PDA

View Full Version : Pwede bang wala ng AFP ang Pilipinas?



banderado84
March 2nd, 2005, 10:53 AM
Ano po sa palagay ninyo, bakit sa Costa Rica ay umuubra ito....malaking katipiran kung Pulis na lang ang suswelduhan ng Gobyerno....Di ba mas strategic pa nga ang Pilipinas gawa ng wala itong direk na kadikit o ka boundary....at pwede naman makipag usap ang gobyerno ng No-War sa mga katabi nito...ano sa tingin ninyo? napapanahon na ba na sa halip na Bala ang i una ay Pagkain muna lalo sa mga mahihirap? :hippie:

PHILIPPINES:
http://edition.cnn.com/2000/NATURE/08/01/philippines.logging/philippines.palawan.gif


COSTA RICA:
http://images.google.com/imgres?imgurl=http://www.hotels-hoteles.com/south-america.gif&imgrefurl=http://www.hotels-hoteles.com/hotels-Central-South-America.htm&h=363&w=296&sz=18&tbnid=OLJ-98RC30EJ:&tbnh=117&tbnw=95&start=9&prev=/images%3Fq%3Dsouth%2Bamerica%26hl%3Den%26lr%3D%26s afe%3Doff%26sa%3DG

dagat
March 2nd, 2005, 11:34 PM
Sir Banderado,
Sa palagay ko sir lalong lalakas ang MNLF, NPA ......
kapag nawala ang AFP. Kung ang purpose nito ay makatipid, maraming paraan para makatipid ang bansa natin. Tanggalin ang pork barrel, ayusin ang systema nang tax collection,bawasan ang mga congressman, pagsasamain na lang ang magkakalapit na distrito tutal 40 percent nang mga mambabatas natin sa congresso ay mga walang silbe ipasa ang VAT bill sa palagay magiging maganda ang drawback nang bill na ito pag na approved, kung hindi kayang ipahinto ang jueteng, gawing legal na para makinabang naman ang gobyerno, ito ay iilan lang. Sa akin opinion po lamang.

Bty Hunter
March 2nd, 2005, 11:40 PM
Archipelago pa mandin ang pinas..kailangan natin ng sandatahang lakas. Ang opinyon ko naman, dapat i decentralize ang gobyerno ng Pilipinas. Halimbawa gawing parang states, luzon vizayas at mindanao.. kanya kanyang gobernador tapos isang 'federal na gobyerno:lol: .. iba iba kasi ang tao sa atin, watak watak na, iba - iba ang pangangailangan, tapos ang gobyerno hayun sa Malacanyang:lol: ...ang feed back na tinatanggap mula sa malalayong lugar yata ay masahol sa sa isang tsismis na isang linggo na sa sirkulasyon...

Kanya - kanya na sa Pilipinas, para umibabaw ang magaling:lol: ..hindi yung sistemang ginagamit ay recycled lang, pati mga taong namumulitika kasama ang estilo recycled rin...BULOKKK!!!:crazy:

ParaTex70
March 3rd, 2005, 01:07 AM
:hombre:

nemmmo
March 3rd, 2005, 02:27 AM
kung wala ang militar, walang kickback. kaya hindi puwedeng alisin.:lol:

Kidd Sentencia
March 3rd, 2005, 05:08 AM
Palitan na lang ng YU ES Nebi...dular pa swildo.

:lol:

Kidd

jepoy723
March 3rd, 2005, 05:18 AM
Pag wala ang AFP dami sigurado PEOPLE POWER sa edsa 1,2,to 100 dami lalo gastos marami pres. Dami kurakot paibaiba ng CABINETE hehehe...:lol: :lol: :D

roy reyes
March 3rd, 2005, 09:20 AM
di lang siguro afp ang dapat alisin lahat ng mga tiwali sa gobyerno.naalala ko pa ang sabi sa akin ng kaibigan ko,na maari lang matapos ang problema ng pilipinas at magkakaroon ng pagbabago kung uubusin lahat ng tao dito at itira lamang ang mga mabubuti at magpanimula muli which malabong mangyari,pero yun na nga lang siguro ang sulosyon sa problem ng pilipinas.

