya di ba ?
Sali ka ha ?
Hope to meet you all in person.
BTW, 2200 ang pot money. still evaluating kung lalagyan namin ng maximum bet.
Magandang araw sa inyong lahat.
God Bless.
jlbs72
April 25th, 2003, 04:40 PM
Mga interesadong sumali :
1. Tabuksuba
2. Kharmic
3. Viper
4. San Roque
5. Rebel
6. Malalim
7. Corps Commander
8. BXU
9. RC Amoyong
10. Metal Gear
11. Vulture
12. JLBS
13. Golden Dragon
14. Chili_SM
sino pa ba ???
sali na kayo para masaya, hehehe...
God Bless.
God Bless.
BattleGear
April 25th, 2003, 05:09 PM
Syempre ako.
rolly_rolly216
April 25th, 2003, 07:26 PM
sali ako dyan pre, kung pwede mag request ng kabangga, opssss, sabi mo pala joke lang,nandyan ako tyak batang marikina rin ako.,(SIME DARBY BOYS)
jlbs72
April 25th, 2003, 10:02 PM
tuloy ba ang MAIN natin BG, pitik bulag ang pusta,hehehe...
16. Battle Gear
17. Rolly Rolly
Rolly,
Pwedeng mag request ng kabangga, basta manok lang ang magbabangga,hehehe... (joke lang baka totohanin ninyo ang request e,hehehe...)
Pakiusap lang sa mga sasali o sa mga pupunta, sana pagdating doon ay bati-bati na tayong lahat. walang away. ibaon na sa limot ang hindi pagkaka-intindihan. alalahanin natin na sa opinyon lang tayo nag-aaway o hindi nagkakasundo dito. walang personalan. Pabayaan na lang natin na manok natin ang maglaban. Maging maaliwalas sana ang paligid. Mas masaya kung pupunta ka doon ng walang iniiwasan. Let's enjoy the day. Let's enjoy SABONG.
Peace be with you cockers.
God Bless.
RCERADOY
April 26th, 2003, 02:00 AM
jlbs pre ,ikaw na bang secrectary/promoter ng sm,,ayos yan baka kailangan pa ng assistant mo mag re retired na lang ako para maka uwi diyan at puro sabong na lang ,he-he-he...paki tanong nga kay chili kung pwedeng mag apply...
007
jlbs72
April 26th, 2003, 11:12 AM
007,
Hindi naman pre. katuwaan lang ito. mini kitakits na rin. baka naman pwede na nating subukan mga double right o bituka line mo dito,hehehe... dahil sa sumagot ka 2 entries ka ngayon,hehehe... dont worry pre pag nag nag champion ka, may libreng FLASHLIGHT c/o Maning,hehehe...
BTW, nagkita na ba kayo ni AL ?
God Bless.
RCERADOY
April 26th, 2003, 11:47 AM
jlbs wala pa akong panlaban this year bata pa manok ko...si al sa may 4 ko pa makikita pero panay usap namin sa phone pree..
007
laloma
April 26th, 2003, 11:58 AM
Gustong sumali ng mag-b-bayong from La Loma...I will be in RP by that time (6/12), kaya lang wala pa akong manok. I promise to be there and put up (1) entry...gives me a chance to make up for GD/GK earlier this year.
See you later.
Laloma
jlbs72
April 26th, 2003, 12:01 PM
la loma,
hmmm. bayong daw. the last time na saumali ka sa GD yan din sinabi mo pero pagdatng doon mga liza galore dala mo,hehehe...
kita tayo doon pre.
laloma
April 26th, 2003, 12:06 PM
Kalokohan...kaya pala tinapat ako ni GD kay S. Lagon...ok lang yon, babawi kami.
dong1967
April 26th, 2003, 02:48 PM
sali ako dyan. kaya lang pwede bang magrequest na kalaban? gusto kong maklaban ay yung hindi pumapalo ang manok nya? pwede ba?.......sige na nga bahala na, mga mahihina kasi manok ko mga bili lang kasi..... sa bayong....ni SL....pero sali ako dyan kasi nasa pinas ata ako nyan.....
dong1967
jlbs72
April 26th, 2003, 07:49 PM
La loma,
hahaha... joke lang.
Hope to see again.
Tamang tama dong baka makaluwas din si BXU.
18. La Loma
19. Dong 1967
Magandang araw sa inyo.
TabukSuba
April 26th, 2003, 08:01 PM
Pre,
Ayahin natin sila Boy Batang, Ferdie, Ebun Texas. Philip Neri aka Majesic, Tonydel, Boy London, Sebastian, Ferdie, at mga UBBA boys like LaConcordia, Edong et al. para masaya.
In fairness, ang UBBA ang unang nag-spearhead nito,
Syanga pala, pls invite also my freind Tibay.
Cheers,
TBS :D
PS bxu i think you shud also attend. lol
bxu
April 26th, 2003, 10:27 PM
hehehhehe....
pwede yun lugar mo diba para ma-house ko manok ko diyan...
hehehhehe... lol
:D :rbounce:
TabukSuba
April 27th, 2003, 07:04 AM
No problem Bai, anytime basta ikaw lol
TBS :D
Kidd Sentencia
April 27th, 2003, 07:24 AM
Ganda ito...huwag sanang abutan ng lugon mga entries. Agahan kaya?
Kidd
Edong
April 27th, 2003, 08:16 AM
Kaya di ako makapag-promise ng entry dahil nag-uumpisa ng maglugon ang mga manok ko...Pero pag meron pang manok na hindi maglulugon sali ako
Edong
jlbs72
April 27th, 2003, 11:01 AM
TBS,
oo nga. sana sumali sila boy batang, majestic, UBBA guys at iba pa.
Edong,
Ano man ang manyari, may manok man o wala, ikasasaya ng grupo kung makakapunta kayo.
Kidd,
Dyan ka na ba ? hindi man lang tayo nagkitakits. next time ulit. wala na kasing date na holiday except june 12 e. next time pre. di bale maaga naman ang umpisa e,hehehe...
Tibay,
Sali ka na. special request ni TBS,hehehe...
007, george, van, reizal, miguelito, abu, kidd, etc...
alam kong medyo malayo-layo manukan ninyo bagkus ay nais namin kayong anyayahan para sumali dito. Gusto kasi namin uling makita ang laro ng mga tinali ninyo, hehehe...
Wildfoot,
if you're here na by that time, baka gusto mong sumali dito???
Ingat sa SARS friends.
God Bless.
rolly_rolly216
April 27th, 2003, 11:23 AM
oo nga cockmeyt ,mas masaya kung nandoon tayong lahat kahit ang iba ay nood lang, batian, kamayan,tawanan ,ang totoo di naman siguro ginawa ang laban para patunayan kung sino may pinakamagaling na manok , bagkus ay upang mag kasamasama at mag kakilala,kaya pwede rin siguro pumunta ang walang enrty, (ganon nga ba mr .promotor ,este promoter pala.) hehehe:hippie:
vulture
April 27th, 2003, 11:52 AM
Lugon?
lugon ba yung bumabagsak paisa-isa ang balahibo sa wings ng manok dahil may bagong tumutubo? yung more than one year olds ko ganun ang nangyayari.. di ba sa tag-ulan pa ang lugon? sorry bago talaga ako sa cocking.
glenejer
April 27th, 2003, 01:28 PM
Joel,
Di ako nangangako ha, kapag dumating ang utol ko sa San Mateo sa June 12 may entry ako, kapag di dumating natalo kami nun sa Pampanga Col.....hehehehehe, tanong ko muna kundi kasabay ang Pampanga Col.. Oki Doc.
Glenejer
jlbs72
April 27th, 2003, 08:21 PM
Gleneger,
No problem pare. good luck sa laban mo sa pampanga.
Rolly,
kahit walang entry pwede pumunta ng sa gayon ay magkitakita naman tayo ng personal.
God Bless.
Tibay
April 27th, 2003, 09:03 PM
mga pre hindi ako pede next time nalang o kung aatras hehe naka entry kc ko sa 1.2M sa may 6(unti lang manokis kc eh hehe). punta na lang ako mimiron. yfi$
george
April 27th, 2003, 09:27 PM
jlbs,
thanks for the invitation pero mahirap macommit.
last time akong nagcommit at hindi nakarating ay naging dahilan pa ng hinanakit.
tulad na lang nung nakaraang global derby, magpapakita na lang kami kung may mga manok na handa at kung may perang pangdonate....:lol:
salamat ulit sa iyong paanyaya.
george:
jlbs72
April 27th, 2003, 11:09 PM
Tibay.
ok no problem. syang dahil may 8 ang entry naman ng barkada. kita tayo sa may 10,hehehe...
George,
ok. alam ko naman na sumusulpot ka na lang e,hehehe... pero this time kumubra ka naman, dami mo kasing atik kaya mas prefer mong mag donate hehehe... pwede na ba mga larry romero greys ? hehehe...
see you at the chatroom.
God Bless.
talahib747
April 28th, 2003, 08:41 AM
pare, paki-sketch naman yung lugar papuntang san mateo cockpit. para yung mga taga-malayong katulad ko ay hindi maligaw pagpunta.
wag lang akong matalunan next month ng 4 na manok na ilalaban ko ay mag-eentry ako dyan kung hindi man ay susulpot ako para magkita-kita tayo. tama si kharmic mahirap magcomit pero pag available ako ay pupunta ako.
sana gawing 2 araw yung holiday kasi siguradong gagabihin tayo niyan. june 12 at 13 gaya ng ginawa ngayong may 1 & 2.:rbounce:
rebel
April 28th, 2003, 03:01 PM
Mas marami mas masaya !!!!
