PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 [2] 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

DingDong
August 6th, 2005, 03:33 PM
mga kasandugo,

matindi ang tinalo ni preng joey sa nok # 1. dehado kami dito noon, bigatin ang nakalaban. kung hindi ako nagkakamali ay ito ang premyadong democrat ni preng joey. tama ba pre?

ka goryo, ayos na ere!

goryo888
August 6th, 2005, 08:11 PM
Kagaganda naman nyan eh!!! sandali at hintay hintay laang at baka sa isang taon ay nandyaan kami ng pullet ko...nag iipon laang ng PAMASAHE SA pakpek ng eroplano...mamya ko post yung yunay na pang swap ko dyaan...may trabaho ang MANGYAN ngayong umaga dine!!! pag balik ko....

grabe gaganda ng manok ni ka JOEY!!!!:wow: :wow:
GANDANG gABI SA INYO DYAAN MGA kasandugo!!!

goryo888
August 6th, 2005, 08:37 PM
May oras pa ako, kaya eto yung pang SWAP ko....

mang JOEY ilang manok kaya ang katapat nito???
Kabahag...tinanong ko kaso ayaw ng ibang manok.....COCK ko lang daw ang GUSTO... :lol: :lol:

goryo888
August 6th, 2005, 08:41 PM
eto pala may kasamang cat...PUSSY cat!!:lol:
yari nga lagi ang COCK ko sa PUSSY CAT nya eh...:lol:
kaya ka JOEY itago mo na manok mo may tunay na pusang dala yan...kakainin yan....pero yuong isang pussy ey sa akin laang yon...ehehehe:D

chuckeee2
August 7th, 2005, 09:47 AM
ano na ga mga ka Sandugo !

siya ke matuloy ereng pagtatag ng kamangyanan o hindi'y basta't kayo'y taga oriental e drop by laang kayo sa Mayo 13 sa Tabinay at kayo'y welcome lahat. isang beinte kwatrong inuman ere atigapong gaspok. kailangan kayo'y on point sa araw na ere. itala na ang petsa'y wag kalilimutan.

Mabuhay Ka Sanduguan

DingDong
August 7th, 2005, 10:27 PM
chuckeee2,

basta't napataon na ako'y andun sa atin ei masisilip ko yaang lugar nyo diyan. maaare gang hanggat maagay mai-drawing mo dine ang iyong lugal, malay mo mapagawi dyaan.

joey bravo
August 8th, 2005, 08:36 AM
oo nga Ding Dong, ang nakalaban natin dyan sa roligon ay yung parang ayaw bitawan ang manok nila kasi hindi makasa yung parada nila. Yan yung bibitawan na lang ang manok ay may kumiriring pa na telepono kasi tumawag may ari ng manok na tinatanong kung magkano ang nakasa. :lol:

aba ayos yan kabayang chuckee,

ka sarap naman ng lobster na yan, yan ba ang ihahain mo sa amin?

yung gusto makipagkitakits d2 sa Manila, post lang kayo d2 nang mag kainuman tayo, pag d2 sa lungsod ng Makati kitakits ay sagot ko na.

O kaya ay sa CF stag derby sa Sept. 29 at Oct 1, at sagot ko na pinto nyo!

oi mga kabahag, bawal post pala ng nude na picture ha, teaser lang yung may damit pero d bakat yung eng eng.... lol

:)

goryo888
August 8th, 2005, 09:36 AM
Hwag ka mag alala ka JOEY...mga desente naman tayong mga MANGYAN....pwede baga iyong nakabahag??? yung labas ang BUNTOT??hehehe:lol:

Makipag kitakits na kayo mga KABAHAG na nandyan laang sa tabi tabi...sagot na ni ka JOEY....;) ;) Naku kung ako laang ang nandyaan ay talagang...mabilis pa sa BYEHENG BULALACAO!!! :D

alimbuyog
August 8th, 2005, 12:57 PM
gandang araw po!

sarap sana kung nasa Manila, sagot ni mang joey inom, sagot pa pinto.

chuckeee2
August 8th, 2005, 01:39 PM
Mr. JB,

Aba'y pipilitin nating ihain yaan. Ipagbilin natin sa mga kasamang mangingisda't Mayo 13 naroon mandin sila. basta't lamang dagat e hindi mawawaglit. Huag ninyong kalimutang itala yaang petsang yaan at ere'y hindi kalimot limut anu!!

MABUHAY ANG SANDUGUAN !

DingDong
August 8th, 2005, 02:24 PM
ka joey,

itala mo na ang aking abang pangalan at ako'y darating sa oct. o1, sa san mateo. at nang masialayan kung paano mananalo ang iyong mga stags.

alimbuyog
August 8th, 2005, 04:31 PM
uwian po muna . . .

nakakagutom talaga mga alaga ni chuck . . .:cool:

DingDong
August 8th, 2005, 06:39 PM
ka joey,

may sked ka pa ba ng bitaw ng iyong mga stags, noong unang bitaw natin eh kakikisig eh, mas lalo na siguro ngay-on.

paki text na laang at pag may panahon ay makagawi uli sa iyong palasyo.

salamat

grandeur0
August 8th, 2005, 11:32 PM
sayang di ako makakapunta sa san mateo kasi naaproved ang extend ng contract ko hanggang october last week pa pero okey din kasi sure naman na xmass at new year ako naman ako bibili na lang ako ng dvd ng mga laban ng manok mo ka joey,

dingdong
xmass cgurado magkikitakita tayo sayang talaga kaya lang kakapusin kasi kung natuloy ako ng uwi ng sept 02 late na ksi nag reply ang miami office about sa extend ko okey na rin ,

sige hanggang sa muli alimbuyog kmusta na!!

alimbuyog
August 9th, 2005, 08:35 AM
musta rin. . . ok lang yan pre, tiyaga-tiyaga lang . . .

ok nga na Dec. at Jan. ka andito, sali tayo sa mga derby dito sa atin. ingat lang diyan.

grandeur0
August 9th, 2005, 10:28 AM
alimbuyog,
kailangan dec mailaban ko na mga manok ko para makita ko naman ang laban kasi jan 5 ang balik ko next year na lang ako mag summer dyan ,cge pre hanggang sa muli

goryo888
August 9th, 2005, 10:48 AM
Mabuti ka pa GRANDEURo...may petsa na ng pag uwi...kaswerte mo ga...sige SWERTEHAN ka sa paglalaban ng mga MANOK mo!!!

Ingat tayo lagi mga SANDUGO!!! Lalung lalo na sa mga taong NANANAKSAK SA LIKOD!!!

alimbuyog
August 9th, 2005, 11:03 AM
grandeur,

sige pre . . .

sir gori,

dapat nga tayong magingat sa ganyang mga tao . . .

dapat ganito itsura natin :evil:

para matakot sila!

DingDong
August 9th, 2005, 12:04 PM
ayos lang grandeur, mas maganda nga sa december, sigurado andun ako sa atin. basta dun sa time ng Christmas Vacation, siguro between December 23 hanggang Jan 04, bakasyon ako.

ka goryo, bakit nga may punyal ka sa likod, sinong dumale nyan? sabi at nang mabalikan, he he he. sino ga iyon kabayan? at nang makapag-ingat din.

grandeur0
August 9th, 2005, 04:04 PM
dingdong,
cgurado na nsa mindoro ako nyan dec pagkakasyahin na lang ang budget kasi magastos ang xmass dahil sa mga inaanak,buti nga na extend ako ng 2 months kasi malakas na rin kumain yong mga manok ko buti na lang at may nauutangan ako ng patuka,na monthly ang bayad makakapanood din ako ng mga laban ng mga manok mo,makakapusta rin syempre kahit konti mahina lang naman ako pumusta di katulad dati ubos kung ubos
di pala ako tatagal pag ganon,,isa sa mga natutunan ko yon

cge hanggang sa muli

DingDong
August 9th, 2005, 05:18 PM
ayos yaan granduer, kahit naman lemon lemonan lang yung mga nokiz namin nananalo naman kahit na paano. ayos namang mag kondisyon si alimbuyog.

ako din naman mahina mamusta. laro at libangan sa akin ang sabong.

alimbuyog
August 10th, 2005, 01:49 PM
musta na po mga kamangyan!

nasan na kayo . . . yo . . . . . yo . . . . . . yo . . . . . . yo . . yo . .yoooo

DingDong
August 10th, 2005, 02:55 PM
alimbuyog,

parang ang tinatawag mo sa iyong: yo . . . . . yo . . . . . . yo . . . . . yoooo ay si sir GORYO.

hmmm, bakit nga kaya nawawala yata si ka goryo. baka busy masyado, nagpapayaman, he he he.

musta po sa lahat.

grandeur0
August 10th, 2005, 05:16 PM
dingdong
kmusta na rin sa lahat nakita ko lang si kabayang dingdong na naka online katatapos lang namin mag inuman ng konti pag tapos ng duty kmusta na lang sa lahat

grandeur0

DingDong
August 10th, 2005, 06:10 PM
aba granduer ayos yan ah, on board ka ba ngayon?

blastpak
August 10th, 2005, 10:23 PM
Kumusta na mga kabahag? Medyo nawala sa circulacion sanhi ng pagyao ng aming lola. Anyway, ang gaganda pala ng mga tinale ni Ka Joey. Winning lines pa.Mukhang yan ang pang-bigtime ah!

