View Full Version : Mga Tao sa Sabungan (Faces at the Cockpit)
Kidd Sentencia
December 14th, 2000, 06:23 PM
Eto patawanan uli...isa-isa lang...sentenciador, tagapusta, etc. pili kayo ng isang i-de-describe ang characteristics, nature of the job, role, etc. ng isang klase or trabaho ng tao sa sabungan. Etong akin, ako na rin ang nagbinyag dito eh...hehehe.
Chicken Doctor - Etong taong ito malaki ang tulong sa mga sabungero. Bukod siguro sa binanggit ni GD na Doc eh karamihan sa kanila ni hindi nakapagtapos ng veterinary med, or any formal education sa animals or surgery...yung iba nga row 4 nuong grade 5...hehehe. Pero lintik, walang anesthesia, merthiolate lang, anti-biotic, etc., yung nagpasaya sa iyo at nag-save ng pambayad mo ng bahay eh nagagamot, lots of times to fight again. Meron ding ala-kadena kung magtahi ng sugat...hehehe.
overall rating - walang talo, sigurado ang kita sa sabungan.
Kidd
bastaikaw
December 14th, 2000, 06:42 PM
cristo:kukuha-ng kukuha ng pusta saka ibubwelta.kapag hindi nai-bwelta ,bibitawan na lang ang manok tatablahin ka pa!iginigisa ang among walang alam sa sariling mantika!nuebe pa lang ang tawaran kumukuha na,nag-nenegosyo sa pamamagitan ng pera ng iba.bata pa lang magulang na,este tahiran na.lalo na kapag gumulang pa ito.hindi lang magulang ,parents pa!
francis conde
December 14th, 2000, 08:14 PM
kristo: Or Taga-pusta as they are or should be called these days. Monching Mitra once privately said to me and my brother that they dont really do anything for the SPORT, only for the gamblers. How true, sad but true. Ironically, they are usually a perennial source of the distractions and GULO in the cockpit. Breeders and cockers, especially those level-headed ones dont really need a lot of kristos. Just my opinion
edwin
December 14th, 2000, 08:17 PM
Kasador,
Walang mananalo sa style nito.Parada mo for example eh p11,000,siyempre ikakasa.Pag
napansin niya na lamang ka sa pagkamanok
or sure win ka dito,pupusta siya sa iyo.Kasador so ipapago iyong ibang pusta sa iba para malarga na,heto na siya ngayon.Papago siya ng more than p11,000
tapos lahat ng sobra sa kanya na iyon.Kaya
kung minsan magtataka ka,p11,000 lang ang pusta ko pero p22,000 ang pinapago niya.
Smart ha!!!
tambak1
Kidd Sentencia
December 15th, 2000, 12:28 AM
dagdag sa Tagapusta: talsik laway, tuwing sultada tingin agad sa amo parang batang naghihintay ng kendi...nasisira tuloy ang diskarte ng isang nag-eenjoy lang sa sabungan. Pag pasok mo pa lang "boss, saan tayo?" anong tayo? ako lang, dito ako sa upuan ko...hehehe. Nungka, merong mga tagapusta na yon lang ang hanepbuhay nila...unless hostess si mama at smuggler si papa. May (mga) asawa (live-in) rin ito at anak...mga future taga-pusta...or bigtimer, hehehe. Bakit kaya walang babaeng kr, este, tagapusta, at least ako wala pang nakita. Hindi bagay siguro, hindi bagay mang-gulang ang babae, ay yon naman pala.
overall rating: hindi sigurado, parang sultada, minsan Meron at minsan Wala...
Kidd
Kidd Sentencia
December 15th, 2000, 12:45 PM
Eto pa...tindera sa kainan:
Eto ang naiiba...malamang sexy at nakatawa, yan ang isang teknik ng may-ari ng kainan para nga naman malakas ang benta. Siempre, meron ding hindi sexy, datan at ngetpa...pero huwag na nating pag-usapan yon. Kung merong pag-pipilian eh bakit duon pa. "Kakain kayo?" (medyo malambing) ang tanong niyan...ikaw naman, sabay ngiti, uupo na, beer nga! (pa-macho) at oorder ng kahit anong meron (ayokong aso, kain ano kasi...hehehe). Sa probinsiya, kumukulo sa kawa ang mga ulam...dinuguang baka--yan ang ino-order ko. Isang kanin at dalawang ulam (bitin ang isa); beer, mga dalawa, tatlo, or lasingan na pag ayos na.
Pagbayad, mabibigla ka, halagang 5-star ang ulam, kakapiranggot naman...parang panalo ka na lagi eh. Iba na rin ang meron kang bakuna sa hepa...para ligtas sa hehehe-hepa.
overall rating: sigurado kita, pagod pero merong kita.
