View Full Version : Proper deworming
Edong
August 5th, 2003, 10:24 AM
Ang deworming schedule ko ay every 3 months pero napansin ko na 1 month pa lang ay meron ulet bulate ang mga manok ko.
Pag nag-deworm ako inuulet ko after 10 days bago ang sunod ay 3 months na. Di ko sila pinapakain sa hapon at sinusubuan ko lang ng pamurga. The following morning bread at milk lang ang pakain ko.
Ang pamurga ko ay salitan na Vermex, Wormal at Hammer.
Meron po ba kayong maire-recommend na mas magandang pamurga kesa sa nabanggit ko?
Maraming salamat..
Edong
earan
August 5th, 2003, 11:41 AM
Nasubukan ko na at mukhang mahina nga yang mga yan. Subukan mo CT Williams or Pakyaw. Sa presyo pa lang malaki pagkakaiba, yung una mga 5 pesos lang samantalang yung huli ay mga 15 pesos ang isa.
Edong
August 5th, 2003, 12:26 PM
Thanks earan. Buti naman may nag-justify doon sa nasa isip ko..:)
Try ko Pakyaw at pag di maganda result ay gagamit ako ng CT williams
P_U_L_A
August 5th, 2003, 01:09 PM
Sir edong,
Magaling talaga yong si PAKYAW, sino kaya mas magaling sa kanila ni FPJ:lol: :lol: beerolang...
tsampoy
August 5th, 2003, 02:41 PM
mga pare,ano naman ang pinakamabisang dewormer laban sa TAPEWORM na available sa phil.market?:lol: :lol:
macgyver
August 5th, 2003, 10:30 PM
habol tanong lang mga pre yung 3months ba pwede na bigyan ng pamurga katulad ng citi williams o pakyaw?:(
don b
August 6th, 2003, 09:58 AM
Edong,
pre, subukan mo magbigay ng wormer sa umaga. Mas cleaned out na sila after more than 10 hours. Sa tanghali, bread and milk. Sa hapon light feeding.
swallow
August 6th, 2003, 03:42 PM
try mo PAKYAW...
reongmanchi63
August 6th, 2003, 03:51 PM
Pare subukan mo yung bunga ng nganga,kailangan ay yung mura pa.Hatiin mo sa apat ang bunga para wag masobrahan ang manok .Magintay ka ng kalahating oras hanggang isang oras pagkasubo sa manok makikita mo inilalabas na ang bulati kung mayron man ang manok mo.
Sa akin epektib ito mas matipid pa kung marami kang pupurgahin.
aba ilocos hammer
August 6th, 2003, 06:40 PM
macgyver, sa palagay ko di pa pde kasi parang di panila kaya yung fasting,di kakain ng isang araw at masyadong matatapang yung citi william, gamit ka muna powder, halo mo sa inumin nila.
sonny dela cruz
August 6th, 2003, 10:41 PM
:angry: :hat:
back home gmit ko rin bunga ,tma ung hati sa apat kc pag
nasobrahan delikado namatayan na ko nyan natuyuan ng laway sa lalamunan gawa ko umaga para cgurado mabantayan kilos ng manok pero epektibo tlaga
macgyver
August 7th, 2003, 01:48 AM
thank u aba ilocos hammer try ko muna powder thanks...:)
MOYZKI
August 7th, 2003, 03:18 AM
Pareng Macgyver,
Subukan mo TAPE TERMINATOR pwede ito gamitin sa mga lumalaking mga sisiw. Liquid form ito at inihahalo sa inuman ng mga sisiw.
Pareng tsampoy,
By the name itself, pang tapeworm din itong "TAPE TERMINATOR", kaso i think mahal ito compared to tablet or capsule dewormers. Mas malaki ang dose na kailagan kung magulang na ang pupurgahin mo. Using CT willams ay okey din sa tapeworm at 15php each.
MOYZKI
mon t
August 7th, 2003, 03:28 AM
Bukod sa Oxyrid, gamot sa eye worm may alam ba kayo?
bulangero
August 7th, 2003, 10:22 AM
Epektib yang oxyrid. Medyo mahal nga lang...
zimatar
August 8th, 2003, 11:11 AM
We used CT Williams effective talaga!!!! sobrang mahal nga lang!!!
