PDA

View Full Version : backyard Breeding


aceman
September 28th, 2003, 02:02 PM
question lang po

kapag backyard lang ang pagaalaga ok lang po ba kahit cemento ang tapakan or mas mabuti kung bamboo nalang?

"Use no way as a way, No limitation as a limitation."

jlbs72
September 28th, 2003, 02:38 PM
pre, pwede mo naman lagyan ng lupa yung semento. Minsan itali mo rin sa kapitbahay ninyo na may damuhan.

swallow
September 28th, 2003, 02:55 PM
Actually its very imperative na kapag nag-alaga ka ng manok, me available kang lupa or damuhan na pwede nilang paglagyan. Lalo na po kung magbi-breed kayo importante po talaga na me malaki-laki kayong lupa para pagalain ang inyong mga sisiw hanggang umabot ng 7-8 months. Based on experience po kasi nakita ko na po ang malaking pagkakaiba kapag wala kang lugar na maluwag sa kilos ng manok. Huwag na po natin isali yung usapang crowding or sakit na dulot ng crowding kundi yung performance na lang po. ang manok na lumaking me proper na ranging at nagka-edad sa 6ft cord, eh di hamak na mas mainam ang kilos at lakas ng palo kung ihahambing sa mga lumaki sa 3x3 pen, lalo na po kung gumulang sa 3x3 pen dahil sa kakulangan ng lugar o espasyo.

wala hong pagkakaiba ang pagiging backyard at bigtime kung ang pag-uusapan eh ang pagpapalaki ng manok, at pangangailangan ng manok. Hindi porke backyard ang operation mo eh hindi ka malalaban sa matitinding manok.

ang tanong mo eh kung pwede sa semento, ang sagot dyan eh pwede kung iyun ang ibig mo, pero kung maganda ba, ang sagot eh hindi, kasi ang semento eh umiinit at sumisingaw ang init na ito kaya makakaapekto ito sa kalusugan ng manok panabong mo. Yung bamboo o kawayan, pwede din pero tulad ng semento hindi maganda, at sigurado ako na yang bamboo eh ilalagay mo sa semento at tatakpan ng 3x3 pen, pareho ang epekto nyan sa diretso sa semento.

ang diskarte ng karamihan, eh nilalagyan ng lupa or buhangin yung semento na me harang sa mga gilid ng pen na me taas na 10" at pupunuin ng buhangin or lupa or mixture nun, saka dun ipapatong yung 3x3 pen.

aceman
September 28th, 2003, 07:32 PM
ksi ung tinatapakan ng manok ko half lupa and half cemento ok lang ba yun?

and what age pwede itali ang manok?

ksi may 4 months ako na stag nakatali na.

What is the use of scratch pen?
kulungan lang ba talaga 2

tsampoy
September 28th, 2003, 07:50 PM
isa sa mga natural na exercise ng manok ang pag kahig sa lupa upang maghanap ng pag kaiN. yung mga tinatawag na lumaki sa espalto,sEMENTO AT MARMOL NA APAKAN ang tawag ko URBAN COCKS.MGA LAKI SA LAYAW ITO,MANOK NG JEPROKS,HAHAHAHAHAHA!:lol: :lol:

P_U_L_A
September 29th, 2003, 07:45 AM
:lol:

vulture
September 29th, 2003, 09:59 AM
aceman,

marami talaga yung magmamanok na konti ang lugar. lamang
talaga yung may sapat na grassy area pra sa mga manok niya.
.. flypen lang ang naiisip kong medyo makakatulong ng konti. lagyan mo ng nabistay na buhangin as flooring.. pwede dyan mga young stags hanggang di pa naglalaban ng matindi.

rollyramos
September 29th, 2003, 10:32 AM
pre dati din akong backyard breeder, tinawag pa ngang subdivision breed ang mga manok ko dito sa site, pero ni minsan hindi ko inalagaan sa semento ang mga manok ko, una kapag taglamig ay malamig ang semento sa paa ng manok at kung tag init ay mainit din ito.bukod sa ipot na lagi niyang maaapakan , at kung mabasa ang semento matagal matuyo at tila salaula sa akin isipan. ladyan mo nalang ng bistay na buhangin na may halong ipa o balat ng palay. pagtyagaan mong magtanim ng damo kahit sa paso kung wala ka sa bakuran.kailangan ng manok ang damo,kung kaya mong mas madalas ay isoga o itali mo sa may lupa o may damong bahagi.

yang sinasabi mo na bamboo o kawayan ,yan ang pinaka mainam na tapakan ng manok sa loob ng kulungan, pero wag naman laki sa kulungan at maaaring maging pike o sakang ang manok, kung sa tingin mo ay maayos ang paa kahit laki sa kulunagan ay sa tingin mo lang yan dahil makunat ang mga litid ng laki sa kulungan at malutong ang buto. una hirap pumagaspas at hindi naeehersisyo ang paa , kung limitado ang lugar mo ay konti lang ang alagaan mo.at pilitin maging maalwan ang kilos ng mga alaga sa pag lalabas nito sa lupa o damuhan ......ng kapitbahay hehehe.:hippie:

banong
September 29th, 2003, 12:18 PM
pre...

kung wala ka namang masyadong lugar para paglagayan ng mga alaga mo eh dapat ung tama lang o kaya lang ng lugar mo ang alagaan mo, tsaka kung sa semento mo ilalagay ang alaga mo be sure na may lupa kang nilagay dito kc baka magkatibak ang manokis mo at magkasugat ang tuhod nito dahil sa semento, kung gusto mo naman ng plying pen eh, suggest ko lang kuha ka ng 1 scratch-pen, 1 breedding-pen tapos tanggalin mo ung takip sa ibabaw ng breeding-pen at ilang lock sa may gilid nito, much bigger kc ang breeding-pen kesa scratch-pen kaya ito ang dapat nasa ibabang parte, tsaka mo ipatong sa ibabaw ung scratch-pen, talian mo lang ng electrical wire para tumibay......at ung pinakapinto ng breeding-pen sa may gilid nito eh un ang magiging pintuan mo....just imagine nalang kung ano itsura ng pinagpatong na breeding-pen at scratch-pen para maging flying-pen. kc ganito rin ang ginawa ko, kc maliit lang ang space sa likod bahay namin kaya naisipan kong gumawa ng sakto lang sa laki ng space ko. sana nakapagbigay ako ng kahit konting tulong o hinde man eh impormasyon sa tanong mo.....:blush:

MORE POWER & ALWAYS KEEP-UP THE GOODWORK....

Jaime S. Alano
September 29th, 2003, 08:33 PM
dre, nanadito ako sa Nigeria, maraming Pilipino dito. matagal nag trabaho dito. as usual pag maraming pilipino, ang katuwaan ay sabong. sa katunayan may two cock derby dito sa october 11. masaya kasi mga native na manok lang ang umpisa, ngayon may mga nagpapalahi na rin. masaya pare, isipin mo na maliliit na manok lang nagumpisa ngayon may derby na. dati usyoso lang ako , ngayon nahihilig na kaya nga gustong kong magbreed pagdating ko sa atin. gusto kong malaman ang mga tamang pamamaraan ng pagbebreed ng mga manok (as a hobby and as a business) my greetins to everybody,
cheers,
jaime s. alano

Wintuha
September 30th, 2003, 03:11 PM
Jaime,

Ang Pinoy nga naman maski saan bastat sabong ang pinagusapan ay wala ng tatalo pa. 2 cock Derby ba? Eh ano namang klaseng manok ang gamit ninyo? May mga quality breed cocks na ba diyan ang ibang Pinoy?

Regarding laki sa semento o kulungan na manok na kung tawagin ay laki sa layaw!!! Ang ganitong systema na pag-aalaga ay wala kang kahihinatnan dahil kalimitian mahina ang klase ng manok na laki sa layaw. Hanggang unang palo lang yan may lakas pero sa pangalawa, tatlo na paluan wala na yang ibubuga.

Kung ang gusto mo ay makaproduce ng quality cocks, maganda nakarange simula 2 months old up to 6 months old. Huhulihin mo lang ang stag pagka sila ay nagaaway na. Asahan mo walang lumalabas na pike pagka nakarange ang manok.

julian espiritu
October 6th, 2003, 12:09 AM
sarap labanan yang mga manok na natulos sa semento at aspalto. sa amin jan sa laloma umikot ka makikita mo daming nakatulos sa aspalto:rbounce:

gUN fOR hIRE
October 12th, 2003, 12:58 PM
Pal,

Kung lalagyan mo ng buhangin ang semento samahan mo na rin ng kusot na pino ito para hindi rin uminit and buhangin na direktang nasa semento.Mura lang naman ito piso isang sako at minsan ay mahihingi mo lang sa malalaking lumber.Try mo lang kung magugustuhan ng manok mong kalkalin ang buhanging may halong kusot.

Wintuha
October 13th, 2003, 01:35 PM
Kung talagang wala kang sufficient space for ranging, ay dalasan mo na lang ang lipat ng manok mula flypen at scratch pen.

Kung araw naman ng Sabado at Linggo at wala kang masyadong ginagawa ay itambang mo sa may damuhan ng kapitbahay mo. Dapat lang laging nakikita mo ang mga manok mo dahil delikado ang mga ito sa mga manokholdaper.

