LUPIN3
July 13th, 2004, 02:56 PM
Kuwentong Miniskirt ni KC Cordero
Sa hindi ko malamang dahilan, madalas akong muntik mapaaway dahil sa miniskirt. Ops, hindi po dahil nang-aagaw ako nito para isuot! Siguro lang ay talagang takaw-tingin ang mga babaeng naka-miniskirt. At dito ako hinahabol ng trobol.
Marami akong anekdota tungkol sa miniskirt. Minsan ay may nakasabay akong magdyowa na t-bird ang isa. 'Yung tunay na girl ay hataw ang legs (arf! arf!) at grabe ang ikli ng miniskirt. Katapat ko sila sa dyip at kahit ano'ng pilit kong umiwas ng tingin, ang ideya na may mala-labanos sa harapan ko ay mahirap paglabanan. Face value, hindi maganda ang babae (sorry po!) pero asset niya talaga 'yung legs niya. Nahalata ng tomboy na enjoy ako sa view, tinapik niya ako sa tuhod. Sa astig na porma, nag-dialogue siya ng: "Pare, walang bastusan ng syota. Gusto mo sapakan tayo?"
Bumibili ako ng away pero hindi ko maimadyin na makipagsapakan sa isang tiboli. Inosenteng tinanong ko siya kung bakit. Sagot niya, "Namboboso ka, eh!" Mahirap makipag-argumento sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ako nag-isip ng dahilan o nangatwiran. Naisip ko, selosa pala siya, bakit pinayagan niyang magbihis ng ganoon ang kanyang dyowa?
Kamakailan, habang nasa foodcourt ng isang mall ay may nakatapat din akong magdyowang teener, edad 17 lang siguro pareho, na masyadong maikli ang skirt ng babae. Habang pinapanood ko ang legs, biglang tumayo ang guy at binangga ako ng katawan niya. 'Yun din ang dialogue niya, binabastos ko raw ang syota niya. Minasdan ko ang binatilyo at sa palagay ko, kung bibigyan ko ng isang tadyak, sa nipis ng kaha ay baka isang linggong maratay. Pero ambabaw ko naman kung papatol ako sa bata. Tumayo na lang ako at sumulyap muli sa legs ng dalagita. Bigla kong naalala ang mga pinuputol kong panggatong na madre de cacao noong ako'y nasa probinsya pa.
Minsang bumili ako ng sapatos ay sobrang ikli rin ng skirt ng salesgirl. Nang ituro ko ang nasa ibaba na sapatos, bigla na lang siyang naupo nang walang pakundangan para kunin iyon. Akala ko'y makasisilip na ako ng Victoria Secrets, pero naka-shorts pala siya. Nang tumayo siya at iabot sa akin ang sapatos, ngumiti siya sabay sabing, "Mautak 'to, sir. Di basta-basta masisilipan!" That's the attitude.
Para sa akin, since uso rin lang ang miniskirt at labas na pusod, kung magsusuot nito ang babae ay dapat panindigan. May nakakasabay tayo sa sasakyan na ang ikli ng suot tapos hirap na hirap sa kahihila pababa. Nagagalit din kapag napapasulyap ang kalalakihan na para bang gagahasain sila nang walang kalaban-laban.
Pero isang insidente ang "tumakot" sa akin para sumulyap sa mga naka-mini. Nakasakay ko sa FX ang isang mala-model na hanep ang legs. Pagsakay niya pa lang, halos wala nang itinago. Pag-upo niya sa tapat ko, pakikay pa siyang nagtanong: "Kuya, kita ba?" Nagpahid ako ng pawis sa noo at tumango. Hindi ko napigilan ang aking sense of humor. "It's red, my favorite color," sabi ko. "Kuya, ha? Ikaw, ha?" sagot niya at may kinuha sa handbag. Pagtingin uli niya sa akin, "Actually, Kuya, I'm selling prepaid cards. Kuha ka naman, o..."
Mahirap tumanggi kapag ang nag-sales pitch ay makinis ang legs! Buti na lang may P300 ako sa wallet. Mula noon, hindi na ako tumitingin sa naka-mini kahit pa gaano kaganda ang legs.