Meron bang longest win dyan? Baka manalo ang bayong ko ng 9 mins and 45 secs kasi ako ang magtatare kung sakaling sasali ako.:D
Chili,
Pwede bang ipili mo ako ng mga winners mo na bayong at yun ang entry ko sa 2 cock timbangan na yan. :hombre:
Anong oras kaya mag umpisa ang derby?
jlbs72
April 28th, 2003, 10:06 PM
Rebel,
12 ng tanghali ang umpisa nito.
talahib,
ok. those who are interested can send me a PM (private message) para sa inyong email address. i send ko na lang yung sketch sa inyo.
Guys,
itong 2 cock timbangan na ito ay kakaiba. wala pang final regulations pero more or less ang gagawin namin ay titimbangin lang ang manok then lalagyan ng leg band (with color) indicating kung saan range ka (timbang ng manok). then ikaw na ang mag-ulot or maghanap ng makakalaban mo. So parang 2 cock ulutan din pero color coded para maging madali sa mga may entry na maghanap ng makakalaban nila.
This is not yet final. still evaluating kung anong laban ang maganda at mas masaya,hehehe...
Good Day to All.
God Bless.
cesario
April 28th, 2003, 10:18 PM
sir chito,
direction daw papunta sa san mateo o tel. # sa sabungan, para hindi maligaw.thanks
cesario
p.s. sana may vcd rin ito, anong masasabi mo kidd.
Kidd Sentencia
April 28th, 2003, 10:41 PM
How to get to SM Cockpit, from previous thread and posts:
From Cubao, you pass Aurora Blvd, going to Marikina and crossing Katipunan Ave (Ateneo, U.P.). After the Marikina Bridge, turn left, going to San Mateo. The pit is along the Main Road, on the left side. As with any town pit, most jeepneys, policeman or tricycle drivers know the cockpit. The pit phone is 9425488.
Chili_SM
an alternative route to SM cockpit is through batasan road. if u have a ride and coming from the north, this should be a shorter route. from sandiganbayan along commonwealth, turn right until you reach batasan complex. turn right at intersection and then left after the bridge. it's about 2km from there, just after the bridge on the left side beside the cemetary. you won't miss it. it's landmark is an antenna tower and a small gas station.
public transport is also available. there's a jeep that passes the cockpit and it's terminal is at ever commonwealth.
you can also ride tricycle (to san mateo) at terminal beside sandiganbayan. from there cross the street and ride a jeep or fx to montalban or san mateo.
cheers,
crispulo
VCD? no problem! let me first come up with the 40K puhunan...heheheh.
Kidd
jlbs72
April 29th, 2003, 11:58 AM
Thanks kidd.
Baka gusto ninyo magpa-ikot ng gwapo fund dito,hehehe...
God Bless.
rolly_rolly216
April 29th, 2003, 12:19 PM
pre baka pwede main event''KARAMBOLA'' lahat ng may entry mag lalaban ng karambola, mas marami mas masaya, at yung mismong may ari bibitaw para kitakita lahat sa gradas. marami sa mga mananabong ngayon lalo sa kabataan ang hindi nakakapanood ng KARAMBOLA ,ang bawat kalahok ay magbabayad ng ng pareparehong halaga ng parada,bago simulan ang sultada,.ang mananalo ay siyang kakabig lahat ng pusta at lahat ng bihag na talunang manok,.kung sino ang matirang buhay at tutuka, kung ang dalawang natira ay parehas ayaw na maglaban , tabla pero sa kanilang dalawa lang hahatiin ang premyo., ang ganitong uri ng sabong ay walang kinikilalang kalidad ng manok walang malaki o maliit ,walang magaling o mahina, walang bata o matanda, :hippie: battle royale mungkahi lang naman,
BattleGear
April 29th, 2003, 12:43 PM
Manong Chito,
Pag may KARAMBOLA babakas na lang ako doon sa mamang ikinuwento mo na multi-winner sa karambola ang manok. hehehe
-BG
La Concordia
April 30th, 2003, 11:00 AM
UBBA SALI DYAN.
Sali kami dyan. No commit muna kung ilan.
Ang sure lang ay kung holiday nandyan kami as UBBA, CF-UBBA., and NON-CF-UBBA. For friendship sake. Pero kung nandun si Sir San Roque, tago ako. joke lang. may utang pa kasi ako he he.
LC
jlbs72
April 30th, 2003, 11:58 AM
One thing for sure... HOLIDAY natin gagawin ito. 12 ng tanghali ang start. mas maaga kayong darating mas maganda. para medyo mahaba haba ang chicken talk,hehehe...
God Bless.
jlbs72
May 2nd, 2003, 07:28 AM
BG,
Pwede na ba mga winners mo ? hehehe...
priincessnaldo
May 3rd, 2003, 07:30 AM
joel, buti tanghali ang umpisa ng maaga din makauwi....
bahala na kung makasali wala kasi akong mga cocks eh.
bahala na seguro borrow na lang ako sa mga friends ko.
hoy mga macho sali na !!!
jlbs72
May 5th, 2003, 12:23 PM
ok. no problemo.
talahib747
May 5th, 2003, 01:48 PM
kung timbangan, timbangan na lang. wag ng ulutan kasi mahirap sa manok ng mga taga-malalayong lugar. pagod na sa byahe yung manok, papagurin pa sa ulutan. pag may ulutan pati ay laging may kantayawan at maaaring mauwi sa di pagkakaunawaan. mas maganda ang chicken talk kung lahat ng tao ay relax kaysa pag-uulot ang inaatupag.
opinion ko lang po.
BattleGear
May 5th, 2003, 01:52 PM
Good idea. Timbangan na lang. Ikaw na mamroblema sa matching JOEL. hehehe
So yung mga sasali, they have to call-in the weights of their fowls to JOEL.
Ok ba ito pards?
-BG
P_U_L_A
May 5th, 2003, 03:14 PM
Sir Joel,
May entry pa kaya si Sir Rolly ngayong di na sya member dito sa site. Sayang gusto rin nyang makita kayong lahat, saka babakas sana ako sa entry nya:lol:
----------------
P U L A :smoke:
jlbs72
May 6th, 2003, 12:04 PM
Guys,
Pre, Concierto lang kasi ang balak namin. Sa tingin ko, ay wala pang gumagawa ng pinaplano namin. Ang timbangan/ulutan style ng concierto. Napansin siguro ninyo na sa post, marami ang nag su-suggest na maganda sana kung timbangan na lang ang gawin sa regular hackfight. Sabi nila para daw makita ang fairness ng mga laban. Ang iba naman ay ayaw ng timbangan, mas gusto nila ang ulutan. Naisip namin na pagsamahin yung dalawa. Yung timbangan at ulutan. Napag desisyunan namin na subukan itong ganitong style na sabong sa june 12. Dito ay makikita namin kung pu-pwede ba talaga ang ganitong istilo ng sabong. Ang layunin namin dito ay para malaman kung matatanggap kaya nating mga pinoy kung babaguhin ang nakaugalian ng istilo ng ulutan. Gusto rin namin na mailagay sa katuparan ang mga post natin kung uubra nga ang ganitong style or hindi. Gusto din namin na mapabilis ang regular na 2 cock ulutan. Ang basis lang naman ng timbangan ay para malaman mo agad kung halos magkatimbang lang kayo ng iyong uulutan. Kung magiging successful ay baka pwede na rin gawin ito sa mga regular na hackfight (who knows di ba ??? ). Kaya SALI na !!!
PULA,
Hindi ko alam kung utloy pa entry ni ka rolly. but he's very much welcome kung gusto pa niyang sumali.
BG,
Nakagawa na si chito ng draft para sa rules and regulations para sa June 12 concierto. Pag-usapan na lang daw natin ito nila rebel and some CF kung sino man ang makakarating sa may 8 sa roligon para maiayos ang mga detalye.
See yah !!!
God Bless.
jlbs72
May 8th, 2003, 10:14 AM
Sali na rin daw si Blitzgame, CCcrew at Solraya using bulag at pipi, reserve daw yung bingi,hehehe...
TabukSuba
May 9th, 2003, 09:43 AM
For convenience during the ulutan, let us legband all entries and color code the bands according to their weight category. For example:
up to 1.900 kg -- GOLD
1.910 kg - 2.000 kg - RED
2.010 kg - 2.100 kg - GREEN
2.101kg - 2.200 kg - BLUE
2.201 kg - 2.300 kg - YELLOW
2.301 kg - 2.400 kg - WHITE
2.401 kg - up - BLACK
Notice that 100 grams divides each weight category. With this, I think all matches will have almost similar wieights.
This is only a suggestion. Pwede pa nating pag-usapan ito.
Cheers,
TBS :D :D
Kharmic
May 9th, 2003, 01:31 PM
Jlbs,
Sana mai-post na yung RULES para malaman na natin kasi maraming pang tanong ang lalabas jan.
Pag-usapan (Brainstorming) na natin sa MAY KITAKITS.
Kelan ba joel?
jlbs72
May 9th, 2003, 03:50 PM
Kharmic,
post na kayo sa CF forum kung kailan ang gusto ninyong kitakits.
God Bless.
TBS,
that's really the idea.
cesario
May 10th, 2003, 10:50 AM
ka rolly, tuloy ba ang entry mo dito?sana may vcd uli ito.
kidd, pareserba na ako mabuti na iyong una sa list,hehehe
cesario
chili_sm
May 12th, 2003, 04:41 PM
As per Joel and myself, here s how we ll do this experiment,
INDEPENDENCE DAY-JUNE 12 ...... 2 COCK TIMBANGAN-ULUTAN
Pag nilipat ang holiday celebration ni Pres. GMA, iyon ang magiging date nito.
Entry Fee: 2,200. If no fight , 1,700 is refunded. the forfeited 500 Pesos is like Gate payment for Entry s Owners.
If 1st fight wins, and no 2nd fight, 1,100 is refunded.
