PDA

View Full Version : Royal Pigeon Feeds


Edong
October 6th, 2003, 04:48 PM
Gumagamit ba kayo nito? ang mahal eh pero andaming klaseng grains kaya hinahalo ko lang siya sa mas murang grains....

tsampoy
October 6th, 2003, 05:19 PM
super ganda nga ang mga nakahalong grains dito tulad ng corn,wheat,barley at oat.dito sa amin may nakahalong sekreto yan,kaya yung mga belgian world champion mainam.alam nyo ba na may nakahalong hanf seeds yan na kailangan ng pigeon para sa alertness at pagiging active.yung marijuana seeds o hanf seed na tinatawg dito sa europe ay pag ibinigay in small amount ay parang stimulant ang effect.HUWAG LANG SOBRA TSONG...................BAKA MAG TRIP YAN.....................HAHAHAHAHAHAHAHA!ANG KAIBIGAN NYONG SHABUNGERO SA SHABUNG-TSAMPOY.HAHAHAHAHAHAHA!:lol: :lol:

tsampoy
October 6th, 2003, 05:23 PM
INSPEKSIYUNIN MO YUNG ROYAL PIGEON FEED MO KUNG MAYROON NITONG KUNTING hanf seed o marijuana seeds.hanapin mo yung pinkamaliit na nakahalong grain.teka bakit ko nga ba idini describe,ay lahat naman tayong pinoy nakasubok na nyang baguio gold o taytay gold,hahahaha!:lol: :lol:

MOYZKI
October 8th, 2003, 12:43 AM
Pareng Edong,

Ayon sa nabasa ko ang royal pegion feeds ay nag-papabuka ng dibdib ng manok. Pero isang dahilan din ito para bumigat ang timbang ng manok mo. Kaya ang ang maximum nito ay 15% sa mixture mo. Kung minsan ay merong manok na ayaw kumain nito kaya mas mainam kung ito ay pa grind mo sa poultry supply na pinag-bilhan mo, bawas din iyan sa phytic acid na napo produce ng green peas........

MOYZKI

LMIGHTY
October 8th, 2003, 06:29 AM
Tsampoy, baka hemp seed yong ibig mong sabihen kasi ang hemp parang marijuana din yon at saka ang hemp hinahalo talaga sa racing pegion yan.

tsampoy
October 8th, 2003, 01:45 PM
lmighty,yan,yan na nga ang hinahanap ko,hemp seed.;)

swallow
October 10th, 2003, 01:17 PM
Edong,

since gustung-gusto mo naman ang royal pigeon mix, at medyo mahal nga sya, ito ang payo ko sa yo, bilhin mo eh yung Sportmix na gawa ng Natural na gamit for pigeons, imported ito from belgium. mas mura compared sa Royal. ang difference ng dalawa, walang corn ang Sportmix, eh di hamak na mas maganda at fresh ang corn natin na galing dyan sa Cavite kaya yun na lang idadagdag mo.

Edong
October 10th, 2003, 04:07 PM
Swallow,
Thanks for the info. No problem with the corn kase sarili naming produce yung pinapakain namin ;)
Edong

P_U_L_A
December 10th, 2003, 09:06 AM
Kausap ko yong matandang nag-aalaga ng panabong na manok.
Matagal na raw sya gumagamit ng pegeon feeds, isa nga sa dahilan ay para bumuka ang dibdib pero mas may isa pang importante na hindi nabanggit dito.
Ginagamit din raw niya ito sa mga alpas(cockerels) o yong nasa range para tumibay at malakas ang pakpak. ;)

Hahahaha... kaya pala nong nagsabong sya, eh tumakbo ang kalaban ng manok nya na walang sugat! sa pakpak palang hilo na. :lol:

rkysat
December 10th, 2003, 09:26 AM
Gumamit lamang ng tamang percentage nito sa Feed mixture mo. Although, medyo mahal nga lang but kita mo naman ang benefits sa mga Manokis mo.
Lahat ng "Perfectionist" sa Sports natin ay gumagamit nito ! Kaya Approved !;)

swallow
December 11th, 2003, 07:14 AM
Sa mga manok na naka-range, totoo naman po na talaganag mas mainam ang grains compared sa mga stag developer pellets, yung mga pellets panghalo lang yan sa grains... at dahil gala nga yung manok me access siya sa mga pagkain sa lupa tulad ng bulate, grits, damo atbp.

Ang laki sa grains mas malakas laging mamalo kesa sa pinalaki sa pellets, dahil bihira kang makakita ng grains ang pagkain na mataba ang manok, usually siksik yan at malakas sumikad...