PDA

View Full Version : Naniniwala ka ba'ng may kapalaran ang manok?


Kidd Sentencia
September 24th, 2003, 12:53 AM
Halimbawa eh matatalo or mananalo kahit anong gawin ng naglaban kasi kapalaran nga niya--nuong manok.

Nangyari na ba ito sa iyo...?

Kidd:lol:

Boy London
September 24th, 2003, 02:48 AM
Pareng Kidd ako hindi sa palagay ko ang tao ang may kapalaran hindi manok, kung magaling manok mo tiyak malaki chansa manalo, kung bobo tiyak talo he-he.:lol:

thundercock
September 24th, 2003, 04:33 AM
Sa dahilang walang palad ang manok Sir Kid sa opinyon ko wala itong kapalaran, he he he....

" Life is Short...Enjoy "

Thundercock

P_U_L_A
September 24th, 2003, 07:54 AM
Ito'y opinyon ko lang. Dahil ang manok ay may buhay kaya may kapalaran sya. Hindi ito biro! :D

Tingnan naman natin sa ibang punto, meron akong alagang napagaling sa bitaw(8 mos. old), kahit na ang mga kapatid nya ay nanalo sa edad na iyon, hindi ko sya inilaban dahil gusto kong pagulangin ito dahil nanghihinayang ako, kaya sa teepee nalang muna sya. Ang nangyari,isang araw na pumasok ako sa trabaho may nakawala palang TANDANG(3yrs old), pag-uwi ko ngayon @5PM nakita ko nalang nag-aagaw buhay na hangang sa namatay.
So, kong alam ko lamang na ganun ang mangyari inilaban ko nalang sana(baka matalo pa)hehehe....may kapalaran nga sya.

Hindi ito kwentong BARBERO ha! :lol:

BattleGear
September 24th, 2003, 10:01 AM
Huuuu PULA!!!! mag chess na lang tayo! hehehe

Naniniwala ako na may KALAPARAN ang manok...dahil malimit malapad ang katawan ng mga manok na nakakalaban ng manoks ko...

Huh? KAPALARAN pala..akala ko kalaparan ng katawan ng manoks...

Nanggugulo lang po.....:)

joey bravo
September 24th, 2003, 10:09 AM
Nice answer thundercock.

OO nga naman walang kapalaran ang manok kasi wala naman silang palad. Maski dalhin mo yan ke Madam Auring para tanugin ang kapalaran eh siguradong masisira si madam dito.

Meron siguro kakaliskisan. heheh:D

kihmzl
September 24th, 2003, 01:26 PM
Mga Utol sa aking palagay lahat ng bagay na buhay ay may kapalaran ............... at kapag natapos na ang kanilang buhay.......... kamatayan na ..........tapos ang kanilang kapalaran........ hehehehe :)

orlando mendoza
September 24th, 2003, 09:46 PM
KAPALARAN.....BA BA BA hindi ba kanta ni rico j puno yan sir KIDD
hehehe ...joke lang

ito ay aking opinion lang ang kapalaran ng iyong mga manok ay nasa nag-aalaga ninyo dapat lang siguro na condition natin ng maaigi ang ating mga panlaban na manok para naman meron silang tinatawag na buenas sa araw ng labanan....kung ang ating mga nag-aalaga ay walang pakialam sa kanila ina-alagaan ang
mag baka sakali sa labanan ay mahirap kaya ang magiging resulta ng kapalaran natin at ng ating panabong ay kadalasan ay tigok dahil hindi natin sila binigyan ng mabuting alaga....ASK WHAT WE AMERICAN SAY....KEEP THEM CROWING

orlie mendoza
i am a cf there is something that i am proud of it
:cool: :cool:

sportsworld7000
September 24th, 2003, 11:27 PM
Aminin man natin at hindi, marami pa rin sa ating sabungero ang nangangaliskis. Sabi nila, dito mo mababasa ang kapalaran nang isang manok. Hindi ako naniniwala dito pero gusto ko lang i-share sa inyo ang kuwentong ito...

15 years ago, may manok ang father ko na super bobo sa bitaw, pero may isang matanda na nangaliskis dito at sinabing hindi ito matatalo sa laban. Iyon daw ang kapalaran niya. Hindi ako naniniwala kaya nung unang ilaban nang father ko, dahil alam kong mahina, pumusta ako sa kabila...hehehe...natalo ako. Tatlong beses kong kinontra ang manok na ito at lagi akong talo. Nung pang-apat na laban, pinustahan ko na. Umabot sa 7 panalo ang manok na ito at namatay na lang sa katandaan.

