PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 [12] 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

blackjack
April 2nd, 2006, 07:34 AM
ka goryo, ka sonny, malayan_heat

lahat na manok dun ay ilalaban....may 2 cock sa pinamalayan at baka 3 ntry tayo.

ka leonie
ung manok mo ay pasok lahat maliban dun s mababa na 2R, ihahakfight na lang iyon baka sa calapan....

e2 ung mga ilalaban

juancho grey - malayan_heat
open ear - malayan_heat
carol X dan gray - malayan_heat
spangle - BJ
4 webber - BJ
sweater X lemon - BJ
Black Asil - BJ
2R - malayan_heat

ung lahat na hinawakan ni jojo ay pwedeng puntahan un!!! lalo na ung hawak ni neil d professor he he heh....

goryo888
April 2nd, 2006, 08:38 AM
Wheeewwww---fag si VJ na at si Tol Jojo ang nagsavi------naku---ay talagang kalulufet nga nyaan!!!;)

Sige at ako'y vaka kakafustra rin heheehee

goryo888
April 2nd, 2006, 10:16 AM
Ayan bago na Keyboard ko.....oks na uli hehehehe hindi na ngo ngo ang Mangyan....heheheeheheheee;)

Raul_Ruaro
April 2nd, 2006, 10:35 AM
Pareng tem,

Nice pix pre! Sabi ni alimbuyog kay dingdong di nakarating si ka jojo nung 31? Kailan kinuha yung pix?

Hay salamat at natapos na din yung binyag! Naka attend si dingdong kahapon at konting chicken talk at pullets talk. hehehe! Kasama kumander nya at 2 chikiting. Umattend din yung iba ko friends dito sa site tulad ni Saknong, jun abutan at boolick. Malapit lang kasi dito sa bahay nakatira yun. Kapagod mag handa pala. hehehe!

stewart-

goryo888
April 2nd, 2006, 11:50 AM
Ka RR....mabuti at nakaraos na rin yaang handaang yan...
Nakarating sina Tol Jojo kasama si Utol...kaso gabi na...mga Alas Otso na yata sila nakarating...mangyari ay tinapos muna ang Graduation yata ng Trinity sa PICC....pagkatapos ay saka pa laang umuwi ng Mindoro yung dalawa......


Ay sya ang iintayin na laang ay ang Pix ng kayo'y magkita kita sa La loma......

Tol Jojo....pagkadating ni Irog mo eh idikit agad dine yuong mga Litrato ha...at ng makita ng ayos lahat ng iba pang Mangyan na di nagdidikit dine ng kanilang larawan man laang.........

Raul_Ruaro
April 2nd, 2006, 12:18 PM
Ka gory,

Ganun ba! Kaya pala di na nagpang abot sila alimbuyog. Bka sa april 6 or 7 ay nasa mindoro na din ako, yung mag ina ko sumabay na sa byenan ko pauwi sa atin. San sweretihin entry ni pareng tem at malayan sa pinamalayan.

stewart-

blackjack
April 2nd, 2006, 01:50 PM
dumaan kanina patanghali c halcon888d2 s akin pero d nakami nakasaglit sa seaworld ni ka nestor at nagmamadali ang halcon...pauwi pa daw sya manila!!!!

papasyal na lang daw sya s huwebes d2 at nandun din sya s 2 cock s pinamalayan sa abril 8...pero mas gusto nya na sa 3-cock n nga daw sana ilaban ang mga manok o d kaya magtira na lang para ng 3-cock kaya lang ay di naman pwede c jojo ng date na yun!!!!

mt. halcon

pasyal k d2 uli at sa biernes dating nila jojo at mga kasama...pasyalan natin ka nestor at lagi un d2 sa estrella beach at may pinapagawa na beach house dun...masarap tambayan....sarap ng hangin at fresh ang inihahaing inihaw na isda...tapos malamig p ang SMB at lights.....topped with good chicken bragging makes it an ideal sabong holiday vacation....basta antayin ka namin at itaon mo naman na nand2 na tropa para masaya tayo lahat!!!!

Raul_Ruaro
April 2nd, 2006, 04:42 PM
Pareng tem,

Tuloy na ga yung sa pinamalayan? Musta naman ang inyong kitakitz? Dumating ba si toyting_pasay? Thanx!

stewart-

goryo888
April 2nd, 2006, 07:20 PM
Tama yun Ka BJ...sana makarating uli ang ibang Kabahag...para mas masaya piktyur piktyur uli at ng kami naman dine ay may nakikita rin...ang makita namin kayong nageenjoy eh ganun na rin ang pakiramdam namin.....;)


Tol Jojo..pag uwi ninyo sa Byernes ay pakisabi kay Utol na dmaan sa LBC sa Calapan dahil pinadala ko na yung Hasaan ng Tari ni Tito na pinabili sa akin..........

DingDong
April 2nd, 2006, 08:18 PM
namugto mata ko pagbasa nun ah . . .
dami agad eh.

nakupo, inilabas na ang mga pandiinan ni preng BJ
at malayan . . . sana ako'y maitulak ng paa ko na
mapauwi ng mindoro sa araw ng laban ng mga iyan.
kahit siguro panood laang ei tuwang tuwa na ako
dyaan.

:lol:

blackjack
April 2nd, 2006, 09:28 PM
cge kukunan k na ng piktur sa susunod, syrnsya na kayo d ko na nakunan at ang mga naligaw na turistang sabungero ay nakawww poooh gabing-gabi na dumating!!!!! at nagbrown-out pa d2.....

kaya sunod na kitakitz ay biernes dun n lang s beach house ni ka nestor sa biernes.... ung mga nand2 bahala na kayong pumunta sa SEAWORLD, Estrella, Naujan.....2 minutes lang from the town plaza around 1 1/2 km lang layo!!!!! Txt nyo na lang jojo for confirmation at reservation he he heh he!!!!!

goryo888
April 2nd, 2006, 09:36 PM
Ay sya Ka BJ....dami damihi ang pagkuha ng piktyur at ng ma mapanood na marami rami.......

Naku ay ayos na naman malamang ang Kitakits na yaan...papuntahi dyaan sina Ka Alimbuyog at ng mas Masaya....marami ay masaya di ga??

blackjack
April 2nd, 2006, 09:43 PM
masa ok kung marami!!!!

ka dingdong baka makarating ka.....kaw na magtxt kay nante

preng raul
bakanand2 k na ng biernes ay parine na rin....

sa lahat na kabahag
dayo tayo s beach house ni ka nestor at dun tayo magtagpo...sarap ng hangin dun at maganda mga munting kubol nya sa aplaya!!!!!

ka goryo kaw na bahala kay ka tony!!!!

goryo888
April 3rd, 2006, 01:15 AM
Ka BJ.....naku ang sarap na naman ng inyong kita kitang yan...kakaHili na eh......sya sige..pasasaihan ko si Tito kung may oras sya ay dumating dyaan......

Sya mga kabahag gayak na papuntang Naujan at lusubin ang Beach ni Ka SPSP....hehehehee;)

Manokiz
April 3rd, 2006, 04:48 AM
gudevning po Kabahag,,,

'musta na kau?

naway maka-lusot laban n'yo sa sunod na entry sa Araneta,,,

etu isa,,, gantian na,,,
sa tumabla sa Araneta 5 Cock Derby last March 21, 2006,,,


May Rest In Peace,,,

------ Sweater - Butcher Versus LGBA BREEDER OF THE YEAR 2005 -------


http://photobucket.com/albums/v217/Manokis/jssweater-butcher.jpg

goryo888
April 3rd, 2006, 04:53 AM
Eto yung nakabangga ng Nokiz ni Alex Tang...ok preng Manokiz......Swerte pa ni Alex at nakatabla pa sya sa Nokiz mo....heheheeee;)

blackjack
April 3rd, 2006, 05:03 AM
ka goryo

pre sarap tambayan ung lugar ni ka nestor sa estrella.....maliit lang, cozy ika nga.....sarap ng simoy ng hangin at ang lugar will bring back memories....sabi nga ni neil ay dun sya nakapulot ng 100 pesos nung wala silang pamasahe ni atid joseph minsang pumunta sila estrella. may mga kubo na sya at may main house for overnight accomodation....air-con din naman kng gusto at may cooking area pa sa loob....para kung may baon k ay dun na lang kayo at walang alisan...he heh he!!!

malapit lang sa dating human settlement.....

goryo888
April 3rd, 2006, 05:50 AM
Ibig sabihin kahanay yan ng mga Beach nina Atty Mortel? Dati meron dn yatang poreyner na nagaayos din ng Beach dyaan?

Ewan ko laang kung nandyaan pa yuong binabanggit kong poreyner na yun....

blackjack
April 3rd, 2006, 06:15 AM
yung foreigner ay kabit un ng dating bata ni boyet mortel n naghong kong at dun ang resort/inn sa looban malapit sa skul

e2ng kay ka nestor ay last resort bago dumating ng human settlement...nandun din sa loobang yun ang bahay ng kapt. danny teves na kapitan ng putatan, mun tinglupa city....malaking bahay at malapad ang compound...tingin ko ay maliit ang 6 millioin na nagas2s nya dun....mas servants quarters pa na separate building at cooking area bahay ni teves na separate building din.....on top of this may pinapagawa na modernong sabungan sa amugis, barcenaga katabi ng pamahay homes ni RGV sa lupa din ng mga teves!!!!

goryo888
April 3rd, 2006, 08:36 AM
Aba....BIGTIME... kailan kaya tayo magkakaroon ng ganyan?? Ako eh kuntento na kahit bahay kubo laang.....

Magkaka Sabungan na pala uliang Naujan....matagal na panahon na ringwala tayong Sabungan dyan sa atin......

Meron na palang nakapagtayo.....

Mt.Halcon 888
April 3rd, 2006, 09:46 AM
Mga kabahag,musta na kayong lahat

Kababalik ko lang kagabi galing sa mindoro.

Ka Leony,dumaan ako sa inyo kahapon at kinuha ko na yung ibinigay mo sa kin,paki pm or tex kung pano gamitin yun,maraming salamat kabahag.

Pagkagaling ko dun e tumuloy ako Ke BJ,mga kabahag ang gaganda ng mga manokis ni Ka Tem,yung ilalaban nila ng 2 cock e pwedeng ilaban sa 3 cock. 3 entry nila sa 2 cock sa Pinamalayan sa Sabado,pandiin mga manok ni BJ

Ka Jojo,3 cock na lang natin ilaban yung ihahack fight mo sa sabado,hehehehe,biro ,di bale pustahan na lang natin yung ilalaban .

Ka Dingdong,Stuart baka makalimutan nyo sa April 15 punta Kayo sa Pinamalayan.Ka Goryo kung makaka abot ka rin punta ka.Punta tayo sa resort ni Ka Nestor maganda raw dun sabi ni BJ.







:lol:

Raul_Ruaro
April 3rd, 2006, 10:59 AM
Mgandang umaga Tribung mangyan!

Pareng tem,

Di ko pa sigurado sa friday kung makauwi ako ng mindoro dahil graduation ng kapatid ko.. Pero malamang umabot ako sa derby sa 8...

stewart-

blackjack
April 3rd, 2006, 12:04 PM
o mga kabahag...sa a 8 ang laban natin ha...pinamalayan...sagot ni MH888 ang lugar...sagot namin manok...sagot nyo lahat iinumin nyo he he he!!!! punta tayo lahat dun s 2 cock derby para masaya.... at d2 din s hide-out ni ka nestor...maganda ang beach house nya!!!! maayos ang lugar at malamig ang SMB at lights!!!!

cge hulaton ko na lang kamo tanan kung sin-o man sa inyo maka-abot dire sas amon!!!!(ilonggo yun!) he heh he! bisaya gid ining mangyan!

Raul_Ruaro
April 3rd, 2006, 04:06 PM
Taas ko laang are!

Pareng tem,

Napunta ba si ka nestor nung kitakitz? Musta na napag usapan nyo, tigil ba muna sya sa paglalaban? Sabi nga ng byenan ko medyo inalat si kabahag na nestor nung pa derby Ninong arleo.

Hay excited na akodyan makauwi...


Ka gory,

Kailan ga uwi mo? Mukhang may pinahanda ka na kay prof. Neil sa pag uwi mo hah? Sya larga na ng makarami....

Asan na ga si kabahag grandeur, alimbuyog at chuckee? di na napadalaw dito sa ating tribu....


stewart-

DingDong
April 3rd, 2006, 05:29 PM
ire laang huli ang sasagutin ko ha, bz sa opis
ang inyong kabahag.

si ka grandeur ei bz sa barko at may kamahalan
daw ang mag internet sa barko ngay-on. nag iipon
yung mama at malay natin ei lumagay na din sa
magulo pag uwi nya, he he he

si tol chuck naman ei bz din, dami daw bisita na
estudyante (sana andun ako, he he he) kaya sya
ei abala sa ngay-on.

si utol alimbuyog naman ei wala pa ring connection
sa internet. baka hindi na lagyan dahil kung saan
saan naman yatang web site napunta, hi hi hi.


naku, kung sa biyernes iyang punta sa resort ni
ka SPSP ei malabo pa ako sa bagong bahang ilog
na makarating. baka nga sa a otso ei pahirapan pa
eh. bahite ngay-on ang inyong kabahag.

hala kung anuman ang abutan dyaan sa atin pag uwi ko.

:rbounce:

blackjack
April 3rd, 2006, 06:54 PM
mga kabahag

minsang pasyal ni ka nestor d2 sa akin ay inihinga nya yung medyo mabigat na dinadala...bago p nun magderby ng 29 sa calapan....at sabi nya ay nakakahiya kay halcon888 at kinancel nya yung ntry sa 29th derby ng calapan....dapat sana ay gamit ni halcon888 ang manok nya but at the last moment ay kinancel nya dahil sa tantya nya ay sobrang alat nga nya at baka madamay p c halcon ay di na lang daw sya sasali....pati lahat ng bookings at laban ng manok nya at tigil daw muna. balak nyang tumigil ng paglaban sa loob ng 2 taon.....2loy pa rin ang manok pero paglaban at benta ay di daw muna...palilipasin nya 2ng malas...kaya kayo 2lungan nyo kaming paliwanagan c kabahag nestor n lahat naman ay dumadaan sa ganung malas...dadayuhin natin ung tao at kumbinsihin na laban pa rin kahit paisa isa para wag mawala sa circulasyon!!!!

samahan nyo kami mga kabahag!!!!

goryo888
April 3rd, 2006, 08:34 PM
Tama yun Ka BJ...masyado laang sumadsad ang pakiramdam ni Ka Nestor...kung paisa isa laang sa isang Buwan ay ok na...kumbaga eh para nga di mawala sa Sirkulasyon napaka Imposible naman siguro kung di mananalo mga nokis nya sa lahat ng Laban.....at hwag masyadong dumiin sa pusta.....o kaya eh pahawak muna sa kung sino ang may magaang kamay sa Panalo ang manok na ilalaban niya...Pwedeng igarahe muna sayo Ka BJ halimbawa ang ilalaban niya....Pwede ring sa iba niya ipabutaw ang Nokiz niya.

Madami paraan....pero kung talagang yun ang desisyun nung Tao eh suportahan na rin natin.....baka iba ang maging dating para sa kanya kung mamimilit tayo na Sige dapat ng Sige....siguro naman kung may laban tayo eh susuporta rin sya....sa kahit anong paraan....eto nga at Welkam na welkam ang grupo sa kanila...kaya ok lang siguro...isang indikasyon na di pa rin sya mawawala.....dahil nakikihalubilo pa rin sya sa Grupo........

