View Full Version : ano ang pinakamagaling na SENYAL?
spangle
August 17th, 2001, 12:24 AM
iisip-isip,
Ano sa palagay nyo ang pinakamagaling na senyales na nagbigay ng pinakamaraming panalo
ng inyong manok?
SPANgLe
mikee
August 17th, 2001, 01:43 PM
sa 'kin lang ang pinakamandang senyales ng
manok yon bang may''puwente''makikita 'to sa
kili-kili ng manok...namamasa -masa na parang
sugat..sa native na manok madami 'to ewan ko
lang sa mga texas:> )
popeye61
August 17th, 2001, 08:05 PM
ang pinakamagandang senyales para sa akin ay yong paningit.sa pandulan.
Kidd Sentencia
August 18th, 2001, 07:24 AM
pareng Mikee, nakita ko na yang senyales na yan...one time pa lang, I mean sa isang manok pa lang. Hirao, aba eh tuwing namamasa yung senyal nananalo...naka-apat yata. Hindi natalo...namete na lang sa huling laban pero panalo pa rin.
Kidd
mikee
August 18th, 2001, 12:43 PM
pareng kid,meron akong manok na may puwente
native na ''binabae''naka pitong beses pard's
puro texas ang pinapatay..madaling ilaban dahil sa kulay:> )pero ng mapunta ako dito sa tate pinagbili ko 'yon nilaban sa manila.. nilaban ng patuyo na ang puwente''talo''kala
nila makakaharang sila pero sila ang naharang
buti na lang wala na ako kong di..hehhehhhe
sama ako sa talo :> )
leo
August 18th, 2001, 08:25 PM
kaibigang mikee, kung ako naman ang tatanungin mo ang gusto ko yong may kuko sa leeg napakahirap makita ang ganitong senyal at talagang bibilang.naka 18 panalo sa akin walang tatalo,
siguro dito.
astro
August 18th, 2001, 11:16 PM
Mga pards & pren nagkaroon din ako ng dalawang manok na may senyales. ang isa katulad ng kay leo, matindi talaga, isang tira lang patay ang kalaban,kilikili palagi.
Pangalawa iyong mayroon latigo sa puwet,ibig sabihin nito iyong parang ting ting lang na kasamahan sa feather sa puwetan. Texas itong may senyales na ganito sa pamilya ng lemon.So far naka 20 beses na panalo sa hacks lang, panharang at karamihan ang anak nito ay panalo sa unang laban. Pero naghinayang ako dahil namatay lang ito sa katandaan.
Astro
mikee
August 19th, 2001, 05:09 AM
leo&astro,nabanggit na rin sa 'kin ng ibang sabungero ang mga senyalis na 'yan ..matindi
nga ang mga senyal na yan lalo na yan kuko sa leeg..pangil sa leeg kong tawagin sa amin
dito sa tarlac
leo
August 19th, 2001, 09:00 PM
mayroon akong kakilala taga alaminos pangasinan ang manok niya dinagit ng aguila noong sisiw pa ito .pero ang karamihan ng buntot ng manok, yong mahaba ay dalawa di ba?yong manok niya 6 na mahahaba.sabi ng matanda sa amin ngayon lang siya nakakita ng ganitong manok, alam nyo ko ilang beses nanalo sa derby ito sa calasiao at sa pampanga 13 times derby winner pero hindi nagbibigay kahit isang lalaki .ang alam ko binili ni mayor guico noon.
astro
August 20th, 2001, 01:26 AM
Mikee, nakaroon pa ako ng isang manok na may senyales, buo ang kaliskis sa tarian. Pare ito ay siguradong panalo sa unang laban. Kaya todo ang taya. Sa panglawang laban 50-50 ang chance, kaya sa hacks lang puede ito para makapamili ng laban.
Astro
Babam
August 20th, 2001, 03:38 PM
nagkaroon rin kami ng manok ng katulad sa kuwento ni leo. itong manok namin ay montik na makain ng hawk. yung dalawang kapatid niya ay napatay na ng hawk. siya na injure sa leeg pero nakalaban sa hawk. yung hackle feathers niya ay hindi kumpleto kaya pangit siya tingnan pero magandang manok. naging 4 time derby winner sa virginia at 2 time winner sa hackfight sa maryland. yung last derby fight niya nanalo siya pero pinatay na ng kano na partner namin kasi napilay. hindi na nakakatayo. sayang madami din inakyat na pera sa amin yon.
mikee
August 21st, 2001, 01:53 AM
tanong lang mga pard's''bakit yon mga nadagit ng agila na nabalik uli ay nag-
bibilang ng panalo?
firm believer
August 23rd, 2001, 04:38 PM
Mikee, Yung mga nadagit ng agila (bird of prey), ay nagbibilang ng panalo kasi siguro nakaligtas ito sa mahigpit na hawak at matatalas na kuko ng agila. Mantakin mo pupulutanin na lang siya eh nakaligtas pa. //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/wink.gif hehehe. Kumbaga sa swerte eh naka-guhit na ang tagumpay sa kanya.
Mga pards, //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/confused.gif ang kinatatakutan kong manok na kalabanin ay yung panabong na may itim na tahid. Nagkaroon kasi kami noon sa probinsiya (camiling) ng pulang linaw na may itim na itim na tahid. Bull-stag palang ito ay naka-tatlong panalo agad sa hackfight. Laging walang sugat. Parang binabaril ang kalaban. Sayang nga lang at napagtripang nakawin. //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/mad.gif
Senyal - Kung namimili ako ng panabong eh tinitingnan ko kung ito ay "tungo sa lilong". //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/bounce.gif Mainam din ang senyales na ito.
popeye61
August 23rd, 2001, 10:35 PM
May sabungerong taga south cebu na palaging nag champion nang derby sa TALISAY SPORT COMPLEX noon.Lahat na manok na isinali sa derby ay puro may senyal.Alam mo kung ano? STAINLESS SA MAY KILIKILI.
kasador
August 24th, 2001, 08:36 AM
sa hackfights okey lang ang paggamit ng pamahiin at mga senyales.karamihan naman ng manok ay mediocre lang.may mangilanngilan na mainam na ipinanghaharang sa hackfight.the point is senyales don`t play a great role in tough derby fights.gumana man ay mangilanngilan at bilang na bilang,tsamba lang o kayay natapat.in tough derbies it is the breeding,feeding and conditioning departments that count.still it is the 365days or perhaps more that count and not the 1 day you spent looking for that myth and senyales that you expect to bring you luck.or let`s say tsamba ng oraculo.mabuhay ang SABONG!
firm believer
August 25th, 2001, 02:36 PM
ang mga senyales eh pampalakas lang ng loob.
popeye61,
yung panabong na may tapal sa kilikili eh mga mandaraya na yon. //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/lol.gif hehehe. kasama na dito yung nagpapahid ng lason sa pulok ng panabong. senyal ito ng tunay na mandurugas 'ika nga. 'di marunong lumaban ng parehas.
kasador,
tama ka pare, sa derby ay mas malamang na scientific method ang ginagamit at hindi senyales. //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/wink2.gif kaya lang pare kung minsan nasusunod ang agos ng orakulo. may araw na puro talo ang talisain, palagay ko eh tsamba lang din. siguro ha, may kinalaman din ang moon positioning. nakapagtataka lang kasi pati tubig sa ilog at dagat eh apektado, i.e. high at saka low tide. pati na rin mga topak at iba pang may sayad eh nag-iiba ang ugali kung full moon. //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/crazy.gif
//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/peace.gif sa derby, hackfight, or tupada hanapin natin ang senyales ng nagpapanalo, 'di lang sa manok pati na rin sa tao at agos ng swerte.
popeye61
August 25th, 2001, 06:52 PM
Totoo nga pareng FIRM BELIEVER,talagang mandaraya yung tao.Hndi na nga makasali mula nang mahuli yun.Ang nakahuli noon yung sentenciador na taga SAGAY,NEG. .
firm believer
September 1st, 2001, 03:24 PM
popeye61,
alam mo pare, magaling yung sentenciador. sa hackfight o tupada naman sa maynila, mahulaan mo kung may tapal sa kilikili ang kalaban kasi kung maglaban sila ay hindi bale manok. alam din nila na kung makukuha mo yung bihag e buking yung gimmick nila. may lumang video tapes nga pala ako ng derby sa cebu na makikita ang pagrebisa sa kilikili ng manok.
pare, ang gagaling ng mga sentenciador sa derby doon. kayang-kaya nilang ihagis at saluhin ng walang nalalagas na balahibo ang mga naglalaban. ang gagaling sa kareo. saludo ako. //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/wow.gif
[This message has been edited by firm believer (edited 09-01-2001).]
Rattlesnake
September 1st, 2001, 05:35 PM
may anting-anting ang mga sentenciador sa cebu. hehehe
------------------
Abu Ahas
firm believer
September 1st, 2001, 05:44 PM
nadale mo pareng abu ahas!
------------------
tambobondang
ROM_PH
March 15th, 2004, 06:39 PM
I came across 1 bird from a friend, may kuko sa dibdib. Post ko picture para sa mga gustong makakita. 2x winner na ito at ginawa na nilang broodcock. Kaso ang manok na ito ay kuba.
sonny_padilla
March 16th, 2004, 04:28 AM
cockmates ,
karaniwan na tumatalo sa mga senyaladog manok ay basal na yano o pangkaraniwan lang ang kaliskis ng manok ;)
aruiz
March 16th, 2004, 05:26 AM
Mga kaibigan.........
Paano nga pala kung yung dalawang manok na
maglalaban ay parehas matibay ang senyales...?
Tabla ba ....?
Unang-unang nagkaroon ako ng manok ay mistizo lang
kuno (pinabayaran lang sa akin ng 100 pesos,.. that was
1973) at nailaban ko sa Negros , 2X panalo.... sa
Marikina , 2X panalo... sa Mandaluyong , 2X panalo. Ang
sabi ng isang matanda (batangueno siya), di raw ito
magpapatalo. Sa anim na laban, puro sa daliri lang ang
sugat at kuha lahat na kalaban sa itaas. Pero kung
ibitaw mo siya, parang di mo pupustahan. Sa gabi ng
7th fight niya.... ninakaw.
Di masabi ng matanda kung anong senyal ang meyron
dahil di naman ako masyadong naniniwala sa senyal.
hatch767
March 16th, 2004, 11:17 AM
kakmeyts,
e2 ang ilan na senyalado na manok na mananalo.
1. walang kaliskis sa paa.
2. may uban na isa sa parteng batok.
3. isang baliktad na balahibo sa dibdib.
4. isang kuko sa dulo ng kaliwang pakpak.
5. banderang puti sa buntot.
6. paang buwaya ang tawag sa kaliskis sa paa.
7. maumbok sa parteng ibaba ng mata.
8. bumubuka ang 2nd na kaliskis mag umpisa sa dulo ng daliri nd kaliwang paa.
9. wing band or leg band.
10. toe and nose markings.
11. pangit na pagkatanggal ng palong o nde tinanggal ang palong.
at marami pang iba.....
Ako naman ang tatanong sa iyo anong bloodline ang tatalo sa mga senyalado?
ema42363
March 16th, 2004, 12:02 PM
MGA PRE.
MAY MANOK AKONG NABILI P250.00 LANG, GALING PANGASINAN, PANGKATAY AT PANGHANDA SA ARAW NG KASAL, ALAM MO NAMAN SA PROBINSYA MAY ADVANCE PARTY SA PAGHAHANDA NG PAGKAIN SA ARAW NG KASAL.
IN-SHORT, NAGING AKING ANG MANOK, INALAGAAN KO PA NG APAT NA BUWAN DAHIL MEDYO BATA PA KASI AT GAGAMITIN KO LANG CATCH COCK SA MGA PANLABAN KO, KAPAG IBINIBITAW KO LAGING TUMATAKBO PERO HINDI UMAAYAW, NAGPAPAHABOL LANG BA, MINSAN DINALA NAMIN SA SABUNGAN PARA GAMITING PANUKA NG 2 MANOK NA PANLABAN NAMIN, NANALO NA YUNG 2 MANOK, PERO MEDYO BITIN PA ANG TROPA SA PANALO, AT NAISIPAN NILANG ILABAN YUNG PANUKA NAMIN (KATUWAAN LANG), ABAY NANALO DIN AT WALA PANG SUGAT, HANGGANG SA NAKA WALONG PANALO ITONG KAKATAYIN KONG MANOK, ALAM NYO BA KUNG ANO ANG SENYALES NITO, KAPAG DINERETSO MO ANG BINTI AT PAA NITO (NAKAHARAP SA IYO ANG MANOK) IYON PARANG TITIGNAN MO KONG TIHAYA O' KALTIS ANG MANOK. ITONG MANOK KO AY PALAD TAO ANG MGA DALIRI, TIKOM LAHAT ANG MGA DALIRI SA PAA PATI YUNG DALIRI NA MALAPIT SA TAHID, AT KAPAG ORAS NA NG LABAN ANG KULAY NA PAA NYA NAGIGING KULAY ASUL PAGDATING SA RUEDA , KASI PUTI ANG TUNAY NA KULAY NG PAA NYA KAPAG HINDI MO ILALABAN, KAYA KAPAG HINDI NAGBAGO ANG KULAY NG PAA SA RUEDA AY INILALABAS KO NA NG RUEDA DAHIL MATATALO DAW SABI NG MGA MATATANDA, KAYA LANG NAMATAY DIN ITO DAHIL SA PESTE, WALA KASI SYANG SENYALES LABAN SA PESTE....
EGAY
Bty Hunter
March 16th, 2004, 12:53 PM
Yan din ang kahinaan nung mga mananalo naminb sa una:lol: :lol:
sonny_padilla
March 16th, 2004, 07:03 PM
ang mga tatalo sa may senyales na manok ;
1. magnanakaw
2. napeste
3. nakatay para ulam
4.manlalason
JOKE , JOKE , JOKE ONLY
:lol:
erick
March 16th, 2004, 10:26 PM
sa experience namin tungkol d2? meron kaming manok sa spar ay pagulong-gulong pero pag may tari na e parang ipuipo
nang busisiin ang kaliskis may solo paningit pla kya ganun. ang hinihanap ko na senyal ay ang tinatawag ng "doble bangkilas" pero hanggang ngayon di pko nakakakita n2.pero nsa inyo na ang desisyon kung maniniwala kyo sa senyal. kung may magaling kang manok at may senyal pa e ok na:)
poginggwapo
March 16th, 2004, 10:59 PM
mga bossing meron din akong nakuhang manok nbile ko gleng farm sa bulakan black bonanza sunog na sunog ang kulay pero hnde ulikba pute ung katawan nya ang senyales nya e kakaiba itim ung ilalem ng dla nya hnde ko na inilaban baka msayang lng pg nglalaban kme e nilulublob ko sya sa timba tpos un ung pinanghihilamos ko dun s mga inilalaban nmen mlakas sa panalo ibinirid ko gnon din ung mga anak itim din ung mga dila nila:rbounce:
ligas_paka2006
September 4th, 2006, 11:55 AM
:eek:
mondragon_allan
September 4th, 2006, 12:11 PM
ang senyales ko sa manok ay....
