PDA

View Full Version : Mahalagang Puntos Ayon kay TJT



Pages : [1] 2 3

tjtcokngacademy
August 13th, 2006, 07:16 AM
Sa kasalukuyan, ang mga manok ay nangangalahati na sa kanilang paglulugon. Isang madalas na tanong sa akin ay... Paano pabilisin ang paglulugun ng manok??? Dapat ninyong malaman na hindi dapat magbigay ng anumang bitamina at supplements pagka palugon pa lamang sila. Imbis na bumagsak ang balahibo kaagad, lalong tumatagal at hindi nagiging normal ang paglugon nila..........Maari ninyong ibalik ang vitamin shots at supplements, kapag nagsimula ng tumubo ang kanilang balahibo. Huwag ninyong kalimutan ang magbigay ng Cod Liver Oil twice a week...para kumintab ang kanilang balahibo..........Palatandaan: Ang mga manok na MAAGA MAGLUGON ay MABAGAL MAGPALIT NG BALAHIBO habang ang mga HULING MAGLUGON naman ay MABIBILIS MAGPALIT ng BALAHIBO.

jude
August 13th, 2006, 07:54 AM
Magandang usapan na naman itong bubuksan mo doc. Salamat sa iyo.

hacienda
August 13th, 2006, 08:02 AM
Maraming salamat sa tip boss amo doc tjt.....:D

k meleon
August 13th, 2006, 10:14 AM
doc,
maulan ngayon at walang tigil. sa lugar namin me parteng nagpuputik. Nakakatulong ba ang paglagay ng cholrine sa tubig painom. Mayron thread ito sa kabila, sa tukaan show, myron din nagrecommend na naglalagay sila sa tubig painom. Ano po ba ang alam nyo dito?

thundercock
August 13th, 2006, 01:08 PM
Doc Ted,

Magandang araw po,

Ano po ang inyong opinyon sa paghahalo ng Brown Sugar sa patuka ng naglulugon ng manok?....Doc Ted pagsinabing magdagdag na FAT sa patuka ano po ang specific na feed na pwedeng idagdag? Marami pong salamat sa oras Doc Ted....

TJT Batch 2

jojo_c
August 13th, 2006, 01:13 PM
boss tjt maganda bang e kulong ang manok o haya-an na lang sa tie cord pag nag lulugon?

efrent
August 13th, 2006, 02:17 PM
many tnx dok sa paalala..:)

tjtcokngacademy
August 13th, 2006, 03:59 PM
hacienda
jude
efrent

SALAMAT SA MAINIT NA PAGTANGGAP. Sana ay marami akong maibahagi sa inyo dito........... Ang paki-usap ko lang po ay.......SA MGA KONSULTACION na nangngailangan ng actual na obserbasyon.............. Sana ay mag-post kayo nang actual na picture ng may sakit ninyong manok at paki sama na rin ninyo ang picture ng kanilang dumi (droppings) para ganap kong maintindihan ang problema. Sana ay maSUNOD natin ANG TAMANG ETHICS SA PAGKOKONSULTA. Makakabuti na tumawag na lang sa 09165742427 para mapadali ang solusyon.

Kidd Sentencia
August 13th, 2006, 04:05 PM
Tama c Doc!

very timely din siempre itong thread niya...ayos.

jessie_romasoc
August 13th, 2006, 04:10 PM
doc tjt,

marami na ang sumulat at nagbigay ng opinyon nila ukol sa tamang pagpapkain sa mga naglulugon na manok. ako ay isa sa mga sumusubaybay sa iyong article sa fighting cock magazine ngunit wala o hindi ko lang nabasa ang article mo tungkol sa tamang sangkap sa pagpapakain ng naglulugon na manok panabong. maari mo bang ibahagi sa amin kung ano ang nakasanayan mo ng ibinibigay sa inyong naglulugon na panabong na manok.

more power to you and all your undertakings.

jessie

tjtcokngacademy
August 13th, 2006, 04:28 PM
Para sa akin........ang purpose ng pagbigay nila ng chlorine ay para ma-iwasan ang E. coli o coliform bacteria. Tama rin sila kasi it's better to have it pure and clean than contaminated. Kung ayaw mo mag-boil then, yan ang last option. I don't worry much about it, dahil may bacterial flushing akong ginagawa pagkatapos ng bagyo.

tjtcokngacademy
August 13th, 2006, 04:41 PM
Mas kailangan nila ng protina at bitamina pag sila ay naglulugon. Ang brown sugar ay maganda sa sisiw at ang ginagamit ko ay dextrose powder dahil instant energy giver. Sana ay wag dumami ang langgam sa farm mo kasi sa halip na makabuti ay baka langgamin naman ang manok mo. YOU HAVE TO PREVENT ANTS.......... dahil napansin ba ninyo na pag malamig na ang katawan ng manok..........tiyak lalanggamin.

tjtcokngacademy
August 13th, 2006, 04:48 PM
Salamat at palagi ka naka suporta. Napansin ko nga yung thread mo na HOW TO MAINTAIN THE POINT OF YOU ROOSTER. Napaka intellectual na tanong. Masarap pag-usapan pero mahirap isulat kasi kulang ang isang araw na diskusyon. MABUHAY KA AMIGO.

budung
August 13th, 2006, 04:57 PM
Laging handang tumulong at ibagi ang kanyang kaalaman sa pag-aalaga ng manok. Kya SALUDO ako syo Doc.:)

tjtcokngacademy
August 13th, 2006, 06:05 PM
Nais ko humingi ng inyong PAG-UNAWA na may mga impormasyon na karapatdapat lang na maibahagi exclusively para sa mga students para maging PAREHAS ako sa nakapag-attend. Basta nandito lang po ako para umantabay sa inyo.

TabukSuba
August 13th, 2006, 06:38 PM
Sa iyong opinyon ano ano ang pinakamatibay na pamantayan para malaman na ang isang manok ay stag pa?

Salamat po Doc :)

tjtcokngacademy
August 13th, 2006, 08:28 PM
Much has been said about the usual qualifications of a legitimate stag............at gusto ko lang magbigay ng aking pananaw.
Ang tuka ng manok ay dapat tingnan kasi iba ang tuka nila kapag may edad na sila kumpara sa mas bata. Mas pino ang hubog ng tuka nila.
Ayoko ng banggitin ang balahibo at tahid ng stag at sigurado ko na alam na ng lahat ng tao iyan.
Sa kanyang sipit (vent bone)........may kalambutan pa dapat iyon kumpara sa matanda na mas matigas at may pagka-kapal na.
Buti na lang at maayos na ang screening ngayon................ kasi 2 months pa lang ay nileleg-band na nila ang cockerels, para maiwasan ang dayaan.

cholo a. franco
August 13th, 2006, 08:46 PM
maraming salamat doc sa 2 obserbasyon na ibinahagi
mo sa amin tungkol sa pagkilatis ng stag.
magkakaroon po kami ng 4stag derby ngayong sept
1 & 2 at napakalaking tulog etong tip mo ngayon lalo
na sa amin na before day of fight ang screening.
gusto po namin na e-maintain ang pagiging legitimate
stag derby etong gagawin namin.

bai cholo
evgba 4-stag derby
sept 1 & 2, 2006
nadongholan cockpit, ormoc city

tjtcokngacademy
August 14th, 2006, 03:05 AM
The mere fact na gusto mong malaman kung ano ang talagang batayan ng tunay na stag is enough for the "would be entry" na malaman na gusto mo maging FAIR AT MALINIS ang pa-derby mo. Good Luck, Amigo!

archangel
August 14th, 2006, 09:09 AM
nice inputs... thanks doc! more power!

kickcut44
August 14th, 2006, 10:02 AM
Tanong ko lang po tungkol sa pipita. May nagsabi sa akin na sikat na breeder na nagtanggal siya sa mga stags niyang payat at nagsitabaan, bumilog ang katawan. Me iba kasi nagsasabi na kapag mahina kumain ang manok e di gutumin mo ng isang araw, pag mahina o namimili gawin mo 3 araw painumin mo lang. Sa tingin niyo po ba Doc na dapat ba tanggalin ang pipita para lalong gumana ang kanilang pagkain? Salamat....sa mga payo ibinahagi mo sa nakakarami>

advirada
August 14th, 2006, 11:22 AM
Good day Doc!

Sana Doc paki discuss na din ang tungkol sa balahibo sa pakpak lalo na primary wings at ang tahid sa pagkilatis ng stag kasi napansin ko ang daming nagbabasa dito na baguhan sa pagmamanok. Tulong na natin para mas lalong lumawak ang kaalaman ng mga kakmeyts natin.

tjtcokngacademy
August 14th, 2006, 12:45 PM
Pagdating sa primary wing feathers, dapat ay intact at wala kang makikitang bago sa first 4 primary wing feathers. You will notice that the older they get...the more blood feathers will be observed. Pag more than a year naman.........baliktad ang makikita mo kasi.....mas nauuna mahulog ang gitna o last 3 primary wing feathers. The secondary would only fall if they are about to moult into a cock.
Pagdating sa tahid, dapat ay hindi humaba sa 3/4 of an inch. Shorter than that indicates that they are just a baby stag (lesser than half inch). Intact pa dapat ang parang CHALK POWDER na nasa outer surface ng tahid. Madaling kaskasin ito ng ating kuko. Kapag may edad na, wala na yung chalky powder. Yung biyas niya ay dapat may kalambutan pa.
May nabanggit na akong dalawa sa taas ng thread (sagot ko kay cholo) at kadalasan iyon ay hindi nakikita ng iba. Kahit ang kulay ng balat nila (under the wings) ay pwede ring pag- basehan. Mas maputi (pinkish white) ang sa bata habang mas dilaw(yellowish) ang mas matanda. Mas evident ang yellowish coloration ng skin lalo na sa cocks. The reason for that, is the accumulation of fats in their system na mahirap mangyari sa mga baby stag.

tjtcokngacademy
August 14th, 2006, 01:07 PM
Ang pipita ay dapat lamang tanggalin kung ang kulay ng ilalim ng dila ay nasa shade ng light brown (parang kulay ng daliri natin na nabahiran ng nicotine). Pag inalis ito, dapat ay matulis pa rin ang dulo ng dila kasi pag ito ay bumilog, may nagawa kang mali sa pagtanggal.
You have to evaluate your system kung bakit di nakakaubos ng pagkain ang manok mo. There are too many factors affecting their appetite.

tjtcokngacademy
August 14th, 2006, 02:39 PM
Inaanyayahan ko po kayong sumali sa seminar itong darating na September 7, 8 & 9. Ang venue ay ang RAHMM Gamefarm na matatagpuan 20 minutos mula sa Tagaytay Rotonda. Marami kayong matututunan tungkol sa lahat ng aspekto sa pagmamanok. Ito ay mula sa breeding, paggagamot ng iba't ibang uri ng sakit, pagcocondition hanggang sa araw ng laban kasama na rin ang pagtatari.
Ang bayad para sa tatlong araw at dalawang gabi ay php7,500. Kasama na rito ang pagkain at tulugan. Lahat ng mga studyante ay makakatanggap ng handout, certificate of completion at mga ilang pamigay. Nais ko rin ipaalam sa inyo na ang Cockhouse Corp ay magdadala ng kanilang premium items tulad ng mga videos, mga tshirt at marami pang mga ibang bagay.
Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa pagreserba, maari po ninyong tawagan si Dexter Guce sa 09183067589 o maari rin akong tawagan sa 09165742427.

tjtcokngacademy
August 14th, 2006, 03:08 PM
http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/mapa1.jpg

MEETING PLACE: CHOWKING, TAGAYTAY ROTONDA
DATE: SEPTEMBER 7, 2006
TIME: 7:00AM

Para sa mga magtatagpo sa ChowKing at sasabay sa shuttle, maari lang pong panatiliing bukas ang inyong cellphone upang sa gayon ay makapag coordinate kayo kay Dexter.

