PDA

View Full Version : Fighting style ng ating mga manok kanino ba namamana? sa brodkak o sa broodhen?

OREVON
January 29th, 2012, 11:35 PM
Mga kasabong pag usapan lang natin ang tungkol sa fighting style ng ating mga panlaban. Meron may gusto ng mga salto at ang iba naman ang gusto nila multi shuffler at ang iba naman ay gusto nag wave ang mga manok nila.

Kanino kaya nila namamana ang mga katangiang ito o ang fighting style nila - sa kanilang tatay (broodcock) o nanay (broodhen)?

Share lang po para sa ikauunlad ng ating pagbibreed ng ating mga panlaban.....:)

BrO
January 30th, 2012, 12:16 AM
Kung sa Tao Malamang Boss sa Nanay kasi si Manny Pacquiao kay Aleng Dionisia nagmana

Peace........up ko lang Bossing

OREVON
January 30th, 2012, 12:26 AM
Kung sa Tao Malamang Boss sa Nanay kasi si Manny Pacquiao kay Aleng Dionisia nagmana

Peace........up ko lang Bossing

maraming salamat sa comment mo brod.....pwede nga. nabasa ko sa isang article na nag boksing daw yata si nanay dionisia nung kabataan nya.:D

OREVON
January 30th, 2012, 11:31 PM
itaas ko lang baka meron gustong mag share ng experience.......

spplubao
January 31st, 2012, 01:57 AM
Aku bro king giendu base mu king pamg breed mi..

sextynine
January 31st, 2012, 03:23 AM
Mga kasabong pag usapan lang natin ang tungkol sa fighting style ng ating mga panlaban. Meron may gusto ng mga salto at ang iba naman ang gusto nila multi shuffler at ang iba naman ay gusto nag wave ang mga manok nila.

Kanino kaya nila namamana ang mga katangiang ito o ang fighting style nila - sa kanilang tatay (broodcock) o nanay (broodhen)?

Share lang po para sa ikauunlad ng ating pagbibreed ng ating mga panlaban.....:)

sana may makapag-share pang iba.

RD Falcon
January 31st, 2012, 04:27 AM
sana may makapag-share pang iba.

normally kasi base sa aking naoobserbahan ay sa broodhen nagmamana ang fighting style ng mga anak na tandang, at yun mga pullet naman ang nagmamana ng traits from brood cock..

pero meron pagkakataon na yun broodcock pala ay prepotent, yun naiipasa nya ang kanyang fighting style sa mga anak na tandang...bihira yan mangyari...at yan ang ginto sa isang farm ng mga breeder.

mangelo
January 31st, 2012, 04:37 AM
tama si Boss RD,,meron mga broodcock n prepotent,,,lalu kun ito broodcock n ito eh nagdaan s matinding inbreeding at selection,,at pag prepotent ang broodcock ay tyak na maganda din halaga,,,kse magkakaidea k n kgad kun anu maibabato nito s anak nya,,na halos ang kuhanin n lan s inahin ay kulay ng paa,,,

RD Falcon
January 31st, 2012, 04:49 AM
tama si Boss RD,,meron mga broodcock n prepotent,,,lalu kun ito broodcock n ito eh nagdaan s matinding inbreeding at selection,,at pag prepotent ang broodcock ay tyak na maganda din halaga,,,kse magkakaidea k n kgad kun anu maibabato nito s anak nya,,na halos ang kuhanin n lan s inahin ay kulay ng paa,,,

basta pre mangelo, matangkad na broodcock gamitin? yun mga medium ay katayin na? hehe

mangelo
January 31st, 2012, 04:56 AM
basta pre mangelo, matangkad na broodcock gamitin? yun mga medium ay katayin na? hehe

Pre RD,,,un may fatal blow???,,,,joke lan mga ksabong ah,,:D:D

RalSuBirds
January 31st, 2012, 05:09 AM
..... kung ang manok ay mahilig sa kurutan, kamutan at lalo pa kung maingay ,,, tiyak sa inahin nagmana yan .....

killuah
January 31st, 2012, 05:15 AM
mostly cguro sa broodcock nagmana...ewan ko lng, hehehehe...

