View Full Version : Riyadh Boys...
marsman I
February 14th, 2005, 04:21 PM
Mga Sadik,
Baka sakaling meron kayo sobrang tinale diyan...paampon niyo na lang sa akin o di kaya ipasa niyo na lang sa abot-kayang halaga. Isa lang naman hanap ko eh. Wag yung bado ha? Sabik na rin kasi ako makapag-alaga ng sasabungin eh...:teeth:
marsman I
February 14th, 2005, 06:51 PM
desperado ba? ikw na walang mahimas for 6 months. meron nmn cguro site member na nand2 at meron manok d2 sa riyadh. dami kasi akong nakikitang mga meron manok d2 kaso ayaw magbigay ng palahi nila. kung magbenta naman ay grabe taas ng halaga. dehins nmn ako maglalaban eh. as in alaga lang tsaka bitaw-bitaw. takot ko lang mamutawa...:D
marsman I
February 15th, 2005, 11:13 AM
taas ko lang ulit. baka kasi shy lang o kaya eh busy pa ang aking mga habibi. mga sadik, ana katir homesick for sabong. munkin swaya help? shokran katir. :D
nemesis
February 15th, 2005, 12:09 PM
Marsman,
Ahlan, ya habibi!
Ramdam ko ang nararanasan mo ngayon dahil matagal din akong "nabartolina" dyan, hehehe (wayback 1990-1994). Gusto ko mang tulungan ka, di naman pwede kasi matagal na akong nandito sa 'Pinas. Ang maipapayo ko lang, kung nagagawi ka sa Eastern Province, sa mga outskirts dyan, maraming pinoy compounds dyan na me mga nagmamanok, baka pwede kang makabili ng kahit isa. Di hamak na mas maluwag sa Eastern Province kesa dyan sa Central Province. Try mo rin kung magagawi ka ng Abqaiq or Hofuf kse me mga nakikita rin ako dati riyan.
Ma-assalama...
marsman I
February 15th, 2005, 12:22 PM
Sadik Nemesis,
Oo nga eh. Parang naka-bartolina dito sa Riyadh. Sobra higpit. Meron pa rin mga nagsasabong dito pero nakakatakot pa rin sumama. Meron makukunan dito na bado pero iba pa rin kapag teksas ang alaga. Yung mga bado kasi bukod sa ubod ng ilap, ang tagal pa maglaban. Kakabakaba ka pa kung di kakalas kapag meron na tari. Meron kami nahiram na inahing texas kaso wala nmn ganador. Nakasubok na ba kayo gumamit nung parang asil dito? Meron kasi asil na sobrang laki kaya di namin kinuha. Pero meron binebenta dito na alanganing asil ang hitsura. Malaki pero di hamak naman na mas maliit kesa dun sa mga indian/pakistan asils. Meron naman mga nagmamanok dito kaso ayaw nga maglabas o magbenta nung mga palahi nila kasi nga, dahil sa iilan lang ang sabungan dito sa riyadh, napakalaki ng chance na magkatapat kayo sa laban. Ang sakit naman nun kapag manok mo pa ang tatalo sayo. Haaaaaaaaaay...ang buhay saudi nga naman.
Shokran sa reply mo kaibigan. Di mo ba namimiss ang broasted, kabsa, kubos, at purota? :)
nemesis
February 15th, 2005, 12:39 PM
Hahahaha! Pina-alala mo na naman yang mga yan. For a while, yang mga yan ang nakagawian ko nang kainin at nung huling uwi ko nga dito, yan na ang hinahanap ko. May point pa nga na naghahanap na ako rito ng gatas nila, yung "LABAN" :lol:
Matanong ko nga, may multiple access ka ba? I mean, pwede ka bang pumunta sa iba't ibang provinces? better kung bukod sa iba't ibang provinces ay kung pwede kang makapunta sa kalapit na bansa dyan (like Kuwait, Iraq,UAE,Bahrain,etc.) kasi ganun ang status ng Iqama ko noon dyan kaya nakakapasyal ako. Nakarating pa nga ako sa isang suburb area noon ng Iraq na me tupadahan ang mga Iraqi ng Asil, kaya lang naked heel lang. Ibig sabihin, walang tari. Try mo na lang bumili ng itlog at papisain mo, pwede ang mga asil dyan, mamili ka lang ng mainam dahil may laro din naman ang mga native na asil dyan. I-cross mo dun sa sinasabi mong inahen na texas. At least, may nahihimas ka dyan. :lol: Ingat lang at baka imbes na manok, rehas ng "baladia" ang mahimas mo :lol:
marsman I
February 15th, 2005, 02:23 PM
hindi yata multiple access yung iqama ko. pero di na yata mahigpit ngayon. last tym nga nagpunta kami ng dammam without applying for travel documents. pagtiyagaan ko na muna yung nakuha kong parang asil tapos cross ko dun sa texas katulad nung suggestion mo. shokran katir ulit ya habibi. :D
KING ALBERT
February 15th, 2005, 03:01 PM
Bro. Marsman, Nemesis,
Salam Alikum, Sa ngayon ay hindi mo na kailangan pang kumuha ng travel permit to go on other Saudi Cities, pwede ka ng mamasyal kahit saan basta mayroon kang valid "IQAMA",
Dito sa Eastern Province mas maluwag kesa Riyadh mas marami farm diyan . medyo may kamahalan lang ang manok nila. Madalas kami ngayon diyan magsabong sa Riyadh gawa ng nagkaroon ng insidente dito kaya palamig muna.
May Derby diyan .
Regards,
Alkhobar Ksa.
nemesis
February 15th, 2005, 03:09 PM
Mga Sadik,
Siyanga? Oh well......time surely have changed. Lintek, me pa-derby na! Siguro nga mas marami nang nagsasabong dyan,no? Siguro dami na ring mga thailander na nagsasabong dyan? Kse dati, madalas noon nakikita ko kalaban sa sabong ng mga pinoy, thailander,eh. Me pinuntahan pa nga ako minsan dyan, sa Al-Kharj, malapit na sa boundary ng Kuwait at Iraq, para lang may mapaglibangan, yung mga half-breeds inilaban gamit ang improvised na tari yari sa pinalambot na pako at kinorteng tari
:lol:
KING ALBERT
February 15th, 2005, 03:52 PM
Bro. Nemesis,
Kung early 90's ka pa galing dito e marami ng nagbago at na-breed na mga imported na manok of different bloodlines. kaya matitindi na din ang manok dito, di na pwede yung mga badu.
Ang sabong naman dito e gaya pa din ng dati na patago pero sa ngayon e protektado na ng mga Katutubo, at ang derby ay regular .
Yung mga Thailander ay na-ban na dito sa saudi kaya konti na lang sila dito. may mga nagsasabong ng saudi at nag-aalaga na din ng mga imported.
Good day,
nemesis
February 15th, 2005, 04:00 PM
King Albert,
Oo nga,eh. During those days (I was just barely 20 yrs. old then)when I first came to Al-Khobar. Bihira pa talaga ang sabong dyan, although meron din panaka-naka sa mga outskirts ng siyudad especially dun sa mga accomodation ng mga large companies, the likes of Al-Mojil, Al-Gosaibi, etc. Saka tagung-tago talaga. Pero ngayon pati mga katutubo nagsasabong na,ha?! Baka later on, sumali na rin yang mga yan sa WSC! :lol: :lol: dami pa namang pang-parada ng mga yan :lol:
marsman I
February 15th, 2005, 05:01 PM
Mga Sadik,
So meron pala derby sa March 4. Tunay nga na madalas ang sabong dito lately. Yung kasamahan ko nga eh wala pa yatang 2 buwan dito eh nakapanood ng ng 3 beses. Di ko lang talaga kaya yung manood sa sabungan ng magdamagan. Balita ko kasi eh mula huwebws ng gabi yung hanggang biyernes na walang labasan sa sabungan. Ana taban bathen.:crazy:
nemesis
February 15th, 2005, 05:04 PM
Ako, "Mafi mushkilah" kung "Katir Fulush" ako kung nandiyan pa rin ako sana. Pede akong magdamagan. In fact, memya, me derby na naman ang NCA dito sa Araneta. I might go there tonight. :lol:
marsman I
February 15th, 2005, 05:49 PM
Goodluck, habibi. Magwagi ka sana. Insh-allah :p
KING ALBERT
February 16th, 2005, 12:24 PM
Nemesis,
Sadik, kamusta sabong mo sa Araneta kagabi, I hope na naka-lamang ka ng kahit konti. Madami bang dehado??
Regards,
kusido
February 16th, 2005, 01:22 PM
Kabayan, nasa Eastern Region din ako at marami din akong alagang manok..umpisa ng magkaroon ng gulo sa Tarut eh sa Nariyah na lang kami naglalaban minsan 10 sultada lang pero oks lang..mga taga Buradah, Hafar napunta dun..sa march 4 kita kits uli dun..sa Tanajib pala mga manok ko...
KING ALBERT
February 16th, 2005, 01:48 PM
Tupada,
Gaya ng sabi mo, sa Riyadh naman kami dumadayo medyo malayo pero tingin ko mas safety, Kilala ko halos ang tropa ng Nariyah, Khafji at Tanajib, Bago nag-kagulo dito medyo swerte at tinalo ko iyong mananalo ni lakay ng Nariyah na Binabae at iyong Dalusapi nila Sam ng Tanajib. I hope na kilala mo ko Kusido at baka kilala din kita kung madalas kang magsabong dito sa Eastern.
Al aka King Albert.
kusido
February 16th, 2005, 02:34 PM
Sarap sanang mag sabong sa Riyadh kaso layo naman..Kababayan ko si Henry sa Riyadh sya ang nag pa derby last Feb 4..sali sana kami kaso di natuloy..meron uli sa March 4 si Phil Collins naman..malamang kilala nga kita at kilala mo rin ako...minsan hirap mag hanap ng kaparis kaya kadalasan maliit kami sa paris pag nalalaban kami sa sabong..Kilala mo si Mr Suwabe ng Nariyah.....sya ang may pasabong oks lang dahil nagkaka pustahan din ng 3 libo..
toneboy
February 16th, 2005, 03:13 PM
sadik, ayos na iyong babae nalang ang himasin mo muna medyo nakakalibang pero ingat ka pa rin sa muttawa. he he he. hwag mo palahian sa bado iyon baka ibang lahi ang labas noon. atin atin nalang ang pagpapalahi... marami naman makukunan ng manok kung may mga kakilala ka talaga. gaya ni king albert at kusido... ang ganda ng mga manok nila... super talaga. baka nga naglaban laban na iyong dalawa eh... hint ko lang... manok nila king albert pula kalaban kusido talisayin. (sana tama itong pinagsasabi ko. correct me if im wrong). lipad pilay kay kusido sigaw ang nagbitaw show time kikig ng kikig kay king albert biglang na 3 points sa kilikili... ang galing pa naman kay king albert galing pinas ang manok na iyon. maraming salamat... sama ako sa friday king albert...... sana tama iyong kusido na iniisip ko...
KING ALBERT
February 16th, 2005, 05:21 PM
Toneboy,
Ayos yung advice mo kay bro. marsman-1, masarap talagang humimas ng babae gaya ng nakagawian mo he,he,heeeeee.
Huwag mo nang ipa-alala at yung pagkatalo, alam mo naman na umuwi akong luhaan noong talunin iyong manok ko di ko nga malaman kung pano tinalo dahil pilay kaagad kalaban at kinikig
pa ng sunod sunod.....mabuti nalang at hindi ako nasinulid.
Welcome ka kung gusto mong sumama, mga 4-5 am tayo aalis ng Alkhobar para eksaktong 10am nasa sabungan na tayo. wag ka lang magdadala ng babae para hindi tayo masita ng muttuwa sa Riyadh.
toneboy
February 16th, 2005, 06:22 PM
KING Albert,
he he he.... manok ang sinasabi ko kay marsman. mayroon daw siyang babae.. eenngg manok. mamaya nalang kita tayo... inshallah bukrah sasama ako...
kusido
February 16th, 2005, 07:24 PM
Tama yung hinala mo Toneboy talisain nga ang kay kusido..pilay tari pa yun tapos pinaliguan ng pinaliguan ng kikig sabay kantyaw ng nag bitaw ng show time, kaso biglang nag bitaw ng 3 points kikig yung talisain at ringless naman sa kilikili kaya ayun lucky winner sya...medyo sinuwerte lang dahil 3 wins i draw score namin ng araw na yun...
KING ALBERT
February 19th, 2005, 08:50 PM
Marsman-1
Bro., kamusta ba sabong diyan?? balita ko binalubog na naman daw noong Huwebes ng gabi ang laban diyan sa ng mga
muttawa. may hinule ba??? baka may latest info ka i-PM mo na lang sa akin para may privacy. buti na lang di kami tumuloy ng tropa nakaiwas sa takbuhan blues.
