PDA

View Full Version : Alin ang mas mainam sa ngayon sa knife tying..traditional or leather na sapin..?

311newroad
June 18th, 2009, 11:28 PM
Mga kasabong lalo na sa mga nagtatare..alin ang mas mainam sa ngayon na style ng pagtatare..noon kc parang di pa masyadong pinapansin ang leather na sapin kadalasan traditional or yung nakasanayan ng pag sasapin ang gamit pero sa ngayon marami na ring gumagamit nito..post lang natin para malaman kahit saang dako ng Pinas ang mas pabor sa dalawa...

bluelegged
June 19th, 2009, 01:50 AM
Mga kasabong lalo na sa mga nagtatare..alin ang mas mainam sa ngayon na style ng pagtatare..noon kc parang di pa masyadong pinapansin ang leather na sapin kadalasan traditional or yung nakasanayan ng pag sasapin ang gamit pero sa ngayon marami na ring gumagamit nito..post lang natin para malaman kahit saang dako ng Pinas ang mas pabor sa dalawa...

PAREHAS LANG YAN BRO, WAG KA LANG AASINTA SA TUMBONG NG MANOK BAKA MALIGAW KA. DI SA TUMBONG NG MANOK SILIPAN DYAN NAGKAKATAON LANG NA DUN NAKATAPAT.

moi-moi
June 19th, 2009, 02:01 AM
Mga kasabong lalo na sa mga nagtatare..alin ang mas mainam sa ngayon na style ng pagtatare..noon kc parang di pa masyadong pinapansin ang leather na sapin kadalasan traditional or yung nakasanayan ng pag sasapin ang gamit pero sa ngayon marami na ring gumagamit nito..post lang natin para malaman kahit saang dako ng Pinas ang mas pabor sa dalawa...

Para sa akin na beginner pa lang, mas gusto ko yung leather na sapin. Una mabilis ikabit, pangalawa, sigurado itong hindi iikot at gagalaw dahil nakapasok ito sa tahid ng manok. Akmang-akma para sa mga beginner na magtatari.

dbm174
June 19th, 2009, 06:45 AM
sana nga may mga mananare sa atin na pwedeng makapag bigay ng kanilang opinyun.....para ngang mas madali ikabit ang leather na sapin...........pasensya na po kumukuha pa lang ng kaalaman dito........pero marami na ko nakita dito at yung dvd ni augustmoon na para ngang mas madali ........ano po ba ang pros and cons nito........

mnkbsy
June 19th, 2009, 10:10 AM

ako gamit ko ngayon yung traditional, at pag meron na akong leather na sapin, yun na gagamitin ko kasi mas madali.

sa tingin ko pareho lang kung marunong ka magkabit ng tari.

nativelito23
June 19th, 2009, 10:18 AM
Mga kasabong lalo na sa mga nagtatare..alin ang mas mainam sa ngayon na style ng pagtatare..noon kc parang di pa masyadong pinapansin ang leather na sapin kadalasan traditional or yung nakasanayan ng pag sasapin ang gamit pero sa ngayon marami na ring gumagamit nito..post lang natin para malaman kahit saang dako ng Pinas ang mas pabor sa dalawa...
para sa akin ay kung saan sanay at kumportable ang magtatari.tari naman kasi ang pumapatay at hindi ang sapin.pareho lang naman epektibo kung tama ang paglalagay o paggamit.

ronanisawesome
June 19th, 2009, 12:11 PM
ako.. pareho kong ginagamit ang sapin at leather boot. para sakin wala namang pakakaiba at importante maasinda mo ng tama at dapat d gumagalaw ang tari.

311newroad
June 19th, 2009, 12:59 PM
nice info mga bros...antayin pa natin ang mga iba nating kasabong sa kani kanilang opinyon...

ako naman di ko pa nasubukan ang leather boot kc mas hiyang ako sa traditional at parang art ito sa akin kc ikaw mismo gagawa ng alignment na gusto mo di katulad ng leather boot ay naka porma na kagad isasalpak na lang, mas maganda nga ito sa mga beginners..

swallow
June 19th, 2009, 01:33 PM
Isang alam ko na effect ng Leather boot eh mas hindi namimilay ang manok kasi uniform ang distribution ng higpit. hindi gumagalaw kasi mas maganda yun contact surface

Yun kabit naman eh wala pagkakaiba kasi hindi naman nababago ang asinta mo

al dioneda
June 19th, 2009, 04:36 PM
Mga Kasabong, tama po magaan at madali para sa mga beginners ang leather boot ang traditional naman ay madali kang makakapag adjust lalo na kung may diperensya ang tuhod ng manok kung pike o kaltes.

gs_lemons
June 19th, 2009, 05:10 PM
dito sa amin sa Socsargen maraming beteranong mananari nagsasabing mas maganda raw ang long tape (traditional sapin), pero ng nasubukan nila ang pag gamit ng leather boots eh naglipatan na sila.. ako gamit ko leather boots for 7 yrs hindi naman umikot ang tari ko.. mas confortable ako sa leatherboots kasi hindi ito BULKY at madaling ikabit...

jack_kie
June 19th, 2009, 05:52 PM
Gumagamit din ako ng leather boot ang problema lang pag may diprensya ang paa ng manok mahirap mag adjust and kung ang tari na ikakabit hindi tugma ang asinta para sa leather boot. Kaya sa mga magpapagawa ng tari sabihin agad sa tari maker na gumagamit ka din ng leather boot. Opinion ko lang po ;)

jacket
June 19th, 2009, 06:03 PM
nice info mga bros...antayin pa natin ang mga iba nating kasabong sa kani kanilang opinyon...

ako naman di ko pa nasubukan ang leather boot kc mas hiyang ako sa traditional at parang art ito sa akin kc ikaw mismo gagawa ng alignment na gusto mo di katulad ng leather boot ay naka porma na kagad isasalpak na lang, mas maganda nga ito sa mga beginners..

2 klase na ito, yung leather boot na fix na allignment nito at di ka na maka adjust pag may diprensya paa manok.
yung isa eh leather pad kapalit ito ng strip sapin( yung tinutupi ng apat na beses tapos pinapatungan ng paunan) medyo mas maiksi ang sapin pero pwede rin lahat ng adjustment.

311newroad
June 19th, 2009, 09:24 PM
2 klase na ito, yung leather boot na fix na allignment nito at di ka na maka adjust pag may diprensya paa manok.
yung isa eh leather pad kapalit ito ng strip sapin( yung tinutupi ng apat na beses tapos pinapatungan ng paunan) medyo mas maiksi ang sapin pero pwede rin lahat ng adjustment.ayos din pala ang leather boot at di lang pala 1 ang style...madalang lang kc ako kung umuwi ng Pinas kaya diko pa nakikita ibat ibang klase ng mga yan...maganda pala sa mga beginners o kahit sa mga dati ng nagtatare ang mga kaalamang ito sa pag tatare..

ani info kung sa mga bigtime derbies like WSC, Bakbakan ect. kung ano ang most prefer nilang gamit na sapin..?

jayson garcia
June 21st, 2009, 11:25 AM
ang leather booth na gamit ko ang masarap gamitin ng matagal at bago mananari, madali magadjust at wala ikot. bihira na ang di nagamit ng leather lalo na bigtime derby. sa lalakas ng palo ng mga cock ngayon napipilitan na umibo ang traditional na sapin unlike sa leather. madli at mabilis at timbang ang pagkakabit ng tari mo. kaya lang iba parin to sa ibenebenta ng iba simple ang design pero malapad ang patungan ng pangalang

rodrigoski2002
June 21st, 2009, 11:43 AM
parehas ko din ginagamit ang leather at traditional.pag may diperencya ang legs ng manok gamit ko ung sapin.pero pag ok namn gamit ko ung leather.
much better kung combine nyo ung sapin at leather cgurado na magagawa nyo ano man na adjustment ang gusto nyo.pede na high or low point.in or out.
favor lng ang leather lalo na kung mejo bata ang manok mo kzi pantay ang pressure nde namimilay agad.jmho rod

311newroad
June 21st, 2009, 12:19 PM
Mga bros paki post nga kung meron kayong pix ng mga leather boot nyo para magkaroon ng magandang idea ang bawat isa sa atin lalo na yung mga baguhan sa pagtatare..

profits
June 21st, 2009, 02:58 PM
http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher003.jpg
http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher001.jpg
Pag walang magawa ito ang pinaglilibangan kong gawin.:)

aurora gold
June 21st, 2009, 03:06 PM
http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher003.jpg
http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher001.jpg
Pag walang magawa ito ang pinaglilibangan kong gawin.:)
okay yang design mo pren
yan din gamit namin

may klase kami dito ng leather na hindi madulas
matt leather tawag namin dito
parang rubberized ang hipo
pag iginasgas mo daliri ay namemereno

profits
June 21st, 2009, 03:19 PM
okay yang design mo pren
yan din gamit namin

may klase kami dito ng leather na hindi madulas
matt leather tawag namin dito
parang rubberized ang hipo
pag iginasgas mo daliri ay namemereno

Dami kong binigyan nyan sa pinas nung umuwi ako last month.:)
Magandang gawin yan materyales mo Bro AG.

aurora gold
June 21st, 2009, 03:25 PM
Dami kong binigyan nyan sa pinas nung umuwi ako last month.:)
Magandang gawin yan materyales mo Bro AG.
may materyales dito
hindi naman ako marunong gumawa....hahaha

bro,maganda yang sapin na yan with leather
simpleng simple at mabilis ikabit

grey/dom
June 21st, 2009, 03:51 PM
baguhan lang sa pagtatare...mga 20 pa cguro ang natarian...

marami ang wins ko sa selftying adjustible socket ni augustmoonknives...magan da ang sipat at maganda ang material...yong isang tabla ay papatay na..nakapatay pa...at isang tabla ay nag sasarile ..walang sugat..patay na kalaban...2 din talo..ngunit peck lang din panalo ng kalaban...patay din...ang iba..panalo na..minsan walang sugat...minsan maliit lang sugat...meron ding nabalda..isa...sa kaliwang paa pa natamaan...ngunit nanalo pa rin

share ko lang experience ko....sa tupada pala ang mga experiment ko...:)

lancelemuel
June 21st, 2009, 07:08 PM
mga sir ask ko lng .. san b meron ngbebenta ng ganitong leather na sapin

ARESFORTUN
June 21st, 2009, 08:27 PM
Depende siguro kung saan tayo hiyang... nuong una traditional ang sistema pero nung naintroduce sa akin ang leather sapin mukhang mas komportable akong ikabit eto, madali at mabilis and gives more wins sa akin.

Sa traditional na namulatan ko medyo hirap akong "ma-pantay mesa" ang pagsasapin pero sa leather sapin konting adjust lang kuha na ang gusto kong paglalatagan ng garol.

TALSIK
June 21st, 2009, 09:05 PM
Sir lancelemuel sa mandaluyong cockpit may nagbebenta ng leather boot, punta ka sa tarian ng manok at ipagtanong mo si mang anghel na mananari, gumagawa siya ng leather boot. Halos lahat ng mananari sa tarian ay leather boot na ang ginagamit. nagbebenta rin siya ng pagkit, sapin at tali sa pangsapin. At meron pa siyang bagong style ng leather boot, kaya lang personal na gamit niya, mas mabilis ikabit kesa sa unang labas na leather boot.

bulikmais
June 21st, 2009, 09:27 PM
mas mainam ang leather boot lalo na pag personal na gamit,un traditional ang tinatangkilik sa nueva ecija kasi nga mawawalan ng trabaho ang ibang mananari,kaya sinisiraan nila,sa seminar ni san totoy dela cruz mas mainam ang leather boot kasi un manok ang mag aalign ng sariling tare...

GMY
June 22nd, 2009, 10:29 AM
mas gusto ko gumamit ng sapin, marami na rin akong leather na sapin pero hindi ko na masyado ginagamit... mas prefer ko ngayon yung cotton kasi medyo sinisipag pa ako sumipat sipat at yun kasi ang traditional na ginagamit para hindi manibago yung nagpapatare, unless request nila yun... Baka sa darating na araw magleather na rin ako kasi medyo tinatamad na ako mag adjust eh.

native
June 22nd, 2009, 11:04 AM
sa akin leather boot dn prefer ko mas madali ikabit at effective naman....

bumble foot
June 22nd, 2009, 03:05 PM
Dati, lagi ko gamit ang tradisyonal na sapin...ngayon ay leather boot o leather pad na....Maginhawa gamitin at mas prefer ko sa stag, di namimilay...eto pix, yung sa ibabaw leather boot na fix, yung sa ilalim, pwede mo adjust (paunan).:)

http://i288.photobucket.com/albums/ll188/jhoa80/DSC00058.jpg

311newroad
June 22nd, 2009, 08:09 PM

ayos mga boots mo bro...tnx for sharing..

(posted by profits)
;http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher003.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher003.jpg)
http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher001.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher001.jpg)
Pag walang magawa ito ang pinaglilibangan kong gawin.http://sabong.net.ph/forum/images/UbbNonCgi/smilies/smile.gif
tnx for sharing bro...marami tayong malalaman at magkakaroon ng idea ang bawat isa sa atin sa mga post ninyo..

hanes
June 23rd, 2009, 07:24 AM
profits (http://sabong.net.ph/forum/member.php?u=13383) vbmenu_register("postmenu_2701599", true);
Senior Member

http://sabong.net.ph/forum/image.php?u=13383&dateline=1241407201 (http://sabong.net.ph/forum/member.php?u=13383)

Join Date: Feb 2006
Location: marikina,carigara leyte & ME
Posts: 1,642
Posts: 1,642
vCash: 500

Re: Alin ang mas mainam sa ngayon sa knife tying..traditional or leather na sapin..?
http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher003.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher003.jpg)
http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher001.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher001.jpg)
Pag walang magawa ito ang pinaglilibangan kong gawin.http://sabong.net.ph/forum/images/UbbNonCgi/smilies/smile.gif

bro, ang gaganda ng mga libangan mo. matanong ko lang kung ano ang diameter ng kahoy na paunan na nababalot ng leather at yung diameter ng butas para sa tahig.maraming salamat po.

profits
June 23rd, 2009, 12:15 PM
profits (http://sabong.net.ph/forum/member.php?u=13383) vbmenu_register("postmenu_2701599", true);
Senior Member

[/URL]http://sabong.net.ph/forum/image.php?u=13383&dateline=1241407201 (http://sabong.net.ph/forum/member.php?u=13383)

Join Date: Feb 2006
Location: marikina,carigara leyte & ME
Posts: 1,642
Posts: 1,642
vCash: 500

Re: Alin ang mas mainam sa ngayon sa knife tying..traditional or leather na sapin..?
http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher003.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher003.jpg)
http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher001.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher001.jpg)
Pag walang magawa ito ang pinaglilibangan kong gawin.[URL]http://sabong.net.ph/forum/images/UbbNonCgi/smilies/smile.gif

bro, ang gaganda ng mga libangan mo. matanong ko lang kung ano ang diameter ng kahoy na paunan na nababalot ng leather at yung diameter ng butas para sa tahig.maraming salamat po.

Diameter ng kahoy na paunan- 4mm
Diameter ng butas ng leather - 10mm ( pwede gumamit ng 8mm )
Yung may triangular na kahoy - 4 mm rin
Yung butas mga 1/8 inch lang ang layo sa paunan.

Sana makatulong.:)

311newroad
July 2nd, 2009, 10:23 PM
Diameter ng kahoy na paunan- 4mm
Diameter ng butas ng leather - 10mm ( pwede gumamit ng 8mm )
Yung may triangular na kahoy - 4 mm rin
Yung butas mga 1/8 inch lang ang layo sa paunan.

Sana makatulong.:)up lang nating mga bros para sa mga beginners...

ARESFORTUN
July 3rd, 2009, 11:40 AM
Share ko rin Leather na gamit ko. I guess mas manipis eto compared sa nabibili sa poultry store.

http://i199.photobucket.com/albums/aa51/aresfortuna/sparring043.jpg

profits
July 8th, 2009, 05:32 PM
taas natin para sa mga HEELER.:)

bluebird
July 8th, 2009, 09:46 PM
mas preferred ko ay TRADITIONAL dahil madali gawan ng paraan pag may gusto kang baguhin . Good din ang leather but the thrill of knife tying is in the tradional way. Depende talaga ito sa mag tatari ...As for me personal naming manok we always do the Traditional tying in derbies and hacks kahit saan.

Alex Aguila
July 8th, 2009, 09:58 PM
ITO NAMAN PO ANG SAKIN.
http://i279.photobucket.com/albums/kk126/alexanderaguila2313/leathersapin2.jpg
http://i279.photobucket.com/albums/kk126/alexanderaguila2313/leathersapin1.jpg

scottie
July 8th, 2009, 11:04 PM
mas preferred ko ay TRADITIONAL dahil madali gawan ng paraan pag may gusto kang baguhin . Good din ang leather but the thrill of knife tying is in the tradional way. Depende talaga ito sa mag tatari ...As for me personal naming manok we always do the Traditional tying in derbies and hacks kahit saan.

>>ako din sir parang mas gusto ko pa din yung traditioinal knife tying,madali ka magayos ng sapin o kung ano man ang gusto mo baguhin.

311newroad
July 8th, 2009, 11:21 PM
mas preferred ko ay TRADITIONAL dahil madali gawan ng paraan pag may gusto kang baguhin . Good din ang leather but the thrill of knife tying is in the tradional way. Depende talaga ito sa mag tatari ...As for me personal naming manok we always do the Traditional tying in derbies and hacks kahit saan.nice one..parang art kc ang paggamit ng traditional way of knife tying...doon mo makikita ang husay ng mananare..

greatdream
July 9th, 2009, 06:51 AM
nice one..parang art kc ang paggamit ng traditional way of knife tying...doon mo makikita ang husay ng mananare..

sa mga novice, sa leather nalang muna mas madaling pag aralan.....

pag expert na sa pagkakabit ng tari .....

sa traditional way of knife tying na........

lahat kasi kailangan pag aralan....

Alex Aguila
July 9th, 2009, 08:29 PM
sa mga novice, sa leather nalang muna mas madaling pag aralan.....

pag expert na sa pagkakabit ng tari .....

sa traditional way of knife tying na........

lahat kasi kailangan pag aralan....

SANGAYON AKO SAYO PRE...;)

arcticbird
July 9th, 2009, 11:37 PM
ayos mga boots mo bro...tnx for sharing..

(posted by profits)
;http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher003.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher003.jpg)
http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher001.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher001.jpg)
Pag walang magawa ito ang pinaglilibangan kong gawin.http://sabong.net.ph/forum/images/UbbNonCgi/smilies/smile.gif
tnx for sharing bro...marami tayong malalaman at magkakaroon ng idea ang bawat isa sa atin sa mga post ninyo..

up up lang marami palang mapulot dito..

chrisjr
July 10th, 2009, 07:27 AM
profits (http://sabong.net.ph/forum/member.php?u=13383) vbmenu_register("postmenu_2701599", true);
Senior Member

http://sabong.net.ph/forum/image.php?u=13383&dateline=1241407201 (http://sabong.net.ph/forum/member.php?u=13383)

Join Date: Feb 2006
Location: marikina,carigara leyte & ME
Posts: 1,642

Ayos ito. :D
Posts: 1,642
vCash: 500

Re: Alin ang mas mainam sa ngayon sa knife tying..traditional or leather na sapin..?
http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher003.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher003.jpg)
http://i158.photobucket.com/albums/t...slasher001.jpg (http://i158.photobucket.com/albums/t109/profits_2007/slasher001.jpg)
Pag walang magawa ito ang pinaglilibangan kong gawin.http://sabong.net.ph/forum/images/UbbNonCgi/smilies/smile.gif

bro, ang gaganda ng mga libangan mo. matanong ko lang kung ano ang diameter ng kahoy na paunan na nababalot ng leather at yung diameter ng butas para sa tahig.maraming salamat po.

greatdream
July 10th, 2009, 08:33 AM
SANGAYON AKO SAYO PRE...;)

at, importante sa pagkakabit ng tari .......matalim ang tari at matulis ang dulo .........

alam ng mga kaibigan natin mananari yan......

311newroad
March 24th, 2010, 12:26 PM
itataas ko lang para kay MBhoss...cguro meron na syang mababasang idea dito..

hari
March 25th, 2010, 08:46 PM
up.....up....up....... san po kaya makakabili ng magandang leather pad...

para sakin parehas maganda... mas may thril lang pagkabit ng tradisyonal yung mahabang sapin kaya lang ang problema bulky sya... parang kotse automatic(leather pad) at manual(tradisyonal) trans... sa palagay ko lang po hehehe baguhan po kasi ko nagaaral magtari 5 times pa lang 3loss 2wins hehehe kulang sa swerte o talagang bulok sumipat hehehe tradisyonal kasi muna pinag aralan ko... subukan ko na din leather pad baka dun swerte...

rodrigoski2002
March 26th, 2010, 08:22 AM
kung ang hanap nyo ay magagandang leatherpunta kayo dun sa mga gumagawa ng sapatos.nag design ako ng leather pad at dinala ko dun sa gumagawa ng sapatos.makapamili ka ng maayos na katad at pati ung tahi ay ayos.i paid like 100php kada isa at ok namn.sana makatulong.yfis rod

MBhoss
March 26th, 2010, 09:52 AM
itataas ko lang para kay MBhoss...cguro meron na syang mababasang idea dito..

Maraming salamat po sir 311newroad ask ko lng po kung magkaiba yon leather boot at leather pad salamat po ulit mga kasabong

311newroad
March 26th, 2010, 10:20 AM
Maraming salamat po sir 311newroad ask ko lng po kung magkaiba yon leather boot at leather pad salamat po ulit mga kasabong parehas lang yan bro iba lang ang tawagan..

MBhoss
March 26th, 2010, 02:14 PM
Maraming salamat po ulit sa inyo sir 311newroad

RedMiner
March 26th, 2010, 11:18 PM
Sa leather boot ako...lalo kung akma ang klasi tali na medyo pino na makunat at flexible at mahaba ng konti para mas maraming lock na magagawa para hindi pumalag ang tari. Maayos na paunan na nasa tamang haba at sukat ay may maayos na mga pagkit ang sapin at talim ay LARGA NA YANNN!!!:D

RED

Alex Aguila
April 1st, 2010, 10:37 PM
UP KO LANG, MENDYO NATABUNAN NA.

ARMOREDCOCK
April 16th, 2010, 01:50 PM
ITO NAMAN PO ANG SAKIN.
http://i279.photobucket.com/albums/kk126/alexanderaguila2313/leathersapin2.jpg
http://i279.photobucket.com/albums/kk126/alexanderaguila2313/leathersapin1.jpg
parang magandang gamitin ito, pantay siya, dalawa ang paunan.

Sweet Science
April 16th, 2010, 08:13 PM
para sa stags leather boots ang d best kc di mamimilay d kc masyado mahigpit sa malambot na binti nila pero pwede din sa cock gamitin.ang traditonal d best pa din para sa cock kc mas siksik or compact sila iba ang dating pagtumama

311newroad
April 16th, 2010, 09:06 PM
para sa stags leather boots ang d best kc di mamimilay d kc masyado mahigpit sa malambot na binti nila pero pwede din sa cock gamitin.ang traditonal d best pa din para sa cock kc mas siksik or compact sila iba ang dating pagtumamaparang sa nakikita ko mas magandang gamitin ang leather boot kc halos mahahabang tare ang nauusong ikabit ngayon kaya mas matatag pag leather boot ang gamit...

joalgo
April 17th, 2010, 07:58 PM
share ko lang gamit namin
http://i553.photobucket.com/albums/jj367/joalgo/sapintari002.jpg

meloy
April 18th, 2010, 01:16 AM
pareng Alex ang ganda ng leather sapin mo ah.
http://i279.photobucket.com/albums/kk126/alexanderaguila2313/leathersapin2.jpg
http://i279.photobucket.com/albums/kk126/alexanderaguila2313/leathersapin1.jpg

Sweater_Pogi
April 18th, 2010, 03:12 AM
ITO NAMAN PO ANG SAKIN.
http://i279.photobucket.com/albums/kk126/alexanderaguila2313/leathersapin2.jpg
http://i279.photobucket.com/albums/kk126/alexanderaguila2313/leathersapin1.jpg
bossing Alex, saan ba nakakabili nito?

jack_kie
April 18th, 2010, 05:53 AM
Depende rin sa skill ng mananari ang pag gamit ng leather pads at yung traditional sapin. Ang sapin pag maayos ang paglagay ng pagkit ay matibay din. Ang mga veteran na mananari iba iba ang length ng sapin ang gamit. Di ba sangkay profits??? ;)

http://i239.photobucket.com/albums/ff164/jack_kie/My%20Blades/GEDC0026.jpg

http://i239.photobucket.com/albums/ff164/jack_kie/My%20Blades/GEDC0028.jpg

profits
April 18th, 2010, 01:35 PM

OO naman idol jack_kie yang mga bagay na yan ay sa iyo ko natutunan.:)

correabong
April 18th, 2010, 01:53 PM
sana maglagay din ng video kung paano maglagay ng leather para makita ng mga kasabong natin.thnkzzzz

jack_kie
April 18th, 2010, 04:10 PM
Video Please!!!!! Sana makahiram ako ng video cam para ako na lang mag demo

mundray
April 18th, 2010, 10:30 PM
BRO ROGEL,
NAPADAAN LANG BAKA MAY MAGKA KURSUNADA NITO...CHECK NYO LANG ANG LINK...SALAMAT

http://www.e-gamefarm.com/RUSH-SALE-BRANDNEW-SLASHER-BLADE,name,107889,auction_id,auction_details

leorb
April 23rd, 2010, 07:45 PM
para sa akin mas prefer ko ang leather boots kesa sa tradistional n sapin...baguhan lang kasi ako sa pagtatari...mabilis at madaling ikabit kesa sa tradistional at naaadjust din kung anong gustong asinta....

ligas_paka2006
April 13th, 2012, 11:49 AM
kung expert traditional ang maganda, kung baguhan maganda ang leather boots

palaban29
April 13th, 2012, 06:59 PM
para sa akin okay ang leather boots madali ikasa at ilapat ang tari hinde pati masyado makapal.

tamtom
April 13th, 2012, 07:33 PM
iba na ang marunong kang kumabit ng tradisyunal, masusunod ang gusto mung asinta at kahit pumartida ka,marunong, ang gumagamit ng leather boots ay parang nakasaklay at ung hindi sigurado sa pagtatari at walang kumpiyansa sa pagsasapin kc baguhan lang,

sarilingatin
April 13th, 2012, 07:41 PM
e2 ho may leather boots by PSB

PINOY SABONG BLADE - LEATHER BOOT, PAGTATARI AT ASINTA GAMIT ANG PERUVIAN ALIGNMENT... - YouTube

Lee Sul's
April 13th, 2012, 08:26 PM
e2 ho may leather boots by PSB

PINOY SABONG BLADE - LEATHER BOOT, PAGTATARI AT ASINTA GAMIT ANG PERUVIAN ALIGNMENT... - YouTube (http://www.youtube.com/watch?v=puA0M8T245k)

sir sarilingatin maraming salamat sa video mo..
masubukan nga paguwi ko....:cool:

sarilingatin
April 13th, 2012, 09:08 PM
sir sarilingatin maraming salamat sa video mo..
masubukan nga paguwi ko....:cool:

walang anuman kasabong jan sa video n yan ako natuto ang score ko sa pag tatari ay 8 win 4 lose 1 draw..

GRADETWO
April 16th, 2012, 06:28 PM
e2 ho may leather boots by PSB

PINOY SABONG BLADE - LEATHER BOOT, PAGTATARI AT ASINTA GAMIT ANG PERUVIAN ALIGNMENT... - YouTube (http://www.youtube.com/watch?v=puA0M8T245k)

nice video sirrrrrrrrrrrr............................

royandres314
April 17th, 2012, 01:08 AM
nice video sirrrrrrrrrrrr............................

Traditional Tape na knife tying,,,panahon pa ni kupong kupong yan dre, bihira ng gumagamit nyan sa ngayon, Ang karamihan ginagamit sa karamihan mga mananari ay Gamit isang Leather Boot at gumagamit pa rin sa Dulo ng pabilog na Kahoy,,,,ang dis-advantage nyan ay kong matagal ang pila lalu sa mga Hackfights at gamit ay Traditional Long Tape ay namimilay na ang manok while sa Leather Boot ang gamit sa pagtatari ay OK sya ay mas komportable sa manok ,,,kasi kong gamit mo ang Traditional Tape at kong gusto ka ilaglag ng mananari mo ay konti higpitan nya lang yung tape ay sigurado halos di na makaTira ng maayos ng manok mo at kong di ka sanay ay hindi mo mahaLata,,,,,,,,,sa Traditional Long Tape kailangan iKontra Lock or Higpit mo ang Tali para hindi iikot lalu yung pabilugan or dulo na bilog na kahoy mo WHILE USING Leather Boot lalu itong ipapakita ko sa iyo ay kahit wala na Kontra Lock sa Lubid Tali mo ay di--iikot ang TARI mo kasi naka-Angla sa TAHID MISMO ng manok,,,, Subok namin sa Stag Derby at Sa Cock Derby itong Double Leather Boot.

sample ng amin mga ginagamit using Double Leather Boot - d' Best,,,Actual VIDEO at Gamit namin sa Derby Stag. sa pika-ibaba Video dyan namin na-Derive yan pagGamit sa Double Leather Boot Application,,,,kahit Beginners madali matuto dyan. Ito makaTulong sa itong Video na ito sa ibaba, Panoorin mo Lahat;:) si utol ang nagKundisyon , nagTraining, nagHandle, sya rin nagTari sa aming mga Sariling Tari, at sya yan NagBitaw sa Rweda - All in One. Yan makikita mo na tinatarian ni utol ay yan Mismo binitawan nya na palahi manok ko na Sweater x WhiteHackle Cross na Stag & Now as My BroodCock, Against yan sa sikat na BigTime cocker , breeder sa Lugar namin.

TARI using short cut method #2 stag derby Winner @ batac 25 Sept 2011 Entry Name ROYALL ACES - YouTube

stag#2 derby @ Batac ilocos Norte Sept 25, 2011 Winner,my Breed Whitehackle x Sweater DinkCross - YouTube

http://www.youtube.com/watch?v=39f-zn5FjHU

royandres314
April 17th, 2012, 01:12 AM
August Moon's New Leather Boot Application - YouTube

naDerive namin itong style na ito kay August Moon,,,pero sa akin mas ginawa kong mas maganda pa,,,, nilagyan ko lang ng additional na guide sa final 2nd Leather Boot nya para kahit magLagay ka man ng kontra Lock mo sa Tali mo or hindi na ay pwede na,,,,Laban na...

christian82
April 17th, 2012, 03:08 AM
Sa bundok namin wala kana makikita na gumagamit pa ng tradisyonal na sapin, kundi puro na Lang leather boots, although wala naman cguro masyado pagkaka iba ang lumang style saka bago, cguro sumasabay lang sila sa uso.

palaban29
April 17th, 2012, 10:34 AM
okay mga kasabong salamat sa mga video ninyo dagdag kaalaman na naman kagaya sa aming mga bagong magtatari.gudluck sa mga labanan.

agetro
April 17th, 2012, 03:03 PM
Tanong lang mga kasabong, may manok kasi akong nabali ang tahid sa kaliwa during sparring. Hanggang ngayon di na sya tinubuan ng tahid. May experience na ba kayo na nagpatari na walang tahid na manok? Ano bang mas magandang gamitin dito sapin or leather?