PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 [10] 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

toyting_pasay
February 14th, 2006, 07:18 AM
ka DD tamang tama pala laban ni ka joey sabado, bakante ako nun. cge punta ako.
para makakita naman me ng manok na nakabahag na ilalaban sa roligon. he he he

di bale ka goryo na di ka uminom basta dun ka rin sa kita kitz. mamulutan ka na lang para malasing ka sa pulutan, he he he


ka blakjak, magpakundisyun ka na rin, mukhang aapaw sa serbesa eto.........

jojo60
February 14th, 2006, 11:43 AM
MAGANDANG UMAGA MGA KABAHAG!!!

Aba eh kapag ganyan ang usapan ay baka lumipad na kaagad kami ni KA GORIO..GARY BOY anong say mo...maski na hindi ka umiinom eh magdadala ako ng mga ehemm para inumin naman ang lakas mo...

sige sabihan ninyo lang kami ni GARY boy at isang litson kami..walang tanggi iyang partner ko kc panay overtime d2 niyan para bang gustong iuwi lahat ng $$$$ papunta jan..

NSAN: hindi na tayo bata at wagkanang mag eksihibitiyon sa motorsiklo,kita mo pati si Ka Raul ay nakaranas rin ng Semplang..aray kuuu... kaya yata ayaw ng bumalik jan..:lol:

nasan ga si Ka Chuck??? meron ga kayong balita jan sa batang iyan.. sir joke lang po! MGA KAPATID INGAT LANG PARATI AT SA AWA NG DIYOS AY SANA'Y MAKAUWI KAMI DIYAN PARA SA KITAKITZ NATIN...

GOD BLESS YOU ALL!!!
:rbounce:

toyting_pasay
February 14th, 2006, 11:56 AM
ka jojo, kami rin sobra sobra ang lakas, baka pwede rin inumin ng dadalhin mo ang aming mga excess na lakas, he he he

sana makauwi nga kayo para madami tayong magkikita kits. ako rin kasi ay halos every holy week lang nakakauwi jan sa atin. baka ngayon matagal tagalan ang stay ko sa atin.

goryo888
February 14th, 2006, 12:12 PM
Ay sya, naku eh sinabi na ni Tol Jojo eh..di ayos laang......hindi nga ako nag oovertime...tinatamad na nga akong magtrabaho...kahit tawagan ako eh di ako sumasagot...kanina nga di ako pumasok....hehehe...kahapon kasi di ko nakita pangalan ko sa eskedyul....kaya tuwang tuwa ako.....di ko na inurirat...basta may nakakita naman na iba na wala ang pangalan ko eh di ayos....hehehe....pero sa Master list may pasok talaga ako....
Nakapaglakwatsa naman ng konti...hehehehe.....

Tol Jojo....talaga bagang mapapaaga ka??

Sya...kung wala pa ako dyaan eh ireserba mo yang maninipsip ng lakas ha....hehehe basta hwag laang kabilaan ayos yaan....hehee

blackjack
February 14th, 2006, 12:31 PM
La signal kanina umaga at palukoluko signal ng smart d2 ngayon kaya d ako nakapasok agad.....

Ka DD

d ko pa nadala mga stag kna raul at ung mga napipili k ay syang nahahapit agad.... later part this wik ay dadalhin k na baka mabawasan pa 2 uli.


nsan n g mga mangyan.....

goryo888
February 14th, 2006, 12:35 PM
Nandine laang sa tabi tabi........naku eh kakaluto laang ng nilagang kamote...eto nga at nauutot na....hehehehehe

Ka Blackjack ay sya tabihi na yan at ng makagulang gulang.....palibhasa ay tukoy na ang magagaling na lahi kaya ika'y ay lagi bagang pinapandaw dyaan...;)

sonny dela cruz
February 14th, 2006, 08:39 PM
Musta mga kabahag?


Ka goryo okey yun ah nakapag unwind ka pala kahit pano.

Ka Blackjack next time sama ka na alalay para kahit magdamagan ang inuman okey laang he he he.

Ka Jojo mukhang magkakasiya na laang ako nire sa picture ah.he he he okey lang.Dumadami na po tayo kaya lalong sumasaya at lalong tumitibay.

Ka dingdong musta nah?

Ingat po tayo lagi and God Bless.

goryo888
February 14th, 2006, 10:26 PM
Kumusta kayo??

Ka Sonny...............kayod kayod kayodddddd..........sige lang para makauwi tayo aga....hehehe

Tol Jojo.....mukhang ayos din naman ang mga laban di baga? Pero yung Jan. edition ay mas umaatikabo ano?

toyting_pasay
February 15th, 2006, 08:04 AM
magandang umaga sa inyo!!!!!!!

ka sonny makauwi ka rin ba sa holy week? sana makauwi ka na rin para masaya at mas marami.

goryo888
February 15th, 2006, 08:27 AM
Ok na...................mga Kabahag kumusta....

Ka Toyting nakapasok uli ako...ewan bakit nag eerror...

Gandang umaga sa inyo dyaan...

toyting_pasay
February 15th, 2006, 12:08 PM
ka goryo buti nakapasok ka na. kiniclick ko muna ung 1st page sa thread natin at paglumabas na, click ulit me sa last page. mas madali lumabas sa akin pag ganito ginawa ko.

akala ko nga kaninang umaga di me makapasok at may problema computer dito. ehh makulit ako kaya yun nakapasok din. he heh e

sana makapasok din ang mga iba nating kabahag.

gandang araw ulit!!!!!!!!!!!!!

sonny dela cruz
February 15th, 2006, 08:17 PM
Magandang araw mga kabahag.

Ka Goryo eto na naman umaga na naman kayooooooooooooood na naman ,kasawa na talaga,trabaho bahay tulog gising trabaho,ppero okey lang para sa pamilya at sa mga sundalo diyansa atin .

Ka Toyting pasay sana nga pero kahit hindi umabot isang tagay sabay dampot ng pulutan,kungbaga magdamagang inom at maghapong chicken talk sama ako ng lima sa inyo si,utol na nasa Cana-an pinsabihan ko na na sumaglit sa araw ng kitakits natin.

Pasok napo muna ng makarami.Ingat po tayo lagi ang GOD BLESS.

goryo888
February 15th, 2006, 11:33 PM
Buti ka pa nga Ka Sonny sa araw kumakayod ako eh sa GABI....nasira tuloy ang tulog ng Mangyannnnnnn..............di bale makakaAdjust din ako...

Sige mga Kabahag matutulog muna ako....;)

goryo888
February 16th, 2006, 07:03 AM
Mga Kabahag...gandang Umaga sa inyo...Ka Blackjack, Ka DD, Ka Alimbuyog, Kuya Joey, Ka Toyting, Ka MalayanHeat,
Tol Jojo....magandang hapon sayo at kay Ka Sonny...



Sa lahat Pagpalain tayo ng Poong Maykapal.... ;)

blackjack
February 16th, 2006, 08:13 AM
mgandang umaga din s inyo lahat!!!!

ka joey

maket nganito site natin???? hirap pumasok....pkiabiso naman s admin...kawawa naman ung ibang medyo mbagal linya baka d n 2loyang mkapasok!!!


Malayan_Heat

Nsan k na.....2mawag si olan at inayos naming dun mkakuha c gearge ng gagamiting manok kay bobot ong....Bomar farms....nagbukas din kc c bobot ng isa pang farm s Malvar, Batangas!!! puntahan namin nxt week at pipiliin ang mga gagamitin....bagsak lang c george s flu kahapon

toyting_pasay
February 16th, 2006, 11:14 AM
gandang araw mga kabahag. medyo dami inasikaso kaya ngayon lang.

ka sonny, ayus yan basta itatagay ka namin. wag masyado dami kwalta baka makidnap. hahah

ka goryo, kami sa gabi din kayod. sarap, he he. mas sobra kayod namin sa gabi kesa araw.


gud day ulit sa mga kabahag!!!!!

jojo60
February 16th, 2006, 01:28 PM
magandang pm po sa inyong lahat!!!

KA GORIO: ok ang mga laban ng JUNE edition..daming off colors ang bulagta maliban lang sa mga GREY ni MIKE romulo...masisipag at accurate cutting ang mga sundalo niya.

NSAN: nalalapit na ang pagdating ko jan..di ko lang masigurado kung anong petsa..basta aabisuhan na lang kita 3 weeks bago ako makapunta jan..

At sa lahat ng mga Mangyan kamusta po sa inyong lahat!!!:rbounce: :rbounce:

blackjack
February 16th, 2006, 06:37 PM
Mgandang balita yang sinabi mo.....baka abot m p ang anniverssary derby ng dragon arena, 4 cock derby 2 sa march 15 ito n pinaka-magarbong derby d2 s calapan city. 300K papremyo nila at 7,700 ntry fee.

basta abisuhan m lang ako....

joey bravo
February 16th, 2006, 08:08 PM
tol Goryo

naku kabahag, may kasalanan CF sa iyo. yung picture ng nokis mo na nanalo sa araneta ay yuon ang nilagay sa label ng VCD ng 5 CF 5 stag derby 2005. akala nila ay sa akin yun at nag pa print na ng 100 copies. honest mistake on the part ng nag reproduce, at napakita sa akin ay nagawa na. huli man daw ay pwede gang malagay yung pix ng nokis mo duon sa vcd? bibigyan na lang kita ng free copy hehehe

ka blackjack,

oo nga may server problem kahapon, inaayos na. napupuno database .

eto pala yung picture.

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/goryo2.jpg

joey bravo
February 16th, 2006, 08:32 PM
http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/02112006.jpg

manok ni kabahag DingDong

http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/02112006002.jpg

joey bravo
February 16th, 2006, 08:36 PM
http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/02112006006.jpg

http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/02112006001.jpg

joey bravo
February 16th, 2006, 08:40 PM
http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/02112006003.jpg

http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/02112006005.jpg

jojo60
February 17th, 2006, 12:13 AM
larga na iyan KA JOEY

O mga kabahag ano pa ang iniintay ninyo talagang pandiin na ni KA JOEY ang mga isasabak sa Roligon sa isang buwan na darating...

KA GORIO: marunong ang mga taga CF mamili at ung pinakagwapong sundalo natin ang pinang FRONT PAGE pa..kumbaga sa Penthouse eh MS.CENTERFOLD:rbounce:

NSAN: mukhang na pakaaga sa akin ang MAR.15 hindi ware ako makakadalo ng malaking paDERBY sa CALAPAN..di bale at matatagalan naman ako jan at lahat ng DERBY ay sasalihan natin para naman mamayagpag ang SANDUGO MINDORO...

mukahang panay White legged ang panlaban ni 'tol JOEY ahh.ang gaganda ng katawan at may gulang na rin sila...

blackjack
February 17th, 2006, 03:54 AM
Ka Joey

Pandiinan na talaga 2ng mga nilabas m....mga kabahag larga na. mukhang tabla lang pnakatalo natin d2. ang kikisig ng mga manok ni ka joey!!!!

goryo888
February 17th, 2006, 06:08 AM
Naku...ay walang Prob. yun Kuya Joey...ang lagay eh masaya pa nga, at para sa Tropa.. na rin yun..napalagay ang Sundalo ng mga Mangyan.... ;)
Naku ay mas lalong Ok....dahil may libreng Kopya pa....salamat ng marami sa libreng kopya....hehehe...pwede na kay Utol iabot yaan at ng may mapanood naman yung tao...at mapapanood ko rin naman yan pag napauwi ako...


Sya pili na mga kabahag kung alin dyaan ang bubuhusan ng todo...pero lahat ay ayos ei....

Ka DD yung acc # mo hwag kalilimutan para mapalitan yung nahiram ko sayo....medyo sikip laang ako sa oras ngayon dahil sa bago kong skedyul....

goryo888
February 17th, 2006, 11:59 AM
Pwedeng pustahan lahat yaan.....pero mas napupusuan ko yung kay Ka DD...at yung pang apat....yaan ay kung dalawang nokis laang ang pupustahan.......

Ano mga kabahag...dalawang buhos na laang.......o kaya ay pili ng kahit isa laang at todo pusta na lahat...minsan laang tayo pupusta....hehehe

Halimbawa ay kahit aling unang manok ni Kuya Joey....o kaya ay sa 2nd fyt laang...bahala na nga kayo...kung ano man...

DingDong
February 17th, 2006, 06:16 PM
ei, nakabandera na pala dine ang pang
roligon ng mga mangyan, he he he he

ayos ga mga kabahag . . . opinyon nyo
naman dyaan . . . ako'y doon pa din sa
11k tapos pag natalunan ei 5.5k ang
sunod na laban. kung panalo pirmis
sa 11k o mas malaki ng konti sa kursunada
na manok . . .

ka joey, ikaw ga'y may napupusuan na
kung alin dyaan ang pang elims o kaya
ang 1st, 2nd payt, hi hi hi . . .

ka goryo, teka ha pag maganda pa connection
ko mayamaya ei PM ko sau . . . kapag nasa iyo
na ang kopya ei pahiram ako ha, baka mahal
ang benta ei manghihiram na laang ako . . .

teka pwede kayang magkaroon ng kopya na
puro laban laang natin ka joey, iedit baga!!!


hala, pasok mga mangyan!!!

:rbounce:

blackjack
February 17th, 2006, 07:20 PM
kung sino man may kopya nyang laban natin s araneta ay pkidala naman s kitakitz at mpanood naman ng mangyang nand2 s mindoro.....

buhusan nyo na ang first fight at usually inuuna ang mga magagaling para mkapuntos agad!!!

toyting_pasay
February 17th, 2006, 08:24 PM
gandang araw ayyyy gabi na pala mga kabahag.


magugulang na pala panderby sa march 11, medyo stik ako sa betting style na propose ni ka dingdong. pandiinan na lahat ang mga ito......


pang centerfolfd nga manok mo ka dingdong..

goryo888
February 17th, 2006, 11:14 PM
O sige....larga yang stilo ni Ka DD.......sa akin eh kung alin sa tingin ninyo ang magandang diskarte....kung ako ang maglalaban eh...Eskalera ang pusta ko...hehee pag natatalo...para isang panalo eh Bawi na panalo pa.....


Sige unang pusta eh 11K agad......ayos yang diskarteng yan ni Ka DD...oo Ka DD...mapapanood mo rin yan...baka nga mauna ka pa kesa kay Utol na makapanood nyan...kasi syempre mauuna si Kuya Joey magkaroon nyan...meron na nga yata....

Ka Toyting...tama ka...yung kay Ka DD na nokis ehj talagang kaGwapo ei...pang Mr Universe ang tindig...

jojo60
February 18th, 2006, 12:26 AM
isip isip lang muna...

sa bagamat konti na lang ang puhunan ng mga Mangyan doon pa rin ako sa aking suhestiyon na ang 1st fight ay pustahan natin ng 5.5k at sa panagalawa kapag nanalo ay 11k.. hanggat nananalo ang ating mga sundalo ay samahan ng 11k ang sunod na laban at kapag naman natalo ay ibaba ulit ang pusta sa 5.5k.sa ganun ay napapalaban lahat ang pera ng mga Mangyan at meron tayong pinapanalangin na manalo hanggang sa huling laban.wala akong hindi makita na mababa tayo sa laban.Sa pakiwari ko ay tamang tama ang mga sukat nito at gulang kaya mahirap ang isugal ang pera sa isa o dalawang manok lamang lalong lalo na kapag hindi natin nahahawakan ang mga sundalo...
Siya ka JOEY tingin ko ay ganun na lang ang mangyayari..Gudluck sa ating lahat ang especially kay KA JOEY na hinahangad natin na makuha niya ang pagkakampeon at maiuwi ang unang tropeo ng mga Mangyan at lalong lalo na ang POT MONEY..:rbounce:

goryo888
February 18th, 2006, 04:17 AM
Sige bahala kayo...kung panong diskarte gawin sa pagpusta......
ako eh..basta makikibalita na laang kung ano baga ang nangyari na....hehehee


Mag uumaga na naman mga Mangyan ng Mindoro...hwag kalimutan dumalaw dine ha? ;)

jojo60
February 18th, 2006, 10:44 AM
KA GORIO: 'tol ayos na ang celfon ko at pinaltan pa ng mga loko2x ng bago...Hehehe:lol: 3 years na un at hiningi ko lang sa pamangkin ko..

NSAN: huwag kang pasilip silip lang magbalita ka rine sa kubol natin..HEHEHE:lol: ano ga ang balita jan sa atin? may ilalaban ba kayo nitong linggong ito.nasaan na ung litrato na pinakukuha ko sa iyo.marunong kn bang kumuha ng mga iyan..kung hindi pa eh hingi ka ng tulong kay KA Gorio o kayay iPM MO cya.

goryo888
February 18th, 2006, 11:15 AM
Aba,t nakadale ka pala ng bagong CP ha? heheheehe...ayos yan......para naman di ka na paputolputol.....

Nasan na nga ga si Ka Blackjack? aba'y ayos na ang PC nya tapos ngayon pa nawawala....sya idikit na dine yung mga litrato ng nokissss....

DingDong
February 18th, 2006, 01:12 PM
teka teka teka teka laang mga kabahag!

isang paglilinaw laang . . .

ang laban po sa darating na marso ay
entry ni kabahag joey . . . hindi po natin
finance ire . . . tayo laang ei makikipusta
sa labang ire . . .

ibubulong na laang sa akin ng handler ni
ka joey kung alin ang pwedeng diinan,
bwahahahahaha dun tayo lalagay ! ! !
biro laang po . . . tingin ko naman ei
lahat ng mga iyan ei magaganda ang
mga laro . . . saka iimbitahan ako ni ka
joey sa huling bitaw ng mga ire, di ga
preng joey??? kailan ga???


preng goryo/toyting_pasay,

yung pong nokiz ko ei kalamansi ang
linyada nun kung sa tagalog, lemon
lemonan kung baga sa banyaga . . .
tingnan na laang natin kung mapipigaan
sila ng kalamansi ng mangyan, hi hi hi

:rbounce:

toyting_pasay
February 18th, 2006, 02:24 PM
aba ka ganda pala ng bloodline mo ka DD, pangpigaan talaga.

kailan ba huling bitaw ni ka joey, baka pwede makapanood kahit malayu layo ang farm nyo.

tama! 5500 sa 1st payt at kung nananalo ay 11000!!!!


gandang araw!!!!!!!!!!!!!!!

goryo888
February 18th, 2006, 08:59 PM
Syempre Ka DD makikisabit laang ang Tropa sa karsonsilyo ng Kuyang nila.....hehehehe

Kuya Joey...pusta na nating lahat kaperahan......at ng lumago ng husto ang pondo..... ;)

Yang Kalamansi line ni Ka DD ang mamimiga sa kanila at siguradong Kaldero babagsakan nila, Tinola lines ang labas ng makakalaban nyan.....

toyting_pasay
February 18th, 2006, 10:34 PM
sigurado tinola sila ka goryo sa manok ni ka DD. higupin na natin sabaw, atat nako humigop ng bihag, he he he

goryo888
February 18th, 2006, 11:02 PM
Ka Toyting sama ka ba sa Roligon?? nood ka para makita mo rin laban ng mga Nokis ng mga Kabahag....malulufettt yang mga Nokis Ni Kuya Joey....Lalo na yang kay Ka DD....yang isang yan talagang nabaVibes ko na mananalo...;)

Ka DD kahit si Byenan mo ipusta mo na dyan....:D

goryo888
February 19th, 2006, 03:52 AM
kumusta ga kayo? mga Kabahag na magsasabong...swertehen sana kayong lahat.....

blackjack
February 20th, 2006, 04:08 AM
e2 n po ung test post ng mga pictures ng palahi ng mangyan.....may sweaters din pala d2 s mangyanland...at ung blacks.....ung spangle ay sweater blend...bruceXdinkhttp://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0128.jpg http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0126.jpg

blackjack
February 20th, 2006, 04:17 AM
http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0131.jpg
E2 yung black....yan n lang naiwan s magkapatid

http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0125.jpg
sweater-albany naman 2

goryo888
February 20th, 2006, 08:03 AM
Ka Blackjack.............gaganda ng mga nokis mo pala dyan ah....ayos yan.......