Regards,
hero2003
February 19th, 2005, 11:23 PM
Mga Sadik,
Huwag nyo sanang mamasamahin pero mas maigi cguro kung huwag tayo mag banggit ng lugar araw ng sabong at pangalan ng tao dahil hindi natin alam baka may makapili na nagmamasid tayo din ang mawawalan ng kasiyahan. Nagpapaalala lang at maraming salamat
Ingat lang,
Hero
marsman I
February 20th, 2005, 10:26 AM
meron na naman nga daw hulihan nung huwebes. kausap ko si mang boy "labo"kagabi at kinumpirma niya.:angry:
KING ALBERT
February 20th, 2005, 11:30 AM
Hero2003,
Sadik, thanks for the reminder, as per your reminder i have edited
my post, removing the leading info.
Thanks Bro.
hero2003
February 20th, 2005, 12:45 PM
King Albert,
Walang anuman yon bastat mag iingat lang tayong lahat para tuloy- tuloy ang ating ligaya at sa ating lahat ang biyaya. Kaya lang mas lamang kayo diyan sa place nyo kasi meron pala kayong hinihimas na pullets. Dito manok lang ang nahihimas namin he he he hmmmm... makapunta kaya ng place nyo ng makahimas din ng pullets ha ha ha ha ...kita kita na lang tayo sa araw ng palaro.
baka may entry din ang tropa namin.
Hero
toneboy
February 20th, 2005, 05:18 PM
saudi cockers,
putsa ayan na naman si balbas nangugulo na naman. di na naman matuloy ang derby sa March nyan. Wala na petsa yan ha. Huhulaan nalang nila kailan ang derby. HE HE HE... kusido/king mayroon na tayong bagong......sssssaaaaa....nnnn dito medyo safe ang place doon ako noong friday. maganda walang tao sa loob kaso lang miliit ang paglalabanan ng dalawang konam. pero ayos na rin. naka 13 noong friday.
KING ALBERT
February 20th, 2005, 05:41 PM
Toneboy et all.
Buti ka pa nakakita ka ng dugo ng manoks noong friday!! Naghimas na lang muna ako ng makkinis last friday????
Please bare in mind that theres no safe place for any sabong activities here in the kingdom because its illegal. Basta sa tuwing pupunta ka ng sabungan kailangan magtraining ka muna at kumuha ng hangin sa corniche para pag nagkatak-buhan e may resistensiya....He,he,he,,,,, saka konting climbing at hurdles alam mo na, mataas ang mga bakod na sasampahan..... yung nakaraan e medyo mataas yung inakyat at tinalon natin if you still recall.
:rbounce: :rbounce: :rbounce:
hero2003
February 20th, 2005, 09:06 PM
King Albert at sa lahat ng Saudi boys,
Mga Veterrunnss na pala kayo nakatikim na pala kayo ng 7km run in the midnight in the middle of the dessert plus 10 feet high fence hurdles ayos yan training ground nyo sa corniche he he he pampalakas ng baga at resistensya... buti na lang medyo maswerte pa rin ako hindi ako napapasama sa ganyang eksena ang nasubukan ko palang yong checkpoint style ng mga lekat at hindi na kami tumuloy swerte wala kaming dalang panglaban that time kaya nakapag alibi pa kami na ibang lugar pupuntahan namin. Ingat ingat lang lagi at mahirap ang ma one time. goodluck sa ating paglalaro.
Hero
KING ALBERT
February 20th, 2005, 09:41 PM
Hero2003,
Hindi kompleto ang paggiging saudiboy-sabungero mo pag wala kang experience ng tulad ng sa amin.. kaya kailangan pumunta ka don sa may hulihan para ma-complete ang resume mo. Joke Lang!!:D
Sa Riyadh ka ba naka base? kung nagagawi sa Sa........ngan diyan
naglaban kami ng Tropa Dammam 2-weeks ago. at 4w, 1L,:D :D
Ang masama lang iyong sarili kong manoks 2L ang score buti lang panalo pa din sa pera.:innocent:
Bka nandiyan tropa sa derby 2-entry ng grupo. Kita tayo!!
watawat
February 20th, 2005, 10:50 PM
Tropang Dammam,
Wag na kayo sa Riyadh dumayo..... ang lapit ng bagong laruan natin dyan lang sa SAFWA at pag sinuwerte tayo..... LEGAL na ang sabong dito sa EAstern.... sana nga.... tulad sa Dubai thru Mr. Rod Barro... see you there...
watawat
hero2003
February 21st, 2005, 12:44 AM
King Albert,
Oo Riyadh base ako nagagawi din ako diyan sa al khobar pag may work sa branch namin. Sige magkita kita na lang tayo sa araw ng laban. Kayo ba yong grupo na mayahin ang mga manok at ang isang pinanalo nyong laban eh yong kinuha nya sa ere ang kalaban sabay umangat pa ng todo kalaban nyo yong gray ng DQ kayo ba yong grupo na yon? Ang laki ng pusta nyo hirap ang kasador magkasa he he he winning streak kayo at magagaling naman talaga manok nyo kung kayo nga iyon. Ok kita kita na lang doon
hero
toneboy
February 21st, 2005, 09:49 PM
watawat,
sana tuloy tuloy na iyong sabungan nyo para enjoy ang lahat. pero medyo masikip pa eh. sana malagyan nang parang hagdanan paikot para maka pwesto lahat. sana walang bomba na makakalusot diyan sa inyo. di katulad sa kabila maraming bomba nakakalusot. hu hu hu... lagi akong nakakasakay eh...
KING ALBERT
February 22nd, 2005, 09:32 PM
Hero,
Kami nga yung grupo ng Dammam na sinasabi mo, pero 2 grupo kami na dating mag kalaban din dito siyempre 1 lang kami pag dumayo diyan sa Riyadh, Sa Derby e baka dyan kami magsabong
at maganda ang pustahan at tsansa mo na manalo. PM ko no. cell ko sa iyo. "PS. puno na inbox mo, clear mo muna"
Watawat/Toneboy;
Sana nga e maging maayos at tumatag na ang bagong pwesto dito sa eastern para di na mahirap bumiyahe, kaya lang tingin ko
sa ngayon e kailangan makiramdam muna tayo as precautionary advice at medyo sariwa pa at alam ninyo naman ang mga Arabo na nakatikim na ng grsya ng sabong di basta papayag yan ng di sila makaparte. baka friday mapasyalan ko kayo pero tatakbo muna ako ng mga 5k sa corniche bukas para nakaready sa takbuhan.
toneboy
February 23rd, 2005, 12:48 PM
king,
ayos yan jogging muna para may power pag takbuhan na. kailangan din ipractice na natin ang pocketing para sa laban doon sa alissa. battle of manager daw. he he he... maganda naman siguro ang sabong dahil wala nang tao sa loob nang rueda. sana tuloy tuloy na iyong gayoon para makita naman natin ang paloan na mga konams.
hero2003
February 23rd, 2005, 02:03 PM
King Albert,
Ok na nagbawas na ko ng email sa inbox ko paki PM mo na lng sa kin ang number mo at maraming salamat. Kita kita na lang tayo doon sa araw na iyon. Tingin ko kilala kayo ng ka tropa ko na nag mamanok may mga ilonggo daw ba kayong kasama sa grupo nyo kasi ilonggo din sya.
Hero
k2bas
February 23rd, 2005, 06:13 PM
King LAbert ,
How did you ship your fowl and from where did you got it?
Do you just bring eggs from PI? Im in riyadh right pero dinig ko mahigpit dito sa riyadh
KING ALBERT
February 23rd, 2005, 08:49 PM
Mostly mga ready to hatch na eggs from PI and USA ang pinang-gagalingan ng mga manoks dito sa Eastern/ME from different known breeders din, Itong sa amin mga tira na lang ng mga old breed Badu/asil, Sioson, US Redfox na mga ini-infuse sa mga bago na dumarating na bloodlines or mga breed na nanalo dito, Dyan sa Riyadh, Buraidah/Qassim Hanggang Hail marami na magagaling na bloodlines, Kay Phil Collins ang alam ko e from Nene Abello ang mga manok, then last Derby noong nandyan ako may narinig ako dumating na manok na mga BBSweaters from SL, siguro malakas ang nagdala or pwede nakahingi ng permit for breeding purpose ang dahilan na ppwede. Karamihan ng nagdadala dito mga ready to hatch na itlog swertihan din pagnakalusot sa Airport, mas madali kung via Bahrain dahil maluwag sa inspection.
Andiyan kami sa Riyadh on Derby may dalawang entry ang Dammam.
Regards,
gilnavs2002
February 23rd, 2005, 09:29 PM
WATAWAT legal ba ang sabong dito sa Dubai? Minsan kasi niyaya akong magsabong at legal nga raw ang sabong dito tuwing thursday ng gabi. Kabado akong sumama at mahirap maniwala na magiging legal ang sugal dito sa UAE.
toneboy
March 5th, 2005, 12:30 PM
king albert,
anong balita sa derby sa riyadh kahapon. tahimik kami dito kahapon sa khobar. di malaman kung saan pupunta. may mga kapatiran tayo na pumunta sa laruan natin pero wala daw sabong. nag bitaw nalang kami ng mga manok kahapon.
watawat,
anong nangyayari kahapon ba't walang sabong kahapon. sana magkakaroon sa friday.
hero2003
March 5th, 2005, 01:18 PM
18 entries sa 3 cock derby
solo champion "TNT" entry
hero
KING ALBERT
March 5th, 2005, 02:45 PM
Cockmates.
Hero2003, thanks for the update, Talo entry ng Dammam of Balutan group. Malas Dammam kahapon pati sa Hackfight talo buti nalang di ako bumaba ng Riyadh malamang kasama ako sa
na-sinulid, Sa pinas na lang muna makapagsabong at legal mahirap sa ngayon dito magsabong at nagkakainggitan nanaman sa pasabong.
Toneboy, tumunog ka lang doon sa grupo ng mga magmamanok kung saan may laban, wala munang sabong sa pwesto at di ko pwede i post kung saan ang laban. Yung mga chicks mo na lang muna ang sabungin mo. He,he,he,he,
Regards,
toneboy
March 5th, 2005, 03:39 PM
king,
mabuti di ka nakasama malamang talo sana. mahirap mag alaga ng chicks dito king baka madisgrasya lang mainit kasi dito eh. sa kwarto lang kasi ang puwesto ko at kailangan pa nang permit at magastos din. paano kung tumagal na ang inaalagaan sayang na kung bibitawan mo pa. sa bilyaran nalang king may bawi pa doon eh.
hero,
thanks sa derby updates. baka dagdagan mo pa ng nangyayari sa fights doon. ano ang mga magandang laban. iyong laban nang dammam naunahan ba. pilay ba agad. baka pwede ma kwento kahit maiksi lang.
gilnavs,
saan ka sa pinas. sa tanjay ka ba. sa dgte ako ngayon nakatira at may tropa dito na taga tanjay.
watawat
March 5th, 2005, 06:11 PM
toneboy,
oo pinahinto muna ang palaro at dahil na rin sa mga kapwa nating pilipinong tulisan.. ayaw nila ng MAAYOS na sabungan at hindi nga daw sila kikita.... eh paano naman ang gusto ng nakakarami. kaya ang nangyari eh kanya-kanyang imbitahan at NAKARAOS DIN ANG KATI KAHAPON, naka-kita din kahit papaano ng DUGO NG MANOK.... ginagawan din ng paraan na matuloy ang libangan natin... sana magka sundo-sundo na ang bawat partido.
King Albert,
good luck sa bakasyon mo.... alam kong bubuwenasin ka sa mga darating mong laban sa atin....
Regards,
watawat
toneboy
March 7th, 2005, 11:33 AM
watawat,
gaano katutuo na tuloy na ang ligaya sa dating lugar natin? ayos na daw ang magkabilang grupo. ok na ba talaga? kating kati na ang paa namin.
KING ALBERT
March 7th, 2005, 07:09 PM
Toneboy,
Ayos na ayos yang pangangati ng paa mo at sigurado ko na matuloy man yung sinasabi nila na nagkasundo na yung mag-kabilang grupo kailangang handa ka pa din sa takbuhan........
Mga ganid na sa kita sa sabong yung mga tulisan na tinutukoy ni watawat, gusto kumita ng walang mga pagod at kapital.........
So makiramdam kang maige kung saan mayroong laban.........
or contact Tony & Angel, basta lagi ka lang handa sa pagtakbo. He,he,he,he,...
