PDA

View Full Version : Pampalakas ng palo



jhun18
April 5th, 2004, 03:36 AM
Tanong ko lang po kung ano ang dapat gawin para lumakas ang palo ng manok ko?

Jhun18;)

Emmanuel Aranda
April 5th, 2004, 04:35 AM
Sa pagkakaalam ko, nakakadagdag na tulong pampalakas ng palo kung lagi mo itong bigyan ng Vit. B12 (injectables o tabletas) at samahan mo ng masustansiyang mga pagkain, pellets at grains mula pa sa pagkabata hanggang sa sila ay lumaki at puwede ng isabong. :)

Ed Regondola
April 5th, 2004, 04:36 AM
....YOUR COCK SHOULD BE HEALTHY , FIRST AND FOREMOST!

....THEN PROPER CONDITIONING.

.....konting viagra kaya? !~*

BrilleSeeker
April 5th, 2004, 01:46 PM
Gusto mo ng malakas ang palo? Breed ka ng hatch... Paano mo ba siya pinalaki? Hindi ka matutulungan ng gamot to boost the perfomance of your fowl. Their natural habitat dictates their well being.

Yfis,
BrilleSeeker

jhun18
April 5th, 2004, 10:24 PM
Marami pong salamat at may natutunan na naman ako.



Jhun18;)

Jayjomina78
April 5th, 2004, 10:46 PM
parekoy jhun18 tama si BrilleSeeker duon sa natural habitat IMHO iba ang mga manok na lumaki sa range stag palang maririnig mona ang lakas ng palo nila.. sabi nga nila "Nothing Beats the Natural Way"....hope this helps...

yfis,
jjina

Simurgh
April 6th, 2004, 01:10 AM
baka ang ibig mong sabihin, iyong sobrang lakas pumalo? Kung mahinang pumalo at gusto mong palakasin, no way. on and off din kalabasan niyan me problemas na ang manok na mahinang pumalo. Ang lunas ay palitan o gilitan.

balian
April 6th, 2004, 04:58 AM
meron dating nag-a-ads dito na mga supercocks na kick like a mule pa... :crazy: kaya lang na-ban na yata yun kasi hindi alam kung ano ang mule :teeth: ngayon ang signature line naman niya ay "the choice is yours" :rbounce:

Simurgh
April 6th, 2004, 01:28 PM
Aba bago yan, hindi na kailangan ng tari, labas rueda tiyak ang tatamaan. Delikado ang sentensyador sipang mule ang aabutin niya! Ano nga ba iyong Mule?:confused:

Jaypeeix
April 6th, 2004, 01:44 PM
:lol: :lol:

talahib747
April 6th, 2004, 02:08 PM
balian,

simple ka lang sumipa para kang mola!!!!:lol: :lol:

sonny_padilla
April 6th, 2004, 07:38 PM
igan,
may mga lahi na talaga namang malalakas pumalo kahit cockerels pa sila gaya ng green legged hatch , yan marahil ang ibreed mo para masiyahan ka. good luck

MOYZKI
April 7th, 2004, 04:06 AM
Good bloodlines, magandang patuka, hindi nagkasakit, maganda ang pagkaka range, maganda ang pagkaka kundisyon simula day 1 hanggang ilaban. Siguradong malakas iyan pumalo.


MOYZKI

balian
April 7th, 2004, 04:50 AM
talahib,
kapag nakapareho ko ng kargada si totoy mola ay baka masungkit ko si joyce jimenez niyan :blush:

Simurgh
April 7th, 2004, 07:00 PM
Okey yan, pag nagkatapat ang mga manok na hits like a mule aba tataas ang cutting acuracy kasi nasa likod ang tari ng manok, horsefight na, cockfight pa. patalikod ang palo, laglagan ang mga bituka ng mga manok niyan!:lol:

jude
April 10th, 2004, 09:14 AM
jhune,

kadalasan nasa lahi na talaga ng manok ang may malalakas mamalo. kung pipili ka, kunin mo yung stag pa lang ay medyo matigas na ang mga buto. opinyon ko lang iyan.

cocker122563
April 10th, 2004, 11:25 PM
nasa lahi yan. either your cock has it or it doesn't. para din yang gameness or cutting ability. hindi kayang ituro yan sa alaga nating panabong o painumin kaya ng gamot at vitamins para lumakas ang hataw gaya ng 'mule' (cross ng donkey at kabayo). :rbounce:

christian
April 13th, 2004, 04:30 PM
nasa lahi tlaga yan tapos neenhance n lng sa pag aalaga mo.pero my kybgan me na pinagduduyan yung manok.jkahoy na itinali sa mgkabilang dulo den isasabit tapos ilalagay ung manok dun na ainmoy ngduduyan xa.malakas ung manok niyang pumalo at masipag pa.pero big thing jan eh sa lahi ng manok.

blackhatch
April 15th, 2004, 11:56 AM
kakmeyt,

tama sila, nasa breeding mo makukuha ang mga manok na malalakas pumalo.