Tol Jojo....ayan na.... inihahanda ni Ka Blackjack para si iyong pagdatingggggg.....;)

blackjack
February 20th, 2006, 09:07 AM
SALAMAT ULI!!!

mga kabahag

yan nkapost n ako ng pics at tinuruan ako ni ka goryo kung papano gawin!!! he he he!

Nsang jojo

ano kelan k dadating at umpisahan k na ng hapit ang mga e2!

Mt.Halcon 888
February 20th, 2006, 12:44 PM
Mga kababayan,

kamusta na kayo,kelan at san ho ba yung kita kits ng mga mangyan,sali ako dyan.nasa Pinamalayan ako sa holy week,at me 3 cock sa amin kasi pyesta sa April 25,kung makakasali kayo mas maganda, mas masaya marami tayo,sagot ko kayong lahat.

Ka Joey,tuloy ho ba yung entry nyo sa roligon sa march 11,ano hong entry name nyo?para no fight ho ako sa inyo,sasali rin ho ako baka makatsamba.

Me two cock guaranteed Php.100,000.00 sa lumang sabungan ng calapan sa March 8,kaibigan ho natin ang me derby .

jojo60
February 20th, 2006, 12:52 PM
NSAN: kapag ganyan ang nakikita ko ay kung gus2 mo eh lumipad na ako bukas....wag kang mag-alala at aabisuhan kita kaagad pag may ticket na si ako...cya kandaduhan mo na iyang mga iyan para wala ng makikialam sa mga gwapito mong sundalo...kung gayon eh dapat mga pullets na lang ang aking ipapauwi kc mas magaganda pa iyang mga sundalo mo keysa sa mga sa akin d2...i really like ur spangled one ganyan na ganyan ung nahuli ng pulis sa akin kaya lang ay lumabas na itim ang katawan pero ganyan ang tayo at itsura..11 na piraso ung na raid sa manukan sa L.A. at nakakahiya nga doon sa matandang nanay nanayan ko at pati sila ay naistorbo ng husto...:confused: handain na iyang lupa ni TIO MELONG at pupunuin namain ni KA GORIO iyan ng mga tinali..kaya nga kami nagpapakamatay dini ay para makabili jan ng magagandang klaseng sundalo..

KA JOEY: kami naman ay samahan mo kay BM at para makakuha ng magagandang materyales kapag nanjan na si kami..

KA GORIO: gwapito nga ang mga manok ni NSAN..nakakahiya kapag hindi natin maparesan ng magagandang pullets ang mga iyan..cya pagplanuhan mo na kaagad umuwi at para maumpisahan na natin ang mga binalak balak natin d2.kailangan natin ng malaking puhunan sa mga ito at kapag sinuwerte swerte tayo ay mapapatagal ang ating stay sa lupang hinirangan..dapat bigyan ng 100% attention ang mga ito para di tayo pabayaan.:lol:

DingDong
February 20th, 2006, 05:42 PM
nakupo, preng blackjack, he he he
parang pamilyar sa akin lahat ireng
pektyur na ire ah . . .

yun gang sweater albany na yan yung
binitaw natin na nag helicopter at binagsakan
ang kabitaw, hi hi hi kaganda na lalo ngay-on
ah . . . sus tol jojo at preng goryo, pustahi
na ire . . . noong ire'y wala pang putol ang
tahid ei kagaling nireng mamalo ei lalo
na siguro ngayon. lalo na sigurong malulutong
ang garote nire . . .

parang yung sweater ie yung broodcock mo
preng blackjack . . .

teka kailan ga laban ng mga ire at nang
makapanood man laang, kahit mamiso ei
makapag trabesiya . . . tauni naman na
sa holy week ang laban nire . . .


preng gori,

hindi ko na maipusta mga byenan ko kc
sumalangit na sila . . . gabayan na laang
nila pagsasabong ko, hi hi hi

ka toyting,

tingnan na laang natin ha kung tayo nga
ang hihigop ng sabaw, bwahahahahaha
wag laang mapaalat ang timpla ei kasarap
humigop ng sabaw ng bihag!!!

:rbounce:

blackjack
February 20th, 2006, 06:42 PM
Ka DD

ung sweater ay anak n yan at bigla n lang nagkaporma at 9 months na.....d mo p lang pansin nun at tatyaw pa. Ung ama nasa baba ang pict at ito yung broodstag n ginamit ko...ilalaban din natin, testing at meron p naman akong possum n broodcock na sya talagang gamit k s breeding.

http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0136.jpg

straight sweater 2, possum X 5K line ni bruce

tanong m n lang kena jojo kung kelan nila gusto ilaban pati ung dalawang lasak.....wag muna ung sweater-albany at bata p un.....

sonny dela cruz
February 20th, 2006, 09:42 PM
Magandang araw at gabi mga kabahag.

Ka Blackjack kagaganda naman areng mga materyales mo,gumanda ang gising ko habang nahigop ng kape, natulo ang laway ko ei,kaya naman pala maraming nag aabang ng mga sundalo mo.

Ka jojo sad to hear na nabawasan pala ang sundalo mo diyan sa L .A.sana makabawi ka agad sa mga nawala sa iyo at maging maganda rin ang balak niyong pagpaparami ni ka Gorio.

Good luck po sa ating lahat.God bless.

toyting_pasay
February 21st, 2006, 07:09 AM
ka goryo sama ako sa roligon para mapanood mga sundalo ng mga mangyan.

mag eentry rin si kabahag mt. halcon.gagaling din sundalong mangyan ni kabahag halcon.

mt. halcon, pre masaya ito marami rami sundalong mangyan mapapanood at mapupustahan ng mga kabahag. ipa prepare mo ng maayos baka matsambahan natin, he he he

ka blakdyak, gaganda naman nokis mo jan. pangdiinan at nakakapanglaway. pre wag mag alala sa pullets marami tayo dito mga sweater rin. pasabi ka lang para sa atindin ito mga kabahag. hahaaa


ka dingdong, sisiguraduhin ng mga manok natin na hihigup tayo ng sabaw dahil ayaw nila na sila ang higupin. he he


ka jojo, sayang nga ung naraid na mga manok, di bale ipun ulitttttt.

goryo888
February 21st, 2006, 07:50 AM
Ka Toyting....masaya ito...madami dami ngang mapapanood ang mga Mangyan...mabuti pa kayo dyan....sige at kami'y makikibalita sa mga nangyari.....

ay sya Ka Mt Halcon baka pwedeng pakidikit din dine yung panglaban mo dyan at ng makita rin namain dine...mapapasama yan sa mga pupustahan ng Tropa....tama nga ga Ka DD??

O ayan na madami na tayong aabangang sultada....;)

blackjack
February 21st, 2006, 08:44 AM
kabahag

salamat s mga comments at papuri ninyo....dapat ay gumalaw lang ng ayos 2ng mga alagang mangyan at wag naman tayo mapahiya.....sige pag-uwi ninyo s holy wik isabak na natin 2!!!

Nsang jojo

d2 n lang natin padamihin mga warriors nyo....wala pang raid at masaya pa lahat pag nagtipon-tipon tayo!!!

kabahag halcon, ka toyting

bitbit din kayo ng ilang panlaban sa bakasyon pag-uwi nyo para marami tayo mailalaban....

napanood k kagabi s cable ung CF derby s tukaan at tiempo laban ng lasak ni razon....talo nga lang. d ko nakita ung ibang laban ng "mindoro boys" sabi ng kumentarista....pag-ayos ang takbo ng tropa at grupo ay baka lagi n tayong kasali dyan s mga paderby ng CF!!! if we just pool our resources together & have a deep bench to select from.....baka makatsamba tayo!!!!

cge pagplanohan natin yan s kitakitz!!! ka jojo ung litson kahit holy wik ayos yan!!!! sasalubungin ng banda ni ka alimbuyugin at dingdong...."money 4 nothing" daw request ni makmak uli!

toyting_pasay
February 21st, 2006, 09:50 AM
cge dala kami panlaban kahit pangkatuwaan lang.

maganda at mukhang very interesting mga plano para sa kitakits. cge pagplanuhan ng mabuti para mapaghandaan natin ang pagsali at pagpili ng mga derbies na sasalihan. he he

DingDong
February 21st, 2006, 12:32 PM
preng blackjack,

akala ko BC mo kasi may singsing sa paa eh.

yung napanood mo na laban ni ka nestor aka SPSP
ei sa finals na yun . . . ewan ko lang kung narinig mo
yung sabi ni preng rebel at preng 3rd (commentators)
na iyon ei kung tawagin sa atin ei ikalawang byahe.
yup pre, iyon ei nanalo ng elims na walang sugat.
kaya daw nya inilaban uli ei parang nag off na yung
pang finals nya, nakaramdam na marahil ng stress
dahil sa malayong byahe at aircon ang cockhouse,
medyo mahirap kasi mag point ng manok sa aircon
lalo na't hindi naman sanay ang mangyan sa gay-on.
pero kita mo pre, maganda pa din ang ipinalo at sa
wari ko'y mabuhay man yun ei lugain na (ika nga sa
atin) . . . kung napanood mo yung fight # 39, manok ni
ka joey, nakupo kagaling, ikalawang panalo na yun na
daliri laang ang nasugatan, ika nga sa atin ei mag nagtaan
laang ng bubog sa ruweda kaya nasugatan. old lines
ni ka joey yun, democrat crosses . . .

teka nga pala, ilang sisiw ga ang napalabas mo ngay-on?
meron ga tayong isasabak sa CF Stag derby? hi hi hi
sana'y meron at iyang mga sweaters mo o posum ei
tingin ko aare sa stag . . . teka nga pala asan na yung
roundhead mo, parang wala sa pektyur ah! nadali na ga
ng mamamandaw???



nga pala, ano ba entry name ni ka mt. halcon at nang maipa
no fight naman. baka mangyari'y parehong bahag ang
maglaban, kasagwa ga noon. ka mt. halcon dikiti dine
naman ang iyong entry name at pektyur ng iyong mga
magigiting na sundalo at nang mapustahan din kahit
na iyong aking mamiso laang . . .

preng gori at tol jojo, aba'y gayak na, iempake na iyang
mga gamit na iyan, larga na pauwi sa kamangyanan!!!

:rbounce:

goryo888
February 21st, 2006, 12:45 PM
Ka DD...kahirap ga nireng di pa yata naiitakid ang pakpek ng eroplanong sasakyan ko ei...hehehe....basta kung makakauwi ay uuwi talaga...

Ka Mt Halcon...ay sya dikiti na dine ang larawan ng mga Sudalo mo at ang Entry name na gagamitin mo...kahirap nga na magkabangga ang parehong may Bahag....kasagwang tingnan talaga, sabi nga ni Ka DD... ;)

DingDong
February 21st, 2006, 02:00 PM
ka goryo,

nakupo baka naman minimina pa sa africa
yung materyales na gagamitin sa pakpek
ng eroplanong sasakyan mo ah. . . nakupo
sabihi dun sa minero na bilis bilisi ang pagdukal
sa minahan . . .

hala balaki na iyan, dalasi ang OT ang ng
malakilaki ang maiuwi dine sa atin . . .

:rbounce:

blackjack
February 21st, 2006, 02:54 PM
ginamit k nga s broodpen un nung stag pa, iba pa ung broodcock mismo.

wala n ung gilliam RH 2 ung nadale agad kahit 7 months lang pinatos n....d p ng tuyo ung palong n pinutol ko ay dinala din....d bale pisaan n naman ng sisiw ngayon....dadamihan n lang papisa at baka sakali mailusot ang karamihan n tatyaw....

kung lulusot ang mga ito ay palagay ko'y may mapipili d2 para s CF stag derby.....bahala n at kailangan pang maiscreen 2, mahaba pang proseso at d naman tayo miembro dyan!!! sa kitakitz n natin pag-usapan yan....pag madami n sisiw.

pahiram nga pala ng VCD/DVD ng CF derby, iilang fight lang ung napanood k sa cable...baka madala mo s kitakitz!!!

jojo60
February 22nd, 2006, 05:33 AM
aba ay parang nobela pala itong mga sinaad ng mga mangyan..hirap magbasa ng paulit ulit kc baka may makaligtaan..talagang taeng tae na kami sa pag-uwi jan sa atin lalong lalo na kapag may nagiintay at nagdarasal na makita si kami.basta huwag na huwag mong papahiram ang mga sundalo mo NSAN maski na ano ang mangyari kc sa pag-uwi namin jan ay siguradong may mangyayari:lol:

Oo nga naman ka MT.HALCon idiga mo na kaagad ang iyong entry name para hindi naman magkasagupa ang mga sundalo ng mga MANGYAn.iintayin namin ang pagpaskel ng mga litrato ng mga sundalo mo para makapamili ang mga MANGYAN kung ano ang pupustahan.

Talagang mahirap mag-alaga dine at hindi mo talaga pwedeng pagkatiwalaan ang iyong kapitbahay dahil sila pa ang magsusumbong sa mga otoridad..ang gaganda noong nakuha sa amin kc pang 3rd generation na ang mga iyon at halos ay 3 crosses na ang karamihan sa kanila..

Bayaan mo NSAN kapag may nakuha akong mga off-colors d2 ay ipapasama ko na rin sa ipapauwi ng mga barkada ko dine at iyong isang fren ko yata ay merong pure Albany pullet.

goryo888
February 22nd, 2006, 06:05 AM
Tol Jojo...aba'y mahirap ng pigilan yan baka kabagan ka pa ng husto nyan...sabay magpururot ka....nyhaahahaha...kakapagtae ba sa ganda Nokis ni Ka Blackjack....wala ng kawala yan....nakalaan na yan sa pagdating mo..............at syempre ssssshhhhhhhh....baka makaabot pa si ako...heehehe!!


Ka Mt.Halcon...idikit na dine yang mga alagad mo...at ng mapigurahan ng husto....

toyting_pasay
February 22nd, 2006, 08:32 AM
gandang umaga mga kabahag, mukhang tulog pa si ka mt. halcon at di pa napapaskil entry name. pero wag mo ng pagandahin ng husto entry name natin. he he he

ka jojo wag ka lang kumain ng matutubig na pagkain para di bulagsak pag natae, h
ahahah


tamang tama ang vcd/dvd baka mapanood na rin natin sa kitakits

goryo888
February 22nd, 2006, 08:45 AM
Ka Toyting....gandang umaga sayo dyan....kumusta ba ang buhay buhay natin dyan? Alam ko ok na ok kayo dyan....
Tama ka...di na kailangan pagandahin pa ang Entry name......dahil ang magdadala naman ay ang mga Nokis na Kagaganda ni Ka Mt. Halcon................

Hayaan nyo pag uwi ni Ka Jojo...may mga DVD yon ng WSC...kung di pa ninyo napapanood ay mapapanood nyo rin yun....

Tol Jojo ang lagay pala eh makakapanood tayo ng WSC sa June...sarapppp....kung sana napauwi mo na agad yang mga Nokis mo eh di hindi sana bumagsak sa kamay ng mga Parak yan....sayang naman talaga eh....:(

toyting_pasay
February 22nd, 2006, 09:21 AM
ka goryo gandang umaga pre, ayus naman dito sa opisina. nakakapag internet na, may katabi pang mga magagandang titser at secretary. he he he

wag lang mabuko ni bossing at ni kumander, baka masyapol ako. patay

DingDong
February 22nd, 2006, 09:57 AM
meron din ako dine kopya ng WSC dvd hindi ko laang
sure kung ire ga ei jan o jun 2005.

preng toyting,

magagandang maestra at seksitari ba ikamo, he he he
baka naman pwedeng makilala yaang mga iyan. meron
gang may car at ng masakyan ko sila balang araw.

pero teka padi, sa pagkasulat mo ei parang magkaiba
si bossing mo at si kumander, he he he ikaw ha, dalawa
ang amo mo, nyahahahahahaha. baka magkabistuhan
sila syapol ka talaga dyaan. kikig na walang patumangga
ang aabutin mo dyaan.


ala ei gisingi na iyan si ka mt. halcon at ng maidikit na
dine ang entry name nya. teka baka naman nagluluto
pa ng gawgaw na pandikit, kanin na laang are na yun!


:rbounce:

toyting_pasay
February 22nd, 2006, 12:15 PM
ka DD magkaiba nga sila, pag nahuli me ni boss ala sahod. pag si kumander ang nakahuli, ala ligaya sa labas pa ng kulambo matutulog.he he he he

goryo888
February 22nd, 2006, 01:32 PM
Nakupooo...Ka Toyting..yari tayo dyan....dami damihan mo ang mata...at baka nasa likod lang, tapos biglang BULAGAAAAA HULEEEEE......yari ka... :D

Ka DD pag ang Tsampyon ay si BM at J. Santiago Jan. yan...
Pag si Matt Bitanga, June yan....

DingDong
February 22nd, 2006, 01:33 PM
ka toyting,

bwahahahahahahaha, bossing pala sa trabaho
at kumander sa bahay, hi hi hi hi.

tapos ka nga dyaan . . . kikig sa taas at baba
ang aabutin mo, nyahahahahahaha.


:rbounce:

joey bravo
February 22nd, 2006, 02:19 PM
mga kabahag,

long time no post ako sori mga bossing at busy laang ng konte.

ka goryo, nandito na sa akin yung VCD mo, padala kona lang kay ka DD.

madami din ako na ibang CD pwede nyo hiramin at i burn para makapanood kayo dyan sa kamangyanan. padala ko kay ka DD.
:)

blackjack
February 22nd, 2006, 02:37 PM
kabahag

bakit d ikaw magdadala ng mga VCD....ikaw bay d uwi s holi wik? punta k naman at cguradong marami tayo d2....kahit sandali lang at itaon natin kitakitz na nand2 karamihan!!!

ayos yan....mga kabahag dami tayo mapapanood...ako n lang burn para s grupo at dedelehensya maraming CD...SALAMAT KA JOEY S IYONG KAGANDAHANG LOOB!!!

blackjack
February 22nd, 2006, 02:43 PM
e2 nga pala manukan n malayan_heat....may 52 pcs p dun n stags at bullstags....maaayos din materyales nitong tiyuhin n grandeur!!!

Malayan-heat

e2 n ung request m n kunan ng mga picts...d ko n lang ipost lahat at marami.http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0142.jpg

http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0148.jpg

DingDong
February 22nd, 2006, 03:10 PM
preng tem,

ayos na ayos ang manukan ni ka malayan_heat ah.
okay yaan at medyo palalim na ng palalim ang ating
magiging seleksyon sa susunod na sabak ng mga
mangyan . . .

sige pag nakuha ko yung mga vcd kay ka joey ei
iuuwi ko dyaan at ng maparami mo at maipamudmod
sa mga kabahag.


preng gori,

ako na muna ang bahala dun sa vcd na para sa iyo
isama ko na din yun sa susunugin ni ka blackjack.


ka joey,

kailan ga ang huling bitaw mo at ng makapanood
naman ako. ayos na ga ang kilos ng mga sundalong
mangyan . . .