Sama ka sa Pasay sa friday or sa Mandaluyong... siguradong wala
takbuhan, Babye muna sa inyo mga cockmates kita na lang uli tayo after ......................................45 days.
toneboy
March 7th, 2005, 07:35 PM
king,
good luck sa vacation sabong mo sa pinas. balita ko punta kayo sa bacolod. good luck na rin sa ss lines mong ilalaban. pag balik mo hwag mo kalimutan na magdala nang special pulvoron ha. pakain sa sisiw (chicks). sa bilyaran pa rin ang tambay ko.
watawat
March 8th, 2005, 03:04 AM
toneboy,
oo daw.... malamang na matuloy ang laro.. see you there...
regards,
watawat
toneboy
March 8th, 2005, 11:31 AM
watawat,
thanks..... kita kits nalang tayo doon.
toneboy
March 12th, 2005, 01:46 PM
king,
anong balita diyan. ayos ba ang sabong natin diyan. balik na ang sabong d2 sa dating lugar sa may maraming drums. maraming sulatada kahapon. siguro dahil na diyeta ang mga tao sa sabong eh. naka 4w 1l si manny salamin. ang gagaling nang manok. iyong natalo nya naunahan lang pero napatay pa rin ang kalaban. naka tuka lang ng 2.
mabuhay watawat.... masaya na ang lahat....
watawat
March 13th, 2005, 02:47 AM
toneboy,
oo naka 21 sultada at 2 tabla at medyo nagka-diskusyunan sa huling tabla na sinentensyahan ni bay, pero overall masaya ang palaro lalo nga kina manny (salamin) 4W 1L sila. nakatangay ka ba? isip pa din kami na ikaka-ayos ng palaro ng sa ganon ay maiwasan ang aberya at lalong masiyahan ang mga katoto natin see you sa mga susunod pang palaro.
regards,
watawat
marsman I
March 13th, 2005, 11:11 AM
Mga Sadik,
Sa kagustuhan namin na makapagpalabas ng pangharang, bumili kami ng parang asil diyan sa may suk ganam, malapit sa haraj papuntang azizia. Meron kami nakuhang sinibalang na icro-cross namin sana sa texas naming inahin. Masigla naman nung kinuha namin. Tuwang-tuwa nga kami dahil nung ikinahig namin sa ibang mnaok ay panay ang laban at mukhang mabilis kumilos kahit na napakalaki ng katawan. Panay pa ang tilaok at pagyayabang. Ang kaso mo, nung pinaliguan namin ng washout at matuyo na, bigla na lang tumamlay. Parang meron sipon. Kakatawag lang ng kasamahan ko ngayon na naka-toka sa pagpapakain ngayong umaga at nabanggit niya na mukhang delikado si puti. Nakatungo lang daw at di kumakain. Actually, kahapon pa yun di kumakain. Ano kaya magandang gawin? Ano'ng gamot kaya ang marerekomenda niyo?
:confused: :confused: :confused:
toneboy
March 13th, 2005, 11:31 AM
watawat,
kaunti lang ang natangay bai. tamang tama lang pambili ng kabsa. he he he... at least masaya... mayroon talagang mangyayari na discussion pa minsan minsan eh. pero dapat hanggat maari maiwasan iyong mga ganoon.
marsman1,
baka noong binili mo iyon, may sakit na doon sa manokan nila. mayroon kasi iyong pinagbibili nilang manok, may sakit na iyon. kung baga marami nang na dedo doon sa manokan nila at para makabawi man lang iyong mga ayos pa pero naka kapit na iyong virus pinagbibili na. mahirap gamutin na iyan. subokan mo nalang painumin nang anti biotec. thanks.
marsman I
March 13th, 2005, 03:05 PM
Sadik Toneboy,
Napakamalas naman namin sa ganitong lahi. Nakatatlo na kaming bili pero panay natitigok. Parang gusto na lang namin tuloy na badu na lang ang alagaan. Subukan namin gamutin at baka sakaling mahabol pa. Shokran sa tip. :D
vic728
March 14th, 2005, 03:16 AM
marsman,
try mo mag-inject ng 0.4 - 0.5 ml Linco-spectin for 3 consecutive days. been using that sa mga manok ko dito sa riyadh na nagkaroon ng symptoms kagaya ng manok mo. sa breast muscle mo i-inject.
gud lak!
watawat
March 14th, 2005, 04:44 AM
toneboy,
buti naman at kahit pang kabsa eh nakatangay ka, tropang jubail, luhaan ng umuwi.... bawi na lang itong susunod na palaro, talagang ganyan ang sports natin...pero masaya din kahit papaano at medyo nairaraos ang ating libangan... sina reybanz maglalaban daw itong darating na palaro....sana bwenasintayong lahat...see you there !!!
rgds,
watawat
marsman I
March 14th, 2005, 10:43 AM
Sadik Vic,
Salamat sa tip. Try ko bumili mamaya. Mukhang pagrabe na kasi yung manok. Kagabi eh halos tumulo na yung sipon. Kapag hindi pa umubra pagkagamit ko nito, sa kawali na tuloy. :crazy:
RedMiner
March 14th, 2005, 11:00 AM
Na stress yung manok di pa nakakapag adjust at di pa nakakapag pahinga ay napaliguan na at ng bumaba ang resistensiya ay tinamaan ng sakit. Subukan mo yung sinabi ni kaibigan sana ipi post mo dito ang ang symptoms at klase ng tae para maagapan.
Toneboy & Watawat,
Mga sadik panalo ba kayo ning friday? Si manny salamin magaganda lang sa laban at mahusay ang mag ulot kaya naman palaging nakakalamang sa laban pero kapag nasusugatan ay tumitigil ang manok. Ubod ng gugulang ang manokis niya at punong-puno ang mga katawan dahil sa kagagamit ng steriod hehehe...pero kapag medyo malala ang sugat ay dilat ang mata at tumitigil...Afwan !!! mga habibi...
Redminer
edarellano
March 17th, 2005, 06:03 PM
Kaka-inggit kayo, sana man lang makasama nang kahit pamusta man laaaang walang pag-asang makadayo talaga. Si Reybanz 4 daw ang ilalaban bukas ka-chat ko si Walastik...Good Luck Guys...
toneboy
March 19th, 2005, 06:53 PM
bai edd,
ang layo ng pinagsabungan namin kahapon. 160 kilometers ang tinakbo namin. isang oras mahigit ang biyahe.... huuuuu... sabong talaga kahit nasa dulong dulo pa nang mundo pinupuntahan. sobra siguro 10 ang sultada kahapon.
watawat,
anong balita kahapon. puro tabla ata ang mga manok niyo kahapon eh. putsa patay na iyong kalaban na 3 points pa. sayang kung nanalo iyong pula at bulik ninyo maka bitbit sana kahit pang pizza. kubos nalang dahil kaunti lang ang boundary. he he he... katabi kita kahapon eh. sa pula ako noong huling sultada. sa binabae ka yata nakalagay eh. sana sa friday mayroon na doon sa inyo. super layo naman iyong pinuntahan natin eh. pero kung uulitin iyong kahapon (friday) ok lang kahit doon na lagi. he he he...
edarellano
March 19th, 2005, 07:16 PM
Bai Toneboy,
Sus dumaan sana pala kayo sa Abquiq papuntang Hofuf malapit kami sa Abquig anyway, hindi bale malayo basta sulit nyahaaah at least nakaboundary may pang kubos pa.
watawat
March 19th, 2005, 07:30 PM
toneboy
oo nga 2 tabla manok namin, talagang ganyan kasama sa sabong yan eh. oo doon ako napalagay sa binabaeng abuhin na binitawan ni peter, talo... magka-tabi ba tayo doon sa may gradas? saan ka doon? si bon jovi ang katabi ko.. sa susunod na biyernes baka may palaro na ulit dito sa may drum (dati) at binubulabog pa din kasi ng mga tulisang katutubo na nahandon sa hofuf kahapon... grabe sa biyahe at di worth bumalik doon at walang gaanong manok ang mga taga hofuf... cge sa susunod pakilala ka sa akin para maganda ang kuwentuhan natin... sagot ko meryenda natin... ok???
regards,
watawat
RedMiner
March 20th, 2005, 10:52 AM
Watawat & Toneboy,
Sayang yung bulik ninyo ni Fausto yon yung minamagaling ko sa mga manok niya. Lintek naman ang layo ng sabungan doon ang sikip-sikip pa. Balik na ulit sa dati di mas hamak na comportable doon. Mga gahaman talaga ang mga tulisan na mga iyan gustong magpa sabong di naman kayang mag manage. Si nina King bakasyon pa rin ngayon. Si Reybanz nasa Bahrain. Sana balik na lang ulit tayo sa dati.
MASSALAM!!!
toneboy
March 20th, 2005, 02:05 PM
bai edd,
next time dadaanan kita doon sa inyo. puedeng paki pm mo iyong cp no mo ulit. napakalayo iyong pinagsabongan namin. hindi lang iyon, napakaliblib kung hindi sugarol ang pupunta di makikita iyon. he he he... kaso addict nga sa sabong... hanap kahit ano pa ka liblib.
watawat,
magkatabi lang tayo. napagitnaan nyo ako ni fausto noong laban sa puting binabae at pula. iyong huling sultada. sabi ko pa nga kay fausto sa petso lang tama sa pula. iyon nanalo sa dragging ang pula. hamak na malaki iyong pula eh. nakita mo na ako eh. lagi ko kasama si reybanz pag nasa sabungan siya. pati si king albert din.
red miner,
kita kits tayo ni watawat sa friday... saan ka doon. bigay ka nang palatandaan kung saan ka doon baka nakita na rin kita. baka sagot ni watawat ang pinto natin eh. he he he... iyong pula ni watawat ang nagbitaw naka lucky punch lang ang kalaban. kung nanalo iyon ayos na ayos sana noong friday.
edarellano
March 20th, 2005, 06:09 PM
Bai Toneboy,
Thanks pero buhat ng na-opera ako pang 3rd month na ako nakabalik, wala nang silbi simcard ko rito.Obligado talagang magreload buwan2 pwera lang kung masyadong advance naman ang expiration hindi katulad as atin dati ganyan din ang type ng simcard ko, good pa rin pagbalik.Makikibalita na lang ako dito sa thread at hoping palagi tayong makaboundary man laaaaaaang:lol:
watawat
March 20th, 2005, 06:34 PM
toneboy,
cge kitakits tayo sa friday at malamang eh tuloy na yon at di na ako babalik ng hofuf.....napakalayo at di naman madami ang manok ng hofuf...taga dammam din ang makakalaban doon eh dito na tayo sa malapit.... pag nagka-sabay tayo...cge sagot ko pinto mo at snacks..... ok???
toneboy
March 20th, 2005, 08:08 PM
watawat,
sana dito nalang sa may drum ang laban. tumama ka doon sa manok nila habagat? tinamaan ko rin iyon. doon nalang tayo kakain sa inihaw ni bai. he he he....
ed,
ok. i update nalang lagi namin itong thread na ito. 5 iyong ilalaban na manok sa mga kaibigan 1 ko. sa kabila naman 3. bahala na, sa makauna lang ng panalo. he he he...
reybanz,
kumosta diyan sa bahrain bai. sana nanalo na iyong manok mo. hwag mo ikaskas bai baka mapagod. he he he...
watawat
March 20th, 2005, 08:26 PM
toneboy,
oo tinamaan ko yung talisain nina habagat at wala naman gaanong pumago at na pwera pa yung sama ko sa parada, ok lang.... cge sana bwenasin tayo sa friday at 5 ang dala namin...
regards
RedMiner
March 21st, 2005, 10:54 AM
Bai toneboy & Watawat,
Cge! Sana tuloy ang laban sa friday. Sayang nga yung manokis ni pareng watawat na one hit lang, ang kalaban yata noon ay sina ALEX METITO si joel visaya ba ang nagbitaw? Si Edgar naman ang nagbitaw sa manokis ni watawat. Maganda ang labanan doon sa may drum dahil safe at maluwag kaso ang mga tulisan di tumitigil hehehe...
Wala pang balita kina Reybanz still in bahrain siya. Tropa nina PHER ay 2 manokis ang panlaban sa friday.
toneboy
March 21st, 2005, 11:31 AM
red miner,
nagkikita na pala tayo. parang kilala na kita. iyong kay watawat ang kalaban kina roy. dalawang tabla sila.
watawat,
pakipost nalang dito kung tuloy ang laban doon ha. maraming salamat.
edarellano
March 21st, 2005, 01:14 PM
Good luck sa laban ng lahat!!!!!!at ingat kaunti
Bai Toneboy,
Parang may sinabi si Walastik na 4 dawng manok nilaban si Reybanz last Fri, sabi ko pa nga baka may hold-uper line nga nakasama. Ano kayang balita?????
toneboy
March 21st, 2005, 01:24 PM
bai ed,
parang nandoon si reybanz sa bahrain nag seminar. baka iyong mga tropa niya. kasi nakita ko iyong isang nilaban nila pagkatapos nagtari may tinatawagan kung magkano ang pusta. nakita ko rin tiyohin niya doon. kung iyon mga kasama niya. 1w 1l. baka mayroon ma input si watawat. magkalapit sila ni reybanz.
tropang jubail kasi din sila eh. marami kasi manok ang taga jubail din.
watawat,
ilan ba ang nilalaban na manok sa tropa nila reybanz?
watawat
March 21st, 2005, 06:11 PM
toneboy,
si reybanz ay nasa bahrain pa at sa thursday pa daw ata ang uwi at 3 or 4 daw ang ilalaban nila this friday. sa amin naman laging 5 hanggang 7 ang laging nakahanda kada friday. oo ipopost ko dito kung tuloy ang palaro this coming friday. cge....
regards....
toneboy
March 21st, 2005, 08:25 PM
watawat,
sukhran kater...