Doc Robinson
Asil
Speckled
Spangled
BlackButcher
Mitra Grey (muff)
Blue
Payton
Bates
Brownred
Boles
etc.....(ung crosses).

* mostly nasa asil at hatch family ung sobrang lakas pumalo.

Para lalong malakas training mong parang athlete, para may malalakas na muscles at bigyan mo ng medication para sa muscle toner, ask ka lang sa poulty suppliers....for feeds to enhance muscular strength.....select high protein feeds from 21% to 23%....most seed na available sa ating market ay monggo seed, saff flower, sunflower etc....ask ka na lang sa poultry supply.

lagatik
April 15th, 2004, 01:43 PM
Pare Coy,
Calcium lactate lang iyan pag three months old na ang manok mo until bull stag. Proven ko na ito, kaso nasa iyo na yan kung anong dosage ang gamitin mo.

christian
April 15th, 2004, 02:01 PM
blackhatch,,,

musta na kuya?matagal din taung di ngkausap ah.ngsusumer xe me ngaun kya and2 me baguio ngaun.

blackhatch
April 15th, 2004, 05:56 PM
xtian pre,

vacation time....balik din ulit ako sa April 16 ng gabi at baka April 23 na balik ko d2 sa manila.

musta na breeding mo, madami ka na bang sisiw?

gud luck na lang pre, sa mga laban mo, just take care and give the proper training and proper condition ang secret ng winning line.

focus more on your studies.

GODBLESS.

P_U_L_A
April 15th, 2004, 06:35 PM
sabi sa patalastas sa tv ( tukaan ) RED GEL FORTE raw :lol:

annmarie
April 15th, 2004, 10:06 PM
To All,
Mga Pre,
Sa tutuo lang at hindi sa nagmamagaling o kaya nagyayabang pero meron talaga na pampalakas ng palo o pangdiin na palo kasa nito ang vit. kasi ganon ang gamit namin wala kaming hatch blood pero palong hatch. dalawang klasing injectable yon. Pwedi mo ring gamitin pangmadalian na condition 1 week to 10 days pwedi.

cocker122563
April 16th, 2004, 03:12 AM
annmarie,

pwede mo bang i-share sa amin yung dalawang injectables mo na pampalakas ng palo? is it in vitamin form, steroids or stimulants? any inputs will be highly appreciated.

another question if you won't mind. ang handle mo kasi pangalan ng babae. hindi ko tuloy malaman kung tatawagin kita ng 'pare' o hindi. meron kasing isa pang nagpopost dito dati, si vilma palabay. lalaki pala. hehe.

anyway, thanks in advance. :)

sonny_padilla
April 17th, 2004, 02:35 PM
igan,

gaya ng sinabi ko at ni cocker 122563 NASA LAHI YAN, kahit ano mang gamot vitamins ,masasarap masusustansyang pagkain,
at kung ano ano pa , sorry kaibigan hindi papalo ng malakas ang manok kung ang lahi nito ay mahinang pumalo, uli, NASA LAHI YAN ! :lol:

bong84
April 17th, 2004, 04:47 PM
totoong nasa lahi yan , pero hindi rin papalo ng malakas kung hindi rin tama ang pakain at kulang sa natural exercises, kahit anu pang ganda ng lahi ng manok mo.

Bong84

christian
April 20th, 2004, 02:35 PM
blackhatch,,,,

naglilimlim p lng ung palahi kung ylh x nesmith eh.aabutan pa ata me ng tagulun.pero malalaki na ung palahi ko ng roundhead x brownred ko(d ko lam line eh pero tested na)

John Taddem
April 20th, 2004, 03:15 PM
TWO TO THREE YEARS BAGO ILABAN SIGURADONG MALAKAS NA PUMALO IYAN.........AND FOREMOST PROPER FEEDING........AGBIAG TI MANNADI!!!!DIOS TI AGNGINA KADAKAYO AMIN!!!

BrilleSeeker
April 20th, 2004, 08:04 PM
John Tandem,

So, patatandain ko pa yung blue face hatch ko till 2 to 3 yrs. :confused: when they are 10 months old they fight like a 2 year old cock.

