PDA

View Full Version : pagpurga

joel mat
February 24th, 2009, 10:56 AM
mga kakmeyts gaano ba kahalaga ang pagpurga ng manok panabong.......halimbawa kung okey lang naman ang katawan ng manok kailangan pa rin ba ang pag purga, tuwing kelan dapat magpurga,at ilang buwan o edad, bago puede na purgahin ang manok...thanks mga kakmeyt.......

MBhoss
February 24th, 2009, 11:38 AM
Once a month kasabong ang pagpupurga kahit na nakikita mo na malaki ang katawan ng manok mo kailangan mo pa rin itong purgahin isang beses isang buwan para lalong maging healthy yon mga manok mo.

joel mat
February 24th, 2009, 12:17 PM
Once a month kasabong ang pagpupurga kahit na nakikita mo na malaki ang katawan ng manok mo kailangan mo pa rin itong purgahin isang beses isang buwan para lalong maging healthy yon mga manok mo.

thank u sir.........ano ba effective na pampurga yong tablet ba o yong bunga na ginagawang nganga ng matatanda,kasi naranasan ko mag purga ng nganga na hilaw yong mura ilang minuto lang labas agad yong bulate pero pag tablet parang wala akong nakitang lumalabas?.....

RCR75
February 24th, 2009, 12:25 PM
yung bunga mas effective at mas mura:)

QUOTE=joel mat]thank u sir.........ano ba effective na pampurga yong tablet ba o yong bunga na ginagawang nganga ng matatanda,kasi naranasan ko mag purga ng nganga na hilaw yong mura ilang minuto lang labas agad yong bulate pero pag tablet parang wala akong nakitang lumalabas?.....[/QUOTE]

popoi
February 24th, 2009, 12:44 PM
sir nbasa ko sa mga past thread dito dapat as early as
3 months old or mas younger pa eh pinupurga na. every month
kung stags or cock na. yong bunga effective talaga yan pero
may overdose din kasi ito, minsan pag sumubra yong naisubo
mo eh nahihilo ang manok. yong mga tableta karaniwan wala
tayong nakikitang bulate kasi karaniwan nadudurog na ng
gamot sa bituka pa lang, naisasama na ito sa ipot. pero kung
hindi ka kombinsido sa isang brand try mo yong iba para
maihambing mo ang resulta.:)

RCR75
February 24th, 2009, 12:48 PM
tama ka dyan pre, yung bunga dapat divide into 4 para iwas dilikado sa nokis:)

sir nbasa ko sa mga past thread dito dapat as early as
3 months old or mas younger pa eh pinupurga na. every month
kung stags or cock na. yong bunga effective talaga yan pero
may overdose din kasi ito, minsan pag sumubra yong naisubo
mo eh nahihilo ang manok. yong mga tableta karaniwan wala
tayong nakikitang bulate kasi karaniwan nadudurog na ng
gamot sa bituka pa lang, naisasama na ito sa ipot. pero kung
hindi ka kombinsido sa isang brand try mo yong iba para
maihambing mo ang resulta.:)

joel mat
February 24th, 2009, 12:50 PM

thanks ka popoy..........

joel mat
February 24th, 2009, 12:52 PM
ginagawa namin kalahati lang ng bunga.......

MBhoss
February 24th, 2009, 02:14 PM
hammer gamit ko na pamurga tested ko na nailalabas ang mga bulate at walng side effect sa manok

jml jasser
February 24th, 2009, 02:23 PM
Ako as early as one month nag pupuraga na ako. kasi hindi ka kasi nakaka sigurado na hindi madadapuan ng langaw yung patukaan mo. May nabibili na kasi ngayon na pang purga pra sa mga sisiw "HAMMER" ng SAGUPAAN wag lang ibabad yung pag purga pag kainum ng mga sisiw at umaway na alisin na to avoid to much stress sa mga sisiw...eto ay practice ko lang hindi ko po siya sinasabing gawain ninyo rin.. heheh:)

jml jasser
February 24th, 2009, 02:28 PM
Sa mga cock naman pwede every months...BUnga maganda yan kaso pag nasubrahan makakamatay ng manok. Much better to dewormer availbale in the market today..:)

centurius
February 24th, 2009, 02:42 PM
patulong ng kaunti mga kakmeyts...may bad news kasing nakarating sa akin galing sa aking handler...may kinokondisyon siyang 8 manok para sa 5 cock derby nitong darating na marso eh nagtxt kanikanina lang at sinabing pinurga niya ang mga ito ng LATIGO-50 at nung patanghali na daw eh 4 naman na ang natodas at yung ibang natitira pa eh nangingitim na rin daw ang mga mukha...baka naman may alam kayong solusyon at ng maagapan pa yung iba...maraming salamat kung ano man ang maipapayo niyo...god bless!