Any loss or draw, No Refund siyempre.
Cash Prize is 100,000. Any excess, after all refunds and after deducting plasada, will be added to the pot. We reserve the right to allot 10,000 for a fastest winning time for the 2nd fights of the champions. This will be made transparent.
Upon Payment of entry fee, the actual weights of the birds will be recorded. No submitted weights. No allowance for any feeds in the crop. Colored-leg bands will be attached depending on the weights. Every 100 gram range will have a different color except for the end weights, say below 1.800 or over 2.400. A white tape, 2 inches long, with your weight, will be attached to the top tail feather. These features should make potential opponents easily noticeable.
UPON REQUEST, ENTRY MUST REWEIGH
This is because there is still a potential 90 gram difference even within same color range. At the Ulutan, we will also make available all the registered actual weights of all the entries. Reweighing, in the presence of opponents, will discourage switching of legbands and tapes.Tampering with legbands,weights or any substitution will mean disqualification and full forfeiture of Entry Fee.
Minimum Bet is 3,300.
Maximum Bet: We make more money if we square bigger bets. But its impossible to guarantee anything in sabong. We ll try our best. Weights may be close but there are so many other factors determining the evenness of the fights, thus the difficulty in center bet squaring.
No Partidas. Walang Dalawang Tare, Ibabaw tahid, Kanan tare etc.
Regular Tare lang, mga kaibigan. Thats because you may find opponents who will not fight if your blade is even slightly bladed at the bottom, or if it has serrations, kris etc. However, any shape or curvature is allowed.
Check out our own particular house rules when U arrive. When in Rome, you follow what the Romans do. Most important especially for those from Bulacan and the North, Non Connecting Pecks count in San Mateo.
We want to start after lunch, say 1 pm. Our friends at this site may come earlier for more chicken talk and meet the faces behind the handles. Joel and I will be there before 10 am.
Another House Rule: No Checks Accepted, No Checks Paid.
Even my own birds never break the waiting line. No requests for Singit sa pila .
As with the Global Derby, we have no time for the Video. Maybe somebody can take care of this.
We are excited to see how this will turn out, whether this will facilitate matches or really make the fights more equal or more exciting. We have this chance to find out.
Kidd Sentencia
May 12th, 2003, 05:57 PM
Ang Ganda nito! Sali na mga kaibigan!
Kidd
Wintuha
May 12th, 2003, 08:42 PM
The house rules are fair enough to everybody.
Oh sali na kayo diyan. Ako uzizero na lang dahil nanakaw ang mga pang entry ko. Hu! hu!
Wintuha
AsilMan
May 12th, 2003, 09:22 PM
ganda nyan pero makikibalita na lang ako , nasa dulo ako ng pilipinas, saka panay oriental manok ko ..sana mag entry si ka rolly ;)
morila abe
May 13th, 2003, 01:21 AM
Ayan ang ganda ng patakaran , competos rikados. konting diprencia lagra na, para makami ng sulata.
Hintay nalang kami ng post sa results.
sali na mga kaibigan!
Abe
talahib747
May 13th, 2003, 08:06 AM
pare, puwede bang yung fastest kill ay kasama yung 1st fight nung mga nagchampion? lugi kasi yung makaka-fastest kill ng first fight ng nagchampion.
buskador
May 13th, 2003, 08:11 AM
Baka gusto niyong pakawalan yung mga kinikimkim niyong init ng katawan sa rweda. hehehehe
Ang ibig kung sabihin, pakawalan niyo ang inyong nagpupuyos niyong damdamin sa pamamagitan ng pag laban ng inyong mga manok sa San Mateo sa June 12 2 cock ulutan.
No sa tingin niyo, ganda siguro hane. Imbes na sa net kayo magbakbakan, ang mga manoks na niyo ang paglabanin. Hehehe, Let your chickens do the talking and fighting.
Lalo pang maganda kung si Rolly Ramos at Tonydel ay magka-match din. Tapos yung 30 sec Kelso ni Boy Batang at Blue Blade Sweater ni Jlbs72. Dagdag pa Lando Luzong vs Toti. Isa pa, Rolly Ramos vs. Golden Dragon.
Para ma-ingganyo kayong sumali, suggest natin kay Chili na waived na ang entry fee niyo. :lol:
vulture
May 13th, 2003, 09:26 AM
sorry chili, okay pa naman sana. di na pwede manok ko, erly lugon yata.. naglaglagan ang pakpak. wish the success of the activity.:)
talahib747
May 13th, 2003, 09:57 AM
thx pare. magpapahanda ako ng 3 manok para dyan. wag lang lugon ang bulsa ko sa araw na iyon ay makakapag-entry ako dyan. mahirap kasi malayo-layo ang panggagalingan ko kaya kailangan ko ng pera panggastos papunta dyan bukod pa sa pamusta. hahagilapin ko pa yung sabungan nyo sa araw na iyon, wag lang akong maligaw para maaga akong makarating sa inyo.
jlbs,
salamat at nag-initiate ka ng paderby, akala ko namatay na yung thread ko nuon. tinuloy mo din yung plano kong june 12 sa post dito 2 months ago, kila chito din gaganapin sana.
jlbs72
May 13th, 2003, 11:45 AM
Talahib,
Si Chito at si CHili ay iisa pre. sa sabungan niya ito gaganapin. if ever, kung kaya mo din. be there a little bit early para naman makapag chicken talk tayo with other Cyber cockers here. Nandoon na kami sa sabungan before 9 or 10AM.
See you.
God Bless.
talahib747
May 13th, 2003, 02:23 PM
thanks joel,:)
talahib747
May 13th, 2003, 04:01 PM
Oo nga pareng chito. sa lahat ng mga members ng site, kung wala kayong entry ay manuod naman kayo ng derby na ito para magkakila-kilala tayo ng personal at makapag chicken talk duon.
buskador
May 13th, 2003, 04:07 PM
This will definitely happen... 1st fight Lost and 2nd fight is on queue (nakapila na).
In this scenario, shud we give the option to the entry with 1 Loss to discontinue the scheduled 2nd fight? If so, how will this be communicated to the other party?
Whichever way we go, I think this should be made clear to all participants.
jlbs72
May 13th, 2003, 05:07 PM
Buskador,
Since this is a 2 cock concierto, may chance ang may entry na huwag ng lumaban in case matalo ang first fight nila. this will be more flexible to them not like the regular 2 cock derby. bakit mo pa iuulot at ipipila ang manok mo for 2nd fight kung wala ka ng balak ilaban pa di ba ?
sali na !!!!
God Bless.
Kidd Sentencia
May 13th, 2003, 05:12 PM
Will the weigh-&-match option be available, as in derby? Yes, I know ulutan...how about if I want, in example, my cocks matched by weight only--surely against who wants the same, or the tamad mag-ulut din, entries?
bakasakawali lang...heheheh,
Kidd
balian
May 13th, 2003, 05:27 PM
jlbs72,
ang ibig sabihin ni buskador ay sabay napaulot at nakakuha ng kalaban iyong dalawang manok niya kaya nakapila na... then sa hindi inaasahang pangyayari ay natalo ang first fight niya... at nakapila pa rin ang second fight niya di ba?... sa ulutan, option ng may manok kung i-aatras na niya ang second fight niya... dahil baka gusto niyang mag-entry ng panibago para magkaroon ulit ng pag-asang mag-champion... kaya dapat may premyo ang last win para hindi umatras ang may mga talo sa first fight.;)
Kidd Sentencia
May 13th, 2003, 05:45 PM
Porke't ulutan, pwede bang maglaban kahit hindi pareho ang weight...I mean ang layo ng dip'rensya?
Don't mind these...mahirap ng mapasukan ng mapya kasi, hehehe.
Kidd
Dax_1975
May 13th, 2003, 06:00 PM
Mga Kakmeyts....pweding manood nlang ako....puro bata pa kc alaga ko ngayon.......pero bka may makuha akong manok sa mga uncle ko......Kya hahabol nlang ako kung meron.....kitakits nlang tyo:)
Kidd Sentencia
May 13th, 2003, 06:39 PM
There you go, good answers as usual from da Man himself.
Yung mag-iisip ng pang-ilalim kakutsaba si pang-ibabaw, ba eh duon na lang kayo sa biglang-liko, ha, :wink2: heheheh.
Kidd
TabukSuba
May 13th, 2003, 09:03 PM
Chito/Joel,
Can we sweeten the prize? Say 20k?
Cheers,
TBS :D :D
salvio
May 14th, 2003, 03:28 AM
sir CHITO, GOOD DAY SA IYO,
tanong ko lang po, doon sa post mo na pag win ang unang fight & no 2nd. fight, refund nalang of P1,100. so walang joker?
pero champion bearing yan .
tanong uli, pag ang 2 entries nasa ring na , tulad rin po ba sa hackfight na puede i puera and laban dahil lang sa hindi kursunada ng isang entry ang kalaban o kaya dahil sa kanyang pamahiin?
plz. sa sagot mo , puede ba malaman kung house-rule or primary rules.
maraming salamat po.........salvio
pahabol lang po,
nagre-act yong mandarambong kong kapit-bahay. hinahanap niya yong 2 cock ulutan derby na ang unang mag-champion ang mag-uwi ng champion price ( 1 champion lang ).sigurado daw na champion siya sa dalawang sultada lang ng derby.
ingat lang po kayo sa mga taong tulad ng kapit-bahay ko.
(ban ho siya sa bahay ko)
Kidd Sentencia
May 14th, 2003, 03:33 AM
Meron ding panglaban ang sabungan, siguro, para nga naman siguradong malaban ang mga entries pag kinailangan.