Yfis,
BrilleSeeker

Wintuha
April 20th, 2004, 09:27 PM
may mga lahi na natural na malakas pumalo pero without proper rearing di mo maasahan na ilalabas yan sa tunay na laban.

ang isa sa pinaka magandang exercise para lumakas ng palo ay mula pa sa pagkasisiw ay nakagala na o nakarange na sila hanggang 6-7 months.

asahan mo na walang piki na lalabas kung nakarange ang manok. kung nakacord naman sila mas maganda mahaba ang tali o di kaya ay may 5-6 meters or more na nylon na siyang talian mo para makagala ng husto ang manok. kaya lang dapat malaki ang cording area na kailangan mo.

yong laki sa tangkal, sa unang liparan yan lang malakas pero sa 2nd or 3rd na liparan di na niya maibibigay ang lakas ng palo.

John Taddem
April 21st, 2004, 09:03 PM
brilleseeker,


Magkaiba ang palo ng 10 mos. old na manok sa more matured na manok.Tama ba ako?..............kaya di dapat sabihin na parang matured kung pumalo ang 10 mos. old.Para mo na ring sinabing mas malakas manuntok ang 10 taong gulang kesa sa may edad na bente............usapan lang po!


:)

BrilleSeeker
April 21st, 2004, 11:48 PM
John

How u doin' lakay? I'm refering to my blueface and fight them when they reach the age of 10 months. Sika met, hindi ko naman sinabing mas malakas pumalo ang 10 month old stag keysa sa 2 or 3 year old cock. They fight and buckle like a 2 year old cock.

By the way, do you know Maddy Quitoriano of "MQ" farm in Vigan? He's my kumpadre and gifted him 2 Blueface pullet. He's doing good with this blue face now.

keep cocking lakay!:hippie:

Yfis,
BrilleSeeker

niwrad
April 22nd, 2004, 05:09 AM
sa akin pong exp. dalawang bagay lang po ang lakas ng manok , ito po ay naaayon sa panahon kung ang inyong lahi ay early maturing o late maturing ang pinaguusapan po natin ay sa parehong malusog . Kahit anong lahi at late maturing walang ilalakas ang manok, bumisita po kayo sa amin sa Dolores, Quezon para makita ninyo ang late at early salamat pong muli. Niwrad:D

kalbo
April 22nd, 2004, 02:27 PM
sa palagay ko ang lakas ng palo ng manok nasa nagaalaga proper feeding exercise rotation yon ang isang bagay na alam ko na nag papalakas ng palo sa mga manok. kac po may manok ako na noong sisiw pa lang sya nag kasakit naluluha ang mata ng lumaki medium hiegth lang. ibinuhos ko talaga ang panahon rito kasabihan kc kapag manok mo galing sa sakit noon bata pa sya mahina pro d pala dahil naipanalo ko ito sa tulong ng proper feeding vit. suplement at ng rotation exercises...

John Taddem
April 22nd, 2004, 03:14 PM
BRILLESEEKER,


LAKAY ,

ILOKANO KA GAYAM ANIAMETTEN!

MAGTAGALOG NA LANG TAYO PARA MAINTINDIHAN DIN NG MGA COCKMATES NATIN.MARAMI RIN AKONG MGA KILALANG QUITORIANO PERO DI KO NA MAALALA MOSTLY SA CAOAYAN(PLACE) SILA NAKATIRA PERO YUNG BINANGGIT MO SAAN DITO SA VIGAN,DI KASI AKO MASYADO NAGLALABAS-LABAS,KASALUKUYANG NASA SAUDI AKO 6YRS. NA AKO DITO PERO EVERY TWO YEARS UWI KO.(AKALA NIYO WALANG SABONG DITO!HEHEHEHE!)PAUWI AKO NITONG JULY SIEMPRE MAGSASABONG!..........MALAPIT LANG BAHAY KO SA SABUNGAN SA MISMONG SENTRO SA PAGPANDAYAN DATI UNCLE KO ANG MAY-ARI PERO PINARENTA O BINENTA KINA AGCAMARAN(KABO!)SAAN BA YUNG FARM NA IYUN AT MAPASYALAN NAMAN.........EMAIL ADD KO LAKAY WDFAVIS@YAHOO.COM KUNG GUSTO MO NG MAHABANG KUWENTUHAN........