Ka Nestor...hayaan mo at lilipas din yaang Alat na yaan na nararamdaman mo...............pagDating ko dyaan eh tatanggalin natin yaan....;)

malayan_heat
April 3rd, 2006, 08:35 PM
MGA KABAHAG MZTA NA KAYO

Mzta na baga ang mga kabahag na sandugo ano ba
ang nangyari sa kitaktz hnd yata nakunan ng picture
ang mga guapong mangyan sayang naman hnd namin
nakita at walang maididikit dni na mga picture ng mga
mangyan magkaganoon man sa susunod na lang na
kitaktz.cnzia na kayong lahat ang kabahag ninyo ay
laging bz kasama ng bosing sa bundok lam ninyo naman
ang mga italiano pag taglamig guyod pabundok pag
tag init guyod namang pa dagat ay naku parang mga
guyam heheee!!!!!!!
siya sana naman suwertehin tayo sa laban natin sa
sabado sa pinamalayan laban ito ng mga TRIBU
MANGYAN sana may kasunod na Mbuhay ANG TRIBU
MANGYAN.

GOD BLESS SA LAHAT malayan_heat

goryo888
April 3rd, 2006, 08:40 PM
Ka MH...teka may mga piktyur sa pahina 92..balik ka ng isang pahina......medyo nawala ka yata ng konti....heheheeee

Kumusta baga tayo dyaan??

goryo888
April 4th, 2006, 07:47 AM
Bago ako matulog uli eh itataas ko muna uli ito ha....nahuhubo ang bahag ng Mangyan eh......

joey bravo
April 4th, 2006, 11:06 AM
mga kabahag,

para mawal lungkot ni ka Nestor ay pinadalhan ko ng 10 na VCD, pwede nyo hiramin sa kanya para ma re-kopya.

ka MH888,

pass muna ako sa pa derby kasi nag palit ako ng handler.

susubukan ko muna sa pa concierto ni rebel sa April 22 sa San Mateo at sabong.net 5 cock sa April 20. nakakhiya baka isabak ko eh manulot ako ng eklog... aw:lol:


ka DD,

ok naman yung switur mo, ayos pumalo. kelan mo kukunin sa bahay pre. makapag chicken talk na rin tayo.

goryo888
April 4th, 2006, 01:04 PM
Kuya JB...ayos laang yan.....sige at sanay maging mas hiyang ka dyaan sa bago mong tagaHimas at taga Hawak....nyhahahahahaaa baka Bebot na Siksi yan ha.....lagot ka Asunto de Rotcha ang aabutin mo...nyhahaaaaa:D

joey bravo
April 4th, 2006, 02:05 PM
mas mabilis pala sa akin yun handler ko na si Dan Dan, aba eh magpapakasal na eh 16 years old yung nasilo nya.:lol:

Raul_Ruaro
April 4th, 2006, 04:31 PM
Pareng tem,

Wagka mag alala at samahan ka namin kumbinsihin si ka nestor... Tuloy na tuloy na ba yung pang april 8 sa pinamalayan? Sige ingat na lang dyan at sana swertihin na tayo.

Ka joey bravo,

Ikaw ga ay uwi ng mindoro sa holy week? Aba matulis din pala si dan-dan katulad ng bossing nya hah. hehehe! Sya sana makapag kitakitz tayo sa semana sanat.


stewart-

jojo60
April 4th, 2006, 06:05 PM
Ayan mga kabahag at talagang asikasong asikaso kami ni Nsan BJ..Nsan ,maraming salamat sa iyo at sa buong pamilya..Ka GG: eh talagang napakasarap mag-bitaw lalong lalo na kapag magagaaaandang klase ang iyong hawak.Sa lahat na makakauwi sa darating na Friday 04-08 nandun ang inyong lingkod hanggang Sundat 04-10 ng umaga.. kita2x tayo doon.

Raul_Ruaro
April 5th, 2006, 09:10 AM
Taas ko lang ang ating tribu!

Pareng tem,

Tuloy ba yung sa friday? Kasi kung tuloy ay uwi na ako mindoro bukas....

stewart-

goryo888
April 5th, 2006, 12:39 PM
Ka RR Kumusta ga??

Mga Kabahag ay sya Gisengggg na...napapailaliman lagi areng ating kubol ei.....sya sya kayo'y dyaan muna at magpupugos pa ng bahag areng inyong kaTribu...lumulutong na sa tutong.....nyhahahaaaa:lol:

Kuya Joey ang bagsik pala nyang alaga mo...aba'y minana ang kalidad mo ei....kaBata ga ng nadagit nyaang si Dandan...baka magtae na yang tao na yan ha??? Murang damo para sa matandang Kabayo ay delikado rin...kakapagtae yan...nyhahahaaaaa.......

DingDong
April 5th, 2006, 01:28 PM
ka JB,

hindi ko pa alam kung kelan ako makakapunta
dyaan sa iyong manukan. ako ga'y medyo abala
ngay-on sa dami ng . . . . ginagawa. kung anuman
text kita dre.

ka nestor,

gay-an laang talaga ang sabong minsan panalo
minsan talo. ako nga ei buhat pa ng oct 01, 2005
puro talo sa (pera) sa manok siguro ei tabla o lamang
ng konti sa panalo. pero ayos laang iyon. nadaan
talaga ang ganun . . . lagi laang nating isipin . . .
ang nagwawagi ay hindi umaayaw, ang umaayaw ay
di nagwawagi.

sa lahat ng kabahag.

kung sakali, kitakits na laang tayo sa mindoro.
makauwi sana ako, kahirap gang languyin mula
batangas hanggang calapan, bwahahahahahaha
tapos lakad uli, whew, hirap nun ah

:rbounce:

Mt.Halcon 888
April 5th, 2006, 01:43 PM
Musta mga kabahag,

Nakausap ko kanina si Ka Toyting,nasa mindoro na sya at baka makapunta daw sya sa April 8 sa 2 cock sa Pinamalayan at syempre naka ready na yung pang 3 cock nya sa April 15.

Sana nga ay magbago ang desisyon ni Ka Nestor,kasi dumadating naman talaga yung tag malas o panay talo,pero di habang panahon e nasa ilalim.







:lol:

Mt.Halcon 888
April 5th, 2006, 11:27 PM
Mga kabahag,

Ako ulit,mukhang busy lahat,pero matutulog na ko,mag aalas dose na.

Ka Goryo maraming salamat sa iyong komento sa manok ko sa gallery,yun yung nanalo sa Calapan last week.







:lol:

goryo888
April 5th, 2006, 11:41 PM
Ay kaganda naman talaga ei....sinamahan pa ng galing kaya.....ang LUFETTTTTTTTTTTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!
Makakarami ka nga ng husto dyan......tskkkk....may abutan pa sana ako sa ilalaban mo...para kahit pano binili ng tiket eh maLibre na panigurado......;)

joey bravo
April 6th, 2006, 07:20 AM
preng RR,

baka d ako makakauwi kasi na deny visa ko papunta mindoro. hehehe

kaya tiis na lang ako sa swimming pool ng Manila Diamond Hotel kasama mga bata. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa duon nag pa book c kumander malapit naman daw sa dagat polluted nga lang.:lol:

ka DD, sige mag txt k lang.

ka goryo, masisira tayo sa bagsik nitong handler ko, ngayon magiging handler na sya ng baby, pag tumakbo sya silya elektrika abot nya. aww

goryo888
April 6th, 2006, 11:07 PM
Nakupoooooo....pinulot na tayo sa kangkungan ei......iaahon ko laang ere ha??;)

Mt.Halcon 888
April 7th, 2006, 02:11 PM
Wats up mga kabahag,mukhang busy lahat,sasalohin ko lang yung pagtaas ni Ka Goryo,baka kasi sa kangkongan na tayo pulutin nyan

Ako'y uuwi na sa Mindoro bukas ng maaga,dadaan ako kina Blackjack,tingnan ko yung mga panlaban nya bukas sa 2 cock sa Gloria.

Ingat-ingat mga kabahag.








:lol:

malayan_heat
April 7th, 2006, 08:03 PM
MGA kabahag

Naku mukha atang bz ang lahat ng mangyan msta
na baga kayong lahat aba ehhh wala na akong naki
kita dine kundi sika gorry lamang ahh mukha atang
nagsiuwi na sa bundok lahat hehehehe!!!!!!!!!!!!!!!
yoke lamang.

Ka jojo nasaan ka na bagaaaaaaaaa aba eh
magparamdam naman dine mukhang na OD ka yata
katutulog hahahaaaaa joke only siya magbihis na at
bukas ay may laban tayo sige ingat kayong lahat diyan.



GOD BLESS SA LAHAT

malayan_heat

Mt.Halcon 888
April 7th, 2006, 11:31 PM
Mga kabahag,

wala masyadong tao d2 sa kubol natin,siguro nasa bakasyon na ang karamihan,maya maya din ay uuwi na kong mindoro,hahabulin ko yung laban ni Blackjack sa Gloria,me 2 cock sa Gloria.

Itataas ko lang kasi napailaliman na itong ating ito.Ka Jojo Magparamdam ka naman

Sugod mga kabahag sa Gloria bukas ng gabi at panoorin natin mga manok ni Ka Leony,hinanda ni BJ.




:lol:

goryo888
April 8th, 2006, 12:58 AM
Ka BJ...ayos na yan...............gudlak....

Ka MH888..........sige ayos na yan...


Mga kabahag sa lahat ng mag lalaban naway palarin na manalo ang lahat ng Manok ng Mangyan........

Ka MH...mapapahapit na ang mga Alaga natin...gudlak.... ;)

sonny dela cruz
April 8th, 2006, 05:42 AM
Goodluck sa laban ng grupo.

Marahil lahat sila ay pauwi na kaya wala tayong mahagilap.

Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
April 8th, 2006, 08:12 PM
Bakbakan na ga?? balitaan kami dineeeeeee.......

goryo888
April 9th, 2006, 05:27 AM
Update ano na gang nangyari??? Mga Kabahag na nagDerby......aba'y magparamdam dine........

malayan_heat
April 9th, 2006, 03:26 PM
MGA KABAHAG

Mzta na mga kabahag? aba ay talaga yatang naglilipa
ran pa ang mga mangyan ahhhhh!!!!!!
Magandang balita ang laban kahapon sa pinamalayan
gloria DERBY TWO COCK ang entry ko TRIVU MANGYAN
MH AT ENTRY NI MT88 ay parehong CHAMPION. suerte
ata ang pangalang TRIVU MANGYAN ayos din ang kitaktz
ng mga mangyan naroon si DD, RR, MH88,TP, at nga
yong maghapon ay may kitaktz sila sa BEACH NI KA NES
TOR SPSP.
GA GORYO888 AT KA SONNY MALAPIT NARIN NAMAN
TAYONG UMUWI TAYO NAMAN ANG HIHIMAS PARA HND
TAYO MALAMANGAN HIHILIIN NAMAN NATIN SILA. SIGE
INGAT KAYO DYAN.

GOD BLESS

malayan_heat

goryo888
April 9th, 2006, 06:36 PM
ayan na nakuuuuuuu.........umaariba na nga ang mga Mangyan...malamang nagkakaSayahan ng Husto.....Congratsssssssssssss Ka MH...Ka MH888 ganun din sa iyo....

Ka BJ...ayos.....sya sige hwag masyadong magpapakalunod ha??? Naku.....ma eenganya uli nyan si Ka SPSP...kapag ganyan ang takbo ng laban.....

goryo888
April 9th, 2006, 06:41 PM
Si Tol Jojo ga'y di nakarating talaga?? Naku ang pagkakaalam ko ay inayos pa yung kalalalgayan yata ng pamangkin baga o Ate nya ei.....

Ay sya sya......mabuhay ang Tribu Mangyan....heheheeeeeeee sarap ng pakiramdam pag garine ang balita.....;)

sonny dela cruz
April 9th, 2006, 09:14 PM
Ayos yan congrats Ka Malayan at ka Mt .Halcon 888 sana tuloy tuloy na.

Panigurado ka Malayan heat pag-uwi natin ganun din di bah Ka Goryo?

Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
April 9th, 2006, 09:16 PM
Sarapppppppppppppppppppppppppp...............kongr ats uli Ka BJ, Ka MH , Ka MH888....................umpisa na yan......yuuuhhhoooooo :rbounce:

joey bravo
April 10th, 2006, 07:25 AM
:)

goryo888
April 10th, 2006, 06:58 PM
Haaayyyyy naku..nahubo na naman ang bahag ng Mangyan......itataas ko laang are uli ha??? heheheeeee


Kumusta ga kayong lahat dyaan......

joey bravo
April 10th, 2006, 07:31 PM
ka gory,

mahina siguro ang signal sa kamangyanan, hehehe

o busy sa pag sasabong left and right kaya no time to post.
:D

Soseng
April 10th, 2006, 09:26 PM
wow double champ!

congrats!!!


magpapainom na kayo boss BJ, sandugo goryo and bouncer DD :D

goryo888
April 10th, 2006, 10:29 PM
Seng salamat sa pagdalaw dine sa aming Kubol....salamat din sa pagbati.....

Mga Kabahag....gogogogogoggo Tribu Mangyan!!!:rbounce:

Mt.Halcon 888
April 11th, 2006, 12:47 AM
Mga kabahag,

Musta na lahat,kararating ko lang galing mindoro.Sa wakas sinamahan din ng swerte ang entry ng Tribu Mangyan,double champion kami ni Ka Leony,kaya ayun inabot kami ng 2 am sa pag inom sa sabungan sa Gloria.

Mabigat pa ang mga naging kalaban namin sa Gloria,lahat me pusta kaya nadehado kami.Nagdilang anghel sa Blackjack,ang sabi nya sa akin ako raw ang unang mag chachampion susunod lang yung entry ni Ka Leony,aba'y akalain mong nagkatotoo nga.

Kaninang tanghali,pinuntahan namin si Ka Nestor sa kanyang resort,kasama ko si Blackjack at Dingdong,nakupo maganda yung resort nung mama,sabi nga ni Dingdong pwede magdala ng pullets na namumula yung nguso hehehehe,napalaban na naman kami ng inuman maghapon,kaya nga kararating ko lang kasi di ko inabutan yung last trip ng Supercat,kaya no choice ako kundi sumakay dun sa mabagal na barko na halos 2 1/2 hours.

Sa isang araw e uuwi na ulit ako para dun mag holy week,mga kabahag tayo na sa mindoro,ang saya ng kita kits namin dun,hindi lang chicken talk at pullets meron,sabi nga ni Dingdong, pullets na mapupula ang nguso.

At sa sabado de gloria,iniimbitahan ko kayo sa Pinamalayan
3 cock derby po yun,sagot ko lahat ng inumin at pulutan .Sana ay magchampion ulit tayo,me entry ako at si Ka Toyting.

Me mga pictures ako ng kita kitz,pano ba magdownload .tulong mga kabahag,salamat.







:lol:

goryo888
April 11th, 2006, 01:25 AM
Hoyyy hoyyy hoyyyyy....idikit mo dito yan.....langya naman nangiinggit na naman kayoooooo.....

Ilagay mo na sa photobucket.... www.photobucket.com

bago mo ilagay dito sa kubol natin.....

Manokiz
April 11th, 2006, 02:41 AM
'musta na po kau kabahag,,,

congrasts! aba'y bihira ya-an,,,
doble pagka-champion,,,
naway tuloy-tuly na ya-ang s'werte,,,

di lang s'werte,,, ga-galing pa ng manok,,,

good luck uli sa sunod na laban,,, :)

grandeur0
April 11th, 2006, 03:49 AM
congrats sa unang nag pa champion ng mangyan entry
ka goryo tinatawagan kita sa dating cell no# mo na ginagamit di kita ma contact nag ring ng ring email mo ako sa babes_i2004@yahoo.com tawag ako sayo pag week ends sa sunod na sali ko yan din gagamitin ko TRIVU MANGYAN ,,,,KMUSTA na lang sa inyong lahat,,,,

goryo888
April 11th, 2006, 04:28 AM
Ka GrandeurO....tinatawagan kita eh di mo sinasagot....kaya di ko sinagot kasi di pamilyar # sa akin...pero nung malaman ko na sa iyo eh tinawagan kita...nag iwan pa nga ako ng Mensahe....

Ingat ka lagi Pre dyan.........yan pa rin ang # ko na tinatawagan mo.....

goryo888
April 11th, 2006, 12:41 PM
Hoyyy hoy hoyyyyy....giseng na mga Kabahag.....malulubog na naman sa kangkungan ereng ating bahay bahayan......:)

Raul_Ruaro
April 11th, 2006, 04:32 PM
Magandang hapon mga kabahag!

Pasensya na at medyo busy dito sa mindoro...

Ka Malayan Heat,

Congrats sir! Medyo nahirapan manok natin pero ka gwagwapo naman at kalaki ng pusta ng mga kalaban natin. Na meet ko po dun bayaw mo na si ariel at tiyuhin ko pala dahil pinsan nya nga daw byenan ko. hehehe! Napunta na po ako minsan dun sa malaya dahil may hinatid si byenen priming na kamag anak dun.

May grand reunion ata ang pamilya sa malaya sa april 29-30, kaso lang di na ako maka punta dahil balik work na ako sa april 17... Paki kumusta mo na lang ako kay ninong resting at ninang ester dyan kapag nagkita kayo o nakausap nyo. Ingat na lang po dyan!

Ka gory,

Wow! Sarap at nauwi din ang grupo na panalo. hehehe! Langya si prof. natuto na tuloy ako mamusta! Sabagay barya lang naman at sa manok lang ng mga kabahag namumusta, di nga ako nakasama sa manok ni Mt.halcon.. Nahiya kasi ako sa erfattt nya... Sya uwi na ng makarami....thanx!

Mt. halcon,

Pre salamat sa pagiging perfect host at congrats na din! Galing ng mga manok mo, pang fastest kill... hehehe! Tignan ko kung maksama ako sa 15, may entry tiyuhin ng asawa ko at mga ninong namin sa kasal. Kitakitz na lang pre! Thanx!

stewart-

goryo888
April 11th, 2006, 10:59 PM
Nkupoooooo..........buti ka pa eh Ka RR...tskkk kagaling ga ng malapit laang sa base....naku basta Mangyan hindi ka pababayaan...kahit di ko pa nakikita yang ilan nating kabahg...sa totoo laang si Ka BJ laang ang kilala ko pa.....pero alam o naman na lahat kayo ay maaayos makisama....


Sya sya baka maiyak ako dine...weeeheheheheehee

Kitakitz na laang mgA KABAHAG......mabuhay ANG tRIBU mANGYAN!!!;)

goryo888
April 12th, 2006, 11:27 AM
Taas ko laang uli.....at ewan ko baga kung bakit sa KANGKUNGAN LAGI are pinupulotttttttt....sya sya sige...ako na muna bahala dine.....;)

Mt.Halcon 888
April 12th, 2006, 03:06 PM
Ka Goryo,

Musta na,Ikaw na muna bahala sa ating kubol,halos lahat ng mangyan e nasa mindoro na at nagbabakasyon.Uuwi na rin ako mamayang gabi,alis ako mga 11:00 ng gabi kasabay ko na mga manok na panlaban sa saturday,hahabulin ko yung barko na 2 am para mga 6 am nasa Pinamalayan na kami.

Sana'y magchampion ulit ang Tribung Mangyan.





:lol:

Raul_Ruaro
April 12th, 2006, 05:33 PM
Ka gory,

Ikaw muna bahala sa ating kubol, lalong busy ang mga kabahag this coming days. Sana swertehin ulit si halcon at toyting pasay sa sabado.. Baka nga di ako makapunta sa pa derby ni halcon dahil nasa puerto kami nun... Sya gwardya ka muna rine.:)

stewart-

goryo888
April 12th, 2006, 11:47 PM
Ka MH888......Ka TP......Gudlak sa laban ng Tribu Mangyan.............................panalo/tsampyon uli yaan.....:rbounce:



Sige bantay muna ako dito........

goryo888
April 13th, 2006, 10:47 PM
Lagi na lang sa kabilang pahina ko ito hinahalunggggggggkkkkkkaaaatttttttt.....o sya sya sige na nga....ako muna ang taTAO DINE....

jojo60
April 14th, 2006, 10:08 PM
Pagpaumanhin ninyo ang inyong kapatid na bihirang mapadaan sa ating munting kubol!!!

Congratz sa mga nag-champion at patnubayan pa sana tayo ng marami pang panalo sa mga darating na laban ng ating mga sundalo.

KA G: muzta na kapatid? wala ka bang talagang balak umuwi? punta na dini at para masaya ang lahat.Medyo bc pa rin ako sa aking gf kaya eto pati sa pagduty sa ospital eh kasama si ako. baka nga sa pagdating ng araw eh maging Doktor na ang inyong lingkod.Hehehe

Nsan: musta na kayo jan? talagang malas si ako kung kailan ka nag-champion ay bigla naman nagkaaberya.Nsan paki tx naman ang numero ni KA Nestor.balak ko kc na pumasyal sa kanyang kubo sa Estrella.Kung sino man ang may alam ng celfon ni Ka SPSP ay paki-bato naman sa akin.

Ka SPSP: ayan lipas na ang tag-ulan at swerte na ang iyopng mga sundalo.Congratz nga pala pati na rin ka MH888.talgang class "A" ang mga sundalo ninyo mga bossing.

Ito hindi pa rin ako nakakapagsabong at inuuna ko muna si sintang irog ko, kc sinusumpa yata niya ako sa sugal kaya pahinga muna ako at ayaw ko kayong madamay sa sumpa niya...

Sa lahat ng mga Kabahag, Ingat lang parati and God Bless you all! Have a blessed Lenten Season to All!!!

goryo888
April 15th, 2006, 01:42 PM
Tol Jojo....ayos yan sige....para lam mo kung ano hirap magAlaga ng Maysakit....naku lalo nakung panGabi pa yan....ay sus....pero sulit basta ang inaalagaan ay ngumingiti na at gusto ang iyong pag aalaga....hayyyy sarap nun..yun laang ang pang alis pagod ko ei....sya sya...ikaw ay ingat din lagi dyaan...


Mga Kabahag..Ka TP Ka MH888..............naku mapapadale uli ang ating Sandatahang lakas ei....heheheeeee sige palarin sana uli ng Maganda ang ating mga panlaban dyaan.....


Mga Ka Tribu....Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal....

grandeur0
April 15th, 2006, 03:48 PM
ka goryo,
eto ang cell# 12244363448 ko pag week ends ko lang nagagamit yan kasi night and week ends lang ang plan pero kung t-mobile ka pwedi tayo mag usap khit week days pra magka kwentuhan naman tayo ,

sa mga ka grupo pasensya na madalang ako mapasyal dine sa ating kubol

blackjack,
congrats ang galing mo mag kondisyon okey yong ibinigay mo na sisiw malaki na nanlalaban na,,,

goryo888
April 15th, 2006, 05:54 PM
Ka GrandeurO...pre T Mobile din ako...week ends din lang ako....
pero pag tinatawagan ko yan eh di mo sinasagot patay yang CP mo...kakatawag mo pa laang....sya sige tawag ka na laang....

Kumusta na ga dyaan? ingat ka na laang lagi pre....

goryo888
April 16th, 2006, 09:32 AM
Kumusta ga kayo??? magbalita naman dine...ano gang nangyari sa laban sa Pinamalayan??

Ay sya sya.....ako'y nandine laang bantay muna si ako.....

goryo888
April 16th, 2006, 08:57 PM
Mga kabahag....nakupooooo...pagkaGanda ng Mahal na araw ko eh Byernes Santo nga eh..kaso ei tapos na ang mahal na araw ei byernes Santo pa rin ako....
Yung dalawa kong inaasahang maiilaban pag uwi ko dyaan ay namatay na laang daw bigla nung Byernes santo....naku ay Hiram laang yung isa doon....hayyyyyy....
Tssskkk tssskkkk...hayyyyyyy nakuuuuuu...ayos laang sana kung sarili pareho at walang alalahanin.....

Kakahiya sa May ari baga!!!! kakaasaaarrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr.....

sonny dela cruz
April 17th, 2006, 12:03 AM
Musta na po sainyong lahat,medyo matagal bago nakadalaw dito sa ating munting kubol at napsyal kami dito sa Vallejo,Cal at San Francisco,ikot sa mga kamag-anak at mga tourist spot.Para kaming araw araw nasakay ng supercat pag naluwas ng SanFrancisco.Pero okey lang at napakaraming pasyalan dito sulit talaga kahit naulan.

Musta po sa inyong lahat,ingat po tayo lagi and God bless

Raul_Ruaro
April 17th, 2006, 03:04 PM
Magandang hapon mga kabahag!

Ka luluwas ko lang galing mindoro at nabalitaan ko na nag champ yung entry na tribung mangyan ni Mt. halcon888. Medyo kinulang ng swerte ang ating kabahag na toyting pasay, 1 win 2 losses sya. Naka panood sa pinamalayan si ka dingdong, pero ako ay di na nakarating dahil napasarap na kami sa puerto. Sya magpapaalam muna ako dahil mga 2 weeks ako di makakadalaw dito sa ating kubol dahil balik na ako ngayon sa aking trabaho....Happy easter!

Mt.halcaon888,

Congrats bro! Mukhang swerte ang entry name na tribung mangyan... 5-O na at double champ pa simula nung ginamait. hehehe! Bakit nagkatapat kaso sa entry ng uncle ng kumander at ninong ko? hehehe! Sige sya larga na!

Ka dingdong,

Musta na ga ang iyong lakad? hehehe! Ito pahabol lang bago ako akyat sa work ko ngayon.....

stewart-

goryo888
April 17th, 2006, 04:40 PM
MagReport na dine at ng masaya...........

Tol jojo kumusta na ga...baka pagdating ko dyaan eh Direktor ka na ha?? ayos din at ako ang kunin mong Asistan...at ng dyan na laang si ako.....

Tama ga nga ang nabasa ko Tsampyon uli si MH888....wow na wow na yan ha.....sige Aryaaaaa :rbounce:

joey bravo
April 17th, 2006, 05:00 PM
congrats kabahag MH,

sana mahawa mo kami ng swerte mo pre....:lol:

jojo60
April 17th, 2006, 07:50 PM
congratz sa iyo ka MH888!!! talagang deretso na iyan 'tol..

Ok lang me d2 'tol G!! ano ba ga ang mga nangyari sa mga

sundalo mo? iyon ba ang ns Laguna? di bale marami pa naman

kapalit ang mga iyon,talagang ganyon mas mabuti na ang nangyari keysa madali naman ang bulsa mo..hndi rin nga ako makahimas dine at talaga namang si Love ang parati kong inaasikaso..Hehehe

jojo60
April 17th, 2006, 07:55 PM
congratz sa iyo ka MH888!!! talagang deretso na iyan 'tol..

Ok lang me d2 'tol G!! ano ba ga ang mga nangyari sa mga

sundalo mo? iyon ba ang ns Laguna? di bale marami pa naman

kapalit ang mga iyon,talagang ganyon mas mabuti na ang

nangyari keysa madali naman ang bulsa mo..hndi rin nga ako

makahimas dine at talaga namang si Love ang parati kong

inaasikaso..Hehehe

:lol:

goryo888
April 17th, 2006, 07:59 PM
Tol ang nadale ay yung magkapatid na dan gray RheadXGilmore hatch na materyales galing kay Firebird....na pinagkatiwala laang sa atin ni Kabahag Manokizzzzzz...ayan na sinabi ko na kung kanino galing yun....nasabi ko na rin sa kanya...ay ayos laang daw ganun daw talaga....sama talaga sa Mortality yun.....
Salamat na laang at maunawain ung Tao ei....pinaghahandaan pa naman nung tao pamustadoon sa magkapatid na yaon.....
waaaaaaaa!!!

Babayaran ko kahit isang salapi ay ayaw ring pabayaran....


Sya tol ayos yaan...si Laveedoveeee na laang nga muna iyong intindihin....kumusta na laang sa lahat yaan....

Mt.Halcon 888
April 17th, 2006, 11:11 PM
Musta mga kabahag,

kababalik ko lang galing sa Mindoro,musta na lahat?sana'y naging maganda ang bakasyon nyong lahat.Mukhang swerte nga ang entry name na " TRIBUNG MANGYAN",nakaswerte,isa tayo sa mga nagchampion nung nakaraang paderby natin sa Pinamalayan.

Ka Toyting,maraming salamat sa iyong pagsali sa derby,sana'y wag ka madala sa pagsali.

ka Dingdong,maraming salamat sa iyong pagpunta,pasensya ka na at di na tayo nakapag inuman man lang.

ka Stuart,pasensya ka na,sa original na schedule namin e di ko talaga kalaban yung entry ng uncle mo,kc kilala rin yung uncle mo ng mga kaibigan ko,kaya lang,pagdating sa sabungan ayaw maglaban laban yung mga taga Calapan,no fight daw sila,kung hindi daw e ipupull out na lang nila yung entry nila,kaya no choice na kami,binago namin ulit yung schedule,nagkataon naman na katimbang nung manok ko yung isang manok ng uncle mo,kaya kami ang nagkatapat

Mahirap pala magpaderby,nakakapagod,pero masaya,sana next year e maraming entry na ang Tribung Mangyan.

Ka Goryo,bakit daw namatay yung mga manok,sayang naman,gandang bloodline pa naman.

Ka Jojo,musta na pare?

Si Ka Nestor pala e naglalaban na ulit,nanalo sya ng 2 manok last week.sana e magtuloy tuloy na ang panalo ng Tribung Mangyan.

Ka Joey,kelan tayo magpa praktis magtari ng manok sa inyo?hehehehe.Sali ka ba sa paderby ni Ka Raul sa Texas.

Ka Blackjack,nasa Pinamalayan yung Manok,itatawag ko sa yo kung kelan mapapalaban at kung aabot pa sa 3 cock sa Pinamalayan sa April 26 sa paderby ni Paquito.





:lol:

goryo888
April 18th, 2006, 12:20 PM
Ka MH888....congratssss uli......basta na laang daw namatay ei....wala daw namang sakit...o kahit sipon man laang.....
Ang ganda nga daw nung mga nokis na yun....at ang gagaling daw....kaso ayun...pumanaw na....waaaaaaaaaa!!!!

Ayos ang Tribu Mangyan umaariba ng husto.......:rbounce:

DingDong
April 18th, 2006, 12:51 PM
sya sya sya sya andine na ang inyong kabahag.

ipagpaumanhin mga katribu at ngangay-on laang
ako nakadalaw dine. 8 araw ako sa ating mahal na
isla at masaya naman ang aking bakasyon. hindi ko
na uulitin at naikwento na nila. kahapon laang ako
pumasok at madami pa ding gawa ngay-on.

ka MH888,

salamat sa iyong pagtanggap sa amin ni utol sa iyong
paderby. hindi na talaga kita inabala at alam kong dami
mo gawa patungkol sa inyong palaban. marami pa namang
araw tayo na magkakatunggaan. kelan ba laban nun puting
manok? sarap panoorin nun sana dito sa manila ang laban
at ng mataas na porsyento makapanood ako. nga pala
yung sabi mong sisiw baka marami kang reject kami na
ni utol ang magpapalaki, bwahahahahahahahaha.

ka gori,

baka nadale ng heat stroke ang mga manok mo. matindi
ang init ngay-on dine sa laguna.


TRIBUNG MANGYAN - pakiwari ko ei are na ang entry name
natin, nakakadalawa na eh.

MABUHAY TRIBUNG MANGYAN


:rbounce:

DingDong
April 18th, 2006, 01:04 PM
mga katribu,

in all fairness, ang titindi ng mga manok ni preng MH888.
mabibigat ang mga nakabanga nya dun sa derby na yun
galing talaga . . .

ka joey, kelan nga ga ang skedyul ng tupada natin dyan
sa inyo. pagkatapos ei pupulutanin natin yung mga manok
na tinarian . . .

Larga TRIBUNG MANGYAN.


:rbounce:

malayan_heat
April 18th, 2006, 07:50 PM
MGA KABAHAG NA MANGYAN

Mzta na ba kayong lahat cinzia na kayo ngayon
lamang tuesday kami dumating galing bundok
kasama ng bossing oyyyyy congrats. mh888 suerte
talaga ang tribu mangyan naka 3 na tayo ng champion
sana tuloy2 na ang suerte na ito by dwy mzta na ba

KA JJ
KA SONY
KA GORYO88
KA JB
KA RR
KA TP
KA BJ
KA DD
KA SPSP
KA GRANDEUR
KA ALIMBUYOG

Sana ayos naman kayo diyan mzta na muli sa
inyo at hanggang sa susunod na laban bye bye.


GOD BLESS TO ALL

malayan_heat

goryo888
April 18th, 2006, 10:51 PM
Larga Tribu Mangyan..........dere deretso na yan.....

Ka DD....baka nga eh...pero sinabihan ko naman si Utol na Fluid and Electrolytes ang kailangan pag mainit....hwag papawlaan ng maiinom na tubig....at hwag miinitan ang inumin...kung maaari ay laging papalitan.... ewan ko baga talaga kung ano nangyari....

Ka ganda nun ei....hayyyyyy...wla ana magagawa patay na ei..pero talagang sayangggggg.......

kay aiuuwi ko na marahil yung ilang manok ko doon...pag uwi ko at talagang di maaari ang pag aalaga nila....:(


Siguro Fluid ng lighter ang napainom at tsaka electrolytes ng battery............waaaaaaaaaaaaaaaaaa

DingDong
April 19th, 2006, 11:57 AM
ka gori,

malamang nga iba ang napainom ni prof dun,
tama ka, nyahahahhahahahahahaaha.

ka leonie/MH,

hala, ikaw ga'y kelan gagaur pauwi dine. ei
ng mailaban na mga sundalo mo dun. bagamat
di ko pa nakikita ei sa pakiwari ko'y kagagaling.
hala at siguro naman ei kayang pakilusin ni DanDan
yung mga yun.

Nga pala may 3 cock derby sa Socorro sa May 19, 2006,
palaban ni Eddie Escal yun, baka ikaw ay gustong sumabak
dun. Basta may Tribung Mangyan ayos na ayos ang entry.
sali na pre!


larga na!


:rbounce:

Mt.Halcon 888
April 19th, 2006, 12:27 PM
Mga kabayan,ito yung pics nung double champion ang tribung Mangyan sa Gloria


http://i50.photobucket.com/albums/f308/bravo_131313/mindoroescapade008.jpg (http://)

http://i50.photobucket.com/albums/f308/bravo_131313/1e80e1e6.jpg (http://)

DingDong
April 19th, 2006, 06:01 PM
pare bakit di ko mapuntahan yung pektyur. ganire na
laang email mo sa akin yung mga yun at ako ang
magdidikit dine. o kaya text mo sa akin ang password
ng photobucket mo at mula dun ei ididikit ko na dine.

ewan ko laang kung na-oopen ng iba yan. sa akin ei
hindi umubra eh.

:rbounce:

DingDong
April 19th, 2006, 06:11 PM
kaya pala di umubra ire ang nakalagay sa website nila :lol:


"Photobucket Site Maintenance"

"Images and videos will continue to serve during this short maintenance."


testing ko na laang uli bukas.

ravman
April 19th, 2006, 08:04 PM
Mga kabalaybay bunga baka may kilala kayo na mga MAĐIBO particular in bongabon,pinamalayan or calapan. mangyari kasi mga taga jan ang mga kamag-anakan ko eh. orihinal na batangue˝o po ere.... pm po meron man d2... salamat

goryo888
April 19th, 2006, 11:08 PM
Ka DD..di ko rin makita ei....sya sya....tingnan na laang uli mamya....kagaling ga ng mga Nokis mangyan......sya sya..iyan ay dere deretso na.....nakakailan na si Ka MH888 ei....Ka TP....ikaw din malapit na..pasasaan baga'y makakakuha ka rin ng Kampyonato....para sisikat lalo ang Tribu Mangyan...;)

Ka Ravman....Ang alm ko ei maraming Manibo...kahit sa amin sa Naujan...may mga kaklase pa akong mga Manibo nung HS ako.....

DingDong
April 20th, 2006, 11:32 AM
subuki nga ire kung inyong masisilip . . .

http://i25.photobucket.com/albums/c64/dingdong0910/mindoroescapade004.jpg


Kuha nun kasalukuyang naghihintay ng laban, nalo na mga 1st fyt
mula sa kaliwa nakaupo: BJ, MH888, RR, DD, tatay ni MH888
mula sa kaliwa natatayo: Macmac, Ariel, Alimbuyog

goryo888
April 20th, 2006, 01:05 PM
Naku ay kakikisig nga ng mga mangyan ei.....wala na gang iba pa....dami damihi at ng may MAPANOOD DINE.....
Wala gang litrato doon sa Sabungan? at yung mga nagtsampyon na mga Nokis?? sya dikiti daw dine.....;)

DingDong
April 20th, 2006, 06:08 PM
ka gori,

wala pektyur sa mismong rueda pero yang kuha na
yan ei dun sa mga kainan sa loob ng sabungan.

eto merong pang isa, nung mag double tsampyon na
ang mga mangyan. ire oh tingni ng magaling.


http://i25.photobucket.com/albums/c64/dingdong0910/mindoroescapade008.jpg

malayan_heat
April 20th, 2006, 08:18 PM
MGA MANGYAN

Msta na ba kayong lahat? aba ay are ang tunayyyy
abay mahihiya ang mga artista ang wwaffu pa lalo
nat may kaunting pampaganang beerbeherra ayos
ang kitaktz ng mga sandugo ayos din ang laban
pag mangyan talaga ang umarangka ayyyyyyyyyyy
naku po ayossss na ayossss siya malapit na muli
ang grand kitaktz pag dating ni ka GORYO88 malapit
ka na rin ka GORYO ilang tulog na lang basta huwag
kalilimutan ang aking centrom heheheheh joke lang.

KA DINGDONG nabangit sa akin ni DANDAN
may 3 cock daw sa socorro sa may 19 naghahanda
ata si dan nag tx ka raw sa kanya na meron daw
nga ayon kumuha ng mga manok sa farm at iniha
handa na. siya saka na lang uli tayo magbalitaan
ingat kayong lahat diyan lalong lalo na ang mga na
sa picture baka kayo mapikut. ingat kayo lahat.



GOD BLESS ALL



malayan_heat

goryo888
April 20th, 2006, 10:56 PM
Ka MH...basta laging meron yan.....meron nga ako mas maganda pa sa nirerekwes mo....basta iaabot ko na laang kahit kay Dandan..pag dating ko doon....

Naku bitn naman yang laban na yan...May 19 pala...sayang sana umabot si ako......kaso medyo maaga pa yan...di bale marami pa namang laban ang Tribu Mangyan na sasalihan....

wawafu nga ng mga Mangyan........lalo na yung nakaSambalilo ng Nike...waaaaaaaaaa.....heheheeeee

Mt.Halcon 888
April 20th, 2006, 11:56 PM
Mga Kabahag,

Musta na lahat,nga pala Ka Leony baka me manok ka pang nakahanda,me 3 cock sa Pinamalayan ulit sa April 26.Susubukan kong sumali baka umabot yung mga manokis ko.

Ka Goryo kelan ka baga mauwi para mapaghandaan natin?May 16 or 18,me laban ako nun baka pwede ka na nun 8 Bullstag sa Araneta,susubukan natin kung kaya ng powers ng mga manok ko .

Goodluck sa laban ng TRIBUNG MANGYAN .


Sya matulog na muna ako bukas na ulit pag gising ko,kayo na muna ang bahala sa ating kubol.






:lol:

joey bravo
April 21st, 2006, 07:51 AM
wafung wafu nyo naman mga kabahag.

congratsssss!!!

ini-sched ko sa may kitakits natin sa kubol ko sa Mayo, ganda sana kung sa katapusan ng bwan kaya lang punta kami province ni kumander para vist yung parents nya na medyo mahina na due to old age.

basta sa Mayo mga kabahag, dito naman tayo sa Manila.

DingDong
April 21st, 2006, 01:58 PM
ka MH (leonie),

oo nga itinext ko si DanDan, sabi ko sabihan ka
na may 3 cock sa Socorro sa May 19, baka kako
gusto mong salihan, yakang yaka ng mga nokiz
mo yung laban na yun. sali ka pre ha. pero wala
ako dun, sayang di ko mapapanood laban mo.

ka gori,

langya, wafu ba . . . yung nakasambalilo ng nike,
siguro nga pag ang katabi ei ninuno ng mga mangyan
bwahahahahahahahaha. aga-agahi ang gaur pauwi
at marami raming laban ang aabutan mo, bilisi ah!

ka MH888,

he he he, nakupo 8 bullstag, mapapalaban sila ng
husto sa tribung mangyan, yakang yaka yun pare.
aba at malapit na pala yun ah. teka anong araw ba
yun . . . aaaahhhhh Martes o Huwebes, nakupo may
pasok si ako . . . sana late fights ka pare para abot
ako sa gabi.

ka joey,

ano kayang petsa sa Mayo ang ating kitakitz sa iyong
palasyo dre. meron na ba akong tatarian dyan, kahit
aspili laang ang ikakabit ko. hala sige dre petsahi na
ng makahandahanda na ng papeles para sa visa kay
kumander alibasbas.

oi yung ibang mangyan ei nawawala dine . . . . . . . . .


:rbounce:

goryo888
April 21st, 2006, 10:32 PM
Sana yang kitakitz na yan ay mga 24 pataas....at baka makarating din si aki...pag ako'y nandyaan na eh walang salang di ako makakarating.....
Sana mapoasabit ako sa kitakits na yan...at siguradong masarap yang kitakits na yan eh sa Palasyo pa mandin ni Kuya JB...kaya ayos na ayos are.....heheheeeee

joey bravo
April 22nd, 2006, 07:32 AM
ka DD,

bahala ka na sa sched, kung saan mas madami ang makakababa sa bundok ng kamangyanan ay duon natin i sched.....

:)

goryo888
April 22nd, 2006, 10:26 AM
O ayan Ka DD...bahala ka na daw.............basta baga may pektyur pektyur eh ok na ako manood dine...kung di man ako makarating sa itatakdang araw....

Mga Kabahag.....taas ang dalawang paa ng makakadalo....heheheeeee

DingDong
April 22nd, 2006, 11:16 AM
sige, ako'y magpapalakad ng isang survey baga
ang tawag doon?


unang tanong:

Sabado

ba o

Linggo


yan muna ang tanong nating ha, saguti mga kabahag.
wag kalimutan ang inyong mga visa sa kumander ha?


:rbounce:

joey bravo
April 22nd, 2006, 11:23 AM
maski alin kabayan, sabado o linggo pwede sa akin basta kung saan marami ang makakababa sa kabundukan.:)

DingDong
April 22nd, 2006, 11:30 AM
ayos ka JB,

tingnan natin yung ibang mangyan kung sila
baga'y ano ang hiling, baka kasi yung iba ei
may papasukan ng alin man sa sabado o linggo.
kaya kung saan may marami ang libre ei dun
natin ilalagay ang araw. pag may araw na ei di
petsa naman ang ating pagpipilian, ayos ga
mga kabahag.

ako kasi ei mula lunes hanggang byernes ei pasok
na pasok na eh, minsan sabado ei may iba pang
pinapasukan. pero aare din ako anumang araw
ng sabado o linggo, petsa na laang sa akin ang
kulang.

mga mangyan sagot naman dine . . . .


:rbounce:

goryo888
April 22nd, 2006, 10:47 PM
Ako pasali ha.....kahit anong araw...petsa na lang ang kailangn.....waaaaaaa....nakikimalimali di naman sigurado....wahahaahahaaaaa
Nagiilusyon laang baga na makakadalo.....:D

Mt.Halcon 888
April 22nd, 2006, 11:08 PM
Magandang gabi mga kabahag,

Sa aking palagay,e mas maganda kung sabado para abutin man tayo ng 12 o 1 am wala pa rin pasok o aalalahanin na kelangan umuwi ng maaga kasi papasok pa ng opisina.




:lol:

Mt.Halcon 888
April 22nd, 2006, 11:19 PM
Ako Sabado rin,sang ayon ako ke Ka MH888
hehehehehe















:lol:

goryo888
April 23rd, 2006, 02:16 AM
Sige Sabado rin ako...waahaahahahahahaaa parang totoo....

Raul_Ruaro
April 23rd, 2006, 11:52 AM
Magandang tanghali mga ka tribu!

Pasilip lang po sa ating kubol... Naka baba po ang inyong kabahag sa bundok dahil kaarawan ko ngayon, kaso lang ay balik din ako kaagad mamayang hapon sa trabaho... Napakain lang kami sa labas ng pamilya ko.

Di pa ako makapag commit sa kitakitz dahil sa katapusan pa ang tapos ng trabaho ko....

Kahit di pa ako sigurado na makasama ay mas maigi nga na sabado, para mahaba habang inuman yun at chicken talk....


stewart-

grandeur0
April 23rd, 2006, 05:12 PM
nakaka inggit kayo sarap talaga pag summer masaya tayo lahat kasi kompleto ang balahibo ng mga cock ,,kmusta na lang sa inyong lahat,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

goryo888
April 23rd, 2006, 05:58 PM
Maligayang Karaarawan KaTribung RR!!!!

Ka GrandeurO kabahag...tawag tawag ka lang....at ingat lagi!!

Mga Mangyan kumusta ga ang lahat??

ravman
April 23rd, 2006, 10:08 PM
nangangapitbahay lang po.... musta na lang sa mga kadugo!!!




MAĐIBO...

goryo888
April 24th, 2006, 01:53 AM
Mga KaBahag kumusta na??

Ka ravman...ayos laang kami...ikaw ga?? ay sya ikaw ay laging welkam dine....

Ako'y may lahing Batangueno rin...ang Lolahin ko na Matibag at mga Perez na kamag anakan ko dine sa amin sa Mindoro palagay ko ay taga Batangas din ang pinagmulan eh....may mga kamag anakan din ako na Manibo ang apelyido....naalala ko nga pala si Lolo Agbing na yumao na napangasawa ng kapatid ng Lolo ko na Catly naman ay Manibo rin na mga taga Batangas din nga yata ang lahi..... ;)

malayan_heat
April 24th, 2006, 05:09 AM
TRIBUNG MANGYAN

Msta na ga kayong lahat? mabuti nga yatang sabado
na ganapin ang kitaktz para makadalo kami ni na ka
GORYO88 at nika SONNY hehehe marami kaming tra
baho lunes hanggang beyernes kaya sabado na lang
sarap sana kung totoo si ga GORYO88 sigurado haha
bol yan kami ni ka SONNY ay sa panaginip na lang.

KA RR maligayang kaarawan sa iyo saka mo
na lang kami eblowout pag uwi namin ha sige ingat.

KA GORYO88 ang lola mo ba ay matibag ang
lola ko rin ay matibag dati ay sa balud 2 nakatira ang
mga lola ko pinsan ko si pamping taga balud 2 ang
lolo ko ay napenas. siya ingat kayong lahat dyan.
siya nga pala nasira ang email ko kaya pala wala
akong natatanggapy na messg. kaya kung kayo ay
mag pm sa akin ang gamitin na lamang ninyo ay ito.


noelmalaya@yahoo.co.uk




GOD BLESS SA LAHAT

malayan_heat

sonny dela cruz
April 24th, 2006, 06:42 AM
Musta na po sa inyong lahat.

Sensya na po at absent ng matagal kauuwi lang galing bakasyon diyan sa west coast Vallejo at SFO kaya bukas kayod marino na naman at malungkot na naman.

Maligayang kaarawan Ka Raul,more to come and Good health.

Ka Malayan heat tama ka diyan okey na okey weekend para makapunta tayo lalo ka na malayo layo ka he he he.Si Ka goryo ata mukhang malapit lapit na sa katotohanan tayo mukhang matagal pa he! he! he!

