PDA

View Full Version : Mga taga bulakan kita kits



albert dungo
January 15th, 2004, 01:51 PM
Cnu cnu po ang mga bulakenyo dito sa sight,
sa plaridel pu ako nakatira,mag post kau dito para mag ka kilala tau.

doc_newo
January 15th, 2004, 10:48 PM
pre, taga plaridel din ako. san ka sa plaridel?

rymk72
January 16th, 2004, 05:38 PM
hagonoy

blitzgame
January 19th, 2004, 02:54 AM
rowdell kruz
taga pandi ,bulacan .........kailan ba ang kitakits i-plano nyo na im sure sasama yan dahil uuwi iyan soon...pinasasabi lang nya dahil nasa office pa sya....kitakits na naman:rbounce: paano pala ang tsibug at kung saan gagawin i-post lang daw para ayos ang pagkain, place, inumin, pulutan ofcourse.. at kung puede tupada na rin kung puede maliitan lang max php2,200 yung mga talunan pulutan (pakang luto sa luya at kamatis) sarap nyan imported kasi yung manok.......heheheeheh

mauricir
January 19th, 2004, 07:35 AM
Romuald Mauricio

FR deleon Enterprises
Binang 1st , Bocaue, Bulacan

Mabuhay ang mga Bulakenyo...

albert dungo
January 19th, 2004, 09:08 AM
Doc Newo, TSa may Tabang Plaridel ako sa may Rocka Village,

Sana nga mag karoon tau ng kita kits mga taga bulacan para mag ka kilala mga mahihilig sa sabong,syempre me inuman saka kantahan mas maganda kung pag katapos mag sabong ok ba mga kabayan....

albert dungo
January 19th, 2004, 09:12 AM
Kung gusto nyo organize ko para magkaroon tau ng opisyal na samahan,kung payag lang kau?....

doc_newo
January 19th, 2004, 09:57 PM
ok yang binabalak mo pareng albert. Taga dito lang ako sa banga 2nd.:)

San Roque
January 20th, 2004, 01:07 AM
Taga Bulacan din ako kaya lang only by affinity(wife ko is from Bulacan, Bulacan) at meron ako ngayong maliit na brooder range sa Bunsuran 1 sa Pandi. Maganda itong binabalak nyong Kitakits. Sali ako.

SR

albert dungo
January 20th, 2004, 09:13 AM
Ok mga Kabayan ,i organize ko,Calling all Bulakenyo in this site who want to join kirta kita kits mag post kau dito para ma set kung kailan mas marami mas maganda,....

urateur
January 20th, 2004, 09:35 AM
im also from bulacan but currently working here in baguio city. if my schedule will permit me, pls count me in your proposed kita-kits.
thanks albert for this great idea. im looking forward to it.:hippie:

albert dungo
January 21st, 2004, 08:25 AM
Mga Kabayan,

Mag post kau kung kailan ang prepared nyo date para sa kita kits,at kung saan place<....

hatchclaret
January 22nd, 2004, 09:34 AM
am paul representing small town of balagtas matulian bayan , ,tuloy natin para sa taga bulakan naman at member din ng batangas breeder ,

thanks mga kabayan bulakeno ,

hatchclaret
January 22nd, 2004, 09:47 AM
paanu ba pag delete mali yun spelling ko click kuna left box then rigth ayaw parin

albert dungo
January 22nd, 2004, 10:13 AM
Salamat kabayan,matutuloy lang ito kung lahat ay makikiisa at sasama,kaya continue posting para me communications.....

hatchclaret
January 22nd, 2004, 10:17 AM
pare, naka bakasyun ,si russel na taga guiguinto , si oca ng plaridel ,

rowdell kruz
January 22nd, 2004, 09:48 PM
hi, puede ba i-set ang date ng kitakits between february 8 to feb 28, 2004. uuwi kasi ako dyan kung puede lang naman para makasama din ako tuloy sabong tayo sama-sama bakas-bakas mas masaya di ba?...hope matuloy para may samahan din tayo sa bulacan........kitakits na mga kabayan:rbounce:

albert dungo
January 23rd, 2004, 09:26 AM
Mga kabayan payag ba kau sa suggestion date ni kabayan rowdell,please acknowledge....

jobats2010
January 23rd, 2004, 11:14 AM
im from Norzagaray medyo mahilig din sa sabong pero I been to a derby once pa lang in Marilao. Mostly sa tupad or regular lang na sabong. Wala ako sa pinas kaya wala din akong sabong dito. In 6-1/2 years retired na ako mag i-invest siguro ako sa gamefowl breeding. I got the wsc from 2001-2004 i really enjoying watching it.

jobats2010
January 23rd, 2004, 11:21 AM
im from Norzagaray medyo mahilig din sa sabong pero I been to a derby once pa lang in Marilao. Mostly sa tupad or regular lang na sabong. Wala ako sa pinas kaya wala din akong sabong dito. In 6-1/2 years retired na ako mag i-invest siguro ako sa gamefowl breeding. I got the wsc from 2001-2004 i really enjoying watching it.

salvio
January 23rd, 2004, 11:27 AM
mga pre sali ako,wawa balagtas naman ako . nasa tandang sora QC ako ngayon preparing for C4 ulutan sa noveleta on jan.24.
hi rowdel na-met ko na si Dr.sa araneta. tuloy ang mga entries natin sa CF-GD & malolos.
salvio

hatchclaret
January 23rd, 2004, 12:15 PM
kamusta mga kabayan , pasok kayu dito lahat ng bulakeno , malaki ang tulong ninyu sa samahan bulakeno , may manok o wala , pasuk na dito

jobast , kilala mo si tony lucindo .may-ari ng lumang sabungan diyan sa garay , kaibigan ko siya thanks paul

hatchclaret
January 23rd, 2004, 12:22 PM
welcome barfarm , mang ben good luck sa global derby .

Kharmic
January 23rd, 2004, 03:52 PM
Hello guys,

I'm not from Bulacan. Pero sa Malolos ako "Sinakal", sa Barasoain Church.

My wife is from Bagong Silang, Plaridel, Bulacan.

I was able to visit Malolos (new) and Plaridel cockpits a few times.

If time will permit, I might be able to join you guys.

Ituloy nyo lang....

rymk72
January 23rd, 2004, 04:23 PM
maganda yang naisip nyo mga kababayan,pero paano naman ung mga nasa abroad :( hanggang wento na lang.anyway dapat ituloy yan

rowdell kruz
January 24th, 2004, 10:17 AM
mga kabayang bulakenio
ok final na ito na-approve na bakasyon ko dating ako ng feb 15 dyan sa pinas balik ko march 7, i-plano nyo na yan.....ok umpisahan ko na february 22 (sunday yan) sa PANDI natin gawin sa place ko sagot ko na 1 litson bahala na kayo sa iba pang kailangan ........so baka puede pumago na kayo dyan at meron ako hiling agahan natin start tayo 10am then 1pm punta tayo sa sabungan sa amin till 5:30 pm (magdala kayo kahit 1 manok each) then balik sa farm inuman, kantahan, kwentuhan etc etc etc......kung ayos yan sa inyo just let me know.

salvio
mag-aabot pa tayo dyan punta tayo sa bacolod kung may time ka pa para makita mo rin manokis doon kay dr. S. ayos ba bakasyon mo dyan? sunday magpapatay sila ng kambing & seafoods doon para sa iyo dont forget...red carpet reception para sa iyo pre coz you're a nice guy....i can prove that.

jobats2010
January 24th, 2004, 10:36 AM
Hatchclaret,

Pare, hindi jobast .. jobats ngalan ko..hehehehe... may lucindo taga garay ... pero hindi ako sigurado kung sila nga ang may ari ng dating sabungan...sinara yung sabungan nasa high school ako sa manila medyo bata-bata pa tayo noon. .. Madalas ako sa norfolk noon .... madalas kami sa RC gents club. pretty pullets...

Jarque
January 24th, 2004, 12:52 PM
Mga pare ko,
Sa San Agustin ako pinaganak, kabayan ni Rymk72,
kaya lang laking Maynila, at madalas rin mag-bakasyon sa Bacolod (mother side).

Tulad ni Rymk72, hindi rin ako RP-based...mahilig lang sa manokis.

Mabuhay!!

hatchclaret
January 24th, 2004, 12:54 PM
thanks jobats tama ka di kanya yun lupa ,tinirikan ng lumang sabongan , pre sorry ,

hatchclaret
January 24th, 2004, 01:06 PM
salvo .good day isang lugar lang tayu ,tiga balagtas din ako ,kilala mo ba si wellie castor ,nasa new jersy ngayun , at si beny galves anak dr galves, nan dito sa md ,thanks mga kabayan sa partisipasyun ninyu , paulgems

San Roque
January 26th, 2004, 01:18 AM
Call ako dyan sa Feb. 22. Kailangan lang i-post yung direction going to Rowdell's place. Kung may magluluto, papadala ako ng Kabir Chicken. Sa Bunsuran 1 lang ako mangagaling.