Kung heavyweights ang manok ng isang entry, siguradong meron ding pangbangga si Al diyan, heheheh.
beer p're,
Kidd
jlbs72
May 14th, 2003, 08:37 AM
Balian,
I stand corrected. salamat. better if you or your group (UBBA) will be there early. masarap mag chicken talk bago maglaban,hehehe...
Magandang araw sa inyo.
God Bless.
balian
May 14th, 2003, 08:54 AM
jlbs72,
kinukundisyon na ng aming presidenteng si La Concordia ang kaniyang mga palahing sweater ostrich hehehe. At si Talahib naman ang kaniyang mga Asil crosses line. Pati iyong nanalo ng 9 or 13 seconds sa Daang-hari Coliseum sa Cavite ay ilalaban din diyan hehehe. Pupunta ang UBBA pare kahit walang manok para ma-meet namin kayo. Keep up the good work!!!;)
salvio
May 14th, 2003, 09:25 AM
hello Chito,
thank you for your respond kasi wala yan ulutan ng mag-move ako dito sa USA, dito ko lang nalaman sa internet na uso na ang ulutan sa pinas.
sayang wala na ako vacation this year.pero sa next CF-global derby sa '04 100% present ako at may entry pa.
Chito, thanks again.
salvio
jlbs72
May 14th, 2003, 12:13 PM
PAALALA LANG PO NAMIN :
KUNG SAAN ANG IDEKLARA NI PRES. GMA NA HOLIDAY DOON TAYO HA.
KUNG JUNE 9 MONDAY ANG IDEKLARANG HOLIDAY, JUNE 9 ANG CONCIERTO
KUNG JUNE 13 FRIDAY ANG IDEKLARANG HOLIDAY, JUNE 13 TAYO
KUNG JUNE 12 ANG IDEKLARANG HOLIDAY, JUNE 12 TAYO.
MARAMING SALAMAT PO.
God Bless.
Edwin Lapitan
May 14th, 2003, 12:54 PM
Please count me in. Pakundisyon ko 2 battle cross, Monkey-eating eagle X Pang Tinola hen.
Please email simple direction/ SM location at edwin.lapitan@mno.atmel.com.
See you all there!
:hat:
EAL
talahib747
May 14th, 2003, 01:56 PM
joel,
pare panu kung june 12 at 13 yung holiday? anung araw natin gaganapin? yung may 1 at 2 ganun ang ginawa.
si balian ay di makaka-attend sa june 12 kasi first week ng june lilipad na sya papuntang algeria. sayang! malakas pa naman pumusta yun sa manok nya. namumusta yun hanggang P550,000 sa mga manok nya.
balian
May 14th, 2003, 02:52 PM
:lol: :crazy: 550 pesoses lang po.... 550K... isang taon kung bubunuin yun hehehe... nagbibiro lang po si talahib... hehehe...
Kidd Sentencia
May 14th, 2003, 03:12 PM
Edwin Lapitan, yung direction to SM eh posted sa 2nd page nitong thread.
It will be great for you guys to have a mini-kitakits there!
Kidd
Edwin Lapitan
May 14th, 2003, 04:00 PM
Thanks Kidd.:hat:
MIKAELA
May 14th, 2003, 04:44 PM
jlbs72
INVITE KO SI TWIN LIGHTNING MAG COCOMBINE KAMI
SAMA MO KAMI SA LISTAHAN.
MIKAELA
jlbs72
May 14th, 2003, 04:53 PM
Thanks for that point talahib. kausapin ko si chili_sm tungkol diyan.
Mikaela and edwin,
TY for your entries.
God Bless.
TWIN LIGHTNING
May 14th, 2003, 05:10 PM
jlbs72
mag entry din ako .thanks
twin lightning
patuzai
May 14th, 2003, 06:03 PM
pwede ba yung mga friend ko sumali sa 2 cock ulutan , nainvite ko pa naman sila ......... kaso mahina lang pumusta ang mga parang ako hanggang minimum bet lang .
patz
Kidd Sentencia
May 14th, 2003, 06:28 PM
Pwede siempre Patuzai, ako na ang sasagot sa tanong mo.
Yung sa date naman, nasabi na ni Chili_SM na i-a-adjust, automatically, kung ang holiday eh the next day.
Mahahabol pa yan...at ang number sa San Mateo Cockpit ay:
9425488.
Kidd
Kharmic
May 14th, 2003, 06:33 PM
Declared na po.
June 13 ang holiday.
http://www.inq7.net/brk/2003/may/14/brkpol_16-1.htm
La Concordia
May 14th, 2003, 06:45 PM
FRIDAY THE 13TH :rolleyes:
wala na pamahiin sa scientific cockers. ;)
Kidd Sentencia
May 14th, 2003, 06:49 PM
Ganda yan, pero sabi Gov't employees lang...but, siempre, susunod din ang private sector sigurz.
Friday the 13th, the best day sa kinsenas-tapos employees/workers...sweldo kasi, heheheh.
I love it!
Kidd
metal gear
May 15th, 2003, 01:02 PM
? June 13 n ang two cock timbangan........
Sakto Friday the 13th.........
Ingat lang mga cockmates......
talahib747
May 16th, 2003, 04:45 PM
magkano ang entrance? ilang tao ang libre pag may entry?
P_U_L_A
May 16th, 2003, 06:35 PM
MAGANDANG TANONG...hehehe WALA DIN AKONG PANG-ENTRANCE:lol:
Kidd Sentencia
May 16th, 2003, 09:24 PM
JLBS, change mo yung date sa title nitong thread...from 12 to 13.
Or, any Moderator/Admin out there, please lang.
Kidd
ktrix
May 18th, 2003, 04:54 PM
Friday d 13th hmm
:rolleyes: Friddy Vs Jason (horror movie)
keep security tightness check every firearms
of course not allowed inside nakakatakot naman kasi post ni TD
may baril :angry: lagot yong nakabangga sana peaceful at secured dapat shake hands and embracing each other di ba cockmates Mabuhay Pilipinong sabungero! sana successful
pasabong ni Jlbs at ChiliSM.
talahib747
May 19th, 2003, 10:33 AM
bosing chito,
about the cockhouse? reservation or first come first serve basis?
jlbs72
May 19th, 2003, 11:52 AM
kidd,
papaano ko papalitan ??? teach me na lang.
thanks.
Kidd Sentencia
May 19th, 2003, 02:58 PM
Joel, go to the bottom of this thread...right here, right now. Clik down Topic Options to Edit...then go from there.
I think, since you started this thread, you can do that. Surely, the admins can!
Kidd
malalim
May 19th, 2003, 10:10 PM
jlbs,
Pare sorry, the 13th would be hard put on my part as there are some personal things I have to attend to in the afternoon... sayang I was looking forward to the 12th. I also offered my apologies to Chito this noon time as I dropped by his office today, but he said your the man so here goes...
Sayang talaga, Chito knows how I love to fight in San Mateo.
In anycase, I might still be able to drop by and have some chicken talk with you guys in the morning.
Roy (aka Malalim)...
Kidd Sentencia
May 19th, 2003, 10:33 PM
Drop off mo na lang manoks mo with your handler, p'reng Malalim...kami ng mga guwapos ang pupusta or financing, heheheh.
di beero, let me know!
Kidd
malalim
May 19th, 2003, 11:06 PM
Kidd,
I'm out of PI for 2 weeks, I will inform you sometime June 1. Need to check the birds.
Kidd Sentencia
May 20th, 2003, 02:51 AM
OIC, p're Malalim...thanks! Talagang kursunada ko lang maglaban ng manok mo sa SM, heheheh.
Kidd
jlbs72
May 20th, 2003, 08:46 AM
Roy,
No Problem. I know palaban ka naman talaga. sa susunod na lang pre. thanks anyway.
God Bless.
BattleGear
May 20th, 2003, 09:52 AM
JLBS,
Not sure pa ang mga manok ko sa June 12. Will see kung aabot ang conditioning. This week pa lang lilipat ang handler ko sa Alaminos.
-BG
BackYard
May 20th, 2003, 11:54 AM
Sali ako dyan entry ako ng 1
jlbs72
May 20th, 2003, 12:03 PM
BG,
Pre, June 13 na tayo not june 12.
Habol mo iyan ha...
God Bless.
BTW, nagbaba na ako ng 4 na manok. na kina GD na intended for june 13,hehehe... bitaw tayo ?
BattleGear
May 20th, 2003, 02:38 PM
JLBS,
Mahirap na ako magbitaw ngayon kasi nasa Alaminos na mga manok. Pag ininaba ko sa Munti walang paglalagyan.
E kung idayo mo kaya ng bitaw ang manok mo sa Alaminos? hehehe
-BG
Kidd Sentencia
May 20th, 2003, 06:26 PM
Moderators or Owners, paki-palit naman yung date nito. Baka yan pa maging dahilan ng konpyusyon, heheheh.
Kidd
jlbs72
May 21st, 2003, 08:43 AM
Thanks kidd... hindi ko mapalitan eh. wala ako access.
Moderators... can you pls. change the date. thanks.
God Bless.
Kharmic
May 21st, 2003, 08:47 AM
No problem.
jlbs72
May 21st, 2003, 04:59 PM
Thanks Karmic. see you on friday.
Btw, tuloy ba entry mo ?
Kharmic
May 21st, 2003, 09:35 PM
Sigurista ka, ha... lol
Syempre naman tuloy ang entry ko, ikaw pa!
Also, I would like to meet those people behind their handle/s who will watch or join the concierto.
Katuwaan lang ito - kaya ang dadalhin ko ay yung mga breed kong "hatch x bayong".
Chito, bahala ka na sa lahat ng diperensya sa parada, ha? Dating gawi... lol
See you on Friday - agahan nyo...
Good Luck!
