PDA

View Full Version : feasible bang magtayo ng hatchery business?



cocker122563
August 15th, 2004, 02:12 AM
gusto ko lang sanang kumuha ng mga inputs at feedbacks tungkol sa mga taong may hatchery business o papisaan ng itlog ng texas. napansin ko kasi na bibihira ang may papisaan ng itlog kahit na sa mga poultry supply outlets dito sa metro manila.

plano kong magsimula muna sa 500 egg capacity incubator. nagcanvas na ako at ang price range ay mula 36K pesos (RG500 incubator with automatic egg-turner) hanggang 46K pesos (abellar 500 eggs incubator with digital temp. reading). balak ko sanang i-convert ang garahe ko at gawing hatchery (incubator at chick brooder). later on, pwede rin siguro akong magbenta ng mga sisiw from my own breeding.

all positive and negative feedbacks will be greatly appreciated. thanks in advance. :)

solraya
August 15th, 2004, 07:35 AM
cocker122563,

Parang in 1 year or less yata ay na rerecover ang cost ng incubator. Kung 500 capacity ang iniisip mo, hindi magiging sulit ang income. Subukan mo muna, then grow w/ the business.

Sa amin kasi, service item lang ang egg incubation para sa regular customers. Eventually siguro, kailangan lagyan mo ng maski na maliit na poultry supply na mabenta mo man lang ang most basic.

cocker122563
August 15th, 2004, 10:01 AM
maraming salamat sandy for the friendly advice. gusto kong magconcentrate lang talaga muna sa hatchery dahil napansin ko na wala talagang medyo maayos na papisaan dito sa area namin. meron akong pinagpapapisaan ng itlog sa pasig pero hindi maayos ang hatching rate ng home-made incubator niya. less than 50% lang ang napipisa sa mga itlog na ini-incubate niya. and to think na palaging puno yung 200+ egg capacity incubator niya. manual turning lang kasi ang ginagawa niya sa itlog at hindi siguro constant yung temperature sa loob ng incubator kaya mababa ang hatching percentage ng incubator niya.

hingi pa sana ako sa iyo ng isa pang payo sandy. hindi ba mas mahal in the long run kung bibili ako ng mas maliit na incubator imbes na bumili ako agad ng malaki? doble gastos pa considering na kung lumakas na ang business ay mangailangan ako ng bigger capacity incubator. yung nasa tindahan mo sa fairview na chest type incubator, ilan ba ang capacity nun?

i'm contemplating on buying either the RG500 incubator o yung kay abellar na medyo hi-tech ng konti. gusto kong i-maintain ang high hatching rate ng itlog na hindi kayang gawin ng mga hatchery dito sa lugar ko dahil home-made lang nga yung mga incubator nila.

thanks ulit. more feedbacks please. :)

banderado84
August 15th, 2004, 12:46 PM
....Go ahead cocker122563....sabi nga NO GUTS NO GLORY! heheh....just make provisions for brownout at kunin mo tiwala ng mga costumers kasama na yung mga naguuwi ng eggs galing tate....gawa ka ng tamper proof small hatching boxes if possible shempre iba rate nun heheh....good luck & regards....maxB

cocker122563
August 15th, 2004, 03:37 PM
nice to hear from you MaxB. nasa planning stage pa rin ako dahil medyo malaki-laki rin ang puhunan. hindi naman ako umaasang mababawi ko agad yun in a year's time. basta ma-establish ko lang itong business na ito ay ok na sa akin.

by the way, yung 4 na sisiw na napisa, babae lahat. hehehe. mukhang babalik ulit ako sa iyo para kumuha ulit ng itlog. siguro makakapisa na ako ng lalaking sisiw. i'll keep in touch. :hippie:

GoldenDragon
August 16th, 2004, 09:19 AM
maliit ang kita...mataas ang bayad sa kuryente... P5.00 ang charge pag napisa P3.00 kung hindi, kaso 20-21 days yata ang hintayan so ganoon din katagal ang gamit mo ng kuryente...pagod mo pa . baka hindi macompensate .