Tsamba o kapalaran?

tsampoy
September 24th, 2003, 11:44 PM
maa aring sabihin nating bobo sa bitaw dahil hindi umuusok ang mga palo at wala man lang katunog tunog.parang may mga SILENCER ang mga paa,hahahahaha!nagkamanok din ako ng ganyan.kung pumalo parang hindi umaabot sa kalaban,parang dumaan lang.actually yung tulis ng tari kaunti lang force ang kailangan at babaon yan.ganyan ang mga bobong manok na ito na patalon talon pero nakakamatay,hahahahaha!may mga manok namang marunong sumanib sa paluan.nakita mong nagdikit sa ere pero hindi mo napansin na nagpawala ng palo.bigla na lang nangingisay ang kalaban.mahiwaga sabi nila,pero kung mabilis ang mga mata mo alam mo ang klase ng palo na ito,may potensiyal na makamatay lalo nat ang talim ng tari.yung kapalaran ng manok ay ginagawa ng sabungero.kung baga kung natalo ay nadamay lang siya sa maalat na kapalran ng sabungero ng araw na yon,hahahaha!pag nanalo ay ganoon na rin na nadamay lang siya sa swerte ng kanyang amo.pero may mga manok na talagang convincing naman ang mga panalo.;)at pagkatalo rin.;)

sportsworld7000
September 24th, 2003, 11:56 PM
Lahat nang panalo nang manok na ito ay bugbog sarado sya. Pinapaliguan nang palo tapos bigla na lang mamamatay ang kalaban...hehehe... Never mo siyang makikitang papalo. Lagi syang tadtad sa sugat pero ang kalaban isa o dalawa lang. Maaring sabihin nating dahil suwerte yung amo kaya nanalo, pero kung pitong straight na panalo, iba na ito...hehehe...

Suwerte o kapalaran? Believe it or not!

P_U_L_A
September 25th, 2003, 07:44 AM
Palahi ni NARDONG PUTIK iyon. :lol: jokelang:lol:

rrsegala
September 25th, 2003, 02:40 PM
kaawa naman pala ang mga 45 days na mga manok iisa ang kapalaran...... he he.....

atogamefarms
March 23rd, 2006, 01:53 PM
OO pale! naniniwala ako na may kapalaran ang manok, pero ang kapalaran ng manok ay nang gagaling ito mismo doon sa taong may ari....kung magaling mag alaga at maasikaso ang may ari maganda ang kapalaran ng mga manok na hawak nia lamang sa panalo at maganda rin ang kapalaran ng bulsa ng may ari...he he he!!! vise versa lng po yan........ito pa! may magaling mag alaga at talagang napakagaling nang may ari at ng manok nia pero sa labanan drag fight lumabas natalo ang manok na last card pa.....saan kaya nang galing ang tumatawag na kapalaran ng manok? sa amo kaya malas cia sa araw na un at nadamay lng ang manok or talagang kapalaran ng manok na matalo kahit anong gawin niang pupug sa kalaban ay talo parin.....tsk! tsk! tsk! kapalaran ng manok at may ari hindi ng bulsa.....paano ko kaya iisipin? hhhhmmmmmpppp basta ako naniniwala na may kapalaran ang manok na manalo cia nang 5x at pagdating ng pang 6 ay matatalo cia at doon natin malalaman na hanggang don lang talaga cia.........:hat:

atogamefarms
March 23rd, 2006, 02:07 PM
bawat hayop kaya ay may kanya kanya destinasyon or tao lng?.....:confused:

thatch
March 23rd, 2006, 02:13 PM
Palagay ko nga ang kapalaran ng manok depende sa may ari..unless maaksidente yung manok...Nasa may ari kung ulam na sya o ilalaban pa...:lol:

toybatzDOM
March 23rd, 2006, 02:26 PM
O NGA NAMAN MGA KAIBIGAN LAHAT NG BAGAY N MY BUHAY AY MY KAPALARAN....KAGAYA NG MANOK KUNG SIYAY PALARIN SA PAG SASABONG MAITUTURING NYANG ISANG MALAKING TAGUMPAY ANG KANYANG BUHAY DAHIL HINDI SIYA NAMATAY...GAYA LAMANG NG MANOK KO NA SUPER GALING LUMABAN AT MA DISKARTE,PERO SA ISANG SAGLIT SA ROWEDa NAG BAGO ANG KAPALARAN NYA KASI SA BANDANG HULI SIYA ANG DI NA TUMUTUKA NA DALI SIYA LEEG NG KALABAN...GULAT KAMI BAKIT NAG KAKA GANUN BUNUGBOG NYA ANG KALABAN UN PALA ANG TARI ANG PROBLEMA.. LUBAG KAAYO.....HEHHHHEHEHEHEHE.....:lol:

atogamefarms
March 23rd, 2006, 03:05 PM
ganyan talaga ang kapalaran, kung tumatawag ay napakaraming dahilan.....bakit kaya ganon? tsk! tsk! tsk!...;)

atogamefarms
March 23rd, 2006, 03:09 PM
kapalaran ng tao or hayop man kung tumawag ay gumagawa ng dahilan........:)

russell
March 23rd, 2006, 04:03 PM
para sa kin ...may kapalaran ang mga manok

swerte yung napunta sa magagandang farm
malas nung manok na napunta sa pabayang amo


swerte pag nanalo sa laban...buhay

pag natalo malas......patay


:lol:

jazz_rhym
March 23rd, 2006, 05:13 PM
siguro,aywan ko pero sabi ng lolo ko nasa nag aalaga raw yan.:lol:

beakheel
March 23rd, 2006, 05:36 PM
dito sa guam, palibhasa hindi kinakain ang talunan (tinatapon lang).. sa sabungan ng bayaw ko pagkatapos ng sabong kinabukasan ay may nakita kaming isang talunan na grey at may sugat na gawak pa sa tagiliran (buhay pa at nakatayo) kaya pinagamot namin hanggang sa gumaling. lumipas ang araw ay nakursunadahan at nabili ng isang guamanian.....nagpanalo pa sa kanya ng 3 sunod hanggang sa mabalda at maging tatyaw. kapalaran ba itong matatawag?

jason_slay
March 23rd, 2006, 06:33 PM
manalo 0 matalo!!!!!

etwin
March 24th, 2006, 12:16 AM
kahit isang bato lang ito...

kahit isang tingga lang ito...

kahit isang papel lang ito...

kahit anong uri pasya....

D-ghostman
March 24th, 2006, 01:23 AM
nkaukit na yan mga kumpadre ang kapalaran.. kung mananalo o matatalo,matitigok o mabubuhay

paulajay
March 24th, 2006, 04:27 AM
Cockmates,

hindi ako 100% sure dito...pero ayon sa nabasa ko na pilosopher book's ay...

Lahat ng bagay na may buhay maging maliit o malaki man ay may nakalaang kapalaran o tadhana. At ito ay kanyang susundin,
Only ng Human being can oppose the call of life because of Freewill".....


regards
Pj

buster
March 24th, 2006, 04:35 AM
walang kapalaran ang manok.

si

RICO J PUNO meron...

KAPALARAN
:D



na kanta>
bakit kaya ,ang buhay ng tao meron mayaman...

buster
March 24th, 2006, 04:50 AM
bro chestman,
di ko na inabutan yon!

mag FX na ang aking naranasan !:lol:

kapalaran... ay di maintindihan! meron mayaman, may bigo't
tagumpay!!!

mondragon_allan
March 24th, 2006, 08:19 AM
TAO AT SARILI ANG GUMAGAWA NG KANYANG KAPALARAN....KATULAD NG MGA NASA ABROAD NGAYON GINUSTO NILA ITO GINAWA NILA ANG LAHAT PARA MAGTRABAHO SA IBANG BANSA PARA KUMITA AT YUMAMAN PARA MAY PANGSABONG KAPAG NAGBAKASYON SA PINAS(YAN ANG MAGANDANG KAPALARAN)..HEHEHEHEHE...KUNG TATAMAD-TAMAD KA (YAN ANG MASAMANG KAPALARAN) DI KA NAGSUMIKAP PARA GUMANDA ANG ATING KAPALARAN....PEACE KEEP ON TOP......

dihadista
March 24th, 2006, 08:36 AM
:lol:

Kidd Sentencia
March 24th, 2006, 09:45 AM
Kapalaran ng manok: Dalhin natin sa sabungan, ilaban, pag nanalo eh kapalaran niyang manalo :lol:

...pag talo ganun din...hehehe.