Bty Hunter
March 3rd, 2005, 11:12 AM
sa nangyayari na paghihigpit ng gobyerno at effort na sugpuin ang korupsyon..ang mga tao raw sa gobyerno LALONG TUMATAKAW:lol: .. baka nga naman matiklo e di masisira ang kanilang lifestyle. kaya kung makapangurakot kumbaga sa namamahaw ng kanin PUKNAT PATI TUTONG!!!:lol: :lol:

TAMA SI KID palitan na lang ng US navy ang AFP... o pasakop na lang tayo sa ibang bansa... BASTA wag nila pakialaman ang sabong :lol:

jepoy723
March 3rd, 2005, 11:09 PM
BTY

Ganda yan!!Kung pasasakop sa ibang bansa anong bansa ang gus2 mo?? Ako siguro japan para tawag sa akin jepoyuki ...joke lang hehehe....:lol: :lol: :D Gagawa ako ng robot na manok:sprcool:

Bty Hunter
March 4th, 2005, 09:17 AM
OK ang Japan Jepoy, pero ialok na lang natin sa mga SOuth Koreans mainterest ang mga yun, SInce itong si KIm Jung III sa norte nila e , nagluluto ng hindi kanais nais:lol: :lol:

dagat
March 5th, 2005, 12:42 AM
Napanood ko kagabi TV Patrol si Miriam, if i am not mistaken, she is challenging the member of the congres to commit suicide with them in senate

I PAG DASAL NA LANG NATIN NA SANA MATULOY ITO

Kidd Sentencia
March 5th, 2005, 01:54 AM
Magpapakamatay? Aba eh lalabas ang kung ano-anong galing nila sa dayaan niyan, merong kunyari dedo na pero by miracle of the lord daw eh babangon, peke pala yung lason or blank yung bala, hehehe.

Mga politikos natin...tsk, tsk, tsk.

Ako eh may solusyon sa ating bansa...emposible nga lang, hehehe.

Lahat ng nasa ibang bansang pinoy eh uuwi, lahat naman ng nasa pinas eh mag-a-abroad...swap!

hahahah, iba-ibang currency na ang pira...tayms tayms pa, hehehe.

Kidd

gensoriano
March 5th, 2005, 02:28 PM
bawasan ang bilang ng General. Halos pareho na yata ng dami ang Heneral na pinoy at Generals ng US. Dime a dozen, ika nga.


:hippie:

gensoriano

banderado84
March 5th, 2005, 08:11 PM
...Baka kaya pedeng i convert sa industrial zone ang mga base militar....pero andun pa ren ang LOAD....at priority sila sa employment at automatic reservist sila para may kunting allowance na ibibigay gobyerno.....tapos modernized ang Navy at ang Kapulisan at lakihan ang sweldo para maganda buhay nila ng kunti naman.... napagiisipan lang naman...:hippie:

ligas_paka2006
March 2nd, 2006, 04:04 PM
Hinde siguro hinde kaya ng pulis ,lalo na sa mindanao:smoke:

srf_tigers_11
March 2nd, 2006, 05:02 PM
cno naman may sabing hindi malaki ang sweldo ng mga pulis at sundalo?eh bakit dalawa ang asawa ng karamihan dalawa ang bahay.dalawa ang kotse.ang maganda nyan lagyan ng trabaho ang bawat sulok ng bansa hindi yong naka centro lahat sa sa isang lugar.lagay lahat na politiko sa isang isla mag sama sama silang lahat cgurado ako wala ng kurakot.at pag umalis sila ng isla barilin agad ewan ko lng kong d gaganda ang pinas.

ben.escandor
March 2nd, 2006, 08:37 PM
Admitted na ng AFP na tumanggap sila ng 10 million pesos mula sa Estrada Foundation para pampautang sa mga Marines, Scout Rangers,at iba pang mga sundalo. Pautang daw! Bayad yan sa pag kudeta!! Phweee!!

gringo
March 2nd, 2006, 08:47 PM
Hindi na kailangan dagdagan pa ang sweldo ng PNP

Ang importante TAASAN ang TARIPA ng KUTONG:p

Sensya na po HEPE napag-uusapan lang po.

bna_talimbabaga
March 2nd, 2006, 09:43 PM
bakit ang mga ibang bansa wala naman military academy pero tahimik at di nasasangkot ang kanilang mga sundalo sa pulitika at coup.

Budol_Budol
March 3rd, 2006, 12:27 AM
preng MAX...huwag mo namang ipatanggal ang AFP wala na akong pag kukunan ng pangsabong....:lol: kung magagawa nila na maging kahinahinayang kapag ang isang kawani ng gobyerno[itsa pwera ang mga ugok na pulitiko] na kapag natanggal sa kanyang trabaho ay mag hihinagpis siya hanggang sa ipagpasya nyang magpakamatay...diyan siguro magsisimula ang isang magandang pilipinas....pagkat sa pagpapatupad ng tamang batas na walang kinikilingan ang ikauunlad ng bansa....:hat:

banderado84
March 3rd, 2006, 05:47 AM
:lol: :lol:













//