Ka Goryo meron ka yatang kasaksakan. Kala ko sa harap ka lang kung sumaksak... o baka naman nakadapa ka non kaya sinaksak ka sa likod. Tama ba ang nadapaan mo? :) Ingat...

goryo888
August 11th, 2005, 12:02 AM
Kabahag na BLASTPAK....parang ganon na nga...ng malaman na may DINADAPAAN akong iba ay sinaksak ako sa LIKOD!!!hehehehe:lol: :lol:

Iyon bagang lahi ng aking kinakasama dati...ay kung anu ano ang mga pinagSASASABI kapag ako'y nakatalikod....eh lahat naman iyon ay pawang KASINUNGALINGAN...gumagawa baga ng KWENTO para sumama ang tingin ng iba sa iyo...samantalang sila naman ang may PAGKAKAMALI.....

Kaya nga sabi ko eh...pag may narinig pa ako na kung anu ano...eh bahala na sila kapag ako ang BUMUWELTA....ang lagay ay isang matinding SYAPOL laang at TAPOSna ang SULTADA.

Dahil kumbaga eh ako'y LALAKI, kaya kahit na anong tungkol sa kanila ay wala akong ikinukwento sa kaninuman, dahil iniisip ko rin ang sasabihin ng ibang TAO tungkol sa KANILA, lalung lalo na sa EX ko. Kahit na ano pa mang SAMA ng LOOB ko dahil sa mga ginawa nila sa akin, eh ni hindi ko man laang sinabi sa PAMILYA ko, sinarili ko na laang, para hindi maapektuhan ang relasyon ng mga PAMILYA namin, dangan baga ay MAGKAIBIGAN ang mga PAMILYA namin....eh medyo napupuno na ako, sa tuwing tatawag ako sa pamilya ko ay may mga tanong sa akin...dahil kung anu ano daw ang NARIRINIG NILANG masama tungkol sa akin.
Dahil siguro alam nila na ako'y hindi NAGSASALITA' kaya sila ang nagDADAKDAK...naiinggit siguro, eh wala naman dapat sila ikainggit Kaya KINOMPRONTA ko sila KAHAPON, sabi ko bawiin nila pinagSASABI nila kung ayaw nilang ako ang BUMAWI noon na may kasamang paniningil ng DANYOS PERWISYOS!!!

Ayon natulala sila!!! mga MADAFAKA!!!! :mad: :mad:

blastpak
August 11th, 2005, 01:26 AM
O, dahan-dahan Kabahag, baka MADAFAKA nanaman...:sprcool:

goryo888
August 11th, 2005, 04:05 AM
Mga KABAHAG.... sa inyo laang naman ako nakakapag BAHAGI ng mga ganyang BAGAY....kaya nga baka pag UWI ko ay kausapin ko si Miss CHARO SANTOS.....LOL......talaga namang naku ay kung alam ninyo laang ang naging BUHAY ko dine baka kung walang lahing MANGYAN ay BUMIGAY na...pang MAALALA mo KAYA ang kwento ng BUHAY ko mga KASANDUGO!!!


Syempre lahing MANGYAN toits kaya KAYANG KAYA!!!:) :)

alimbuyog
August 11th, 2005, 09:42 AM
blastpak,

condolence . . . . malungkot pala mga nagdaang araw nyo ni sir gori . . .

pero dyan makikita tunay na mangyan, matibay ang loob . . .

kahit sumisilip-silip ang kalahati ng itlog, taas noo pa rin kung maglakad . . . .

DingDong
August 11th, 2005, 06:24 PM
isang marubdob na pakikiramay sa pagkawala ng iyong mahal na lola, ka blastpak.

ka goryo, tunay ngang bakit baga ang mga tao sa atin ay kahihilig sa mga maling kwento, tsismis baga. katulad nyaang sa iyo, ikamo'y mga gawa gawang kwento laang. pabay-anan mo na laang. lilipas din ang mga gay-ang kwento. magsaya ka na laang muna dyaan.

sabi nga ni kasamang blastpak, ingat dyaan at baka MADAFAKA.

sonny dela cruz
August 11th, 2005, 07:58 PM
Musta na mga kapatid.

Blastpak nakikiramay ako,

Ka goryo888 mahirap talaga yang gay ang sitwasyon,kaunting problema at kwento sa atin kasi ay masyadong pinapalaki,hindi nila alam na tayo pag nalalayo ay medyo sensitibi.Basta ingat na lang po tayo at sana laging maging matatag sa lahat ng problema.

ingat po tayo lagi and God Bless.

goryo888
August 11th, 2005, 08:23 PM
Ka Blastpak...nakikiramay ang lahat ng KASANDUGUAN sa pagpanaw ng iyong LOLA....

Ka Ding Dong, Ka Sonny....at sa lahat, salamat sa inyo.... ;) ;)

DingDong
August 12th, 2005, 12:20 PM
ka sonny,

ok lang kami dito na nasa Pilipinas, sana kayo din.

ka goryo,

ayos yaan, matitibay ang loob ng mga sandugo, yakang yaka mo yaan.

blastpak
August 12th, 2005, 01:09 PM
Mga Kabahag Alimbuyog. Goryo, Sonny, Dingdong maraming salamat sa inyong pakikiramay. Sa inyong ipinakita'y madarama na tayo'y tunay na 'SANDUGO ! Sa inyong lahat, isang mainit na pangungumusta at pasasalamat...

Blastpak

alimbuyog
August 12th, 2005, 04:13 PM
wala ako ng masabi . . . . . .

mabuhay tayong lahat ! ! !

DingDong
August 12th, 2005, 07:11 PM
KUNG MAY LUNGKOT AT MAY LIGAYA

sige mga kabahag, magpakasaya tayong lahat!


:rbounce: :rbounce: :rbounce:

goryo888
August 13th, 2005, 03:38 AM
Naway maging MAAYOS ang lahat sa mga BUHAY BUHAY ng bawat isa sa ATIN!!!

Mga KASANDUGO, ingat na laang tayo lagi at naway PATNUBAYAN tayo ng AMANG nasa TAAS!!!:) :)

goryo888
August 14th, 2005, 11:43 AM
Aguyyyy aguyyy, sumakit likod ko pag tataas ng natabunang BAHAY BAHAYAN, mabigat bigat din ay...

DingDong
August 15th, 2005, 11:12 AM
ka goryo, are at uusungan na kita. kabigat nga eh.

mga mangyan, aba'y gising!

alimbuyog
August 15th, 2005, 11:30 AM
eto na . . . . 1 . . . 2 . . . . 3 . . . .

:hat: :hombre: :sprcool: :cool:

malakas bumuhat yang mga yan!

DingDong
August 15th, 2005, 11:47 AM
ayan tatlo na tayo, kaya na natin buhatin ito.

wheewwww, pawisan ako dun ah!

joey bravo
August 15th, 2005, 11:49 AM
d ko kayo matulugan bumuhat kasi may diarhea ako.

mahirap na:D

DingDong
August 15th, 2005, 12:24 PM
naku boss joey, huwag na nga ikaw umusong baka hindi pawis ang lumabas sau.

hmmmm, ayan naaamoy ko na, lol.

:lol: :lol: :lol:

blastpak
August 15th, 2005, 12:57 PM
Aba'y wag pilitin kung di dapat mapaire, kabahag. Bigkisan muna ang sikmura para di kabagan at wag mag-agwanta sa pag-inom ng pito-pito. Maige rin ang uling... Ano ba ang dahil; kamote? Gudlak :)

Uuuuuups... bigat!

Blastpak

sonny dela cruz
August 15th, 2005, 07:46 PM
Naku eh kabigat naman pala buhatin to eh,pero kung sama sama gagaan are.Hala sige na buhatin na natin paitaas.

Ka joey mabuti pa eh taga bilang na laang po para sabay sabay kami lahat ditong buhatin ng maibalik sa itaas.

alimbuyog
August 16th, 2005, 08:54 AM
gandang araw po sa inyong lahat!

intay ko na rin bilang ni ka joey . . . . .

at sabay-sabay na tayo . . . .

joey bravo
August 16th, 2005, 08:56 AM
:D

isa , dalawa, lima!!! oooops,

may entry na tayo mga kabahag.

sa 5 stag CF, 3 stag UBBA at 5 stag TAGAPO derby ang entry name natin ay SG SANDUGO.

Yung CF 5 stag ay ipapalabas sa SULTADA program ni Ka emoy.

manuod na lang kayo igan.

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/broodcock.jpg

alimbuyog
August 16th, 2005, 10:24 AM
ang LUPPPEEEEEEEETTTTTTTT ! ! ! ! ! !

bossing, sama kami ng lima dyan ! ! !

:rbounce: :rbounce: :rbounce:

goryo888
August 16th, 2005, 11:26 AM
Ka JOEY sige GAMITIN....mo yung ating SANDUGONG pangalan sa entry name nyo...Wheeewww!!! sikat na ang mga MANGYAN!!! :rbounce: :rbounce:

Mga KASANDUGO......suportahan natin si SANDUGONG JOEY BRAVO!!!

grandeur0
August 16th, 2005, 03:16 PM
kmusta na sa lahat,,,ang galing naman kasali na tayong lahat dyan ,SG SANDUGO,Sana samahan tayo ng bwenas,at swerti ka ka joey kelan ang laban ng sa ubba at sa tagapo kasi october pa ang uwi ko sayang nga at di ako umabot sa san mateo
kmusta nyo rin ako kay raul malamang kilala nya ako sa mukha kasi lagi kming nagkikita nyan sa socorro,at sa victoria

alimbuyog kmusta na ang mga manok mo sana okey naman pasyalako kaagda sayo pag uwi ko,sige hanggang sa muli

DingDong
August 16th, 2005, 04:46 PM
ayan ha kita nyo na panlaban ni sir joey.

o baka may ipon na kayo dyaan. meron na ako 10 na naipon isasama ko na sa pusta kay ka joey. pati kapitbahay ko ipupusta ko na din.


