View Full Version : Protein sa Binabad na Patuka???
bak_dat_ass_up
September 9th, 2007, 09:21 AM
Doc, 3 years palang po ako seryosong nagmamanok... medyo confused lang po kasi ako kung ano ba talaga ang naitutulong nang pagbabad ng mga patuka o grains ng atleast 8 hours sa mga manok?
Para sa akin po kasi dalawa lang ang pwedeng dahilan, una po upang magkaroon ng moisture at pangalawa madaling matunaw ng manok...
Balak ko po kasi mag dry feed na lang tutal nakababad naman po ang inumin sa teepee at para hindi po ako mahirapan mag control sa timbang mga manok ko...
Pangalawang tanong ko po, kung nakaka pagpataas ng protein content ng legumes ang pagbabad nito ng atleast 8 hrs sa tubig, paano po nangyayari ito, kailangan po kasi ang nitrogen... nakakakuha po ba sila ng nitrogen sa pagbabad sa tubig o pag germinate nito?
Salamat po... Mag follow-up question nalang po ako kung hindi ko pa rin maintindihan...
bak_dat_ass_up
September 9th, 2007, 12:13 PM
saan po kukuha ang legumes o beans ng nitrogen para maging protein sa pamamagitan ng pagbabad, nakukuha po ba niya ito sa germination otherwise useless lang po ang pagbabad kung pagkukunan lang ng karagdagang protein dahil po wala naman pong nadedevelop na protein?
illuminado
September 9th, 2007, 12:27 PM
up lang natin para mapansin ni doc tjt...
AnakNiPepe
September 9th, 2007, 09:42 PM
ung phytic acid naalis sa pagbabad ng mga patuka bukod pa dun si doc na makasasagot
victoria
September 9th, 2007, 10:28 PM
up lng ko lng para mapansin ng my mas nakaka alam:)
nokski
September 10th, 2007, 05:27 PM
up lang mg kasabong para mapansin ni doc..,.,,.
manok911
September 10th, 2007, 06:17 PM
baka busy lang si doc sa pagcondisyon ng mga nokis nya... alam nyo na.... malapit na ang stag derbies....:D
ernie27
September 10th, 2007, 07:02 PM
up ko lang busy pa c doc
TADOKA
September 11th, 2007, 02:57 AM
Doc, 3 years palang po ako seryosong nagmamanok... medyo confused lang po kasi ako kung ano ba talaga ang naitutulong nang pagbabad ng mga patuka o grains ng atleast 8 hours sa mga manok?
Para sa akin po kasi dalawa lang ang pwedeng dahilan, una po upang magkaroon ng moisture at pangalawa madaling matunaw ng manok...
Balak ko po kasi mag dry feed na lang tutal nakababad naman po ang inumin sa teepee at para hindi po ako mahirapan mag control sa timbang mga manok ko...
Pangalawang tanong ko po, kung nakaka pagpataas ng protein content ng legumes ang pagbabad nito ng atleast 8 hrs sa tubig, paano po nangyayari ito, kailangan po kasi ang nitrogen... nakakakuha po ba sila ng nitrogen sa pagbabad sa tubig o pag germinate nito?
Salamat po... Mag follow-up question nalang po ako kung hindi ko pa rin maintindihan...
ok to.. wait din ako sa reply ni doc.
tjtcokngacademy
September 11th, 2007, 05:01 AM
Pasensya na mga amigo dahil katatapos lang ng Academy. Tungkol sa tanong na kung paaano nakukuha ng grains ma-activate ang protein content nito:
May mga grains gaya ng legumes (green peas, monggo, soy beans) na kapag pinakain "as dry" ay walang mapapakinabangan na protein hanggang ito ay hindi sina-subject sa heat treatment o pag-luto.
Engkanto
September 11th, 2007, 05:17 AM
Mga Kaibigan,
I-share ko lang po itong aking konting nalalaman tungkol sa pagbabaad ng buto. Doc TJT, paki-correct na lang po ako kung may mali sa mga sinulat ko.
Sa pagkakaalam ko lang, pagdating sa sustansya o nutritional content ay malaki ang kalamangan ng ibinababad na mga buto (seed/grains) kaysa sa hindi babad o tuyo. Pero kailangan ang pagkababad ay tamang-tama lang, iyong labas pa lang ang maliliit na ugat (roots) at kailangan wala pa ang green o sibol. Siguro mga 8 hanggang 12 oras. Sa stage na ito kasi ay isang malaking transformation ang nangyayari sa dating tuyot na buto. Ang buto ay nagsisimulang mag-germinate o literally "nagkakaroon ng buhay". Sa ganitong stage rin ang mga proteins, oils at starches na nasa buto ay nagsisimula nang mag-trasform from complex into simpler forms na ngayon ay puwede nang ring gamitin ng halaman sa kanyang pagtubo. Halimbawa ang mga starches ay nagiging sugar in simple forms na kinukuhanan ng buto ng energy para sa pagtubo. Ang mga proteins naman ay nabi-breakdown into amino acids para rin gamitin ng halaman sa pagbuo ng kanyang ibang bahagi. Kaya sinasabing mas may protein ang germinated seeds dahil ito ay na breakdown na into ready and usable forms. Kapag hindi germinted ang mga buto, kakailanaganin ng ating mga manok ang karagdagang digestive enzymes para maq-breakdown ang proteins at maabsorb ng katawan ang mga amino acids. Siyempre ang ibaa sa mga ito ay hindi totally naa-absorb ng nokis kapag hindi na-breakdown.
Speaking of enzymes, ito ay kayang maproduce ng manok subalit kalangan ding mapalitan. Ang mga sobrang enzymes na galing sa mga hinog na prutas o gulay (food enzymes) ay naiimbak sa katawan ng manok para gamitin sa ibang pagkakataon. Ngayon ang mga tuyot na buto ay may tinatawag na enzyme inhibitors. Ito ang paraan ng buto na ma-preserve sila (at hindi mabulok) hangga't hindi pa naayon ang sitwasyon para sila ay tumubo. Tinatawag na nasa dormant stage ang buto kapag sila ay tuyot at nakaimbak. Ngayon kapag, kinain ng manok ang tuyong buto, doble kayod ang digestie system ng nokis, dahil hindi lang nila kailangan mag-produce ng additonal enzymes para ma-digest ang pagkain, kailangan din nilang mag-produce ng additional enzymes para ma-neutralize ang mga enzyme inhibitors. Marami ang naaniniwala na ang digestive process ang isa sa pinakamalakas kumunsumo ng energy (kaya nga ba konti lang at malambot ang karamihan ng ating pointing feed and are mostly in simpler and usable forms - like sugar from raisins, carbs from boiled corn, etc). Kaya sa germinated seed, "ready to eat" na kumbaga ang mga nutrients galing sa buto bukod pa sa additional enzymes na makukuha mismo sa buto.
Pinapatakan ko rin pala ng Apple Cider vinegar (konti lang) ang tubig na ginagamit ko sa pagbababad. Ito ay tumutulong din para ma-neutralize ang mga amag (molds) na maaring nasa mga buto dahil sa pagkakaimbak.
Sana may mapulot kayo.
Yfis,
Engkanto
tjtcokngacademy
September 11th, 2007, 05:21 AM
Ang pagbabad ay nakakatulong din dahil sa germination process nito....pero mas nakakapag-activate nang protein ang pag-luto kumpara sa pagbabad.
Ang grains gaya ng corn, trigo, jockey oats atbp ay may angking protina at metabolizable energy in itself even if fed raw nguni't mas advantageous ang pagbabad ng mga ito, dahil natatanggal ang phytic acid na nakakapagdulot ng kabag sa manok.
At isa pang kainaman ng pagbabad ay nalalaman ninyo kung ito ay "dead grains na" at wala nang "nutritive value". Lagi ninyong tandaan!!! na kapag lumutang ang grains, ito ay isang indication na ito ay useless ng ipakain.
Kapag naman lumubog ang grains sa pagbabad, nakakatiyak kayo na ito ay buhay & germination will start once tinanggal ang tubig. (soaking is limited)
Always remember na ang lumulutang na grains except for jockey oats ay maaaring dead grains o may amag na.
rkysat
September 21st, 2007, 10:53 PM
Maraming salamat sa information Doc......
cheers
sgf
September 22nd, 2007, 04:24 AM
Maraming salamat sa inyong lahat......
carlito_14
January 4th, 2008, 10:10 PM
up ko lang po cockmates....
C.A.T.
January 5th, 2008, 05:47 PM
Thank for the the info cockmate Engkanto at kay Doc TJT buti na lang nandyan kayo parati for the info. More power to you.
C.A.T.
taurus11
January 5th, 2008, 08:22 PM
sir....
may katanungan lang po ako sa inyo kung ok ang ganito na paraan....
Usong-usong na ngayon ang mga frozen food na mabibili sa mga store at kahit na anong gulay ay makikita as frozen food...
TANONG KO LANG DOC KUNG MAGBABABAD AKO NG MARAMI(LETS SAY FOR 5 DAYS FEEDING)AT PAGKATAPOS NG 8 HOUR SOAKING AY HUHUGASAN KO NG MABUTI PARA IPATUKA AT ANG SOSOBRA NA PAGKAIN AY ILALAGAY SA PLASTIC NA SELYADO(vaccumized-to maintain freshness) PARA ILAGAY SA FREEZER KASI KARAMIHAN SA MGA MAGSASABONG AT MAY MGA TRABAHO NA HINAHARAP, FOR THIS REASON AY MAKAKATIPID SA TRABAHO.....
ang ganito bang sistema ay may negatibong epekto sa patuka o may magandang naidudulot sa patuka...
salamat po....
dolotallas78
June 2nd, 2008, 08:11 PM

salamat po....up lang natin cockmates baka bucy si doc gusto korin yan malaman kasi para makatipid tayo kung hindi pwede wag nalang natin gawin diba hintayin natin ang rply ni doc...baguhan lang po...:)
neophyte
September 20th, 2008, 06:50 PM
tulong din po ako sa pagtaas....
br,
neophyte,
eagle_strike
September 21st, 2008, 02:34 PM
sir....
may katanungan lang po ako sa inyo kung ok ang ganito na paraan....
Usong-usong na ngayon ang mga frozen food na mabibili sa mga store at kahit na anong gulay ay makikita as frozen food...
TANONG KO LANG DOC KUNG MAGBABABAD AKO NG MARAMI(LETS SAY FOR 5 DAYS FEEDING)AT PAGKATAPOS NG 8 HOUR SOAKING AY HUHUGASAN KO NG MABUTI PARA IPATUKA AT ANG SOSOBRA NA PAGKAIN AY ILALAGAY SA PLASTIC NA SELYADO(vaccumized-to maintain freshness) PARA ILAGAY SA FREEZER KASI KARAMIHAN SA MGA MAGSASABONG AT MAY MGA TRABAHO NA HINAHARAP, FOR THIS REASON AY MAKAKATIPID SA TRABAHO.....
ang ganito bang sistema ay may negatibong epekto sa patuka o may magandang naidudulot sa patuka...
salamat po....
taas ko lang din gusto ko rin malaman
brianna
September 21st, 2008, 08:15 PM
3 ang paraan ng pag babad
1. SOAKING- para matanggal ang phytic acid
2. FERMENTING- kumuha ng H2O ibabad pabayaan hanggang umasin at bumaho sabi nga ng mga kano mas mabaho mas maganda sa mga manok natin
3. GERMINATING- babad ng 24hrs,ilagay sa sako tapos takpan.
neophyte
September 22nd, 2008, 01:42 PM
3 ang paraan ng pag babad
1. SOAKING- para matanggal ang phytic acid
2. FERMENTING- kumuha ng H2O ibabad pabayaan hanggang umasin at bumaho sabi nga ng mga kano mas mabaho mas maganda sa mga manok natin
3. GERMINATING- babad ng 24hrs,ilagay sa sako tapos takpan.
alin po kaya dito ang magandang gawing pagbababad?
br,
neophyte,
redjungle
January 12th, 2010, 01:44 AM
3 ang paraan ng pag babad
1. SOAKING- para matanggal ang phytic acid
2. FERMENTING- kumuha ng H2O ibabad pabayaan hanggang umasin at bumaho sabi nga ng mga kano mas mabaho mas maganda sa mga manok natin
3. GERMINATING- babad ng 24hrs,ilagay sa sako tapos takpan.
thanks for the info, feeling ko masmaganda mag fermenting lang, baka magexceed sa required crude protein kung nagcocondition ng manok pag nagpagerminate pa.
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.