At para naman sa mga may dalang sasakyan, maari kayong magconvoy sa shuttle papunta sa farm.

cezar
August 15th, 2006, 12:16 AM
Doc Ted,

Paano po kung continuous ang pagbibigay ng vitamins (as maintenance) and even during moulting? Ano po ang epekto nito sa manok na naglulugon? Kung hindi po agad babagsak ang mga lumang feathers nito, ano po ang mangyayari? Hindi na po ba magiging normal ang moulting nito?
Paki explain naman po.

Thanks.

Cezar

tjtcokngacademy
August 15th, 2006, 02:00 AM
As to the effect of giving vitamins continuosly................ the bad effect is stated in the first topic of this thread. Kindly read it slowly para maintindihan mo ng mabuti. Ang pinakamagandang gawin ay, itigil mo ang pag-bibigay ng vitamins at additives at ibalik na lang, if they are 50% done in their moulting.

TIMTIMM
August 15th, 2006, 03:51 AM
busing bakit po ba naglulugon ang manok?

at bakit po naglulugon sila ng pagkatapos ng summer bakit po hindi allyear round bakit isang panahon lang ang lugon tuwing july hangang december?

janrich
August 15th, 2006, 05:33 AM
Salamat po sa tip doc Teddy...I still have to order your books and VCD.

cholo a. franco
August 15th, 2006, 07:58 AM
sa mga dagdag na naman na kaalaman sa pagkilatis ng stag !!!

sarap cguro nyong kausap sa personal doc. dami naming

matututunan.

kung malapit lang cguro ang tagaytay sa ormoc.....

perryhatch
August 15th, 2006, 09:12 AM
Doc, yun stag ko may pagka kuba, pero slight lang po at mukhang normal pa naman. pwede ko ba ito gamitin sa breeding? namamana ba ng mga anak ang pagiging kuba ng magulang nila?

spitfire_ace
August 16th, 2006, 07:34 AM
Doc,

Musta na? Hope ok ka lang jan...May tanong lang po sana ako sa inyo about sa naglulugon nating manoks, how do you speed up their moulting? Maraming salamat....

tjtcokngacademy
August 17th, 2006, 03:19 AM
There are 2 additives/substance that can hasten moulting... One that I am familiar with is COFORTA, injected 1cc intramuscularly 3 times a week for 2 months... It is a known fact that we have to increase the protein intake. We have to consider the importance of giving Methionine, to achieve optimum feather growth.

TIMTIMM
August 17th, 2006, 06:44 AM
dok bat ang mga manok po ba ay nanlulugonbakit po ang mga agila dikatulad ng mnok ang panlulugon?

spitfire_ace
August 17th, 2006, 11:33 PM
Thanks, Doc!!!! More Power sa Academy mo.....

brenjph
August 17th, 2006, 11:57 PM
doc ted ano po dapat ipainom na gamot kung may coryza o crd

tjtcokngacademy
August 18th, 2006, 04:37 PM
Ang pagka kuba ay isang ACQUIRED DEFORMITY at ang isang dahilan nito ay ang maling humidity sa incubator........Ang pinagtataka ko ay marami namang ibang broodcock na maayos , bakit kuba pa ang pipiliin mo.

tjtcokngacademy
August 18th, 2006, 04:49 PM
Alam ng lahat na ang balahibo ng manok ay nagsisilbing natural na proteksiyon at nagpapaigi sa kanilang balanse. Lahat ng uri ng ibon ay naglulugon. Nagkakaiba lang sila ng panahon ng paglugon.........Dapat tayong magpasalamat sa Diyos at binigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng panibagong balahibo. Upang sa gayon, kapag sila ay humarap sa kanilang kalaban, kumpleto ang kanilang mga balahibo.

tjtcokngacademy
August 18th, 2006, 08:38 PM
Tulad ng sinabi ko sa unang bahagi ng thread na ito, sundan po natin ang right ethics tungkol sa pagkukunsulta........maari po ninyo akong tawagan sa 09165742427 at nakahanda akong tumulong sa inyo.

TIMTIMM
August 18th, 2006, 10:20 PM
salamat po dok teddy tanchanco...:)

brenjph
August 19th, 2006, 08:07 PM
ok po doc tawag na lang po ako sa inyo

thanks....

jlbs72
August 21st, 2006, 07:33 PM
doc tanong ko lang, dapat bang ibigay ang gumboro vaccine sa 2 weeks old below na sisiw ? kung mag uumpisa ba akong magbigay ng gumboro vaccine sa 21 days old hindi na masyadong effective ?

tjtcokngacademy
August 21st, 2006, 11:58 PM
Incidence of Gumboro (IVD) is now considered to be very high with most flocks experiencing either an early sub clinical infection bago pa lang mag 3 months of age or a mild sub clinical to severe clinical disease from 3-6 weeks of age. In many cases, the disease is modified by maternal immunity (natural immunity from the mother hen) at the time of infection. Therefore, giving the vaccine to those lesser than 2 weeks is not recommended...But, if there is a history of gumboro in your farm or you have a broiler farm within a kilometer range, I would suggest that you include it in your vaccination program.

benedict
August 22nd, 2006, 01:02 PM
Doc,


Anu usaully ang cause ng pagkapaling ng buntot, dlawa na produce kong stags na paling ang buntot, ang advice sa akin putulin ko muna para hindi lumala. May remedyo ba dito?


benedict

Raul_Ruaro
August 22nd, 2006, 05:52 PM
Doc ted,

Tanong ko lang po kung masama ba ang pagkakaroon ng pigery at sasabungin sa isang compound? Mga 300-400 sqr. meters po yung lugar. Thanx in advance doc!

-STEWART-

lon051500
August 22nd, 2006, 06:36 PM
doc,
gud day po tanong k lng po tngkol sa coforta 1cc po ba bale 100 sa tuberculin at 3x a week po para mabilis matapos moulting?
at doc ano ba pwede ipalit rubramin kasi phase out na po....
tnx.....

armelmanipol
August 23rd, 2006, 08:35 PM
doc, do you have plans to hold seminar outside tagaytay?aren't you planning to hold it again here in lipa.tenks

TIMTIMM
August 24th, 2006, 03:17 AM
dok teddy bakit po kaya iba iba ang haba ng buntot ng manok?

meron pong yung tinatawag nilang ispada e pagkahaba haba meron naman pong punkol lang at mataba?

at yun pong kalapit ng ispada na minsan e sayad na sila salupa?

eto po bay may kinalaman sa breed ng manok ?

nagtatanong lang po dok?

bunguton
August 25th, 2006, 02:34 PM
vaccination

doc ted
may mga katanongan po akong nais maiparating sa n u:

.dapat bang bigyan ng B1B1 ang mga 2months old na sisiw ko kasi since sa paghatch nila hindi pa cla nabigyan.

.ilang buwan po imunity ng mga manok sa mga sakit kung binakunahan ko na ng B1B1,B1B1 LaSota,NCD, at ibang vaccine po

thanks po muli sa mga sagot nnyo

benedict
August 26th, 2006, 01:20 AM
Doc,


may mga baby stags akong namatay. sbi nung handler ko, nung binuksan daw nila may paang mga bulutng sa internal organs, Yung mga corded na stags ay di naman natamaan. Wla kc ako sa manila nung namatay kya d ko na napicturan pra nakita nyo.

Anu kya possible reasons ng pagkamatay nila?

benedict

shapol king
August 26th, 2006, 10:12 AM
HEADS UP LNG!

tjtcokngacademy

Tulad ng sinabi ko sa unang bahagi ng thread na ito, sundan po natin ang right ethics tungkol sa pagkukunsulta........maari po ninyo akong tawagan sa 09165742427 at nakahanda akong tumulong sa inyo.


sorry po, Doc Ted....na unahan kita.....ako rin po may tanong kaso natanong na pala...Cheers!

wenweng
August 27th, 2006, 06:06 PM
Doc Ted,
pakitulungan naman po ano po maganda gamot para dito sir bigla nalamang daw namaga yu mata niya kahapon nag mumuta daw sabi ng handler ko tapos ngayon yan napo ang itsura niya ano po maganda gamot para dit sir, sa ngayon po pina painom ko muna siya ng sumapen para matanggal po pamamaga niya..sipon po kaya ito o ano klasing sakit po ito..nung bata po ito manok na ito di po sila nag kasakit mag 3 taon napo siya kahit minsan di po nagka sipon doc ngayon po eto nalang bigl;ang nanyare po..tulong naman po doc...

wenweng
August 27th, 2006, 06:10 PM
eto po spot view niya doc...salamat po

tjtcokngacademy
August 27th, 2006, 07:12 PM
Maaring magkaroon ng pigery at sasabungin sa isang lugar............just as long as you have good drainage and you don't over populate.

tjtcokngacademy
August 27th, 2006, 07:15 PM
Kapag gagamit ka ng tuberculin syringe, ito ay nasa 1.0cc at kailangan ibigay ng dalawang beses sa isang linggo.

tjtcokngacademy
August 27th, 2006, 07:29 PM
I have no plans of holding the seminar out of Tagaytay and neither am I going back to Lipa. The primary reason is that I care about my students and I want them to be comfortable throughout their stay. Our class A facilities in Tagaytay and the cool weather make it condusive for learning.
You are welcome to visit the farm and see for yourself what I am referring to. Kindly make arrangments with Dexter Guce. His number is 09183067589. Hope to see you there, amigo!

Raul_Ruaro
August 28th, 2006, 04:32 PM
Thanks doc ted!

tjtcokngacademy
August 28th, 2006, 08:10 PM
Definitely, it's a worse case of Coryza. I strongly suggest that you give him CEPOREX 250mg capsule twice a day for 4 consecutive days. This is available in Mercury DrugStore........In some cases, you need to manualy manipulate the the eye portion or make a little incision to be able to remove the cheesey material that is embedded in the eyelid. Bring it to a VET right away.

wenweng
August 28th, 2006, 08:21 PM
Doc teddy maraming salamat po sa tulong ninyo..sana po eh gumaling nalang po ito sayang po kase eh,...tnx po ulit doc..

tjtcokngacademy
August 28th, 2006, 10:22 PM
Tama ka diyan, pareng timtimn. Nasa lahi iyan ng manok. Kung parehang malago ang balahibo ng mga magulang ng palahi mo, ito ay siguradong mamamana ng kanilang anak........At ganun din kapag 'tight feathering" ang pinanlahi mo.

Vernell V.
August 28th, 2006, 11:48 PM
ano po ang mabisang gamot mag bacterial flushing once a month? ano ang mas mabuti, ihalo sa tubig ang gamot or e oral lang? i used kasi dovitron powder at inihahalo sa tubig .. thanks po in advance :D good evening ...

Vernell V.
August 29th, 2006, 07:33 PM
magandang gabi sa lahat at sa iyo doc :D

Vernell V.
August 30th, 2006, 09:40 AM
:D

sweet&friendly
August 30th, 2006, 12:28 PM
Doc Ted

Tanong ko lang po ang sodiumbicarbonate at ano ang ipekto nito sa manok natin sa hen at sa cock.