Ronking_GF
February 24th, 2009, 02:45 PM
astig wormer is da best...fast recovery too...

RCR75
February 24th, 2009, 03:04 PM
di pa ako nakaranas ng ganyan insidente, sana ibang cockmates natin maka pag share papano.

patulong ng kaunti mga kakmeyts...may bad news kasing nakarating sa akin galing sa aking handler...may kinokondisyon siyang 8 manok para sa 5 cock derby nitong darating na marso eh nagtxt kanikanina lang at sinabing pinurga niya ang mga ito ng LATIGO-50 at nung patanghali na daw eh 4 naman na ang natodas at yung ibang natitira pa eh nangingitim na rin daw ang mga mukha...baka naman may alam kayong solusyon at ng maagapan pa yung iba...maraming salamat kung ano man ang maipapayo niyo...god bless!

popoi
February 24th, 2009, 03:10 PM

sir bakit latigo 50 binigay nya. ang alam ko ito ay para sa
baboy, kambing, karnero, aso atbp. nabasa ko sa website
ng Univet na ang dosage & administration nito ay one (1)
tablet per 6kg bodyweight. sa label pa lang eh mali na ibigay
natin ito sa ating manok panabong..

alwin
February 24th, 2009, 03:27 PM
patulong ng kaunti mga kakmeyts...may bad news kasing nakarating sa akin galing sa aking handler...may kinokondisyon siyang 8 manok para sa 5 cock derby nitong darating na marso eh nagtxt kanikanina lang at sinabing pinurga niya ang mga ito ng LATIGO-50 at nung patanghali na daw eh 4 naman na ang natodas at yung ibang natitira pa eh nangingitim na rin daw ang mga mukha...baka naman may alam kayong solusyon at ng maagapan pa yung iba...maraming salamat kung ano man ang maipapayo niyo...god bless!

sir I think ang latigo 50 ay hindi para sa manok malakas ito kasi para sa malalaking hayop ito katulad ng baboy, kambing etc. marami namang pampurga sa manok gaya ng hammer, ct williams, rid a worm, wormal etc. be sure na iba iba ang p-urga mo every month to avoid resistance sa drugs

sugwan8
February 24th, 2009, 03:49 PM
sir I think ang latigo 50 ay hindi para sa manok malakas ito kasi para sa malalaking hayop ito katulad ng baboy, kambing etc. marami namang pampurga sa manok gaya ng hammer, ct williams, rid a worm, wormal etc. be sure na iba iba ang p-urga mo every month to avoid resistance sa drugs

try mo hammer ng sagupaan

timiboy420
February 24th, 2009, 05:31 PM
Alam nyo gamit ko nga pang baka,kalabaw, baboy at 1ml/10kgs ang instruction pero ang binibigay ko ay over pa talaga 1ml bawat manok VALBACIN gamit ko patay mga roundworm pati tapeworm. alam nyo sa experience ko roundworm lng kaya ng tabletas pero kapag tapeworm na dina eto mabisa at 2 lang ang subok ko na mabisa Bunga- labas ang tapeworm pero dapat hilahin dahil bumabalik ang iba at napuputol. makikita mo kasing laki ng daliri ang dami ng tapeworm na lumalabas pero kapag tabletas mga 5,3,isang piraso lng. VALBACIN- patay talaga at di kana mag aantay para hilahin ang tapeworm dahil patay itong lalabas

sandugoexpress
February 24th, 2009, 07:09 PM

bro timmy boy san nakabibili ng VALBACIN na pangdeworm. pwede rin ba yan sa 2 to 3 months old chicks? Totoo bang mas mabisa yan kesa sa bunga? Sana masagot mo tanong ko at tnx in advance.

Aris.

qyammy
February 24th, 2009, 07:37 PM
Gamit ko rin ay "bunga" effective...stag or cocks 1/4 lang ng bunga (divide the bunga into 4 parts)
Pag mas bata pa sa stags 1/8 bigay ko.
Warning: Give this bunga pag walang sipon ang manok, nakakamatay:)

timiboy420
February 24th, 2009, 08:14 PM
bro timmy boy san nakabibili ng VALBACIN na pangdeworm. pwede rin ba yan sa 2 to 3 months old chicks? Totoo bang mas mabisa yan kesa sa bunga? Sana masagot mo tanong ko at tnx in advance.

Aris.

VALBAZEN pla gawa ng Pfizer Mabibili mo yan sa mga agrivet. Alam mo si teddy tanchangco ang nag turo nyan dati d2 sa thread na 1ml/bird pero ung mature na manok hinde sa sisiw. nung una kasi 0.2ml/bird gamit ko at di ako satisfied ng subukan ko 1ml/bird tangal mga tape. Parte sa sisiw roundworm palang ang common parasite nyan tangal yan sa tindang sachet na pang purga na mabibili mo rin sa agrivet.
Ma kwento ko narin nung nag cocondition ako ng manok ko 1st day washout at deworm tablet ang ginamit ko following day may roundworm na patay sa tae nya sa Tpee pero wlang tapeworm. After 10days nakita ko may itlog ng tape ang tae ng manok na kinukundisyon ko ibig sabihin merong mature na tape ang manok ko kahit napurga kuna sya. Tingin ko di kaya ng tablet kapag tape na ang usapan. Bunga mabisang pang palabas pero di makapatay, gamit ko ung medyo matigas na na bunga. My manok na naglalaway sa bunga at nagtatayuan ang balahibo pero di naman namatay.

joel mat
February 25th, 2009, 07:05 AM
dapat ba kakmeyts empty yong manok bago purgahin at okey lang na may tubig ilang oras bago mo pakainin pagkatapos mag purga..thanks

nilodeleon
February 25th, 2009, 08:46 AM
mga kakmeyts gaano ba kahalaga ang pagpurga ng manok panabong.......halimbawa kung okey lang naman ang katawan ng manok kailangan pa rin ba ang pag purga, tuwing kelan dapat magpurga,at ilang buwan o edad, bago puede na purgahin ang manok...thanks mga kakmeyt....... joel mat,
nagtanong na din ako tungkol sa bagay na 'to, eto ang sagot sa akin ni dr. yabut,
ang pagpupurga kase depende yan sa infestation ng bulate sa lugar mo. kung hindi naman malangaw o maraming langgam ang lugar mo ay hindi na kailangan gawing monthly ang purga. pero sa pilipinas kase maraming farms ang may langgam at malangaw kaya monthly ang purga. ang mga flies and ants kase ang number 1 na nagkakalat ng bulate. ang life cycle kase ng isang bulate is around 14 days.
sana makatulong.
nilo

rdrcado
February 25th, 2009, 09:21 AM
dapat ba kakmeyts empty yong manok bago purgahin at okey lang na may tubig ilang oras bago mo pakainin pagkatapos mag purga..thanks

mas maganda kung empty ung manok para mas epektobo,, sa akin tubig lang ang binibigay ko, pag nag pupurga,, at khit maganda ang katawan ng manok mo mapapansin mo na parang matamlay sila dahil may bulati yan,, tignan mo after deworming, mapapansin mo na masisigla na nman sila...

BisayaKoBai
February 25th, 2009, 06:54 PM
magkano po ang valbazen ngayon?

noypi_one
February 25th, 2009, 07:00 PM
try nyo ct williams na pamurga at mahusay. medyo may kamahalan lng ng kaunti at 17 per piraso.

lexlavin32
February 25th, 2009, 08:00 PM
try nyo ct williams na pamurga at mahusay. medyo may kamahalan lng ng kaunti at 17 per piraso.

Deworning fowls is a "must do" for everyone. This is to devoid internal parasites and attain optinum health. Keep fowls at holding pen while deworming. Effective when given while fowls are fasting but some dewormers are non-fasting. Be sure to know the dewormer before using, there are certain brands of medicines which does not eliminate all types of worms in gamefowl. In PI, I just use Vermex-2 and Tape Terminator alternately. Vermex-2 eliminates worms such as; roundworms, hairworms and tapeworms. While Tape Terminator eliminates worms such as; tapeworms, roundworms, cecal worms, gapeworms, gizzard worms and threadworms. Remember that there is a certain "withdrawal period" to all these medicines. I use CT Williams as last dose of dewormer prior to conditioning (no fasting).

balian
February 25th, 2009, 10:08 PM
kagaya ng iba dito, gumagamit din ako ng bunga sa mga hindi pa panlaban... once a month. yung mura pa (malambot) at pinag-aapat na parte. sa hapon ay hindi patutukain, then kinabukasan ang purga. may babad lang ng tubig habang pinupurga ng bunga. nanginginig ang tuhod ng manok at namamalukag (tumataas ang pulok) pero pagkatapos mailabas ang bulate ay bumabalik din ang sigla nila. wag mo lang iiwanan ang manok habang pinupurga ng bunga para kapag nakita mo na nahihirapang huminga (dahil lumalapot ang laway kapag napasobra ang bigay ng bunga) ay dukutin mo lang ang lalamunan. so far, in 5 years na paggamit namin ng bunga ay wala pa namang nadidisgrasyang manok. medyo stress lang ang manok sa bunga kaya hindi ito puwede kapag nasa pre-con at conditioning stage na ang manok.

nilodeleon
February 26th, 2009, 05:55 AM
kagaya ng iba dito, gumagamit din ako ng bunga sa mga hindi pa panlaban... once a month. yung mura pa (malambot) at pinag-aapat na parte. sa hapon ay hindi patutukain, then kinabukasan ang purga. may babad lang ng tubig habang pinupurga ng bunga. nanginginig ang tuhod ng manok at namamalukag (tumataas ang pulok) pero pagkatapos mailabas ang bulate ay bumabalik din ang sigla nila. wag mo lang iiwanan ang manok habang pinupurga ng bunga para kapag nakita mo na nahihirapang huminga (dahil lumalapot ang laway kapag napasobra ang bigay ng bunga) ay dukutin mo lang ang lalamunan. so far, in 5 years na paggamit namin ng bunga ay wala pa namang nadidisgrasyang manok. medyo stress lang ang manok sa bunga kaya hindi ito puwede kapag nasa pre-con at conditioning stage na ang manok. sa tingin mo ba ay hindi nakaka-epekto sa manok ang bunga? kung ang manok ay nanginginig at tumatayo ang balukag ay hindi kaya "mild poisoning" ang epekto nito? sa mga nagiging re-aksyon ng manok sa binibigay mo ay hindi mo ba na-iisip na magkaroon ng masamang epekto ang bunga sa manok?
hindi ko sinasabi na mali o tama ang ginagawa mo, kaya lang ay sa mga sinasabi mong nangyayari sa mga manok ay dapat siguro na mag-dalawang isip bago gawin ito.
nilo

balian
February 26th, 2009, 06:18 AM
sa tingin mo ba ay hindi nakaka-epekto sa manok ang bunga? kung ang manok ay nanginginig at tumatayo ang balukag ay hindi kaya "mild poisoning" ang epekto nito? sa mga nagiging re-aksyon ng manok sa binibigay mo ay hindi mo ba na-iisip na magkaroon ng masamang epekto ang bunga sa manok?
hindi ko sinasabi na mali o tama ang ginagawa mo, kaya lang ay sa mga sinasabi mong nangyayari sa mga manok ay dapat siguro na mag-dalawang isip bago gawin ito.
nilo

bossing nilo, merong side effect but minimal and tolerable. healthy naman ang mga manok kaya hindi ako nagda-dalawang-isip sa paggamit ng bunga. ang bunga ay nginanganga ng matatanda at ginagamit panggamot ng mga albularyo at hindi naman sila nalalason. ang paniwala ko kasi, kapag puwede sa tao ay puwede rin sa manok.

nilodeleon
February 26th, 2009, 07:05 AM
bossing nilo, merong side effect but minimal and tolerable. healthy naman ang mga manok kaya hindi ako nagda-dalawang-isip sa paggamit ng bunga. ang bunga ay nginanganga ng matatanda at ginagamit panggamot ng mga albularyo at hindi naman sila nalalason. ang paniwala ko kasi, kapag puwede sa tao ay puwede rin sa manok.
na-isip ko lang na baka nga nakakasama sa mga manok, kung ayos naman sa 'yo ay hindi naman kita pwedeng pigilan, nagtatanong lang ako. alam ko kung ano ang bunga, nginanganga ng mga lola ko 'to, nilalagyan ng apog yata 'yung berdeng dahon tapos ay mag-slice ng bunga na manipis at saka isusubo at ngunguyain, solved na sila n'on:rolleyes:.
nilo

lexlavin32
February 26th, 2009, 04:49 PM
bossing nilo, merong side effect but minimal and tolerable. healthy naman ang mga manok kaya hindi ako nagda-dalawang-isip sa paggamit ng bunga. ang bunga ay nginanganga ng matatanda at ginagamit panggamot ng mga albularyo at hindi naman sila nalalason. ang paniwala ko kasi, kapag puwede sa tao ay puwede rin sa manok.

with all due respect to everyone who uses "bunga", i have seen many peers using the same procedure but some lost their prized gamefowl due to stress and overdosing. if i got to make a choice, i would use safe and sound medicines which are clinically tested and does not give too much stress to my chickens. deworming (esp with fasting) is alot of stress to bear for gamefowl and it must be administered properly with the right medicine and care. as a reminder, pls don't forget to give bread soaked in warm sweetened milk after worms have been cleared out and that is before the chicken's next full meal.

insanity8
March 4th, 2009, 09:28 AM
Up natin for more info

kingstaller
March 4th, 2009, 11:42 AM
Monthly routine ang pagpurga sa ating mga alagang panabong para always healthy sila.

takong farm
March 4th, 2009, 01:15 PM
Ayus lang po bang purgahin ang mga broodcock na nakasalang sa breeding hindi ba additional stress ito sa kanila? Salamat po sa reply.

lexlavin32
March 4th, 2009, 06:46 PM
Ayus lang po bang purgahin ang mga broodcock na nakasalang sa breeding hindi ba additional stress ito sa kanila? Salamat po sa reply.

Delouse, deworm, bacterial flush at i condition ang lahat ng broodstock bago mo isalang.

elanise
March 4th, 2009, 09:46 PM
Delouse, deworm, bacterial flush at i condition ang lahat ng broodstock bago mo isalang.

good day sir...
magtatanung po sana ako kung ano po ginagamit nyo pang bacterial flushing??
and paano po ito gamitin??? dapat po ba empty din ang manok pag nag flushing po ako???
maraming salamat po

lexlavin32
March 4th, 2009, 10:34 PM
good day sir...
magtatanung po sana ako kung ano po ginagamit nyo pang bacterial flushing??
and paano po ito gamitin??? dapat po ba empty din ang manok pag nag flushing po ako??? maraming salamat po

elanise, magandang gabi din sayo, ang gamit ng bacterial flushing ay pagtanggal ng ano mang sakit (prophylaxis), as in infectious bacterial based na sakit, kadalasan ito ay mga nakakahawang sakit, sanhi ng viral, bacterial and water borne diseases, pwede kang gumamit ng tetracycline or chlorampinecol based na antibiotics, mainam na i underdose ang manok kesa overdosed in terms of giving antibiotics, 250 mg. ay ok na per head (matured stocks), use water soluble antibiotics para sa mga palahing ang edad ay below 5 months, kailangang may laman ang butsi ng manok mo during bacterial flushing.

elanise
March 5th, 2009, 06:52 AM

salamat po sir...
dagdag katanungan lang po...
ilang araw po ba ginagawa ang bacterial flushing...
after afternoon meal po ba binibigay to???
and how many days pgktapos ng flushing pdeng ilaban ang manok???
maraming salamat po sa tulong...

natan
March 5th, 2009, 09:42 AM
mga sir, tanong lang po kung anong age ng sisiw na pwede ng purgahin? at gaano po kadalas silang pinupurga (twice a month ba o once lang)? at ano po ang mabisa na nasa market ngayon? hinahalo ba ito sa feeds o sa tubig? maraming salamat in advance!

jml jasser
March 5th, 2009, 09:49 AM
Pero be carefull po kayo sa pag gamit ng Bunga sa pang purga pag po sumubra nakakamatay po ito ng manok...everything should be in moderation...suggestion k lnag po...:) :D

jml jasser
March 5th, 2009, 09:51 AM
:D ako as early as one month nag pupurga na ako. may mga available na kc sa market na pang purga para sa mga sisisw. HAMMER . Yan Idol Patrick ini indorse ko yang product mo....:D

lexlavin32
March 5th, 2009, 03:14 PM
salamat po sir...
dagdag katanungan lang po... ilang araw po ba ginagawa ang bacterial flushing... after afternoon meal po ba binibigay to??? and how many days pgktapos ng flushing pdeng ilaban ang manok??? maraming salamat po sa tulong...

elanise, walang ano man, sana makatulong sayo ano man ang mga matutunan mo sa kapakipakinabang na site na to, at sa mga kasabong nating magaganda ang loob, na nagbibigay payo para sa lahat, kung sa mga panabong, mainam na mag bacterial flushing ka before the start of conditioning, yan ay pagkatapos mong mag delouse at deworm, pwede mong ulitin ang bacterial flushing at the middle of conditioning period, para sigurado kang ang mga manok ay healthy until fight day, mainam mag bacterial flushing sa gabi, after meal, dahil mas maganda ang metabolical absorption ng manok sa gabi, at well rested ang manok.

elanise
March 5th, 2009, 09:51 PM

salamat po sir..
so isang araw lang po ba bibigyan ng capsule ang manok sir???

lexlavin32
March 6th, 2009, 12:56 AM
salamat po sir..
so isang araw lang po ba bibigyan ng capsule ang manok sir???

Maintenance:
1x a month
Conditioning:
30 days = 1x at start of conditioning and 1x two weeks later
21 days = 1x at start conditioning and 1x 10 days later
14 days = 1x at start of conditioning

elanise
March 6th, 2009, 11:31 AM
maraming salamat po sir...
mabuhay po kayo...
malaking tulong po ito sa katulad kong baguhan...

lexlavin32
March 7th, 2009, 11:43 PM
maraming salamat po sir...
mabuhay po kayo...
malaking tulong po ito sa katulad kong baguhan...

elanise, walang ano man po, nawa'y nakatulong sayo kahit konti, good luck sa inyo, god bless...

joel mat
March 14th, 2009, 07:45 PM
:D ako as early as one month nag pupurga na ako. may mga available na kc sa market na pang purga para sa mga sisisw. HAMMER . Yan Idol Patrick ini indorse ko yang product mo....:D

yong pakyaw na pangpurga kakmates okey din ba?:peffective din

Eddie go
March 14th, 2009, 09:09 PM
Another dagdag kaalaman ito sa akin at sa marami pang mga kasabong dito sa net at maraming salamat sa lahat sa walang sawang naglalagay dito ng mga bagay na makatutulong sa mga baguhan at ibang tao na kaunti lang ang alam tungkol dito. Have a nice weekend sa lahat.

Eddie

airwhen john
March 25th, 2009, 02:15 AM
hammer gamit ko na pamurga tested ko na nailalabas ang mga bulate at walng side effect sa manok

sir. hammer din ang gamit ko kailangan ba na fasting ang manok pag pupurgahin mo ng hammer

RobinxHood71
March 25th, 2009, 04:12 AM
Pag pinupurga ko ang aking mga manokis stags at cocks ay hindi ko pina-fasting, sa madaling araw ala singko ang pagpupurga namin kaya empty na sila saka pakakainin ng ala siete..

MBhoss
March 25th, 2009, 08:49 AM
sir. hammer din ang gamit ko kailangan ba na fasting ang manok pag pupurgahin mo ng hammer

Pwede mo fasting yon warriors mo sa hapon din purga ka ng 4am

Pwede rin hinde mo ipasting yon manok basta empty na tapos purga ka ng 5am

sana makatulong sayo kasabong....

lexlavin32
March 25th, 2009, 03:01 PM
Pwede mo fasting yon warriors mo sa hapon din purga ka ng 4am

Pwede rin hinde mo ipasting yon manok basta empty na tapos purga ka ng 5am

sana makatulong sayo kasabong....

I prefer deworming with fasting, make sure your fowl is gut empty or near to that to make deworming effective, this way you save valuable time and effort. Remember to give soft bread soaked in sweetened milk or yogurt as first meal after deworming and give regular meal after two hours or so.

Mund Belnas
March 25th, 2009, 04:55 PM
mga sir, 2 months old na sisiw puede na ba purgahin? ano dapat i-purga at paano gagawin, empty din po ba muna sila bago purgahin? maraming salamat po.