Ingat po tayo lagi and God bless from A to Z

goryo888
April 24th, 2006, 08:36 AM
Ay sya....magkakaRugtong din yata mga pusod natin eh.....yung Lola ko na Matibag ay Juliana ang pangalan na asawa naman ng Segundo Catly......yung mga taga Malibago na Catly doon ay mga kapatid ng Nanay ko......
Sya ingat ka din dyaan Ka MH....

Mga KaTribu nasan na ga kayo??? ay Lunes na dyaan ay gisengggg....dalaw naman dine sa ating Kubol....

DingDong
April 24th, 2006, 01:33 PM
ano ga ireng pasimuno at laging nawawala. eto na
uli ako.

ka MH888,

sabado baga, tama ba nabasa ko sang-ayon ka sa
mungkahi mo, nyahahahahahahahaha.

ka goryo,

hala ang petsa ay iipitin ko (parang sa parada) wag
laang maputukan at baka ako'y mag abono. bulong
mo sa akin ang petsa ha . . .

ka MH at ka sonny,

nakakarami na kami, kayo ga'y paano na, gaur na
agad pauwi at ng makabawibawi. ka leonie tuloy
ga ang laban mo sa May 19 sa socorro?

ka grandeur0,

aba'y ikaw ay pasilipsilip laang dine ah, dalasdalasi
at kahit man laang sa pektyur eh maramdaman mo
na ika'y laging naming kasama sa mga lakar.

ka ravman,

ang tawo naman sa mindoro ei karamihan ei yung
mga taga batangas din ei. tawid dagat laang at yun
pangita na sa mindoro ang ating mga ninuno.


hala pasok mga mangyan . . . sunod na kitakitz

lugar : Palasyo del Mangyan de JoeyBravo
Araw : Sabado
Petsa : May xx, 2006
Oras : 2:00 ng Hapon

ayan, larga na Tribung Mangyan

:rbounce:

DingDong
April 24th, 2006, 01:38 PM
ma kulang ako, pero ire ay espesyal.

ka RR,

maligayang kaarawan sa iyo. nawa'y lumawig
pa ang iyong buhay at makapagsabong ng
matagaltagal . . . . he he he sige saka na laang
tayo iinum uli.

teka tagay mo na ah, taasi na ang baso.

:rbounce:

joey bravo
April 24th, 2006, 05:35 PM
ka DD, kamalig laaang, sana nga naging palasyo. hehehe

attire daw dapat formal : bahag

:lol:

DingDong
April 24th, 2006, 05:59 PM
aba kung formal attire na bahag. teka palalabhan
ko muna at sa wari ko ei kaya ng tumayo ito sa kapal
ng banil . . .

oi mga mangyan, yung sa inyo ei labhi na habang
maganda pa ang sikat ng araw. baka abutin pa yan
ng unang ulan ng mayo . . .


:rbounce:

goryo888
April 24th, 2006, 07:28 PM
Okay Larga ako sa Bahag na attire...at ng magkaalaman ang tunay ngang Mangyan...wahaahahahahaaha

Sya sya..sana ngay bumilis ang takbo ng araw at ng Kitakits na agad..

Tol Jojo nasan ka ga?? KaSwerte ga ni Waswit mo at lahat ng oras mo ay kanyang kanya...may pagDuty ka pa sa trabaho nya ay sya.....mamya nyan ay malamang Direktor ka na dyaan....

ravman
April 25th, 2006, 03:12 AM
Salamat sa welkam nyo mga kadugo.. Yan din ang pagkaalam ko halos iisa ang batangas mindoro... musta na lang sa inyong lahat hayaan nyo at palagi akong maKIKI usyoso dine....

goryo888
April 25th, 2006, 03:48 AM
ravman....Basta ikaw ay punta laang dine at ayos yaan...tayo naman ay iisa rin laang.......Bats. City ka pala eh...siguro ay kilala mo si Tito Allen Berberabe ano?? Si Nino na anak niya ga ay kilala mo? Naku ay Sabungero ding katakut takut yun eh.....;)

ravman
April 25th, 2006, 04:09 AM
Sensya na medyo mabibigat na pangalan yan mga BERBERABE kaya dko kilala yan.... Pero taga LTO na retire na ngayon si Ka MELY BERBERABE kilala ko. hehehehe

Manokiz
April 25th, 2006, 07:02 AM
'musta na po kau Kabahag?,,,

ka goryo,,,
'ya-e na un nangayri,,,
kasama ya-an sa mortality bawat isa ng manukan,,,

meron pa nga,,,
kahit giba-giba na katawan ng manok sa pagka-panalo,,,
bini-bili pa,,, sakaling mabuhay pa,,,
eh kung mabuhay,,,

may instant winner pa ka,,, he-he-he,,,




palagi katandaan,,,
ang naga-ayaw,,, di naga-wagi,,,

ang naga-wagi ng isa,,, 'gang ika-dalawa,,,

uwi na't,,, baka mabawian pa,,, :D

good luck po sa lahat ng laban at sa breeding,,,

maraming salamat po,,,

DingDong
April 25th, 2006, 10:36 AM
mungkahing petsa para sa kitakits sa sunod na buwan.


MAY 27, 2006, araw po ng Sabado yan

ajo ei may pasok sa petsang iyan, lalabas na laang ako
ng maaga para makaabot pa ko.

ayan taas ang paa ng mga sang-ayon, yung namang
hindi ei ibaba na at baka kung ano pa ang mangyari.

sagot mga kabahag . . . . .


:rbounce:

goryo888
April 25th, 2006, 10:42 PM
Isang paa laang ang inapataas...baka dalawahin ay naku matutumba ang Mangyan....waahahahaaaa

Basta kung saan ang marami makakarating eh ayos na ayos yaan....magtatarian baga?? naku dapat ay me pusta kahit konti rin para kung sino matatalo bale yun ang nagpainom....waahahahaahaa
Halimbawa unang laban...pusta isang mamera..natalo si ako...eh di yung mamera na iyon ang ibibili ng matutungga.....ayos ga kaya yun?? para masaya....o sya kahit wala ng pustahan...sagot na ng Punong abala JB at pangalawang abala DD.....waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa :lol:

Sno na ga ang magdadala ng tatariang manok na pagpapraktisan??

DingDong
April 26th, 2006, 05:04 PM
aba teka . . . teka . . . teka . . . at teka pa uli.

ako po ay naatasan laang na mag ayos ng
iskedyul ng pagkikita. sagot ko na ang kwento
at isang bote ng alak (gin laang ha, hi hi hi)

yun na lang may mga reject ang magdala ng
manok na tatarian. sa akin kasi ei walang
reject kasi wala namang irereject, nyahahahaha

hala sige, asan na yung ibang mangyan baken
ga hindi nasagot dine.

pasok . . . .


:rbounce:

DingDong
April 26th, 2006, 06:11 PM
ooooiiiiiiiiiiii

asan na ang mga mangyan at anaki'y di makatipa
dine. aba'y us-us muna sa kabundukan at magpatala
dine sa kitakitz na ire.

teka baka si MH888 at TP ei napapalaban ngay-on
sa pinamalayan, may 3 cock dun ei, pyesta kasi.

hala pagbalik ei sulat kayo dine ha.

sulong TRIBUNG MANGYAN . . .


:rbounce:

goryo888
April 26th, 2006, 11:14 PM
Nasan na katyo mga KaTribu???!!!!!!!!!!!

Abay sagot sa panawagan ng pangalawang Abala!!!

DingDong
April 27th, 2006, 10:21 AM
ei baken gay-on . . . dadalawa tayo dine preng goryo.

nasaan na kayo mga kabahag . . . :confused:

sonny dela cruz
April 27th, 2006, 07:10 PM
Maaga atang nag pahinga ang ating mga kabahag siguro pagod sa maghapon lalo na at masyado raw mainit diyan sa atin ngayon.

Ay siya ako ay gagayak na muna at ng hindi rin abutan ng traffic.

Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
April 27th, 2006, 11:30 PM
Mga ka Tribu sa kangkungan yata pinupulot ang ating Kubol ah....aba'y sumlip naman dine kahit saglit laang....may panawagan pa si Ka DD ay hindi nnyo tinutugon......

goryo888
April 29th, 2006, 03:02 AM
Nakupoooo...ano na gang balita??? sa kangkungan pinupulot ang ating bahay bahayan ei......

goryo888
April 29th, 2006, 04:12 PM
waaaaa....patatlo na ito.......pinagwelgahan na yata ninyo si ako......waaaaaaaaaaaaaaaaaa:(

malayan_heat
April 29th, 2006, 08:22 PM
MGA MANGYAN

Msta na baga kayong lahat? abaaaaa eh mukha
atang nagliliwaliw ang mga mangyan ahhh ay naku
balita eh naman kami dine ng nangyari sa pistahan
ng pinamalayan abaaaa!!!! ang aming kaldereta ka
mh888 nasaan na? oke balik topic sang ayon kami
sa sabi ni ka DD na sa 27 araw ng sabado paglabas
namin sa trabaho diretso na kami sa palasyo ni ka
bahag JOEY B. di ba ka GORYO88 at ka SONY ok ba
sa inyo. siya magdala na rin kayo ng mga nokis na
pwd na tarian ng may kaunting kasayahan naman
hakhakhak kala mo nga eh totoo siya taas na ang
kamay ng ayon sa 27 araw ng sabado at ng mailarga
na are pago na agad ang papago siya ingats kayong
lahat diyan at ingat din sila sa INYO.




GOD BLESS SA LAHAT


malayan_heat

goryo888
April 30th, 2006, 05:57 PM
Ay sya itataas ko laang uli are ha??? naku baka sa Pusalian naman ito pulutin...di baleng sa kangkungan at ayos laang....heheeheheheee;)

sonny dela cruz
April 30th, 2006, 08:43 PM
Ka Malayan okey sa akin yan paglabas ko trabaho diretso na ako daanan ba kita o sunduin mo kami ni ka Goryo?

Okey na okey trip natin parang magkakatabi lang tayo saka yung pupuntahan eh sa kabilang ibayo lang.

Higa muna ulit ako mga kabahag at makapanood na laang muna ng balita diyan sa atin sa pinas,sayang sana meron din palabas ng sports natin sa TFC.

Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
April 30th, 2006, 09:30 PM
Ka MH, Ka Sonny....hintayin ko na laang kayo dine ha?? Tapos sabay sabay na laang tayo ano? Dine laang naman sa may Kanto yuong kitakits na yuon.....

Daming nawawala ah....Si Tol Jojo, Alimbuyog, TP, MH888, Blackjack....ano ga kayo?? woooooohhhhoooooooooooowwwooooooohooooooooooo!!!
labas na kayo!!!

goryo888
May 1st, 2006, 06:53 PM
Itataas ko laang uli are ha...baka di na ninyo makita.....sya sagot na kayo kung kailan baga kayo mga libre, kung ok laaang baga sa inyo ang 27;)

Mt.Halcon 888
May 1st, 2006, 08:30 PM
Mga kabahag,

Wats up,wats up,musta na kayong lahat.
Kababalik ko lang mula sa isang linggong bakasyon.Nung april 26 3 cock sa Pinamalayan,di ako sinwerte,mabibigat at sa me pusta lahat naging kalaban ko,double fight ako sa dragon at last fight ko taga Iloilo,pero kahit di masyado handa mga manok ko naka 2 win,1 loss pa rin ang tribung mangyan,talo ako sa first fight ni dragon,2nd fight nabawiin ko sya,3rd fight panalo ulit.

Pagkatapos ng derby,dumiretso kami sa Boracay at nagpahinga at nagliwaliw,kararating ko lang ngayon.

Tuloy na ba kita kits sa Sabado,May 27,pwede ako nun.

ka leony,tuloy ba entry mo sa May 19 sa socorro,meron din sa May 4 2 cock derby.




:lol:

goryo888
May 1st, 2006, 10:39 PM
Mabuhay ang Tribu Mangyan.....ganda pa rin ng Resulta, Swereteng malaki pa rin yan.....Ka MH888....tuloy ka ga sa Bullstag derby sa Araneta??

Sarap Buhay mo..parelaks relaks laang ei......sige sana marami pang Swerte ang sa Tribu Mangyan ay dumating.....

Sya sya sa 27...dadating kami nina Ka MH at Ka Sonny....bwaahahahahaaa
Si Tol Jojo eh makakarating din.....

sonny dela cruz
May 2nd, 2006, 05:02 AM
Nagpaalam na ako sa bossing ko Ka Goryo pumayag weekend naman kasi biyernes ng hapon pwede na ako kaya pag-usapan na natin ni Ka MH kung sino at san tayo magkikita diyan ba sa Cal,sa Florida o dito sa VA? oikey ah parang ang lalapit lang weiiiiiiiiiiiiiiihhhhh.Kain nga muna ako at panigurado gutom at pagod laang ito.:confused:

DingDong
May 2nd, 2006, 12:55 PM
ei baken gay-on, ang mga nagpupulong ay iyong
mga makakarating sa pamamagitan ng isang panaginip.

nasasaan baga ang mga mangyan dine sa tabi tabi.
ei saguti naman ako, payag ga gayo sa aking mungkahi.


ka MH888,

aba ei ayos pa ring naman ang resulta mo ah, sa wari
ko'y natsambahan ka laang ng dragon sa unang laban.
nga pala baken ka ga may miskol, kahapon baga yun,
he he he kung pullet ang iyong itinawag ei hindi ako
ubra kahapon at kasama ko ang aking maybahay. kung
manok naman ei ayos laang, kaso nasa tarlac city ako
mula pa noong linggo. sya sya sya, laban uli ng makarami.


panawagan sa mga mangyan, sagot naman dine.



:rbounce:

goryo888
May 2nd, 2006, 07:02 PM
Pagka Ganit bagang sumagot ng mga iyan.......ay sya sya hinty hintay pa rin kami dine kung ano bagang mapagkasunduan.......

Ka Sonny, Ka MH....basta handae ang dapat ihanda at tayo'y dadating dyaan sa Mansyon de JB...;)

joey bravo2
May 3rd, 2006, 08:24 AM
ok na nagpapahanap na din ako ng mga nokis na pwede natin tarian, hehehe

pina vaciada ko na rin yung mga socket at fork knives na ating gagamitin sa tari lesson.:D

may sample na din na pinatuyong paa ng nokis sa gustong mag praktis.

goryo888
May 3rd, 2006, 08:28 AM
ok na okis yan....galingggggg...sige ayos na ayos yaan Kuya JB.......hintayin nyo laang kami nina Ka Sonny at Ka MH....nyahahahhhaaa:D

joey bravo
May 3rd, 2006, 08:50 AM
ka Goryo at ka jeffrey, kamalig lang po.

gawin nating 3PM para hindi masyadong mainit, pag gabi eiii pwede din mag pa booking sa eroplano ni George Bush. hala ayos na ayos pala...

paki confirm na lang mga flight schedules. hehehe

at pakihanda na rin passport at visa baka masita ng immigration.

DingDong
May 3rd, 2006, 11:51 AM
ka JB,

nakupo okay yata dyan sa eroplanong yan.

meron nga akong libreng ticket dyan sa Flight 168,
business class lounge pa mandin, napaso nung
April 30, 2006. di ko nagamit kasi di ako makaalis
kasama ko ang taga immigration nun araw na yun,
ala ako visa. nakatangkal ako, bwahahahahaha.
2 yung tickets ko na yun, pag napa-extend ko yun
sama ka ? ? ? langit daw ang byahe dun ei.


:rbounce:

goryo888
May 3rd, 2006, 11:51 AM
Eyrpors wan ang dating.....baka AF1 nga ang bagsakan natin ah?? Di ako pwede dyan.......:D

Sya sya sana nga ay 27 na para kitakits na.......

toyting_pasay
May 3rd, 2006, 12:14 PM
kamusta mga kabahag, napahaba ang bakasyon ni ako, di bale simula na naman ng enroloment at halos araw araw ay nandito na naman ako para mag online, he he he

ka raul, salamat at plantsado ang pasyal ko sa farm ng pulet ko. hehehe

27th of may, malalapit lapit na rin yan. kita kitz na naman.

