PDA

View Full Version : kilusan para sa legalisasyon ng sabong kailangan ba?



juan sabungero
May 27th, 2005, 01:50 AM
mga kakmeyts marami na tayong mga samahan, pederasyon, organisasyon at mga asosasyon na nakatatag. ngunit isang kalungkot lungkot na atin matutunghayan sa mga magasin ng mga sabungero na halos sila ay abala sa kani-kanilang mga internal na mga aktibidades sa pagpapalakas ng kanilang samahan katulad ng mga pasabong at pa derbi.

hindi naman po natin sinasabing hindi maganda ito in fact ito nga po yun sentrong layunin kaya sila po ay natatag.

maganda sana ay luminga din tayo sa pang malayuan paningin na kahaharapin ng ating libangan sabong. kung ang mga **** at *** ay masigasig sa kanilang mga layunin mapahinto ito at hindi lingib sa ating kaalaman na fully budgeted ang mga ito at patuloy silang kimikilos pababayaan na lamang ba natin sila?

napapanahon na kaya mga kakmeyts na magtatag na tayo ng
isang kilusan na ang pangunahing layunin ay ang maging legal ang sabong sa ating bayan.

powwow
May 27th, 2005, 06:53 AM
manong Juan kung ang iniisip natin ay hanggang sa kinabukasan dapat lang na asikasuhin na po yan. ngayon kung tinatamad naman po tayo at iniisip natin na hindi naman natin aabutin na ang gulong yan, wag na lang bahala na yong susunod na generation ang mag resolve niyan. yang mga sabungerong mga pulitiko hindi yan kikilos, ikinahihiya pa nila yan na masabing mga sabungero sila :teeth:

sinibak na ni Peping ang BAP walang umalma. nilapitan na ba ninyo si Peping para dito sa problema ng sabong? sinisiguro ko sa inyo kapag siya ang lumakad ok yan. :D :D :D

powwow
May 27th, 2005, 10:21 AM
MANONG JUAN UMPISAHAN NA PARA MALAMAN NATIN KUNG SINONG MGA SABUNGERO ANG MAY MALASAKIT SA SABONG :D GUMAWA TAYO BY REGIONS TAPOS BY CHAPTERS AT MAG MARCHA TAYO SABAY SABAY SA KANYAN KANYANG MUNISIPYO I SET NATIN ANG TIME PARA SABAY SABAY NATIONWIDE :D DIBA DAPAT UBBA KASAMA DITO DAHIL NATIONWIDE YATA ANG ASOSASYON NILA :D BAKA NAMAN HANGGANG DITO LANG TAYO SA SABONG.NET :lol:

SIGURO NAMAN MARIRINIG DIN TAYO ANG ATING HERITAGE.

juan sabungero
May 27th, 2005, 10:30 AM
kasamang powwow palalawagin natin itong kilusan sabong na ito sa buong kapulungan ng pilipinas.

pagbibigyan lang natin ng kaunting panahon ang ating mga
kasama sa sabong.net para makapag isip isip at mapag aralan
mabuti ang kapasiyahang sumapi sa kilusang ito :)

Elaisa Gold
May 28th, 2005, 12:00 AM
Bakit kailangan pa ng asosasyon para maging legal. saan bang lugar ba ang inyong tinutukoy?:confused:

FORTBONIFACIO
May 28th, 2005, 01:30 AM
sa aking pagkakaalam ang sabong ay hindi pa po legal pagkat wala pa pong batas na nagsasaad ng legalidad ng sabong.....nauna lang po itong larong sabong kaysa sa pagbuo ng ating konstitusyon ngunit hindi po ito nagawang maisa-batas, dahil na rin sa tagal ng larong ito ay isa na itong heritage....bago pa lang magpa-tule si lima-hong, kublai khan at king david ay may sabong na..:D :D :crazy: :sprcool:

juan sabungero
May 28th, 2005, 02:11 AM
sakop lang ito ng presidential decree at outdated ng nilalaman

Manny Micker
May 28th, 2005, 07:40 AM
Re: kilusan para sa Legalisasyon ng Sabong kailangan ba?

mga kapatid, sa tingin ko ang katanungan na ito ay masasagot ng -- COCKFIGHTING LAW OF 1974 (Presidential Decree No. 449), at part of definition of terms nito, penal provisions, repealing clause at date of effectivity ay matatagpuan sa pp. 326-329 ng The Revised Penal Code by Luis B. Reyes.... Book Two, Fifteenth Edition, Revised 2001.

Sana makatulong po ito kahit man lang kaunti...

God Bless
manny micker

FORTBONIFACIO
May 28th, 2005, 07:58 AM
ginoong manny maker........ako po ay nananawagan doon sa sinumang may hawak ng librong ganyan ay paki post naman dito para naman sa ganoon ay maliwanagan naman ang aming kaalaman tungkol sa totoong kalagayan ng sabong sa ating bansa................isa pa pong katanungan ang presidential decree po ba ay may hangganan o napapawalang bisa.....dahil ang presidential decree 1081 ay naglalaho at napapawalang bisa.

salamat po!!!....:hat: :sprcool: :hombre: :crazy:

powwow
May 28th, 2005, 08:05 AM
MANNY MAKER, ALAM NA NAMIN YAN ANG GUSTO NAMIN AY ALISIN SA PAG TERRORIST EHE EHE, SA PAGKA ILLEGAL PALA ANG SABONG SA SALIGANG BATAS AT GAWIN NG LEGAL DAHIL NGA ETO DAW AY PINOY HERITAGE :D MAYROON AKONG NABASA DITO SA ISANG THREAD NA BAKIT DAW ANG ISANG PILIPINO HERITAGE AY KAILANGANG MAGING ILLEGAL :D MAYROONG BANG BANSA NA ANG KANYANG HERITAGE AY ILLEGAL? DITO LANG SA ATIN YAN MAYROON :lol:

SA PHILIPPINE CONSTITUTION YAN AY UNDER SA ILLEGAL GAMBLING NOH. YAN ANG GUSTO NAMING IPAGLABAN.

powwow
May 28th, 2005, 08:29 AM
SECTION 14 ARTICLE XIV THE STATE SHALL FOSTER THE PRESERVATION, ENRICHMENT, AND DYNAMIC EVOLUTION OF A FILIPINO NATIONAL CULTURE BASED ON THE PRINCIPLES OF UNITY IN DIVERSITY IN A CLIMATE OF FREE ARTISTIC INTELLECTUAL EXPRESSION.