MIKAELA
May 22nd, 2003, 07:45 AM
jlbs
ano kaya oras simula laban ?
salamat.
mikaela
jlbs72
May 22nd, 2003, 08:27 AM
Mikaela,
Kadalasan ang simula at between 12NN to 1PM. Pero mas maganda kung darating ka ng maaga para naman sa ating chicken talk,hehehe...
Rebel,
Bahala ka na kina jikoyb ha. agahan ninyo mara mahaba-haba kentuhan natin.
MIKAELA
May 22nd, 2003, 08:46 AM
jlbs,
salamat pare hayaan mo aagahan namin para may
cockhouse.
mabuhay!!!
mikaela
RCERADOY
May 23rd, 2003, 04:09 AM
sige nakakahiya naman sa ikakasal may entry ang justinessa joel...laban pareho manok namin ha at malayo kami sayang biyahe,he-he-he...
007
jlbs72
May 23rd, 2003, 12:00 PM
007,
Nabanggit ko sa may-ari ng sabungan na 55K LANG ang pusta mo, lol!
Thanks.
God Bless.
BattleGear
May 23rd, 2003, 03:39 PM
JOEL,
Wag ka mag alala..yung mga bayong manoks ko, iuulot ko sa manok ni 007. hehehehe
Sabay ibababa ko ng ruweda pag naikasa na ang pusta. Meron namang ayawan di ba? hehehe
-BG
Bty Hunter
May 25th, 2003, 09:31 PM
Magtatanong lang, advisable na kayang mag dala kahit 8-10 mos old stag pa lang sa June 13, bawas na kasi ang buntot nung ma-edad..Dayo pa kami sa malayo, sayang naman kung di mapalaban kung magugulang masyado ang mga manok..:teeth:
talahib747
May 26th, 2003, 08:35 AM
bty hunter,
magdala ka ng stag, may hinahanda akong stags for june 13.
chito,
pare ilang grams allowed sa stag kung ilalaban ko sa cock???
jlbs72
May 26th, 2003, 11:16 AM
Talahib,
since ulutan naman ito, nasa iyo na kung papayag kang lumaban sa kasing timbang mo. kung papayag naman ang kalaban mo na mas mababa ang timbang niya sa iyo (dahil cock manok niya) walang problema sa amin iyon.
Sana nasagot ko ang katanungan mo.
talahib747
May 26th, 2003, 04:29 PM
pare pareserve kaming UBBA ng cockhouse para sa 7 entries namin. pakilagay sa bandang malapit sa gripo at medyo malayo sa ruweda at bleacher. abisuhan ko na lang kayo kung madadagdagan pa ang entry ng UBBA. sana mapagbigyan nyo ang aming kahilingan.
maraming salamat!!!
Pinolim
May 26th, 2003, 09:42 PM
Pre Talahib, kau-umpisa pa lang nang UBBA magbreeding, pitong team na kaagad ang inyong entries, ano ba ang pina-kakain nyo sa manok nyo at ang bilis lumaki. Turuan nyo naman ako kung papaano gawin yun. He!he!he! beeerro lang pre, have a nice day ang good luck, pre, kung mag-champion huwag nyo akong kalimutan ha!!!
balian
May 27th, 2003, 12:08 AM
mga ostrich cross po ang manok ng UBBA kaya kahit baby stags pa lang ay malalaki na hehehe... mga sarili pong palahi ng member ang ilalaban at susuportahan lang ng UBBA... sa 2004 pa mate-test ang sariling palahi ng UBBA minifarm...:rolleyes:
La Concordia
May 27th, 2003, 10:47 AM
kailangan na agad kasing ilaban kung hindi tullad ng avatar ko ganyan sila kalaki pag pinagulang pa. di kasya sa cockhouse he he.
joke lang po.
yung palahi po ng aming mini farm project ay mga sisiw pa pero sanay na silang maglibot kasi batangas, laguna at cavite ang naikot nila sa kakahanap namin ng lugar at taga alaga sa kanila.
kaya trained na sila kahit mag travel ng malayo pag laki he he he.
LC:)
jlbs72
May 27th, 2003, 10:51 AM
Talahib and UBBA,
May naka reserve na kayong slot. Doon kayo pwesto sa bagong gawang cockhouse. Lalagyan na lang namin ng name nyo.
SUGGESTION LANG PO.
Kung maari sana ay yung handle name na lang ninyo ang ilagay ninyo as entry name. Sa ganitong paraan, pwede nating iwasan na tayo ang magkalaban. Isa pa, para makita din natin ang laro ng manok ng bawat isa. Masarap yatang manoob na alam mo or kilala ang naglalaban para makapusta naman kami kahit maliit lamang. Pero in case na nasa ruweda na at tayo-tayo ang magkabangga… bahala na kayong magdesisyon kung gusto ninyong ituloy ang laban, oks lang din iyon,hehehe…
Pwede po bang paki post kung sino-sino ang gustong magpareserve ng cockhouse ? gusto lang kasi namin malaman kung ilan cockhouse ang ilalaan namin sa grupo.
Ito na ang mga nagpareserved na :
1. talahib ang UBBA
2. Golden Dragon
3. Eric Cannonizado and Lando Luzong
4. KharmicTBS
5. Parehas
6. La loma
7. Mikaela
8. EDL Gamefarm
9. Battlegear
10. RC_amoyong
11. Blitzgame
12. Rebel
13. Viper
14. San Roque
15. Galapong
talahib747
May 27th, 2003, 01:57 PM
JLBS,
si eric at lando luzong kasama sa pinareserve ko, pare. gusto namin magkakasama yung ubba para di mahirap magbantay ng cockhouse.
steben_cgal
May 27th, 2003, 02:47 PM
ayos to ah!!! dami ko mapapanood na magagandang laban!!! hehehehehehe....... :rbounce:
rollyramos
May 27th, 2003, 06:21 PM
preng jlbs, paki na rin ako,sama na kami ni earan sa cock hauz.
La Concordia
May 27th, 2003, 06:31 PM
Ka Rolly,
UBBA rin si earan ah. AWOL nga lang he he. At ayaw yata sa amin kasi mga small time lang kami. Dikit na kayo sa cockhouse namin mas maganda.
LC
rollyramos
May 27th, 2003, 06:41 PM
hinde pre mahal kayo ni earan lagi kayong bukang bibig non, katunayan ng mag kita kita kayo isinasama ako ni earan, nag kataon lang na may farm visit ako, saka ako kabilang ako sa UBBA, napaka liit ko kung ikukumpara sa inyo, medyo malawak lang ang ekspiryensa at pakikisama,at medyo sinuwerteng makahalubilo ang mga bigatin, opsssss di ko mabuhat:hippie:
silangan
May 28th, 2003, 05:11 AM
Paki-reserve po ako ng cockhouse. Meron na po bang kulungan yan?
jlbs72
May 28th, 2003, 08:47 AM
Rolly,
Ok no problem.
Silangan,
yung mga cockhouse sa San mateo ay walang mga kulungan. you need to bring your folding pen para may paglagyan ang manok mo.
Good Morning to all of you.
God Bless.
talahib747
May 28th, 2003, 09:10 AM
pasensya ka na nalagpasan ko yung post mo, pero nasagot naman nila balian at la concordia. he!he!he! ostrich ang broodcock namin. sarili pa naming mga manok ang ilalaban namin at hindi pa galing sa mini-farm namin. kung sino ang may magagaling na manok ay magpapahiram ng palahi sa mga members kaya parang acid test itong derby na ito para sa amin.
jlbs72
May 28th, 2003, 11:43 AM
Talahib,
Pre, baka hindi na sumama sa cockhouse ninyo si eric at lando kasi iisa lang handler namin nila golden dragon. baka sa ibang cockhouse na lang kami. 2 kay GD, 2 akin at 2 kay eric at lando.
pro tabi-tabi naman tayo e, hehehe...
talahib747
May 28th, 2003, 12:51 PM
joel,
ok, for security reasons lang naman kung bakit gusto kong magkakasama kaming grupo at para puwedeng magrelyebo sa pagbabantay ng cockhouse ang mga Ubbanites. halimbawa si agetro at ang kasama nya, puwede silang lahat manuod at maiwan si ako para bantayan ang cockhouse nila. sa timbangan nga pala ng panlaban baka maglagay ako ng pananda sa mga manok ng UBBA para di mapaulot sa kapwa UBBA.
may libreng kape at pandesal ba sa umaga???
jlbs72
May 28th, 2003, 12:56 PM
pwede yung pandesal pero yung kape mahirap e,hehehe... mahirap ilagay sa plastik,hehehe...
talahib747
May 28th, 2003, 01:07 PM
joel,
mas masarap magkape at pandesal habang nagchichicken talk, magbabaon kami ng coffee mug para di mo na ipaplastic.:D
jlbs72
May 28th, 2003, 05:24 PM
Talahib,
Sorry pare, nasa isip ko kasi madaling araw, hehehe...
OO ba sagot ko na yung kape't pandesal sa umaga. anong oras ba kayo nandoon ??? mga 9AM ang dating ko kasi, hehehe...
Cockhouse reservation
1. talahib ang UBBA
2. Golden Dragon
3. Eric Cannonizado and Lando Luzong
4. KharmicTBS
5. Parehas
6. La loma
7. Mikaela
8. EDL Gamefarm
9. Battlegear
10. RC_amoyong
11. Blitzgame
12. Rebel
13. Viper
14. San Roque
15. Galapong
16. Rolly Ramos
17. Silangan
18. Roadman & Sawala
God Bless.
La Concordia
May 29th, 2003, 09:40 AM
Sir jlbs72,
I-correct ko lang yung una. It should be "talahib and UBBA". or simply UBBA.
Salamat po.