:rbounce:

goryo888
February 22nd, 2006, 11:00 PM
Ka DD...waland problema..bahala ka na...syanga pala...nagTxt na ga sayo si Utol.....siya na ang mag aabot nung nahiram ko...sasama rin yata sya sa Roligon....Kuya Joey paisa akong silya ha...para kay utol.....Salamat....baka kasi magpagulong sa lupa yun pag di naisama....hehehee


Kagaganda pala ng Manukan at mga Manok ng Mangyan ei....naku malamang sa malaot sa madali ei makakasungkit na rin tayo ng Tropeo....;)

toyting_pasay
February 23rd, 2006, 06:28 AM
gud morning kabahagmates!!!! how u doinggg?

sarap na naman ang umaga, kaharap na naman computer at ka tropa, he he

ka malayan_heat, kaganda ng manukan at ng mga laman nito. di nga talaga magtagal makakuha na naman ng tropeo mga kamangyan.

blackjack
February 23rd, 2006, 08:39 AM
pare

pkiayos ng mailbox m at ayaw tumanggap n email ung leovill at leovilla!!! kagabi p ako nakailang padala balik lang ng balik kaya d2 k n lang ipost iba mong picts.....pm k lang kng ok na!

mga kabahag

e2 p ibang picts ng manukan n malayan_heat
http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0140.jpg http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0141.jpg [IMG][IMG]

jojo60
February 23rd, 2006, 01:23 PM
NSAN: mukhang professional photographer na dating mo ah..saan ba iyang manukan ni KA M.H...iyan ba ay na sa NAUJAN rin..ang dami talaga nating pwedeng pagpilian pagdating ng malaking Event na pwede nating salihan..cge magparami pa kau at para marami rin taung pagpilian..pagdating ko jan ay magpapaburn kaagad ako ng mga DVD copies ng WSC para naman may napapanood tayo habang nagiinuman at makita ang magagaling na sundalo ng ating magagaling na Breeder.

goryo888
February 23rd, 2006, 01:39 PM
Dumadami ang mapapasyalan namin ni Tol Jojo pag uwi heheheeheee....

blackjack
February 23rd, 2006, 01:50 PM
Nsang jojo, Ka goryo

ang manukan n M.H. ay nsa sn agustin 1 at meron din syang manok s malaya...parehong naujan. ang sn agustin naman ay mga 5 minutes lang galing s bayan at malamig p dun s manukan n M.H. malapit p ang kunan ng pla-pla...sarap ng inihaw n tilapia ung mangilo ang isa!!! tapos kasunod ang malamig na SMB he he he!!!

malapit lang 2 kina ka goryo!

ka goryo

ang lugar n yun ay tapat lang nina kgd. marconi de guzman....ang anak nun na c jun-jun de guzman ay pulis n natin s naujan....binata p rin hangang ngayon!!!

DingDong
February 23rd, 2006, 04:40 PM
preng blackjack,

pwede ga kayang makapasyal doon sa lugar ni
ka malayan_heat . . .

parang ang sarap sa mata ng carabao grass sa
manukan nya eh . . .

:rbounce:

blackjack
February 23rd, 2006, 04:49 PM
Ka Goryo

pwedeng-pwede at ok naman ung mga tao dun n katiwala n malayan_heat....ung may-ari......napakabait nyang c ka leonie at gusto lagi n sya'y puntahan!!!

pinapakilatis at pinapabitaw pa nga s akin kng may time daw ako at para malaman nya agad ang palabas nyang mga stag....pero s tayo p lang ng mga ilang nahipo k dun ay mamamalo din ang mga yun! maayos din naman kc ang gamit nyang materyales.

blackjack
February 23rd, 2006, 04:53 PM
Ka DD

pagpunta nyo d2 sasaglitan natin ung lugar nya pati ung nandun s malaya at nandun ang broodpens nya!!!

DingDong
February 23rd, 2006, 06:01 PM
sige ka blackjack,

basta may oras pa pag uwi ko sa holiwik dadalaw kami
dyaan kina ka M.H.

wala pa gang date kung kelan bibitawan sa ruweda
ni tol jojo yang mga sundalo mo dyaan.

:rbounce:

blackjack
February 23rd, 2006, 09:28 PM
Ka DD

wa p sked at d k p alan kng kelan dating ng mga un...pero cgurado ang uwi n nsang jojo

papasalunungan p yata ako ng albany n pullet at my makukunan naman daw sya dun!!! he he he...hapi n naman mangyan

goryo888
February 23rd, 2006, 10:50 PM
Tama ka Ka Blackjack...kausap ko laang si Tol Jojo...pupuntahan yung kaibigan nya na may Albany....magbibitbit malamang yun....

Aba'y sa Sn Agustin laang pala yaan ei......pag kakalapit nga sa amin...tabing daan ga yan Ka Blackjack?

blackjack
February 23rd, 2006, 11:01 PM
S sn agustin 1 lang yung farm n M.D. pagliban ng malaking 2lay ay dun s kaliwang daan papasok s tapat ng lumang bilaran ng palay s tabing bahay nila marconi de guzman...ang tapat nun ay nandun n farm n Ka Leonie...c ka ogie at boyet nagbabantay ng mga manok. tabing daan lang 2.....at malapit din s ilog!!!

Raul_Ruaro
February 23rd, 2006, 11:25 PM
Musta na mga kabahag? Wow dami na tayo dito hah! Bumaba lang sandali ng bundok kasi darating mag-ina ko bukas galing mindoro, hatid sila ng byenan ko.. Kaya medyo busy sa pamamalengke at pagluluto ang inyong kabahag.

Ka tem,

Gabing gabi na ay naka log-in ka pa hah? Tapos na ba pagiging good boy natin? hehehe! Try namin makauwi dyan sa holy week para makasama ako sa kitakitz at mga laban... Dapat yung apat na gulong sakyan natin para di tayo tutumba.. hehehe!Sige ingat na lang dyan bro! Ganda nga pala ng mga pix mo, pakita mo naman sa kanila yung sisiw na kitakantahan ko. lol :D

stewart-

Raul_Ruaro
February 23rd, 2006, 11:34 PM
Ka dingdong,

Napanood ko nga pala yung fight 39 ng finals na kung saan yung manok ni ka joey yung lumaban, pinakita sa sultada sa prime channel... Lintek pala galing nung democrat ni ka joey, lamang na nga sya ay sobra parin ang ingat. Sna ma panood ko din yung laban ng nokis ni ka goryo... Text mo sa akin kung kailan yung laban ng nokis nyo ni ka joey sa roligon, baka kasi makasama pa ako. second week ng march siguro ay libre na naman ng matagal ako. Thanx!


stewart-

goryo888
February 23rd, 2006, 11:45 PM
Aba at nakababa nga ng Kabundukan ang isang ere...sya umuwi na sa Mahal na araw at makipagkitakits sa ibang Mangyan....

Ok sige mga Kabahag ako,y matutulog na muna...dahil ako'y kadarating laang....Gud Nyt sa inyong lahat dyaan...;)

jojo60
February 24th, 2006, 01:55 AM
ka RAUL: maligayang pagbabalik sa kaMangyanan..marami na talaga tau d2 sa ating munting kubol..

NSAN: talagang uwing uwi na ang kapatid natin na si kaGORIO at talagang naghahanap na ng ticket para sa paglipad jan..ilang buwan na lang at nariyan na siya..di pa ako makapagdesisyon kung kailan ang uwi ko dahil sa trabaho d2, nakakabuwisit na talaga at panay trabaho na lang ang priority...

kaDD: wag mag-alala at kapag nanjan na kami ay panay happening ang mangyayari at panay sabong ang ating aatupagin.

:lol:

Manokiz
February 24th, 2006, 04:14 AM
gudevning po,,, kabahag,,,

kamusta naman ang breeding?,,, :)

blackjack
February 24th, 2006, 05:56 AM
bwahaha!!! nakababa din ang ilokanong mangyan!!!!talagang loves k ni pareng preming ano...hatid p dyan mag-ina mo.

wala n d2 ung inaawitan mo...dun k pinapalaki s nag-iba s inaanak k at baka madisgrasya pa d2 s akin!!! ung kapatid na isa lang naiwan d2 para may makita din akong talisayin....pilian n lang natin mga un paglaki-laki!!!! d ko n rin i-post baka may mahili pa o baka naman pagtawanan pa at pangit naman labas....nga pala, d n sisiw ngayon un at tumitilaok na!!!

Ka Nokiz

gaganda naman ng manok mo at anong dami m n pasibol!!!

Nsang jojo

gay-on lang talaga...pag may job ay jobbin mo na agad....bawi k na lang pagbakasyon m d2!!!!

Raul_Ruaro
February 24th, 2006, 08:02 AM
Ka jojo,

Sya sabihin na ang date ng pag-uwi para tayo'y makapag simula ng maglibot libot sa mga sabungan sa mindoro... Mukhang masaya ang kitakitz sa holy week.


Ka tem.

Medyo spoiled nga ako kay tay priming. hehehe! Maganda nga naitabi na yun, mukhang magiging holduper line mo yun. hihi! Sayo yung isa, sa akin naman yung tira. nyahahaha!


stewart-

goryo888
February 24th, 2006, 08:12 AM
Tol Jojo....sssshhhhhhhhhhh....mga kabahag...sa atin atin laang yun...wala sa pamilya ko na nakakaalam na uuwi ako...pag may nakaalam malamang di ako umuwi....nyahahaha!!!!

Maglalaba muna ng Bahag ang Mangyan dyan muna kayo sandali.....

DingDong
February 24th, 2006, 09:13 AM
preng gori,

ikula mo at almerolin ha para singtigas ng ano ang
mga bahag mo . . . hi hi hi


preng stewart,

march 11 & 18 ang laban ni ka joey sa roligon.


teka muna, bz konti!


:rbounce:

goryo888
February 24th, 2006, 07:47 PM
Naku...preng DD...iba ang dahilan kung bakit naninigas ang bahag ng Mangyan...natutuluan....nyhahahaha....:lol:

Mga Kabahag...kumusta...

Mt.Halcon 888
February 25th, 2006, 01:12 AM
Mga kabayan,kamusta na kayo lahat,sorry kababalik ko lang,galing sa mindoro,isang linggo ako halos duon.Ang entry name kong ginagamit ay JL HERMOSA,hindi ako marunong magdownload dito,pero sa gallery nakapagdownload na ko,baka pwede nyo ko turuan kung pano magdownload dito,salamat.

Sya nga pala,baka gusto nyo sumali sa paderby namin 3 cock sa Pinamalayan town fiesta,maganda rin premyo, April 22 yun,dun na lang natin ilaban yung mga iuuwi nyong manok.Wag kayo mag alala sagot ko kayo dun sa amin,drink all you can tayo dun.

goryo888
February 25th, 2006, 01:27 AM
Kabahag Mt Halcon...baka gusto mong idagdag ang Sanduguan sa entry name mo? para makilala ng husto ang Grupo....kami eh pag magEEntry...laging nandoon ang Sanduguan lalo na kung labas ng Mindoro...

Pero kung di mo type eh oks lang.....kasi alam ko naman na very particular tayo pagdating sa Entry Name...

Ako kung sarili ko laang ang entry at labas ng mindoro ang gagamitin ko eh Goryo Sanduguan Mindoro, pag sa atin lang eh Goryo Sandugo888

ganda nito halimbawa lang... JL Hermosa Sanduguan Mindoro...;)

sonny dela cruz
February 25th, 2006, 04:50 AM
Musta na mga kabahag.

Napasilip lang,kadarating lang galing trabaho.

Happy weekend po sa inyong lahat.

goryo888
February 25th, 2006, 06:17 AM
Ka Sonny oo nga wiken na naman...sige makakapagpahinga ka na...

Mga kabahag..kumusta kayo?

goryo888
February 25th, 2006, 08:42 PM
Gandang gabi mga KABAHAG...Lingo na naman bukas dyan...sige GOOD LUCK sa mga maglalaban...

malayan_heat
February 25th, 2006, 08:52 PM
MGA KABAHAG,

mzta na ga kayong lahat ka joey mzta na ga ang mga no
kis na ilalaban?handang handa na ata talaga eh ala eh
ihasa na ang mga itak ng nokis ihasa ng ihasa para mata
lim ng isang tama lang sa kalaban eh kisay agad pasinya
na kau ngayon lang ako nakapasyal eh laging kasama ng
boss sa bakasyon kaya lang oras sige regards na lang sa
lahat.


MABUHAY ANG MGA MAY BAHAG
sa una

malayan_heat

goryo888
February 25th, 2006, 09:00 PM
Ka MH nakita mo na mga piktyur ng mga nokis mo ha...malamang uwing uwi ka na nyan...gaganda nila...

Sige ingat na lang lagi dyaan...

goryo888
February 26th, 2006, 10:58 PM
Nakupooo...mga kabahag natabunan na ereng ATING BAHAY BAHAYAN....

Kumusta na ga kayo? Kumusta yung mga Nagsabong kahapon dyaan? abay magReport dine kung ano ga ang lagay...;)

Mt.Halcon 888
February 27th, 2006, 05:51 AM
Mga kabayan,Kamusta na ,iniimbitahan ko kayo sa amin sa Pinamalayan town fiesta,me pa 3 cock derby kami sa April 22,2006,sabado ho yun Php.200,000.00 ang premyo.

Kung gusto nyo dun na rin tayo magkita kita kits sa Pinamalayan sa fiesta.

Mt.Halcon 888
February 27th, 2006, 05:58 AM
Ka Goryo,maraming salamat sa suggestion mo tungkol sa entry name,kelan ba kayo uuwi at magbabakasyon dito sa PI,sana matapat sa paderby namin sa Pinamalayan sa fiesta sa April 22.

blackjack
February 27th, 2006, 07:18 AM
gandang umaga s u kabahag....

malamang ay nand2 ung mga un s pyesta ng pinamalayan.....pag-usapan n lang natin yan s kitakitz...anyway mga gay-ong panahon naman ang bakasyon at cguradong handa naman ang mga manok para ilaban kaya nga nagasabi ng pauna yang mga kabahag n uuwi at ang gus2 ng mga yan ay labanan!!!

goryo888
February 27th, 2006, 08:52 AM
Ka Blackjack.....si Tol Jojo eh panigurado na ang uwi....ang sa akin ay SECRETTTT....walang dapat makaalam na uuwi ako....kaya hwag mauulit na may balak ako uwi...kahit kina Kuya, Mommy lagi kong nakakausap di ko man lang nababanggit ang pag uwi....basta SISILPOT na laang ako dyaan...alam ni Tol Jojo yun.............

Ka Mt Halcon....sana nga eh nandyaan kami para ok at sumaya naman kami....baka si Tol Jojo...mga panahong yan nandyan na....

blackjack
February 27th, 2006, 10:33 AM
wag ka mag-alala d ko babanggitin s mga un palni nyo!!!

pumunta ako manukan ni Malayan_heat kanina at nagbutaw kami ng mga handler nya...haneep ang palo ng mga manok nya...may tinandaan nko dun.

Ka Leoanie

ang gagaling ng mga manok mo...matatalino sumabong yung mga juancho greys mo...ayos ung 2 magkapatid...ung mga sweater-gilmore mo naman at magagaling, matitindi ang break lalo n ung palo s baba, parang gustong ibaon ang kalaban...ok din ung 2 albany mo dun...ilalaban daw yata ng bayaw m ung isa n albany n nasa malaya na...bukas yata ang laban. pdalalhan kita pics mamaya...

goryo888
February 27th, 2006, 10:45 AM
Salamat Ka Blackjack......basta ako'y sisilpot na laang dyan......


Ka MH...kagandang balita nyaang dala ni Ka Blackjack...aba,y kagagaling naman pala ei...sige Ka Blackjack at kami'y mag iintay ng mga Nokis ni Ka MH...

Mt.Halcon 888
February 27th, 2006, 10:55 AM
BLACKJACK,

Maraming salamat sa inyong reply,sana nga ay makasali kayong lahat sa paderby namin sa Pinamalayan.

Sagot ko kayong lahat sa Pinamalayan.Sky is the limit tayo sa inuman.

DingDong
February 27th, 2006, 10:56 AM
isa isahin ko kung kaya ng powers ko are ha!


ka mt. halcon,

iyon yatang date ng pa derby ng pinamalayan ei
isang linggo makalipas ang Holy Week. hindi wari
ako aare sa petsang yaan para sa kitakitz o laban.


ka blackjack,

kagagaling baga ng manok ni ka leonie aka MH? hala
pagulangin ng konti yaan at sa GD 2007 ei isasabak
na natin yaan sa araneta!


preng gori,

baka naman kung ano na iyang ginamit mo pang
almerol dyaan sa bahag mo. hala at kahit bulong
ay hindi ko gagawin kay utol neil mo na ika'y luluwas
dine sa ating bayan.


ka sonny,

hala galingi ng pagtatarbaho at ng sa pag-uwi mo
ei masaya ang iyong pamilya sa dami ng iyon iuuwi
at syempre para medyo may ipon ka din at mahaba
ang pisi sa pagsasabong, hi hi hi hi


ka malayan heat,

sa amin bagang pag-uwi ei pwedeng makadalaw
sa iyong magandang manukan. kasi ang amin ei
hindi matatawag na manukan ei, parang itikan
pag naulan sa kapal ng putik, bwahahahahaha


:rbounce:

jojo60
February 27th, 2006, 11:11 AM
MAGANDANG UMAGA PO SA INYONG LAHAT!!!

ka gorio: wag mag-alala at ako lang ang may alam kung kailan ang pagdapo ng iyong eroplano sa NIA...

NSAN at sa lahat ng mga KABAHAG: naku ay siguradong napakasiya kapag nagkita kita tayong lahat jan kaya mag ipon ipon na para sa mga pang laban natin..wari ko ay breakin ka agad ako ng syota ko kapag panay manok na lang ang aatupagin ko jan..

Sandaling panahon na lang at magkikita kita na ang mga may buntot sa bundok ng TRALALA :rbounce:

goryo888
February 27th, 2006, 11:30 AM
Preng DD...aba at kausap ko si Utol ay babanat daw ng Derby dyaan sa Cabuyao...2 cock laang naman.....bukas daw yata ng gabi....ako gay nag aalala at yun naman ang alam laang ay maglaban...ewan ko baga kung maalam na talagang magkondisyon at magPoint ng nokis yun...tinanong ko kanina kung marunong syang magPoint eh mukhang alanganin ang Sagot eh...sabi ko ay yun ang pinakaImportante lalo pat Derby yaan...aba't may Financer pa yatang nakuha...natatawa ako ei...o baka palusot laang sa akin yung may Financier sya......sabi ko'y magtanong tanong kung pano ang pagHinete ng Nokis sa mga huling oras bago ang laban...at baka ang ibibitaw nila ay puro tulala ang labasan.......

Tol Jojo.........sige mauna ka na para maiayos agad ang mga Sundalo......marami tayong panlaban ang tatanungin na laang ay ang Pamusta...sabagay ako naman ay talagang paPiso piso laang....makapanood laang ako'y Masaya na....;)

DingDong
February 27th, 2006, 12:04 PM
preng gori,

gay-on ga, at sasabak pala si neil ng 2 cock derby
sa cabuyao. ei alin gang manok ang ilalaban nya
at sino daw nag kondisyon? baka naman ipakikita
sau na marunong na sya, he he he. at may financier
pa ha, hi hi hi . . . ikaw naman baka naman sadyang
nag aral na maghanda ng manok, malay mo naman.

kamo'y wag muna pakadiinan ng pusta at kagagaling
ng manok doon sa cabuyao . . . baka naibalita na
nanalo yung manok mo sa araneta ei kaya nakakuha
ng taga pusta.


tol jojo,

petsahi na ang uwi mo at ng kami dine's maiayon ang
aming bakasyon sa mahal na araw. basta ako'y sa
linggong iyon ay are sa kitakitz.




:rbounce:

goryo888
February 27th, 2006, 12:19 PM
Preng DD....ako ngay natawa...hhehehehe..sabi sa akin ay baka daw gusto kong pumusta....eh para na laang di ko narinig eh...mabuti sana kung kahit pano ay binili na niya yung pinabibili kong VCD at Book ni Doc Ted...at malamang kahit papano'y lalagay ang loob ko na iba iba ang gagawin nito...kumbaga ay Scientific ang magiging Tirada...at hindi Bara bara....