Maraming salamat po and god bless.

rider_bols2006
August 30th, 2006, 02:16 PM
gud pm doc ted,

tatanong ko lng po kung ano po mabisang gamot pag may mareks disease po ang manok panabong, kasi po sa observation ko meron po yung 2 stag ko nkta ko po kasi ung 1 mata nya na kumbaga sa tao eh katarata den ung 1 nman po mahinaang mga tuhod lagi po napapa upo pag binibitaw nmin.

hingi na din po ako ng advice sa inyo kung tama nga ang observation ko.

sana po mtulungan nyo po ako

tnx
rider_bols2006

tjtcokngacademy
August 31st, 2006, 03:41 AM
There is no known cure for Mareks. It is best prevented through vaccination rather than treated. Since it is a viral disease that permanently affects their NERVES and their INTERNAL ORGANS.
Pinag-aaralan ko yung mga signs na nabanggit mo at sa tingin ko ay dapat mo pang suriin at baka di ito mareks kasi di dapat catarata ang makikita mo kundi "graying" of the eye. Yung panlalambot ng tuhod kung binibitaw ay maaaring sign of muscular weakness. Mas makakabuti na dalhin mo sa isang diagnostic lab para makasiguro.

tjtcokngacademy
August 31st, 2006, 04:27 AM
Kung ikaw ay magbibigay ng NCD initial shot, dapat pa rin unahin ang B1B1 bago ang La-Sota.

tjtcokngacademy
August 31st, 2006, 04:33 AM
Kailangan ko sana makita at malaman kung ano ang kulay ng mga lesions---dilaw?pula? o puti? Importante ang kulay at kung alin sa mga internal organs ang apektado........Ang 'necropsy' ay tinuturo ko sa aking mga studyante........Sa susunod, I would appreciate kung i popost ninyo at ipapadala ninyo sa akin ang larawan ng manok na may sakit upang sa gayon ay matulungan ko kayo at mabigyan ng tamang payo.Ang aking email address ay docteddytanchanco@yahoo.com

jude
August 31st, 2006, 09:02 AM
gud day doc.... ano kaya yung problema nung isa kong baby stag at palagi niyang tinutuka at inuubos ang balahibo niya sa hita?

tjtcokngacademy
August 31st, 2006, 02:36 PM
Tama iyong advice na putulin ang buntot........ para hindi masanay ang muscular development ng isol doon sa direksyon ng kanyang pagka paling........ Dapat mo maintindihan na may kahinaan ang kanyang pangangatawan kaya nagkaganun ang tubo ng buntot. Importante na mapalakas at mapabilog mo ang kanyang katawan........ para sa susunod ng pagtubo ng kanyang buntot ay derecho na.

tjtcokngacademy
September 1st, 2006, 02:21 PM
Feather picking are most frequently seen vices on birds..........especially kept in close confinement or lack of exercise. Ito ay isang bisyo na maaaring magresulta ng pagka "boredome"..........Ito ay maari rin dahil sa " deficiency kanilang pangangilangan sa nutrition" at "mineral" sa kanyang pang araw-araw na pangangailangan. Nakakadagdag din ang iritasyon na dulot ng kuto o external parasite sa kanilang mga balahibo.

jlbs72
September 1st, 2006, 08:37 PM
salamat doc sa pagpayag ninyong maging screener ng San Mateo 4 Stag Derby !

johndinosicat
September 2nd, 2006, 02:54 AM
papaano po ba mapipigilan at ano ang dapat gawin upang di mag-moult kaagad ang mga stag?yung pong kasing mga december born namin ay nagpapalit ng pakpak at buntot kaagad,unlike the other na kahit november born pa ay di nagpapalit ng mga primary feathers.(naka-expose o TEEPEE po mga stag namin)

thank you po & more power!

Vernell V.
September 2nd, 2006, 11:41 AM
:D

kickcut44
September 2nd, 2006, 06:38 PM
ngayon malapit na ang breeding season, tanong ko lang Doc dati kasi gamit ko BIO300 1 part and 1 part grain conditioner for maintenance. Medyo mahal kasi. Nagpayo ang isang kaibigan nag switch ako sa formula niya na 5 part Bmeg Pigeon pellet at 1 Part crack corn. Tanong ko lang Doc ok na ba ito considering mataas din ang protein content ng Pigeon Pellet? Nun binibigyan ko ang mga inahen ko (dati kong maintenance mix)nito panay ang itlog araw-araw kahit walang broodcock. Ngayon nagswitch ako ng formula bigla rin ang hinto ng pagitlog? Is ther anything wrong with my formula? At bakit biglang huminto lahat sabay-sabay ang aking inahen? Dapat ba ibalik ko sa dating formula?

SAlamat po ng marami.

partydude
September 2nd, 2006, 09:49 PM
doc ted,

tanong ko lang po kung ano po ba ang tamang mix ng feeds during moulting? meron kasi nagsabi na para mapabilis ang laglag ng mga balahibo ay taasan ang carbohydrates at pag patubo na ang mga balahibo ay taasan ang protein content? tama po ba ito? so ang gamit po namin ngayon ay 1 part cracked corn, 1 part grains/conditoner at 2 parts pigeon pellets. and then pag patubo na po ang bagong balahibo ay switch kami sa 1 part calf manna, 1 part grains/conditioner at 2 parts pigeon pellets. d po ba masyadong mataas ang 1 part calf manna? un cracked corn po kelangan pa rin po bang maglagay pag patubo na ang bagong balahibo? if so mga gaano po karami ang tamang mix?

rider_bols2006
September 4th, 2006, 09:55 AM
gud am doc ted,

maraming salamat po sa payo nyo.

rider_bols2006

neilm
September 4th, 2006, 10:21 AM
Doc,

Tama bang paghaluin ang complexor 3000 sa ampules na b1 b6 b12 na vial upang mapataas ang b complex nito ang alam ko kasi ang complexor ay may iron at dextran. Ang ginagawa ko kasi hinahalo ko ang 20ml. na complexor sa isang vial ng ampules di ba tama ito may masamang epekto ba ito sa manok

Vernell V.
September 4th, 2006, 02:23 PM
:D

jlbs72
September 4th, 2006, 10:20 PM
Doc TJT,

tanong ko lang, papaano kung nagbigay ako ng b1 la sota sa isang batch ng chicks ko then may mga day old silang kasabay sa ibang brooder naman nakalagay pero same place. mamamatay kaya yung day old ko ? dapat ko na rin ba silagn bigyan ng bakuna kahit b1b1 lang (yung day old) ?

tjtcokngacademy
September 5th, 2006, 07:04 AM
The pigeon pellets and cracked corn mixture are okay for your hens but the abrupt shift in their feed can hinder their egg production for about a few weeks. Give them time to adjust to the new formulation.

rider_bols2006
September 5th, 2006, 11:44 AM
gud am doc ted,

dun po sa sinabi nyo na gray eyes ang may mareks tama po kyo doc medyo nga po gray ung mga mata tska po doc may parang pantal na mapula sa 2 pakpak nya. so ano po vaccine ang pwede ko po gamitin doc?

tnx
rider_bols2006

tjtcokngacademy
September 5th, 2006, 07:29 PM
Ang day old chicks ay meron pang maternal antibodies sa kanilang sistema kaya hindi pa nila kailangan ang bakuna..... Ngunit pagkatapos ng isang buwan, bumababa rin ang kanilang antibodies at ito ang panahon kung kailan sila dapat mabigyan ng NCD vaccine.

jlbs72
September 5th, 2006, 07:53 PM
thanks doc.

tjtcokngacademy
September 6th, 2006, 05:33 AM
Sodiumbicarbonate is not really of importance...But, when they experience indigestion or have a problem with their digestive system, Sodiumbicarbonate is a first aid remedy! It neutralizes the pH(acid) content in their system.

tjtcokngacademy
September 6th, 2006, 05:50 AM
Para hindi sila kaagad mag lugon, kailangan natin ayusin ang protein sa kanilang pagkain. May relasyon ang protein level ng pagkain sa feather condition(state)...Kung kaya't kailangan kong malaman ang protein level ng pagkaing binibigay mo.
Inaanyayahan kitang sumali sa Academy at mahabanghabang usapan ito. Ang aming susunod na schedule ay September 7, 8 & 9. Sinisigurado ko na pagkatapos ng 3 araw nating pagsasama ay maayos natin ang programa sa farm mo. Magkita tayo doon!

tjtcokngacademy
September 6th, 2006, 05:58 AM
Hindi lahat ng gamot ay pwedeng haluin... Pero sa iyong kaso, lalo na ang mga gamot na binanggit mo, walang problema iyan. Ang chemical composition ng dalawang gamot ay 'stable'.

Vernell V.
September 7th, 2006, 01:09 AM
:D

Raul_Ruaro
September 7th, 2006, 06:39 PM
Doc ted,

Regarding po sa pagka paling ng buntot, Paano po ang proseso ng pagputol nito? Gugontingin po ba or pabunot ito isasagawa

Isa pa po. Tanong ko lang kunga kailan at saan ang susunod na pa seminar nyo? interesado po kasi ang aking tito na makapag padala sya ng tao sa inyo. Thanx!

-Stewart-

jude
September 7th, 2006, 10:00 PM
tanong uli doc.....

Paano kung ang isang manok na may sipon ay nabigyan mo na nang maraming klaseng gamot (ex: Baccidil, T2s500, ceporex, amtyl) sa tamang paraan ng pagbibigay, at hindi pa rin nawawala ang sipon...ano kaya ang dapat gawin? may pag asa pa ba ito? katayin na lang ba kahit hindi naman nananamlay yung manok?


salamat at pasensya na sa tanong ko doc :) .

rl123
September 8th, 2006, 04:35 PM
thanks very much

Blots jr
September 10th, 2006, 07:04 AM
meron akong biniling stag doc, at linipat ko sa farm ko . ang 2 manok na binili ko ay bigla na lang na hindi matunawan at namumutla mukha ng manok .hindi naman ako nag change na feeding . so yun 20 na stag na binili ko 2 ang nadali nang ganito so ang ginawa ko e nag change ako nang soft diet . ngayon nakakatunaw na pero ang pagputla sa mukha ay hindi parin nagbabago . meron kaya tong nakuhang virus or bacteria . ano po ang pwedeng gamot sa namumutlang manok

jlbs72
September 10th, 2006, 02:03 PM
Doc tjt,

may nagpapatanong, anong sakit daw yung nanginginig ang ulo at paa ?

goldfinger
September 10th, 2006, 02:40 PM
doc anong sakit po kaya ito ng aking lemon-sweater cross noong bata po siya ay wala pa ito pero pagdating niya ng tatlong buwan nangbaliko na ang kanyang buto sa diddid. sakit po ba ito o sa kulang sa bitamina. sana matulungan ninyo kami http://i30.photobucket.com/albums/c303/clarets/t4a.jpg

tjtcokngacademy
September 11th, 2006, 03:05 AM
I do not advice na bunutin ito lalo na kung may mga kasabay na tumutubong tail feathers. Maari mong gupitin hanggang sa base ng tail feathers pero ingatan wag masugatan ang feather follicle.
Maituturo ko ito sa taong ipapadala ng iyong tito sa Academy. Narito ang mga detalye ng susunod naming academy schedule.
DATE: OCTOBER 5, 6 & 7
VENUE: RAHMM GAMEFARM, ALFONSO, CAVITE
FEE: P7,500 inclusive of board & lodging
Payments can be done on line to BPI Del Monte Branch Q.C. The account name is Dr. Teddy Tanchanco and the Savings Account # is 3243-0166-13.
You may reach me at +639165742427 or +639209506492.
For reservations and more details, kindly contact Dexter Guce at +639183067589.

tjtcokngacademy
September 11th, 2006, 03:20 AM
http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/IMG_5973.jpg

Top (L-R): J. Montilla, Emmanuel "Manny" Hega, Halcon "Boyet" Chua- Dragon Cockpit, Calapan, Or. Mindoro, Mark D. Canario, Carlito Gabali, EulogioGonyon Jr., Arwyn Garcia-Gaffing instructor

Middle (L-R): Jayson Panteria, Robert Mesicula, Michael Angelo Ferrer- Dr. Suave entry, Mark Noel Ines, Daniel M. Tismal-Unilab Sales Manager, Jose Castulo

Bottom (L-R): Dexter Guce, Atty. Viriato "Tato" T. Dupaya-Dupaya Cockpit-Tuguegarao-Batch 10 President, Doc Teddy, General

thundercock
September 11th, 2006, 12:13 PM
Doc Ted magandang araw po....Medyo napapansin ko po kasi na maraming nag po-post dito sa site tungkol sa sakit na ang sentomas ay, nabubulag, lumalabo ang mata, napipilay, nababalda.....Sa kasong ganito po ay talagang hindi na maikakaila na ang sakit po na ganito ay dulot ng Mareks....