1. magandang uri/clase ng manok
2. maganda / malinis na lugar
3. masarap na pakain
4. malinis na tubig
5. tamang gamot
6. tamang ehersisyo..
ok n ok na to.;)
kickcut44
September 4th, 2006, 06:05 PM
ang magandang senyal ay ....
kung makapal ang iyong bulsa ibig sabihin panalo ka.
kidding aside,
yun krus ng pitong bakod. kelangan ikutan mo ang iyong makakalaban at tiyak ka raw mananalo ayon sa mga matatanda.
kaya minsan nakikita mo itong ginagawa sa sabungan.
johndinosicat
September 6th, 2006, 03:00 AM
pag pinalakad o nilimber mo ay medyo PA-ILING-ILING AT PAPITIK-PITIK ANG ULO AT PANAY ANG TILAOK..lalu na kung maganda ang ipot....tiyak na nasa peak at maganda ang pionting nito...85% mananalo.
YAN ANG TOTOONG SENYALES....DIBA?
wickedfr0g
September 6th, 2006, 03:24 AM
:D
ricko
September 6th, 2006, 05:03 PM
tama ka dyan nash may nagsabi sa akin na 30 kaliskis pataas ay sigurado panalo ka e sa ingles multi-winner ang manokis mo.
wildfoot
September 6th, 2006, 05:16 PM
Eh pag nagsalita yung manok.....
Bossing laban mo na ako..........pag dating sa ulutan sabi ng manok......Bossing doon sa bulik...kayang kaya ko yan.:lol:
Wildfoot
Madheel
September 6th, 2006, 07:24 PM
:lol: nice one wildfoot!...
DINOPATANI
September 6th, 2006, 07:44 PM
sabi ng mga matatanda................
pag ang manok na nasa sabungan na at nilagay mo sa limber sya ay kinakagat ang pinaka puno ng kanyang buntot (lanahan)........ o di kaya nasa gradas na at binibitawan para maglakad ay kinakagat o siksik ang pinaka puno ng kanyang buntot.................. tiyak panalo sya sa away na iyan.............
bihira nga lamang nangyayari eto.............. so far............ pag naka tyempo ako............... doon ako pumupusta............. panalo nga...........:D
Aywan ko lamang sa iba ha, baka masisi pa ako........... nye-he-he!!!!
Rolei
September 9th, 2006, 07:04 AM
Sir Dino,
Baka kuto lang yan, some superstitious kc nakakasama.
tigercobra
September 9th, 2006, 08:51 AM
sa aking 2x W butcherfrostgrey noon ang senyales na lumalabas sa mga naging sisiw ay medyo maliit ang prop toe at nde e2 nababaluktot at meron 2 paningit sa kaliskis.
sa aking 1 1/2 W blackhennie noon ay white ang talampakan, gitnang toenail color ay black at sa magkabilang gilid na toenail ay whitecolor at black ang feet laging ganito ang lumalabas sa mga napipisang sisiw na all black in color.
marami ang senyales na naipapamana pero ang ibang senyales ay abnomality lang e2 at nde namamana ng mga nagiging offsprings, siguraduhin na senyales nga e2 ng mga winner nyong palahi.
tigercobra
September 9th, 2006, 09:04 AM
share nyo naman ang senyales ng mga winner na palahi nyo hehehe anong senyales naman kaya ang namana nyo sa magulang nyo...ako cguro ung dimples at nunal sa kwan kc pati sa anak ko meron ganito, :)...bakit kaya laging talo ang cobra ko at wallet sa brownred pullet?nyahhhhh..Winningline sa Chicks namana ko sa Lolo ko.
mondragon_allan
September 9th, 2006, 09:25 AM
mahirap matalo ang may taglay nito..eto
ung itim ang dila na may hati sa dulo
na tila parang dila ng ahas...
kahit biyanan mo pwede mong ipusta .........
:lol:
Rolei
September 9th, 2006, 09:31 AM
"Sukdip sa pandulan" since my grandfathers time never been broken in our stable.
GIO POGI
September 12th, 2006, 10:31 AM
Ano ba ang sukdip sa pandulan na sign? Parang ang lalim pakinggan, hirap intindihin. Pa post naman ng picture.
Thanx!
Yung 2X winner ko na walang sugat sa 1st fight may kaliskis na buo, actually di ko napapansin ang nakapansin lang yung kapitbahay ko. Totoo kayang winner sya dahil dito? Senyales ba ang buong kaliskis, yung walang biyak?
Rolei
September 12th, 2006, 05:02 PM
For pikture of sukdip sa pandulan:
chicken talk thread under hen selection
The scale picture posted by ABAI 8-10-2005 4:19pm is a sample of a "sukdip sa pandulan" scale but mine is in the center.
jjpangan
September 13th, 2006, 02:36 PM
Para sa akin, base sa true to life experience - buo ang
kaliskis magkabila. pusta muna pati misis mo. 9x winner
derby or hackfight. nadisgrasya lang sa bilad sa araw
GIO POGI
September 15th, 2006, 02:31 PM
Etong paa/daliri ng manok mo, may senyal ba to? Pakitignan pls...
Thanx!
oning_the_cat
September 15th, 2006, 05:53 PM
MAGANDANG SENYAL MALAKI SA LABAN AT NAKAKAMANOK AT LAMANG SA ALAGA
ccanlas1153
September 17th, 2006, 08:14 PM
http://http://i58.photobucket.com/albums/g252/ccanlas1153/FL000011.jpg
Rolei
September 17th, 2006, 08:35 PM
Gio Pogi:
Mas maganda sana kon ang biyak sa middle toe sa unang kaliskis at biyak din ang unang kaliskis sa prop toe, parang nagtagusan ang biyak. Ang tawag sa bisaya dyan "lapos".
Ang grandpa ko makabili ng nyogan dahil dyan 13x winner, ang manok pure white na native at mais-mongo lang ang pakain.
Scorpiobites
September 18th, 2006, 11:26 AM
Dapat pala monggo din ipakain dyan! :lol:
GIO POGI
September 18th, 2006, 11:34 AM
Rolei,
Hindi pala ok ang manok ko base sa kaliskis sa paa? Pangit ba talaga ang nasa 2nd ang split scale? Actually 3 to 4 ang split scale nito sa middle toe eh.
Thanx,
Gio
Rolei
September 18th, 2006, 09:40 PM
Gio:
I can't really tel coz I have no proven experience with the same. Also, some ilonggo afficionados believed on split scale in the third not on the second.
So better condition him well and forget the scale.
GIO POGI
September 19th, 2006, 12:19 PM
Thanx Rolei, sabagay hindi naman talaga ako tumitingin sa senyal kasi di ako marunong. :D
Pero nakakadagdag confidence pag senyalado, gaya ng sabihing senyalado yung Mclean ko kaya walang sugat sa 1st fight, sa 2nd fight nya mas confident ako coz alam ko ng senyalado - pero magaling din naman talaga yun kaya 2X winner na.
SCORGEPIST
May 23rd, 2007, 05:57 AM
eto pwede?
http://www.ganoi.com/photopost/data/525/medium/321rightboth.jpg
http://www.ganoi.com/photopost/data/525/100788P7120254.JPG
trixo07
May 23rd, 2007, 07:48 PM
ang kumpare ko may manok may kuko sa dibdib,sabi nya senyales daw,pustahan daw ng todo,nun nilaban namin binigay ang dibdib, PATAY!gulpi kumpare kay kumare!:D
Eaglecross
May 27th, 2010, 02:46 PM
Okay tong kay trix ah! pwede na magtawanan sa experience niya sa kaibigan niya oking, ok ah!
birdspicy
May 27th, 2010, 05:30 PM
sa akin ung silanganin, pag-tiningnan mo ang mata ng manok tagos sa kabila ung makikita mo!
CyroneCyche
May 27th, 2010, 10:06 PM
Dati naniniwala ako sa mga senyales na yan...
Pero nung malaunan na,parang hindi nako makadiskarte..:o
kase parang sa sinyales nlng ako dumidipende......
naglaban kami nun may senyales kagaya ng"kaliskis buwaya,onse ang bagwis,itim ang tahid,koronahan ang palong atbp...
may lumulosot,pero may mga natatalo.......:o
tama rin nmn sila,pandagdag din un ng kompyansa sa laban....
kaya Ngaun,hanngat maaari ayaw ko na tumingin sa mga senyales na yan...
para skin,lahat ng mga manok,nakalaan sila para pumatay at mamatay sa laban..mananalo sila kung tlgang nakalaan sila para manalo..
Kaya ako,alagaan ko nlng sila ng mabuti sa abot ng kaya kong ibigay na alaga sa kanila....:)
sa gnun,kung anuman ang kalabasan ng laban nila..panalo man or talo..wala nakong magagawa,or sisisihin,kse ginawa ko na ang lahat.....
jvan520
May 28th, 2010, 02:30 AM
Etong paa/daliri ng manok mo, may senyal ba to? Pakitignan pls...
Thanx!
pre, pagmakalusot to sa una ay magbibilang to ng panalo......
kaya sa yo na yun kung pupusta ka ng malaki sa unang laban mo....hehehe
yun sa avatar ko pre half visaya at half egyptian, may dalire sa tuhod...pinapainom ko ng tubig at ang tira ay yun ang pinahihilamos ko sa ilalaban ko......wala pa naman talo...
jvan520
May 28th, 2010, 02:36 AM
mahirap matalo ang may taglay nito..eto
ung itim ang dila na may hati sa dulo
na tila parang dila ng ahas...
kahit biyanan mo pwede mong ipusta .........
:lol:
mayron nito yun tiyuhin ni misis....naka 13 panalo at nagkainuman kami kasi may bihag....nalasing yun anak at sinabi na itim ang dila ng manok..sa 14 na laban ay talo....sana pala ay di sinasabi yun...hehehe
jvan520
May 28th, 2010, 02:43 AM
pag pinalakad o nilimber mo ay medyo PA-ILING-ILING AT PAPITIK-PITIK ANG ULO AT PANAY ANG TILAOK..lalu na kung maganda ang ipot....tiyak na nasa peak at maganda ang pionting nito...85% mananalo.
YAN ANG TOTOONG SENYALES....DIBA?
pre, 100% naniniwala ako dito....sa akin kasi ay nangyayari to at pag nag trabesiya ako at nakakakita ako nito ay pinupustahan ko talaga at walang hulog....
nag iiwan lang ako ng pamasahe at baka madisgrasya..hehehe
Rommel Miguel
May 28th, 2010, 03:05 AM
Mga pards, //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/confused.gif ang kinatatakutan kong manok na kalabanin ay yung panabong na may itim na tahid. Nagkaroon kasi kami noon sa probinsiya (camiling) ng pulang linaw na may itim na itim na tahid. Bull-stag palang ito ay naka-tatlong panalo agad sa hackfight. Laging walang sugat. Parang binabaril ang kalaban. Sayang nga lang at napagtripang nakawin. //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/mad.gif
meron ako ganito klaseng manok na meron itim ang tahid.. 15 months siya ng inilaban namin last April 01, 2010.. cock ang nakalaban niya, nanalo at daplis lang ang tama niya.. ilalaban ulit this coming sunday, sana manalo uli..
jitter123
May 28th, 2010, 12:21 PM
meron ako ganito klaseng manok na meron itim ang tahid.. 15 months siya ng inilaban namin last April 01, 2010.. cock ang nakalaban niya, nanalo at daplis lang ang tama niya.. ilalaban ulit this coming sunday, sana manalo uli..
coomon po yung itim na tahid pag heavy blended ng hatch yung mga yellow legged line..magaling talga manok u d yan senyalis
lexlavin32
May 28th, 2010, 12:29 PM
Noong 70s to 80s, marami akong nakitang mga senyaladong manok sa probinsya with my old folks. Karamihan mga mestiso at native, meroon ding highbred battle cross. Ang the best na nakita ko ay ang TRABUNGCUHAN.
Eaglecross
May 28th, 2010, 01:40 PM
before since my father born in 1901 magaling siyang mangilatis ng manok dahil may manok siyang 11x winners ang sinyales sa manok na yon pag lipad niya dala tagala ang paa at sabay ipokpok ng kalaban kaya yon ang senyalis niya hindi iiwan ang paa. pwede naba ang senyalis na ito? he...he....he....he....he..
Yon ang selyalis niya
Paul Bulls
Eaglecross
May 28th, 2010, 01:46 PM
mayron nito yun tiyuhin ni misis....naka 13 panalo at nagkainuman kami kasi may bihag....nalasing yun anak at sinabi na itim ang dila ng manok..sa 14 na laban ay talo....sana pala ay di sinasabi yun...hehehe
Pre,
ang itim na dila pag sa tao mangkokolam yon! may kilala akong taga Sequihor Island pag nasabihan ka ng maganda dilikado ka dahil yon ang kolam niya baliktad pare itim ang dila sa taong iyon, ha.....ha....ha....
aurora gold
May 28th, 2010, 02:01 PM
sariwang tignan,gising na gising at masigla sa oras ng laban
yan ang senyal para sa akin na handa silang makipagpatayan :D
Super_Bayong
May 29th, 2010, 07:19 PM
magandang senyales ang 7 bakod na kaliskis
wag mo lang ilaban sa 8 bakod :D
BANDERADO
May 29th, 2010, 08:08 PM
,,,Bastonero..... yung 3+ na putok naka hilera sa kanang paa.... pag laban kaliwa ang tare at matatakpan pag kinanan mo yung Baston..... mataas ang bilang maganda ren mga 32 pataas...
//
ylhatch
May 29th, 2010, 10:30 PM
paningit sa kamao, mas maganda kung sa gitna.