NGAYON MAGSALITA KAYO KUNG MAY KARAPATAN BA TAYO NA GAWING LEGAL ANG SABONG ?

ANG PHILIPPINE COCKFIGHTING AY SEC 14 ART XIV :D :D

powwow
May 28th, 2005, 08:45 AM
KAYA LANG NAMAN HINDI MAGING LEGAL YAN DAHIL SA PUSTAHAN NOH :D BAKIT ANG PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES LEGAL :D DIBA PUMUPUSTA DIN TAYO DYAN SA NUMERO :lol: YONG COCKFIGHTING LAW NA SINASABI NI MANNY MAKER AY ISANG SPECIAL LAW LANG PARA SA SABONG. KAHIT KAILAN PUWEDENG TANGGALIN YAN :crazy:

juan sabungero
May 28th, 2005, 09:21 AM
siguro naman ay napapanahon na para ilatag
natin ang ating mga agenda

ano ano ba ang gusto natin maisabatas

1.
2.
3.

pag usapan at talakayin natin. ito naman ay para
sa ikabubuti natin lahat na mga sabungero at mga
mamayang pilipino. higit sa lahat sa mga henerasyon
pang darating.

powwow
May 28th, 2005, 09:32 AM
MANONG JUAN AKO NA PO ANG MAUUNA, ANG GUSTO KO LANG PO AY SIMPLE

1 LEGALITY NG PHILIPPINE COCKFIGHTING

2 UNDER THE PROTECTION OF PHILIPPINE CONSTITUTION

:D :D :D :D

juan sabungero
May 28th, 2005, 09:38 AM
to make philippine a trully sabong capital of the world
idagdag natin ang . . .

3. declaration of one "national cockers heritage day"


marami pang susunod . .

talisayon/balaw
May 28th, 2005, 11:53 AM
cockfighting is our national sport? dito sa amin..legal na ang tigbakay basta me fiesta...thats our city ordinance from the mayor of cebu city....you can have the cockfight within the limit of teh dates of our barangay fiesta..pag tapos na...wala ng tigbakay....

for legalization..2 arms raise ako dyan...kung me rally...sali ako dyan...dami kong bugok na itlog ngayon...di napisa sa incubator...:rbounce: mahilig pa naman akong mambato .....ng bola hehehehehehe:lol:

juan sabungero
May 28th, 2005, 01:23 PM
salamat sa pagbigay hiwatig ng iyong suporta
maraming pa tayo mga kakmeyts na handang
sumuporta sa magandang layunin nating ito.

jocsena
May 28th, 2005, 10:47 PM
MGA COCKMATE.BAGO LANG PO AKO SA LARANGAN NG SABONG SANA PO AY MAKATULONG NG KONTI ITO.SABONG AY NATIONAL SPORT PO.KASI SA SKUL NONG BATA PA KO PAG TINANONG AKO NG TEACHER ANONG PABORITONG SPORT NG LOLO MO ANG SAGOT AY "SABONG"....OUR NATIONAL IDENTITY

KAYA DAPAT LEGAL ANG KILUSAN AT PALAKASIN

COCKFIGHTING LAW 449M (1974 DECREE AND ORDER BY PRES.MARCOS)

http://www.lawphil.net/statutes/presdecs/pd1974/pd_449_1974.html

FORTBONIFACIO
May 28th, 2005, 11:39 PM
:D :D buti pa si MARCOS may ginawa para maging legal ang sabong noong kapanahunan nya.......kinilala ni MARCOS na heritage/ tradition ang sabong at iniindorso pa sa tourism......HOY!!!!!....kayong mga mambabatas....huwag nyong ikahiya ang pagkakakilannan sa mga pilipino na isang sabungero......baguhin nyo naman sa buong mundo na kilala ang pilipinas bilang isang kurakot na bansa.........:D ang bibigat na ng puwet nyo dyan sa kakaupo:teeth: naaaa......nyoooooo!!!!!!

edwin
May 29th, 2005, 12:26 AM
Opinyon lang po.
I think legal ang sabong kasi kapag nag apply ka ng sabungan ay dadaan lahat ito sa local officials at meron kang tax na binabayaran sa gobyerno. Hindi ka naman siguro nila ita tax kung alam nilang illegal ito kasi merong official receipt iyan at meron silang personnel na nagpupunta sa sabungan.
Illegal ang tupada pero bakit mo ito konkontrahin kung sabungero ka and just let them enjoy the adrenalin ride. :D

CANDABA SQUARE GARDEN:hippie:

Kung sino ka man na representative ng SAGUPAAN Feeds na nagpunta sa sabungan ko ay maraming salamat.

:wink2:

powwow
May 29th, 2005, 07:24 AM
AYAW NAMIN NG PRESIDENTIAL DECREE YAN AY ANG SPECIAL COCKFIGHTING LAW. GUSTO NAMIN ALISIN UNDER CATEGORY NG ILLEGAL GAMBLING AT GAWING LEGAL SPORT. :D :D

GUSTO NAMIN PERMANENT HINDI TEMPORARY :lol: :lol:

FORTBONIFACIO
May 29th, 2005, 07:32 AM
yan po ang gusto namin.....protected ng saligang batas na kahit na may **** pang pumasok sa pilipinas hindi ito basta mapapawalang bisa.......:sprcool: :hat: :hombre: :crazy:

powwow
May 29th, 2005, 07:33 AM
ALISIN SA REVISED PENAL CODE UNDER CLASSIFICATION ILLEGAL GAMBLING AT ILAGAY SA SPORT :D :D

arneld
May 29th, 2005, 12:06 PM
Noon itinatag ng gobyerno ang Philippines Gamefowl Commission para mamahala pero nawala rin dahil sa pagpapalit palit ng administrasyon.