Siguro maiisip lang natin na kapalaran niyang matalo kung talagang maganda na pinakita, walang palpak sa mga kilos niya't pag laban, eh talo pa...oh, huwag mong sabihing walang nangyayaring ganyan, hehehe.

Kidd

jepoy723
March 24th, 2006, 09:53 AM
Paano yung manok na umaayaw sa ulutan!! Pero pag lumaban naman at napalaban ay panalo ano kapalaran ba yon o swerte??

rollyramos
March 24th, 2006, 10:57 AM
walang palad ang manok kaya walang kapalaran,tao ang may palad na siyang gumagalaw sa buhay ng manok nasa tao kung inihanda niya ng mabuti ang panlaban kung mainam ang pagkakapili at tao din ang nag uulot naglalaban ng manok, at ano mang sandali ay nasa tao ang disisyon sa buhay ng manok, kahit ngayon ay pwede nya itong hatulan sa ibabaw ng gradas o sa ibabaw ng la mesa.:lol:

rollyramos
March 24th, 2006, 11:09 AM
lahat ng pangyayari ay may dahilan ,at lahat ng dahilan ay tao ang nag mamaniobra.maging ang lumikha ay hindi nakikialam sa kapalaran ng tao, tao mismo ang nagdidisisyon sa buhay niya.

sabi nga kung ipinanganak kang mahirap ay hindi mo kasalanan ,ngunit kung mamatay kang mahirap ay kasalanan mo na.

ang buhay ng manok sa away ay hindi sakop ng utak at pag iisip ng tao, diskarte na nya yun dahil buhay at sarili nya ang ipagtatangol nya , umayaw man sya ay karapatan nya yun :lol: at hindi nya kapalaran yun dahil yun ang pinili nya at ginusto nyang umayaw sa pag aakalang mabubuhay pa siya.

may nabasa ako na sinasabing ang lahat ng nilalang ay likas sa kanya ang maging duwag sa harap ng kamatay.

(malayo yata sa topic ,sorry po natipa na e)

mode0
March 24th, 2006, 11:13 AM
Letter T ang kapalaran ng manok.

Tinale
Tinalo
Tinola

:lol:

gilnavs2002
March 24th, 2006, 02:28 PM
:lol:

Palago
March 24th, 2006, 02:29 PM
ang kapalaran ay ung bus n nlaglag sa bangin nung araw ky ngayon pinalitan ang pangalan RAYMOND BUS n ngayon...

heheheheheheh...


ngpapatawAl lng po>>>....
:lol:

amigo
March 24th, 2006, 10:53 PM
.............:lol: ...............

para sa akin suwerte na rin ang mga pansabong dahil nabubuhay sila ng matagal at napupunta sa kamay nila ang pag tagal ng kanilang buhay.....ang malas ay yung mga 45 days na broiler...yung mga iyon siguradong katay in 45 days...hehehe

jovie
March 25th, 2006, 05:14 AM
pre sa tao ikaw ang gumagawa ng mangyayari sa iyong buhay, sa manok naman ikaw ang gumagawa ng maaaring mangyari sa kanya, sisiw pa nga lang maari mo ng tapusin ang kapalaran nya,:eek:

etwin
March 25th, 2006, 08:59 AM
kung tinapos mo siya ng maaga...

tissue may kapalarindin minsan pang punas ng sipon...
misan pang punas ng puwet..
minsan naman ay pang punas ng kuwan...

may mga tingga na ginawa para sa baril...pero ilan ilan lang
sa kanila ang nakatayang babaon sa katawan ng tao...

macario llanes
March 25th, 2006, 03:21 PM
Pag naglaban kami ng manok lalo na winner at natalo sabi ng bayaw ko hanggang isang panalo lang siya o kung nakailan man siya.Kung sa bagay mas madaling makalimutan ang pag katalo pag iyon ang dahilan na nasa isip mo. Pero sa isip ko kung hindi kaya namin nilaban noong araw na iyon buhay pa kaya yon baka nga, huwag lang mabagasakan ng puno siguro oras na niya talagang mamatay eh may kapalaran nga ang manok pag nag ka ganon. :lol:

etwin
March 26th, 2006, 04:21 AM
mga pinag babaril sa sabungan wag ninyong sabihing tao parin ang pumatay doon.....?????......
bala ng baril ang pumatay sa kanila kaya bakit panatin pag tatalunan
ang bagay na ito.....ang lahat ng bagay ay may nakatalaga para
sa kanya...bahay mo naayaw mong masunog....