:rbounce:

sonny dela cruz
August 16th, 2005, 08:09 PM
Ka Dingdong 20 na yan sa iyo sama ako sinabihan ko na kapatid ko sa Victoria ipahatid sa iyo o kaya ay kung magagawi ka sa bagong palengke ng Victoria ang pangalan ng tindahan ay Gasic Feeds.He he he.

Maraming salamat ka Joey Bravo sa pagamit ng pangalan ng grupo ,suportahan po natin si Ka Joey Bravo at ang buong grupo.

Ingat po tayo lagi at pagpalain ng nasa Itaas.

goryo888
August 17th, 2005, 01:53 AM
Naway samahan ng BUENAS ang magagaling na MANOK ni SANDUGONG JOEY...para paniGURADO baga!!!;) ;)

blastpak
August 17th, 2005, 03:02 AM
Yeheeeyyy! Itaas ang mga kamay; iwagayway :rbounce:

Ulk! teka, teka muna sandale... laglag ang bahag :D

Blastpak

goryo888
August 17th, 2005, 08:35 AM
Blastpak....paanong hinde malalaglag yaan ay talon ka ng talon....siguruhin mo muna mahigpit ang pugong!!!hehehehe:lol: :lol:

joey bravo
August 17th, 2005, 08:44 AM
mga kabahag ito na po ang confirmed dates na lalaban ang SG Sandugo.

Oct. 1 - CF 5 Stag Derby @ San Mateo
Oct. 7 - 5 Stag Derby @ Texas Cockpit
Oct. 29 - 3 Stag UBBA @ San Mateo

Pag nad2 kayo sa Manila, PM nyo lang ako.:)

goryo888
August 17th, 2005, 12:51 PM
Wheeewww KA JOEY...swerte naman ng mga nandyaan...makakapanood ng TODO....GUDLAK sa INYO!! ;) ;)

grandeur0
August 17th, 2005, 02:07 PM
ka joey for sure october 29 makakapanood ako dingdong sama ka ha para may kasama ako,sana makuha natin ang champion dito sa mga laban na ito ,ka joey si raul ba lagi ang gaffer mo sa lahat ng mga laban mo sa manila

kelan kaya ako magkakameron ng manok na ilalaban sa mga ganyang magagandang laban at premyo eto nga at kasandugo natin ang may ilalaban ay masaya na ako lalo na cguro kung khit isang manok ko ay kasali sa ganitong 5 stag ,basta pag sasali rin ako ng derby khit local lang laging may sandugo rin,,,,sige hangngang muli mga kasandugo

alimbuyog
August 17th, 2005, 03:07 PM
sir gori,

ganda naman talaga ng avatar mo . . . .

yan na ba ang kukuhanan mo ng RUMANGYAN ?

sir joey,

gud lak sa mga entry mo . . . . . . . . . natin ba?

mabuhay ang SANDUGO

DingDong
August 17th, 2005, 05:52 PM
suskopoh, ka joey, kadami gang laban nyaan. sa mamiso na lamang ako ay makakarami na ah.

ka sonny, laguna/cavite based po ako. sa mga sasama ng pusta ei bahala na kung papaano, kung nasa manila din lang kayo, ayun may imbitasyon na si boss joey. punta na tayo sa San Mateo.

sonny dela cruz
August 17th, 2005, 07:34 PM
Ka Joey Bravo good luck,pasasabihan ko tatay ko na ire serba ang araw na mga iyan lalo na yung sa Teksas gawa ng malapit laang kami diyansa may SSS vill.marikina lang kami.

Ka dingdong ,siyensya na kala ko aydun ka base sa Calapan.

Good luck at ingat po tayo lagi.

goryo888
August 17th, 2005, 09:56 PM
Swerte nyo naman dyaan...makakapanood kayo ng laban ng manok ni Ka JOEY.....basta ka JOEY pag makauwi rin ako kahit kailan at may laban ka.....sama rin ako sa PARADA ha...konti kontiner laang naman ako kung pumusta......

Alimbuyog....tama ka RUMANGYAN lines ang kalalabasan NYAAN!!


Mga KASANDUGO, ingat TAYO lagi at naway laging MAAYOS ang mga BUHAY BUHAY ng bawat isa sa ATIN!!

blastpak
August 18th, 2005, 05:21 AM
Ka Goryo, pagkatarik namang mga kabundukan iyan ah... tsk,tsk :wow:

Ka Joey Gudlak... ika nga'y samahan ka nawa ng sanlaksang buenas. Yan na lang tyak ang kulang mo ;)

Sa lahat, Mabuhay ang Sambayanang Mangyan! Ayan na; bumabandera na :rbounce:

sonny dela cruz
August 18th, 2005, 05:59 AM
Ayan na at unti unti nang bumabandera tulong tulong po tayo para tuloy tul;oy ang pag angat.

joey bravo
August 18th, 2005, 08:34 AM
ka ganda naman ng rumangyan na yan ka goryo!!!

wala ba yang kapatid o insan?:D

goryo888
August 18th, 2005, 10:36 AM
Ka JOEY...solong anak....tapos PULIS pa ang ama...mabuti na laang at RETIRADO na....kaya.....alam nyo na!!!hehehe :D :D

alimbuyog
August 18th, 2005, 02:49 PM
gandang araw po uli sa inyo!

mga kabahag, tumataas na pala rating natin!

sir gori,

ano kayang sunod na ilalagay mo sa avatar mo ? . . . . . .

:crazy:
:D

joey bravo
August 18th, 2005, 02:59 PM
naman ka goryo,

some guys have all the luck!!:D

swerti na sa tsiks, swerti pa sa sabong.

what more can you ask for.:rbounce:

DingDong
August 18th, 2005, 07:41 PM
ka joey,

minsan talaga merong panahon na parehas swerte sa chicks at sa cocks. ikaw bay gay-on?

hmmm, kailan kaya makakapag-uwi ng katulad ng kay sir gori.


:rbounce:

blastpak
August 18th, 2005, 11:46 PM
Si Goryo suerte sa sabong. Si Kittylove suerte sa cock. Totoo ba yan, kabahag. If true, good nick nga kayo :smoke:

goryo888
August 19th, 2005, 12:20 AM
Sinabi mo KABAHAG BLASTPAK....pero isa laang yoon sa nagustuhan niya sa AKIN.....iba tayong lahing MANGYAN....;) ;)

Hindi daw bantam ang ALAGA ko.....:lol: :lol:

joey bravo
August 19th, 2005, 07:34 AM
Ka Ding Dong,

tinggin mo ba ay swerti ka pag ang naging asawa mo ay abogada?

:D

goryo888
August 19th, 2005, 09:25 PM
Lucky You!!!

Pero mang JOEY ingat ka baka pag nagkamali mali ka eh HINDI na yan swerteeee...alam nyo na!! Baka puro kaso abutin nyo sa ASAWA nyooo!! :lol: :lol: :lol:

DingDong
August 19th, 2005, 10:14 PM
naku medyo mahirap nga yan Ka Joey, sangkatutak na demanda ang aabutin mo, sa kahulihulihan, baka itangkal ka pa, bwahahahahaha.

pero nakakalusot din naman minsan di ba, he he he!

mga kasandugo, may laban ang ating kasama ha, sabay sabay nating isigaw . . . .

mabuhay ang SG SANDUGO!

goryo888
August 20th, 2005, 11:37 AM
Gisingggg gisinggg mga KABAHAG.....natabunan na naman are eh....nakita ko si SONNY...ay hinde yata napan sin na natabunan na areng bahay bahayan natin!!! Oks laang kayang kaya ko naman areng itaas!!!;) ;)

DingDong
August 20th, 2005, 03:34 PM
are at tutulungan na kita kabahag . . .

isa . . . dalawa . . . tatlo . . .

:rbounce:

sonny dela cruz
August 20th, 2005, 07:46 PM
Ka goryo888,sensya na tinanghali bunot.

Eto na tulong tulong mga kabahag ng maibalik are sa itaas.Sa mga magsusubok ng kanilang mga alaga good luck po sa magtatrabesiya laang,sana po ay swertihin kayo at ng lahat ay masaya.

Ingat po lagi and God Bless.

alimbuyog
August 21st, 2005, 09:59 AM
tulong na rin po ako . . . . .

gandang araw sa inyong lahat!

alimbuyog
August 21st, 2005, 02:03 PM
ako na lang po buhat magisa . . . .

kaya ko 'to . . . . . . hayy . . . . . bigat . . . .

alimbuyog
August 21st, 2005, 02:34 PM
di ko talaga kaya . . . . . .

bukas na lang para andito na kayo . . . . :D

DingDong
August 21st, 2005, 08:20 PM
alimbuyog,

uusungan na kita . . .

isa . . . . dalawa . . . . tatlo . . . .


:rbounce:


yiiiippppeeeeeeee

alimbuyog
August 22nd, 2005, 02:27 PM
tao po o o o o o o o o o o . . . . . . . . .

DingDong
August 22nd, 2005, 04:28 PM
nakupoooooohhhhhh,

asan na kayo mga kabahag, GISING ! ! !


:rbounce:

goryo888
August 23rd, 2005, 06:44 AM
Naandine laang ako...eto at magtataas na naman .....kumusta na ga kayo?? :) :) :)

sonny dela cruz
August 23rd, 2005, 07:04 AM
Musta na po tayo diyan sa lahat ng sulok ng world.


Musta naman po ang mga sumali ng derby diyan sa atin at mga nag ulot naman ng mga nokis niyo nahirapan ba kayo?yun naman pong mga nagtrabesiya laang madehado po ba o malliyamado?balia naman po mis lang talaga namin ang kalakaran tuwing sabado at linggo.

Bibilang na po ako sabay buhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat, 1#############2##########Tatlooooooooooooooooooooo o.Bigat ah pero k lang.


Ingat po tayto lagi and God Bless.