Siguro oras na para ibalik ito. Ito po ay opinyon ko lang.

llamadista9
May 29th, 2005, 01:03 PM
Nagtataka lang ako, kung hindi legal ang sabong sa atin bakit ang daming sabungan at may mga permit naman galing sa ating gobyerno. Bakit ang hinuhuli lang ay ang tupada, ano ang pagkakaiba ng dalawa kung parehong illegal ang mga ito? Hmm, Chili pakipaliwang lang sir dahil ikaw lang ang alam kung may sabungan dito.

toneboy
May 29th, 2005, 03:05 PM
di na kailangan iyan. legal na ang sabong di na kailangan gawin pang legal. pag wala nang corrupt opisyal sa gobierno diyan delikado na. habang maraming kawatan na government official kahit tupada ginagawang legal na. at pag di na mag sabong ang ibang pare. kaya in short legal na legal ang sabong sa atin at di na kailangan pa nang batas na maging legal.

juan sabungero
May 29th, 2005, 03:16 PM
yun pong nagsasabatas ng sabong ay ang cockfighting law of
1974 (PD 449) kung babasahin po natin ito ay defunct na halos
yun mga major functions na siyang dapat nagkokontrol at mag-
aasikaso nito.

nararapat at napapanahon na para bigyan pansin ito at
marepaso para umangkop sa pangkasalukuyan panahon at
pangangailangan.

dapat magsama sama tayo at magbigkis braso para maisaayos
ito at maging handa sa mga malitanteng organisasyo gustong
ipatigil ang ating sabong na kinukonsidera nating isang heretage
na ng ating kultura.

FORTBONIFACIO
May 29th, 2005, 10:54 PM
taas ko lang para maliwanagan kayo:hat: :hombre: :sprcool: :crazy:

ryan72_2000
May 30th, 2005, 12:42 AM
legal naman ang sabong pero ang iligal ay ang karamihang nagaganap sa loob ng sabungan. iyan ang dapat bigyan-pansin katulad ng pag-bibigay kwalipikasyong nararapat at pagpapalisensya sa mga sentenciador at mananari. batas din na dapat ipairal tungkol sa mga tsekeng umiikot sa loob ng sabungan at sa mga teka-tekang mamumusta at kristo-negosyanteng walang puhunan, na walang ginawa eh kundi mag-paikot ng mag-paikot ng puhunan ng may puhunan.

FORTBONIFACIO
May 30th, 2005, 01:01 AM
isa pa iyan sa magiging dahilan ng magpapawalang bisa ng sa ngayong pagka legal na maituturing sa ngayon ng sabong...pero pag nagsimula ng maghain ng reklamo ang mga anti-sabong at isiwalat ang mga bagay bagay na nagaganap na hindi mabuti sa loob ng sabungan....malamang pumuntos sila.......malaki ang nagagawa na kung ang pondo mo ay sintaas ng gusali ang kwarta :D

ryan72_2000
May 30th, 2005, 01:27 AM
ang sabong sa pinas ay parang relihiyon iyan, tanggalin mo iyan ay baka mag-kudeta ang mga sabungero :D sa ngayong nag-hihikahos ang pinas ay di basta-basta matatanggal iyan, nag-iisip pa nga ngayon ang gobyerno kung saan makakuha pa ng dagdag na income katulad ng tax.

ang kailangan lang ay ang pagpapatibay ng mga regulasyon na paiiralin sa loob ng sabungan, katulad ng pagtatax sa mga sentenciador, mananari atbp. para maiwasan ang anomalya at proteksyon na rin sa mga nangangapital. ang hirap nga niyan sa ngayon ay legal ang sabong pero walang sapat na panuntunan na susundin kaya tuloy maraming anomalya na nangyayari.

powwow
May 30th, 2005, 09:09 AM
WAG NA PO TAYONG MAG KURO KURO PA AT I DUMP NA ANG SPECIAL COCKFIGHTING LAW NG 1974 AT IPAGLABAN NA MALAGAY SA CLASSIFICATION NG SPORT ANG SABONG PARA HINDI MAGALAW NG **** :p

talisayon/balaw
May 30th, 2005, 09:02 PM
tnx...pareng juan...

saludo ako niyan...sa ngayon pa lang dapat makabuo na tayo ng isang panukala para sa mga gusot...bale handa na tayo kung me gyera...halimbawa...ang mga uniform ng sabong personnel..kristos..sentenciador..doctors..gaffers ..etc...at dapat nakabayad ng tax..maski pinakamaliit at exempted...dapat me isang grupo na bubuo nito at ibigay sa congress o senador na sabungero...at maski tindero o tindera..dapat restricted to 18 and above ang sabungan...basta dapat we are one step ahead...yon lang....