pag nag kataong nasunog,... sunog dahil nakatalag nayon....
mga babae na ayaw mag anak pag nabuntis ayon pinalalaglag...
yung bata nanasa loob ng tiyan ay wag ninyong sabihing may kapalaran na kung ito ay hindi pa pinanganganak....
ito ay walarin pag kakaiba sa mga tissue na pinang pupunas mo
ng puwit na hindi kailan man magkakaroon ng buhay....

kungdi isang alaala nalang.....bakit kamo sa Russia pumunta ka
walang tissue doon sa hotel...kaya pag nag punta karoon
maaalala mo yung tissue mo sa atin bakit hindi mo dinala....
kaya malas ng tissue dinakarating nakahit sa russia manlang....
joke joke joke joke....kaya lahat ay may kapalaran....joke joke joke joke....ganoondin ang batang hindi ipinanganak na walang kapalaran na ipinanganak...kaya nga ang lahat ay may kapalaran...
bulalakaw may kapalarandin...ni hindi monga alamkung saan siya nag mula....pero nabigyan mo siya ng pangalan....
ay......bulalakaw oh"......pero yung pinalaglag mong bata ay
walang pangalan na parang mga batong walang mga pangalan....
napara sa inyo'y hindi umano'y mag karoon ng kapalaran.....

SuPeR_MaNyOnG
March 27th, 2006, 01:27 AM
BINIGYAN TAYO NG DYOS NG FREE WILL PARA MAG DESISYON ,KAYA TAYO ANG GUMAGAWA NG MGA MANGYAYARI SA BUHAY NATIN. SA MGA HAYOP NAMAN(ANIMALS) BINIGYAN NYA TAYO NG AUTHORITY PARA PAGBUTIHIN ITO.. KAYA TAYO ANG GUMAGAWA NG KANILANG KAPALARAN.. JUST MY OWN..

etwin
March 28th, 2006, 02:40 AM
Na highest form di Animal ka....

kaya nagagawa mo gusto mo sa kanila......dahil mas matalino ka
di hamak sa kanila at malaki ang utak mo....

pero sinuba ang nakipag papatayan sa loob ng Arena hindi naman ikaw ah.....kung hindi ang alagang manok mo....

iyon ang kapalaran niya ang maging isang manok kaya malas niya...at swerte mo....ikaw ang kaniyang Hari , at siya ang iyong
gladiator nahandang ipang laban ang kayang buhay waglang
ipatalo ang pera mo at ang kanyang karangalan....

kaya nga tumitilaok ang mga manok....dahil ang ibig sabihin ay
wag kang lalapit dito siguradong mag kakapatayan tayo....

pero ikaw na tao ay mapag samantala...dahil kumo nilikha sila
sa ganoong uri ng nilalang na likas na matatapang at talaga namang mga nag papatayan kapag nakapang abot eh.....

lagyan mopa siya ng mga sandata para mapadali ang patayan nila....kaya diyan nag si mula ang salitang Sabong....

minalas ang isang katulad nila dahil sa isang katulad natin...
pero ako tuloy parin ang sabong.....

rollyramos
March 29th, 2006, 11:43 AM
kung ganon mas mapalad ka at 'TAO' ka, kung nagkataon na ang huling letra ay naging letrang 'E' ang sama ng naging kapalaran mo.:lol:

etwin
March 29th, 2006, 12:43 PM
sa inidoro ang bagsak mo....:lol:

adobo
March 29th, 2006, 03:19 PM
ang manok na bobo ang kapalaran ay adobo :D

etwin
March 30th, 2006, 01:49 AM
masarap na kapalaran yan ang maging adobo....
lalunat sa gata....hehehehe.....:lol:

koyem
March 30th, 2006, 03:41 AM
ang kapalaran ng manok

ay nakasalalay sa kanyang amo

etwin
March 30th, 2006, 06:40 AM
ayos yan...hehehehehe....:lol: