PDA

View Full Version : Red Whet/oats Groats/jockey Oats ?



rickyboy
January 28th, 2005, 04:01 PM
Marami ako nababasa sa feeding sa contionioning na lagi binabangit ang Red Whet, Oat Groats, Jockey Oats ano ho ba ang mga ito at saan nakakabili.pasensya na sa tanong hindi ko kasi kong ano ang mga ito. maraming salamat sa mag rereply.

buhawi
January 28th, 2005, 07:39 PM
red wheat:eto gustong gusto ng manok na kainin.napakagandang pampabuka ng mga katawan nila.huwag mo lang ibababad dahil sobrang makasipsip ng tubig ang grains na ito.magiging matubig masyado ang katawan ng manok mo.ihalo mo lang ang red wheat na 1 1/2 parts sa kabuuang soaked(ibinabad na mga grains)na patuka(plus power pellets,egg white,milk) mo sa manok.:hippie:

jockey oats and oat groats:yung una may balat na ang magkabilang dulo ay putol o na clipped na.yung pangalawa ay wala ng balat.maganda ito sa manok dahil gaganda ang hipo nila.magaan ang hipo na malapad sila.:hippie:

soaking method:andito ang pinaka sekreto ng mga feeder,yung paraan ng pagba babad.hindi basta ibinabad ay okay na.:lol:

ryan72_2000
January 29th, 2005, 08:40 AM
Oats (whole) 11.0(%cp) 4.0(% fat) 2550(kcal/kg)
Oat Groats 16.0(%cp) 6.0(%fat) 3400(kcal/kg)
Wheat (trigo) 13.5(%cp) 1.9(%fat) 2620(kcal/kg)

karaniwang ibinababad ang jockey oat (kasi matigas ang balat nito) ng tatlong araw para mag-sour, germinate at mag-ferment. kapag fermented na ito, ang hatid ay kaiga-igayang digestive enzymes sa nokis.

mas madaling tunawin ang red wheat (wala ng balat kapag binibili sa feed store) ng manok kaysa sa dalawang nabanggit.

oat groat, kaunti lang ang inihahalo nilang poryento nito sa feed mixtures kasi masagana nga ito sa taba (malakas makapag-pasapola kapag marami). isa ito sa nagiging sanhi ng berdeng ebak ng manok.

kapag germinated (dahil sa pagbabad sa tubig ng at least 9 hrs) ang grains ay mas tumataas ang protein content at mas madali ding tunawin ng manok pag babad. ang pag-babad din ng grains ay isang paraan para mapasuka kung anumang toxic factors katulad ng phytic acid ang nandito. :) :hippie:

rickyboy
January 31st, 2005, 08:44 AM
thnks sa mga nag reply, ano ba sa tagalog ang ;

1. read wheat (trigo ba ito ?)
2. oat groats (pellets ba ito ?)
3. jockey oats

hindi kasi alam sa binibilhan kong poultry supply ko ang ano
mga ito.pasensya na po uli.

ryan72_2000
January 31st, 2005, 09:01 AM
brod,

iyung red wheat ay trigo nga na kulay pula, wala na itong balat.

iyun namang oat groat ay wala na ring balat, halos brownish ang kulay nito.

iyung jockey "horse" oat naman ay butil at kahawig ng malta, may balat at medyo pahaba lang ito at matulis ang magkabilang dulo, medyo yellowish ang kulay nito.

ang lahat ng mga iyan ay imported. karaniwan mo silang makikita sa halo ng concentrate o conditioner grains. sa malaking poultry supply ka mag-tanong. :)

sultador
January 31st, 2005, 09:11 AM
ryan,

salamat sa post mo at na educate mo kame!!!!

rickyboy
January 31st, 2005, 10:37 AM
thanks ryan for your very informative sharing...more power and have a nice day...

jon_elasigue
February 2nd, 2005, 10:20 AM
Ryan,

Red Wheat ay hindi na kailangan ibabad sa tubig? Paano nag-germinate ito kung hindi ibababad sa tubig? Sori pre, interasado ko sa thread na ito, baka may kulang pa pala ako sa mga manok ko.

Thanks.

ryan72_2000
February 2nd, 2005, 11:19 PM
brod jon,

iyung tungkol sa red wheat ay ipinaliwanag na ni kasamang buhawi sa bandang itaas.

katulad ng bigas, kung ang isang butil ay nawala na iyung balat kapag ibinabad mo ito sa tubig ay hindi na tutubo.

Touchdown
February 4th, 2005, 12:25 AM
ryan72 at buhawi,
anong klaseng gatas ang pwede nating ibigay sa manok panabong?parang nabasa ko yata noon na hindi na di-digest ng manok ang gatas pero may isang klaseng gatas pwede ibigay. paki clear naman at salamat.
touchdown

buster
February 4th, 2005, 03:44 AM
kakmeyts kung gusto ninyong shortcut sa feeding either maintenance or conditioning , gumamit kayo ng PROBIOTICS multi -vits and minerals as supplement to your usual feeds, kung ano man gamit ninyo sa kasalukuyan. sakop na nito ang lahat ng mga composition ng patukang nabanggit ninyo.

wala pang hassle;)

:rbounce: :rbounce:

JunRussel
February 4th, 2005, 08:55 AM
OK kung yung evaporated milk may asukal na or matatamis na bagay na kailangan ng manok pwede pa rin ba tayong mag bigay ng honey bee kasabay ng evaporated milk at the same time. Ano naman ang honey bee para sa manok? Nakakatulong din ba itong malaki sa kanila, kasi sa pinas nagbibigay nito yung pinsan ko dahil dami nila manok pero ng lumaon ay tinitigil nila pagbibigay 5 days or more before the fight kasi daw nakakapag pabigat sa manok. Tutuo ba ito? Papano pag gamit sa kanila at ano ba talaga epekto?

ryan72_2000
February 4th, 2005, 02:20 PM
touchdown,

iyung mga gatas na lactose-free ang puedeng ibigay sa nokis. iyung mga nagpapasuso lang (iyung may lactase enzymes katulad ng tao at mammals) ang may kakayahang tumunaw ng lactose.

nemesis
February 4th, 2005, 02:44 PM
Hindi ba pwede ang "Kahlua' Milk with Gin Bourbon"? :lol: Joke lang...

nemesis
February 4th, 2005, 02:57 PM
Come to think of it.....can we use coconut milk or soya milk instead? Kse ito obviously are lactose-free dahil galing sa plant, not mammals...or kailangan talagang milk from cow (either processed or otherwise) pero kailangang lactose-free? Kasi ako, I sometimes use powdered alaska milk diluted in lukewarm water. I even boiled the milk and while boiling, I drop the rinsed grains and allow it to cool down.

ryan72_2000
February 4th, 2005, 03:33 PM
klasmeyt,

ang ginagamit ko ding gatas ay alaska pero ang pinipili ko ay iyung lacto-free. kung may lactose iyung gatas ay puedeng ganito ang gawin at ibigay sa nokis:

equivalents
1 cup buttermilk = 1 cup yogurt
1 cup buttermilk = 1 cup milk PLUS 1 Tbsp vinegar or lemon juice (let stand for 10 minutes before using).

tungkol naman sa lactose sa poultry, may gumawa ng experimentation tungkol sa sakit na salmonella infection sa mga nangingitlog na inahen at contaminated na itlog - ang ginawa daw na panggamot ay iyung lactose (asukal sa gatas) na hinalo sa inumin, na ang resulta di-umano ay naging highly resistant ang mga ito sa salmonella (at pati na rin sa coccidiosis). :)