\('',)/
June 1st, 2005, 04:10 AM
pag inom ng kape, HINDI MAWAWALA ANG SABONG SA PINAS!:rbounce:

powwow
June 1st, 2005, 11:35 AM
\(," $)/ MARUNONG KAMING UMINTINDI NG BATAS NOH ALAM NAMIN KUNG TEMPORARY O PERMANENT. MASAYA KA NOH DAHIL PILIPINO HERITAGE ILLEGAL KUNG BAGA SA PANAHON NG HAPON ISA KANG MAKAPILI

FORTBONIFACIO
June 1st, 2005, 11:41 AM
si kumander BAYONG yan preng POWWOW.....kita mo naiiba sa lahat ang handle name nya....parang gulay ng sitaw at patani...DPI yan:D :D :D

powwow
June 1st, 2005, 11:54 AM
OO NGA \(",)/ TINGIN KO KALABASA NA MAY DALAWANG SITAW SA TABI ANO GAGAWIN NIYANG SAHOG DYAN E KUNG PATI KAPE PINAGBABAWAL NA TAYONG UMINOM. INUUMPISAHAN TAYONG GULUHIN SA LABAN NATIN HALATANG HALATA. KULANG SA LABATIBA ETONG BAKLANG ETO DAPAT DITO BUGAHAN NG MAINIT NA TUBIG NA MAY CLOROX

powwow
June 1st, 2005, 12:13 PM
MANONG JUAN NAMIN SANA SA PETITION NATING MAGING LEGAL ANG SABONG GAWIN NATING CONTROLLED ACTIVITY ETO TUWING SABADO AT LINGGO LANG PARA HINDI NAMAN MASIRA ANG ATING MGA TRABAHO PANG PAMILYA MONDAY TO FRIDAY. AT ISAMA NA RIN ANG PAGHINTO SA KARERA NG KABAYO MONDAY TO FRIDAY EVERY WEEKENDS NA RIN LANG NAKAKASIRA ETO SA PANGHANAP BUHAY NG MGA PILIPINO ORAS NG KAYOD MAY SUGALAN ANO BA ETO NOH

FORTBONIFACIO
June 1st, 2005, 12:23 PM
hindi ba pwedeng isama iyong mga legal holiday....huwag lang yong mahal na araw........

powwow
June 1st, 2005, 12:30 PM
TAMA ISAMA ANG LEGAL HOLIDAYS BUTI NA LANG NAALALA MO NASAAN NA KAYA SI MANONG JUAN NATIN BAKA BUSY SIYA PAGGAWA NG MGA FORMS

juan sabungero
June 4th, 2005, 11:55 PM
powwwow dito lang ako at namasyal sa ibang lugar nakibalita
sa kanilang pakikipaglaban.

balakin pala nila ang magtatag ng isang party list para sa mga
sabungero na siyang tatalakay sa pagsasabatas ng sabong at
magtataguyod ng mga regulasyon at tututol kung sakaling
pasukin tayo ng ****.

powwow
June 5th, 2005, 12:53 AM
MANONG JUAN ANG PROBLEMA HINDI YATA PINAPANSIN E PURO NA LANG SANA SANA DAPAT DAPAT ANG NANGYAYARI E DAPAT TULOY TULOY SAYANG ETONG JUNE 12 NA DARATING KUNG MAIHABOL SANA NA MAKAKUHA NG PERMIT SA CITY HALL KAHIT MALIIT NA GRUPO LANG SA UMPISA SUMALI SA PARADA MAY BITBIT NA MANOK SIMULA NA YAN KUNG MAA APPROVED DYAN NATIN MALALAMANA ANG KALAGAYAN NG SABONG NATIN SA PINAS KUNG MAY PAG ASA PA ETONG MA LEGAL AS NATIONAL HERITAGE. :confused:

denas06
June 5th, 2005, 04:16 PM
Inuumpisahan na nung artistang Chin-Chin Gonzales ang pakay ng ****.Inuumpisaan niya sa mga isda at maging vegetarian daw tayo .TIGNAN PO ANG ARTIKULO SA SUNSTAR.COM.PH dated June 4 or 5 2005.Kaya kailangan na talaga ang PARTY LIST NG MGA SABUNGERO SA CONGRESO.

powwow
June 5th, 2005, 11:34 PM
DENAS06 TAMA KA MATAGAL NA YAN NAUMPISAHAN AT ITINATANIM YAN SA ISIP NG KABATAAN. SO....

ARE WE JUST GONNA SIT AND WAIT TILL IT HAPPENS OR FIGHT TO UNCHAINED OUR HERITAGE FROM THE BONDAGE OF DISCRIMINATION

" FIGHT FOR THE CONSTITUTIONAL RIGHTS OF OUR HERITAGE "

juan sabungero
June 6th, 2005, 08:38 AM
mga kakmeyts unti-unti na tayong inuumpisahan ng **** at ***.
pawang mga propaganda na siyang magtataguyod ng kanilang
pundasyon sa kaisipan ng sambayanan pilipino ang kanilang
unang gawain. batid nila na mas malakas nag kanilang dating sa
masa sa pag gamit ng mga movie personalities.

dito lamang ay nagpapahayag na itoy isang malaking
organisadong samahan at kayang gumastos ng malaki sa
kanilang isinusulong na mithiin.

huwag nating tulutan na itong ating heritage sport na sabong ay
kanilang nakawin sa mga darating na henerasyaon.

ang ating pakikialam sa ngayon ay siyang magtataguyod sa
katatagan ng sabong sa mga darating na panahon.

nosi balasi
June 8th, 2005, 07:20 AM
itaguyod ang ating heritage sport !

denas06
June 9th, 2005, 01:31 PM
Sa pamamagitan siguro nito natin mauumpisahan ang paglaban sa mga **** at *** kung ayaw umpisahan ng mga kasalukuyan nating mga CONGRESSMAN.Bumuo ng Partylist ang mga different existing gamefowl associations.Kung mahalal meron pork barrel ito at suweldo ang rep natin at puro pangsabong lang gawing panukala para active at sabong sa kongreso.

juan sabungero
June 9th, 2005, 04:02 PM
tulad ng aking natunghayan sa kabilang site mayroon silang isang mungkahi
sa pagtatag ng isang party list na siyang kakatawan sa interest ng mga
pilipinong sabungero.