Bayani
August 10th, 2003, 01:15 PM
kada 3 buwan nabigay ako ng Worm Out-Bulex(@P13/tab) maganda for tapeworm and other intestinal parasites pang manok. yung 2 months nabigay lang ako ng cheap tablet dewormer(tulad ng Vermix2,Hammer o Wormal). bale monthly ako na Deworm sa mga cords at kung bata naman 1st 2month of age at ang sunod ay monthly na(via H2O o Fids). nag bibigay ako ng doublle dose Multi-vitamins sa 2big o fids 2days b4 and 2 days after. the day b4 deworming skip ko last feeding the administer dewormer early am. while for chicks i fid first by 9am bigay muna ako ng dewormer kung via H2O.:sprcool:
BAROK
August 11th, 2003, 01:53 PM
Next time!! Pagkatapos mong magpurga, kailangan mag sapatos ang mga maonk mo para di pabalik balik ang BULATE.
hotmale23ph
August 11th, 2003, 03:13 PM
hahahahahah!!
lucia lopez
August 12th, 2003, 07:45 AM
Natural deworming of chickens are the cheapest one money can buy. SILING-LABUYO, put one sili once a week on their feed. No chemicals or artificial by product, to upset your fighting chickens.
boolick
October 17th, 2003, 12:48 AM
may nakasubok na ba na paggagamot sa bulate sa mata? Paano mo ginagamit? gaano kaepektibo ba iyan? kumbaga bilang kapalit sa mahal na gamot.
miguel88
October 17th, 2003, 03:52 PM
The best parin ang bunga ng nganga pero dapat maingat sa paggamit nito...1/4 lang dapat ibigay sa manok at dapat mga 4-5 oras matapos makakain sa umaga ang pagbigay nito... cgurado tanggal ang bulate...1/4 lang din ang pagkain sa hapon....ulitin ang pagbigay matapos ng tatlong linggo.
Dax_1975
October 17th, 2003, 05:08 PM
Sa bungang nganga pa din ako simula ng sinubukan ko...laging maganang kumain ang mga manok ko...mura lang kc ito...at natural kya cguro walang naiiwang chemical sa katawan ng manok....paggamit ko nito hinatati ko sa apat ang isang bunga pag ang edad at pito buwan pataas..at walong hati pag 3mons to 6mons.
Pag bibigay nito..halimbawa bukas ka magbibigay sa umaga..ngayong hapon konti nlang ang pakain 1/4 nlang ng regular nilang pagkain sa hapon. tpos sa umaga 1/4 ulit ng supply ng feed..mga isang oraspagkatapos kumain bigyan mo na ng pamurga...hintay klang sa maghapon at ilalabas na ang mga bulate...pero pag wlang lumabas ibig sabihin lang nagnganganga ang mga bulate na nsa lob ng katawan ng manok mo...joke lang..
hehehehe...imposeble yan na walng lumabas kung merong bulate ang manok mo.
Ito lang nman ay nabanggit ko..dahil nakita ko ang pagkakaiba ng resulta ng dati pko gumagamit ng mga tableta or maging ang liquid dewormer.
Maintain mo lang pagbibigay nito kada buwan...
Good Luck..!! & Have a nice cocking week end..
Dax_1975
mas magandang gwin ang pag purga
boolick
October 17th, 2003, 06:07 PM
mga katilaok, paano naman yung bulate sa mata? tanggal din ba sila pag pinakain ko nang nganga? o dikdikin ko at kunin ko iyung katas at iyan ang ilalagay ko sa mata? mayroon na bang nakasubok nito? mayroon bang ibang dahon o halaman na magagamit para sa mata?
ryan72_2000
October 18th, 2003, 07:47 AM
boolick,
subukan mo ang kalamnsi para sa bulati sa mata. patakan mo ng isa kada araw sa tatlong araw na sunod sunod.
rkysat
October 18th, 2003, 02:10 PM
KOrek ! Bunga ng nganga ako diyan ! Labas lahat ang pesteng bulate. Yun nga lang, be careful sa pag bibigay, dahil pag nasobrahan, UGA ANG TUHOD ng manokis mo !:wow:
Very effective indeed !
