PDA

View Full Version : kaliskis

Pages : 1 2 [3]

Playsafe
September 11th, 2012, 10:45 AM
hintay tayo sa may bagong kaalaman

Buguy
September 11th, 2012, 03:19 PM
tanong lang po...me nakuha kamin na inahin, ang sabi ng partner ko, kapos daw ang kaliskis nya (di umabot sa me tahid ng inahen ang kaliskis) at di raw maganda yon...totoo po ba ito?

b_tigas
September 12th, 2012, 10:09 AM
ang tawag sa amin nito ay bastunan.... magaling sa unang panalo... pero hirap na sa pangalawa.... pero pag lumusot hanggang pangatlo ay bibilang ng panalo....

Nagkamanok ako nito ..Ang may ari ay kaibigan ng father ko name badong mi ari ng tire service sa Naga City.
Sa una laban na leeg yun manok naunahin kami kala ko nga talo na pero nanalo at naka 4 na panalo pa bago ako maka punta dito sa states.Pang 5 laban nanalo pa din pero hinde na ako ang nag care take.TAlo na siya sa ika 6 fight nya .
Sa Nordia siya palagi napapalaban ang kulay ay abohin pula.blue ang paa.
BAstunan pala tawag sa senyales na ganito...

mannixbreeder
September 12th, 2012, 11:05 AM
Tanong ko lang po sa mga pwede pong makasagot, naguguluhan lang po ako... sa dami po ng mga senyales, pag nagkatapat tapat ang mga ito, sino po kaya ang mananalo? parang sa cards, sino po kaya ang panalo sa isang senyales laban sa isang senyales/ Ang isang partikular na senyales po ba ay panalo sa isang senyales rin kapag nagkatapat ito at itong panalong senyales ay talo naman sa isang senyales rin? Ganito po ba ang mga senyales? sa tingin po ninyo?

putingmclean
September 20th, 2012, 04:23 PM
ang hirap tlga ng mdaming senyales hehe nkakagulo prang bloodlines din hehehe. nkakahilo haha..

b_tigas
September 27th, 2012, 07:25 AM
Tanong ko lang po sa mga pwede pong makasagot, naguguluhan lang po ako... sa dami po ng mga senyales, pag nagkatapat tapat ang mga ito, sino po kaya ang mananalo? parang sa cards, sino po kaya ang panalo sa isang senyales laban sa isang senyales/ Ang isang partikular na senyales po ba ay panalo sa isang senyales rin kapag nagkatapat ito at itong panalong senyales ay talo naman sa isang senyales rin? Ganito po ba ang mga senyales? sa tingin po ninyo?

YUn pong mi pinakamarami senyales syempre ahahahahahahahahaaha....
KUng sa baraha Straight flush na mi joker pa at apat na alas...hahahahahaha
Pang palakas loob lamang ang senyales ang importante ay nasa condition at tamang edad ng panabong plus bloodlines.....sa laban saka lang malalamn na swerti at yun pamanhiin.kungggg....

jeplongs
September 27th, 2012, 02:54 PM
[QUOTE=royal redskin]sir yung pitong bakod pwede po bang paki paliwanag sa amin kung paano basahin.ito po yung kalimitan na hinahanap ng mga matatanda,hindi daw natatalo sa unang laban at mahirap puksain kunting trivia lang sir.d pa kasi ako naka encounter ng ganito at d itinuturo ng mga tahor....[/