ang masakit totoo napakarami nating mga kasamahan mga sabungero sa
kongreso at senado pero mapapansin mo na low profile silang isulong ang
anumang batas na may kinalaman sa sabong. ito'y sa kadahilanan
kinatatakutan nilang mawala sa kanilang boto ang mamayang hindi panig sa
sabong. samantalang kumpante sila na hindi bibitiw ng suporta sa kanila ang
mga sambayanang sabungero.

ang tanging solusyon dito ay isang kilusan na siyang magiging representative ng
mga pinoy sabungero sa kongreso sa pamamgitan ng isang party list na walang
ibang layunin kundi isulong ang magiging kapakanan ng sabong sa ating bayan.

powwow
June 9th, 2005, 07:12 PM
MGA KABALIKAT, MALABO YANG INIISIP NINYONG MAGBUO NG ISANG PARTYLIST SA KONGRESO PARA SABONG. UNANG UNA ILLEGAL ETO PAANO MANGYAYARI YAN? KAPAG NAI LEGAL ANG SABONG AS SPORT, MAGKAKANDARAPA NA YAN SA POSISIYON NA YAN. ANG UNANG DAPAT GAWIN AY IPA SPORT CLASSIFICATION ANG HERITAGE NA SINASABI.

MANONG JUAN, NAMASYAL DIN AKO DOON SA SINASABI MO SA KABILA. GAYA DIN DITO PURO SALITA. AT MERON NA PALANG PHILIPPINE GAMEFOWL COMMISSION, BAKIT HINDI ETO ANG KUMILOS SA PA LEGAL? ANO BA ETO, SPECIAL DIN!

powwow
June 9th, 2005, 07:52 PM
INDEPENDENCE DAY IS IN THE AIR, LET'S SEE MORE MORE COLORS FLYING FOR OUR HERITAGE.

LET'S ORGANIZE, FREE HER.

juan sabungero
June 9th, 2005, 09:08 PM
powwow iyan phil. gamefowl commission ay halos magkasunuran
itinatag doon sa phil. cocking law. isang primary duty nito ay ang
tumitingin sa pag import ng mga gamefowls at si serge
capistrano kung hindi ako nagkakamali ay naging commisioner
nito. pero dahil sa kawalan ng budget nawala na rin ito parang
bula.

yun mga politikong mga sabungero naka puwesto ngayon ay
hindi makikialam ang mga iyan dahil marami pang hindi
sabungero sa pinas at takot baka sumabit sila sa susunod na
election. sa partylist ilang pursiyento lang ng botante ang
kailangan mas madali magkaron ng representante ang mga
sabungero kaysa sa mag lobby sa kongreso.

kung isang NGO na kilusan ay malaking pera din sa pag lobby sa
kongreso kung ang mga ito ay hindi matatakot tulad ng
nabanggit ko.

pero unti unti tuloy yun laban ito naman ay pang mahabaan
laban at yun susunod na henerasyon ang makikinabang nito.

powwow
June 10th, 2005, 01:49 AM
MANONG JUAN AT MGA KASABONG, TUTAL WALA NAMANG SUMISIGAW KUNDI ILAN LANG SA LEGALISASYON NG SABONG, GANITO NA LANG GAWIN NATIN, MAG GATHER TAYO NG ISANG MALAKING GRUPO LAHAT MAY DALANG MANOK AT PUWESTO TAYO SA HARAP NG GRANDSTAND SA JUNE 12. PAG NAG UMPISA NA PARADA, PA PUTAKIN NATIN ISANG PULLET O PILIPITIN ANG LEEG BAHAGYA, PARA MAGPUTAKAN ANG MGA TANDANG, SIGURO NAMAN MADIDINIG NA DAING NATIN MANOK NA SUMISIGAW EH :lol:

raul dimaandal
June 10th, 2005, 03:41 AM
wala pa si magellan dito sa atin ay meron ng sabong,hindi pa uso ang salawal nagsasabong na mga ninuno natin ganu kalalim nakatanim sa ating kultura ang minamahal nating libangan kaya ni sa panaginip wala akong ka-kaba-kaba sa grupo ng **** o aspac . para na silang bumanga sa pder hehehe

powwow
June 10th, 2005, 10:42 AM
' GO WEST WHERE THE GRASS IS GREEN. GO EAST WHERE THE ACTION SOARS '

STAND TALL, BE PROUD, FREE OUR HERITAGE.

powwow
June 10th, 2005, 11:16 AM
" SCENERY FROM THE PHILIPPINES "

http://img.photobucket.com/albums/v682/powwow/cf40473b.jpg

' PASIG RIVER IS A PILIPINO HERITAGE TOO '

denas06
June 10th, 2005, 11:22 AM
Kung ilegal, ang sabong ay katulad lang iyan ng mga association at organisasyon na pumaparada sa mga lansangan na alam natin na illegal din ang layunin or backed by leftist or communist leaning groups na pinayagan sumali sa election sa pamamagitan ng PARTYLIST, so palagay ko puwede rin ganoon gawin natin para nga mapatibay pa natin ang tayo ng sabong at unahan na natin na maisabatas ang legalisasyon nito.Alam naman natin ngayon na ang impact ng sabong sa economy natin,kaya ipasok lang sa agenda ang positive effects ng sabong sa bansa baka pumasa ito kung me nagsusulong na isang partylistcongressman,di tulad kung lobbyist lang lumalakad.

powwow
June 10th, 2005, 11:30 AM
KA RAUL, TAMA KA WALA PA SI MAGELLAN MAY SABONG NA. TULAD DIN YAN NG MGA SINAUNANG PINOY HANGGANG NGAYON WALA PANG MAISUOT.