DingDong
August 23rd, 2005, 05:48 PM
ayan at may dalawang kabahag na lumabas ng gubat. lasa ko'y napalaot ang inyong pamamasyal sa gubat ng kaligayahan mga igan?

ka sonny, medyo matumal ang ulutan ngay-on dine. ako'y napasama sa isang tropa dito sa site, naglaban sya doon sa talaba. maaga pala ang labanan doon. aba'y dumating ako doon ng alas 10 ng umaga ay napalaban na agad ang isa nya ei. sa pangalawa ayun at ayos pa rin kasi basaan ang laban, bullstag ang gamit nya. pasado alas dose lang uwian na ang tao, wala ng manok.

sa kabuoan, dahil nag trabesiya ako ng konti baligtaran ang panalo/talo, nalo lang ng isang daan talo pa sa gasolina, he he he. pero ang hindi kayang tapatan ng pera ay ang kaligayahang nakapanood ng sabong lalo pa't manok ng kasama/kaibigan. (sabagay mamiso laang naman ang pusta ko, hi hi hi)

hala sa susunod na uli ang kwento.


:rbounce: :smoke: :rbounce:

goryo888
August 23rd, 2005, 10:44 PM
Ayos na din yaan...kabahag na DINGDONG...masgaling na yaang kahit sandaan ay panalo ka pa rin kaysa sa PANALO nga ang MANOK ninyo eh TALO ka naman sa PERA pag UUWIAN na....
pero pag naman talaga nakapanood ka ei, manalo matalo BUSOG naman ang mata di baga??;) ;)

sonny dela cruz
August 24th, 2005, 05:39 AM
Kasamang Dingdong alright na iyan gaya nga sabi Ka Goryo gawa ng hindi kayang bayaran ng kwarta ang oras na tayo ay naging masaya sa ating pinapanood at lalo na kung tayo ay may nakikitang bagong style ng laro ng manok at me nakikilala tayong magagaling mag manok.

Kailan kaya tayo magkakaroon ng pag uusap kungbaga ay me salihan tayong 2 cock ulutan o kaya ay yung hindi pa gaanong big time derby na me entry ang grupo na pinaghalong mga nokis ng ating grupo sa Dragon kaya o kaya ay sa karatig na bayan,kahit kami ay malayo yung suporta namin ay makakarating pa rin kagaya ng kung me nokis tayo entry natin kung wala naman ay finance natin nokis ng ka grupo natin pero okey lang na min bet lang o kaya ay kahit hackfight,parang isang paraan para mag karoon ng bonding ang Grupo at meron excitement para hindi nananmlay.Ang akin po ay suhestiyon laang.

Maraming salamat po.Ingat po tayo lagi.God Bless.

grandeur0
August 24th, 2005, 04:30 PM
kmusta na sa inyong lahat ayos na suggestion yan kasamang sony,this coming dec pwedi nating gawin yan uuwi ako ng october 3rd week subukan nating sumali sa mindoro khit na 2 cock lang may ilang manok din ako si ka dingdong maagagaling ang manok nyan napanood kona minsan kung may manok ka sa mindoro pwedi natin gawin yan sa calapan,victoria,socorro,pinamalayan,at gloria papatingnan ko kay ka dingdong ang manok ko kung pwedi khit sa 2 cock khit isang manok laang sa akin,cgurado na ang uwi ko ng october at hanggang jan 5 ako ng pinas,sige hanggang sa muli

DingDong
August 24th, 2005, 06:38 PM
mga kasama,

aba at ayos ang gay-ang pakay, hala sige sa disyembre napakadaming pwedeng salihan doon sa atin, 2 cock 3 cock.

granduer,

hindi naman ako kagalingang mag-manok, pero sige titingnan ko iyang mga alaga mo at nang makaliskisan na kung saang laban papatok yaan. mas maganda sana kung makauwi ako sa Nov. 01, para makapili na sa mga tinale mo, mas magaling iyong mahaba ang paghahanda.

sige mga kasandugo,

kapag maka-ayos kaming nandito ng ilang manok ay isasali natin kahit minimum bet laang, katuwaan baga natin. titingnan ko pa kung meron pa akong mahigit sa 2 taon dun maliban dun sa panlaban ko mismo. meron pa kasi kaming mga winners sa ulutan na pinalugon, sisilipin ko laang ang haba ng bias at baka tayo maagrabyado sa sukat, hi hi hi

kung walang aari doon, naku hindi tayo siguro pahihindian ni ka joey na makahiram ng isang manok nya doon sa mindoro. tama ba ako boss JB?


hala sino gang papago?

goryo888
August 24th, 2005, 09:25 PM
Ayos yaan mga KABAHAG...sige laang at maganda yaan...makakarating ang suporta ng mga kabahag nating malalayo...una na ako dyaan....papupuntahin ko ang KUYA ko basta laang at siya ay LIBRE. Basta sa kahit anong paraan dadating ang sino man para sa akin. Kung kailangan ang MANANARI, kung pagtitiwalaan nyo...rekomenda ko ang TITO ko, kasama na rin ang PAPISO PISONG pusta ko.....Malamang kung tayo ay SAMA SAMA naku....MAHIHIRAPAN silang tayo ay ITUMBA!!!....

Sya sige...ALAMIN na agad ang skedyul ng DERBY dyaan sa ATIN...at SALIHAN natin.....;) ;)

sonny dela cruz
August 25th, 2005, 06:16 AM
Ayos na ayos nabuhay ang dugo ng samahan,maram,i pong salamat at inyomg nagustuhan ang aking suhestiyon,isa lamang paraan ito na nakikita ko na ang bonding ng grupo ay hindi lumamig yunpu bang kahit isang beses isang buwan meron tayong inaabangan na actibidad ,mapa derby man po o hackfight.kung sa tingin po natin na hindi pa uubra sa derby ang nokis natin pasabi lang po kayo kung kelan niyo balak ilaban para yung ibang hackfight din lang muna ang balak ay maipagsabay mailaban para ang suporta ng grupo me pera o weala yung presence po ay nandun,at yung iba po namang mag trabesiya laang ang pakay ay makasama kahit magkano at hindi yung sa kalaban pa makalagay he he he.

Yung balak pong sa disyembre ang laban pwede po ako kahit 2 basta pang smalltime lang po at yun bang min.bet ay 1,100php at at maliit din lang po ang entry fee.Katuwaan lang po ng grupo.Kung meron pong gustong gumamit ng nokis ko pagamit ko po yung isa kung gusto niyo.Isa lang po kasi kaya ko he he he.

Mas marami pong opinion mas masaya,ESEP ESEP po tayo ng pagkakaabalahan wag lang po yung pagkakagastusan he he he.

goryo888
August 25th, 2005, 06:30 AM
Ilarga na yaan...yung nasa sa atin laang ay simulan ng IKUNDISYON ang mga manok, at magpasabi agad dito sa ating mga kabahag kung kailan at saan baga isasabak....Simulan natin sa 2cock laang muna. tapos sa anibersaryo ng DRAGON....ayos yaan mga kabahag.... Basta ang entry name ay laging nakakabit ang SANDUGO!! ;) ;)

DingDong
August 25th, 2005, 06:45 PM
ako sa disyembre meron na akong isang entry. ito ang ngalan ng entry ko A2 One Sandugo. tapos meron tayong bubuoin na para sa grupo aba ayos ito. kahit saan sa mindoro, pero mas mainam yata kung sa gitna tayo lalaban, mula Victoria hanggang Gloria, pwede din sa Dragon.

ayos ere . . . .

sonny dela cruz
August 25th, 2005, 07:44 PM
Nakausap ko na po kapatid ko diyan sa Canaan,Victoria meron na rin po kaming isasali isang entry para sa grupo Sandugo basta maliit lang entry fee,mag uumpisa na akong mag-ipon para sa disyembre okey na.

Hala at tayo ay gumayak na umpisahan na nating mamili at post na natin ang ating mga napili para ang grupo Sandugo.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

scythe_g
August 26th, 2005, 12:13 AM
sir goryo napadaan lang po ako.. andito pala si dingdong ano...:p :teeth: :D



-----------------------------------------------------------------------------------
"Its not just about the game"
"its not just about the money"
"Its not just about the trust"
"Its not just about getting away clear"

blastpak
August 26th, 2005, 05:24 AM
MABUHAY, SANDUGO !!! :rbounce:

alimbuyog
August 26th, 2005, 10:52 AM
AYUS !

sana'y palarin tayo. . . .

DD,

di ka ba uwi ng Nov. 1, kainip din kasing puro patuka lang ng manok, meron ng ari dito sa Nov.

gandang araw po sa inyong lahat.

goryo888
August 26th, 2005, 11:23 AM
Kaya nga mga kasandugo...ilarga na yannnn!!!at ng magkaintindihan na!!

Scythe....welcome ka dito...pwede ka naming ampunin....

grandeur0
August 26th, 2005, 04:46 PM
kmusta na sa inyong lahat december cgurado may dalawa akong manok na pwedi kung 2 or 3 cock lang kaya lang dadalawa kulang ng isa basta pag may ilalaban kayo ipaalam nyo lang para makapunta ako kung nsa mindoro ako

alimbuyog basta ihanda mol ang para pag umuwi si dingdong laging naka ready kung di sya umuwi eh di sa dec cgurado mapapalaban lahan ng naka condition mo sana swerti tayo ngayong pasko ,tagalpang uwi ko nakaka inip na october pa kasi ,,,hanggang sa muli

grandeur0
August 27th, 2005, 04:05 PM
ala lang medyo maluwag ang trabaho kaya nakapag bukas ulit ako,ay kmusta na lang sa inyong lahat alimbuyog handa mo na ang mga manok mo dyan ha baka makauwi si dingdong sama ako pag nag laban kayo,,,,

goryo888
August 28th, 2005, 06:49 AM
KakaHILI naman kayo may mga PETSA na ang uwian ninyo...tskk tskk..may mga handa ng PANG DERBY...sige...gudlak sa inyo....sana ako rin!! Makauwi agad...may mga inaasikaso pa ang inyong kabahag eh!!

DingDong
August 29th, 2005, 11:08 AM
preng sythe_g, dito nga ako pre, mangyan din kasi, he he he.


musta mga kabahag.

nakalimutan yatang itaas ere ng weekend, sino ga ang nakatoka magtaas nare pag linggo?.

teka at pagkabig-at yata nere.


alimbuyog,

sige ihanda mo lang mga nokiz, malay natin baka makasibat sa Nov. 01 pauwi dyaan. pipili na laang tayo dyaan ng aare sa labanan. hi hi hi hi


:rbounce:

grandeur0
August 29th, 2005, 03:21 PM
kmusta na kayong lahat may bagyo ngayon dito sa byahe namin kaya minsan ay walang signal ang barko namin

dingdong,sana makauwi ka ng nov 1 para makasama ako sa pag lalaban mo mga dec pa cguro ako makakapag laban sayang nga eh di ako makakapanood sa san mateo ,ang gaganda ng mga bulik ng taga palawan nakita mo na ba sa laban ang mga bulik na yon,mahilig din kasi ako sa off color,baka may alam ka na heny na magaling at winning line gusto ko lang meron ipares ko sa hatch ,,hanggang sa muli

alimbuyog,
sige ihanda mo lang bago mag katapusan ng october andyan na ako sa mindoro,tanong mo si ka fidel kung ibenebenta na kambing pero wag mo sasabihin na sa akin ikaw na ang bibili kunyari kasi baka di pabayaran pag nalaman na sa akin,,,

DingDong
August 29th, 2005, 06:17 PM
granduer,

pamulutan ba natin ang kambing, he he he, masarap magkalderata ng kambing yaang si alimbuyog. mapaparami ang inom natin nito. hi hi hi.

ayan mga kabahag, tuloy na ang kitakits na ere, may pulutan na. basta may bitbit akong alak. sino pa ga sa inyo ang pauwi o kaya'y nasa mindoro.

ganito ang siste: kapag may petsa na ng kitakits, ihahanda na ang kambing ni grandeur, umaga pa laang, tapos makapananghali ay susugod sa sabungan, makapaglaban ng hackfight. he he he he pagkatapos magsabong (mas maganda ang nanalo) ayun na, inuman naaaaaahhhhhh!

:rbounce:

sonny dela cruz
August 29th, 2005, 08:02 PM
Ka sarap ng kambing ei,sinampalukan ang ulo,kilawen ang balat,kaldereta ang laman.pinapaitan,wieeeeeeeeehhhhhhh.

Pahingi na laang kami ng picture ha.Sabihin ko ke utol padala rin ako ng itik na patutuyuan sa sprite.

Hala hala natulo na ang laway ko musta ang trabesiya at me nag hackfight ga?

alimbuyog
August 30th, 2005, 09:16 AM
kasarap ga ng usapang yaan . . . . .

grandeur,

yaan mo kung wala man kay ka fidel, tanong ako sa iba. . . .

ahummmnnnn . . . . parang di ko na mahintay ah . .

ka sonny,

sarap siguro ng itik na yaan, di pa ako/kami nakakatikim nyaan . .:D

goryo888
August 30th, 2005, 11:14 AM
Kanina nabasa ko yang mga pinagsasasabi ninyong yaan...kalderetang KAMBING, KILAWIN, SAMPAYNE, at itik??!!!
Tumutulo ang laway ko ha!!! Kakalawayu naman yaan..paborito ko pa mandin yaang mga yaan...sige padalhan ninyo na laang ako dine....
:D :D

DingDong
August 30th, 2005, 12:48 PM
hala, ilagay na ang petsa ng tipanan.

may lugar na (kina alimbuyog), may pulutan na, may alak na.

ang kulang na lang mga dadalo, he he he.

basta ako pupunta.




:rbounce:

joey bravo
August 30th, 2005, 12:50 PM
may kainan na pala d2,

kelan ba yan at sagot ko ang taga kain.:lol:

DingDong
August 30th, 2005, 01:15 PM
ka joey,

kung sakali bagang ang tipanan ay sa mindoro, kung hindi ka man makarating baka si kababatang raul mo ay aareng makapunta doon.

sagot mo na ang ang manok at pamusta sa entry ng grupo, hi hi hi hi hi hi. si ka raul na din patariin natin. saka baka maraming kang rejects sa manukan mo sa victoria, mai-pulutan na din he he he.

mga kabahag, pag na meet nyo si ka joey, napakabait mga pre.


:rbounce: :smoke: :rbounce:

joey bravo
August 30th, 2005, 01:35 PM
pwede din:lol:

abisuhan nyo lang ako at maski representative ay padala ako.

ka DD may baldado ako ng battlecock (Democrat over YLH), iyan ay yung nanalo sa 5 cock game ka na ba? na napanuod mo.

Full brother din yan ng nanalo sa 7 cock sa roligon laban sa entry ni showtime nevada (Tos Reyes) last Jan 2005.

Eh pina pa cull ko na kasi baldado pero marunong pa mang baba, kung kursunada mo o ng mga kabahag ay pwede kong ibigay sa inyo.


:)

alimbuyog
August 30th, 2005, 02:38 PM
ka joey,

wag ! wag mong ipapatay! . . . .

nasa victoria ba yan? kunin na namin . . . . . :teeth:

grandeur0
August 30th, 2005, 03:25 PM
ALIMBUYOG
ayos yan alimbuyog sana ibigay sayo ni ka joey tapos may ipahiram ako sayo na hen rounhead x ylh try natin kung maganda ang lalabas kahit isang pisaan lang
natanong mo na ba kay ka fidel kasi may mga kambing yan na alaga doon sa mabuhay, baka marami na dati kasi may ibinigay sya sa pinsan ko na kumpare nya at kami ang kumain marami raw syang kambing wala raw problema pag sa kambing ,pag wala tayo mabili ay punta na lang ako sa pinamalayan mura ang kambing doon sa tabing dagat pag dumaong yong bangka na de motor galing ng sebale 75 per kilo sa buhay dyan ako dati nakabili,marami naman makukuhanan ng kambing kaya lang baka nga di pabayaran nakakahiya,kasi kahit bayaran ay ayaw talaga pabayaran ,kmusta na ang kinokondisyon mo ,,,

grandeur0
August 30th, 2005, 03:29 PM
Kmusta na ang kinokondisyon mo siguro mag kokompleto na ang balahibo mura pa lang cguro ,,ilan ba yang manok mo na alaga mo dyan !!!

alimbuyog
August 30th, 2005, 03:57 PM
pre, di ko pa nasasabi, madali namang kausapin un, mamaya bago maguwian sabihin ko.

bale sampu ung pwede ilaban dito pag ok na balahibo, ung iba medyo mahaba na buntot, ung iba naman halos patubo pa lang.

hirap nga dito masyado maulan, nagpuputik manukan pero nagagawan naman ng paraan para ok mga nokis.

DingDong
August 30th, 2005, 05:13 PM
ayan ha mga kabahag sabi ko sa inyo napakabait nyaang si ka joey, he he he.

pero uunahan ko na kayo sa baldado nya hi hi hi, kasi alam ko na kung saan ko kukunin yun.

preng joey, sa akin na nakatoka yan ha, he he he



grandeur, basta pag uwi mo hindi pwedeng wala tayong isasabak sa ruweda, laban yan



:rbounce:

sonny dela cruz
August 30th, 2005, 08:00 PM
Ka Goryo888,

Pareho tayo ei,maghahanda na lang ako ng phone card para makibalita habang sila ay nag kakatuwaan,kungbaga isang tagay sa atin na nasa labas sabay dampot ng pulutan,he ! he! he!.at hintayin na laang natin ang litrato ng ating mga ka sandugo.

Hala tayo ay magparamdam na kung sino ang makakapunta ,petsa na laang ang kulang at kung sino ang bangka sa kwentuhan,hwag laang pong kalimutan ang magdadala ng camera .

goryo888
August 30th, 2005, 09:23 PM
KaBIBILIS naman ei....pag MANOK na ang pinagUSAPN...naku ka JOEY basta manggagaling sayo kahit yata anong pa yaan....para yang pulot pukyutang lalanggamin....sige KUHANIN na yaang MANOK na yaan at PALAHIAN....para pagNAGSABONG ang GRUPO eh...hindi na tayo manghihingi kay ka JOEY ng PANLABAN.....baka nakakahiya na hehehehe:lol: Kaya ang binibigay ni ka JOEY ay Paramihin para makaIWAS siya sa HINGI...hehehe:D :D
Biro laang kaJOEY alam naman namin na madali kang kausap..;)

Ka Sonny...ganun nga ang mangyayari sa atin...aabangan na laang natin ang mga LITRATO ng mga MANGYANG magTITIPON.

joey bravo
August 31st, 2005, 09:05 AM
picture 1 - yan yung baldado winner sa 5 cock game ka na ba sa roligon.

picture 2 - yan yung kapatid na winner sa 7 cock roligon anniversary.

yung nasa picture 1 ang for culling, nakakapanhinayang naman kasi 2 x derby winner na yan.

Naunahan na kayo ni kabahag dingdong, maghiraman na lang kayo pre alimbuyog. :D

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/goryo888.jpg:)

alimbuyog
August 31st, 2005, 09:17 AM
ka joey,

ok laang yan, close naman kami nyang c DD . . . :D

kapogi naman ng mga manok na yaan . . . . .

gandang umaga po sa inyong lahat !

