PDA

View Full Version : 7 months stag puwede na ba ilaban?


Frennie
September 18th, 2003, 04:51 PM
Mga tsong need lang ng advice if yong 7 months stag ko kung puwede na ilaban kasi planong kong isabak this sept. 28.

Thank in advance sa reply.



Frennie:confused:

andrew q.t
September 18th, 2003, 05:43 PM
pwede bkit hinde kaso laban mo rin yan sa bata cguro mga edad 8 9 10 months wag lang sa magulang kc hirap patayin ng manok mo ung magulang pero sugest ko sayo pagulangin mo muna kc iba parin ung palo ng magulang lalo na pag magaling yang manok mo sugestion ko lang un ha pero kung gusto mo tlga e laban mo ulut mo sa bata din

banong
September 19th, 2003, 01:20 PM
tol!

sa tingin ko masmaganda kung pagulangin mo muna yung stag mo kc ung mga bata masyadong agrsibo, sugod ng sugod at kung minsan eh wala pang masyadong laro at kung mamalasin ka pa eh kung minsan tumatakbo sa laban, kaya mas maganda kung talagang nasa tamang stage na sya o edad kung talagang gusto mong makasiguro.... pero kung talagang gusto mong ilaban yan eh dapat dun sa talagang ka-match nya..........

more power & always keep-up the good work..........:blush:

armel tabios
September 19th, 2003, 03:40 PM
puede yan basta yan un tipo ng stag na early maturing at di na umaayaw sa spar but then i advice u na ilaban mo din sya sa kapwa bata un less than 10 months pa tutal stag season naman ngayon madami ka makikitang katapat....Good luck

Mhel
Ubba

jhun18
September 19th, 2003, 04:54 PM
Tama si banong mas maganda pagulangin mo muna bago mo ilaban.:sprcool:

Wintuha
September 19th, 2003, 08:02 PM
Puwede mong ilaban yan bakit hindi pero don sa kaedad lang niyan, 7 months din para di ka dehado sa laban.

Pero kung wala kang makalaban na 7 months din maghintay ka na lang ng 2 pang buwan.

Kung talagang mapilit ka sa kabila ka na pumusta at ilaban mo sa bullstag. Sigurado panalo ka sa pera pero talo ka sa manok mo.

anthonygalito
September 19th, 2003, 08:30 PM
ok lang yan pre bastat may tiwala ka sa manok mo at ginawa mo ang tamang conditioning di ka magsisisi sa iyong naging desisyon

Frennie
September 21st, 2003, 01:44 PM
Thank you sa mga nagreply. makakatulong ito sa darating na laban ng stag ko.

god bless!

BALINTAWAK
September 21st, 2003, 06:34 PM
kelangan young vs. young;)

llamadista9
September 22nd, 2003, 01:58 AM
Diyan mo gamitin ang style ni Rooster Man sa paghahanap ng kalaban sa ulutan. Huwag pagugulang.

Boy London
September 22nd, 2003, 02:27 AM
Pwede mong ilaban bakit hindi basta kaya ng dibdib mo at kaya ng bulsa mo. AKO NAG LABAN NG 6 MONTHS Last July kalaban magulang ng kaunti dehado kami dahil nga bata pero gurlis lang ang sugat ng manok ko. Kailangan alam mo loob ng manok mo.;)

jonjie88
September 22nd, 2003, 09:20 AM
....TO ALL MEMBERS CONCERNED...

I'm one of those Frennie, i suggest huwag na lang pero kung wala ka awa sa mga bata....sige lang.

P_U_L_A
September 22nd, 2003, 10:08 AM
Ang 7 mos. old ay pwuedeng ilaban sa kasing edad nya. Kailangan lang na maganda ang hipo ng STAG mo, lalaking lalaki(hindi baklain)para di kumalas. At dapat ay na HARDENING mo ito, para tumaas ang testosterone level nito. At importanteng nakitaan mo sya ng POTENTIAL na pumatay.

Dapat kasing laki lang ng manok mo ang makalaban o kaya mas malaki ang sa iyo:lol:

tsampoy
September 22nd, 2003, 05:34 PM
eto naman ang payo ko at personal kong opinyon.
kung didiin ka rin lang naman ng pusta at alam mong mainam ang manok mo ay magandang pagulangin mo pa ito.kung pustang naglilibang lang at hindi kana makapaghintay talaga ay sa kapwa kasing gulang nya.pero mahirap ito.kasi yung mga beginner mahinang tumantsa ng gulang o edad ng mga manok na makakalaban sa ulutan.lalo na pag kinayas ang tahid o mukhang bata ang mukha ng manok pero magulang na(baby face,hahahaha).dito sa puntong ito nagkakagulangan at talagang lalamangan ka ng mga magugulang at beterano sa sabungan.kung hindi ka experensiyado sa pagkalkula ng edad ay mabuti pang pagulangin mo na lang ang manok mo.habang gumugulang ang manok mo ay SABAY DING GUMUGULANG KA SA SABONG,HAHAHAHAHAHA!IBA NA ANG TAHIRAN PRE!HAHAHAHA!:lol: :lol:

rollyramos
September 22nd, 2003, 06:09 PM
ang panabong na may idad na pitong buwan[7mos.] ay ubrang ilaban sa kasing idad. naalala ko ng magkaharap kami ni kaibigan tiny meneses , sa kanya ko narinig na ang 15 araw na tanda ng stag sa kapwa stag ay napakalaking advantage. lalo na kung mapalaban sa mas malaking agwat ng idad.

ang manok na walang isang taon gulang ay hamak na mas malambot ang laman,buto,litid. kumpara sa nakalugon o mas maidad na panabong,

HALIMBAWA.... ang stag ay tinamaan sa hita at nabalda. kung sa panabong na mas maidad nangyari ang tamang katulad ng tinamo ng stag ay hindi sya mababalda at kaya pa nitong gumanti. ang stag pag nasugatan ng grabe ay may tendensi na mamanhid ang katawan ,pumapalo pero malalay o kaya ay pakpak nalang ang kinakampay , kumpara sa magulang na panabong na kahit luray na pag nakadikit ay malakas pa rin,

ayon sa mga dalubhasa
ang idad ng manok kumpara sa tao..

7mos.----- 15 anyos,
8mos------- 16 anyos
9mos. -----17 anyos
10mos.------18 anyos
11mos.-------19 anyos
1yr .old-------20 anyos
2yrs.old------32 anyos at ito ang kalakasan ng tao at manok.

maaring humigit kumulang ay tama sa kumparasyon ng mga idad.

sanay maging gabay at tulong sa inyo:)

agieto
September 23rd, 2003, 09:11 AM
Tsampoy

Nabangit mo na maraming magugulang sa sabungan sa mga kayulad kong baguhan pano ang palatandaan na magulang na ang manok na kaharap ko...ano ang pinagkaiba nito sa Stag...
bigay ka naman halimbawa

Sir RR,

Welcome Back

:rolleyes: :sprcool:

bulangero
September 23rd, 2003, 11:00 AM
Naku! Naku! Naku!

Sir RR at Sir Tsampoy,

Bakit nyo tinuturuan ang mga bagito na dapat pa pagulangin and manok nila? Nakakaasar talaga kayo. Hayaan nyo na na maglaban sila ng 7 months na manok. Lalo na yung 6 months? Hangang-hanga ako sa dibdib ng mga yun!

Paano na ito? Kakaunti na lang ang tatalunin naming mga bagito na sadyang nakikinig sa inyong mga payo. :lol:

Frennie, sana di ka pikon at nagpapasaya lang ako sa usapin na ito. Pero kung di ka pa marunong tumingin ng batang manok eh wag mo madaliin ang paglaban ng manok mo. The odds are against you my friend.

bulangero
September 23rd, 2003, 11:18 AM
Una, kakaunti lang naglalaban ng ulutan ng mga batang manok. Kung meron man yun yung may mga magandang linyada ng manok na gustong subukan sa tibay ang manok nila. Marami pang kapatid yung manok nila na kung sakaling makita nilang matibay at magaling sa laban eh patatandain nila ang mg kapatid para pang-bigtime derby. Gusto mo ba silang tapatan ng laban? Ikaw ang blaha. :rolleyes:

Pangalawa, swerte ka na talaga kung di masugatan ang manok mo na nakakabalda or nakakapilay at kung nagkataon na meron, wala ng silbi ito pagkatapos ng isang laban. Meron akong nailaban 11 months against an older cock (na halos nagpanalo sa amin ng fastest kill prize) pero may tama din at di na tumagal eh namatay din. Mainam na manok pero isang gamit lang. Ok lang ba sayo yun :confused: Sa akin nakakapanghinayang lalo na kung ikaw ang nagpalaki.

Sana nag-entry ka na lang sa CF 3 Stag Derby sa San Mateo last Sept.17 at dun sigurado ka na panay stag ang makakalaban mo. Patas ang labanan ikanga ng marami.

Roosters&Dreams
September 24th, 2003, 12:40 PM
15 months are pinaka bata na nilalaban ko...7 months masyadong bata, depende so clase ng manok mo...pero so edad no iyan baka hindi pa steel game ang manok mo...hindi pa kayang tumangap my sugat...
nila laban ko ang akin sa edad no 15 months so mga magulang na manok gaya ng 2 to 3 years old by the time na naglugon sila ay mayroon not atleast 1 win ang iba ay 2 wins na sa edad na 15 to 17 months... tapos ay pinaglulugon ko sila hangang sila ay 2 years of age at this time pumipili ako para ilaban so derby...
ang process na ito ay sigurado akong sila ay winner na, subok no sila, alam ko kung maganda ang cutting nila at saka kaya nilang tumangap ng sugat...