RedMiner
March 22nd, 2005, 10:55 AM
Toneboy & Watawat,
Kilala mo gid ako ikaw naman kahit si watawat kilala ako ako niyan. Ang alam ko kay kaka ang mga manok na inilaban nila last friday pero wala pa yung kay reybanz. Mostly kay Reybanz ay ay hinahanda palang yata.
Watawat,
Andami niyo naman panlaban, pero kung yung yan mga lahi ng sioson at bulik ay maganda mga pangharang yan. Actually kami nga nag papapalit na ng breeding ng unti-unti. Tinatalo minsan kami sa fighting style kaya pini phase out na namin yun mga lumang palahi pinapalitan na namin ng bagong usong bloodline sa ngayon.
Edarellano,
Siguro ang tropang dammam ay matagal-tagal uling maglaban sa Hofuf dehins kasi maganda ang lugar at pustahan at kokonti ang manok ng tropang hufof. Pag may laban ulit ang tropang dammam at timbrehan ka namin.
Shokran mga sadik!!!
edarellano
March 23rd, 2005, 12:56 PM
Bai Toneboy,
Thanks for the update.
RedMiner dre,
Hindi pala talaga worth puntahan hindi mababawi iyong pagod kung sakali suwertehin, ma-stressed pa iyong nokis dahil sa layo ng travel, hirap pang ihanap ng laban.Thanks dre
toneboy
March 23rd, 2005, 01:55 PM
watawat,
pakipost kung may laban doon sa drum ngayong friday. wala akong pasok bukas. thanks...
red,
ang gagaling ng manok nyo. ilan ang ilalaban niyo sa friday?
ed,
magsabong ka kahit isang beses lang. sunduin nalang kita diyan sa abqaiq. then sa bahay ka nalang matutulog kasi mag bilyar pa tayo sa thursday ng gabi or friday early morning kita susunduin.
watawat
March 23rd, 2005, 02:02 PM
toneboy,
text mo ko heto cell # 050-7865815 at mmya ko pa malalaman kung tuloy itong friday ang palaro sa drum... pero malamang tuloy yon... 5 ang panlaban namin... cge...
toneboy
March 23rd, 2005, 03:43 PM
watawat,
tx mo nalang kung may laban sa friday. thanks.
nemmmo
March 26th, 2005, 12:35 AM
http://img.photobucket.com/albums/v280/nemmmo2002/Emoticons/8dbddb91.gif happy easter !!!!
toneboy
March 26th, 2005, 02:56 PM
watawat & red miner,
congrats sa inyong dalawa... ang gagaling nang manok ninyo. iyong mga kasama ko mafie. balato ko ha sa next sabong. he he he... akala ko kasi mallamado ng husto iyong kay redminer. mabuti nakakuha ako sa deperensya sa loob. he he he... good luck uli sa inyong dalawa.
RedMiner
March 27th, 2005, 11:52 AM
Toneboy,
Ang laki kasi ng pusta ng kalaban kami ay wala pa sa kalahati ang pusta namin dahil di pa sumu suweldo ang tropa. Dehado kami sa loob pero biglang na llamado ng mag tawagan. Qaulity kasi kalaban kaya di lumalim at balikatan lang. Sina watawat ang suwerte magaganda sa laban at madidiin pa silang pumusta. Sina king at ka isko ay nasa bakasyon pa. Dehins muna kami laban sa friday kasi naka sched kaming mag delouse at dis infect at may mga aayusin kaming mga tepees.. See you na lang sa next other friday.
Ed,
Minsan ay sumama ka diyan sa kina bai toneboy. Si toneboy na ang bahala sa iyo.
edarellano
March 27th, 2005, 02:25 PM
Bai Toneboy at Pareng RedMiner,
Sarap sanang isama nyahaaah:lol: thanks, who knows basta lang ako malibre dito he he he
toneboy
March 27th, 2005, 03:11 PM
red,
di ko kasi alam na llamado iyong kalaban nyo. lagi kasi malaki pusta ang manok niyo. maganda pa sa laban kaya sabi iyan lang sama ko para siguradong pasok. di bali akin iyong unang tinawag sa deferencia sa loob kasi nga na dehado kayo sa pusta. he he he... larga agad kontra barata pa... isang palo lang tapos na ang boxing. he he he...
bai ed,
mag post kalang dito anytime, susunduin kita sa abqaiq. magada daw ang pagsasabongan sa friday.
watawat wat wat wat... confirm mo saan ang sabong sa friday ha. kausap ko si reybanz kanina lang.
watawat
March 28th, 2005, 04:34 AM
toneboy,
suwerte ng konti last friday at medyo maliwanag ang mga mata at nakatangay ng pang pizza.... biro lang... 3 manok ng tropa ang nagpanalo pero yung mga manok namin di napalaban...this friday text kita kung saan ang laro... ikaw pala yung pinapa-pago ni fausto na nakatung-tong sa may likuran... sana napa kabsa or softdrinks man lang kita at medyo kumita... sa uulitin...
regards...
RedMiner
March 28th, 2005, 11:52 AM
Toneboy,
Next time na lang timbrehan kita kung pandiinan yung manok pero ngayon friday di kami maglalaban dahil maraming gagawin sa manukan.
Watawat,
Pare kina pareng dado yata yung mga panalo niyo ng tropa niyo. Sa tingin ko nga hirap na hirap kayong malabanan. Iba talaga kapag kilala na at kahit sino pa ang humawak ng manokis natutunugan. Hindi tayo nag kaka amuyan biruan mo ba naman nagkaka ulutan na pala tayo ay walang tumitimbre. Sa dami ba naman ng dala niyo lahat ng inuulutan niyo parang mga india panay ang iling hehehe...
Ed,
Sama ka lang sa tropa masaya dito may thrill pa dahil palipat lipat ng sabungan. Charge to experience palagi kaming naliligaw hehehe...
toneboy
March 28th, 2005, 02:58 PM
red,
ok bai. sekreto mo lang para makapusta tayo ng husto. tamang tama iyan sa next friday kayo maglaban para insakto sa sweldo. thanks pala last friday.
edarellano
March 28th, 2005, 04:57 PM
Pareng RedMiner,
Masaya talaga magkasamasama mga pinoy lalo na pagganitong may thrill palagi he he he:lol:
RedMiner
March 29th, 2005, 11:54 AM
Toneboy,
No problem pards. Anytime Keep in touch lang at palagi kitang ipapasama sa pusta ng tropa. Last friday kasi wala ng pera ang mga tropa nag kanya-kanya ng padala at yung hawak namin sa aming mga kamay ay paluguin na lang. Hindi kasi ako ang tra travesia at pumupusta lang ako sa sarili naming mga manok. Ang nakikita ko dito sa saudi unti-unti ng mga nag bre breed ng mga matitinding manok ang mga sabungero kaya ayaw naming mapag iiwanan. Nagkita tayo kagabi sa Khobar para mag withdraw ang laki yata ng pamusta mo kailangan dumoble yan hehehehe...
Ed,
Masaya dito sa mga tropang sabungerong saudi pagdating sa sabong naglalaban laban ng manok sa manok red flag kumbaga pagkatapos niyan kuwentuhan. Minsan nga asaran pa sa ulutan pero pagkatapos ng laban batian uli at tawagan sa Celphone kung saan ulit ang sabong. Itong mga kolokoy na mga katutubo lang ang mga nagpapagulo dito at nakikihati sa kita sa pasabong na walang kahirap hirap. Pag may palaban sa hofuf dadaanan ka niyan ni Toneboy.
toneboy
March 29th, 2005, 02:35 PM
red,
pang pamilya muna yon pards, para wala ng sakit sa ulo. tapos iyong sobra puede na sabayan sa biyernes. balita ko i pa raid daw ni katutubo (iyong nagpasabong sa hofuf) sa friday dahil wala nang pumunta doon. ang layo naman kasi eh.
watawat,
anong balita sa friday. mas maganda doon sa drum para medyo maluwag. ang sikip noong nakaraan eh. sikip sa rueda pati ang bulsa. he he he...
RedMiner
March 29th, 2005, 10:51 PM
Toneboy,
Matindi talaga ang taong iyun. Sino ba naman ang pupunta doon eh kami ayaw ng umulit dahil bukod sa malayo eh sikip pa ng rueda. Balik na lang sa may drum mas maganda doon. Tanong mo kay watawat kung tuloy sa friday doon dahil sabi sa akin ni reybanz doon daw ulit ang sabong.
watawat
March 30th, 2005, 03:51 AM
toneboy/redminer;
this friday di pa sure kung saan ang laro... kung mag-aabiso malamang huwebes ng gabi or friday ng umaga kung saan..OK? for sure may laro tayo.... cge... text kita toneboy...
SuperSpur
March 30th, 2005, 08:37 AM
:hat:
Balita ko sa khobar,mag bubukas kombidahan lang...
Businahan naman niyo kami....
Batang gala....
RedMiner
March 30th, 2005, 11:51 AM
Watawat,
Thanks sa info pare. Ganon nga ang ginagawa minsan friday na ng umaga pinapaalam. Mahirap kasi baka matunugan na naman ng mga tulisan hehehe...
Toneboy,
Pare ingat na lang kayo ni watawat sa friday sana mag panalo ulit para may pang kabsa at broasted at kasama na diyan ang pizza. Balato na lang hehehe...
Superspur,
Malabo pa iyan diyan sa khobar masyadong malapit sa mga resendential. Mas maganda na doon sa may drum pero nalaman pa rin ng mga tulisan. Ibang Pilipino rin kasi ang may kasalanan kinausap na ng may ari na huwag ng ipaalam sa may ibang lahi pero tsinotso pa rin. Tuloy ngayon tayo rin ang nahihirapan ayaw yata ng may matinong sabungan.Napakalakas na sana ang sabong sa lugar na iyon.
toneboy
March 30th, 2005, 01:41 PM
red,
ok lang doon sa malayo. panalo naman ang manok nyo eh. he he he... condition nyo iyong pang diinan natin ha at siyempre timbre mo sa akin. thanks.
watawat,
hintayin ko nalang ang tx mo kung saan. maraming panlaban iyong mga kasamahan ko sila lino pero di nila alam saan ang sabong. hintay nalang ako. thanks.
king,
kumosta ang sabong diyan sa pinas. balitaan mo naman kami dito.
RedMiner
March 31st, 2005, 11:55 AM
Toneboy,
Iyak nga yung mga kasamahan ko sa layo ng nawawala kami biruin mo ba naman na 10:45 am kami umalis sa Qatif at nakita namin yung sabungan sa hofuf 3:15 p.m. na at mahigit 4 hours na naka kulong ang manok sa pagkakatago sa kahon at napakainit pa half hour na pahinga ay pinalaban agad ng tropa. Suwerte lang siguro sa araw na iyon. Hindi naman lahat ng laban ay panalo. Wala na gaano kaming magugulang at matitinding manok sa ngayon puro may sugat at hindi pa panahon pero itong mga new stags namin ang pinagtutuunan ko ng pansin kasi mga new generation na ito ng bagong breeding. Pina phase ko na yung mga bado na nokis at mga reject sa paningin ko. Si King ay pinanalo daw yung mga manok ni Reybanz sa Maynila na galing kay super SS. Wala pa gaanong balita sa kanila dahil busy sa bakasyon. Hayaan mo kapag pang diina timbre ko sayo. Konti-konti lang kami pumusta dahil mas priority ang pam pamilya.
watawat
April 2nd, 2005, 04:39 AM
toneboy/redminer;
anong naging lagay nyo sa laro kanina? nakatangay ba? nanalo yung 2 manok namin, pero talo din kami sa manok ni dado, talagang ganyan, pero tumangay pa naman...pang pizza... ok ba yung gradas? portable nga daw...kaya kahit saan pupuwede.. cge sa next na palaro ulit....
regards....
toneboy
April 2nd, 2005, 09:22 PM
watawat,
ayos nga yong sabong kahapon eh. pero nakakakaba kasi kita ko iyong arabo nakatingin sa loob noong inilipat ko ang kotse ko. di naman natalo kahapon pero tabla lang. walang boundary. mabuti tumama kami sa huling sultada laki sana ang talo namin kung may tare iyong meron. putsa kailangan talaga sumigaw ka minsan pag magbasahan na iyong manok eh. kay hener panaman iyong meron. mabuti na leegan ang meron. he he he... nanalo kami noon. sasahod pa sana kami noon nawalan ng logro eh. iyong kay dado talo kami doon. hindi pala naka schedule iyon sa araw na iyon. paki tx mo nalang ako sa sunod na sabong uli. kailan doon sa drum? maganda doon ang puwesto eh.
red,
balita ko marami kang mga manok ngayon. mayroon ba kayong ilalaban sa friday? super layo nga iyong hofuf eh. ok lang sa akin kahit malayo basta siguradong panalo. he he he....