seguro hindi magandang tignan kung magbebenta ka ng sisiw maski na nga galing sa sarili mong palahi dahil kung maraming mabubugok na itlog ang mga customer mo baka sabihin sa itlog pa nila nangaling. alam mo naman likas na mapaghinala ang mga pinoy.

kung hatchery hatchery na lang para walang problema.

opinion ko lang ito. cheers....

cocker122563
August 16th, 2004, 01:32 PM
maraming salamat ma'm princess sa iyong mga insights. yun nga ang gusto kong i-tama sa kasalukuyang serbisyo ng hatchery dito sa may lugar namin. napakababa talaga ng hatching rate nila. marami na rin akong nakausap na tao na nagpa-incubate sa kanila in the past. almost 30-40% lang ang hatching percentage o 3 to 4 eggs out of 10 ang napipisa. ang problema ay nasa incubator nila. mano-mano kung magpihit sila ng itlog aside from the fact na hindi siguro constant ang temperature sa loob ng incubator kaya maraming nabubugok na itlog. pero would you believe na palagi pa ring puno ang incubator nila which means na marami pa ring nagpapapisa ng itlog sa kanila despite of the condition ng kanilang incubator.

ito ang dahilan kaya gusto kong mag-invest sa isang reliable incubator that will get the job done. saka kung mahina ang capability ng incubator ko na magpapisa, kabawasan din yun sa kikitain ko kung sakali. ang rate ng papisa dito sa lugar namin (pasig/pateros) ay 10 pesos per egg upon receipt tapos additional 10 pesos ulit kapag napisa na ang itlog for a total of 20 pesos per egg hatched. kung makakapag-establish lang ako ng steady clientelle through honest and efficient service, i'm hoping na kikita rin ako kahit paano.

with regards sa pagbebenta ng sisiw, its only a way of augmenting my income but it will come later on kapag nadevelop ko na ang tiwala ng mga future customers ko. sa ngayon, magco-concentrate muna ako sa hatchery kaya nga i'm doing this sort of 'feasibility study' para malaman kung kikita nga ang negosyong papasukin ko.

again, maraming salamat sa mga nag-participate at mag-paparticipate pa sa thread na ito.

your friend in sport.

roundhead
August 16th, 2004, 09:16 PM
siguro I-try mo rin yung american style hatchery, benta ka rin ng mga sisiw.

at hindi lang mga manok pero mga pabo, gansa, pugo etc. ayun nga lang kailangan malaki ang lugar mo

solraya
August 17th, 2004, 08:50 PM
cocker122563,

at your intended rate of php10/php10, it will be a faster ROI.

in using small incubators, you don't end up w/ dead spots for 21days, bec remember, you candle on the 10th day. meaning, after you candle, meron ka nanaman vacancy sa mga itlog na matatanggal.

one big or several small ones? we personally use several smaller units. sa fairview one 500 and another 300, instead of getting a 1000. we are adding another 300 or 500 soon. bakit? kasi mahirap na lahat ng itlog ay ilalagay sa isang basket diba?

maski pag may customer na bibili sa amin ng rg300, we recommend 2 rg150.

anytime ka tumawag pag may gusto kang mga sagot.

cocker122563
August 17th, 2004, 10:48 PM
GoldenDragon & Solraya,

may hatchery pa bang naniningil ngayon ng 5 pesos per egg hatched at 3 pesos naman pag hindi napisa? sa gastos na lang sa kuryente ay malabo ng mabawi yung puhunan kung ganito kamura ang singil sa pagpipisa ng itlog. dito na lang sa pateros, may papisaan na naniningil ng 10 pesos per egg mapisa man o hindi (mali yung sabi kong 10 pesos upon receipt plus 10 ulit kapag napisa). sa pasig ay 5 pesos ang singil nila plus additional 10 pesos kapag napisa.

hindi ko lang alam ang hatching fee ng tony's hatchery sa marikina at ng solraya sa fairview.

at any rate, sana ay may makapagbigay ng normal na singil ng mga hatchery sa kanilang incubation services para magkaroon naman ako ng idea kung ano talaga ang prevailing rates.


yfis

solraya
August 18th, 2004, 08:25 AM
sa amin, php5 pag pasok, php5 additional pag napisa.

hindi na namin naisip na itaas kasi nga, service item lang ito sa mga tindahan namin. so ang konsumo nya ng kuryente ay hindi na namin tinitingan, computed na sya as part of overall expense.

ang alam ko nga ay mas mataas sa iba.