SR

hatchclaret
January 26th, 2004, 01:31 AM
tanong lang mga kasamang bulakeno .final na ba diyan kay kabayan rodel ang 1st kitakis meeting , i agree , pago si mangben ng kabir ,si rodel aypagu ng anong litson kaya ,,pagu rin kami ni rymk72 ng hagunoy .larga na
thanks paul ng balagtas

blitzgame
January 26th, 2004, 01:41 AM
mang ben
sorry po sa lahat si ROWDELL KRUZ PO ITO nakikigamit lang ako ng puter ni blitz kaya handle nya naka post dito.
thanks po sa magluluto po marami problema lang ang lulutuin...salapat po malapit lang ako sa GMC doon sa place ninyo alam ko yan pag uwi ko puede tayo magkita doon. kilala kami dyan sa bunsuran 1st utol ko kasador sa sabungan "rico" from mayor to kapitan kilala kami nyan ipagtanong nyo si "andak" im sure lahat ng tao sa bunsuran kilala yan utol ko rin po iyan sya taga alaga ng manok ko dyan sa pinas.

to all
yung litson ko "BABOY" ha hinde manok........sa pago na kayo para tuloy na ito. ano pa hinihintay nyo sama na kayo mga kabayan im sure matutuwa kayo kasi ako 3 times na naka-attend ng kitakits dito sa new york & new jersey "masaya" talaga kaya hinde sayang ang time nyo marami pa kayung makikilala. sabungero from north to south di ba.

REMINDER:
MAGDADALA KAYO KAHIT ISANG MANOK PANLABAN PARA MAS MASAYA KWENTUHAN. pag dating sa sabungan ako na bahala doon hinde kayo madidihedo..... kalahati ng sabungan kamag-anak ko kasi.... joking lang pero totoo naman yon eh.

hatchclaret
January 26th, 2004, 01:46 AM
rodel ,nag kausap na kayu ng grupo tawag ako sa iyu ngayun

albert dungo
January 26th, 2004, 10:18 AM
ok mga kabayan post kau kung ok na place dun kay kasama Rowdell,ako cguro sagot ko na kakain,joke.. joke,pago na ako alak fundador ung me tenga,kau pago na para matuloy daka din ako manok para panlaban....

mabuhay mga bulakenyo.......

albert dungo
January 26th, 2004, 10:38 AM
Kabatan Rowdell sana post mu dito ang direction papunta sa place mu,kilala mu cguro me pasabong ngaun sa Plaridel taga Pandi sya Ronning Santos pangalan,kung me time pagawa tuloy tau Banner para maganda ok lang ba?....

jobats2010
January 26th, 2004, 12:03 PM
mga pre, goodluck sa inyong kita-kits.... Sa Dec'04 pa ang bakasyon ko kaya im hoping we have another kita0kitas sa month na yon. Dito sa NJ/NY area ba may kitakits din? I live at NJ kaya ako interesado... Ano ba ang tawag sa club nating taga bulakan? sa cavite may C4 ano naman sa Bulakan...hmmmm... iisip muna tayo... Bullet day (balang araw) we will have our own derby to promote. Sige mga bulakeno...mabuhay tayo... more power to the philippine sabong...

albert dungo
January 26th, 2004, 01:02 PM
Pwedi na cguro BCA as in Bulakan Cockers Association,ano sa palagay nyo? Para pag mga internationAL DERBY PWEDI TAU MAG ENTRY BAKAS BAKAS BA.

sonny_padilla
January 27th, 2004, 09:01 AM
baliwag sa dr.gonzales ang father ko

albert dungo
January 27th, 2004, 10:07 AM
Welcome Kasama Sonny,...

BattleGear
January 27th, 2004, 05:12 PM
My wife is from Sta. Maria, kaya sama na rin ako dito :)

rymk72
January 28th, 2004, 07:38 AM
mga kabayan ang sarap sigurong pakinggan ng kwentuhan,kantahan at inuman na habang nalalasing ay lumalabas ang punto nating sing haba ng LRT hehehe.ituloy yan at magandang simulain yan para sa isang magandang samahan.BULAKENYO GO GO GO!!!m

mang paul pago tayo kain para lalong larga hahaha

rowdell kruz
January 28th, 2004, 08:56 AM
mga kabayan ok malapit na yan kaya medyo bilisan natin para makarami di ba..pumago na si kabayan ng fundador may tenga "salamat kabayan" mas higit pa sa halaga nyan ang kapalit nyan makikita mo "why? " kasi marami ka makikilala sa kitakits si battle gear sumama rin eh pang-araneta yan.. so ano pa hinihintay nyo SAMA na kayo. KONEK-KONEK lang yan di ba.

albert
yung may pasabong sa plaridel RONING SANTOS kilala ko yan inaalok nga ako magpa-derby ako sa plaridel so pag-usapan natin sa kitakits "BCA DERBY" sa plaridel ano say nyo?
mr battle gear im sure malaki maitutulong nyan sa "BCA" well respected guy dito sa site na ito. thanks mr battle gear.

jobats
dito lang ako sa new york ( upper west side) pag may time ka kita tayo off ako pag weekend. chicken talk tayo one on one...heheheheh next east coast kitakits isama kita pre...promise

hatchclaret
January 28th, 2004, 10:26 AM
good day mga kasama ,mag suggest kayu ng allan atin samahan at baka mapili itu ,,ang sakin ay bul. cocker/breeder ang boto natin ay mahaga
oh kayu naman

jobats2010
January 28th, 2004, 11:20 AM
rowdell

pre aasahan ko sa susunod na kitakits imbitahan mo ako.. pero hindi ba nakakahiya wala akong kilala sa inyo... pre mahilig ako magsabong pero hindi ako mrunong sa manok ... kaya sana makasama ako sa inyo para mahasa ng konti...kasi in six years retirado na ako at magtatayo ng maliit na farm. One weekend a month may pasok ako kaya 3 weekends ang off ko .May farm kaba dito? saan kayo nagsasabong? nagtatanong lang pre..hehhehehe... baka makasama sa inyo... hehehe

rowdell kruz
January 28th, 2004, 11:41 AM
hi jobats
pre wala ako farm dito sa pinas lang. ayos yan 6 years na lang paghihirap mo "sarap" naman nyan. dont worry pag may kitakits ulit ang east coast isama kita dont worry kasi ako dati wala ni-isang kakilala pero ni-welcome nila ako. mababait lahat ang mga nakakasama ko sa kitakits.. sayang last kitakits namin sa sunken meadow park masaya ang guest namin si chito tinsay ng ilo-ilo mabait na tao. give me your number usao tayo kung gusto mo. pm ko sa iyo number ko.

sa mga taga bulacan
mga kabayan. magparamdam naman kayo konting pago nalang LARGA na ito tungkol sa pangalan ng grupo madali na yan puede pag-botohan yan para majority win di ba? wala pa nga meeting eh...kaya nga ini-offer kona yung place ko para sigurado wala tayong problema doon "food & drinks" nalang sagot ko na yung mga disposables mag-uuwi ako para ayos ang kainan di ba?

albert
please maglagay na tayo ng updated list para mabilang natin kung ilang tao nag sasama sa kitakits. isama ko yung mga kakilala ko na may mga farm bulacan, manila, batangas & bacolod kung gusto nyo "KONEK_KONEK" di ba

albert dungo
January 29th, 2004, 08:59 AM
Pre Rowdell,
ito palamg amg list na maaring sumama sa kita kits....
1.albert
2.Hatch claret
3.San Roque
4.Kharmic
5.Salvio
6.Battle gear
7.Doc Newo
8.Rymk 72
9.Urateur
10.Sonny Padilla
11.Rowdell
12Ronning Santos
So far pre to palang,calling all Bulakenyo pago na kau para matuloy....

Mabuhay mga bulakenyo......

sonnybalfaro
January 29th, 2004, 10:24 AM
Hi To All!

Sali din ako dyan. May kaunting manok ako sa Bocaue at gusto kung sumama sa grupo. Post nyo lang kung kailan at saan ang kita-kits at dadating ako.