edarellano
April 4th, 2005, 12:57 AM
Update lang ako sa aking derby. Dumating ako Huwebes pagkaSabada 3-ck derby kaagad sa paderby ni bai Emanon nagbalikbayan man may dalang 2 putian.Ang entry niya medyo malas so nabawasan kaunti dala niyang maraming $$$$$:lol: pero OK lang kay winner take all man rin siya sa baon nyang mga white kelso. Ang 1 entry hati kami bai Jack, straight tatlong bukya. Ang solo kong entry insurance, ang pangchamp ko taganet din ang nakalaban kay bai elson55 nga entry overall, talo tayo he he he. Sana tuloy pa rin ang paghakot ninyo ng sobra pa sa boundary pareng Red, Toneboy atbp, good luck sa inyong lahat bukas may derby na naman akong sasalihan dito sa Cebu pa rin hindi pa ako nakakauwi sa Leyte.1st day bukas 2 ck, den kon qualified for the final, sa Miyekoles naman.
toneboy
April 4th, 2005, 12:23 PM
bai ed,
ayos naman pala ang lakad nyo sa sibunga derby, marami kayong nagkitakits doon mga cyberfriends. enjoy na enjoy talaga ang paderby doon. basa ko sa kabilang thread. ayos naman naka insurance ang isang entry mo. iyong dalawang whitelegs na derbyhan ba iyon? Good Luck sa next derby mo.
edarellano
April 5th, 2005, 10:54 AM
Bai Toneboy,
:lol: :hombre: ;) kay bai Emanon lang iyong white legs. Iba pala ang sinasabi niya na Pharmacists, street pharmacists pala he he he.Sira ang araw ko sa elim day kagabi sa Rivero.Naisahan ako ng management, nanalo na ang 1st fight ko and 2nd fight bigla na lang nawalan ng kalaban ang management na lang daw ang magprovide, kinuha naman ay malaki paano ako lalaban? alam kong sa management na nga manok hindi ang original matching, dapat pareho timbang o mas maliit pa dahil replacement cock na iyon ng management.Ewan ko ba anong klaseng patakaran pinatakbo nila in short, withdraw ako sa entry ko, sayang ang 1 point na sana, 1 point shy from the championship day plus multicab pa naman sana ang maging champion.
toneboy
April 5th, 2005, 12:42 PM
edd,
nakakalungkot nga ang balita mo eh. MAGULANG masyado at MANDURUGAS ang management ng RIVERO cockpit. tama ang desisyon mo na hwag na sumali sa paderby nila. marami naman ang sabungan eh. Mag PM ako sa iyo.
edarellano
April 6th, 2005, 09:39 PM
Bai Tonebooy,
Financed pala ng management ang kalaban kong entry sana kaya pala ganuon baka iyon ang nakaline-up na gagawin nilang champion at minamatched sa aking entry dahil registro ko minimum akalay pipitsoging mga manok, eh manok ni bai Rebel iyon kaya nang nakita siguro ang 1st fight na labas na sana ang bituka hindi pa nagpassed-out hanggang nanalo, hocu-focus na ang lumabas.Sira yata ang PM system hindi makapagreply ewan ko ang plain sending lang????
RedMiner
April 7th, 2005, 11:45 AM
ED,
Enjoy your vacation pare. Sana tuloy tuloy ang panalo mo riyan.
Toneboy/Watawat,
Pasensiya na mga pare busy ako for the past few days at wala ako dito sa opisina ng ilang araw. Hindi kami nagsabong last friday kaya wala kaming balita pero ang alam ko natalo daw yung isang magaling na manokis nina pareng dado hugot lang dahil di naihanda. Marami nga kaming mga manok ngayon sa tropa pero mga bata pa.
edarellano
April 7th, 2005, 01:29 PM
Pareng RedM,
Salamat at May 3 pa ako babalik dyan inshalaaah. Sa April 9 mayroon kaming co-promoted 3-ck derby in connection sa itatayo naming EVGBA(eastern visayas gamefowl breeders assoc.).Ito nga't kahit nasa Cebu pa ako ngayon at mamaya pa sasakay puntang Leyte, nagkadarapa ako katatawag sa mga kakilala paano binigyan kami ng quota sa owner ng cockpit na dapat 20 entries para maka share ng 60/40. Ito namang ibang members wala namang pinopost na naimbita nila samantalang sa akin, nasa labas ako the whole March naka 7 ako including my entry sa town namin.Posibleng makadagdag pa ako ng 3 including that of the son ng congressman sa amin na nagcommit kaagad ng tinawagan ko pero ang younger brother nya ay mayroon na talaga at preparado pero itong isa kanina ko lang pinacommit he he he.Pareho namang may tari yan eh, suwertihan lang pag ganyan. Kung pareho namang preparado, nasa pointing magkakatalo kung palagay nating pareho lahat na aspects you know, pagtari, quality at gulang ng manok, etc. Good luck pala sa tropa para bukas, another cocking day:lol:
RedMiner
April 8th, 2005, 11:39 AM
Ed,
Goodluck pare. I wish you luck at sana mag champion dahil ganyan talaga ang nag papa derby kailangan kumilos ka kung hindi ay walang mag eentry sayo. Enjoy diyan sa PI pare.
Watawat/toneboy,
Di ako makapagsabong ngayon friday may shokool ako. Next friday na lang siguro.
toneboy
April 9th, 2005, 02:05 PM
red,
alat ako kahapon dre, putsa talo ako doon sa mga manok ni hener. putsa 10/6 pa. nag doblado pa ako noon kaya pasok lahat ng pera. pero may mali ang sentensyador doon eh. tumoka ng isa iyong kay hener. kaso lang na desisyonan na, bayad nalang. hu hu hu....
watawat,
maraming salamat sa mga informative text na pinadala mo sa akin. he he he... napakadali mahanap ang bahay libangan natin. he he he... kaso lang olats eh... kailan doon sa drums dre. maganda kasi puesto doon.
edd,
hinuli mo pala sila eh. kaya laking damdam ang dinanas nila. baka tumodo pa sila doon sa first fyt mo. kaya ang sigaw... huliiiiiiii. he he he... mahirap kasi pag mahuli mo iyong mga magulang. lahat ginawa para lang maka ganti. di bali bai. basta ang white legs natin lagi nandiyan lang sa tabi2. olats ako kahapon. putsa nag dehado na naman. 10/6, doblado pa ang pustahan... hu hu hu.... huliiiii...
watawat
April 10th, 2005, 05:32 AM
toneboy,
oo madali ngang hanapin yung laruan nung biyernes at yung sa manok ni hener, medyo nagka-abirya, pero naayos naman, at sabi nga "ANG HATOL NG SENTINCIADOR AY PINAL"..yan ang dapat nating pag-katandaan. Naunahin din kami, 1st fight namin talo, pero yung 3 manok namin nanalo kaya happy ang ending ng laro. Malaman sa darating na biyernes kung puwede na sa drum at text na lang kita....
RedMiner
April 11th, 2005, 11:48 AM
Toneboy/Watawat,
Dinampot ni bobot para kariyuhin.Unang bagsak tumaka ki Hener pero ng pangalawang bagsak ay tumakbo papalayo at umayaw kaya kaya pinaganti ni bobot yung binabae eh tumuka ng dalawa kaya talo si Hener. Malinaw naman kaso ayaw yatang tumanggap ng pagkatalo. Pero tumukang hangin kahit papalayo ay panalo siya. Ganyan talaga ang sabong groggy kasi ang manok niya kaya sumibat ng papalayo. Next time na lang sila bumawi. Swerte sina watawat panay ang panalo.
watawat
April 12th, 2005, 06:03 AM
redminer,
tama ka.... kumalas na talaga ang manok ni hener at ayaw ng tumuka. si hener lang ang bukod tanging ayaw pumayag sa sintensya ni bobot, kaya ng tinanong ni fausto ang mga tao ang sagot ay " Talo ka Hener, magbayad ka." Nagabayad nga pero kulang ng 400 riyals sa 4,400.00 na parada nila. OK lang at sinalo na lang ng management ang diperensya para wala ng usapan pa. Cge see you on Friday....
RedMiner
April 12th, 2005, 11:46 AM
Watawat,
Di kasi marunong tumanggap ng pagkatalo kaya kinarma hehehe...puro lotats ang huli niyang laban at yung magagaling pa niyang manok ang natalo kaya lintek ang kantiyaw ni Mack ng matalo siya.
Toneboy,
Pare mukhang panay ang iling mo ng friday nagkapera ba pre?
toneboy
April 12th, 2005, 02:00 PM
red,
talong talo talaga noon friday. ma dehado masyado eh. nag llamado noong huli kaso lang mafie pulos na. kaya parang india ang dating puro iling2 nalang he he he.....
watawat,
saan ang laruan sa friday. mas maganda sana sa drum eh. wala naba talaga doon? kita kits tayo uli sa friday.
RedMiner
April 13th, 2005, 11:41 AM
Toneboy,
Hinay-hinay sa pagpusta kailangan pa timing-timing lang kapag kursunada mong sultada saka ka dumiiin. Mahirap kasing makipag sapalaran sa travesia maganda talaga ang may manokis ka dahil mai didiskarte mo ang pera mo. Tingnan mo si watawat pa simple-simple lang yan pero palaging nakakatangay every friday. Kitakits tayo sa friday.
toneboy
April 13th, 2005, 06:47 PM
red,
mahina an naman lang talaga ako eh. kaya pag tinamaan lupaypay he he he... sa friday nalang kita kits tayo.
watawat,
paki tx nalang kung saan ang sabong. maraming salamat sa inyong walang sawa sa pag bigay alam ng location sa ating laruan.
watawat
April 13th, 2005, 07:44 PM
toneboy/red miner;
oo hinay-hinay lang sa travicia, pag manok nyo talaga, may parada ka na may pa-logro ka pa. kaya pag nanalo may pang pizza... text na lang kita toneboy sa friday ng umaga kung saan ang laro.... cge...
RedMiner
April 14th, 2005, 11:51 AM
Toneboy/Watawat
Tama yun dre kapag may manok tayong pandiinan sama ka lang sa amin ni pareng watawat. Mas lamang kasi ang talo sa travesia pero kapag nanalo ang mga manok na mga panlaban mo mga pang pizza na iyan heheheee... Hindi kasi baleng pa unti-unti basta every friday ay panalo ka. Kailangan diskartehan ang sabong palagi kang pagpapawisan kapag panay ang talo. Si pareng watawat pa timing-timing lang yan kapag kursunada ay saka pupusta. Ang hirap ng buhay ngayon dre kailangan wag tayong maging sagasa kapag nagkataon panay ang iling mo hehehe...Ako medyo sobra na lang sa allowance ang pinupusta ko at kapag naka pag padala na at may food allowance na ko saka ako ngayon pupusta ng paunti unti. Goodluck mga pards sana manalo tayo bukas.
edarellano
April 14th, 2005, 01:44 PM
Pareng RedM at Toneboy,
Wheeh!!! hang-over ako... kagabi ko cnilebrate ang graduation party at birthday ng panganay kung lalaki(sa 15 pa talaga ang graduation day sa UP High School at birthday nagkasabay)akala ko'y 15 ang alis ko puntang Dubai for 1 week seminar, ngayon pagtingin ko sa ticket eh, sa 16 pa pala. Laking yapyap ng misis ko, sabi kaya maagang aalis at mag-overnight sa Hongkong, wala namang putian doon mga lantsiao siguro he he he.Binawi ko lang ang pawis ko sa paghuli ng baka sa kapiraso kong turil paano napangakuhang magkatay ng baka once nga mahonor, eh nakatsamba ang loko. Medyo napadami ang inom:lol: kaya heto ngayon lang nakabangon, matandang kalabaw na talaga he he he pero tandaan nyo, old carabao eats young grasss nyahaaaah. Heto nga pala ang resulta sa paderby namin noong April 9 naka 22 entries ang assoc. namin out of sikap, ang management ng sabongan naka 25 so total of 47 entries, naka 2 entries ako + 5 invited sa town namin. Heto na, sa 5 invited entries ko sa amin, 2 ang nagchampion at 1 ang insurance ang sa akin mga kapatid, ay 1 win lang per entry so total of 2 wins sa 6 cocks. Suma total talo tayo sa pera hu hu hu pero not a bad loss dahil sa isang panalo ko, entry ng congressman sa amin ang tinalo mabigat kaya lang ang 1 manok naman galing sa kaibigan nating bai Rebel ang nakalaban, 2nd fight ko sa July 2004 3-ck sa Valencia, Ormoc City. Kapirasong sugat lang sa paa compared to the 1st win na gasgas lang sa pitso ang natikman. Hopefully, ready na naman ito sa June 2005 fiesta derby ng Ormoc. Medyo malas2 ka pala Toneboy noong Friday hindi gumana ang largabista, anyway, bukas ay Friday na naman at habang may bukas may pag-asa nyahaah, pagbutihin natin bukas mga pare pang pizza at siyempre para kay inday:hat: Good luck sa lahat para bukas ayos pala ang tupada dyan aabot ng 4,400 riyals ang center bet?
RedMiner
April 16th, 2005, 11:54 AM
Pareng Ed,
Bawi na lang sa susunod. Marami pang pagkakataon at malay next entry mo champion ka na.
Toneboy,
Ang galing ng binitawan mong manok kahapon pards. Matatalo na nanalo pa. Mukhang lemom crosses yun ah! Mananalo yung tinalo mo kaya dehado ka pero may baon pa lang bala ang manokis mo hehehe.. Darating na bukas si King.
Watawat,
Ano yun pards mukhang iba naman ang nagpapasabong. Ang ganda-ganda na ng palakad niyo nina fausto eh! Ang problema lang medyo natunton yung bago nating lugar. Ang init sa lugar na yun mukhang deserto.Ang dami ng tao sa loob ang sikip ng ulutan. Okey na sana yung kayo ang nagpapasabong dahil maayos ang palakad. Sa pakiramdam ko sila rin ang tumitimbreng mga tulisan sa mga katutubo at si katutubo ang tumitimbre sa pulis para sila ang magpasabong. Obserbasyon ko lang pards.
toneboy
April 16th, 2005, 06:57 PM
red,
he he he... pagulong gulong lang iyong manok eh. gusto ko na nga ilabas noong ti nres na. mabuti naka pitik ng isa iyon tama sa leeg ang kalaban. he he he... akala kasi ng mga tao kay nonoy iyon iyong nagpatuka. di nila alam nanalo na din iyon galing tanajib iyon. naka tsamba... kaso lang bumabawi lang ako noon eh.
watawat,
ang gulo ng pasabong sa kabila eh. kailan ang sa inyo. sa drum talaga ang maganda na sabong. lahat makakakita. pards, kanino ba iyon nakalaban doon sa binibitawan ko. takot ako eh. ti nres iyong manok namin. hindi ako sanay sa mga ganyan. he he he... gusto ko nga iyon ilabas kahapon kaso lang naghahabol eh. mabuti di ako nasaktan ng husto kahapon.
ed,
congrats sa anak mo bai, mayroon kana palang college puhon. manang mana talaga sa daddy iyon. biro mo makakahonor ka sa UP. matindi ang competition diyan. olats pala ikaw noong pa derby mo. pero sa tingin ko di ka naman yata nasaktan ng husto dahil 2 sa invited entries mo ang champion then 1 ang insurance. kung total mo iyon. 11 wins ka doon. 2 sa iyo + (4x2) + 3. tama ba. baka panalo ka pa diyan eh. he he he...
watawat
April 16th, 2005, 10:34 PM
toneboy,
ang galing ng manok mo, sabi ko kay choy sa meron kami eh kursanada nya ang sa wala, ayun nadamay kami. llamadista kasi si choy kaya di kami puwedeng magbakas. manipis lang tignan ang manok mo pero mataas at mananalo daw ang kalaban mo.
redminer,
oo sina tonton muna daw ang may palaro, medyo magulo nga ang laro kahapon at yung kay zaki at bubot di nagka-intindihan sa 500 riyals. at masyadong open ang lugar at mainit. itong 22 doon pa din ang laro pero sa 29 sa amin naman, kaso pauwi ako ng 27th at may entry ang tropa kong bacolod sa roligon GAME KA NA BA 5 cock derby sa april 30th sana bwenasin. cge.....
toneboy
April 17th, 2005, 12:15 PM
watawat,
maiksi kasi buntot ng manok eh kaya dehado agad. pero matagal na namin inuulotan iyon. ayaw lumaban noon. talagang magaling naman talaga ang kalaban kaso naka 3points lang manok namin. pass your paper agad. he he he... kita kits uli tayo sa friday.
vc1425
April 20th, 2005, 08:30 PM
Sir watawat/ toneboy
tanong lang po sir...base din ako sa riyadh na try nyo na bang mg order ng WSD DVD from pinas to riyadh.. base on legality bawal.. may kopya kami ng WSD 2004 JAn. wer kaya d2 sa riyadh maka hiram ng WSD June 2004.
toneboy
April 20th, 2005, 09:08 PM
VC1425,
I think hindi bawal ang mag mail ng sabong dvd. Noong year 2002 nagpabili ako sa uncle ko sa US ng vcd sabong. Pinadala niya thru simple mail. Nakakarating naman at walang problema. Siguro kong galing pinas ganoon din iyon. Registered mail ha.
vc1425
April 20th, 2005, 11:00 PM
Sir Toneboy
Maraming salamat sa reply.. subukan namin umorder ng WSD kahit VCD lang..
RedMiner
April 21st, 2005, 12:03 PM
Watawat,
Sana nga kayo na lang ulit dahil di maganda magpa takbo ang tropang iyon parang magulo nga at ang daming tao sa loob ng rueda. Masyadong open ang lugar at napaka init. Enjoy your vacation pards at ingat. Bubuenasin ka niyan.
Toneboy,
Pa putol-putol na pag sa araw ng friday sa loob ng 1 and half month nasa bakasyon kasi kasamahan ko sa trabaho kaya pati friday may pasok ako. Sana manalo kayo bukas.
watawat
April 21st, 2005, 12:30 PM
red miner,
sa next friday (29th) sa drum na ang palaro, pumayag ang may ari pero 2x a month lang daw. ok na din kasi may pwesto din sa kabila kaya malamang bigayan din yon, kaso pabakasyon ako itong 27th at june na ang balik ko. good luck na lang sa inyo.
vc1425,
dito lang din sa sabungan namin nabibili ang mga bala ng wsd at laging updated si allen. kung may labas na ng jan 2005 wsd malaman bukas kung meron na sya.
regards.....
RedMiner
April 22nd, 2005, 11:45 AM
Watawat,
Ok ingat k na lang pare. Sana mag champion ka at hinay hinay lang sa inom hehehehe...
toneboy
April 23rd, 2005, 08:09 PM
watawat,
ayos iyong mga bulik niyo kahapon ha. putsa tagal kong matunogan iyong bomba kahapon. mabuti bago pumotok natunogan ko, sa awa nang dios naka boundary he he he... plus iyong pula na baldado daw kontra abuhin ni arthur. dumiin din ako doon. grabing ulot iyon parang patay na iyong abuhin sa tingin ko eh kahit di pa nabitawan ang manok. he he he.
red,
kailan kayo maglaban? mas maganda sa next friday sigurado maraming sultada iyon. sa drum pa naman ang sabong sa friday. magandang ang sabungan doon. wala na pala si watawat. watawat ingat nalang sila sa iyo... he he he...
watawat
April 24th, 2005, 03:24 PM
toneboy,
oo ok nga ang bulik namin kaso PATUKA iyon at yon ang napalaban, di talaga naka-kundisyon yon kaya 2,200 lang ang parada namin pero nagpasikat. oo naligaw ako sa bomba, kaya tinanong ko kung sino ang nagtare si choy nga, ang masama non nangantyaw pa si taga sa akin....pero nung matapos ang laro eh humihingi pa sya sa akin ng balato, kasi talo sila sa huling sultada. yung bangkas ni mang boy abe, kaya ayun nakakuha tuloy ng pang duty free..... hehehe...
redminer,
salamat at sana magpanalo din kayo ni toneboy sa darating pang palaro... yung drum nilagyan na namin ng bubong kagabi kaya mas lalong gumanda at 15 manok ang panlaban namin itong friday at paiwan na lang ako ng pamusta... cge..
toneboy
April 24th, 2005, 04:43 PM
watawat,
si mang boy ba nagtare sa bangkas na iyon. mabutit tumakbo ang kalaban kon di todas na naman. tinamaan ko rin iyon. onse lang naman ang sahuran doon. he he he... lakas mo nga sumigaw eh. dinig na dinig ko si fausto... ang sabi di pa patay iyan... pero walang tare kaya tumakbo nalang ang kalaban sa palo. good luck sa vacation mo dre... kung lapit sana tayo puede ka gamit mga tagalogin na manok ko.
watawat
April 25th, 2005, 03:29 PM
toneboy,
oo si mang boy abe ang nagtare nung bangkas at sa tuwa ko ng tumakbo yung kalaban at kantyaw ang inabot ng mga llamadista at sa walo-anim lang ako nakasahod. salamat sa offer mo at ang gagamitin kong panlaban ay mga manok ni raybanz at ni walastik, pansarili ko to, itong bakasyon ko. yung pang derby ay sa tropang bacolod ko sa paranaque, entry daw kami sa roligon sa april 30, 5 cock, sana buwenasin....cge at sana magpanalo kayo ni red miner....
RedMiner
April 26th, 2005, 11:58 AM
Toneboy,
Di pa kami maglalaban pare kasi sunod-sunod na pagbabakuna ang ginawa namin. Sabihan na lang kita at baka mga pandiinan ang mga ipapasok namin.
Watawat,
Ingat pare sana mag champion ka.
toneboy
April 27th, 2005, 02:08 PM
red,
salamat in advance. sanay lamang ang panalo natin lagi.
king,
welcome back. balato naman diyan. balita ko nagpapanalo ka sa pinas.
KING ALBERT
April 27th, 2005, 03:38 PM
:rbounce: Toneboy,
Thanks, medyo buwenas lang at magagaling yung nakuha kong
mga manok kay Reybanz at sa tropa sa pinas, isa pa maganda lagi sa ulot at ang pag-kokondisyon ng mga manok. bali naka
6-win, 1-loss. naka 2win yung gold ng SSline in 3-weeks times,
Kita na lang tayo sa friday or sa Allyssa pag naka adjust na sa tulog.
Watawat, good luck sa laban mo sa pinas, I-hack fight
mo na lang yung mga manok mo para lamang sa panalo.
reybanz
April 27th, 2005, 10:52 PM
watawat,
gud luck sa mga laban mo dyan! basta tuloy yung usapan natin sa date kung kailan mo gusto ipapadala ang mga noks. naka condition na sila ngayon para acclimatization na lang pagdating dyan...
king albert,
ingatan mo ang mga gold na yun dahil wala pang natalo sa magkakapatid nun. yung original na gold na lolo nila ay 80% ang winning record sa mga anak sabi ni victor siera kaya gusto niyang hiramin ang gold broodcock ko na naka 2X na rin.
reggie
watawat
May 2nd, 2005, 06:19 AM
reybanz,
april 30 sa roligon ako at sumama ako sa entry ng BJ Sniper ni boy jalandoni sa 5 cock derby at 1st day naka 1w 1draw at sa wednesday pa ang tuloy ng derby. oo nag text na sa akin commander mo at txt nya ulit ako kung kelan ipapadala. anyway ano nga pala ang nangyari sa palaro sa drum? nabulabog daw last friday. cge kamusta na lang kay walastik.
king albert,
oo malamang i-hack fight ko yung mga manokis ni reggie, at yung pang derby ay madami kay boy jalandoni mga 3 years old ang pang derby nila at sama na lang daw ako sa laban nila. cge..
RedMiner
May 2nd, 2005, 11:49 AM
Watawat,
Cge pre sana mag champion kayo at sana mag panalo ang mga manok ni pareng Reybanz. Nabulabog na naman ng mga tulisan dahil di mas hamak na mas maganda ang sabungan ng sa drum. Pinaganda niyo nga pre malinis at malamig ang lugar at maluwag.
Toneboy,
Di na kita nakita pare sa patakas takas natin pagsasabong dre. Natuloy pa rin ang sabong pero sa isang bagong lugar na naman.
KING ALBERT
May 2nd, 2005, 09:40 PM
Good day.
Mga cockmates dyan sa Riyadh- Hero2003 and the rest,
kamusta ba ang sabong natin ngayon diyan?
Any updates sa mga nakaraang sabong events?
Just PM me for security on sabong events locations.
Regards,
Alkhobar KSA.
reybanz
May 2nd, 2005, 11:58 PM
kaya di na ako nagsasabong dito medyo magulo at malabo pa ang security. di bale na magpapadala ng pusta at mag monitor na lang sa CP ;)
watawat,
sana magpapanalo kayo at may pandiin sa mga noks ko hehe... nag text din ang farm manager ko, sa may 8 mo na lang daw gustong ipapadala yung mga noks kaya tuloy ang conditioning nila ngayon. wag mo lang kalimutan na kailangan nating i climatized ang mga noks natin pagdating dyan kasi iba ang klima sa negros kay sa dyan malaking factor yan sa mga panlaban natin...
redminer,
salamat sa wish pre, sana nga magpapanalo ang kaibigan natin para ma libre na naman tayo sa pataya nyan hehe... btw, nagkita na ba tayo sa sabungan dito?
king albert,
timaan ng sakit yung mga bago kong dala sa qatif, sayang 1 na pinasunog namin para di na makahawa pero meron na namang isa na nagpapakita ng symptoms tiyak sunod din ang sentencia dun...
reggie
toneboy
May 4th, 2005, 04:35 PM
king,
anong balita diyan... saan ba ang palaro sa friday. mabuti nalang ngayon simple lang ang takbuhan. he he he... padahan dahan lang. di katulad noon talon sa bakod pa. he he he...
watawat,
nagpapanalo ba dyan. balitaan mo kami dito sa sabong diyan.
reggie,
mayroon nabang nakahanda pa bakasyon natin. punta ako sa derby bai. tawag nalang muna ako.
red,
mayroon ka bang ilalaban sa friday. timbrihan mo ako ha para makapusta kahit pa piso2.
CYMRU
May 4th, 2005, 09:21 PM
Assalam mu alaikum, sadik!!!
