PDA

View Full Version : Magkano ba ang PIYANSA,kapag nahuli sa TUPADA.



nativelito23
April 26th, 2012, 03:01 PM
Last week po sa episode ng IMBESTIGADOR ay nagkahulihan sa TUPADA sa Barangay Tipo Bataan,magkano po ba ang magiging piyansa ng mga nahuli dun? :D

Melekh
April 26th, 2012, 03:47 PM
hehehehe! last jan. nabalitaan ko nakulong yung mag tatari ko bago ko dumating nahuli sa tupadahan inabot ng 8k bago ko nailabas.......

jack_kie
April 26th, 2012, 03:53 PM
Last week po sa episode ng IMBESTIGADOR ay nagkahulihan sa TUPADA sa Barangay Tipo Bataan,magkano po ba ang magiging piyansa ng mga nahuli dun? :D

Kung may dala ka na may manok na may tari or nahuli in the act na nanunugal ka - illegal gambling ang kaso = 5k multa or 6 months to 1 year kulong kung guilty.

Kung nahuli ka na may dalang tari - illegal possession of deadly weapon kaso - 20k multa or 6 months to 5 years kulong kung guilty.

Kung nahuli ka ng illegal possession of ugly face = walang multa :D

nativelito23
April 26th, 2012, 04:05 PM
hehehehe! last jan. nabalitaan ko nakulong yung mag tatari ko bago ko dumating nahuli sa tupadahan inabot ng 8k bago ko nailabas.......
Anlaki pala.Eh,ang hina ko pa naman pumusta.Tama talaga na naghahanap ako ng finacer..libre pa tsibog at legal pa,hehehe:D

Lefthand
April 26th, 2012, 06:52 PM
Ang mahal pala ng piyansa, yung barkada ko kasi nung araw napasama sa hulihan sa tupada, eh sadyang walang pera kaya dinala sa kampo. Nung malapit na sa kampo eh talagang walang pera at tuyot talaga mga bulsa, pinakawalan nalang daw sila, lakad pauwi, anlayo! :D

double z
April 26th, 2012, 07:47 PM
Anlaki pala.Eh,ang hina ko pa naman pumusta.Tama talaga na naghahanap ako ng finacer..libre pa tsibog at legal pa,hehehe:Ddipende yan sa kaya ng bulsa mo huli dap naman kse pag nahuli ka lahat ng pera kukunen ebedensya daw pero kanila na un.wala kang magagawa kse illegal ang tupada

roy reyes
April 26th, 2012, 11:35 PM
Kung may dala ka na may manok na may tari or nahuli in the act na nanunugal ka - illegal gambling ang kaso = 5k multa or 6 months to 1 year kulong kung guilty.

Kung nahuli ka na may dalang tari - illegal possession of deadly weapon kaso - 20k multa or 6 months to 5 years kulong kung guilty.

Kung nahuli ka ng illegal possession of ugly face = walang multa :D

yang nasa huli na sinabi mo eh madami ang makakalaya hahaha:D

hellborn
April 27th, 2012, 12:11 AM
masarap din mag tupada yan lang ang problema pag may nagtimbre na malimit na ang tupada pero kung malakas ang kapit eh walang huli talaga sa amin sa imus ang mga ng huhuli tropang calabarzon yun hirap maareglo kaya pag nahuli may kamahalan 10k pataas samin..................
pero nito lang lingo yung kaibigan ko na bantay ng manukan eh nahuli din yun ngalang hindi sa tupada kunti dun mismo sa binabantayan nyang manukan ang siste eh may nakapag timbre ata na may baril sya na walang lisensya ang tanung eh sino ang nagsumbong malamang ka tropa din buhay nga naman kakaawa tuloy yung tropa hirap na kakabantay sa manukan eh walang kamalay malay na makukulong 30k ang piyansa yung baril hindi na nakuha.............meron silang dalawang aso yung isa hindi natahol yung isa naman lahat ng pumasok kilala agad :( anubayan

nilodeleon
April 27th, 2012, 12:33 AM
kung walang sabungan sa bayan nyo, palagay ko ay okay lang na mag-tupada(palagay lang ha?) pero kung may sabungan naman ay sa legal na tayo magsabong at isa pa ay humihina ang sabungan at umu-unti ang sultada kung may tupadahan.
kid

mbmontifalco
April 27th, 2012, 01:02 AM
[QUOTE=jack_kie;4097657]Kung may dala ka na may manok na may tari or nahuli in the act na nanunugal ka - illegal gambling ang kaso = 5k multa or 6 months to 1 year kulong kung guilty.

Kung nahuli ka na may dalang tari - illegal possession of deadly weapon kaso - 20k multa or 6 months to 5 years kulong kung guilty.

eto na cguro magpahinay-hinay sa akin pumunta ng tupadahan:)

baby maker
April 27th, 2012, 02:16 AM
sa amin sa Ilocos ay malakas ang tupadahan.. kong minsan ay mas malakas pa kaysa sa hackfight sa sabungan lalo na kong Holy Week..

pinagkaiba lang sa Ilocos, mga tupadahan ay meron permit..:D

nilodeleon
April 27th, 2012, 03:22 AM
sa amin sa Ilocos ay malakas ang tupadahan.. kong minsan ay mas malakas pa kaysa sa hackfight sa sabungan lalo na kong Holy Week..

pinagkaiba lang sa Ilocos, mga tupadahan ay meron permit..:D
hehehe...permit? sa amin ang tawag doon, lagay.
kid

nativelito23
April 27th, 2012, 07:39 AM
Mas OK na talaga sa legal..Hindi pa kabado hahaha:D

baby maker
April 27th, 2012, 07:51 AM
hehehe...permit? sa amin ang tawag doon, lagay.
kid



hehehe... maayos po ang mga tupadahan sa ilocos norte.. walang lagay-lagay kaya walang huli.. permit ang kinukuha kasi matitino ang mga nagpapatuda...:D:D

gintong itlog
April 27th, 2012, 08:16 AM
sa amin sa Ilocos ay malakas ang tupadahan.. kong minsan ay mas malakas pa kaysa sa hackfight sa sabungan lalo na kong Holy Week..

pinagkaiba lang sa Ilocos, mga tupadahan ay meron permit..:D
Tama ka bro. Pyesta at holyweek at iba pang statutory holidays ang pinakamalakas na tupada. Siguro nga eh may permit kasi kadalasan ng nagpapasabong ay mga sundalo.:D

avelentong
April 27th, 2012, 08:55 PM
Tama ka bro. Pyesta at holyweek at iba pang statutory holidays ang pinakamalakas na tupada. Siguro nga eh may permit kasi kadalasan ng nagpapasabong ay mga sundalo.:D

wokwok, walang huli sir pag sundalo ang patong ng tupada... bago kasi dumating ang huli wala na ang tupada... :eek:

pampasaya lang po mga kasabong...

balik po tyo sa topic, may alam po ba dito kung magkano ang multa ng illegal gambling, dun po kasi pasok ang tupada (lalo na po kung namumusta lang at mabagal tumakbo:eek:).

mbmontifalco
April 27th, 2012, 09:19 PM
3x na rin ako naka encounter ng hulihan ng tupada, first ung mga pulis naka sibilyan lang nataon logro ung laban 10-6, dami pusta sa dehado, win dehado wala pa huli, sunod na laban logrohan ulet 10-6 ang tawagan, pagbitaw ng manok huli ung dehado sa taas pagbagsak gapang dehado ng kakaryuhen ng sentensyador sabay sigaw sa likod " R A I D" sabay kuha sa manok na naglalaban at lahat ng pera sa lamesa, pero di nman cla nanghuhuli ng mga tao napusta

3R WARBIRDS
April 27th, 2012, 10:24 PM
ilan beses n din ko nakadanas ng raid sa tupadahan una takbuhan agad sunod takbo uli kaso yon manok ko iniuulot ng kasama ko nayapusan xa at huli daw pagtakbo ng mga tao nasagi xa nabitawan ng nakahuli pati manok nabitawan nya takbo na din kaso hinarangan uli xa ng mga manghuhuli nagwala xa takbo uli hehehe....lesson learn wag ka pahuhuli takbo n lng pinakamaganda pyensa yon d k naman babarilin o pilitin na mahuli labanan mo n lng takbuhan kalimitan naman d kabisado nila lugal kaya dapat alam mo saan ka tatakbo kapag nasa tupadahan ka hehehe.....masaya din kapag ganyan yon iba wala na nahabol takbo pa din sa takot.....tapos yon iba naman nahulidap lng d na isinama sa campo.......

magsasaka16
April 27th, 2012, 10:51 PM
Alam kopo walang piyansa pag nahuli sa tupada kasi kalimitan hulidap lang ito kasi yun nahuli sa amin kasama pa sila tulfo sabi ng pinsan sinakay yung nahuli sa bus pag dating sa may alabang inareglo na 30,000 yun pinakawalaan narin lahat hanap buhay lang daw wala pa akong nabalita nakulong sa tupada laging areglo mabilis na kita ika nga ,Parang kung minsan masarap ding lumaban sa tupada lagi mong kuwentuhang sa manok na di mo naririnig sa sabungan at kahit dimo kilala sa tupada parang matagal munang kasama pag naguliahan naman kailangan winning line line sa takbuhan naranasan kona rin nahulog sa ilog sa pag takbo pero tupada parin ..hahahaha

warley
April 27th, 2012, 10:52 PM
sa isang probinsyang kinalakihan ko usong-uso pa rin ang tupada doon. mga sarado kasi ang karamihan sa mga sabungan doon. masasabi kong hindi lahat ng tupada ay ilegal pag nagpaalam ka at may bendisyon galing sa munisipyo pwede kay mayor pwede rin kay hepe ay 'legal' na raw ang patupada mo......ngunit hindi ito sa lahat ng pagkakataon depende ito sa gagawin niyong dahilan kelangan may maganda kayong palusot...:D


sa piyansa naman pag nagkakahulihan na wala masyadong garantiya kung magkano nga ang babayaran mo. pag nagkakahulihan kasi madalas pera at manok lang ang kinukuha ng mga pulis. kung may nadadala mang tao ay kadalasan ay pinauuwi rin ito lalo na pag may padrino ng lumapit kay tsip at pag wala naman pinapauwi pa rin. rason ng mga pulis wala silang budget para sa pagkain ng mga ito..

nagkakaroon lang ng multahan kung tutubusin mo ang manok o kaya'y taring nahuli sa tupadahan....ang pera sa kanila na yon. kapag walang tumubos pinupulutan na ng mga 'sir' ang manok ang iba nama'y iniuuwi.

segurado ako rito dahil ilang beses na rin akong nakipulutan doon. :D

pureilocano
April 27th, 2012, 11:47 PM
Mahirap pumunta sa tupadahan dahil illigal malamang pag may raid takbohan ang problema baka matinik o kaya madapa at magkasugat sugat dahil kahit mataas na pader ay pilit lundagin. Baka ba masaktan pa tayo kaya mabuti doon nalang tayo sa ligal para panatag ang kalooban.

nilodeleon
April 27th, 2012, 11:51 PM
3x na rin ako naka encounter ng hulihan ng tupada, first ung mga pulis naka sibilyan lang nataon logro ung laban 10-6, dami pusta sa dehado, win dehado wala pa huli, sunod na laban logrohan ulet 10-6 ang tawagan, pagbitaw ng manok huli ung dehado sa taas pagbagsak gapang dehado ng kakaryuhen ng sentensyador sabay sigaw sa likod " R A I D" sabay kuha sa manok na naglalaban at lahat ng pera sa lamesa, pero di nman cla nanghuhuli ng mga tao napusta
yan ang isa sa mga problema sa tupada, ang tawag naman sa amin doon ay
huli-dap! hehehe
kid

mbmontifalco
April 27th, 2012, 11:53 PM
sa isang probinsyang kinalakihan ko usong-uso pa rin ang tupada doon. mga sarado kasi ang karamihan sa mga sabungan doon. masasabi kong hindi lahat ng tupada ay ilegal pag nagpaalam ka at may bendisyon galing sa munisipyo pwede kay mayor pwede rin kay hepe ay 'legal' na raw ang patupada mo......ngunit hindi ito sa lahat ng pagkakataon depende ito sa gagawin niyong dahilan kelangan may maganda kayong palusot...:D


sa piyansa naman pag nagkakahulihan na wala masyadong garantiya kung magkano nga ang babayaran mo. pag nagkakahulihan kasi madalas pera at manok lang ang kinukuha ng mga pulis. kung may nadadala mang tao ay kadalasan ay pinauuwi rin ito lalo na pag may padrino ng lumapit kay tsip at pag wala naman pinapauwi pa rin. rason ng mga pulis wala silang budget para sa pagkain ng mga ito..

nagkakaroon lang ng multahan kung tutubusin mo ang manok o kaya'y taring nahuli sa tupadahan....ang pera sa kanila na yon. kapag walang tumubos pinupulutan na ng mga 'sir' ang manok ang iba nama'y iniuuwi.

segurado ako rito dahil ilang beses na rin akong nakipulutan doon. :D

sir agree ako dito, ung mga nahuli manok minsan sa tupada sa amin pinatubos sa may-ari 1 kaban bigas bawat manok, pero ung iba nahuli pag nakursunadahan pinauuwe na agad sa mga runner nila:)

3R WARBIRDS
April 27th, 2012, 11:56 PM
oo dapat ay sanay ka sa Sta. Ana o kaya sa San Lazaro

nativelito23
April 28th, 2012, 03:38 PM
sir agree ako dito, ung mga nahuli manok minsan sa tupada sa amin pinatubos sa may-ari 1 kaban bigas bawat manok, pero ung iba nahuli pag nakursunadahan pinauuwe na agad sa mga runner nila:)
Yung dating kapitan namin may mga kasanggang pulis.Kapag may mga tupada,pinatitiktikan niya sa mga bata niya.Tapos ititimbre nila sa PULIS.Raid kuno,kukunin ang mga manok at tari pero walang isinasamang tao.Hehehe!

Lefthand
April 28th, 2012, 05:52 PM
pumupunta lang ako sa tupada pag may permit, katulad pag may patay. Malaking tulong kasi sa namatayan ang plasada ng tupada, pero pag yung tupada na pakana lang ng kung sinong pontio pilato, di ako pumupunta, siguradong pagiinteresan ng raiding team kasi wala namang dahilan para mabigyan ng permit :D