LAKAY JOHN TADDEM

jaytorres
April 22nd, 2004, 04:22 PM
Para skin mas importante kung tumatama ang palo, malakas nga hindi nmn accurate wla rin diba..Wala kng magagawa pra palakasin ang palo ng manok, nsa lahi nila yan at kung paano mo pinalaki. mgandang broodstocks, natural habitat, good conditioning from shell to pit.

danilo
April 22nd, 2004, 08:06 PM
Niwrad,

saan ka sa dolores taga dolores din ako pm mo ako rito
dyangeles@yahoo.com

thanks
dan

ligas_paka2006
March 29th, 2006, 03:16 AM
:rolleyes:

bryanskik
March 29th, 2006, 08:45 AM
:p

sandman124
March 29th, 2006, 09:32 AM
meron kayang batuta line? it's a hard-hitting thing. he!he!he! one thing for sure, nasa bloodline yan at tamang pagpalaki ng manok.:)

airon
March 29th, 2006, 12:26 PM
ang tatay ko ang lakas pumalo para sakin! hehehe

Gun's N' Roses
March 29th, 2006, 01:32 PM
Ito puide bah!

http://i8.photobucket.com/albums/a38/airjordan_/RedHorseBeer.jpg

jazz_rhym
March 29th, 2006, 06:17 PM
:lol:

bryanskik
March 30th, 2006, 10:47 PM
akala ko redcell!,......red kabayo pala bhwaaaaa:lol:

adobo
March 31st, 2006, 12:28 AM
lagyan mo ng tinggang pabigat yun mga paa kaya lang huwag mong kakalimutan alisin kapag iispar mo na :lol:

Junior Kill@t
March 31st, 2006, 05:26 AM
Pag-hindi papalo ang manok mu ikaw ang "PAPALO-IN"nyan so ingat lang. :lol:

ryan72_2000
March 31st, 2006, 08:56 AM
subukan nyong gamitin ang creatine monohydrate - about 30% ang dagdag-lakas sa palo ng nokis nyo.

RedMiner
March 31st, 2006, 12:36 PM
Maghanap ka ng gamot na may sangkap ng composition ng gamot pangmanok na B15 + 3. Available na iyan sa kilalang manufacturers sa US.

B15 +
L Carnitine
Creatine
Ubiquinone
or
Adrenosine Triphosphate

Kung isang klasi lang ng gamot ay Methyl testosterone pero medyo agressive nga lang manok nito at may side effects.

Sa weight naman manok ay pagbasehan mo ang hipo ng manok wag sobrang gaan at sa feed mixture naman isama mo sa isang parte ang Safflower seeds.

thatch
March 31st, 2006, 12:40 PM
Redhorse Beer?

Sa lakas ng tama nyan...baka lumipat ang tari ng manok mo sa kalaban....:lol:



Malakas pumalo

Start with a good breeding material...

macario llanes
March 31st, 2006, 01:12 PM
Pag pisa kondisyonin muna he,he,he ewan ko lang kung hindi lumakas pali niyan joke :lol:

May mga bloodline na power cock talaga at tapos mabigyan mo pa ng magandang training at makondisyon maiigi eh mas maganda na chances natin niyan.

mondragon_allan
March 31st, 2006, 01:29 PM
tamang pangangalaga,vitamins,pagkain, at magandang bloodline wow hindi lang palo ang makikita mo sa manok mo may kasama ng sipa at tadyak ....hehehehe peace

mondragon_allan
March 31st, 2006, 01:36 PM
tamang pangangalaga,vitamins,pagkain, at magandang bloodline wow hindi lang palo ang makikita mo sa manok mo may kasama ng sipa at tadyak ....hehehehe peace

macario llanes
March 31st, 2006, 02:00 PM
MA

:lol: baka matanggal na ulo ng kalaban mo non wala ng lalaban sa yo pre.he,he,he...

siling_labuyo
March 31st, 2006, 04:42 PM
hanapin muna lang yong tayson ng pangasinan na manok ni mang banshong bumili kna lang doon talagang tayson kung tawagin dahil sa sobrang lakas ng palo.isang salpukan lang patay kang kalaban k.matatagpuan yan sa atainan alcala pangasinan.

RedMiner
March 31st, 2006, 05:12 PM
May mga lahi kasi ng manok na malalakas pumalo pero lalot na dadagdagan kapag mga suplemento ka at tamang pag aalaga.

ligas_paka2006
April 1st, 2006, 04:16 AM
Bigyan mo ng isang shot ng vino kulafu , lalakas ang palo yan...






http://www.globespanexports.com/images/latondena/kulafu.jpg

thatch
April 1st, 2006, 12:54 PM
Vino Kulafu? shoktong ba yun? pamparegla daw sa mga babae yan..at alak ng matatanda...hmmm masubukan nga...:lol:

laks ng palo..