Ty

sonnybalfaro

hatchclaret
January 29th, 2004, 10:36 AM
sure ako mga kasama ,3 kahon beer smc kami ni rymk 72 , parehas kami nsa abroad , huwag kayu mahiya mga kabayan ,itun kitakis ay para sa lahat , bastat mag register lang kayu , magandang salu-salo itu ,sa usapan manok sa lahat ng bulakeno sabungero ,may bitbit o wala kayu ay mahalaga ,,
thanks paulgems ng balagtas

hatchclaret
January 29th, 2004, 10:49 AM
kasamang sonny ,tanong ko lang lahing bocaue , bagumbayan ang akin ina ang fren ko ay doon sa bambang ,saan ka . welcome sonny ,am looking many fren in sabong malapit na rin akong bumalik ng pinas ,yun dating mga fren ko ang iba ay kung nasaan na kya ..

albert dungo
January 30th, 2004, 08:51 AM
Welcome kasama Sonny,

Sa February 22 ang kita kits sa lugar ni kasama Rowdell sa pandi ang place,

Pre Rowdell

paki post nga kung pano punta sa place mu para d maligaw..

rowdell kruz
January 30th, 2004, 11:08 AM
hi ito ang direction patungo sa pandi
from north expressway going north exit at borol exit (maliit na exit yan after gas station & rest stop) after exit pakanan yan go straight for about 1.5 to 2km then turn right to barangay SANTOL go straight (diretso lang yan patungong PANDI) about 4km its BUNSURAN then PANDI town proper pag narating na ninyo ang bayan ng PANDI ask saan patungo ang sabungan then meeting place is PANDI COCKPIT (sabungan) malapit lang place ko dyan like 2 minutes drive (barrio MAPULANG LUPA)
contact number (044) 661-7307 ask for ANDAK OR RICO ( utol ko yan kasador sa sabungan ng pandi ( kaya matatag kayo maglaban dyan ) si utol ko bahala sa loob alam nyo na as in napaparehas kayo di ba?

mr san roque
im sure alam nyo yung place dahil yung GMC malapit lang bahay namin dyan at yung place ninyo pinapuntahan ko na kay utol yan. thanks & hope magkita tayo at ng iba pang taga bulacan para masaya. yung kabir yata sir ay masarap pero hinde pa ako makatikim nyan....:rbounce: thanks in advance sir..salamat po.

pasensya na kayo sa direction ko hinde ako sanay mag bigay ng direction eh.. im sure makakarating kayo pag nagtanong ng konti. ..lol

via STA MARIA
magtanong lang kayo saan patungo sa PANDI dahil marami liko dyan mahirap magbigay ng direction....sorry

salvio
January 30th, 2004, 11:42 AM
pre mang Ben (San Roque) sayang tayo pang dalawa nag-kaharap sa 1st fight natin.
pre rowdell confirmed naba dadating ka sa 15feb.? kasi sa 16feb. ang balik ko sa ny. sa sunday balik kami ni ken sa pandi to sabong itatawag ko kay Andax mamaya.
pag sa 22feb. ang kitakits wah wah wah wala na ko sa pinas, balik kayod nanaman si salvio.
kita tayo sa pag-dating mo at celebrate tayo kasi hindi completo kapag wala ka.
see you soon,

salvio

rowdell kruz
January 30th, 2004, 11:51 AM
salvio
alis ako dito feb 13 dating ko dyan feb 15 11:30am so magkikita pa tayo dyan kaya lang hinde ka na makakasama sa kitakits sa feb 22....magpa-adjust ka ng pabalik CHAMPION ka naman eh....hehehhehe ... yung blowout ko sa feb 15 nalang diretso ako sa sabungan from airport (ganyan kita ka-miss pre) lol... magdala ka ng manokis pang-araneta ka pala pre..paki kuha yung vcd ng sm global derby para mapanood ko paano ako natalo ha...OLATSSSS na naman pre...buti na lang nandyan ka PAMBAWI...yung trophy dalin mo ng new york ha.

albert dungo
January 31st, 2004, 10:55 AM
Ok na ba mga kabayan ang direction na binigay ni kasama Rowdell,
kung me malabo pa pwedi kau mag post,sana before February17 confirm na kau kung punta o hinde
Thanks.......

gensoriano
February 1st, 2004, 12:30 PM
...sayang kababalik ko lang from Bulacan (Philippines). Finally, Nakita ko na rin ang "Waltermart" na matagal ko ng naririnig dyan sa Plaridel (Aba eh, dyan kami nangunguha ng kuhol nung araw ah) . After 28 days and 10 personal fights (Plaridel and Pulilan) natapos na ang bakasyon kong matagal na pinangarap. Anyway, Good Luck na lang sa Kitakits ng ating mga kababayan. Enjoy and more power!!!

gensoriano

hatchclaret
February 1st, 2004, 12:41 PM
gen welcome back ,di na tayu nagkasulatan bago ka magbakasyon ,kamusta na yun padala mo mga broodstock , tagumpay ba ang sabong ,oh di na ano ,, nakausap ba c tito jess ,about me

gensoriano
February 1st, 2004, 01:04 PM
Dre,

Iba talaga ang makauwi kahit sandali. Awa naman ng Diyos ay nakapagchampion din ng dalawang beses sa two cock ulutan sa Pulilan, 1-1 ang score sa Plaridel. OK naman yung pinadala namin. Mukha namang me aasahan sa mga lumabas na offspring, it remains to be seen after two years at least.

OO nagkausap kami ng T. Jess nung nagkainuman kami sa Balagtas. Sabi nga nya what a small world. Yung mga pamangkin mo (anak ni T. Jess) ay mga baguhang "kakmeyts" na rin at nakakasama na namin sa mga sultada. Binigyan ko sila ng isa sa mga ipinanalo namin para gawin nilang broodcock. Kung kilala mo si "Totoy" (ewan ko kung Libiran ang apelyido) may stocks na siya dun sa dating bahay ng T. Jess sa Balagtas sa may duluhan. You can probably come and check it out pag nakapagbakasyon ka. Regards,

gensoriano

albert dungo
February 5th, 2004, 08:36 AM
Mga kabayan,kumusta na kayo,tuloy ba ung kita kits natin?....

rowdell kruz
February 5th, 2004, 10:11 AM
mga kabayan
sasama ako dyan ha excited lang akong makilala kayo so post na kayo dyan mga taga bulacan PAGO na kayo dyan....tuloy na ito.:rbounce:

doc_newo
February 5th, 2004, 10:35 AM
Ok! try ko rin pumunta. Gusto ko rin magkaroon ng "konek-konek" sa sabong baguhan lang po kasi ako. pago ako ng pansit palabok. mga ilan kaya ho pupunta?

hatchclaret
February 5th, 2004, 01:40 PM
welcome doc , sa samahan kitakis ng bul ,pansit malabon ni doc,, litson ni rodel fundador ni albert,, kabir ni mang be,, 4 kahon beer namay laman kami ni rymk72 larga na ,, simpling salusalo malaman na talakayan tungo sa atin pagkakaisan bulakeno ,, kahit walang bitbit tiyan lang dala doon tayu sa kitakis,

hatchclaret
February 5th, 2004, 01:44 PM
welcome doc , sa samahan kitakis ng bul ,pansit malabon ni doc,, litson ni rodel fundador ni albert,, kabir ni mang be,, 4 kahon beer namay laman kami ni rymk72 larga na ,, simpling salusalo malaman na talakayan tungo sa atin pagkakaisan bulakeno ,, kahit walang bitbit tiyan lang dala doon tayu sa kitakis,

kabayan rodel kailan ba balik ng pinas baka mauna pa ako sa iyu

thanks sa inyu mga kabayan bulakeno

rowdell kruz
February 6th, 2004, 09:03 AM
mga pagkain sa kitakits buhat sa mga bulakenyong sabungero, marami na po ito pero kung may gustong humabol wala pong problema yan.....yung mga nagbigay ng contributions ngayon palang po ay ipinaaabot ko ang aking taos pusong pasasalamat, kaya ako interested gawin ang kitakits na ito ay para makilala kayo lahat "ganyan talaga ang sabong" minsan tulak pero galing sa puso pero walang katumbas na pera po ang kapalit nyan makikita ninyo hinde kayo magsisisi....isang tao lang makilala nyo dyan na mabait bawi na kayo may tubo pa diba....at doon sa gustong sumama pero medyo gipit sa budget PM nyo lang ako at iaayos ko po para makasama rin namin kayo mas marami mas masaya :rbounce:

rodel------------------------litson (baboy po iyan hinde manok)
san roque (mang ben)--10 kabir (confirmed 2/7/04)
doc-newo------------------pancit malabon
albert-----------------------fundador may tenga (confirmed 2/6/04)
rymk72 & hatchclaret----beer (4 cases)

doon po sa mga gustong magdala ng kahit ano pandagdag na pagkain sa kitakits paki post na lang po at i-add ko yan sa listahan ng pagkain...

hinde lang mga taga sabong.net ang kasama dito yung ibang member ng UBBA marami pong mga member ng UBBA ang gustong sumama at inimbitahan ko na rin sila (edgar03,dyango,noli at killer_potato) im sure makakarating po sila dahil may kitakits, chicken talk, inuman, kantahan at sabong.

mang ben ano po ba masarap na luto sa kabir? fried chicken ok po ba iyan? tanong lang po...

to all maraming salamat po sa inyo.

dong1967
February 6th, 2004, 01:36 PM
hi guys,

di ko yata eto napansin.....im dong1967......bisaya ako pero napikot ng taga PACO, OBANDO BULACAN hehehe.....sali ako sa mga balak niyo at adhikain.....sa OBANDO na ko naktira pag nasa PINAS ako....sa MALANDAY(vcsa),MALABON( del monte,dampalit),GUIGINTO(golden),BALAGTAS,
AT MARILAO ako naglalaban.


dong1967:) :)

rowdell kruz
February 6th, 2004, 09:58 PM
welcome ka dong1967 sa bulacan kitakits kung nasa pinas ka ini-imbitahan ka namin sa konting salo-salo ........mag post kalang or pm me magtawagan tayo para sa ibang detalye ng kitakits....hope to see you there.