Galing daw kay Nene Aguilar yung isa...at yung isa daw ay Lemon84 na nabili niya....alam mo naman si utol...nakasama mo na...baka ang ang Grey doon eh Dom ang tawag nun...nyhaahahaha

Sana naman nga ay maayos ang kalabasan...sabi pa sa akin eh kung pwede daw isama yung di napalaban sa GD dahil ang galing daw nung ibnutaw nya...nakita rin daw nung Financier kuno...sabi ko'y hwag at may pinaglalaanang laban yan...at pang Hackfight laang namin ni Tol Jojo yun......Hackfyt pero kargado ang pusta...hehehe!! Pupustahanni Tol Jojo yun ng House n Lot....sam ko na rin yung Lote ko sa paso...nyhahaaha

DingDong
February 27th, 2006, 12:39 PM
preng gori,

nakupo, tingin ko'y mangangawit kayo dun
sa maliit mo kung sa hackfight nyo ilalaban
yun. ei pogi yun eh, paano ga uulutan yaon!
maliban magkataon na meron din pogi sa
sabungan pag hinakfyt nyo yun. ei kung wala
din pogi ei baka mapasaing laang sa aping
laban ang mag uulot nyo. tingnan nyo muna
maige sa bitaw, tingin ko naman sa timbang
nya ay hindi mababa yun, kaya laang gay-on
tingnan ei naka-ilang lugon na yun kaya
mababang tumayo yun pero sa tantsa ko
ei tama laang ang sukat. sabong naman ang
laban at hindi basketball, bwahahahahahaha
aare sa derby yun, tiyak ko, hanggang huling
hininga ilalaban nun pera nyo. kung malaki
din laang ang pusta ei sa derby na laang at
pagka hackfight sa atin ei maliit laang mamusta
ang mga tao dun, magaling na makasa ang
22K nyo dun. baka mamaos na ang kasador
dun lalo na't hindi kilala ang kalaban nyo.

dapat naiuwi na yun kina ka blackjack at
nag maihanda ng husto. maagang huhulog
ang balahibo nun, baka sa ikalawang linggo
pa laang ng mayo ei lumugon na yun. maliban
na laang kung maalagan sa gamot ng tumibay
pa balahibo at hindi maulanan ng madalas.

hala, larga na yan!!!




:rbounce:

blackjack
February 27th, 2006, 05:27 PM
e2 ung juancho a. grey n malayan_heat....madiskarte sumabong at tiempo ang palo

http://i47.photobucket.com/albums/f184/malayan_heat/MHJuanchoGrey.jpg

sonny dela cruz
February 27th, 2006, 08:13 PM
Musta mga kabahag?

Kagaganda talaga ng mga sundalo ni Ka MH ka blackjack.

Ka Dingdong tama ka diyan salamat ng marami.

At sa inyong lahat Ingat po tayo lagi and GOD BLESS.

goryo888
February 27th, 2006, 10:11 PM
Preng DD...balak namin ni Tol Jojo eh di naiuwi yung mga Nokis na nasa Kabihasnan na...kung ano na laang ang nasa Kamangyanan ay yun na laang ang uilalaban doon...lalo pat alam naman natin na maraming Nokis sa atin...yung kay Ka Blackjack na laang eh ayos na....baka sa Kamaynilaan kami maglagare ng Sabong ni Tol Jojo...magpapauwi na laang siguro ng Nokis sa atin kung may Derby at kailangan ng pagpipilian....

Naku ay di namin isasagasa sa aping laban yun....iba na ang nakakaparehas sa laban, tapos ayos pa ang laro ng Nokis namin eh di matibay ang kapit ng Pera....

Sinabihan ko na si Utol na hwag pagbabasain ang mga Nokis doon para umabot hanggang Hunyo....Vit. E baga'y ayos para mahold ang moulting? http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/000_0155.jpg are ga'y ayos kaya?
Yaan ay Vits ng Mangyan eh..para tumagal sa laban...hehee

toyting_pasay
February 28th, 2006, 06:57 AM
gandang araw mga kabahag, dami ko na mis na umaatikabong wentuhan ha. iaangat ko na ito.

pre mt. halcon tuloy mo laban sa roligon ha, para sama sama tayo sa ating mga kabahag. naku balak mo talaga kami malasing sa pyesta jan ha. bale papakondisyon kami.

kaganda talaga ng mga nokis ni ka MH lalo na itong juanchogreys. padamihin mo pa ito tol. hahaha

ka goryo, baka kaya secret ang dating mo ay may iba ka kasama, sama kaming ng 10 jan ha? hehehehe


lapit na holy week, kita kitz na at labanan na. yahooo!!!!

blackjack
February 28th, 2006, 07:48 AM
e2 ung nagustuhan k s mag manok kahapon...tawag nila d2 ay open-ear kc wala tabon ang tenga...galing ky tony lasala

http://i47.photobucket.com/albums/f184/malayan_heat/MHOpenear.jpg

napakagaling kaya kahit may knting halak ay binutaw namin...pareng leonie wag mag-alala pinabigyan k n ng gamot 5 straight days!!!

kabahag MH

ako n magkundisyon nito pagnagdecide k ilaban!!!! makasama man lang kahit pang SMB!!

DingDong
February 28th, 2006, 08:13 AM
ka blackjack,

ei kagaganda ga nireng mga sundalong ire.
kahit pala sumabak tayo sa bigtime na derby
lagi ei hindi pahuhuli ang mga mangyan sa
gandang lalake ng mga nokiz. ka MH kahit
reject dyan sa iyo ei aare sa akin, hi hi hi!!!


preng gori,

kalupit naman nyaang mga vitamins mo na
yan. ei kung ako ang iinom nyaan ei siguradong
hindi laang taas, gitna at baba ang kikig ko
dyaan. kahit mahigit sa tatlong rounds eh
kakayanin ko dyan ah! meron naman dine na
mas mura ng konti pero kung andyan na yan
ei kagaling nyaan . . . penge konti subukan ko
kung uubra yan sa mga kalamansi lines ko,
he he he . . . mga local vits lang gamit ko kc.
meron pa ibang paraan para mahold ang molting
ibubulong ko na laang sa iyo, baka kasi mapulaan
ako dine at mali ang nasabi ko, bwahahahahaha




:rbounce:

blackjack
February 28th, 2006, 08:32 AM
mainit n tubig lang gamot dyan para wag kaagad mag-moult!!! masarap p kalalabasan.....linis lahat n balahibo.

Ka DD

nabigyan n ako ng Vita Alert n ginseng n Ka Goryo...ayos n ayos...maganda gamitin s mga alaga natin....

goryo888
February 28th, 2006, 08:51 AM
Ka loko ga nireng si Ka Blackjack...aba'y gustong isigang yung mga ilalaban namin ni Tol Jojo eh......hahahaaha malamang kalaban ng mga Nokis natin ang ilulubog sa halbusan...hehehee:lol:

Ka DD sige online ako...ibulong mo na laang at sasabihin ko sa kanila kung ayos baga nga.... hahahahahahaaa:lol:

DingDong
February 28th, 2006, 09:16 AM
ka blackjack,

aling alaga ga ang gumanda ang kondisyon? he he he
baka kako yung ating cock na panay laang ang butaw
at wala namang katalotalo lagi sa laban . . .


preng gori,

saglit lang ha, kasi pinapalinisan ko pa pc dine sa
opis, kakapal na ng alikabok eh, ako'y nababahin
na sa dami.

ire na tapos na pala!


:rbounce:

blackjack
February 28th, 2006, 09:43 AM
mga kabahag...

ungvitamins n ka goryo ay magaling gamitin para s alin mang alaga...lalo n s pang-ilalim....

ka goryo,

sinundan k ung mga dati mong post pati n ung praktis post m ng pictures....abay kagaganda ng mga flowers m dun....kinoleksyon k nga eh!!! baka may paborito dun si ka DD

goryo888
February 28th, 2006, 10:26 AM
Ka Blackjack...kaya nga si Utol eh di ko pinapapasok dine...hehehe...hwag na hwag mong mapapakita sa mga tagriyan sa atin...nakupoooo...baka kung ano isipin...heheheehe

Pati pala yun ay nahalungkat mo eh....hehehe

Ka DD sige...basta pag may pagkakataon ka eh pakisilip mo lang ng sandali yung mga Nokis kay utol...

jojo60
February 28th, 2006, 11:32 AM
MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT ULI!!!!

ka gorio: nakupo at si utol pala ay nasa DERBY na ang inaamibisyon... alam mo rin pala ang Pointing, akala ko kasi panay Tonting lang ang alam mo HEHEHE:lol: sabihin mo sa kay utol mo na wag magmadali at siya ang tuturuan ko ng pagpoPoint..masarap turuan iyang mga naguumpisa pa lang kc walang mali pa silang natutunan..dapat talaga ay isabak mo na siya sa Academy sa gay-on ay siya na ang mamahala ng mga nokiz na sa Maynila at sina NSAN naman ang bahala sa pagpaparami sa Naujan.balitaan mo kami kung anong nangyari sa laban ni utol at sanay maging matagumpay siya at meron tayong kasabihan BEGINNERS LUCK...

NSAN: naku at pagnakita mo iyong malalaking botelya na dadalhin ko jan ay baka hindi mo na ipainom sa mga sundalo natin at ikaw na mismo ang gumamit para tumagal kay Kumander Fe....hehehe

KA DD:magandang paraan ang naiiisip mo kung meron kang paraan kung paano hindi mag molt kaagad ang ating mga Sundalo.tantiya ko lang eh kung darating ako jan ng bago mag holy week ay hindi pa rin ako makakarating jan sa Mindoro dahil ang gusto ng gf ko ay sumama ako sa retreat nila sa Laguna..kaya nga hindi ko masyadong kinokontra muna siya at dapat ay magpagudboy muna ako..Ang sabong kasi ang dahilan kung bakit nabankcrupt ang Erpats niya kaya ayaw ko pinaguusapan namin ang Sabong kc hindi pwedeng hindi ako sumagot ng pabalagbag...

Ang gaganda pala talaga ng sundalo ni KA MH.. abay kapag pinag samasama ang mga sundalo ng mga Mangyan eh may paglalagyan sila..ang sa akin lang ay sana balang araw ay makilala tayong lahat sa larangan ng Sabong.

goryo888
February 28th, 2006, 12:18 PM
Tol Jojo...bakit yata ikaw ay ngayon laang napadalaw dine...ano gang napagkaabalahan mo dyaan? Sana nga palarin si Utol...naku ay talagang laking duda ko sa pinaggagagawa noon eh....natatawa nga ako't kahit yata Bloodline ng manok eh baka di niya naiintindihan, basta ang sabi sa akin ay Manok daw na galing kay Nene Agulilar yung ilalaban nya, at tska isang Lemon84........mangyari'y lahat ng manok eh ako ang nag iintindi.... naku eh talagang ako'y pakikitaan yata nga ni Utol...ako'y natatawa at ang sabi ay may Financier daw siya......naku ay palusot laang yata sa akin yoon eh...

Pano akong di magdududa..minsan ganito...sabi sa akin...Bro, may mga dinalang manok dito yung taga Bacolod mura laang..nanalo na nga lahat...yung mga nakuha ng mga taga rito sa amin...sabi ko eh...owwss talaga? aba ok yun ah...ano namang mga lahi yung dinala dyan?? ano nga gang lahi yun...isip isip..ako na ang nag Enumerate ng mga Bloodline...Kelso, Sweater, Roundhead etc etc...hindi hindi eh...may ano eh parang may white...ok, sabi ko...white claret? hindi, white Kelso? hindi, Zam White? di, Thompson white? hindi, eh ano bang kulay ng balahibo mga Pula rin eh na may puti puti, White hackle? eh di ibig sabihin ay may lahing white hackle pala.....ayun tama yun nga...hayyyyy...nakupooo kako talaga naman....:lol: :lol:

Ka DD tama ba ako? hehehe yan ang utol ko ..Mahilig sa Sabong...pero ewan ko baga...alam nga laang yata'y mamusta...

sa pula sa puti
February 28th, 2006, 05:40 PM
Mga Kabayang Mindoreno,
Nakakalibang ang mga kwentong manok ninyo, di ko pa natatapos i review mga threads, dito ako sa Robinson galleria ngayon, Manila Internet cafe, tuwa ako sa mga kwentuhan ninyo tungkol sa manok. Medyo bulok kasi internet connection sa Victoria kaya pag nandito lang sa Manila ako nakakapag Internet ng ayos. Anyway, tuwa ako sa inyo lahat at sana magkita tayo sa Mindoro. Kung sakali mapa pasyal kayo ng Victoria, welcome kayo lahat sa house at higit sa lahat sa farms kong maliit sa San Gelacio kung saan ko dinidevelop ang isang lahing manok na tawag ko ay DAW! Text nyo lang po ako 09198409100. Kaya po "sa pula sa puti" ang HANDLE ko dahil ang inahin kong puti cross ko sa pula at ang inahin kong pula cross ko naman sa puti, at yon din ang narinig ko noon bata pa ako, pustahan sila SA PULA.....SA PUTI.....SA PULA.....SA PUTI.... gud luck sa inyong lahat, sana swertihin kayo sa March 11 ROLIGON.

sa pula sa puti
February 28th, 2006, 05:44 PM
KABAYAN JOEY,
PAG HINDI KA NA BUSY USAP TAYO KUNG PANO SALI DYAN SA CF NINYO MAGANDANG GRUPO BAKA PWEDE AKO MEMBER KAHIYAHIYA MAN ULITIN SAYO.
SALAMAT PO ULI.
sa pula sa puti.

DingDong
February 28th, 2006, 05:48 PM
ei andine pala si ka nestor, musta na po!
saka magagaling ang mga puti nyo! kaya

sa pula sa puti tanggal ang ma _ _ ei gay-an
ang naririnig ko noong bata pa ako eh
teka mali yata ah, tsuri po . . .

tol jojo,

nagkaroon na kami ng palitan ni preng gori
ng kuro kuro tungkol sa moulting, baguhang
usapan baga. saan ga dine ang iyong sinta
sa laguna ba ikamo. he he he baka malapit
laang dine sa opis ko ei ibabati kita at ng
makilala naman ang iyong kabahag. tama
iyan, ire munang tunay na ligaya ang iyong
atupagin sa bandang huli ei yun namang
ibang sabong at pullets . . . dami dine sa
calamba . . . pakyawan ba o pero kilo gusto mo?


preng gori,

hayaan mo't pag medyo maluwag dine sa opis
ei dadalawin ko dun mga nokiz mo. titingnan
ko laang ha. kung meron mang akong obserbasyon
ei sa iyo ko na laang muna sasabihin. ang alam
ni kuyang neil mo ei kulay pula, basta pula at
kung ano kulay ng paa . . . manreregla yun . . .
aba ei sa trabesiya ei natama din naman ei
basta umayon sa regla nya . . . yun nga lang
sa dulo ei kung hindi bawi laang ei nahilahan pa.


BALITA SA LABAN NAMIN NI UTOL!!!

ako'y nagpahiyang mga kabahag at sinadyang
wag muna ilathala dine ang laban dahil sa mga
nauna na sabak ay hindi pinalad.

noong linggo at nag hacjfight si utol gamit ang
sa wari ko'y YLH na 4X winner dito sa san pedro
laguna, ito'y may tama sa kanang binti ha halos
tuwid na mga gitnang dalire kung tama ako dun
at more or less 4 yr old na din yun at isang
palahi namin na kalamansi lines na 2 yr old.
ang resulta . . . . talo ang 4x winner, bagamat
andun pa din ang tikas nyang mamalo at ayon
kay utol ei nadikdik laang sa barandilya kaya
nagantihan ng kalaban, malamang na patay din!
ang aming kalamansi line naman ei nanalo may
tama sa kilikili, malakas pa ng ibaba sa ruweda,
sentensya ng doktor, wag na gamutin dahil
hindi rin daw tatagal, matibay lang daw manok
namin kaya hindi nararamdaman ang tama nya
at kung gagamutin ei tatlong araw lamang ei
mamamatay din

yun po ang laban noong February 26, 2006
araw ng linggo sa aming bayang mahal!


pahinga muna may kasunod pa!


:rbounce:

DingDong
February 28th, 2006, 06:16 PM
pahabol:

naghinayang si utol dun sa palahi namin
na talangas kasi ang galing daw ng inilaro
minalas laang at nakilikili, offspring po yun
nung may nagbigay sa akin na taga bacolod
na tinawag naming si "wingband" kasi sya
po ang una kong manok na meron nun, hi hi hi.
bagamat buhay pa ay hindi na ginamot at
hindi rin daw tatagal. malamang ibinaon na
laang yun ni utol. hindi kasi kami kumakain
ng sariling alaga.


February 28, 2006:

ere pa ang isang siste: meron 2 cock day derby
sa amin kanina, at syempre kasali ang mangyan.
yun pong inilaban nun linggo ay pinagpilian para
sa laban kanina. ang panlaban kanina ei yung
aming bulik na medyo baluktot ang dalire na
syang isang dahilan kaya hindi napasama sa
matapos ang seleksyon sa GD bagamat kursunada
ng iba ang laro nito. pinaiwan sa SG pero kinuha
na din namin kasi nagkasakit. at isang palahi namin
na grey, na mababang manok, kung pasisilip ko
sa mga hurado noong GD ay siguradong out agad
dahil sa timbang na 2.2 ay talagang api. bagamat ito
po ay 2x winner na.


ang resulta . . . may gusto bang humula, he he he

ganire po ang nangyari . . . .


unang laban, fight # 8, (tuwa ako kasi swerteng #)
kalaban ei makisig, puting bulik ang amin. nakakuha
sa liparan ang aming bulik, palakpak si utol, dapa
ang kalaban, nasa lupa na, kailangan ng pinisin
ni ng bulik, kaso pumasok ng alangan, nakapitan,
nakikig, syut sa kilikili, patay ang bulik namin, yun
lang po ang tama, hu hu hu, malas yata tagabitaw!

ikalawang laban, fight # 16 (dinobleng 8 dobleng
swerte yata, he he he) kalaban 33K daw ang pusta
ang amin ay nanglilimahid laang at talo ang 1st fight.
eto na po yung aming pandak na grey, sabi ko nga
ei hindi naman basketball ang labanan. pero ito po
ay dating mahigit sa 2.2 pero kanina po ay 2.040
ang timbang kasi request ko kay utol na ibaba at
api nga sa sukat. susmalosep, natutong lumipad
ang loko, nakakuha sa itaas at andun pa rin ang
diin ng palo sa lupa, yun nga lang dahil nga medyo
mababa nahirapan ang aking si grey, bagamat nanalo
pero daming sugat . . . mabubuhay daw naman ire
he he he 3x winner na si pandakekok ko, bwahahaha

sa pangkalahatan, maligaya kami dahil nakapaglaban
ng manok bagamat hindi ko napanood ei ayos na din.
subalit warat ang bulsa ko, waaaaaaaaaahhhhhhh


konklusyon:

aba't meron pa pala ako nito. nawari nyo baga,
yung parehong manok namin na nanalo ei sariling
papisa na namin, at yung 2 natalo ei galing sa san
pedro sa pinsan ng asawa ni utol, na nag abroad
ibig sabihin hiyang kami sa pag kami ang nagpalahi.
he he he kaya sabi ko kay utol palahi sya ngayon
kahit end of breeding season na bahala ng magsilong
sa darating na tag-ulan. kasi sa pagkatanda ko ay
tabla pa laang ang pinakatalo namin sa sariling palabas
na nokiz. kaya laang kami tumigil kasi hindi pektyur cock
eh, kulang sa gandang lalaki (parang yung may-ari,
bwahahahahaha, ma appeal lang, hi hi hi hi hi)

hayan mga kabahag ang kwentong sabong ko sa loob
ng dalawang araw, kayo naman po!!!