Kayf halak? Hope everything is ok out there. Hindi ko na nabasa lahat ng mga replies dito kasi mahaba na. Anyway, meron bang taga-dammam dito? Mga two years din ako diyan, grabe ang homesick nung dumating ako diyan. Buti na lang sa rooftop namin may mga manoks. 'Yun himas-himas lang, pero hindi ako nakapag-sabong noon kasi good boy ako,eh :p . Pero may mga kakilala ako doon. 'Yung manggagamot ng manok noon( year 2000) sa dammam, kasama ko 'yun pero umuwi na. Walang paltos 'yun, every friday nasa sabungan. Nakaka-miss ang shawarma, biriani laham, broasted, sadiki na nakatago sa mga singit ng bangladeshi, at 'yung sigaw ni Tarzan.:D :D :D
Maasalamah!!!
SuperSpur
May 5th, 2005, 05:32 AM
King A....
Dre, kita tayo sa friday sa Al Essa sa billaran.
May hahanapin din akong tao sa khobar.
Dumating na ba si momoy ?
Contact mo nalang ako.baka thursday ng gabi
nariyan na ako...7 days wala akong pasok..
Dre paki kuha tuloy ang contact number ni utal mario.
Thx..
SuperSpur
reybanz
May 5th, 2005, 02:44 PM
bai toneboy,
meron akong mga panlaban dun, nov 2003 born mga anak ng scalpel yung farm pinuntahan natin last year at meron ding hinanda yung partner ko noon pero mga aged cock na this time (28-30 mos).
cymru,
me mga taga dammam/khobar sa thread na to.
reggie
KING ALBERT
May 7th, 2005, 08:39 PM
Hey cockmates in Saudi Arabia, are you aware of the comments made by our kabayan writer on Saudi Gazete issue of May, 03. thus exposing our hobby and putting it in limbo.
Hindi ko din nabasa at naikwento lang din sa akin ng fellow cock-mate dito sa eastern province. Can somebody provide the full details of this comments so we can analize the effect it may cause to our fellow hobby.
I was told that a certain :crazy: "Joe Avancenia":crazy: wrote this
ill advice comment without weighing first all the circumstances.
Al-Khobar, KSA.
toneboy
May 14th, 2005, 01:27 PM
king,
anong nangyari kahapon. kanya2 alisan. pero naka 3 pa raw eh. iyong mga kasama ko kasi gusto nang umuwi kaya pati ako tuloy napasama.
bai reybanz,
may panlaban ba kayo ngayong friday.
reybanz
May 14th, 2005, 02:01 PM
toneboy,
me hinahanda ang tropa, pero titingnan ko lang kung sasama ako kasi alam mo na allergic na ako sa takbuhan hehehe...
reggie
RedMiner
May 15th, 2005, 11:52 AM
Mga tropss!!!
Ingat na lang tayo at kapag may timbre ingat na lang at huwag ng pumunta ng sabungan.
Toneboy
May pang laban ang tropa sa friday timbrehan na lang kita.
watawat
May 16th, 2005, 10:26 AM
reggiel/toneboy/red miner;
kamusta na? nabulabog na naman pala ang palaro last friday. ingat na lang lagi. reggie yung manokis mo nakursunadahan na palugunin at i-entry sa derby sa next na uwi ko, pero yung kay walastik sa 1st week ng june ilalaban sa elorde. at yung entry namin na bj sniper naka 3 points last saturday at 2 joker lusot at 1 manok sa elorde 10 - 6 nga, buwenas lang. sa wednesday ang finals ng 6 cock sa roligon. cge regards na lang sa inyo dyan at ingat.....
reybanz
May 16th, 2005, 01:54 PM
watawat,
congratulations, una sa bagong mong membro sa pamilya at sa panalo ninyo roligon! talagang nag tuloy-tuloy ang winning streak mo simula pa yan dito ah, malamang makakain na naman kami sa pattaya nito pagbalik mo hehe...
mabuti naman at nakursunadahan ninyo ang mga manok na pinadala ko. kung nandun lang ako malamang di mapapadala yun kasi ako na mismo ang maglalaban sa kanila hehe anyway, gud luck ulit sa mga laban mo...
reggie
toneboy
May 18th, 2005, 10:11 PM
bai red/reybanz/watawat/king,
baka may ilalaban din kami sa friday. gagamit kami ng manok sa tropa. inshallah sa friday. bukot bukot lines lang iyong gagamitin namin. baka puro dehado iyon.
toneboy
May 21st, 2005, 12:27 PM
mga kapatid,
HU HU HU..... 2L KAHAPON.... CONGRATS RED ANG GALING NANG MANOK MO. KALAKAS. ANG BILIS NANG KALABAN MABUTI MAGALING UMILAG, ILAG, ILAG, PAK BOOM... TUDASSSS ANG KALABAN. TUMAMA AKO DOON PERO UBOS AKO SA BINABAE. KASAMA IYON SA BINITAWAN KO. HU HU HU... TUMAMA MAN AKO SA RAFFLE TINULAK KO NAMAN LAHAT DOON. HU HU HU... NEXT TIME AGAIN...
epcvirus
May 21st, 2005, 01:23 PM
:)
reybanz
May 21st, 2005, 02:55 PM
bai toneboy, di bale hingi ka balato ni king albert hehe. balita ko malaki ang tama ni king albert sa talisay hehe napagulong niya ang naghihingalong pera na natira :D
juan sabungero
May 22nd, 2005, 08:16 PM
magandang araw po mga kasabong ! more power po sa inyong samahan !
napadaan lang po sana kung may time din kayo mapadaan din kayo sa
TSM Tropang Sampaloc Manila
salamat po happy cocking !
KING ALBERT
May 26th, 2005, 04:53 PM
Tuloy ang ligaya :lol: :lol:
Kamusta na mga cockmates matagal-tagal din tayong napahinga,
Bro. Juan Sabungero; maraming salamat sa pagbisita mo dito
sa lugar ng mga buo ang loob at mga betarano sa tupada ng
middle east. Hope to see you and visist your farm on my next
vacation magkapitbahay lang tayo sa Quezon, my second home is Pollilo my wife's place...
Bai Reggie; Patay yung SS-Cardinal Kelso last Sunday na laban sa
Mandaluyong, pero naunang namatay iyong kalaban, kaya naka
2W muna siya bago niya tayo iniwan. Hu.hu.hu.... wala akong
pusta kasi reject ng kumpare ko yon.. galing talaga manok mo
kahit reject pumapatay....pina-schedule ko yung 5 para sa UBBA
Grand Tupadakitz sa CAINTA kung di pa sila maglulugon.
Toneboy; abangan mo pandiin ni Redminer sa Friday at sa
June 3. para makabawi ka.... saka yung ilalaban ko na Asil
na 2-times winner ikaw ang bibitaw....
Cheers,
reybanz
May 26th, 2005, 06:13 PM
king albert,
mabuti naman at nanalo yung mga rejects natin, pag-uwi ko magpa bukod na rin ako ng mga rejects, marami yatang mga rejects dun hehe...
ayos yan, kung papayag ang commander-in-chief baka makapunta ako sa cainta nang makapusta man lang ng sigaw hehe...
gud luck na lang kay redminer, sana makadali ulit...
reggie
juan sabungero
May 28th, 2005, 11:59 PM
magandang araw po mga kasabong ! more power po sa inyong samahan !
imbitahan lang po namin kayong mag participate sa aming mini survey tungkol sa
pagsasabatas ng sabong sa pilipinas. heto po yun mga link. maraming salamat po.
http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&postid=283474#post283474
http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&threadid=23185
RedMiner
May 29th, 2005, 11:56 AM
Mga troops!!!
Kitakita na lang tayo sa friday 4 cocks ang inihanda namin para naman masaya ang tropa.
RedMiner
June 7th, 2005, 11:49 AM
Mga Sadik
Nasaan na kayo? Panalo yata si toneboy nong isang biyernes. Reybanz ingat sa pag punta sa riyadh pre.
toneboy
June 7th, 2005, 12:21 PM
red,
bumabawi lang ako noong friday. kung di dahil sa manok mo. ubos na ako. parang nanalo na rin ako. kasi nakabawi ako. talo lang siguro ako mga piso lang. napadiin ako sa first fight ni manny kalaban talisayin. lahat tama na ako sa manok nya. 1L 2W siya noong friday plus manok nyo pa. he he he... mayroon kayong ilalaban sa friday? timbrehan mo ako ha. sana mapalaban si putol.
reybanz
June 7th, 2005, 01:49 PM
bai toneboy,
wala nang gustong lumaban kay putol nung makita nila kung gaano ka tibay yung mga manok na hinahanda ni redminer hehe... congrats red!
salamat red, dun kami matutulog ngayong hwebes sa riyadh dahil buong maghapon sa friday kami maglalaro sa phil embassy.
reggie
toneboy
June 7th, 2005, 06:49 PM
reybanz,
shoukran sa sigaw mo.... he he he... mamaya sa alyssa!!!
reybanz
June 7th, 2005, 07:00 PM
np bai toneboy, kung alam ko lang kahapon pa lang nandyan na ako hehe...
toneboy
June 7th, 2005, 07:34 PM
reybanz,
sa friday nalang punta ka sa sabungan. panoorin natin si putol. he he he....
KING ALBERT
June 7th, 2005, 07:43 PM
:rbounce: :rbounce:
TONEBOY,
''" HAPPY BEEEEEEEERRRRRRRRDDDDDDAAAAAYYYYY ""
:hombre:
Sarap pansit sa Thai Rest..He,he,he,.........
toneboy
June 7th, 2005, 08:08 PM
thanks king.... kita nalang tayo mamaya sa bilyaran....
edarellano
June 8th, 2005, 02:18 AM
Bai Toneboy,
Belated Happy Birthday.Nagloko ang landline sa jobsite hindi kita natawagan.Paalis na ako bukas.Inshalaaaaah. Kumusta sa lahat dyan sa tropa...pareng red,king,watawat,reybanz,et al......
toneboy
June 8th, 2005, 12:33 PM
maraming salamat bai ed, good luck sa sabong nimo.
RedMiner
June 11th, 2005, 11:52 AM
Toneboy,
Belated Happy birthday pare. Sana nanalo ka sa manok namin na sweater lemon nina king kahapon.
Bai Edrallano,
Bumalik ka na ba pre from vacation.
Bai Reggie,
As usual may pang kabsa ka na naman hehehe... Si KING ang malaki panalo kahapon. Nasaan na ba si pareng watawat?
reybanz
June 11th, 2005, 03:47 PM
red,
malamang talo si toneboy sa laban na yun kasi ang alam ko tropang bisaya ang nakalaban nyo hehe...
nga pala, nag champion tayo sa tournament kahapon sa phil embassy. di na nila ako pinagtawanan kasi bumalik na yung dating kilos ko hehe... sa june 17 maglalaro ako sa ramaniyah mall ng exhibition match against best of riyadh players, gusto yata nilang gumanti hehe.. ;)
reggie
toneboy
June 11th, 2005, 03:59 PM
red,
ty... tinamaan ko iyong mga manok nyo. maliban sa huling sultada kasi iba ang pinapahawak nyo. at iyong unang pusta ni king doon sa talisayon di ko alam binaliktad pala pusta nya. hu hu hu... nabawasan ang pang pataya... plaza restaurant nalang. sarap ang kinilaw doon.
reybanz,
di ako natalo kasi katabi ko si al at si per ang nandoon at si arman ang nagbitaw sa sweater kaya tumama ako sa pula. may laban ka pala sa ramaniyah? nagpaalam ka naba kay king baka sarado ang ramaniyah iyong mga araw na iyon. kausapin natin si king na pabubuksan nya. he he he....
RedMiner
June 13th, 2005, 11:46 AM
Toneboy,
No problem amigo. Sana nga palagi ka rin nanalo. Nakapag laban ba kayo last friday?
Reybanz,
Pare ayos na ayos yung sweater grey mo na ka combine ng winning namin. mukhang mag pro produce ng magagandang lahi. Sana may cardinal kelso tayo dito para pang harang dito sa mga lupain ng mga homesick hehehe...
reybanz
June 13th, 2005, 02:13 PM
nagpaalam na ako kay king albert bai toneboy papabuksan daw niya ang ramaniyah sa friday hehe...
bai red,
sana maging maganda ang resulta ng mga anak sa sweater grey ngayon kasi yung mga anak niya sa riyadh ay nagsipanalo na, in fact nanalo ng fastest kill dun ang isa sa anak niya last april... wag kang mag-alala pagbalik ko after vacation magdadala tayo ng cardinal kelso kung di man kukuha tayo sa riyadh dahil may hati ako dun sa 6 na anak ng blue blade sweater cross ng butcher/lemon 84. puntahan natin yun pagbalik ko.
reggie
RedMiner
June 15th, 2005, 11:45 AM
Reybanz,
Sa tingin ko nga ay magaganda ang mga lalabas na mga lahi non. Galingan mo pre ang laban mo this coming friday sana mag champion ulit ang grupo niyo. Kita tayo bukas.
edarellano
June 15th, 2005, 05:59 PM
Pareng Toneboy,
You are welcome and thanks for good luck wish inshalaaaah
Pareng RedM,
OO nakabalik na ako at kasalukuyang nandito na naman sa days off ngayon ayos ang 1st few fights ko 2 losses lang against 7 wins sana mamaintain ang streak hanggang sa mga derbies. Good luck sa mga laban ninyo ryan
reybanz
June 15th, 2005, 06:06 PM
bai ed,
kita tayo ni toneboy at iba pang EP posters dito sa ramaniyah mall. nandun ako from 3-8PM kasi may exhibition match kami with riyadh players.
reggie
edarellano
June 17th, 2005, 08:54 PM
Bai Reybanz,
Good Luck na lang sa exhibition match kasalukuyang nandito ako sa atin ngayon. How I wished makakadalo rin ako one day
toneboy
June 19th, 2005, 03:30 PM
hello red,
ubos ako noong friday.... hu hu hu... maliit pala sa laban ang manok natin. next time nalang tayo babawi. may ilalaban ba kayo sa friday?
hello reggie,
pasensya di ako nakapunta noong friday. nalimutan ko at nakatulog ako paggaling ako sa sabungan. magdamag kasi kami noong thursday night.
hello ed,
mid july nasa pinas ako. baka mag pang abot pa tayo doon. tawagan nalang. punta ako sa bohol sa sandugo derby mga last week of july siguro iyon.
saliva_joke
June 19th, 2005, 04:32 PM
to RIYADH BOYS
HAPPY FATHERS' DAY!
reybanz
June 19th, 2005, 07:44 PM
bai toneboy,
okay lang nanalo tayo sa singles at doubles. yung kalaban sa doubles match namin former national player pero nasilat sila hehe...
pass muna ako sa sabong dito, mahirap na magbakasakali dahil pauwi tayo ;)
reggie
RedMiner
June 20th, 2005, 11:58 AM
Toneboy,
Pasensiya toneboy bawi ka na lang sa susunod dahil may sumabay kasing pang underwear. Pera-pera lang daw kasi ang labanan kaya pati tropa na udyokan.
Pasikat daw !!! hehehe....mabuti na yun kesa naman ang kinikita at pinapakain mo sa pamilya ay galing sa lo tresss!!!! Mabuti na yun lumalakad ka ng diretso at may pagtitiwala sayo...Ingat sa pagpusta-pusta habibi....
Reybanz,
Tuloy-tuloy na ang panalo mo niyan okey ba yun gamot na bigay ko at hindi napagod...
edarellano
December 22nd, 2005, 10:20 AM
MERRY CHRISTMAS and a HAPPY PROSPEROUS NEW YEAR SA LAHAT...
http://i19.photobucket.com/albums/b162/edarellano/postcard.gif
top_signature
December 22nd, 2005, 10:39 AM
Merry Christmas sa inyo diyan sa Riyadh...
cheers!
inoshero
December 31st, 2005, 07:05 AM
and happy new year........more power.......keep on cockin.....yfis:)
amdanzalan
June 17th, 2006, 09:05 PM
hello everybody....i'm andy and presently woking here in jubail, saudi arabia...i hope somebody here will invite me to their compound and check their tinale....one year na akong di nakakahimas ng manok thanks
regards,
andy;)
DINOPATANI
June 26th, 2006, 08:16 PM
Kung makapasyal ka sa Khobar, dyan sa kainan Pinoy restoran, magtanong ka riyan at maraming mga kababayan natin dyan nag umpukan. Sabong din yata ang malimit na topiko nila.
Ex-Saudi na rin ako (Riyadh 1990-1995) at Jeddah 1997-2001. Sa ngayon ay narito ako sa Dubai. Pero July 3 na ito punta ako dyan sa Hofuf, sa may Saudi Cement Company doon sa ibaba pa banda ng Abqaiq.
Lagi ka lang visit dito sa thread at baka makapagtanong ako sa mga NOYPI doon sa Saudi Cement, i post ko dito ang mga posibleng makunan mo ng nokiz. Ebre wek end bababa rin ako sa Khobar para mag window shopping, o di kaya... widow shopping, nye-he-he!;)
Sunfire_Nold
June 27th, 2006, 03:19 PM
mga sadik,
Taas ko lang ito dahil matagal nabakante at natabunan kaya mahirap hanapin...
Musta na boss dino....san-o ka mapauli sa aton sa Iloilo?:)
muk_mafi
June 27th, 2006, 05:14 PM
Gandang araw mga kasabong!!!
Sana minsan ay makasama ako sa mga sabong dito sa riyadh... Sabik na kasing makakita ng salpukan! Kaya lang takot naman ako a takbuhan... Hehehe.
Ingat-ingat mga igan... :p
DINOPATANI
June 27th, 2006, 06:13 PM
I was home from 05 May to 23 June. Lots of hackfights and derbies around Iloilo and Tangub.
May 10 financed a 3-cock derby in a barangay fiesta in Tangub, L-L-W, bwu-hu-hu!
May 14 financed a 2 cock derby in my hometown (Mina), L-L, Bwu-hu-hu. But in travesia........ W-W-W-W-D-L-W-L-W-W-L-W-W-L-D-W-W, nye-he-he! I lost my entry, but I brought home some 30K.
Regular hackfights every saturday afternoon at my home town, more W than L......
Financed a 5-cock derby on June 17 and 18 (Iloilo Coliseum, Chito's B-day) but the result was a heartache..... Nye-he-he..... W-L-D-L-nil, bwu-hu-hu. My 3rd fight against that entry of Boots, what a big bang..... but because fate is kind, it was a draw...
June 19 financed a 2 cock derby at Sta. Barbara, 2 entries. 1st set W-L, 2nd set Champ + wan edik for the 2nd fastest win (42 sec).
June 22 hackfights at Elorde in Paranaque, W-L-L, bwu-hu-hu!
June 23 hackfights at Roligon, D-W-W:) + fastest win (10 sec) and in the afternoon hackfight again at Elorde, Win!
Overall, I lost a little bit, but not too much.
Sunfire_Nold
June 27th, 2006, 10:00 PM
Toto Dino,
yes i heard bout that regading your fyte with Nong Boots rooster...talagang di nag katalo dahil grupo eh.
At ang sarap naman ng bakasyon mo puro sabong hehehe.. sige toto dino ..agwantaha lang da ang mga birada nila sa imo kay suntineron lang diri namon...pero ang kontra birada ululupod ta eh.:D Diin ka sa ILoilo toto Dino kag ano ang apelyedo mo?
DINOPATANI
June 28th, 2006, 12:32 AM
Taga- Mina, a small town between Pototan and Janiuay. The hometown of Miriam Defensor-Santiago.
My handle name is my name itself, DINO PATANI. unique ya apelyido ko, ano?
I also have a house in Sagay City, pero war kami ng misis ko. Naroon sila ng 2 kids ko, dito naman ako sa amin sa Mina.
In the next two years, baka mag retire na ako. By that time I might already several number of gamecocks that can compete in major events in Iloilo. But I prefer to bring them to Roligon and Elorde, sarap mang ambush doon, nye-he-he!
Sunfire_Nold
June 28th, 2006, 03:46 AM
Di man ta gali maglayo,
Ari lang ko di ya sa Villa kag lapit amon balay sa bulangan..
maayo man ina ang ginaplano mo...ako medyo layo pa ang finish line kay 3 na ka bata ang nagahugot sg sweldo ko..1 sa college at 2 ang high school sa manila..pero nakabili na ko gamay nga balay sa bulacan..wala lang lugar mag manok pero basi kaloy-an makabakal da sa gua sg ciudad sg iloilo sg gamay lugar para sa bisyo ko pag nag retire man ko ah...iririmaw taton...
Good luck na lang sa mga palaaboton mo nga plano!!!:lol:
Sunfire_Nold
June 29th, 2006, 05:38 PM
taas ko lang ito mga taga riyadh:lol:
talim
July 11th, 2006, 01:24 AM
maganda araw sa mga taga riyadh!!!
SuperSpur
July 14th, 2006, 04:59 PM
:confused:
Mga taga Riyadh invited kayo sa opening sa August....
Mag kita-kita tayo.....doon kila Gen.
Maraming salamat sa inyo....
muk_mafi
August 9th, 2006, 11:51 PM
san kaya nagpupunta mga tao dito lagi... :confused:
edarellano
November 1st, 2006, 09:02 PM
Blessed All Saints' Day! to everyone!!!!!
TONET828
November 2nd, 2006, 05:22 AM
MUSTA NA DYAN MGA BRO's... MABUTI AT MERONG NAKAISIP GUMAWA NITONG THREAD NA TO AT MAGKILAKILALA LAHAT NG TAGA RIYADH... BTW, DI LANG PO RIYADH AT SA LAHAT NG MGA SABONGEROS SA MIDDLE EAST...;)
MUSTA NA LANG SA LAHAT!!!
SuperSpur
November 15th, 2006, 07:42 AM
Nold ano ang balita...........Tawag tawag lang.....
Regards to everybody.......Puli kami sa 13 of dec......
didto sa aton may bulang si friend Red..sa dec 21...
ok engat salammmmm.
Lhe2
DLANOD
November 30th, 2006, 06:56 AM
ASALA MALAYCOM SA INYO MGA KASABONG? may sabong ba dyan sa saudi?
edarellano
December 25th, 2006, 08:19 AM
MERRY CHRISTMAS AND A VERY PROSPEROUS NEW YEAR 2007 TO ALL!!!
http://i19.photobucket.com/albums/b162/edarellano/christmascard.gif
Super DJ
July 12th, 2010, 10:33 PM
kumosta lahat ng mga taga Riyadh ! ! ! buhayin natin etong kubo na eto... post naman kayong mga mahelig sa manok na nan dito sa riyadh.
www.rdlgameyard.multiply.com (http://www.rdlgameyard.multiply.com)
yfis,
dixie
desert warrior
July 13th, 2010, 06:44 AM
kumosta lahat ng mga taga Riyadh ! ! ! buhayin natin etong kubo na eto... post naman kayong mga mahelig sa manok na nan dito sa riyadh.
www.rdlgameyard.multiply.com (http://www.rdlgameyard.multiply.com)
yfis,
dixie
up ko lang para sa mga taga Riyadh...................:)
Super DJ
July 13th, 2010, 06:29 PM
up natin for the riyadh boys. . . ! ! !
dotman
July 13th, 2010, 07:00 PM
up natin for the riyadh boys. . . ! ! !
Makiki-angat din, mga sadik!!!
Kumusta na ang mga Riyadh boys? Grabe init ngayon...kawawa tuloy manok ko sa rooftop. :p
Jayjomina78
July 13th, 2010, 08:28 PM
Makiki-angat din, mga sadik!!!
Kumusta na ang mga Riyadh boys? Grabe init ngayon...kawawa tuloy manok ko sa rooftop. :p
Sadiq Dotman pati nga ata school mainit din hehehe.... babad lang ng tubig sa batya lagyan din ng electrolytes inumin nila..maganda nga sana kung may BioEm available dito uminit man or maulan eh swak na swak...
Super DJ
July 13th, 2010, 08:46 PM
Sadiq Dotman pati nga ata school mainit din hehehe.... babad lang ng tubig sa batya lagyan din ng electrolytes inumin nila..maganda nga sana kung may BioEm available dito uminit man or maulan eh swak na swak...
subra talaga ang init sa lahat ng bagay d2 sa ksa.! ! !
dotman
July 13th, 2010, 10:04 PM
subra talaga ang init sa lahat ng bagay d2 sa ksa.! ! !
oo nga, SDJ...kaya ingat-ingat lang tayo.
Boss Jay, kumusta na mga manok sa pinas? di na naulit yung kitakits ng riyadh boys...4 years ago na yata yung huli?
Jayjomina78
July 13th, 2010, 10:56 PM
Boss Jay, kumusta na mga manok sa pinas? di na naulit yung kitakits ng riyadh boys...4 years ago na yata yung huli?
Ok naman meron din konting na harvest kahit papano hirap mag parami ngayon mahal na patuka hehehehe... Oo nga dina na sundan yung unang kitakits.. si ka Lugar Talim kahit papano eh nag kikitakits kami paminsan minsan.. musta naman breeding nyo sa pinas?
subra talaga ang init sa lahat ng bagay d2 sa ksa.! ! !
Hehehehe bawi nalang tayo sir pag uwe ng Pinas...
dotman
July 17th, 2010, 04:25 PM
Ok naman meron din konting na harvest kahit papano hirap mag parami ngayon mahal na patuka hehehehe... Oo nga dina na sundan yung unang kitakits.. si ka Lugar Talim kahit papano eh nag kikitakits kami paminsan minsan.. musta naman breeding nyo sa pinas?
Hehehehe bawi nalang tayo sir pag uwe ng Pinas...
Taas ko lang...start na naman ng trabaho.
RagingAvalanche
August 8th, 2011, 05:18 PM
Hello Riyadh Boys Pasali po...nandito rin ako and syempre love chicken too much
vBulletin® v3.8.7, Copyright ©2000-2013, vBulletin Solutions, Inc.