doon sa mga nag-pledge ng pagkain paki-confirm naman para di tayo mabitin "nakakahiya" para maayos lahat ang dapat ayusin. thanks..kita-kita tayo

dong1967
February 6th, 2004, 10:44 PM
salamat pre...sa mayo pa uwi ko may awa- ang dyos.sana kitakits tayo.

rowdell kruz
February 7th, 2004, 09:53 AM
mga kabayan, ipinaaalam ko lang po sa inyong lahat na hinde lang taga sabong.net ang pupunta sa kitakits natin makikilala din ninyo ang mga taga sabungero.com mostly member sila ng UBBA mga taga bulacan din at karatig na lugar. so malapit na yan post na kayo dyan wag na kayo mahiya.......lol

mga taga UBBA
edgar03
dyango
noli
killer_potato

doon sa mga gustong sumama mag -post kayo i-add ko kayo sa listahan.....thanks

albert dungo
February 7th, 2004, 11:39 AM
Mga kabayan confirm na kau,
ung pago ko tuloy na.
larga na.........

urateur
February 7th, 2004, 12:04 PM
hello dong 1967,

kaparis mo nakapag-asawa ako ng taga-obando (lawa). sayang at di ka makakadalo sa feb.22 kita-kits. sino ba ang napangasawa mo at baka kakilala ng misis ko. ang maiden name ng misis ko ay shierly hilario. ang mga in-laws ko ang pioneer ng toy balloons & party favors business sa obando (hilario's balloons).

sana magkita tayo sa homecoming mo sa darating na mayo!

always keep well:hippie:

john ivan inquimboy

hatchclaret
February 7th, 2004, 12:14 PM
mga kasama bulakeno kitakis , abot pa ako sa feb 22 kitakis ,nabilis ang pagbalik ko ng pinas dahil sa pagpanaw ng tatay ko dito noon wed ,kaya sasabayan namin yun bankay ,this is my sad vacation
your friend your paul ng balagtas

Jarque
February 7th, 2004, 12:20 PM
Condolence....

albert dungo
February 7th, 2004, 01:48 PM
Kabayan,Hatchclaret

condolence......

dong1967
February 7th, 2004, 05:30 PM
....condolence hatch .....



urateur,

pre ang napangasawa ko naman ay Sanchez ang family name, originally from Binuangan. kilala ang mga Hilario dyan sa Lawa, dyan kami kumukuha ng mga balloons sa party.Sa Lawa ang kilalang magaling mag-manok dya ay si Edding Mura may mga bihunan dyan. Sa mayo sana mag kita tayo, pati na iba pang mga taga Bulakan.Goodluck sa kita kits nyo sa Feb.22.


dong1967

rymk72
February 7th, 2004, 06:37 PM
mang paul, my condolences to you and your family.god bless po!!!

urateur
February 7th, 2004, 07:54 PM
hatchclaret,

nakikiramay po ako sa iyo at sa mga naulila.

gensoriano
February 7th, 2004, 09:34 PM
Hatch Claret,

Nakikiramay ako. As St Francis said " It is in dying that we are born again to eternal life." May the memories live.....

gensoriano

hatchclaret
February 7th, 2004, 11:10 PM
salamat mga kasama taga bulakan kitakis, sa taus puso suporta ninyu , lalo kay gen .rymk 72 at dong ,
thanks again,, see u there at kitakis meeting place , paul ng balagtas ,batangas

salvio
February 7th, 2004, 11:22 PM
pre hatchclaret
condolence pre.

salvio

San Roque
February 8th, 2004, 12:09 AM
Paul, me and my family join you in prayers for the eternal repose of your father's soul. Please accept our condolences.

Rowdell, dadalhin ko na yung sampong Kabir sa farm mo or kung saan mo gustong dalhin ko the day before the Kitakits, Feb. 21. para maihanda na para kinabukasan. PM mo sakin cellphone mo para matawagan kita after the 15th. or kahit yung cellphone ng utol mo.

SR

RCERADOY
February 8th, 2004, 01:08 AM
preng hatch claret..ako at ang pamilya ko ay nakikiramay sa sa pagyao ng mahal mong ama...
007

rowdell kruz
February 8th, 2004, 10:43 AM
hatchclaret
sorry to hear that, my condolences to you and to your family.

san roque (mang ben)
pm ko na po sa inyo mga contact numbers, kilala po sila dyan sa bunsuran 1st ipagtanong lang po ninyo im sure makikita nyo kaagad bahay namin sa likod po iyan ng pinaka magandang bahay dyan......:confused:

jobats2010
February 8th, 2004, 10:52 AM
kabayang hatchclaret condolence...

rowdell kruz
February 11th, 2004, 09:43 AM
mga kabayan malapit na ako umuwi 3 days na lang "magparamdam" naman kayo dyan para ma-confirm yung kitakits natin pati na rin kung ano madadala ninyo para kung kulang maihabol pa. im not sure kung makakapag-internet ako sa pinas dahil medyo busy ako ng konti marami lakad alam nyo na. paki post na rin mga contact number ninyo para makapag-tawagan tayo. reminder lang mga kabayan yung kainan sa bahay ko gagawin para mas maganda at doon na rin kasi lulutuin yung ibang pagkain, ang address ipagtanong lang ninyo;

rodel cruz (kapatid ni Andak)
bunsuran 1st
pandi bulacan
(044)661-7307

yung medyo nahihirapan makita yung address tumawag lang para masundo kayo or mai-guide patungo sa bahay. thanks at intay ko kayong magparamdam:rbounce:

hatchclaret
February 11th, 2004, 12:12 PM
good luck sa biyahi mo kabayan , sunod na rin sa feb 16 .sure na yun pagu ni mang ben ,hatch claret , ang kulang sagot ng host , sa palagay ko sobra na yan larga na ,, punta na tayu sa kitakis doon tayu magumpukan at kapihan ,,,mga taga bulakan halina at guest welcome

rowdell kruz
February 11th, 2004, 10:09 PM
ok, sabi ni hatchclaret yung pago kong litson baboy wala na yon "gagawin kong litson baka" palagay ko naman kasya na yan "confirm na rin yan" ano pa say nyo?

mga kabayan.............larga na ito yung mga pago nyo paki-confirm na lang.thanks:confused:

hatchclaret
February 12th, 2004, 07:44 AM
aba kabayan palaki ng palaki iyan .simple umpokan lang ,kay mang ben ang dami na ,pansit malabon yun kasama natin kabir , yun sa aking at kay rymk72 ng hagunoy ay malamig at magalit ang mga ating asawa , itu lang akin pm mo ang ating mga kabayan for conformation na dapat sila ay dumalo ang ang bawat isa ay mahalaga ,baka maisama ko yun fren ko breeder diyan sa balagtas sa kitakis

thanks doon sa nakiramay at bumati ,17 ang dating ng body sa pinas

hatchclaret
February 12th, 2004, 08:42 AM
sorry sa sulat ko di ko napansin laging nagluluko to daliri ko sa pagsulat , smc beer na malamig ang aming ni roy , kaunti tagay lang ,baka malasing,ay magalit si mrs kung bitin doon ,saan sa bocaue ang ganda ng admostpher biro lang,,,, matuloy sana itu kitakis , sila'y mayroon , tayo din sana ,
thanks sa inyu ,magkita lang tayu doon sa feb 22 , sa farm ni kabayan rodel , pre lagyan mallaking banner at ballon , pre ulitin ko huwag mo kamin lasingin at dalin sa bocawe na may gro dc ,ayaw ko yan tanda na ako

albert dungo
February 12th, 2004, 08:43 AM
Ok mga kabayan ingat sa biyahe,confirm na din pago ko saka pag dalo,
kita kits na...sama na kau....

mabuhay mga taga bulakan,

heto contak number ko


09177965496.

urateur
February 12th, 2004, 09:53 AM
mga kabayan ko,

in as much as i wanted to get to our 1st kita-kits, i simply can't due to conflict on my work sked - "panagbenga" week here in baguio.

pls do enjoy it not till you drop but till to the max. hope you guys win in your "bakasan" sa cockpit.

ivan:(

rymk72
February 12th, 2004, 04:24 PM
kabayang rowdell kailangan nga cgurong mag private message sa mga kabayan natin dito baka kasi di sila nakaka visit sa site na to!!!dami ng handa makainom pa kaya nyan hehehe malamang puro kain mangyari.:rbounce: ...maraming darating jan wag kayong mag alala iba pag manok pinag usapan.mang paul ung pago natin tuloy na yan ha!!!!litson baka,kabir di ko alam yun??? fundador at beer,saka pansit malabon aba kasya na yan....:wow:


mang paul kita na lang tayo sa derby sa malolos

rymk72
February 12th, 2004, 04:29 PM
welcome lahat may bitbit o wala wag kayong mahihiya!!!!tuloy na tuloy na to!!!!