:rbounce:

blackjack
February 28th, 2006, 06:38 PM
kabahag

totoo mahirap linya dyan victoria pero baki d k nquire s smart para mag-WIFI k n lang...unlimited pa 2 at kasimbilis ng linya dyan s manila....kumsta n ung isanmg breeding line m n mga itim o hiraw na tinatawag mong ULTIMAX 99...kwento m naman

goryo888
February 28th, 2006, 07:29 PM
Ayos ang kwento ni Ka DD ah ...kakaaliw...Ka SP SP...sige laang at kami'y talagang di mapipigilang pumunta sa iyong Manukan....baka kahit walang imbitasyon baga ay sumilip din...kakapalamn na laang..para makapagOsyoso...hehehee:D

Ay sya Preng DD...kung ganon naman pala eh...di magpalahi na...di naman kailangan ng gwapo ang itsura, basta baga mananalo....sabi nga eh pangit man daw at magaling ay nakakak@nt@......t rin...nyhahahaaha:lol:

Ka Blackjack...gising ka pa ha? Magandang gabi sa inyo dyaan...

malayan_heat
February 28th, 2006, 08:20 PM
MGA KABAHAG NA MANGYAN

mzta na ga kayong lahat?sa wari ko ga eh panay ang
sabong natin diyan ahhh pati ang manok natin na walang
tali ehh lagi yatang napapalaban e naku!!!! kaunting ingat
baka mabambo ni kumander pag na silip ay mabuti na ang
laging listo ikanga kabahag sa palakay ga kaya ninyo ehh
maaaring isabak ang mga nokis natin sa mga nokis nila
ay kung maaari eh di pumili tayo ng pwd na isabak sa
sabungan pag uwi ng mga kabahag natin may ilan pa ako
na magulang sa malaya 4yeas na maaari na siguro iyon
iwan ko lang sa inyo kung gusto ninyo ay tingnan ninyo
ang 1 ay winner na ang iba ay wala pang panalo kahit ang
open air ay magulang na rin 3years na rin yan ang kapaid
na 2 niyan ay parihong nanalo na.


pareng tim kung gusto mo na ilaban natin
pag uwi ng mga kabahag natin yang open air eh d ikon
desyon natin sabihin mo lang kung kailan. kung sa pala
gay mo i pwd yon eh walang problema.sige ingat na lang
kau dyaan.

GOD BLESS NA LANG SA LAHAT

goryo888
February 28th, 2006, 08:27 PM
Yooohhhooooo...nakupo at talagang mapapasabak pala ng husto ang bakasyon ni Tol Jojo...ayan na kabait ga talaga ni Ka Leonie....sya Ka Blackjack pag malapit lapit na ay ikondisyon na yaang pangMalakasan ni Ka Leonie at ating iTesting....:rbounce:

Pag nabasa ere ni Tol jojo eh magtatatalon din ng husto yaon.... :rbounce:

Ka MH...sige at kami'y lubos na nagagalak sa iyong paanyaya...Salamat ng marami...makakapag aliw din ng husto ang Mangyan pag uwi sa atin...

goryo888
February 28th, 2006, 08:31 PM
Are ga Ka Blackjack ay aare sa panlasa mo...are daw ay Seedfowl, offspring ng double right na BB sweater http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/SeedfowlBBsweater.jpg

Galing sa isang naging kaibigan na rin...na kina Utol na yan sa Laguna...marahil ay nasundan mo rin kung saan galing yaan..
Nagpapakuha na kao ng 2 pang inahen sa Bohol malamang yung kapatid nung nanalo sa GD...KelsoxBlueface Hatch...
Kaya laagnbaga ay alanganin na medyo off season na yata....

malayan_heat
February 28th, 2006, 08:31 PM
PS

pareng tim kung may panahon ka nga pala saglit ka na
lang sa malaya para kunin ang pera pk tingnan mo na
rin ang grey na winner na ng 1 greenleg palagay ko pag
nahatak ng maayos yon walang paglalagyan ang kalaban
doon kasi ng manalo yon ang sabi ng 1 matanda dadami
pa ang magiging panalo niyan dahil mahusay hehehehe
iwan ku lang baka lasing yong matandang yoon tingnan
rin ha. ok salamat ng marami sa lahat ng abalang ginawa
mo sa akin ok bye bye regards sa pamilya.

malayan_heat
February 28th, 2006, 08:47 PM
KA GORYO 8888


IKAW gay kailan talaga ang uwi nakakasabik na talagang
umuwi eh sarap magsabong kaya lang ng ako ay umuwi pare
talo ang entry ko sa calapan hnd marunong ang bago kung
handler pero kahit guapo ang nokis kung hnd marunong mag
pointing na nokis wala rin yatap rin kayod pati bulsa hehehe
kung maaari ang mga sundalo ko eh d idali natin. sige mag
balitaan na lang tau ingat na lang sila sa yo jan hehe joke
lang bye bye.m





malayan_heat

blackjack
February 28th, 2006, 09:02 PM
kita nyo na....napakabait talaga nitong c malayan_heat. pinapalaban s tropa manok nya kahit wala sya!!! cge pare sasaglitan k s malaya at tingnan ung grey n sinasabi mo.

Nsang jojo, ka goryo

gayak n at nadagdagan n naman sundalo natin....malaman k n agad date ng uwi nyo para maihanda k ung mga manok!!!

ka goryo

ayos n ayos ung stag n yan...pwedeng pwede materyales!!! habol na habol pa naman yan kasi stag p yan at kng pullets ang dadating ay ok pa rin....d p lulugon ngayong june o july kaya ok p rin para maka-una n ng lusot ng sisiw agad...off-season breeding tawag dun at stag & pullets gnagamit!!!

kng d2 m ipadala yan ay lalong ok dahil may bruce sweater double-right akong inahin n galing dyan L.A.

e2 p sample ng na-pirate k s u....hinuhubad ata ni ineng tong pamunas ng luha m nung nagdadamhati k pa...hi hi hi

http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/goryo8.jpg

nawala 2loy antok ko dahil magaganda talaga manok mo pati pullets!!!!

goryo888
February 28th, 2006, 09:51 PM
Nakupooooo...at nahalungkat nga eh...hahahahahahaaa..itago mo yan Ka Blackjack baka makita ng mga taga riyan...ay nakupoooo...si Ineng ko yan....

Yang stag na yan ay mga 9 mos na ngayon...at kaganda nga raw sabi ni utol...pero iba kung ang magsasabi na maganda at maayos ay yung talagang Magmamanok...kaya ipinasisilip ko pa rin kay Ka DD..para malagay ang loob ko....heheehee

Hayaan mo Ka Blackjack...meron pang dadating galing din sa isang kaibigan...Tonio Spangle Roundhead...broodstag...eh wala na akong mapaparesan noon pero kukunin ko pa rin...ipinahihiram eh...pero pwede ring ilaban kung gusto ko raw.....

Tapos si Fortbonifacio...magbibigay sa akin ng Democrat...winning lines nya yun kaya ipinagmamalaki yun nun...kaso sa pag uwi pa niya sa Abril...nasa Bicol pa daw...kaya malamang sa Mindoro ang bagsak nung mga yun...kasi wala namang lugar si Utok dine sa Cabuyao na tulad ng diyan sa atin....

Sya tabihi na yang si Ineng ko...at baka yung mga papasok dine ay manakit mata katititig....hehehe

blackjack
March 1st, 2006, 04:50 AM
Ka goryo

ayos n ayos ung Tonio spangle at un lang ang roundhead n straight comb.....tanda k rin un at nilagay m kasama ng iyong signature he he he!!! bukod p si natalie.... aysusssss nakaka-Rumangyan nga tayo!!!!

ang importante talaga ay yung iyong ipapares n broodhens...dapat quality...2lad nga ni natalie...bwahahaha!!!!

cge at itatago k n lang yun...kaya k nga d tinuturuan mga taga-munisipyo kahit may sattelite connection sila at pwede mag-internet...baka masilip p tayo d2...malaki gulo headline ka na naman!!!

Manokiz
March 1st, 2006, 05:08 AM
gudevning po kabahag,,,
'musta na kau?

blackjack,,,
salamat,,, naway mas dumami pa nga,,, :D
ganun di po sa inyo lahat,,,

good luck sa breeding n'yo,,, :)

blackjack
March 1st, 2006, 05:41 AM
Nokiz

kabahag, dalasan m silip d2 ang gaganda pullets n ka goryo d ba? pag ganyan lagi nakakawala ng pagod!!!! makakalimutan n lahat pati n yata manok.....perodpat ay stick 2 1 line k lang para ma22kan at maimprove mo!!!

toyting_pasay
March 1st, 2006, 06:39 AM
Ka Goryo gaganda ng pullets mo ka goryo. sarap himas himasin. tamang tama ang mga vitamins jan sa iyo para sa mga pullets na ito. he he he he
di mo ba madadala ito pag uwi? masarap palahian ito.

ayus na ayos pala mga malalaban jan sa holy week, mukhang madami daming mapupustahan at kahit di na magtrabesiya ay masosolve tayo.

blackjack
March 1st, 2006, 07:05 AM
Sabi k nga ba't bilib n bilib s u mga kabahag natin....d nila alam n BREEDER k rin pala at maaayos n linya ginagamit mo...piling-pili at kahit saang derby m isabak....BREEDER KA TALAGA!!! IBANG KLASE!!!

Mt.Halcon 888
March 1st, 2006, 08:30 AM
Mga kabayan,

Musta na kayong lahat,Me paderby yung kaibigan natin dyan sa lumang sabungan ng Calapan sa March 8, 2 COCK GUARANTEED Php.100,000.00.

Baka makalimutan nyo APRIL 22 PINAMALAYAN TOWN FIESTA,
3 COCK DERBY,sana makasali kayo.Ka Toyting ready na ba yung ilalaban mo sa derby sa Pinamalayan,Ka Joey sana makaentry ka rin para me entry din ang Victoria,salamat sa inyong lahat nga kabahag.

NAWA'Y SUMIKAT AT MAKILALA ANG TROPANG SANDUGUAN MINDORO.

:rbounce:

DingDong
March 1st, 2006, 09:00 AM
preng tem,

bakit mo naman inilantad dine si Ineng ni preng goryo?
ang pakiwari ko'y matagal na nasa breeding pen ni
preng gori yaan, kaya laang ei wala pa yatang napipisa
dahil ang itlog ni preng gori yata ay laging nayayakyak.
ei dapat makapagpalahi ka na dyan, gary boy!

maghihintay na lang ako ng pullet sa magiging palahi
ni gori sa naujan . . . para medyo pumogi naman ang
mga nokiz namin . . . meron pa dun natira na pwedeng
BC at BH galing kay prez rebel, nyahahahahaha . . .


aba at uwi na kayo, kadami nga nireng ilalabang manok
kung papalarin na manalo ei baka sulit ang inyong uwi
at masambot ang gastos nyo, hi hi hi hi


preng gori, gayak na.


teka pala, nasaang lugar baga si ka MH, nasa labas din
ga ng bansa???


preng manokiz, dalas dalasi dalaw dine sa ating kubol
at nagiging masaya tayo dine sa pagdaan ng mga araw.


bakit ng amasalang si tol jojo, dine. palagay ko'y panay
ang hataw sa trabaho niyan para maraming baon pag-uwi.
ayos yaan tol, ako naman ei di maselan sa pasalubong,
aare na ako sa sariwang ngiti habang ang isang kamay
mo'y may hawak na . . . bahala ka na kung anuman yun,
bwahahahahahahahahahahahahaha



:rbounce:

goryo888
March 1st, 2006, 10:30 AM
Mga Kabahag......si tol Jojo sa palagay ko'y tamad na ring magpapasok sa trabaho....ang iniintay na laang nun ay ang pag uwi dyaan.....sa pakiwariko'y di na naman yata pumasok ei...dahil kausap ko kanina ay kasama si Nanay......;)

Ka Blackjack yung Tonio Spangle Roundhead ay taga tabi tabi rin laang ang may ari....ayaw pa laang magpabunyag.....kabait din nung taong yun....malalaman nyo rin kung sino yaon....

Yung Tonio kung sakali at mahiram natin ay malamang dyan sa Mindoro ang bagsak nun...wala naman gaanong lugar si utol sa Cabuyao...kaya nga khit papano nakikiAmot ako ng oras kay Preng DD na masilip baga kung ayos nga ang lagay at diskarte ni Utol....

Pero yung Tonio sa kasamaang palad na nasa Signature ko ay namayapa...naiinitan...pero may Full Brother yun na mahihiram natin...Straight comb din....

Mga Kabahag..magandang araw sa inyong lahat...

toyting_pasay
March 1st, 2006, 10:41 AM
pre mt. halcon, nakawala ung oakgrove na nakuha ko sa iyo, nagbugbugan. di bale pilitin natin makasali jan sa paderby mo.

mga kabahag pwede rin natin entryhan paderby ni ka mt. halcon sa april 22. masaya ito. open daw inuman sa kanila. pre halcon, sama mo na rin pulutan, he he he

goryo888
March 1st, 2006, 11:07 AM
Kung makaEntry man tayo doon na para sa buong tropa ay malamang nakasalalay sa magiging laban ni Kuya Joey at ni Mt Halcon sa Roligon...at kung may Nokis tayo na maiiparada na De Bahag baga....ang magsasalita dyaan ay yung may mga Nokis dyaan sa Kamangyanan....kaso ay parang nakalaan na sa pag uwi ng iba dyaan....pangHackfyt baga na matibay ang kapit ng Pera natin sa Bulsa.....hehehe para makabawi bawi man laang sa gastos Pag uwi....di ga Tol Jojo??...;)

toyting_pasay
March 1st, 2006, 12:01 PM
di bale kahit walang entry basta ang importante eh ung kita kitz ng grupo. sana maganda performance natin sa march 11.

ka goryo, sa sabong auction ung broodstag na nabili mo di ba? kanino mo nga nakuha?

goryo888
March 1st, 2006, 12:22 PM
Kay Gentlemancocker...nagBid ako 8,888...pero nakausap ko sya ng maaga....kaya sa kabaitan nung tao....patuka na lang ang ibinigay ko...Libre na lang yan....hehehee
Kahit nasa 7250 na yung amount ng bid...pinaClose na niya...tutal ako rin naman highest bidder so far.......di niya inisip yung pera, binigay para sa pagkakaibigan....di naman yata yun nag o auction kungdi namimigay lang..pag ayos ang usapan.....hehhehehe...kaya bahala na pag balik ko dyan kung ano man maiabot doon sa Tao......
Nasa Cabuyao na yang nokis na yan, sa Utol ko at talaga daw kaganda....nagiintay nalang ng Kakatyawin niya na manggagaling sa Bohol kung nandoon pa yung kapatid nung nanalo ko sa GD na KelsoXBlueface Hatch....sana magbigay ng mgaMananalong anak...;)

goryo888
March 1st, 2006, 12:37 PM
Ka Toyting...kilala mo na ba yun sa personal?.....kasi di baga ikaw ay nag o Auction din...Totoy Honda ka kamo doon.....

toyting_pasay
March 1st, 2006, 01:11 PM
ka goryo di ko sya kilala personally pero nakikita ko mga manok nya na inoauction, magaganda sila at mukhang authenticated. may farm ata sya sa negros.

oo pre totoy honda ang handle ko sa sabong auction. pero konti na lang mga stocks ko ngayon kaya di me nakakapagpost dun. sa mga june na siguro ako makakapagpost sa site ulit.

kaya ko sa iyo naitanong kasi napansin ko nga yang brodstag naiyan sa site at biglang nawala kaya di ko natandaan. gwapito sya pre.

goryo888
March 1st, 2006, 01:25 PM
Haayyyy...salamat a good comment coming from someone who knows fightingcock ang breeding materials ok na ok na ako...lalo akong Nagpapasalamat doon sa Tao...oo may Farm sya sa Negros....Satellite lang yang nasa Laguna.

Ka Toyting nasilip ko rin mga nokis mo sa Gallery talaga palang kakikisig din nga ei....;)

toyting_pasay
March 1st, 2006, 03:47 PM
salamat din ka goryo, pag lumaki mga pullets ko padalhan kita baka makursunadahan mong ibreed eh makaparami ang lahi ng mga kabahag.

goryo888
March 1st, 2006, 11:16 PM
Naku Ka Toyting....pwede bagang di makukursunadahan mga nokis mo eh kitang kitang De Kalidad...ay sya ngayon pa laang ay nagpapasalamat na ako.....at kung saka sakali at yaan nman ay rumami ay magagamit din ng Tribo.....;)

Magandang araw sa inyo mga Kasandugo....

jojo60
March 2nd, 2006, 12:47 AM
aba ay wag ka lang malingat eh talagang napakahaba na agad ng iyong babasahin dini.. magandang halimbawa ere at narami tayo d2 sa ating kubol at karamihan ay aktibo sa pagsali sa ating mga mungkahi.

kaDD: nandidi lang ako at syempre nasipsip kay Ermat para marami tayong puhunan sa pag-uwi.wag kayong magalala sa pag-uwi ni 'tol Gorio at ayos na ang lahat,malipad na lang jan at wala kayong kamalaymalay na nasa harapan ninyo na pala cya.hindi naman porke galing dini ang mga manok ay masasabi nating de kalidad na,ang importante ay kung paano sila inalagaan simula ng kanilang paggiging sisiw.kaya stick ka na lang sa iyong style at sigurado kong magiging swerte ka sa pagpapalahi sa kanila.

NSAN: iyan ang isa sa mga alaga ni ka G d2..ewan ko ba ga jan at ayaw pang lahian para makarami na ang kapatid natin..sabi ko nga ay bira ng bira hanggat bata pa.mga dekalidad ang mga napagpilian ni ka G na mga sundalo at kapag iyan ang dumami ay naku malamang ay hindi na iyan bumalik dini.

ka MH at kaSPSP: maraming salamat sa iyong pagimbita sa inyong lugar.kami ay siguradong mapapadpad jan at maski wala kayo ay bibitbitin na namin ang mga sundalo ninyong aming mapupusuan..Hehehe :lol:

ka TP: ikaw pala ay marami ring mga alagang sundalo at mga dekalidad pa ika nga ni ka G. siya kami rin ay bibisita sa iyong lugar jan at para makapanood ng mga bitaw ng mga Mangyan.

ako naman ang bahala sa inyo kapag lumawas kayo sa Manila..may mga koneksiyon pa rin naman si ako at iyon ay gagamitin natin kapag tayo'y nasa bandang Q.C.

goryo888
March 2nd, 2006, 02:40 AM
Tol Jojo...........ayan ang sinasabi ko sa iyo...hahaba ang babasahin mo kapag ikaw ay nagpaAbsent absent.....pero ayos laang at si Nanay naman ang dahilan....

Sa nakikita ko'y areng mga Mangyan na are'y pag sumabak uli ay makakatikim ng totoo ang makakalaban panigurado ako....aba'y kalalim na ng magiging pagpipilian ei....kung 5 cock laang ei..magShare laang ng isang Alas ang bawat isa dine ei MAHIHIRAPAN na silang TIBAGIN ang sundalo ng Mangyan....

Sya...bawat araw ay nabibilang na para sa nalalapit na Kitakits.....bagama't paniguradong wala pa ako dyan ay hahabol na laang kahit baga isa isahin puntahan ang bawat Kabahag eh ayos laang....mahalaga'y nakilala at nakaharap ang Kabahag na tunay.... ;)

toyting_pasay
March 2nd, 2006, 06:34 AM
gandang umaga mga kabahag!

ka jojo, saan ba sa QC ang stay mo pag andito ka? kasi dito lang me mindanao avenue. dito rin base ang munti kong farm. pero sa roxas ay may manukan din ang aking mahal na byenan at bayaw.

marso na!! lapit na uwian!!!

jojo60
March 2nd, 2006, 06:50 AM
MAGANDANG BALITA ERE!!!