LC
jlbs72
May 29th, 2003, 12:22 PM
1. talahib and UBBA
2. Golden Dragon
3. Eric Cannonizado and Lando Luzong
4. KharmicTBS
5. Parehas
6. La loma
7. Mikaela
8. EDL Gamefarm
9. Battlegear
10. RC_amoyong
11. Blitzgame
12. Rebel
13. Viper
14. San Roque
15. Galapong
16. Rolly Ramos
17. Silangan
18. Roadman & Sawala
Thanks LC, di ko napansin iyon ha,hehehe...
Talahib,
what time ka daw darating sa umaga ?
talahib747
May 29th, 2003, 03:17 PM
around 5:30 to 7:00 am ang dating ko dyan joel. galing pa kung bataan kaya obligado akong bumiyahe ng madaling araw para pagkatimbang mapakain ko na yung mga manok. baka 4 kami ni kip sasabay din sa akin.
Kidd Sentencia
May 29th, 2003, 04:39 PM
Kailangan ba ng mga entries na magdala ng sariling kulungan?
KIdd
rollyramos
May 29th, 2003, 06:42 PM
pare nabanggit mo na galing ka ng bataan, taga bataan kaba? kasi may kasama ko , taga bataan, si noel leuterio, may farm sa bataan BATIBOT GAME FARM, kung kilala mo mag kikita kayo sa laro natin sa san mateo.
Kidd Sentencia
May 30th, 2003, 05:10 AM
Jlbs, do you plan to tape this event? I mean officially tape it, even if amateurish only, we can add it to our Stag Derby in September then we maybe able to gain more funds for our Humanitarian Funds. Thus, this event of yours will also contribute to charity.
Preferably, use a digital video cam, but if none is available, any type will do.
bakasakawali lang,
Kidd
talahib747
May 30th, 2003, 08:12 AM
bossing rolly,
hindi ko sya kilala pare, baka sa mukha magkakilala kami. taga-hermosa, bataan ako. sya ba? malamang kilala nya yung sultador ko si abet na kapatid ko, bata pa kami ng utol ko. ako ay 26 yrs. old at kapatid ko ay 25 yrs. old. baka di kami magkaedad kaya di kami nagkakilala.
jlbs72
May 30th, 2003, 12:14 PM
Kidd,
yup. bring your own kulungan tayo,hehehe...
Talahib,
Aga pala ha.... sige sagot ko na ang kape't pandesal. if ever pasyal muna tyo nila chito doon.
God Bless.
talahib747
May 30th, 2003, 02:44 PM
joel,
pare kung alas-9 pa ang dating mo malamang pati pandesal at kape ay alas-9 din. sasabay daw sa akin ang kaibigan mong si KIP, sana maaga syang bumiyahe papuntang layac, bataan dahil mahirap matrapik sa expresway.
Kip
May 31st, 2003, 07:44 PM
pre talahib,
sabihin mo lang kung anong oras tayo magkikita sa layac, less than 30 mins lang naman ang byahe from olongapo.
joel,
make sure na may nakahanda kang almusal ha....(ganyan talaga ang promoter, alaga esp. ang mga "dayo" heheh).........ready na ba na ang mga panlaban natin? timbrehan mo ako kung alin ang pang diin ha?.....pag natuloy yung mga manok ni BG, ako ang magbibitaw ng mga manokis......BG-KIP.........heheheeh
c u e der
jlbs72
June 2nd, 2003, 10:31 AM
Talahib and Kip,
pre, iniisip na namin ang gagawin if ever masyadong maaga ang dating ninyo. BAKA pasyal muna tayo para sulit naman ang pagdating ninyo ng maaga,hehehe...
See yah.
GoodWings
June 3rd, 2003, 05:58 AM
Kip & Talahib. Gud lak sa inyo. Tayo nyo bandera ng teritoryo natin hehehe.
TabukSuba
June 3rd, 2003, 08:07 AM
Joel/Chito,
Pwedeng mag-request ng bfast hehehe.
Tag-ulan kasi ngayon, sarrrap siguro ng Champorado at Tuyo. Kundi naman e pwede na rin ang fried rice at paksiw na isda. Tapos ng almuchow..... pwede na mag-chicken talk. Haay buhay sabungero talaga!!!
See ya!
TBS :D
sawala
June 3rd, 2003, 08:11 AM
Kakmeyts;
Nang-iinggit ata kayo sa mga hindi makakapunta sa ulutan eh!! Make sure lang na sagutin nyo mga text sa araw ng derby at i-video nyo naman sana pati yung ulutan mismo, doon kasi ang main action hehehe!
sawala
bulangero
June 3rd, 2003, 09:13 AM
My forecast Sir ChiliSM..... is that it is going to work out well.
In any endeavor, as long as management listens and participates, success is always achieved.
I salute you and your staff!
CORPS COMMANDER
June 3rd, 2003, 09:45 AM
whatever the outcome of this experiment, i am absolute sure we can find something for the betterment of our favorite sport. it is always a learning process, take what is good and scrap what is not!:hombre:
jlbs72
June 3rd, 2003, 05:07 PM
Kidd,
Kung talagang gusto ninyo na mapanood ang pa-derbing ito pwede siguro tayong kumuha na lagn ng gagawa nito. Then hati na lang tayo ( yung mga interested na makakuha ng copy) kung magkano man ang gagastusin. Siguro nasa 3k to 5k ang gastos. Magtatanong-tanong ako kung interested kayo.
Magandang Araw sa inyo.
God Bless.
talahib747
June 4th, 2003, 08:30 AM
SANA i-cover nyo. bibili ako ng tape para ipadala ko sa father ko sa states.
MIKAELA
June 4th, 2003, 08:46 AM
jlbs72
pare nag set up ba kayo ng minimum bet? first time
kasi namin sasali ni TWIN LIGHTNING sa ganitong sabong para
mabudget namin parada sa dalawang manok and magkano rin
pala pot money natin.
salamat.
mikaela
BackYard
June 4th, 2003, 09:09 AM
Jlbs72,
Puwede po ba ang minimum bet, first time ko lang sumali sa ganitong laban.
Salamat!
BackYard
jlbs72
June 4th, 2003, 11:22 AM
Repapips,
minimum bet is 3,300.
Pot money is 2,200.
Pwede-pwede kung minimum lang pusta ninyo. ako nga minimum lang din,hehehe...
See Yah !!!
God Bless.
MIKAELA
June 4th, 2003, 05:31 PM
jlbs72
salamat pare siyanga pala may premyo
ba ang 2 wins.
ty ulit
mikaela
Kidd Sentencia
June 4th, 2003, 06:02 PM
Sige, Joel...pa-tape mo, hati ang CF at San Mateo.
Deal !
:rbounce:
Kidd Sentencia
June 4th, 2003, 08:53 PM
The CF Guwapos is offering 500 pesos (to purchase text card/load) and free cockpit entrance, hehehe, to anyone who will volunteer to be my text mate on the fight day.
Someone who will not be busy on sabong (that day), must also be expert/fast in using text. Just make sure your cellphone is fully charged (that day). Email me at sabungero@hotmail.com or post.
My cp # is: +447810086220
I am volunteering cause I will be on the board that day, god willing. If anyone wants to do it, feel free...either way.
Cheers!
Kidd
king philip
June 5th, 2003, 03:21 PM
Boss Chito & Sir Joel,
Puede ho ba sumali sa inyong pa concierto na 2-cock timbangan/
ulutan. May mga manok kaming backyard at sariling palahi. gusto
kong testingin ang aking mga bullstag bago maglugon, pero siguro sa minimum bet lang muna dahil di pa tested itong mga
palahi namin, kapag nanalo yon first fight pagulong na lang sa
pangalawa.
Ang aking kaibigan na si Nazhjohn, sasali rin ng isang entry.
Under progress pa raw ang condition ng mga manok, pero
confirm niya sa Monday kung talagang puede na ang mga manok
na pina-condition ko sa kanya.
Just reserved us cockhouse suitable for 2 entry.
:rbounce:
Thank's a Lot,
Philip
jlbs72
June 5th, 2003, 05:02 PM
King philip,
Pwedeng-pwede kang sumali. marami din dito na gustong testingin ang kanilang palahi tulad ko,hehehe... hindi naman palakihan ng pusta ang laban e, pagalingan ng manok,hehehe...
Good Luck sa entry nating lahat.
God Bless.
jlbs72
June 6th, 2003, 07:47 AM
1. talahib and UBBA
2. Golden Dragon
3. Eric Cannonizado
4. KharmicTBS
5. Parehas
6. La loma
7. Mikaela
8. EDL Gamefarm
9. Battlegear
10. RC_amoyong
11. Blitzgame
12. Rebel
13. Viper
14. San Roque
15. Galapong
16. Rolly Ramos
17. Silangan
18. Roadman & Sawala
19. Lando Luzong
20. Mikaela & Twin Lightning
21. Double Blaster
22. Apo, Art & Toy
23. King PHilip
24. Nazjohn
25. Blitzgame & Klasmeyts
26. Backyard
27. Corps Commander & Matrix Combine
Kidd Sentencia
June 6th, 2003, 07:06 PM
The Board needs a live-reporter thru Text Msg!
The CF Guwapos is offering 500 pesos (to purchase text card/load) and free cockpit entrance, hehehe, to anyone who will volunteer to be my text mate on the fight day.
Someone who will not be busy on sabong (that day), must also be expert/fast in using text. Just make sure your cellphone is fully charged (that day). Email me at sabungero@hotmail.com or post.
My cp # is: +447810086220
I am volunteering cause I will be on the board that day, god willing. If anyone wants to do it, feel free...either way.
Cheers!
Kidd
llamadista9
June 8th, 2003, 12:21 PM
wow, 27 entries na pala. saya diyan sigurado. good luck guys.
