PDA

View Full Version : Totoo bang hindi dapat ilaban?


Chris Balba
October 24th, 2003, 12:42 PM
:confused: Mga mates, itoy isang pamahiin ng mga kamag-anakan ko, na hindi na dapat ilaban ang basal na manok na nakabali o nakapilay sa bitaw, instead ay gawin nalang broodcock. Kapag nilaban ko daw ito ay maaaring tabla o talo. Ano nga ba ang dapat gawin. Totoo bang hindi na dapat ilaban ang manok na nakabali o nakapilay, ano ang opinion ninyo dito?

Eboy Martin
October 24th, 2003, 01:38 PM
I dont see any rationale.

bagwis
October 24th, 2003, 02:02 PM
depende kung old-style cocker ka (mapamahiin). yung kapitbahay ko 'dre, kapag pinansin mo lang yung ilalaban niyang manok na nasa loob ng karton uuwi na siya. o kaya kung lumagpas ng konti yung pinara niyang jeep tapos umatras, uwi na rin siya. kawawa yung mga babae na pumapara sa jeep na sinasakyan niya kapag nagpupunta siya sa sabungan, di niya pinapatigil yung driver ng jeep, binabayaran na lang niya yung pahasahe nung ale, hahahaha.....sabong nga naman.

ikundisyon mo na lang ng maayos.....

Dax_1975
October 24th, 2003, 02:50 PM
Pre...ako di naniniwala dyan..yong sa kapitbahay ko nong nkapatay sa sparring ang manok nya dahil laglag ang baga ng kabitawan kya nmatay antimano matapos kabayohan ng manok nya..itong kapit bhay ko nman benebenta na sa murang halaga dahil hirap na daw manalo pinaka panalo daw ay tabla nlang sabi ng mga matatanda..walang gustong bumili kaysa katayin sabi ko nlang wag nlang nya pustahan ng malaki sa unang laban..sabirin kc ng ilan palusotin daw pag nkalusot sa unang lban..vise versa nman daw ang mangyayari...obserbasyon ko nga kc nong unang laban talagang masasabi mong prang dumaan sa butas ng karayom ang pagkapanalo nya..pero sumunod na mga laban di na hirap hangang nkalima..prang totoo rin kc nong panganim tabla ang laban parehas patay.

lahat daw kc ngnakakadisgrasya sa bitaw ay puro palusotin..malay mo lumusot din yang alaga mo.


Good Luck!!!



Dax_1975

Jaypeeix
October 24th, 2003, 10:15 PM
bstah tsyong...d tlga miiwasan ang pamahiin sa sabong..pero kung alm mo nmng magaling ang manok.,..


bakiot hindi mo ilaban....kung natalo ibigsabihin,,,mas magaling ang kalaban mow!!

ganun lng un ka simple tsyong..paminsan nakaka gulo ng isip pero kung iisipin mo,,ganun lng un...

gudluck syo tsyog!!:hat: :rbounce:

Boy London
October 25th, 2003, 03:10 AM
adre hindi ako naniniwala diyan dahil may manok akong nakabali ng pakpak sa bitaw sa ngayon ay 3xwinner na siya at ama ng mga winning lines ko

BL:)

Dapo2
October 25th, 2003, 08:17 AM
Di ako naniniwala diyan basta ako may tatlo ng manok na nakapatay at nakabalda sa bitaw....

Inilaban ko lahat yun at talo lahat...:lol:

Chris Balba
October 25th, 2003, 09:57 AM
:lol: Hahahaha!!!, Dapo2 makubuluhan ang komento mo. Gayun paman akoy nagpapasalamat sa mga kaibigang magmamanok dito sa Sabong.Com, sa nagbigay ng kanikanilang opinyon. Ang sa akin base sa experience ko. Ang una naming manok na nakabali ay aming binenta sa matanda na kalugar namin. Inuwi n'ya ito sa kanilang probinsya at ginawang ganador. Lahat ng naging anak nitong panabong ay nagsipanalo mula una hanggang apat na panalo. Hindi man s'ya na ilaban, nailaban naman ang mga anak nito.

I.C.F.
October 25th, 2003, 10:57 AM
Thru my experienced naman nakamatay pa yung sa akin sa butaw what a blow in the head...But it was all succesfull ang fights nya so I think its not bad at all at least alam mong pumapalo ang manok ng maayos. pamahiin is still ok too, theres no harm kung sometimes u believe or not...

I.C.F. - john

rcgfarm
October 25th, 2003, 05:15 PM
pre;

huwag kang maniwala sa mga pamaihin mellimium na ngayon, basta pag-araw na nang laban na ng manok mo huwag mo lang pakainin ng itlog kc ang ibig-sabihin ng itlog ay zero (0).

opps jokes, jokes lang po.


:lol: :lol:

NTBee
October 25th, 2003, 05:35 PM
maykaranasan din po kami diyan maymanok din kaming nakapatay sa bitaw dahil sa ulo tinamaan yong kabitaw, nong nilaban talo....... di ko lang alam kung nagkataon.....lang

Niel

rkysat
October 25th, 2003, 08:48 PM
Karanasan ko naman ay manok na nakalagot sa talian at sinabong ang manok na katabi ! Ayun, tepok at nangingitim pa ng abutin namin. Ang nasabing killer na manokis ay 2x winner na ngayon sa bigtime Derby . So, 1 plus 2 = 3x winner na siya totally.:rbounce:

ligas_paka2006
September 16th, 2006, 01:27 PM
:eek:

x2fer
September 16th, 2006, 03:42 PM
:rbounce:

Boy London
September 16th, 2006, 03:46 PM
2003 pa ito ang lalim ng nahukay mo hehehheheheh

ricko
September 16th, 2006, 03:49 PM
okey lang yan chong. nasa tari lang ang resulta.

rpc_halang
September 16th, 2006, 04:46 PM
para sa akin, magandang ilaban ang manok na nakapatay na sa sparring, isipin na lang natin na sa walang tari nga, kaya na nyang pumatay, lalo pa pag nilagyan ng tari....

nasabi ko ito kasi ngkaroon ako ng manok na gnito, 2 pa nga ang napatay nya sa bitaw. kadalasan ay sumasabit pa sya sa talian. sabi ng kapitbahay namin na magmamanok, wag ko na raw ilaban at siguradong talo.

dahil nagagalingan ako sa manok na ito ay inilaban namin ng bilas ko, naka 2 panalo naman...

nasa atin na kung maniniwala tayo o hindi sa pamahiin.

ricko
September 16th, 2006, 04:52 PM
mga pareng sabungero

May manok akong nakapatay na sa laban ng sparring. Talagang 'shock' ako dahil may pagka dunghil. Nanalo cya 1x lang sa hackfight tapos talo sa ikalang laban.

Darkwing
September 16th, 2006, 09:44 PM
Ganun din ang sabi nila sa manok na nakabulag sa bitaw. 3times ng nanalo yung manok ko kaya hindi rin siguro totoo eto.

Naikwento ko lang po

BANDERADO
September 16th, 2006, 09:47 PM
... sabi nga daw..... dinig ko ren sa mga parmers nun........



.....puro agiw na tuktok ni Ligas ... :D joke heheh

wickedfr0g
September 16th, 2006, 09:49 PM
:lol:

c22aba
September 16th, 2006, 10:04 PM
sa aming probinsya sa bulacan, iba naman, pagnagbitawan at may nakabulag, sasabihin na matatalo ang manok na nakabulag kaya wag ng ilaban, kung hindi man hindi na ito mabibili, may manok akong para laban, at iginagayak, nakabulag, isip ko lang asintado at magaling magpatama, ang lakilaki ng katawan ng manok bakit ulo ang inaasintang patamaan? inilaban ko, nka 2 panalo bago namatay sa laban.
kung buhay pa si ingkong tanasyo, bubuhatin pa non ang manok ko sa sasabihing, ito ang gusto ko sa katawan ng manok, mga hugis papaya, titingnan at kakaliskisan ang paa, sasabihing maganda, kulay luya ang paa,
magngunguya ng nganga at titingnan ang mukha ng manok, sasabihing maganda ang bilog ng itim ng mata, para daw sa paminta, ang tuka ay maigsi na parang butil ng bawang,
pag ganito ang sinabi, ipagtitimpla ko na ng kape at ilalabas ko na ang pandesal. gutom na ka ko si ingkong tanasyo.:lol:

lalcance
September 18th, 2006, 01:30 PM
Meron akong inupahan na manok inilaban ko sa Hack fyt pinustahan ko 5500. Talo! Sabi nong iba kaya daw ako natalo kasi nakadisgrasya ng ka sparring yong inupahan ko na manok. Mula non yong may ari na inupahan ko ng manok di ko na pinansin at kapag naglalaban sya ng manok sa kabila ako pumupusta. Kung ikaw ako anong gagawin mo? :confused:

sandman124
September 18th, 2006, 01:52 PM
kaya hinukay ni ligas dahil may ililibing na naman na bago....bagong thread.:lol:

seriously speaking, dapat nga sya ilaban dahil subok na ang lakas nya sa paluan. he!he!he!

littlejohn
September 18th, 2006, 04:14 PM
pre

KASABIHAN LANG YAN NG MATATANDA...................................
















NA WALANG MAGAWA!!!!!!!!!!!!!!!

Saknong
September 19th, 2006, 07:48 AM
Hay naku, ako ang taong hindi naniniwala sa mga pamahiin. Pero hindi ko kinokontra kasi sabi ng matatanda pag kinontra mo raw, mamalasin ka.;)