View Full Version : BINABAE??? LALAKE ba talaga o BABAE???
mardy
November 20th, 2004, 04:37 PM
Sino pwedeng magpaliwanag sa akin na ang isang binabae ay pwedeng MANGITLOG??? kasi nakita ko sa isang laban dito sa MUNTINLUPA eh nangitlog yung BINABAE habang lumalaban sa RUWEDA!!! Sa maniwala kayo sa akin o sa hindi pero nakita ko talaga noong tamaan siya eh biglang luamabas yung itlog sa PWET niya... may WING BAND pa naman yung manok tsaka magaling din talaga kaso ng masugatan tumakbo... meron ba tyo ditong vet. na pwede ipaliwanag yung nangyari????:eek:
pinnacle
November 23rd, 2004, 01:51 PM
brother mardy,
di naman kaya talagang babae yun na talaga lang walang inuurungan sa away pero nung makaramdam na ng sugat eh lumabas din ang tunay niyang lambot? hehehe! kasi meron akong isang inahin na sobrang tapang, pulang tandang lang ang medyo iniiwasan. :lol: :lol:
mardy
November 23rd, 2004, 07:02 PM
Cguro nga bro tama ka bka Babae nga yung lumaban doon sa ruweda pero may wing band yung manok eh tsaka kilala yung sabungero na may ari ng manok na yun... tawanan nga kaming mga mananaya Llyamado pa naman sa laban Sampu/Anim!!!! buti na lang dehadista ko... hehehe...:D :D
TOTI
November 25th, 2004, 07:27 AM
Bihira na ako, dahil sa aking edad, na matuwa sa aking nababasa. Isa na po ito.
CESAR55
November 25th, 2004, 11:43 AM
Igan Mardy,
Yan siguro yung tinatawag nila na 'babaing itlugan':D
pinnacle
November 25th, 2004, 07:01 PM
:lol: regular size ba na itlog ng manok pareng mardy? kasi me mga nakita na rin akong itlog na maliliit mula pagkabata ko na sinasabi ng dalawang lolo ko nun na itlog nga daw ng tandang at yung lolo ko sa father side na sabungero ay dinadala pa lagi sa sabungan kasi swerte daw at anting-anting sa sugal. pati daw sa babae - dagdag itlog siguro. :lol: :rbounce:
Soseng
November 25th, 2004, 07:53 PM
:lol:
rodel calilung
November 25th, 2004, 11:36 PM
:lol: :lol:
mardy
November 26th, 2004, 04:22 AM
Pinnacle, Malaki pre yung Itlog na lumabas...:eek: maganda rin kc pre yung station nung manok... Cesar55 Sori pre di ko rin alam yung mga tawag ng matatanda sa mga kakaibang manok... :innocent:
pinnacle
November 28th, 2004, 11:17 AM
mmm... kakaiba nga talaga yan. kodak moment! sana nagkaroon ka ng video footage para sa ripley's believe it or not. para kahit natalo ka sa manok o travesia nung araw na yun, mas malaki naman mapagbebentahan mo sa ripley's. :lol:
sonny_padilla
December 6th, 2004, 09:05 PM
:lol:
desertfire
December 4th, 2005, 03:14 PM
baka nagkatsyupian:D
dotman
December 4th, 2005, 03:59 PM
nung bata pa ako, narinig ko sa matatanda yung salitang na "binalalake". ginagamit daw itong term na ito to describe yung mga babaeng manok na kulay at kilos lalaki...is there such a fowl?
rbarro
December 4th, 2005, 09:30 PM
pwede ko rin siguro i-share... because i experienced na yung tandang eh, nangitlog. pero hindi kasing laki ng sa inahen.
maybe maiipaliwanag ng mga kasama nating veterinario ang tungkol sa bagay na ito..
that cock won for me 2x...
dotman
December 5th, 2005, 11:31 AM
meron kaming native na manok dito sa saudi na kung tawagin ay "bado". yung isang kinuha ng kasamahan ko para ipangtatyaw ay pagkapangitpangit ng hitsura, maliit, payat, at meron pang balahibo sa paa. palibhasa'y di sanay sa pagmamanok. napagkatuwaang pungusan ng sagad na sagad para kunyari eh ulong texas. aba, si pangit, nung naglaban ay nagpakita ng gilas. ibinitaw sa mga malalak at tunay na texas ngunit di nanakbo. nag-aadjust ng laro...maingat at merong diin ang palo. sa madaling salita, napagkasunduan naming alagaan ng maayos at ikondisyon para ilaban. mantakin mong nangitlog...naka-dalawang itlog pa. yung itlog niya ay merong malambot na shell at di lalaki sa itlog ng pugo...pero wag kayo...si pangit, apat na ang panalo...puro mistiso pa ang pinapatay... :teeth:
ValianT
January 3rd, 2006, 01:47 AM
MUNTINLUPA!:eek:
tiope?:confused:
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.