http://img.photobucket.com/albums/v682/powwow/19dc0896.jpg

YAN ANG TINATAWAG NA 2 FIZ

FORTBONIFACIO
June 10th, 2005, 11:38 AM
basura ay dapat pakaingatan.....
at itapon lamang sa nararapat kalagyan
para hindi kumalat-kalat kung saan saan
ng di humambalang sa imburnal at magsanhi
ng pagbabaha sa lansangan.......... :rbounce:

muli ay tag ulan na naman
perhuwisyong dala ay dagdag pasanin pa......
kaya tayong mamamayan disiplina
ay pairalin sa pagtapon ng basura
siguruhin lang sa dapat kalagyan
kung ano ang iyong tinapon na walang pakundangan
pagbalik nito may dalang hindi natin kalulugdan.... :rbounce:

turagsoy naga langoy langoy sinagpang na turagsoy.........:sprcool:

powwow
June 11th, 2005, 03:07 AM
ANOTHER PILIPINO HERITAGE!!??? FROM THE SHORES OF MACTAN WHERE LAPU LAPU FOUGHT MAGELLAN, TO NOW.

http://img.photobucket.com/albums/v682/powwow/a3730607.gif

FPJ WON IS THE PROTEST

FORTBONIFACIO
June 11th, 2005, 03:15 AM
nakaranas dayain ang mga pinoy.........gumising kayo!!!!......pilipino heritage na rin yan.......:D :rbounce: dapat sa inyong mga nag contribute sa kinasapitan sa ngayon ng pilipinas dapat e-firing squad.......:rbounce:

ryan72_2000
June 11th, 2005, 03:35 AM
klasmeyt,

di pa kasi natin nararanasan iyung tinatawag na "extreme turning point" na katulad ng nangyari sa japan. kapag nangyari iyan, lahat ng mga matanda at masamang nakagawian ay maglalaho. ang mga politikong pulpol ay kasamang matutunaw. mula diyan, ang pinas ay babangon muli dala ang bagong pag-asa at tuluyan ng uunlad :)

powwow
June 11th, 2005, 03:45 AM
' ARE WE CHINESE ? '

http://www.manilatimes.net/national/2005/jun/11/yehey/top_stories/20050611top9.html

IS THIS THE TURNING POINT ?

powwow
June 11th, 2005, 03:54 AM
TALAGANG WALA NA YATA TAYONG PAG ASA MGA PINOY.. ETO PA O ..

http://www.manilatimes.net/national/2005/jun/11/yehey/top_stories/20050611top1.html

ANG GULO GULO NA NOH ! [SIZE=4]TSINOY PALA AKO ! ANO NA MAGIGING TAWAG SA PINAS NIYAN?

CHINESE PILIPINO REPUBLIC OF THE PHLIPPINES ORGANISATION OF THE COCKFIGHTING LIBERATION OF HERITAGE .

HINDI PWEDE TO NOH, ANG HABA !

ryan72_2000
June 11th, 2005, 04:09 AM
ang latest ay diyan na sila sa san carlos seminary kasama mga ilang artista at pulitiko na kapanalig ni late FPJ.

$1 = 55.20 na. sus! ano ba iyan :( n

powwow
June 11th, 2005, 04:16 AM
NAGIGING YEN NA :lol: :lol: HINDI KAYA MAPARIS TAYO SA TAIWAN SOON. DATI POLYNESE COUNTRY YAN EH NGAYON CHINESE NA :lol: :lol:

SABAGAY HINDI AKO APEKTADO NIYAN KASI TUWING SUWELDO NAMIMILI AKO NG DOLLARS KAYA DAMI KO NA NIYAN. BIRO MO ILANG TAON KO NG GINAGAWA ETO! HAHAHA

ryan72_2000
June 11th, 2005, 04:21 AM
:D meron din ako kaunti nga lang. palagay ko tataas pa iyan. lalaki tubo mo niyan :D

powwow
June 11th, 2005, 04:29 AM
YA PRE, IPON NG IPON PARA PAGPALIT NATIN NIYAN MILYONARYO NA TAYO AGAD :lol: :lol: DOON TAYO SA RINGSIDE NG WSC :D

ryan72_2000
June 11th, 2005, 04:32 AM
hehehe ringside ng WSC - sige tabihan kita at magnenegosyo na lang ako, magdadala ako ng maraming cash. kapag naolat ka at naubusan ng peso eh sa akin mo na lang papalit dollar mo :lol:

powwow
June 11th, 2005, 04:38 AM
PRE RYAN, MANONOOD LANG AKO NOH, ANO KO SIRA TAGAL KONG INIPON ETO NOH :lol: :lol: KAILANGAN KUNG GAANO KO KATAGAL INIPON TO GANON DIN KATAGAL DAPAT I ENJOY NOH :rbounce: :rbounce:

ryan72_2000
June 11th, 2005, 04:43 AM
:lol: sige, pre paramihin na lang natin. doon ka sa kabila, opposite tayo ng upuan, tatabi tayo sa mga big time tapos magkukuntsaba na lang tayo sa negosyo :lol: :rbounce:

powwow
June 11th, 2005, 04:56 AM
NO PRE, KAHIT NEGOSYO TAKOT NA RIN AKO BAKA MALUGI :D PATI PAG AASAWA NGA NAKALIMUTAN KO NA NOH GAWA NITONG LINTEK NA DOLYARES NA ETO EH. PERO TUWANG TUWA NAMAN LOLA KO NATUTO DAW AKO :lol: NOONG HULI KONG UWI PINASYAL AKO NG KAIBIGAN KO SA MAYNILA TAPOS KUMAIN KAMI NG STEAK DYAN SA DEWEY BLVD. TAPOS KUKUHA DAW KAMI NG GIRLS SABI OO SIGE, NANG MALAMAN KO PRESYO ABA, MAS MAHAL PA NGA YONG BINAYARAN KONG STEAK EH :lol: BIGLA AKONG UMAYAW NATAKOT AKO :lol: GUSTONG GUSTO KO NG UMUWI PERO PARANG NAGING ASAWA KO NA PAGBILI NG DOLLARS KAYA HINDI MAIWAN EH. PERO MAY PLANO AKO BAKA ETONG UWI KONG SUSUNOD DI NA AKO BUMALIK, ENJOY NA LANG SA PROVINCE.