Breed similar pheno and genotype characteristic..parehas malakas pumalo ang mnga lahi,,,you will never go wrong....

mondragon_allan
April 4th, 2006, 02:24 PM
:lol:

amigo
April 4th, 2006, 02:34 PM
shoktong...bwahahhahaha....ok talaga dito.....:lol:

ligas_paka2006
April 4th, 2006, 02:57 PM
Ito ang pang pa regla mga parekoy's cerveza negra at hinde vino kulafu ang vino kulafu naman ay para pampalakas ng palo at pampatigas ni manoy...

http://www.ratebeer.com/beerimages/1171.jpg

lord_spyblack
April 6th, 2006, 10:36 AM
i enroll mo ng tae kwan do:lol:

teka ano ba pinag usapan dito?












__________________________
normal people scare me...

geornam
April 6th, 2006, 04:51 PM
para sa kin kahit di masyado lakas ng palo basta parang nag makinilya ang paa sa shapol at accurate....gandang panoorin sir...

paulajay
April 6th, 2006, 08:41 PM
year 1998 ng may nakaibigan akong kano at sa gaff lang lumalaban, using black and bues...may paraan daw tlaga para turuan ang manok na pumalo ng malakas, meaning almost double the power b4...may mga hayop talaga na pwedi turuan.
medyo mahirap nga lang at minsan ay hindi mo alam kong PAANO?....Family secret daw nila iyon. kaya hindi pweding ibigay sa iba kong hindi mo malapit na kaibigan, para kasi itong paborito mong robot nong bata ka na walang pweding humiram kondi ang best friend mo...:lol: sorry folks i have to take my promise!

expressdelivery
May 2nd, 2007, 03:56 AM
ano nga ba?
maliban sa mag breed
ng linyadang likas na talagang
malakas pumalo

Budol_Budol
May 2nd, 2007, 04:11 AM
siguro ang pandagdag para lumakas ang palo...ay vitamins...tamang patuka...malinis na tubig...excercise....at pahinga. meron akong ginamit na dala ng kumander ko para sa anak ko inumit ko yong isang 250ml :D ginamit ko sa manok maganda naman ang naging resulta....kung pumalo nga at tumama doon sa pader yumayanig......kaya lang bale naman yong paa nya....:D multivitamins + buclizine HCI

Raul
May 11th, 2007, 06:58 PM
To All,
Mga Pre,
Sa tutuo lang at hindi sa nagmamagaling o kaya nagyayabang pero meron talaga na pampalakas ng palo o pangdiin na palo kasa nito ang vit. kasi ganon ang gamit namin wala kaming hatch blood pero palong hatch. dalawang klasing injectable yon. Pwedi mo ring gamitin pangmadalian na condition 1 week to 10 days pwedi.
paki pm naman s kin itong ginagamit nyo..............:cool: :cool: :cool:

yellowhackled84
May 13th, 2007, 06:42 PM
totoo ba yung complexor 3000 na pumuputok ang palo? puputok ang tama sa kalaban o puputok ang paa ng manok kasi malakas tumama? :)

ALCOHOL
May 13th, 2007, 06:58 PM
Pampalakas Pumalo ?

Siguro;
Ganda Lahi
Ganda Katawan
Ok Ang Alaga
Tamang Pagpapakain
Tamang Vit.


Pag Di Pa Lumakas Ang
Palo Iwan Ko Na Lang!!!!:d

expressdelivery
May 13th, 2007, 07:17 PM
mag alaga ka ng mainam na hatch na linyada
tsaka mo i infuse sa gusto mong battlecross
solve ang problema mo sa lakas ng palo

Madheel
May 13th, 2007, 07:30 PM
Pampalakas ng palo?...

tamang alaga 365 days,
mainam na bloodline,
at 100% healthy!... :D

chainandcycle
May 13th, 2007, 10:56 PM
Tumpak, magandang bloodline at 365 days na alaga, magandang supplement, pakain at lugar.

GG Crasher
May 13th, 2007, 11:09 PM
:) :eek: :cool:

JOJI BINAY
May 13th, 2007, 11:10 PM
mag laban ka ng magulang na para malakas ang palo, makikita mo naman ang pag kakaiba ng palo sa mas bata at magulang na manok, bagamat may likas na bloodline ang may malakas na palo pero iba pa rin yong magulang na manok, pero kung ako sa iyo hindi ako titingin sa malakas na palo sa asintado ako at mapaang manok.:)

randybullz
May 14th, 2007, 12:43 AM
3 days b4 fayt mag carboloading ka dagdag ng lakas sa pag palo ng manok mo!

painom ka rin ng calcium dagdag din yan!