GoldenDragon
August 18th, 2004, 09:21 AM
yon nga ang pinagtataka ko eh sa taas ng kuryente ngayon sa anim kong incubator bill ko ng kuryente di bumababa ng P8t/month umataas pa nga minsan.

pero ang singil lang dito sa amin sa muntinglupa city last mating season ito ha... P5.00/egg straight deal ito ... yon ibang hatchery place P5.00/egg sa mapipisa... P3.00/egg sa hindi.
ewan ko lang this coming mating season kung magbabago ang pricing nila.

cheers and goodluck !!!

cocker122563
August 18th, 2004, 09:54 AM
maraming salamat GD at Sandy sa inyong mga inputs. :)

banderado84
August 18th, 2004, 03:15 PM
,,,,,i agree with GD....hirap pagsamahin ang Hatchery at Chicks Bizniz....para din Hospital.....nakakaduda pag meron din silang Punenarya....:blush:

jlbs72
August 18th, 2004, 08:59 PM
Dun sa hatchery na nilalagyan ko ay depende sa number ng egg. minimum kasi ay 4 to 5 eggs per tray. range from 3 to 5 pesos per egg. pag 3 itlog lang, 5 pesos per egg ang singil nila pero pag 4 pataas, 3 pesos per egg na lang. regardless kung mapisa or hindi.

ryan72_2000
August 18th, 2004, 11:35 PM
just to give you an idea kung paano ang pag-compute kung magkano ang magiging konsumo mo sa koryente in 21 days para malaman mo rin kung magkano ang iyung kikitain mula sa bayad sa papisa kada itlog...

ikonsider natin na ang iyong incubator ay 100 watts:
100 watts x 24 hrs x 21 days = 50, 400 watt-hour.

itong watt-hour ay i-divide natin ng 1000 (mula sa 1 kilowatt ay may 1000 watts) para makuha ang unit na kilowatt-hour sunod sa pag-kwenta ng MECO.
50, 400/1000 = 504 kilowatt-hour

makukuha mo ang rate ng MECO per kilowatt-hour sa resibo mo sa electric bill. halimbawa ay php5 per kilowatt-hour ang singil ng MECO:
504 x 5 = 252 pesos sa 21days.

variable iyung wattage (at iyung araw ng pag-pisa kung hindi na itlog ng manok ang ipapipisa) depende sa laki ng incubator na gagamitin mo at iyun lang ang papalitan mo sa pag-kwenta ng konsumo mo sa incubator.
:)

TabukSuba
August 19th, 2004, 06:01 AM
Ako din ay nag-iisip na mag offer ng hatching services sa mga customer ko, ang problema ko kasi e ang presyo. Yung kasing Tony's Hatchery sa Marikina e di kalayuan sa amin at ang presyo niya e mababa talaga. Naniningil si Mang Tony (kung di ako nagkakamali) ng 5 piso sa texas at 4 pag sasso bawat itlog, mapisa o hindi. In fact ang mga malalaking kumpanya kagaya ng Robina at yung mga naglalako ng sasso e doon sila nagpapapisa. Marami sa mga kaibigan natin dito sa site (kasama na ako) e doon din nagpapapisa. :D

Ngayon naman pagdating sa balak mo, mabuti sigurong mag-scout ka muna ng presyo sa pinakamalapit na hatchery sa area mo. Base doon e madidiskartehan mo na ang presyo mo. Pag natantya mo na ang merkado mo, gawa ka rin ng sales forecast mo para may guide ka pag nag-umpisa ka. Of course dapat alamin mo rin kung ano ang break-even point mo. Kung sa papel pa lang e tingin mo di ka kikita e alam mo na kung ano ang gagawin mo. :)

bien1931
August 19th, 2004, 11:39 AM
8-19-04 Dear Noel looks like estublishing hatchery as a business is not a good idea, cause the market is already saturated and charges are low. Maybe u should think of some other business to put up.:)

matador
August 19th, 2004, 04:58 PM
kahit anong computation ang gawin mo tingin ko lugi ang hatchery. kasi sa 500 itlog eh 2500 lang yun.bayad mo pa sa kuryente at hirap.500 na itlog is masakit sa ulo ah.