Kidd
aIr4s1
December 15th, 2000, 01:15 PM
Originally posted by Kidd Sentencia:
Eto pa...tindera sa kainan:
Eto ang naiiba...malamang sexy at nakatawa, yan ang isang teknik ng may-ari ng kainan para nga naman malakas ang benta. Siempre, meron ding hindi sexy, datan at ngetpa...pero huwag na nating pag-usapan yon. Kung merong pag-pipilian eh bakit duon pa. "Kakain kayo?" (medyo malambing) ang tanong niyan...ikaw naman, sabay ngiti, uupo na, beer nga! (pa-macho) at oorder ng kahit anong meron (ayokong aso, kain ano kasi...hehehe). Sa probinsiya, kumukulo sa kawa ang mga ulam...dinuguang baka--yan ang ino-order ko. Isang kanin at dalawang ulam (bitin ang isa); beer, mga dalawa, tatlo, or lasingan na pag ayos na.
Pagbayad, mabibigla ka, halagang 5-star ang ulam, kakapiranggot naman...parang panalo ka na lagi eh. Iba na rin ang meron kang bakuna sa hepa...para ligtas sa hehehe-hepa.
overall rating: sigurado kita, pagod pero merong kita.
Kidd
Napansin mo yung smilies ko! lol. pero tutuo yan. you just made my day sarge.
aIr4s1
Kidd Sentencia
December 16th, 2000, 03:38 AM
yehey, may napatawa ako...hehehe, thanks Ashner...kumustang mga F117 mo riyan...wala ka bang TDY papunta dito? Volunteer ka pag meron...bisita natin si queen, hingi tayong pangsabong.
Mga ibang tindero, tindera sa loob mismo ng sabungan. Eto yung mga daan ng daan sa harap mo't muntik mo ng hindi makita tuloy ang magandang palo ng manok mo...buti lang kung yung manok mo ang pinalo...hehehe. Tubig, soda, kendi, yosi, atbp. Ang binibili ko lagi tuwalya, face towel baga...hehehe, siempre para sa pawis, sa init eh pinapawisan ako lagi, lalo na't tatlong beses ka ng tinamaan sa trabesiya, sunod-sunod. Pero para laging malinis ang kutis buwaya, tuwalya. Ang nakaka-enganyo eh yung fruit vendor...babalatan ng pagkaganda-ganda yung mansanas or peras. Talaga namang matatakam ka. Balut! paborito ko ito pero alanganin ako, sa pamahiin na huwag kakain ng manok sa sabungan...pato ito pero consider bang manok or itlog?
May kaklase ako sa hayskul na nagtitinda nuon sa sabungan...ngayon eh siga na...umasenso, tagapusta na...hehehe.
overall rating: hmmmm, kailangan sipag...konti kita pero libre sa sabungan at libreng manuod. Pag pinusta ang pinagbentahan at puhunan, tuwa pag panalo,
mangungutang pag talo.
kayo naman...para may mabasa lang na hindi kayabangan...hehehe.
Kidd
Rigolleto
December 16th, 2000, 05:38 AM
Heto pa ang iba, yung ibang bantay sa gate ng sabungan, mahigpit kuno, ayaw magpapasok kahit alam na regular ka at palaging naglalaban ng manok, solusyon, bigyan mo ng magandang balato pag nanalo ka, siguradog libre ka sa susunod na pagbalik mo. Pag dumayo ka naman, yung ibang nasa gate, tumitingin sa porma. Kahit parepareho kayong dayo, yung kasabay mo pag may clutch bag, maraming alahas at ginto sa katawan, at naka Rolex, pasok agad, walang tanong pero ikaw na simple lang, haharangin ka, sabihin mo ng may entry o imbitado ka, gusto pang makita ang resibo o imbitasiyon.
jrtras
December 16th, 2000, 05:53 AM
He, he, he...maganda itong topic mo Kidd. Ako meron nang nakitang babaeng kristo (tagapusta) doon sa Pasay Cockpit...pero hindi pa rin full pledge na babae dahil Tomboy eh. Meron din akong nakikita dati sa Pasay cockpit na nagki-kristo (but not really a kristo by profession) na putol ang isang kamay...kapag nagmamasyada pa eh may hawak na yosi!
Eto ang nakikita ko palagi sa Roligon, Araneta at minsan sa Pasay Cockpit...NURSE:
Complete in her (madalas eh female nurse) white uniform at may dala-dalang stethoscope, at nang instrument na pangkuha ng blood pressure reading, eh mag-iikot-ikot ito sa sabungan. Madalas na mag-umpisang maglibot itong mga nurse kapag malapit nang matapos ang sabong o derby. Sa ganitong oras kasi maraming mga sabungero ang matataas na ang blood pressure...’yung mga natatalo ay pati na rin ‘yung mga nanalo. Ako tumataas ang blood pressure ko kahit hindi talo o panalo, basta’t ang dumaan sa harap ko eh seksing nurse! LOL! Siyempre ‘yung maganda at seksing nurse ang maraming nagiging customer...karamihan din sa mga customer ay DOM.
Isa pang character...Masahista:
Eto madalas din mag-ikot kapag patapos o nasa kalagitnaan ng derby. Bitbit-bitbit naman nito eh alcohol at towel (wala pa akong nakita na may dalang lotion o powder), madalas na magpamasahe eh ‘yung mga sabungero na ina-antok na at patang-pata na ang katawan. Ako minsan ay nagpapa-masahe rin kapag minamalas sa travesia at nahihrapang mamili ng manok na pupustahan. Kapag namasahe kasi eh preskong-presko ang pakiramdam at ang sigla ng kawatan, kaya parang madaling pumili ng manok na pupustahan. Paalala lang sa mga sabungero na bago lang nakakita nang mga character na ito sa sabungan: Don’t confuse the nurse in the white uniform as a Masahista...nasa sabungan ka, wala sa sauna. He, he, he...
Cheers!
jrtras
[This message has been edited by jrtras (edited 12-15-2000).]
bastaikaw
December 16th, 2000, 06:27 AM
is maalikaya in quezon boulevard still operating?ang ganda ng dating sa first floor.dalawa pa ang masahista mo,sabay kayong tatlong lulusong sa whirlpool bad.hay buhay,magiging salawahan ka dito.kung si emma o si fe!magdala ka na rin ng viagra,para may itagal ka sa dalawang ito.dragfight ito,kaya kailangang nakahanda ka!
Kidd Sentencia
December 16th, 2000, 07:16 AM
Absolutely right ka diyan, kasamang Rigolleto...ako eh bayad na lang agad kung walang resibo at ng hindi na makipag-argue sa gate...mamalasin ka pa.
Jrtras, meron ding ganyan na ngayon sa Pangasinan...gaya-gaya...yung sabungan sa Calasiao, walking distance lang yung massage parlor. Maraming kuwento diyan sa massage parlors na mga yan...reserba na lang natin sa inuman...hehehe. gano'n din sa yo bastaikaw.
Sentenciador (hindi ikaw Administrator):-) Etong trabahong ito ang hindi madali at kailangan ang integrity...buong madla sa sabungan ang sisigaw dito pag pumalpak ito. Meron ding mga kiling ito...papaboran ang merong pagkakakitaan, usually llamado...hindi naman lahat. Meron na akong nakitang binatukan ng isang tigasin yung sentenciador kasi hindi nagustuhan yung pag-kakaryo niya, eh malaking angkan din itong sentenciador, mga siga-wannabe din, kaya ayon, suntukan, parang yung kuwento ni El Umbre...merong nagbunutan din ng bakal, pero wala namang pumutok at naawat agad. Tuloy ang sabong...derby pa naman. Delikado rin ang trabahong ito...sugat sa tari at batok ng siga, pero ito siguro ay isa sa pinaka-exciting job sa sabungan. Sana lahat sila ay fair lang.
overall rating: madalas panalo...madaling makabalato.
pero bago ka raw maging sentenciador, kailangan pumasa ka sa bar...maraming painom.
hehehe,
Kidd
GoldenDragon
December 16th, 2000, 10:11 AM
bastaikaw... talaga naman bantay bantay kita eh... segurado pag napost ka eh may kasamang tungkol sa keps...
ang hilig mo naman magone cock derby, hilahod na kikig ka parin ng kikig ... pareho kayo ni rosaluz , darating ang araw hindi uubra ang viagra sa iyo... blower ng kailangan mo... lol !!! ikaw din baka maging
inflatable iyan dahil sa sobrang gamit.lol!!!
sus dapat sa iyo ipadala ka kay armida sigueon reyna ng maputolan ka.....censorship
siya ingat cheers and mabuhay (pa sana).
------------------
el umbre
December 16th, 2000, 10:03 PM
mga kasama ang mga taong ito kung tawagin ko po ay the racketers,dahil maganda ang racket nila simple pero rock,pinapayuhan ko kayong ,mga kasamang sabongero ng mag-iingat sa kanila dahil ang inyong lingkod ay nabiktima ng mga lokong ito,ito po ang kanilang modus operandi,tuwing intermission aakyat ang kasador at iaannounce na meron pong magnanakaw ay este manghihingi ng abuloy kesyo maysakit si nanay,naospital si tatay kuno, sabay kanta ng bawal na gamot,talagang maantig ang puso mo pati ang 5,500 ng pasama ng mga barkada sa bulsa naihagis dahil sa awa sa kanila,(buti ng lang nanalo ang manok namin,...lol.)kalagitnaan ng derby,malalim narin ang gabi,marami na rin ang lasing ,pati mga talunan (..LOL..)habang naghihintay ng last fight namin,nagpasya akong mag trabesya ,napalaban ang manok ni gov. magsaysay,lyamado ang manok ni gov. ,lumagay ako sa lyamado,sumahod ang katabi ko ng 5,000 sa tres,kinilala ko ang mukha ng kapustahan ko at natatandaan ko siya yun kumakanta ng bawal ng gamot nagiba lang ng kasuotan,ngayon malakas pang sumahod sa akin,,buti na lang at nanalo ako sa kanya(kinarma si kolokoy..lol..).Ng mga sumunod na Derby ay nandoon na naman sila kinakanta ang paborito ninyong awitin, ang walang kamatayang "Bawal na Gamot" na pinasikat ng yumaong Willie Garte. Makikita mo na naman sila na pag pumusta ay nakaturo sa baba ang mga daliri. Opo, libo na naman po ang pinapago.Pati na rin ang mga Hackfight ay di rin pinatawad ng mga tinamaan ng lintek. Kulang na lang pati tupadahan ay dayuhin nila. Kaya sa susunod na makita ninyo sila sa inyong mga sabungan ay Huwag ang inyong pera ang ibabato kundi bote...
llahas
December 17th, 2000, 06:23 AM
Meron ding nagpapataya ng "jueteng" or"masiao" at "jai-alai sa loob ng sabungan.nag-iikot-ikot yan at madalas na custumer eh, yong' mga natalo at sampu hanggang biente na lang ang natirang pera itataya pa!kaya hayun' naglakad na lang pauwi.Pagbigyan na,Baka makabawi nga naman!//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/lol.gif
Mabuhay!
Ilahas
edwin
December 17th, 2000, 08:33 AM
G.D.iyong inflatable eh bumagsak ang rating because of viagra and also maraming balik ospital iyon.Tip lang sa mga gustong gumamit nito,first maghanap ng batang g.f.pag ayaw pa rin.Then try viagra,kapag ayaw pa rin
eh mag-alaga ka na lang ng manok lol!!!
tambak1
RARAVEZ
December 17th, 2000, 10:51 AM
MAGANDANG ARAW, SA INYO. VIAGRA, mas magaling daw ang diatabs dito ang sabi ng isang PILIPINO sa amerikano. dahil yung malambot na kuwan ay pinatitigas nito, e yung pa kayang kay Dolphy.he-he-he. MABUHAY.
mang amboy
December 18th, 2000, 05:16 PM
the one face in the cockpits in iloilo before that really fascinated me was that of a kristo with a "cleft lip" or bungi ba sa tagalog yon. you could't understand him when he speaks but inspite of that he was able to do what the normal bet-takers can do. haven't seen him though this last five years that i have attended the candelaria derby in jaro. hope nothing bad happened to him.
mang amboy
Kidd Sentencia
April 20th, 2004, 10:23 PM
Rather than bangayan, fun na lang...hehehe. Share your story or your share here...:lol:
Kidd
english dom
April 20th, 2004, 11:49 PM
sanglaan , patubuang 5-6 sa loob ng sabungan yung mga taong nag aabang sa mga talunang kilalang malakas mamusta pwede mong isangla kotse,jeep,alahas sa kanila, tawag dito mga walking pawnshop sa sabungan.
senerez
April 21st, 2004, 12:48 AM
tol ang buhay ng sabongan e asa largador,kailangan komedi ka na me halong seryoso like abu abu,malakas ang karisma sa mga bigtime tahor,kahit malaki ang diprensya e napakadali para sa katulad niya na nung una e kala ko 77 ,pero ang galing,bilib ako sa katulad nilang pinagtitiwalaan ng tao,nong una si roming vergara sa araneta sinabi nya na ang alam lang niyang ingles na salita e "thank you" pasasalamat dun sa participants na kano? lakas sumabit alam na salita e thank you? hehehe,ewan ko ngayon kung asan na yun?sila butsoy at eric ng pasay,mahusay din kaya malakas ang sabong jan e gawa nila, kahit na maraming bodabil jan sa loob ng pasay e malakas pa rin,kasama na yung mga magugulang na tigapusta?sa probinsya makikita mo rin kung malakas ang sabong e asa largador,kailangan naman e matapang ka para ka makakuha ng pago na kailngan marami kang jokes na dala?
Sundowner
April 21st, 2004, 06:03 AM
Gusto ko pa rin ay yong duling na chicken doctor. Kasi pag binayaran mo ng 200 pesos ay happy na siya at pasalamat pa lalo pag naka ladlad ang pera, siguradong dublado (400 pesos) ang tingin niya. Kaya lang baka ang tahi ng sugat ng manok mo e salit-salit din, at pag dating ng bahay e biglang bumuka, patay kang manok ka. Mas attractive daw sa mga chicks ang viagra pag ang gumagamit nito e mga kalbo na. Kasi akala nila sa ulong kalbo e malaking bayag na naka bra (viagbra) , ha ha.
king_ed
April 21st, 2004, 06:11 AM
sonny,
kaya pala nagamit nyan eh mga kakilala kung mga kalbo ..
:lol:
reymal
April 21st, 2004, 07:20 AM
Mayroon pa, yung mga Nagpapalimos o Humihingi ng tulong.
Mayroon namatayan, me sakit, o kung minsan donation sa pinapagawang simbahan o kaya project ng kabataan. Lagi akong nagbibigay sa mga ito. Mayroon kasi kasabihan na "Give and you shall Receive":) Noong nakaraan linggo, walang nagpalimos, kaya siguro ako umuwi ng walang laman ang pitaka, ubos:lol:
waldas123
April 21st, 2004, 09:27 AM
" Chicken Cleaner"
Yung nag lilinis ng manok sa sabungan sa amin , lakas kumita at madiskarte , bukod sa bayad sa paglilinis sa manok, iipunin niya yung paa , bituka , atay , balunan at sometimes yung ulo , at ititinda niya ito , gagawing BBQ, bukod pa sa mga balahibo na naipon , gagawin niyang itong pang alis ng alikabok at ibebenta rin sa sabungan .
Soseng
April 21st, 2004, 10:56 AM
"Pusa"
Kung kayo eh nagta trabesya sa upper box ng araneta coliseum eh malamang kilala ninyo itong si "pusa". Isa itong kristo na kapag sumisigaw eh boses pusa na talagang kapansin pansin at nangingibabaw kumpara sa ibang kristo! Kaya kung sasahod ako eh sa kanya na lang...sigurado walang takbo kasi kilala na sya at sikat pa doon hehehehe
Soseng
doc leng
April 21st, 2004, 05:05 PM
May ari ng sabungan. May mabait, suplado, tahimik, maingay, maporma or simple lang.
Ito yung big boss ng mga tauhan niya. Marami rin itong alipores at meron ding mga sipsip na umaaligid aligid.
urateur
April 21st, 2004, 07:01 PM
TAGA-PUNIT NG TICKET SA GATE
Kadalasan ay marami syang pinapapasok na walang bayad kaya't kapag nanalo ang mga ito... daming nag-aabot sa kanya ng balato. walang talo di ba!
John Taddem
April 21st, 2004, 09:58 PM
MGA MANGGAGANTSO , MANANAKBO NG PUSTA.... MAMUMUSTA NG AIR(SABIT).....MAMBABALI......... MGA MANTSO-TSOPE...MGA PALOS(NAG-IIBA NG DAMIT).... MANLALASON(NAMIMITIK) AT ANG MGA USISERONG NASA GRADA KAHIT DI KANILA ANG MANOK.MGA BAGUHANG MANANAYA.
TALO KA NA NGA!
NATAKBUHAN KA PA KAMALAS NAMAN........ANIAMETTEN!!!!
KAYA IBAYONG INGAT.........MGA COCKMATES!!!!!
AGBIAG TI MANNADI !!!;)
Sundowner
April 22nd, 2004, 02:06 AM
That's the reason why Sabong is called "Sport Of Kings". So many KINGS but not enough SPORTMANSHIP. May Kingkoy, Kingpin, King-kering-king and etc. ha ha
leiper
April 22nd, 2004, 03:25 AM
Ground Maintenance technician.........ito ang taong nag wawalis pag katapos ng madugong labanan at linisin ang dugong tumagas, balahibong nalagas para ang susunod na sultada ay walang distraction sa ruweda. maliit ang kita pero sigurado.
Cotton man...........ito naman ang may hawak na bulak para mapawi kung anuman mayroon sa tari.
sbgarcia
April 22nd, 2004, 04:03 AM
RUNNER....yun mga nagsasabi nang "Limber na" at malapit na ang laban ninyo.
Taga ulot...yun matchmaker.
Pero ang da best is the tropang "nag lilista nang regla".
Preng Salber.
sbgarcia
April 22nd, 2004, 05:00 AM
TIMEKEEPER.
Preng Salber.
TAGAVILLASIS
April 22nd, 2004, 10:11 AM
yong mga MANDU!!!!! MADURUKOT!!!!20 YEARS AGO!!!MAY KASAMA AKONG NADUKOTAN...BUTI NANALO....BUBUNOT SANA NG PANGSUKLI....WALA NA PALA SIYANG PERA..MGA 800 PESOS ANG NAWALA!!!!
John Taddem
April 24th, 2004, 08:32 PM
MGA COCKMATES,
HUWAG DIN KALIMUTAN ANG MANAGEMENT O MGA MAY-ARI NG SABUNGAN KUNG WALA SILA EH DI SA TUPADAHAN TAYONG LAHAT.....HEHEHEHE!
MGA SPONSORS AT MGA GUESTS AT IYUNG PAMPABUWENAS....MGA TSIKS!!!!! HEHEHEHE!
MGA NANALO NA NGA PERO DI PA RIN UMAAMIN NA NANALO(KASI AYAW MAMALATO!)
DITO NA YATA MAKIKITA LAHAT NG KLASE NG TAO FROM MAYAMAN HANGGANG MAHIRAP........MGA HIKAIN TO MALUSOG!
MAY PANG KOMEDY AT AT DRAMA HEHEHEHE!.............
OVERALL MASAYA!!!!!!
KAYA MGA COCKMATES MABUHAY!!!!
:lol:
AGBIAG TI MANNADDI KEN TADERO!!!
DIOS TI AGNGINNA KADAKAYO AMIN!!!
:) :D
sonny_padilla
April 24th, 2004, 09:17 PM
mga parking boys naghihintay nagbabantay nagaabang saiyo para humingi ng balato.
Kidd Sentencia
March 19th, 2006, 01:14 PM
:lol:
gensoriano
March 19th, 2006, 09:44 PM
..ito yung mga tao na pagdating mo sa labas ng sabungan ay babatiin ka kaagad gamit ang pangalan mo kahit na hindi mo siya kilala - sabay tanong kung ilan ang dala mong manok habang papasok ka sa sabungan (Oh, Pedro kamusta na? Ilan bang panlaban natin?).
Minsan sasabihin sa iyo kung pwede mo siyang ipasok. Minsan naman ay makikipagkwentuhan na lang sa yo habang pumapasok ka sa sabungan kaya akala tuloy ng mga nasa gate ay kasama mo. Cocking Friends objective: Makalibre sa pinto.
:p
gensoriano
banderado84
March 19th, 2006, 09:57 PM
....naglalako ng nilagang mani @ butong pakwan.....ekstink na :(
Kidd Sentencia
March 20th, 2006, 12:28 AM
Pullets...hehehe, sigurado kita.
:lol:
Kidd
spitfire_ace
March 20th, 2006, 01:09 AM
Sa New Matina Gallera, may nagbibinta ng Good Morning Towel sa loob ng sabungan, imbes na "towel kayo dyan" ang sambit, ang sigaw niya ay " TAWIL-WIL-WIL-WIL-WIL"...
At saka 'yung mga nagbebenta ng, "ITLOG-MO-NOY-ORANGE"...mga nagbebenta nga yosi, itlog, at softdrinks...
;)
stinger
March 20th, 2006, 01:15 AM
Yung mga kambingan sa tabi ng sabungan...kung minsan makakatiyempo ka ng real pullet...
Ang asar naman ay yung mga amuyong, kahit di kasama sa grupo mo kapag nakikita kang nananalo, parang super-glue!
mode0
March 20th, 2006, 01:20 AM
mga kristong nagpapaligo ng laway at may putok, pagtinaas na ang kamay para tumawag talaga naman nakakahilo, sira ang diskarte mo.:lol:
buster
March 20th, 2006, 01:30 AM
:lol:
totoo yan mode0.
di ko mapigilan tumawa sa sinabi mo!!!!!
dbm174
March 20th, 2006, 05:28 AM
yung palaging nakikisakay lalo na't madaling araw na natapos ang derby........palaging dahilan wala ng jeep o bus na bumabiyahe o di kaya wala ng pamasahe dahil naubos lahat sa pusta............................................. ........:smoke:
Kidd Sentencia
March 20th, 2006, 12:39 PM
Mga balikbayan...hehehe, naka-shorts...umiinom at nakangisi, pag okay pa...pag lotats na eh mukhang puyat na rin kahit maaga pa :lol:
minsan panalo, minsan talo...
Kidd
banderado84
March 20th, 2006, 12:47 PM
......yung pinaka malakas sumigaw habang tahimik na tahimik...... i never caught ONE.... :lol:
zrauloh
March 21st, 2006, 12:20 AM
Mga promo girls. Mga cute. Wow legs siempre.
thatch
March 21st, 2006, 12:21 PM
Yung mga nag titinda ng manok sa bayong....binibitaw sa napakadulas na semento...minsan kala mo ang bibilis ng manok...ang bilis madulas at kumahig....
Mga matchmaker...ang lakas ding mang urat makagawa lang ng sultada...pagkakilala nila ang makakalaban or yung may pasabong...sasabihiin parehasan lang daw ang laban....:lol:
Eddie go
March 21st, 2006, 01:04 PM
Kidd, GoldenDragon, mga walang hiya kayo naihi ako sa pantalon ng katatawa, sabog pati laway ko sa inyo. Pero thanks for this pati ang komander ay lumabas sa kwarto dahil talagang namamatay ako sa katatawa.
bossm
March 21st, 2006, 01:13 PM
mando- mga taong mandorokot ng wallet, mandorogas
papa- mga bading na nagaabang ng mga papang talunan :wink2:
top_signature
March 21st, 2006, 01:35 PM
Yung magulang na Mang-uulot
ito yung lalapitan ka dala manok niya at didiinan ang manok na halos bumaon na sa semento yung manok niya para lang mapalabas na pantay ang taas nang manok niyo at pipisilin nang maigi para masabing pantay sa lapad ang dalawa. saka sasabihin sa iyo "ano? larga na! pang dos-dos lang ito!"
pag sinabihan mo naman na sige palit tayo nang manok laban ako sa iyo ay sasabihan kang luko-luko at titingnan ka nang masama na animo'y ginugulangan mo siya!
nakow pow!
kakkaniko
October 10th, 2007, 10:21 PM
Maganda ang thread na ito nakaka:) :D
b_tigas
October 11th, 2007, 03:03 AM
Yung mga nag titinda ng manok sa bayong....binibitaw sa napakadulas na semento...minsan kala mo ang bibilis ng manok...ang bilis madulas at kumahig....
Mga matchmaker...ang lakas ding mang urat makagawa lang ng sultada...pagkakilala nila ang makakalaban or yung may pasabong...sasabihiin parehasan lang daw ang laban....:lol:
ngaaqqqkkkkkk mi na lala ako nabileng manok noon sa lucky sports complex...waaaaaaaaa ....hahahahahaha
pontengwhite
October 11th, 2007, 06:46 AM
Ang iingay...ang kukulit...sigaw...diskusyun...sabit..negosyo dito negosyo doon...mga tiga pusta!
jamesbulahaw
October 11th, 2007, 07:22 AM
Taga Tanggal Ng Tutuli , Meron Pa Ba Nito? Noong Araw Meron Nito Sa La Loma, Nagulat Ako Dahil Ang Instrumento Nito Ay Matutulis At Ipapasok Sa Tenga Mo. Sa Maniwala Kayo At Hinde May Roon Ding Nagpapalinis Ng Tenga . Paging Boss Kahig Meron Paba Diyan Sa La Loma.
b_tigas
October 11th, 2007, 07:28 AM
Taga Tanggal Ng Tutuli , Meron Pa Ba Nito? Noong Araw Meron Nito Sa La Loma, Nagulat Ako Dahil Ang Instrumento Nito Ay Matutulis At Ipapasok Sa Tenga Mo. Sa Maniwala Kayo At Hinde May Roon Ding Nagpapalinis Ng Tenga . Paging Boss Kahig Meron Paba Diyan Sa La Loma.
delikado iyan payong mga kapatid baka biglang mi tumulak sa likod nakup napasak sa tenga yung instrumento di butas ear drum ng customer..
huwag na iyan mas maganda masahe..back rub.
ano say ninyo..
hinde ba maganda ang masahe sa likod ....hehehehehehehe
striker56
October 11th, 2007, 08:46 AM
bading na kristo....
meron din akong nakitang ganito... halata kasi nagladlad na...kapal pa ng make-up habang tumatawag...hehhee
Inscissor
October 11th, 2007, 09:44 AM
mga tao sa labas ng gate........ kapag may derby mahal ang gate, yung mga walang pambayad tyaga sa kaaantay sa mga may entry, nagkukumpolan lahat kaya mahirap pumasok. parating palang ang may entry kala mo politiko:D. daig pa ang grammy awards night ehhehe
kakkaniko
October 11th, 2007, 01:11 PM
May Kristo ba na babae?
nemesis
October 11th, 2007, 02:28 PM
Hehehe....
Hanep din naman kayo maghalukay ng nakabaong thread, ah!
Imagine.....year 2000 pa itong thread na ito, nahalukay pa!!!!
:D:D:D
sweater_gwapo
October 11th, 2007, 03:30 PM
kristong ngongo na tomboy pa!!!
hehehe
share ko lang ito...
Minsan nanalo kami sa trabesya ng malaki, cnama ko sa beerhaus, ang sabi ko "ning (pangalan ng kristo), dodblehin ko porsyento mo, basta kanta ka lang (nasa vip room kami nun), kanta naman ang loko hahaha..sakit tyan namin sa kakatawa.
kung sa del monte kayo nagsasabong cgurado ako kilala nyo sya hehehe
kenian_castro
October 15th, 2007, 06:03 PM
eto pa, isama na rin sa listahan ng mga mukha sa sabungan...
mga hotbabes- sila yung mga escort ng mga bigtime sabungeros, politiko, balikbayan...kadalasan sexy ang suot, mapapatingin ka pag dumaan sa harap mo...basta may pera ka pwedi ka magdala nito sa sabungan, pampabwenas,,,hehehe...wag lang malalaman ni misis...
b_tigas
October 16th, 2007, 04:54 AM
kara krus sa tabi tabi habang wala pang sultada nagsisimula ito ng alas 11 hangga ala 1 minsan tuloy tuloy...dati akong shooter dyan sa kara krus....
top_signature
October 16th, 2007, 09:34 AM
ITO NAKAKATAWA...FIRST TIME KO NAKAKITA NG GANITO...
Sa Sabungan ni pareng Edwin sa Candaba may bading (bakla) akong nakita sa Canteen niya...anghinhin umorder at babaeng babae ang boses...nung nagsimula na ang labanan nakita ko sa harap ng Ruweda at Kristo pala siya...Baklang Kristo...hehehe at ang nakakatawa ay biglang sumigaw ng LoDiyes! LoDiyes! LoDiyes! at napakalaki ng BOSES...hehehe
diyan natawa ako at nailing ng makita ko ito...hehehe
cheers!
pontengwhite
October 16th, 2007, 12:10 PM
Huwag po nating kalilimutan yung MAMBABALATO sa sabungan...walang ginawa kung hindi mag abang at mang hingi...bigla na lang susulpot sa TABI mo at uupak ng kwento...pag pa alis ka na bigla na lang magsasabi at hihingi ng pang meryenda...pag kulang binigay mo sa inaasahan niya...pa iling iling pa...ang sabong nga naman.
kakkaniko
October 16th, 2007, 02:46 PM
Huwag po nating kalilimutan yung MAMBABALATO sa sabungan...walang ginawa kung hindi mag abang at mang hingi...bigla na lang susulpot sa TABI mo at uupak ng kwento...pag pa alis ka na bigla na lang magsasabi at hihingi ng pang meryenda...pag kulang binigay mo sa inaasahan niya...pa iling iling pa...ang sabong nga naman.
Mayroon pa diyan na aalukin ka ng halls(candy) or juicy fruit tapos hihingi lang ng balato:)
edwin
October 16th, 2007, 08:06 PM
ITO NAKAKATAWA...FIRST TIME KO NAKAKITA NG GANITO...
Sa Sabungan ni pareng Edwin sa Candaba may bading (bakla) akong nakita sa Canteen niya...anghinhin umorder at babaeng babae ang boses...nung nagsimula na ang labanan nakita ko sa harap ng Ruweda at Kristo pala siya...Baklang Kristo...hehehe at ang nakakatawa ay biglang sumigaw ng LoDiyes! LoDiyes! LoDiyes! at napakalaki ng BOSES...hehehe
diyan natawa ako at nailing ng makita ko ito...hehehe
cheers!
ha-ha-ha pare ang erpat niya ay kung tawagin sa buong Pampanga ay Daong at magaling mag tare, mag condition at hindi rin ako makapaniwala sabungwera ang na produce at hindi sabungero ha-ha-ha. Alaskador kasi he-he-he
^/
(",) Candaba Square Garden po sa November 8 Thursday " 3 cock season opener po"
broodcock69
October 25th, 2007, 10:40 AM
marami na akong nakitang nakakatawa at nakakainis na mga tao sa sabungan. halimbawa na lang yung mga nanghihingi ng abuloy sa patay kung mapupuna mo yung mga nanghihingi linggo linggo na lang yun sila't sila rin ang nagiikot may dalang xerox copy ng death certificate na hindi mo na mabasa kung sino ang patay,sabi ko nga minsan sa nanghihingi kung yung patay mismo ang dadalahin nyo magbibigay ako sa inyo bakit kamo? kc halos 20 years ko na silang nakikita sa sabungan yung mga batang karay karay nila may mga anak na rin.
meron pang isa katulad ng nabangit ni JRTRAS yung mga nakaputi daw na nagiikot at nag aalok ng BP( blood pressure)hindi sila dapat mag BP agad, kc kung aalamin talaga ng isang tao kung kelan sila dapat magpa BP dapat at rest sila ng 30 mins bago BP yun ang tama.Meron pa silang bagong style ngayon FBS naman para malaman ang sugar level ng isang tao , pero tanungin mo sila hindi nila alam ibig sabihin o kahulugan ng FBS( fasting blood sugar)pati na rin ang level ng isang taong may diabetis na kaya ingat lang mga kasabong wag kayong papaloko sa mga taong ito!!
rodwel
October 31st, 2007, 12:55 PM
sir sweater_ gwapo kilala ko yung sinasabi mo kc sa delmonte din ako nagsasabong.
share ko lang sa akin, minsan nagsabong ako derby karamihan mga bigtime pagpasok ko sa loob biglang may lumapit sa akin an kristo sabi ba naman "boss yung nasa meron bigtime walang talo"sa una pinagbigyan ko. habang nagpapaluan panay ang sabi sa akin ng" pili ko yan!pili ko yan!" eh halos hindi pa nagkakatamaan!good thing kc nanalo ang pinili nya. pangalawang pusta namin , kursunda ko wala ang kanya naman meron sabi sa akin uli " boss kay jun santiago ang nasa meron walang talo" nagdalawang isip ako kc ang laki ng ulo ng nasa wala talisaying itim pa kaya halos 10-6 ang tawag, buti na lang nakita ko yung umakyat para magbitaw at pinsan ko pala.:) dun ako lumagay sa wala aba! nagalit yung kristo ko sabi ba naman sa akin pag nahawakan yung pinustahan ko eh para daw giniling ang labas!:eek: hindi ako umimik. after the fight nanalo ang sa wala walang galos kahit sa paa wala din!:D binigyan ko kristo ko ng 7500 aba! ang damuho at ayaw pa! ang gusto pa eh 10k!:mad: ang tigas din ng mukha!:mad: eh halos 30k lang naman inakyat nya sa akin ay nakita nya lang na malaki tinamaan ko dun sa laban ni santiago.:confused: ang mga tao nga naman sa sabungan walang kasiyahan! gud day po sa nyong lahat!
georgearias
October 31st, 2007, 01:52 PM
Na Experience ko dyan sa Antipolo Col. ang daming Tao sa LOOB ng RUEDA, hindi man lang mapapa-alis ng nagpapalakad ng sabungan,.
Pati Kristo, Gaffer, nasa LOOB na RUEDA, sana mapansin ng Management.
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.