Nag meeting kami ng Boss ko kanina at pinaalam ko sa kanya na ako'y aalis na sa POST OFFICE..ang napagkasunduan namin ay uubusin ko ang aking natitirang bakasyon and the rest will be Leave of Absence.. ayaw ako paalpasin at kung ano daw ang gusto kong mangyari ay payag ung PostMaster ko..ayos at baka this 3rd or last week of this month ang aking uwi..yahooooo:rbounce:

kaTP: may bahay kami sa Fairview kaya lang ang tambayan ko talaga ay sa may Laloma malapit sa Sabungan..sayang ung lupa ng kapatid ko jan sa Mindanao Ave.at binenta ng loko.sabi mo ay sa roxas eh jan ba malapit ks Amoranto Stadium..kung iyan nga eh madalas ako jan noong early 80's at ka live-in ko pa si JANICE JURADO ng bago siya mag-artista.

ka G: cya ako'y una na sa iyo sa pag-uwi at wag kang mabahala at ako ay maghahanap ng mga Taartits para sa iyo..cya at ipasabi mo na lang ang bakas mo kay utol pag naglaban na me.

NSAN: paki Pm mo nga ako ulit kung ano ang mga kailangan natin jan.Baka mag pauwi na lang ako sa handler namin d2 ng mga pullets. may makukunan ako jan at hindi makakapalag ito kay Bayaw dahil malaki ang utang na loob niya sa kanya..

SEE you guys at paki PM ninyo sa akin ang mga celfon at landlines ninyo at para sa pagdating ko jan eh ayos na ang buto buto...:lol:

toyting_pasay
March 2nd, 2006, 07:04 AM
aba ay magandang balita nga yan ka jojo. siguro ay parang sinisilihan ka na ngayon jan. dito lang ako pre sa sauyo, at yung farm ni byenan at bayaw ay sa roxas, mindoro. may bagong gawang sabungan ngayon dito sa bayan ng novaliches, at kasosyo rin dun ung may ari ng laloma, kaya maganda din ang kasahan at pamamalakad.

abay si janice jurado ba kamo? talagang wala silang kawala sa tikas at gandang lalaki ng mga kabahag. he he he

ka goryo, pauwi na si ka jojo. wag mo na sekretuhin uwi mo at siguradung masaya saya itong kita kitz natin he he he

goryo888
March 2nd, 2006, 11:10 AM
Kayaaaaa...paaalaaaaaa...kaka Play ko lang ng mensahe mo sa teleponoooo....nakupooooo...siguraduhin mo lang na nandyan ka pa pagbalik kooooo....kaagaaa mo naman Tol umuwiiiii.....sya ok na rin para mahinete mo ng ayos yung ilang Nokis ko sa Cabuyao kung maaari baga yung mga yun....para pag dating ko dyaan eh laban na laang ng laban....

Ka Toyting...dyan sila maluluma sa mga de Bahag....hehehe

Mt.Halcon 888
March 2nd, 2006, 12:59 PM
Mga kabayan,

Mukhang masaya ang kita kitz na mga tropang mindoreno.Tuloy ba yung entry ni Ka Joey sa Roligon sa March 11?

Ka Jojo,ka goryo,pag uwi nyo baka gusto nyong maglaban sa araneta ngayong April,me 8 Bullstag derby.me naitabi pa kong mga 25 piraso ,kc kelangan banded ng bakbakan para makasali,2 leg yun.

Ka Toyting sige sama ko na pulutan sa kita kits natin sa Pinamalayan town fiesta.:lol: :rbounce:

toyting_pasay
March 2nd, 2006, 01:27 PM
ka goryo, grabe kamandag ng mga de bahag. he he he

ka mt. halcon pledge na rin ako sa paderby jan sa pinamalayan sa april 22, kaya lang minimum lang pre. alam mo naman pang maliitan lang ako at laban lang ang katuwaan. bahala ka na kung kanino maimamatch. wag lang kay mayor alvarez, at baka di makasa pusta nila. he he he

Mt.Halcon 888
March 2nd, 2006, 02:12 PM
Ka Toyting,salamat sa pledge mo,wag ka mag alala kami ang mag mamatch,pero maganda kalaban si Mayor,sigurado dehado tayo dun sahod na lang tayo.3 beses na kami nagkalaban sa derby,sa awa ng Dyos panalo ako sa 3 laban namin.Ipasabay mo na lang manok mo sa manok ko pag iuuwi na. Sabado ang derby,ipapadala ko yung mga manok ng Martes ng gabi,para Myerkules ng umaga mga 6 or 7 am nasa Pinamalayan na mga manok ,tapos Thursday morning paligo na deretso pahinga na sila hanggang sabado.

Baka me gusto pang sumabay sa pag uwi ng mga panlaban natin,sabihin nyo lang para sabay sabay na lang padala mga pang derby natin.



:rbounce: [B]

toyting_pasay
March 2nd, 2006, 02:22 PM
pre mt. halcon ordinary looking at fighting style lang ang ipapasok ko kasi ala naman akong super, NAKS NAMAN, kaya siguradong madedehado. basta minimum lang pre.

1st week of april uwi na ko kasabay na manok. pero ty sa alok ha. sabay na lang ako sa iyo sa march 11 sa roligon.

PANGKATUWAAN LANG......

DingDong
March 2nd, 2006, 04:35 PM
tol jojo,

ayos ah, malamang dinibnib ni Janice Jurado ng
iwan mo sya. kasi napabalita na kumain ng adik
yun eh. pero palagay ko'y narehab na. tsk tsk tsk
talagang matindi ang mangyan ano tol . . .


ka goryo,

ayan oh, bibigyan ka daw ni tol jojo ng starlet, he he he
mukhang madaming kontak si tol jojo sa showbiz.
baka naman pwede rin ako sumaydlayn, kahit isang
gabi lang, nyahahahahahahahaha


ka mt. halcon/toyting_p

gusto ko sana sumali dyaan sa derby sa pinamalayan
kaso laang ei baka wala na kaming nokiz na aare sa
derby. ang napalaban na nga nung isang araw ei yung
pandakekok ko eh. maliban dun ei alangan sa araw ng
bakasyon ko dun sa atin. tingnan na laang pag uwi ko
kung meron pa doon aareng ilaban.

wag kayo iwas kay mayor alvarez, mas maganda kalaban
yun, kita mo si ka mt. halcon 3 beses na nya tinalo yun.
ako last november tinalo ko si mayor ng pangit lines ko,
dun sa paderby sa pinamalayan, tinires manok ko dun,
kaso nadale sya ng nokiz ko, paktay manok nya. malaki
nga pusta nun ei di mangawit ang kasador kakaikot sa
sabungan para maikasa pusta nya. basta sa ganang akin
wag ka iwas pre, at mas lamang panalo ka kung sa kanya
makakalaban mo, nagmamalas sya lately eh. last december
nga nanood ako sa paderby sa gloria ang laki ng parada
nya. unang lipad pa lang dapa na kalaban nya, susme
naubos ang oras hindi napatay yung kalaban, ayun tabla.
muntik pa ngang talunin eh, kung sa ibang sabungan lang
talo na yun. paano ba naman pag ibinabagsak ang manok
lampas sa ulo ng kinakareo, paano tutuka yun hindi kita
ang kalaban, he he he . . . dun dun tayo dehado, nyahahaha

kung makakasaglit ako umuwi ng petsang yun, manonood
ako mga kabahag.



:rbounce: :rbounce:

blackjack
March 2nd, 2006, 05:22 PM
mga kabahag

ayos talaga 2ng c malayan_heat...bukod dun s isang manok n kinursunada kng ikundisyon para s tropa ay dinagdagan p ng 2....ang isa ay grey n winner na....pinapakuha n s akin dun s manukan nya....kaya ayos n ayos n ang uwi nyo dine...may 6 na manok na para ilaban....baka madagdagan p kung may makursunadahan uli dun s pagbisita namin!!!

kahit nasa italya yung tao'y pinapalaban p rin s tropa manok nya....

sya gayak n mga mangyan!!!!http://i47.photobucket.com/albums/f184/malayan_heat/MHSweater-gilmore2.jpg

ok g ireng porma n are at baka naman papalo...idadagdag natin kng papayag may-ari

goryo888
March 2nd, 2006, 11:18 PM
Ka Blackjack naku ay hinay hinay tayo....kakahiya na yata....hehehehe di bale makapal naman na talaga....

Naku pwede ga kayang makaintay yang mga yan hanggang...sa pagdating ko....para naman makabawi bawi sa gastos kahit papano...pero hwag nyong iisiping malaki ang ipupusta ko...ako'y pangKauntian laang....makapanood baga ng laban ay ayos na...

Si tol Jojo...malapit ng lumandoy dyaan....naku...ako'y biglang iniwan ei...atat na atat ng makahimas yaan eh...... :D


Yung sa akin ay biro laang ilaban nyo na ng ilaban dyaan at baka abutan pa ng lugon.... ang madatnan na laang eh di yuon....meron naman akong ilang pangsabak din...at meron pang nagpriprisintang magpadala kahit hangang sampung pangKilitian......at ang matindi ay libre baga...kaya kakahiya rin...tapos ay pupustahan laang ng Mamiso.....:D

Ka DD...naku ay baka nga mapahapit ei...pero ako ay medyo preno sa ganyan... pero sabay arangkada....nyhaahaha....

Manokiz
March 3rd, 2006, 05:43 AM
gudevning po kabahag,,,

blackjack,,,
salamat sa pa-alala,,, gud luck sa breeding nating lahat,,,

kabahag goryo,,,
paki-kamusta na laang ha,,, :D

toyting_pasay
March 3rd, 2006, 06:04 AM
ka blakjak, kung payag si ka MH ay isama na yan! ka ganda nyan ay! tingin ko lang ay maririndi makakalaban nyan sa palo.

ka dingdong, kung ala na nokis eh ok lang basta sama sama tayo dun, may entry naman me, pwede natin pagbakas bakasan iyon at mapanood.

ka goryo sabay tayo sa pagpreno, pero una ako sa arangkada ha? he he he

Mt.Halcon 888
March 3rd, 2006, 08:57 AM
Mga kabayan,

Magandang araw sa inyong lahat.Nagkaron ho kami ng konting adjustment sa araw ng paderby namin para mapagbigyan yung ibang me paderby sa Pinamalayan.

3 cock Derby
Php.200,000.00
Pot Money:5,500.00
April 15,2006-Sabado de glorya ho yun

Tamang tama ho yun pagkatapos ng Huwebes at Byernes Santo.
Bago mag umpisa ang derby e me hackfight pa,kaya kung me xtra manok tayo,dalhin na rin natin para mailaban.Sa tingin ko ay ok pa rin yung date kasi bakasyon pa rin naman yaon.

Makakapanood din kayo ng Moriones Festival sa amin,maraming sumasali kasi magandang premyo.


:rbounce: :rbounce:

Mt.Halcon 888
March 3rd, 2006, 09:01 AM
Ka blackjack,

Isali na natin yan sa 3 cock sa Pinamalayan,mukhang malakas mamalo yan kabayan.

jojo60
March 3rd, 2006, 10:44 AM
sa dami wari ng manok ng mga Mangyan eh dapat yata eh patak patak lang ang pusta at baka hindi makatagal ang pisi ng mga tiga California at mapauwi ka agad..tama ka ka G dapat yata ay ambag2x na lang at pagulungin at kapag nakasapol eh happy lahat at kung hindi naman papalarin eh hindi masyadong mabigat sa bulsa..

Meron rin akong barkada rini at pauwi sa 16 ng buwan na ito.naku ke dami rin ng manok noong kapatid nun sa Pampanga..hindi rin ako mapapahiya kung pailan ilan rin naman ang bibitbitin ko..ka G cya ung sinasabi kung binili ni Bong P. ng 1k USD bawat isa..

ka MH: salamat sa pag imbita sa amin ni ka Gorio..napangakuan ko na kc ung GF ko na mag reretreat kami sa Laguna..naku patay si ako kapag di napagbigyan un..sarap pa naman makadalo ng pa derby ninyo at sigurado akong masayang masaya iyan.

Awa ng Diyos ay na sa Naujan ako ng March 31 & April 1 para ibigay ung mga bilin ni Nsan at makita ung mga sundalo na ilalaban ng hackfight sa April 8. nanjan ulit ako ng April 7-9..sa mga makakapunta jan ay may small kitakitz tayo at pag uwi naman ni ka G ay un ang Grand kitakitz...ayan alam ninyo na ang sked ko pagpunta jan sa atin.

Nasaan kaya si ka CHUCK????? ka Raul hanapi nga iyong isang kabahag natin jan..

ka DD: iyon ay panahaon ng maayos pa ang takbo ng kanyang utak.. :lol:

toyting_pasay
March 3rd, 2006, 11:37 AM
ka mt. halcon, isasama mo ba c alnek sa paderby nyo sa april 15?


ka jojo ayus na ayos yan, basta ba sa gf lang lagi ang tingin. at magdasal ng taimtim.

goryo888
March 3rd, 2006, 11:59 AM
Anong dasal dasal ang pinagsasasabi mo dyan Ka Toyting? heheheeheee hwag mo na sabihin kay Tol Jojo yan......pagdating sa babae ewan ko lang kung marunong magdasal yan......heheheee kung magdasal man yan baka iba ang nilalaman.....

Tama ka Tol Jojo...kaya sa dami ng mga panglaban na yan...aba ay para makatagal at makapglaban hanggang sa huling oras eh medya medya laang ang parada.....;) Hindi naman minsan laang tayo pupusta.......ang sabong eh nandyan lang araw araw at di mauubos ang sultada....pero pag napagtalo ang laman ng bulsa ay malamang tutunganga na laang ang bawat isa....nyhahahahaa hwag naman po sana....

Kung ang Grand Kitakits ay ang pagdating ko eh....nakakahiya yata sa inyo...pero...kung ganon eh...saan ga kaya tayo pwede...dahil kung inuman eh walang nag iinuman sa amin ei...palibhasa eh di nag iinom Tatay ko....pwede riin sa amin pero ang inuman ay hanap tayo ng pwesto...pwede siguro sa Beach ng mga Tito...pero ang balak ko baka pwede ninyong paglugaran ang Mayo 21, Lingo po iyon...pwedeng kainan muna at kwentuhan sa amin sa bahay ......tapos deretso sa Beach kung magiinuman...kaya laang ay ayos na ga kaya yung 2 kong PINSAN dyan Ka Blackjack baka naman ako ay maisubo ng mga yan sa kahihiyan ay naku hwag naman sana.....at bakaaaa bakaaaaa si akoooo ayyyyy..... tsssskkkk :mad:

Sya at basta magaabisa na laang kami na nasa kamangyanan at sana mapagLugaran ng mga medyo nasa malalayong lugar....

goryo888
March 3rd, 2006, 12:32 PM
Yung petsang nabanggit ay hindi pa naman talaga panigurado......basta mag seset tayo ng Petsa na halos tayo ay magkakaroon ng panahon na makipagkitakita.....kaya ang mga numero ng telepono ninyo ay dapat malaman ng bawat isang myembro ng Tribong Mangyan.....

Naalala ko eh yung taga Puerto nating kabahag ay baka makasilip dine at magyaya sa kanila...ay masarap panigurado doon....heheheehe Kuya Chuckkeeeeee....labas na dine....;)

DingDong
March 3rd, 2006, 05:16 PM
nakupo si tol chuck ay bzing bz ewan ko laang
kung saan, bwahahahahahaha . . . nung huling
usap namin ei andyan pa kasi ang kanyang esposa
at mga in-laws yata kaya yun ang inuna. malamang
pag nakabalik na sa canada yung mga iyon at
naiwan si tol chuck ei ayos na buto buto. hayaan
nyo't mai-text at baka naman nga may lugar sya
dun para sa kitakitz natin. kaya laang ei pagkalayo
naman noon, dapat ei overnight pagkagay-on para
hindi naman masyado pagod.


tol jojo,

hige ha baka may anak si JH na pwede na, pakilala
mo sa akin huwag kay ka goryo ha, talo ako sa
gandang lalake nyaan, he he he. ewan lang sa diskarte
bwahahahahahahaha . . . saan sa laguna ang retreat
ng iyong sinta . . . dito ga sa mga hot spring sa los
baņos, laguna???

ka mt.halcon,

aba ei kung sabado de gloria iyan (huwag GMA ha baka
tayo ipahuli, hi hi hi) ei kung din man makasali ei
makapanood man laang. makita man laang kung paano
mananalo ang mga nokiz mo ei maligaya na ang iyong
kabahag doon. kung may direct na galing iloilo, dun mo
tapat manok mo, mga pogi manok galing dun sigurado
madedehado tayo dun, sarap sumahod, kaya mo yun
kasi tumawid dagat yun hilo pa sa byahe nokiz. o kaya
kay mayor, yakang yaka mo yun, hi hi hi.


ka toyting_pasay,

kita tayo dun kung sakaling makapasok ako sa sabungan
ng pinamalayan kasi baka wala na ko pambayad sa pinto
bwahahahahahahahahaha . . .

preng manokiz,

musta na ba pre, kelan laban mo dine sa biņan o san pedro?
dami na ba breeding mo ngayon? bisita ka lagi dito sa kubol
natin kabahag.


asan na kaya si preng joey, bzing bz yata sa paghihinete
ng mga sundalong mangyan para sa roligon derby ah!



:rbounce: :rbounce:

toyting_pasay
March 3rd, 2006, 05:43 PM
ka goryo, dasal na nakaluhod sa sinta ang ibig kong sabihin, he he he. nakakapagod nga lang ganyang style. ha ha ha


ka dingdong, sigurado libre lahat tayo sa paderby ni ka mt. halcon. inumin, pulutan at entrance. ha hah ha

punta nga pala ako sa march 11, at mapanood mga nakabahag na sundalo ni ka joey, pati na rin kay mt. halcon kung sya ay matutuloy sa aonse.

ka joey humanda na sila sa mga sundalong mangyan.......

DingDong
March 3rd, 2006, 06:03 PM
ka toyting_p,

ganun ba libre lahat, aba ayos yan kami ni
utol alimbuyog ei gagaur papuntang pinamalayan.
aba maganda yan kung matutuloy ka sa a 11 sa
roligon, magpapangita na agad tayo pala bago
maganap ang sa pinamalayan, hala kita tayo dun
sa roligon . . . sarap ng mga laban dun, ganda
manood, dami matitinding manok . . .

hooooyyyy kayo andyan sa ibang lugar hindi ba
kayo maiinggit sa amin nina mt.halcon at toyting_p
aba, uwi na kayoooooo! sultada na!!!


kung sa dasalang gay-an ei hindi pahuhuli si
preng goryo dyaan . . . di ga pre!


:rbounce:

malayan_heat
March 3rd, 2006, 08:19 PM
MGA KABAHAG NA SANDUGO

mzta na ga kayong lahat?aba sa tingin ko ga ehh
si ga jojo ay hnd na masyadong napagkakatulog
iniisip na agad ang mga mahihimas na dadatngan eh
ka jojo ka goryo sayang naman at ang uwi ko pa e
dec. pa magkagayon man isama na lang ninyo ako sa
mga lakad ng tropang mangyan tirhan na lang ninyo
ako ng 1 plapla heheheheh sana naman ay makalusot
ang mga sundalo ni ka joey sa march 11 at ng medyo
masaya saya sa pista ng pinamalayan pag nag kitakitz
mga kabahag mag handa na kau magpakundisyon na
at ng makarami hahahahahahhahahahhahah.
tiyak na ang manok na walang tali ay mapapadali na
rin ka blackjack huwag ng magdadala ng motor at baka
tumimbalong na naman hehehe joke lang po oh siya
magbabait kayong lahat diyan ha at laging sumama ang
suwerte sa inyong LAHAT.


ang inyong kabahag malayan_heat

goryo888
March 3rd, 2006, 11:13 PM
Nakupo...ay ayos na ayos ang mga Lakd ng mga ere eh....ttssskkk di bale...drating din kami dyaan......nagiinggit kayo ha...hhmmm...