sa mga tagalog ang tawag dito ay pitong bakod sa mga bisaya ito ang tinatawag na bastunan.itoy mga medium size na kaliskis na nag uumpisa sa gitna in line sa sa tahid at kung bibilangin mo pito itong magkadikit paitaas.sa mga kaliskis meron akong tinatawag na tres,cuatro,singko hanggang nuebe bastonero.mas mabuti kung maguumpisa ang baston mula sa ibaba hanggang sa harap mismo ng tahid o kaya maguumpisa mula sa harap ng tahid pataas.meron ding tinatawag na pitong bakod ang mga tagalog na isang maliit na kaliskis na in line with the spur at napapalibutan ito ng pito pang maliit nakaliskis paitaas.si patrick antonio na haydol ng lahat naniniwala rin sa kalikis at senyales at ang pinaka paborito nya ay 3y7. para sayo redskin maraming klaseng kaliskis na maganda ang mga manok at hindi ko kayang ipaliwanag sa 100 pages kaya ito nalang ang iwasan mo sa mga kaliskis:yano 28/28- nag iiwan ng patay: 4 y medya- magaling sa bitaw pero di sumusugat pag me tare: buong kaliskis na nasa pagitan ng kaliskis mula sa tahid at unang kaliskis mula sa taas ng shank-siyay napipilayan kaagad.medium size na kaliskis sa gitna na hindi sa harap ng tahid ang tawag dito palabigatan-lampas kung pumalo.sa susunod kung meron akong time ipapaliwanag ko kung anong mga magagandang panaginip para sa pagsasabong,at ang mga ibaibang agimat o tangil sa bisaya na nilalagay sa paa pag tinatarian at kung ano ang pangontra ng mga ito.good luck.

sir sana mag post ka kahit drawing lang ng maganda at pangit na kaliskis tulad ng mga nabanggit mo dito

rbjbgamefowl
September 27th, 2012, 08:28 PM
mga bossing cguro pakita natin paa at kaliskis ng mga winner warrior natin, itong si putol ko may kaliskis ito na gusto ako basi sa nabasa ko dto, pangit at medyo d pa masyado kagandahan sa bitaw, pero nagulat ako noong may bakal na ang paa ay maganda pala ang cuttinghttp://i1050.photobucket.com/albums/s417/cadong7610/2012-05-13162359.jpg.

paulnb
September 28th, 2012, 11:50 AM
nice thread, marami akong na tututunan...more wins mga ka sabong

misterclay
October 1st, 2012, 09:51 AM
Kaliskis masters! Much respect. Ipusta na ang titulo pag mgnda ang kaliskis.

matarawis
October 3rd, 2012, 11:20 PM
Mga sir, Ingtan po natin mga kaliskis buwaya natin baka biglang sumikat in the near future.
I got 1 old broodcock, Galing p daw sa Indonesia, 3x winner na. May mga paanak n siya n 5months old balak ko maglaban ng mga stags by January, halos 90 percent ay kagaya niya ang paa. This season Hulsey Lemon at Hi-action hens ang isasalang ko.
I will post the results of their fights at this thread.:)

Val Samar
October 4th, 2012, 05:15 AM
Kaliskis masters! Much respect. Ipusta na ang titulo pag mgnda ang kaliskis.

mukhang totoo ang iyong tinuran bossing misterclay, kasi dati hindi ako naniniwala sa kaliskis, basta maganda manok at maganda laro ok na sa akin, kaso kadalasan olats, nagbago pananaw ko ng may mga makuha ako manok na magaganda kaliskis at karamihan nagpapanalo, at ang maganda pa nito ay naipapasa nila minsan sa anak ang kaliskis, obserbasyon ko lang po ito sa 3 years ko na pagmamanok.

gintong itlog
October 4th, 2012, 06:53 AM

Bwenas ako sa kambal aliskis pero olats yung manok na nilaban ko na buo ang kaliskis.

Bwenas ako sa uno y medyo pero talo yung isang tres y medyo na nilaban ko.

Bwenas ako sa pitong bakod pero talo yung kaliskis buwaya na nilaban ko.

Bwenas din ako sa onse onse at dyes onse ang pakpak.

Bwenas ako sa judas belt sa likod kaliskis.

Bwenas din ako sa yanong kaliskis at nakatatlong panalo sa akin.