reongmanchi63
October 18th, 2003, 07:20 PM
Mga Pare,
Subukan nyo naman ang dahon ng ikmo para sa mata na may bulati.Dikdikin maigi ang dahon at ipatak ang katas nito sa mata ng manok na may bulati.
tsampoy
October 20th, 2003, 02:16 PM
medyo lumalim tayo sa topic.punta naman tayo sa GENERICA.ang kagandahan ay pag alam mo ang generica makakapamili ka ng gamot na MURA pero parehas ng SUBSTANCE AT EPEKTO.tulad ng listahan sa BOTIKA makakagawa rin tayo ng LISTAHAN ng generica para sa ating sasabunging manok.eto ay kung pagtutulong tulungan natin na mag share ng information.sisimulan ko sa pamamagitan ng pagme mention ng klase ng worms at yung equivalent na pinakamabisang SUBSTANCE na pangontra dito.tapos isa isa nating i analize ang content ng bawat produkto na available sa pilipinas.ang objective nito ay upang makamura tayo sa pagbili ng effective na dewormer.may ilan kasing kumpanya ng gamot na mahal ang kanilang tinda pero parehas din ng substance.so simulan ko na,ITULOY NYO.
ROUNDWORMS...........pinakamabisang pangontrang generica substance ay LEVAMISOLE at PIPERAZINE.
TAPEWORMS............pinakamabisang pangontrang generica ay NICLOSAMIDE.
CECAL WORMS......pangontra ay PHENOTHIAZINE
GAPEWORMS..........pangontra ay THIABENDAZOLE
ang gagawin nyo lang ay basahin sa supot ng gamot ang generic content ng dewormer.ETO NAMAN ANG LIST NG MGA BRANDS NA AVAILABLE,I DECLARE KO NA RIN YUNG CONTENT.
VERMEX-2 ng lakpue drugs..........ang content ay niclosamide at levamisole.
VERMIGO ng thunderbird............content ay niclosamide at levamisole.
HAMMER ng sagupaan............content ay niclosamide,levamisole at mebendazole. 5 pesos ang isang tableta.
PAKYAW ng vnj distrib...........content ay fenbendazole,broadspectrum daw para sa lahat ng klase ng bulate.yung price ewan ko.alam nyo ba?
C.T. WILLIAMS............yung generic content hindi ko alam.paki add
naman yung nalalaman nyo diyan sa pinas.alam ko lang ay 15 pesos ang isa.
WORMAL.........yung generic content hindi ko rin alam.i need infos from you out there.and price also.
paki fill up nalang yung mga kulang na information at tsaka natin ibigay yung analysis compared sa price.sa tingin ko sa kasalukuyan yung HAMMER NG SAGUPAAN MURANG MURA AT TAMA ANG CONTENT NA GENERICA NA PANG TAPE AT ROUNDWORMS(LEVAMISOLE AT NICLOSAMIDE).
AYOS BA MGA PARTNERS,HAHAHAHAHA.
:lol:
boolick
October 20th, 2003, 03:03 PM
kasamang manchi,
nagtanong ako kung maynakakakilala sa ikmo, baka mayroon kang ibang pangalan diyan. ano ba ang hugis nang mga dahon at punong kahoy? saan mahanap ito? salamat.
tsampoy
October 20th, 2003, 03:07 PM
yung nganga at ikmo ay iisa at parehas kaibigan.parang maliit na palm tree.pag hilaw pa ang bunga ay green,pag nahinog ay tila parang gold ang kulay.;) yung puno mga ten feet and above ang taas.yung puno na magulang parang kasing laki ng binti ng tao ang diameter.
P_U_L_A
October 20th, 2003, 03:09 PM
pwede bang gamiting pamurga ang latigo50 sa manok? :D
reongmanchi63
October 21st, 2003, 01:18 PM
Pare, ang dahon ng ikmo ay hugis puso ito ay kadalasang ginagamit ng mga matatanda na ngumunguya ng nganga at apog.Ginagamit din ito ng mga albularyo sa mata ng tao para luminaw daw ang paningin.Makakabili nito sa simbahan ng Quiapo o kaya sa mga herbal store o maging sa mga palengke.Sa probinsiya ay madaling makakakuha nito dahil marami pa sa matatanda natin ang gumagamit nito.
Kaibigang Boolick ang ikmo nga pala ay gumagapang na parang baging o kamote.
nokman junior
October 23rd, 2003, 05:23 PM
gumamit ako ng vermex-2 na pampurga....walang lumabas na bulate sa manok ko....bale ganito ang ginawa ko, di ko pinakain yung manok ko sa umaga at pinainom ko ng vermex-2 100mg ang 5 month old stag ko,bale first time ko siyang purgahin kaya umaasa ako na may bulate siya....pinakain ko sa hapon at umasa pa na baka bukas lumabas na, kaso wala pa rin...hangang ngayon walang tinaeng bulate ang manok ko....may ganito ba kayong experience sa vermex-2?
ryan72_2000
October 23rd, 2003, 10:21 PM
nakaexperience niyan, ako din. baka sabihin ng manufacturer eh naninira tayo. gumamit ako nyan tapos inulit ko pa after 10 days wa-epek din. nung unang labas lang mabisa iyan pero lately parang tila naging vitamin ng mga bulate. dahon na lang ng amplaya ang ginamit ko mabisa pa.
rrsegala
October 24th, 2003, 12:27 PM
sir tsampoy, ang BUNGA ng NGANGA ay galing sa isang klase nga ng palm tree pero ang IKMO ay isang dahon na galing sa isang puno na hindi palm tree. APOG at MASKADA na nga lang ang kulang kumpletos rekados na ang NGANGA ng isang matanda kasi may BUNGA na may IKMO pa.
just for info lang, sir.:sprcool:
nokman junior
October 24th, 2003, 07:22 PM
ryan 72,
info naman about sa dahon ng ampalaya na pampurga, like kung gaano kadami at paano ang sistema at kung safe bang gamitin yan.....takot kasi ako gumamit ng bunga ng nga-nga eh, baka madale yung mga manok ko...anyone na may alam din ng paggamit ng dahon ng ampala for deworming, hep out plis...
ryan72_2000
October 24th, 2003, 10:40 PM
ginagayat ko lang hanggang isang kutsara at isunusubo sa stags ko, 2x a month ko ginagawa. okey naman resulta dahil nga natural. kung nag-pupurga ka at walang lumalabas na bulati eh baka naman talagang walang bulati iyang mga manok mo.;).
sa mga panlaban CT Williams ang gamit ko na talaga namang mabisa, mahal nga lang.
nokman junior
October 25th, 2003, 10:49 AM
oo nga eh, laki ng deperensiya ng presyo ng ct williams sa iba, dami kasi akong pupurgahin aya hanap ng matipid na pamamaraan....sigurado bang safe yan?...di naman sa hindi ako naniniwala ha...bago lang kasi sakin yan eh
ryan72_2000
October 26th, 2003, 03:37 PM
nokman junior,
subukan mong tingnan sa internet ang dulot ng amplaya na sa ingles ay bitter melon o bitter gourd o balsam apple o charantia.
sa ads sa Television, ang charantia ay iyung ginagamit ng mga maysakit sa diabetes para mapababa ang sugar level.
maraming dulot ang ampalaya. maliban sa kanyang purgative agent, meron itong anti-bacterial action, gamot sa cancer, pang blood clotting, gamot sa may constipation, gamot sa asthma, arhtritis, etc.
sa probinsya, iyung kinatas na galing sa dinikdik na ampalaya ang ginagamit na pamurga sa kalabaw.
sa pagkain ng marami, bawal na bawal ito dun sa mga nag-bubuntis dahil ginagamit din itong pampalaglag, yung may low blood, etc.
thundercock
October 27th, 2003, 12:55 AM
Ganon din po ang karanasan ko dyan, kaya wormal na lang ang ginamit ko, kinabukasan kung talagang may bulate ang manokis natin lalabas at lalabas. Sa mga sisiw naman maganda ang Pidro.
" Life is Short...Enjoy..."
Thundercock
nokman junior
October 27th, 2003, 07:36 PM
ryan,
tanong ko lang....kasama ba yung dahon ng ampalaya na ipapakain sa manok o yung katas lang nito?..medyo nalito lang ako...
ryan72_2000
October 27th, 2003, 07:41 PM
preng nokman,
ang sa akin kasi ay isinasama ko na yung tangkay at dahon sa pag-gayat at ito na yung aking isinusubo sa stags.
nokman junior
October 27th, 2003, 07:56 PM
preng ryan,
salamat....paano naman kung bunga lang ang available...pwede bang yun nalang ang gamitin?,gaano naman kaya kadami?...ang kulit ko ba?, cencya na...
ryan72_2000
October 27th, 2003, 08:03 PM
pareng nokman,
kung bunga naman ang available eh hiwa-hiwain mo ng maliit na pahilis, pigain mo sa asin at banlawan mo. igisa mo at samahan mo ng baboy. masarap ng ulam iyan sa hapag kainan....hahaha:lol: biro lang, pre...
ligas_paka2006
September 8th, 2011, 01:52 PM
sir tsampoy, ang BUNGA ng NGANGA ay galing sa isang klase nga ng palm tree pero ang IKMO ay isang dahon na galing sa isang puno na hindi palm tree. APOG at MASKADA na nga lang ang kulang kumpletos rekados na ang NGANGA ng isang matanda kasi may BUNGA na may IKMO pa.
just for info lang, sir.:sprcool:
urik18_honey15
September 8th, 2011, 02:20 PM
mga pare.. anu ba proper usage nang CT williams na yan sa mga gumagamit? gaya rin ba nang ibang pamporga?
Purok4_MC722000
September 8th, 2011, 02:31 PM
mga pare.. anu ba proper usage nang CT williams na yan sa mga gumagamit? gaya rin ba nang ibang pamporga?
bawasan mo lang ung regular na pagkain sa hapon, kinabukasan pag empty na ay saka mo purgahin...about 10am to 12 nn ay bigyan mo ng isang kutsarang tinapay na binabad sa gatas (pang-flush)...sa hapon o gabi ay pwede ng bigyan ng full feeding.
warlordbegin
September 8th, 2011, 05:33 PM
preng ryan,
salamat....paano naman kung bunga lang ang available...pwede bang yun nalang ang gamitin?,gaano naman kaya kadami?...ang kulit ko ba?, cencya na...
sir gud pm makisabat lang po! pag BUNGA ang gagamitin mo ung 1whole na BUNGA hiwain mo ng 4 din ung 1/4 hiwain mo ulit ng 4 tapos ung 1/4 hatiin mo sa dalawa ung kalahati ng 1/4 ang ibigay mo sa isang manok! sana sir makatulong!! cheeersss.
nakaprecon
September 8th, 2011, 06:56 PM
iwasan lang po na madikit yung nganga sa dila ng nokis natin kase mapakla yan at hindi makakain nokis natin.,
Rommel Miguel
September 9th, 2011, 04:10 AM
ano po ang puwedeng pamurga sa mga 3 to 4 months...
mel mendoza
September 9th, 2011, 04:13 AM
ano po ang puwedeng pamurga sa mga 3 to 4 months...
boss , may isang akong inaalagaan na 4 mons na stag...purga last aug 18...tapos next na purga ko ay sept 3....hammer ang ginamit ko..ok naman at ang takaw na niyang tumuka
daeverson
September 9th, 2011, 08:22 AM
Sir subok ko na ang pakyaw, kahit hindi ko na fasting meron talagang lumalabas na bulate. minsan pa nga meron tapeworm na lumabas. every month ako nagpupurga at inuulit ko after 10 days para mapatay nya ung itlog ng bulate na napisa na after 10 days... nga po pala ang bili ko sa pakyaw ay 8-10 pesos...
gokoang
June 12th, 2012, 03:30 PM
pwede po ba yun mebendazole na para sa tao? ilang dosage po ang administer? mas epektib po ba kung hapon magbigay or madaling araw?
EPG5 Backyard
June 12th, 2012, 03:36 PM
PAKYAW po ang gamit namin once a month. Fasting sila ng Sunday afternoon tapos Lunes ng umaga ay bibigyan ng gamot purga.
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.