Ka MH...ka tagal pa pala ng iyong uwi...sayang...pero mas maganda yang mga Buwan na yan....sya sige ikaw ay aming isasama sa aming mga lakad pag kamiy nagkitakita....ano bang tilapya ang gusto mo? Ihahanap ka at ipagtatabi ng tilapyang Sariwa...hwag ka magalala...aasinan namin ng husto buburuhin ng todo...para pag dating mo may maamoy amoy kahit pano...nyahaahahahaaaa...bantot na yata noon ....di bale sabihan mo na lang na maghugas ng husto....heheeheee :lol:

goryo888
March 4th, 2006, 04:36 AM
Ka Blackjack....aba'y mukhang si Tol Jojo eh nag oorder ng mga Reseta mo ei....tsskkkk...kalakas mo ga kay Insan Jojo mo?? Wala ga kaya dyan sa atin nung mga tinuran sa akin ni Tol Jojo...lasa ko'y pangmalakasan yun ah....heheheehe ayos yun makakapagparami nga ng husto ang mga Mangyan dyaan.....;)

Mga Kabahag Giseng naaaaaa.....

sonny dela cruz
March 4th, 2006, 05:45 AM
Musta na po sa inyong lahat.

Araw na naman ng pasok sa ating mga paaralan sana po ay matataas lahat ang ating makuhang marka ng feeling good tayo ke Mama at maraming baon sa skul si totoy at neneng.

Ingat po tayo lagi and God bless.

jojo60
March 4th, 2006, 06:33 AM
ka SONNY: kamusta knb jan? hope everything is fine with you and your family..

Talagang sinisilban na itong pwett ko sa pag-uwi..sigurado na po sa Mar.24 nanjan na si ako..mga kabahag iPm ninyo sa akin ang inyong mga celfon at para naman makapaghuntahan kaagad tayo..sa mga mangyan na ns Maynila tawagi kaagad si ako para makapagmabotehang usapan kaagad tayo.

ere nga at panay huntahan namin ni ka G sa mga dadalhing epektos para sa mga sundalo ng mga Mangyan..ilang 2log na lang po at dadaong na ang eroplano namin jan sa NIA..:rbounce:

Nsan: ayos na ang mga bilin mo at bago ako umalis ay mag LDD muna ako sa iyo..

Ingat lang parati mga kabahag and God Bless you all!

jojo60
March 4th, 2006, 08:10 AM
aba oo nga pala ang pag-alisko pala dini ay beerday ng mabait kong pinsan.. siya insan idadaos natin iyan sa pagbisita ko sa inyo sa Mar 31..O mga kabahag na nanjan sa petsang iyan,kayo ay imbitado lahat sa kaarawan ni NSAN..Nsan wag ka ng maghanda at si ako na ang bahala sa lahat..basta marami kang yelo ay ok na kc hindi ako nakakainom ng walang yelo at madalas nga eh yelo lang ang laman ng aking baso..:lol: walang katapusang bitaw ang ating gagawin at tingnan natin kung sino ang pinakamatibay na sundalo..

ka G: idiga mo lang kay utol kung magkano ang sama mo para meron ka ng moolah pagdating doon..ung hindi ko maooorder dini ay ikaw na ang bahala sa mga iyon at pagdating mo na lang tayo mag usap kong may matitira pa sa akin..nakupoooo wag naman sana mangyari iyon..Hehehe

DingDong
March 4th, 2006, 09:35 AM
aba totoo ga ireng nabasa ko. beerday ni preng
blackjack sa katapusan ng buwan ha (hindi mundo)
bwahahahahahaha, March 31, 2006. sino sino ga
ang imbitado . . . malabo ako pero pwede represented
ni utol alimbuyog kung makakapunta sya.


'tol jojo,

ihahatag na baga ang pulang telon sa iyong pagdating
dine sa lupang hinirang. hi hi hi . . . PM ko sau CP# ko
at baka maubusan ako ng pasalubong mo, biro lang po!
pero kung meron kang dalang pullet, dalawang kamay
at dalawang paa ko yang tatanggapin . . . kahit anong
pullet 'tol.


ka MH,

malaon pa nga pala ang uwi mo sa atin . . . sige wag laang
mainip at ang mga araw naman ei kabilis lumipas kita
mo kailan laang ei pasko mayamaya ng konti ei pasko na
uli . . . pasko ng pagkabuhay . . .


ka sonny,

hataw pre . . . at ikaw ei pauwi na din sa dec. lapit na iyan
hataw laang ng hataw ng hindi mamalayan ang araw,
isang umaga ei magigising ka na laang na nakaimpake na
pauwi dine sa bayang mahal na sinalaula ng mga buwitreng
pulitiko . . . mga hayop na mga yun . . . sensya na kung
maantot ang dila ko ngay-on kakasawa na kasi ang mga
ogags sa gobyerno dine sa atin . . .


kaya sa lahat ng humahataw sa ibang bansa, tulungi
kami na iangat ang ekonomiya ng ating inang bayan.


larga na yan!



:rbounce:

jojo60
March 4th, 2006, 09:45 AM
ka DD: kung madadala ko lang ung mga white pullets jan eh mananawa ka, kaya lang walang gustong sumama sa akin at baka daw hindi na cla makabalik.. hindi 31 bday niya.. mga kabahag look at his profile para malaman ninyo. Nsan, pasensiya kn at talagang ayaw kong ilihim sa kanila dahil gus2 kong makita ang mga kabahag natin jan sa mindoro sa una kong pagdalaw.

DingDong
March 4th, 2006, 10:20 AM
aba, he he he gising pa pala si 'tol jojo . . .
masilip nga . . .

basta pasabi ka 'tol at tiyak meron pupunta
dun na nakabase sa ating islang mahal.

pero ako'y nagpapauna na, dito na laang
muna sa main island ng luzon tayo magpangita
dahil sa mahal na araw pa talaga ako makakauwi
dun sa kamangyanan eh.

hamo't pipilitin ko si utol alimbuyog na makarating
sa march 31 dun sa naujan.


preng blackjack, busina naman dyaan . . .





:rbounce:

blackjack
March 4th, 2006, 01:32 PM
mga kabahag

d naman talaga 31 beerday k s 22 pero 31 p kc dating ni pinsang jojo kaya 31 dapat ay nand2 kayo para mawelcome natin ng husto ang mangyang matagal ng d nakauwi....tapos ay hackfight tayo s april 8 at nand2 uli si Nsan....

sya nga pala galing kami dun s manukan ni malayan_heat at may 4kaming napili n manok.....2 dalusape, isang alimbuyogin at isang talisayin.....

Malayan_heat

pare 4 ang dinala namin..... d k type ung nandun s malaya n grey at ayaw din n pareng roy kaya s sn agustin kami pumili...2 dalusape ang napili ni pareng roy...ung open-ear at green leg grey ang napili k at talagang magulang sumabong yung grey....ung open-ear m ay wala akong masabi...type ko talaga kaya kahit may halak p ay dinala k na...ako n lang pagagaling nito...aabisuhan lang kita kng kelan pwede ilalaban ang mga nand2 s akin...medyo kulang p s katawan....pwede rin isabak s derby ang mga e2 pati ung isang dalusapeng nakay pareng roy n galing din sn agustin.....saan m ga balak ilaban ang mga ito??? titingnan k kung maihabol k s april 8 kng hackfight lang!!! at kng derby naman ay malamang mga katapusan n ng abril....depende p rin s galaw at estado ng mga manok....post k mamaya picts ng mga dinala namin galing s farm mo....

goryo888
March 4th, 2006, 05:30 PM
Naku at talagang may mga Sked na ng laban ei.....sige larga ng larga......sya kami'y naghihintay dine ng mga Litrato...hehee

Ka Blackjack....ngayon pa laang eh ako'y bumabati na sayo ng MALIGAYANG KAARAWAN....;)

blackjack
March 4th, 2006, 06:23 PM
salamat kabahag...pero sana agahan m iskyerda dyan para makahabol k d2....siempre mas masaya kng nand2 AUTHOR ng kubol natin....

kaya mga kabahag sino man s inyo may time s 31 ay daan d2 s naujan....meron uli ng tapang tmaraw...hi hi hi at syempre kapares nyan....

sonny dela cruz
March 5th, 2006, 03:11 AM
Musta po sa inyong lahat.

Ka Jojo okey lang naman sana po kayo rin lahat diyan.Oo nga malayo pa pero mabilis naman ang araw at hindi rin mamamalayan mag-iimpake na rin,ngayon pa lang unti-unti na nabili ng de lata at hanes sa wal-mart para mapadala na sa forex para pagsampa at pagbaba ng eroplano lana bitbit labasagad airport sakay taksi at himas agad ng manok kahit madaling araw ang datinbg.Uunahan natin ang tilaok ng mga sundalo natin he he he.

Maligayang pagbabalik sa lupang sinilangan kapatid na Jojo,kami man ni Ka goryo at sampu ng ating mga kababayan ay malapit na rin.

Ka Dingdong maraming salamat excited na ako makauwi at tayoy magpangitang lahat.Magdamagang sabong at maghapong inuman.

Ingat po tayo and God bless.

Mt.Halcon 888
March 5th, 2006, 06:27 AM
Mga Kabahag,

Magandang araw sa inyong lahat.Sana manalo lahat ng mga kabahag na magsasabong ngayong araw na to.

Ka Blackjack,Advance happy Birthday,nawa'y malasing mo kami hehehe.Baka pwedeng yung mga napili mong apat ke KA MH e ilaban na lang natin sa 3 cock sa PInamalayan sa April 15,kayang kaya mo ang laban doon,magugulang naman pala yung mga manok na napili mo,wag ka mag alala tayo ang magmamatch .

Ka Toyting,pasensya ka na ngayon lang kita nasagot,OO kasama ko si Alnik sya ang magtatari ng mga panlaban natin.

April 15,2006(Sabado de gloria)
3 COCK DERBY
VENUE: PINAMALAYAN COCKPIT ARENA
Php.200,000.00

have a nice cocking Sunday.




:rbounce: :lol:

blackjack
March 5th, 2006, 07:42 PM
pare d naman ako nagdedesisyon tungkol dyan s mga manok...c malayan_heat p rin...selector lang papel k dun....tagapili. tapos ipapalaban nya yata yan s mga tropang darating...kna jojo, goryo & co. ngayong holy wik.

syensya na c malayan_heat dapat mo makumbinse tungkol dyan....

goryo888
March 5th, 2006, 08:12 PM
Ako nga eh siguradong di makikita ang bangis sa laban ng mga Nokis na yan ni Ka MH? pero ok lang...basta masaya kato dyan masayas na rin ako...kung nao na laang ang datnan ko eh ayos pa rin....

Ka MH888...srap nga sigurado dyaan sa inyo....lalo pa't Pyesta ei....may kaklase ako dati sa College na taga riyan..nakalimutan ko laang ang pangalan na...Nursing din EAC taft ave. kaya di ko makalimutan minsan nag exam kami eh nahuli tanong ng tanong sa akin...ayun napunit pareho test paper namin.....
Huli kong balita sa kanya ay namimili ng Palay at nagluluwas ng Bigas....iisipin ko pangalan....ok yung taong yun eh..kwela rin...Matangkad yun...edad mga 32 to 33 na yun...

Mt.Halcon 888
March 5th, 2006, 08:14 PM
Ka Blackjack,

Walang problema kabayan,kumbinsihin na lang natin si Ka MH na ilaban na lang natin sa derby,entry ng grupo,yun e kung pupwede laang.

:rbounce: :rbounce:

Mt.Halcon 888
March 5th, 2006, 08:22 PM
Ka Goryo,
Musta na kayong lahat dyan sa Sunnyvalle,sana makarating kayo dito sa Pinamalayan sa paderby namin sa April 15. Nursing ba kamo ang course mo,batch ano ka sa EAC?Nurse ka baga dyan sa US?sigurado malaki laki ang baon mo sa iyong pag uwi.


:rbounce: :rbounce:

goryo888
March 5th, 2006, 08:43 PM
Ka MH888...batch 95 ako....pero dapat 93 pa ako...kasi BS Bio ako nun sa FEU...nagShift lang ako...kaso sa FEU di nag aallow ng shiftrs kaya transfer ako EAC....

Baka kilala mo nga sya...malaking lalaki yun...ipapahanap ko sa Yearbook yung kolokoy na yun....mabait at makwela rin yung taong yun eh....kung may kilala ka na Graduate ng Nursing sa EAC na ganyang taon...imposible siguro na di ako matandaan...

Di ako aabot sa petsa na yan Kabahag....

OO...nagprapraktis dine ng konti...ok lang ng konti ang kita...pambayad ng Apt. at panggastos araw araw ay kuha naman.....;)

goryo888
March 5th, 2006, 09:41 PM
Ka MH888...naalala ko Allan Landicho ang pangalan......kilala mo ga? Kumusta mo ko sa kolokoy na yun kung kilala mo...minsan kasi nung napapunta sya sa amin sa Naujan...namimili ng palay yung mag ina...akalain mo na sa amin mismong palay ang binibili....kaso nasa babuyan ako...tapos nagtanong pala kay Nanay ko...kung may kilala ganong pangalan...sabi ng nanay ko eh Anak ko yun....kaso di na rin kami nagkita....higit 10 yrs na rin di ko nakita yung kolokoy na yun...simula nung grumadweyt kami....

Mt.Halcon 888
March 5th, 2006, 10:25 PM
Ka Goryo,
Me kilala ako,Rey Landicho,pero pari yun,hayaan mo ipagtatanong ko,alam mo naman maliit lang ang mindoro.

me mga kaibigan akong cocker dyan sa me livermore,baka naliligaw ka banda dun.Mag uuwi ka ba ng manok pag uwi mo dine.

:rbounce: :wow:

goryo888
March 5th, 2006, 10:48 PM
Ahhh...ok...pero di ako naliligaw sa Livermore...paniwala pa rin ako sa mga nokis na nandyaan na sa atin....pero siguro pag lagay na loob ko sa mag aalaga ng mga nokis ko eh...sa pagdating ng panahon ay mag pauwi rin ako ng nokis dyaan sa atin.....at kung afford ko ng bumili at gumastos para sa shipping....hehehe... pero sa mga panahong ito eh di pa....;)

jojo60
March 5th, 2006, 11:47 PM
ka Sonny: maraming salamas sa iyong pagbati..sana nga'y swertehin ang mga sundalo natin ilalaban para happy ang lahat.
ingat ka lang jan sa kinalalagyan mo ngaun at sabay pala ang uwi ninyo ni ka MH sa disyembre.malapit lapit na iyan.

ka MH888: maraming salamat sa pagimbita mo sa pa Derby ninyo sa Pinamalayan.hindi ako aabot sa petsang iyan pero nandito kami para sa iyo at sana'y makuha mo ang tropeo para sa mga Mangyan.

ka MH:ingat ka lang parati jan sa ITALIA at nawa'y magkita tayo balang araw.

NSAN:its nice to hear from you again..kol kita kapag malapit na ako umalis.ingat rin kayo lahat jan.ako'y talagang ata't na ata't na sa pag uwi at palagi ko nga kausap si ka G sa ere at nagpaplano kung ano ano ang ating magiging agenda sa pagdating rin niya.

kaDD: musta kn jan? musta na rin si utol at wari ko ay masyadong bc sa pinagkakaabalahan niya ngaun.tell him bumisita naman siya sa ating munting kubol.nasan nga rin kaya si ka RAUL.

SEE YOU GUYS ALL SOON!!!:rbounce:

blackjack
March 6th, 2006, 10:13 AM
e2 yung dalawang manok n napili k kna malayan_heat manukan....ilalaban dw 2 pagdating nyo...syiempre pupusta din sya ng kaunti.....pang beer at pulutan!!!!

nsa akin na 2 at knukundisyon k na!!!!



http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0192.jpg

http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0191.jpg

ayos n siguro 2...hackfight lang naman eh!!!

goryo888
March 6th, 2006, 10:20 AM
Ka Blackjack..akala ko ga'y apat yaang nabitbit mo dyaan? Nsan pa ga yung dalawa? kagaganda nga eh.....

Magandang araw sayo dyaan...are at maghihila na ng kumot muna at kinakapitan na ng antok....heheehe...pero sa madaling araw are'y gising din kaya aabutan ko pa rin kayo dyaan...sige paki DIKIT dine nyaang mga sundalo ni Ka MH......

jojo60
March 6th, 2006, 10:33 AM
magandang umaga sa inyong lahat

oks na oks ang mga sundalo natin..ung grey ba ang sinasabi ni ka MH na pwedeng pustahan ng konti.. Nsan ano ang mga timbang nila.magaganda ang mga station nila at mukhang magagaling sa itaas.

ka G: maski naman ns work ka eh kayang kaya mo naman bumisita dini.. ikaw naman ay maski bc ay yakang yaka mo naman iyang mga pasiente mo.

cya ingat lang parati at ke tagal talagang mag-intay..maligaya nga ang pagdating ko jan kaya lang mamimis ko naman ang Ermats ko..hindi pwede talagang pagsabayin ang panay saya at lungkot.:blush: :(

toyting_pasay
March 6th, 2006, 11:12 AM
gandang araw mga kabahag, gaganda pala panglaban pagdating ni ka g. at ka j. pag asa mindoro pa me sama ako sa hakpayt ha?

ka mh888 buti kasama c alnek, ala kasi me kilala mananari. kay alnek lagay loob ko.

jojo60
March 6th, 2006, 11:30 AM
Anytime ka TP..mas marami mas masaya lalong lalo na kung magtatagumpay ang ating mga sundalo..sa hirap at ginhawa eh dapat magkakasama ang mga kabahag.:rbounce:

Sa April 8 ang petsa ng ating hackfight pero mas maigi ay makasama ka namin at lahat ng mga Mangyan sa Mar 31 para iselebrate ang bday ni ka Blackjack pero ang talagang kaarawan niya ay sa Mar 22.. 'yan Nsan pinagkumbida nakita sa iyong kaarawan.Pasensiya kn at minsan ako ay pakialamero..:p

blackjack
March 6th, 2006, 12:27 PM
Ayos lang yan nsan...mas marami dumating mas masaya tayo!!! ung grey ay napa-ingat lumaban pati ung kapatid n kamukha din nya...ung una kng ipi-nost d2...mga 1.9 lang yang grey at ung alimbuyugin ay mga 2.o...d k p natimbang....tantya k lang yan mga weight nila...haba p naman panahon...

ka goryo

4 nga yang nabitbit namin...ung 2 nandun kena pareng roy...sya nagkukundisyon ng dalawa...pero baka 1 lang ilalaban dun at hihiramin daw nya ung isa at gagawin munang broodcock....napakagaling kasi at eksakto ang station...wala k n hahanapin s isang un...gusto nya muna icross s mga imported hens nya n pdala ni olan....

goryo888
March 6th, 2006, 12:55 PM
Ka Blackjack...hayaan mong makialam yang si Tol Jojo....ibang klase namang makialam yan at tuong kaligayahan laang ang hanap ....kaya mga kabahag sana'y mapaunlakan ang imbitasyong yaan.......