Island Born
January 31st, 2012, 05:37 AM
basta pre mangelo, matangkad na broodcock gamitin? yun mga medium ay katayin na? hehe

Sabihin mo yan sa face nila Cito Alberto, Aguirre, Lance, Wolf ng Velcro, Boy Ledesma, Primalon, Alimbuyugin, sa mga Breeder ng Possum Sweater, at iba pa na Matalinong Breeders na nag-aalaga ng medium station na katayin na nila mga bansot nila he he he.

Island Born
January 31st, 2012, 05:49 AM
Mga kasabong pag usapan lang natin ang tungkol sa fighting style ng ating mga panlaban. Meron may gusto ng mga salto at ang iba naman ang gusto nila multi shuffler at ang iba naman ay gusto nag wave ang mga manok nila.

Kanino kaya nila namamana ang mga katangiang ito o ang fighting style nila - sa kanilang tatay (broodcock) o nanay (broodhen)?

Share lang po para sa ikauunlad ng ating pagbibreed ng ating mga panlaban.....:)

Madaling makita sa cock ang kanyang laro, pero sa hen ay di mo agad makikita, not unless sinabi ng kinuhanan mo kung anong klase ang ibabato ng hen na laro sa magiging anak nito dahil sila ang gumawa dito (nagpuro by means of intensive linebreeding/inbreeding).

Let say nagustuhan mo ang laro ng cock pero di mo pa alam ang laro ng hen at pinagparis mo sila. Yung mga anak ay iba-iba ang larong lumabas at medyo malayo-layo ang laro sa ama. Yung isusunod mong i-breed ay yung anak na pullet ng ama para mas tumaas ang chance na mamana ng magiging anak nila ang fighting style ng tatay nila.

Darkside
January 31st, 2012, 07:53 AM
is that why po, marming mag breed using po yon oriental cocks side to western hen po? para yun F1 pullets ng mana po sa ama? tapos breed nila sa western cock and at 1/4 mana parin po sa oriental ang fighitng style kasi po yun traits mana sa hen?

Island Born
January 31st, 2012, 08:34 AM
is that why po, marming mag breed using po yon oriental cocks side to western hen po? para yun F1 pullets ng mana po sa ama? tapos breed nila sa western cock and at 1/4 mana parin po sa oriental ang fighitng style kasi po yun traits mana sa hen?

ginagawa nila yan, para makuha ang laro ng oriental na mautak at cutter, pero yung speed at gameness ay sa western. Sa power ay halos parehong powerful ang both side. Bahala na sa selection nila yung tamang timplada na laro ang gusto nila at pheno type (panlabas na kaanyuan). Mahaba ang proseso ng breeding at matagal before halos makuha mo ang gusto mong pheno and gheno type nila. Maraming selection and culling ang magdadaan. kaya napakamahal ng mga "pure" sila yung dumaan na sa ganitong proseso. Ang gagawin na lang natin ay bilhin ito at pagparisin ang mga "pure" para makabuo ng battlecross ayon na rin sa suggestion ng mga Breeders na bibilhan natin dahil nasubukan na nila ang blend na yun. Di naman masama kung subukan mo rin i-breed sa iba pang "pure". Kaya ayaw nilang pagparisin ang mga battlecross ay mas malaki daw ang chance na sabog-sabog ang laro ng mga iaanak or di uniform maglaro. Unlike dun sa subok na nila na masasabi na nila agad kung ano ang larong kalalabasan ng majority sa iaanak.

Darkside
January 31st, 2012, 12:42 PM
oh oic po salamat sa clarification po sir

sextynine
February 1st, 2012, 03:05 AM
more input please... balak ko kasi bibili ng pagumpisahan sa breeding.

lupito
February 1st, 2012, 03:34 AM
more input please... balak ko kasi bibili ng pagumpisahan sa breeding.

mas maganda sana kung parehong maiinam ang kunin mo na broodcock at hen para kahit papaano eh may lalabas na mainam. sa akin minsan sa broodcock nagmamana ng laro pero sa porma at ibang pisikal na katangian ay sa ina.

OREVON
February 2nd, 2012, 01:06 AM
normally kasi base sa aking naoobserbahan ay sa broodhen nagmamana ang fighting style ng mga anak na tandang, at yun mga pullet naman ang nagmamana ng traits from brood cock..

pero meron pagkakataon na yun broodcock pala ay prepotent, yun naiipasa nya ang kanyang fighting style sa mga anak na tandang...bihira yan mangyari...at yan ang ginto sa isang farm ng mga breeder.

napakaganda ng paliwanag mo sir RD Falcon. actually ganito rin ang sinabi sa 'kin ng isang breeder na kaibigan. you second his motion:D

actually kaya nai open ko etong tanong na ito dahil gusto ko talagang mapatunayan kung nangyayari talaga ito. ang pagkakaalam ko kasi dati tulad din ng kaalaman ng iba na ang fighting style ng stags ay nakukuha sa nanay nila. yun kasing lahat ng naging anak nung isa kong inahen ay parepareho ng style. kaso nung kinross ko yung isang anak na lalake sa asil ay kapareho ng tatay ang laro. ginamit ko rin sa silver grey at ganun din ang laro ng anak.

thanks sa pag share sir:)

ligas_paka2006
September 20th, 2012, 04:09 AM
Sa obserbation ko, sa nanay nag mamana ang estilo ng laro

taliling
September 21st, 2012, 04:12 AM
may seminar akong napuntahan at sinabi ng speaker na sikat na breeder din, na 50 50 dw ang pagbato ng traits sa mga anak, ang controlado lng ng inahen ay ang pagbigay ng kasarian ng anak. pero pg dating sa characteristics ay 50 50.

raprap1tirador
September 22nd, 2012, 06:35 PM
kung mana ang laro ng stag sa mama nya... eh bakit mas mahal ang
broodcock kaysa sa broodhen?? bakit kaya mga kasabong???

Intrepid
September 22nd, 2012, 06:41 PM
kung mana ang laro ng stag sa mama nya... eh bakit mas mahal ang
broodcock kaysa sa broodhen?? bakit kaya mga kasabong???

Kasi kasabong ang broodcock ay puede mo ipalahi sa ibat ibang inahen.

OREVON
September 22nd, 2012, 07:03 PM
ang mga well known breeders ay they rather part with their double barrel ace rather than their gold laying hens............

kaya nga ang iba maririnig mo na di nagbebenta ng mga inahen pero nagbebenta ng mga tatyaw

yung comment ni RD Falcon earlier regarding PREPOTENCY ay totoo po ito dahil napatunayan ko na ito sa aking munting bakuran

Lefthand
September 22nd, 2012, 08:23 PM
kung mana ang laro ng stag sa mama nya... eh bakit mas mahal ang
broodcock kaysa sa broodhen?? bakit kaya mga kasabong???

Kasi yung broodcock pag di natin nagustuhan kinalabasan ng mga anak pede din panlaban, unlike broodhen panlahi lang talaga ;)

EPG5 Backyard
September 23rd, 2012, 08:05 PM
Sa na obserbahan ko sa mga palahi ko parehong nang gagaling sa broodcock & hen ang fighting characteristics ng offspring.
Ganito na lamang.....ang breeder pinag hahalo ang Hatch blood at ang Claret or Kelso blood para yung lalabas na battlecross ay may laban sa baba at sa itaas (all around fighter) Hatch - grounder, gameness, bottom .......... Claret para maganda ang cutting at may angat.....Kelso may angat and all around fighter sya. Ito ang simpleng rason kaya tayo nag mi mix and match sa pag breeding para makuha natin yung hinahanap nating fighting style.

Kaya ang hen at ang broodcock ay parehong may contribution na namana ng anak nila!

JaCk/TD
September 24th, 2012, 01:36 PM
I read from the book of Naragansett
Fighting style at Speed - from the BC
power and durability - from the BH
kat sa experience ko epektibo naman.
at selection talaga kasi sa tandang madaling makita ang katangian na hinahanap natin kasi ma sparring natin sila at masubok sa pit. unlike sa hen through his family lang record lang tayo magbabasi. unless ng inahen is prepotent. pero kung bibili palang tayo sa mga skat na breeder. more po ako sa cock nag seselect, kasi sa hen hindi natin masabi na ang mga katangian ng kapatid nya na tandang ay same din sa kanya. maaring best sya o maaring din sa kanya ang katangiang ayaw mo sa isang linya. kaya ang mga batikang breeder, hindi kumukuha ng 1 or 2 inahen lang na mga imported. mostly order sila ng volume pag dating sa inahen kasi try muna nila lahat yan at kung saan at sinong inahen ang nag bibigay ng improvement ng linya nila don sila tutuk at yun ang gamitin nilang improvement sa seed stocks nila for another generation ng linya nila or upgrading.

cnucum
September 24th, 2012, 01:43 PM
para sa akin from BOTH... kaya nga tayo pumipili ng pag paparehasin na tatyaw at inahin diba...

pero meron talagang mga "indibidwal na manok" na kahit saan mo eh cross (panlaban manok) eh naipapasa nya ang kanyang mga katingain sa anak nito, mapa cock o hen man... yang mga ganyan ang minementena...

OREVON
September 24th, 2012, 03:20 PM

share ko lang itong experience ko since 2009...........

niregalo sa 'kin itong broodhen na 'to in 2009.
http://i773.photobucket.com/albums/yy15/orevonbros/200120111182-1.jpg

bago pa yun meron na akong possum sweater, stinger grey, albany at blueface na linyada. proven na ang possum sweater ko dahil ang original materials ay mula kay Robert So na nakapartner ni Carol Nesmith at Nene Abello nung 1997 sa pagkuha ng WSC. powerful ito. kinross ko ito sa aking albany at stinger grey na nagbigay din ng mga panalo sa 'kin.

heto isang video ng Possum Sweater Albany cross
https://www.facebook.com/photo.php?v=371666279517496&set=vb.100000223829017&type=2&theater

kung mapapansin nyo rito na power at good cutter sila. maswerte silang manalo na hindi masusugatan dahil ang gusto nilang laban ay harap harapan.

nung napasa akin yung hen na nasa picture sa taas ikinross ko ito sa aking possum. at heto ang labas ng mga offspring......nagkaroon ng ilag na parang may isip sila na ayaw matamaan.
https://www.facebook.com/photo.php?v=272488256101966&set=vb.100000223829017&type=2&theater

mga 2nd generation na palabas ko.......

https://www.facebook.com/photo.php?v=251456578205134&set=vb.100000223829017&type=2&theater

eto nanalo din ito kaso walang actual na fight video pero heto spar nya ngayong blemished na sya at ginawa kong broodcock
https://www.facebook.com/photo.php?v=322789977738460&set=vb.100000223829017&type=2&theater

hindi ko agad NAPUNA itong katangian na ito kaya patuloy pa rin ako ng pag eksperimento ng crossing sa mga available kong bloodlines. ONLY last year ko lang napagtanto na etong hen na napasa akin ay PREPOTENT. lahat ng anak nya babae man o lalake ang gamitin ay ipinapasa ang kanilang laro sa kanilang mga anak. i have proven that.

to be continued.........

OREVON
September 24th, 2012, 03:44 PM
sinubukan ko i sib-mating ang isa sa mga stag winners ko in 2010 only early last year. heto ang palabas ko.....sparred with one of the 2nd generation winner - halos pareho sila ng style
https://www.facebook.com/photo.php?v=460112954006161&set=vb.100000223829017&type=2&theater

sinubukan ko i mate yung blemished broodcock ko with an asil at heto ang labas
https://www.facebook.com/photo.php?v=318358388181619&set=vb.100000223829017&type=2&theater

.....naka 3 times winner ito

oo maaring sabihin na dahil nakuha nila ang laro sa kanilang mga broodcock.

pa'no natin maiiexplain yung pagpasa ng fighting style mula sa original hen sa kanyang mga anak? para mawala ang agam agam ginamit ko ang aking blueface broodcock over sa isa sa mga 3rd generation broodhen (nasa kanan at sensya na sa video at nagkamali lang ng pagsabi ang handler ko). yung wine red naman ay anak ng original hen with one of her 1st gen offsrping. pansinin nyo ang laro ng dalawang stags na 'to - they are my best bet this coming stag derbies.......medyo mahina dahil naulanan nung nagdaang gabi

https://www.facebook.com/photo.php?v=523490761001713&set=vb.100000223829017&type=2&theater

mga possum sweaters na naikross na sa linyada ng original hen - meron na mga ilag ngayon

https://www.facebook.com/photo.php?v=523496074334515&set=vb.100000223829017&type=2&theater

https://www.facebook.com/photo.php?v=523522454331877&set=vb.100000223829017&type=2&theater

OREVON
September 24th, 2012, 03:55 PM
para sa akin from BOTH... kaya nga tayo pumipili ng pag paparehasin na tatyaw at inahin diba...

pero meron talagang mga "indibidwal na manok" na kahit saan mo eh cross (panlaban manok) eh naipapasa nya ang kanyang mga katingain sa anak nito, mapa cock o hen man... yang mga ganyan ang minementena...

tama ka pareng cris........inaantay ko makita ngayon ay yung laro ng mga upcoming stags ko na anak nung kapatid na babae nung 3x winner asil roundhead na anak nung asil hen galing syo. di pa naglalaban sa ngayon.

heto bagong naglalaban pa lang dito itong grey stag na straight comb pero ipinakita na nya dito ang fighting style ng minementena kong bloodline. meron na rin ilag at am sure na madedevelop ito......

https://www.facebook.com/photo.php?v=523614430989346&set=vb.100000223829017&type=2&theater

etong mag-ama meron na rin konting dugo ng bloodline na sinasabi ko

https://www.facebook.com/photo.php?v=523609967656459&set=vb.100000223829017&type=2&theater

CONCLUSIVELY..........napatunayan ko sa aking breeding na pag meron nitong PREPOTENT blood ay pwede itong ipasa mapa lalake o babae kahit hanggang 1/8 blood na lamang.

paulnb
September 28th, 2012, 03:33 PM
nice thread, marami akong na tututunan...more wins mga ka sabong

oasis
September 29th, 2012, 04:36 PM
angat ko lang po ito baka meron pa gusto mag share base sa obserbasyon nyo sa breeding ninyo,

ajbulabog
September 29th, 2012, 07:01 PM
salamat sa ts at sa lahat ng nag share ng kanilang experiences...dagdag kaalaman ito para sa aming nag-uumpisa pa lang.
more power!!!

bacolod_ck
September 30th, 2012, 12:05 PM
Para sa akin ang fighting style ng manok ay hindi na mamana, wala sa dugo yan ang style ng pag laban ng manok. Kahit magkakapatid iba iba ang mga laban nito at hitsura kahit na pareho ang dugo nila, may deperensya pa rin ang pag laban nila. maaring mamana lang nila ang power at pagiging angat o high breaker but not the fighting style.

oasis
October 1st, 2012, 04:46 PM
magandanga araw po, angat ko lang po ulit at baka meron pa makapag share ng kanilang breeding kung saan talaga namamana,

jepoy
October 1st, 2012, 05:38 PM
Naalala ko lang:

Fighting Style, Cutting Ability, Stations = Broodcock

Power, Gameness, Body Conformations = Broodhen

---------------------

Pero sabi ni Patrick Antonio kahit anong traits ng manok na namamana palagi daw iyan 50/50. Means, 50% galing sa Broodcock at 50% galing na namana sa Broodhen.

---------------------

Sabi ng iba, depende daw kung anong dugo ang dominante yun daw talaga ang lalabas na mga traits sa mga anak.

misterclay
October 1st, 2012, 06:17 PM
Mga kasabong pag usapan lang natin ang tungkol sa fighting style ng ating mga panlaban. Meron may gusto ng mga salto at ang iba naman ang gusto nila multi shuffler at ang iba naman ay gusto nag wave ang mga manok nila.

Kanino kaya nila namamana ang mga katangiang ito o ang fighting style nila - sa kanilang tatay (broodcock) o nanay (broodhen)?

Share lang po para sa ikauunlad ng ating pagbibreed ng ating mga panlaban.....:)

Based on my experience, pag purong sweater broodcock naicross mo sa 1/2 hatch 1/2 lemon na inahin. Mananaig ang sweater. Gets? ^^

OREVON
October 3rd, 2012, 03:59 PM
itaas natin at medyo napailalim na

spyke4rose
October 3rd, 2012, 05:05 PM
magandang talakayan imho sa dalawa namamana pwede 50/50 or mai traits namamana more sa hen or sa bc.....cguro mkapagbigay ng more info yung maramihan kung mag palahi kung saan mataas na pursyento. more power mga bossing :)

jungold
October 3rd, 2012, 05:10 PM
magandang talakayan imho sa dalawa namamana pwede 50/50 or mai traits namamana more sa hen or sa bc.....cguro mkapagbigay ng more info yung maramihan kung mag palahi kung saan mataas na pursyento. more power mga bossing :)

Bro Spyke good morning , kung parehas na inbred ang Brood parents , i'll say the Hen will pass on all it's trait's , the cock will transmit at least 40% of it's skills , as per Genetic Breeding, Thanks..........:)

jepoy
October 3rd, 2012, 08:50 PM
May na-alala uli ako, dagdag ko lang:

May Amerkano akong friend nun sa sulat, at sabi nya sakin. Kung meron ka daw multiple winner na manok at ginawa mong broodcock at hinde nagmana ang mga anak nyang lalaki (stags)...sa kanya...wag katayin ang mga anak nyang babae (pullets) dahil posibleng dun napunta ang winning power ng broodcock. At ang mga anak na daw na lalaki (stags) ng pullets ang magmamana ng winning power ng broodcock.

Bale, ang broodcock winning power ay mapapasa sa pullets, at ang power na yun mapupunta sa mga stags ng pullets. In other words, sa mga apong lalake ng broodcock (sa anak nyang babae) mapupunta winning power nya.

oasis
October 3rd, 2012, 09:42 PM
sa dami ng nagcomment na iba iba ang opinyon, marahil siguro tama lahat ng opinyon dito depende na lang talaga sa naging expirience ng bawat breeder,

Kubo Ng Bayan
October 4th, 2012, 06:18 PM
Up lang po natin para may magdagdag p ng mga info....

loisbugoy
October 4th, 2012, 07:10 PM
Maganda po nyan...mag experimento tayo by crossing Western Fowl Hatch sa Oriental Family Rampuri Asil....dito sa 2 family of fowl na ito...magkaiba 100% ang fighting style.... PEN-1 using Broodcock Western fowl (Hatch) at Broodhen asil (Rampuri)....and vise versa PEN-2 Broodcock Asil (Rampuri) at Broodhen Western fowl (Hatch)....mas mainam kung ang Hatch ay magkapatid at Rampuri ay magkapatid...nang sa ganun atlist masasabi natin iisa ang laro (fighting style) nang panggagalingan...

Ito po ay pang personal na observation ko lamang...kadalasan (hindi lahat nang anak) makikita ninyo ang laro ay pinag halong combination Hatch Asil or vise versa Asil Hatch....pero meron rin ilan sa anak na naiibang laro sa magkakapatid na nakuha lamang sa Hatch or nakuha lamang sa Asil....pero ang physical na itsura nila ay pinag halong Hatch Asil or vise versa....

Halos lahat tau ay naka focus sa mga lalake at bihira sa babae...kadahilanan na ang lalake lamang ang nakikita natin nilalaban sa roweda...at sa babae ay kadalasan kagandahan or physical na itsura at porciento nang dugo (blood line) ang basehan para gamitin sa pagpapalahe.

Mapa lalake or babae..bihira ang nasasabi nating propotent...or yung masasabi nating nagpapasa nang 70-80% nang kanilang pag-kamanok (physical, metal at fighting style) sa kanilang mga nagiging-anak......sila yung mga panabong na manok (lalake or babae) na tinatawag natin "chicken thats give a golden egg" :)

HAPPY KASABONG TO ALLLL.... :)

GG Crasher
October 4th, 2012, 07:40 PM
sa aking opinion na sa dugo nang isang linyada (straight breed) kung ano fighting style nang manuk....cross breed naman is different story...