Boy London
September 24th, 2003, 02:39 PM
May naalala pala ako may nailaban din pala akong 7 months nanalo at marami din sugat pero hindi umayaw so sa palagay ko depende rin sa clase ng manok, at sa ngayon 3x winner na at broodcock ko na siya, pero kung ma aavoid mong wag mag laban ng bata ay gawin mo. mas malaki ang chansa nito.:)

redwings
September 24th, 2003, 04:12 PM
Pwede but the risk is so high na baka one timer lang ang minamagaling na manok. Better wait. Or join a real stag derby na lang para patas ng konti. But remember that 7 months is like a teen, full of testosterone but lacking experience.

al_santiago
September 24th, 2003, 08:10 PM
ikaw lang ang makakasagt sa tanong mo. kung tiwala ka sa nokis mo ilaban mo. huwag na kung sa tupada lng. disgrasya lang yan.

julian espiritu
September 25th, 2003, 04:23 AM
may manok pag bata malambot ang paa, pag tinarian mabilis mamilay. mnsan di abot sa ruweda namilay na. pag di mo napansin ayaw ipalo dahil namimitig na sayang alaga mo sayang pera mo.:rbounce:

Lucky Streak
September 26th, 2003, 08:49 AM
Masarap mamalo ang mga bata.Walang humpay. Kaya kadalasan maeenganyo kang ilaban.Excited ka dahil palahi mo magaling.

Pero kuwidaw ka. Walang direksyon ang palo nito at mababa yung accuracy ng patama.Wala ring diskarte ( side step o weave ) at killer instinct. At higit sa lahat mahina ito sa sugat. Huwag ka umasa na tatagal ito kung drag fight na ang labanan.

Yung sinasabi na itapat mo din sa bata.Pwede din talaga iyon. Pero pag nasa sabungan ka na at nag-uulot, eh iba na. Nandun lahat ng buyo. At mas madalas kaysa hindi na mawala yung kontrol at matapat ka rin sa mas magulang na manok.

Kaya mas mabuti huwag mo na ilaban at hayaan mo na lang na makalugon nang kahit isang vez lang. Pag napalugon mo iyan dun mo lalo makikita yung lupit ng manok mo.

bulangero
September 26th, 2003, 09:37 AM
Eto pa. Pagkabitaw ng stag mo kahit sabihin pa nating abang ang lahi nya at nagkataon din na abang din ang kalaban, sa tingin ko ang unang maiinip sa antayan na papapasukin muna ang kalaban eh yung stag mo. So pasok kaagad sya...swerte na lang kung walang palo ang kalaban...tiyak mauunahan manok mo. Swerte mo na rin kung makaganti pa manokis mo at manalo.

Yung init sa laban na-experience ko na yan. Mantakin mong naglaban ako ng 11 months na stag mestizo pa yata yun sa 5 times winner na manok? Resulta nakauna manok ko pero lintek ang ganti ng kalaban. Syempre lotats! :angry:

Consolation ko na lang na namatay ang kalaban paglabas ng gradas. :evil:

julian espiritu
September 27th, 2003, 12:01 AM
kung katulad mo ko na di naman big time asa lang sa ulot para malaban ang manok sa sabungan mo makakatagpo lahat na klase ng tao.artista, pulitico, negosynte, lahat na halos.sa ulutan meron dyan may dala na banig at kulambo makakita lang ng magandang ulot.sa tari pag nalagay ka sa lihis di sumama sa pusta nagtari sa yo.opps o kaya makalaban mo manok ng club yari k.:rbounce:

rouge
September 27th, 2003, 06:53 AM
very well said Julian!;)

Frennie
October 5th, 2003, 04:50 PM
Akoy malugod na nagpapasalamat sa mga reply nyo at advice. Nakatulong ng malaki sa akin sa pagpili ng makakalaban ng stag ko na kasing bata din. At last nanalo din kahit may sugat ng konti. Thank you to all!



Frennie:rbounce:

joeymerc2003
October 5th, 2003, 05:09 PM
congrats pre.... sana makarami pa yang stag mo:)

julian espiritu
October 5th, 2003, 11:37 PM
sana manalo ka pa:rbounce:

bulangero
October 6th, 2003, 10:00 AM
That's good to know...Congrats sa panalo mo.

paeng
October 7th, 2003, 09:33 AM
Basta ba may pamusta ka na .Labang na yan.Sigurado ko lalabanan ka ng mga hustler niyan. Kung alam mong kumilatis ng kalaban na 7 mos di ok lang. Palagay ko ikaw yon taong hot sa sabong.Enjoy mo muna yan manok mo bago mo ilaban. Bigyan mo rin ng mahabang buhay yan manok mo para mag-enjoy din. Pag inilaban mo agad yan.i think that's cruelty to manokis.

lybamba
May 3rd, 2006, 10:34 PM
he he he

JULIUS1005
May 3rd, 2006, 10:47 PM
para sa akin pwede ng ilaban basta sa kapwa bata lang din ang kalaban.....pero kung magugulang ang makakalaban ko....wag na lang .......madami pa naman laban....