rowdell kruz
February 13th, 2004, 09:51 AM
mga kabayan, ito na ang huling post ko so yung kitakits natin tuloy na tuloy na yan yung pago go "litsong baka" hinde biro yon totoo yon kaya mag-ready na kayo at sigurado ako na masaya ito dahil marami sasama dyan. hinde ko alam kung may magagamit akong computer sa pinas kaya baka ito ang huling post ko para sa kitakits natin. agahan ninyo para makasabong pa tayo ng mga bandang 2pm after ng sabong tuloy inuman kantahan at kwentuhan di ba? manalo or matalo mas masarap ang kwentuhan di ba? so guys magdala kayo kahit tig-iisang manokis pang mahinaan lang para masaya.
doon sa mga gustong sumama mag-post lang at yung mga nag-post dito aasahan ko ang inyong pagdating. reminder mga kabayan may sopas, puto, pandisal at kape ready for you kaya agahan ninyo ang pagdating.
kung hinde nyo makita tumawag lang sa (044)661-7307

address is;
rodel cruz (kapatid ni ANDAK)
bunsuran 1st
pandi bulacan

salamat po sa lahat in advance at pilitin nating maging success at masaya itong kitakits. dala ko rin yung magic mic ko kaya mag-practice na kayo ok........:rbounce:

salvio
February 21st, 2004, 05:01 PM
mga bulacan CF as per pre Rowdell tuloy- na -tuloy ang kitakits sa kanila. and i'll be there for sure.
attn. tbs(tabok-suba) sa sunday ang kitakits ng mga bulacan, not on saturday.
2 wins ako last sunday sa pandi with pre rowdell, suerting pasalubong sa kanya.

sa mga hindi maka-post punta nalang kayo sa pandi kina rowdell tuloy ang CF bulacan kitakits.tawag kayo pag-nahirapang makita ang lugar.


see you all there.....C4 salvio

rymk72
February 22nd, 2004, 03:52 PM
mga kabayan,ano nangyari sa kitakits?share naman kayo....

albert dungo
February 24th, 2004, 08:22 AM
KABAYAN MASAYA naman ung first kita kits,marami din ang pumunta kaso ako up to 1pm lang,pero ung iba hangang gabi pumunta sina Hatclaret,salvio,mang ben,doc newo,saka ung iba pa taga ubba yata,nagbubuo ng grupo para sa samahan or circuit,baka one of this day mag post ang grupo.

rymk72
February 24th, 2004, 12:36 PM
good to hear that kabayan!wait ko na lang mga post nila...thank you

San Roque
February 25th, 2004, 04:33 AM
Mga Kabayan,

Yes, maraming dumalo dun sa Kitakits nung Linggo kela Rodel. Karamihan ng nag post ay duamating at may mga kasama pang mga bisita. Masaya, maraming pagkain at inumin. Marami ring "pullets" na mga battlecrosses kasama nung bisita ni Rodel na Hapon. May Kitakits ulit ngayong darating na Sabado sa farm ni Mr. Oca dahil kasalukoyang inihahanda ang pagbubuo ng Bulacan Gamefowl Breeders and Cockers Association. Yung hindi nakarating nung Sabado ay pwede pang humabol para maging founding member ng BGBCA. Assembly point is still at Rodel's place sa Pandi at sabay-sabay ng pupunta sa farm ni Mr. Oca.

Rodel, maraming salamat ulit sa pag host mo sa Kitakits. Happy Birthday ulit sa Mama mo. See you on Saturday ulit. Dalhin ko sa inyo yung Kabir this Thursday or Friday para sa pulutan.

SR

ragingsoul
February 25th, 2004, 09:25 AM
HELLO ALL.....

Hindi ako taga bulacan pero ang missis sa paombong sta.cruz.
Presently residing sa canada.At this time trying to set up my own breeding farm rin sa atin.kung may awa ang diyos baka matuloy this year. Join ako sa kita kits bulacan region.....

jobats2010
February 25th, 2004, 10:16 AM
nakakainggit kayo... may pullets, tsibog at inumin hik*.. i wish i was there to see those pullets...hehehhe. Surely its a successful kitakits i hope dito sa east coast meron din... tanong lang sa bulakeno association ba kailangan na may mga alagang manok ang mag-me-member? wala kasi akong manok nakikitaya lang...thank you...good luck sa bulacan gamefowl breeder and cockers assn.....mabuhay tayong bulakeno..

preng rowdell,
Saya ng bakasyon mo

rymk72
February 25th, 2004, 10:38 AM
sino si mr. oca?

albert dungo
February 25th, 2004, 12:12 PM
Mga ano oras po ang assembly time?..

San Roque
February 26th, 2004, 01:30 AM
Assembly time at Rodel's place is 3pm. We will then go to Mr. Oca's farm all at the same time as the way to the farm is not very easy to find. Hopefully, we can finalize the list of founding members of the soon to be formed BGBCA. Yung hindi nakapunta last sunday, punta na.

SR

gensoriano
February 26th, 2004, 05:13 AM
Oca..... Bolante?

bossm
February 26th, 2004, 06:50 AM
ooops! syang d ako umabot dyan s kitakits nyo sa march 17 p kc uwi ko dyan....................meralco vill. Marilao nga pla ko:(

rowdell kruz
February 26th, 2004, 05:44 PM
mga kabayan dito pa ako sa pinas, yung meeting sa sabado ay 3pm doon sa bahay namin ang meeting place then punta tayo sa farm ni mr roberto oca or farm ni archie. sa mga hinde nakasama puede kayo sumama sa saturday mag post lang kayo para ma-intay namin kayo at magbubuo na tayo ng bulacan cockers assn. lahat ay welcome sumama sa meeting na ito mag post lang kayo yung beer sagot na ni hatchclaret, kabir ni mang ben, tilapya sagot ng kaibigan ni edgar ng UBBA taga malolos. mag-post lang kayo at tuloy na tuloy na ito.

pasensya na kayo ngayon lang ako nakapag-post ulit mahirap ang puter dito sa pinas wala ako access. nag papasalamat ako sa lahat ng pumunta sa kitakits at yung mga pictures natin i-post ko na lang pag balik ko sa TATE. kita na lang tayo ulit sa saturday mga kabayan.:rbounce:

sonnybalfaro
February 27th, 2004, 07:30 AM
Pre Rowdell,

Dadating ako as planned. Ty

Sonny Alfaro

salvio
February 27th, 2004, 03:21 PM
pre rowdell may pullets din ba sabado? last time hindi ako nakaporma. bida kasi si hapon, tatlo pa sila parang kulang pa raw ang mga pullets sa kanilang tatlo. wa na be ah.
good luck nalang sa kitakits sa sabado.

salvio

sonny_padilla
February 28th, 2004, 12:20 PM
kababayan,

taga BALIWAG ako.

rowdell kruz
March 6th, 2004, 09:58 PM
mga kabayan dito na ulit ako sa TATE balik puter na naman.

nagpapasalamat po ako sa lahat ng dumalo sa "mga taga bulacan kitakits'. masaya po ito at maraming pumunta kahit medyo malayo pero ang sabi nga nila "SULIT" dahil masaya, maraming kwento, tsibug, beer di puede mawala at higit sa lahat may manok at wala "sama-sama" umpisa po lang iyan dahil binubuo na po ng mga dumalo ang "BGBCA"

BGBCA "BULACAN GAMEFOWL BREEDERS & COCKERS ASSOCIATION". ito po ang isa sa mga napag-usapan sa KITAKITS dahil sa bulacan po ay wala pang grupo na binubuo ng mga breeders at mga sabungero. doon sa mga interesado sumali pm nyo lang ako or yung ibang dumalo para mabigyan kayo ng idea kung paano sumali or mag join sa grupo.

week after ng kitakits nagkaroon po ng election of officers hinirang na president si mang sonny, vp si roning santos (may pasabong sa plaridel) tresurer si aldie (kaibigan ko po iyan) then isa po ako sa mga director.

so kung interested po kayo sumama mag post lang kayo para may communication kayo sa grupo mas marami mas masaya di ba.

