PDA

View Full Version : Ano-anong mga dahilan bakit kinu-cull ang mga sisiw na babae?


thundercock
October 28th, 2003, 04:35 AM
Meron pa po bang ibang dahilan kung bakit kinakatay ang mga sisiw na babae, maliban sa rason sa gastos, kumalat ang lahi, space ng lugar?

1. Kung sila po ba ay produkto ng mga battlecrosses?
2. Kung sila po ba ay produkto ng inbreeding/linebreeding/ etc...?



" Life is Short...Enjoy"

Thundercock

swallow
October 28th, 2003, 07:05 AM
ang kasagutan dyan eh dahil kadalasan 60% ng papisa mo eh babae, at dahil hindi naman tayo naglalaban ng inahin, pinipili natin ng mabuti alin ang me magandang conformation or balance, at yung iba naman kinakatay natin, para hindi masyado mabigat sa bulsa sa feeds... kadalasan pa nga mga 3 mos pa lang sinisimulan na natin ang ating selection process hanggang sa umabot ng 6-8 months halos mangilan-ngilan na lang ang ating ika-cull... Ikalawang dahilan eh dahil kapag ang manok mo eh me matinding record sa sabungan at ito yung pambato mong linyada, hindi mo gusto itong ipamigay or ibenta, mas gugustuhin mo pa silang makitang patay, para hindi kumalat ang linyada at maiwasan ang pangyayari na matapat ka sa sarili mong linyada.

Kaya tatandaan niyo po, bibihira po ang magbibigay or magbebenta ng kanilang pambatong linyada lalo na ang inahin...
]

Just my thoughts...

rollyramos
October 28th, 2003, 09:56 AM
ang lahat ng sisiw na babae ay kinakatay ko ,dahil maliit lang ang espasyo ng alagaan ko, wala ni isa ang aking itinitira, at ang lahat ng kapatid na lalaki na pumasa sa aking pamantayan ay pinalalaki at inilalaban,

kung mangyari na mainam at nag sipanalo ang mga lalaki sa linyadang ito ay muli kong pag paparisin ang orihinal na ama at ina , at dito ay binubuhay ko na ang mga babaeng sisiw at pinipili ang mga walang depekto upang paanakin /palahian at ibenta.

naniniguro kasi ako na linyada ng mananalo ang mga babae ,dahil aksaya ng pera at panahon kung antimano ay buhayin ko sila ng walang proweba sa mga kapatid na lalaki. :hippie:

LUPIN3
October 28th, 2003, 12:39 PM
isa lang ang naisip kong dahilan.. " dagdag gastos" ... hehehehehe

rkysat
October 28th, 2003, 07:12 PM
Cost cutting ang number one reason kaya natin kina cull ang mga sisiw na babae. ;)

MOYZKI
October 28th, 2003, 07:28 PM
Ka rolly,

Nabasa ko rin sa isang magazine ang article mo tungkol sa culling ng mga sisiw na babae. Tama din ang punto mo dahil mas economical nga at ang winning line lang talaga ang mga matitirang inahin.

Paano naman kung na testing mo nga ang linyadang pinalabas mo, ngunit mayroon namang nagyari (namatay) sa mga original brood materials mo baka hindi mo na maulit ang proven winning line mo. Tanong ko lang po.......

Alam naman po natin na hindi komo kapatid ng original na materyales ay maglalabas din ng katulad ng record ng original na ginamit...... OPINYON KO LANG PO.....

MOYZKI

kalbo
October 29th, 2003, 11:28 AM
KOREK KADYAN SWALLOW SAN AYON AKO SA YONG MGA SINABI

kalbo
October 29th, 2003, 11:33 AM
DI PA AKO GAANO SANAY SA PAG AALAGA NG MANOK PRO NA22NAN KO ITO NOON NASA BATANGAS PA AKO LAGI AKO SINASAMA NG TIYO KO SA MGA KAIBIGAN NYA SA TANAUAN NKITA KO ANG ILAN SA MGA KAIBIGAN NYAN MAY FARM KINAKATAY NILA YON MALILIIT NA INAHIN. PRA DAW HINDI KUMALAT PA AT MASAKIT DAW SA MATA MAKITA ANG KANILANG INAHIN GANOON ANG KALAGAYAN KAYA DAW KINAKATAY NA NILA....

Dax_1975
October 29th, 2003, 11:46 AM
Sangayon ako kay Sir..Mozki...di komo kpatid yan ng nagpapanalo ay nakakacuguro kna na mag aanak rin ng mananalo...isa rin lamang yan sa mga pamantayan ng pag pili ng gagawing inahin...bumili kc kmi ng pinsan ko ng mag kpatid na inahin parehas puti..sa dami ng inanak na lalaki ng puti ko lahat ito naging mananalo ito nman ay madamot sa babae...yong sa pinsan ko magaling talaga mag alaga yon at magkondisyon at kungbakit nka ilan palit na sya ng broodcock ganun prin di umaangat ang porseyentong panalo nya..cnabi 2loy ng pinsan ko di ata magkapatid ang inahen nmin..kung di ko nga lang nakitang sinisiw yon sasangayon narin ako na di magkaptid ang nabili nming ginawang inahen..kumbaga tab-tabla lang ang naging porsenyento ng panalo nya kya ang ginawa kinatay nlang..at sinubok ang pullet na anak non..yon nman ang nag lbas ng mataas na panalo samga laban ng anak

Ako cull ko na agad ang ibang mga pullet pag dating ng 3mons..pero lagi ako nagtitira ng dalawa gagawing inahen kung sakaling di sinasadya mamatay ang nanay at ito ay tested na may linyada prin ako na magtutuloy..pero pag may kasunod na nman..yong naunang naitira ko cull na nman yong nauna.

Natandaan nyo rin cguro mga kasama na humingi ako ng 2long sa inyo tungkol doon sa inahing puti ko na di natunawan na ang sinunod kung payo ay pasukahin...yon natigok buti nlang may naitira akong dalawang anak nyang babae..magmana lang sna sa nanay nya...nalulungkot kc dahil isa yon sa mga original kong ginawang inahen pero hangang doon nlang cguro ang papel nya..wala tyong magagawa.

Kya sa mga baguhan kung isang pullet ang bibilhin nyo di pa kyo nakakacguro dyan...pero kung handa kyong subukan dahil may history nman ng mananalong lahi..kya wag nyo sisihin ang pinagbilhan..pwedi yan kung sinabi nyang proven na yan dahil nailaban ko na ang mga anak nyan sa ibat-ibang anak ng aking brood cock...
Kya sa mga breeder nman mahirap din nman na naninigurado kyo agad sa mga ebenibenta nyong pullet at binibigyan nyo agad ng matatamis na salita at pagasa sa pagpapalahi sa na ibentang pullet.


Sana nakatulong ito para sa ating lahat...

Thnx...Dax_1975

juan sabungero
December 5th, 2006, 05:58 PM
taas natin . . . http://i29.photobucket.com/albums/c279/sabung/icon101.gif

DINOPATANI
December 5th, 2006, 06:58 PM
I go with swallow and moyzki...............

select only the best hen, very few only............ amongst the winning lines........

lalo na ngayon, mahal ang feeds............

yung kunsomo nilang mga inahen e di para na lamang sa mga fighting cocks mo.........

tatodupaya
December 5th, 2006, 08:27 PM
Ang daming nahuhukay na magaganda si Sir JS.

alimbuyugin
December 5th, 2006, 09:43 PM
ang tumpak na sagot dyan mga kasabong ay di pwede isabong ang inahin kaya idispatsa lang para menos gastos, at ng di maghalo-halo ang palahi...

wickedfr0g
December 5th, 2006, 09:48 PM
sakin lang lalo na mga crosses i culling ko talaga lahat.
kung meron mang mag click at yun nalang
ang paparamihin ko.
sa pure materials atleast 2 hens or 4 hens ok na sakin.
Malakas kumain itong mga inahen kaya minus gastos tayo :)

bebs espinosa
December 5th, 2006, 10:28 PM
dag-dag gastos lang at iwas madali nang iba.....pahinggi!

abanski
December 5th, 2006, 11:05 PM
tanong ko lang mga kakmeyts....hindi ba naglilimlim mga inahen???

wickedfr0g
December 5th, 2006, 11:35 PM
Sa mga inahen ko ay Hen hatched palagi.
mahirapan kami kung incubator panay powershortage hehehe.

Bebs- tama ka riyan nyahaha akala nila mura lang ang
feeds.. ok lang sana kahit isang libo isa pwedi na.

jes manabat
December 6th, 2006, 09:52 AM
katayin na lang kesa ipamigay para mabawasan ng gastos sa patuka,,

donnie
December 6th, 2006, 10:01 AM
tumpak...... may tama kayo riyan

sandman124
December 6th, 2006, 10:10 AM
Dahil walang ulam. he!he!he! Para bawas gastos sa feeds.

dotman
December 6th, 2006, 12:00 PM
To sum it up:

1. Cost cutting
2. Para di kumalat ang lahi

Both makes sense...

samat
December 6th, 2006, 05:29 PM
mahal ang patuka kaya yong mga 2way cross at 3way cross na wala gamit sa breeding cull na agad 3 days palang. nasa 80 to 90 peso ang gastos ng isang sisw sa isang buwan halos parehas ng stag or cock.

expressdelivery
December 6th, 2006, 05:56 PM
ayos
gandang mga tips

DINOPATANI
December 6th, 2006, 06:28 PM
sa akin naman lahat ng sisiw hintay ko munang makilala ang mga lalaki, hiwalay agad ang mga babae............ at ang patuka ay ordinaryo na lamang hanggang pwede na gawing tinola o pulutan.......... we-he-he............

from chix booster, to semi fine corn grits.............. at kung aabot pa sa crack corn.......... malapad kasi ang range area kaya no problem sila............

sayang din kasing cull na kaagad kung me lugar din lang........... pwede namang pakinabangan......... either ulam o pulutan........

tatodupaya
December 6th, 2006, 06:42 PM
Ulam? I don't know. I don't find their flesh yummy at all. Not like the native chickens. I haven't tried feeding them corn grits though. I'm sure it would make them fatter and might change how they taste.

expressdelivery
December 6th, 2006, 07:08 PM
lutuin mo ng may sampalok
sarap ng sabaw nyan.
hayaan nyo lang gumala gala sa farm
tutal naman mga self supporting yan
lalaking kusa yan dahil maghahanap ng pagkain sa paligid ligid

kapag umabot ng 4 to 5 months
sampalukan nyo na
nagutom tuloy ako

expressdelivery
December 6th, 2006, 07:10 PM
magagamit nyo rin yang mga excess pullets kapag nag hardening kayo ng mga stags.
kada pen ng stag ay may kasamang pullet.
kung may 20 stags kayo edi 20 pullets din ang kailangan nyo
at least maanda ang pagma mature ng mga stags
kapag nasasamahan ng pullets
madaling nade develop ang sexual maturity nila

parak
December 6th, 2006, 08:42 PM
pede ring source ng extra protein (itlog white)
o kaya taga pisa.............pwede nga kaya?

Eddie go
December 6th, 2006, 08:58 PM
And dami kong natututuhan dito sa mga kasama nating pinoy cockers at alam mong makakatulong sa iyo pag dating ng panahon. Salamat sa inyo mga cockmates. Eddie Go

tatodupaya
December 6th, 2006, 09:02 PM
Hi Sir Eddie. Matagal na akong di nakapasyal sa tambayan natin. Hope you're family's fine

top_signature
December 6th, 2006, 09:18 PM
Sa akin ay palalakihin ko muna mga sisiw na babae hanggang 4 months saka ko pagpipilian...kukukha lang ako ng 2 per family at yung iba ay ihihiwalay at pagkain nila ay pinapalitan ko ng mais hanggang lumaki pa ng kaunti at tumaba saka uulamin o pupulutanin. happy pa yung mga tao ko. kung sakaling pangit ang resulta ng mga kapatid na lalaki ay saka ko sila ipakakatay. Ang rason ko ay tulad rin ng sa iba na ekonomikal sa bulsa.

Pero sa totoo lang ay napakahirap maghanap sa mga sikat na local breeders ng mga battlecross na inahin. Kadalasan ay puro pure lang ang pinagbibili nila. Iyan ay base sa aking experience sa pagbili ng mga pullets...


My Experiment 1/2 Biboy x 1/2 Bulalayaw Crosses (1st batch)

10 Males 3 females



http://pic20.picturetrail.com/VOL1296/4310870/9075061/210941331.jpg

cheers!

top_signature
December 6th, 2006, 09:39 PM
Ito naman yung 2nd batch ng aking BiboyxBulalayaw Experiment...12 females 8 males lang...kaya maraming pupulutanin....hehehe


http://pic20.picturetrail.com/VOL1296/4310870/9075061/210934702.jpg


cheers!

expressdelivery
December 6th, 2006, 11:08 PM
preeeeeeee
andito lang akong sasalo
ng mga hindi mo kailangang mga pullets

palitan natin ng apat na paa
-----------kambing-----hahaha.

top_signature
December 7th, 2006, 06:13 AM
expressdelivery,

oo nga pala...sige ililista na kita sa record book ko...apat na paa ang kapalit ha...hehehe


cheers!

raptortiger
December 7th, 2006, 06:53 AM
There are several reasons of the breeders, why they cull the female.

1. the physical and mental character traits was mostly inherited from the cock....(that if the cock was a not a good fighter or non-cutter) or it has a previous sickness record.

2. If the broodcock was not pure and compose of 2 or more bloodlines.

3. if you fight few heads per year, no need to have lots of female...minimize expense.

4. you cull because you like to be the only one who breed the strain.

5. if it doesn't meet your standard and they are rejects.

6. if you don't like the feather color (throwback).

7. if it's a battlecross process of breeding i cull female chicks and select only what meets my standard and if i'ts a pure or linebreed(inbreed) process i keep all female.

WT AVALON
December 7th, 2006, 09:14 PM
Ang unang dahilan, ay sobra ng dami ang mga babae, kaya kong hindi gagamitin, cull ng maaga para menos gastos sa feeds... Seasons Greetings sa inyo mga kasabong...

Yfis...

expressdelivery
December 7th, 2006, 09:46 PM
ayos-----hahaha
thanks my friend

jlbs72
December 8th, 2006, 08:32 PM
may mga itlog akong nakasalang for december hatch. 230 eggs lahat. halimbawa kalahati n lang ang mapipisa, so may 115 chicks ako. halimbawa kalahati babae, mga 55 ot 60 ang babae, sus... kung hindi ko kakatayin, ano gagawin ko dun ? december born pa alng yan, wala pa yung january at feb, hehehe...

expressdelivery
December 8th, 2006, 08:36 PM
yung mga 1 month old na female chicks
ilagay mo sa auction bidding ng per dozen(12 chicks)
sandali lang yang i dispose

marami ka pang
matulungang mga smalltime cockers
na katulad ko

Maning
December 8th, 2006, 08:39 PM
jlbs72 ,

ibigay mo nalang sa akin...hehehe

expressdelivery
December 8th, 2006, 08:43 PM
bakit ayaw ibenta ang mga babeng sisiw???????????

kasi yung mga bibili ng mga sisiw na babae
ay sa next year ay malamang na hindi na bibili uli
dahil may sarili nang mga palahi sila
at nagtitinda na rin ng mga sisiw--------hahahahaha

expressdelivery
December 8th, 2006, 08:45 PM
o baka maging piso na lang
kada sisiw------sa dami ng seller
hahahaha

the law of supply and demand rules

jlbs72
December 8th, 2006, 09:10 PM
expressdelivery,

walang papatol sa mga sisiw ko, hindi sila "pure" at hindi sila F1 ng mga imported materials. backyard breeder lang po ako, hehe...

Maning,

bili ka na lang ng 45 days mas mura. kung palalakihin mo yung sisiw ko para kainin mas magastos, hehehe... pag natuloy kami ni chito sa bacolod sa pa derby ninyo pwede ba mag shopping ng inahin sa farm mo ? hehehe...

expressdelivery
December 8th, 2006, 09:56 PM
pareng joel
ang mahalaga pre ay
yung palahi mo ay nagpapanalo sa mga laban
nakikita naman namin at nababalitaan
na nagpapanalo ka
kahit hindi imported yan pre
basta may kakayanang manalo
okay yan

jlbs72
December 8th, 2006, 10:11 PM
thanks pre. Goodluck sa breeding at mga laban mo.

Eddie go
December 26th, 2006, 11:15 AM
Congratulation swallow at sinabi mo ng lahat ang dahilan kung bakit pinapatay ang mga babaeng sisiw. Tama lahat sir.