Doc Ted sa aking naalala isa sa inyong minungkahe ay magpalit na ng mga broodstock sa kadahilanang napapasa ng mga ito ang Mareks sa kanilang mga anak....

Doc meron bang mabibiling bakuna dito sa Pilipinas para sa sakit na ito? May idea po ba kayo kung magkano at saan pwedeng bilhin?

Ano pa po ang inyong maipapayo sa amin kung sakaling magkaroon ng Mareks sa aming mga manukan......Maraming salamat po...

TJT Batch 02

tatodupaya
September 11th, 2006, 12:26 PM
Doc Ted,

On behalf of Batch No. 10, I would like to thank you, Gen. Mosqueda, Engr. Guce, the able instructors and the rest of your staff for sharing with us the secrets you have learned in your 33 years of cocking experience. You are the gems of Philippine cocking.

Huwag po sana kayong magsasawa.

May your tribe increase. :)

tjtcokngacademy
September 11th, 2006, 11:41 PM
Maraming salamat sa iyong suporta. Tulad ng sinasabi ko sa lahat ng aking mga graduates, panghabang buhay akong nakahandang tumulong sa inyo.

tjtcokngacademy
September 11th, 2006, 11:50 PM
Malaking epekto, ang lahi sa pagkakaroon ng deformity sa kanilang bone structure kagaya ng crooked breast. Ang isa pang sanhi ng deformity ay kakulangan sa nutrition. Ang tamang nutrition at maayos na sistemang pagaalaga ay importante para mailabas ang potensyal ng isang sasabunging manok. naaalala ko noong ako'y nagsisimula pa lang, ako ay nabigyan ng pagkakataong mag-obserba sa pagpili ng mga panlaban ng isang legend na si ninong Jessie Cabalsa. Natantandan ko noon na meron siyang hinahanap na isang pamilya ni Bachoy Alunan dahil sa ito ay nagpapanalo... Nang binisita ko siya sa kanyang conditioning area, ako ay nagulat ng hinipo ko ang 30 manok niyang napili dahil ang 20 doon ay may crooked breast ngunit maganda ang pangangatawan at bukang buka ang dibdib....... Inilaban niya and benteng ito sa Teresa Square Garden....and they all made an impressive win..."Konting Paalala"--- mas maganda pa rin kapag walang diperensiya ang kanilang bone structure.

tjtcokngacademy
September 12th, 2006, 05:51 AM
Since they were just recovering from a digestive problem, dapat ay magamot muna sila ng isang antibiotic for 5 concecutive days. I suggest, while they are still adjusting to your new environment, it would be best to give them B- complex shot which can easily correct-------- PERNICIOUS ANEMIA while........................if the problem of his paleness is due to a condition like IRON DEFICIENCY ANEMA,,, then the treatment should be an administratin of Iron injectable mixed with b-complex and should be done every other day for five consecutive weeks. Ang tamang procedure na dapat gawin pag may imported kang dumating ay matututunan sa ACADEMY. Sana ay maisip ninyo po ang kahalagahan na pag- dalo sa TJT SCHOOL para maiwasan ang SAKIT AT MAKATIPID KUNG WALANG Madidrisgrasya. Joining the TJT COCKING ACADEMY is really an investment, well spent.

tjtcokngacademy
September 12th, 2006, 06:32 AM
Mareks is now a common problem among breeders. Vaccinating them while they are young is the only way to assure you, na may proteksiyon ka sa sakit na ito. Noong ako ay nag aaral pa, 25 years ago................ ang paliwanag sa Merck's Veterinary Manual 6th edition na libro, na ito ay hereditary at ang complete eradication ng apektadong parent stock ang pinakamabuting gawin para tumigil ang pagkakaroon nito sa farm ninyo. That was the same move that me and Dr. Goy Goitia implemented and we were able to control it during the 80's. We were the veterinarians that got involved in dealing with it since there were only a handful of vets during those days. Paglipas ng ilang taon,
ako ay nabigla sa mga bagong pagsusuri at mga bagong natuklasan ng mga dalubhasa tungkol sa virus na ito. Iginigiit nila na ang mareks virus contamination ay maaari nang makuha kahit sa DANDER ng manok at ultimo sa follicular sheddings.


Kaya ang mapapayo ko ay isama na ninyo sa vaccination program ninyo ang pagbabakuna ng MAREKS. Nasasa atin na lang ang pag-iingat at sundin ang goog hygiene and sanitation.

Dragon Dance
September 12th, 2006, 01:05 PM
DOC TJT:

I hope one time mkapag pa seminar kayo dito sa northern luzon specifically dito sa Baguio. Sigurado ako dudumugin yang pa seminar niyo... isa a ako sa sasama.

Blots jr
September 12th, 2006, 01:07 PM
thank you doc ,ill send my handler to your school someday , its just kund a hektech right now his schedule kasi we are preparing for stag derby . as soon as he get sometime ill send my handler to your school right away

perryhatch
September 12th, 2006, 01:31 PM
Doc, bakit kaya meron mga manok na humihingal sa rweda bago pa ang laban, pero hindi naman lambot at malalakas naman kapag nasa actual fight na?

rl123
September 12th, 2006, 03:30 PM
thanks po sa inputs nyo...mabuhay po kayo

boknoy2004
September 13th, 2006, 03:49 AM
maraming salamat po sa mga tips...gudluck.


boknoy2004

budung
September 13th, 2006, 08:36 AM
...:)

beidref
September 13th, 2006, 10:04 AM
Doc,
Good day po! tanong ko lang po kung ang aminoplex tablet (of dr.blues) ba ay puwedeng gawing maintenance supplement sa mga stags (7 month up) at puwedeng ibigay every other day or once a week lang.
advice lang po. Thanks and more power!


regards,
beidref

tjtcokngacademy
September 13th, 2006, 04:54 PM
Sa dami ng gamot na binigay mo, ang kulang nalang diyan ay ang 'nose flushing'. Ito ay nakademo sa Academy para ganap na maintindihan ng mga estudyante ang tamang procedure........Kung tatanungin mo ako, ano ang gagawin ko sa kanya??? Ang aking opinion ay hindi ako magaalaga ng isang manok na alam ko na may posibilidad na makahawa sa iba kong mas magaling na manok.

budung
September 13th, 2006, 05:14 PM
The Doctor is IN.......... :)

jude
September 13th, 2006, 05:17 PM
Salamat doc. Itinuloy ko na lang ang pagbigay ng gamot at sa kabutihan palad ay gumaling naman ang sipon ng isa sa pinaka paborito kong stag.

Kaya lang ngayon ay hindi na cya ang pinaka paborito ko hehe.

Thanks uli.

tjtcokngacademy
September 13th, 2006, 05:20 PM
Ilang taon ko rin hinanap ang kasagutan sa tanong na ito...at ang nakapagbigay sa akin ng malinaw na sagot ay walang iba kung di isang Amerikanong breeder na si James Pope.........Ang dahilan ng paghingal sa rwueda, kahit hindi pa lumalaban, ay ang sobrang tubig sa katawan ng manok(too much moisture in his body). Ang paghingal ay natural na paraan upang matanggal ang 'excess moisture' sa kanilang katawan.

Raul_Ruaro
September 13th, 2006, 05:42 PM
Doc ted,

Thanx sa info regarding sa seminar... Kasama pala sa batch 10 si ninong Boyet Chua ng dragon cockpit ng Calapan. Tiyak na lalong magiging interesado sa seminar yung tito dahil may ka tropa na rin pala sya na nagtake... Thanx!

-Stewart-

rl123
September 14th, 2006, 10:45 AM
thanks po again.. kahit dito lang po sa site my natutuhan po tayo sa inyo.. mabuhay po kayo...

tjtcokngacademy
September 15th, 2006, 08:06 PM
Hindi ako tiyak sa sangkap ng aminoplex tablet ng dr. blues. Ngunit, base sa pangalan, ito ay may amino acid. Ang amino acid ay ginagamit sa pagpapalaki ng katawan sa 'pre con stage'........Maraming mga natural na produkto na magagamit sa pagpapalaki ng katawan other than that.

jlbs72
September 15th, 2006, 11:20 PM
Doc tjt,

ask ko lang kung anong klase ng sipon yung namamaga ang mukha at naglalaway ? ano kayang pinakamabisang gamot para dito ? thanks.

TINIGBAN-1
September 16th, 2006, 12:44 AM
DOC TJT,

tanong ko lang kung ano-ano ang kulay ng IPOT masasabing merong PARASITE / BACTERIAL infection ang isang manok.

Katulad ng

Puti - diarrhea
Dilaw - spirochaetosis
pula - coccidiosis

ano ba doc ang kulay ng IPOT na masasabi natin na walang PARASITE / BACTERIA ang alaga kong manok.

Maraming salamat doc.

boyboy
September 16th, 2006, 06:20 AM
Doc teddy,

Ano po ang gamit ng vitamin E para sa manok? ginagamit ba ito pang kundisyon o pang breeding na supplement? ano po ang epekto nito sa manok?

tjtcokngacademy
September 16th, 2006, 10:51 AM
http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/1st_spread_leftside.jpg

Venue: RAHMM Gamefarm, Alfonso, Cavite
Registrar: Dexter Guce- +639183067589
Fee: P7,500 inclusive of board & lodging for 2 nights & 3 days

tjtcokngacademy
September 16th, 2006, 10:55 AM
Meeting Place: ChowKing, Tagaytay Rotonda
When: October 2, 2006
Time: 7:00AM
Contact Person: Dexter Guce- +639183067589

http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/mapa1.jpg

tjtcokngacademy
September 16th, 2006, 11:19 AM
http://i63.photobucket.com/albums/h148/dexter_0613/scan2.jpg

This is the map to the farm for those who have their own vehicles and want to go straight to the venue.
Please coordinate with Dexter Guce (+639183067589).

tjtcokngacademy
September 18th, 2006, 03:28 PM
Ang pamamaga ng mukha ay indication na siya ay may respiratory problem gaya ng coryza. Ang paglalaway ay sanhi ng excessive mucus. Maganda ay bigyan natin ng broad spectrum antibiotic at ang ginagamit ko na gamot ay pang tao. Ito ay vibramycin 100mg capsule o kaya Ceporex capsule 250mg. Medyo mahal lang nga ito pero napaka epektibo. Minsan ay kung ikukumpera mo sa sampung gamitan ng antibiotic na pang hayop ay mas nakakatipid ka pa rin kung ang ginamit mo ay yung mahusay at reliable na pang tao dahil sa 2-3 bigayan lang, ay magaling na kagad.

tjtcokngacademy
September 18th, 2006, 03:36 PM
Ang Vitamin E ay tinatawag na Fertility vitamin kaya nakakabuti sa breeding. Ang isa pang nadudulot ng Vit E ay ang pag repair ng damaged tissues na maaari madulot ng sparring at training kaya nirerekomenda ko rin yun sa aking conditioning. Ito ay makikita sa page 26 ng aking libro at doon ninyo malalaman ang tamang paggamit nito sa 21 day KEEP.

tjtcokngacademy
September 18th, 2006, 03:52 PM
Ang ipot na may pula ay sanhi ng coccidiosis at ito ay dulot ng PROTOZOA.
Ang ipot na puti ay sanhi ng intestinal diarrhea or severe intestinal problem. Dulot ito ng bacterial o viral disease.
Ang dilaw o greenish-yellowish na ipot ay maaring sanhi ng isang microorganism na spirochete. Ang spirochete ay slender nonflagellated, twisted microorganism........ Pagdating sa manok naman, ang tawag sa sakit na ito ay Borrelia Anserina(Spirochetosis).
Sa tanong mo kung anong klase ang ipot ng manok na may parasite............Ang ma-oobserbahan mo ay malambot at di mapatinotinong pag-iipot. Malakas kumain pero di tumataba at namumutla dahil may kaagaw sa nutrisyon. Mas maganda na magpa fecal smear ka sa laboratoryo kung gusto mo maging accurate sa diagnosis mo.

knighttomahawk
September 18th, 2006, 04:48 PM
Doc,

Yong Vitamin E na pangtao, pwede po ba yon ibigay sa manok na kinokundisyon?

Thank you very much doc!

TINIGBAN-1
September 19th, 2006, 02:06 AM
Maraming salamat Doc TJT.

tjtcokngacademy
September 19th, 2006, 08:43 AM
Ang Vit E na pan tao na gaya ng Myra 300 E capsule ay pwedeng gamitin sa ating manok. Ang ginagamit ko ay Wheat Germ Oil capsule na nabibili sa mercury drug store.

knighttomahawk
September 19th, 2006, 08:56 AM
Maraming salamat Doc!, more power to you!

GIO POGI
September 19th, 2006, 01:15 PM
Doc,

Anong kulay po ba dapat ng ipot para masabing healthy ang manok? Thanx!

Blots jr
September 19th, 2006, 01:33 PM
doc ,
ano po ang pinaka magandang antibiotic or gamot na mayrun microoreganism na spirochete ?

Blots jr
September 19th, 2006, 01:38 PM
doc kumuha ako po nang libro syo at vcd . ang problema ay yun mga binangit mun mga feeds at mga gamot or supplement ay wla sa amin . ang gusto ko sana e kumuha nang feeds at at ako na rin magtitimpla dahil yun ang sinabi mo sa libro at vcd . meron ba kayun pagnbilhgan na pwedeng bilhin po to kasi sa amin karamihan sa po ay mix pack na wala pong single na pwedeng bilhin then ikaw na aang magmimix . taga la union po ako yun po ang problema ko ngayun

cbm80n6
September 19th, 2006, 03:15 PM
doc tjt,

baka pwede makakuha ng 21 day keep conditioning program. at kung paano gawin ang 'pointing' sa araw ng laban.. derby fight. at gusto ko rin itanong, kung gaano katagal ba pwede isama ang stag sa inahin? bago ilaban sa stag derby? thanks doc!!

lon051500
September 19th, 2006, 06:57 PM
Doc TJT
doc small time breeder lng po ako may available ba kau na trio pullet para mas mura sana.pure lemon 84 sana o kaya kng ano available nagsisimula pa lang kc ako doc.

tjtcokngacademy
September 20th, 2006, 05:44 AM
Kung napanood mo ang unang bahagi ng pangalawang cd, meron akong nirekomendang gamot na kapalit ng Jectofer-being an iron preparation. Tungkol sa Rubramin, padadalhan kita ng PM kung ano ang maari mong ipalit dito para maalalayan kita since bumili ka ng libro at cd ko.

tjtcokngacademy
September 20th, 2006, 05:48 AM
Ang ipot ng isang healthy na manok ay katulad lang ng makikita mo sa kinokondisyon na manok. Ito ay kasing kulay ng pellets na pinapakain mo---brownish with a little whip cream on top of it........You may refer to the last page, back cover of my book as to the right color of the droppings.

tjtcokngacademy
September 20th, 2006, 06:01 AM
On Gamecock Conditioning

http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/bookvideo.jpg

These are my book & video that contain my 21 Day Keep. For inquiries, you may email me at docteddytanchanco@yahoo.com or you may call/text at 09209506492 or 09165742427.

yellowhackled84
September 20th, 2006, 06:39 AM
hi doc,

tanong ko kung ano kaya ang magandang gamot dito sa manok ko. namaga yung lower part ng mukha nya sa may ibaba ng mata tapos nagluluha na may parang sapal na dilaw na lumalabas sa mata. wala naman akong nakitang sipon, pero matamlay siya. ty....

tjtcokngacademy
September 20th, 2006, 09:22 AM
Napakaganda ang ginawa mong pagpadala ng larawan ng iyong manok na may problema.........Napansin ko na may nakabukol sa bandang ibaba ng kanyang mata. Kung ang bukol ay may katagalan na, maaring may namuo ng 'cheesey material' at ang best remedy is minor surgery para matanggal mo yung laman na namuo sa ibaba ng mata.

yellowhackled84
September 20th, 2006, 07:24 PM
ty doc, di na ho ba makakaya ng gamot yun? kung di na kaya, wala bang nerves na matatamaan sa bandang mukha nya pag hiniwa ko yun? kailangan din bang tahiin yung sugat pag hiniwa?

may nakita pala akong procedure sa pagtanggal nuon, kaya lang parang delikado. kumuha yung tao ng payat na stick tapos may bulak sa dulo. ang ginawa tinulak palabas yung cheesey material mula sa gilid ng mata palabas/pababa sa ngalangala nung manok. nakakaawa nga yung manok eh, pero natanggal yung sapal.

John Omana
September 20th, 2006, 08:28 PM
Doc - Maganda araw po ulit.

Ano po bang gamit sa sakit na Borrelia Anserina(Spirochetosis) na nabangit mo sa taas? Greenish ipot kasi meron po akong isang manok na ganito ang klase ng ipot. Naka kulong po cya ngayon ksi nga hindi ko gusto ang kilos nya. Medyo matamlay.

tjtcokngacademy
September 21st, 2006, 04:49 PM
Gaya ng sabi ko, mahirap matanggal ng oral antibiotic capsule ang bukol kung matagal na(3 weeks or more). Nagkakaron na ng laman at ang tanging paraan ay minor operation. Mas maganda kung pabubuksan mo sa Beterinaryo para makasiguro ka para maiwasan ang mali.

BOLAY
September 21st, 2006, 04:49 PM
Gd pm doc.me broodhen po ako, almost 2 yrs. old, nagamit ko na po cya last season.few weeks ago, nawalan cya ng ganang kumain for almost a week.ayaw na ng maintenance feed ko na conctr8 at pellets.pinakain ko po ng bread soaked n milk, kumain po.ng binalik ko sa maint. feed ay matamlay ang kain.the problem is patuloy ang pammayat niya at kahit weekly ang shot ko ng belamyl .5.pagnilalabas ko po ng kulungan ay cge ang kain ng buhangin.sobra na po ang payat nya.sbi ng kaibigan ko may case dn cya na pareho at ng kinatay nya ay enlrged ang liver..medyo matamlay lng cya at mahina talagang kumain at sobrang payat pero di naman as in ung malapit ng mamaalam sa mundong ibabaw..pls. save her doc..thanks in advance.ang ipot nya po ay whitish ang color ant siguro mga 6 weeks na po.

tjtcokngacademy
September 21st, 2006, 05:01 PM
Ang diarrhea ay isa lamang sa mga clinical signs ng Spirochetosis. Ito ay di common na sakit pero dapat pa rin pag ingatan dahil ito ay isang acute blood disease. Mortality can reach from 10 to 100%.
Ang suggestion ko doon sa may sakit mong manok ay.............. mag antibiotic ka ng 5 days at dapat pakainin lang ng pellets or soft diet, hanggang gumanda ang panunaw at ipot niya. Makakatulong din na pag-bigay ng lactobacilli. D ko kabisado ang mga gamot na available sa Nigeria pero subukan mo yung may sangkap na SULFA or CEPHALEXIN.

yellowhackled84
September 21st, 2006, 06:51 PM
ty doc...

Sweaterlooking
September 22nd, 2006, 12:41 PM
Doc Ted,
Bakit yung manok ko na 10 months old na may sipon ay namatay nung pina take ko ng ceporex 250 mg. ang lakas pa ng umaga..since may sipon siya..pina take ko nun..Kinabukasan hindi na kumain at biglang na lang nanginig din parang lasing ok naman ipot hanggat namatay na lang siya. nung pinabuksan ko laman loob niya, yung atay ay ang laki..So, signed daw ng overdoss.Tanong ko, nakaka over doss ba yung ceporex 250 mg. pls. advise?salamat..

tjtcokngacademy
September 22nd, 2006, 02:20 PM
Kung ating pag aaralan ang ngyari, mapagbabasehan natin na ang kinamatay ng manok, ay ang pag laki ng atay. Ang enlargement ng atay ay lumalabas lamang kung may sakit ang manok mo na lampas 8-10 days na. Kaya sa tingin ko, namatay ang manok sa delay of treatment, at nasa advance state na ang sakit niya bago nabigyan ng tamang gamot.

rl123
September 22nd, 2006, 04:03 PM
sweaterlooking... ,, sir ako po nakagamit na ng ceporex250mg ok man ang
epekto... depende po cguro sa condition ng manok..yung akin nga hindi na makatayo ,dpa kumakain parang mamatay na talaga.. last resort nalang yung akin na painumin ng CEPOREX at pinaliguan ko. na ka recover pa..3 days ko cya pinainom ng ceporex..

yellowhackled84
September 22nd, 2006, 09:44 PM
eto naman doc,

matagal nang sugat yung nasa lalamunan niya. hindi ko alam kung paano nagkasugat eh. kumakain naman pero konti lang. may dugo yung sugat pag nililinis namin. anong gamot ang puwede naming ibigay sa kanya?

yellowhackled84
September 22nd, 2006, 09:48 PM
eto pa uyng 1 picture

lalcance
September 23rd, 2006, 09:24 AM
Doc,

Magandang araw po! Magtanong din po ako nawa mapag ukulan nyo po ng pansin ito. Nag txt po yong tagapag-alaga ko ng manok ang sabi po nya nakita nya isang araw na nakahiga ang isa kong panlaban na manok at ng tingnan at hawakan daw po nya ito na dislocate ang mga paa kaya di makatayo. At napansin din daw po nya na maga ang parting puwit napag alaman nya ayaw lumabas ang ipot kaya namaga ang parti puwit. Ang sabi po ng tagapag-alaga ko baka inataki kaya na dislocate ang mga paa? Ang tanong ko po inataki nga kaya yong manok kaya nag kaganon? Kung hindi naman po ano po kayang sakit yon at ano po ang dapat gawin para maiwasan po yon?

Naghihinayang po ako sa nangyari sa manok ko kasi super galing po talaga yon. Sana po matulungan nyo po ako para maiwasan po uli ang nangyari.

Isa pa pong tanong Doc isang umaga naman natagpuan ng aking tagapag-alaga na patay sa kulungan ang aking isang stag mga 5 months na po yong manok. Sabi po nya malakas naman yon nagtataka rin po sya at bigla na lang namatay. Bakit kaya nagkaganon Doc? Ano kaya ang posibilidad na dahilan sa biglang pagkamatay ng manok ko?

Marami pong salamat at mabuhay po kayo.

