View Full Version : Sabong Cheats (mga daya)
Kidd Sentencia
November 17th, 2000, 01:05 PM
Okay friends, inspired by the post in the other thread here by Raravez, let's expose all those sort of cheating in cockfighting.
If we know them, we can be aware, and may avoid it. Please post what "tricks" you are aware of.
Thanks!
Kidd
RARAVEZ
November 17th, 2000, 11:52 PM
KOMPADRENG TALIC, PARA KAY KIDD, ANG TAWAG KO SA GIMMICK NA ITO, SHARING, GANITO, ANG MGA GINAGAWA NILA, PUPUNTA SILA SA SABUNGAN SA ORAS NG TIMBANGAN NG MGA SASABUNGIN, TAPOS PAG-AARALAN NILA KUNG SINO SI MAKATAONG SABUNGERO, PAGDATING NG LABANAN, HIHINGI SILA NG PAGKAIN NG MANOK MO, PAGKATAPOS TITINGNAN NILA SA IYONG SANGKAP KUNG ALIN ANG PINAKAGUSTO NG MANOK. OOPERAHIN NILA ANG BUTIL NA ITO AT LALAGYAN NG PALAMAN NA LASON. PAGPASOK MO NA SA RUWEDA PIPITIKIN NILA ANG BUTIL NA ITO PARA MATUKA NG IYONG MANOK, CHANCES ARE DURING THE CLIMAX OF THE FIGHT, ALL OF A SUDDEN YOUR COCK WILL DIE INSTANTLY. MGA PROFESSIONAL SILA SA PAGPITIK. THEY CAN TELL WHERE WILL THE THING WILL DROP, 99.9 PERCENT IT WILL DROP WHERE THE COCK WILL NOTICE THIS THING. HAVE A GREAT DAY. MABUHAY.
jrtras
November 18th, 2000, 02:48 AM
Here’s another modus operadi of the manlalason/mandurugas/mandaraya...’yung magbibitaw ng manok ay may hahawakan na lason sa bulsa niya, pag-alis nila ng bayna ay ipapahitid ‘yung lason sa blade ng tare. Kung minsan naman ay sa pulok o hackles ng manok nila ipinapahid ‘yung lason para sa labanan, kapag kumapit ‘yung manok ng kalaban ay matutuka ng kalaban ‘yung lason sa hackle feathers at kapag nagtagal ang laban...siguradong mahihilo ‘yung manok na nakatuka ng lason. Sa derby mahirap gawin ito ng mga mandaraya dahil pinu-punasan ng Sentenciador ‘yung blade ng tare pagka-alis ng bayna at pinagba-bawal nang pahipuin sa tare ang nagbibitaw. Minsan din naman, nakikita ko sa mga big time derbies na pinupunasan rin ang hackle feathers (para ma-alis ang lason, kung meron man) bago bitiwan ang manok.
Mga mandurugas mag-ingat kayo, baka makatapat ninyo si Kidd...ngeekk, .9mm Beretta diyos ko! Kidd, masyado naman yatang violent ‘yon...ala eh 29 lang ng Batangas ay puwede na.
I remember seeing a big banner before at Pasay Cockpit that says: “Mag-ingat sa mandurukot...Mandurukot mag-ingat ka rin!”
Cheers!
jrtras
edwin
November 18th, 2000, 06:56 AM
BEEP-BEEP!!!!!!!!
Okey bumusina na ako.
Everytime i joined a derby in P.I.i always
noticed this,if you are a buddy of a pit
owner,matchmaker(friend,relative)your fight
is gonna be the peak time of your birds.
all sabungero knows for night derby the best time for their birds to fight is 8pm-9pm.But
if you are not a friend,yours is maybe 12 midnight or maybe morning na.I think this is also cheating but in a smart way,right.Not
to mention the matching,iyong mukhang maysakit sa kanila.Si Idol siya ang matched mo lol!!!!!!!
Kidd Sentencia
November 18th, 2000, 09:10 AM
Tutoo yan Edwin at yung mga sinabi niyo mga kasama...personal experience ko laging kalaban ko yung top contender. Yung mga mandurugas, naghihintay sa weigh-in sa umaga, din tatandaan nila yung manok mong akala nila pinakamahina. Uunahan ka, kaya nuon sa Mabalacat, pinainan ko ng "hero" si Salung, laronse ako...yung herong yon eh 3 time winner na...pangit pero lintik...eh sa madaling salita hindi nakasugat ang kalaban, champion kami...hehehe.
Kidd
NDT
November 18th, 2000, 09:43 AM
PADRE KIDD, (HELLO THERE PADRE RARAVEZ) MABUTI'T NAILABAS MO ITONG TOPIC NA ITO. WOW! KADAMI PALANG MGA KLASENG PANDOROGAS.
SORRY, HINDI AKO MAKAPAGCONTRIBUTE DITO. WALA AKONG KAMUANG-MUANG SA TOPIC NA ITO
BUKOD SA MGA SIMPLE LANG NA KAGAYA NG LASON SA TARI, SA BUTIL, AT HACKLE FEATHER.YUN DING DAYA SA TIMBANG, AT SAKA YUNG MANAGEMENT ENTRY NA PINIPILI ANG KALABAN. PERO ANG ENTRY NILA AY SA PANGALAN NG IBANG
TAO. WISE ANO? ANG MASASABI LANG NG PARE MONG ITO AY ANG MGA MADURUGAS, BABALIK DIN SA KANILA ANG GINAWA NILANG DUGAS IN SOME OTHER WAYS. AND IT'S NOT GONNA BE A SIMPLE
HARDSHIP BUT IT COULD BE TENFOLD PA. KAYA
AKO, FAIR PLAY LANG ANG INAADVOCATE KO. BUT IT'S TRUE YOU HAVE TO BE WATCHFUL SA MGA
KALOKOHAN NG MADORUGAS. AKO, I ALWAYS BRING
MY FAMILY FOR LUNCH OR DINNER THE DAY AFTER
MY SABONG DAY, AND I CAN'T JUST MASIKMURA THE THOUGHT THAT I AM FEEDING MY FAMILY SA PERANG GALING SA PANDURUGAS.
ANG MOTO NG PARE MONG ITO AY: "KEEP THEM SHARP SO YOU CAN REAP BETTER". ALWAYS THINKING NA KUNG MAY BALAK SILANG DUGAS,O MASKI WALA SANA MA ONE FLY KO SILA. HE.HE..
NDT(NO DRUGS THANKS!!!!)
Kidd Sentencia
November 19th, 2000, 06:51 AM
Ang karamihan ding daya eh yung "hulog"...fixed ito kaya pag ang logro over lo-tres na tapos wala ka namang makitang dahilan...be suspicious. Mapurol ang tari, pinabitinan yung manok, pinilay, etc. Sa Pangasinan, minsan, pag tag-lugon, mag-dedehado sa kabila--lo-tres, tapos mag-kokontra-baralta, lo-tres din. Ako, labas na lang, kain ng kambing...inom ng beer. Ang pinakagusto ko talagang pustahan, pag nag-tatrabiseya ako, yung parehas lang...wala-meron. Ahhhhh, the thrill of victe, este victory pala, and the agony of the feet (mabaho)...hehehe.
Kidd
Simurgh
November 19th, 2000, 08:28 AM
Hehehe! (kinopya) yik! yik!yik! eto na naman victe. may laman na uutaakkk....Saraaap simoy bukidd!!! Patibong handa na para ibon.
Well, I've seen it (fixed fight) but no alteration what so ever. usually you will know a fix fight a week after. As far as I know, An obvious fixed fight is rare (100% success) since masyado itong halata during the fight.
A fixed fight in my opinion is also a 50/50 chance to succeed. a six month stag,1.4 kg match with 2kg+ 18 mos. more or less. The logro is 2:3. The weak stag performed as if it has not eaten for 2 days. the stag won by chance without a scratch. A slow motion offbeat weak jump and plunge the knife to the softest chest to the heart of the opposing bullstag. ( the fix fight is a failure). 5 sultadas later the same stag returned match with a near 3 year old cock who look like weighing 2.3 kg. This time partida is given with the cock having ibabao sa tahid handicap.
Upon release the poor stag was hit several times and thrown and rolled to the ground everytime it was hit by the cock. Fortunately the stag legs wasn't damaged. The stag bath with its blood looks pityful with broken wings keep on standing and walk slowly towards the cock only to received additional wound in the body and thown out again. The stag still alive but down head's up and trying to stand. The cock decided to give the stag a long finishing shuffle to end its misery. But wait! after the monstrous shuffle, the unscratched cock stucked its tare to its neck!!! The sentenciador free the cock's tare from its neck and do the careo. The cock and the stag standing and facing each other feeling each other's wound and neither wants to initiates an attack for about 5 seconds. The cocks bettors realizing the stag was severely peppered with wounds and a broken wing shouted to drive away the stag to run. The crowd shouted shooo...shooo, shoes, Este, shoo. Then finally its the cock that ran for its life, The stag won its second fight without delivering a single blow but just two pecks. A fixed fight that failed twice in less than an hour.
kidd eto na naman ako at your mercy heheheheheheheheheheheheheheheheheheheheheheh
Camarines
November 19th, 2000, 12:31 PM
Totoo ba na kapag bakal ang tare hindi ito susugat tulad ng acero? Ito tunay na nangyari sa akin sa sabungan. Mayroon akong dating kaklase sa elementarya na minsan nakita ko sa sabungan. Lumapit sa akin para hawakan ang manok ko, pinahawak ko naman dahil kilala ko siya. Matapos iyon, mayroon nag-ulot sa manok ko. Ng nasa loob na ako ng rueda siya pala ang makakalaban ko. Ang ginawa ko kinamayan ko na lamang siya. Siya ang natalo. Wala akong sama ng loob sa kanya, pero ang trick niya luma na sa libro.
Simurgh
November 19th, 2000, 06:16 PM
Camarines... Usually ang panlalamang sa paghahawak ng manok mo ay hindi pa rin nawawala. Sa hackfight at sa tupada nangyayari ito. kunwari tumutulong sa pagmatch ang mamang gustong manglamang hanggan mahawakan na niya halos lahat ng manok sa ulotan. pagkatapos ay sesenyasan niya ang kanyang tagaulot kung alin ang manok ang lamang siya.
Ang bakal na sinasabi mo ay baka yung mild steel or tare na gawa sa coins. nakakamatay din ito dahil matalas ito sa umpisa o sa unang palo ng manok mo pero napadaling mapurol kung tumama sa lupa o sa balahibo ng manok.
cheers
GoldenDragon
November 19th, 2000, 08:35 PM
Rules to live by :::
never never let strangers/even acquintances/ anybody touch/hold your fighting cocks... baka umaakyat ka pa lang eh lo tres ka na.
hold the face of your cock close to your chest when going anywhere, forming a line to the rueda... dahil umaakyat ka pa lang doblado na.
never never make your cock peck at your opponents' cock when limbering inside the pit.
the cleaning of the cock in the rueda became a standard practice in big time pits because of a very famous chinoy , who puts poison in his fowls'head hair (pulok)... so pag tinutuka ng manok mo ang opponent kadalasan ang manok mo patay maski na walang sugat.
there are plenty people in the cocking world who can render your fowls useless in a matter of minutes...
never never leave your cock house unattended
plenty of poison men around.
EDWIN...
infairness naman to some cockpits...usually they schedule the fights of the bigtimers during those times you mentioned because there are still plenty mamamago, na makakasa ang laban ng mga manok...but you are right in your assumption
I remember a fight insued between a then congressman from the north and a famous chinoy .. seems the chinoy requested the congressman that his 2:00 am fight be rescheduled to which the congressman reported said "pag presidente ng amo mo saka ka humiling ng ganyan" cooler heads prevailed otherwise, seguro wala na silang dalawa sa mundo.
so the 'amo' bacame president , and the congressman became ex...ang bilis magturn coat ni ex sipsip kaagad kay chinoy....lol!!! O among you sabungeros anong tawag sa bloodline na ganyan lol!!!
as a general rule sa akin " late fight " kami lagi, 11:00 pm upwards.
for my cocks to be fighting at 8-10 pm is a disaster to my fowls ... masyado pang mainit ang clima.
siya ingat cheers and mabuhay na lang...
------------------
Kidd Sentencia
November 19th, 2000, 11:45 PM
my 2 cents.
GD and Edwin, meron namang printed schedule di ba. Kung akong pinalalaban/pinalilimber na tapos alam kong meron pang nauna per printed schedule, maghihintay sila. Klase din ng pandadaya yon...nakitang nagpakain ka sa akalang malayo pa ang laban mo tapos alam na hindi pa natunawan ang nokma mo laban na...no-way di ba. Pag ginawa sa akin yon, wala akong daldal...yung kamay ko lang ang tinataas ko, yung gitnang daliri nakataas, yung iba nakababa. hehehe.
Kidd
jrtras
November 20th, 2000, 01:50 AM
Paalala sa mga nagta-travesia:
Iwasang makipag-pustahan sa taong palipat-lipat ng puwesto...malamang ay mananakbo!
Iwasang makipag-pustahan sa taong may bitbit na damit...siguradong mananakbo!
Iwasang makipag-pustahan sa taong ayaw lumingon kapag nakikipag-repite ng pusta...malamang ay mananabit!
Iwasang makipag-pustahan sa mga Kristo na nagne-negosyo (pabago-bago ang masyada, minsan lumologro, minsan sumasahod) dahil kapag naipit sa pusta...kadalasan ay walang pang-abono. Huh! Subukan ninyong gawin kay GD 'yan...nang makita ninyo kung paano magwala sa sabungan si GD! LOL!
Kapag hindi naiwasang mapapusta sa pinaghihinalaang mananabok ay huwag nang panoorin ang laban ng manok sa ruweda...tingnan mo na lang 'yung kapustahan mo para hindi makatakbo!
Good-luck!
jrtras
edwin
November 20th, 2000, 08:14 AM
GOLDEN DRAGON,
You are right,not all pit do that set-up
but 90% does.
It's frustrating,sometimes you just fought your first fowl and there was already a champion.
Kidd, agree with me naman he-he-he.
tambak1
Kidd Sentencia
November 20th, 2000, 10:37 AM
I agree with Edwin 100 percent...teka, ano nga ba yung ina-agree-han ko. Magaganda siguro ang mga kasama mong nars sa hosp, ha...Edwin? opppps, wala akong sinabi ha, magaganda lang sabi ko. Padalhan mo nga ako ng pic nuong pinakamaganda at bata (hindi utak), yung nakabikini or swimsuit preferred...makiki-cyberpal lang ako...hehehe.
Good info, jrtras...kaya not good to go to sabong alone, nagsasarili, lungkot yon...hehehe.
Kidd
wabion
November 20th, 2000, 03:52 PM
Sali ako ha? This is my initial contribution to Kidd's Sabong Cheats. Meron din diyan ang style ay ganito. Sa DERBY ito ha, during limbering sa ruweda masyadong kinikilatis ang galaw ng manok mo, kapag sa tantiya niya na kakainin ng buhay ang manok niya, medyo pipihitin nito ang tari para masaktan ang manok. Mapupuwera ngayon ang sultada ninyon at irere-schedule. Iyon na wala ng bisa ang gamot, "OFF" pa si manok......resulta DIDO!
Kidd Sentencia
November 21st, 2000, 05:24 AM
Originally posted by wabion:
Sali ako ha? This is my initial contribution to Kidd's Sabong Cheats. Meron din diyan ang style ay ganito. Sa DERBY ito ha, during limbering sa ruweda masyadong kinikilatis ang galaw ng manok mo, kapag sa tantiya niya na kakainin ng buhay ang manok niya, medyo pipihitin nito ang tari para masaktan ang manok. Mapupuwera ngayon ang sultada ninyon at irere-schedule. Iyon na wala ng bisa ang gamot, "OFF" pa si manok......resulta DIDO!
Wabion, welcome kaibigan. Oo nga ano. Sa mga bigtime siguro hindi naman...panay seasoned veterans I guess. Pero para sa ating smalltime, paano kaya maiiwasan ito? Sa akin, first, no drugs...para kahit patagalan ayos lang. Pangalawa keep an eye on them as much as you can. Ano pa ba...kayo naman.
Kidd
srs
November 22nd, 2000, 10:18 AM
Tama kayo mga friends in cockfighting world, siguro mas mainam din na ipakita ito ni Mr. Emoy G. sa kanyang tukaan o kaya sa sultada, para makarma naman itong mga mandaraya na ito, mas masakit naman ang balik nito sa kanila, talagang bwiset as in Bwaka...... hayan at na- high blood na naman ako, ganyan din ang madalas kong makita sa hackfight, kaya kayong mga mayroong asosasyon diyan ay gawan naman ninyo ng paraan para matigil na itong pandaraya at panlalamang ng iba nating sabungero, kayo rin at baka hindi tumagal ang sports na ito kung patuloy ang ganitong pangyayari. Calling Emoy G. Turuan ang mga lintek na ito ng aral.
Camarines
November 22nd, 2000, 06:38 PM
Ang kaibigan kong mahusay mag condition ng manok ay mayroon gimmick. Sa tupada ang lahat ay magugulang, hindi lumalaban ng parehas sa timbang, kinakailangan lagi sila nakakalamang. Kaya siya ay gumagawa na lamang ng gimmick tulad kunwari dumadampot lamang ng manok na naka tie cord. Pero huwag ka naka condition ang manok na ito. Ang gagawin lamang niya ay puputikan ang paa ng manok at sasabihin, ito o kadadampot lamang sa tie cord. Ang magugulang na mahina ang utak nahuhuli niya sa ganitong paraan. Siya ang may sabi sa akin na ang larong sabong ay laro ng matatalinong tao dahil dito mo na makikita ang lahat ng paraan para manalo. Kaya pag may naglaban ng bulag o may diperensiyang manok sa tupada, magdalawang isip kayo hindi ito ilalaban kung hindi mananalo o magaling sa panalo. Maski na bulag ang isang mata ng manok paa naman ang ipinapalo.
el umbre
November 24th, 2000, 09:26 PM
pareng jitras ..meron akong idadagdag diyan sa expose about bet takers and etc...observahan ninyong sumahod yung kristo ninyo...style nila lalayo sa iyo at para hindi mo siya mapansin,sasabihin nakasahod ng 400 hundred sa lo-be..pero yung pala sa lo-dies,..kumita siya na 25 walang kahirap -hirap .madalas mangyari rin sa mga bigtime..ito.lalo't malalaking halaga ang involve..kaya mga pare make sure you could rely on your taga pusta (bawal na pala ang kristo..my bad,...lol...)dapat maasahan rin sa bugbuggan...lol.(kasamang gugulpi sa mananabit)at katulad ng sabi ni pareng jitras...huwag pupusta sa negosyante ..madalas ang sabit dito..nandiyan babayaran ka ng cheque,quartz na relos..talagang walang pambayad dahil laway at lakas -loob ang puhunan..lol...ingatzzz
RARAVEZ
December 2nd, 2000, 10:13 PM
MAGANDANG ARAW, MGA KUMPADRES.ito dagdag din ito, salisi sila sa cock house. ang tawag sa amin nito balasa, binabalasa nila ang manok para maglisya ang mga buto at hindi makapalo ang manok, ang estilo ng manok ay hindi magbabago, kahig, patuka, palipad, painit. pag binitaw mo na, sumasabay ang manok mo nauuna dibdib, at siguradong susuot siya sa kalaban dahil ang kasu-kasuan niya ay lisya na. ang mga taong ito ay tatambay sa cock house sa iyong paningin bantay siya ng kabilang cock house, sa paningin ng kabila bantay din siya ng ibang cock house o dili kaya kasama sila, ang galing nila. nalaman namin ito, ng magkakuwentuhan kami ng mga talunan sa aming bayan. at may nagtip sa amin na ang manok daw namin ay nasalisihan ng mga pro's. huli talaga ang akala, mga kapwa sabungero. saan ba ang sabungan na walang daya at maganda ang patakaran o regulasyon at pinapangalagaan ang bawat lumahok sa pa derby nila. nasa PILIPINAS, ba. sa WALA BA O SA MERON, pare. MABUHAY.
Ad Infinitum
September 20th, 2001, 02:14 AM
Originally posted by Kidd Sentencia:
Okay friends, inspired by the post in the other thread here by Raravez, let's expose all those sort of cheating in cockfighting.
If we know them, we can be aware, and may avoid it. Please post what "tricks" you are aware of.
Thanks!
Kidd
Sa tingin ko may pang-gugulang at may pandaraya. Ang pang-gugulang ay kaya kong sikmurahin, pero ang pandaraya ay hindi. Ito yung mga naaalala ko na hindi pa nabanggit.
Mga pang-gugulang sa hackfight:
1. Didikitan ng aspalto yung ulo ng manok nila para mukhang bagong pungos. Mapapaisip ka talagang labanan sila miski medyo malaki sila dahil mukha talagang bagong pungos.
2. Bibilugin ang tahid para mag mukhang stag. Minsan, sinasabay nila ito at yung pag-lagay ng aspalto sa ulo (wow, bagong pungos na stag...talagang lalabanan 'to).
3. Pipisain at ilalagay sa isang kamay ang manok nila para mukhang manipis.
Pandaraya sa hackfight:
1. Pag itatari na ang manok, papalitan nila ang manok nila ng isang kamukhang-kamukha pero mas malaki. Nung nangyari ito sa amin ay ako mismi hindi ko ito napansin, buti nalang matinik talaga ang mata ng kaibigan ko, so pag dating sa ruweda umayaw kami. Akala ko pa nung una e baka nagkakakamali ang kaibigan ko. True enough, dalawang magkamukhang-magkamukhang manok ang nilaban nila nung araw na yon (talisain, puti ang paa, banderado, at pareho pa ang pungos). Tabla yung una nila, panalo yung huli. Kaya dapat talagang susundan niyo ang kalaban. Sabi nung isa ko pang kaibigan e sinundan daw niya, kaso nilagay daw sa kahon habang hinahanda ang gagamitin sa pag-tare. Baka naman sa ibang kahon na hinugot yung mas malaki.
2. Pipitikan ng lason ang manok mo habang nasa ulutan ka. Magagaling pumitik ang mga ito. Tapos lalabanan ka kaagad miski maliit at pangit ang manok nila. Dito pinaka umiinit ang dugo ko, dahil halos wala ka talagang chansa manalo. Para na rin nilang tinaga sa leeg ang manok mo. Meron kaming manok na hindi naipalaban, so pinasok namin ulit sa kahon at inuwi (malapit lang ang bahay). Pag-uwi ay matigas na ang manok namin.
3. Kapag dumayo ka at hindi ka nagtatare ng manok mo at wala kang kilalalang mananari doon, minsan ilalabas ng manananare ang tare o kaya i-ha-high point para hindi gaanong makasugat. Ito ay kuwento lang ng kapit-bahay ko. Nung bago pa ako nagsasabong e wala naman akong naranasang ganito. Mababait naman yung mga mananaring nakilala ko. Pero para safe, dapat matuto na kayong lahat manari.
4. Kapag nagyaya ng hipuan ang kalaban, huwag kang papayag dahil papahiran ang puwet ng manok mo at hindi na papalo ng mabuti ang manok mo. Cardinal rule: ang puwede lang humawak ng manok mo ay ikaw at ang sentenciador sa kareo.
Pang-gugulang sa derby:
1. Kapag baguhan ka ay pinag-aagawan ka ng mga bigtime. Kaya dapat tiwala ka talaga sa manok mo, sa pag-kondisyon at pag-point ng manok mo, sa tare mo, moisture control, etc. para kahit na sinong bigtime ang iharap sa iyo ay okey lang. Sa amin ay okey lang ito kapag sumali kami e talagang ine-expect namin na ang mga magagaling doon ang aming matatapat. Chaka masarap din madehado sa derby.
Pandaraya sa derby:
1. Pumipitik ng lason sa cockhouse. Ingat kayo lahat sa mga ganyan (I can't stress this enough). Kapag nili-limber mo ang manok mo sa drop pen, at kung ang cockhouse niyo ay yung may screen sa bandang itaas, doon nila pipitikin ang lason. Lahat pa naman kayo ay nakatingin sa manok at walang nakatingin sa labas ng cockhouse. Dapat may tumitingin pa rin sa labas. Kami, tinatakpan namin yung screen at yung pinaka-mataas na parte lang nung cockhouse ang hindi nakatakip (pero maliit na maliit lang ang hindi nakatakip para mahirap mai-shoot doon sa agwat ang lason). Hindi nangyari sa amin ito, pero may nakita ang kaibigan ko na ganito (ibang cockhouse), sinumbong niya, kinapkapan ang mama, may nakitang lason sa bulsa, pinag-sasapak at nakulong pa ang mama. Umiiyak ang mama at inamin niyang pumitik siya ng lason.
Ito lang ang naaalala ko. Mas maraming dapat ingatan sa hackfight, kaya buti pa e mag-derby nalang. Hindi naman kailangang big time. Miski 2-cock lang e puwede na. Tutal, miski hackfight lang e dalawa o tatlong manok rin lang naman ang nilalaban niyo. At least sa derby ay timbangan at hindi napapalitan ang manok.
Meron pang mga pandaraya sa pustahan pero nabanggit na ito. Ako, wala talaga akong kristo. Ako mismo ang pumupusta. Kapag gusto kong sumahod sa manok ko, isa sa mga kaibigan ko nalang ang sasahod para sa akin. Tutal, kapag maliit lang naman ang isasahod mo ay walang problema yan sa derby.
O siya, ingat tayong lahat! Also, please never ever throw fights. Kawawa naman ang manok mo, lagi mo dapat binibigyan ng fighting chance ang manok mo.
Keep on cocking!
kasador
September 20th, 2001, 09:31 AM
yoon bang careo na hindi parehas.ang ulo ng isang manok ay nasa ilalim ng ulo ng kalaban sa careo.dapat palaging pantay ang taas at magkaharap at parehas na may -chance na tumuka.yoon nabang iba halos lamutakin ang balahibo ng likod ng kalaban sa careo.o yoon namang tangan ng manok sa careo na sapo-sapo ang ilalim habang ang hinliliit na daliri ng nagca-careo ay dinadalirot ang sugat sa ilalim ng katawan.bigla na lang tumigil at ayaw tumuka samantalang ilang segundo lang ay buhay na buhay.buhay nga naman.nireremedyuhan ika nga dahil naka pusta ang sabungan.
Sundowner
September 20th, 2001, 10:20 AM
Kaya iyan ang advantage ng American rules compare sa ating rules dahil sa American way ikaw na mismo ang nag hahandle ng manok mo habang nag lalaban at nag hihintay ka lang ng bilang ng referee. Ikaw na mismo ang gumigising sa manok mo pag dating sa pahirapan ng laban at walang pakialam ang referee. Pero mahirap ng baguhin ang patakaran natin sa Pinas dahil ito na ang kina gisnan natin. Sana naman ang mga pit operator ay pili-in naman ang mga referee nila at hindi bias. Sila rin ang malulugi pag nasira ang reputation ng Sabongan nila.
Cheers,
------------------
Sonny
erluntz
September 23rd, 2001, 01:44 AM
Meron pang isang klaseng pandaraya sa travesia.Ang binibiktima ay yung nag-iisa o yung lasing o medyo malagihay na.Grupo ang gumagawa nito mga apat o lima katao.Ang gagawin sasahuran ka ng malaki. ang hindi mo alam ay mga kasama pala niya ang nasa tabi mo at likuran mo.prang palusutan ang nangyari.pag panalo sila siempre bayad ka.pero pag ikaw ang panalo ang babayaran niya ay yung nasa likod mo na kasamahan pala niya.pag nagkaroon ng diskusyon ay sabay kakampi pa ang dalawang kasama nila sa tabi mo.talo ka dahil apat o lima ang kalaban mo.
ive seen this done even in bigtime derbies..
so the moral of the story is dont ever go to derbies alone..
firm believer
September 29th, 2001, 08:20 PM
erluntz, gandang tip niyan.
eto naman sa careo, pag ang manok na pinapanigan ang tinaman ay minamadaling bunutin para hindi dumiin ang tari at isa pa magkaroon ng chance para makaganti.
pero kung ang manok na di pinapaboran ang tinamaan ay pababayaang mahalukay ang sugat. kung mababaw naman eh magtatawag ng mag-aalis kuno yon pala lalong isinasaksak yung tari.
Pinolim
September 30th, 2001, 02:50 AM
Erluntz, thanks for that very nice tip. I have been away so long from the pit that I think I have to brush up with what is happening inside the pit nowadays.
------------------
4got10cocker
Simurgh
September 30th, 2001, 03:57 AM
Panlalamang. yan ang unang diskarte ng mga sabungero o di kaya sabihin na lang nating gusto nating lamang ang manok natin sa lahat ng bagay //sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/biggrin.gif
well, kung pupunta ako ng sabungan para sa hackfight o derby. ang unang ginagawa ko ay nililinis ang loob mng kulungan.(baka may natira pang lason na nakadikit sa dingding)
Kahit sa travesia, malamang maka spot ng daya lalo na sa mga smalltime derby (at bigtime?) pag 0-0 o 000 ang score ng entry, be watchful, malamang hulog ang huling laban ng entry na ito. Its a very common "secret" kuno practiced by mandarayang sabungeros. Malaki ang tsansang makabawi kahit sa pera man lang for the reason na hawak nila nag lahat ng gusto nilang gawin sa sariling manok
nila! for a fall este! para ihulog ang laban.
Diyan na nga kayo at manonood pa ako ng unang fight ng disc #3 world slasher 2000 vcd. Se ya!
tsirs!
victe
Pinolim
October 3rd, 2001, 02:28 AM
As an apropos to Victe's posting, entries with 0-0-0 scores in 4 cocks will drop their last fight by changing the cock they will be fighting. That way, the loser cock is not an expensive cock. I have this happen.
------------------
4got10cocker
Pinolim
October 3rd, 2001, 02:33 AM
OOOOPs, I made a Bobo.I seen this happen, instead of " I have this happen". I don't claim to be a very righteous person but I am always protective of my animals.
Thanks for your understanding.
------------------
4got10cocker
Kidd Sentencia
March 23rd, 2002, 08:56 AM
For Torogi, and those who has not gone thru this...
Kidd
Sundowner
March 23rd, 2002, 12:28 PM
One of the requirements to complete the fight is to examine the characteristics of the blade with flush lights for any supected substances such as poison, hole on the back (shower)or any grove before wiping with sulution. I have not seen this recently. I don't think we will have any problem pag si Edwin Tambak1 ang promoter. I injoyed the Pampanga Derby..Thanks Ed..
------------------
Sonny
[This message has been edited by Sundowner (edited 03-23-2002).]
Kidd Sentencia
June 24th, 2003, 07:36 PM
Merong pang mga gulang ng mga nagpapasabong na ganito eh:
Pag may premyo ang no entry-fee 2 cock ulutan...pag nanalo na isa mo biglang kokonti ang manok sa ulutan...heheheh.
Hahamunin ka ng mga gala-kalahati lang sa laki ang manok mo ng kung sino-sino pero ito'y kanila na siempre.
Kidd
ryan72_2000
June 25th, 2003, 06:32 AM
1. gag-ingat sa tari na may lason - ung tari ay hallow ung gitna at ang butas ng tari sa hollow portion ay tagusan mula puno hanggang dun bago dumating sa pinaka-point ng tari. napakaliit ng ng dalawang butas para mapuna nyo at di basat amaupuna nung taga-punas ng tari. may takip ng konti yung butas sa may puno at pag tumama sa kahit saang parte ng katawan ng manok mo, ayun ! bingo! pasok ang lason, hilong talilong at tepok ang manok mo;
2. mag-ingat sa nag-pupunas ng tari - mag-ingat dahil baka masyado kayong malibang habang pabitaw na yung manok at pupunasan na yung tari ng manok nyo - there was a time na nangyari na sa akin ito - ung nagpupunas ng tari napuna ko na parang gigil na hawak yung tari ng manok ko at ng mapuna ko nailihis na yung tari ng manok ko at gumagalaw na. syempre pinuwera ko ung manok ko at nireport ko sa management ung ginawa ng taga-punas ng tari.
ryan
joey bravo
June 25th, 2003, 08:55 AM
1. inggat sa manlalason-
-may tao na tumatabi sa yo, isa kakausapin ka samatalang yung isa me hawak ng bananaQ kunyari kumakain pero me dikit ng lason lace w/ cyanide yung dulo para ipatuka sa manok mo. Pag tinuka ng manok mo lason, dapat malabanan ka agad yan kasi w/in 30 minutes groge o patay manok mo.
-yung isang style naman yung pinipitikan, pero dapat malabanan mo kaagad w/in 30 min. (sabi nung manlalason sa amin, di daw effective yung lason na pinapahid sa balahibo o lason sa tare, kasi napakabilis ng laban para malaman mo kung yung lason nga ang nakapatay o nakahina sa kalaban.
2. magingat sa shooting-
-maniniwala ba kayo na meron akong meztizo na manok na 15 times nanalo? lagi kasing nahihiram ang manok na ito para gamiting pangibabaw, eto yung manok na dapat manalo sa shooting.
Although kakalse at kaibigan ko me ari ng sabungan, pero d ko sinasabi sa kanya kasi sindikato nagpapatakbo nito kalimitan militar o influential people are involved. Nataon lang yung grupo ng magtiotiope eh mga kabarangay ko. Napapailing na lang me ari ng sabungan pag nabalitaan. Malala yung isa kasi yung mayari mismo ng sabungan ang nagpapatiope ng laro, ayun sarado na kasi nadala mga parokyano.
yung namn nahuli akala mo binubougbog at tinutulak yung pala pinapatakbo at nilalayo lamang ng mga humuling pulis at nung mga nakakaalam. madami na rin akong nakita na lumusot sa salamin ng rueda, pero talagang alang kadala dala.
Nakakaawa manok na binabali kasi madidiig mo putok ng nabaling buto, tapos puputulin pa ugat sa pakpak, yung magagandang manok pa naman at senyalado ang binabali nila para siguradang lyamado.
Minsan bago bitawan mano, eh biglang naggitim at nalugmok manok, galit na galit me hawak ng tiope at nilason daw manok nya, kung di ko pa alam na shooting kala mo tutuo na.
:hat:
rollyramos
June 25th, 2003, 12:11 PM
noong bata ako may kapit bahay ako sa manila , ang gaganda ng manok, pero lahat ng manok talo ,pero yumaman ang lintek.ganito ang istilo ng mama,-- inoopera ang hita ng manok sa kaliwa kinakayas ang buto pinaninipis saka tatahiin at ikukulong ,isang o dalawang bwan nakakulong ,pag mainam na sugat ilalaban ,at todo ang pusta sa kabila o sa kalaban. pag lumipad o nag bangga ang mga manok pag lapag pilay tari na manok nya. isang palo lang tiyak bali na ang buto sa kaliwang hita.
minsan naman patutulugin ang manok na nakatun tung sa yelo (ice) mag damag at kinabukasan ilalaban, ang manok hindi makapalo ng madiin nangingimay o manhid ang paa,pero di halata. at todo na naman ang pusta sa kalaban.
yung isang kilala ko naman ayaw mag patalo ang ginagawa inoopera ang manok at nilalagyan ng istenles sa kilikili ang manok binubutasan ang bakal na manipis at itinatahi sa mga maselan bahagi ng manok sa loob ng balat, KOTO MAYA KUNG TAWAGIN. lumalaban ng hindi bale manok para di mabuking. ang mga manok parang may bullet proof o vest.
ang mga taong ito ang hinahabol ng karma- bad karma na bubukol sa mukha nila. wag ninyong gagayahin dahil 6ft.below the ground na sila.
riyadhton
November 16th, 2003, 02:04 AM
Mga Daya sa Sabungan
Mayaman ako sa karanasan sa mga daya sa sabungan dahil ako mismo ay biktima nitong mga ito, hindi mabilang ang mga dayang naranasan ko bago ako natuto sa larong ito.
Ang saya namin papuntang sabungang at may dala kaming 7 manok (yung pang pito pantuka) entry namin sa 2 Cock Derby sa Cainta year 2001 (Entry Fee 1,100 at 2 wins = 9,000 bigay agad).
May nakakita sa amin, tambay sa pinto hindi siguro makapasok or what, na taga-roon sa amin at kinausap kami, at niyaya na naming pumasok para malibre siya ng pinto, at iguinide kami kung paano mag-entry at saan ang cock house at ulutan.
So mabait pala itong taong ito sa palagay ko, habang binabasta namin yung mga manok ay nakikihipo siya sa manok namin at panay ang papuri ang binibigay sa manokis namin. Pagkatapos naming mag-ayos ay niyaya na kami sa parisan, may iniwan akong tagabantay ng cock house para di masalisihan, eto na po! para kaming matamis na pakumbo, nilang-gam agad kami, nagtataka ako, siguro bago lang kami rito kaya ganoon, madaling naparis yong manok namin na Grey YL11x winner laban sa Sweater looks sa tingin ko.
Mabait yung tumari ng manok namin, at sinabing mabigat ang laban namin dahil kay Big TIme yung manok 12,000 daw, (well known siya at kilala talaga ito at kilala nyo rin). Super alalay sa amin yung kalaban namin, siguro baka umatras kami sa laban. eh palaban talaga kami.
Heating sa Gradas, ang gawi namin ay ganito lang kasimple, pakahig, then palipad sa kaliwa at kanan, tapos patuka sa magkabilang gilid tapos ready na yung handler ko para sa bitaw.
Di ko nakaugalian na magpalakad sa gradas, energy consumption or loss pa siya, pagising lang dahil may gameness naman at smart itong mga Topee na manok namin.
Tawagan na, Dehado kami, 10-6 na, pinapawisan ako, bakit kaya, tapos lingon ako sa tao, nakita ko yong tao na taga-sa amin at ipanasok namin sa pinto, doblado ang sigaw panay ang kuha ng taya. Di ko alam ang gagawin ko kung aatras or what.
Pagtayo ko para ipa-aatras, nabitawan na, Fisrt buckle sa Taas, nakauna ang manok namin at pilay ang kalaban pero ang manok namin nagwawave pero pa-ika or pa-pilay, siguro may tama rin, sabi ko, natapos sugat lang sa pitso, dala sa Chicken Doctor.
Pagpasok namin sa cock-house lapit siyang muli, ang galing ng manok nyo ah. Big time ang nakalaban nyo, Swerte lang, pares namin yung dalawang manok namin muli. Lumusot muli sa isang bigtime well known cocker din, ang siste tulin ng logro hanggang doblado na naman kami. so Champion kami entry Name "SANDRA"
Pagkakuha kong price money, yaya na akong umuwi at di na namin itinuloy yong pangatlong laban dahil nagtataka ako doblado ang lapad ng sa amin. Habang palabas kami, nanghihingi pa ng balato sa amin at maangal pa si doblado ang tawag.
Ang nakaugalian ko pag hindi nalaban ang manok namin, ay inihahagis ko ng mataas ang manok para mapuwersa at ibibitaw siya, pagbasak nung pangatlong panglaban pilay iika-ika, di ako makapaniwala, kuha yung pang-apat ibinagsak ko from 6 Feet ang taas, iika-ika rin, nagkatinginan kami pati patuka namin hindi pinatawad.
So bale, pagnalaman na pilay yung aming entry, bugbog pa kami, talo pa. Grabe yon So bottom line here, na natutunan namin "Samahang kami lang", ang puwedeng humawak ng manok namin. kahit na masabihang soplado ok lang.
=========
Sabong is an art ... Learn from the Masters ... beat the masters! :hombre:
riyadhton
November 16th, 2003, 02:54 AM
Angono 2 Cock Derby year 2001 entry uli kami, kita uli namin si Mamimilay sa may pintuan same person, sarap tirisin, kausap uli kami, ignore na namin.
Pinagtanong ko siya sa sabungan, ganoon pala trabaho nila at grupo sila, mahirap banggain dahil malakas sila. Ang route nila ay Pasig Square, Cainta, Texas sa Antipolo, Taytay, Angono at Tayuman, so mga sir, ingat kayo sa mga taong ito, delikado mga manok niyo.
Kayo na ang bahalang umalam kung sino-sino sila, ingat lang at grupo sila.
Lusot muli entry namin, entry name "SANDRA".
Ito ay totoong nangyari sa amin, White Leghorn (45 Days) convert nila as Zambo white looks mas maganda pang tingnan, kaya nyong gawin ito.
6 Months Process.
= Hinintay nilang maglugon ang 45 Days, tapos binunot ang pak pak at sinaksakan ng galing sa texas na manok ang pak-pak yung may dugo pa ang inilalagay nila para mabuhay yung wings.
= Buntot palit din nila ng Texas na white color.
= Yung binti na parang luya, kayas nila para maging manipis.
= Hintayin nilang maglaban ito, dahil lumalaban din sila pag napalo takbo na.
= Madali ring turuan, tinuturuang umangat.
Pag buwan na pulang pula at mukha at naglalaban dala na sa sabungan, yung inu-ulutan nila takot pa, dahil sobrang ganda daw, baka isang palo lang eh, takbo na manok niya. bale fixed game ito. Yung tare mapurol pa, walang ala-swerte dito sa laban na ito. Talagang one sided game ito.
Iisa ang taong pumarada at iba ang taga bitaw, liyamado si White Leghorn, 10-6 tawagan, Parehas umangat, nakauna yung kalaban, kakak ang white leghorn (45 Days). Takbo hanap yung amo niya. Limas ang pera sa sabungan noong araw na iyon.
So parang fiesta sa painom, may nalasing nagkwento. so bulung bulungan na sa amin. Natunugan may dala na naman sa sabungan 45 Days, looks like an eagle. Puno ang sabungan ng taga sa amin, sasahurin lahat ng taya sa sabungan, iisang mukha ang kalahiting laman ng sabungan.
Yung kasador taga-sa amin puwera at ban life time yung tropa di na makapasok ng sabungan.
Simpleng racket maingay lang sila, wala talagang sikreto na di nabubunyag.
Sana enjoy kayo sa kwento na-ito at aware na kayo
gUN fOR hIRE
November 16th, 2003, 03:19 PM
Mga Cockmates,
Last year nag-entry kami sa Pasig coliseum sa six stag derby.Bale dalawa entry namin umabot din yata a 2million ang jackpot dahil sa dami ng entry.Nakalusot yung isang entry namin sa elimination kaya reescheduled kami sa finals.Pagdating ng finals marami rin ang nakalusot at maghaharap para sa championship pero nagulat kami dahil halos lahat ng nakalusot ay finance ng may pasabong at may-ari ng sabungan.Di nakalusot ang entry namin pero ang nagchampion 2 lang ung isa entry ng may-ari ng sabungan at may pasabong.Napag-alaman namin elimination pa lang pala marami ng finance entry yung may ari at may pasabong yung iba di lang mga nakalusot.
Ano sa palagay nyo hindi ba unfair ito sa mga nag-eentry sa derby dahil sila ang magiiscreen at magseselect ng matching ng magiging kalaban ng mo sa ruweda.Posible rin naman na yung entry nila at imatch nila sa sarili nilang manok na mahihina para makasigurado ng panalo.Dahil sa kanila ang pasabong kahit ilan nga entry nila wala silang iintindihin sa entry fee pero nasa kanila pa ang power para magscreen at magmatch ng manok na ilalaban. Ewan ko kung ito ay isang uri ng pandadaya o panglalamang kayo na po ang humatol.
banderado84
November 16th, 2003, 07:52 PM
is blind matching PERIOD.:cool:
banderado84
November 16th, 2003, 07:58 PM
is connecting peck coz you could see it connect.:cool:
banderado84
November 16th, 2003, 08:02 PM
are COCKS derby coz there can be no STAGS.:cool:
banderado84
November 16th, 2003, 08:05 PM
you pay in the gate so PROMOTERS can make money. IF promoters are HAPPY there will be no anomaly....heheh.:sprcool:
banderado84
November 16th, 2003, 08:08 PM
OUCHHHHHHH.:D
redwings
November 17th, 2003, 09:26 AM
sa bayan kasi namin, madami na nakaranas nito. kapag ulutan lang ang laban at minsan e nagpahipuan, meron mga naghahawak ng manok na me parang iniipit na kung ano sa manok at kapag napalaban na ang manok mo, kapag nakapalo siya e parang namimilay ang manok mo kahit minsan ay hindi naman sa bandang paa at hita ang me tama. kahit yung me pasabong sa bayan namin e nakaranas na ng ganun. pinasilip pa nya ang manok niya kasi di sya makapaniwala na napilay ang manok nya e sila ang angat.
Kenut
November 25th, 2003, 04:43 PM
Sa aking karanasan, tare ang kadalasang ginagamit na pandaraya. Putol ang dulo, bingi, bakal, etc.
talahib747
November 25th, 2003, 06:30 PM
yung panggugulang ba sa ulutan ay pandaraya din ba? tulad ng pamimikon sa iyo at pag napikon ka ay lalaban ka kahit alam mong malaki ang manok na umuulot sa iyo.
nung minsan sa aming lugar ay may patupada, nagdala ako ng manok na reject para ilaban ko ng manukan lang at walang pusta. habang nasa ulutan ako ay pilit akong kinukulit ng isang mang-uulot na labanan ko daw manok nya, nakita ko naman na ubod ng laki ng manok nya sa manok ko kaya tinanggihan ko. nagpumilit sya sa akin at naghamon pa sa akin ng palit laban na lang. dun daw ako pumusta sa manok nya at sa manok ko naman daw sya pupusta. ang siste, ay hinamon ko naman sya ng palit na lang kami ng manok at walang laban. pumayag naman ang loko at nagdrama na inaabot sa akin ang manok nya. kaya ayun pagkakuha ko ng manok nya ay inuwi ko na ng bahay at iniwan ko sa kanya yung manok kong reject. yung mga taga-ruon ay pinagtatawanan sya dahil nagulat sila sa ginawa ko, lahat tuloy sila kinantyawan sya dahil yung manok na nakuha nya sa akin ay bulok. hehehehehe!!! :lol:
nung sumunod na buwan ay nagkita ulit kami sa may tupadahan, may dala ulit akong manok pero ngayon ayaw na nya akong hamunin ng palit. sising sisi sya dahil yung nakuha ko sa kanya ay ubod ng galing at talagang pangharang.
balian
November 26th, 2003, 03:10 AM
:lol: ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang laban pareng talahib:sprcool:
Kidd Sentencia
April 17th, 2007, 06:45 AM
Palumaan, hehehe.
minabob
April 22nd, 2007, 01:55 PM
napadaan lng po
minabob
April 22nd, 2007, 01:56 PM
dapat e life time ban sa sabungan ang mananabit
minabob
April 22nd, 2007, 01:57 PM
nagpapagulo sa sabong nakakapwerwesyo at kung ma disgrasya ng mainit ang ulo at natatalo na kapitalista
minabob
April 22nd, 2007, 01:58 PM
kawawa nman ang kapitalista instead na nag enjoy sya sa sabong o derby makukulong pa sya
minabob
April 22nd, 2007, 01:59 PM
dapat binibigyan ito ng malaking pansin ng mga cockpit administrator
minabob
April 22nd, 2007, 02:01 PM
hindi yong identify na sya na mananabit kya lng may pang bayad sa gate papasukin parin kasi business eh
carlosjohn
April 22nd, 2007, 03:41 PM
sa bayan naman namin ganito ,,yong magkabila kili-kili ng manok nilalagyan ng 25cent. coins ..para iwas sa onetime sa kili-kili...gumamagawa nito sa amin .pulis
SIDEKICKER
April 22nd, 2007, 06:58 PM
Napadaan lang po
ccanlas1153
May 3rd, 2007, 07:41 AM
Itaas natin.....
todd day
March 19th, 2008, 06:32 PM
lahat ng sabungero ay dapat may sabong id,at lahat ng id is valid sa lahat ng sabingan at pag nahuli ka na ng daya,ay dapat may picture ka sa lahat ng sabungan,na hindi ka pwede pumasok for 2 years, at malalake ang picture,parang wanted ka, at kahit manga may ari ng sabongan ay kinukuha ang id nila para hindi sila makapasok sa ibang sabungan kasi nan duon ang picture,this sould be a national sport with a national rules and a dam national no criminal,for the ciminal place is only out of the sabungan,katulad ng lahat ng law with in the iligal people.
sam007
March 19th, 2008, 08:55 PM
yung panggugulang ba sa ulutan ay pandaraya din ba? tulad ng pamimikon sa iyo at pag napikon ka ay lalaban ka kahit alam mong malaki ang manok na umuulot sa iyo.
nung minsan sa aming lugar ay may patupada, nagdala ako ng manok na reject para ilaban ko ng manukan lang at walang pusta. habang nasa ulutan ako ay pilit akong kinukulit ng isang mang-uulot na labanan ko daw manok nya, nakita ko naman na ubod ng laki ng manok nya sa manok ko kaya tinanggihan ko. nagpumilit sya sa akin at naghamon pa sa akin ng palit laban na lang. dun daw ako pumusta sa manok nya at sa manok ko naman daw sya pupusta. ang siste, ay hinamon ko naman sya ng palit na lang kami ng manok at walang laban. pumayag naman ang loko at nagdrama na inaabot sa akin ang manok nya. kaya ayun pagkakuha ko ng manok nya ay inuwi ko na ng bahay at iniwan ko sa kanya yung manok kong reject. yung mga taga-ruon ay pinagtatawanan sya dahil nagulat sila sa ginawa ko, lahat tuloy sila kinantyawan sya dahil yung manok na nakuha nya sa akin ay bulok. hehehehehe!!! :lol:
nung sumunod na buwan ay nagkita ulit kami sa may tupadahan, may dala ulit akong manok pero ngayon ayaw na nya akong hamunin ng palit. sising sisi sya dahil yung nakuha ko sa kanya ay ubod ng galing at talagang pangharang.
bro nakakatawa itong kwento mo :D
sa amin uso din ang palit ng manok
pero nilalaban pa hindi inouwi :D
dreambhoy
March 20th, 2008, 04:06 AM
bro nakakatawa itong kwento mo :D
sa amin uso din ang palit ng manok
pero nilalaban pa hindi inouwi :D
sain ka man tabi noy sa bicol?
aikoarmada
March 20th, 2008, 05:29 AM
Itong uri ng mga tao ang sisira ng ating kulturang sabong sa ating bansa. Dapat lamang na lahat ng sabungan o nagpapasabong ay maging alerto sa bagay na ito at maging patas sa pagpapatupad ng sabong sa kanilang nasasakupan.
bully12
February 26th, 2010, 12:20 PM
bump..................................
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.