SA LAHAT NG MGA TAGA BULACAN balak po ng grupo na magpa-derby sa april (4 cock po iyan) member o hinde iniimbitahan ko po kayong sumali or sumuporta sa pa-derby na ito. ang napagusapan po dito ay gagawing pondo ang kikitain sa pa-derby na ito. magkita-kita po tayo sa oras na ito yung exact date of derby will be announce later. (check lang muna ni VP kung ano mas magandang schedule)

PICTURES OF THE KITAKITS i-post ko later edit ko muna kasi medyo high resolution kasi (5megapixels)

sa lahat ng sumama at nag post SALAMAT PO umpisa lang po iyan marami pa tayong gagawin. thanks

jobats2010
March 7th, 2004, 01:04 AM
Sali ako sa samahang bulacan. Now its clear that we have our own,, the Bulacan Breeders and Cockers Assn... Mabuhay!!!!im on the cokers side wala pa akong manokis eh..soon magkakaroon din....hehehe...good luck

doc_newo
March 7th, 2004, 08:55 AM
sir rowdell, kailan at saan ba ang next meeting?

urateur
March 7th, 2004, 11:32 AM
please count me in.

sa mga officers ng bagong BGBCA - mabuhay kayong lahat at sana'y maging matagumpay ang samahan.:hippie:

rymk72
March 8th, 2004, 03:47 PM
ok yan may opisyal na ng samahan ng sabungero ang mga bulakenyo.

rowdell kruz
March 8th, 2004, 09:41 PM
mga kabayan meron meeting this coming saturday march 13'04 sa pandi bulacan im not sure sa time kasi dito na ako sa tate. thanks sa lahat ng reply ninyo at malaking tulong yan para ipagpatuloy natin ang samahan ng bulacan breeders at cockers, ipagpatuloy lang ninyo yan at pangako ko susuporta ako dyan next month po ay babalik ako ng pinas so "kitakits" tayo ulit. paki set lang po kung saan at kailan para maayos na ninyo ang mga schedule ninyo.

roning santos or albert dungo
paki-check naman ang open schedule ng plaridel para sa BGBCA 4 cock derby hope suportahan yan ng mga taga bulacan member at hinde para naman ito sa ating samahan. thanks

mang sonny
paki update naman po sila sa status ng registration ng BGBCA at paki post na rin po yung mga pangalan ng elected officers at contact number para meron tayong communications.

mang ben, hatchclaret/rymk, mang rudy, doc newo, albert etc
salamat po sa inyong mga tulong thank you at hope simula lang po ito ng ating magandang samahan.

sa mga taga bulacan or nakapag-asawa/kamaganak na taga bulacan.

mag post lang po at post lang contact number ninyo at advise namin kayo kung meron meeting or project para makapag-participate kayo tuloy-tuloy na po ito. naka-usap ko po ang mga joson family ng sta isabel malolos susuporta po sila pag meron tayong derby or project. thanks kuya marc & oca joson.

kung meron po akong nakalimutan paki pm lang po ako para mai-edit ko ito napakari po nito mahirap matandaan lahat "SORRY" po kung sakali.

KITAKITS tayo ulit ..........thanks

rowdell kruz
March 11th, 2004, 10:01 PM
HELLO..............
musta na mga kabayan "tahimik" yata kayo dyan..magparmadam naman kayo dyan...malapit na ako umuwi saan ba ang "kitakits" natin ulit at BGBCA meeting paki-schedule naman po para maiayos lahat ang kailangan pag "tulong-tulong" walang imposible. so mag post lang kayo dyan at ng hinde tayo magipit sa schedule malapit na ang tag-ulan :confused:
"kitakits" tayo ulit para masaya. im sure marami sasama ulit dyan dahil yung first kitakits natin ay marami sumama im sure mas marami sa ating 2nd kitakits..so post lang kayo dyan. thanks

San Roque
March 12th, 2004, 02:59 AM
Rodel,

Tuloy na ang meeting at signing ng documents sa Sabado, 2pm, Mar. 13th. dun ulit sa bahay ni Archie. Yung hindi nakapunta sa bahay ni Archie, dun sa bahay ni Rodel ang meeting place para sama-sama ng pupunta sa bahay ni Archie. Kung may problema sa pag locate ng bahay ni Rodel, please call or text me at 0917-837-8832.

As of last meeting, 12 pa lang ang confirmed listed members. Sana lahat ng interested na maging member ay dumalo sa meeting ngayong Sabado para ma completo na natin ang minimum required membership na 30 para tayo ma-accredit ng National Federation of Gamefowl Breeders.

SR

rowdell kruz
March 12th, 2004, 05:14 PM
MEETING
mang ben salamat po sa update ninyo magandang balita po iyan sa ating mga taga bulacan. mga kabayang bulakenyo post na kayo para makasama sa meeting at maging member ng association "BGBCA" :rbounce: puede lahat sumali basta malapit sa puso nyo ang BULACAN, i mean nakapag-asawa, may bahay, may kamag-anak, kaibigan or gf na taga bulacan (GRO's hinde puede):confused: patay tayo dyan.

kita-kita po tayo ulit salamat sa lahat.

salvio
March 12th, 2004, 10:23 PM
pre Rowdell.
nako disqualified na ako kaagad. puro GRO ang kakilala ko sa bulacan.
pre ty , nakuha ko na sa door man nyo ang pictures and the cd's.
balik tayo sa BGBCA, sali narin may kilalang GRO at yong may kilalang japauki na taga bulacan. he he he

salvio

rowdell kruz
March 13th, 2004, 10:49 PM
pre salvio
puede na rin yan taga bulacan din kasi mga iyan. nakalimutan ko kasi kaya ka swerte sa sabong during your vacation dahil marami kang pullets na pinangakuan ng "I shall return"....dami mo kasing dalang "v"....a....umaga na nakatayo pa ang manok mo...hehehehe:rbounce:

mga kabayan
check photo gallery nag-post na ako ng ilang pictures doon during our kitakits & MGBCA meeting, thanks

jobats2010
March 14th, 2004, 12:31 PM
ang gugwapo ng mga taga bulacan... mga pang star circle quest...

albert dungo
March 17th, 2004, 08:15 AM
Pre Rowdell.

Alam ko puno na ang skedule sa derby ng april,check ko rin at post ko dito.

rowdell kruz
March 17th, 2004, 08:50 AM
thanks albert
pre paki check para mai-set sa mga kasama natin sa BGBCA ng makaipon tayo ng pondo para sa grupo. malapit na ako umuwi pre paki check naman kung saan tayo puede magkaroon ng 2nd kitakits nag post na ako "2nd bulacan kitakits" baka meron kang alam dahil maraming gustong sumama sa kitakits na mga taga bulacan. kita-kita tayo ulit soon. thanks pre

rowdell kruz
March 26th, 2004, 09:38 PM
mga kabayang bulakenyo

meron tayong meeting at kitakits check nyo lang yung post ko na "2nd bulacan kitakits" dito rin sa chit-chat ng sabong.net......
makikita ninyo dito ang mga sumusunod;

pagbubuo ng samahan ng BGBCI
elected officers & members with their contact numbers
schedule ng meeting & kitakits
update ng registration ng samahan sa SEC
etc.etc.etc

post na kayo dyan para mai-set ng maganda ang meeting & kitakits.

kita-kita tayo ulit mga kabayan.

salvio
March 27th, 2004, 12:41 PM
pre rowdel.
gusto ko rin mapasali sa assosation ng bulacan breeders. kung puede isama ang name ko sa list ng mga members.
thank you pare.

salvio

rowdell kruz
March 27th, 2004, 11:54 PM
mr salvio so ( the champion )
ok na pre basta sinabi mo no problem, ipinalista ko na pangalan mo sa list of founding members ng bulacan gamefowl breeders & cockers inc. ok yan atleast nakikita natin na maraming bulakenyo na interesado sumali kahit nasa malayo silang lugar..thanks pre

so doon sa mga interested sumali mag post lang at para mapasama kayo sa founding member ng assn. natin sa bulacan.

magparamdam na kayo dyan habang maaga...kita-kita tayo ulit mga kabayan. :rbounce:

urateur
March 28th, 2004, 12:06 AM
gusto ko rin mapasali sa samahan kahit hindi ako maging founding member. plssssssss.

rowdell kruz
March 28th, 2004, 10:20 AM
hi pre urateur
pre kailangan yata ng ilang personal information mo para mailista ka sa samahan. paki pm mo na lang kina mang ben (san roque) or pres sonny alfaro.
salamat sa interest mo sa pagsali hope magkita-kita tayo lahat kasama ang buong grupo pag na-register na sa SEC.

mga kababayang bulakenyo sali na kayo dyan mag post lang kayo para maisama sa assn ng bulacan gamefowl breeders ang cockers inc.

sa lahat ng mga sumali at sasali pa maraming salamat po sa inyong lahat.

jobats2010
March 28th, 2004, 11:47 AM
makikisali din ako taga norzagaray bulacan ako.... ty

Reynaldo M. Ramos
April 24th, 2004, 03:34 PM
Sali ako sa taga Bulacan kita-kita kits. Tubong Paltao Pulilan ako pero natira ako noong 1980 to 2001 sa Pulong Buhanhin Sta Maria Bulacan (Garden Village Subd.) Madalas akong magsabong sa Norzagaray ,Angat, Sta Maria,Balagtas at Pulilan kaya marami akong kakilala na na mga classmate ko.Sa ngayon wala na ako sa Pilipinas narito na kami ng pamilya ko sa Calgary, Canada. Mis na mis ko na ang sabong kaya dito nalang ako ngayon sa sabong.com at least up-date parin ako.My last sabong is in Norzagaray may entry ako sa derby ,my entry name is Despididas.Talo pero okay lang dahil happy naman ako.

rowdell kruz
April 24th, 2004, 11:04 PM
mr reynaldo m ramos
welcome po kayo sa grupo ng mga taga bulacan. katatapos lang po ng 2nd bulacan kitakits at maaaring magkaroon po ng 3rd bulacan kitakits soon ( hinde po lang alam sa ngayon kung kailan) as soon as ma-final na po ang planning at mga agenda ng kitakits i-post po namin dito para makasama ang lahat.

doon po sa mga interested sumama sa kitakits or sa bulacan breeders & cockers assn. welcome po kayo lahat ipadala lang po ang inyong info kay pres sonny alparo or kay mang ben (san roque) kita-kita po tayo sa susunod na kitakits:rbounce:

hatchclaret
April 26th, 2004, 12:16 PM
pare , ako na ang nahala sa member fee mo . kasi u need to sigm ,gusto mo pa ,kasi ayaw ni itay mo contra siya , larga ba sa awa rin ng site na to sumolpot din ako thanks paulgems ng bulakamn batangas

rowdell kruz
April 26th, 2004, 08:57 PM
hatchclaret

welcome back im sure marami ka dalang panalo kasi lagi daw ikaw sa "VIP ROOM" panay daw ang pampa-buenas mo sa loob.....musta bakasyon mo ayos na ayos pre.....tawagan mo ako sa weekend usap tayo....chicken talk & change oil talk na rin...,mukhang kundisyon ka lagi eh kainggit :confused:
thanks pre

hatchclaret
April 27th, 2004, 01:11 PM
mga cockmate d2 muna ako sa pinas for 1 to 2 yr negosyu para masuportahan ko ang aking palahi pls help me sa 2 units na cargo trucks thanks for help paulgems

ariel_s
April 28th, 2004, 04:07 PM
reynaldo m ramos

sir, may kamag-anak po ba kayo sa punta sta. ana manila?

hatchclaret
April 28th, 2004, 04:14 PM
HI RODEL C ARCHI TO DITO KO SA STAMARIA MUSTA WITH PAUL TEACHME HOW TO USE THIS, 2MORROW MAY ENTRY AKO GUIGUINTO, TEAM TO WATCH PANDI INTO WILL STRIKE AGAIN USING CECIL,LEMON,DAN GRAY XSES MALAMANG MARAMI ENTRY 2MOROW. THANKS PAUL EN ARHCIE

rowdell kruz
April 28th, 2004, 08:48 PM
ARCHIE, PAUL & friends
goodluck guys sa laban nyo i-check ko yan sa friday, im sure marami sasali dyan dahil malaki ang premyo at guaranteed pa...ayos ang entry mo archie " PANDI_INTO" kamusta sa lahat at mag "text" mate tayo sa thursday para sa update. bumili na ako ng sim card na may int'l roaming para piso lang ang text ninyo kasi ayaw nyong ng sumagot kasi mahal ang bayad nyo. hehehehehhehe ok pagbutihan nyo ang laban.......goodluck again guys......:rbounce:

salvio
April 28th, 2004, 09:19 PM
pre rowdel.
muntik ko na malimutan na may mga bayong pa pala ako nakatabi lang , nagpapataba, puede ba isali sa guiguinto?
isang entry lang. kasi yong natirang bayong ko puro matataba na pang palingke nalang sila.
well GUDLUK nalang sa mga bayong ko.



salvio

rowdell kruz
April 29th, 2004, 08:32 AM
pre
ano kamo isang bayong ang pusta mo sa manokis mo baka mahirapan sila ikasa yan kasi takot na ang mga taga bulacan sa iyo lagi ka kasi champion eh.........goodluck pre and salamat sa entry mo.... pag may update ako itawag ko sa iyo agad.

doon sa mag taga bulacan ng sumali sa guiguinto 4 cock derby THANK YOU very much....ako naman ang sasali sa paderby nyo next time magsabi lang kayo before para maihanda yung budget hinde ang manok kasi mga manok ko matagal ng ready yung bulsa lang ang hinde ko nai-kondisyon.....hehheehehhe:lol:

hatchclaret
April 30th, 2004, 11:18 AM
malungkot ang grupo ni archi , doc sony , ayong lorenzo , pati ako ,,, isa sa grupo ang may uwi ng tagumpay c ka ayong got 4 won not ayong from rizal ,dito rin in action si greg ayoso ok ang kasama niya hanip sa cute baka next derby , weather natin

pare yun claret pair mo malabo ala ako makita sa range

thanks paulgems farm

jude torres
April 30th, 2004, 12:21 PM
kaibingan, taga-Pulilan malaip sa bayan

rowdell kruz
April 30th, 2004, 08:48 PM
WELCOME

JUDE welcome sa grupo ayos yan lalu tayo dumadami...sayang hinde ka umabot sa 2nd kitakits next time ulit i-set natin yan...doon sa mga nagpunta sa guiguinto 4 cock derby next time ulit babawi tayo ulit "BABAWI GANG" tayo always.heheheheheh

paul ayos ang grupo ha.......puro olats sobra sa "VIP" siguro bawas ng konti :confused: ano nangyari sa claret ko? kahit isang pares puede na sa akin yon. thanks

albert dungo
May 3rd, 2004, 11:00 AM
Mga kabayan at kasamahan sa Bulacan cockers at nasa sight,

Nag iimbita po kami sa una naming pa derby itong darating na May 26,2004,
3 cock derby
5,500 pot money,
sa Plaridel Rendevouz po gaganapin,Sta Ines Plaridel Bulakan.
ito pong pa derby na to para sa initial na pondo ng samahan,sana po suportahan nyo.





Ito po darating na miyerkules may 5, meron po ako pa derby dyan din sa Plaridel 3cock po inimbitahan ko din po kayo.

,Albert Dungo

rowdell kruz
May 3rd, 2004, 11:08 AM
BGBCI DERBY

ok im in isang entry ako dyan .........para sa samahan sali ako dyan pag meron pang kaibigan isali ko rin para marami ang entry.....so mga taga bulacan sali na para sa ating lahat ito.........
kita-kita na rin tayo sa derby:rbounce:

San Roque
May 3rd, 2004, 01:50 PM
Albert,

Nag usap na kami ni Roning. Sa June na ako sasali.

Rodel,

Kararating ko lang kanina. Tawagan kita bukas.

SR

albert dungo
May 3rd, 2004, 04:28 PM
ok po mang ben salamat po,

hatchclaret
May 4th, 2004, 03:33 PM
RODEL TULOY BA ANG PA DERBY NG BULAKAN BREEDER INC. MAY 26 NA SALI KAYU,, ROY SALI KA MAGKIKITA MULING NG IYUNG AMA .DOON SA COCKPIT

rowdell kruz
May 4th, 2004, 08:29 PM
PAUL

tuloy ang derby sa may 26 maghanda ka na ng manokis. pakita mo na yung mga ALAS mo na itinatago mo pre. pero yung claret ko wag mo muna ilalabas baka manakaw ha....pag-uwi ko na lang kukunin sa iyo.....thanks pre pag wala kang ibinigay yung original na lang ibigay mo sa akin type ko ang pre.........hehehheeeh
thanks

hatchclaret
May 9th, 2004, 07:37 PM
pre ,cockmate , malapit na ang derby sa plaridel MAY 26 derby padala kang bayong na pera $,,,,,

hi rodel d2 kmi s.m. mag work out na ako para lumiit tyan ko may kasama kmi 2 talent ang ganda 16 years old lang. magandang work out kaya yun puros up and down lang. kasama ko dante,andak, & paul..............

kamusta ka na daw sbi andak & dante padala ka daw isang bayong na pera ok daw tip mo kanina kamuntic ng natalo c

marquez nakapusta kmi 5k buti na lang tumabla.


tnks; paul, andak, dante & archie more power to you & UR FAMILY

rowdell kruz
May 10th, 2004, 01:35 AM
HATCH CLARET

bakit ikaw ang nagwo-work out di ka naman isasali sa derby ah.......diba sabi mo wala ka cocks kasi puro bata pa ang manok mo ngayon may pullets ka na may 16 years old ka pa.......hhmmmmmm alam ko na si ARCHIE ang mentor mo ha...........ingat lang pre "BINABAE" as in henny ang bloodline nyan.

sabihin mo pre mag handa na sila sa 3 cock ng BUGBA baka puro bayad na naman ang abutin natin nyan....:confused: sabihin mo kay ARCHIE ilabas na yung mga ALAS nya nakakahiya na sa madlang people at nakaka-awa na rin ang mga "bosing" puro bayad na lang inaabot wala pang boundary....

goodluck sa mga laban nyo dyan.....thanks

hatchclaret
May 11th, 2004, 08:34 AM
mga taga kasama , maganda doon natin e post ang derby event may 26 ,,sa sabong news , rynk 72 sali ka sa pa derby ng samahan may 26

thanks paulgems

rowdell kruz
May 11th, 2004, 09:05 PM
TULOY ENTRY KO

mga kabayan tuloy ang entry ko sasali ako dahil nagpakuha na ako ng manok "BAYONG" sa bocaue palengke mahal nga lang pesos per kilo..........heheeheheh win or loss my support is with the BUGBA for all bulakenyo's.

so mga kabayang bulakenyo's mag post na kayo ng pag-pledge ninyo ng entry puede rin kayo mag-combine ng ibang meron manok para naman sa samahan ito eh. so ok lang yan sa akin and kita-kita tayo doon sa may 26, '04..........hope swertehin ang grupo para masaya, request ko lang no fight ako sa mga BUGBA members kasi minimum lang pusta ko:confused:

so sali na kayo dyan para mai-post na yung mga meron entry...thanks

sonnybalfaro
May 12th, 2004, 05:41 AM
TO ALL BULAKENYO'S AND MEMBERS OF BULACAN GAMEFOWL BREEDER AND COCKER'S INC.

TULOY PO ANG ATING PA DERBY 3-COCKS NGAYONG MAY 26, 2004 SA PLARIDEL COCKER'S RENDEZVOUS SA STA. INES, PLARIDEL, BULAKAN.

GUARANTEED PRIZE : P150,000.00
POT MONEY : 5,000.00
MINIMUM BET : 5,000.00
MAXIMUM BET : 11,000.00

FOR COCKHOUSE RESERVATION AND OTHER INQURIES, PLEASE CALL RONING SANTOS AT (044) 6762995 OR (0916) 381-0679.

THANK YOU AND SEE YOU THERE!

tony_ubgba
July 3rd, 2009, 12:39 AM
Quote:
Originally Posted by jhayr101681
Boss hindi po ako member ng grupo nio pero taga bulacan po. maaari po ba sumali dito kahit sa ibang group naka wingband ang manok namin? maaari ko po ba malaman kung anong month born ang dapat na isali dito.

salamat po

Magandang araw sayo jhayr101681, sa rambulan1 Derby, kahit sino ay pweding makasale dito basta banded ang stag mo ng Rambulan1/A-CAP/NSI/, National ito, upang mapakita mo ang galing ng mga stag mo.salamat.

tony_ubgba
July 3rd, 2009, 12:51 AM
STAGGAN SA BULACAN SEASON 3

FORMAT- 3 & 4 = 7 STAGS CIRCUIT UBGBA

POT.MONEY--6,600
MIN. BET. 3,300

1ST LEG. 3STAG DERBY OCT.02,2009 (DMCA) DEL MONTE COCKPIT

2ND LEG 4STAG DERBY OCT.16,2009 (DMCA) DEL MONTE COCKPIT

ACCEPTED WIGHTS 1.7Kgs TO 2.2Kgs

SUB. OF WYTS 1 DAY BE FOR FIGHTS.

HOSTED BY; UBGBA ASSN. Pls. Call. 09174335020
BE SOLID AS A GRUOP OF UBGBA & BE
PROUD TO A UBGBA MEMBERS.THANKS A LOT.

tony_ubgba
July 3rd, 2009, 12:56 AM
31.150M
NATIONWIDE RAMBULAN 9-STAG DERBY 2009
POT MONEY: P11,000
MIN. BET:
MLA. - P11,000
PROV. - P5,500
FORMAT:
3-STAG ELIM
3-STAG SEMI FINALS
3-STAG FINALS
(PRE-FINALS - DAY 1) 2 to 3.5 PTS
(PRE-FINALS - DAY 2) 4 to 4.5 PTS
FINALS 5 to 6 PTS
ACCEPTED WTS.:
1.700 to 2.200 kgs
ACCEPTED BANDS: RAMBULAN
(OTHER BANDS TO BE ANNOUNCED SOON...)

DISTRIBUTION OF PRIZES
CHAMPION - 15M
ANY 8 Pts. ONLY - 2M
ANY 7 Pts. ONLY - 2.5M
ANY 6 Pts. ONLY - 3.5M
ANY 5 Pts. ONLY - 4.5M
HANDLER - 1.5M
GAFFER - 750K
F. KILL FINALS - 1.4M
TOTAL - P 31.150M

FASTEST KILL
(COMBINED TIME)
P-FINAL DAY 1 - BASED ON LAST 2 FIGHTS -300K
P-FINAL DAY 2 - BASED ON 3 FIGHTS - 500K
FINALS - BASED ON 3 FIGHTS - BRAND NEW CAR

tony_ubgba
July 3rd, 2009, 01:01 AM
5.MILLION OR MORE

7 STAGS DERBY RAMBULAN1 SA BULACAN

FORMAT---4 STAGS ELIMS. 3 STAGS FINALS.
POT MONEY--8,800
MIN. BET. 5,500

ELIMS-4STAGS AUGOST 15,2009 GOLDEN COLESSEUM GUIGENTO BULACAN

FINALS-3 STAGS AUGOST 29,2009 SJC SN.JUAN

ACCEPTED WBAND--RAMBULAN1 /A-CAP,/NSI,/ LOCAL ASSN.2009 BANDED

ACCEPTED WIGHT--1.7 KGS TO 2.2 KGS
PROMOTED BY SJC Pls call.09174335020 TY.

tony_ubgba
July 6th, 2009, 01:04 AM
STAGGAN SA BULACAN SEASON 3

FORMAT- 3 & 4 = 7 STAGS CIRCUIT UBGBA

POT.MONEY--6,600
MIN. BET. 3,300

1ST LEG. 3STAG DERBY OCT.02,2009 (DMCA) DEL MONTE COCKPIT

2ND LEG 4STAG DERBY OCT.16,2009 (DMCA) DEL MONTE COCKPIT

ACCEPTED WIGHTS 1.7Kgs TO 2.2Kgs

SUB. OF WYTS 1 DAY BE FOR FIGHTS.

HOSTED BY; UBGBA ASSN. Pls. Call. 09174335020
BE SOLID AS A GRUOP OF UBGBA & BE
PROUD TO A UBGBA MEMBERS.THANKS A LOT.

ramc
July 6th, 2009, 11:29 PM
STAGGAN SA BULACAN SEASON 3

FORMAT- 3 & 4 = 7 STAGS CIRCUIT UBGBA

POT.MONEY--6,600
MIN. BET. 3,300

1ST LEG. 3STAG DERBY OCT.02,2009 (DMCA) DEL MONTE COCKPIT

2ND LEG 4STAG DERBY OCT.16,2009 (DMCA) DEL MONTE COCKPIT

ACCEPTED WIGHTS 1.7Kgs TO 2.2Kgs

SUB. OF WYTS 1 DAY BE FOR FIGHTS.

HOSTED BY; UBGBA ASSN. Pls. Call. 09174335020
BE SOLID AS A GRUOP OF UBGBA & BE
PROUD TO A UBGBA MEMBERS.THANKS A LOT.
Good day Pangulo at mga kamembers sa UBGBA!! Musta ho kayong lahat? Medyo nabusy sa paghahardening ng stags kaya di gano makavisit sa mga threads ng Bulacan...
Pangulo, mga tyope ata palabas ko... hahahha!!! Kulang ata sa vitamins na blue...hahhaha!!!
1 entry ho kami sa 3rd season ng UBGBA Stag Circuit !!!


(http://sabong.net.ph/forum/images/theme01/buttons/edit.gif)

tony_ubgba
July 11th, 2009, 01:52 PM
Magandang araw po sa lahat,Welcome po tayong lahat sa UBGBA, ang samahang Tunay ang layunin para sa mga Breeders ng Bulacan. Upang mapalakas natin ang samahan sa Bulacan., sa ating sama-samang pagtaguyod ng maayos at magandang pag papalahe ng mga manok hangang sa laban at laging maging maginuo sa taas ng rueda maging parehas at patas sa kaninoman makakalaban sa larangan ng sabong at wag manglalamang sa kapwa nating Breeders,ang ating manok sa Bulacan ay tataas ang halaga salarangan bintahan at dadayuhin tayo ng mamemile ng manok panabong Dahil maayos at maganda manok at samahan, upang makatulong sa araw araw nating gastusin sa ating Farm at iba pang dahilan,yan po ang tunay na layunin ng samahang UBGBA.Maraming salamat po sa lahat. Pls.Call#09174335020.

ramc
July 12th, 2009, 01:43 AM
Magandang araw po sa lahat,Welcome po tayong lahat sa UBGBA, ang samahang Tunay ang layunin para sa mga Breeders ng Bulacan. Upang mapalakas natin ang samahan sa Bulacan., sa ating sama-samang pagtaguyod ng maayos at magandang pag papalahe ng mga manok hangang sa laban at laging maging maginuo sa taas ng rueda maging parehas at patas sa kaninoman makakalaban sa larangan ng sabong at wag manglalamang sa kapwa nating Breeders,ang ating manok sa Bulacan ay tataas ang halaga salarangan bintahan at dadayuhin tayo ng mamemile ng manok panabong Dahil maayos at maganda manok at samahan, upang makatulong sa araw araw nating gastusin sa ating Farm at iba pang dahilan,yan po ang tunay na layunin ng samahang UBGBA.Maraming salamat po sa lahat. Pls.Call#09174335020.
THE FIRST, THE ORIGINAL UNITED BULACAN!!!
GOOD DAY TO ALL!!

eaglesclaw
July 22nd, 2010, 12:05 PM
mga tropang sabungero, paano po ba puntahan ang san roque cockit sa san rafael bulacan...if manggagaling po ako ng cubao...ano po byaheng puede ko sakyan para makarating doon...thanks po...