BullRider
May 14th, 2007, 02:08 AM
ano nga ba?
maliban sa mag breed
ng linyadang likas na talagang
malakas pumalo

pareng Edwin,

Hindi ka naman nalalayo ng sapantaha talaga..
Ngunit minsan sa kalikotan ng isipan sumasagi..
Meron daw talaga pampalakas ng palo...
But I doubt it ... if there are...

In slasher fights... it doesn't need to have A VERY STRONG PUNCH..
We'll just search for those DEEP ACCURATE CUTTING BLOODLINES..
Maybe we could find some... in the city of dixie...

BullRider

TingKill
May 14th, 2007, 09:07 AM
click this link.....
http://healthlibrary.epnet.com/GetContent.aspx?token=e0498803-7f62-4563-8d47-5fe33da65dd4&chunkiid=38221

beakheel
May 14th, 2007, 04:47 PM
pampalakas pumalo.......yung training, bitamina at diet ng mga baseball player and stars. kung gusto nyo sigurdong aprubado. .................kaya nga lang pagkapalo ay kakaripas na ng takbo. homerun!!!!!!!!!!!!!!!!!

darkfowl
May 14th, 2007, 05:42 PM
beakheel..... hahahahahahah..... :D:D:D

beakheel
May 14th, 2007, 07:01 PM
sa aking munting pananaw sa topic na ito...ang pagpapalakas o pag develop ng lakas ng palo ng manok ay isang malalim na eksplanasyon...malimit ang eksplanasyon na ito ay naliliko dahil ibinabase na lamang ng nakakakita sa tunog at lagitik ng bawat palo ng manok. ano nga ba ang basehan o sukatan ng lakas ng palo...ito ba ay sa unang bugso lang ng paluan'
kasabihan na sa kalipunan ng mga tahor mas malakas ang palo ng mga single strokers o puncher kaysa sa mga multiple shufflers pero ito ay nabago magmula ng lumabas ang mga sweaters na may lakas ang bawat kisi at palo mula simula hanggang huli. siguro sa temang ito masasabi natin na nasa brood pens ang sagot.

sa training naman.....ma develop naman ang leg power nila ay di rin lalakas kung hindi kayang suportahan ng kabuuang katawan ng manok. kalimitan nawawala ang cutting at speed.

ChichidelaRama
May 14th, 2007, 07:42 PM
Igan bigyan mo nang pagkain na rich in protein. Protein ay muscle builder.

timiboy420
May 14th, 2007, 11:36 PM
e sali mo nalang ang kahig sa routine exercises at isa pa turuan mo nalang pano magpapasok ng palo sa pamamagitan ng catch cock. hawakan mo ang catch cock ng 2ft ang taas at ipapalo mo sa kinukundisyon bahala ng tamaan ang kamay mo,mararamdaman mo sa unang palo halos pakpak ang tumatama kalaunan natututo ang manok magpatama ng malakas. kapag malakas na ang patama nya ibig sabihin natuto na sya sunod itaas mo na sa 3ft to 3.5ft hanggang katagalan iibabaw na ang manok sa catch cock ang palo nya iba na mula taas na ididiin nya ang catch cock pababa

marc10
May 15th, 2007, 12:34 PM
makiki sali lang po sa usapan.... para po sa akin eh kapag maganda ang linyada at maganda ang pag papalaki natin sa ating mga sasabungin eh malakas ito sa pangkalahatan, hindi lang ang palo pati na rin ang kanilang pangangatawan..

malakas ang katawan = malakas na palo.

para po malaman natin kung malakas ang palo ng manok eh subukan po natin sila pa paluin sa catch cock na nasa catch cock hand bag. sa pamamagitan nito malalaman natin kung bigay na bigay ba ang hataw ng ating manok panabong.

expressdelivery
May 15th, 2007, 12:45 PM
kapag pumalo yung manok
at yumanig yung catch cock
alin lang sa dalawa yan
mahina ang braso ng tumangan ng catch cock
o malakas pumalo yung manok
hehehehe

marc10
May 15th, 2007, 01:12 PM
kapag pumalo yung manok
at yumanig yung catch cock
alin lang sa dalawa yan
mahina ang braso ng tumangan ng catch cock
o malakas pumalo yung manok
hehehehe

korek!... hehehe...

ALCOHOL
May 17th, 2007, 08:54 PM
Taas Ko Lang Po.......:d

oredroc
May 18th, 2007, 08:56 AM
pampalakas ng palo yong vitamins gamit ni Sammy SOSA at Maguire

hehehe palaling homerun

sandman124
May 18th, 2007, 09:14 AM
Kahit anong breed siguro basta tamang crosses, pagkain at pagpapalaki ay tiyak na papalo ng husto yun...maliban na lang kung baldado paa ng manok mo. Medyo damihan mo rin ang mais sa patuka mo at siguradong lalakas ang palo nila. Pag di ka pa rin kuntento sa palo nila......sila na lang ang paluin mo. ha!ha!ha!

beakheel
May 18th, 2007, 09:16 AM
pampalakas pumalo.......yung training, bitamina at diet ng mga baseball player and stars. kung gusto nyo sigurdong aprubado. .................kaya nga lang pagkapalo ay kakaripas na ng takbo. homerun!!!!!!!!!!!!!!!!!

di naman lahat ng palong malakas.....kahit na "banting" lang ...may nakaka home.

dannyboy
May 18th, 2007, 01:46 PM
pakainin mo ng mais..
may snap ang palo ng manok...

hatchcrusher
May 18th, 2007, 02:19 PM
nasa bloodline yan. meron akong stag dati lemon x mclean payat at pihikan. lahi kasi ng hen nya ang payat. binitaw ko sa straight na hatch 3 yrs old. 2 meters ang talsik ng hatch nang timing-an nya sa baba.

syempre dapat healthy at well alaga

dotman
May 18th, 2007, 05:54 PM
nasa bloodline yan. meron akong stag dati lemon x mclean payat at pihikan. lahi kasi ng hen nya ang payat. binitaw ko sa straight na hatch 3 yrs old. 2 meters ang talsik ng hatch nang timing-an nya sa baba.

syempre dapat healthy at well alaga

2 meters? no offense bro., pero baka naitulak lang yung hatch. para kasi humagis ng ganun kalayo yung manok kapag palo ang tumama malamang di na makatayo yung ka-spar...

pero i agree na nasa bloodline yang lakas ng palo.

jony
May 24th, 2007, 02:03 PM
dapat galit yung manok para malakas pumalo!!hehehhe syempre bloodline try mo ruble hatch 7 month palang lagatok ang tunog..or it depends sa condition ng manok....try ka lng

zwecutie
May 30th, 2007, 11:32 PM
tamang alaga
vit B12
red gel forte.

sabi ng mga taga bacolod, yung magandang pellet sa umaga at tamang conditioner sa hapon

dmtred
June 3rd, 2007, 10:17 PM
Isa lang sekreto ko sa pampalakas nang palo ng manok yon ay binubulungan ko sila na pumalo ng ubod nang lakas at pag hindi ay siguradong babalasahin sila ng kalaban nila sa ruweda:)

TAICHUNG
June 3rd, 2007, 10:26 PM
dapat galit yung manok para malakas pumalo!!hehehhe syempre bloodline try mo ruble hatch 7 month palang lagatok ang tunog..or it depends sa condition ng manok....try ka lng



tama ka dyan brod, may ruble akong broodcock ang mga anak malalakas pumalo kahit stag sa spar lang namamatay ang ka spar pag tinamaan sa likod pagkalipas nang 2 araw

thatch
June 3rd, 2007, 10:45 PM
Para sa akin power should come together with speed...sa physics if you will remember ang momentum is directly propotional sa mass and velocity...either you increase the mass or the velocity or both..if you are desperate na di ka makakita ng lakas ng palo ng nokis mo,,,try to increase the mass,,(pabigatin mo)..but be sure kaya nya ang timbang na yun...kahit paanu makakita ka ng dipernsya...

victoria
June 13th, 2007, 01:30 AM
my solusyon jan kapatid,,kylangan proper n well balance nutrition ang patuka,,lagyan mo ng weights ung parehong binti..ilagay sa scratch pen na puro tuyong balat ng mais mag lagay k ng isang butil sa umaga at hapon..ikahig mo sxa ng may kaharap na manok hnd sila dapat mg abot legs n footwork lng kylangan..idiin mo ng konti ung likod nya habang kinakahig mo..2minutes mo lng gawin kada umaga bgo kmain..gawin mo un arawaraw tuwing umaga.:)

expressdelivery
June 13th, 2007, 02:12 AM
ang hinahanap ko naman
ay yung silencer ng paa at pakpak
sobrang iingay kasi kapag pumalo
hahaha


joke lang ho
hehehe

utoy_32
June 13th, 2007, 05:48 AM
kakmeyt, ano bang bloodline ng manok mo? bka naman chopsuey lines lang iyan, o galing sa penge lines..mahirap kasi kung di mo alam kung anong bloodline ng manok mo at hahanapan mo na malakas na palo..

golden arrow
June 13th, 2007, 03:15 PM
opinion ko lang, nasa bloodline iyan...kahit anong gamot ipainom mo sa manok at kahit anong training ang gawin mo kung wala syang infuse ng power sa kanyang linyada eh hindi papalo ng malakas iyan.....ang isang example nyan eh ung mga purong tagalog noong araw kahit ano ang ipainom mo sa kanilang gamot na pang conditioning eh ung palo nila eh regular lang....pero maganda ang kanilang cutting......ang magandang pampalakas ng palo....eh haluan mo ng hatchblood o kahit anong linyada na dominated ng power (whitehacle) ang manok mo para malakas pumalo...;)

expressdelivery
June 13th, 2007, 03:28 PM
opinion ko lang, nasa bloodline iyan...kahit anong gamot ipainom mo sa manok at kahit anong training ang gawin mo kung wala syang infuse ng power sa kanyang linyada eh hindi papalo ng malakas iyan.....ang isang example nyan eh ung mga purong tagalog noong araw kahit ano ang ipainom mo sa kanilang gamot na pang conditioning eh ung palo nila eh regular lang....pero maganda ang kanilang cutting......ang magandang pampalakas ng palo....eh haluan mo ng hatchblood o kahit anong linyada na dominated ng power (whitehacle) ang manok mo para malakas pumalo...;)
-----------------------------------------------------------
yan ang the best answer and solusyon sa problemang yan
hehehehe

expressdelivery
June 13th, 2007, 03:33 PM
http://i125.photobucket.com/albums/p55/expressdeliveries/ogk.jpg
nanay nito ay hatch
pinagala namin sa range
na asawa ng lintek na tagalog na tandang ng kapitbahay
eto naging anak
tagalog ang hubog ng katawan
pero kung pumalo ay hatch
naka tsamba ang luko
at nanalo naman sa hackfight
BISOY ang tawag namin dyan
hahahaha

if you are to infuse
mestisong tagalog
ay sa cockside nyo ilagay
yun henside ay straight american fowl
para yung palo at lakas
ng mga stags na iaanak
ay american din

DON`T USE TAGALOG HENS
SA AMERICAN COCK
AT MAGTITINIKLING YAN
hahahaha

blacksmith
June 13th, 2007, 05:50 PM
http://i125.photobucket.com/albums/p55/expressdeliveries/ogk.jpg
nanay nito ay hatch
pinagala namin sa range
na asawa ng lintek na tagalog na tandang ng kapitbahay
eto naging anak
tagalog ang hubog ng katawan
pero kung pumalo ay hatch
naka tsamba ang luko
at nanalo naman sa hackfight
BISOY ang tawag namin dyan
hahahaha

if you are to infuse
mestisong tagalog
ay sa cockside nyo ilagay
yun henside ay straight american fowl
para yung palo at lakas
ng mga stags na iaanak
ay american din

DON`T USE TAGALOG HENS
SA AMERICAN COCK
AT MAGTITINIKLING YAN
hahahaha

di naman mukhang bisya pre.

blacksmith
June 13th, 2007, 06:25 PM
---

tatodupaya
June 13th, 2007, 06:32 PM
You cannot train them to hit hard. Gawin mo daw yan sa broodpen, sabi ni Nene Abello.

http://www.youtube.com/watch?v=rx-vcHFD6HU&mode=related&search=

expressdelivery
June 13th, 2007, 07:07 PM
http://i125.photobucket.com/albums/p55/expressdeliveries/ba888.jpg
matigas na ring mamalo ang mga bulik apatot
but we added some hatch blood para mas madiin pa
pareng ferdz breeding this year also infused hatch blood

power and gameness are acquired through breeding
endurance and stamina through proper exercise and training.

TOR BAY
June 13th, 2007, 07:37 PM
HATCH...malutong kung pumalo...napalo nga ako,hehehe...

tatodupaya
June 13th, 2007, 07:41 PM
http://i125.photobucket.com/albums/p55/expressdeliveries/ba888.jpg
matigas na ring mamalo ang mga bulik apatot
but we added some hatch blood para mas madiin pa
pareng ferdz breeding this year also infused hatch blood

power and gameness are acquired through breeding
endurance and stamina through proper exercise and training.

Right on, padre.

jack lord
June 13th, 2007, 07:42 PM
hehehe masakit ba?:)
ako dami na sugat hahaha:D

TOR BAY
June 13th, 2007, 07:42 PM
Exercise,exercise,excercise...it could help...

golden arrow
June 13th, 2007, 08:24 PM
-----------------------------------------------------------
yan ang the best answer and solusyon sa problemang yan
hehehehe
salmat po sir...:)

ricky919
June 14th, 2007, 01:28 AM
up lng po