DingDong
May 3rd, 2006, 12:52 PM
aba at si ka TP ay biglang sumulpot, gusto ring
makasakay sa eroplanong byaheng langit, hi hi hi

musta preng TP, ayos ga?

yung ticket ko ei nabili ng mura pero 2500 daw yun
hindi kasama ang fare ng pullet . . . magaganda daw
ang lahi ng mga pullet dun, mga white legged, hi hi hi


ka goryo, bigyi ako ng pampalakas ha at baka
ang aking cock ay di umubra sa 3-cock derby baka
talunin ako sa last fight.

palagay ko'y tuloy na ire sa May 27, 2006, 3PM
Palacio del JB de Mangyan


:rbounce:

toyting_pasay
May 3rd, 2006, 01:06 PM
musta ka dingdong? naabutan mo ba last payt ko sa pinamalayan? kung hindi ay mabuti, damay ka sana sa talo. hehehe. di bale bawi na lang ulit next time. di na tayo nakapagkwentuhan dun kc balik ako agad sa kabilang cockhouse kc ako na rin ang nagpointing sa kanila.

DingDong
May 3rd, 2006, 01:24 PM
ka TP,

hindi ko na nga inabot yung last fight mo, natalo
ga, nakupo. kung nagkataon pala'y nadagdagan
pa ang talo ko. hindi maganda mata ko nung araw
na yun eh, buti nga at kahit ang lalim ng tawagan
sa manok ni MH888 napapatakan ako kahit mamera
laang, kahit paano ei nabawasan ang talo ko, hi hi hi


pabalik din kasi ako dito kaya nun antok na ako ei
gumaur na kami pauwi ni utol.

mga mangyan pasok . . . .


:rbounce:

Mt.Halcon 888
May 3rd, 2006, 03:38 PM
Magandang araw mga kabahag,

Musta kayong lahat?

Ka TP,maraming salamat ulit sa iyong pagsali sa aking derby,sana wag ka madadala.

Ka DD,sama ako dyan sa eroplano ng pangulo ng amerika.
Pag pumalo ng maganda yung mga bullstag ko sa huling bitaw,itutuloy ko yung entry ko sa Araneta.

Ka Leony kamusta ka na dyan,tuloy ba yung entry mo sa Socorro sa May 19.

Ka joey ganda na manok mo na nakapost sa gallery.





:lol:

toyting_pasay
May 3rd, 2006, 03:58 PM
ka halcon, no problemo. kahit di maganda score ko, atleast naka experience nako magderby. 1st time ko kasi. di nako virgin sa derby. hehehe

goryo888
May 3rd, 2006, 07:35 PM
Gandang gabi dyaan mga Kabahag!!!

Sya sya ..... plantsahi na yaang kitakits na yaan.......pero lahat naman yata halos ay PABOR sa petsang itinakda ano??


Sige at ako'y makakadalo nga siguro dyaan......mangyari ay nagpapahanda ako sa Tito ko ng ilang panglaban baka Victoria o Dragon yun....sa 21 Mayo, basta kako maganda ang ikikilos eh larga na......

Iba iba naman siguro si Tito kaysa sa Kuya ko....ay naku bago iniuwi yung ilang pirasong nokis ko ay dinisgrasya muna yung dalawa, tapos yung iniuwi ikanga eh LUGAIN NA!!!! NYAHAHAHAAAAA ang payat daw at putlain.......may sipon daw....tagal ko ng sinabi naiuwi na ng Kamangyanan...tigasng ulo.....aba nungkinwenta ko lahatlahat gastosko doon sa mga nokis na un ay higit 40K eh...tapos walang nangyyari...........haaayyyyyyyyy:(


Kaya ayaw ko na tama na yun.......

malayan_heat
May 3rd, 2006, 08:40 PM
MGA MANGYAN MZTA NA

Mga sandugo msta na baga kayong lahat? aba
eh nag sulputan na rin sa lungga ang mga mang
yan hehehehe ang tataba siguro ng mga mangyan
sa nagdaang ilang araw na bakasyon kailangan ay
mag-inat inat ng katawan at baka ma high blood
siya mag sipaghanda na sa darating na 27 at kaila
nga ay lahat tayo ay nasa palacio d JOEY B. at ang
mga visa kailangan ay tibrado ng general consol siya
kitaktz na lang tayo sa 27 sa palacio d JB.

Ka JOEY B msta na baga kabayan hnd maka
tawag sa yo kasi laging bz sa work panay ang layas
ng bosing ko kaya panay rin ang sama ko lam mo na
mabait na driver tayo kaya laging kalikad.

Preng JEFF MH888 tuloy ang laban namin
sa socorro sa may 19 pwra lang mangayaw ang
mga manok sinubok mo ba uli ang gamot ano na
ang nangyari nakuha mo ba ang dossege na ma
ganda?

Sya ingat kayong lahat diyan at kitaktz
na lang tayo sa 27. di ba ka GORYO88 at ka
SONNY pahapon mag kita2 na lang tayong 3 kung
saan ninyo gusto tapos tuloy na tayo sa palacio
d JOEY B. siya ingat rin kayong dalawa yan bye
bye sa lahat.


GOD BLESS SA LAHAT

malayan_heat

Mt.Halcon 888
May 4th, 2006, 07:06 AM
Magandang araw mga kabahag,

Sana ay maging maganda ang araw ng lahat at manalo ang mga magsasabong sa araw na ito.

Tuloy na ba talaga ang kita kits na mga mangyan,san ba?sa bahay ni Ka Joey o sa eroplano ng pangulo ng Amerika hehehehe.




:rbounce:

goryo888
May 4th, 2006, 07:39 AM
Ka MH888....pre tuloy na yan....sa Kamalig de Mansion ni JB.....habol na laang kami nina Ka MH, at Ka Sonny....;)

toyting_pasay
May 4th, 2006, 12:07 PM
akoy nananaba na, iaangat ko muna itong kubol natin. iba na ang laging nasa itaas. mahirap gibain. angat sarado. hehehe

blackjack
May 4th, 2006, 12:42 PM
Kumusta na mga kabahag....

syensya n kayo lahat at matagal-tagal ako d nakapasok d2 s kubol natin....na redirect lang kc internet connection ko at matagal ang follow-up because of the holiday.

pero ayos na naman lahat....

ka jeffrey

pm mo na lang kung kailan mapapalaban ung lasak at kung pwede ba yan o hindi.....

Mt.Halcon 888
May 4th, 2006, 01:45 PM
Ka BJ,musta na,tagal mo rin nawala,kinakargahan ko pa ng katawan yung lasak para maganda lumaro,hayaan mo pag ready na e titimbrehan kita.



:lol:

blackjack
May 4th, 2006, 02:09 PM
syensya na at medyo mahaba pahinga ko....tumawag c ka nestor kagabi, kumusta na daw! pag-uwi mo daan ka d2 at dun uli tayo jamming s beach nya, nami-miss na nun ang tropa!!!

may darating nga pala kaming mga manok uli ....nag-iipon lang ng pangfreight ung barkada ko kasi last month dalawang entry sa 4 cock s L.A. tinarian nya...champion ang isang entry at ung isa ay 3 1/2 kaya masaya ang mangyan!!!! pero wala ring pera at manok nga ang kinuha. 6 na piraso daw 2ng padadala nya. cge post ko mga pics kung makuha ko na mga ito!!!!!

toyting_pasay
May 4th, 2006, 02:15 PM
ka blakjak, ung 4 webber mo ay nagkakalat na ng lahi jan sa roxas. ayaw na sakin ipabitbit pa manila. dahil paramihin daw ni byenan at ni bayaw.

blackjack
May 4th, 2006, 02:26 PM
ha ha ha!!! mabuti naman at nagus2han...may mga anak na un binigay ko kena grandeur, dingdong at alimbuyog....

pm mo nga s akin ung adress mo dyan at baka makadayo ako dyan sa mga darating na araw!!!! makita ko man lang mga manok mo masaya na ako...he he he!!!

cge ingat lagi!!!

goryo888
May 4th, 2006, 10:34 PM
Ka BJ...woooohhoooooooooooooo....namamalikmata baga kaya ako??? langya naman akala ko ay napakaLalim ng pagkakabaon at di ka na makahugot.....:lol:
Ayos masaya na uli...dumarami na naman ang mangyan......Kumusta ga ikaw dyaan?? at kumusta ang ating bayan ng Naujan....kakamiss na eh....

Kumusta sa lahat ng De Bahag.......

Mt.Halcon 888
May 4th, 2006, 11:13 PM
Mga kabahag,

Mainit na balita,kapapasok lang,11:30 ng gabi dito sa atin,double champion na naman ang entry ng mga mangyan sa socorro,champion ang entry ko at entry ni Ka Nestor.

Wari ko'y sineswerte na talaga ang mga Mangyan,cge yun laang at ako'y matulog na muna,bukas na ulit

Congratulation sa Tribung Mangyan










:lol:

goryo888
May 4th, 2006, 11:31 PM
Sarap na Balita yan...wooohoooooooo!!!:rbounce:

Sana pagdating ko ay Ganyan din.....

malayan_heat
May 5th, 2006, 03:19 AM
WOW WOW WOW WOW CHAMPION NA NAMAN

Msta na ang mga mangyan? magandang balita yan
dodble champion na naman suerte talaga ang tribu
mangyan congrats ka mt888 at ka spsp nestor aba
ay pag laging ganyan ay lalayo ang maaabot ng mga
mangyan heheheeeh si DAN DAN nga pala nagdala ng
2 manok sa victoria 1 ang napalaban ayos naman nanalo
naman ngayong araw na ito. siya ingat kayong lahat
diyan at magkita-ktz na lang tayo sa 27 araw ng sabado
sa palacio d JOEY BRAVO.


GOD BLESS SA LAHAT


MALAYAN_HEAT

blackjack
May 5th, 2006, 05:00 AM
talagang matagal-tagal ako absent pero naayos ko na naman....ok naman naujan pero nung nakaraang derby s victoria at tinalupan mga anak ni kapitan boy angga sa victoria.....2 entry sila 2 lang nanalo, tig-isa sa bawat entry. konting swerte pa rin at lumusot ung manok na kinuha s akin ni ian ung isang anak ni boy. pm mo ako kung may sked k na para d2.

goryo888
May 5th, 2006, 05:01 AM
Ka MH...aba aba aba...talagang humahataw ah...at talagang wala ka ng kaba ngayon sa pagLALABAN...palibhasay tiwala sa tagaHanda ng manok eh.....mabuti at may Dandan ka na ngayong maaasahan sa mga Nokis mo.....

Sya sya at sana nga'y deretso at wala ng katapusang Swerte ito para sa Tribu mangyan....;)

toyting_pasay
May 5th, 2006, 08:33 AM
gandang umaga mga kabahag, aba talaga namang tuloy ang pamamayagpag ng tribung mangyan. congrats ka halcon at ganun din sa iyo ka nestor. sana ay malasing nyo kami!!!! he hehehe

tigercobra
May 5th, 2006, 08:35 AM
Good morning po sa lahat, kumusta na po kau....CONGRATULATIONS sa tribung mangyan...more WINS.

preng raul and chuckeee may laban po bukas sa texas cockpit ang TSM...wish us luck pre....thnks.

ung kay preng JS May 20 yata un sa Sn. Mateo....

goryo888
May 5th, 2006, 10:42 AM
Tigercobra....GOOD LUCK sa laban ninyo.....salamat sa pagdalaw dine sa aming Kubol....

Mga Kabahag malapit na ako naman yata ang di makatulog sa paghihintay eh.....
Hinde ako pumasok ngayon sa trabaho...aba'y maghapon na'y pikit ang mata'y gising ang diwa eh....magdamag na walang tulog..pati maghapon ay wala pa rin eh...uminom na ng pampatulog ay waa pa rin eh....

Sya sya...malapit na....KITAKITS na uli....heheheeee

DingDong
May 5th, 2006, 03:02 PM
teka ire muna

Congrats preng jeff at ka nestor.

nagbunga ang pangungulit namin kay ka nestor
naglalaban na uli sya ng manok, hi hi hi hi hi tapos
na ang alat ng mga mangyan puro tamis na ire.

di man lang kayo nagpasabi, napapusta sana si utol
kahit mamera, dun pala sa amin ang laban, hu hu hu
pero okay lang tsampyon naman ang mangyan.


preng gori,

he he he aba'y tulog muna kahit konti, baka pagdating
mo dine ei mugto ang mata mo dahil sa puyat.


ka TP,

aba at ginawa mo palang ganador ang 4 webber ni
preng BJ. naku may penalty ka kasi bawat isang
batch nyan meron akong isa . . . bwahahahahahaha
ayos mamalo ang mga anak nyan, yung sa amin ni
alimbuyog ay pinagbitaw namin ei usok ang palo eh
kahit iilang buwan pa laang. medyo nangangagat
lang kasi di pa tame yung sa amin ewan lang pag
napaghihipo na.


ka MH at ka sonny,

he he he tuloy kami sa 27 ng mayo, pag 3:00 PM
na dine sa araw na yun, kayo's matulog na at kahit
sa panaginip ei mapasama kayo.


:rbounce:

blackjack
May 5th, 2006, 05:01 PM
alam ni alimbuyog na may entry sina ka nestor dahil sa kanya ako nagtxt at pnahanap ko nga cel # ng nagpapasabong dun at kailangan ni ka nestor....weights lang kc ng manok nya pinasubmit nya at nag-aalangan kng nasubmit ba o hindi ng taong pinadala nya....naibigay naman ni alimbuyog number ni eddie a.k.a. tusok na syang nagpapasabong sa inyo!!!!

swerti pa talaga mga mangyan....ano na kaya nangyari dun sa dalawang puti na dineskarte natin kay ka nestor....wala pa balita kay ka jeff...nandun n rin lasak ko na ipapares sa mga un, kung uubra ung sa akin para entry ng tropa un!!!! Tribong Mangyan uli../..

joey bravo
May 5th, 2006, 05:19 PM
Sana mahawahan nyo kami wehehehe

may laban ako sa darating na May 20 yung 3 cock sabong.net derby sa SM at 4 cock derby sa Cebu on May 26, 27, 28.

Magpapadla na lang ako ng manok sa Cebu para tuloy kitakits natin sa 27th.

yung gustong manuod sumabi lang para mailibre ko man lang kayo sa bayad sa pinto.:)

blackjack
May 5th, 2006, 05:30 PM
hawa ka na rin dun basta Tribo Mangyan entry name ay ayos yan!!! balita na maayos daw mga manok ng tropang yun...he he he!!!! kaya advance congrats na lang!!!

joey bravo
May 5th, 2006, 06:01 PM
korek- yan nalang gagamitin ko entry name na lang ka BJ.

kamusta na lang sa inyo dyan sa atin!

:)

goryo888
May 5th, 2006, 07:07 PM
Naku pag gay an ng gay an...tatapatan ng husto mga nokis ng Tribu Mangyan.....ay sikat at balitang balita na nga yata eh.....
pano naman si AKO naPIPITSUGIN ang mga nokis eh di mapapabanga sa bigatin?? Kaya SAKLOLOOOOOOO....saluhin nyo ako pagmag entry si ako.....waaaaaaaaaa


Kuya Joey...basta Tribu Mangyan ang entry name mo ha?? para okis na okis.....

sonny dela cruz
May 6th, 2006, 06:01 AM
Magandang araw po sa inyong lahat.

Ka Jeff at ka Nestor congrats sana tuloy tuloy na at sa ating lahat sana sundan na natin ito habang mainit-init pa kung baga sa bibingka.

Ka dingdong nakagayak na kami ni ka MH at ka Goryo kahit milya-milya ang layo namin sa isat-isa magpapangita kami sa isang para isang eroplano lang ang sasakyan namin pati yung upuan namin request na namin na magkatabi kami.Wow wow weihhh sarap mag-trip lalo na weekend na naman.

Sa mga papasok sa ating iskul ngayong sabado at linggo pagbutihin po ninyo para me pasalubong kila nene at totoy at lalo na ke Kumander nating mahal.

Ingat po tayo lagi and God bless.

Mt.Halcon 888
May 6th, 2006, 08:11 AM
Mga kabahag,

magandang umaga sa lahat.Confirm na talaga yung May 27 na kita kitz sa bahay ni Ka Joey,sige mag aaral na kong magtari hehehe mukhang masaya yun.

Ka BJ malapit na mailaban yung lasak natin,konting tiis na lang,galing daw pumalo ngayon.

Ka Goryo,kelan ba ang dating mo,aabot ka ba sa kita kitz?cge pare ingat ka na lang at matulog ka muna,baka di ka na makatulog sa excitement mong makauwi hehehehe,ingat pare.

Ka Leony,tuloy na tuloy na ba yung sa May 19,sama ako dun baka nasa mindoro din ako ng petsang yun.

ka Joey,gudlack sa laban sa Cebu.

Ka DD,kelan ba tayo pupunta sa eroplano ng pangulo hehehe

toyting_pasay
May 6th, 2006, 08:36 AM
gud day mga kabahag, mukhang kumpleto talaga sa 27th, ako rin mag aaral na magtari para makapagpraktis. hehehe

DingDong
May 6th, 2006, 11:20 AM
tuloy na tuloy na ire, kitakits sa May 27, 2006,
3:00 PM Palacio del Mangyan de Joey.
ihasa na ang gagamiting tare at yung isa pang
ispesyal na tare para sa flight 168 sa eroplano
ni bush.

ka MH888,

yung napaso kong ticket ei susubukan kong
i-renew at baka naman aare pa yun. galing
sa isang kaibigan sa para˝aque. ei nung bigyan
ako ei bungkos ang hawak ei, yun nga lang ang
naibigay sa akin ei yung malapit na ang petsa.

ka BJ,

naku hindi ako naitext ni utol. sayang naman.
baka sa May 19, 2006 baka may mamera ako
ei makapagpadala dun sa laban ni ka leony.

ka Joey,

ano gang oras ang simula ng laban sa May 20,
sa SM? bakasakaling makakuha ng visa sa araw
na yun. makasaglit sa laban ng TRIBU MANGYAN.

ka TP,

hasai ng mabuti ha, at baka kung saan tumama
ang tare mo, hi hi hi

ka MH at ka sonny,

gayak na ga ang daladalahan. gandahan ng higa
ha at ng maganda ang tulog, hi hi hi

ka gori,

baka may mabitbit kang pampatikas ng cock, sa
dami ng charitable works ko ei mukhang nangungulag
na ire. bwahahahahahahahahahahahahahahahaha


hala larga TRIBU MANGYAN


:rbounce:

goryo888
May 6th, 2006, 11:20 AM
Naku kung May 20 eh nasa Mindoro rin laang kayo...kayo'y iniimbitahan ko....pyesta sa Malibago...si Ka BJ ay siguradong nandoon, baka rin makadating si Ka SPSP....at sa 21 basta maganda ang galaw ng pinahahanda kong Manok eh laban yun sa Victoria o kaya ay sa Dragon.

Pero yang sa 27 eh iba yaan...basta kitakits tayo dyaan...kunggggggggggggg ako'y nandyan na baga...malamang kasama ko sina Ka MH at Ka Sonny...kaya hintay ninyo kami....hehehehee

Ka DD...basta pagdating na laang dyan ay malalaman...kung meron o wala...ngeekkkk...nyhahaahahahaa basta laging meron..kahit kapiranggot....heeheheeee
Kung kahit kapirangot naman ay nakakapagpalaki rin eh...ay di gat ayos na rin yuon???:D

DingDong
May 6th, 2006, 12:54 PM
sige preng gori,

kung ano ang bitbit mo ei di yun na laang. basta
ga papalo ng mainam ang cock ko eh, ayos na yun.
yung aare sa 3-cock ulutan ha?

bwahahahahahahahaha

:rbounce:

toyting_pasay
May 6th, 2006, 03:09 PM
ka dingdong, hasang hasa na ire! hehehe
naamuy mo rin pala si chikababes! baka makatsamba. maka 3 points sa kiri kire.

goryo888
May 6th, 2006, 07:33 PM
Ka TP...basta sipatin mo ng husto ang takid ng Tari at siguradong...tirik ang mata nyan...nyahhahaahahahaa

Walang kasabit sabit..ikanga eh kirikiring hawan....nyahahaaaa:lol:

Sya sya...malapit na nga...ihanda na ninyo ang mga dapat ihanda ha?? mga pasaporte, visa, pleyn tiket...at ng makalipad na...bhala ng maghatid sa inyo sa langit langitan yung mga estuwadEZ ng AF1....nyehehehee

Mt.Halcon 888
May 6th, 2006, 08:06 PM
Magandang gabi mga kabahag,

Mukhang lahat e handa na sa kita kits,kelangan pala ngayon pa lang e magpakundisyon na rin ako at baka mapalaban ng ulutan sa AF1 hehehehe.

Ka jojo,ka leony makakarating ba kayo sa kita kits sana makarating kayo ng marami tayo.Si Jojo ano ng balita,mukhang busy sa kanyang iniirog.


Gudlack sa lahat ng papasok ng eskwelahan bukas.




:lol:

goryo888
May 7th, 2006, 07:43 PM
Itataas laang po are mga kabahagggg...medyo nahuhubo na ei...heheeheee

Mt.Halcon 888
May 8th, 2006, 05:52 AM
Magandang umaga kabayan,

oo nga Ka Goryo,itaas ko rin at baka san tayo pulutin nito.Ka Goryo kamusta dyan,mainit na rin ba at nagstart na ba ang DST?
Dito sa PI e talagang mainit kaya humanda ka sa init dito pag uwi mo hehehe

Ka Leony musta na dyan ?





:lol:

DingDong
May 8th, 2006, 07:32 AM
gandang umaga dine sa atin sa Pilipinas.


ka TP,

hi hi hi kaya laang naman ako napatipa dun ei
nakita kita. bakasakaling kelangan mo ng taga
ayuda eh o taga silip man laang kung tama ang
sipat mo sa ulot.

ka MH888,

naku dapat pala'y makapagtrabesiya muna ako
bakasakaling tumama ei may pambili man laang
ng makakain sa eroplano ni bush.

ka goryo,

sya sya sya . . . gayaki na lahat ng igagayak huwag
laang kalimutan ang vits ko ha, para sa aking cock.
bwahahahahahahaha . . .


oi mga mangyan, wag kalimutan ang kitakitz ha,
itakda na agad sa inyong kalendaryo.


:rbounce:

blackjack
May 8th, 2006, 09:12 AM
mas amuna yata d2 ang punta ni ka goryo at magkikita kami sa pista ng balibago d2 sa naujan....ako na muna testing ng vits na dala para s u....bwahahaha!!!!

biro lang naman un...ang kay pedro ay para kay pedro talaga!!!!

goryo888
May 8th, 2006, 11:52 AM
Ka MH888...oo medyo mainit na rin dine.......DST ay nag Start na rin.....
Basta kung ano ang mabitbit ko ay pagDamutan nyo na laang mga Kabahag ha??? Naku ei talagang napakarami ng nasa Listahan ei...............

Sya sya...basta at tayo'y magkita kita na laang.....;)

blackjack
May 8th, 2006, 12:01 PM
Kausap ko kanina si ka nestor at sabi kita tayo dun sa pistahan sa bahay ng tito tony mo....darating daw sya basta itxt ko lang daw!!!! cge sa kina tony na lang tayo kita sa 20th ng mayo!!!!

mga kabahag sama na kay ka goryo...pistahan dun sa barrio ng anak nila!!!!!

toyting_pasay
May 8th, 2006, 12:09 PM
gandang umaga mga kabahag! sarap sana makauwi ng mindoro ulit at marami rami ang nandun. di bale ikain at itagay nyo na lang kami. hehehe

DingDong
May 8th, 2006, 02:03 PM
ka goryo,

ako naman ei nagbibiro laang pero kung tototohanin
mo ei ayos naman, bwahahahahahaha. preng BJ sige
testingi muna dyaan kung uubra ei di susubukan ko
naman sa 3 cock ulutan dine sa laguna.


ka TP,

basta tayo ei sa May 27, dine sa lugar ni ka JB, gay-on
din ang suma nun.


:rbounce:

Mt.Halcon 888
May 8th, 2006, 10:14 PM
Magandang gabi mga kabahag,

Sya ako ay nagsisimula ng magpakundisyon,nag inject na ko ng Belamyl at multivitamins para pagdating ng Derby sa May 27 e kundisyon na ko sa laban hehehehe at siguradong di mag ooff itong cock ko.


:lol:

goryo888
May 8th, 2006, 10:17 PM
Ayosss...areglado yun...mga kabahag pinpauna ko na sa inyo....may magiging mga ampones tayo sa kitakits kinaKuya JB....

Baka makarating kung may lugar sina......dyarararaaaannnnn....Gentlemancocker...p maknat....at ryan72_2000....di ga't mas marami ay mas masaya....

Ka BJ ayos yan.....sige kitakitz tyo kina Tito Tony....dinyaalam yan ha...basta..pgNandoon na ako'y larga na yan....;)

goryo888
May 8th, 2006, 10:21 PM
Ka TP.....ka MH888...kung nasa Mindoro din laang kayo eh...magkitakita na agad tayo doon...pero iba pa rin yuong sa 27 ha?? Ayos ga??

toyting_pasay
May 9th, 2006, 10:03 AM
ka goryo, ok yan mas marami mas masaya. mga kasama din pala natin sila from sabong_auction. gud luk sa laban nyo sa mindoro, ubusin nyo sila!!! heheheh

goryo888
May 9th, 2006, 10:25 PM
oppppsss...kakarating ko lang....bakit kaya wala na naman ang ibang Mangyan??? abaaaaaa ay abaaaaaa uli...sipag sipagi daw...heheheeeee;)

Mt.Halcon 888
May 10th, 2006, 06:33 AM
Magandang umaga mga ka tribu

Itaas natin muna itong ating kubol,mukhang napapailaliman na ah,musta mga kabahag!

Ka Goryo,punta ako dun pag natuloy ako sa May 19 kasi me 3 cock sa Socorro,inoobserbahan ko pa yung mga manok kung kikilos ng maganda sasali ako dun.Si ka leony me entry din dun sa socorro,baka pag maluwag ka,silip kayo dun sa May 19.













:lol:

goryo888
May 10th, 2006, 09:01 AM
Naku...ayos na ayos yan....basta mga kabahag...konting hiling din na makauwi ako dyaan.....ewan baga at parang papalapit ay may mga BALAKID.........kung kailang handa na ang lahat....basta pag nandyan ako eh timbrehan ko agad kayo.....sana nga makaSilip ako dyan sa Socorro....

Naku ay haaayyyyyyyyyyyyyyyyyyy....bastaaaa...sana makauwi na talaga ako.....

Mas nauna pa akong bumili ng Tiket kay Tol jojo...eh katagal na niya dyaan eh ako yata baga'y.....baka madelay pa eh....konting hiling naman dyan sa Taas at ng ako'y makagaor baga na dyaan....ako'y inip na inip na dine eh.....:(

goryo888
May 10th, 2006, 09:08 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/goryotrabahomuna.jpg


are nga at talagang inip na inip na ei.....katrbaho eh ayaw ako halos paalsin eh...mamimiss daw nila ang pinakaMabait na UTUSAN nila....nyhahaaha

toyting_pasay
May 10th, 2006, 07:07 PM
di bale ka goryo, konting tiis na lang at ikaw ay nandine na!!! sulit naman at mukhang madami kang mailalaban na nokis. pakondisyon ka na rin. heheh

Mt.Halcon 888
May 10th, 2006, 09:39 PM
Aba eh,kagandang lalaki pala ni Ka Goryo,Gary pala.Kelan ba ang bakasyon mo?sana nga makapagbakasyon ka ng makapahinga rin at ng makapagsabong hehehehe.



:lol:

goryo888
May 10th, 2006, 10:44 PM
Mga Kabahg.....hayyyy...naku kakapagod na pero masaya naman ako...pero iba pa rin dyaan sa atin ei...dine ay mga Pasyente ko laang ang nagbibigay saya sa akin eh...basta makita ko laang na sila'y maayos at napapangiti ko sa aking pag aalaga sa kanila ay ayos na ako....

Pero nakakabagot na rin.....talagang kailangan na ang pahinga/bakasyon!!!!....

Mt.Halcon 888
May 11th, 2006, 06:42 AM
Magandang umaga mga kabahag,sana nga ay maging maganda ang araw ng lahat ng ating mga kabahag.

Tama ka Gary,kelangan mo ng BAKASYONNNNN AT KONTING SABONG HEHEHEHE.Relaks ka lang dyaan.

Ka DD,pare musta na,uwi ka ba sa May 19,me derby sa inyo sa socorro,di ba?Me entry si Ka Leony daw dun,ewan ko kung si Ka Nestor e meron din.






:lol:

blackjack
May 11th, 2006, 07:34 AM
malamang meron si ka nestor dun.....palaban ngayon ung barkada natin....naglaban kahapon si dandan ng manokis ni ka leony sa tupada d2 sa pagkakaisa malapit lang sa barangay nina ka leony....paktay...talo ang mangyan. Di bale bawi na lang sa sunod na laban!!!!

toyting_pasay
May 11th, 2006, 08:00 AM
cgurado babawi si ka leony sa susunod nyang laban.

preng halcon, tuloy ba entry mo sa sta monica? mukhang marami entry dun. ung grupo dito tatlong entry siguro. pasabi ka para makapa reserve kami ng 4 na cockhouse. maganda na yung tabi tabi tayo para makasihan kami ng bwenas, heheh

goryo888
May 11th, 2006, 08:09 AM
Salamat Ka MH....
Ka TP tama ka si Ka MH ang isama ninyo at yan ay matindi ang BWENAS na dinadala sa wankata nyaan...

Sya sya...kung tinalo man ay babawi na laang uli.....Ka Leonie...sige laang fyt ng fyt....

Ka BJ....talagang updated ka sa mga laban ng mga mangyan ei....sya sya...harinaway ako'y makauwi nga...hwag sanang magkaroon ng abala....

toyting_pasay
May 11th, 2006, 08:34 AM
oo nga ka goryo, iba talaga ang talisman ng mahilig sa pullets. hehehe

gagayahin kita ka halcon, magiging mahilig ako sa pullets, heheheh

blackjack
May 11th, 2006, 02:33 PM
sana nga walang abala ta ma2loy naman uwi mo...basta pm mo lang kung 2loy na 2loy na flight mo!!!! my pm ako sa u...may pahabol pa pabili mga young cockers d2.... kung pwede pa daw!!

Mt.Halcon 888
May 11th, 2006, 03:04 PM
Magandang hapon mga kabahag,

Pareng TP,oo pakireserved mo rin ako ng cockhouse,sali rin ako,obligado tayo dun kasi sumali rin yun sa Mindoro nung paderby natin.

Mga pare,wala tayong hilig sa mga pullets,yung pullet ang mahilig sa lahing mangyan hehehehe.Medyo sineswerte tayo ngayon,nung isang araw nagtupada rin ako ng 2 manok,awa ng Dyos,talo,talo yung kalaban hehehehe.Sabi nga ni Ka Nestor sa akin,mananalo tayo malasin lang yung kalaban.

Ka Goryo,uwi ka na ng makapagsabong na tayo.