Ang napansin ko lang ay lahat yata ng manok ay merong kaliskis na maganda. Faith lang talaga kung mananalo ka kasi ang kalaban mo ay tyak na meron ding magandang kaliskis. Meron akong multi winner na manok na ang tahid ay iba ang kulay sa paa at pataas ang tubo at sabi nila ay sabitan daw ng talunan. Hindi natalo sakin yuon at meron pa akong tinalo na merong kuko sa dibdib at tinakpan nila yung tahid na tumubo sa harap. Sibak saking yung senyales nila. derby pa naman. Sabi nila ay ukol na raw sa talo dahil sa multi winner na daw yung manok nila. What an alibi pag talo. Meron akong nilaban na magkaiba ng kulay ang mata pero talo kasi bulag pala yung isang mata kaya magkaiba ng kulay.:D Bwenas ako sa barenahan ang pakpak pero yung barenahan sa buntot ay olats sakin. Basta palagi lang ikondisyon ang manok bago ilaban at malapit sa inyo si lady luck. ;)

rbjbgamefowl
October 4th, 2012, 03:42 PM
sa karanasan ko last May 2012, inilaban ko ang aking isang manok na green legged may kaliskis sa ilalim ng gitnang daliri, regular lang kung lumaban straight puncher lang, sa baba sya malakas. nailaban sa bulik na 2x winner na pala d ko alam, yun akala nila naka isa. mukhang kawawa nga ang manok ko rueda walang pumusta. pero ng binitawan na lipad si bukik 3x kasi yung ang laro, d sumabay si green leg ko ilag na ilag lang , nakakuha tyempo nag straight punch doon dikdikan na. patay si bulik. pero patay din si green leg ko after few days sa haba kasi ng tari may sugat atay nya, pero may isa pang kapatid pinagulang ko makaliskis din sa ilalim ng gitnang daliri si "daga" kung tawagin ko dahil lamaban sa daga ng maliit pa.

oasis
October 4th, 2012, 03:47 PM
sana may magpost pa ng mga sinasabi nyong mga kaliskis para naman makita namin kung ano ang itsura nun at san makikita,

rbjbgamefowl
October 4th, 2012, 03:56 PM
isa pa, sa sunod na bakasyon ko ilaban ko uli si putol ko flower ang kaliskis noon ,yung sinabi nila dto na isang kaliskis pinaikutan ng pitong kaliskis din. 1x winner na si putol, d kagandahan maglaro sa bitaw pero sa tutuong laban ng buhay nya ayaw nyang mamatay, kung malapasan nya 2 fight gawing kong ganador, May isa pa din akong subukan sabi ng tyuhin ko maganda din daw may paningit na maliit na kaliskis sa kamao nya d makikita kung nakatayo pero kung baluktutin mo gitnang daliri lalabas, maganda din daw yan sabi dto sa thread nating kaliskis. hay nako mahilig din ako sa senyal ng manok may naging tutuo at hindi.

AThundervolts
October 4th, 2012, 04:00 PM
Mga Cockmate baka alam po ninyo ang tawag na "oro plata", at 5 to7 scales? paano ba yon basahin? Any idea, especially sa mga Veterans and Very experience Breeder. Share naman po? Salamat!!!

Val Samar
October 5th, 2012, 06:02 AM
isa pa, sa sunod na bakasyon ko ilaban ko uli si putol ko flower ang kaliskis noon ,yung sinabi nila dto na isang kaliskis pinaikutan ng pitong kaliskis din. 1x winner na si putol, d kagandahan maglaro sa bitaw pero sa tutuong laban ng buhay nya ayaw nyang mamatay, kung malapasan nya 2 fight gawing kong ganador, May isa pa din akong subukan sabi ng tyuhin ko maganda din daw may paningit na maliit na kaliskis sa kamao nya d makikita kung nakatayo pero kung baluktutin mo gitnang daliri lalabas, maganda din daw yan sabi dto sa thread nating kaliskis. hay nako mahilig din ako sa senyal ng manok may naging tutuo at hindi.

boss rbjb yan po yata ang sinasabi nila na pitong bakod.

sir A thunder hindi ko rin po alam yan, wait po natin ang iba para malaman ko rin kung paano magbasa ng ganyang kaliskis.

teodym918
October 5th, 2012, 05:34 PM
Itaas Lang nation nga kasabong maganda Ang topic at sana mapulutan ng Aral ........

gr_antonio
February 28th, 2013, 02:43 PM
Yung walang kaliskis pre eh hindi kakaiba coz may bloodline po talagang ganun.

anong tawag sa bloodline na walang kaliskis sir?may ganyang manok kc ako dark color sya parang sunog na mayahin green legs..

brutilio
March 16th, 2013, 07:11 PM
anong tawag sa bloodline na walang kaliskis sir?may ganyang manok kc ako dark color sya parang sunog na mayahin green legs..

Balita ko sikat daw ito sa Oriental Mindoro ang walang kaliskis n yan...............

UNO
March 21st, 2013, 10:46 AM
up ko lang.............................................. ......

linedel
March 21st, 2013, 11:53 AM
Mga sir, Ingtan po natin mga kaliskis buwaya natin baka biglang sumikat in the near future.
I got 1 old broodcock, Galing p daw sa Indonesia, 3x winner na. May mga paanak n siya n 5months old balak ko maglaban ng mga stags by January, halos 90 percent ay kagaya niya ang paa. This season Hulsey Lemon at Hi-action hens ang isasalang ko.
I will post the results of their fights at this thread.:)

This was posted last Oct. 3, 2012. Ano na kaya nangyari sa laban ng mga manok na ito.

TOLITS ROSALES
March 21st, 2013, 01:21 PM
http://i1203.photobucket.com/albums/bb397/tagamakokak/DSC09440_zps4f8e2fe3.jpg

linedel
March 21st, 2013, 02:19 PM
http://i1203.photobucket.com/albums/bb397/tagamakokak/DSC09440_zps4f8e2fe3.jpg

Ibang klase legs nito sir, baka makita lang ito nung kalabang manok eh mangayaw o tumakbo na.. :)

TOLITS ROSALES
March 21st, 2013, 03:11 PM
Ibang klase legs nito sir, baka makita lang ito nung kalabang manok eh mangayaw o tumakbo na.. :)

Eto po siya, ang problema po ay nde manok ang takot kundi yung mga nag-uulot, kaya palaging nde mapalaban sa ulutan. Susubukan na laang namin sa derby baka sakaling lumusot hehehe...

http://i1203.photobucket.com/albums/bb397/tagamakokak/DSC09439_zpsd96865d5.jpg

alandenverdy
March 21st, 2013, 03:31 PM
sabi nila ang 4 y medya magaling daw sa bitaw pero hindi nakakasugat sa laban meron po bang me ganito na kaliskis at nasubukan na.ang 3 y medya naman po nasubukan ko na nananalo sya pag solo lang sya dala sa sabungan,pag me kasama sya kung di sya ang natatalo un kasama nya.

Edwin7765
March 23rd, 2013, 04:03 PM
http://i1203.photobucket.com/albums/bb397/tagamakokak/DSC09440_zps4f8e2fe3.jpg

Nakakatakot naman paa nyan hehehe

Edwin7765
March 23rd, 2013, 04:34 PM
mas gusto ko pang makita ang palo ng manok ko kaysa sa kaliskis

Meron manok na napakagaling sa bitaw pero kapag may tari na napakabobo pala. Anong kaliskis kaya ito.

Halimbawang napakaganda ng kaliskis ng manok mo at NAPAKAGWAPO rin nito kasi may sweater at yellow leg hatch blood ito at malaki pa pusta mo at ang kalaban mo e pangit na maliit pa pusta so napalagay ka sa MERON at ang REGLA naman ay DEHADO ang mananalo. Napakahirap basagin ang REGLA sa sabong.

Napakahirap din kontrahin ang maswerteng balahibo. Halimbawa may 7 bakod na kaliskis ang manok mo na DALUSAPE Yellow legs pero napakaswerte naman ng kulay ng kalaban mo (Ex. Talisay) sa araw or gabing iyon e wala pang natatalo. Papaano ka na kaya dito. Its either tabla ang laban or di natin alam. Napakahiwaga ng sabong basta nasa ruweda na ang manok natin at nabitawan na, di natin alam kung ano mangyayari. Walang siguradong labanan or panalo. Meron nga akong naririnig dati na minsan daw kahit tyope na ay nananalo pa kaya maraming sumasabit sa pusta

don b
March 23rd, 2013, 10:14 PM
http://i1203.photobucket.com/albums/bb397/tagamakokak/DSC09440_zps4f8e2fe3.jpg

nakakatakot nga dahil kakaiba at bihira. minsan may kakaibang lakas sila at talino sa pakikipag-away, iwas sa malas sa ulutan laban sa ganitong kaliskis, madami namang regular na kaliskis na pwede labanan.

sanfordsweater
March 24th, 2013, 03:56 AM
Eto po siya, ang problema po ay nde manok ang takot kundi yung mga nag-uulot, kaya palaging nde mapalaban sa ulutan. Susubukan na laang namin sa derby baka sakaling lumusot hehehe...

http://i1203.photobucket.com/albums/bb397/tagamakokak/DSC09439_zpsd96865d5.jpg
bro baka pwede mo post video nya pag nalaban na sya ng makita naman ng mga sumusubaybay sa kubo dito salamat.

e4alnied
March 24th, 2013, 05:38 AM
sabi nila ang 4 y medya magaling daw sa bitaw pero hindi nakakasugat sa laban meron po bang me ganito na kaliskis at nasubukan na.ang 3 y medya naman po nasubukan ko na nananalo sya pag solo lang sya dala sa sabungan,pag me kasama sya kung di sya ang natatalo un kasama nya.

nagkaroon na rin ako nito noon kung tawagin dito sa amin ay "singsingan" o lagayan ng singsing or 4 y medya, magaling sa bitaw piro noong ilaban ko hindi man lang pumalo kaya pag nakakakita ako nito sisiw pa lang "tinola lines" ang bagsak. :)

gintong itlog
March 25th, 2013, 11:05 PM
nagkaroon na rin ako nito noon kung tawagin dito sa amin ay "singsingan" o lagayan ng singsing or 4 y medya, magaling sa bitaw piro noong ilaban ko hindi man lang pumalo kaya pag nakakakita ako nito sisiw pa lang "tinola lines" ang bagsak. :)
Kung sigurado kang losing line ang ganuong kaliskis ay dapat nga na paramihin mo at gamitin na pang-ilalim para mapakinabangan.:D

Purok4_MC722000
March 25th, 2013, 11:39 PM
Kung sigurado kang losing line ang ganuong kaliskis ay dapat nga na paramihin mo at gamitin na pang-ilalim para mapakinabangan.:D

bos GI, masama yang payo mo baka lalong dumami ang mga maik dahil sa payo mo :D

matarawis
May 14th, 2013, 12:17 PM
Hello mga Boss specially to mr. linedel, sorry I've been away for a while... Busy sa work...
My kaliskis buwaya fowls are not been tested in the pit for some reason that their legs gets weak after few buckles of sparring... They are very good in sparing tough.. They fight like aces but I think there is something to do with genetics because I have 4 fowls that had the same problem... Kapareho ang paa nila sa mga pics sa post ni mr. tolits rosales...
Inoobserbahan ko pa rin until now, If they stay like that after molting... I need to cull them.

Goodluck everyone..

mpkej
May 17th, 2013, 07:57 AM
meron kaming manok na itim tahid, bastunan, pitong bakod pa. nasa kanan ang pitong bakod nya, kaliwa yung bastunan..

2 manok namin may kuko sa dibdib din. dami mga senyales mga manok dito s amin.

DanielOGA
May 17th, 2013, 12:50 PM
sir, ano naman po ung pantay palong?

warlordbegin
May 18th, 2013, 01:01 PM
kapit bahay namin umasa sa ganda ng kaliskis. sumali sa 3 cock ayon perfect score LLL lahat. sabi ng handler nya wag yon ang pliin. ung owner parin nasunod. maganda daw kaliskis di daw nalalag un sa unang laban ayon laglag lahat.

almoradie
June 16th, 2013, 11:56 PM
http://i1203.photobucket.com/albums/bb397/tagamakokak/DSC09440_zps4f8e2fe3.jpg

napa yuck ako dito hahaha kulit ng kaliskis

lemon
December 6th, 2013, 09:36 AM
mga kasabong ano po ang birtud ng paningit balaraw?:confused::confused::confused:

lemon
December 6th, 2013, 11:14 AM
mga kasabong paano po ba ang paningit balaraw?

mpkej
December 6th, 2013, 11:53 AM
Sino po nakakaalam ng kaliskis na "vorta"?

saludsod
May 22nd, 2014, 06:13 PM
Nahukay ko uli, kakaaliw basahin. Pasok uli mga beterano!

GERARD PENA
May 23rd, 2014, 04:20 PM
Sa aking karanasan tungkol sa mga kaliskis eto ang mga subok ko na:

1. Tres Imedya sa gitna ng daliri ng manok - nagpapanalo talaga itong senyales na ito sa unang laban, tabla lang ang talo nito.
2. Pitong bakod sa kaliwang paa tapat ng tahid subok ko na rin yan.
3. Buong kaliskis sa lagpas ng tahid pataas nagpapanalo din ito.
4. sudyan na kaliskis sa pangloob na daliri ng manok magkabila po ito me sudyan o paningit na kaliskis.
5. Biyak na kaliskis sa likod ng paa ng manok yung sabitan ng singsing ng tari pag me biyak na tatlong magkakasunod lamang din sa panalo ang manok.
6. Tahid sa pakpak nagbibilang din ng panalo ang manok.
7. Bastonan ok din yan.
8. Tapos yung tawag sa amin kabilan ang mata, ibig sabhin neto di parehas ang kulay ng mata, isa maputi at pula nman ang isang mata.
9. Sa mga grey naman po pag bulik ang kulay ng dibdib at basal pa medyo lamang sa panalo. check nyo po ito pag me nakita kyong grey na bulik ang dibdib sa laban.
10. Mas mahaba yung daliri ng manok panlabas keysa sa panloob nanalo din po ito sa unang laban.

At paki check lang po sa bukaran nyo kung me manok po kyong biyak ang unang kaliskis kahit alinman sa daliri ng manok eh medyo ilayo nyo po ito sa bakuran nyo kasi mauubusan kyo ng manok pag naglalaban kyo. Tawag daw po dito kaliskis buwaya. Uubusin ang mga manok nyo neto pag naglalaban kyo, me mananalo din nman pero mas lamang ang talo.

At ang panghuli po, mas maganda kung prepare ang ilalaban nating manok at dumaan ng precon bago ipasok sa 21 days conditioning method nyo. At maganda katawan at nsa tamang alaga talga. Sa tingin ko kaliskis plus perfect conditioning at pointing ibig sabihin neto mas lamang ang panalo natin.

At paalala na rin po sa mga backyard na kagaya ko, tamang pusta lang at gawin nating ang sabong bilang pang alis ng stress, pag sabado at linggo sa katulad kong nag tatrabaho sa Manila at wag natin ubusin ang pera nating pinagpaguran sa paghahanap buhay araw araw. Una pamilya at pangalawa lang ang pagsasabong. Lahat po tyo ay nangangarap na lumaki o maging bigtime at makilala balang araw ng ating mga kasabong. Sarap mangarap hehe.

Have a nice day po sa inyo mga kasabong.

starcross
May 23rd, 2014, 04:45 PM
Mga masters newbie po ako at backyard breeder lang po, ano po masasabi niyo sa kaliskis ng aking alaga? swerte po ba ang mga parang itim na nunal sa kaliskis o malas? ano po hitsura ng 7bakod na kaliskis? may 7bakod ba alaga ko? maraming salamat po sa mag reply.

http://www.kingasil.com/data/500/yellowlegs.jpg

starcross
May 23rd, 2014, 04:54 PM
Mga master ganito ba ang hitsura ng may biyak na kaliskis, paano po ang basa nyo d2? totoo bang may 2 sunod na panalo kung may 2 kaliskis na may biyak at magkatabi?

http://www.kingasil.com/data/500/blacklegs.jpg