BattleGear
June 9th, 2003, 01:06 PM
Hirap naman nito. Puro kaibigan ang kasali. Sigurado hindi mapapalaban manok ko. :)
-BG
rollyramos
June 9th, 2003, 02:00 PM
BG ,pre mapapalaban manok mo, kahit kaibigan mo pa lahat ng kasali, kasi ang mga dala nating manok ang mag lalaban - laban at hindi sila mag kakaibigan, lahat sila mag kakaaway, diba hehehe.
jlbs72
June 9th, 2003, 03:07 PM
BG,
Hindi pa kasali diyan sa bilang ang mga regular magsasabong ng san mateo. Chili_SM expect at least 20 entries from his side. kaya malaking posibilidad na hindi tayo magkalaban-laban.
but, kung hindi maiiwasan, payag ba kayo ? sabi nga ni RR hindi naman tayo maglalaban e, mga manok lang,hehehe...
Kidd Sentencia
June 9th, 2003, 03:44 PM
Hey Guys, just to announce...heheheh.
One of our new CF members from TX, Sportsworld7000, will be coming. I'm just introducing him to you, CFs.
cheers!
Kidd
adiong
June 10th, 2003, 01:19 AM
good luck sa lahat ng entry! siguradong masaya to!!!
pwede ba makinood lang? wala ako pampusta. :D
lapit lang naman bahay namin SM cockpit!
malalim
June 10th, 2003, 01:28 AM
Joel,
Plans have changed...I am now able to field in an entry (maybe 2 if the other 2 birds wont go off).
See you guys on the 13th.
One entry of mine would be all hennies. No rules against hennies, right?
nazhjohn
June 10th, 2003, 08:01 AM
Sir Joel and Sir Chili,
sure na entry namin ni Sir king Philip
pa reserve na lang po ng cock house suitable for 2 entry.
Thank you very much!:) hope to see guys in June 13
small time lang.
jlbs72
June 10th, 2003, 08:23 AM
Roy,
What time ka ka ba darating. mas maaga mas maganda. para mahaba-haba ang chicken talk natin,hehehe...
Good Luck guys !
God Bless.
BattleGear
June 10th, 2003, 10:57 AM
Rolly,
Ok lang sana kung ito ay regular derby dahil di tayo ang nagma-matching. Pero ito ay ulutan. Naturally, ayaw mong ulutan ang manok ng kaibigan mo. Unless may lihim na galit ka sa kaibigan mo, hehehe.
Pero gaya ng sinabi ni JLBS, meron din namang regular patrons ang San Mateo...dun ako uulot.
-BG
BattleGear
June 10th, 2003, 11:02 AM
Joel,
Malamang ako umagang-umaga pa lang e nasa San Mateo na. Layo kase ng biyahe from Alaminos.
-BG
jlbs72
June 10th, 2003, 12:45 PM
BG,
Ok yan. mas maganda kung maraming maagang darating para mahaba-haba ang chicken talk natin. si gamecock 96 din ay maagang darating.
See yah !
God Bless.
Kidd Sentencia
June 10th, 2003, 05:34 PM
Everybody thinks that Somebody will report the fights here as they happen. Anybody who can has been offered free entrance and free "load" on their CP but Nobody has accepted it.
That's a very good friendly gesture to Everybody.
thanks a lot, nobody!
Kidd
CORPS COMMANDER
June 10th, 2003, 05:40 PM
puro ata sila busy sa araw na yan pareng kidd. kawawa naman kami, huhuhuhu.
baka naman may magrereport na, ayaw lang tanggapin yung PHP500, libre na lang daw. donate na lang yung 500 pesos sa mga projects ng cf. ang bait naman nun!
corps:innocent:
Edwin Lapitan
June 10th, 2003, 06:18 PM
Fellow CFs!!!
Dating rin kami early cause we'll still be looking where SM cockpit is. Looking forward to meeting my fellow CFs. OK lang ba parking area diyan? Pag hindi, kabayo na lang dala ko..... kasama plantsa.
See you all on Friday.
:rbounce:
morila abe
June 11th, 2003, 12:57 AM
jlbs 72 & Chili SM
My advance congratulations on your promotion. The feedback is overwhelming . Camaradirie is evident and for sure all participants will enjoy the atmosphere and place at San Mateo, where else you can find a pit owner who is very humble and accomodating.May you be a model amoung other pit manger/owner.
To Battle Gear I salute your true friendship, from Alaminos to San Mateo is indeed a long trip. Hats off to you fellow CF & friend.
Mabuhay po kayung lahat!
Gumagalang Abe
malalim
June 11th, 2003, 04:32 AM
Chito,
Thks for the compliments, ladyluck was just on my side during those times. I'm sure all the guys ang gals here are gearing up for this. Just looking at the list this promises to be an awesome event. My father might be coming with me and he is sending his regards.
Joel,
Hindi pa man succesful na. Susubukan kong dumating ng maaga, manggagaling pa kasi ako ng Batangas City with the birds, so medyo extra effort on my side.
BG/Rommel,
Pre, si Vbalu ano nangyari? walang contact...mga greys ba dala mo sa 13?
Pep,
Pare mukhang hindi aabot yung mga manok sa derby mo sa Argem. Its a pity cause I also love to fight in Argem as well. Both of your derbies that I joined sa Argem pareho akong runner-up I was hoping the next derby baka maka-champion na kaso mukhang di talaga aabot. Eto na yung last batch na hindi pa lugon.
Mang Ben,
Si Mang Julio din po and tatare sa akin.
RCERADOY
June 11th, 2003, 09:02 AM
bg pre,wag mo namang uulutan ang manok ko ha pang tupada lang yan...
chito, paki taboy sa iba si bg pag inuulot ang manok niya sa manok namin ha,he-he-he...
goodluck tuloy sa inyong dalawa ni jlbs,sa nakikita ko magiging successful itong ulutan na ito...see you in september guys...
007
BattleGear
June 11th, 2003, 11:08 AM
Malalim,
Not the greys. Bata pa sila. :) See you at SM and for sure sama kami ni Al sa pusta sa manok mo.
RCERADOY,
Hehehe, loko. Sama ako sa pusta nyo sa loob.
-BG
jlbs72
June 11th, 2003, 12:06 PM
Kidd,
Solb na ang problema mo. pumayag na si kip maging ka text mate mo. pabilhin mo na lang si San Roque ng Load. maybe 500 or 1000. baka kasi kulangin ang 500 na load e,hehehe...
God Bless.
Kidd Sentencia
June 11th, 2003, 02:36 PM
Good...somebody stood up!
Thanks Kip! Eh anong load...Smart or yung isa, ano na pangalan nuon?
Kidd
Kidd Sentencia
June 11th, 2003, 03:31 PM
Joel, yung isang entry mo...Guwapo na! Nabawasan kami ng isa kaya ayos ang pasok mo.
Kidd
jlbs72
June 11th, 2003, 03:49 PM
Kidd,
No problem. thanks a lot.
jlbs72
June 11th, 2003, 04:02 PM
· Before the fight, pwede mong tignan ang tari na gagamitin ng iyong kalaban
· Tampering of Leg bands and Weights kung sino man ang mahuli na nagpalit ng kanilang weights na naka tape sa buntot ng manok o yung kaniyang leg band, automatically forfeited yung kanilang entry fee at hindi na papayagan lumaban.
· What if natanggal ang tape ? Nasubukan na namin ilagay itong tape sa buntot ng manok pero talagang hindi ito basta basta matatanggal pero in case na matanggal nga, just call our attention para ma re-weight ang inyong manok. Iniiwasan lang talaga namin ang dayaan.
· Pagkatapos mo mag ulot or nakahanap ka na ng kalaban Pupunta lang kayo doon sa pila to ask your fight number. Kukunin nila doon ang leg band number mo at kalaban mo. may malaking board doon para sa listahan ng mga maglalaban with fight number. Then ilalagay nila doon kung TARI NA ang manok mo (ibig sabihin magpatari ka na). Sa ganitong paraan after mong mag-ulot ay pwede mo munang ipahinga ang manok mo. pwede mo rin iulot ang susunod na laban mo. kukunin mo lang ang manok mo para tarian kung sa fight number mo ay may nakalagay na na TARI NA.
Isang halimbawa : may 10 na doon na nakalista na maglalaban. Unang limang maglalaban makikita mo doon na nakasulat na tari na. Pagkatapos ng fight number 1. Lalagyan namin ang fight number 6 ng TARI NA. After fight number 2, lalagyan namin yung fight number 7 ng TARI NA, then sunod sunod na iyon.
· What in case umayaw yung kalaban mo ? Halimbawa ay fight number 20 ka at umayaw na yung kalaban mo. syempre iuulot mo ulit. Ang susunod na number mo na ay yung last number. Kung fight 40 na yon. Ito na ang bagong number mo. iniiwasan lang namin yung reservation sa fight number. May magugulang kasi diyan na kukuha na ng fight number pero hindi pa naman naiuulot ang manok nila. So hindi pwede sa amin ang ganitong style, hehehe…
· NO EXPRESS LANE Meaning mapa 55K man o 3.3K ang pusta mo regular ang pila pa rin. Kung fight number 20 ka nakapila, Sa fight number 20 ka talaga lalaban. It’s like in the ordinary derby.
· What if hindi ninyo narinig na tinawag na pala kayo or kayo na yung next in line ? We will provide megaphone para tawagin ang mga enties ninyo. In case nalagpasan na kayo just call our attention para mai-adjust namin
· Pandak, pilay, bulag, piki, kuba, o lugon naman ang manok ko pwede ba huwag na lang timbangin ? HINDI PWEDE. KAILANGAN PA RIN TIMBANGIN IYAN.
· NO CHECKS ALLOWED As a house rule, hindi po talaga tumatanggap ng cheke ang San Mateo Cockpit. Kaya inuulit lang po namin. WALANG CHEKE.
· No Deduction on actual weights of cocks. Gutom man o busog ang mga manok ninyo, hindi po kami magbabawas sa actual na timbang ng inyong mga manokis. Kung 2.20 ang actual na timbang. 2.20 ang ilalagay namin sa tape.
Can different colored bands fight? Sure. Example, a 1.980 red-banded bird may fight a 2.010 blue=banded bird cuz the absolute difference is still just 30 grams. Baka kursunada mong labanan yon kasi mas mababa yong mas mabigat ng kaunti. And so on and so forth.
Sa Ulutan, meron kaming tao doon na tumutulong, nagtuturo kung sino ang mga maaring mong makalaban, kung kanino ka mas mapupusta, etc. Basta lumagpas ng 11,000 ang iyong ipupusta hanapin mo na lang yung mga nakatalaga namin tao doon para tulungan kayo
Sa mga maagang darating magbibigay siguro na lang kami ng NAME TAG sa mga CF, UBBA OR AT MGA KAIBIGAN NATIN SA SITE upang sa ganoon ay madali para sa atin habang tayo ay nagkaka-kwentuhan. Oks ba ?
See you on June 13.
Kidd Sentencia
June 11th, 2003, 04:53 PM
Simply outstanding rules and details, JLBS72!
sounds like a CF...heheheh.
Kidd
Draven51501
June 11th, 2003, 06:05 PM
Before the fight, pwede mong tignan ang tari na gagamitin ng iyong kalaban
jlbs,
ano naman ang ruling ng San Mateo sa klase ng tari na gagamitin? just curious.
GOOD LUCK TO MY FELLOW CF's! HAVE A GOOD ONE!
drav
laloma
June 12th, 2003, 06:27 AM
ang galing ng ulutan rules... no way for the mangugulang to gain an upperhand here (tnx to jlbs & chili for the efforts!). at of last count we have 27 entries + 20 locals, what time is offical start?
get ready to RRRRRRRRUMBLE.....
Happy Independence Day to all Cyberfriends!
talahib747
June 12th, 2003, 08:30 AM
joel,
yung 1.7 kung manok puwede ko bang ilaban sa 1.8 kung wala akong makitang katimbang?
yung fastest win napag-usapan nyo ba na 1st at 2nd fight ng mga nagchampion yung oorasan?
talahib747
June 12th, 2003, 08:43 AM
ok thx chito.
jlbs72
June 12th, 2003, 12:14 PM
Usually, the fights will start by 1PM. mas maaga-aga ng konti mas maganda.
See you tommorrow guys.
God Bless.
Btw,
yung mga maagang pupunta ay sina :
1. AL (gamecock96)
2. Rommel (BattleGear)
3. Talahib
4. Mike (kip)
5. Tatay ni Roadman
6. Tao ni GD
Paki post na lang yung iba para naman malaman namin kung ilan itlog at pandesal ang ihahanda namin, hehehe...
:lol: :teeth:
CORPS COMMANDER
June 12th, 2003, 12:19 PM
joel,
yung pinsan/handler ko and company dadating din ng maaga. kaw na bahala sa kanila, hehehe.
thanks,
corps:)
jlbs72
June 12th, 2003, 12:46 PM
ok corps. no problem !
nazhjohn
June 12th, 2003, 12:51 PM
pati b kami kasama sa bilang mo po?
kung sakali dadating kamin ng maaga?
salamat:D
jlbs72
June 12th, 2003, 01:06 PM
Nazhjohn,
basta maaga kayo darating, syempre kasama kayo. pwede ba naman kaming kumain tapos kayo titingin lang ? di pwede iyon, hehehe...
God Bless.
Edwin Lapitan
June 12th, 2003, 01:07 PM
:hat:
chili_SM / jlbs72!!!
Do we have to register para makilala kami as CF member? Would appreciate if we can readily recognize CFs, UBBAs, Guavas, Bananas, etc. Madali chicken talk if we knew who we can readily approach. Baka mapagkamalan akong artista nito - si palito.
Joking.....:wink2:
rollyramos
June 12th, 2003, 01:30 PM
maganda yan idea mo edwin, para hindi na magkasakitan, ang ibig kong sabihin para na rin hindi mag ka laban ang mga manok ng nasa internet. pangit kasi kung kapwa mo CF o UBBA, banana , guava ang talunin mo o tumalo sayo, gayong may local na kasali o taga labas.taga CALAMBA kasi ako kaya naniniwala ako sa sinabi ni rizal na""" mas mahapdi ang kalmot ng isang kaibigan kaysa sugat na nilikha ng isang kaaway""" at higit sa lahat hindi tayo mangangapa kung sino ang kakwentuhan. lalo kung may name ,user name TAG,:hippie:
Edong
June 12th, 2003, 01:39 PM
Bossing Joel,
Maaga rin kami...may premyo ba ang pinakamaaga? hahaha..
See you tomorrow!!!!!
Edong
Kidd Sentencia
June 12th, 2003, 03:16 PM
Okay, courtesy of the CF Guwapos, and CF Kip (will do the reporting from San Mateo), the Kidd will post results as they come.
The least we can do for us, keybored sabungeros!
Cheers!
Kidd
talahib747
June 12th, 2003, 04:21 PM
joel,
may premyo ba last win?
bxu
June 12th, 2003, 04:30 PM
To all the Entrants,
GOODLUCK sa inyo....
have fun and enjoy the company of everyone...
Chili/ Jlbs,
Looks like this is turning out to be one successful endeavor..hehhhe.. Goodluck frens..
:D
GoodWings
June 12th, 2003, 10:47 PM
Yeah, good luck sa lahat. Siyempre may mananalo at mayroon ding matatalo. Sa ating mga CF bale wala yon. Importante camaraderie sa grupo. Pero sana panalo lahat. At kung may matatalo sana naman huwag pati pang diaper ni baby ang ipupusta hehehe, (konti konti lang pag malas).
Kidd Sentencia
June 12th, 2003, 11:01 PM
Mag uumpisa pa ba ako ng bagong thread para sa results or dito na lang? Anong say niyo...heheheh.
Pag gising ko bukas siguradong mag-uumpisa na. Kung merong maunang makabalita eh post lang ha...tulong tulong, salu-salo, sama-sama tayong mga keyboreds, mag-abang ng results.
Pwede rin bang magpustahan tayo dito...kahit pitik lang?
Kidd
Maning
June 12th, 2003, 11:44 PM
Pre Kidd, kahit saan. Eksayted na ako, sana doon din tayo:D
:hombre: Maning
CORPS COMMANDER
June 13th, 2003, 12:25 AM
GOODLUCK AND ENJOY!!!
:smoke: :rbounce:
Soseng
June 13th, 2003, 02:23 AM
Goodluck sa lahat !!! lalo na sa CF entries... :hombre:
Kidd Sentencia
June 13th, 2003, 03:43 AM
CF Guwapo Golden Dragon I - 11
CF Guwapo Golden Dragon II - 11
CF Guwapo San Roque - 11
CF Guwapo JLBS72 - 11
yan ang panaginip ko...sana magkatutuo, huwag lang akong bangungutin :lol:
heheheh,
GOODLUCK SA LAHAT NG ENTRIES! Mabuhay ang mga workers din ng San Mateo Cockpit, the Home of the CyberFriends!
Kidd
jlbs72
March 18th, 2005, 10:14 PM
sa june... sa san mateo po ulit ... malapit na !!!
jon_elasigue
March 19th, 2005, 11:45 AM
JLBS72,
Ulitin! pwedeng pwede. Lahat ng organization na bago at mga baguhan miyembro para lahat magka-kilala. Tulad ng LCBA, bagong grupo suportado namin yan. Bigay lang ng details para ngayun pa lang mapaghandaan ng LCBA.
Salamat.
jlbs72
March 19th, 2005, 05:03 PM
Jon,
isa si rolly ramos sa mga sumali dito 2 years ago. pag kaka alam ko hindi pa nga siya uma tend ng binyag para lang lumaban dito.
ktrix
March 19th, 2005, 10:30 PM
Baka makasali rin uwi-an ko petsa 15 pabalik kaya habol pa ako nyan . June 1 sa Pasay 2 cock ulutan-fastest kill punta kayo esp. ka Rolly para ma-testing manok natin at makakilala rin tayo for d 1st time.Pa-derby ni RL pres. namin sponsored by Sagupaan ni PA (gcap).
jon_elasigue
March 23rd, 2005, 09:12 AM
Ganyan talaga si Rolly, kahit nun unang kumbidahan/kitakits ng LCBA, birthday ng anak nya pero nagawa pa rin nyang umatend sa amin yun nga lang hindi nagkitakita at natuloy lang sa laban ng mga manok.
Last na Kitakits ng LCBA, may expected na client na titingin at bibili sa kanya ng manok pero sumama pa rin sya sa amin.
Kaya True Gentleman si Rolly. (Hindi dahil sa co-member ko sya sa LCBA kaya ko sya binubuhat, talaga lang maginoo kausap) kaya alam ko susuportahan nya ako dito at ang kasama kong LCBA.
Binasa ko ang thread na ito mula umpisa at hangang huli. Maganda ito JLBS. Sana ituloy mo at sa tingin ko lalo na sa mga baguhan sa site, gusto ko din makilala ang mga grupo, individual, beterano at baguhan sa site na ito at pagmamanok na magkita-kita at magka-kilala. Kahit walang panlaban o meron man sana maka-sama sa June.
bcock2003
March 23rd, 2005, 09:51 AM
pre jon,
ganito ang hinahanap ko 2 cock lang 1 entry ako nito, magkano ang entry fee, minimum bet at accepted na timbang, thank you.
LCBA BCOCK2003
nemmmo
March 26th, 2005, 02:26 AM
HAPPY EASTER !!!! http://img.photobucket.com/albums/v280/nemmmo2002/Emoticons/8dbddb91.gif
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.