:lol:

malayan_heat
May 11th, 2006, 08:05 PM
MGA KABAHAG

Mga kabahag msta na ba kayong lahat? mukha
atang nagkukundisyon na ng husto ang mga
mangyan sa darating na kitaktz sa 27 ng may
wowww ang saya sigurado ng kitaktz siya sa
panaginip na lang muna kami ni ka SONNY sa su
sunod na kitaktz na lang kami makakadalo.
pre blackjack per tim sa mga bayaw ko
sigurong manokis ang inilaban i DAN2 hnd naman
nag sabi sa akin na maglalaban ng manok dahil
maglalaban sila ngaon huweves ng 2 manok at
nanalo ang isa at ang pangalawa ay natalo may away
pa ngang nangyari dumating ang pulis sa bahay da
hil hnd binayaran nina DANDAN ang parada ng ma
nok kasi ganito ang storya binitiwan na ni DAN2 ang
manok pero hnd naglabanan kayo ang ginawa ng sin
tensiyador ipinahuli ang manok pero hnd kinuha ni
DAN2 ang kanyang manok dahil namamalo ito ang
kalaban kinuha ang sa kanya nasa gitna ang sentinsia
do ang kalukuhan ng sultador kalaban ni dan2 ng naka
talikod ang manok ni dan2 ay inihagis sa likod ng ma
nok ni dan2 kaya ayon pilay agad pinabayaan lang ng
sitensiador si dan2 naman sigaw na ng tabla2 yan
kaso patay ang manok namin kinuha ng sentinsiador
at sinensintiyahan talo kami kaya nagkagulo na sa loob
kasi naroon ang kamag-anak kung kapitan del baryo
may pusta rin sa aking manok ayon binugbug ang nag
butaw ng manok na kalaban ni dan2 at umuwi si dan2
sa bahay kasama ng bayaw ko hnd binayaran ang
parada kaya nag may ari ng sabungan ay inutusan ang
1 pulis na pumunta sa bahay pero pinabayaran ko na
rin para walang gulo dahil nasintinsiahan ang manok
ano sa palagay ninyo kong sa inyo nangyari yon d ba
nakakahgblood din a buti wala ako doon kung hnd
wala silang kakabigin. siya ingat kayong lahat jan
pre jeff hnd pa ako uuwi sa dec. pa.

goryo888
May 11th, 2006, 11:09 PM
Naku..ay kung gay an ang istorya....ay talagang di ko sila babayaran ah...bakit naman pinabayaran mo ka MH...di tama yun...lumagay tayo sa parehas....baka akala nila eh ganun na lang yun...eh nadisgrasya yung Nokis natin ng walang kamalay malayyyyy......
Naku...ay kung ako nga iyon ay wala silang kakabigin sa akin....pagbabayarin ko pa silaaaa....o kaya ay basta Tabla na laang....

Sino gang Sentensyador doon ngayon...di gat siiiiiii...na taga Naujan din baga?? Ka BJ...pakilinaw nga...bakit ga gayon...ay di naman talaga tama yuon eh...at sanay alam din ng may pasabong yung gay on....di gat isa si Judge R. sa may ari nun??
Aba'y bakin nagkagayon....:mad:

malayan_heat
May 12th, 2006, 03:20 AM
MGA KABAHAG

Msta na uli kayong lahat ayos ba naman arit itataas
ko lamang at baka sa kangkungan tayo pulutin
tama ka ka gary talaga sanang hnd ko babayaran ang
ina-alala ko ay si dan2 baka magulo pa ng dahil lamang
sa maliit na bagay at baka pagpunta sa sabungan ay
mapagbuhatan pa ng kamay si dan2 ay lalung lalaki
ang gulo ang ginaganoon ko ay bakit pinabayaan ni leo
alam mo talaga si leo kahit kaibigan ko hnd magandang
makisama minsan may pinasisingil lang akong pera ng
buhay pa si pareng buboy na bayaw ni gov. ang ginawa
ni leo ginastos at sabi sa akin ay kinailangan daw ng kan
yang may bahay ano ba naman sa akin yon wala pang
5000k sabi ko wala kang lalalahanin ok lang yon ng
isang beses akong napalaban sa taga naujan nilkama
nga ako ni leo pero sabi ko lang sa kanya ng minsan
nagkainoman kami sa bday ni AWIL ang sabi pasinya
na ako palidhasa kaibigan pinalampas ko na lang pero
sa pag-kakataon na ito hnd ko na siya nais na maka
sama mag-uusap kami pag uwi ko bydway kung ako
sa yo pag uwi mo sabi ko kay pareng tim sa gloria na
lamang kayo dumayo maganda ang laban doon at
madaming dayo malalaban ang pusta mo ako hnd
na siguro ako mauulian na magsabong sa victoria
doon na lang sa bagong sabungan sa barcenaga
siya saka na lang tayo magkuwentuhan uli ingat
kayong lahat diyan kitaktz na lang tayo sa 27 hehehe
parang totoo siya bye sa lahat.



GOD BLESS SA LAHAT

malayan_heat

goryo888
May 12th, 2006, 04:58 AM
Bakit naman nga ganoon....ay nakupoooo....si Leo pa rin pala ei...yung mga kapatid ni Awel mga naging kasama ko rin nung nasa Kolehiyo pa ako...sina Ricky at Leo......magkakasama kami sa isang Bahay dati....

Naku ay di nga maganda yaon...kahit pa iisang kusing...pag di iyo eh hwag mo gastusin ah...at kung kailangan mo eh magsabi ka muna..ako'y di nga mgtitiwala pag ganun ang labanan....di nagtatagal ang magandang Samahan pag gayan.....

Naku naku nakuuuuu...tama ka ay iwasan na pag ganyan ang tao...parang ang alam laang yata ay manlamang ei....
Ay sya sya hayain na nga...basta tama ka Iwasan na laang....

toyting_pasay
May 12th, 2006, 10:02 AM
gandang araw mga kabahag!

abay loko rin pala ano, yan ang hirap kapag medyo tiwala ka na sa tao tapos hindi naman nila binibigyan ng pagpapahalaga. di bale ka MH, di mo naman kawalan iyon, ikaw ang magiging malaking kawalan sa kanya. minsan lang namn pwde ibigay ang tiwala, kapag binalewala abay wala ng ulitan!

kung sa akin din ay di ko rin talaga bayaran, pero sa isang banda ay ok na rin yon, para di makainitan si dandan.

Mt.Halcon 888
May 12th, 2006, 06:13 PM
Oo nga,di mo sila kawalan,ikaw ang kawalan nila.
Wat's wat's up mga kabahag,signal no.2 daw sa Mindoro ngayon at walang kuryente,sana umalis na agad yung bagyo.



:lol:

toyting_pasay
May 12th, 2006, 06:16 PM
oo nga ka halcon, andun pa ang aking mga mag iina. lagi raw brown out dun. sana umalis na nga ang bagyo.

goryo888
May 12th, 2006, 07:15 PM
waaaaaa.....hanu bah yannnn....bakin may Bagyoooooo???waaaaaaa.....aba ibig sabihin pala ei...di na mainit dyaan....

Ayos narin hwag lang maninira ng mga pananim...sanay konting hangin lang at marami ulan...para makapag umpisa ang mga magbubukid at di gaanong gumastos sa Patubig....mahal pa naman ng pangGatong ngayon dyaan......

Kumusta kayo dyaan...KaMH888, Ka TP, si kA RR yataay nasa kabundukan pa noh??

toyting_pasay
May 12th, 2006, 08:44 PM
busy lang siguro si ka RR sa paghahanda para sa may 27, hehehhe

magandang gabi ka goryo, akoy medyo pauwi na rin. ikaw na muna laang ang bantay sa ating kubol. heheh

goryo888
May 12th, 2006, 09:01 PM
Ka TP...umaga nadito....gandang gabi sa inyo dyaan.....kitakitz na laang sa 27...at sa 20 kung may pagkakataon kayo...sa Malibago..papasok yun mula sa kanto ng Malinao doon kina Lolo Panong Perez...yung may M1 farm....deretso laang at pagtanong laang saan ang bahayan ng mga Catly ay doon na yun....kitkits tao doon kina Tito Tonyo...o kung saan magandang pumuwesto....

goryo888
May 12th, 2006, 09:05 PM
O syasya.....basta kahit saan.....basta magkitkita....

Ka BJ...ano na ga?sabihi agad...at baka pwede pa....

malayan_heat
May 13th, 2006, 04:48 AM
MGA KABAHAG

Msta na mga kabahag ayos ba kayong lahat jan?
itataas ko lang ere at baka pulutin na naman sa
kangkungan siya ingats kayong lahat dyan bye bye.

Ka GARY malapit ka nang lumipad maghanda
handa na at magempake na rin ng mga dadalhin baka
may makalimutan siya ako ay tutulog muna alas
11:30 na d2 ng gabi.bbyuuuuuuuuuuuu



GOD BLESS SA INYONG LAHAT

malayan_heat

Mt.Halcon 888
May 13th, 2006, 06:39 AM
Magandang umaga bayan

Musta mga kabahag,magdamag daw ang ulan sa Mindoro at wala pa rin kuryente,marami na raw na mga pananim ang nasira,sobra daw lakas ng hangin.Masyado naman maaga ang tag bagyo,di pa tapos ang summer heto na at humahataw na ang tag ulan.tsk tsk tsk bad news.

Speaking of tag ulan din,kapag nabasa parati ang ating mga manokis,e malamang maglugon agad sila.Naghahanda pa naman ako para sa June 12, 3 cock sa paderby ni Mayor Alvarez sa Bansud.Magandang sumali pa naman dun kasi lahat ng big time at malakas pumusta e tyak sasali,sigurado dehado ang TRIBUNG MANGYAN dun,e di sahod na laang tayo hehehehe.Ka Leony,ka Nestor baka me mailaban din kayo dun, total e matagal pa naman.





:lol:

goryo888
May 13th, 2006, 07:33 AM
Ka MH....June 12 ba?? Eh kailan ba umpisa ng WSC?? Bansud medyo malayo yun...waaaaaa...tamad pa naman si ako bumiyaheeee......

Oo nga ano...SAHOD na laang ng SAHODDDDD....madadale sila doon..kaso medyo pinaputok nyo na yata ang TRIBUNG MANGYAN....kaya baka di na rin yan madedehado ng malaliman....

DingDong
May 13th, 2006, 02:38 PM
teka teka bago man laang lumipat ng pahina
ang century page ng mangyan ei makasabat
man laang dine.

tsuri mga kabahag, medyo abala si ako ngay-on
kaya madalang ako magawi dine.


ka leony,

maling bayaran ang ganung klaseng laban pero
tamang gawa naman ang pinakita mo para
walang umusbong na malaking gulo. hamo may
magandang kapalit naman iyon, parating na.


ka JB, MH888, TP, RR, at gigolo goryo,

ire pa laang mga ire ang alam ko na makakarating
sa palacio del mangyan de jb. sino pa ga ang
hahabol sa listahan ko. ka BJ, SPSP at alimbuyog, kayo
baga'y makakarating? sya pag kayo'y wala ei di
kayo makakasakay sa eroplano ni bush.

hala palista na kayo . . . mga manyan. ang requirement
dapat nakabahag, bwahahahahaha. pag hindi de bahag
at walang buntot huli sa immigration hindi makakasampa
sa eroplano, hi hi hi


larga na ito!!!


:rbounce:

toyting_pasay
May 13th, 2006, 02:50 PM
ka dingdong, musta na? mukhang busy ka ha? busy sa mga pullet na marunong mag text. heheheh. sama ako ng 800 sa dyes ha? hehehe

DingDong
May 13th, 2006, 03:02 PM
ka TP, ayos na ayos laang ako dine. yung 800
mo doblado yan dun sa bocaue, pasama tayo
kay ka MH888, hi hi hi

:rbounce:

toyting_pasay
May 13th, 2006, 03:07 PM
oo nga ano, busy pa sa derby si kasamang halcon. babawi tayo sa labanan sa may 27. paangkas na lang ako sa eroplano. heheheh.

ka goryo, malapit lapit ka na rin mapalaban. ang daming kilalang pullet ni ka ding dong. pang doblado pa. hehehe. ung vitamins sa cock, don't forget. hehehe

malayan_heat
May 13th, 2006, 07:29 PM
MGA KASANDUGO

Msta na baga kayo dyannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn?
BAYAGRA ang magandang vits. sa bucawwwwwwwe
ang laban heheheheheh hoyyy!!!!!!!!hoyyyyyyyyy!!
hintayin ninyo sika gary para naman mag champion
ang mga mangyan sa 2 cock ulutan hahaha pag si
ka gary ang inyong inilaban sa 2 cock ulutan patok
yan matagal na nakundisyon ya sa malamig na lugar
di ba ka gary?
Ka GARY kung makakasunod ka sa socorro
sa 19 ng gabi sunod ka ng masaya ang kitaktz ng
mga mangyan at ng magchampion agad ang lahat
ng entry ng mga sandugo siya ingat kayong lahat
huwag lalabas ng bahay at may bagyo malakas
ang hangin bantayan ang mga nokis at baka madala
ng hanagin.

GOD BLESS US


malayan_heat

goryo888
May 13th, 2006, 08:19 PM
Mga Kabahag.....basta't makarating laang si ako dyaan eh...dadating at dadating si ako sa Kitakitz na yaan...yung sa 19 Mayo....di ko masagot kung makakrating si ako...sana nga...basta...... pero baka puro tulog muna ako nyan....

Malapit na...hwag laang magkaAberya.........

Ka DD.....yan pa ga laang?? ay sya...sana'y makarating ang iba nating Kaibigan dito sa Net....sana makarating sina..............secondwind, pmaknat, ryan72_2000, at si gentlemancocker....mga naging kaibigan ko rin dito sa Net....para marami ay masaya....
Malamang may kasama akong pullet baka makursunadahan nyo.......pero teka teka.....PINSAN ko po ito....waaaaaaaaa...baka iba agad ang isipin ng mga Barakong Mangyan...nyhahahahaahahaaa

:lol:

Mt.Halcon 888
May 14th, 2006, 06:29 AM
Ka Goryo,me kasama ka kamong pullet na pinsan mo,pinsan ingat ka dyan(magpinsan na tayo hehehehe)

Ka TP,naipareserved mo rin ba ako ng cockhouse sa Sta.Monica sa Lunes?salamat.

Binabati ko ng Happy Mother's day ang lahat nga mga ina at asawa ng Tribung mangyan.Mga kabahag wag muna tayo magsabong sa araw na ito,ilabas muna at ipasyal natin ang ating mga asawa,asawa lang pala hindi mga asawa.




:lol:

goryo888
May 14th, 2006, 06:51 AM
Pinsan MH888...sige kita na laang tayo....naku ay pagkabait nun....pauwi na rin dyaan sa atin nagbakasyon laang dine....at dumalo ng kasal ng isang pinsan din.....kaSwerteng makakadagit dine......hehehheeeee

Kaso'y dadaan muna ke Ka Goryo ang aplikasyon....hehehehehe

Sya sya Hapi Maders Dey sa mga Nanay at Asawa ninyo.....;)

toyting_pasay
May 14th, 2006, 03:48 PM
gandang araw mga kabahag.

ka halcon nai reserve ka na ng cockhouse, tabi tabi tayo dun.

goryo888
May 14th, 2006, 11:44 PM
Ka TP, Ka MH888...gudlak uli sa laban ninyo..;)
May sasali ba sa inyo sa June 3 fastest win yata ni jlbs...sa SM?


Baka rin kasi makapunta ako doon.....pero iba na ang may kasama....

Mt.Halcon 888
May 15th, 2006, 07:02 AM
Magandang umaga mga kabahag,

Wats up,wats up.Sana'y maging maganda ang pasok ng linggong ito sa lahat ng mga mangyan.

Gumanda na sana ang panahon sa ating probinsya,grabe daw nangyari sa Pinamalayan,marami nabunot na mga puno at pati yata poste ng kuryente maraming bumagsak,kaya baka matagalan pa bago magkakuryente.Sana tulungan tayo ni VP de Castro na makarecover agad ang Mindoro.

Pareng BJ,kamusta dyan sa Naujan?
Ano nga pala balita na ke Ka Jojo?kamusta na kaya yung mama?








:lol:

toyting_pasay
May 15th, 2006, 09:12 AM
gandang umaga mga kabahag!

sana nga matulungan ang mga kabahag natin sa mindoro. hindi pa nga makauwi ang aking mag iina pa maynila dahil marami raw nasirang tulay. di bale wala na naman si caloy, babawi na ang mga kamangyanan.

sana nga bwenasin ang grupo ngayon, gud luk din preng halcon.