PDA

View Full Version : high speed hacksaw blade para sa tari


BUSHIDO BLADE
July 6th, 2003, 03:42 PM
mga kaibigan sabungero,

nasubukan ko na ang ilang high speed hacksaw at medyo hindi ako satisfied sa performance, isang beses lang akong maggamit ng tari at pinatalas ko agad pagtapos gamitin, madalas ang hacksaw ay nagrool ang talim pagkatapos gamitin, although fatal pa rin, kaya nagswithc na ako ng metal which satisfied naman ako ngayon. gusto ko ang blade ko kayang mag cut ng buto ng manok na hindi mahirapan magtanggal ang manok, yung hindi sasabit , slah lahat lahat pati buto tamaan.

banderado84
July 6th, 2003, 05:06 PM
did you used....:confused:

BUSHIDO BLADE
July 6th, 2003, 05:32 PM
bai,

sanvik at starrett.

bushido blade

Draven51501
July 7th, 2003, 12:43 AM
di ba hacksaw blade na high speed din ang sanvik?

ocratsira
July 7th, 2003, 04:24 AM
Gamit ko ay MIRACLE BLADE kahit Bunhok pag tinamaan wasak lahat ng buto

BUSHIDO BLADE
July 7th, 2003, 11:06 AM
bai,

kaya ang mga high speed blades may tendency magrool, ang sanvick ay high speed blades din.

bushido blade

swallow
July 7th, 2003, 12:12 PM
Bulok ang sandvik blade... at ang masama madami dito sa pinas nyan na fake sandvik galing china...
Kung eclipse, simond, kapman, ultramajor hindi mo masasabi yan... different blades different quality...

Pero dahil oks naman yung gamit mo ngayon, huwag ka na lumipat. The best steel type for knife i know is Super Cobalt, natural and talas, super gaan kaya pwede mo gawin medyo makapal para grabe ang shock effect...hehehe

sabit singson
July 8th, 2003, 11:27 AM
swallow,

meron bang nabibiling super cobalt sa pinas?

kung meron, magkano ito at saan mabibili?

ClipperMan
August 6th, 2003, 08:22 AM
mga pre at swallow,
alam niyo ba mamagkano presyo ng isang HS hacksaw blade, tulad ng Ultramajor brand, kahit rough estimate lang...At ilan ang magawang tari sa isang HS Hacksaw Blade...Paki post niyo naman dito...Salamat...

Clip :blush:

earan
August 6th, 2003, 10:18 AM
ClipperMan,

Yung binibile kong Ultramajor brand na power saw blade sa Binondo ay Php 200.00 ang isa. Ang size ay 350mm x 25mm x 1.25mm (LxWxT). Apat ang minimum na pwedeng mong magawa, ibig sabihin 50 pesos lang isang talim, MUURRRA lang :lol:

dj_1252000
August 6th, 2003, 10:40 AM
cockmates! ask ko lng po, kung sino pweding gumawa ng tari na ang bakal ay super cobalt sa tamang proseso?

earan
August 6th, 2003, 10:53 AM
sa tamang presyo! :lol:

Draven51501
August 6th, 2003, 11:34 AM
dj,

tanong lang, ano ba ang tamang proseso pagawa ng tari na gamit ay super cobalt para sa iyo?

drav

imp 31
August 6th, 2003, 03:13 PM
maganda ang sanvik blade at may isa pang magandang blade galing germany at eclipse. at hindi ka satisfied try mo ang helicopter bearing.

tsampoy
August 6th, 2003, 03:18 PM
may titanium din bang hacksaw or any tools?para titanium ang buong tari!maganda ba ang titanium na tari?any advantage and disadvantage?:)

tsampoy
August 6th, 2003, 03:23 PM
earan,
pre,kung magpapagawa ba ako(kung pwede lang naman) ng isang set sa iyo,materials sa akin,magkano naman ang singil mo sa whole labor?i mean titanium materials.ano ang ma -irerecommend mo na tools dito sa europe(germany,sweden) na may high titanium content na maaring gamitin sa pag gawa ng tari?thanks pre.;)

BattleGear
August 6th, 2003, 03:26 PM
What about Solingen?

tsampoy
August 6th, 2003, 03:39 PM
i am not satisfied with solingen(germany),specially my solingen kitchen knives.nung una ang talim at ang gandang gamitin,nang pumurol ay eto ang aking naging problema.ang hirap hasain ng bakal nito.bumili na ako ng electric grinder na pang knives,MAPUROL pa rin!itinapon ko ang buong set.bumili ako ng SWIBO knife ng switzerland.hamak inam sa solingen,ang dali pang taliman pag pumupurol.iparaan mo lang sa kasamang hasaan na parang knife din ang itsura,MATALIM KAAGAD!:)

swallow
August 6th, 2003, 03:39 PM
yan ba yung Bohler-Solingen???

tsampoy
August 6th, 2003, 03:43 PM
pwede kayang i laser cutting itong mga kitchen knives na ito sa pag gamit ng pag gawa ng tari?yung bakal ng solingen knife pag tumagal dumidilim ang kulay,pang nag mamantsa.yung swiss SWIBO knife isang taon ku nang gamit ang kintab pa rin.may kinalaman ba ang kintab sa quality at HARDNESS ng bakal?thanks.:)

tsampoy
August 6th, 2003, 03:48 PM
walang bohler na nakasulat pre,solingen germany lang ang nakasulat tapos may maliit na symbol ng house o factory yata.kinuha pa namin direct sa factory sa solingen,germany ng dumalaw ako sa bilas ko.yun nga palang swiss swibo knife ay gawa ng WENGER company.i think mas hamak ganda ang quality ng bakal ng WENGER kaysa sa SOLINGEN,kung knife ang pag uusapan pre.thanks.:)

earan
August 6th, 2003, 04:35 PM
tsampoy,

sa pagkakaalam ko ang titanium and its alloys in high purity state ay malambot. mataas ang strength to weight ratio at corrosion resistant din. kaya karamihan sa applications nito ay sa aircraft, jet engines, petrochemical plants at mga turbine blades base na rin sa mga katangian nito. bagaman ito'y magaan mababa lang ang kanyang hardness kaya ito'y hinde advisable na gawing tari.
yung kintab ng bakal ay dahil sa mataas na chromium content na kadalasan ay tinatawag na stainless steel. yung tigas naman ay depende unang-una sa percentage ng carbon content at iba pang alloying elements na nakakapag patigas ng bakal.
ang dapat talagang gamiting bakal para sa tari ay ang mga tinatawag na tool steel. ito ay ang mga bakal na kapag napatigas na ay ginagamit na pamutol ng kapwa bakal. ang mga halimbawa ng mga end products nito ay saw blades, drill bits, reamers, milling at gear cutters, cut-off blades at marami pang iba.
sa ilalim ng tinatawag na tool steels ay nariyan ang mga grupo ng:
- high speed steel
- stainless steel
- cold/hot work steel
ang dapat lang naman na isaalang-alang sa pagpili ng bakal ay ang mataas na hardness(tigas) at toughness (kunat) nito. tigas para sa edge at sharpness retention, kunat para sa impact resistance o tibay kontra bali. :)

tsampoy
August 6th, 2003, 05:52 PM
earan,
maraming salamat pre sa napakaganda at napaka liwanag na kasagutan mo sa aking mga tanong.saludo ako sa yo pre.:)

TabukSuba
August 6th, 2003, 07:02 PM
Mga Igan,

Yung mananari ko ngayon e sumusumpa sa galing at inam ng bakal na ito. HSS at hacksaw rin cya katulad ng Ultra Major.

Yung bakal na eto ang balak kung gamitin sa mga stag derbies namin.

Meron ba sa inyo dyan na may experience sa bakal na ito?

Cheers,
TBS
:D

Pre Earan,

Kailan ka pwede ktakits.Tnx

dolphin
August 6th, 2003, 07:33 PM
Tanong lang mga kaibigan,may nakasubok na ba sa uri ng metal na ito sa inyo?

ClipperMan
August 8th, 2003, 09:22 AM
tatanong ko lng kung pareho ba ang tibay ng magkabilaang gilid ng blade, yung sa banadang baba na may sharp edges at yung sa bandang ibabaw na wala...Na isip ko lang na baka mas matibay yung sa bandang baba kasi yun mismo yung ginagamit o naka diin sa pagputol ng bakal...

Clip:wink2:

earan
August 8th, 2003, 10:32 AM
ClipperMan,

May dalawang klase/uri nga ang mga saw blades, bi-metal at all hard. Sa bi-metal ito yung cutting area lang ang matigas at yung bandang taas ay medyo malambot lang. Sa all hard naman, ito yung buong blade ay pantay ang tigas. Makikita mo naman na naka tatak sa surface ng saw blade kung ito ay bi-metal or all hard. :)

ClipperMan
August 8th, 2003, 10:28 PM
Earan,
Salamat uli sa reply mo at mahalagang impormasyon...
Magpapagawa kasi ako ng tare this month para sa Stag season kaya konting research muna...

Clip:)

kimora
September 3rd, 2003, 04:34 AM
Bobot pre, musta na? Pareho pala tayo ng magiging tari, hehehe. Nakabili ako kanina ng mga blades. ULTRA RECORD Super H.S.S. Molybdene Vacuum Heat Treated Blade. Asul ang kulay at ang magkabilang dulo ay dilaw. Sana nga okay ang metal na ito para sa tari.

tsampoy
September 3rd, 2003, 04:40 AM
kim,
diba malapit ka sa factory ng WENGER,yung gumagawa ng swiss knives.kilala mo yung knife nila na SWIBO ang tatak.ang ganda ng material nun,yung steel na panghasa ang inam din.mukhang bagay sa longknife natin na panghasa kaysa sa arkansas stone.kaya nila kayang gumawa ng longknife natin?tamang mass production.proposal sa kumpanya nila,may branch sila sa makati.kung yung novartis swiss nga pumasok sa production ng gamot para cockfighting,siguro papasok din ang wenger company kung mainam ang ilalabas nila.;)

kimora
September 3rd, 2003, 04:47 AM
tsamp, hehehe, mainam din sigurado ang presyo nun hehehe. Mas mainam pa rin ang gawa sa atin tsamp. Uso sa Tarlac at Pangasinan ngayon ang malalapad na tari. Pag naglalaban ako yung mga sentensiyador tinititigan ang tari ko sabay tanong kung sino ang nagtari, hehehe.

reybanz
September 4th, 2003, 01:28 AM
earan,

yung inuwi ko na cutting tool ay may tatak na "STUBBY TOOLS" Germany 5% Cobalt (6"L x 5/8"W x 1/8"T). eto ba ang sinasabi nilang super cobalt? kasi siningil ako ng mahal sa gumawa sa amin dahil napodpod daw yung hasaan niya. pero maganda naman ang pagkagawa niya at ibang-iba ang kintab niya sa ibang tare na gawa sa HSS blade.

reggie

earan
September 17th, 2003, 11:43 AM
Bai reybanz,

Ang high speed cobalt steel na ginagamit bilang cutting tool or cut-off blades ay mayroong 2.5-12% cobalt content by weigth. At hinde ko alam kung bakit nila tinatawag na "super cobalt" yang cut-off blades na yan with 5% cobalt content.
Mayroong tinatawag na cobalt base superalloys, ito ay mayroong 35-65% cobalt. Ang superalloys ay kadalasan ding tinatawag na heat resistant o high temperature alloys. Itoy kadalasang ginagamit sa mga jet engines, rocket engines, at gas turbines.
Ang bakal na may mataas na cobalt content ay maputi at makintab dahil ito'y white-colored metal gaya ng nickel at corrosion resistant gaya ng stainless steel na mataas sa chromium content.:)

tsampoy
October 1st, 2003, 02:18 PM
tanong ko lang sa inyo mga kaibigan kung anong ideal na THICKNESS ng saw blade na bibilhin para gawing tari.may nabili kasi akong circular powe blade na HSS5%CARBON na 2mm ang thickness.sapat na kaya itong kapal na ito sa pag gawa ng mga tari?hindi kaya manipis ito para gawing tari?;)

earan
October 2nd, 2003, 01:05 PM
p'reng tsampoy,

1. mukhang namamakyaw ka na ng bakal dyan ah para gawing tari. hahahaha....:lol:
2. yung 2mm thickness na material para sa akin ay tama lang yan. actually yung sa akin pag stag ay 1.0~1.2mm at pag cock naman ay 1.5mm lang ang thickness.
:)

banderado84
October 2nd, 2003, 10:39 PM
hanapin nyo yung tungsten or carbide na saw blabe...nxt to diamond na yata yun heheh...fis

tsampoy
October 2nd, 2003, 11:05 PM
preng earan,
mukhang magaganda kasi itong mga bakal na gawang germany na HSS.first time kong mag try ng HSS circular blade nila,sana maganda ang result.;)

banderado84
October 5th, 2003, 12:01 PM
http://www.specialtyblades.com/index.html

http://www.uhm.de/index.htm

SuPeR_MaNyOnG
December 20th, 2006, 01:10 PM
http://i47.photobucket.com/albums/f165/jmp06/smiles_139.gifup ko lang..

RAM Felban
November 30th, 2007, 08:01 PM
swallow,

meron bang nabibiling super cobalt sa pinas?

kung meron, magkano ito at saan mabibili?


Yes, there is. It's only 5" long at P1,200 a piece...and that was 3 months ago.

johann
November 30th, 2007, 08:27 PM
Yes, there is. It's only 5" long at P1,200 a piece...and that was 3 months ago.


sir saang tindahan nakakabili nito at ano ang brand...??? tanx


johann

Ir192-Co60
November 30th, 2007, 09:24 PM
Boss earan,
Ano mas magandang ma i rerecomenda nyo para gawing tari, yung 5%, 8% or 10% cobalt? magkano pagawa senyo bossing ng per tari? per set ba yan or per piece? paki pm na lang sir.:)

VMT^Carmen
November 30th, 2007, 09:46 PM
mga kaibigan sabungero,

nasubukan ko na ang ilang high speed hacksaw at medyo hindi ako satisfied sa performance, isang beses lang akong maggamit ng tari at pinatalas ko agad pagtapos gamitin, madalas ang hacksaw ay nagrool ang talim pagkatapos gamitin, although fatal pa rin, kaya nagswithc na ako ng metal which satisfied naman ako ngayon. gusto ko ang blade ko kayang mag cut ng buto ng manok na hindi mahirapan magtanggal ang manok, yung hindi sasabit , slah lahat lahat pati buto tamaan.

ultra na lang..
madali mapurol ung high speed.

meron bagong mga metal pero medyo may kamahalan.

Sundowner
December 1st, 2007, 03:23 AM
Maganda ang mga input ni Earan tungkol sa bakal. Noong kalakasan ng Copper State, completo ako sa gamit pang gawa ng tare at ang ginagamit ko ay Cut-off tools cobalt. Very satisfied ako sa finish nito dahil hindi kinakalawang at kahit kikil ay dumudulas sa tigas. Grind down lang at hindi pokpok. May kamahalan pero ok lang. Nag uwi sa Pinas ang kaibigan ko, pinagawa pero pokpok at tempered. Nag karoon ng bubbles, naging brittle kaya parating talo dahil pag tumama sa boto o hard object na popotol ang point. May alam ba kayong gumagawa na hindi pokpok? Gusto ko sanang ipagawa itong High Speed Starrett hacksaw ko pero hindi pokpok. I will appreciate it very much. Earan please empty your box.

jack_kie
December 1st, 2007, 10:04 AM
Viking hacksaw blade all hard maganda gawing tari ;)

AnakNiPepe
December 6th, 2007, 10:34 PM
yan po ang pinahahanap sa amin ng aming kaibigan dahil maganda nga raw po itong gawing tari

VMT^Carmen
December 7th, 2007, 04:13 AM
most used metal noon ang high speed
but marami na ring may experience na na-break ang tip ng tari o kaya madaling maporol.
i personally saw one blade broke a tip...sayang sa kanya pa naman halos lahat ng palo pero pahirapan ng makapatay.

i use ultra
no complains so far

arnel2008
December 7th, 2007, 05:26 AM
mga bossing meron nabang nakasubok ng irwin hack saw blade cobalt all hard steel..

ironwill
January 20th, 2012, 02:09 AM
Upupup natin ... Mga hack saw blades for tare knife.. My nasubok nb ng wespa hss molebdenum?