Kung tagulan o taglamig, maganda din maglagay ka ng ipa ng palay dahil mainit ang singaw nito kaya lang bombahan mo muna ng molatayon dahil pagnagtagal ay mabilis pugaran ito ng hanip. Mas maganda lagi mong babasain ang ipa para hindi makapangitlog ang mga hanip.

blackhatch
October 13th, 2003, 05:08 PM
cockmate,

pwede sa cemento pero be sure na may lilim ung cemento....what i mean is nde tinatamaan ng sinag ng araw kc kung bigla uulan malamang pasma ang aabutin ng manok or sisipunin dahil sisingaw ung init at magba**** ang temperatura sa paligid ng manok pati manok mo ay maninibago rin kaya sakit lang ang idudulot nito....pero araw-araw mong iko cord ang manok sa may damuhan or lupa para naman maarawan cya at makapag scratch exercise.

kung lalagyan mo kamo ng bamboo...same thing din ang mangyayari aabutin pa rin ung manok mo ng mainit na singaw galing sa cemento.....sakit din....unless malaki talaga ang lilim at nde nasisinagan ng araw or nauulanan ung place ng manok mo.

For backyard breeders like me na cemento ang flooring, better buy vitamins, calcium and have a regular exercise of your cocks 2 or 3 times a week will do.

Hanggat may gamot kang pina iinom sa manok mo okey lang ang cemento kasi lagi mo e2 na nililinis....mas priority kc sa manok na malinis ang paligid.

ligas_paka2006
September 27th, 2006, 01:08 AM
:cool:

Engkanto
September 27th, 2006, 09:09 AM
Tama ang tinuran ng marami sa mga kasama natin dito. Dapat kahit papaano ay may access ang nokis mo sa lupa at fresh grass. Kung wala talagang lugar, iyong sinabi ni Swallow na maglaan ka ng sandbox ay pupuwede na. Mas maganda rin kung may makukuha kang buhangin galing sapa o ilog (river sand). Iyong medyo kulay brown na parang pinaghalong buhangin at lupa. Hindi ito masyadong buhaghag at hindi rin tumitigas tulad ng lupa. Bukod sa mas pino, ito ay sagana sa grits o mga small shell (galing sa mga suso) at iba pang animal matter na gustong-gusto ng mga manok. Tiyak laging ganadong magkakahig ang nokis mo.

Isa sa malaking advantage ng lupa ay nakakapag dustbathing ang mga manok. Ito raw ang best form of relaxation ng mga manok. Bukod sa nai-stretch ng husto ang mga masil at litid ng manok at nakakapag-exercise pa ng husto ang kanilang mga paa. Ayon rin sa isang pagsisiyasat ng mga dalubhasa, ang dustbathing daw ay ang natatanging paraan ng mga manok para tanggalin ang mga old lipids (oils) mula sa kanilang mga balahibo. Ang mga oil kasi na kinukuha nila sa kanilang oil glands na kanilang ikinakat sa pamamagitan ng kanilang tuka ay kailangan palitan pagkaraan ng ilang araw sapagkat kapag ito ay ma-oxidized na ay nawawala rin ang bisa. Sa pamamagitan ng dustbathing ay natatanggal nila ang mga ito upang palitan na naman muli. Kaya ang dustbathing ay talagang "bath" para sa mga manok.

Lahat ng mga ito ay hindi puwedeng mangyari kapag laking semento ang manok mo . Natatandaaan ko tuloy noon na kumukuha pa ako ng damo sa Cavite para lang itanim sa kapirasong lupa sa likod ng bahay namin sa Mandaluyong. Naiiling tuloy mga kapitbahay ko.

Ang punto ko lang ay kapag uubra at puwede namang gawan ng paraan ay ibigay natin sa mga manok natin ang pinaka-mainam para sa kanila.

Sana makatulong...

manok_ihalas
September 27th, 2006, 11:11 AM
mga tol,,

if GI screen yun ilagay ng kulungan ng manok ok lang ba?

ricko
September 27th, 2006, 03:45 PM
okey lang yan tol
basta ang importante na may space kapa sa pag workout mga manokis mo.
importante din ang grass. :)

archangel
September 27th, 2006, 05:11 PM
no problem kung GI screen pa yan... basta importante eh di ung aapakan at di makakalabas ung manokis mo.

kung scratch pen naman at semento aapakan... ipatong mo sa hollowblocks ung scratch pen then lagyan mo ng binistay na sand... kung walang damo sa inyo, ikuha mo ng pinagbalatan na gulay sa palengke and lagyan mo ng rabbit pellet ung patuka... mas maganda siempre kung flypen ang gamit mo para di ka na maghihirap iexercise ung manok mo... ;)