ryan72_2000
June 11th, 2005, 05:09 AM
pre, pag year 2015 ka pa uuwi eh isang damukmok na dollar na iyang madadala mo. sabagay, makakatulong ka ng malaki niyan sa ating bayang pinas :D

FORTBONIFACIO
June 11th, 2005, 05:44 AM
kung 2015 ka pa uuwi....tiyak balik na ulit sa $1=1 pesos na ....kasi ako na ang presidente ng time na yan:D lahat noong mga pulitiko at pribadong sektor na nag contribute sa pagbagsak ng pilipinas ipa-firing squad ko:D doon sa tabi ng rebulto ni Jose Rizal......para isama sa kanya yong mga sinabi nyang ang kabataan ay syang pagasa ng bayan.......ayan ang mga corrupt mong kabataan:D :rbounce:

powwow
June 11th, 2005, 05:51 AM
HAHAHA 2015 ????? KUNG MAY PILIPINAS PA :lol: :lol: HINDI NA AKO TATAGAL DON NOH :lol: NEXT YEAR UWIAN NA :rbounce:

juan sabungero
June 11th, 2005, 09:33 AM
sige tuloy ang laban natin baka bukas wala ng kongreso
iba ng kausap natin sa dami ng magugulo at matakaw. . .

FORTBONIFACIO
June 11th, 2005, 11:31 AM
palagay ko nga baka mawala na ang kongreso........sabi ng mga Bro. ko mukhang magiging madugo ang laban dito .......hindi ito magigiging peaceful kawawa na naman dito ang mga sibilyan.........ano sa palagay nyo gaano na lang kahaba ang pisi ni GMA:rbounce: :rbounce: :rbounce:

powwow
June 11th, 2005, 01:36 PM
PRE FORT, BAKA PAG GISING NYO DYAN SA PINAS BUKAS IBA NA PRESIDENTE :lol: :lol:

powwow
June 12th, 2005, 02:24 AM
TREAT COCKFIGHTING NOT GAMBLING, BUT A SPORT, A RECREATION. BET FOR FUN SO EVEN THOUGH WE'LL ALL BE SMILING.

' HAPPI INDEPENDENCE DAY ' IT'S JUNE 12, WE'RE FREEEEEE AGAIN :confused:

powwow
June 12th, 2005, 04:54 AM
MANALANGIN PO TAYONG LAHAT NA NAWA'Y ILIGTAS ANG MGA PILIPINO SA ANO MANG KAPAHAMAKAN... AMEN.

http://img.photobucket.com/albums/v682/powwow/c992dfcd.gif

ryan72_2000
June 12th, 2005, 04:29 PM
si jesus christ ang nakikita ko sa pix ni powwow :)

mukhang iba na ang membership ni powwow :D bakit kaya :(

denas06
June 12th, 2005, 04:47 PM
Pareho tayo ng nakita.Ano kaya ibig sabihin nito.Ako ginawa ko sa kabilang thread "Palawan with antivirus "si Jesus Christ din nakita ko.

ryan72_2000
June 12th, 2005, 05:07 PM
brod denas,

di ko rin maipaliwanag kung bakit ganun ang nakikita pagkatapos mong titigan. ewan ko lang "sila" eh bakit di nila ito makita :)

denas06
June 12th, 2005, 05:19 PM
sinubukan ko sa picture ng thread na ito pagkatapos ng post ko binalikan ko picture at ginawa ko uli procedure ayon sa instruction,si Jesus Christ pa rin nakita ko kagaya doon sa kabilang thread.
Ewan ko din Bro. Ryan kung ano ibig sabihin nito at iyong iba walang nakita.Ako sinubukan ko 2x,2x ko rin nakita ang iisang picture.

ryan72_2000
June 12th, 2005, 05:42 PM
brod denas,

baka kaya iyung di naniniwala o walang konsyensya eh ayaw niyang pakitahan :D it's a matter of concentration lang palagay ko para makita mo siya :)

juan sabungero
June 13th, 2005, 09:08 PM
nakop! anong kaya nanyari sa tagapagsalita ng kilusan para sa
legalisasyo ng sabong. isang malaking kawalang si kasamang
powwow.

atin ipagdasal nawa'y manumbalik na agd ang kanyang kaluluwa
dito sa site para maipagpatuloy ang laban.

powwow labas na diyan at ituloy ang laban ! :lol:

ryan72_2000
June 13th, 2005, 09:24 PM
panyero juan, mspowwow na yata siya ngayon :D

preng powwow, balik ka ulit dito :)

FORTBONIFACIO
June 13th, 2005, 10:05 PM
ipinahihiwatig lang ni katotong POWWOW...[MIA]...na play sabong religiously........hindi kaya yang imagination nyo ay nakatutok lang sa isang object:D....nakikita ko isa sa meyembro ng grupong GRANDFUNK RAILROAD:D :rbounce: :hippie:

ryan72_2000
June 13th, 2005, 10:14 PM
panyero FB,

masyadong matalinhaga ang iyong huling tinuran - di ko tuloy maintindihan :D

FORTBONIFACIO
June 13th, 2005, 10:29 PM
ang ibig kong sabihin ganyang konsentrasyon ang kailangan para mabuo ang isang object na iyong pinaniniwalaan....ngunit kung hahaluan pa ito ng ibang bagay mag kakaroon ng ibang kahulugan....kahit nga bakod lang kapag merong humugis na hawig sa iyong pinaniniwalaan at dahil doon lang sa iniisip mo ang konsentrasyon mo lumalabas na sya ito.....haluan mo ng ibang pag iisip yan tiyak hindi na yan ang iniisip mong si JC.....baka maging si JS na yan:D

ryan72_2000
June 13th, 2005, 10:54 PM
ahhh...ganun pala iyun :lol:

FORTBONIFACIO
June 14th, 2005, 01:05 AM
ulo lang yong inilagay ni POWWOW......baka naman iniisip mo yong may kasamang leeg:lol: :rbounce:

juan sabungero
June 14th, 2005, 08:37 PM
mga kasama ayon sa aking nasagap na inpormasyon ay mukang
nababahala ang ating ibang mga kasabong na nagpapatakbo ng
mga sabungan sa kanilang mga lugar. ang kanilang ikinababahala
ay kung sakaling maihain itong pag ameyenda sa batas para sa
sabong ay baka sila ang maipit at dagdag pabigat pa sa kanila

basahin po natin ulit yun kasalukuyang batas
http://www.lawphil.net/statutes/presdecs/pd1974/pd_449_1974.html

ano sa inyong palagay mga kasama.

juan sabungero
June 16th, 2005, 01:21 PM
mga kasama napapanahon na nga ba na magtayo tayo ng isang
party list para mag asikaso sa mga batas na may kalaman ang
sabaong - ating customary at traditional na recreation at
entertainment .

juan sabungero
June 17th, 2005, 08:16 PM
kailangan ang isang organisadong samahan para isulong
ang ating layunin isaayos ang batas para sa sabong !

juan sabungero
July 9th, 2005, 10:08 PM
sa nangyayari gulo na ito sa ating gobyerno ano kaya ang
epektong madudulot nito sa ating national recreation na
sabong.

ito kayang bird flu ay hindi isang scare lamang napakana ng
mga *** o **** para idamay ang ating mga manok panabong !
dito natin lubos na masusubukan ang mga sabungerong
mambabatas.




http://www.info.com.ph/~otap/tsm.gif

parongbukid
August 1st, 2005, 05:13 PM
ang aming layunin kami ay matuto

upang sa aming lugar kami makatulong

at aming ingatan ang kayamanan

ng aming kultura't kaugalian

juan sabungero
August 2nd, 2005, 02:04 AM
parong bukid
salamat sa pagbibigay buhay mo sa panawagang ito

nawa'y ikaw ay aming matulungan sa iyong layunin

sabong ay isang filipino heritage na ankin yaman
ng bayan sinilangan

tayo'y magtulong tulong upang ang kultura't kaugalian
ay maingatan na siyang tanging ipapamana sa kabataan

ryan72_2000
October 23rd, 2005, 09:07 AM
aba, aba si pareng JS ay tila bagang ang pangungusap ay hawig sa makatang si huseng batuta :D

goryo888
October 23rd, 2005, 10:13 AM
Ang SABONG na nakaugalian
Simula pa nong ako'y ISILANG
Hinding hindi basta hahayaan
Na basta sino lang, ang siya'y HAHADLANG



Oks ba Preng Ryan?? Mala Huseng Batuta rin ba?? :D

ryan72_2000
October 23rd, 2005, 10:43 AM
pareng goryo, parang si francisco baltazar na ang dating ng tula mo :D

FORTBONIFACIO
October 23rd, 2005, 12:32 PM
tatay ng lolo ko.......
ang larong sabong amin ng kinamulatan
na isang maginoong labanan
bagamat manok lamang ang pinaglalaban
maginoo naman ang may tangan
kaya sa ikalawa at susunod na salin lahi
larong sabong ay inyong ingatan at palawigin
kung sinuman ang mag sisilbing balakid
sa sabong na kinamulatan
muli akong babangon sa pagkakahimlay
upang muling makibaka sa pagtatangol sa sabong
kung sila ay mapilit na buwagin ang larong kinagisnan
mga anak ko at sampu ng apo ko
muli naming ipagtatangol upang mapanatili
ang malayang pagsasabong
kahit sa makabagong panahon
mga apo koy pagbibilinan ko na ipagtanggol
ang natitirang kulturang pilipino
AWWOOOOOOO!!....who let the dog out!!...woh!..woh!...woh!...woh!...woh!...woh!...w oh!.:D

ryan72_2000
October 23rd, 2005, 12:41 PM
:lol:

klasmeyt, pati patay eh babangon sa tula mo na iyan :lol:

beakheel
January 6th, 2006, 07:26 PM
kung maglalagay o magdadagdag pa tayo ng isang upuan sa kongreso na para lamang sa sabong...naku dagdag pasanin na naman yan ng bayang pinoy at sabungero....baka tumaas pa lahat ang kakaltasin sa parada mo pati na ang bayad sa pinto...
di na kailangan yan dahil ang sabong ay malaya namang tinatamasa ninuman sa pilipinas.

ang **** at kung alinmang humane organization na iniisip nating magiging hadlang sa sabong sa ating bayan ay walang magagawa dahil wala silang masasandalang organisasyon na mas madami ang bilang kaysa sa bilang ng mga mananabong.

mas nakakatakot pa kung maglalagay tayo ng kinatawan dahil maari itong mabili ng mga organisasyon na tulad ng ****...mapalagay pa tayo sa tyope...

ang mga lugar na nasa ilalim ng u.s. territory at iba pang commonwealth tulad ng puerto rico, guam, saipan ay di nila magalaw dahil sa pananaw ng mga mamamayan dito na bahagi ito ng kanilang tradisyon.........pilipinas pa kaya na isang bansang independent.

jaran
January 7th, 2006, 07:35 AM
ang sabong hanggang sa ngayon. Ang kailangan pigilan ay yung pagkakaroon ng batas para gawing illegal ang sabong.

Di ba sa Amerika ngayon sa balita, halos 200 Congressmen ang involve sa lobbying bribery kaya nga maraming batas doon ang nailalabas para sa interes ng mga tao o mga grupong may pera tulad ng mga *** at ****.

Kung sa Amerika nagkakalagayan , sa Pilipinas pa kaya.

At saka ang mga Congressman natin, naghihintay talaga ng highest bidder ang mga yan bago bumoto. Alam na natin lahat 'yan.