Sweaterlooking
September 23rd, 2006, 10:08 AM
rl123, malamang nga dre di nakayanan ng manok ko at tama si doc baka meron na siyang sakit then late ang pag pa take ko ng ceporex..anyway, ang hirap talaga ng hindi doctor ano?lalo na pag may work ka pa..di mo na mo-monitor..thanks doc..

tjtcokngacademy
September 23rd, 2006, 06:27 PM
To be honest with you, mahirap hulaan kung bakit namatay ang manok mo dahil di ko nakikita ang manok mo at kulang sa detalye. Ang maipapayo ko ay mabigyan sila ng bacterial flushing ang bawat isa para ma-prevent kung may nag iincubate na sakit sa loob. Sabayan mo na rin ng B-complex shot para gumanda ang blood circulation. At ang pang-huling payo ay pag-aralin mo ang tagapag-alaga mo sa academy ko at mabigyan ng wastong paraan ng pag aalaga ng mga manok mo. You can inquire sa naka-post na invitation to join........sa homepage natin.

tjtcokngacademy
September 23rd, 2006, 06:43 PM
Ang sakit na yan ay CANKER. Maaari ito makuha sa pagtutukaan o accidental na pagkasugat ng "beak portion" niya at nagkaroon ng infection kaya nagkaroon ng outgrowth. Sa sitwasyon niya ngayon, ay di na makukuha ng oral antibiotic ito at mahirap ng gamutin dahil sobrang laki na.. Dapat diyan ay ma-operahan kagad habang kaya pa ng katawan niya. Ang tamang pang-linis ay BACTIDOL oral antiseptic.

tjtcokngacademy
September 23rd, 2006, 06:51 PM
Simpleng gamutin sana yan, pero napabayaan mo na ng matagal hanggang nangayayat ng sobra. Ang dapat mo sanang ginawa ng nagsisimula niya kainin ang buhangin sa kulungan niya ay nailipat mo sa kulungan na walang buhangin. Bacterial flushing and electrolytes therapy should have been done when the problem was just starting.

tjtcokngacademy
September 23rd, 2006, 07:01 PM
Tandaan po natin na mas madaling gamutin ang sakit kung nagsisimula pa lamang. May kasabihan na "An OUNCE OF PREVENTION IS WORTH A POUND OF CURE"
Iniimbitahan ko po kayo sa ACADEMY this OCT. 2 3 4, para matutunan ang wastong pag-aalaga at maiwasan masayang ang oras, pera at higit sa lahat ay, ang pinakakamahal nating sasabunging manok.

yellowhackled84
September 23rd, 2006, 08:07 PM
ty doc....

tjtcokngacademy
September 24th, 2006, 05:50 AM
http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/2nd_spread_leftside1.jpg

Meeting Place: ChowKing, Tagaytay rotonda

Contact Person: Dexter Guce (09183067589)

tjtcokngacademy
September 24th, 2006, 05:53 AM
http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/2nd_spread_rightside1.jpg

TJT Cocking Academy wil be featured in a new TV program called HATAW PINOY to be aired on Channel 13 this coming October 8, Sunday, from 10AM -11AM.

bak_dat_ass_up
September 24th, 2006, 10:10 PM
Doc,
ano po ba ang gamot sa manok na pikit ng pikit yung isang mata na parang may kinikindatan???
sakit po ba ito o manirism, wala naman akong nakikitang bulate at napatakan ko na rin naman ng vicine?
ano po kaya ang gamot dito?

ayti.max
September 25th, 2006, 04:36 AM
Doc Ted,

May schedule po ba kayo para sa November or December 2006? Hindi ko kasi maabutan ang October scheds ehh... pls email me: reyes.melvin@gmail.com

TY

cbm80n6
September 25th, 2006, 07:29 AM
doc, ano po ba mabisang gamot para sa "Red Miles" (sumisibol sa mga singit ng manok na namumula).. lagi na lang nagkakameron ang mga manok. at paano maiwasan ito? nakaka apekto ba ito sa manok? thanks doc!!

rl123
September 25th, 2006, 11:24 AM
sweaterlooking... malamang cguro ganyan.. lola na hindi mo mamonitor maigi..
meron panga mas malakas sa Ceporex, yung Vibramycin pang one time...

TJT... sa davao po kailan ang schedule nyo....???

sir cbm80.... Redmites??..punta po kayo SEARCH engine, i search po ang REDMITES..

lalcance
September 25th, 2006, 11:24 AM
Doc,

Marami pong salamat sa advised nyo. Kailan po kayo magkakaroon ng seminar sa parting bicol? Kasi nandyan po ang mga manok at taga pag-alaga ko.

cbm80n6
September 25th, 2006, 11:46 AM
sir salamat po. hindi ba 'red miles' ang tawag dun, kasi sabi nila ganun ang tawag.. 'red mites ba tawag sa ganun..

rl123
September 25th, 2006, 12:09 PM
CBM80 ... sir ok lang po ...sana masolve nyo problem niyo... goodluck

tjtcokngacademy
September 25th, 2006, 04:12 PM
Schedule for last quarter of 2006:
October 2, 3 & 4
November 9, 10 & 11
December 7, 8 & 9

lalcance on TJT in Bicol
Mahirap dalhin ang Academy sa Bicol o sa ibang lugar/farm sa labas ng Tagaytay. Ang dahilan ay kumpleto ang facilities sa Tagaytay at mas 'effective and efficient' ang takbo ng seminar dito. Ang accomodation ay maayos pati ang pagkain.
Inaanyayahan ko kayong pumunta sa Tagaytay lalo na itong mga darating na buwan para maramdaman din ninyo ang sarap ng lamig habang tayo ay nagseseminar.

lalcance
September 25th, 2006, 04:23 PM
Doc. Ted

Ayosin ko po schedule ng tagapag-alaga ko para makapunta po sa sya sa ACADEMY marami po uling salamat sa advised.

jimmypagobo
September 25th, 2006, 05:19 PM
Doc TJT,


Sana meron ganitong activity dito sa amin sa Cebu.

kickcut44
September 25th, 2006, 06:24 PM
tanong lang po sa mga sisiw kong napisa nitong nakaraan dalawang buwan, noon pag mark ko sila diretso ang mga daliri nila. Pero ngayon 3 out of 9 bumabaluktot ang daliri sa gitna. yun crooked. Sabi ng iba kulang sa bitamina B o calcium deficiency. Pero sa brooder ko me ilaw lagi at kumpleto sa electrolytes na binibigyan ko twice a week at Score vitamins 3x a wk. Patuka na binibigay ko ay Bmeg Chick Booster yun nasa foil pouch at hinahaluan ko pa ng mega legend for chicks at cecical(3x a wk). Ano kaya ang dahilan bakit biglang bumaluktot ang daliri at sa gitna lahat.

Gamit ko ay commercial brooder na gawa sa plastic. Diba kapag sa incubator na sobra init ay nagkakaroon nito, bakit po nun lumabas diretso naman silang lahat. D kaya sa sobrang init nun brooder pen ko. Gamit ko nga lang ay 10 watts bulb.


Salamat sa iyong sagot at payo:D

tjtcokngacademy
September 26th, 2006, 12:32 AM
This is a sign of B2/Riboflavin deficiency.

kickcut44
September 26th, 2006, 08:12 AM
followup question lang po,

pag vit B2 deficiency, may cure pa ba mga chicks ko at tutuwid pa mga daliri o i-cull ko na lang? Kapag me cure, ano po ibibigay kong B2 remedy, di pa ba sapat yun sa Score vitamins?

Salamat ulit po sa tulong niyo.

knighttomahawk
September 26th, 2006, 04:05 PM
Doc may itatanong lang po ako tungkol sa gamot na VAM na pangkabayo, meron ako nito caplet in form, pwede ba ito sa manok?...kung ito'y pwede doc paano ito maadminister sa manok?

Maraming salamat po doc!

jlbs72
September 26th, 2006, 10:33 PM
Doc TJT,

papaano po maiwasan yung b2/riboflavin deficiency ?

tjtcokngacademy
September 27th, 2006, 04:17 AM
Riboflavin deficiency can lead to curl toe paralysis. Mas dapat bigyan ng importansya ang present health condition ng mga BREEDERS. Sila ay dapat nakakondisyon at nabigyan ng kumpletong nutrition at vitamin and supplements bago magsimula ang BREEDING SEASON.
Para doon sa mga sisiw na may deformity sa daliri, maari kayong magdagdag ng
riboflavin in their diet so that they can recover, but if the curl-toe deformity is of long- standing," irreparable damage has occured" and administration of riboflavin, no longer cures the condition.

tjtcokngacademy
September 27th, 2006, 04:31 AM
Ito ay isang external parasite called RED MITES or TUNGAW. (in tagalog). Sana ay makadalo ka sa academy para malaman mo ang tamang proseso sa pag control sa life cycle ng pabalik-balik na blood sucking mites na ito. Mas maganda mapaliwanag ito ng ACTUAL para lubos na maintindihan ang right procedure needed to be done to your birds at ang tamang hakbang na dapat gawin sa paligid at facilities na pinamumugaran ng RED MITES.

jlbs72
September 27th, 2006, 11:02 PM
doc,

akakatulong po ba yung calcium lactate tablet o paghahalo ng cecical powder kung bibigyan ang mga breeders para maiwaan itong defieciency na ganito ?

tjtcokngacademy
September 30th, 2006, 09:28 PM
Calcium is a mineral that breeders also need. But the problem you have is curl toe paralysis and this is a sign of B Complex deficiency---to be more specific, B2 which is Riboflavin........Therefore, you have to prepare your breeders by providing them with adequate nutrition, vitamins and minerals in order for them to produce quality offsprings.

labuy
October 3rd, 2006, 07:52 PM
doc ano po ba masamang epekto pag sobra sa dog food binibigay ko sa mga lugon kong manokis

labuy
October 3rd, 2006, 07:57 PM
doc nagtataka lang ako. nabsa ko na mga posts dito since the start. parang nawala yung marami. natira na lang ang mga huli. sayang naman. me gusto pa naman akong basahin uli.

thank you po

TINIGBAN-1
October 3rd, 2006, 11:58 PM
Dr. TJT

maitanong ko lang kasi wala na ang rubramin at yan ang nakasulat sa iyong libro. ngayon ang tanong ko ganito halimbawa meron akong b12 5000 microgram/10 cc. susundin ko parin ba ang 0.3cc, 0.5cc, 0.5cc at 0.5cc (4, 7, 11, 17 day for 21 days keep). Paano ba ang tamang pag-kwenta kung ilang cc ang dapat ibigay.

maraming salamat doc. sana makadalo ako sa inyong seminar. next year pa ang uwi ko.

Tinigban

cbm80n6
October 4th, 2006, 06:51 AM
doc, ask ko lang kung ano pwede gamitin pang delouse ng manok, kung hindi ito paliliguan? at tanong ko na rin, ano po ba makakaganda sa manok kung ilang araw dapat siya paliguan bago ilaban? thanks doc!!!

Rolei
October 4th, 2006, 01:46 PM
Dok Ted,
Rubramin is not available in Mercury drug daw, where can we buy the product? Thnx.

tjtcokngacademy
October 4th, 2006, 09:12 PM
TINIGBAN-1
Rolei

I am sending you a PM.

Rolei
October 4th, 2006, 09:59 PM
Thnx a million Dok Ted.

tjtcokngacademy
October 5th, 2006, 04:39 AM
You can use GAMMA TALC POWDER thru dusting. Another procedure is to dilute the liquid insecticidal shampoo in a sprayer (dispenser) and apply it thru spraying. Maiiwasan mo na madilaan nila ang toxic na chemical na sangkap ng insecticidal shampoo. Delousing them should be done at the start of the keep.

tjtcokngacademy
October 5th, 2006, 04:57 AM
Magandang supplement during moulting ang dog food pero may posibilidad na bumigat sila at magka-sapola pag nasobrahan ang pagbigay mo. Pinaka safe na magbigay ng at least, 1 tbsp per head, twice a week. Remember to monitor their weights regularly, in order for you to know when to stop.

cbm80n6
October 5th, 2006, 07:46 AM
doc, salamat po!

g-ayo
October 6th, 2006, 02:27 PM
ano sa palagay nyo ang dahilan ng pag-giri ng manok? maiiwasan din ba to? at paano?

kadalasan kasi ang gumiri ang unang natatamaan at nasusugatan.pero hindi naman lahat ng gumiri ay natalo, meron din namang nananalo.

tatodupaya
October 6th, 2006, 03:17 PM
May email ako sayo Doc. :)

lon051500
October 6th, 2006, 06:01 PM
Doc gud Day po bumili po ako cd niu last year pa ano b pwede ipalit sa rubramin????