may ganansya sa hatchery yung mga " kupit " na paisa-isang sisiw pag pinagsama-sama eh malaki din ang suma. dun sila bumabawi.bebenta nila 100 kada sisiw.pag lumaki lalong iba na presyo.kaya kung bibili ka sa nagpipisa ng itlog na pinahatch mo malamang ang mabili mo yung breeding mo din.hehe

pero kung parehas at walang daya na hatchery lang.lugi sigurado.

cocker122563
August 20th, 2004, 11:03 AM
maraming salamat uli mga kakmeyts. kaya nga ang title ng thread na ito ay kung feasible ba ang magtayo ng hatchery business. as i see it, medyo lamang ang hindi kumbinsido na kikita ang ganitong klaseng negosyo. kahit ako ay nagkakaroon na rin ng second thoughts pero nagtatanong-tanong pa rin ako ng tamang diskarteng dapat gawin para ma-maximize ang income potential ng negosyong ito.

kumikita ang tony's hatchery dahil although napakababa ng singil nila, napakarami naman ng nagpapapisa sa kanila. bumabawi sila sa volume o sa dami ng itlog na ini-incubate nila. pero kung ikaw ay medyo malayo sa area ng marikina at may ilang itlog lang na ipapipisa, i doubt if you'll go out of your way para lang magpa-incubate sa kanila.

gaya ng sabi ko dati, kung honest and efficient ang service na ibibigay ng hatchery mo, kahit mahal sa prevailing rates ng tony's hatchery ay tatangkilikin ka pa rin.

special mention to Solraya, GoldenDragon, banderado84, roundhead, jlbs72, ryan72_2000, TabukSuba, matador and my special friend bien1931 who all gave their pieces of advice, again, maraming salamat po. :)

ROYhatchkelso
August 20th, 2004, 04:55 PM
Sir Cocker122563,

Dagdag lang ako ng konti. Since nasa kunsumo ng kuryente ang ikalulugi ninyo dyan. Isinasuggest ko na doon ninyo sunod na pagtuunan ng pansin ang feasibility study ninyo. Ang sunod na tanong siguro e, paano mapapababa ang Power consumption ng incubator ninyo. Sa pagkakaalam ko, karaniwan na ang mas malaking capacity/dimension ng incubator ay mas malaki ang power consumption dahil mas mataas na wattage din ang kailangan mong ikabit na device nito pero siguradong merong paraan na magagawa dyan (legal man o Illegal, pero syempre, pangit kung illegal ang gagawin nating way para lang kumita). Baka may iba tayong mga kakmeyts dito na makapag bigay ng tips tungkol dito. maaari sigurong makagastos ka pa ng konti para dito pero kung makakatipid ka naman sa kuryente, bakit hindi diba? I'm sure, sa legal na paraan medyo mahirap pero I think feasible yan. may access sana ako sa mga experts sa thermal at electrical dito sa trabaho ko kaso, mahirap humanap ng paraan kung paano sila tatanungin na hindi mahahalatang hindi related sa trabaho namin yun. Kung pinoy din sana, oks lang, kaso chinese.. But, In case, makakuha ako ng idea, Isi-share ko kaagad sa inyo.

Have a nice weekend.

