View Full Version : lugon na manok ok lang purgahin?
dannyco
October 5th, 2003, 08:22 PM
Tanong ko lang kung pwede bang purgahin ang manok na naglulugon. Kung pwede ano naman ang pinaka effective na brand.
solraya
October 5th, 2003, 09:15 PM
hindi advisable, kasi additional stress yun
MOYZKI
October 8th, 2003, 12:52 AM
Pareng dannyco,
Subukan mo gumamit ng CT Williams na pampurga, kasi less stress iyan, pwede mo ito ibigay kahit anong oras, hindi mo na kailangan gutumin o i fasting ang manok mo kung ito ang gagamitin mo. Meron pa siya ingredients para bumalik kaagad ang lakas ng manok mo bunga ng pagka-purga. Sa experience ko ay okey naman ang resulta kahit purgahin ko ang mga lugon na manok. Wag mo rin ito kalilimutang bigyan ng anti-stress na vitamins, para iwas stress na rin........
MOYZKI
dannyco
October 8th, 2003, 02:37 AM
Pareng moyzki salamat sa payo mo. Susubukan ko kagad to.Ngayong Mayo lang kasi ako nag-umpisang mag alaga ng manok kaya hindi ko pa kabisado ang tamang pag aalaga. Kaya lahat ng payo ay highly appreciated. thanks.
swallow
October 9th, 2003, 05:19 PM
purgahin mo ang manok kahit panahon ng lugon pero siguraduhin mo na hindi mo sila ipa-fasting... ano ang difference ng me fasting at wala? yung hindi nag-fast 80% ng bulate ang made-deworm, while yung nag-fast almost 98%. bakit walang fasting? ang rekomenda ko kasi nasa period of stress ang manok during lugon kaya huwag na natin masyado dagdagan... bakit naman dapat purgahin? kasi sayang ang nutrients na inaagaw ng bulate instead na mapunta sa nangangailangan manok...
ito ang tip ko sa yo, next time before mag-moult manok mo, gumamit ka ng pampurga na PAKYAW, ang lasting effect nito eh 3 mos, so halos tapos na sa lugon manok mo kapag pupurgahin mo ulit. plus ang Pakyaw eh napapatay even yung itlog ng bulate so hindi mo na kailangan pang ulitin ang pagpurga after 10 days.
joeymerc2003
October 11th, 2003, 01:20 PM
bossing.... wala ba sideeffect yung "pakyaw", kala ko kc pam baboy lang yun...
batute20
April 27th, 2006, 02:38 AM
AMEN!!
ligas_paka2006
May 19th, 2006, 05:33 AM
korek
AnakNiPepe
May 19th, 2006, 08:27 AM
sang ayon po ako sa sinabi nya. pero ang gamit ko pong pamurga ay 2 klase at magkaibang content para sa ibat ibang klase ng bulate. ganun din po ang ginagawa namin before mag moult purga na at paligo. tapos vitamins ay water soluble lang po ang injectible po ay pag mostly ng balahi ay tumubo na tsaka na po namin bibigyan
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.