Sya...sa oras ng laban nyaang mga nokis na yan ni Ka MH...eh bigyan nawa ng swerte...kagagaling na kaya swerte na laang ang kailanagan pa para may paglalagyan sila....hhehe

;)

toyting_pasay
March 6th, 2006, 01:33 PM
pinayagan ako ng bossing ko na makauwi ng maaga-aga. supposedly mga april 3 pa uwi, pinayagan ako na march 29 or 30 makauwi para makadalo kay ka blakdyak's celebration. advance happy beeeerday kabahag!!!!

goryo888
March 6th, 2006, 01:42 PM
Ayan na may isa ng paniguradong bisita...si Ka TP...mga kabahg hala kayo'y magsipaguwian muna......si Ka DD at Ka NH888 na laang...si Kuya Joey baka pwede rin..kaso malamang bisi...sya sya...malamang are'y masaya...dyaan muna akyo ha? ako'y sisilip na laang mamaya maya....;)

DingDong
March 6th, 2006, 04:16 PM
naku naku naku . . .

ka BlackJack,

pauna na ang maligayang bati para sa iyong
kaarawan sa ika-22 at ang pagdiriwang sa
ika-31 ng buwang kasalukuyan. ipagpaumanhin
na ako'y hindi makakarating gawa na ang aking
bakasyon ay sa mahal na araw laang. kita na
laang tayo sa mga araw na iyon at tayo naman
ei kahit walang okasyon ei nagkakaayos ang
inuman at huntahan.

ipagtagay at ipulutan na laang ninyo ako sa sinuman
na makakarating sa lugar ni ka blackjack sa ika-31.


'tol jojo,

ayos laang ako dine sa calamba/cavite. si utol ay
hanggang ngay-on ei walang koneksyon sa internet
kaya hanggang ngay-on ei hindi nasipot dito sa ating
kubol. ayos naman sya, galing nga ang mga iyon sa
Vigan noong Mar. 02-05. namasyal ang mga taga
munisipyo na ika nga nila'y "lakbay aral".


hala mga kabahag, larga na yan ha!


:rbounce:

goryo888
March 6th, 2006, 07:28 PM
Ay sya sya...ikaw naman Preng DD ay nauunawaan....ayos laang yan...ang mahalaga ay magkapangipangita pa rin kahit walang okasyon.....basta lang yung may oras ay sumaglit baga....para ayos, ang marami ay mas masaya........;)

malayan_heat
March 6th, 2006, 07:50 PM
MGA KABAHAG NA WAFFU MANGYAN

MZTA na ga ang mga waffito na mangyan aba ay talaga
palang tuloy na tuloy ang beerdy han eh ang aking pla
pla bahala na ninyong itira asnan na lang ninyo at post
na lang dne sa aking email hehehehehe. paalaala lang
mga kabahag ang ating mga nokis ikundisyon na ng ayos
sa palagay ko eh maraming sultana ang mangyayari ngayon
hahahah ay pag si kabahag jojo ang kasama ninyo mara
ming alam na pulet yan hakhakhak sama ako jan ha.........
siya magingat lagi kau jan ha at paala ala sa likod lagi
ang tingin hehe baka kasunod si kumander............patay
tayo diyan joke lang ha mga kabahag GOD BLESS NA
SA LAHAT.


malayan_heat

goryo888
March 6th, 2006, 09:36 PM
Hwag mo na silang pa_alalahanan Ka MH...madudulas yang mga yan....hehehee...magagaling sa mga palusot yan....


Sya ikaw man ay ingat din lagi dyaan....;)

toyting_pasay
March 7th, 2006, 06:18 AM
mga kabahag ilagay ko na dito contact number ko para makuha na. ganun din sa iba, lagay na natin dito para madali ang kontakan sa kita kits.

cel # 09268497938
res # (02)4563180
office # (02)4537993

ka MH, marami palang alam si ka jojo na mga pullets. sana mapunta sa akin yung zamboanga white na makikinis ang hita. heheheh

jojo60
March 7th, 2006, 06:44 AM
GOOD MORNING MGA KAPATID!!!

KA TP: Maraming salamat sa pagpost ng contact # mo at alam ko na maligaya si Nsan sa mga dadalong Mangyan sa kanyang pagdiriwang.:p

ka MH: sana nga maraming manok sa pagdating ng laban para makapamili ng husto..idiga mo lang sa amin ang iyong pusta kapag sundalo mo na ang ilalaban.

NSAN: so ang ilalaban natin kay kaMh ay iyong dalawang nasa litato,tama ba si ako..ilan naman ang aayusin mong sundalo mo na maaring ilaban?

ka DD: kung hindi ka pwede sa 31 ay baka naman pwede tayo magkita sa araw ng laban April 8..nanajan na ako na April 7 at balik sa Maynila ng April 9..kaya mahabahaba pang panahon para kilitiin ng konti ang iyong stupidvisor..joke lang sir.

siya at makapag ayos na ng mga gamit para hindi gahol sa oras.

blackjack
March 7th, 2006, 06:59 AM
Nsang jojo

tama ka yung dalawa n nakapost recently at may isa pang dalusape nandun kay pareng roy...sya magkukundisyon...maayos naman magpagalaw un ng manok! kaya bale 3ng manok galing kay MH at 3 din s akin....so anim n manok lahat!!!!!

bukod dun ay may mga stag p d2 na baka lang ay mapusuan m ilaban....pagdating m n lang tingnan!!!!

Mt.Halcon 888
March 7th, 2006, 07:11 AM
Mga kabahag,

Musta na kayong lahat,tuloy na tuloy na ba yung kita kitz natin sa Roligon sa Sabado?Ka Joey tuloy ba yung entry natin sa March 11?sana'y manalo tayong lahat.

Oo nga pala mga kabayan na nandyan sa Mindoro ngayon,me paderby yung kaibigan ko sa lumang sabungan ng Calapan bukas ng gabi.

2 cock derby,guaranteed Php.100,000.00.pot money 3,300 lang po.


April 15-Sabado de gloria
3 cock derby
Php.200,000.00


:rbounce: :cool:

toyting_pasay
March 7th, 2006, 07:20 AM
pre Mt. Halcon, tuloy ba entry mo sa sabado?

goryo888
March 7th, 2006, 07:38 AM
Mga Kabahag magandang araw sa inyong lahat dyan....

Ka DD...malapit na nga pala ang Roligon kitakits ano? kinontak ka na ga ni Utol? yung pera ay nandoon ei...ay sya bahala ka na magpaalala din doon...baka yun ay sasama din yata...

Ka MH888, sige at palarin sana kayo ni Kuya Joey sa pagsabak sa Roligon....

Tol Jojo...panay na panay ang impake mo ah...hehehehee kagaling mo ga at malapit na lumipad....sige punuin yaang kahon na yaan at ng maligaya ang dadatnan.... ;)

Ka TP...ok kopya na yang numero na yan...naandine na at naiSave na....sya kung zam white na mkikinis at mpuputing hita ay punta ka laang dine....at mananawa ka....pero mas maganda ang mga nadyaan sa atin maniwala ka...dine baga'y parang mga walang lasa....nyhahahahaaa

toyting_pasay
March 7th, 2006, 07:47 AM
ka goryo, salamat. pero nakakasawa rin kapag araw araw ay pwer pellet ang kinakain kailangan may cocentrate din kahit walang lasa, hehehe

ka blakjak dami pala pang hakpayt jan sa iyo. sana makalusot lahat para dami pulutan.

ka jojo dahan dahan ang impake baka may makalimutan.

LARGA NA!!!

blackjack
March 7th, 2006, 08:06 AM
hanggang hakfite lang ung mga alaga k...wala naman akong napapagulang para s derby at sadyang pang tupada lang 2ng mga 2...kaya dito n lang tayo s tabi-tabi naglalaban.....konti lang din naman ung pamusta.

cge noted n ung # mo at kita n lang tayo s 31st at laban tayo s april 8...wag ka mawawala.....dragon tayo magkikita!!!

blackjack
March 7th, 2006, 08:12 AM
morning s u dyan...tinanghali k yata!

pare wag naman kalimutan abisuhan c alimbuyog s 31st at s april 8...nawala lang ung number ng cel nya....down pati ung sattelite nila kya d makapasok un d2 s kubol....kaw n bahala!!!! salamat.....

Nsang jojo

mgandang isama mo si neil d2 pag-uwi mo....ung utol ni goryo para lalo tayong masaya.

goryo888
March 7th, 2006, 08:41 AM
Ka Blackjack...nasabi ko na kay Utol na baka magpasama pauwi si Tol Jojo dyaan sa 31....kaya pagdating mo Tol Jojo ay pakiKontakin mo agad at ng magkaayos kung kaw nga ay masasamahan...palagay ko naman ay malamang....para kung may manok na iuuwi sa atin ay mapauwi na rin....

Ang pagkakasabi sa akin ay baka umuwi sya bago mag 24 dahil na rin ni Ermat,Bertdey....kaya ewan ko.....pero sana nga bumalik uli sa 31 kung magpasama si Tol Jojo...masasamahan naman siguro...kung hindi ei di intayin mo na laang ako Tol Jjo at ng sabay na tayo umuwi sa Naujan...nyaahahahaaha:lol:

blackjack
March 7th, 2006, 11:07 AM
Nsang jojo, Goryo

e2 ung pangatlong manok ni leonie a.k.a. malayan_heat n inihahanda para s laban nyo.....c pareng roy naghahanda nito
http://i47.photobucket.com/albums/f184/malayan_heat/HPIM0194.jpg

ka goryo

e2 naman ung galing din kay leonie na ayaw n ipalaban ni pareng roy at hiniram...gagawin daw muna nyang broodcock!!!!

http://i47.photobucket.com/albums/f184/malayan_heat/HPIM0197.jpg

goryo888
March 7th, 2006, 01:35 PM
Kaya naman pala....kasi naman eh mukhang mabangis nga....maganda pa ang station....mas ok na rin para maparami agad...

Hindi ko na siguro aabutan yang mga yan....pero hangad ko ang panalo ng mga sundalong yaan.....nawa'y magandang balita ang hatid ng mga yan...pagkatapos ng kanilang laban.... ;)

Sya dyan muna kayo at ako'y kakayod muna ng niyog...panggata baga...:D

joey bravo
March 7th, 2006, 02:47 PM
mga kabahag, sensya na kayo at bihira na lang ako nakakabisita d2 sa kamalig natin. busy lang po kasi tax and audit season ngayon.

dalawa na ang entry ng mangyan na sasali sa mar. 11 sa roligon.

sasali din daw si ka Nestor Razon a.k.a. SA PULA AT SA PUTI na galing pa sa kangyanan ang manok na ilalaban. ini reserba ko na ng aircon na kakhaus.

bahala na si ka DD sa lista ng gusto manuod at makipag kitakits para man lang malibre ko kayo sa pinto.

:)

goryo888
March 8th, 2006, 12:01 AM
Kuya Joey...bale tatlo na ang Entry ng mga Mangyan...si MtHalcon888 ay meron din...ang saya nito....pwede bang i resched yaang Derby na yaan?? hehehe para naman makapanood din si ako....:D

toyting_pasay
March 8th, 2006, 06:05 AM
gandang araw mga kabahag! dami na pala nating macheecheeran na mga nokis ng mga kabahag, sana makalusot lahat para diretso sa na sa finals.

ka blackjak ganda ng sukat ng gagawing broodcock. ano ba ang bloodline nyan?

Mt.Halcon 888
March 8th, 2006, 06:56 AM
Magandang araw mga kabayan,mukhang marami ang pupunta sa Roligon sa Sabado para sa kita kitz.

Ka Joey,Ka Nestor ano hong entry name nyo?Lahat po ba ng entry name me:SANDUGUAN MINDORO?

Ka toyting,sabay na lang tayo pumunta sa Roligon sa Sabado,tawagan na lang tayo kung ano oras tayo punta

Mamayang gabi me derby dyan sa lumang sabungan sa Calapan.

:rbounce: :lol:

goryo888
March 8th, 2006, 07:06 AM
Sige pa i Announce nyo pa yang mga Derby na yan.....para talagang nangHihili kayo ha?? tskkk ttssskkkk...pagdating namin dyan kami rin noh.....heheheheeee

Gudlak sa inyong lahat....... ;)

blackjack
March 8th, 2006, 07:08 AM
pare kay malayan_heat yang manok....riverview YL hatch yata sabi ni leonie a.k.a. malayan_heat. pinapili kami dun ng panlaban ng tropa at isa yan s nakuha...nakursunadahan ng kumpare ni leonie n syang sinama k pagpili...d hiniram muna at pagdating d2 ay binutaw namin uli...ayaw n ipalaban ng tao!

mga kabahag n paroligon

sana sumama s inyo ang swerte at tumalas ang mga mata ninyo pagpili ng mga pupustahan s travesia at manalo kayo!!!!

dadaan c ka nestor d2 s akin mamaya...nagpapagawa din kc un ng resort s beach sas estrell d2 s naujan....cgurado welcome ang tropa dun pagnayari na....lapit lang s bayan un...isang kilometro lang!!!!

blackjack
March 8th, 2006, 07:12 AM
c ka nestor pala ay yan c sapulasaputi ay may ntry rin sya s roligon....tanungin k kng ano kulay at lahi ng mga i-field nya n manok!!!!

toyting_pasay
March 8th, 2006, 07:32 AM
ka mt. halcon, ayus!!! at natuloy ang entry mo!!! tawag ako sayo friday night. thanks pre

ka goryo, talagang pinaririnig sa iyo mga derbies para mapabilis na rin ang iyong uwi. hehehe. malay natin baka makasabay ka na kay ka jojo, eh di ayus na ayus.

ka blakjak, talagang super na super at di na pinakawalan yan ha. napaka swerteng manok, makakaasawa ng one to sawa. hehehe

blackjack
March 8th, 2006, 08:49 AM
dumaan c ka nestor sapulasaputi s akin kanina at tuloy n daw ung ntry nya s roligon....puro dalusape ang i-field nya s elims...1/2 sweater 1/2 karachi out of d broodstock from liza galore...ang isa d2 ay winner n s recent CF derby. at kung papalarin ay 3/4 karachi 1/4 sweater naman ang ipapasok nya s finals...mga mayahin....

so gud luck mga mangyan....sigurado isa s champion ay mangyan!!!!!

blackjack
March 8th, 2006, 10:18 AM
kinausap k cpareng roy at sabi k ilaban n rin namin ung isang natipuhan nya n galing kay pareng leonie...at pagkapanalo at dun nya n gamitin na broodcock....iba na ung matesting muna!!! pumayag naman ung tao kaya nadagdagan ng isa p ung ilalaban natin!!!!

pagdating nyo baka makahirit tayo ng panlaban dun kay sapulasaputi...mas marami kc stock n manok un!!!! nangingimbita dun s beach house nya pagdating nyo kaya marami tayo mapasyalan!!!!

jojo60
March 8th, 2006, 11:07 AM
need your opinion

Malapit na nga pala ang Roligon Derby!!! good luck sa mga mag eentry.. Ka joey, ka MH888, ka SPSP...

Meron lang akong tanong tungkol sa natitirang pera ng mga Kabahag..I think 3 weeks ago ay napagkasunduan ng marami na ipusta ang natitirang pera sa mga sundalo natin na lalahok sa Roligon..sa dami ng Entry ng mga kabahag eh baka kulangin ang ating maliit na pera.. kc ang napagkasunduan ay unang laban ay 5K ang pusta at habang nananalo ay 11k ang pusta.. saan ga natin ilalagay ang pera pagdating ng laban.. nagtatanong lang po para maayos ang lahat..

GO GO GO SANDUGUAN MINDORO !! :rbounce: :rbounce:

goryo888
March 8th, 2006, 12:44 PM
Suhestyon mga Kabahaggggg.....tatlong entry ang pwede nating pustahan....

Ano kaya halimbawa ganito....tutal..idinikit na dine ni Kuya Joey yung mga sundalo nya...pili tayo ng pupustahan doon...tapos pagkasunduan naman natin ngayon ay alin ang pupustahan natin sa mga laban nina ka SPSP at Ka MH888, halimbawa..1st fyt ni Ka MH888, at tsaka 1st and 2nd fyt ni Ka SPSP, kahit di natin nalkikita ang mga Nokis yung fyt # na lang nila ang pagkasunduan...at pirmis tayo sa isang amount ng ipupusta....o pwede ring habang nananalo eh 11K pirmis tayo...

Ano sa palagay ninyo??

Ka DD your seXpert opinion...kailangan dine...nyhahaahaa

toyting_pasay
March 8th, 2006, 06:08 PM
para sa akin, pare parehas na lang ang bet sa lahat ng manok para mapustahan natin lahat. kung lahat ay manalo o kaya lamang sa panalo sa anim na fights eh di ayos, nakapanood na nakapag enjoy pa. importante ay nagkita kita at nagsama sama tayo sa araw na iyan.

ito ay saganang akin lamang mga kabahag.

malayan_heat
March 8th, 2006, 08:03 PM
MGA KABAHAG NA MANGYAN

mzta na ga ang mga kabahag na mangyan nakakatuwa
naman madami palang entry ang mga kabahag sana
naman samahan ng suwerte ang mga kabahg na joey
spsp mh888 at ng maganda at masaya ang kitakitz ng
mga mangyan sige magsipaghanda na mga kabahag
at magpakundisyon na ang pagpunta sa roligon ay nasa
kundisyon sige MABUHAY ANG MGA MANGYAN NG MINDORO


KA TPASAY

ang mga bloodline ng nokis ko yong nakay
roy na kinuha ni mangyanblues ay rhead dangray
cross sa sweater 5000 ni c nesmith.

GOD LUCK SA LAHAT malayan_heat

malayan_heat
March 8th, 2006, 08:12 PM
PS
mga kabahag baka naman may alam kau sa mga
vitamin ano bang magandang vits na magandang iuwi
jan sa pinas kasi uuwi ang bayaw ko para mapadal
han ko ang mga kabahg kasi ang mga gamot ko ma
dami na akong naiuwi pero hnd marunong gumamit
ang bayaw ko kung pwd e pm ninyo na lang sa akin
lan na ninyo daming mata d2 lam na ninyo yonnnnnn

SIGE GOD BLESS SA LAHAT

MH

jojo60
March 8th, 2006, 09:39 PM
OK Ako sa suggestion ninyo mga Kabahag.. ka G kontakin mo na si ka DD at para mabasa na itong ating napagkasunduan..
GOOD LUCK TO EVERYONE!!!

goryo888
March 8th, 2006, 11:02 PM
Ok Tol Jojo...magandang suhestyon yung kay Ka TPasay....pabor ako doon...pirmis ang pusta....para lahat nga naman eh mapustahan....

Tol Jojo...ok kopya ko yan...subukan kong hiyawan si Ka DD....

jojo60
March 9th, 2006, 12:00 AM
ok larga na iyan tig 5.5k bawat sultada..kung anuman ang

matitira ay baka gus2 ninyong ipusta na rin sa hackfight namin ni

ka BLACKJACK sa APRIL 8..ka DD nasan ka ga? baka swertehin

ay mapalago natin ang para sa mga kapatid nating Mangyan.:)

jojo60
March 9th, 2006, 04:20 AM
Nasan ka iyong mga iba nating mga kabahag??? hoy gising kayo at kailangan ang inyong mga suggestions tungkol sa nalalapit na Derby sa Roligon..

Manokiz
March 9th, 2006, 04:30 AM
gudevning po kabahag,,,

'musta na si kau?
good luck sa darating na laban,,, :)

Mt.Halcon 888
March 9th, 2006, 10:46 AM
Mga kabayan,

Musta na kayong lahat,mukhang pinag hahandaan talaga natin yung kita kitz sa Roligon,pati pag pusta.hehehe.Kararating ko lang galing ako Calapan kagabi,dun sa pasabong ng kaibigan natin dun.

Nagkita na kami ni Ka Nestor Razon aka sa pula sa puti SPSP,
gagaling ng mga manok nya mga kabahag.

Syanga pala,eentry na rin si Ka Nestor sa paderby namin sa Pinamalayan Sa April 15(Sabado de gloria),siguradong masayan rin yun,kaya mga kabahag mag pledge na rin kayo ng entry nyo.

Ka Joey,pwede bang sumama na lang ako sa cockhouse nyo?


Mga Nagpledge ng entry nila :

1.Ka Toyting_Pasay
2.Ka Nestor-Sa Pula sa Puti
3.Boyet Chua-Dragon Cockpit Arena















:rbounce: :rbounce: