PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 [16] 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

muk_mafi
September 15th, 2006, 04:53 AM
ka leony,
akoř mahilig laang talaga magbilyar pero di naman ako kinahiligan ng bilyar! :lol:

palipas oras laang.

mga kabahag,
ang naklaban pla nina gary & SPSP ay kalapit barangay namin sa Patas, Mr. Ino Mendoza (nakakabakas ko po ito sa mga derby). magaling din sila magmanok at malakas pumusta. di laang consistent kasi wala magaling handler.

wala sila nagawa kay Master Pointer. hehehe.

goryo,
kaw ba yung nakausap ni ariel? kapitbahay ko yun, sya nagkukundisyon mga manok ko...

muk_mafi
September 15th, 2006, 05:00 AM
ulitin ko po ipost ang boto ko...

pres........... SPSP

vice-pres (PI).... Joey Bravo

vice-pres (external) Goryo

Treas.......... Blackjack

secret......... dingdong

PRO............ mt. halcon


mabuhay po ang Tribung Mangyan!!!

:)

Mt.Halcon 888
September 15th, 2006, 08:57 AM
I moved that the nomination be closed. .

I second the motion.

DingDong
September 15th, 2006, 03:03 PM
two votes were counted . . . what about other
mangyans . . . please vote now!

as of my last tally, members now are lucky 13.
mr. pointmaster was the latest addition.


:rbounce:

DingDong
September 15th, 2006, 03:10 PM
teka lang ha mga kabahag!

may gagawin lang ako para sa aking . . .


:rbounce:

DingDong
September 15th, 2006, 03:13 PM
after more than three years i finally reached

my 1,000 posts and i want it here in our nest!



happy cocking to all mga kabahag. i hope that
the group that we are trying to organize will
soon be realized.


:rbounce:

Mt.Halcon 888
September 15th, 2006, 03:24 PM
Congrats Ka DD

Member ka na ng elite 1,000 posts. . . .
layo ko pa idol. . . . .

muk_mafi
September 15th, 2006, 04:58 PM
Waaaaaaaaaaaahhhhhhhh! 3 years pala bago maka-1000... tagal ko paaaaaaaaaa!

Congrats pre DD!!! ;)

malayan_heat3
September 15th, 2006, 07:09 PM
voto na rin ako dyan sa post ni kabahag
muk_mafi oh siya magkita na lamang tau
sa singko bukas.

Preng jeff msta na ba ang mga panlaban
natin dyan magtitira ka ng panlaban pag
uwi ko ha oh siya ingat kau lahat dyan.

MZTA NA LAMANG SA LAHAT NG MANGYAN

malayan_heat3
TRIBUNG MANGYAN

sa pula sa puti
September 15th, 2006, 08:44 PM
Pag nanalo si REJECT bukas sa Cinco,
hindi na ako bilib kay Katribung
Goryo, siya na ang IDOL ko!

sa pula sa puti
September 15th, 2006, 09:54 PM
Ka Dingdong

Congrats! You are the MOST SENIOR MEMBER,
of TRIBU MANGYAN, correct ba?

REGISTERED TRIBU MANGYAN COCKERS
spsp
muk
halcon
dingdong
grandeur
raulR
JoeyB
Bjack
Teody
manokiz
noelM2
Chuckeee
Goryo

Lucky 13 nga! Maswerte ako sa number
na ito!

sI SONNY KAYA AT SI ALIMBUYOG?
AT IBA PA?

kAUSAPIN KO KAPATID NI sonny BUKAS DITO
SA MAY PALENGKE BAka siya na ang magre
register in behalf of sonny dela cruz.

To make Katribu Dingdong's 1,000th post
memorable, post na natin lahat dito as
soon as possible ang ating ballot. Organized
tayo sa 1,000th ni Katribu DINGDONG!

Concur na ako kay Katribu Muk.

Ka Goryo, the pointmaster, inspected our
stags being trained at my residence in Pob
2, Victoria Sep 13. He also gave the training secret,
feeding guide and all the supplements needed
for the 21 day conditioning. He came back Sep
15 to check.

Bago po umalis si Ka Goryo, we will know if these
stags will meet his standards. Bale lima po galing
kay Neo Molato of Pinamalayan 3 reds, 1 Bulik and
1 Mangyan White. Today, i brought in for conditioning
additional one march born Stag, half Karachi half Sweater from
my San Gelacio Farms, medyo bata po pero magulang
ang palo. Mt Halcon pledge 2 stags for the finals.

Kung okey sa inyo, ang Pot Money na 5,500 ay
paghahatian ng mga gusto mag share at paghahatian
din nila ang 50% ng premyo kung sakali manalo.
50% ng premyo ang paghahatian ng 5 stags na
gagamitin. Pag nagamit ang dalawa stag ni Mt Halcon,
ibig sabihin, 20 % ang kanya sa premyo. Kung okey
sa inyo, online lang po natin ang share sa Interim
Treasurer.

sa pula sa puti
September 15th, 2006, 10:13 PM
Tuloy na po ang

One (1) Cock Derby (fastest kill)
October 11, 2006
Victoria Cockpit Arena

66 entries na po nagconfirm sugurado entry
200 na po invitation na naibigay
Marami po ang may multi ENTRY.
TARPAULIN PO ANG BANNER SA VICTORIA COCKPIT
AYON SA SUHESTIYON NI KATRIBU DINGDONG.
May posters na po sa Gloria Cockpit, Pinamalayan
cockpit, Victoria Cockpit and Sta Isabel (cinco)
cockpit.

For signature na po contrata sa THUNDERBIRD
DIGITAL CLOCK.

DISPLAY NA PO SA SUNDAY ANG CHAMPIONSHIP
CUP (courtesy of Bayaw Jun A, Owner of EUROPHIL
ENTERPRISES) SA VICTORIA COCKPIT PATI NA ANG
TARPAULIN banner. nakalagay po dito ang nickname/
handle ng 13 tribu mangyan.

Si Neo Molato po gusto mag member sa TRIBU.

If the fastest kill derby turn out successful, same
derby will be hosted by TRIBU MANGYAN COCKERS
in April 2007 as per contract signed by SPSP and
VICTORIA COCKPIT.

Yan po ang latest news natin mga KATRIBU. gOOD
NAYT AND MORE fun in COCKING.

muk_mafi
September 16th, 2006, 04:43 AM
ka SPSP,
clarification laang po...

1. ok na po kaya kay kabahag BJ na sya muna interim treasurer? if yes, paki-PM na lang po ng official Acct No., bank and branch info.

2. the maximum share is 5000 and minimum is 1000? ito po ba ay gagamitin for entrance fee para sa entry natin on CF stag derby? ang matira ga ay ipusta na natin? or itago natin ang tira at kanya-kanya na laang pusta?

sa tingin ko po ay okey mg-accept ng iba members kahit hindi internet users, the more the merrier ika nga. mas pabor pati sa grupo financially. but i suggest we put up a membership committee to do the usual screening. i'm sure we would all like to accept only future members with good standing, kumbaga hindi makakasira sa grupo (just my one cent). member referals would be good, at least a member already vouches.

:hippie:

sa pula sa puti
September 16th, 2006, 05:57 AM
Ganda Umaga sa Inyo Lahat

Raul_Ruaro
September 16th, 2006, 10:42 AM
Magandang araw mga kabahag!

Napalaban po yung binigay sa akin ni pareng blackjack na talisain kahapon sa dragon. Maganda ang naging laban pero di pinalad na manalo. Lamang sa palo ang atin at naging drag fight po ang labanan, kaunting minuto na lang kailangan para mamatay ang kalaban.

Halos 2-3 minutes din po sila nagtutukan, hanggang kumikig ng napakarami ang ating talisain. Hiyawan ang mga tao! Nakatama ang ating manok pero tumama sa kanyang pisngi huling sundot. Pagtanggal nung tari sa pisngi ay biglang umikli ang ulo ng talisain at ayun nasentensyahan ang bata. Talo!


Patay ang kalaban na nanalo at buhay ang manok natin na natalo. Mga 13 months lang po yung manok ng mangyan, ang ngakalaban ay multiple winner na at 4-5 years na siguro yun. Kinulang lang tayo ng swerte. Di bala bawi ang mga mangyan mamaya sa Cinco...

-Stewart-

Raul_Ruaro
September 16th, 2006, 10:50 AM
Ka muk_mafi,

Yung nakalaban namin ay yun din yung tinalo namin nung huwebes nila goryo, pero this time kami ang lyamado at natalo. Kinargahan kasi ng ninong ang parada. umabot ata sa 47k. Nung huwebes ay lyamado sila, 27k parada laban sa manok ng mangyan. Grabe ang gameness nung manok nila, mamatay na lang tumutuka pa... Sayang closed fight... Bawi na lang! hehehe!


Ka leonie,

Si tito resting po nagbitaw nung talisain kahapon sa dragon at kinargahan nya ata ng 32k yung parada. Sayang at di sinuwerte ang ating manok....

Mapapalaban po ulit yung mayahin nyo sa cinco maya. Thanx!


-stewart-

Raul_Ruaro
September 16th, 2006, 10:54 AM
Mga kabahag!

Ok na ako sa lists ni ka muk_mafi....
Suportado ko ang ticket na yun! hehehe!

-stewart-

sa pula sa puti
September 16th, 2006, 12:36 PM
Katribu Muk

Usap pa kami ni BJ mamaya sa cinco tungkol
sa tanong mo. post ko dito and result.

Reduce natin sa 500php per share, maximum
of 10 shares tayo kada member.

Sa Oct 2 and 4 CF Stag Derby, dahil ako naman
ang nagtrain at nagcondition, ako na bahala
sa lahat ng gastos doon, transportation to
San Juan and back to Mangyanland, ako na
rin ang bahala, in short, yung mga kabakas, sa
POT MONEY na lang share at sa PRIZE share
din sila sa 50%, 50% goes to the owners of
the Stags used, biyak biyak according to number
of stags na ginamit. Wala na ibang gastusin pa
dahil sa SJ cOLISEUM tapong tapong lang tayo
pag nagkitakitz tropa doon. Isa pa, since Ka Goryo
has been tested as Pointmaster, hindi natin
itutuloy ang entry kung sakaling hindi papasa
sa kanyang panlasa at kilatis ang mga stags,
2 time na niyang nakita at hinihintay ko pa ang
final approval niya. Wait na lang tayo.

So ang mga shareholders, sa POT MONEY share,
sa PREMYO kung sakaling palarin, SHARE DIN.
Tungkol sa individual bet ng taga malayo at di
makakarating sa SJ, di pwede malaki pusta, dahil
mahirap repetihin kung sakaling di mapapusta,
maganda iwas tayo sa problema, kaya advise ko
dun sa mga di makakapunta sa SJ kaunti lang
pusta para kahit walang ripitihan sure na hindi
tayo magkakaproblema dahil tiyak makakasa.

Tungkol sa screening ng membership, wala pa
tayo guidelines/criteria, kaya post ko dito si
Neo Molato, kung okey sa inyo lahat, tatanggapin
natin, kung may ayaw sa kanya, just pm the
secretary a little explanation, ok na yon. Ang
ibig sabihin natin dito, hindi tayo tatanggap kung
may problema ito pag nakasama sa grupo. Tama
ang sabi mo Katribu Muk, explain ko lang uli.

About our organization process, election na
siguro tayo agad, Interim Sec bahala ka na dito,
Mag reregistro ba tayo sa SEC?mR iNTERIM sECRETARY?
mAS OKEY siguro register tayo madali lang naman
kayang kaya mo na siguro yun. Kasi iba yung
sa umpisa dun na tayo sa tama at maganda.
We can use my address kung magreregistro tayo
sa SEC o di kaya ay yung Farm Address ko.

So inaasahan po natin mga katribu ang inyong
ballot as soon as possible kung maaari.

Suggestion lang po lahat ito.

muk_mafi
September 16th, 2006, 01:42 PM
Prez SPSP,
ayos lahat yan cnabi mo... larga ako dyan! mamiso din laang nman po ang idagdag ko pusta (hehehe), ewan ko laang ireng ibang mga andine sa malayo. itext ko na laang si kabahag teody tungkol dito, yun ang usapan namin dahil bihira daw sya makapag-internet.

request lang po... kung mag-open po kau ng bank account ay dun laang po sa mga banko na online para in 2 days max ay pasok agad mga international remitans. pag po di online ang banko ay 7 working days ang duration.

stewart,
nakatsamba laang ng kundisyon mga yun, sabi ko nga di consistent ang conditioning nila. pero quality ang mga manok kasi marami pambili. lol. pati nasa abroad pumupusta pag may panlaban sila kya mapusta. last time na anjan ako ay dumayo ako butaw sa kanila, lahat ng binutawan ko ay magaling at magulang na.

bawi na lang tayo. tyak mayamaya laang ay may report na si Chief Editor BJ tungkol sa laban sa cinco.

grandeur0
September 16th, 2006, 03:36 PM
ganon talaga pag magulang na manok di basta kumakalas
habang may hininga,sayang kung di pala nag sarili nanalo na ang manok mo, ang laki naman ng pusta nyo

ka sp sp
baka makakapunta ako sa SJC txt na lang ako pag andyan na ako sa mangyan land baka makapsyal dyan sa farm mo ,,,

sa pula sa puti
September 17th, 2006, 12:51 PM
;)

muk_mafi
September 17th, 2006, 01:29 PM
Magandang araw po!

Musta po ang laban ng mangyan kahapon?

grandeur0
September 17th, 2006, 01:37 PM
ka sp sp
baka pwedi naman na tayong 14 member kasama na si ka neo molato ng pinamalayan na lahat ng entry ay TRIBUNG MANGYAN Tapos sa huli na lang yong personal na gustong idugtong katulad ng sa akin TRIBUNG MANGYAN RPS at kung pwedi rin sana dina tayo magkakatapat meron din akong inimbetahan na pinsan ko taga brgy leuteboro yon pala dinaanan nyo nga araw sila meron namang nakahanda na manok dependi lang sa budget kung makakarating pero malamang makarating kasi matagal pa naman, may inapahanda rin ako na tatlo bka sakaling makompleto ang pulok ay isasali namin pero sigurado na ang isa

kmusta na lang sa inyong lahat

grandeur0
September 17th, 2006, 01:48 PM
ka muk_mafi
kmusta na kayo dyan kmusta nyo na lang ako sa kuya teody ingat kayo lagi dyan

muk_mafi
September 17th, 2006, 03:56 PM
sherwin,
ok pa naman dine. buti ka pa lapit na uwi. di ko pa natext si ka teody kasi di ko pa alam ang account number na gagamitin, wala pa feedback sina prez SPSP.

i-text mo rin daw sya sabi nya.


- boyet -

blackjack
September 17th, 2006, 07:43 PM
gandang gabi po sa lahat!!! nakuuu poooo ang habaaa na pala ng habolin ko..... sabagay mga ilang araw na rin ako di nakasilip he he he!!! medyo bc lang d2 sa bahay at un nga wala kasama dito sa tindahan at nagkasakit naman ung inaanak ko kaya todo kayod muna dito.

naku po naman muks.... bakit ako pa naman nilagay nyo dyan sa trabahong yan.... medyo mahirap yata... una ay nasa calapan ung mga maayos na banko... tapos dapat mag-open dapat ang grupo ng sariling account para dyan... at tingin ko ay ung ATM na para walang holidays... kahit anong oras ay makawidraw o deposit.

pero cge call ako dyan kaya lang temporary e2 ha..... pag naayos at nakatayo na samahan natin ay dapat maglagay na ng talagang kakapit ng pwestong e2. usap lang muna kami ni kumpadreng nestor para mai-ayos lahat at makausad-usad naman ung grupo natin. bahala na kayo mag-desisyon sa mga dues ng bawat member basta oks ako dyan.....

mamayang konti continuation pati na ung reporting ng lakad.... may aayusin lang konti si mr. CNN reporter ng cocking sports scene he he he!!!

blackjack
September 17th, 2006, 08:38 PM
kahapon sa cinco ang lakad ng grupo..... parang talagang nag-usap at sa hiway pa lang magkapanunod na ung mga sasakyan ng tribu mangyan!!!! kaya sabay-sabay kami dumating sa cinco.

apat na stag dala namin.... ung mayahin(gilmore) ni ka(bahag) leonie, si redyek ni ka nestor( ka as in kabahag ha), another stag YL ni ka nestor and mayahin ni goryo and tito tony catly. first fought was the stag of ka nestor.... off-d-cord 2ng stag na 2 ha at hatched 18th march... bukas pa mag-six months e2. anyway he was fought against an older stag... cguro mga nine months ung kalaban.....paluan sila at masama tama nung atin... latag kaagad at binubuli na lang... pero pilit pa rin gumanti!!!! sa kapipilit ay pumalo na isang lagitik .... baon sa likod ng kalaban.... pero malakas pa ung kalaban.... pilit pa rin pumalo pero di na malakas... tukaan, palitan ng tuka... at ung atin ay lapat na sa lupa ung tuka pero kada careo ay ganti pa rin ng ganti... kahit halos tulog na. pag kurit ng kalaban ay ganti pa rin stag natin.... hanggang sa ung kalaban na ang nanghina at sila na ung sinsentensyahan..... nanalo pa ung six month old karachi sweater natin!!!! ANOTHER WIN FROM BEHIND..... A DISPLAY OF EXTREME GAMENESS on the part of kumpadreng nestor's stag.

2nd fight natin ay ung winner na stag ni ka leonie..... kalaban ay YL bull stag na binili nina architect elik atienza kay elvis magadia( also my good friend). llamado tayo pero nalargahan din after quite some time.... nagpaluan, pagbagsak lugi sa patama ung atin.... mas damaging patama patama nila at sa tarian natin.... napagsingitan pa ng palo uli sa baba ung atin kaya latag agad at hila ung 2 paa..... binoli at finish na laban.....nya ha ha ha!!! nakaganti rin kalaban... nagdouble fight kc tayo.... un din kalaban natin nung first fite....

nandun na sa BBQhan ang inyong lingkod at di na nanood sa dalawang fite.... nagpalamig na lang ng malamig na san mig at mainit na atay/balunan at isaw na BBQ.

kahit talo sa pera mga mangyan ay umuwi ng masaya at oks naman hapening he he he!!!! sulit naman daw bakasyon ni goryo he he he!!!!!

muk_mafi
September 17th, 2006, 09:08 PM
ka BJ,
yakang-yaka mo yaan... kaw kasi pinakamalapit dyan sa prez natin kaya mas maigi pa rin na ikaw muna hawak. sigurado kasing laging anjan ang gastos sa mindoro e. yung mga taga maynila naman ay maraming pang-abono kung sakali may gastusan dun (reimburse na laang). hehe.

naikuwento nga sakin nung kumpare ko yun laban nyo, gusto ko laang maconfirm at baka naman mali ang tingin nya. ayos pa rin naman pala ang lakad, 1W - 1L.

paki-PM mo naman ng account number mo at dun muna kmi deposit ni ka teody. bigay daw ka teody ng 5000 ($100 sabi nya), ewan ko laang yung outside bet. sabi ko ay wag masyado lalakhan at yun ang bilin ni ka SPSP.

pag naconfirm ni kabahag goryo at prez SPSP ang official entry ay hulog na kami... thanks!

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 05:05 AM
Katribu Grandeur0

Okey

Mt Halcon

Kumusta yung 2 natin stags dyan pang
finals kung sakali?Eto po pang elim natin sa Oct 2 CF sTAG MGA kATRIBU

http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/17092006131.jpg

Raul_Ruaro
September 18th, 2006, 05:12 AM
Mga kabahag!

1 win 3 losses po tayo nung saturday. Medyo nawala ang swerte. First 3 fights lang napanood ko, yung huling laban ay di ko napanood dahil nasa gilid na kami ni parang blackjack at nag-iinom na. hehehe!

Grandeur,

Pre kinargahan ng mga ninong ko yung pusta kaya medyo malaki.. Sayang nga lang at medyo kinapos.

-STEWART-

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 05:12 AM
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/17092006127.jpg
Mangyan Bulik, creation po ito ni SPSP
9 years ago, crosses out of Mitra 56
Bullrider, Richard Bates, Lisa Galore.
Ang nagpapalahi po nito ay Dating
Handler ni SPSP. Tested lahi nito dito
lang sa Mangyanland winning 2 and 3
cock small time derby.

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 05:18 AM
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/17092006129.jpg

Eto po ang isa out of 4 stags from candidate
member Neo Molato.

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 05:28 AM
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/17092006135.jpg
Eto po ang isa sa mga stags na kasali
sa selection for Oct 2. Born march 18,
2006, Half Karachi Half Sweater. Inilaban
na po ni Ka Goryo sa Cinco Sep 16, 2006
less than 6 months old.

NANALO PO ITO FROM BEHIND.
TAYTAYAN PO ANG LABAN.
NAG ULOT PO NITO SI KATRIBU MANOKIZ.
AT BINIBILI NIYA, KURSUNADA LANG DAW
PANG BROOD COCK.

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 05:35 AM
Stewart

Ang aga mo yata mag post matanda ka
na rin? Musta mo na lang ako kay madam
princess. . . . at kay AYA. ;)

Raul_Ruaro
September 18th, 2006, 05:36 AM
Aba! Kaaga ni Ka SPSP at pareng blackjack rine! Hehehe!

Back to work na po ang inyong kabahag kaya medyo matagal ako di makakapag posts rine sa mangyanland. Anu man ang mapag-usapan nakakarami sa Tribung mangyan ay dun na rin ako. Kitakitz na lang sa Oct. 2 and 4 kung matuloy entries ng mga mangyan.

Ka SPSP,

Existing parin ba itong buliks line mo? Sayang at maganda ata records. Nice pix!

Pareng Blackjack,

Text mo na lang sa akin kung anu mapag usapan dito sa thread, regarding sa organisasyon. Thanx!

-Stewart-

Raul_Ruaro
September 18th, 2006, 06:09 AM
Ka SpSp,

Hahaha! Matatagalan ako walang access sa online kaya sinusulit ko na, tsaka napaaga kasi gising ko. Napagod sa byahe paluwas ng manila kahapon. Sige kitakitz na lang pag-natuloy entry nyo sa cf stag derby. Thanx!

-stewart-

Mt.Halcon 888
September 18th, 2006, 07:17 AM
Gandang umaga,

Musta mga kabahag,mukhang kinulang sa swerte nung sabado,di bale paminsan minsan lang naman yun,bawi na laang sa susunod. . . nag enjoy naman kayo at sulit yung bakasyon ni gary. . . balita ko ay paluwas na si Gary ngayon dito sa Manila,sya e iba naman ang sabungin natin dito hehehehe. . .Sya sige mga kabahag ako'y pupunta muna ng Bataan at titingnan ko yung panlaban sa CF stag derby sa Oct.2 at 4. . .

Raul_Ruaro
September 18th, 2006, 09:26 AM
Ka joey Bravo,

Tanong ko lang kung katulad din nung dati na may 6 free entrance ang isang entry? Kasi kung 3 entries ang TRIBUNG MANGYAN ay magpalista na yung mga are na pumunta sa san juan sa oct. 2 and 4, para di na magbayad ng pintuan. Thanx!

Pre dingdong,

Punta ka ba sa cf stag derby? Text mo ako kung makapunta ka para baba muna ako ng bundok nun. Thanx!

-STEWART-

muk_mafi
September 18th, 2006, 01:46 PM
Prez SPSP,
wow! gaganda pala ng mga pang-entry natin ah... pogi yung panuksukan, kursunada ko rin yung bulik (breeding mo rin ga ito?). baka puro off colored ang maisabak natin sa elims. mananawa kayo kasasahod pag nagkataon!:lol:

Magandang araw po sa lahat ng kabahag!

FYI:
Nalo si Barrera sa rematch vs Juarez; kaya lang boring daw po ang laban.

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 03:04 PM
Pag wala sila katabi na red fowl yung mga tipo ng sweater
roundhead kelso magaganda sila. Pag may katabi na
maganda manok, pangit na itsura nila. Yung White palahi
ko, MANGYAN WHITE, nabili na ito ni Neo Molato.
Yung bulik, dati ko siyang breeding, MANGYAN BULIK
naman ang tawag ko, binigay
ko na sa handler ko dati na handler naman
ngayon ni NEO, kaya bale yung dalawa na
iyon ay galing sa farms ni NEO sa Pinamalayan.

muk_mafi
September 18th, 2006, 03:59 PM
Prez SPSP,
nagkabulik din po ako ng ganyan (parehong pareho ang kulay at itsura), from a friend in La Union. binigay samin ay 3 yrs old kaya talagang ang lakas pumalo.

nilaban namin hakfight... ganda ng kalaban (dalusapi) pero lamang kami sa lakihan. dehado po ang mangyan. 2 times inangatan ng bulik, sapul pareho. pilay kalaban, ilang syapol lang at panalo po agad ang bulik with minor scratch.

nilaban po ulit namin, hakfight ulit against Kap Teves of muntinlupa (dalusapi din)... 8-10 ang lakihan, lamang na naman ang bulik pero dehado pa rin sa tawagan. sahod pa uli ng malaki ang mangyan kasi ganda ng ulot ng super bulik. umangat ang bulik sapul ang kalaban kaso di nasentro. pagbagsak sa lupa, na-strap ng kalaban, sapul ang bulik. dapa agad ang bulik, syapol ang dalusapi tapos ang laban. lakas ng palakpakan, pawisan ang mangyan, ubos ang pinagputahan.:lol:

but i still like their fighting style; mataas magbreak, malakas pumalo. syapol lang kung kailangan.

grandeur0
September 18th, 2006, 04:46 PM
ako rin nag ka meron din ako ng bulik binili ko kay mang totoy dela cruz kamag anak pa nitong bulik ni ka sp sp kasi sabi nya mitra 56 line yang sa kanya sisiw pa lang ng nabili ko 1month old 1k ang tatlo isang tandang at 2 babae tatlong set ang nabili ko dalawang tandang na bulik ang napalaki namin yong isa malusog na lumaki yong isa naman sinipon ng maliit pa kaya pabalik balik ang sipon pareho magaling mga 6 month pag ibinitaw abang pag pinasok aangat at pag pababa na sya parang helicopter hinahanap ang kalaban super ang dalawang yon poborito ng mga nanonood ang daming nag tatanong kung kelan ilalaban pero ginawa ko munang brood cock may napalabas kaming mga bulik mga 15 na tandang, ng 18 month na ang brood cock ilalaban na namin 4 ang dala namin sa gloria cockpit nanalo na ang tatlo na kasama lahat dehado eto na ang bulik ang nakalaban kina dr. ng pinamalayan todo ang pusta lahat ng tinamaan doon sa tatlo todo na llmado ang bulik namin pero saglit lang nakasa kasi maganda ang kalaban nag salpukan ang dating bulik na parang helecopter nag lakad kaya ayon nasaltik ang bulik kili kili ang tama kumikig ng mahaba pero wala na !!! ipinamigay ko ang mga paanak ng bulik na yon nag tira lang ako ng 3 nag taka lang ako nagpanalo ang mga paanak kaya pag nababalitaan ko na nanalo yong mga ipinamigay ko nanghihinayang ako yon sa kin nanalo rin pero lahat sa hackfight lang ,,,yan ang kwento ng bulik ko !!!!

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 07:40 PM
Nadale mo and istorya GRANDEUR0.
EARLY 90'S
ISA DALA TATLO LANG MANOK KO...
Lagi seminar ni Totoy dela Cruz...
Naka attend ako minsan.
Sa La Paulina Calapan...
Masarap ang pahapunan...
Steak.... busog kami....

Kasama niya mga taga POWER BULLET
yUNG PATUKA daw na niluto
sa SUPER HIGH TEMP....

sABAY PROMOTE ni totoy
mga palahi niya...
Carol Nesmith yellow legged hatch
roundhead
kelso
dan gray
lemon
bobby boles
Danilo Hinlo
Doc robinson
mitra 56 bullrider.....

Kinuha ko lahat yun lahi
he he he. . ..
Ako ay nagpalahi
walang direksyon....
kros ke kros line ke line....

Nagpanalo ang bulik mitra 56...
pero sa sampu tandang....
anim reject....
Piki and paa ng anim....

Pinamigay ko...
Sa handler ko... Si Jun Pugo....
handler ni Neo Ngayon...
nabalita... nagpanalo...
Minsan sa Victoria derby...
nakatapat ko pa....
Talo ako.... he he he kakatuwa..

sa dami ng naghalohalo bloodline
inalis ko lahat....
Lisa Galore lang maintain ko
half sweater half karachi....

2003, may pumasok na limang puti
pirituhin and itsura...
bago katayin...
binitaw muna....
Anak ni barabas.... Tinalo, inilampaso,
ginulpi, aibfppfpf =vpekfkaleomngf;aoejf
ng mga puti ang
mga lisa galore ko.....

Yan ang kwento ng mangyan white.....
Bigla silang dumating sa farm ko....
May nagdala....
aanhin ko yan....
marami akong manok sabi ko...
pinagbigyan ko....
500 pesos isa...
sabi ko ipiprito ko...he he he
Muntik ko nang iprito ang lisa galore
ko matapos ang butaw....

Ka tribu GrandeurO, magkamaganak.....
ang ating bulik,...
ka totoy rin galing, kros ko lang galing sa silang
cavite, richard bates at lisa galore,
Ipinamigay ko na lahi, pero
nagpasiklab, nagpanalo.:lol:

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 07:51 PM
As of this moment, ang selection natin
sa 5stag CF sAN jUAN oCT 2, 2006
2 COCK ELIM narito sa Pob 2, Victoria,
Oriental Mindoro.

Ang Pang Finals natin pag pumasok
tayo ay galing kay Katribu Jeff L, the
pride of Bataan and Pinamalayan.

Ang Training program natin galing kay
Goryo, supplements galing din sa kanya,
pati reseta.

Salamat ka goryo sa digital na timbangan
galing US. mALAKI PAKINABANG NG
tRIBU DITO.

rOYAL AND DERBY ACE PELLETS...
LEAN BEEF BANANA BASIC RATION NILA

aNG TRAiner po saluyot at labong laang
ang ulam kanina. he he he

sa pula sa puti
September 18th, 2006, 07:57 PM
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/MangyanWhiteEagles033.jpg

Mangyan White.
Pirituhin!

DingDong
September 18th, 2006, 08:20 PM
sa dami ng naiwan ko mga posts nyo na di ko
agad nabasa ei nalilito na ako. bukas na ako
magbibigay ng comments tungkol dun.


salamat sa mga bumati sa 1,000th posts ko.
i maybe the most senior member here in terms
of year registered after of course our member
moderator, ka JB. in terms of posts, goryo888
is the most senior, i guess.


bukas na lang ulit at pagod galing sa basketball
ang inyong kabahag. isang beses laang ako
inilabas ng coach namin ei napakahirap makipag-
sabayan sa mga batang players.



:rbounce:

Mt.Halcon 888
September 19th, 2006, 10:32 AM
one of the candidate for cf stag derby...

http://i101.photobucket.com/albums/m75/halcon_88/DSC03306.jpg:

Mt.Halcon 888
September 19th, 2006, 10:47 AM
another one candidate for cf stag derby.


hindi itong sweater ang candidate, ung nasa likod na gray. hehehehe

http://i101.photobucket.com/albums/m75/halcon_88/DSC03333.jpg

Mt.Halcon 888
September 19th, 2006, 10:52 AM
e2 pa ung isa, tupada line cross sa pang araneta line.

http://i101.photobucket.com/albums/m75/halcon_88/DSC03314.jpg

Mt.Halcon 888
September 19th, 2006, 11:12 AM
pang 4 na ito,kulang pa ng isa ,Ka DD pahiram ng isa

http://i101.photobucket.com/albums/m75/halcon_88/DSC03321.jpg

blackjack
September 19th, 2006, 11:56 AM
ang gaganda naman ng pinost mo ka jeff!!!!! hanep cguro mga palo nyan he he he.....

mga kabahag.... sabi ni el presidente ay sa san juan ang grand kitakitz at sa victoria fastest kill derby.... dun tayo mag-uusap-usap..... dapat kc ma-finalize na natin set of officers para marehistro na 2ng tropa natin, kung gusto nyo erihistro!!!

ung mga hindi makapunta sa alin mang venue ay dapat mag-post na ng votes nila ahead at MR. TSIKRETARY, PLS. TAKE NOTE SA MGA VOTES NILA.....

basta 2ng pwesto k ay usapan na na temporary in nature lang ha.... until such time na matapos ang election he he he!!!!

magbubukas pa kami ni EL PREZ ng joint account... cguro ung account w/ ATM para mas madali para sa grupo.... alin bang banko gusto ninyo PNB, DBP o Metrobank.... pakipost naman mga sagot nyo para maka-usad na tayo..... cge mga kabahagiz, ihanda na yang mga sundalo natin at malapit na po ang labanan!@!!!!

muk_mafi
September 19th, 2006, 01:45 PM
wow!

ka jeff,
ganda naman nga nitong mga candidates mo!
kelan kaya ako makapag breed ng ganito kagagandang
stags?

alin ga dito ang ipahiram mo sa tribu? ihanda mo na at
siguradong magkikita-kits ulit ang tribu sa championship. hehe.

ka BJ,
paki-Pm mo na pls ng kahit anong acct # para makapagdeposit
na muna kami. 2 wiks na laang at derby na, baka di umabot
ang sama namin na 110k!:lol:

DingDong
September 19th, 2006, 03:09 PM
ka jeff,

baka pag itinabi dine sa mga stags mo yung sa akin
(kung meron man ako) ei magmukhang pangtinola.
ei kagaganda nire e. suskupo, para waring walang
tigil kung gumarote ireng mga ire.

sya sya sya, kung makaalis ako ngay-on at makadalaw
dun sa gubat ei baka may maiuwi akong stag. post
ko na laang dine kung meron baga.


:rbounce:

DingDong
September 19th, 2006, 05:05 PM
mga kabahag,

kung isasama ko sina ka sonny, neo at alimbuyog
ei 16 na po tayo.

ako na ang sasagot para kay alimbuyog, member
na sya, hi hi hi.

paano ga ang laban sa oct 2. yung bang ipapadala
ng mga nasa labas ei para sa membership o yun na
din yung para sa pagfinance ng entry ng Tribung
Mangyan? alin ba ang ipifinance, yung inihahanda ni
prez SPSP? tapos yung kay preng jeff at JB ei mga
individual entries nila, dala ang name ng Tribung Mangyan.
tama ba ako mga kabahag?



:rbounce:

sa pula sa puti
September 19th, 2006, 08:51 PM
Mga Katribu

Ang Pang Entry po natin
Yung 2 pang elim ay kay NeoM,
Pag pumasok sa finals,
2 kay Jeff at 1 kay NeoM,
Finance po natin ito, kasama
ako dahil di naman sa akin
ang manok bale ako lang po
ang nagasikaso pero galing
din po sa farm ko mga stags
at mga obra maestra ko. he he.
Bale 7 po ang kinukundisyon
dito, inilaban na ni ka goryo
yung isa dahil sobrang bata
daw pang CF, 6 PA PO ANG
NATIRA DITO, si bulik, si puti
at si mayahin, AOK na po.
Yung tatlo yellow leg pumuputok
ang palo, pero maY hinahanap
pa ako na kulang sila, YUNG
LARO NA PARANG MANANALO!
Yung swerte na lang kulang,
KAYA HIRAM TAYO KAY jeff ng
3 pa para sure. Mabuti po maraming
reserve.

sA SJ PO TAyo mag kita kita sa
Oct 2 at maganda kung maka
tapos na tayo organize doon.
Ang di makakarating sa SJ PWEDE
siguro submit vote online na lang
before SJ oCT 2, PARA FINISH na
tayo sa parte na yon.

We can move on to the next step
after that.

Ok po ba sa inyo yon Mga Katribung
Mangyan.

Ka DingD

Ok na TARPAULIN pang Oct 2
Fastest Kill as you suggested
kaya lang ako na nagpagawa
di na daw kaya ng sponsor.

blackjack
September 20th, 2006, 06:58 AM
e2 rin po isang stag ng mangyan.... 3/4 sweater 1/4 albany, apo na po ng mga dati naming import na broodstock..... ang tatay po nito ay naipanalo na ni goryo sa cinco bullstag po nung inilaban namin... died from the wounds sustained from that fight!!!!

http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0786.jpg

di ho banded ito at hindi rin candidate kung saan man... he he he... dahil siguro po ay di naman natakbo ang mga e2 kaya di kandidato nya ha ha ha!!!!!

blackjack
September 20th, 2006, 07:03 AM
e2 pa po ung kaisa-isahang kapatid.... full-brother po ng nasa itaas.... medyo nakakuha po ng kulay sa sweater side he he he!!!!

http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/HPIM0789.jpg

Muks.... e2 na ung 2 natira.... pinungusan ko lang kaya nagka-itsura at gumulang ng ilang linggo he he he!!!!

grandeur0
September 20th, 2006, 07:54 AM
ka blackjack, ka jeff ay kagaganda naman nyang mga post nyo na yan tulo ang laway ko eh,

ka blackjack
kmusta yong straight breed mo na sweater yong ipinakita mo sa amin ni ka dindong ng mag punta kami nailaban nyo na ba yon , yong bigay mo sa akin malaki na daw sabi ng taga pag alaga ko kaya lang matapang nanunuka daw anong lahi ba noon malapit ko ng makita yon

ka dingdong pki pm mo sa akin ang acct no mo para maipasok ang 5k na share ko mas maganda na kasi yong hawak mo na ang pera pero punta rin ako sa SJ oct 2

grandeur0
September 20th, 2006, 07:58 AM
ka sp sp
kelan ba iluluwas ang mga panlaban natin na yan sa oct 2 sigurado dehado tayo nyan sarap sumahod nyan sana samahan tayo ng maraming swerti ,,,

blackjack
September 20th, 2006, 08:58 AM
ung nsa u ay anak un ng possum di ko lang alam markings ng napapunta sa u.... kung marked double right yun ay straight sweater un.... nanalo na mga kapatid . bihira naman laglag s mga sweaters.... isang lasak na stag lang nadisgrasya sa dragon anak ng lasak sa imported double right hen, kalaban nya cock na, maganda naman pinakita.... patay din yung kalaban di na nga lang tumagal ung akin at bata....

ung straight sweater na nakita nyo noon ay napunta kay toyting pasay... ginagawa broodcock ng biyenan nya sa roxas he he he!!!

blackjack
September 20th, 2006, 09:15 AM
may isa pang tira sa straight sweaters... bullstag na ngayon at nandun kay SPSP pinadala ko nung fiesta't baka madale pa ng mga bumibisita he he he... titingnan namin kung aabot sa oct. 6 fastest kill.... kung hindi ay hanapan na lang ng tupadahan at mailaban dun!!!!

e2 yun na kay SP

http://i30.photobucket.com/albums/c341/mangyanblues/santana.jpg

DingDong
September 20th, 2006, 11:46 AM
preng BJ,

yung nasa akin ei pakiwari ko ei may pasisiw na
yun dun sa tatlo kong tinola hens (isang talisayin,
pula at itim). matesting mga anak nire kung alin
ang maganda ang ilalabas. pero malamang ilaban
ko yung dalawang yun pag-uwi ko sa december.


preng sherwin,

teka ha at hahalungkatin ko yung BPI account ko
na nilulumot na dahil di ko na ginagamit. yun din
yung dati nating ginamit na account at nakarating
naman, he he he. pm kita ng details kasi baka
makita ng AMLAC pag inilagay ko dine, wehehehe


PREZ SPSP,

ei di kagara ng poster ng fastest kill kung sa tarpaulin
napalimbag yaon. nakupo gagayahin na iyan ng iba
pang magpapaderby dyaan. pagkatapos tago nyo po
para may souvenir ang Tribung Mangyan.

prez, yung magpapadala po ba ay purely to finance this
coming cf stag derby or that would be good also as
membership fee. para po sa kalinawan ng lahat.


mga kabahag, imik naman kayo dyaan!



:rbounce:

grandeur0
September 20th, 2006, 01:39 PM
ka black jack
hindi nakakapag taka na gawing brood cock yon ni ka toyting pasay kasi ang ganda naman non eh khit dimo ibinitaw kasi dipa gaano nanlalaban yon ang kursunada ko, diba yong mga ibinitaw natin ang gagaling kaya lang yon ang kursunada ko talaga kasi kompleto sa mata katawan tama lang ang taas medium station lalo na siguro ng napungusan lalo gwapo

ka ding dong
nakuha ko na ang pm mo pm kita pag naipasok na ang pera ,luwas ba si alimbuyog sa october 2 sa SJ pilitin ko na makapunta timbre mo na lang sa akin kung alin ang pwedi sahuran ng pandiin hah,,

muk_mafi
September 20th, 2006, 01:55 PM
ka BJ,
kaganda talaga nyan 2 mo stags... buti di nadale ng
mamimiyesta. hehehe. sana ay abutan ko pa iyan at
ako na laang ang kukuha.

lalo pomogi nung mapungusan lalo na yung una, liit ng ulo.
ilan months na ga iyan ngayon?

muk_mafi
September 20th, 2006, 02:26 PM
DD,
medyo malabo pa nga kung pano yung pagfinance ng grupo, ang
basa ko kay Prez SPSP ay sa Oct 2 na laang pag-uusapan. tama
si sherwin, ang mahalaga ngaun ay maipadala na yung pera at
para hawak na jan.

kung ano man ang mapag-usapan ay ok naman samin. sa
ganang akin; ako'y magpadala na rin ng pamustang piso para
sigurado may pusta ako sa laban.

grandeuro,
text mo rin si kuya teody mo tungkol d2. naitext ko na ngaun sa
kanya ang account number ni ka BJ, yun na lang muna ang
gagamitin namin account. advise mo sya magpadala din ng
separate pusta kung gusto nya. di pa kc sure kung pano gamitin
yung mga i-share natin; baka mapagdesisyunan ay pang-entry
fee lang yun at kanya-kanya laang pusta. pag nagkaganun ay
wala sya pusta sa laban.

sa pula sa puti
September 20th, 2006, 03:33 PM
Katribu Dingdong

Pinagiisipan ko rin yung finance money and
membership fee. Ano sa palagay mo ang
nararapat? Kung sa akin paningin, 5,000
halimbawa padala ko kay interim trez, that
would be enough for the maximum 10 shares
of 500php per share. Kung hilimbawa
padala lang ako ng 500php, ibig sabihin 1
share lang ako sa lahat ng computation. Pag
500php ang padala ko, 440php lang ako sa
Pot Money ang winnings will be computed
based on the share of each member to the
Pot money. Bets should be posted earlier,
kasi we are not sure if we can access
internet in the cockpit, bet on text messages
siguro ganun din, day before to avoid
confusion, we must avoid problems arising
from rust or last hour bets. I suggest last
hour bets should be made person to person
and we must avoid handlers of our cocks
in the pit thinking of bets and not the cock
he is holding. Paki tulungan ako explain Ka
Dingdong, tama ba puntirya ko?

Mag Katribu

Sa October 2 po ang paguusapan ay ang
tungkol sa ating grupo, ang TRIBU MANGYAN
COCKERS.

Bago po mag October 2, malinaw na kay
temp trez ang lahat tungkol sa finance
and bets nung entry.

Accepted po ba sa inyo 500php per share,
maximum share per member is 10 shares,
that is 5,000php.

When it comes to Derby Financing, 50%
of prize goes to or divided among the
cock owners and the 50% divided to the
financiers shares depending on the amount
shared to the Pot Money.

Tapong tapong na lang tayo ng expenses
in the pit, matamis naman ang bili ni Mt
Halcon na beer! Nang sa ganun yung cash
ng bawat miembro gumagalaw lang pag
may labanan.

mGA kATRIBU, SA sj, maganda usap usap
tayo, exchange of ideas, kung alin ang
majority yun ang masusunod.

goryo888
September 20th, 2006, 03:35 PM
Mga Kabahag...weala na akong gaanong oreas para basahin pa lahat ng mga postings dito...ay sya ang baon ko ho ay puro masasayang sandali ng aking Bakasyon...sa lahat ng mga nakasama ko eh maraming salamat sa lahat...

Mga videos ng mga laban....naku ay malamang pag ulit ulitin are....hehehee sana hindi madaming paulit ulit at balik uli sa live sabong....heheheeeee

Ka MM...ako nga nakusap nya....

Ka Manokiz...salamat sa pagSaglit nung Sabado!!

Eto ilang oras na laang at Palipad na si ako!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!

Sya Gudlak sa mga laban ng mga mangyan!!

May napagTanto laang si ako...nung Sabado na laban namain eh medyo kinapos sa swerte...may mgas Kumento na...ang gagaling daw nung mga huling nilaban natin pero di Nanalo/ o nakamatay....naku....sa sunod alam ko na!!!

Kuya SP..salamat ha...yung Bcock mo na pangFastest kill eh...i momonitor ko kung ano bagang paghahanda gagawin doon...minsan di ako kumporme sa ginagawa ni Tito eh...pero masunurin naman sa akin yun...mahal ako nun eh...heheehehe!!!

goryo888
September 20th, 2006, 03:42 PM
Salamat sa mga nakasama ko ngayong pagBabakasyon ko...

sa lahat ng mga Mangyan Cockers...

Kuya SP...ayos yung mga naPost mo ah...mga pangDiinan nga!!

Ka MH888....nakupooo!! sana'y maambunana ako ng mga ganyang Tikas sa sunod na bakasyon ko naku...malamang lalong mayanig ang sabungan sa atin pag mga ganyang klase ang madadagdag sa mga bibitawan natin sa Gradas...heheheheeee!!!

Sige at ako'y mag iimpake bna ng ayos....

sa pula sa puti
September 20th, 2006, 03:47 PM
Katribu GORYO888

Salamat din sa iyo amigong mangyan.
Galingan dyan sa Tate, family first,
Sabong, last. Agree ka ba?

sa pula sa puti
September 20th, 2006, 03:51 PM
He he he..
May nag suggest dito....
last time....
lagyan daw ng quate TRIBU MANGYAN
sa ibaba ng ating post.

Di ko po makita dito kung paano. he he.

ANOTHER ONE, INTAY KO SI CAPTAIN 3RD
REPLY SA EMAIL KO TUNGKOL SA
MEMBERSHIP SA CF.

YUN PALA MATAGAL NA NIYA AKO WELCOME
AS NEW CF MEMBER DOON SA THREAD
NG CYBERFRIENDS FORUM. TODAY KO
LANG NAPASOK YUN. HE HE. KAKATUWA
TALAGA MANGYAN.



WWWWWTRIBU MANGYAN COCKERSWWWWW

muk_mafi
September 20th, 2006, 04:01 PM
ka Goryo,
kasarap ng bakasyon mo... kakainggit naman. hehehe
gud luck sa byahe mo pre. ingat lang sa tate.
sana mag-abot tayo sa sunod na bakasyon mo, wag mo
itaon sa taglugon ulit. hehehe.

ka SPSP,
punta ka sa User CP (control panel)...
tapos hanapin mo yung Edit Profile...
meron dun option na use signature,
clik mo yun at iformat mo.

para di mo na lagi i-type yun signature mo,
automatic na in every post ay may lalabas...

sa pula sa puti
September 20th, 2006, 04:01 PM
katribu GORYO

Namatay na kanina yung iniulot ni Manokiz
at binitiwan mo sa Cinco na si TOTOY BATA
5MONTH 28DAYS STAG. DI KO NA INABOT,
PINUTOL NA LANG NI LITO ANG PAKPAK NA
MAY WINGBAND, IPINAKO SA DURIAN AT
YUNG KATAWAN INILIBING NA DAW NIYA.
pili na lang kamo si manokiz ng iba brood
cock, tigok na yung kursunada niya. di kaya
tayo managot abuse of minor!!!!he he he



wwwww TRIBU MANGYAN COCKERS WWWWW

sa pula sa puti
September 20th, 2006, 04:06 PM
Katribu Gorgo888 the MINOR KILLER

Yung pang entry mo BUTCHER ROUNDHEAD
SA FASTEST KILL PA KUNDISYON MO MABUTI
PANG TAPAT YUN SA MGA MAPUSTA. KUNG
GUSTO MO, ISASABAY KO SA KUNDISYON DITO
SA BAHAY, TUTAL BILIB KA NAMAN SA AKING
SUPER CONDITIONING METHOD NA PAG
TINAMAAN ANG BUTSE SABOG ANG MAIS
SA GRADAS!!!



wwwww TRIBU MANGYAN COCKERS WWWWW

sa pula sa puti
September 20th, 2006, 04:10 PM
kATRIBU muk

Ok na pang elim natin, hataw na!
Ako naman pointmaster ngayon,
lipad na si Katribu GORYO888,
GOOD LUCK sa kanya.

Ok na ba yung diskarte natin sa SJ?
pAGKATAPOS SJ
FASTEST KILL
naman tayo
Oct 11
Victoria



wwwwwTRIBU MANGYAN COCKERS WWWWW

muk_mafi
September 20th, 2006, 04:30 PM
Prez SPSP,
ayos na ayos po yan, maganda umpisa para sa grupo!
W or L tau e walang iwanan... ang mahalaga e masaya
tayo lahat... kung pwede nga laang na puro sabong na ang
atupagin e :lol: , kaso meron din tayo iba mga mahal sa buhay.
this makes us great men kasi nababalanse natin...

if i may suggest... baka po pwedeng yung mga maiipon na share
e sa entrance fee na laang natin gamitin sa SJ. para talagang
finance ng tribu ang entry. ang matitira ay itago na laang
muna for future use or kung papayag ang marami ay ipusta ang
kaunti (say 5500/fight). bale sama ito ng tribu sa pusta. tapos
kanya-kanya muna pusta aside from that. in case bwenasin at
magkapremyo tayo, yun po ang lalabas na income ng tribu, along
with the winnings ng pusta na isinama. itatago din po lahat ito
for future use like holding derbies, new entry, conditioning costs,
etc... after 6 months or 1 year saka tayo magbahagi ng income.
ang concept po nito ay parang cooperative. medyo may
background po ako d2 dahil kasama ako sa nagtatag ng coop
ng city hall employees sa calapan.

good luck po!

sa pula sa puti
September 20th, 2006, 06:38 PM
Ok Katribu Muk

Some help me take care of the warriors,
maybe Katribu Dingdong and the rest take
care of the bets....and the beers....
Medyo mahina ako sa pustahan at
inuman.

Ok na yun suggest mo, good.


WWWWWTRIBU MANGYAN COCKERSWWWWW

joey bravo
September 21st, 2006, 08:04 AM
mga kabahag,

pasensya a at medyo madalang ang dalaw ko dito sa kubol natin.

meron lang mga VIP's dito sa opis.

nakausap ko mga organizer na CF kahapon at SAGUPAAN daw ang TV coverage pala nito.

ka Nestor,

aprub na pala yung application mo sir.

see you all sa elims mga bro.

:)

sa pula sa puti
September 21st, 2006, 11:38 AM
Salamat kahanggan Joey. Marami na
nagwelcome CF membership ko sa
CF FORUM, paki alalayan mo na lang
ako para good ang diskarte ng
mangyan sa grupo.

sa pula sa puti
September 21st, 2006, 11:42 AM
ETO PA RAFFLE NG TRIBU MANGYAN SA OCT 11 FASTEST KILL
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/MHGF%20PICS/FastestKillRaffleTrio.jpg

Post natin ito sa Gate ng Victoria Cockpit
Day of Fight or even earlier para alam ng
tao na magbabayad aside from watching
and betting in the derby they also have
a chance of winning a trio not everybody
can afford to buy from Lisa Galore Farms.

Yun lang P---- pinalagay ko sa ilalim ng tuka
at yung date of derby sa ilalim ng buntot,
medyo lito pa DigiArts ng Calapan sa design.
he he

goryo888
September 21st, 2006, 12:18 PM
Mga Kabahag..nandito na si ako.....waaaaaaa...miz ko na agad Kayong Lahat!!!

Mga Pics saka na muna!! heheheee!!

Kuya SP...ang lupet ng paPremyo mo!!! Tskkk!! Patok na patok yan!! Bigtym na Bigtym ang dating!!!

Parang ayaw umapak ng paa ko dine sa lupang banyaga ei!!! heheeeee!!

muk_mafi
September 21st, 2006, 01:16 PM
Prez SPSP,
maganda yan premyo natin ah, san po galing ang trio? sa farm
nyo ga? ayos yan!

napansin ko may avatar na kayo ngayon ha. hehe.
gumagaling na sa computer! :D

ka Goryo,
bilis naman byahe mo, welcome back ulit. the good news is lagi
ka na siguro namin makakasama dine sa site. sa 2008 ay january
tayo magbakasyon para makasama tayo sa CF derby... tagal pa.


magandang araw po mga kabahag!!!

muk_mafi
September 21st, 2006, 01:56 PM
Prez SPSP,

try mo open ito link na ito jan sa puter mo...

http://www.sabong.net.ph/forum/member.php?s=&action=editprofile

trial lang po; in luck you will see a window same as below, jan
nyo po itype yun gusto nyo signature...

goryo888
September 21st, 2006, 05:38 PM
Are yung PangFastest Kill ng inyong pobreng kabahag.....Another Razon Red!! Heheheheeehe!!!
Pinaglaruan din nito ang Kalaban..bagaman nagkaron ng konting gurlis sa kanang Hita!!

http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/100_9351.jpg

sa pula sa puti
September 21st, 2006, 05:57 PM
First Time dito sa Mindoro Magkaroon ng
Streamer na TARPAULIN to promote
derby;

First Time dito sa Mindoro Magkaroon ng
One (1) COCK Derby (Fastest Kill)

First Time ng Victoria Cockpit Magkaroon
ng DIGITAL CLOCK

First Time ko mag HOST ng Derby

First Time dito sa Mindoro ma penalized ang
violation sa fault line

First Time dito sa Victoria ma penalized
ang delay of fight

Hopefully, first time din sobra dami entry
kahit TAGLUGON (sana nga mga katribu)

goryo888
September 21st, 2006, 06:11 PM
Kuya SP...pers taym sana ako makakapanood ng Bigtym Fyts dyan sa atin kasooooooo waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!Nandito na si akoooooo!!

Naku ay siguradong.....ang tindi nyang paDerby mo na yaan!!!

sa pula sa puti
September 21st, 2006, 06:14 PM
Sa thread ng CF 5 STAG paki post mo na lang
entry name mo:

TRIBU MANGYAN III

Tuloy yung ating 3 stags sa finals dyan sa iyo
kung sakali. Pasensya ka na wala ako makunan
dito at may tiwala ako sa selection mo. Yung
financing and sharing percentage nasa upper
earlier post paki basa na lang. Good Luck sa
atin lahat.

sa pula sa puti
September 21st, 2006, 07:27 PM
Muk

nakita ko yung avatar ok na pero bakit yung ibang
avatar gumagalaw? he he curious lang po.

dun sa pa raffle na trio, anak yon ng Original Lisa
Galore Trio Worth P35,000, 4 years ago. di na
makukuha yon sa ganong price ngayon.

Ka Goryo

He he he. Mag panggas na ka laang ng mga Mestisang
kana dyan para malibang ka at pwede mo rin isabong
ang manok mo kung gusto mo mapalaban. Yung pang
fastest kill mo pa train mo mabuti pangtapat natin sa
mapusta para hindi ako mahirapan magkasa kasi
maraming fans yan na papago.

Boss JB

Darating kami katribu mo dyan sa SJ Oct 1 early morning
with our candidate member from Pinamalayan Neo
Molato and his handler. Kwentuhan tayo uli. Long
time no see tayo, 9 months.

Meron ba tayo gaffer dyan or magsasama kami?

Correct ba entry name natin:

TRIBU MANGYAN I (SPSP)
TRIBU MANGYAN II (JB)
TRIBU MANGYAN III (jeff)

ANG IBANG KATRIBU?

Blackjack
Dingdong
RaulR
GrandeurO
Sam c/o SonnyDC
Alimbuyog
Manokiz
HMori *
MHeat*
Ravman*
Chuck2
AllanD*
TeodyC
NoelM2*


Candidate Member

NeoM
AllanM

MUSTA PO KAYO LAHAT.

[B]TIPs FOR THE DAY: Above all, fight only gamefowls
of blinding speed, tremendous power, and excellent
accuracy.

muk_mafi
September 21st, 2006, 08:08 PM
Prez SPSP,
malapit ka na mgkaron ng ganung avatar, pag naka-500 posts
ka! hehe. pwede na kahit anong avatar, kaw na ang magproprovide. :D

meron po ako post sa taas about signature. para di nyo na type
lagi. clik nyo lang yun link.

ganda ng pang fastest kill nyo ah... sana bwenasin tau lahat at
isa sa katribu ang makakuha ng premyo!

sonny dela cruz
September 21st, 2006, 11:22 PM
Musta na sa inyong lahat.Pasensiya na at ngayon laang,gawa ng ako ay nakikigamit lang ng computer dito sa kwarto kasi ng tiyahin ko at nahihiya naman ako gumamit,nagkataon lang na ginagawa ko ang kubeta sa labas kaya me katwiran na pumasok dito.Andito kasi ao ngayon sa Vallejo,Cal. sa tiyahin ko ng isang buwan tulong mag-repair ng bahay niya.





Kung papayag sana ang grupo ay pag-isahin na laang namin ni sam ang membership namin at kung ano man ang mapagkasunduan okey sa amin,isasabay ko na laang sa pagpadala sa budget ang aming share itong katapusan ng buwan.Kung sino man po ang mapipiling opisyal susuportado po namin.


Ka nestor sabi ni sam parahan ka daw niya minsan pag nagawi ka sa palengke kayo na laang mag-usap ni sam.Maraming salamat.

Ka Goryo unang post mo pa lang nakakapanabik na,wala pa ang kwento mo ng iyong masayang bakasyon.Nagkakilala pala kayo ni utol,sabi niya ay artistahin daw ang dating mo eh,at nung maglaban daw kayo sa Victoria ay hanga daw ang mga mangyan sa mga sinalang niyo.

Sa sunod na laang po ulit,kung hindi man ako madalas mag-post silip silip lang po muna,makikibalita na laang ako ke sam habang andito ako sa Cal.Ingat po tayo lagi and God bless.Peace out

goryo888
September 22nd, 2006, 02:44 AM
Are ang isa pang MaLUPIT!!!

bj sPANGLE!! Ginulpe po ang 6X winner nung si Major Borja ba yun....di man lang pinagpawisan....heheheeee...UMUUSOK po garute at galing nare....pag Nakalugon pa naku ay lalo na!!

http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/100_9364-1.jpg

malayan_heat3
September 22nd, 2006, 03:02 AM
Mga kabahag mzta na bago kau dyan?
cinzia na kayo madalang makapagpost
hnd pa kasi naaayos ang internet ko eh
kaya e2 paminsaminsan lamang maka
dalaw pero kung ano man ang mapagka
sunduan sama ako sa lahat sabi nga ni
ka muk_mafi walang iwanan win or lost.
PREZ SPSP gusto ko lamang linawin ang
user name ko na ginagamit nakakalito
kasi ako cinzia na na ha...........
2 ang tunay suerte kasi ako d2.

malayan_heat3
E-MAIL mangyan_tribe01@yahoo.com

TRIBUNG MANGYAN

goryo888
September 22nd, 2006, 03:09 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/100_9325.jpg


MH3 Gilmore...naku ng manalo ho are'y parang pinutakte ang kalaban ei!! Nung pangalawa laang eh napilay tare pero nandale rin.....

Ka MH3....are'y nanggulat in sa sabungan sa atin!!! Tagal bago naikasa ang huling laban nare!! Palihasay...kilala na!!!

sa pula sa puti
September 22nd, 2006, 03:23 AM
pauwi ang nueva ecijanong mangyan,
dadalaw sa pinagmulan,
Barangay Macatbong, Cabanatuan City,
doon si Tatay at si Nanay,

1994 laang ako dito Victoria,
12 years ang nakakaraan,
ok naman pamumuhay,
ng nueva ecijanong naging mangyan.

Solo akong umalis,
5 na kami babalik,
si misis, si mico, si rj at si king,
he he he, masaya masaya.

kami ay lima na!

sa pula sa puti
September 22nd, 2006, 03:27 AM
THe he.

Talaga enjoy si Ka Gorgo sa bakasyon!

malayan_heat3
September 22nd, 2006, 03:30 AM
KA GARRY 888 MSTA NA KAW DYAN? BALIK
TRABAHO NA NAMAN TAU HND BALI SA SU
SUNOD NA ULIT BAKA MAGKAKASABY TAYONG
LAHAT SARAP SIGURO ANG SAYA NG MGA
MANGYAN SAYANG AT HND KA NA MAKAKADALO
SA KASALAN ANG NAG-IISA KONG Eja SA DEC.
NA ANG KASL NIYA HND BALI IKAKAIN KA NA
LAMANG NAMIN AT KAMI NA RIN ANG IINOM
PARA SA IYO.......HEHE.
SIYANGA PALA SIGURO NAG-IBA ANG MANOK
KASI HND MAKAIKOT WALA KASING TPEE SA
BAHAY NAKAKULONG LAMANG SA LIMBER TAPOS
WALA RING SILUNGAN INALIS KO NA KASI ANG
MGA MANOK KO SA SAN AGUSTIN KASI NINANAKAW
LAMANG DOON.
SIYA INGAT KA PLAGUI DYAN HA AY MALI PALA
INGAT SILA SA IYOOOOOOOOOOOOOOOOO.

sa pula sa puti
September 22nd, 2006, 03:33 AM
Katribu Sonny

Ok. Daanan ko siya Monday na siguro, uwi
ako with family sa Nueva Ecija today friday,
saturdays and sunday.

Yung pic dinaan ko sa house si Sam one time
sabi niya dadalhin dito intay ko pa.

May panlaban ba kayo ni Sam sa October 11,
One (1) Cock Derby Fastest Kill? Stag or cock
pwede kasi ako mag ma match, stag vs stag
cock vs cock and labanan.

sa pula sa puti
September 22nd, 2006, 03:37 AM
TREZ BJ

Musta kumpadre.

sa pula sa puti
September 22nd, 2006, 03:44 AM
Noel_Malaya2 and Malayan_heat3

One person ba ito katribu?
Leon Villanueva of Malaya
Naujan, Oriental Mindoro
09283965245
Mangyan_tribe01@yahoo.com

sa pula sa puti
September 22nd, 2006, 03:47 AM
;)

malayan_heat3
September 22nd, 2006, 05:11 AM
PREZ SPSP,

Same person ho yan noel malaya2 at
malayan_heat3 ay iisang mangyan hehehe.......
nasira kasi ang malayan_heat pero naayos na
rin kaya ng masira ang ginamit ko ay noel malaya2
na iniayos ng ating kapatid na BJ sana maging
masaya at maayos ang pagpunta ninyo sa
inyong mahal na bayan gud luck at samahan kau
ni LORD sa inyong pag-lalakbay....


GOD BLESS SA INYONG LAHAT

malayan_heat3
--------------------------
TRIBUNG MANGYAN

Mt.Halcon 888
September 22nd, 2006, 07:52 AM
Magandang umaga,

kamusta ang mga mangyang sabungero?
Gary musta ka na dyan,tyak namimis mo ng humimas ng manok,hehehe.tawagan kita pag punta ko dyan mga nov.

Pres.ganda naman ng papremyo mo sa iyong paderby,para ba yun sa mga magbabayad sa gate,e kung ganun kahit ako'y me entry magbabayad na rin ako sa gate para makasali ako sa raffle hehehe.

Ka leony,musta na dyan at salamat sa iyong pagtawag.

Ka DD,JB matagal tagal na rin yung huling sakay natin ng eroplano,kelan ba tayo ulit sasakay sa eroplano ni Bush?hehehe.

Ka Boyet,me sabong ba dyan sa saudi,kasi dati me nakita akong nagpost sa gallery ng mga pictures ng mga panlabang manok,dyan daw sa sya.ingat kayo dyan. . . .

:lol:

goryo888
September 22nd, 2006, 12:38 PM
Jeff.. Pre eto...tama ka kakamiz mga manok..at ang Pilipinas....lalo na ang Mindoro.......pag sayad na pag sayad ng mga paa ko dine eh ANG INIISIP EH KUNG KELAN ULI mAKAUWI EH....HEHEHEEEE!!

Ka MH3...ikain nyo na laang si ako...dahil ang Alak kahit ga Patak ay di nasayad sa tyan ko....heheeee!! Best Wishes sa Unica Hija mo!!! ;)

grandeur0
September 22nd, 2006, 02:03 PM
ka goryo yong welcome back yong dati pa rin bang cell# ang gamit mo t-mobile ba yon dito kna pla tawag sana ako sayo bgo ako umuwi anong oras kaba pwedi tawagan

ka sony de la cruz
kmusta na censya na di ako nakakatawag sayo nagulo ang byahe namin kung saan saan kmi napunta kasi may problema ang rudder namin pasyal na lang ako kay sam pag uwi ko bka magkita rin kmi sa sabungan ng victoria
ka malayan heat2
anong balita na malapit na ang uwi ko ibigay ko na lang sa malaya ang ipinabili mo

ka sp sp
ang galing ng pa derby na yan may pa premyo pa na trio ano ba yang trio na yan isa lang ang mananalo o tatlong tao din kasi pag isa lang konti lang ang mananalo ,ang galing naman ng pag babalik mo sa bayan mo 5 na kayo ng umalis ka isa ka lang dyan mo ako pinabilib
sa october 1 txt ako sayo kita tayo sa manila tulong din ako sayo khit taga bantay ng cock house at taga sahod mo

Manokiz
September 22nd, 2006, 02:12 PM
gandang umaga,,, napa-daan po Kabahag,,,

'musta na si kau?

ka goryo,,,
'musta na? alang 'ya,,,
pinag-pawisan ako dun sa 6 months old stag,,,
na ipina-ulot mo sa akon,,,

tibay,,, dapa na't lupagi na,,,
naka-gulugod pa,,, lakas ng palo,,, kabtil sa likod,,,

tawo hiyawan,,, lalo na nag-umpisa magti-tigil un kalaban,,,
kalaban pa una,,, ma-dedbol,,, he-he-he,,,

galing din pumalo ng kalaban,,,
di madiin palo,,, klase,,, meron tama sa singit,,,

once again,,, salamat sa tiwala ipa-ulot sa akon un stag,,,
kahit mas malaki,, kalaban,,,
mabalikat naman sa aton,,,
parehas ang timbang,,, puede na,,,
manok-manok lang po,, TY :D

goryo888
September 22nd, 2006, 03:27 PM
Preng Manny...nakupooo...nadedbol nadaw sabi ni SPSP........may mga kasamahan naman yun doon.....mamili ka na laang daw....
Kita mo ga yung nasa taas na pics...yun yung Nanalo nung Webez na dapat dadating ka.....naku ay lalong malupit yaan!! Hehehe...lai ng parada ng Kalaban...para laang pinaglaruan eh...hehehehee.....sayang di mo nakita Video ng laban nyan...Ok na ngayon tinesting ko dine pagkarating.....

Tingnan mo pahina 168...yung nokiz na NASA PUNO NG SANTOL...NA MAY mga orchids...

Nasa England ka na ba uli?? Kumusta Byahe??

muk_mafi
September 22nd, 2006, 06:39 PM
ka jeff,
meron nga sabong d2, mtitindi na rin ang mga mnok. mga itlog
na dala galing pinas tapos nagbreed na sila d2 from that. lakas
din daw ng pustahan, umaabot ng 55000 riyal pag derby (bale
750000 pesos). pag hakfight ay mahina ang 11000 riyals.

kaya laang ay takot pumunta ang mangyan, baka maiwan ang
bahag pag nagkatakbuhan. :lol: minsan kasi ay nireraid e baka
matyempuhan si ako. lagot!

kumusta po sa lahat ng mangyan dine...

Mt.Halcon 888
September 23rd, 2006, 09:57 AM
Gandang araw mga kabahag,

Mukhang busy ang mga tao dito,nawawala. . . . . .
Ako 'y may naisip kagabi habang nagpapamasahe. . suggestion laang po ito.sa tingin ko e ok na sa lahat yung maximum na 5k share(500.00=1 share) each member and then sinasabi natin na kung meron mang maging profit ang grupo e paghahatian base sa kanyang share,tama po di ba?
Ito po ang ang idea kung ok sa inyo.pare pareho na laang lahat na 5k ang share ng bawat isa,bibigyan natin ng palugit na maximum 4 months na makompleto yung 5k share,nang sa gayon e maging equal ang sharing ng bawat myembro,kung meron mang paghahatian.
Kasi kunwari sa pot money natin,umentry tayo ng derby,di ba ang sabi ni Ka SPSP e 50% sa me ari ng manok,example natin sa san juan CF derby 5,500.00 ang pot. 2,750.00 sa me ari ng manok,yung natitirang 2,750 e sa member.
Halimbawa ang share ko laang pa ay
2 share=1,000.00,si Dingdong 4 share=2,000,si BJ 10 share=5,000,Ka Leony 10 share=5,000.00,etc.
Mahirap pang magcompute kung ilang percentage ang ishare ko sa pot o kaya e kung magkano ang magiging share kung sakaling magchampion tayo,di po ba,ano sa tingin nyo mga kabahag. . .

Ire po ay aking kuro-kuro laang. . . .
naisip ko laang baga.

Manokiz
September 23rd, 2006, 12:53 PM
napa-daan po Kabahag,,,

ka goryo,,,
ka-text ko si DingDong araw na pumunta ako d'yan sa Calapan,,,
meron daw siya kasalan na di napa-hindian,,,
ya-an ata eh,,, wedding singer eh,,, he-he-he,,,

detu na uli me sa UKE,,,

ke tulin ng araw,,,
bakasyon nag-daan,,
tila parang kelan lang,,,
trabaho,,, trabaho,,, trabaho na namang muli,,, n'ya-ha-ha-ha!!!

paki-attach naman detu nung laban ng ini-ulot ko,,,
ang makita ko laban netung isang etu,,,
masaya na si ako,,,

alang ya laban netu,,,
sunuran tao sa atin,,,

kanya-kanya esturya,,,
na sila nag-bayad na at nagba-bayad na,,,

Whew! kahit nga si ako,,,
naka-sandal nuo ko sa poste habang nali-ligo sa palo,,, :lol:

DingDong
September 23rd, 2006, 01:26 PM
preng manny,

singer nga ako pero dun sa mic na maliit laang
para gang gamani laang na mic, wehehehehe
kung ala ako kompormiso nun araw na yaon
ei sigalpot din ako pauwi.


preng jeff,

kung sa pagkwenta ei madali laang yaan. sa tulong
ng kompyuter ei saglit laang yun, gagaw-an ko
laang ng excel file yaan ei presto labas agad ang
dibidendo. baka kasi mabigatan yung mga kasapi
natin sa biglaang 5K o kahit na hulugan man ito. pero
ika nga ei kung marami ang sang-ayon sa parepareho
na shares ei ayos lang din iyon. PREZ SPSP kelangan
po ng kuro kuro nyo dine.

tanong lang po . . . sa pot money ga laang si-share
ang members. sa pusta baga ei wala?


preng gory,

kaputol, di na tayo nagpangita uli. sana'y natulungan
kita sa mga gamit mo pabalik dyaan. ang inaalala ko
ei baka marami ka pang ibinalik na gamit dyaan. ei luwag
naman ang bahay ko, iniwan mo na laang sana, wehehehe
sa sunod na uwi mo pare wag mong kalimutan si tommy
ko, wehehehehehehehehe. sayang pre di ko naistorya
sa iyo, hi hi hi hi. masaya baga ang naging kaarawan mo
dun sa palasyo mo?



:rbounce:

grandeur0
September 23rd, 2006, 02:52 PM
kmusta na mga kabahag ,dapat may pusta naman tayo kung kya natin ang minimum bet ay di sa ating share na bawasin yon pra may makabig din tayo,
may naisip din ako na isang magandang bagay pag nabuo ang ating grupo syempre kada may mag papaderby iimbitahan ang ating presidente na si ka spsp ang kagandahan na marami tayo kung di man finance ng grupo ang entry ng isa sa kasapi at ang dalang entry name naman ay tribung mangyan magiging maganda ang record natin pag lagi tayo kasali,pag tayo naman ang nag pa derby syempre pipilitin din nilang sumali ganon lang naman dyan sa sabong bawi bawi lang,

ka ding dong
paki check nga kung pumasok na ang share ko

muk_mafi
September 23rd, 2006, 05:53 PM
ka jeff,
maganda nga sana kung equal share lahat para wala na masyado
isipan kung pano maghati-hati ang mga members. pero tama din naman
si ka DD, baka mahirapan yung iba sa ganun amount at madiscourage
na sumali.
wag ka mag-alala, pagdating sa kwentahan ay jan tau magaling. hehehe.
hanggang sa huling sentimo ay mahahati natin. :lol:

mas maganda po siguro kung parang coop or corporation ang operation
natin, lista laang muna lahat ng gastos at income at pagkalipas ng ilang
buwan ay saka ang kwentahan at hatian ng income.

ang intindi ko nga pala ka jeff ay sagot ng tribu ang buong entrance fee.
di na magshare sa entry fee ang may-ari ng manok. sa premyo na lang sya
makihati. as in finance talaga ng tribu ang entry.

sana po makatulong...

goryo888
September 24th, 2006, 01:43 AM
Ka DD....ayos naman dumating din sina Prez SP at RR....daming tao...mga kamaganakan ko...sinabihan ko si Nante baka makasaglit pero di nakarating!!
Ano ga nangyari na kay Miss Tommy....mukhang nadale mo na rin eh....hehehee, i mean nadale o na rin ang matamis na OO!! hehehe OO na sige na nga!! hehehe Bigay na bigay ahhhh!!!

Ka Sherwin...ay naku ang SIM card ko eh nadisgrasya....nawala eh.....nagrekwez na si ako...yun pa ring # na iyon!!

muk_mafi
September 24th, 2006, 05:17 PM
Magandang araw po sa lahat! :)

Mt.Halcon 888
September 25th, 2006, 06:16 AM
Magandang umaga,

Kamusta mga kabahag,malapit na CF stag derby,sa susunod na lunes iyon.sana marami makapuntang mangyan dun.

:lol:

goryo888
September 25th, 2006, 09:57 AM
Ka MH888...naku...buti pa kayo eh....ayos na naman ang buto buto....heheheee Lalarga na naman ang manok Mangyan!!!

DingDong
September 25th, 2006, 01:33 PM
ka goryo,

din naman dale, palakaibigan lang tayo, wehehehehehe
tayo naman ei pareho laang pagdating sa ganyan.


ka sherwin,

tsek ko mamyang gabi, bisi laang ngay-on, may audit
kami dine sa tanggapan.


magandang araw sa lahat ng kabahag!



:rbounce:

muk_mafi
September 25th, 2006, 02:07 PM
ka goryo,
wala ka ba upload na video clips ng mga laban mo nung bakasyon?
upload ka naman pag di bc para mapanood ng mangyan dine.
thanks a lot!

mga kabahag,
ilang tulog na laang at magkakatestingan na naman ng anting ang
mga mangyan. hehehe. sana'y samahan tau ni lady luck...

blackjack
September 25th, 2006, 03:54 PM
gandang hapon mga kabahag!!!!

may isang mangyan na naligaw dine sa naujan kanina, walang iba kundi si kabahag chuckee.... ang Canadian Mangyan he he he he!!!! Ibang klase ang mangyan na ito.... mistisuhin at kahit lolo na eee Hip-hop ang dating nya ha ha ha!!!! Kwentuhan na naman puro chicken talk at maya-maya ay sinundo na ni louie na taga-Bancuro... kakilala din ni goryo itong si louie na kaibigan nina chuck. pupunta daw sya sa san juan sa stag derby..... masaya na naman kitakitz natin nyan.....

Ka DD

dadalhin ko ung Ballantine na pasalubong ni Chuckee sa grupo.... bahala ka na sa pulutan ha ha ha ha ha!!!!

pinadalhan ko ung kasama ni chuck na aficionado din ng isang pullet (sweater-hatch) at isang cockerel(hatch-dirty grey).... half-siblings ang mga ito pero subukan daw nila i-breed..... abangan natin magiging resulta..... next time post ko pics ng lahi na dinala ng mga yun he ehe he !!!!

OO nga pala ..... MAY LUCK BE ON OUR SIDE!!!! nxt week n kc laban.... malapit naaaaaaa!!!!!

goryo888
September 25th, 2006, 04:27 PM
Naku Ka BJ....nakadale pala sa iyo si Louie ng nokiz ah...ayos yang batang yan....hehehee Nakita nyan yung BJ Spangle ng minsang ibutaw ko....naku ay tagahanga ng mga nokis mo yan...hehehee

Pakikumusta kay Ka Chuck...

Ka MM...naku ay meron...kaso dehinz ko pa maupload sa PC ko...nasa Vid Cam pa...nawawala yung cable ko...

At naku...ay di gaanong magaganda ang kuha eh, paano gay pag nagbabakbakan na eh ang Cameraman ay nanonood na rin...hehehe kaya ayun...wala na pala sa tamang sipat ang Camera....heheheee!!

Halos yun lang kuha ni RR ang maayos eh...nung ilampaso nung Razon Red (Butcher RH) yung manok ng taga Baco daw yata na kalaking mamusta....ayun parang pinaglaruan laang...hehehee

Yung Kulang pa ng ilang araw sa 6 mos...another Razon Red din...medyo ayos ang kuha...Totoy na totoy...nanalo pa sa dragfight pa umabot ang laban...hehehee tibay ng manok ni Prez SP!!!

muk_mafi
September 25th, 2006, 05:22 PM
ka goryo,
ay sya aabangan ko na laang kung kelan mo mai-upload. kung maaari
ay sa photobucket sir gawa nang marami site ang banned dine.
thanks a lot!

ka BJ,
kasarap cguro pumunta ng SJ ah... dami kabahag ang present.
kaya tuloy ako'y kating-kati na umuwi rin. :lol:

ilan months ga ito nilaban ni ka goryo na spangle? mukhang bata pa rin.
ganda ng hubog ng katawan, parang ang lakas pumalo... asan na ito
ngayon? buhay pa ga?

blackjack
September 25th, 2006, 05:29 PM
napadaan ako dun kena tito tony at ok na ung razon red na pang entry mo sa fastest kill he he he!!!! ayos na rin ung spangle mo.... tyak ay gugulang un dun.... waiting 4 d point master nya ha ha ha!!!!

blackjack
September 25th, 2006, 09:58 PM
yang spangle na yan ay na ke goryo na at dun nya iniwan sa tito tony nya sa naujan..... mga 10 mo old lang yata yan nung nilaban ni goryo..... asil RH ang ama nyan kaya di guapo ang porma. nainip n cguro ang mag-uulot ni goryo at dalawang beses na napakalas tari nya nung dinala namin kaya pinares na sa magulang na manok.... multi-winner pa. buti na lang d napahiya ang mga mangyan he he he !!!! di ko lang alam kung ok ba palo kasi nga di namin napanood ni SPSP he he he.... pareho kami nakahawak sa bote ng san mig at namumulutan ng sampayne habang nagpapaluan mga manok. ayun di naka pusta si SP at pareho kami walang nakita nya ha ha ha!!!!

goryo888
September 26th, 2006, 01:14 AM
Naku Ka MUK......ang tindi nyang Spangle na yan...ng mapalaban yan eh ang galing ng pagkakapanalo nyan...nung matapos laban at nagbabaan ang mga ususero..may nagsabi pa na pang 110K ang palo eh...hehehee kaso 110 php lang kaya ng mga mangyang ipusta.....heheheee nawala yung big K!!
Naku eh 35 mins sa pressure cooker bago lumambot yung kalaban eh....tindi ah!!

Basta manok BJ....wag ka matatakot...may kalalagyan sila!!

Ka BJ...katatawag ko lang kay tito Tony..ok na nga raw...sana ok din pagkokondisyon nun...di bale monitor ko naman yun...at paki Alalayan na lang sa araw ng laban....ang Pointing ang importnte...at paki paAlala rin...kung bibitawan nya eh...kung may GUHIT man ang ruweda kung sakali...iatras lang ng mga isang talampakan at IBITAW na yang Razon Red na yan...hwag pakalayuan ang bitaw...magandang UMANGAT yan...konting salida lang angat agad yan..kung masabay kalaban siguradong Ilalim yun....at may sigurado na agad ang Pobreng mangyan dine ng bawi sa gastos!! hahahahahaaaa!! 50K premyo nyan!! Nyahahahaahaa!!

muk_mafi
September 26th, 2006, 02:17 AM
ka goryo,
naalala ko na, yan yung nilaban nyo sa victoria cockpit. ganda nga ng katawan nung manok, mukhang malakas pumalo talaga.
may asil blood pala kaya di masyado pogi ang ulo; pero pogi ang palo! :lol:

ka BJ,
bakit marami breeder ang nagblelend ng asil sa mga breedings nila? pangit kung tutuusin ang itsura... kung pangbenta ay di masyado ma-impress ang bibili sa itsura nila. kaw palagay ko ang may idea dine kaya kaw ang natanong ko. hehe.

goryo888
September 26th, 2006, 03:12 AM
Ka MM....naku ay bentahe para sa akin yan...lalo na kung pansariling gamit...at kung pambenta din naman eh OK din..lalot kilala naman si BJ na maaayos ang mga manok...hindi aabot sa puntong panlaban ang mga manok nyan kung walang kwenta at Itsura lamang ang meron....

Mabuti ngat may INABOT pa akong manok nya kahit ilang piraso lang....heheheehee...sa susunod madami dami na yun...heehehe

Kahit 2 o 3 piraso lang Ka BJ basta manok mo OK na sa akin....sa muling pagBabalik....eh pano pa yung mga Razon Fowl..naku sangkatutak yun....lao na ngayong season na ito....ehehehehe mas Malulupit ang magigng palabas ni Prez SP sigurado !!


Ka DD...yung Grey mo andn lang kina tito Tony...nagpunta na pala don si BJ..eh dehinz yata nabitbit...sabi kasi ni nante kina BJ muna para madali nyang makuha....hehehee!! Ay sya tutal bata pa naman yun...pagGulang nun doon dehinz nyo na mkukuha yun...nyhahahaaaa Jok jok!!
Lakas MAMALO nun...talagang isang garute nun eh hindi na kailangang ULITIN eh....manok ni Kapitan Baculo ang nakalaban nun...pinsan pala ni Ka MH3.....heheehehe pero doon sa Gilmore ni ka MH3..kasama ko sya sa pusta.....heheeh ilang beses din naman yang nakipusta sa manok ko..pero nagkakalaban pa rin...ok lang manok manok laNG NAMAN EH....
Sina Teddy nga muntik ng makabanga mabuti KINALAS yung kanla...eh ako pa naman LABAN sa lahat basta inulutan si ako eh LABAN tayo.....heheheeee

goryo888
September 26th, 2006, 03:35 AM
Maganda kasi sa Asil...tukoy ang patatamaan...


Si RR..nung tinatarian na yung Razon Red...tabi sa akin...pre, kina Ninong yung makaalaban ng manok natin...sabi ko OK lang...kasi ang alam ko sa Dragon na maanok..kaya laban ako...ayun...nakita nung handler na nandun si ako sa tinatariang Razon Red, na entry ko sa Fastest kill ngayong Oct 11...KINALAS yung kanila...
Txt daw si BJ kay RR...naku Pre Awatin mo.....heheheehee!! Kakahiya daw kina Teddy...ang sa akin naman kung tinuluyan nila...at nakita nila ako sa taas at dineretso pa rin nila eh SIGE lang Laban din si ako....ayn matapos ang laban...sabi nung handler eh...mabuti pala at di doon napalaban yung manok nila.....heheheeee

muk_mafi
September 26th, 2006, 03:40 AM
gary,
tama ka, di yan ibreed ni ka BJ kung di maganda. kaso mukhang wala ako aabutan sa mga palahi nya. hehehe. 2 na laang ang stags dun, mainit pa sa mata. yung 1 nga inilikas pa at baka madali ng mamimiyesta. :lol:

kung ako magbreed e mas gusto ko talaga ang di masyado pogi pero super naman ang palo. para dehado ang mangyan at di mahirapan pumusta, mas malaki pa ang tatamaan! nyehehe. pag nagkasabay tayo ng uwi e patesting ko naman sau mga alimbuyog namin. di rin ito pogi pero di nadedehado. hehe. kaso paubos na lahi nila, 4 na lang ang tira ngaun. 2 YL (dalusapi look)at 2 BL (dark feathers). yung mga YL ang favorite ko, hirap talunin. ayaw magpakabig.

goryo888
September 26th, 2006, 03:49 AM
Naku Ka MM...sana ay pinasubok mo na sa akin yang mga yan nung nandon ako....ang kulang sa akin ay ang manok na ikokondisyon nung NANDON AKO SA ATIN.......

Sya sige pag UWI uli...testingin kob yang mga alimbuyugin nyo...

Kay BJ laging UBOS ang manok nyan kaya dapat magpasabi ang may gusto...para makapagtabi!! heheheeehee

muk_mafi
September 26th, 2006, 03:51 AM
di talaga papayag priming na maglaban kau kc di sya makakapusta. hehe. solid barkada ang mga yun nina teddy e. pero ang alam ko e magkaiba ang manok ni teddy sa mga manok ni boyet dragon. si dragon e masarap din kalaban kc di na yan bumibili ng mamahalin manok ngayon, kaya pag may paderby sila ay pinipili lagi mga taga bukid ang tapatan. awa naman ni San Pedro ay di rin magchamp kahit 2-cock! :lol:

muk_mafi
September 26th, 2006, 04:02 AM
gary
lugon pa lahat yun til now. pero sabi kumpare ko ay kinukundisyon na daw yun 2 blacks at ilalaban next month. ako nga e magpapasagot na laang ng piso. hehe. yun 2 YL ay si ako ang maglalaban sa february (pareho ito bred sa likod bahay ko kaya mahal ko ito talaga :lol:). wala kasi magawa sa bahay e. hehe. yung 2 blacks ay bred nung kumpare ko pero may common blood sila. yung 1 YL ay 2x winner na; una panalo ay 8 mos pa lang, 2nd ay 1 1/2 yo.

ito talaga winning line namin pre. yung mga una lahi namin ng blacks ay 1 panalo lang lagi, natatalo na sa 2nd fyt. pero nung makapagpalabas kami ng mga YL brownred ay dun nagstart ang maganda linya. meron 1x, 2x, 3x, 4x at 5x na nanalo sa magkakapatid. lahat nung nalo ng 2x or more ay di nabawian, namatay sa panalo.

blackjack
September 26th, 2006, 05:03 AM
wala na ako masabi sa mga tanong mo.... at nasagot na ni gary he he he!!!! mas maganda kc ung pangit at madali ilaban kahit sa tupada makakaharang ka. kaya meron ako nyan!!! di na importante ung porma at di naman strictly 4 commercial palahi natin.... pang gamit lang at pang kaibigan he he he!!!! d rin mataas presyo pangbawi lang s feeds at suporta sa susunod na palahi nya ha ha ha!!!!

maganda talaga yang asil RH.... dinadaan-daanan lang yan ng mga pumipili pero pag naipanalo na ay balik ng balik at puro maalwan at super ang palo. ung unang pinagamit ko kay goryo ay parang di nya masyado gusto at pangit nga... pero 2 wins sya in 9 days... sa derby pa ung pangalawa nyang laban....pa champion ung kalaban namin he he he!!!! at 10 1/2 months old sya nun.....

dahil sa hirap ng pagsuporta sa mga alaga ay di ko pinapaabot sa cording age kung wala sila potential..... lalo lang mapalaki gastos he he he!!!! kung ipamimigay ko naman at mediocre lang galaw ay mapasama pa ako... lalo na kung ibenta he he he!!!! kaya i try to sell them d best and fight the rest.... ung gamit namin ni gary ay mga pinagpilian na un he he he!!!! late na kc umuwi yang mangyang yan... mayo na... sana mga dec o enero para sapul agad malalagkit na labanan nya ha ha ha!!!!

katatawag lang ni SP sa cel... ib na daw ung matanda...maaga 2log maaga din gising he he he!!!!

sa pula sa puti
September 26th, 2006, 12:16 PM
Magandang Hapon Po Mga Katribu
;)
SPSP is back from Nueva Ecija family
reunion and blessing of a sisters resort,
GREENLANES RESORT HOTEL at Kalikid
Sur, Cabanatuan City. PM lang kayo for
90% discount.

Bale 3 days ako nawala sa mangyanland.
Ok naman ang 5 stag warriors natin.
Leading pa rin sa selection ang Mangyan
Bulik at Mangyan White. 3rd ay isang
RGL ni candidate member NeoM.

Ready na Mangyan spsp, bj and gaffer
rowelB will board Altantic 1am Oct 1 and
ETA san juan coliseum 530am.

NeoM, and his handler will follow day of
fight.

Jeff

Kung di magbabago kilos ng manok dito
sa mangyanland, 3 dito 2 dyan ang
gagamitin natin. Pag may na slash dito
sa 3 stags, that means dyan sayo lahat
manggagaling ang pang finals. Ok lang
ba sayo? bale anim ang kinukundisyon
ko dito pero tatlo lang ang kumpleto ang
laro, yung iba, may kulang, baka maswerte
pag galing sayo pang finals.

sa pula sa puti
September 26th, 2006, 12:32 PM
OCTOBER 11 FASTEST KILL

MARK of UNIVET THUNDERBIRD called me
up last night, the request of Victoria Cockpit
for a set of DIGITAL CLOCK was not
approved by their office for reasons I did
not bother to ask and he did not bother
to explain. So there is a little problem with
regards to the timer of the event.

Now I am thinking of buying a better and
more accurate digital timer, a made in Japan
timepiece, though small, but indicates a fraction
of a second, which is the one needed in
fastest kill events. A video camera and TV
will be set up so the time will be shown and
visible to everyone in the cockpit. ANO PO
SUGGESTION NYO MGA KATRIBU? This one
is better than a small stop watch only the
timer can see! Medyo Matrabajo lang
Magkabit ng video camera and TV pero
may technician naman gagawa.
The set up will be tested at least 2 hackfight
days before the derby para sigurado.

ANO PO SAY NYO MGA KATRIBU?

grandeur0
September 26th, 2006, 12:33 PM
mga kabahag karating ko lang kaya open kaagad ako g cp
pilitin ko a makarating sa SJ oct 2

ka goryo
kmusta na tumawag ako doon sa dti mong no# bago ako umuwi dko ma kontact bkit ganon kmusta ka naman dyan

kmusta na lang sa inyong lahat

goryo888
September 26th, 2006, 12:44 PM
Kuya SP...Ok na yang ganyang set up......basta makita ng mga mananabong na malinis at maganda ang daloy ng iyong PaDerby...alam ko naman na yan din ang hangad mo...at ng buong Tribu Mangyan!!

Yan ay siguradong pag uusapan sa buong Mindoro!! Naku eh mga BIGATIN dyan sa atin ang mga lalahok eh!!

Sya sya ayos na yan...Gudlak sa lahat ng Laban mo at ng buong Tribu!!

goryo888
September 26th, 2006, 12:50 PM
Ka GrandeurO...mangyri ay di ko pa nakukuha yung replacement nung nwala kong SIM card.....


Sya gudlak at makakapanod ka pala ng CF Stag Derby....swerte mo!! Pati Fastest kill ni SP hagip na hagip din.....wheeewwww...Pauwi na uli akooooooo!!!

Nyhahaahha!!

grandeur0
September 26th, 2006, 12:50 PM
mas maganda nga yang plano mo kasi unang pa derby pa lang yan mas maganda na malinaw at malinis ang palaban para mas maraming sumali sa sunod na pa derby

sa pula sa puti
September 26th, 2006, 01:00 PM
A small digital timer with fraction of a second function, a sony videocam and a TV Monitor

Malinis, parehas, at maginoong labanan!
YAN ANG IBIBIGAY NG TRIBU MANGYAN.

ano po suggestion nyo mga katribu para
masiguro natin ito?

grandeur0
September 26th, 2006, 01:14 PM
ka sp sp
mag kano pla yan? tayo ba ang maghahati hati sa expenses nyan sa akin ay okey lang marami naman tayo eh kaya nga mas maganda ang marami di gaano masakit sa bulsa

blackjack
September 26th, 2006, 01:19 PM
no additional suggestions coming from my end except INSTALL IT IMMEDIATELY.... nya ha ha ha!!!! first time yan d2 sa isla courtesy of Prez SPSP and TRIBU MANGYAN!!!!!

galinnnngggg ng opening salvo ng tropaaaaa tapos magchachampion pa sa SJ he he he!!!!! mag dilang angel sana uli si BJ nya ha ha ha ha!!!!!

cge kitakitz na lang tayo s SJ mga kabahag...... dala ko pasalubong ni chuckee sa tropa... pang celebrate sa tropeo bwa ha ha ha!!!!

DingDong
September 26th, 2006, 01:41 PM
ka goryo,

andun pa pala yung tinola grey namin. kita nyo
mga kabahag, isang pipitsuging manok laang
iyon pero dahil sa galing ng pagkahanda ei
naipanalo ni mr. pointmaster. sana ei abutin ko
pa yun sa uwi ko sa isla sa december at ako naman
ang maglalaban. aare ga iyon sa derby, ka gary?


baka naman ako ay makarating sa cf stag derby,
bising bisi dine ang inyong kabahag ei.


sya sige mga kabahag, sumaglit laang ako dine
at baka sangkaterbang dahon ang basahin ko
kundi ako dadalaw dine.


sa muli!



:rbounce:

goryo888
September 26th, 2006, 02:13 PM
Ka DD........Alam mo ga ang kwento nung Grey na yun?? Palibhasa sa Victoria nga napalaban di baga?? Ay sus.....nung una ang daming nagaUlot...sabi ko agad sa taga ulot ko...basta may umulot laban agad...nakita ko na yung mga manok sa loob eh....naku..palibhasa yata areng nagaUlot eh mahina pa eh...titingin pa sa akin...AYUN...maya maya iipis ipis na yung nagaUlot matunugang sa akin....tapos nandon pa si SP na kami ang laging magkakahalubilo, si BJ...kaya ayun hirap mapalaban...
Di ako nakaTIIS...ang bagal ng taga Ulot ko may lumapit na naman...sabi ko agad eh konting kahig pa laang eh tarian na yan....pag tingin sa akin nung nagaUlot eh...sa iyo yata are Boss?? ay ayaw ko na...sussss....Ayun napalaban sa MANOK NI KAPITAN BACULO.... heheheee, sabi ko'y are'y isang palo ay hindi na uulitin...ayun nga...pag kikig ay halos matabunan yung kalaban eh..tulo ang Dugo...eh patay ka na!! Panalo yung DD Grey!!
Pwede yun ka DD...nakaGulang na ng konti yun at pag ayos na balahibo nun eh mas maganda lalo pamamalo nun, nung ilaban ko yun eh laglag na halos buntot....at dami ng murang balahibo!!
Basta makaisa yun eh dehins na uulitin...malakas mamalo!!


pag kako ikakahig mo eh sa dibdib lagi ang sapo at hwag lalargahan sa kahig...at talagang di magkakaIntindihan yan at manghahalab yan ng husto......

blackjack
September 26th, 2006, 02:24 PM
nakoww pooo.... DD parang hold-uper line ni GD ang datinggggg!!!! black spur pa yan mga kabahag!!!! he he he he!!!!

muk_mafi
September 26th, 2006, 04:43 PM
ka DD,
katakot-takot na pananahod ang aabutin dine ng mga mangyan pag are'y
idinerby mo. hehe. pero kung ako ikaw ay ihakfight ko ire at masarap
ipang-harang. iba rin yung nakalalamang ka ng kaunti sa ulot, yun laang
ang maitutulong natin sa manok pagdating na sa sabungan.

Magandang araw po sa lahat ng kabahag! ilang tulog na laang at
magkakaintindihan na... :D

DingDong
September 26th, 2006, 06:30 PM
ka goryo,

he he he, sa wari ko'y sa kuhang ire ei tapos
na ang laban. parang may tahi na sa hita at
dibdib e. nung una nga ei alangan ako ipadala
dun sa iyo at hindi bagay sa gandang lalaki mo.
pero sabi ko nga sau nun ei may kaunting palo
naman yaan.


ka muk,

madalang kasi ako lumaban ng hackfight at hirap
na din mapalaban lalo na kung dun laang sa amin.
dumating kami sa punto ni utol na di na nahawak
ng manok namin dahil nga ayaw lapitan sa ulutan
ei kapapangit naman ng mga manok namin. kaya
sa mga small time na derby na laang kami nasali.
minsan ei nakakasilat din naman. sa parehas naman
na timbang ei okay yaan, di naman naatras sa
away ang tinola lines namin. dati nga ang kalaban
namin ei kay mayor alvarez, brownred na pogi ang
kay mayor, uhugin na dalusape ang sa amen, hi hi hi
ayun nakasugat naman ang kay mayor. natsambahan
sya ng tinola line.



sya sa mga makakarating sa SJ, kitakits na laang tayo
dun (kung ako'y makasilip ng oras, abala talaga ei).




:rbounce:

muk_mafi
September 26th, 2006, 06:49 PM
ka DD,
kita ko mga kasamahan nitong talisayin mo sa gallery mo. magaganda rin,
may binanggit ka dun na may kukunin ka pa full brother nung isa talisayin,
nakuha mo ga yun? maganda rin siguro.
kaw daw ang katulong ni Prez SPSP sa pag-handle ng mga stags kaya wag
muna iinom ng marami.:lol:

DingDong
September 26th, 2006, 07:00 PM
ka muk,

yup, anytime pwede ko na kunin yung utol nun.
baka may bitbit pa akong dirty grey, harold brown
grey x black mcrae. sana ei may maisubi ako sa
bay-ong, hi hi hi hi. hirap kasi kumuha ng grey dun
kasi yun ang favorite nya. sa pula baka makadali
ng super kelso, sana maganda ang gising ng
kumpare ko, wehehehehehehehehe. kaso lang ang
layo ng lugar nya sa bulacan, hu hu hu hu! pero ang
sabi sa akin basta raw hipuin ng bunso ko ei bitbit
na namin kaya tuturuan ko muna humipo ng manok
si totoy ko, hi hi hi hi.

di naman ako nainom lalo na pag walang katabi
nyahahahahaha. sige alalay muna ako kay prez
SPSP.


sya larga na ire mga kabahag, tuloy na tuloy na
tayo sa SJ.



:rbounce:

muk_mafi
September 26th, 2006, 07:06 PM
ka DD,
aba'y kunin na at magulang na iyon. hehe. tapos na ang lugon kaya tyak
poging-pogi na yun. turuan mo si tutoy na 2 manok agad ang hawak! :lol:

DingDong
September 26th, 2006, 07:12 PM
ka muk,

uu nga, magulang na yun. balak ko sana kung
may pooling uli ng manok para sa CF GD 2007
dun sya magta-try-out. pag nagustuhan ng
maaatasang handler ei larga yun sa laban.

si totoy ko ei kakaisang taon pa laang nitong
june 2006. natakbo na naman ng kaunti. sunod
na ituturo ko ei paghipo ng manok, nyahahahaha.


:rbounce:

malayan_heat3
September 26th, 2006, 08:37 PM
Mga kabahag msta na ba kayong lahat
dyan? sa wakas naayos na rin ang aking
internet pwd na tayong mag-post minuminuto
buti na lamang at madaling naayos.

Ka BJ msta na kaw dyan? ang gaganda pa pala
ng natitira sa iyo na mga stag sana may maa
butan pa kami ni ka muk_mafi na panlaban
siyanga pala ang aking share ay ipadadala
ko na lamang dyan bago mag linggo ha at ng
makasali naman ako.

malayan_heat3
September 26th, 2006, 08:44 PM
Siya ingat plagui kayong lahat dyan
sana kumapit sa atin ang suerte at
ng ang MANGYANG TRIBU naman ay
makilala sa alin mang parte naksss
ang BIGAT siya INGAT MULI KAYONG
LAHAT.

siyanga pala may entry nga pala ang
kabahag ninyo sa paderby ng mga
CABAYAN HOW ARE YOU GA.
entry ko malayan_heat
TRIBUNG MANGYAN
SIYA GUD LUCK SA MGA LABAN NINYO.

goryo888
September 26th, 2006, 11:15 PM
Naku Ka DD...Ihakpayt mo na nga laang....wag na laang ikaw hawak sa ulutan....

Kaya sabi ko sa taga ulot pag may lumapit at humingi ng kahig eh Labanan mo agad...eh paano gay nung sumingkad na ang katawan ay par`ang kalabaw yan eh....hindi sila makakalaki dyan.....hehehee!! pero nakalaban nyan eh halos kasing laki nya at syempre talo yan sa pigura....ay sus ng magpaluan na....

Syempre manok DD...matindi yan....heheheeee lalo na ang DD cock...nyhahahaa...... laban sa lahat!!!:D

muk_mafi
September 27th, 2006, 12:56 AM
ka leony,
naku baka wala na tayo abutan jan kay ka BJ, mainit sa mata mga stags nyan. hehe. daig pa ang orchids sa harapan sa ganda. :D kelan ho baga yung paderby ng CAB? good luck na laang...

goryo888
September 27th, 2006, 03:40 AM
Mga Mangyan...tagay tagay!! Stewart, Kuya Nestor at BJ!!

sa barbekyuhan sa tabi tabi ng sabungan sa Cinco...are'y nung mapalaban yung dalawang mayahin ng mangyan!! Parehong Panalo!!

http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/100_9345.jpg

malayan_heat3
September 27th, 2006, 05:53 AM
HOY ang guguafu naman ng mga nag
iinoman na mangyan ahhh tirhan ninyo
kami ng pulotan ha ka BJ, SPSP, AT GARRY
dadating na kami ni ka muk_mafi di ba ka
boyet heheheh.
siyanga pala sa dec. 21 ang derby sa bats.
kaya lamang ang bibigat ng mga kalaban
bahala na matapang naman ang mga mangyan
kahit mamatay basta lumalaban ok lamang.
siya ingat na lamang kayong lahat dyan at
tutulog naman ang mangyan BYE.



malayan_heat3
TRIBUNG MANGYAN

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 07:09 AM
Of the six selection:
4 ok na ang kilos, in na
1 ok pero kulang sa break, out na;
1 inilaban ni goryo sa hackfight bago siya umalis, panalo.

Their SPECIALTIES:

Bulik na may lambi, di natatalo sa break;
Mangyan White, sharpshooter.
RGL, MR speed. MR SLIM.
RYL, mailag. magaling lumaro.


sINO MAY IDEA SA LEGAJO,
Ano maswerte kulay ng paa?
Ano bwenas kulay ng balabiho?

Jeff, DingD,Bj,Muk,Grandeur,Stewart,MalayanH,Chuckf,Gori ,
Muk,Jb,TeodyC,SonnyDC/Sam,spsp, sino pa wala dito sec?

goryo888
September 27th, 2006, 07:51 AM
Kuya SP.....isalang mo kaya yung puti at pula...yung RYL..tutal handle mo eh Sa Pula Sa Puti.....heheeheee
Tapos yung Bulik sa Finals na...kumbaga eh isang off colored fowl sa isang araw....Champ na yan!!!
Sarado pa CP mo eh...natawag ako't mangungumusta eh..mabuti at nabasa ko na....AYOS naman pala eh...sya Panalo na lahat yan!!

Mt.Halcon 888
September 27th, 2006, 08:11 AM
Gandang umaga,

Musta mga kabahag?
Ka Nestor,nakahanda na yung gagamitin ko sa pa fastest kill natin dyan,pag di nagloko e malamang 3 yung madala ko dyan,lahat e mga sugod ang style kahit sa malayo ibitaw e talagang susugod,hehehe.

Pag dito inilaban sa maynila yung talisayan na yan e sigiradong doblado ang tawagan dyan,sarap manahod dyan,tama si BJ mukhang holdaper.

ka DD,sabi mo yung anak mo e tuturuan mo ng humawak ng manok,yung anak ko e mag aaral naman magtari para kompleto na,me handler at gaffer na tayo hehehe.

Ka joey,musta mga sundalo natin dyan,post mo naman mga panlaban natin dyan,masyado mo naman tinatago.
lapit na ang kita kits . . . . .

muk_mafi
September 27th, 2006, 02:09 PM
mga kabahag,
magandang araw sa lahat! lapit na ang pakikipagsapalaran ng mga mangyan
sa maynila. hehehe. ilang tulog na laang.

tanong po mga kabahag; bakit si gary e 4 na ang nainom e yung 2 ay tatlo pa
laang?... tapos mas marami stick ng barbe-Q dun sa 2... :lol:

ka leony,
sinilip ko yun thread ng CAB, kadami ng entry ah. more than 60 na e sa
december pa pala yun. sana'y abutan ko pa kau dun sa pinas, february
pa ho ako uwi.

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 02:15 PM
ka jeff

Ok. Good. Talagang mukhang masaya
palaban natin. Halos karamihan ng mga
kilalang cockers nagconfirm na.

Ka Gori

Ok,nice idea.

Mga Katribu, comment kayo dito.

Tx ito ni Ka GrandeurO, may dala siya
Dr Blues B15, .50ml IM 7PM day before fight,
at .20ml IM after limber, day of fight.

POINTMASTER GORYO888

What can you say about this?
Yung Vitalert natin nagkulang ng 1 caplet!

DingDong
September 27th, 2006, 02:17 PM
ka goryo,

yung manok DD ei okay yun pero ang DD cock
ei isa laang ang may-ari, si esmi, juan&only!
siguro pwede laang hiramin ng iba, wehehehe
beeerrrroo laang po, kay esmi laang ire, blag!
blag! blag!, naku may nagdabog, aray!


ka jeff,

sige, dapat ei maagang matutong magbasa si
totoy ko at nang maagang mamulat sa mundo
ng manok, hi hi hi.


Prez SPSP,

wala dyaan ay sina alimbuyog at neoM (bago).
ala ng legalegajo prez, basta maganda ang
garote, ayos yaan, panalo na yaan.


sya paalam na muna uli, tawag na yata ako ng
auditor. kahirap ga nire, lagi na laang may tanong
e. ingat mga kabahag.



:rbounce:

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 02:25 PM
OK KA DINGDONG WALA NG LEGAJO PA!
he he he. Tapang talaga mangyan.

DingDong
September 27th, 2006, 02:26 PM
Prez SPSP,

di ko agad nabasa ang post mo tungkol sa
Dr. Blues B15. di pa ko nakakagamit nyaan.
ang suggestion ko ei subuki muna dyaan
sa sabado o linggo sa hackfight kung ayos
baga ang epekto nyaan. kasi mahirap na
baguhin sa huling sandali ang iyong programa
sa conditioning at pointing. B15 yata ei vits
din yata. ano ga ang specific na active ingredients
nyaan.

siguro si ka jeff ei nakagamit na nyaan. o baka
meron dito sa iba nating kabahag ang naka
testing na nyaan ei imik naman dine.


ka grandeur,

baka naman ikaw ei nakasubok na nire. ano ga
ang epekto nito?



:rbounce:

muk_mafi
September 27th, 2006, 02:27 PM
Prez SPSP,
pasensya na po, wala ako maitutulong jan. ang alam ko laang ay bumitaw,
pumusta at kumain ng bihag. :D

mga kabahag, tulungi si prez dine sa tanong nya...

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 02:38 PM
Update sa FASTEST KILL

MANSALAY, Mayor Papasin, mild stroke pero papadala entry,
ROXAS, Mayor Dimapilis, 2 entries;
BONGABONG, Mayor Alex Enriquez, 3 entries;
BANSUD, j j SOLLER, 2 entries;
GLORIA, Mayor Alvarez, confirmed;
PINAMALAYAN, aRIS bALDOS jR 2 entries;
SOCORRO, kITS umbao, 2 entries;
VICTORIA, di maalam magsabong meyor namin; he he
si Kap AWEL na laang ang representative ng Victoria.
NAUJAN, DRT COLISEUM, dANNY tEVES, jP tEVES AND mELCHOR
caLAPAN, bOYET Chua Dragon and Edgar, CINCO
puERTO Galera, Teo Atienza and Ka Tuna

MASAYA palaban ito mga katribu.
11 TOWNS ANG REPRESENTED NG KANILANG LEADERS!
Mga leaders lang yan, yung mga tunay
na magsasabong at magmamanok
madami na po nag confirm.

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 02:42 PM
Paki REVIEW mo ako.
LAST 5 DAYS POINTING and SUPLEMENTS
para sure ball. At yung carboloading paki
detalye dito he he baka sumala si lolo
nestor matanda na.

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 02:48 PM
DR BLUES B15 ginamit ko sa CF GD JAN 06
PERO DI AKO NAGBIGAY DAY OF FIGHT
AFTER LIMBER.

ANG GAMIT KO SA B15, .02ML EVERY OTHER
DAY ALL THROUGHOUT THE KEEP THE LAST
SHOT DAY BEFORE FIGHT.

WALA LANG ITO SA RESETA NI MR POINTMASTER
KA GORYO888.

KUNG MAY NAKASUBOK NA SA ADMINISTRATION
NG DR BLUES DAY BEFORE AND DAY OF FIGHT
POST NATIN DITO FOR DISCUSSION.

lets hear from Mr Pointmaster GORYO888.

muk_mafi
September 27th, 2006, 02:50 PM
prez SPSP,
sa oras na ire ay tulog na tulog sigurado si kabahag goryo, gawa nang
duon ay 12:30 am pa laang. asahan mo yan mamya 10 pm pinas time...

DingDong
September 27th, 2006, 02:50 PM
nakupo, prez spsp, ngayon pa laang ei
pauna na ang aking congratulations sa
pa-derbing ire. kabibig-at pala ng mga
kasali ei. sus, buti na laang at wala akong
sariling entry, baka hindi umubra ang tinola
at kalamansi lines ko dyaan e. sasama na
laang ako ng dasal dun sa switir-switiran
ko na ilalaban ni preng JB dyaan sa derbing
yaan. sana'y maganda ang maging resulta
ng laban ng switir-switiran namin.

PM na laang at baka ma-broadcast ang
sekwet ni pointmaster gori.


:rbounce:

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 03:03 PM
Baka may alam ka mabibilhan ng
Digital Timer Start Stop Clock na may
MINUTE/SECONDS/FRACTION OF SECONDS.
Pwede pa inquire dyan sa mga friends
natin dyan tutal malapit ka manila
bibili na lang ako instead of requesting
UNIVET THUNDERBIRD madami conditions
ng contract at talaga naman small cockpit
lang ang victoria kaya siguro di na
approve. Or kindly try calling suppliers
in the yellow pages, Paki suyo lang kung
hindi ka busy or habang ikaw ay namamahinga. he he.

goryo888
September 27th, 2006, 04:43 PM
Ka MM...naku ay si Stewart aka Raul Rauro yung nakarami na.....si ako ang kumuha ng larawan na yan....at dehinz umiinom ng alak ang pobreng mangyang are.....heheheeee!!

Kuya SP....tatawagan kita...kung kulang si Tito Tony baka makikita mo, webes na dyan bukas at may sabong dyan....tawagan ko si tito...dalahan ka ng ilan...mangyari ay konti na rin laang yun....para nga duon sa manok mo na isasalang ko dyan sa Fastest Kill!! Padadalhan kita bukas....

Yang ituturok na yan eh kung hindi gamay ang pagGamit ay wag na muna.....yun gang binitawan kong 6 mos mo na si Totoy ay binigyan mo nyang Sekwet Formula natin?? Nyhahaahaha nagagaya na ako kay Guapitz nito...heheheee

Napansin mo ga na Gising?? pumipilig ang ulo eh...ayos ang pointing mo doon...tapos wala akong nasalat ni isang butil ng maiz sa butse!!
Sya yan na laang ang gamitin mo!! Eto ganito gawin mo...tutal madami kang nokiz dyan...subukan mo yang dala ni GrandeurO, tapos Sabado ng umaga at Linggo ng umaga bigyan mo nyang ating Triple Energy ang isa rin...kahit hwag mo na patarian kaya...ibutaw mo na lang sa pahapon yang dalawa na yan pareho....pwedeng silang dalawa ang pagbutawin mo........kahit di inihanda yan..pansinin mo ang kilos...

blackjack
September 27th, 2006, 05:09 PM
wag na natin gamitin ung Dr. Blues B15..... nothing beats conditioning the natural way..... if we see that our fowl's moisture level is right then we can work on keeping them on form and time our pointing feed so that by the time they are heeled they are gut empty..... e2 ang sikreto sa pointing!!!!!

S@*$T-monitoring lang kailangan he he he!!!! last minute conditioning aids are a no-no in my regimen.... wag ka mag-alala kasama mo naman si ako na tagabantay ng mga ipot nya ha ha ha!!!! just make sure that we have a few pieces of ginseng just in case they get over baga!!!!!

muk_mafi
September 27th, 2006, 05:17 PM
ka gori,
si stewart baga yun... kala ko'y si ikaw dahil preho ang hairdo nyo e. hehe.

Prez SPSP,
tama si gori, experiment muna sa paggamit nyan bago formula, kahit saka
na natin gamitin yaan in our future fights.

ka BJ,
yaang pointing na yaan ang gusto ko matutunan e. konti laang ang
nakakaintindi nyan jan satin. yung iba nga ay iba pa ang diskarte; sa
halip na gutt empty ay gutt full pack... kaya pag tinamaan ng tari sa butse
ay sabog ang mais at sapal ng niyog. :lol:

malayan_heat3
September 27th, 2006, 05:52 PM
Magandang hapon mga kabahag msta
na muli ang mga guapitong mangyan?
malapit na nga ang labanan malalaman
na ang lupit ng mga mangyan heheheh.
Ka NESTOR SPSP ang gamot na pang inject
ang pang-kakaalam ko dahil sa kalikutan
ko d2 sa italy nagkaroon ako nang kakilalang
veterenario kaya nakapagpabili ako sa kanya
ng libro kaya nakikita ko d2 ang lahat ng
uri ng gamot ang pagkakaalam ko ang lahat
ng b15 pwd mong ibigay 3 days before fight
dahil yaan lahat ang ginagamit ko pero yaong
1 oras bago ilaban nakapagtesting na kami
sugod lamang ng sugod ang manok walang
deskarte kaya kung sa akin hwag mo na mu
nang gamitin lalo na at mainit.
siya ingat kayo dyan.




malayan_heat3
TRIBUNG MANGYAN

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 09:15 PM
He he he. Natutuwa ako. Super Saya Itong Thread ng Mangyan.

Okey, allright.
Nabasa natin lahat.
Mga kuro kuro.
Advises.
Comments.
Experiences....
and we all...........LEARN.

HOW TO WIN THE FIRST AND SECOND FIGHT?

After selection....
We have trained the warriors.....
Feeds and supplements.....
Excercises.....
Bath.....
Mosquito proofed.....
Lights.....
Sounds.....
Moisture.....
Gaff awareness.....
Gameness.....
Ilaw, lakad,kahig, kaskas, salida......SPAR EVERY 2 DAYS
SO THEY LEARN HOW TO FIGHT.....
Fog....
One SPSP Secret.... (carol nesmith secret, he he,
Gary, give me the pleasure to teach you ano sikreto bakit
si Totoy Bata 5 months 28 days nanalo from behind
sa drag fight against older opponent).

SO ANG KAILANGAN NA LANG NATIN AY:

Tamang rest and relaxation of the warriors....
Warm Bath 5 days before. 3 dips in lukewarm
water drive their aches away....and a dust
bath 4 days before fight.

Frequent Moisture and Weight Monitoring....

Computed Metabolized Energy Loading.....

Complete rest....

Travel or hauling techniques.....

POINT FEED BLACKOUT WATER LIMBER

HEELING AND THE FIGHT!!!!!!!!!!!!!

mr pointmaster,
you must couch to win.

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 09:21 PM
Yung Triple Ginseng bANANA AND SUGAR secret ni Pointmaster di nalilimutan.

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 09:31 PM
Okey mga katribu.

Pahinga na....
Nakakapagod din magasikaso ng manok....
Dalawa lang prepare ko....
May assistant pa....
Pagod na. 56 na kasi.
Pero malakas pa tuhod.....
Puro lalaki pa ang offspring! he he he.

Nasa Loob ng garage ang nokiz natin....
Bagyo and klima...
Signal No 2
Maulan
Konti pa lang hangin.

Tatlo na lang naiwan dito sa house
Yung dalawa, out na,
Dinala ko na sa cord sa San Gelacio.

Kumuha uli ako ng apat na stag
Pang 4 Stag Derby sa Gloria
Promoted by ORMIGBA

Prez R Alvarez
VP BOYET chua
Sec Rocky ILAGAN
bOARD MEMBERS
mAYOR eNRIQUEZ
MAYOR dIMAPILIS
kITS UMBAO
ARIS BALDOS
mANNY cleofe
Membership Fee 5000php
First Stag Derby Oct 21, 2006 (First Leg) Gloria
November 21, 2006 4 Stag Dragon (second leg)

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 09:34 PM
WWWW

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 09:42 PM
KATRIBU JEFFREY

Bahala ka sa pang Finals kung sakali.
Maximum 3 lang galing dito
Pero kung may 3 na dyan
Gagamitin na lang Patusik ang 1 namin dala

Me, BJ and Your Gaffer Rowel alis dito
Saturday night arrive sj aprox 530am sunday.
NeoM, 3 stag owner and his handler will
follow day of fight to bet and watch.
We handle the stags.

May alam ka ba mabilhan ng DIGITAL
TIMER CLOCK NA MAY FRACTION OF SECONDS
Karamihan kasi SECONDS LANG WALANG FRACTION.

sa pula sa puti
September 27th, 2006, 09:52 PM
10PM na, nayt nayt. jeff muk heat gori bj others

Pointmaster, off cellphone ko pag tulog ako
baka ma check ng NBI, FBI, etc...he he he he
Usually on ko ito 7 am to 9 pm manila time.

goryo888
September 27th, 2006, 11:51 PM
Kuya silipin mo ito......+++
http://electronicsusa.com/ck4000.html (http://)

Mt.Halcon 888
September 27th, 2006, 11:57 PM
gandang gabi,

musta mga kabahag,Ka Nestor sige at magtitingin ako ng timer bukas at nakahanda na rin yung 2 stag na ipapagamit ko sa entry natin dyan.
Sa akin laang palagay,ma iistress ang mga stag pag ininjectionan pa natin sila sa day of fight,masakit yun at ang tendency e puro short punches ang ibibigay nya,hindi nya mai stretch ng deretso ang kanyang paa.

ka Gary,ishare mo naman sa min yung technique mo ng pag kukundisyon ng mga manok,kahit bulong laang.

goryo888
September 28th, 2006, 01:05 AM
Naku Ka Jeff.....wag ka gaano magpapaniwala dyan kay Kuya Nestor....yan laang ang naBilib sa akin...pero kunwari din laang....nyhahahaaaa!!

Basta tutok laang ako sa paghahanda at ewan basta may pakiramdam agad ako kung ano kailangan ng manok...kaya mahirap para sa akin magsabi ng ganito ganyan....kung may programa man ako nag iiba iba yun depende sa bawat araw na ikikilos at itsura ng mga manok!! Pag napansin ko halimbawa na medyo naputla mukha ng manok lalo na pag mga alanganing oras at nagpapahinga sila....kahit di nakaeskedyul at wala sa programa ko magturok ngayon...sasasaksakan ko na agad yun ng B12 at Iron dextran sa hapon din ng araw na yun...bilad sa arawan...pahamog sa magdamag...pailaw...ehersisyo..kahig kahig...laro laro...maayos at tamang pakain na depende sa tayo ng pangangatawan at kilos nila, suplementong bitamina at ang TRIPLE ENERGY na binibigay ko day b4 at day of fyt....Syempre
balewala ang paghahanda kung sa mga huling sandali ay masira lang dahil di nagawang iPoint ang manok.....
Alam ko mas marami kayong alam sa akin...siguro may Pakiramdam lang ako na naiintindihan ko ang kailangan ng mga inihahandang manok..sa totoo lang lamang doon sa mga tinalo ang hindi o talaga inasahang manalo...itatanong nyo bakit INILABAN pa rin?? Makati eh..pero pag sinabi ko sa kanila na naku ay pumusta na kayo pandiin are at walang tare magiging kalaban nare!! Ay susss...makita nyo ang laro at kilos...syempre Swerte rin....

goryo888
September 28th, 2006, 01:22 AM
Kaya sa sunod....dehins ko na ilalaban pag di ako kumbinsido na may panalo...para maiwasan ang dagdag Gastos....heheheheee!!

Meron kasi akong pakiramdam na bibitawan na laang ang manok nararamdaman ko na matatalo nokis ko...pero di na magawang ikalas...sabay sa loob loob ko eh bahala na....hehehehe! kahit latag na ang nokiz ko...at pakiramdam ko mananalo, at kasamahan nga natin eh NAGBAYAD na, ayun nakakaSungkit pa nga ng panalo...meron namang pag akyat ko ng ruweda makita ko kalaban kahit anong ganda at laki ng pusta nila at pag pakiramdam ko eh ...naku KUKUYUMUSIN laang yan...ayun nga!! pag binitawan na..parang pinaglaruan!!
Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon..pero Kalimitan!!

sa pula sa puti
September 28th, 2006, 05:06 AM
Mga Katribu

Open ang guest house adjacent to
my house dito sa Poblacion 2 sa
lahat ng dadating na Katribu sa Oct
11 Fastest Kill.

goryo888
September 28th, 2006, 05:52 AM
Naku ayos na ayos ahhh...ay sya...pareserba ng isang Banig...pwede na ako doon...hehehehehe!!


Parang nakikini-kinita ko na na hit na hit sa takilya areng Pelikulang are....sold out na ga tiket?? heeheheee!! Ay mga bigating mananabong ang bida eh...wag silang sisiguro sa mga Mangyan nakuuuuuu....may kalalagyan sila!!
Ka Jeff, Ka JB, Ka BJ, si ako na gamit ay tested na Razon Red, sino pa gang mangyan ang may entry sa aOnse??
Kuya SP ilan ga ang hinahanda mong panapat din sa mga Bigatin dyan??

Ka BJ...susss...napagLamangan mo na naman ako...aba'y pano ka nakakuha ng Visa puntang SJ aber??

sa pula sa puti
September 28th, 2006, 07:48 AM
Ka Goryo

May 18 heads na minamasahe si Lito
doon sa San Gelacio, 4 na ang pasado
nandito na sa bahay, ka kalibre nung
red na nasa iyo, puro high station,
matutuwa ka pag nakita mo, puro
power kick ang alam.

blackjack
September 28th, 2006, 08:15 AM
nya ha ha ha!!! ka goryo multiple entry areng akin.... basta may reliever lang sa tindahan ha ha ha ha!!!! ayun nakakuha naman... pero masama panahon d2 sa atin signal number 3 tayo kay "MILENYO".... hanep pangalan ng bagyo!!!! sana naman gumanda na panahon... brown-out pa d2 kanina pero nagkapower naman after 30 minutes.....

joey bravo
September 28th, 2006, 08:23 AM
mga kabahag,

medyo busy ako dito sa opis, lagi ako pinapadala sa labas on a business trip.........wala pleasure.:(

basta sa Oct. 2 ay naduon ako......sa gabi.

Sa ocotber 11 ay handang handa na panlaban namin ni ka DD na dadayo sa victoria para maki fiesta. yung handler ko lang ang makakarating na si jun jun.

happy cocking to all.

grandeur0
September 28th, 2006, 08:36 AM
gud morning mga kabahag,
ka joey kmusta yon pa rin bang dating cell ang gamit mo nag try kasi ako mag txt kahapon dko alam kung yon pa rin ang gamit mo

kitakits na lang tayo sa october 2

goryo888
September 28th, 2006, 08:46 AM
Nakupo Ka BJ...kaya naman pala.....ay ayos yaan....yung pinsan mo baka asasagila mo...heheheee...bahala ka na diskartehan.....baka umabot sa fastest kill para dehins na me padala pera....

Kuya SP...pkiDikit nga dine ng larawan ng apat na yan....para alam ko pagbalik ko ang tutumbukin ko sa talian....nyahahahahaaa!!!


Ka Sherwin .......kowwwss bale ka pa eh.....ang gaganda ng labang inabutan mo!! Ako'y muntikan laang eh....sa Roligon....umuwi kami...sa Dragon nandon kami di pala tuloy.....sussss KAASARRRR GGGRRRRRRRRRRRRRRRR!!!!!

goryo888
September 28th, 2006, 08:57 AM
Are'y ayos din ang kasa ng Wankata....sussss!! heheheee

http://pic19.picturetrail.com/VOL1088/4065786/12911601/191085707.jpg

muk_mafi
September 28th, 2006, 02:10 PM
ka goryo,
pag sa wankata ay ire ang ayos talaga! :D

muk_mafi
September 28th, 2006, 06:37 PM
ka jeff,
tagu-e ang mga panlaban natin jan at anjan pala ang sentro ng bagyo
sa bataan! :(

sa pula sa puti
September 28th, 2006, 08:07 PM
Ka Goryo

Paliliguan ko muna, purga at ibibilad
ng konti para maganda pict0rial. Puro
pulang lupa ang mga paa, mukha at
balahibo.

Di kami nagkita ni t2 mo sa sabungan
kanina.

Yung trainer ng mga pag SJ natin,
dalawa beses natarian kanina, dalawa
beses din namilay, ayaw pa siguro
magpalaban, baka ikaw ang gusto
maglaban sa kanya.

Uuwi sa December and sister ko, dyan
sya sa El Toro, Buena Park, paki tingin
mo ako ng Digital Stop Clock with
milli seconds function yung maliit lang
kung magkano.

May offer ang Socorro Cockpit na
magpa derby ako ng fastest kill dun
this December. Opening pa lang nila
bukas under new management,
arriendo lang.

He he, danda chicks mo! kayo dalawa ni
muk ha, madami babes!

Boss Joey Ka Jeff

Kailangan ba pa reserve ako cockhouse
for the entry TRIBU MANGYAN I o sama
sama together na lang tayo? Maganda
siguro magkakatabi cockhouse natin.

goryo888
September 28th, 2006, 10:51 PM
Kuya SP...eto tingnan mo...

www.electronicusa.com

Mt.Halcon 888
September 29th, 2006, 07:01 AM
Magandang umaga,

Musta mga kabahag.
Tama si Ka Boyet,nasentro ang Bataan kahapon ng bagyong si Milenyo,itinumba lahat ng tanim na mangga sa farm,walang tubig at kuryente,muntik na rin ilipad yung gradas,nasira yung bahay nung handler ko,naitabi naman ng handler ko yung mga panlaban,kaya lang sa tingin ko tinamaan ng hangin yun.Kaya iniisip ko kung tutuloy pa ko sa derby, sa lunes pa naman yun,ano sa tingin nyo mga kabahag?Baka kasi mapasubo,ang tagal pa naman hinanda yung mga yun,di pa alam kung kelan magkakaroon ng kuryente dun,kaya mula kagabi di na napailawan yung mga panlaban ko sa lunes.

goryo888
September 29th, 2006, 07:20 AM
Ka Jeff....ilang araw na laang.....susss...bakit naman nagkagayon pa....baka naman kung saan laang itinago yung panlaban mo dyan....ay mahirap na mapasubo...ay mabigat bigat din ang labanan dyan...tapos Stag pa!! Pakiramdaman din...kung sa tingin di nagbago kilos at kung MAKATI kati ka katulad namin ni Kuya Nestor ay SIGE DERETSO....heheheehehee gay-an mandin ang Mangyan matatapang...hehheeheee!!

Kung ngayon eh ayos na ang panahon uli doon ay MAIILABAS yung mga nokis mo at maoobserbahan ng ayos ang kilos....tantyahin mo hanggang Sabado...puntahan mo at ng ikaw mismo makakita.....


Kuya Nestor...di yata mabuksan yang idinikit kong larawan...360USD yan...may remote control 2.5 inches ang laki ng mga numero...kumpleto sa hinahanap mo....pero tingin pa rin tayo baka may ibang mas mura mura na maayos naman....subuksn mo ring tingnan yang website na yan..para makita mo ang detalye nyaan...
ay lagi namang sarado yata Celfon mo eh...

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 08:23 AM
Jeffrey

Musta pang finals natin kung sakali
nahagip ba ng bagyo? Wag ka magalala
may reserve naman dito kung sakali
di pwede yan saiyo, laging handa ang
mangyan na may lahing boy scout.

Pointmaster

Di ko nga ma open.
6 am to 9 pm lang open cel ko.
Magkano ba yan canvass mo dyan.
Wala na problema sa orasan sa Fastest
Kill Oct 11, pinahiram ni Boyet Chua DRAGON
ang kanyang digiclock.

Eto Order Mo Pictorial
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/CF5STAGSANJUANCOLISEUM021.jpg

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 08:28 AM
Out na itong Nagiisang Puti, Nabunot ang kuko
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/CF5STAGSANJUANCOLISEUM005.jpg

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 08:31 AM
Eto ang IN no. 1, mangyan red
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/CF5STAGSANJUANCOLISEUM019.jpg

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 08:36 AM
Gary, paki canvass mo pa rin ako ng digiclock
na may milliseconds, post mo dito kung magkano
dahil baka magamit natin sa ibang schedule
ng pa fastest kill natin.

Eto IN no. 2
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/CF5STAGSANJUANCOLISEUM017.jpg

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 08:41 AM
Eto IN no. 3
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/CF5STAGSANJUANCOLISEUM016.jpg

goryo888
September 29th, 2006, 08:41 AM
Ayan nga yung website...pakitingnan mo......360 USD...tingnan mo kung uubra yan...at sa presyo nya baga ay ayos laang...


Tumatawag ako dyan ngayon...wala yatang signal CP mo...

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 08:44 AM
Okay, open na cell ko.

Eto IN no. 4
http://

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 08:49 AM
Gary, open ko yahoo messenger. Di ko
maopen yung link padala mo.


IN no 5
http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/CF5STAGSANJUANCOLISEUM013.jpg

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 08:55 AM
IN no. 6

http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/CF5STAGSANJUANCOLISEUM009.jpg

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 09:03 AM
Manokiz, eto pic na request mo, yung
iniulot mo sa cinco bitaw ni Gary, 5 months
28 days nang mapalaban, won from behind,
bayad na ang ibang pustador, patay na
siya! tatlo tama sa likod, may tama ang
baga. Kapatid nito ilalaban sa CF 5 STAG
Oct 2, 6 months na!


http://i84.photobucket.com/albums/k16/spsp_2006/17092006135.jpg

sa pula sa puti
September 29th, 2006, 11:00 AM
mUK

mUKHANG PATI ako nakukundisyon dyan sa
post mo!;)

muk_mafi
September 29th, 2006, 03:37 PM
Prez`SPSP,
cguroř binabalik-balikan mo. :lol: wag masyado at baka mlimutan ang manokiz natin. hehe.

ganda ng mga pang-entry natin ah. buti at di rin tayo nasapul ng bagyo.

ka jeff,
saklap naman ng nangyari jan sa farm mo. malamang pati iba entries jan sa bataan ay mag-2 isip din. marami pa naman pledges jan.

tama si gori, observe maigi if gusto mo pa ituloy entry mo.

mga kabahag,
malapit na malapit na ito, akoř sabik na sabik na sa mga ikukwento nyo. hehe.

good luck po ulit sa ating lahat!

sa pula sa puti
September 30th, 2006, 05:42 AM
Muk

Tama ka!

Mt.Halcon 888
September 30th, 2006, 09:39 AM
Gandang araw mga kabahag,

Under observation pa ang aking mga sundalong panlaban sa lunes.pero yung ibang entry na manggagaling sa Bataan e tuloy daw sila,kasi di ba Thursday ang bagyo,kinabukasan e maganda na ang araw sa bataan hanggang ngayong umaga,kaya nga napaliguan na sila,pero punta ako dun ngayon sa Bataan at titingnan ko nga kung maganda ang kilos nila.Isang buwang hinanda yung mga yun.

Ka Nestor di pa sigurado yung mga manok ko kaya pakidala na rin yung reserved nyo pang finals. .

joey bravo
September 30th, 2006, 10:44 AM
ka jeff,

sensya na pre medyo naging inactive ako dito sa thead natin.

bukas ay ipapadala ko na mga manok sa SJ para maka pahinga at ng mailawan na din sa gabi.

baka bukas ng umaga ay nasa SJ din ako makiki UZI.



:D

sa pula sa puti
September 30th, 2006, 03:13 PM
Jeff

Okey. Dont worry.
Dala ko na lahat anim na stags.
Puro 6 to 8 months
na Totoy Bata. He he.

muk_mafi
September 30th, 2006, 07:44 PM
Maluwalhating paglalakbay po kay Prez SPSP at ka BJ!

Good luck mangyan warriors... :)

goryo888
October 1st, 2006, 09:59 AM
Nasa SJ na ang mga Mangyan Warriors....kahit mga totoy yun...hindi sila nakakasiguro doon....eto laang ang sigurado...bibigyan sila ng magagandang laban ng mga Manok MaNGYAN!!

Sana MADALE na ngayon ang tropeyo!!

Tribu Mangyan.....Gogogogogoggogoooo!!:rbounce:

muk_mafi
October 1st, 2006, 02:05 PM
ka Goryo,
wala tayo kasama ngayon dine sa keyboard, halos lahat ng mangyan ay punta sa SJ...

sana nga ay samahan tayo ng swerte!

Tribung Mangyan rules!!!!! :hippie:

Raul_Ruaro
October 1st, 2006, 03:11 PM
Magandang hapon mga kabahag!

Kababa lang galing broiler farm ng step sis ko. grabe lakas ng bagyo, tinangay yung monitor ng bubong nung isa namin bldg at nabasa halos lahat yung 40k na load namin na sisiw. Sapalaran na lang kami na palalakahin. Yung iba ngang farm bagsak mga bldg at patay mga alaga nila. Sya marami pa pala ako habulin na basahin dito sa thread.

Magkikita kita na ulit ang mga mangyan bukas sa SJ, sana swertihin tayo. hehehe! Mabuhay Tribung Mangyan!

-stewart-

DingDong
October 1st, 2006, 04:36 PM
ka goryo,

mukhang kilala ko ang background kung saang
lugar kuha ang pektyur na iyon. tama ba ako.
saka parang nakita ko na ang pullet na iyan.


prez spsp at bj,

ako'y hahabol na laang bukas doon sa sj gawa
ng di makaalis dine sa opis. binagyo ang aking
pinamamahalaan na industrial estate, daming
gagawin. ako nga'y halos dine na humimpil at
maraming kailangang desisyunan agad. nga-
ngay-on nga laang ako nakaharap dine sa tiklado
ng pangkwenta.


pre JB,

ano gang oras ng larga ng mga laban bukas sa sj?
sana naman ei sa medyo pahapon na o maagang
gabi at ng ako'y makarami ng papanoorin. mga
makalipas alas sais pa ako makakaalis dine sa
calamba.


sa lahat,

nagtext na sa akin sis pre bj kanikanina laang.
andun na daw sila sa sj kaninang 5:30 ng umaga.
may naghahanap na daw sa akin doon. nakupo
sana naman ei hindi pullet iyon o kaya pinagkaka
utangan, hi hi hi hi


sya sya sya, larga na yan mga kabahag! sungkutin
na natin ngay-on yaan.


:rbounce:

Mt.Halcon 888
October 1st, 2006, 09:28 PM
Magandang gabi,

Musta mga kabahag,Andun na nga sina ka Nestor at BJ sa SJ kahapon pa,kausap ko si Ka Joey sabi nya e tuloy na rin daw entry nya at yung sa akin,sabi nga ni gary e ang mangyan daw e matatapang,kaya yun itinuloy ko na rin yung sa akin,TRIBUNG MANGYAN 1,2 at 4.
See you tomorrow at SJ . . .
sana swertehin lahat ng entry,sabi nga ni Ka Nestor sya unang dumating para sa derbing yun,kaya sana sya rin ang unang mag champion kasunod kami syempre hehehe.



:lol:

muk_mafi
October 1st, 2006, 10:01 PM
ka jeff & ka joey,
good luck din sa entry nyo! itayo natin ang bandera ng mga mangyan. hehehe. sana champion tayo lahat...

bukas ay abang na lng kami ng mga text nyo.

goryo888
October 2nd, 2006, 01:32 AM
KA DD......hindi sa Eroplano yan...sa isang italian resto yan.....tinesting laang baga kung ano ang kaloob looban nyan....heheheeee....kaso nakaHELMET di pwedeng hinde...pers taym ko yang gay-an....suuusssss kilala mo nga yan!!


Basta Gudlak sa mga Mangyan!!

Bale Apat baga ang Entry ng mga mangyan? kanino ang isa pa?

Preng Jeff...ayos yaan....napuntahan mo naman yata at personal na naTantya kung ano ang KILOS nila eh....AYOS yaan....

Raul_Ruaro
October 2nd, 2006, 08:39 AM
Magandang umaga kabahag!

Mga 5 PM daw start ng derby ayun kay kabahag blackjack at na screen na rin yung nokiz. Ewan ko lang kung di pumasa yun, sobrang babata. After lunch ay punta na rin ako venue para naman maka jamming angmga mangyan. May padala na alak si kabahag CHUCKEE para sa mga mangyan. Pulutan na lang ata kulang. hehehe!

Go go go TRIBUNG MANGYAN!!!!

-STEWART-

Mt.Halcon 888
October 2nd, 2006, 08:53 AM
Gandang umaga

Musta mga kabahag,kararating ko lang galing SJ hinatid ko yung mga manokis kong panlaban,andun na 3 entry ng TRIBUNG MANGYAN,5 pm daw ang start ng derby,me dalang pampainit si Ka BJ,kaya ayusin ko yung mga gagawin ko sa ofc ng maaga,para maaga makapunta sa SJ.
Ka DD,ay agahi ng punta dun ng makapag umpisa agad tayo ng maaga.Si Stewart yata ay darating din sabi ni BJ.

See you at SJ. . . . . .

joey bravo
October 2nd, 2006, 09:07 AM
mga kabahag,

susubukin kong pumunta mamaya sa SJ para mabisita mga kasama natin duon.

hanggang ngayon wala pa ring kuryente dito sa lugar ko, nag aalangan akong iwanan pmilya ko dahil madilim, wala ng ilaw wala pang tubig mahirap din ang cellphone connection.

pag nagka kuryente mamaya sa amin nanduon ako sigurado....

:)

goryo888
October 2nd, 2006, 10:01 AM
Teka alas 5 pala ang umpisa.....anong Oras ba ako pwede gumising at makapagMonitor....heheheee

Pakibukas naman mga CP nyo....anong oras pers payt ng Tribu mangyan??
Pakilagay naman ng Fyt # dine...lahat ng Tribu Mangyan..at mga kalaban nito...
Salaamt mga kabahag...ako'y parang maEEBAk NA HINDI KO MAINTINDIHAN EH.... susss SARAP sana kung nandyan din si ako....waaaaaa...sayangggg..pero baka malapit na makakpagretiro na rin ako....nyhahaahaaaaa!!

Mt.Halcon 888
October 2nd, 2006, 11:00 AM
Ito po ang schedule
5 pm start

TRIBUNG MANGYAN 1 -no.28 at 59
Nestor Razon
TRIBUNG MANGYAN 11 -no.32 at 37
Jeffrey Loreto
TRIBUNG MANGYAN111 -no.25 at 58
Joey Romero

goryo888
October 2nd, 2006, 12:11 PM
oK...alas 4 ng umaga dito babangon na si ako....heheheehee

joey bravo
October 2nd, 2006, 01:23 PM
Tribu Mangyan 3.

fight # 25-SJC International derby 8 cock 6M Jan, 24, 26, 28 (Bong Pineda)

fight # 58 - Jury Rudy Engang (UFAC entry ata ito.)

Tribu Mangyan 2.

fight # 32 Pasay Cockpit (Malviolo/Stinger) finance ito.

fight # 37 Tropang Singpore

Tribu Mangyan 1.

fight # 28 MD DC

fight # 59 Otu 77 II

muk_mafi
October 2nd, 2006, 02:08 PM
ka joey,
mukhang mabibigat ito makakalaban mo ah...
kayang-kaya yan ng manok mangyan...

ka jeff,
ganda ng schedule mo, halos magkasunod na ang limber.

taga davao city daw ito 1st fyt ng TM-1. sabi ka BJ mga banda 9 pm daw cguro ito. any idea kung kanino ito 2nd fyt natin (Otu 77 II?

good luck po ulit sa ating lahat...

GO GO GO GO GO GO MANGYANS!!!!

muk_mafi
October 2nd, 2006, 02:42 PM
correction po sa line up:

TM - 1 = fight# 28 & 32

TM - 2 = fight# 37 & 59

TM - 3 = fight# 25 & 58

here's the link:

http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&threadid=31819&perpage=30&pagenumber=12

joey bravo
October 2nd, 2006, 02:45 PM
ang bait naman ni kabahag Jeff.

Its good para naman maka early finish is Ka Nestor.

Nagawan ng paraan ni rebel.

:)

muk_mafi
October 2nd, 2006, 05:12 PM
nagkaroon pala ng "switching". :lol:


GAME NA!!!

goryo888
October 3rd, 2006, 04:44 AM
Preng MM...eto ang bago...

TM 1- 01
TM 2- 00
TM 3- 1?

Hindi na babalik sa Finals si Kuya Nestor...gagamitin na lang daw sa 21, 4 stag derby sa atin yung tirang stag.

Sana nakadalawa si JB....

Ka Jeff....may nakaUsap ako eh....si Repakol pmaknat....medyo yata daw malata palo ng Nokis natin....naapektuhan talaga pala ng Bagyo....ano ga ang Kilos nun bago ka nagdesisyong ituloy laban? Di bale kung may pagkakamal eh ARAL na laang na ituturing....bawi tayo sa aOnse sa Victoria...madadale natin yun!!!!!!!;)

bulik_apatot
October 3rd, 2006, 11:09 AM
SOUVENIR SHOT FROM 2006 CF STAG DERBY AT SAN JUAN COLISEUM

(ma tama na ba? o mestiso lang?)

http://img.photobucket.com/albums/v201/bulik_apatot/IMAG0069-1.jpg

bulik_apatot
October 3rd, 2006, 11:12 AM
Another one

http://img.photobucket.com/albums/v201/bulik_apatot/IMAG0068-1.jpg

Raul_Ruaro
October 3rd, 2006, 11:20 AM
Magandang umaga mg kabahag!

Tribung mangyan III ay talo yung last fight. Maganda ang galaw at kundisyon nung naka limber. Kaso nung ititimbang na at biglang nakita yung kalaban ay may ikinilos na kakaiba, kaya biglang sinabi ni roel barangyaw (gaffer) sa handler ni ka joey na mukhang aayaw yung manok.

Dehado ang mangyan, pero bumaligtad ang tawagan sa labas. Sa break ay nagkatamaan na, lamang sa patama yung manok ng mangyan. Sa di alam na kadahilanan ay biglang tumakbo ang manok mangyan, kaya gulat at pagkamangha aming naramdaman. Nang tignan namin tama nung manok ay galos sa bandang kilili, pero buhay na buhaypa ito. Isinubok pa nga namin na ilapit yung pinang heat at pumalo pa ito. Malala yung tama nung kalaban kaso lang talagang ganun ang sabong, di pumanig ang swerte sa atin...

Sya mahaba na pala post ko... 2 weeks na naman mawawala ang ilokanong mangyan, balik na ulit sa farm...


Ka SPSP,

Sayang at medyo kinapos tayo sa swerte...Ang mahalaga ay nagpakita ng galing yung si TOTOY BIBO, medyo kinulang lang ng konti. Malamang madaming entries sa oct. 11 sa fastest kill ng mga mangyan... Larga na!

Ka blackjack,

Pre bawi na lang tayo next time. hehehe! Mukhang makakabawi ka sa fastest kill. Paramdam na lang ako dyan pag napadpad ulit ako sa mindoro.

Ka dingdong,

Sayang at nahuli ka na ng dating, di ka tuloy naka shot man lang sa padala na whisky ni kabahag chuckee. hehehe! Bawi na lang next time....

Ka Joey,

Sayang yung last fight mo, lamang pa naman sa patama.... Mahirap din talaga minsan mabasa ang manok. Bawi na lang next time. Thanx!

-stewart-

bulik_apatot
October 3rd, 2006, 11:21 AM
TRIBUNG MANGYAN's "TAARTIST"

http://img.photobucket.com/albums/v201/bulik_apatot/IMAG0067-1.jpg

Raul_Ruaro
October 3rd, 2006, 11:26 AM
Hehehe! Nice meeting you Mr. Apatot! See you next year sa CF global derby!

-stewart-

goryo888
October 3rd, 2006, 12:16 PM
Preng Ferds...susss..buti pa sila eh nakasama sa piktyuran ang Bulik ng palawan....heheeheee!!

Mga Kabahag....ayos laang yaan ang mahalaga nagEnjoy ang mga mangyan....sa susunod na pagkakataon na laang uli babawi...

Sa aOnse magkakaintindihan.....sana'y ayos ang paghahanda sa aking pangdiinan...Razon Red ba naman eh...ano pa gang hahanapin?? heheheee!!

Kuya SP.....ibangga mo na kahit saan yaang Pandiinan ni Goryo at siguradong walang tare na naman makakalaban nyan!! Ay para daw ipo ipo na uli ang kilos pag niLilimber eh.... ;)

bulik_apatot
October 3rd, 2006, 12:25 PM
Nice meeting you too pre
and the rest of the TRIBUNG MANGYAN
who are present during the elimination!

KA GORYO
nakuw baka d tumalab ang camera
pag kasali ka he he he...



:D

HAPPY COCKING
mga IGAN!

sa pula sa puti
October 3rd, 2006, 12:31 PM
Tomorrow is another day,
Another plan,
Another hope,
Another luck.

Decide and make your own history,
Never rely on luck.
Life is never so easy,
Neither it is so hard.

The most important thing is...
You must learn to play and enjoy.
The game of life,
The way you wanted.

:lol:

He he he. Dito na po Mangyan sa Mindoro.
At ano ba ito, manok na naman!


GrandeurO

Bayad ka na sa POT MONEY
October 11 DERBY (fastest kill)
Dalawa entry mo.

BJ

tulog muna tayo

Ka JB

Sayang

RR

Malagihay ka kagabi.

Sherwin

win mo nasa kin.

MH

Intay ko bata mo dito sa bahay.
Isama na kaya bata ni JB para
magkasama sila dito.

Dingdong

Huli man daw at magaling
talagang huli na iyong dating.

sa pula sa puti
October 3rd, 2006, 12:40 PM
Jeff,

Mas maganda siguro
isang stag sayo,
isang stag kay JB,
isang stag sa akin,
isang stag kay NeoM,
at yung butcherRH NI gORYO,
POOLING NG STAG PARA SA
ormigba 4 stag ni Mayor
Alvarez Oct 21 Bansud.
Better sumali
tayo as a group tipid sa manok,
napagbigyan pa natin invitation
ng ORMIGBA ni Pres R Alvarez
at VP Boyet Chua.
Ano say nyo?

sa pula sa puti
October 3rd, 2006, 12:43 PM
BJ

next time uli.
at gagalingan.
pagmamanok.
pati pagpusta.

blackjack
October 3rd, 2006, 01:28 PM
medyo malas mga mangyan..... di nadala sa gandang lalaki ang 1st bitaw ni kabahag jeff... talagang magaling ung stinger stag... ayaw dumikit at panay paiwan ng palo habang umiilag... kaya yun nasingitan ng isa ung grey ni kabahag jeff.... paktay agad!!!! talo din 2nd fight.... cguro malas talaga.....

ung 1st fight naman ni kabahag nestor ay maganda estado ng manok... lamang tayo sa timbang at talaw.... unang nakapatama.... pero napalo din ng kalaban.... paktay din si totoy bibo!!!! ung 2nd fight naman ay nagpahiyang muna bago nating kabahag... c judge neo molato.... binulungan ang kanyang stag habang binabasa ng mist sprayer at may orasyong pabaon..... nkuuuu pooo nung namalo na ang manok ng mangyan.... ay pagkalalakas.... naitaas din ng stag ni judge ang sadsad na bandila ng mangyan.... panalo po 2nd fight ni ka nestor at judge neo!!!! pag-aaralan ko ung mga abilidad na yun ni kabahag neo.... palagay mo may discount e2ng ibibigay sa one-on-one training seminar on FOWL WHIPERING. kabahag judge ala robert redford abilidad natin parang " horse whisperer " he he he!!!!

kay kabahag joey naman.... 1st fight ay super talaga..... sablay agad ang kalaban. sa 2nd fight naman sablay tayo pero magaling ang patama ng stag ni ka joey.... kung hinayaan lang ng sentenciador ay maunang mamatay un kalaban sa kahahabol sa manok mangyan..... anong lakas pa at pagkabilis tumakbo..... may power talaga at anong lakas ng lagabog nung binunggo ang bubog... kala ko nga basag.....malas talaga mga mangyan......

PERO DON'T WORRY BOYS.... BABAWI TAYO SA FASTEST KILL NI PREZ SP!!!!!!...... assisted e2 ng TRIBU MANGYAN COCKERS !!!!!!

DingDong
October 3rd, 2006, 01:59 PM
mga kabahag,

huli man daw at magaling naihahabol din
bagamat huli pa din.

gawa baga ng bagyo dine sa atin ay medyo
abala ang mangyan sa mga gawain dine.
nakaalis ako ng opis ng ganap na alas sais
umuwi saglit at nagpalit ng damit panabong
nakaalis sa bahay ng mga ala sais medya.
nakupo saksakan ng lakas ng ulan sa xprsway
napakabagal ng takbuhan. pagdating ko ng
EDSA halos 2 oras ako mula magallanes to
boni ave. nagsusuot na ako dun sa mga
secondary roads at talagang napakasikip
ng daluyan (mahilig yata ako dun ei) sa wakas
pasado alas dyes nakarating ako ng SJ. 18
sultada na laang ang inabot ko pero pumasok
pa rin ako at sayang naman ang halos apat
na oras kong byahe. yun nga lang nadagdagan
ng big-at ang damdamin at talo mga mangyan
pati bulsa nalaslasan ng mamiso.

baka may nadaanan akong malas kaya di
pumanig sa akin ang trabesiya.

sya sya sya, bawi na laang tayo sa mga SUSOnod
na laban.



:rbounce:

joey bravo
October 3rd, 2006, 02:02 PM
kulang sa swerti talaga, pnalo na eh natalo pa daw kwento ng handler ko.

hinimulmulan ko yung manok na umayaw kanina at binuksan.

may tama ito sa susuhan tagos sa baga.

patay din ito.

manok ito ng ka opis mate ko na binilhan ko ng P 300 line.

yung first fight ay buhay, ewan ko lang kung mababalda.

own breeding ko yun na sa Multi na na raised.

pag na balda pwede ko na pamigay gawin ganador.



:)

blackjack
October 3rd, 2006, 02:03 PM
maganda idea ung pooling ng best stag warriors ng mangyan at ang isasali ay ung mga pili.... we enter and fight as a group.... tipid pa sa manok and napagbigyan pa natin ORMIGBA. this way we make our presence felt by the association and d madlang pipol.... we have a deeper bench to choose our warriors. malay natin ang Tribu na ang papalit sa nawalang Pawarat..... nya ha ha ha!!!!

muk_mafi
October 3rd, 2006, 02:09 PM
Mga kabahag,
malungkot pala nangyari sa mga manokiz natin, pero i'm sure kahit medu tinalo tayo ay masaya mga mangyan dahil nagkasama-sama ulit. kapopogi ng mga nasa picture, bakit wala sa picture yun iba?

learning experience po iyan...

kaya paghandaan muna natin yung fastest kill at dun tayo babawi lahat.

ka BJ,
yun stag namin na magchachampion sa fastest kill ay isasali ko jan sa pooling! :lol:

joey bravo
October 3rd, 2006, 02:10 PM
go ako dyan ka nestor, padala ako stag na panlaban sa Oct. 11.

:)