PDA

View Full Version : ILANG DIKIT BA ANG NARANASAN NIYO NG tama SA TRABESYA @ MAGKANO ANG PANAL0 NIYO DITO?



banderado84
March 30th, 2004, 08:38 PM
...yung bakasan namin nung 80's pa...pauwi na at paubos na inabot pa ng mga 15thou...7 dikit yata yun.... :lol: :lol: :blush:

wabion
March 30th, 2004, 10:44 PM
Limang dikit, di mapusta lahat, nalo ng 52K. Di na naulit...:(

banderado84
March 31st, 2004, 04:37 AM
WAAAAAAAAAAA......BIONNNNNNNNN.. :D

...kung sa araneta cguro baka naging 520K. panay llamado marahil? :blush: :lol:

TAGAVILLASIS
March 31st, 2004, 07:34 AM
UNFORGETTABLE SA AKIN ITO SA RIVERSIDE COCKPIT NI MAYOR VILLAR SA PANGASINAN, FIRST 3 FIGHTS PANALO,MGA 12K. UWI KAAGAD. AKALA NG MGA KAPITBAHAY TALO!!!!!!

banderado84
March 31st, 2004, 09:17 AM
...3 hits ...palagay ko pinaka magandang deskarte sa trabesya yan...nuod ka na lang....kung makakatiis hehe. :lol: :sprcool:

virgilio f uy
March 31st, 2004, 09:32 AM
ako naman, naka apat na tama yung tig 500 na bakasan ng kumpare ko sa la loma. umabot ng mahigit 16t kasi may pusta pa kami sa dehado. gusto pang isahod lahat sa dehado, niyaya ko ng umuwi, kinakabahan na ako. maaga pa ito, mga 430 lang ng hapon. tuloy kami sa paru parung bukid sa ronquillo, inuman na! yung dala namin manok hindi na nailaban, ipinatali na lang namin sa mesa nung sekyu habang umiinom kami! napakasarap talagang mag sabong, kaya eto key bored na rin ako dito.

hennie
March 31st, 2004, 01:19 PM
...alam mo iyong istambayan ni tumbling sa sta. cruz noong araw, di ba? how about itong PARU PARONG BUKID? maraming branches iyan noong araw, hindi lang sa ronquillo. mahilig pala sa chicks itong nagpost. alam niya kung nasaan ang magagandang chicks noong araw. siguro pati iyong CROWN massage alam din nya?

wabion
March 31st, 2004, 10:47 PM
Banderado84, siguro nga. Pero hindi llamado, basta kursunada ko lang, kahit dehado. Neto na iyon, ibig sabihin, bawas na ang mga balato. Kapag inabot na kasi ang pera sa akin bigay 10% kaagad sa kristo. Mayroon pa akong researcher na tinatanungan kung sino ang may-ari ng manok na maglalaban, may bayad din yon! Ang mga asungot pa, malakas pa uminom mga kasama ko :D Nong umuwi nga ako tatlong taxi ang naka convoy :lol:

wabion
March 31st, 2004, 10:55 PM
Pero saan ka..... 4:30PM lang kasi curfew ko....nong dumating ako, si Esme nakasimangot pagbukas ng gate...gising pa 3:00AM na:blush: Pagpasok ng bahay, sabay ko labas lahat ng laman ng bulsa ko, sabi ni Esme akin yan lahat ha...di ako nakapalag :p . Bakit ganyan ang mga asawa mahilig mang holdap :crazy: ??

sonny_padilla
April 2nd, 2004, 09:07 PM
IGAN ,

DI KO MAKALIMUTAN DERBY SA PARANAQUE NOONG 1980 labing isang dikit (11) bakasan namin umabot sa P 148 T wow ! sana maulit uli sana..............................sana............ .........;) ;)

sonny_padilla
April 2nd, 2004, 09:10 PM
IGAN ,

DI KO MAKALIMUTAN DERBY SA PARANAQUE NOONG 1980 labing isang dikit (11) bakasan namin umabot sa P 148 T wow ! sana maulit uli sana..............................sana............ .........;) ;)
travesiya po ito , napalidaw ng maga mata namin noon.

TAGAVILLASIS
April 3rd, 2004, 12:44 AM
MAYRON PA AKONG KARANASAN(believe or not) NAKALIMUTAN KONG SABIHIN,DEC.1997, BIGLANG NAPAUWI SA PILIPINAS. NAMATAY ANG NAKAKATANDANG KAPATID NA BREEDER NA DI MASYADONG PUMUPUSTA.MGA 1P.M.(nakaburol pa yong kapatid ko sa bahay namin),WALANG MAGAWA. TINANONG KO SA BAYAW KONG SABUNGERO KUNG SAAN ANG SABONG, SA CALASIO(PANGASINAN) SABI NIYA. SEKRETO KAMING UMALIS KASI BAWAL O MALAS DAW KUNG MINATAYAN KANG MAKIPAGSABONG.PERO "MEDYO"KATINGKATI,SEKRETONG NAGPAALAM SA KUYA KO. 1ST THREE,MAHIGIT 9K,UWI KAAGAD!!!!

slayer76
April 4th, 2004, 05:06 PM
ako naranasan ko 16 dikit, and that very same day i lost 3 times out of about 35 fights.

banderado84
October 13th, 2005, 04:05 AM
....Mga Ratsada nyo baka meron pa :lol: .......RELOAD :wow:

goryo888
October 13th, 2005, 06:47 AM
Sa akin 11 dikit.....taong 1995, pero bago yun halos ubos na ang pera ko, natira lang sa akin eh wala pang 100php....nagtira lang ako ng pamasahe pauwi...sa Mandaluyong Cockpit yun.....ang ipinagsabong ko noon eh yung pam BAYAD ko sa REVIEW....
uuwi na sana ako noon kaso sabi ko eh wala na rin kwenta yung natirang pera kaya isinugal ko na rin.....kahit tres ang tawagan sahod ako.....tapos patyempo tyempo.... ng medyo may pera na uli lumalagay na ako sa llamado......pero pagkapusta ko eh umuupo na lang ako...di ko pinapanood ang laban...kapag tapos na lang ako tatayo..... hayyyyy simula noon di na ako umulit...kaya itinigil ko na ang sugal....SABONG na lang....hehehehe
SUMA TUTAL...nakabawi at nanalo pa ng KONTI..... ;) ;)

ryan72_2000
October 13th, 2005, 08:49 AM
aba, pareng goryo, pareho pala tayo ah na 11 dikit ang pinakamahabang tama (pero matagal na ito) - ito ng lately eh 8 dikit.

sama ko na rin, na iyung nga palang pinakamahabang dikit kong talo eh 10 - pati pera ng kapit-bahay eh naiprenda ko :lol:

ocratsira
October 13th, 2005, 09:17 AM
Sa akin naman ay sampung dikit at nanalo rin ako nang sampu kasi piso piso lang ang taya ko.