BUTAS_Team
October 6th, 2006, 07:52 PM
Doctor Teddy,
Tanong ko po mula sa inyo kung pwede ba paghaluin ang gamot na " Coforta " at B12 injectable?
Basi po ba sa experienced nyo o personal nyo na gamit anong pinakamagandang gamot ang gamit nyo during precon at paano nyo ito gagamitin.
Last na tanong, sa loob ng 21 day keep kailangan pa ba paliguan o basain ng normal na tubig o gagamitan pa rin ng pang delouse.

Salamat na Marami Doctor!

P.S. San ako pwede makabili ng VCD at Book mo at paano makarating doon kapag galing ng Cavite city.

tjtcokngacademy
October 7th, 2006, 02:49 PM
Ang COFORTA at B12 injectable ay maaring paghaluin dahil to ay parehong 'stable substance'. Coforta already has B12. Therefore, when you mix them, you are just adding B12 to your mixture. Is this what you want??? Remember B12 is a water soluble vitamin & given in excess it will only be passed through their droppings.
Given the chance to chose between 'maligo sa tubig' o 'maligo sa lupa', ang natural instinct ng manok ay ‘maligo sa lupa’. The dust bath completes their sense of well being!
You may avail of my book and video directly through me. The book is P400 & the video (2 CDs) is P750. If you are in the Philippines, these can be sent to you via LBC for an additional P100. There are 2 ways to remit your payment. One is through on line to BPI Del Monte Branch Q.C. to Savings Account Number 3243-0166-13 with the Account Name Dr. Teddy Tanchanco.Another way is through LBC Peso Pak. Send your payment to Dr. Teddy Tanchanco and the address is 26 Pasian St. Talayan Village Q.C. I will need your complete name, address and cellphone number to send the package which will be sent to you 2 days upon receiving your payment. Please inform me as soon as you have made the transaction. My numbers are +639209506492 or +639165742427 and my email address is docteddytanchanco@yahoo.com

http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/bookvideo.jpg

chopeps
October 7th, 2006, 09:26 PM
doc,

tinatamaan ba ng arthritis ang manok panabong? kung oo, anung pagkain ang dapat iwasan?

salamat

fremacun
October 8th, 2006, 05:18 AM
doc TJT,
Regards doc ,kumusta na rin kay Dexter magttnong laang ako sa inyo doc wala ako ngayan dyan sa Pinas dahil sa may mga ssiw raw ako na nagluluha ang mata sabi ng taga pag-alaga ko,off-season breeding doc yang mga ssiw nayanpisa ng paggraduate ko sa academy-Batch 9 per malulusog daw namang lahat kaya nga lamang ay nang maguulan ay may 2 nga naluha ang mata
kay ,ineed your advice. more power saiyong Academy
fremacun (batch 9)

RenDel
October 8th, 2006, 03:14 PM
Magandang araw Doc Ted,

May katanungan lang ako tungkol sa bacterial flusing.
Kailangan bang ikulong ang mga manok kung mag bacterial flushing? O puweding sa tepee lang sila. At ano ang pinakamainam na oras magbigay ng gamot for bacterial flushing? Sa umaga ba o sa gabi.


Maraming salamat po.



Rene

Camarines
October 8th, 2006, 09:06 PM
--------------------------------------------------------------------------------
Weights and Measures
--------------------------------------------------------------------------------
Apothecaries Equivalents

1 milligram (mg) = 1/60 grain
1 gram (g) = 15 grains
1 kilogram (kg) = 2.20 pounds
1 milliliter (ml) = 15 minims

1 grain (gr) = 60 milligram (mg)
1 ounce (oz) = 30 grams (g)
1 minim (drop) = 0.06 milliliters (ml)
1 fluid ounce = 30 milliliters (ml)
1 milliliter (ml) = 20 drops or 1 cc.
1 pint (pt) = 500 milliliters (ml)
1 quart (qt) = 1000 milliliters (ml)
1 gallon (gal) = 4000 milliliters (ml)

Household Measures

1 drop (minim) = 1/20 milliliter (ml)
1 teaspoon = 5 milliliters (ml)
2 teaspoons = 15 ml or one tablespoon
2 tablespoons = 30 ml or one ounce
1 cup = 250 milliliters

Taken from the booklet "Nutrition in a Nutshell" by Breco

BUTAS_Team
October 9th, 2006, 07:02 AM
Doc Ted,
fish meal or meat or bone meal -- ano po ang hitsura nito at saan pwede makabili?
Red rice --- Saan nito makabili?

Sa Precon pagwalang fish meal or meat or bone meal at red rice ano pwede ang ipalit dito? pls advise Doctor.

tjtcokngacademy
October 9th, 2006, 09:14 AM
Sa opinyon ko, may kinalaman ang 'environmental factors' sa pagdevelop ng pag-giri ng manok. Dapat natin alalahanin na ang manok ay 'territorial bird'. Kapag malapit ang distansya sa pagitan ng kanilang pagkakulong o pagtali, nawawala ang kanilang pagka agresibo! Ang pag-giri ay one sign that the rooster is losing his aggressiveness. Habang mas malawak ang kanilang pinoprotektahan na teritoryo their aggressiveness is enhanced.

wickedfr0g
October 9th, 2006, 09:20 AM
Boss Doc ted- yung VCD nyo po sir.. english at tagalog po ba?
magandang pang gift sa mga igan kung kano..
thanks..

tjtcokngacademy
October 9th, 2006, 11:39 AM
Kung nagluluha ang mata ng sisiw, imposibleng eye worm iyan...Ito ay maaring case ng 'conjunctivitis'.........Apply terracortril eye ointment (na pang tao) twice a day. Siguraduhin na huwag ilapag sa lupa ang mga sisiw para walang didikit na dumi sa mata dahil sa ito ay may ointment. Ang gagamiting panglinis ng mata ay 'saline solution'.........You can call me for clearer instructions.

tjtcokngacademy
October 9th, 2006, 11:42 AM
Its not necessary na ikulong sila....The best time mag bacterial flushing ay pagkatapos nila kumain sa hapon.

tatodupaya
October 9th, 2006, 12:43 PM
Doc, pasingit lang ha for a little announcement?

A Registry of Stolen Gamefowls had been opened in this site for our use. So take mugshots of your fowls now gentlemen, preferably side view and a close up of its shanks, sort of finger print. other details may be found here.

http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&threadid=34030

Atin ito. Gamitin po natin ng maayos.

Now back to our good doctor. :)

Thanks.

BUTAS_Team
October 9th, 2006, 02:00 PM
Pls pakisagot naman doc ng tanong ko.
Salamat

tjtcokngacademy
October 9th, 2006, 03:35 PM
Maraming salamat sa iyong adhikain.

Camarines
Thank you for sharing this information with us!

tjtcokngacademy
October 9th, 2006, 03:39 PM
There is no evidence to conclude that nutrition has anything to do with the occurrence of arthritis in chickens. Arthritis-synovitis is a septicemic staphylococcal infection that localizes in the joints and the tendon sheaths. It is most prevalent between 9-16 weeks of age. There are many causes but the main cause is injury to the tendon and ligament which predisposes them to staphylococcal infection. Thorns and other foot injuries, as well as mosquitoes, can also lead to infection with staphylococci. The effect of arthritis on birds is that they become lame and are reluctant to move.
Kindly post a picture of your rooster showing a close up of the shank for proper diagnosis.

tjtcokngacademy
October 9th, 2006, 03:43 PM
The book is written in English while the vcd is in Taglish.

tjtcokngacademy
October 9th, 2006, 03:54 PM
Fish meal/meat or bone meal(powdered from) are available by the kilo in large poultry supplies like Progressive & FarmBreed.
Red rice is upland rice(unpolished rice). If there is none available, then you can do without it. Just stick to the conditioning feed mixture found in the book.

rl123
October 9th, 2006, 04:17 PM
doc..tjt ano po ang content ng VCD at BOOKS nyo.. pareho po ba ang content??

BUTAS_Team
October 9th, 2006, 06:09 PM
Doctor,
Sa anong number kayo pwede tawagan landline at mobile kung pwede.Mag order kasi ako ng Book and VCD mula sa inyo.

Salamat.

fremacun
October 10th, 2006, 11:51 AM
doc
thanks sa sagot mo doc atittwag ko na ito sa tagapag alaga ko nalimutan ko kasi ang mga notes ko ng umalis ako anyhow thanks sa iyo doc more power toyou and your academy
fremacun

ushuaia
October 10th, 2006, 04:24 PM
doc ted what injectable vit ADE would you strongly recommend? may i also know the proper administration and dosage.

plm_eng
October 11th, 2006, 03:47 AM
doc ted

meron po akong inahin 1.5 yrs old na ayaw mangitlog na namate ko na sa 2 broodcock. Halos lahat ng paraan ay nagawa ko na , especially sa mga supplement vitamins ,purga, magandang patuka at kalinisan ng kanyang kapaligiran. May kulang pa po ba ako na dapat kong gawin para mangitlog ang aking inahin? May sadyang lahi po ba ng manok na hindi itlogin ?

yashku
October 11th, 2006, 09:50 AM
good am dok!

anung nangyari sa kabila dok? my hinahanp sana kc akong na post mong reply sa isang querry...anyway, ask ko lang dok anu bang meron tayo dito sa pinas na gamot pampatangkad sa manok..mga 2 months old pa lang ung mga alaga ko nakikitaan ko na kc nang pagka pandak....

tnx dok and more power!!!!:)

tjtcokngacademy
October 11th, 2006, 07:12 PM
Tried sending you a PM a few times but your mailbox is full. My numbers are +639209506492 or +639165742427

fremacun
Tulad ng sinabi ko noon. Habang buhay akong nakahandang tumulong sa mga graduates ng Academy.

tjtcokngacademy
October 11th, 2006, 07:16 PM
"Fat hens don't lay!"........ Please check kung may sapola ang iyong mga inahin. Maaring alagang alaga mo sila at tumaba ng husto.

jhun [klasmeyt]
October 11th, 2006, 10:04 PM
Good Pm Doc.TJT,

sir naka buy na po ako ng books nyo 2 years ago.
Ask ko lang po the follwing:

1.kung possible magpadeliver ng vcd dito sa UAE?

2. sir ano po ba ang alternative ng jectofer Ampules & Vet rex.?

3. Kung pwede po makahingi rin ng copy ng 14 days keep nyo with medication program?

4. lastly If you have seminar program this coming december?
________________
Thank you in advance!!!

sir sana mag publish din kayo ng book regarding breeding program at medical book sa cocks!

tjtcokngacademy
October 12th, 2006, 06:45 AM
The book and vcd are all about Gamecock conditioning. They are supplemental to each other. The book has my 21 Day Keep including medication, nutrition, training up to pointing. There are certain things that are best explained through actual demo and this is what you will find in the video as well as a lot of tips that will help you during fight day.

tjtcokngacademy
October 12th, 2006, 07:47 AM
Duphafral multi injection contains vitamin A, D & E. You may inject .5cc intramuscularly twice a month for 3 consecutive months. It is best to give this prior to the breeding season. You can start administering it this month(Oct) and end it by late December.
I would like to invite you to join the Academy this coming November 9, 10 & 11. For more details, you may contact Dexter Guce at 09183067589 or you can email us at tjtcockingacademy@yahoo.com.

ol-ol-paol
October 12th, 2006, 10:33 AM
doc ted, ano bang dahilan nitong baby stag ko pictured below na sakang yong legs nya kung mag lakad mahalata mo talaga sa joint ng thigh/leg nya parang maluwag hinde naman grabe pero visible talaga...meron bang gamot nito to correct this problem, have heard about given him some calcium lactate but would like to ask your professional advice...sana doc meron kang mga ideas on what to do and anong medication , may pagasa pa kaha ito na ma korekted kahit konti..salamat

https://home.comcast.net/~jethblue/a5.jpg

rl123
October 12th, 2006, 11:35 AM
doc TJT... thank you very much MORE POWER po sa inyo...

arch_adonis_rmp
October 12th, 2006, 03:15 PM
good day doc ted!
i couldn't find your other thread. good thing, i found this.

just want to ask something again doc. it's about my broodpullet. After the typhoon Milenyo she caught respiratory problems, i guess. she had swollen cheeks and mucus are comign out from her nose. I treated her for a week with CHICKBIOTIC of AgriChem ata iyon daily for first 5 days. on the 2nd day, sinamahan ko pa ng Baxidil. It made the swoolen cheeks back to normal but there's still the mucus. on the 6th and 7th day, i gave her Chlorampahenicol. i observed for two days, andun pa rin yung sipon. what do i do po doc? thanks!

arch_adonis_rmp
October 12th, 2006, 03:15 PM
good day doc ted!
i couldn't find your other thread. good thing, i found this.

just want to ask something again doc. it's about my broodpullet. After the typhoon Milenyo she caught respiratory problems, i guess. she had swollen cheeks and mucus are comign out from her nose. I treated her for a week with CHICKBIOTIC of AgriChem ata iyon daily for first 5 days. on the 2nd day, sinamahan ko pa ng Baxidil. It made the swoolen cheeks back to normal but there's still the mucus. on the 6th and 7th day, i gave her Chlorampahenicol. i observed for two days, andun pa rin yung sipon. what do i do po doc? thanks!

tjtcokngacademy
October 12th, 2006, 04:12 PM
You may give Forza Animale or Cherifer Syrup. Just follow the manufacturer's directions on how to use it.

yashku
labuy
arch_adonis_rmp

There are a lot of readers who have been looking for my thread in Chicken Talk. I would like you to know that I intentionally erased it because it was already too long and redundant. Some questions were being asked over & over again and I felt like it was dragging.
The good news is I am in the process of completing the sequel to my book On Gamecock Conditioning. This second book will cover all aspects from brooding to cording. Watch out for it!

tjtcokngacademy
October 12th, 2006, 04:20 PM
1. Yes, its possible to send the vcd to U.A.E.
2. Ang alternative ng Jectofer Ampoule is Jectran Premium. Ito ay mabibili sa mga malalaking Poultry supply tulad ng Progressive at FarmBreed. Meron din silang VetRx dito.
3. Sundin mo ang aking 21 Day Keep. It is much better than the 14 Day Keep which I wrote many years ago.
4. Ang schedule for December ay December 7, 8 & 9.
See you in the Academy!

jhun [klasmeyt]
October 12th, 2006, 08:51 PM
Good Pm Doc TJT,

Sir thank u po sa inyong response. I will try to change may vacation first week of december to attend your seminar.
If not I will continue ordering that vcd .

Thak u once again!!!!!

tjtcokngacademy
October 14th, 2006, 03:19 AM
To answer your query, kailangan kong malaman kung paano mo pinalaki ang iyong stag.........Siya ba ay kinulong/caged or binigyan ng freedom to be on the range? Did he have access to carabao grass? What kind of soil was he on? Siya ba ay naarawan?...Remember that nutrition plays an important role and supplementation with vitamins & minerals is essential to maintain good blood circulation as well as proper bone development.
Malinaw sa larawan na pinadala mo na siya ay nanghihina. He is a little dehydrated, as shown by his pale face and sunken cheeks. These are indications that he is in poor health........It is possible that he has malabsorption problem..Calcium Lactate can help, but in my opinioin, it is better to rear them RIGHT .........Please call me as this requires, a lengthy discussion. My numbers are posted in this thread.

ol-ol-paol
October 14th, 2006, 03:57 AM
salamat po doc ted, will try to contact you so that i can give you the full backgrounder of this stag; maraming salamat doc

tjtcokngacademy
October 15th, 2006, 02:44 AM
NOSE Flushing should have been done together with the oral antibiotic treatment. When veterinary medicines are ineffective, I usually use human preparation drugs. I suggest, you shift to an injectable form since it is more potent but you need to adjust the dosage according to her age, weight and physical state. You may call me regarding this matter. This may sound too technical but, bringing your bird to a diagnostic laboratory for sensitivity testing will help you to identify, the "drug of choice."

cocker122563
October 15th, 2006, 07:50 AM
doc, i asked this question to you sa 'chicken talk' version mo ng "tips of tjt" pero binura mo na pala ang thread na yun. anyway, gusto ko sanang itanong kung may pag-asa pa ba itong 7 month old stag ko na maka-recover sa pagkapilay niya?

ibinitaw ko kasi siya at age 6 months to a stag his age then a day after, napansin ko na pilay na ang kanang paa niya. upon closer inspection, napansin ko rin na may bumukol na buto sa likod niya (ito yata yung hip-joint connecting his leg to his hip). its been over a month now and he's still favoring his right leg. i tried massaging and pulling the leg just to return it to its former location if indeed its dislocated to no avail.

what do you think i should do? mailalaban ko pa kaya siya in the future? any feedbacks would be highly appreciated.

tjtcokngacademy
October 15th, 2006, 08:37 AM
http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/TJTgreenad.jpg

tjtcokngacademy
October 15th, 2006, 04:41 PM
Here are some pointers to make him recover;
1. Be sure not to spar him for the next 3 months.
2. Put him in a pen, similar to a running pen, with no roosters within 10 ft away. This will allow him to relax and move around freely at his own pace.
3. Provide a low roost (2ft high) with a lot of grass for good cushioning.
4. Have oyster shell grits available in a clay pot, at all times. This is the natural source of calcium.
Dealing with this problem, needs a lot of patience on your part........and in time, he will recover.

tjtcokngacademy
October 16th, 2006, 06:52 AM
http://i24.photobucket.com/albums/c3/ireneafit/batch11tari.jpg

Amador Antolin came all the way from Guam, to share his expertise on the art of tying the knife using the leather boot. This is his second time to be the gaffing instructor for the Academy. Amador is also a gaff maker in Guam.

cocker122563
October 16th, 2006, 07:21 AM
thanks so much doc ted for the prompt reply.

more power to you.

hammertime
October 16th, 2006, 04:48 PM
Doc,tanong ko po kung marek ang tumama dito sa pullet ko?Salamat...

http://s20.photobucket.com/albums/b239/poypoy2/?action=view&current=09172006006.flv&refPage=&imgAnch=imgAnch2

kickcut44
October 16th, 2006, 05:53 PM
Doc Ted:

nabasa ko sa post niyo before, na yun luga sa tenga ng manok ay gagaling sa pamamagitan ng paginom ng Chloromycetin for three consecutive days. Ginawa ko po yun sa Broodcock ko pero ganun pa rin. Tanong ko lang po sa katandaan ng manok ba dapat dagdagan ang dose? gawin 500mg? Salamat sa mga tulong niyo.

More power!!!

tatodupaya
October 16th, 2006, 06:10 PM
Teka, ginagamot ba luga o tinatanggal?

Hi Doc. :)

bak_dat_ass_up
October 16th, 2006, 06:17 PM
good day doc,
may posibilidad po ba na ang isang viral infection na mula sa tao ay makahawa sa ibang tao na dadaan sa manok???
kung may posilidad po, ano po ba ang mga halimbawa ng mga sakit na ito?
salamat po at more power.

sadik jr
October 17th, 2006, 10:22 AM
doc teddy

puwede bang gamitin sa manok para supplement yung B complex na ginagamit sa kambing ,kabayo,at swine.

tanong lang doc ,nag taka kasi ako kung bumili kanang injectable katulad ng B12 o B complex ay nag kaka iba ang prisyo kung sa game fowl bumili ,kay sa doon ka bumili sa mga bakahan o kambingan o kabayohan na tindahan. na ang content nila ay hindi nag kakaiba.

because of the fighting cock is know just for luxury and swine and cattle just for breeding.

I am so confuse of it

I really know ,you might be able to answer this question.

thank you doc teddy

tatodupaya
October 17th, 2006, 11:58 AM
:)

sadik jr
October 18th, 2006, 09:38 AM
doc teddy

we will appreciate your answer
regarding different price both B12 and B complex but the same content, for fighting cock and for swine ,cattle,horse.

kulkogexpert
October 18th, 2006, 11:00 AM
Doc teddy, i have a stag right now that has a swollen face, yesterday he was still fine but not until today that i have noticed upon feeding his face has swollen (wattles and up about in the cheek area..only 1 side/ right face). what do you think happened doc? is this a sickness/virus/coryza or has he beaten up with some insects? wala namang signs of colds , what is the best medication for this problem & your tips/advice on how to eradicate this problem? have given amoxcillin caps as of today ...thanks in advance.

Actual picture below:




https://home.comcast.net/~jethblue/077.jpg

tatodupaya
October 18th, 2006, 12:44 PM
Possibly coryza. Post a picture of her repaks. Doc would appreciate that.:)

kulkogexpert
October 18th, 2006, 01:23 PM
tatodupaya:
actual picture is now posted, sana naman hinde ito coryza pare...

cbm80n6
October 19th, 2006, 07:16 AM
hindi ba buni yan? :confused:

tjtcokngacademy
October 19th, 2006, 03:37 PM
Tama si tatodupaya, kailangan tanggalin mo muna ang luga(cerumen) by putting an otic solution. Chloromycetin is given to treat secondary bacterial infection.

tjtcokngacademy
October 19th, 2006, 03:45 PM
Tawagan mo ako sa 09209506492 or 09165742427.

sadik jr.

If you're talking about using it as a supplement or for maintenence, pwede mo itong gamitin sa iyong manok. Pero kung iyon ang gagamitin mo sa pagkondisyon, I suggest you use the best B12 (Crystalline Cyanocobalamin) available in the market because not all B12 are the same.

tjtcokngacademy
October 20th, 2006, 10:02 AM
Based on the clear picture you posted, there is a strong possibility that it is a case of Fowl Cholera. Let me give you some confirmatory signs for you to have a better assessment of his condition……..Chickens affected with fowl cholera will drink more water and eat less feed. As the disease progresses…….. the birds lose weight, can become lame in 1 or both legs, head may turn blue, their face & wattles can swell up and be hot to touch. They can develop a throat rattle and have difficulty breathing. You will also observe profuse greenish yellow white diarrhea. Liver will be enlarged having a cooked appearance with small grey white spots. Yellow pieces of yolk material may be found in the abdominal cavity………Fowl Cholera is caused by a bacteria pasteurella multocida. This kind of disease, is sensitive to penicillin, tetracycline & gentamycin. But you have to understand, that giving oral medication might be futile because their digestive system might not be able to absorb the medication effectively. I suggest you use the injectable form to have an immediate effect. Kindly call me at 09209506492 or 09165742427 for the right procedure.

kulkogexpert
October 20th, 2006, 11:30 AM
Doc Teddy, some of the symptoms that you have pointed out was positive face & wattles swelled up , and his face was really darn "HOT" that day, have already given him a theraphy of oral penicillin antibiotic medication for about 4 days now & will end tommorow...during the second day of the medication there was a dramatic improvement of his swelling , kumakain na not like 2 days ago palaging tubig lang ang ini-inom and your right about your diagnosis...have given him shots of gallimycin and water soluble sulfadimethoxine for his drinking, sana malampasan niya itong virus na ito...may follow up question lang ako doc, ito ba ay hinde na maaring gamitin natin sya sa breeding in the future cause he was hit by this virus at a younger age? salamat po doc