PDA

View Full Version : tungkol kay patrick puno


honda
June 30th, 2003, 04:30 PM
meron akong kaibigan na nakapanood minsan ng i-feature ng tukaan si mr.patrick puno ng dominator farm sa tv. sa interview daw, sinabi ni PP na hindi daw niya basta ibinibigay o ibinebenta ang manok niya, lalo na ang mga aces niya, dun sa mga taong sa tingin niya ay hindi mabibigyan ng magandang atensiyon ang manok na binibili sa kanya.

katuwiran daw, pangalan niya ang nakataya sa anumang resulta na mangyayari sa manok na nanggaling sa kanya. totoo ba ito?

steben_cgal
June 30th, 2003, 04:37 PM
hmmmmm.......:confused:

tanong mo kay idol bxu yan????:D

jude
June 30th, 2003, 05:59 PM
i think napanood ko din iyon. tila sinabi nga niya iyon. kaya nga siguro hindi ako makabili sa kanya ng manok:lol: he he he.

MOYZKI
June 30th, 2003, 09:46 PM
PRE, HALOS LAHAT NG BROODFOWL KO AY KAY PATRICK PUNO KO KINUKUHA. SA PALAGAY KO AY OK NAMAN SIYA KAUSAP. MABAIT, AT ALAM NYA ANG BINEBENTA NYA. NAPANOOD KO RIN YANG SINASABI NYO, BEFORE. SA TINGIN KO KUNG MAKAKAPAG BAYAD KA SA KANYA NG 35K PER TRIO AY TALAGANG AALAGAAN MO ITO:rbounce:

rollyramos
June 30th, 2003, 09:57 PM
yung isang kaibigan nag reklamo di daw maganda pag trato sa kanya kayo na mag tanong kung paano, cel# 09164869733 joel.

hatchclaret
July 1st, 2003, 08:01 AM
mga kabayan , buti pa si mr puno ay nag hahayad ng katotohanan sa atin sport ika nga SAMANG TAPAT SAMANG MALUWAT ayun ako sa ganyan prinsipyu .nag sasabi ng totoo sa mga sa kanyang palahi,, ayaw niya mang loko ng tao , hundred ang breeder diyan na pag pipilian . yun iba diyan ay nag iinbentu ng lahi promoting thier popular breed . ang isda ay sa kanyang bibig nahuhuli ,, ganyan din ang tao . di ko siya kilala

hatchclaret
July 1st, 2003, 08:01 AM
mga kabayan , buti pa si mr puno ay nag hahayad ng katotohanan sa atin sport ika nga SAMANG TAPAT SAMANG MALUWAT ayun ako sa ganyan prinsipyu .nag sasabi ng totoo sa mga sa kanyang palahi,, ayaw niya mang loko ng tao , hundred ang breeder diyan na pag pipilian . yun iba diyan ay nag iinbentu ng lahi promoting thier popular breed . ang isda ay sa kanyang bibig nahuhuli ,, ganyan din ang tao . di ko siya kilala

hatchclaret
July 1st, 2003, 08:01 AM
mga kabayan , buti pa si mr puno ay nag hahayad ng katotohanan sa atin sport ika nga SAMANG TAPAT SAMANG MALUWAT ayun ako sa ganyan prinsipyu .nag sasabi ng totoo sa mga sa kanyang palahi,, ayaw niya mang loko ng tao , hundred ang breeder diyan na pag pipilian . yun iba diyan ay nag iinbentu ng lahi promoting thier popular breed . ang isda ay sa kanyang bibig nahuhuli ,, ganyan din ang tao . di ko siya kilala

hatchclaret
July 1st, 2003, 08:01 AM
mga kabayan , buti pa si mr puno ay nag hahayad ng katotohanan sa atin sport ika nga SAMANG TAPAT SAMANG MALUWAT ayun ako sa ganyan prinsipyu .nag sasabi ng totoo sa mga sa kanyang palahi,, ayaw niya mang loko ng tao , hundred ang breeder diyan na pag pipilian . yun iba diyan ay nag iinbentu ng lahi promoting thier popular breed . ang isda ay sa kanyang bibig nahuhuli ,, ganyan din ang tao . di ko siya kilala

hatchclaret
July 1st, 2003, 08:05 AM
sorry sa reply ko nag multiple reply na stuck

jab8miel21
July 1st, 2003, 01:26 PM
kakmeyts,
Kilalanin n'yo ang taong pinagkukunan ng materiales baka masayang lang ang oras at pera. Sa totoo lang kaya ninanakawan ang mga bigtime breeder ay mahal at di totoo ang ibinebenta kaya kung small time ka lang wala kang kwenta at kung bigtime ka i mean may pera ka wala ka pa ring kwenta sa kanila i mean aces di nila ibinibigay. Sabi lang ng iba na ok ang mga nakuha nila but actually ayaw lang mapahiya sa kaibigan/kakilala di ba? The best is to befriend those working inside and get some tips how their boss keep their aces and the markings of the aces and where they put the aces i mean the particular area inside the farm if possible give them some pabaon konting lagay para magsabi ng totoo. Idea ko lang yan.
Clever lang ako kaya naiisip ko yan. Sa mga samahang ilocano walang lokohan puro totoo. Just try it i will help you. my no. 006327233007 call me 15july

beng

rollyramos
July 1st, 2003, 02:00 PM
walang honest breeder..... o tapat na manlalahing bigtime ,,,,,na sumasali sa mabibigat na labanan na kung saan ay dinadala ng kanyang manok ang pangalan nya.BAKIT? HINDI SILA MGA TANGA NA IBIBIGAY O IBEBENTA ANG MGA MANOK NA TATALO SA KANILA.ubod sila ng tatalino kaya lahat ng pinakamaiinam ay para lang sa kanila at ang mga napag pilian ang syang pambenta upang makabawi sa mga gastusin.

BOBO ang breeder na mag kukunwari na mag sasabing lahat ng magagaling nya ay kanyang inilalabas o binebenta, at ang mga napag pilian at mga tira ang sya niyang inilalaban at nag chachampion pa,kalokohan ito dahil kung iisipin na ang mga napag pilian na naiwan sa breeder ay nag cha champion e ano na lalo ang nangyari sa mga nakakuha ng mas maiinam,

heto ang totoo lahat ng mainam kabit sa pangalan ng breeder at lahat ng napag pilian kahit kanino na mapunta.lalo na kung ang breeder ay aktibong nag lalaban , imposibleng mag labas ng tatalo sa kanya yan , kung may isip ang breeder pero kung wala baka nga inaalis nya pinakamainam at ang inilalaban nya ay iyon mga pinag pilian.

ito tapatan mga kaibigan kung halimbawa na may iniingatan kang pangalan dahil sikat ka sa pag lalaban sa malalaking derby at sabay nag bebenta ka ng panabong, ibebenta mo ba ang alam mong tatalo sa yo o papayag ka bang pipili ang bibile at ang mga napag iwanan ang sya mong ipangangalandakan na pinakamagagaling mo. syempre kung BOBO ka pwede, pero kung may isip ka natural sayo ang pinaka mainam para lalo kang sumikat.at ang napag pilian mo ang syang makukuha ng bibile.

naniniwala ako sa mga breeder na hindi gaanong nag lalaban na maaari kang makakuha ng pinakamainam nya .kesa sa mga breeder na lagi ay kasali sa malakihang labanan.:hippie:

james54
July 1st, 2003, 02:36 PM
agree ako sa paliwanag ni kaibigan rolly.....para sa katulad kong beginners it is ver safe to aquire stock to the legitimate breeder than breeder-player of this sport......in fairness sa ibang truly honest to others....napaguusapan lang po at kani kaniyang pananaw lang po ang kanilang naipapahayag......mabuhay.....

swallow
July 1st, 2003, 02:47 PM
Bilib ako dyan ke Patrick Puno, kasi minsan niyang sinabi na "lahat ng manok ko eh binebenta ko, its just a matter of price". Yan ang gusto mo kunan ng manok yung tipong kapag me pera ka at kursunada mo yung manok mauuwi mo, hindi gaya ng iba na me area para sa mga pambenta at pangtago. Gusto ko din yung point niya na hindi niya basta binebentahan ang tao kung di mabibigyan ng magandang atensyon manok niya. tama yun kasi kung me isang tao na madami ang kinuha sa yo pero puro saksak ng kung anu-anong gamot sa manok na nakakasira na pala sa manok mo, to the point na puro talo ang kinalabasan, eh masisira pangalan mo dahil kakalat yan na bulok manok mo, mahusay sa bitaw, talo sa gradas.

Kidd Sentencia
July 1st, 2003, 04:04 PM
Yang mga sinabi ni Mang Rolly eh ganyan dapat ang basic na andar ng paniniwala ng isang buyer. Tapos eh kanya-kanya ng evaluation ng kung sinong breeder ang matatapatan mo. Kahit ganuon pa man, ang mga breeder eh iba-iba rin kung tumuring ng customer. May mga kaibigan din yan, may mga nakakagaanan ng loob na bagong mukha, at meron namang medyo nasamaan ang timpla eh siempre alat lang nuon.

Kidd

Desert Dust
July 2nd, 2003, 02:49 AM
Sino sa palagay ninyo ang pwedeng bilhan ng trio, katulad ko hangang ngayon nag-iisip pa rin kung dito sa U.S. o sa pilipinas ako bibile, puwedeng bang magbigay kayo ng mga pangalan na puwedeng pagkuhanan sa mga lines na ito at sana mga bandang luzon lang, malayo kasi ang visaya.

1. Sweater
2. Lemon
3. Gray

DD

MOYZKI
July 2nd, 2003, 04:06 AM
Pre, sa palagay ko ang bagbili ng gagawing materyales ay naka dipende din iyon sa budget mo. Tama din ang mga kasamahan natin, na hindi kumo 35k ang trio mo ay magagaling ang magiging paanak. Piliin mo rin ang pagkukunan mo, dahil kadalasan talaga lalu na kung naglalaban ang bigtime na kukunan mo ay bigyan ka ng hindi maganda. Pinaka maganda siguro ay kaibiganin mo sila upang malaman mo kung ano ang talagang materyales nila. Pwede ka rin bumili sa makakapag katiwalaan na small time breeders, marami na rin kasi kahit small time ay big time ang alagang manok. Kalimitan kasi sa mga bigtime breeders, ang pangalan nila ang binibili mo kaya talagang mahal..........:rbounce:

SALVAJE
July 2nd, 2003, 04:10 AM
Mga kaibigan,

Kakilala ko si Patrick at kung bibili ka sa kanya, ay talagang makukuha mo ang gusto mo. Yun nga lang ay dapat lang na handa kang bumayad ng presyo niya. Ganoon din sa ibang magpapalahi. Kung makikipag-usap ka ng maayos at ibibigay mo ang presyo nila, dapat lang na makuha mo ang gusto mo, dahil bumabayad ka. Kung talagang hindi ipagbibili sa iyo ang napili mo, eh dapat sigurong huwag ka na lang bumili sa kanila at maghanap ng ibang breeder.

Tama rin ang sinabi ni RR na talagang ang ibang breeder na malaki ay nagtatago ng manok. Kaya nga nagpalahi ang mga ito ay para sa kanila ang unang pili ika nga. Pero hindi naman ibig sabihin na puro bulok na ang natitira. May kanya-kanyang kategorya ng pagpili ang bawat mananabong. Ang magaling kay Juan ay pwedeng ordinaryo para kay Pedro.

Paunawa lang sa mga baguhan, dapat lang magsimula sa magandang mga materyales. Huwag kayaong magtitipid sa pagbili ng mga "breeding stocks" ninyo sapagkat hindi lang pera ang mauubos sa inyo kung magkakamali kayo dito. Ang panahon na uubusin sa mga hindi mag "nick" na palahi ay hindi mo na maibabalik. Dapat ay alamin ninyo ang gusto ninyo sa manok at doon kayo bumili sa mga taong nakursunadahan ninyo.

Salvaje

malalim
July 2nd, 2003, 04:39 AM
Ngayon mga 'igan gumaganda ang usapan natin...naging mas mainam ang mga kuro-kuro...

Eto ay sarili kong experience...kaya pasensya na kayo kasi medyo mahaba at gusto kong maipaliwanag ng husto and aking opinyon...

Nakabili na ako sa big time at small time...nabigyan na rin ako ng manok dahil sa magandang samahan...

Kung sa pagbili ng panlaban o panlahi naman ang usapan ang mas importanteng dapat sagutin ay sapat na ba ang ating kaalaman sa pagpili ng manok? ano ano ba ang dapat nating tingnan pag tayo ay bumibili?

Ang performance ng manok ay mas importante kesa sa pangalan ng breeder......

Ngayon ang performance ay base sa iyong standard. Ito ang isa sa pinaka-importanteng bagay sa mga baguhan, kailangan meron kang standard na hinahanap.

Itong standard na ito ay nagbabago depende sa mga dagdag kaalaman na iyong napupulot sa pagsasabong.

Nakaranas na akong pumunta sa isang big-time farm at humindi sa mga inaalok sa akin dahil ito ay hindi tumama sa aking standard. Kesa sa mawala ang negosyo, inalok ako ng breeder sa ibang batch kung saan nakapili ako na tama sa aking standard at budget.

Eto ay nangyayari rin sa mga small-time breeder.

Maaring hindi ka naman sinasadyang lokohin kaya lang iba ang standard na iyong hinahanap. Meron namang talagang gusto kang pasahan ng hindi mainam. Kaya kaalaman ang iyong pananggalang.

Kung baguhan ka at wala kang maasahang mag-turo sa yo medyo mahaba haba at mahal ang lalakbayin mo - sigurado ako dito. Kung meron namang nagtuturo sa iyo, yung ibang bagay mas madali, pero yun pa rin ang prosesong dadaanan.

Kaya kung meron ka ng magandang standard sa pagpili ng manok tiyaga lang ang kailangan. Kaya mapa big-time o small-time - fight yan.

Desert Dust
July 2nd, 2003, 05:01 AM
Saan ba ang farm ni Patrick at ang phone # niya, puwedeng bang malaman kung magkano ang price range, halimbawa yung personnal trio niya o kaya personal choice o regular price. Parang nagiging interasado ako sa breeder na ito. Ang talagang first choice ko kung bibile ako sa pinas ay sa visaya pero malayo sa amin, sa luzon pa ako mangagaling, sayang ang bakasyon ko di ba?

Tnx

DD

Starrer
July 2nd, 2003, 05:07 AM
Desert Dust,

Its easier said than done when it comes to where to get those blood lines. The best suggestion I can give you is when you're back in the island, try to watch the fights in Araneta and Mandaluyong if UCAP is still there and see for yourself which kind of birds suit your taste. Or better yet, buy the WSD tapes from Sabong.Com. It has the bloodlines of the fowls you're looking for. Hope this helps.:)

Starrer
July 2nd, 2003, 05:13 AM
Well said Malalim. Napaka linaw. Madaming matutulungan ang post mo tungkol sa standard na dapat italaga natin sa manok.

banderado84
July 2nd, 2003, 08:39 AM
why do you think power and speed come about(in selection)?
coz thats the only sure thing a broodfowl can show you(in sparring and appearance/conformation) at least most of the time. just add station(desired for long knife) and test for cutting/gameness in the pits, now are those things can only be found in BIG game farms? i DONT think so. when you breed its always 50/50 no sure thing, just breed best to the best and keep your finger cross. just breed 2 lines and breed/fight them straight(like have a peacomb family and straight comb family, just breed and fight your straight comb family straight. and when you do very good with both family now you can cross them and just hope for the best again heheh. you can also have grey and red family, white and red family...and so on. just concentrate on two families. you know what? you might get lucky testing your peacomb family and find yourself busy winning with this family alone and thus you have no more time and space for the test of your other family specially if you are a backyarder like me heheh.....so long my opinion only. aka Tibay$ki

P_U_L_A
July 2nd, 2003, 09:33 AM
Pinapahaba nyo pa.hahaha.....

Ganun lang yon, (kwento) halos ng kasama ko sa trabaho taga Bacolod, yong iba mahilig magsabong yong iba hindi. Yong kaibigan kong taga Bacolod hindi mahilig sa sabong, kinausap ko sya na pag-uuwi sya sa kanila papadala ako ng pera pambili ng manok panabong. Alam nyo ba kong ano ang sabi nya!?? MAGKANO BA ANG BUDGET MO:lol: :lol:


So....... Dominator Farm ( PP ) tama sya!! kung kaya mo! MISMO.hehehe....

malalim
July 2nd, 2003, 12:34 PM
PULA,

Pag paumanhin mo hindi ako maka-relate kasi sa aking panuntunan hind ako bumibili ng manok ng hindi ko nakikita yung manok at ang kanyang mga galaw. Gusto ko ring makausap ng personal yung nag-breed o ang kanyang mga tao.

Sa akin "buying is NOT just a matter of correspondence".

rollyramos
July 2nd, 2003, 01:54 PM
nag alyas ka pa ha! kahit kontra pelo ang pangalan mo sinisiguro ko sayo ikaw ang mangangayaw, at para sa kaalaman mo kahit kelan hindi ako nag alok ng pag bebenta ng manok ko sa mga miyembro. hindi ko kailangan ipag alukan dahil kulang pa ang mga pasibol ko para sa mga nakasubok na na mga buyer.

at para sa kaalaman mo may mga manok na akong nag panalo sa 1997 world slasher sa cavite , at kahit small time lang ako kaya ng mga manok ko ang kahit kaninong bigtime , hindi tulad mo na kuntento ka na sa mga reject ng bigtime.

at sa katulad mong klase na naniniwalang ang reject ng bigtime ay class A sa SMALL TIMER ay tigilan mo ng mag manok dahil mapag iiwanan ka.

ang punto ko pag hindi mo kaibigan ang bigtime malabo kang makakuha ng mainam.

kakapost mo lang painitin mo ko, baka di ka tumagal

steben_cgal
July 2nd, 2003, 02:22 PM
hehehe..mga brothers meron na naman akong nakikitang maliit na apoy dito sa thread na tiyak akong uusok! :lol:


larga na yan!!!:hombre:

rollyramos
July 2nd, 2003, 02:40 PM
kontra pelo ano ba ang intindi mo ng BIG TIME AT SMALL TIME.
ANG SABI MO KASI SI ROLLY R ,HANGGANG NGAYON SMALL TIME PA RIN.

KUNG ANG BATAYAN MO AY PERA PARA TAWAGING BIGTIME AY 100% TAMA KA SMALLTIME AKO.

PERO KUNG ANG PAG BABATAYAN AY KAALAMAN SA PAG MAMANOK OVER ALL 100% maling mali ka.hindi ako small time, at maraming big time na umaasa sa tauhan ang uusok sa akin.

rollyramos
July 2nd, 2003, 02:45 PM
2nd post mo palang binangga mo na ko, at tila pati laban sa san mateo naamoy mo, bakit hindi mo ipost na ng manalo 1st fight ko pinalakpakan. at ng tumabla 2nd fight ko mas hinangaan sa 1st fight ko. parang gusto mong mas maging mayabang sa kin ah!:lol:

P_U_L_A
July 2nd, 2003, 03:05 PM
hehehe......... break!!

--------------------------

Sir Malalim,

Yon nga ang pagkaalam ko noon basta't manok na galing BACOLOD pareho lang. :lol:
Nag-iba na kasi ang pananaw ko ngayon dahil sa tulong ng mga kakmets.hahaha...
Siguro kahit na mananabong o mahilig sa sabong ang utusan ko hindi parin dapat diba? dahil iba-iba ang sarili nating gusto. Dapat tayo talaga ang pumili para FIT. hahaha... :lol:

TY..........

rollyramos
July 2nd, 2003, 03:05 PM
galing ako sa thread ni MOYZKI sa MAGKANO BA KUYA? hanggang doon binabalasa ni KONTRA PELO ang mga post ko , kaya pinag aralan ko, at kilala na kita kontra pelo sa way na pag popost at panunukso mo ng KULOT SA AKIN, hehehe tanging si EBON TEXAS lang ang gumagawa nyan dahil alam nyang sa buhok ko lang sya maaaring makapuntos at maliban doon basura na sya. at komo ang kaibigang ET ay napag kaisahang ignorin ng mga myembro ay nag palit ng pangalan sa katauhan ni KONTRAPELO, kaya nag kamali ako ng patulan kita,iniisip mo palang alam ko na .tapang mo takot ko palang yan.:lol:

bulangero
July 2nd, 2003, 03:24 PM
Wag tayo mag-tirahan. Palitan lang ng opinion para lahat makapulot ng kaalaman.

May puntos para sa akin yung sinasabi ni Malalim. Dapat may criteria tayo pag pumipili ng manok na bibilhin. Meron akong nabiling manok sa may Quezon pa at talo sa bitaw. Pero nagustuhan ko yung hitting ability nya (salamat kay Sir Glenn sa pagpapatibay ng kaalaman ko dito). Ayun winner na sa hackfight, almost no scratch (sa San Mateo).

May puntos din si Sir Rolly na dapat i-absorb. Kahit kanino ka bibili ng manok pag sila ay naglalaban din expect mong di ibebenta sayo yung pinakamainam (para sa criteria nila). Pero baka may mapili ka pa rin na pasok naman sa criteria mo.

My dad sends me his rejects from Negros pero mataas ang winning percentage pag napili mo ang tamang kalaban para sa mga to in hackfights (sumusunod din kami sa kontra-pelo). Some were even fought in derbies and won. Reject kay dad, ok para sa akin. Napadalhan ako ng tabingi ang buntot na di nagustuhan ni Dad, three times winner in derbies, nakatumba pa ng manok ng big timer.

May choice tayo pag gusto natin bumili kaya -exercise natin to. Wag nyo pilitin ang sarili magkaroon ng manok sa sikat at nagpapanalong breeders kung hindi pasok sa criteria nyo. Tama ba Sir Malalim?

Walang personalan please naman...Palitan ng ideas mas maganda!

rollyramos
July 2nd, 2003, 03:29 PM
kala ko pa naman may makakadebate na naman ako para uminit ang diskusyon, kala ko mag hahalughog na naman ako ng tulog na kaalaman na pakikinabangan ng mambabasa, yun pala ang KONTRA PELO AT talunang ebon texas AY IISA.wala rin uminit lang konti kalmado na. di dapat patulan panay asar lang kayang gawin, sayang lang panahon ko. mag isa ka este mag dalawa ka pala EBON TEXAS CROS KONTRA PELO. dalawa na ignore list ko.

P_U_L_A
July 2nd, 2003, 04:08 PM
Sir Malalim,

Ang point ko lang po sa luma kong kwento ( sa una kong post ) ay kahit na hindi sya mahilig sa pagmamanok ay alam nya kong papano ang bentahan ng manok sa kanila. TY.....

^bloody_thief^
July 2nd, 2003, 04:21 PM
ang dami naman akong natutunan sa post na to!!!
ngayon parang handa na akong mag acquire ng mga broodstocks!!!

RARAVEZ
July 2nd, 2003, 10:54 PM
Paniniwala ko siya ay isang "honest na breeder", at ang alam ko hindi siya pumupusta. r/:lol:

malalim
July 2nd, 2003, 11:34 PM
Pula,

Bata pa ako...he he he...pwede ng tanggalin yung "Sir" at "po"...

huwag kang mag-alala hindi naman ako naantig sa pinost mo...gusto ko lang sanang ipahiwatig na hindi makabubuti and bumili ng hindi mo personally natitingnan ang mga manok. O kung ikaw naman ay mayaman ay mga tauhan na alam kung ano ang hinahanap mo sa manok.

Kung maalam mag manok ang iyong napagsabihan hindi siya papayag na bumili para sa iyo, dahil alam niya na baka hindi mo ito magustuhan at ito ay umpisa ng hindi magandang samahan.

Ang kaibigan mo sa sabong....

Roy aka malalim

tsampoy
July 3rd, 2003, 01:21 AM
sino ba naman si patrick antonio,hehehehe!kaibigan ko ngang tiga natividad,pangasinan na small time breeder dalawang beses ng tinalo ang mga manok ni patrick.ang lahat may KATAPAT.mga small time breeders sa NGAYON mabibigat na rin ang mga breeding materials.at saka hindi lang big time breeders ang nakakaintindi ng pag kokondisyon at pointing ng manok.iba nga dyang small time breeders mas may alam pang marami kaysa sa mga bigtime financers na ito kung sa manok lang ang pag uusapan.kung baga NAKIKISAKAY lang ang mga ibang bigtime financers sa panalo ng mga manok ng small time breeders,bwe hehehehehehehehe!

EbunTexas
July 3rd, 2003, 04:50 AM
Mag resarch kang mabuti about Polly, dahil infairness sa tao parang may mali sa panghuhusga mo, kasi.. bakit mo siya tinawag na KULOT? na sa totoo ay kalbo siya.:lol:

Hinamak mo rin siya dahil tinawag mo siyang ex-soldier, brad activo pa siya, under siya sa rag tag battalion unit ng CAFGU.

Ingat ka sa binabangga mo dahil siga yan, nambubugbug ng tao yan sa bawat masalubong niya sa daan. Ingat ka din dahil lahat ng armas ay nahawakan na nyan,baka minsan ay magkita kayo niyan ay barilin ka niya doon sa watergun niya.:crazy:

rollyramos
July 3rd, 2003, 11:21 AM
nag papayo ako sa baguhan pero ni minsan hindi ko isiningit ang sarili ko dahil habang tumitipa ako sa key board inisip ko na hindi ako breeder ,para hindi maging one sided dahil pag ginawa ko yon ako rin ang mapuputukan. may temang kinakalaban ko ang bigtime dahil kung kakampihan ko , paano naman maiingganyo ang small time at baguhan na itaas ang sarile nila .e di lahat na tayo nakatingala at mag ka istip neck. at saka ikaw ebon x kontra pelo sa salita mo pa lang ng kulot at poly iisa ka lang at sa diskarte mo ng papuri sa sarile ay di ka makakapag kaila sa akin, para bang sinasabi mo na sumuku ka na rolly napapaligiran ka namin mag isa :lol:

sayang d ko natunugan na kunyari dumating ka sa SM nabalasa sana kita.sa susunod pag may kita kits mag paramdam ka ng malaman mo kung pano ko maglaro.

EbunTexas
July 3rd, 2003, 11:56 AM
Tingin mo sa sarili mo ikaw si Samson? e sa obserbasyon ko syo isa ka lng na Delilah e:lol:

Alam mong nasa SM ako, mantakin mo ba naman ng malaman akong nandoon, e biglang nawala itong clown ko. Kala ko ba Hatch ka? Balulang kalang pala, Marines daw owws, LOKO EKA MARINE QUENG PANGAWAN MU, MAGSASAMAIS KAMU!






#QUENG ASU EKU TATAKUT KEKA PA#

rollyramos
July 3rd, 2003, 11:56 AM
at wala akong pangalan ng bigtime na binabanggit ebon x kontra pelo. payo lang at abiso ang sa kin. ikaw kasi pag bigtime ang breeder sinasamba mo na. hindi ka mag isip kung paano mo talunin. ako smalltime pero kaya kong ikwintas sa leeg mo ang koleksyon kong wing band ng bigtime na mga tinalo ng mga manok ko. at tama si tsampoy sino ba naman si .....e balita ko... saka ano yan... at saka banned pala yan sa..... saka nag aano pala yan.....tapos si .....o ano naintindihan mo dapat ang iniidulo mo tapat sa sarili , hindi nanlalamang.

rollyramos
July 3rd, 2003, 12:02 PM
kaya pala hindi tayo nag tagpo sa SM ,dahil ako sa SAN MATEO nag punta, at ikaw sa SHOE MART nag shopping ng lipstik at make up mo.:lol:

swallow
July 3rd, 2003, 12:17 PM
Ka Rolly, alam mo nun nalaman kong sasali ka sa San mateo, madami akong pinagsabihan na tao na ingat sila sa manok mo kasi alam kong matagal ka ng naglalaban... plus sinabi ko din ingat sila kung Grey dala mo, kasi alam ko na yung Madigin Greys mo ang winning line mo at hindi mo binebenta ito...

Naniniwala ako na walang breeder na bebentahan ka ng manok na tatalo sa kanya. Kaya lang sa sabong hindi parating panalo ang manok na magaling... madaming beses ko na nakita na ang paluan eh 5-1 pero yung isa nanalo habang siya ay papatay na... swertihan lang din after magawa mo na yung proper conditioning... its 50% luck on fight day...ang swerte lumalaki yan habang tama ang paghahanda mo at nagiging 50% yan sa laban.

LUPIN3
July 3rd, 2003, 12:58 PM
araw araw at matagal tagal na din po akong nagbabasa ng mga posting dito, bilang isang sabungero, upang makakuha ng idea sa bawat mananabong na makakatulong sa pagpapalahi, pagkundisyon at lahat ng bagay ukol sa pagsasabong.. nakakalungkot isipin na , palagi na lamang mayroong batikos, lumalayo sa unang layunin ng website na ito , ang magkasama sama at mag kaisa.. Hindi po ba natin kaya to? tanong lang po!

rollyramos
July 3rd, 2003, 01:58 PM
bakit hindi ba inilalaro sa hackfight ang manok ng bigtime na binili ng buyer at gustong ipang harang sa hackfight. sinabi ko bang sa derby ko tinalo ang manok ng bigtime ha bata!

naniniwala rin ako sayo swallow marami na kong karanasan na akin lahat ang round pero patay at talo manok ko.at marami na kong karanasan na akala ko gugulpihin ng pinakamagaling kong manok ang kalaban pero isang palo lang kung di pilay patay ang ginagaling kong manok. sa larong sabong walang maka pag sasabi na panalo ang manok nya habang hindi naididiklara ng sentensyador.

joey bravo
July 3rd, 2003, 02:10 PM
iba na diskusyon sa thread topic.

gotto go!

:hat:

pebreros24
July 3rd, 2003, 02:26 PM
parang me magandang solusyon dyan sa nagaganap d2 sa room na to bakit di natin PAGSABUNGIN NATIN LAHAT ANG MGA MANOK NILA KASAMANG KONTRAPELO AT RR.... at kung cnong matalo BULAAN
HE!HE!HE! ok ba ang aking solusyon mga kapatid sa pananampalataya......

ferdief
July 3rd, 2003, 03:27 PM
ang masasabi ko lang, when buying dont expect that the breeder will give you his aces. common sense and natural lang yun. pag bumibile ako, hinahanap ko yun gusto ko. yun ayon sa palagay ko papasa sa standard ko. pag sinabi ko sa kanya na gusto kong bilhin yun particular na cock, at nagkasundo kami sa presyo, masaya ako umuuwi, at kung ayaw nya ibenta o kaya di kami nagkasundo sa presyo, sorry na lang ako.

also, we have to respect the breeder whoever and whatever his character. if you dont like him, just leave him. It is as simple as that. And dont say bad words about him. why? because whatever we experienced whether good or bad will not necessarily be experienced by others. I am talking thru my experience. yun isang friend ko bumibili sa isang big time breeder/cocker, di nagustohan yun mga sinasabi, napikon umalis at di nakabili. Ang sabi niya sa akin pangit daw trato sa kanya at sama ng ugali. Eh gusto ko talaga bumili, sinubukan ko. pinuntahan ko. nakabili naman ako ng gusto ko.

we get frustrated when we expect too much!

talahib747
July 3rd, 2003, 04:24 PM
keep your cool guys!! hold your horses!

dong1967
July 3rd, 2003, 04:59 PM
may drag pit tayo mga kaibigan...doon na lang ang mga bangayan at tirahan....sumunod naman tayo sa patakaran dito dahil nakikisukob lang tayo. salamat po.

dong1967:cool: :cool:

bxu
July 3rd, 2003, 11:22 PM
Honda,

Ang masasabi ko ay isang Honest Breeder siya... no regrets buying from him.. yun lang....




Esteben Cgal,

ikaw ha.... http://www.websmileys.de/schmuddel04.gif ... lol

Starrer
July 4th, 2003, 08:00 AM
Ang saya 2x naman sa thread na ito. :lol: Enjoy akong basahin lahat ng post. Hindi nakakaantok o boring. Sana makakuha din ako ng manok kay PP. May magaganda namang feedback mula sa ibang members.

rollyramos
July 4th, 2003, 01:37 PM
ummmm!!!! hindi na makalusot sa yo, kung baga sa basketball ay bangas -gangas na mukha mo sa kababantay sa akin lagi ka pa ring nakadikit.di ang linaw ikaw may sabi kaya ko tinatalo bigtime kasi reject ang mga nakakalaban ko,hehehe. ang matinong breeder pinapatay ang reject dahil kasiraan ng pangalan nila ito.pero yung nag haharimunan na maibenta ang bulok balik sa mukha nila yon namura na ng buyer nasira pa tiwala pati pangalan. makipag ayos ka lang sa kin seseminar kita ng libre hehehe,ganito diskarte ng breeder na nag haharimunan na maibenta ang reject , inaalis ang wingband para kung anot ano man ang mangyari walang ebidensya, pero pag nakakabit ang wing band proud sila don pamato nila yon. kaya ang tinatalo kong may wingband ng bigtime hindi reject.ano sa tingin mo - hindi ka makatingin no, ano sa palagay mo -hindi ka mapalagay no,.:lol:

rollyramos
July 4th, 2003, 01:46 PM
pre makakakuha ka ng magandang manok kay PP wala naman akong sinabing hindi ang hindi ko lang gusto yung pakikiharap doon sa buyer na nakausap ko . at wala naman kumukontra sa kanya ginulo at pinahaba lang ni kulit.puntahan mo ok yan .ang sabi ko pati walang bobong breeder na ibibigay ang pinaka mainam nyan manok, ibig sabihin ang makukuha mo mainam lang.kulit kasi nyang si kulit e magulo.

atoyoche
July 4th, 2003, 07:11 PM
mga sir ang masasabi kulang kay PP mabait siya sa mga buyer niya at sa tingin ko honest po ang tao at malaya kang makapamili sa gusto mo.sa ngayon may 8,7and 6 month akong palahi galing sa broodstock na bili ko kay sir patrick puno dalawang sparring plang po kami pero may style at power na po ang mga ito.lalo na po ang bb sweater cross to george wood lacy rounhead.kaya po masasabi kong sulit lang ang price ni patrick puno.gaya po sir ricoy palmares (BORN TO LEAD) mabait at honest breeder ang ito.

ginojulia
July 5th, 2003, 05:16 PM
saan at ilan beses na po nag champion si patrick puno sa malalaking derby na sinalihan niya? meron na ba siyang trophy ng WSD?

atoyoche
July 5th, 2003, 07:31 PM
sa tingin ko pa ang nalala ko lang 5 wins lang sila ni allan tan noon WSD 2001.pero sa honest lang ang pag uusapan parang nandoon tayo.pag wala na ang gusto mong bloodline obus na sabihin niya wala na.hinde ka niya bigyan ng cross or ibang bloodline.malaya tayong makapamili.

pebreros24
July 7th, 2003, 07:54 AM
mga sir meron akong nabasa sa sabungero mag. about mga 1983 pa cguro to c relly yan na bumili ke eddie araneta ng liza galore tpos ng mag meet cla sa derby e nasilat pa itong c eddie araneta ito ay isang magandang halimbawa ng blihan di ba?

so far sa ngayon sabihin nating small time breeder ang isang tao at cguro pag dating ng time mging big time breeder to tpos me mababasa kang mga article or mga posting re:sa dishonety sa pagbebenta ng manok. like mga reject......are u willing 2 buy ba sa small time turn big time breeder na to pa? what do u think?

^bloody_thief^
July 7th, 2003, 07:54 PM
for me, small time can beat big time.. even if the big time aint gonna sell his aces. his class b can outwit the aces depending on handling and luck.. thats my percetion...

AsilMan
July 8th, 2003, 11:35 AM
hindi ka na marahil sasagutin ni rolly ramos sa katanungan mo ,dahil ang itinatanong mo ay nasagot na niya sa dating isyu ni tony del. nilat hala nya lahat ng pangalan at numero ng telepono na pinanggalingan ng bawat lahi ng manok nya. at kumpirmado na totoo. at ako mismo ang magpapatunay na naipapanalo ko ang mga manok na nakukuha ko sa kanya.

Starrer
July 9th, 2003, 05:50 AM
Mr. Rolly and Mr. Kontrapelo

Siguro dapat nga e sagutin na ni Mr. Rolly ang tanong ni kontra para matapos na ang pag tatanong nya. Iisa lang naman yata ang tanong nya. YUng mainam at super aces ba(?) ang tanong nya yata. Sabi nya kasi titigil sya ng pag tatanong kay Mr. Rolly basta nag bigay si Rolly ng sagot. May word of honor(?) sya.

Rolly sagutin mo para makita kung totoo ang sabi ni kontrapelo na word of honor. Gawin mong detalyado para wala na excuse pa. Pwede kasing hindi kontento si kontra sa basta na lang pag ignore sa kanya dahil hindi mo pa nasasagot ang tinanong nya.:) GUsto nya siguro talagang direktang sagot mula sa iyo at hindi sa numero na naibigay mo gaya ng sabi ni Mr. Asilman. Suggestion ko lang po. Huwag po kayong magagalit sa akin.

Maaring ang pag pupumilit naman ni kontrapelo na sagutin ang tanong niya ay dahil siguro gusto nyang makatulong sa ibang meyembro na nag hahanap ng manok dito sa site at hindi upang manira or mag intriga kay Rolly.

Natural lang na mag karoon ng ibat ibang paninindigan ang mga sabungero kaya kahit na ang kanilang hidwaan ay maiinit na, hindi ko pa din masasabi na below the belt ang birada ni Kontrapelo. Opinyon ni kontra iyon na kaiba at kabaligtadan ng opinyon ni Rolly. Parehong may tama at parehong may mali.

O ayan ha, hindi ako balimbing(?):crazy: Pareho ko silang pinaboran dalawa dito. Wala akong kinampihan. Nyek. Peace sa inyong dalawa.

rollyramos
July 9th, 2003, 12:46 PM
starrer, kung ikaw ang mag tatanong sa akin sasagutin kita. pero yang si kontra pelo walang kwenta yan , wala akong mapapala dyan, puro intriga lang alam nyan, wala pang naipapayo yan na kapupulutan, tutal sa iyo ko ini adres at tila gusto mo rin malaman ang kasagutan HETO ANG SAGOT KO..... SA PAKIKISAMA AT PAGIGING TOTOONG TAO ,MISMONG ANG BREEDER ANG NAG OOFER SA AKIN NG PINAKAMAINAM NA MATERYALES AT OPEN AKONG PUMILE. AT AKO MISMO ANG TUMATANGGI, PERO MAY ILANG HINDI KO MATANGGIHAN LALO AT INIAABOT NA SA AKIN , KASABAY NG SALITANG , "ROLLY ANG PINAKA MAINAM NA MANOK NA MAPAPASAIYO AY BIGAY NG ISANG KAIBIGAN" WALA SA PRESYO. at totoo ito starrer kung hihingin mo ang mga pangalan ng mga breeder na ito ay ibibigay ko sa yo at upang mapatunayan mo pati numero ng telepono.at kung sakaling kaibigan mo si kontra pelo pakisampal mo sa mukha nya yan.

PINAKAMAINAM ANG NAKUKUHA KO SA MGA KAIBIGANG BREEDERS,DAHIL HINDI SILA BOBO ALAM NILA NA HINDI KAMI MAG KAKALABAN.

AsilMan
July 9th, 2003, 02:00 PM
para sa kaalaman mo hindi kailangan ni rr ang mang agaw ng parukyano, may mga regular na buyer si rr kaya hindi sya nag aad sa site,marami ang nag titiwala sa kanya at isa ako sa may kontrata ng isang linyada nya na subok ko. ang ipinahihiwatig nya ay totoo hindi ka makakakuha ng pinakamainam sa breeder na hindi mo kaibigan at alam kong alam mo yan.ayaw mo kasing mag pakatotoo.

russell
July 10th, 2003, 12:58 AM
Mga kasama

Ang maipapyo ko lang sa isang baguhan na bibili ng materyales at ng panlaban

1. una kilalanin nyo muna talaga ang breeder na kukunan ng materyales...puro kayo tama di lahat ng breeder eh tapat lalo na kung unang beses nyo palang na pagbili sa kanya.... di lahat ng magagadang materyales ay nakukuha sa PERA sa pagkakaibigan din
2. tama din kayo na di lahat ng breeder eh binebenta ang mga aces nila... ilang beses na akong nakapamili sa mga farm... tago ang aces nila lalo na kung di iisa ang farm nila... pagkabitaw palang nila ng stags at kung may potential ang stag eh itatago na kaagad iyan ng mga breeder kaya ang matitira eh.... pinagpilian na ng breeder... harapin na natin ang katotohan na iba iba ang sabungero may llamadist at dehadista at gulangan..pero di lahat

3. wag kaagad pa kukuha sa mga sales talk ng breeder siyempre puro magaganda ang sasabihin nila sa manok nila... PERA ang pinag-uusapan dyan

4. at higit sa lahat makinig sa mga PAYO ng mga beterano sa sabong bago bumili ng materyales baka pag-ubusan nyo ng oras at pera sa bandang huli eh mag-sisisi kayo sa mga inilabas ng palahi nyo...

5. magsama ng marunong kumilatis ng mga manok sa pagbili


ba ngayon lang ako nag sulat ng ganito kahaba ah...

iyan ang sabong maraming hiwaga


PEACE
:rbounce:

russell
July 10th, 2003, 01:03 AM
nakalimutan ko ito nga pala ang Cellphone no. ni Patrick Puno

0917-8139454

di ko lang alam kung ito pa nakuha ko ito 2 years ago


peace

dong1967
July 10th, 2003, 01:05 AM
Pre Russ,

himala yata at nagsulat ka ngayon...pero sang-ayon ako dyan sa mga payo mo....dalas dalasan mo naman ang post mo pre....

ang iyong so near and yet so far na kaibigan,

dong1967:cool: :)

russell
July 10th, 2003, 01:08 AM
Loko talaga itong kapitbahay ko.. oo nga pare sinipag ako ngayon..... miss ko na ang baso ng BEER sa SCORPIO


cheers:rbounce:

Torpas
July 10th, 2003, 01:43 AM
Nawala na si Patrick Puno. Saan kaya nag punta?

russell
July 10th, 2003, 01:52 AM
no. ni Patrick Puno

0917-8139454

puwedeng tawagan any time:rbounce:

Oak tree
February 27th, 2004, 05:12 AM
Mga cockmate mag kano na ba ang Trio ni patrick puno ngayon? Plano kong kumuha kasi. Iyon pa din bang naka post sa taas ng thread ang cell phone number nya?

legolas
February 27th, 2004, 06:57 AM
:lol: :lol: :lol: , lmao....icslmao....

jude
February 27th, 2004, 07:36 AM
oak tree,

30-35 thousand ang trio ni patrick puno.

bf_tadero
March 16th, 2004, 03:00 PM
Pre byaan mo na ang mga taong ganyan walang magawa sa buhay..ipagpatuloy mo ang mga advice mo lalo na sa aming mga baguhan..yung mga naninira sa yo ay pampagulo lang dito sa forum..Kaya pre hwag kang mag alala..Naniniwala ako sa iyo..

Hanggang sa muli

gUN fOR hIRE
March 17th, 2004, 10:12 AM
Nung nandiyan pa ko sa Pinas bumili kami ng materyales sa isang kilalang farm sa Batangas nagkataon ng araw na iyon nakasabay namin yung mga tauhan ni Patrick Puno nagseselect din ng stags out of the first harvest ng naturang farm.Pati pullets dala rin.Sabi ng isang tao don pareho lang daw ng bloodline ang gamit nila at si Patrick Puno ang diperensiya lang ay presyo. 25 mil ang presyo nila sa trio at 6thou sa stags.Mas mura ang presyo kapag more than 50 heads ang kukunin. Mahigit 100 ulo ang napili ng mga tao ni Patrick Puno umagang yun.Ang tanong san kaya nila gagamitin yung mga manok na binili nila. Walang wing band ang mga manok ng farm na pinuntahan namin sariwa lahat ang mga manok.Magaling silang magselect puro picture cock ang pinipili.Ang negosyo nga naman pangalan lang tutubo ka na ng malaki.

sarimanok
August 12th, 2007, 11:37 PM
up natin ulit ---------------------------

ichiko
August 15th, 2007, 03:35 PM
Trios ni Patrick Puno?

--------------------------------------------------------------------------------

Nung nandiyan pa ko sa Pinas bumili kami ng materyales sa isang kilalang farm sa Batangas nagkataon ng araw na iyon nakasabay namin yung mga tauhan ni Patrick Puno nagseselect din ng stags out of the first harvest ng naturang farm.Pati pullets dala rin.Sabi ng isang tao don pareho lang daw ng bloodline ang gamit nila at si Patrick Puno ang diperensiya lang ay presyo. 25 mil ang presyo nila sa trio at 6thou sa stags.Mas mura ang presyo kapag more than 50 heads ang kukunin. Mahigit 100 ulo ang napili ng mga tao ni Patrick Puno umagang yun.Ang tanong san kaya nila gagamitin yung mga manok na binili nila. Walang wing band ang mga manok ng farm na pinuntahan namin sariwa lahat ang mga manok.Magaling silang magselect puro picture cock ang pinipili.Ang negosyo nga naman pangalan lang tutubo ka na ng malaki

************************************************

Ah... ok. Tutal pareho lang din naman ang linyada. Tiwala sila...

conger_hug
August 15th, 2007, 07:30 PM
2nd post mo palang binangga mo na ko, at tila pati laban sa san mateo naamoy mo, bakit hindi mo ipost na ng manalo 1st fight ko pinalakpakan. at ng tumabla 2nd fight ko mas hinangaan sa 1st fight ko. parang gusto mong mas maging mayabang sa kin ah!:lol:


MAYABANG!!! MEDYO LANG BOSSING!!! HA.HA.HA.HA.HA.HA.HA

conger_hug
August 15th, 2007, 07:33 PM
starrer, kung ikaw ang mag tatanong sa akin sasagutin kita. pero yang si kontra pelo walang kwenta yan , wala akong mapapala dyan, puro intriga lang alam nyan, wala pang naipapayo yan na kapupulutan, tutal sa iyo ko ini adres at tila gusto mo rin malaman ang kasagutan HETO ANG SAGOT KO..... SA PAKIKISAMA AT PAGIGING TOTOONG TAO ,MISMONG ANG BREEDER ANG NAG OOFER SA AKIN NG PINAKAMAINAM NA MATERYALES AT OPEN AKONG PUMILE. AT AKO MISMO ANG TUMATANGGI, PERO MAY ILANG HINDI KO MATANGGIHAN LALO AT INIAABOT NA SA AKIN , KASABAY NG SALITANG , "ROLLY ANG PINAKA MAINAM NA MANOK NA MAPAPASAIYO AY BIGAY NG ISANG KAIBIGAN" WALA SA PRESYO. at totoo ito starrer kung hihingin mo ang mga pangalan ng mga breeder na ito ay ibibigay ko sa yo at upang mapatunayan mo pati numero ng telepono.at kung sakaling kaibigan mo si kontra pelo pakisampal mo sa mukha nya yan.

PINAKAMAINAM ANG NAKUKUHA KO SA MGA KAIBIGANG BREEDERS,DAHIL HINDI SILA BOBO ALAM NILA NA HINDI KAMI MAG KAKALABAN.

HA.HA.HA.HA.HA Kontra pelo, lagot ka kay Boss Rolly, sasampalin ka raw...MAG-INGAT KA!!!

menpoyah
August 20th, 2007, 04:51 PM
mga cockmates meron po bang hatch si patrick puno?ano po ba hatch bloodline nya?salamat...

marcelo
December 23rd, 2007, 05:25 AM
up lang po natin...again...

marcelo
December 23rd, 2007, 05:31 AM
Nung nandiyan pa ko sa Pinas bumili kami ng materyales sa isang kilalang farm sa Batangas nagkataon ng araw na iyon nakasabay namin yung mga tauhan ni Patrick Puno nagseselect din ng stags out of the first harvest ng naturang farm.Pati pullets dala rin.Sabi ng isang tao don pareho lang daw ng bloodline ang gamit nila at si Patrick Puno ang diperensiya lang ay presyo. 25 mil ang presyo nila sa trio at 6thou sa stags.Mas mura ang presyo kapag more than 50 heads ang kukunin. Mahigit 100 ulo ang napili ng mga tao ni Patrick Puno umagang yun.Ang tanong san kaya nila gagamitin yung mga manok na binili nila. Walang wing band ang mga manok ng farm na pinuntahan namin sariwa lahat ang mga manok.Magaling silang magselect puro picture cock ang pinipili.Ang negosyo nga naman pangalan lang tutubo ka na ng malaki.BOSSING, medyo matagal n ito pro pwede b malaman kung kanino o sino ang may-ari ng farm n iyong nabanggit.thank u...in advance

marcelo
December 23rd, 2007, 05:33 AM
starrer, kung ikaw ang mag tatanong sa akin sasagutin kita. pero yang si kontra pelo walang kwenta yan , wala akong mapapala dyan, puro intriga lang alam nyan, wala pang naipapayo yan na kapupulutan, tutal sa iyo ko ini adres at tila gusto mo rin malaman ang kasagutan HETO ANG SAGOT KO..... SA PAKIKISAMA AT PAGIGING TOTOONG TAO ,MISMONG ANG BREEDER ANG NAG OOFER SA AKIN NG PINAKAMAINAM NA MATERYALES AT OPEN AKONG PUMILE. AT AKO MISMO ANG TUMATANGGI, PERO MAY ILANG HINDI KO MATANGGIHAN LALO AT INIAABOT NA SA AKIN , KASABAY NG SALITANG , "ROLLY ANG PINAKA MAINAM NA MANOK NA MAPAPASAIYO AY BIGAY NG ISANG KAIBIGAN" WALA SA PRESYO. at totoo ito starrer kung hihingin mo ang mga pangalan ng mga breeder na ito ay ibibigay ko sa yo at upang mapatunayan mo pati numero ng telepono.at kung sakaling kaibigan mo si kontra pelo pakisampal mo sa mukha nya yan.

PINAKAMAINAM ANG NAKUKUHA KO SA MGA KAIBIGANG BREEDERS,DAHIL HINDI SILA BOBO ALAM NILA NA HINDI KAMI MAG KAKALABAN.Sir Rolly kumusta n po

marcelo
December 23rd, 2007, 05:39 AM
starrer, kung ikaw ang mag tatanong sa akin sasagutin kita. pero yang si kontra pelo walang kwenta yan , wala akong mapapala dyan, puro intriga lang alam nyan, wala pang naipapayo yan na kapupulutan, tutal sa iyo ko ini adres at tila gusto mo rin malaman ang kasagutan HETO ANG SAGOT KO..... SA PAKIKISAMA AT PAGIGING TOTOONG TAO ,MISMONG ANG BREEDER ANG NAG OOFER SA AKIN NG PINAKAMAINAM NA MATERYALES AT OPEN AKONG PUMILE. AT AKO MISMO ANG TUMATANGGI, PERO MAY ILANG HINDI KO MATANGGIHAN LALO AT INIAABOT NA SA AKIN , KASABAY NG SALITANG , "ROLLY ANG PINAKA MAINAM NA MANOK NA MAPAPASAIYO AY BIGAY NG ISANG KAIBIGAN" WALA SA PRESYO. at totoo ito starrer kung hihingin mo ang mga pangalan ng mga breeder na ito ay ibibigay ko sa yo at upang mapatunayan mo pati numero ng telepono.at kung sakaling kaibigan mo si kontra pelo pakisampal mo sa mukha nya yan.

PINAKAMAINAM ANG NAKUKUHA KO SA MGA KAIBIGANG BREEDERS,DAHIL HINDI SILA BOBO ALAM NILA NA HINDI KAMI MAG KAKALABAN.Sir Rolly kumusta n po...nagbabakasakali lang po...Pwede po b n ibigay nyo rin s akin ang name ng mga kaibigan nyo n nagbibigay s inyo ng pinakamaiinam n materyales.Baguhan lang kc ako at gusto k sna n mag-umpisa ako s tamang daan,para hnd masayang ang pera at panahon ko s pagbibreed...marami slamat s iyo

airwind_13
December 25th, 2007, 06:59 AM
mga kasabong,maligayang pasko at manigong bagong taon!!!!!!!!

carlito_14
January 7th, 2008, 07:08 PM
taas ko lang po mga kasabong......

garuda77
January 7th, 2008, 08:53 PM
Kung gusto nyong makakuha ng magaling na bloodline ke Patrick Puno, bilhin nyo yung tig 75K na broodcock at dun sigurado akong magaling yun.