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/suk2x.jpg
pitong bakod or bakod pito
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/sample_of_pitong_bakod_1.jpg
solong paningit sa tapat ng tahid
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/KV_Spangle-left.jpg
solo sintas
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/14bien_trai_2.jpg
sarimanok
May 30th, 2010, 08:42 AM
iisip-isip,
Ano sa palagay nyo ang pinakamagaling na senyales na nagbigay ng pinakamaraming panalo
ng inyong manok?
SPANgLe
magaling pumalo at meron break ayan ang maganda senyales ''-
DLANOD
May 30th, 2010, 08:52 AM
pagnapatama ng manok mo ang tari nya sa right target, tapos bunot pitaka na ang kalaban mo, yan ang pinaka magandang senyales! hehe
BILLABONG
May 30th, 2010, 08:54 AM
solo sintas
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/14bien_trai_2.jpgmost good orientals carry this scale and they are good cutters you just need a good speedy partner
greatwall95
May 30th, 2010, 04:29 PM
kaibigang mikee, kung ako naman ang tatanungin mo ang gusto ko yong may kuko sa leeg napakahirap makita ang ganitong senyal at talagang bibilang.naka 18 panalo sa akin walang tatalo,
siguro dito.
Kuya, meron ako nito kuko sa leeg, pero nd ko pa nilalaban nasa batangas pa sana nga multiple winners sya, and pinaka da best na sinyales sa manok na nakita ko yong putok sa unahan ng daliri, ng manok bali sa walo daliri nya may hiwa sa unahan ng kaliskis meron ako nito na ngayon ay 6 times hack and 3 sa derby isa syang gold and kulay, lahat ng anak nya ganun din senyales, kaya naman sa lahat ng manok ko siya and pinaka mahal ko....
greatwall95
May 30th, 2010, 04:42 PM
Etong paa/daliri ng manok mo, may senyal ba to? Pakitignan pls...
Thanx!
Gio pogi, meron ang tawag don ay timbang ang sudya sa datu.... sa batangas ganyan ang tawag ewan ko lng sa iba
jvan520
May 30th, 2010, 05:10 PM
Kuya, meron ako nito kuko sa leeg, pero nd ko pa nilalaban nasa batangas pa sana nga multiple winners sya, and pinaka da best na sinyales sa manok na nakita ko yong putok sa unahan ng daliri, ng manok bali sa walo daliri nya may hiwa sa unahan ng kaliskis meron ako nito na ngayon ay 6 times hack and 3 sa derby isa syang gold and kulay, lahat ng anak nya ganun din senyales, kaya naman sa lahat ng manok ko siya and pinaka mahal ko....
bossing, naniniwala ako dito sa putok sa unang dalire....
walang hulog to sa unang laban....marami na akong nalaban na ganito kahit hugot lang sa tali at walang kondisyon ay nanalo talaga.....kahit sa bayong basta nakikita ko to ay binibili ko talaga at ito ang hanap ko kahit sa mga farm....
BANDERADO
May 30th, 2010, 10:01 PM
yun may tumubong sungay sa taas pagitan ng 2 ilong or sa harap ng kanang binte ok ren...
//
blackrose
May 31st, 2010, 12:57 AM
mayron nito yun tiyuhin ni misis....naka 13 panalo at nagkainuman kami kasi may bihag....nalasing yun anak at sinabi na itim ang dila ng manok..sa 14 na laban ay talo....sana pala ay di sinasabi yun...hehehe grabe no, 13 wins....laki pera pinanik non:cool:
blackrose
May 31st, 2010, 01:09 AM
mayron nito yun tiyuhin ni misis....naka 13 panalo at nagkainuman kami kasi may bihag....nalasing yun anak at sinabi na itim ang dila ng manok..sa 14 na laban ay talo....sana pala ay di sinasabi yun...hehehe grabe pre laki pera pala pinanik nyan:cool:
big ticket
May 31st, 2010, 01:23 AM
meron ba dito nakaka alam ng sinyales na dobleng bangkilas?? or bangkilas.?
may nag turo sa akin na matanda kaso napakahirap makakita. at yung manok nya na iyon e grabe ang galing kahit na hugot sa talian at texas combat lang ang gamot.
baka my nakaka alam at ng pic pa.
thanks
blackrose
May 31st, 2010, 03:42 AM
paningit sa kamao, mas maganda kung sa gitna.
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/suk2x.jpg
pitong bakod or bakod pito
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/sample_of_pitong_bakod_1.jpg
solong paningit sa tapat ng tahid
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/KV_Spangle-left.jpg
solo sintas
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/14bien_trai_2.jpg ok tong mga pixz ng senyales mo pre.....
wrigleycanada
May 31st, 2010, 04:46 AM
maki-subscribe lang ako rito.
ka emong
May 31st, 2010, 04:56 AM
maki-subscribe lang ako rito.ano kamo...makiki chismis?:D
wrigleycanada
May 31st, 2010, 05:12 AM
ano kamo...makiki chismis?:D
Baka ma-banned ka! Bawal na ang mangasar ngayon! Nyahahahahaha
ka emong
May 31st, 2010, 07:10 AM
Baka ma-banned ka! Bawal na ang mangasar ngayon! Nyahahahahaha So Be It...:D
rodrigoski2002
May 31st, 2010, 07:33 AM
pagnapatama ng manok mo ang tari nya sa right target, tapos bunot pitaka na ang kalaban mo, yan ang pinaka magandang senyales! hehe
the best na senyales sa akin.ung naka dalawang tuka.tyak panalo! hehehe
cnuestro
May 31st, 2010, 07:56 AM
the best na senyales sa akin.ung naka dalawang tuka.tyak panalo! hehehe
:D :D sakin senyal na sure na panalo, kapag nabilangan ng 3 ng sentensyador. sabi nung nasa old thread iresearch nyo na lang...e yun daw tore ni babel ang pinakangmabigat na senyales ng manok!!!
greatwall95
May 31st, 2010, 07:58 AM
the best na senyales sa akin.ung naka dalawang tuka.tyak panalo! hehehe
rodrigoski2002, tama ka dyan kuya sa sinabi mo, pero yong sa aking pananaw, nakaka boost ng confidence yong manok na may magandang senyales, sa hackfight man o s derby pag nakalaban mo pareho kulay ng manok mo, mas lamang ka sa panalo, dinadaos ng manok yong senyales nya kahit sa huling tuka binibigay nya winning kulit ika ka nga..maraming beses k ng nasubukan ito kaya wala naman mawawala sa akin kung maniwala ako, senyales ng manok at magandang kondisyon ng mga tinale tyak lamang ka sa panalo.....
C.A.T.
May 31st, 2010, 11:58 AM
Gudam mga cockmates para sa akin ang subok ko ng senyal ay yuong meron putok/biyak ang unang kaliskis sa kahit saan daliri ng paa. Mas maganda pa rin na mabigyan natin ng magandang conditioning ang mga warriors natin para mas malaki ang fighting/winning chance nila. More power.:)
C.A.T.
t1t@n1um
May 31st, 2010, 05:11 PM
paningit sa kamao, mas maganda kung sa gitna.
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/suk2x.jpg
sa baryo po naman namin ay mas hilig nila ang sa labas, lalo na si itay na gusto ang pantay sa kanang tahid
ylhatch
May 31st, 2010, 11:52 PM
ok tong mga pixz ng senyales mo pre.....
lagi ko hanap itong mga senyal na ito. medyo swerte naman. mas maganda kung may palo pa yun manok. magaling na may senyal pa. wala nmn mawawala kung susunod tayo .
isa pa , bihira ang manok n may ganitong kaliskis. di pa nga nananalo yun manok, yun pagkakaroon pa lang ng manok na may ganyang scales ay swerte na.
sanfordsweater
June 1st, 2010, 01:27 AM
paningit sa kamao, mas maganda kung sa gitna.
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/suk2x.jpg
pitong bakod or bakod pito
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/sample_of_pitong_bakod_1.jpg
solong paningit sa tapat ng tahid
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/KV_Spangle-left.jpg
solo sintas
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/14bien_trai_2.jpg
sir ayos itong mga senyales nyo dito pala ako matututong mag aral ng mga senyales ng manok
blackrose
June 1st, 2010, 04:56 AM
mga tol, tanda ko ung pinsan ko from bacolod inuwian ako ng sota. ok din ba ung senyal na yon kaso namatay nga lang.:D
Desert Hawk
June 1st, 2010, 05:40 PM
Buyugin (brown red) peacomb, white legs,(not dirty feet) yellow peck... Sabi ng matatanda sa bicol, yan ang pinakahari ng mga manok..
cnuestro
June 1st, 2010, 06:52 PM
Buyugin (brown red) peacomb, white legs,(not dirty feet) yellow peck... Sabi ng matatanda sa bicol, yan ang pinakahari ng mga manok..
dre,
pag whitefeet or legs, di na buyugin yun, dalusapi na yun.:D pero totoo yan, mahirap lang talaga magkaroon.
mga kasabong,
maganda rin yung buong kaliskis, mas marami mas maganda. pero, sino naman ang may alam ng masamang kaliskis ng manok o masamang senyal? paano kung ang alam nyo lang ay magandang senyal, tapos nagtataglay din sya ng masamang senyales?:D
bambam
June 1st, 2010, 07:27 PM
makiki basa lang mga kasabong....
Desert Hawk
June 1st, 2010, 08:02 PM
dre,
pag whitefeet or legs, di na buyugin yun, dalusapi na yun.:D pero totoo yan, mahirap lang talaga magkaroon.
mga kasabong,
maganda rin yung buong kaliskis, mas marami mas maganda. pero, sino naman ang may alam ng masamang kaliskis ng manok o masamang senyal? paano kung ang alam nyo lang ay magandang senyal, tapos nagtataglay din sya ng masamang senyales?:D
ganun ba? di ko alam e, basta sa bicol buyugin pa rin yun e. ang dalusapi dun pula ang tawag. hehehe
Bro subukan mo kaya yung walang kaliskiis baka magandang senyales yun. PM mo ako pagnanalo ha.. hehehe
rambeto
June 1st, 2010, 08:09 PM
subscribe lang baka may iba pang senyal na maibahagi.
oironet0623
June 1st, 2010, 08:31 PM
subscribe lang mga kasabong.
sa aking kinalakihang pagsasabong, ang magandang meron na magkapartner na senyales daw ay itim na itim ang tahid kasama ang nakalaban na baliktad na pakpak, siguradong walang katalo-talo sabi ng kapatid ng aking lolo.
senyales din pag ibibitaw na daw ang manok at inaalis na ang bayna ng tari habang nakataas na ang manok at tumilaok, siguradong panalo na.
goodluck!
beakheel
June 1st, 2010, 09:55 PM
dre,
pag whitefeet or legs, di na buyugin yun, dalusapi na yun.:D pero totoo yan, mahirap lang talaga magkaroon.
mga kasabong,
maganda rin yung buong kaliskis, mas marami mas maganda. pero, sino naman ang may alam ng masamang kaliskis ng manok o masamang senyal? paano kung ang alam nyo lang ay magandang senyal, tapos nagtataglay din sya ng masamang senyales?:D
senyal na singko y medya....pinaka panalo ay tabla...lahat talo
tagakin
June 1st, 2010, 11:46 PM

dark hackled ang alimbuyugin, red or wine red ang sa dalusapi!
tagakin
June 1st, 2010, 11:53 PM
senyal na singko y medya....pinaka panalo ay tabla...lahat talo
malas nga daw ang ganitong senyal or palusutin, pag nanalo sa first fight sigurado magbibilang ng panalo!
Eaglecross
June 2nd, 2010, 01:08 AM
,,,Bastonero..... yung 3+ na putok naka hilera sa kanang paa.... pag laban kaliwa ang tare at matatakpan pag kinanan mo yung Baston..... mataas ang bilang maganda ren mga 32 pataas...
Pareng Banderado,
Maganda nga ang kaliskis na yang bastonero pero huwag mo lang ilaban pag lampas ng 3pm dahil siguradong kakatayin yan kahit 7 months old ang makalaban.
Thanks
//
sanfordsweater
June 2nd, 2010, 03:54 AM
senyal na singko y medya....pinaka panalo ay tabla...lahat talo
sir ang tres y medya palusutin din ba?
wrigleycanada
June 2nd, 2010, 04:42 AM
dre,
pag whitefeet or legs, di na buyugin yun, dalusapi na yun.:D pero totoo yan, mahirap lang talaga magkaroon.
mga kasabong,
maganda rin yung buong kaliskis, mas marami mas maganda. pero, sino naman ang may alam ng masamang kaliskis ng manok o masamang senyal? paano kung ang alam nyo lang ay magandang senyal, tapos nagtataglay din sya ng masamang senyales?:D
OO nga naman. Law of elimination. Meron bang sinyales na siguradong talo ang manok pag inilaban? Bibilhin ko yon basta ba siguradong talo eh! At sa kabila makapusta. Sino ba ang merong sinko y medya at ako na ang bibili?
cnuestro
June 2nd, 2010, 05:19 AM
mga kasabong,
meron kasing maghihinuso na sinasabing "dre, meron etong paningit sa inis..meron etong sudyang tapon, may putok sa kalilintekan at iba pa " ay baka merong may alam dito e pakipost na rin at ng kumpleto na tayo.:D :D :D
warley
June 2nd, 2010, 05:32 AM
OO nga naman. Law of elimination. Meron bang sinyales na siguradong talo ang manok pag inilaban? Bibilhin ko yon basta ba siguradong talo eh! At sa kabila makapusta. Sino ba ang merong sinko y medya at ako na ang bibili?
sister meron ako mas mababa pa sa singko y media...
kwatro y medya lang ito (4.5)...:D
d_stabilizer69
June 2nd, 2010, 09:32 PM
mga kasabong ito ang may pambihirang senyales na nakita namin sa manok namin, pag gabi humihilik pag tulog, nag aamag kung gabi parang may nagliliwanag, bagumbilyahin ang taenga, kamyas lang ang kinakain, at ito ang pinaka matindi kasabong ng mag tabla sa cebu binuksan namin ang katawan 2 ang puso. super ang native na manok na yon 27 beses nanalo ang pang 28 tabla ng dalhin namin sa cebu.halos lahat ng tinalo non mga hibreed.ayaw ng labanan yong manuk na yon dahil 2.8 ang timbang.maniwala kayo mga kasabong sa pabo o peacock namin yon binibitaw dahil sa subrang lakas.pag hinahampas ng pakpak ng pabo yon parang tinatamaan ng tornado. ginawa namin na broodcock ang mga lahi walang nanalo kahit isa.pag dinadala namin yon sa sabungan pati mga babae sumasama makapusta lang sa manok na yon.super talaga senyales non.mula non dna kami nakakita ng ganun.
wrigleycanada
June 3rd, 2010, 12:35 AM
sister meron ako mas mababa pa sa singko y media...
kwatro y medya lang ito (4.5)...:D
Matindi yang senyales na kwatro y medya. Lamang sa panalo yan. Gusto ko yung sinko y medya para siguradong talo.
lexlavin32
June 3rd, 2010, 01:16 AM
mga kasabong ito ang may pambihirang senyales na nakita namin sa manok namin, pag gabi humihilik pag tulog, nag aamag kung gabi parang may nagliliwanag, bagumbilyahin ang taenga, kamyas lang ang kinakain, at ito ang pinaka matindi kasabong ng mag tabla sa cebu binuksan namin ang katawan 2 ang puso. super ang native na manok na yon 27 beses nanalo ang pang 28 tabla ng dalhin namin sa cebu.halos lahat ng tinalo non mga hibreed.ayaw ng labanan yong manuk na yon dahil 2.8 ang timbang.maniwala kayo mga kasabong sa pabo o peacock namin yon binibitaw dahil sa subrang lakas.pag hinahampas ng pakpak ng pabo yon parang tinatamaan ng tornado. ginawa namin na broodcock ang mga lahi walang nanalo kahit isa.pag dinadala namin yon sa sabungan pati mga babae sumasama makapusta lang sa manok na yon.super talaga senyales non.mula non dna kami nakakita ng ganun.
Atud, kumusta na? Yung manok ni Seryal na yun ay legendary din... namamatay sa gabi kung nagpapalaban sa loob ng linggong yun... siguradong panalo... sa gabi ng pagkamatay nya may liwanag na parang alitaptap sa loob ng pulok pa ikot ikot sa leeg... ang tawag dun ay TRABUNGCUHAN. Kagaya ng senyal ng 2.4 kgs na White Legged Grey (Black Spur) ni erpats na 21x winner din. Ang Grey na yun ay hindi na talo sa sabong, namatay na lang dahil sa katandaan. 9 years old sya sa last nyang panalo at namatay sa ika 10 years nya. Nabalda sa kaliwang paa sa ika 17 win nya at naka 4 pa na panalo using the right leg sa tari. Yun daw ay may dugong Little General galing kay Durano of Cebu sabi ni Capt. Collamar na syang nag bigay ng Grey na yun kay erpats through Mano Diosing. Some of the few legendary cocks i`ve witnessed won many times in many pits. Yung MUSLIM cock din ni erpats mo, kung natatandaan mo pa noong 70s ay bumilang din ng panalo. sayang yung manok ni Seryal at itinawid ng malayo at nag draw pa. Last time I saw him won ay fiesta sa Catarman 1990 laban sa highbreed na manok ni Boy Angley. It won at 3.2 kgs that time.
Budol_Budol
June 3rd, 2010, 02:12 AM
ito ata ang isa sa magandang senyales :) http://i4.photobucket.com/albums/y129/FarEast_feathers/horn2.jpg
Super_Bayong
June 3rd, 2010, 02:35 AM
ito ata ang isa sa magandang senyales :) http://i4.photobucket.com/albums/y129/FarEast_feathers/horn2.jpg
hehe parang Rhinoceros
siguro may kasamang suwag kung lumaban
blackrose
June 3rd, 2010, 02:49 AM
ito ata ang isa sa magandang senyales :) http://i4.photobucket.com/albums/y129/FarEast_feathers/horn2.jpg totoo ba to bossing.... parang rhino hahaha:D
profits
June 3rd, 2010, 03:44 AM
:)Hiraw na white leg.......:)
alamidfowl
June 3rd, 2010, 04:07 AM
ang kumpare ko may manok may kuko sa dibdib,sabi nya senyales daw,pustahan daw ng todo,nun nilaban namin binigay ang dibdib, PATAY!gulpi kumpare kay kumare!:D
Hehehe....Gulpi talaga si Kumpare malamang outside Kulambo pa!!!
FORTBONIFACIO
June 3rd, 2010, 04:15 AM
OO nga naman. Law of elimination. Meron bang sinyales na siguradong talo ang manok pag inilaban? Bibilhin ko yon basta ba siguradong talo eh! At sa kabila makapusta. Sino ba ang merong sinko y medya at ako na ang bibili?
tito wrigs....kunin mo yong may senyales na KIKI_AN laging talunan ito....lalo nat pag ang nakalaban nito yong may senyales na TI*TI-AN....laging nauunahan syang matusukan :D
mckurt
June 3rd, 2010, 04:22 AM
ung purong puti at blue legs, madalas kong mkita manalo lalot kung basal;)
blackrose
June 3rd, 2010, 04:25 AM
tito wrigs....kunin mo yong may senyales na KIKI_AN laging talunan ito....lalo nat pag ang nakalaban nito yong may senyales na TI*TI-AN....laging nauunahan syang matusukan :D ibang tusukan yan pre hehehehe:D
rodrigoski2002
June 3rd, 2010, 04:55 AM
tito wrigs....kunin mo yong may senyales na KIKI_AN laging talunan ito....lalo nat pag ang nakalaban nito yong may senyales na TI*TI-AN....laging nauunahan syang matusukan :D
Nakapanuod na ako ng naglaban na ganyan.nde manalo un KIKI an sabog agad un atay sa unang salpukan.maliban na lang sa drag fyt.lupog un **** an labas pa butse.
Engkanto
June 3rd, 2010, 10:42 AM
pitong bakod or bakod pito
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/sample_of_pitong_bakod_1.jpg
Sir, hindi ako maalam sa mga senyal pero nang makita ko itong mga pictures n'yo ay sinibukan kong tingnan ang paa ng ilan sa mga nokis ko. At napansin ko na ang isa sa mga ylh stag ko ay may pitong bakod sa kanang paa. Hindi ko dati pinapansin ang mga ito pero naintriga ako dahil talagang kakaiba nga ang kaliskis na ito.
Ano ho ba ang ibig sabihin ng bakod pito ayon sa paniniwala ng mga marunong magbasa ng mga senyal?
Salamat mga bossing.
Edwin
beakheel
June 3rd, 2010, 10:53 AM
Matindi yang senyales na kwatro y medya. Lamang sa panalo yan. Gusto ko yung sinko y medya para siguradong talo.
makikita mo ang ganyang may senyal na manok na kalimitang di tumutuka sa patay. ewan ko lang yung mga senyal na pang keyboard...kung lamang ang panalo sa online betting :D
popoi
June 3rd, 2010, 11:11 AM
tito wrigs....kunin mo yong may senyales na KIKI_AN laging talunan ito....lalo nat pag ang nakalaban nito yong may senyales na TI*TI-AN....laging nauunahan syang matusukan
karamihan sa nakita ko at mismong sa experience ko eh laging talo sa huli ang sumasaksak dito. eh pano naman ang manok ni kumare na may lahing indian habang sinasaksak lalong tumatapang.:D
ARMOREDCOCK
June 3rd, 2010, 11:32 AM
karamihan sa nakita ko at mismong sa experience ko eh laging talo sa huli ang sumasaksak dito. eh pano naman ang manok ni kumare na may lahing indian habang sinasaksak lalong tumatapang.:D
ayan ata yong sinasabing bombayin, tumatapang talaga yan pag nauunahan lalo na yong may senyales na kuntil na lawit :D
tagakin
June 3rd, 2010, 06:58 PM
Sir, hindi ako maalam sa mga senyal pero nang makita ko itong mga pictures n'yo ay sinibukan kong tingnan ang paa ng ilan sa mga nokis ko. At napansin ko na ang isa sa mga ylh stag ko ay may pitong bakod sa kanang paa. Hindi ko dati pinapansin ang mga ito pero naintriga ako dahil talagang kakaiba nga ang kaliskis na ito.
Ano ho ba ang ibig sabihin ng bakod pito ayon sa paniniwala ng mga marunong magbasa ng mga senyal?
Salamat mga bossing.
Edwin
ayon sa mga tahur, mahirap tamaan ng tari ang manok na ito kasi may bakod!
pero make an observation, check your winners, for sure may magandang kaliskis yun mga nanalo mo na.
now the question is, nag kataon lang ba ?
wrigleycanada
June 3rd, 2010, 08:21 PM
Sir, hindi ako maalam sa mga senyal pero nang makita ko itong mga pictures n'yo ay sinibukan kong tingnan ang paa ng ilan sa mga nokis ko. At napansin ko na ang isa sa mga ylh stag ko ay may pitong bakod sa kanang paa. Hindi ko dati pinapansin ang mga ito pero naintriga ako dahil talagang kakaiba nga ang kaliskis na ito.
Ano ho ba ang ibig sabihin ng bakod pito ayon sa paniniwala ng mga marunong magbasa ng mga senyal?
Salamat mga bossing.
Edwin
Ibig sabihin ng senyal na pitong bakod ay tomodo ka na ng pusta at walang katalotalo yan. Pusta mo na pati byenan. Balitaan mo na lang kami kapag nailaban mo na ha!
warley
June 3rd, 2010, 09:50 PM
ito sisiw pa lang nakikita na ang senyales na magiging multi winner ito..
http://i778.photobucket.com/albums/yy66/warley045/005.jpg
josebulabon
June 3rd, 2010, 10:06 PM
ito sisiw pa lang nakikita na ang senyales na magiging multi winner ito..
http://i778.photobucket.com/albums/yy66/warley045/005.jpg hahahahaha sakit tiyan ko katatawa bossing ah,sa aking nmn mga bossing ay hindi ako naniniwala sa senyales o kaliskis nagkataon lng na magaling ang manok o sa kanyang pagkapanalo dahil kung talagang sampalataya o sumasamba ka sa paniniwalang ganun subukan mong mag WSD at ipusta mo ang buong kayamanan mo,sa sabong hindi tsamba o hula2 nasa bloodline yan o tamang crosses o timpla na naayon sa iyong panlasa na ilalabas ng gusto mong panlaban...
beakheel
June 4th, 2010, 10:54 AM
6 na buong kaliskis- 000 000- senyal na tagaktak pawis
Engkanto
June 4th, 2010, 11:59 AM
Salamat sa mga posts sir tagakin at sir wrigleycanada. Bagama't hindi ako masyadong kumbinsido tungkol dito sa mga senyales, iyong dati kong kasama ang mahilig maghanap ng mga senyales sa mga manok namin pero hindi ko masyadong pinapansin dahil una, walang magandang paliwanag kung bakit lamang ang may ganitong senyal at pangalawa, napakaraming klase kasi at mahirap tandaan, lol...
Pero siyempre minsan lalo na't parehong magaling at maganda ang kondisyon ng magkalabang manok, mas confident tayo kapag may senyal ang ating manok, di po ba?
Paki-silip naman kung pitong bakod nga ang kaliskis nitong YLH stag ko.
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/DSCN2444.jpg
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/YlhStag_7c_01.jpg
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/DSCN2434.jpg
Salamat mga Kabayan
yfis,
Edwin
cat_jho
June 4th, 2010, 12:26 PM
taas ko muna
at
happy
weekend
sa
lahat
beakheel
June 4th, 2010, 06:21 PM
mas kakaiba yung senyales na balat ng palad na humilamos sa mukha....kalimitan takbo at iyak ang kalaban. at saka yung matang dalag kung magpadating ng patama na parang sinampal.
Eaglecross
June 4th, 2010, 08:47 PM
Win,
Itong second pic ang prop toes nails nitong parehong puti ba ito kanan at kaliwat? dahil kong puti ito ay cross san ito dahil may manok ang Tatay kong isang ganito cross san ang tawag niya hindi natalo 5x huling laban nanalo parin tapos namatay narin dahil major ang sugat niya noong fith fights niya. Claret Madigan iyong dahil white feet iyon.
Tingnan mo basta end to end parehong color let say black nails tapos end to end pareho ang color white nails and vice versa, straight yan ha! Center feet nail and prop toe nails pareho ang color let say white nails tapos side feet black nails tapos ganon din ang set-up ng isang feet yan ay cross san sabi ng Tatay ko, matindi iyan. Hindi ko lang makita ang nails ng left feet left side ng manok mo dahil na cut sa pic. At ang prop toe ng right feet ng manok mo hindi ko rin makita kong white nail ba yon dahil nakatago sa pic. Tapos sabayan ito ng beak na itim, magandang pumalo at magandang pagka pointing wala na akong masabi for sure na. Bihira mo ang makitang ganyan na description na sinasabi ko isang basis lang akong nakakita ng ganyan sa manok lang ng Tatay ko noon wala ng iba basta ganyan na ganyan ang description ng sinyales niya walang makakontra nyan.
Salamat,
Eaglecross
Salamat sa mga posts sir tagakin at sir wrigleycanada. Bagama't hindi ako masyadong kumbinsido tungkol dito sa mga senyales, iyong dati kong kasama ang mahilig maghanap ng mga senyales sa mga manok namin pero hindi ko masyadong pinapansin dahil una, walang magandang paliwanag kung bakit lamang ang may ganitong senyal at pangalawa, napakaraming klase kasi at mahirap tandaan, lol...
Pero siyempre minsan lalo na't parehong magaling at maganda ang kondisyon ng magkalabang manok, mas confident tayo kapag may senyal ang ating manok, di po ba?
Paki-silip naman kung pitong bakod nga ang kaliskis nitong YLH stag ko.
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/DSCN2444.jpg
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/YlhStag_7c_01.jpg
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/DSCN2434.jpg
Salamat mga Kabayan
yfis,
Edwin
Bricks
June 4th, 2010, 08:54 PM
ito sisiw pa lang nakikita na ang senyales na magiging multi winner ito..
http://i778.photobucket.com/albums/yy66/warley045/005.jpg
Cockmate Warley, okay itong sisiw na ito. Maski siguro multi-time winner eh tatagaktak ang pawis. Me lahing Ninja yata eh.....
Engkanto
June 4th, 2010, 10:16 PM
Win,
Itong second pic ang prop toes nails nitong parehong puti ba ito kanan at kaliwat? dahil kong puti ito ay cross san ito dahil may manok ang Tatay kong isang ganito cross san ang tawag niya hindi natalo 5x huling laban nanalo parin tapos namatay narin dahil major ang sugat niya noong fith fights niya. Claret Madigan iyong dahil white feet iyon.
Tingnan mo basta end to end parehong color let say black nails tapos end to end pareho ang color white nails and vice versa, straight yan ha! Center feet nail and prop toe nails pareho ang color let say white nails tapos side feet black nails tapos ganon din ang set-up ng isang feet yan ay cross san sabi ng Tatay ko, matindi iyan. Hindi ko lang makita ang nails ng left feet left side ng manok mo dahil na cut sa pic. At ang prop toe ng right feet ng manok mo hindi ko rin makita kong white nail ba yon dahil nakatago sa pic. Tapos sabayan ito ng beak na itim, magandang pumalo at magandang pagka pointing wala na akong masabi for sure na. Bihira mo ang makitang ganyan na description na sinasabi ko isang basis lang akong nakakita ng ganyan sa manok lang ng Tatay ko noon wala ng iba basta ganyan na ganyan ang description ng sinyales niya walang makakontra nyan.
Salamat,
Eaglecross
Salamat sir sa additional input. Bata pa ang stag na ito, mga 11 months pa lang pero kakikitaan na ng magandang galaw. Balak sana naming ilaban itong taon na ito kaya lang nakakawala siya sa tie cord last month at nagkasirasira ang ilang pakpak at buntot. Dalawang magulang na tandang na nasa tie cord ang pinatay nito (kasama ang paboritong Blueface ni Kumander kaya yare ako, hehehe...).
Hamo't sisilipin ko kung krusan nga mamaya pag-uwi ko.
Salamat uli Kabayan.
Engkanto
saludsod
June 4th, 2010, 11:21 PM
Salamat sa mga posts sir tagakin at sir wrigleycanada. Bagama't hindi ako masyadong kumbinsido tungkol dito sa mga senyales, iyong dati kong kasama ang mahilig maghanap ng mga senyales sa mga manok namin pero hindi ko masyadong pinapansin dahil una, walang magandang paliwanag kung bakit lamang ang may ganitong senyal at pangalawa, napakaraming klase kasi at mahirap tandaan, lol...
Pero siyempre minsan lalo na't parehong magaling at maganda ang kondisyon ng magkalabang manok, mas confident tayo kapag may senyal ang ating manok, di po ba?
Paki-silip naman kung pitong bakod nga ang kaliskis nitong YLH stag ko.
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/DSCN2444.jpg
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/YlhStag_7c_01.jpg
http://i199.photobucket.com/albums/aa25/Engkanto22/My%20Fowls/DSCN2434.jpg
Salamat mga Kabayan
yfis,
Edwin
hindi po ito pitong bakod sir. 6 na kaliskis lang ang nakakabit sa pinakagitnang kaliskis.
Engkanto
June 4th, 2010, 11:39 PM
hindi po ito pitong bakod sir. 6 na kaliskis lang ang nakakabit sa pinakagitnang kaliskis.
Sir saludsod salamat ng marami sa input.
Ah okey, kailangan pala talagang nakadikit mismo sa gitnang kaliskis. Pansin ko nga anim lang kaya pinapasilip ko sa mga maalam dahil hindi ako sigurado. Mukhang mahirap nga yatang magka-pitong bakod.
Salamat kabayan.
Engkanto
Eaglecross
June 4th, 2010, 11:43 PM
Hindi pitong bakod ito dahil ang isa nasa itaas na, ang iba ang term ng pitong bakod ay "pinalibotan ang hari ng pitong magigiting, matipunong katawang madirigma or warriors na mahirap pasukin kukunin ang hari kaya siya ang maghahari ng laban".
hindi po ito pitong bakod sir. 6 na kaliskis lang ang nakakabit sa pinakagitnang kaliskis.
cat_jho
June 11th, 2010, 04:08 PM
taas ko muna itong
senyal
ManiX
June 11th, 2010, 04:41 PM
ito sisiw pa lang nakikita na ang senyales na magiging multi winner ito..
http://i778.photobucket.com/albums/yy66/warley045/005.jpg
wahahahaaahha ala rambooo
CyroneCyche
June 11th, 2010, 07:19 PM
Up ntin mga Cockmates!.....
wrigleycanada
June 11th, 2010, 08:41 PM
hindi po ito pitong bakod sir. 6 na kaliskis lang ang nakakabit sa pinakagitnang kaliskis.
Kondisyon mo at saka ilaban. Isipin mo na lang na pitong bakod yang kaliskis ng manok mo. Pampalakas lang ng loob ang senyal. Mapapatodo ka pa ng pusta sa senyalado at minsan nakakatapat ng mas magaling na kalaban ay talo ka pa rin.
oning_the_cat
June 13th, 2010, 10:21 AM
Magandang Senyal Ng Manok Malaki Sa Laban Yung Magugulang Sa Ulutan Lamang Sa Panalo
parekoy74
June 13th, 2010, 01:10 PM
mga bossing gud day po.nag karoon nb kau ng manok n dalusapi wl.ng lugunan nging pure white ng lugunan uli naging sinibalang tapos ng huli naging parang lasak alangan chocolate.4 yrs. old na ng ilaban ko last march sa superhackfight ayaw ni erpat sabi di daw nkundisyon. sabi ko di matatalo to ayun di nga ntalo di rin nanalo tabla.pero parang may agimat patay n nabubuhay pa.nung matapos ang laban sabi ko iuwi at ilibing pero bigla nbuhay kaya pinagamot ko .awa ng diyos buhay pa siya pinalahian nlang ni erpat.ano ba senyal ng ganito mga bossing..maraming salamat po
michael angelo
June 13th, 2010, 03:02 PM
ito sisiw pa lang nakikita na ang senyales na magiging multi winner ito..
http://i778.photobucket.com/albums/yy66/warley045/005.jpg
:D:D:D walang makatatalo dito hehehehehehehehe
edquilala
July 1st, 2010, 03:18 AM
Sabi ng matatandang sabungero kapag meron isang manok mo na tumilaok sa gabi at walang sumabay na ibang manok ilaban mo kinabukasan sigurado daw ang panalo..ang problema lang sa dami kong manok sa bakuran di ko alam kung sino sa kanila ang tumilaok ng nagdaan gabi ng walang kasabay...nahihiya naman akong magtanong sa kanila tiyak walang aamin..bakit kamo?..sino ba naman luko lukong manok ang aamin at sigurado ilalaban sya ng patayan!!!:eek:
edquilala
July 1st, 2010, 03:32 AM
Up ntin mga Cockmates!.....
Sir Cyrone,iyan na ba ang itsura ni Darna ngayon? tingnan mo nga naman ano..ilan taon lang akong nawala sa Pinas malaki na pala pinangayayat ni Darna..di kaya sa kakatira este kakalunok ng bato yan?? si Ding ang may kasalanan nyan eh..kakabigay ng bato kay Darna..:(
michael angelo
July 1st, 2010, 10:46 AM
iisip-isip,
Ano sa palagay nyo ang pinakamagaling na senyales na nagbigay ng pinakamaraming panalo
ng inyong manok?
SPANgLe
may native na manok ako dati may mahahabang buntot na maliliit sumasayad sa lupa limang beses nanalo puro mga texas yung tinumba sayang lang at namatay lang sa sakit.
alwin
July 17th, 2010, 09:41 PM
up lng natin para makita, more post and pictures mga bossing
Eaglecross
July 17th, 2010, 10:18 PM
Sigi ipalabas na ang mga may double-double na senyal sa isang manok para malaman natin.
Uppppppppppppp
-----------------------------------------------
http://www.eaglecross2006.multiply.com
earan
July 18th, 2010, 12:22 PM
pinaka magaling ay yung best Cutting rooster
ilang beses na ba tayong nakakita ng manok kahit "bayong fowls" na nakaka fastest win or yung tumawid lang na akala natin walang kontak pero pinatay ang kalaban. Pag nakaka kita ako ng ganito sa sabungan, pinipilit kong mahipo man lang at makaliskisan ang nanalong manok. wala naman akong common na nakita sa kaliskis or anumang senyales, but they all behave the same na yun namang aking tinandaan. Kaya pag nakaka hipo ako ng ganitong manok ay binibile ko at inilalaban. so far more than 80% ang winning ko.
lahat ng manok ko ngayon ay ganito na, pati yung nasa breeding pen ko...
mikeltapiapogi
July 18th, 2010, 11:43 PM
Ibig sabihin ng senyal na pitong bakod ay tomodo ka na ng pusta at walang katalotalo yan. Pusta mo na pati byenan. Balitaan mo na lang kami kapag nailaban mo na ha!
totoo ito, meron din kami nito dati, pitong bakod sa kaliwa tapat ng tahid. putok balat kung manalo lagi, pang dayo namin, namatay din sa peste. naka apat na panalo lang sya.
magandang senyal din yung patungo ang tahid, at tsaka pataas ang tubo ng tahid.
isa pa ay yung debarena kung tawagin, yung ang isang pakpak o isang buntot ay twisted.
Eaglecross
July 19th, 2010, 12:01 AM
Sigi iyong iba na naman yong hindi karaniwan para may idea tayo kong anong senyal nga ba ang mahusay!
Eaglecross
http://www.eaglecross2006.multiply.com
http://www.eaglecross.gamefarmdirectory.com
alamidfowl
July 19th, 2010, 02:37 AM
pinaka magaling ay yung best Cutting rooster
ilang beses na ba tayong nakakita ng manok kahit "bayong fowls" na nakaka fastest win or yung tumawid lang na akala natin walang kontak pero pinatay ang kalaban. Pag nakaka kita ako ng ganito sa sabungan, pinipilit kong mahipo man lang at makaliskisan ang nanalong manok. wala naman akong common na nakita sa kaliskis or anumang senyales, but they all behave the same na yun namang aking tinandaan. Kaya pag nakaka hipo ako ng ganitong manok ay binibile ko at inilalaban. so far more than 80% ang winning ko.
lahat ng manok ko ngayon ay ganito na, pati yung nasa breeding pen ko...
PANINGITAN YATA ANG TAWAG DYAN SIR", NASINGITAN ANG KALABAN KAYA DI NAKITA PANO NAGPATAMA CUTTING NIYAN MABILIS",
monfourth
July 20th, 2010, 08:09 PM
Kuya, meron ako nito kuko sa leeg, pero nd ko pa nilalaban nasa batangas pa sana nga multiple winners sya, and pinaka da best na sinyales sa manok na nakita ko yong putok sa unahan ng daliri, ng manok bali sa walo daliri nya may hiwa sa unahan ng kaliskis meron ako nito na ngayon ay 6 times hack and 3 sa derby isa syang gold and kulay, lahat ng anak nya ganun din senyales, kaya naman sa lahat ng manok ko siya and pinaka mahal ko....
sir ganito po ba ung putok sa unahang kaliskis?
http://i745.photobucket.com/albums/xx93/Monfourth/senyal.jpg
billyguns73
July 20th, 2010, 08:44 PM
yung kapit bahay sa probinsya tagalogin lang na manok 21 wins hndi natalo ung pang 21 win nya na balda ang pakpak. ang sinyal nya parang may bulsa sa liig. ginawa itong broad cock ipinaris sa mga high breed pero hndi nag papanalo mga lahi.
Eaglecross
July 20th, 2010, 11:16 PM
sir ganito po ba ung putok sa unahang kaliskis?
http://i745.photobucket.com/albums/xx93/Monfourth/senyal.jpg
Monfourth,
Sir! ito yong tinatawag ng "Bisayan or Cebuano" buwayahan.
Advantage:
Bastat putok yong unahang kaliskis. Pag bitaw nito ay una siyang ibaba sa makalaban. Pag unang buckle nila sakaling hindi siya madali, sa pangalawang palo liktik lang ang hindi tatamaan. Kadalasan nito walang sugat pag ilaban. May ganito yong tatay dalawang manok dati naka 7 panalo namatay lang sa sakit ang isa naman nabulang sa katandaan dahil naka 11 wins iyon, tandang tanda ko kasi ako ang tagapakainin noon pag wala siya.
Disadvatage:
1.) Kong may kasamahan siya sa iyong backyard, kong ilaban mo ang walang ganitong kaliskis matatalo talaga, uubosin sa talo ang loob ng backyard mo kaya sabi daw na parang kinakain dahil siya ay buwayahan.
2.) Kong ilaban itong buwayahan tapos matalo lahat na kasama niya sa iyong backyard laglag walang manalo.
I want to hear from other who have experienced of the said buwayahan.
Thanks,
Paul
http://www.eaglecross2006.multiply.com
dubliner
July 21st, 2010, 12:31 AM
pinaka magaling ay yung best Cutting rooster
ilang beses na ba tayong nakakita ng manok kahit "bayong fowls" na nakaka fastest win or yung tumawid lang na akala natin walang kontak pero pinatay ang kalaban. Pag nakaka kita ako ng ganito sa sabungan, pinipilit kong mahipo man lang at makaliskisan ang nanalong manok. wala naman akong common na nakita sa kaliskis or anumang senyales, but they all behave the same na yun namang aking tinandaan. Kaya pag nakaka hipo ako ng ganitong manok ay binibile ko at inilalaban. so far more than 80% ang winning ko.
lahat ng manok ko ngayon ay ganito na, pati yung nasa breeding pen ko...
sir earan,
bihira lang naman yung mga may senyales na manok kaya dito nalang ako sa idea mo.... . . . good cutting rooster.
baka pwede namang pakibulong yung common behaviour ng mga eto... . . .
.
monfourth
July 21st, 2010, 12:32 PM
Monfourth,
Sir! ito yong tinatawag ng "Bisayan or Cebuano" buwayahan.
Advantage:
Bastat putok yong unahang kaliskis. Pag bitaw nito ay una siyang ibaba sa makalaban. Pag unang buckle nila sakaling hindi siya madali, sa pangalawang palo liktik lang ang hindi tatamaan. Kadalasan nito walang sugat pag ilaban. May ganito yong tatay dalawang manok dati naka 7 panalo namatay lang sa sakit ang isa naman nabulang sa katandaan dahil naka 11 wins iyon, tandang tanda ko kasi ako ang tagapakainin noon pag wala siya.
Disadvatage:
1.) Kong may kasamahan siya sa iyong backyard, kong ilaban mo ang walang ganitong kaliskis matatalo talaga, uubosin sa talo ang loob ng backyard mo kaya sabi daw na parang kinakain dahil siya ay buwayahan.
2.) Kong ilaban itong buwayahan tapos matalo lahat na kasama niya sa iyong backyard laglag walang manalo.
I want to hear from other who have experienced of the said buwayahan
Thanks,
Paul
http://www.eaglecross2006.multiply.com
Salamat sir sa info......
earan
July 21st, 2010, 07:48 PM
sir earan,
bihira lang naman yung mga may senyales na manok kaya dito nalang ako sa idea mo.... . . . good cutting rooster.
baka pwede namang pakibulong yung common behaviour ng mga eto... . . .
.
Pag isipan ko muna sir, hehehe... it took me more than 5 years before i realize that two behavior is common among them and put it to the test and have prove that my observation is correct. pag nahawakan ko yung winning rooster, i always ask myself... "ano ba meron sa manok na ito at ganun sya kagaling" kahit manok bayong lang sya, being deprive of good bloodline, feeding and conditiong, but still he cuts his opponent very fast and convincingly. i suggest you better start doing the same too, who knows you can realize it too in just short period of time. it took me soo long since i watch and fight very seldom, and besides the number of rooster i have observe/feel is less than 10 for this purpose.
dubliner
July 21st, 2010, 09:05 PM
.
ok sir earan i understand and respect your will... . . . but for me maybe i just rely on my watchful eyes and watch video of those good cutting rooster and observe their characteristic inside the pit as i have no chance of touching them since i'm out of the country.... . . . nevertheless i'm just right here a pm away from you in case you have a change of heart:D :D :D
.
estribo_taraka
August 13th, 2010, 07:54 AM
paningit sa kamao, mas maganda kung sa gitna.
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/suk2x.jpg
pitong bakod or bakod pito
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/sample_of_pitong_bakod_1.jpg
solong paningit sa tapat ng tahid
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/KV_Spangle-left.jpg
solo sintas
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/14bien_trai_2.jpg
Sir ylhatc, dapat ba nasa tapat ng tahid ang isang kaliskis na napapaligiran ng pitong kaliskis para matawag na pitong bakod o puwedeng ring kahit saang bahagi lang shank (paa ng may kaliskis) basta napapalibutan ng pitong kaliskis ay puwede ring tawaging pitong bakod.
olbo69
August 15th, 2010, 11:44 AM
ano kaya ang senyal na ito? itim ang tahid, may kaliskis na may kaliskis sa loob ng kaliskis, parang nakakalito ano? pacensya na cellphone camera lang ginamit, at paturo naman paliitin pls kung paano paliitin ang picture. :cool: :D
http://us.mg4.mail.yahoo.com/ya/download?fid=Inbox&mid=1_836243_AOINw0MAAJY9TGdguQcJAjOqIyo&pid=2&tnef=&YY=1281898314891&newid=1&clean=0&inline=1
rammel1409
August 15th, 2010, 01:00 PM
sa akin po ang pinakamatinding senyal ay ang sentensyador yung tinataas na ang manok ko..........peace po
e4alnied
August 16th, 2010, 09:40 AM
ito sisiw pa lang nakikita na ang senyales na magiging multi winner ito..
http://i778.photobucket.com/albums/yy66/warley045/005.jpg
sir warley,
sama ako sa iyo...ito ang pinaka matinding senyales, sisiw pa lang talagang matindi...:)
estribo_taraka
August 16th, 2010, 02:59 PM
Sir ylhatc, dapat ba nasa tapat ng tahid ang isang kaliskis na napapaligiran ng pitong kaliskis para matawag na pitong bakod o puwedeng ring kahit saang bahagi lang shank (paa ng may kaliskis) basta napapalibutan ng pitong kaliskis ay puwede ring tawaging pitong bakod.
itaas ko lang ang tanong ko...
mambog
August 16th, 2010, 04:05 PM
itaas ko lang ang tanong ko...
sir, alam ko sa mga pitong bakod at paningit maganda kung nasa tapat ng tahid o nasasakupan ng sapin kapag nattarina. at ang maganda rin dito ay maliliit n paningit.
Sana ay naktulong ..... may ur winning ways continue......:)
DigBirds
July 3rd, 2011, 08:40 PM
cge irevive natin itong thread kasi maganda yata ang may senyal......at least may advantage na tayo:)
robertandrei
July 7th, 2011, 11:46 AM
sir share ko lang. buong lkaliskis sa tapat ng tahid mas maganda kong timbang. saka biyak na kaliskis sa likod ng daliri ng manok. 100% win in first fight
cnuestro
July 7th, 2011, 08:20 PM
meron akong kakilala may manok na buo ang kaliskis...5 na sunod sunod, maganda raw senyal at mahirap matalo..kaya nung inilaban, pinustahan ng marami...nakupo!!! talo!!! kaya nagulat sya at ang ginawa nya ay pinuntahan yung manok na tumalo sa manok nya at tiningnan din ang kaliskis.....sus ginoo...pagkakamalas...ay biruin mo ang nakalaban...7 ang buong kaliskis na sunod sunod din.:D:D
kaya mga kasabong, ang magandang ibreed ay bwenas na lahi...tyak yun ang mahirap talunin. hehehe
robertandrei
July 8th, 2011, 08:14 AM
baka naman sir senyales lang ang pinanlaban. di nakahanda ang manok. kasi kailangan eh tamang preparasyo, tamang ulot, senyales, tamang panahon, at may kasamang swerte.
para may tamang panalo. tama ba... ngek.
warley
July 8th, 2011, 08:30 AM
sa amin noon usong-usong iyang senyal na iyan.
minsan may nakita akong naglaban tagalugin lang laban sa teksas. iyong teksas lahat ng katangiang hanap sa manok andoon na, samantalang iyong tagalugin sa senyal lang umaasa....nang bitawan isang paluan lang "sabay"....syut sa kili-kili ang tama ng teksas kisay kaagad ito...leeg naman ang tama ng tagalugin....."putol" naman ito.....lapit kaagad ang sentensyador sabay karyo ....panalo ang may senyal..
bakit??.....kasi sa tindi ng senyal tumuka pa iyong ulong pugot, at ito ang pinulot ng sentensyador di naman pwede iyong katawan ang ipatuka..:D
cnuestro
July 8th, 2011, 08:55 AM

ayus ah. pero naniniwala din ako sa senyal talaga. kasi kung ang secret ng panalo ng manok ay yung sinasabi ng marami dito sa net na good BL, good conditioning,excellent rearing at lahat ng practical and logical ways of preparing the cock to win the fight, palagay ko di na ako magbibreed at maglalaban ng manok. kasi, ala na akong panalo sa mga bigtime na maraming Good BL, maganda ang lugar,masarap ang kain, maraming tagapag alaga at magaganda ang gamit. tari,etc..etc..
kaya ako, asa na lang sa senyal ng manok. kung may makalaban na mas matibay ang senyal, malas talaga. hehehe
tandaan, mas maganda ang senyales na di sa kaliskis nakalagay.;)
nujac
July 8th, 2011, 10:54 AM

Anu-ano naman po ang mga ito Sir? kagaya ng kuko sa kaliwang pakpak? at ano pa po? Salamat.
michael angelo
July 8th, 2011, 12:36 PM
ang pinakamagaling na senyal ng manok eh yung mga senyal na nakatago at di lantarang nakikita mahirap kontrahin o makontra kasi nkatago kumpara dun sa mga senyal na halata o madaling makita.
halimbawa ng mga senyal na nakatago
1.itim na dila
2.kuko sa dibdib
3.fuente
r_78
July 8th, 2011, 02:00 PM
ang pinakamagaling na senyal ng manok eh yung mga senyal na nakatago at di lantarang nakikita mahirap kontrahin o makontra kasi nkatago kumpara dun sa mga senyal na halata o madaling makita.
halimbawa ng mga senyal na nakatago
1.itim na dila
2.kuko sa dibdib
3.fuente
ito mga sir di ko alam kung senyal o nagkataon lang naka19 panalo yung manok nabigti na lang sa talian. ( WALANG DILA aT bilog NA BILOG ANG KALIWANG binti)
nujac
July 8th, 2011, 02:51 PM
ang pinakamagaling na senyal ng manok eh yung mga senyal na nakatago at di lantarang nakikita mahirap kontrahin o makontra kasi nkatago kumpara dun sa mga senyal na halata o madaling makita.
halimbawa ng mga senyal na nakatago
1.itim na dila
2.kuko sa dibdib
3.fuente
Ano naman po iyang Fuente Sir? salamat po.
cnuestro
July 8th, 2011, 03:53 PM
Ano naman po iyang Fuente Sir? salamat po.
ang fuente ay parang sugat. lumalabas sa katawan ng manok at pag lumabas ay ilaban mo na. kusa syang nawawala.
kaya pag may fuente....ilaban mo na!!!!
cnuestro
July 8th, 2011, 04:01 PM
ang pinakamagaling na senyal ng manok eh yung mga senyal na nakatago at di lantarang nakikita mahirap kontrahin o makontra kasi nkatago kumpara dun sa mga senyal na halata o madaling makita.
halimbawa ng mga senyal na nakatago
1.itim na dila
2.kuko sa dibdib
3.fuente
meron pa....katulad ng sobrang pakpak ng manok. yung mas marami ang bilang nung wing feathers. maganda rin daw etong senyal. well, sa logical explanation...aba ay pagrami neto, siguro pagtaas ng lipad at ng power ng manok, kasi sa pakpak minsan kumukuha ng power ang manok.:D:D
NOEL
July 8th, 2011, 04:10 PM
sa amin noon usong-usong iyang senyal na iyan.
minsan may nakita akong naglaban tagalugin lang laban sa teksas. iyong teksas lahat ng katangiang hanap sa manok andoon na, samantalang iyong tagalugin sa senyal lang umaasa....nang bitawan isang paluan lang "sabay"....syut sa kili-kili ang tama ng teksas kisay kaagad ito...leeg naman ang tama ng tagalugin....."putol" naman ito.....lapit kaagad ang sentensyador sabay karyo ....panalo ang may senyal..
bakit??.....kasi sa tindi ng senyal tumuka pa iyong ulong pugot, at ito ang pinulot ng sentensyador di naman pwede iyong katawan ang ipatuka..:D
Ayos to!!!!!!:D:D:D
ronlay19
July 8th, 2011, 04:43 PM

yan ang manok, kahit ulo nalang tumutuka pa...:D
nujac
July 8th, 2011, 07:55 PM
ang fuente ay parang sugat. lumalabas sa katawan ng manok at pag lumabas ay ilaban mo na. kusa syang nawawala.
kaya pag may fuente....ilaban mo na!!!!
Maraming salamat sa paliwanag Sir. :)
nujac
July 8th, 2011, 08:58 PM
boss nujac tawag namin dyan sa ilokano eh..namakyat...bihira daw matalo pag ganyan ang senyales ng manok...pero sakin iba parin yung pinaghandaan bago ilaban...;)
Sir, gusto ko lng po liwanagin, yan po ba yung parang sugat sa gitna ng dibdib papuntang puwet ng manok?:confused:
nujac
July 8th, 2011, 09:19 PM
kung saan saan yan lumalabas sa katawan ng manok sir...di lang sa gitna ng dibdib...
Maraming salamat po Sir.:)
nativelito23
July 8th, 2011, 09:27 PM
Ako,kapag pangit ang height,nanunuka o manfighter,payat o talagang manipis ang katawan..Senyales na yan..adobo o tinola.
bands81
July 8th, 2011, 09:48 PM
may manok din ang tiyuhin ko dito sa cebu, naging 7 times winner sa hackfigth pero hindi namin alam ang senyal nya... ang alam namin pag ibinitaw sya pag nag salpukan cla ng kalaban pag landing nya magpa gulong2x sa lupa...at sa tuwing laban nya wla siyang sugat.. ang hindi ko maka lilimutan sa laban nya isang araw nka dalawang panalo...at yung pangalawang panalo nya sa araw na yon dahil sa katuwaan inilaban nmin ulit, kasi natalo na ang isang manok ng kalaban namin at kursonada nila na makabawi, kaya binigyan cla ng partida ng tiyuhin ko, yung sa kanila may tari pero yung sa amin ay wla.. pero yung tuka sa manok nila ay tinatali-an ng rubber band pra hindi mabuka... nang binitawan na, tatlong lipad sa kalaban yung last na lipad sumama ang sa amin pero hindi na purohan.. pero pag landing ng manok sa kalaban naging parang bola ang ulo dahil cguro sa hininga nya na hinda maka labas dahil hindi mabuka ang tuka, at saka bumubula ang mata... tapos tumakbo na ang kalaban uma ayaw... biruin nyo nanalo pa na walang tari. yun ang hindi namin maka lilimutan sa sabong at saka tuwang2x ang mga tao sa nakita nila pati may ari ng kalaban naming manok.
nativelito23
July 8th, 2011, 09:51 PM
Kahit gaano pa kadami o kaganda ang senyal ng mga manok.Kapag hindi maganda ang patuka at pag-aalaga..wala din yan..
igorot
July 8th, 2011, 10:08 PM
sir bands, tutal katuwaan lng naman ginawa ng tiyohin mo, pero sa tingin ko nawalan ng hangin yong manok ng kalaban nyo. Kng sa tao kaya lagyan mo tape yong bibig nya tapos mag boxing ng 3rounds tinganan nating kng d rin sya tatakbo para umayaw :)
may manok din ang tiyuhin ko dito sa cebu, naging 7 times winner sa hackfigth pero hindi namin alam ang senyal nya... ang alam namin pag ibinitaw sya pag nag salpukan cla ng kalaban pag landing nya magpa gulong2x sa lupa...at sa tuwing laban nya wla siyang sugat.. ang hindi ko maka lilimutan sa laban nya isang araw nka dalawang panalo...at yung pangalawang panalo nya sa araw na yon dahil sa katuwaan inilaban nmin ulit, kasi natalo na ang isang manok ng kalaban namin at kursonada nila na makabawi, kaya binigyan cla ng partida ng tiyuhin ko, yung sa kanila may tari pero yung sa amin ay wla.. pero yung tuka sa manok nila ay tinatali-an ng rubber band pra hindi mabuka... nang binitawan na, tatlong lipad sa kalaban yung last na lipad sumama ang sa amin pero hindi na purohan.. pero pag landing ng manok sa kalaban naging parang bola ang ulo dahil cguro sa hininga nya na hinda maka labas dahil hindi mabuka ang tuka, at saka bumubula ang mata... tapos tumakbo na ang kalaban uma ayaw... biruin nyo nanalo pa na walang tari. yun ang hindi namin maka lilimutan sa sabong at saka tuwang2x ang mga tao sa nakita nila pati may ari ng kalaban naming manok.
bands81
July 8th, 2011, 10:13 PM
sir bands, tutal katuwaan lng naman ginawa ng tiyohin mo, pero sa tingin ko nawalan ng hangin yong manok ng kalaban nyo. Kng sa tao kaya lagyan mo tape yong bibig nya tapos mag boxing ng 3rounds tinganan nating kng d rin sya tatakbo para umayaw :)
hehehe... oo nga sir na ubusan ng hangin.. cguro pag boxing yun... knock out na agad na hindi pa nka bitaw ng kamay...hehehe
warley
July 8th, 2011, 10:40 PM
meron pang isa pagalingan ng senyal lang naman tayo dito..
mestiso ulit laban sa imported na hatch. napakalakas masyado ng hatch kapag kinkahig nauuka ang sahig ng ruweda. ang mestisuhin naman sobrang tapang di nga halos makontrol ng humahawak nito.....bitawan na....unang salpukan sa sobrang lakas ng hatch putol ang tarian ng mestisuhin, pero di ito nangayaw tinuka nito ang putol na paa at sabay wasiwas ng saksak sa papalapit na kalaban.....patay ang hatch....
panalo na naman ang may senyal hirap talagang talunin ang mga senyalan..:D
cnuestro
July 8th, 2011, 11:05 PM

bos warley,
may kapatid pa yang mestisong manok mo. napalaban din sa hatch na sobrang lakas mamalo. nung nagsalpukan, pagpalo nung hatch... hati yung katawan ng mestiso, saktong gitna, kaso sa sobrang tapang nung mestiso, pinag dalawahan yun hatch!!! ayun...nanalo pa rin yung kapatid nung manok mong mestiso.:D
cnuestro
July 8th, 2011, 11:24 PM

ituloy natin ang senyal para alam natin na mananalo ang manok natin.. eto mga kasabong, garantisado eto...yung kakilala ko, niyabangan ako...pare etong manok ko ibang training ginawa ko...pinatigas ko ang pagtusik. eto ang senyal dre na alang talo ang manok ko, tingnan mo etong sementong patukaan, nabutas na nya. ilalaban ko eto bukas, alang katalo talo eto!!!
ayun dala sa sabungan ang manok, madaling sabi ay napatari ang manok. kow kadaming pusta at ipinangutang pa!! labanan na at nagsalpukan...naku po ay gulpi ang inabot ng manok, balda at masama ang tama, nakapagtataka at di kinakabahan ang kakilala ko, sabi pa...ayan pare lapit ng manalo manok natin.. maya maya ay tumigil na sa pagpalo ang kalaban at mukang patay na manok nung kakilala ko...aba ay sya pa ang sumigaw!!! sentensya!!! ayun..kinaryo ang manok...pagtusik nung manok nung kakilala ko...sus kupo!!! butas ang bungo nung kalaban!!! paktay!!! nanalo pa yung manok nung kakilala ko!!!:D:D
ano mga kasabong? subok na...gawa kayo ng patukaang semento at pag nabutas ng manok nyo...aba ay baka nga alang talo. hehehe
elben21
July 9th, 2011, 12:12 AM
Ayos to!!!!!!:D:D:D
Mukhang nadale tayo nito ah!! Ang pinagtataka ko ay noong karyuhin ang putol na ulo nang may senyal na manok eh! pumalo pa ang katawan at dahil wala nang ulo eh malas at doon tumama ang tari sa puwet nang SENTENCIADOR...Heheheh!!!!!
warlordbegin
July 9th, 2011, 10:55 AM
ituloy natin ang senyal para alam natin na mananalo ang manok natin.. eto mga kasabong, garantisado eto...yung kakilala ko, niyabangan ako...pare etong manok ko ibang training ginawa ko...pinatigas ko ang pagtusik. eto ang senyal dre na alang talo ang manok ko, tingnan mo etong sementong patukaan, nabutas na nya. ilalaban ko eto bukas, alang katalo talo eto!!!
ayun dala sa sabungan ang manok, madaling sabi ay napatari ang manok. kow kadaming pusta at ipinangutang pa!! labanan na at nagsalpukan...naku po ay gulpi ang inabot ng manok, balda at masama ang tama, nakapagtataka at di kinakabahan ang kakilala ko, sabi pa...ayan pare lapit ng manalo manok natin.. maya maya ay tumigil na sa pagpalo ang kalaban at mukang patay na manok nung kakilala ko...aba ay sya pa ang sumigaw!!! sentensya!!! ayun..kinaryo ang manok...pagtusik nung manok nung kakilala ko...sus kupo!!! butas ang bungo nung kalaban!!! paktay!!! nanalo pa yung manok nung kakilala ko!!!:D:D
ano mga kasabong? subok na...gawa kayo ng patukaang semento at pag nabutas ng manok nyo...aba ay baka nga alang talo. hehehe
lalo na kung yari sa marmol patukaan nito malamang wala nang makikitang ulo kalaban nito. l.o.l :D
nujac
July 9th, 2011, 11:16 AM
lol. Part 2 ito ng thread na ito. http://sabong.net.ph/forum/showthread.php?t=55063
hehehe. keep it coming mga Sir.:D:D
Bismack_ratatat
July 9th, 2011, 07:08 PM
yung hindi tinatablan ng tari.. juk lng...
robertandrei
July 21st, 2011, 10:51 AM
e ano naman ang pinakamasamang senyal ng manok?
sa akin yung parehas 28 ang bilang ng kaliskis simula sa gitnang daliri hangagng tahid
sanchezmira
July 21st, 2011, 11:14 AM
sabi ng lolo ko L-quinto...not good senyal ewan ko lang hehehe..
Bricks
July 21st, 2011, 12:13 PM
ang fuente ay parang sugat. lumalabas sa katawan ng manok at pag lumabas ay ilaban mo na. kusa syang nawawala.
kaya pag may fuente....ilaban mo na!!!!
Yung pwente ay excess na testosterone ng manok. Hanggang basa pa ito ay di talaga pangkaraniwan ang ipinapakita nyang galing sa laro..... Nagkaroon na rin ako ng manok na ganyan at ang pwente nya ay laging sa ilalaim ng kanang pakpak lumalabas. Lagi syang naka-precon kasi pag lumabas na ang pwente ay hanap ako agad ng sabungan para sya mailaban. Naka-pitong panalo bago namatay - nadale ng peste.....
cnuestro
July 21st, 2011, 02:17 PM
sabi ng lolo ko L-quinto...not good senyal ewan ko lang hehehe..
sudyang tapon..magaling sa bitaw, mahina sa may tari. sabi ng matatanda. eto yung may putok/paningit sa panlabas na daliri sa pangatlong kaliskis mula sa kuko. o duon sa tapat ng balian ng daliri.
michael angelo
July 21st, 2011, 02:41 PM
naniniwala din po ba kayo sa ginagamit na paunan o yung sangkalan ng tari ba tawag dun? sa amin kasi dito eh LIKIT ang tawag yun ang pinampapalit sa maliit na bilogan na kahoy na pinagpapatungan ng tari bago ito talian.hehehehe sensya na di ko maexplain mabuti:D:D:D
last sunday kasi nung dumayo kami sa tupada naka straight 3 wins agad yung isang grupo at sabi nga eh may likit daw kaya nananalo kaya yung ginawa naman ng isang grupo na natalo nila ng tatlong beses bago ibigay sa kabilang grupo yung talonang manok pinutolan muna nila eto ng dila at yun ang inilagay naman nila sa paunan nila ayun sa wakas natalo din nila yung kabilang grupo hehehehehe yung sa grupo naman namin olats hahaha dalawa talo namin hehehe
cnuestro
July 21st, 2011, 08:12 PM

michael angelo,
di na senyal yan. hehehe, eto ang kasamahan yan, kung may nagpakamatay na tao sa pagbibigti, kunin mo yung lubid na ginamit at mabisa daw yun, itali ang kaputol o parte ng lubid sa tari o ilagay sa sapi.;)
michael angelo
July 21st, 2011, 09:13 PM
michael angelo,
di na senyal yan. hehehe, eto ang kasamahan yan, kung may nagpakamatay na tao sa pagbibigti, kunin mo yung lubid na ginamit at mabisa daw yun, itali ang kaputol o parte ng lubid sa tari o ilagay sa sapi.;)
hehehe sorry po sir cnuestro kung out of topic ako hehehe
di kaya magmumulto yung tao na nagpakamatay? hahaha
igorot
July 21st, 2011, 10:58 PM
mga sirs yong kuku (nail) sa dibdib na manok, palagi bang nag papanalo? Pano kaya pag bitaw nito sa fyt time na?
sandie
July 22nd, 2011, 05:17 AM
Sa akin ang Sinyales na Paborito ko ang " SUDYA " ito ay Basal na manok..sa UNANG LABANG Siguradong PANALO..daig pa ang PINAGTIYAK...1960 Hanggang sa ngayon,puro panalo.Wala pang na talo.Dapat parehong mayroon SUDYA sa ' MAGKABILANG " DALIRE ng manok na pang labas para BALANSE...." BASAL " ibig sa bihin Wala pang panalo.
jaybpquezon
July 22nd, 2011, 07:01 AM
magandang araw po makikidaan lang ayos mga usapan dito...........
johnross
July 22nd, 2011, 08:09 AM
hehehe gnda mapupulot nito
sanchezmira
July 22nd, 2011, 09:22 AM
paano naman yun kaliskis buwaya.
sponce0
July 22nd, 2011, 09:38 AM
pinaka magaling ay yung best Cutting rooster
ilang beses na ba tayong nakakita ng manok kahit "bayong fowls" na nakaka fastest win or yung tumawid lang na akala natin walang kontak pero pinatay ang kalaban. Pag nakaka kita ako ng ganito sa sabungan, pinipilit kong mahipo man lang at makaliskisan ang nanalong manok. wala naman akong common na nakita sa kaliskis or anumang senyales, but they all behave the same na yun namang aking tinandaan. Kaya pag nakaka hipo ako ng ganitong manok ay binibile ko at inilalaban. so far more than 80% ang winning ko.
lahat ng manok ko ngayon ay ganito na, pati yung nasa breeding pen ko...
Nagkaroon ako ng ganitong klaseng mga manok, nagmula sa isang inahin na ang senyal ay ang tawag nilang dahonan, kumbaga ang mga balahibo sa pagitan ng buntot ay nakaturo paibaba at hindi pataas. Madalas dinadaanan lang ang kalaban, magugulot na lang ako at bigla na lang tataas ang leeg ng kalaban at mukhang naghahanap ng bundok na matatalunan...if you knowwhat I mean... lahat ng naging anak na lalaki ay multiple winner at kadalasan walang sugat.
bluebird
July 24th, 2011, 03:56 PM
mag kasabong share ko lng sa inyo anh pinakamatinding SENYAL..
may manok kaming tinatawag namin na 7 colors.
kasi every logon nya ay mag iba-iba ang kulay..
tested na namin to sa small time derby lng po..
kaso mestizo na manok..
michael angelo
July 24th, 2011, 06:11 PM
Sa akin ang Sinyales na Paborito ko ang " SUDYA " ito ay Basal na manok..sa UNANG LABANG Siguradong PANALO..daig pa ang PINAGTIYAK...1960 Hanggang sa ngayon,puro panalo.Wala pang na talo.Dapat parehong mayroon SUDYA sa ' MAGKABILANG " DALIRE ng manok na pang labas para BALANSE...." BASAL " ibig sa bihin Wala pang panalo.
sir may picture po ba kayo ng nito?thanks po
UK Lipat Bahay
July 24th, 2011, 06:16 PM
TUNGO SA LILONG. Hanapin sa maliit at malaking Farm. Bihira itong makita. Kunsino man merun, paki PM lang po ng picture. :)
michael angelo
July 24th, 2011, 06:18 PM
pag may senyal manok mo at maganda ang kondisyon cgurado dami pera hehehehe
lymuel
July 26th, 2011, 10:58 PM
Yung pwente ay excess na testosterone ng manok. Hanggang basa pa ito ay di talaga pangkaraniwan ang ipinapakita nyang galing sa laro..... Nagkaroon na rin ako ng manok na ganyan at ang pwente nya ay laging sa ilalaim ng kanang pakpak lumalabas. Lagi syang naka-precon kasi pag lumabas na ang pwente ay hanap ako agad ng sabungan para sya mailaban. Naka-pitong panalo bago namatay - nadale ng peste.....
sir ano po yong PWENTE?
lymuel
July 26th, 2011, 11:03 PM
sa akin ang sinyales na paborito ko ang " sudya " ito ay basal na manok..sa unang labang siguradong panalo..daig pa ang pinagtiyak...1960 hanggang sa ngayon,puro panalo.wala pang na talo.dapat parehong mayroon sudya sa ' magkabilang " dalire ng manok na pang labas para balanse...." basal " ibig sa bihin wala pang panalo.
ano po yong sudya? Pwede po ba maexplain sir or kung my picture kayo para mas maintindihan ko at makita nrin. Salamat po
Bricks
July 26th, 2011, 11:10 PM
sir ano po yong PWENTE?
Yung pwente ay extrang testosterone ng isang lalaking manok. May time na pag sobra ito ay naghahanap ng lalabasan at normally kalimitan ay sa ilalim ng pakpak lumalabas at parang nagkakaroon ito ng putok. Yung lumalabas ay parang langis na brownish ang kulay. Ang sabi ng matatanda, pag may manok na naglabas ng pwente ay ilaban mo at siguradong may paglalagyan ang kalaban nito which is true. Iba ang laro ng manok pag meron nito. Mga 3-7 days din kung minsan nagtatagal bago matuyo......
Edwin7765
July 28th, 2011, 09:53 AM
Magandang usapan ito. Tanong ko lang po kung ang bawat senyales sa kaliskis ba ay may kanyakanya gamit or papano gamitin ang bawat senyales.
Katulad po ng buo ang kaliskis papano ba ang seremonya dito or papano ito gamitin
ylhatch
November 9th, 2011, 12:55 AM
ano po yong sudya? Pwede po ba maexplain sir or kung my picture kayo para mas maintindihan ko at makita nrin. Salamat po
baka ito pwede, marami n nanalo sa akin nito. lalo na pag kabilaan o timbang. sumubok ka kahit sa bayong lang. cgurado mamamangha ka!
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/suk2x.jpg
tarosa
November 9th, 2011, 02:33 PM
mag kasabong share ko lng sa inyo anh pinakamatinding SENYAL..
may manok kaming tinatawag namin na 7 colors.
kasi every logon nya ay mag iba-iba ang kulay..
tested na namin to sa small time derby lng po..
kaso mestizo na manok..
sir hindi mahalaga ang mestiso , ang importante ay panalo ito at nasa atin ang pera at wala sa kalaban . yong mestiso ng kapitbahay namin nuong araw ay 14 wins at ang mga tinatalo ay pagka-gagandang manok na pang beauty contest. opinion ko lang.
ang sabong ay hindi beauty contest kundi pagalingan ng manok natin alaga .
andring balete
November 10th, 2011, 09:18 PM
kaibigang mikee, kung ako naman ang tatanungin mo ang gusto ko yong may kuko sa leeg napakahirap makita ang ganitong senyal at talagang bibilang.naka 18 panalo sa akin walang tatalo,
siguro dito.
tama ka leo mayroon din ako may koko sa leeg naka 8 na panalo 4 years na ginawa ko broodcock may nag mana 2
alonso7
November 10th, 2011, 09:59 PM
sa akin ang the best na senyal ay ung kuba ung manok at ung me PUYO sa kaliwang paa sa me tahid.......... cgurado un nabilang ng panalo ..
wag lang ikakaskas..............
Island Born
November 10th, 2011, 10:47 PM
Baligtad ang mga balahibo sa paligid ng vent area, nagbilang po ng panalo samin noong araw sa KSA, mistisong Lemon ang lahi. Naging mananalo din ang mga anak although walang nagmana sa kanya ng pagiging inverted feathers sa paligid ng vent area.
Edwin7765
November 14th, 2011, 01:02 PM
magandang usapan ito.
Ano po ba ang ibig sabihin ng mga ito;
PITONG BAKOD -
YANO -
SUDYA -
PANINGIT -
igorot
November 14th, 2011, 07:22 PM
tama ka leo mayroon din ako may koko sa leeg naka 8 na panalo 4 years na ginawa ko broodcock may nag mana 2
Sir andring balete, kelan at papano nyo ibitaw yong manok nyo na may koko sa leeg?
farenheight
November 14th, 2011, 07:52 PM
nice thread!basa mode lang muna!bka may tumugma sa akin karanasan!
magandang gabi po sa lahat!
alonso7
November 14th, 2011, 08:36 PM
at ung manok naa 3 ang paa............
ylhatch
November 14th, 2011, 09:56 PM
at ung manok naa 3 ang paa............
apat paa!
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/weird/1340_p81870.jpg
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/weird/1340_p81869.jpg
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/weird/1340_p81867.jpg
pd&pc
December 14th, 2011, 10:08 PM
yung pong may putok sa unang kaliskis, gitna at sa tabing daliri na paa, maganda po bang senyal ito?
at saka po putok sa pangalawang kaliskis(1xwinner na po), manalo pa po kaya sa pangalawang laban ito? marami pong salamat
hellborn
December 15th, 2011, 01:07 AM
sabi ni sir biboy about sa mga sinyales at kung nangangaliskis ba sya sabi nya lang hindi kasi hindi rin daw nya alam yung kaliskis ng makakalaban nya HEHEHEHEHE
ako yung sinyales na gustu ko yung kahit saan laban basaan o kung anupaman...yung TUMUTUKA lng dalawang bese hehehehe
ylhatch
December 15th, 2011, 03:14 AM
yung pong may putok sa unang kaliskis, gitna at sa tabing daliri na paa, maganda po bang senyal ito?
at saka po putok sa pangalawang kaliskis(1xwinner na po), manalo pa po kaya sa pangalawang laban ito? marami pong salamat
yun putok ang kaliskis sa mga daliri di pa ako nalaglagan sa unang laban.
RCE71/EXPLORER
December 15th, 2011, 03:46 AM
mga kasabong may nakasubok na ba nito?
BUOng kaliskis sa tuluang hamog yun po ay makikita sa harap/tuhod at unang kaliskis yun po sa amin naka 9x sya at mahirap din itong makita sa mga sasabungin manok.
Putok sa lilintikan sa salitang tagalog (3x na po saya ngayon sa loob ng 2 weeks) pan laban na po ulit.
Patay ang putok di bumubuka kahit ikahig ( multiple winner din )
Mahaba ang pangabig( bulik at twice syang nanalo nung unang laban nya kaskas at 7x na sya baldado na paa)
Eto pong mga nabanggit na senyales at kaliskis ay batay lamang sa aming karanasan sa aming pagsasabong at sabi nga itoy hiyang hiyang din.
Joeker86
December 15th, 2011, 11:06 AM
sa akin po ay yung bastunan.. kaso talo sya sa ahas.. sinubo ng ahas pero niluwa rin kasi may tali...
popoi
December 15th, 2011, 02:07 PM
sa akin po ay yung bastunan.. kaso talo sya sa ahas.. sinubo ng ahas pero niluwa rin kasi may tali...
mukhang ibang senyales ito kaibigan...
cnuestro
December 15th, 2011, 03:36 PM
MGA KASABONG,
dati akong naniniwala sa senyal ng manok, pero ngayon parang hindi na. ang kelangan nyo ay yung sarili nyo ang lagyan ng senyal o anting.:D kasi kahit may senyal ang manok at malas ka, napapatapat sa mas matindi ang senyal. sakin, yung scientific and practical way of conditioning at saka galing sa pagpili ng magaling na manok ang kelangan at yung pinakaimportante, paano magbreed ng bwenas!!! hehehehe
Intrepid
December 15th, 2011, 03:53 PM
Iwasan nyo mga kasabong yung manok na kaliskis kawali nakupow dahil pihadong luyang dilaw,gata at papaya ang katapat niyan hehehe
pd&pc
December 15th, 2011, 09:12 PM
mga kasabong may nakasubok na ba nito?
BUOng kaliskis sa tuluang hamog yun po ay makikita sa harap/tuhod at unang kaliskis yun po sa amin naka 9x sya at mahirap din itong makita sa mga sasabungin manok.
Putok sa lilintikan sa salitang tagalog (3x na po saya ngayon sa loob ng 2 weeks) pan laban na po ulit.
Patay ang putok di bumubuka kahit ikahig ( multiple winner din )
Mahaba ang pangabig( bulik at twice syang nanalo nung unang laban nya kaskas at 7x na sya baldado na paa)
Eto pong mga nabanggit na senyales at kaliskis ay batay lamang sa aming karanasan sa aming pagsasabong at sabi nga itoy hiyang hiyang din.
Bro ano at san parte ng paa yang putok ang lilintikan?
bhem
December 15th, 2011, 11:15 PM
tama ka leo mayroon din ako may koko sa leeg naka 8 na panalo 4 years na ginawa ko broodcock may nag mana 2Mga kakmeyt meron ako ganito na manok, saka ang butse nya ay nasa kaliwa pa guess what talo sya di man lang yata naka sugat kaya hindi na ako nagpapaniwala sa mga senyal senyal na yan.
bscgamefarm
December 16th, 2011, 09:05 AM
Mga kakmeyt meron ako ganito na manok, saka ang butse nya ay nasa kaliwa pa guess what talo sya di man lang yata naka sugat kaya hindi na ako nagpapaniwala sa mga senyal senyal na yan.
Manoy Bhem, ang pinakamagaling na senyal para sa akin kapag ang sentenciador dito sa amin tinaas na ang manok ko at binilangan na nang tatlo ang kalaban ko ay sigurado na ang panalo ko hehehe
bhem
December 16th, 2011, 01:11 PM
Manoy Bhem, ang pinakamagaling na senyal para sa akin kapag ang sentenciador dito sa amin tinaas na ang manok ko at binilangan na nang tatlo ang kalaban ko ay sigurado na ang panalo ko hehehemanoy bong musta na dyan? yan talaga ang pinaka magandang senyal 100% win hehehe.
raul dimaandal
December 16th, 2011, 11:41 PM
ang hinaanap ko manok ay yung pag pumalo ang kaliwa,isahod mo na kanan mo at kwalta na!!!!!!
Intrepid
December 17th, 2011, 12:00 AM
ang hinaanap ko manok ay yung pag pumalo ang kaliwa,isahod mo na kanan mo at kwalta na!!!!!!
Panu kung di tumama yung pamatay na palo bossing at sya ang nabigyan ng pamatay na palo ng kalaban? Dukot mo na kanan mo at magabayad na talo e:D
bscgamefarm
December 19th, 2011, 02:47 PM
manoy bong musta na dyan? yan talaga ang pinaka magandang senyal 100% win hehehe.
As usual tabi Noy Bhem palagi na lang umuulan dito sa amin baryo.. ang hinahanap ko ngayon senyales ng mga manok namin yun bang tumutuka lang hanggang sa matapos ang laban...
apomedes1
May 7th, 2012, 01:43 AM
Sa akin ang Sinyales na Paborito ko ang " SUDYA " ito ay Basal na manok..sa UNANG LABANG Siguradong PANALO..daig pa ang PINAGTIYAK...1960 Hanggang sa ngayon,puro panalo.Wala pang na talo.Dapat parehong mayroon SUDYA sa ' MAGKABILANG " DALIRE ng manok na pang labas para BALANSE...." BASAL " ibig sa bihin Wala pang panalo.
sir pano po kung 1 time winner na di na po ba sya mananalo sa next laban nya? ung manok po pare ko ganyan nung una nanalo wala mn lang kagalos galos nung nilaban ulit natalo na. may ganyan po ako manok nkaschedule sya laban sa derby mamayang gabi nanalo sya nung april at may konting galos sa puwet sana po ay manalo ulit.tnx
finchiestiffler
May 7th, 2012, 06:28 PM
pinakamagandang senyal kung nagsalita na yung manok na ilaban sya at sinabing mananalo sya. sya lang kasi nakakaalam kung anu gagawin nya sa loob ng gradas.hehe
alamidfowl
May 7th, 2012, 06:53 PM
baka ito pwede, marami n nanalo sa akin nito. lalo na pag kabilaan o timbang. sumubok ka kahit sa bayong lang. cgurado mamamangha ka!
http://i36.photobucket.com/albums/e45/ylhatch/scales/suk2x.jpg
paningit ang senyal yata na ito dahil singit lang ang isa kaliskis... nagkaron narin ako ng ganyan dinaanan ang kalaban isa palo lang tapos...ang laban..
JLC 888
May 7th, 2012, 08:28 PM
Off color white lines ano kaya senyalis nito.
http://i1127.photobucket.com/albums/l623/agapito22/469476_10151547797025254_566365253_24093915_607927 030_o.jpg
elben21
May 8th, 2012, 04:12 AM
Off color white lines ano kaya senyalis nito.
http://i1127.photobucket.com/albums/l623/agapito22/469476_10151547797025254_566365253_24093915_607927 030_o.jpg
Pag-dito sa white line n ito eh todong todo na ang pusta ko.... pati na ang bahay ni Buboy, iyong Asst. Trainer ni Pacquiao....Asst. corner man ni Freddie Roach sa inyo na..
juan_tamad
May 8th, 2012, 04:18 AM
Off color white lines ano kaya senyalis nito.
http://i1127.photobucket.com/albums/l623/agapito22/469476_10151547797025254_566365253_24093915_607927 030_o.jpg
sir JLC delicado ang senyal nito at may talbos ng ampalaya sa background hehehehe :D pero wala raw laglag ito sa unang syapol wahahahaha
JLC 888
May 8th, 2012, 01:24 PM
@ elben21: Ako din bro todo to the max na rin.
@ JT: hahaha bilib ako sa iyo matalas ang mata mo. Pati iyong kasalukuyan na gumagapang na ampalaya ay napansin mo pa.
lucky9
May 9th, 2012, 12:51 PM
Yung pwente ay extrang testosterone ng isang lalaking manok. May time na pag sobra ito ay naghahanap ng lalabasan at normally kalimitan ay sa ilalim ng pakpak lumalabas at parang nagkakaroon ito ng putok. Yung lumalabas ay parang langis na brownish ang kulay. Ang sabi ng matatanda, pag may manok na naglabas ng pwente ay ilaban mo at siguradong may paglalagyan ang kalaban nito which is true. Iba ang laro ng manok pag meron nito. Mga 3-7 days din kung minsan nagtatagal bago matuyo......
Sir Brick,
may nabili akong manok na may salinsin sa kaliskis sa outer left finger at sabi ng father ko hirap daw syang ipanalo ito lalo kung sya ang bibitaw. habang ikinukundisyon ni erpat para ilaban bago maglugon eh bigla nlang syang tumawag sakin 1 morning at yung manok ko daw ay may PWENTE 1st time ko lng madinig yun sa 30yrs na pagmamanok panabong namin. ilaban daw namin agad yung manok kc nakakundisyon na raw yun kahit nasa 1st week pa lng niya inaasikaso. itinambal ko sa isang binabae ko na ready to fyt na. nanalo binabae 1st fyt at yung may pwente na ang 2nd fyt. gwapo at malapad ang kalaban pero mataas kami ng konte bigtime daw sa del monte yung binangga namin at talaga namang napaka gwapo nung manok nila at kumikilap ang balahibo samantalanjg yung samin al malapit na maglugon kaya mukhang gusgusin... Gumiri pa yung amin tas nung magpaluan na dinaan sa agap at accurate cutting nung manok ko. magaling din maglaro yung kalaban kaso matalino yung amin at di nagpapa una. talagang nasa peak ng kundisyon nya. pang 5th day yun nung unsng lumabas yung pwente nya. marami din syang sugat pero mababaaw lang at may isang malalim na di naman fatal. dami kasing pinawalang palo at pupog nung kalaban mga short nga lang.
Eto sya... DF Sweater-Mclean
http://i136.photobucket.com/albums/q181/dc_emf/03292012042.jpg
sayang di ko na picture-ran yung itsura ng PWENTE nya. wala na ngayon antay nlang daw ulet namin pagkalugon.
Nabansagan tuloy syang si "Amalia"
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.