Royhatchkelso

cocker122563
August 20th, 2004, 10:29 PM
talking of feasibility studies on hatcheries, let's do some imaginary computations using a hatchery in pasig as an example. yung papisaan ng kakilala ko sa pasig maintains a 200 egg capacity incubator. he charges 5 pesos/egg and an additional 10 pesos per egg hatched.

let's say napuno agad yung incubator niya on DAY 1.
200 eggs x 5 pesos = 1,000 pesos

after candling on DAY 7, half or 50% is infertile so he has an additional 100 egg space available.
100 eggs x 5 pesos = 500 pesos

after candling the 2nd batch of eggs on DAY 14, half or 50% is infertile so he has an additional 50 egg space available.
50 eggs x 5 pesos = 250 pesos

on DAY 21, 75% of 100 eggs will hatch out of the first batch of eggs.
75 chicks x 10 pesos = 750 pesos
another 100 egg space available vacated by the hatched eggs.
100 eggs x 5 pesos = 500 pesos
after candling the 3rd batch of eggs, half or 50% is infertile so he has an additional 25 egg space available.
25 eggs x 5 pesos = 125 pesos

on DAY 28, 75% of 50 eggs will hatch out of the 2nd batch of eggs.
38 chicks x 10 pesos = 380 pesos
another 50 egg space available vacated by the hatched eggs.
50 eggs x 5 pesos = 250 pesos
after candling the 4th batch of eggs, half or 50% is infertile so he has an additional 50 egg space available.
50 eggs x 5 pesos = 250 pesos

now, if we will all add the income generated from those 4 weeks, we'll come up with a total of 4,005 pesos (roughly) less 336 pesos monthly electricity bill (ryan72_2000's computation) will give us a monthly income of 3,669 pesos net for a 200 egg capacity incubator.

kung imu-multiply naman natin ang 4,005 by 5 (1,000 egg capacity incubator), maari tayong kumita ng 20,025 pesos less 2K elecric bill for a possible net income of 18K+ pesos/month.

napakaraming variables ang posibleng mangyari. some things are easier said than done 'ika nga. maaaring mas maliit pa dito ang kitain mo. posible ring mas malaki depende sa reliability at high hatchability ng incubator mo. in any case, negosyo ito at tulad ng sabong na nakikipagsapalaran tayo, ganun din pagdating sa negosyo.

pero teka muna. sino ba ang niloloko ko? ang sarili ko pihado...

help please!!! hindi ko na alam ang gagawin ko.

english dom
August 21st, 2004, 07:42 AM
sa sabong nga eh walang kasiguraduhan, ganyan talaga negosyo sa umpisa lang mahirap, wag ka munang mag sabong mag sugal ka muna sa hatchery business na gusto mong ilagay sa lugar mo, imagine ang tonys hatchery naka survive sa ganyang negosyo, ikaw pa kayang walang kalaban sa lugar mo.
Sige fight tuloy mo yan.....

bien1931
August 21st, 2004, 08:47 AM
8-20-04, Cocker 122563 nee Noel, I had a good laugh when u - answered u'er own ? tanong mo sagot mo.U might have spend the whole night trying to fine all the answer to u'er ?. To save on electricity how about a solar panel that will charge a 12 V car battery? There are plenty of car heaters u can use to heat the incubator. Just a thought or go the Mexico and swim across Rio grand be a Pinoy wet back ha.ha. bien:hombre:

banderado84
August 21st, 2004, 08:58 AM
....to save on electric bills u can try heating elements instead of bulb.....like the small hovabator that i have.....48 eggs capacity with 18 watts power....could also run on 12V battery while u are charging it for brownout protection.....:zippo:


...just too small for commercial use. ;)

steben_cgal
August 21st, 2004, 09:49 AM
Cockers - Pre i think pwede kang mag play safe by selling chicks

na lang out of your own breed. Just have your incubator for

personal use or better still pwede ka mag accept ng itlog for

incubation per yung hindi itlog ng mga teksas na panlaban.

pwede itolog ng sasso,kabir, pabo, pato etc... but wag lang

teksas para iwas sa duda ang mga customer. ...

my opinion lang pre..

cheer's

Jikoy

ligas_paka2006
May 10th, 2006, 01:46 AM
do a feasibility first if its viable

shaggy_ram
January 30th, 2009, 12:08 AM
Mga kasamahan sa industriya, marami kasi akong itlog ng manok n nd nililimliman ng inahin, may mga alam kayong mga commercial hatchery malapit sa quezon city,Pa message nmn ako sa ulysses_ramos@hotmail.com.salamat ng marami