DingDong
August 31st, 2005, 10:33 AM
SALAMAT PO!

ayan he he he, mga kabahag naka-una ako sa inyo. sabi nga ng matatanda sa atin ei daig ng maagap ang masipag.

kita nyo na mga kabayan, ganyan kabait si ka joey. hayaan mo ka joey, dadami anak nyaan. at mananalasa ng laban sa mindoro yaan.

sige sir, sked ko na pagpunta sa manukan mo.


yiiiippppeeeeee ! ! !



:rbounce: :rbounce: :rbounce:

joey bravo
August 31st, 2005, 10:58 AM
ka DD,

basta para sa mga kabahag ay walang problema.

breedable yan ka DD, kunin mo next weekend (not this coming weekend kasi wala ako) sa Pque.


:D

goryo888
August 31st, 2005, 11:47 AM
KaSWERTE ng mga mangyan at may KABAHAG na JOEY na kaBAIT....sige paramihin na yaan at ng baka ako,y UUWI sa isang taon ay matesting ang magiging mga PASISIW nyaan...;) ;)

SWERTE mo DD!!!

VonAbrenica
August 31st, 2005, 12:14 PM
:rbounce: gud day goryo888, kami sa Bongabong. May mga cockmates din ba kayong kakilala dito?

goryo888
August 31st, 2005, 12:18 PM
Basta dito na laang muna tayo...VON...welcome ka dito...sensya na at wala akong kakilala dyaan sa SOUTH...
si ALIMBUYOG taga Pinamalayan, medyo malapit lapit na dyaan....;)

alimbuyog
August 31st, 2005, 02:13 PM
sir gori, dito lang ako sa Socorro . . . .

ung swerte ni DD swerte din natin, KABAIT pala talaga nyaang si
ka joey . . . . . .

mabuhay ka KA JOEY !

DingDong
August 31st, 2005, 05:39 PM
ka von,

may mga naging kaibigan ako na taga dyan nung high school ako, matagal ng panahon yun, noon bang uso pa ang Kabataang Barangay (KB) noong araw, kami yata ang last batch nun eh.

hindi ko laang alam kung iyong mga iyon at natutong magmanok. lalo na siguro yung mga babae hindi natuto ang mga iyon, sila ang nasabong malamang, he he he.

ikaw ga'y sa bongabong nananahan?


ka goryo, alimbuyog, ka sonny, grandeur, si chuck ga'y narine: basta sa lahat ng kabahag dine kung ako ma'y may nalimutan:

pararamihin natin ang lahi ng BC ni ka joey. marami naman kaming inahen na pwedeng ikasa dine sa winner ni ka joey. basta't are'y labsan ng mga lalaki, panlaban na natin ito next year.

matanong ko lang ka joey, saan ga magarang ipares areng iyong are. yun bagang ang ilalabas na anak ay sa magandang paluan papunta.


hala sulong mga kabahag . . . huwag kalimutan ang laban ni ka joey sa darating na a uno ng oktubre . . .


:rbounce: :smoke: :rbounce:

sonny dela cruz
September 1st, 2005, 05:07 AM
Musta na mga Kabahag?

Maraming salamat ka joey,panigurado maraming inahen na maipapares diyan ang mga kabahag para makabuo ng para sa mga darating na Sandugo entry.

Ka Von Abrenica,welcome ka dito,nasa bongabong ka ba ngayon?taga pandacan ka rin pala ,diyan ako pinanganak at tumira kami ng 15 taon saZamora at Menandro,Pandacan.

Dumadami na po tayo at sumasaya ,mabuhay ang Sandugo.Ingat po tayo lagi and God Bless.

alimbuyog
September 1st, 2005, 11:31 AM
:rbounce: :rbounce: :rbounce:

joey bravo
September 1st, 2005, 11:33 AM
mabait lang pag tulog.:D

hirap din kasi mag pakain ng baldado. :teeth: bayaan nyo pag may nabalda ulit sino ang next sa line up?:lol:

alimbuyog
September 1st, 2005, 01:15 PM
pila-pila lang po, he he he . . . . . .

hiya naman ako, ako nauna sa pila . . . . .:blush:

grandeur0
September 1st, 2005, 03:49 PM
Von abrenica, may kaibigan ako dyan sa bongabong si VINCENT VILLANUEVA bka kilala mo sa bayan mismo sya teacher ang father nya kaya lang yumao na nakapag sabong kmi dati dyan doon sa maliit na sabungan yong tumatawid ng tulay bka kilala mo sya, kasi kilala naman sila sa bayan

alimbuyog
September 1st, 2005, 04:33 PM
grandeur,

ala na daw kambing c ka fidel, kumukuha din lang pala siya kina junie abalos.

kaano-ano kaya ni Von ung abrenica optical shop ba un sa pinamalayan? sa inyo ba un Von? nagtatanong lang . . . . .

grandeur0
September 1st, 2005, 04:57 PM
sige lang meron naman tayong makukunan sa brgy. pagalagala pero tingin muna ako sa pinamalayan sa may tabing dagat pag wala doon na lang sa pagalagala,
sige hanggang sa muli.....

DingDong
September 1st, 2005, 05:15 PM
kasamang granduer, totoo ka hindi problema kung saan kukuha ng kambing, basta may pambayad madali na yaan, hi hi hi.

ayan pila pila na sa mga ibabawas ni ka joey sa kanyang manukan. . . oi mga kabahag baka naman ang panalangin nyo ay: . . . sana mabalda . . . sana mabalda . . . wag gay-on!

he he he


:rbounce:

alimbuyog
September 2nd, 2005, 10:28 AM
ei, mga kabahag sana nga'y wag gay-un . . . . .

ka joey, gud lak sa mga nokis mo !

sana'y makaluwas ng makapanood !

joey bravo
September 2nd, 2005, 10:33 AM
:lol: :lol: :lol:

ibang klaseng panalangin yan ah!


:D

blastpak
September 2nd, 2005, 10:54 AM
Sige, eto ang panalangin ko...

Sana ibigay kahit di baldado, sana ibigay kahit di baldado :D

Best Wishes,

Blastpak (Mangyang Sinusuerte!)

goryo888
September 2nd, 2005, 11:26 AM
Naku...sana manalo ng wala man laang GURLIS...ang una na PANALO na walang GUELIS sa AAAAAAAAAAAAAAAKKKIII.....n......
sa inyo na laang uli...nakakahiya:blush: :blush:

ka JOEY gudlak sa mga NOKIS mo ha...

DingDong
September 2nd, 2005, 05:39 PM
ha ha ha!

GO GO GO SG SANDUGO

basta ayos yaan . . .

grandeur0
September 3rd, 2005, 05:31 AM
Samahan lang ng swerti ang entry na sandugo malamang na mag champion,,,,cgurado ang saya !! saya !! natin pag nag champion,,,
alimbuyog kumusta na dyan sa atin okey ba ang klima kasi minsan ulan init dyan eh kaya mahirap mag kondisyon pag walang ruweda sana okey naman at laging maiinit sa nov- at dec

alimbuyog
September 3rd, 2005, 09:43 AM
grandeur, di kagandahan klima dito sa atin, may araw ngayon, maya-maya uulan . . . .

sana nga bago mag-november eh di na masyadong maulan . . .

at sana ay samahan nga ng SWERTE ang SANDUGO entry ni KA JOEY !

grandeur0
September 3rd, 2005, 03:55 PM
alimbuyog naka online ka chat sana tayo kaya lang baka nag babasa ka ng ibang topic,sana nga sa nov mainit na para pag pag uwi ni dingdong ay makapag laban na tayo kelan kaya ang kitakits natin ano tayo sigurado magkikita pag uwi ko pero dapat pag uwi ni dingdong ang handaan sabay laban sa hack fight ,,inip na inip na nga ako lalong tumatagal ang pki ramdam ko ,,,psyal ka rin sa bahay ha pag uwi ko ,,,

alimbuyog
September 3rd, 2005, 04:17 PM
pre,

may YM ka ba? dun kami naguusap ni DD at ng iba pang sabungero. . . . .

di ako makapasok sa chat dito, di ko alam kung bakit . . .

tyaga-tyaga lang, wag mo bilangin ang araw, lalo ka lang maiinip nyan . . . .

magkikita-kita rin tayo, wag ka mag-alala . . . . basta handa ko mga manok dito . . . .

grandeur0
September 3rd, 2005, 04:25 PM
pre wala akong yahoo m,, diko rin ma set up kasi iba rin ang set up ng cp dito sa barko, sige pre alam ko namang magaling kang mag kondisyon ,,,,nakaka inip na talaga pangit kasi byahe namin pangit din ang duty ko 12-6 day and nite dating kasi kmi ng umaga alis din hapon,,email mo nga sa akin cell# mo at ni dingdong shawie2002@yahoo.com para ma txt ko agad si dingdong gusto ko kasi manood ng derby sa texas sa ibang laban ni boss joey...

grandeur0
September 4th, 2005, 04:40 PM
ala lang nasa ilalim na kasi tayo itaas ko lang busy lang siguro kayo,,,hanggang sa muli!!!

DingDong
September 4th, 2005, 06:30 PM
asus at si grandeur ay naiinip na pala. tyagain mo laang iyan igan, ilang tulog na laang yan at katakot-takot na sabong ang dadatnan mo dine.

itabi na ang para sa pamilya at isubi ang para sa panlibang!


:rbounce:

goryo888
September 4th, 2005, 08:03 PM
Gandang PAALALA niyan DD......alam ni Grandeur yan...dapat walang iresponsableng Sabungerong Mangyan...paalala laang sa inyo mga kasandugo!!! ;) ;)

grandeur0
September 4th, 2005, 11:14 PM
Salamat ksmang dingdong sa paalala kahit naman wala pa akong asawa,nagtatabi naman talaga ako para sa savings ko di katulad dati ,,natutu na rin ako na gawing libangan na lang ang sabong hindi sugal,may ilan din akong kasamahan ditona mahilig sa sabong kaya pag nagkita kita usapang manok lagi ang usapan ,,,sige hanggang sa muli ,,,

Manokiz
September 5th, 2005, 03:12 AM
ganda gabi sa inyo sandugo,,,

musta na? good luck sa entry n'yo,,,

ganrdeur0,,,
ano barko sakyan mo d'yaan sa Miami, Fl.? Dati kong Home Port yang Miami, Fl. After lunch, tambay kami d'yaan sa may Bay Side. Dami d'yan Pinoy kapag sunday, trabaho din sa Passenger Cruise Line.
Ingat sa laot. ;)

blackjack
September 5th, 2005, 09:13 AM
Hello internet cockers! Ibabalita k lang n abot n rin d2 s naujan ang internet courtesy of Smart WIFI dati globe pero laging putol ang linya at dial-up lang kc. Better service 2ng smart so its only now that i have posted this thread. Naujan based ako d2 s byan my konting palahi which was reinforced by the stocks of bruce sweaters from bobot ong dyan sa L.A. area padala ni Rolan Galindez, gaffer of the team. Nakarating din d2 ung Paul Webster Albany and Gilliam Roundhead, Middleton sweaters and radios thanks to these 2 great guys. nasubok n namin yung anak ng possum w/c i crossed w/ my old dink sweater hen from peter uren & ok naman resulta lamang ang panalo ng mga anak lalo n ung mga possum cross w/ mugs also from peter these are awesome cutters that throw a lot of feet ... maalwan pa ilaban s hackfight at d cla takot s itim. Cge happy cocking and PM me if any of u comes home para kitakits & chikn talk tyo!

scythe_g
September 5th, 2005, 09:55 AM
goryo88
pre.. kumusta napadaan lang po ako sa thread ninyo... :rbounce: CHEERS!!!!!!


----------------------------------------------------------------------------------
"Its not just about the game"
"its not just about the money"
"Its not just about the trust"
"Its not just about getting away clear"

blackjack
September 5th, 2005, 10:14 AM
Papaampon lang po!... isang transplanted cocker n ngayo'y mangyan n wari!

Gorio88, Jojo60
Review k mga unang threads para makasali. Gud 2 hear that you still remeber ur roots. Ako ung 2koy m na asawa ni Marife & Tatay Melong is my father-in-law. Namatay na ang mommy Penny about 2 yrs ago kaya c fe n lng manage ng botika. I still have a few cocks w/c were augmented by Pareng Olan's broodstocks shipped from your place thru Comm. Serge & Senen Capistrano. Wla p masyadong mapakinabangan d2 kc naubos n at pinaglalaban last March-April. Good results as d stags won a decent majority against cocks. Pinapalaki k p mga cockerels from the recent shipment pero s hipo at kompormasyon ng katawan ay parang my makikitang maganda. Ingat kayo dyan esp. pinsang jojo. PM m kami d2 if u need anything!

alimbuyog
September 5th, 2005, 11:14 AM
blackjack, welcome !

baka pwede kaming makapasyal dyan ni DD at grandeur pag-uwi nila dito . . .

may kasama na ako dito sa mindoro, tayo lang dalawa ang mangyan na andito talaga sa mindoro. . . .

dito ako sa socorro . . . . .

scythe_g
September 5th, 2005, 11:34 AM
Dingdong
pre dito kapala nagpopost...... kumusta kana pre napadaan lang ako pre.....:)

----------------------------------------------------------------------------------
"Its not just about the game"
"its not just about the money"
"Its not just about the trust"
"Its not just about getting away clear"

blackjack
September 5th, 2005, 01:51 PM
Alimbuyog oks n oks kng pumasyal k d2 malapit lang naman 2 at d naman ako lumalayo lagi akong nand2. Pasyal kayo lalo n s sabado fiesta d2 wla nga lang sabong at wla naman sabungan ang naujan. s vict at calapan kmi nglalaban. friends are always welcom here...

blackjack
September 5th, 2005, 02:58 PM
Goryo888
sya nga pala kabayan ninong namin s kasal tio ponching mo kelan ang uwi m sana lumaki n 2ng mga alaga k para mailaban kng nandito k pag-uwi m... happy cocking kahit illegal dyan s lugar mo.... meron din naman dyan ... kahit konti

jojo60
September 5th, 2005, 03:00 PM
kamusta na sa lahat ng mga MANGYAN? pasensiya na mga bossing at medyo naka2log ako ng matagal. salamat ng marami kay pareng Goryo sa pagsimula ng thread na ito coz nagkameron kami ng aking INSAN BLACKJACK na makapagkamustahan muli at sa humigit kumulang na 20 years ay para bang nagkita kami muli. INSAN meron akong pm para sa iyo at sa iyong pamilya. sana nga at ma2pad ang ating pinakamimithi na magkitakitakitz tayong lahat sa madaling panahon. MABUHAY ANG MGA MAY BUNTOT!!! :rbounce: :rbounce:

grandeur0
September 5th, 2005, 04:14 PM
MABUHAY!!! ang mga mangyan dumadami na tayo dito tuloy ang kitakits november or december payag ba kayo na ang unang kitakits eh sa socorro para nasa gitna kasi baka may makapunta na taga bongabong si abrenica bahala na kayo sa date kasi bakasyon naman ako nyan hanggang katapusan ng dec kina alimbuyog kasi may live band yata si alimbuyog isang kambing ang sa akin para maraming putahe,kaldereta,sampayne,saka isda ,sir black jack pasyal din kmi sayo kung okey lang sayo,para makita naman namin mga alaga mo ,,o punta kmi pag may ilalaban ka,,,

blackjack
September 5th, 2005, 04:28 PM
Grandeur0 ok punta kyo d2 kung makakarating k s sabado lalo mganda fiesta d2... kayo p mga kasandugo welcome n welcome. Basta kng kelan ung kitakits post nyo lang date and place nandyan din ako. cge kabayan pgdating m pasyal k anytime pwede d2 nsa gitnang bayan lang kmi yun cannot miss it kc maliit naman 2ng bayan

grandeur0
September 5th, 2005, 04:34 PM
sir black jack october last week pa ang uwi ko kaya nov.pa libre ako ,saan ba ang bayan dyan nakarating kasi sa munisipyo ng naujan matagal na mga 1994 nasa loob diba ,may mga kamag anak ako dyan mga bermudes doon sa may irregation sa highway kaya lang walang mahilig sa manok sa knila.Bkit kaya walang sabungan sa naujan siguro ayaw ng mayor nyo na magka sabungan sa bayan nyo,,,

blackjack
September 5th, 2005, 06:34 PM
grandeur0 papasok pa ang bayan galing s highway pero mlapit lang at puro semen2 naman daan malapit ang amin s munisipyo d2 lang kami s tabi ng plaza. D k maliligaw pagnakarating k ng bayan. Cge kng my time k pag-uwi m feel free 2 drop by anytime... kng my kasama k n kaibigan natin lalong mabuti...

goryo888
September 6th, 2005, 08:54 AM
Blackjack...hapi fiesta!!! Sept.10 malapit na...mga kasandugo yung mga nandyan din laang sa atin sa MINDORO...sige SUGURIN ninyo si BLACKJACK....madali laang makita yang taong yan...punta kayo ng MUNISIPYO at itanong ninyo PULIS...hehehehe...
Meron nga dito kaso iligal....mahirap madampot dito at magkarekord....pag uwi na laang uli.....

JOJO60...o ayan na ang resulta....makukumusta mo na ng maayos mga pinsan mo.....

Grandeur....pinsan mo kamo mga BERMUDES o BERMUDEZ??
kami laang ang BERMUDEZ sa naujan...kung walang hilig sa sabong yung mga pinsanin mo doon...baka nga hindi kami yun....dahil may mga ilan sa amin na mahilig talaga sa SABONG....di pa ako pumapasok ng iskul eh napapapunta na ako sa TUPADAHAN....

alimbuyog
September 6th, 2005, 10:00 AM
blackjack,

hapi fiesta sa inyo dyan ! . . . . kung may makakasama lang ako punta ako dyan . . . . . pagdating na lang ni grandeur . . . .

jojo60,

ung PM mo para para ka blackjack, sa akin napapunta . . . . :D

musta sa inyong lahat !!

sonny dela cruz
September 6th, 2005, 10:24 AM
Musta na mga Igan?

Ka blackjack happy fiesta nagawi kami minsan diyan nung di pa ako nalabas,fiesta din yoon punta kami sa barkada ng utol ko si Meo na anak ng barangay captain ata di lang ako sure kung sakop na ng naujan yoon,kasama namin yung kumpare namin na kung nabalitaan mo ay pinatay ngmga army sa victoria,mga gasic,ang kapatid ko ay may puwesto ng feeds diyan sabagong palengke sa victoria si Sam ang pangalan-gasic feeds ang ngalan ng poultry supply niya.

Sana pag kitakits makilala mo utol ko at si pareng Meo daw ang magdadala ng itik at tilapia.

Musta ang mga naglaban at nagtrabesiya,madehado ba o malliyamado?

Ingat po tayo lagi at God Bless.

jojo60
September 6th, 2005, 12:40 PM
pards, is there anyway that you can forward my PM for blackjack, if not i'll just make one for him... maraming salamat po.:lol: :rbounce:

alimbuyog
September 6th, 2005, 02:13 PM
jo,

ok lang pre. . . . pinorward ko na kay blackjack . . .

tanong mo na lang kung natanggap nya . . . . . . :D

ka sonny,

ayon sa mga tropa ko ditong talamak na magsasabong, maliyamado daw nung sabado sa gloria . . .

blackjack
September 6th, 2005, 04:57 PM
Maraming salamat alimbuyog at nai4ward m ung pm n pinsang jojo.

Jo pm kmi s u pgdating n fe mamaya

Goryo888 pare kumusta daw sabi ng tiya mo at ng pinsan mo cna rene at rod. khit wala k ipaghahanda k dw ng dalawa mong pinsan s b-day mo. tlagang mahal n mahal k ng mga pinsan m magseselebrate sa kaarawan mo khit wala ka. hapi b-day!!!

Alimbuyog pagdating n grandeur0 pasyal kayo tokiz manok tayo

Sonny daan k rin d2 pagnapauwi k malapit lang naman 2 sa inyo
para masunson natin common friends natin 2lad ng mga Adalia, Sammy n nandyan s Vict

cge mga mates antay lang ako s inyo d2 kng my mapadaan

DingDong
September 6th, 2005, 07:16 PM
NAKUPO PASENSYA NA MGA KASANDUGO.

he he he, dumadami dumadami na tayo dito.

teka mabasa uli.

blackjack, kung sakaling matuloy akong umuwi sa undas, hi hi hi, kami nina alimbuyog at grandeur ay dadayo dyaan ng kwentong manok.

preng scythe_g . . . dalaw dalaw ka lang pre. mga kabahag, napakabait din nireng si preng scythe. . .

grandeur . . . sus, ilang tulog na laang

SA LAHAT

basta paalala lamang ha, itong ating larong sabong ay libangan lamang. minsan nga talo pa sa gastos sa liit ng pusta, pero dahil hilig natin ito, larga na rin.


:smoke:

goryo888
September 6th, 2005, 10:22 PM
Blackjack...salamat...pakisabi na rin sa kanila SALAMAT...kaya nga pag sasapit ang petsang iyan eh....ang sinasabi ko eh PUNTA kayo sa BAYAN nandon lahat ng HANDA ko!!! :lol: :lol:
Nandyaan ka pa ga rin sa MUNISIPYO??
Hwag mo muna ako ikukumusta kina ate ELY Masuba....hehehe...may utang pa ako dyaan...wala pa ako napapadala dyaan...saka na muna pag may umuwi uli...sa mga tio Maning eh okay laang medyo ABSWELTO tayo dyaan....may pinadala ako sa tio Maning na Vitamins niya ...kaso nasa kuya ko pa sa Laguna....maliit na bagay para alam nila na hindi ko sila nalilimutan....konti na laang naman ang pinagkakautangan ko dyaan at halos eh abswelto na ako sa mga kamag anak, si ate ely na laang at si tita LINDA Catly na laang dyaan....hwag mo muna mababanggit sa kanila baka maalala...hahaha :lol: pero okay din IKUMUSTA mo na rin ako sa kanilang dalawa.....saka na muna kamo yung utang KO!!:)
Salamat....
sige pag umuwi ako itataon kong anibersaryo sa DRAGON para makaentry rin....kahit paPISO PISO laang PUSTA...kauntian laang baga...makapag aliw laang!!

jojo60
September 7th, 2005, 08:12 AM
pareng alimbuyog maraming salamat sa aking pabor sa iyo... INSAN BLACKJACK cge intay ko pm mo sa akin para naman makapag respond ka agad ako..sa lahat ng mga KA SANDUGO take care always maski saan man parte kayo ng mundo. GOD BLESS!!!

alimbuyog
September 7th, 2005, 10:59 AM
preng jojo & blackjack,

alang anuman yun mga prends . . . . .

blackjack,

punta kami dyan, di pa ako nakakapunta dyaan sa bayan nyo, puro tingin at daan lang pag lumuluwas . . .

gandang araw sa inyong lahat . . .

DingDong
September 7th, 2005, 02:30 PM
he he he, mga sandugo . . . .

pasok laang dine . . .

hala alimbuyog, puntahi na sa naujan, maraming pinsan doon yun si ryan, kasama mo sa banda . . . . baka nga kababag-anak pa nila ireng ating mga igan dine. sulong, tanungi na!


:rbounce:

alimbuyog
September 7th, 2005, 04:12 PM
DD,

matanong ko nga mamaya paguwi . . . . . :D

goryo888
September 8th, 2005, 07:37 AM
Itaas ko laang uli ere....para kayoy maimbitahan sa aming PYESTA...sa a DYES hwag nyo kalilimutan...puntahan nyo si BLACKJACK.....kung wala siya, puntahan nyo mga kamag anak ko doon sabihin nyo laang na kayoy mga KABAHAG ni ka GORYO!!! Mlamang hindi kayo papasukin dahil hindi nila kilala si GORYO:lol: :lol: :lol:

eto ang PAMULUTAN!!

alimbuyog
September 8th, 2005, 09:09 AM
sir gori,

pagka-gay-an ang pulutan, di na kami makakatagay nyan . . . . :crazy:

DD,

ayon kay Ryan, Handa/Janda daw mga kamag-anak nila sa Naujan, sa Lumangbayan daw . . . .

goryo888
September 8th, 2005, 09:41 AM
May kilala akong mga Janda.....eto Richard Janda...basketball player, May principal ding Janda dati dyaan sa amin sa Naujan....mga taga Lumambayan nga ang mga Janda.....

Okay laang...kung hindi makatagay para di kayo malasing...MAMULUTAN na laang kayo.... :lol: :lol:

alimbuyog
September 8th, 2005, 02:53 PM
aba'y meron nga. . . . . malamang isama ko tong kaibigan ko dito pag pumasyal kami dyaan . . .

lola nya ung taga dyan kaso yumao na . . . .

grandeur0
September 8th, 2005, 04:11 PM
alimbuyog kakainggit ka naman,sarap din talaga ng nsa pinas ,,pre pag pupunta ka ng naujan wag mo kakalimutan wag ka gagabihin kasi may pakakainin ka pang mga manok
srap ng umuwi!!!!!! khit manood lang ng sabong masaya na ako makakita lang ako ng manok natutuwa na ako....

DingDong
September 8th, 2005, 06:12 PM
ka goryo,

pag ka gay-an ang katabi sa inuman dalwa laang
ang maaring mangyari.

una baka hindi na makatagay at titikman na
laang ang pulutan mo, he he he.

yun isa naman ay mapapadalas ang tagay
at animo baga'y hindi maialis ang mata sa
iyong pulutan.

alimbuyog,

tama si ka grandeur, wag pagagabi't baka
magka ulcer ang mga nokiz, hi hi hi

hala larga na.


:rbounce:

grandeur0
September 8th, 2005, 11:19 PM
pag ganyan ang pulutan matagal ako malasing,lalo na pag nasa lamesa natin yan ,,,panay bagyo ang inaabot ng byahe namin kaya lagi kaming nsa dagat,,lalo lang nakakamiss ang mga manok ,,,,sana manalo ang sandugo entry at mag champion kabayang dingdong kwentuhan mo na lang kmi or pag lumabas na ang dvd nyan bili tayo....para mapanood natin ,,,hanggang sa muli

goryo888
September 9th, 2005, 07:58 AM
syempre wala tayong hangad kundi ang magandang resulta sa ENTRY ng ating kabahag na si ka JOEY....
malapit na!!! swerte ng mga makakapanood....sana nga makaroon ng DVD para mapanood naman namin na hindi nakapanood ng LIVE....

Magandang kapalaran ang aming hangad sa ENTRING "SG SANDUGO"!!!;)

sonny dela cruz
September 9th, 2005, 08:15 AM
Good luck po Ka Joey at sa iba pang me entry ako po naimbitahan ding mag pasok ng isang stag sa KCA sa pampanga sa Sept 16. sana po lumusot din,min.bet lang po barkadahan entry po namin nila ka Rowdell Cruz ng RTCA.Sana po maganda rin resulta at ng maparami lahi sa atin diyan sa Canaan.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

alimbuyog
September 9th, 2005, 08:34 AM
granduer,

kelan ba talaga uwi mo, may nagtatanong sa akin dito . . . di ka pala aabot sa derby . . ako naman tingnan ko kung makakaluwas para makapanood din . . . . di pa sigurado . . .

yaan nga ang hirap pag may alagang manok, pag may biglaang inuman dito sa opisina di makababad, kelangan talagang umuwi . . . . pero maganda rin, medyo nakakaiwas ng konti sa inom . . . .

alimbuyog
September 9th, 2005, 03:56 PM
abay ka sonny, malapit na yaan ah. . . . . . gud lak sa entry nyo. . . .

sana nga ay palarin lahat ng mga manok ng MANGYAN . . . . . :rbounce:

grandeur0
September 9th, 2005, 04:37 PM
alimbuyog balitaan mo kmi sa fiesta sa naujan pag pumunta kayo ,,pre cno nagtatanong kung kelan ang uwi ko sabi mo sa oct last week pa,hirap ng byahe namin kasi lagi may bagyo
3rd week of sept sa galveston yata kmi byahe floating hotel kmi yong mga nawalan ng bahay sa new orleans ang sakay namin for 6 months karamihan doon ay mga itim (egoy) pangit na byahe mawawala ang sideline namin,dyan pa naman ako umaasa pampatuka sa manok ko heh,,heh,,

ingat kayo lahat nsaan man kayong mga mangyan!!!

DingDong
September 9th, 2005, 06:30 PM
wala bang sasama ng pusta dyaan . . . .

ako kahit mamiso pupusta din sa manok ng tropa . . .

sana makapamulsa ng pambyahe pauwi sa mindoro sa undras . . .

palarin sana ang mga mangyan . . . .



:rbounce:

sonny dela cruz
September 9th, 2005, 07:32 PM
Musta na po mga Ka Sandugo?

Alimbuyog,maraming salamat sanag nga po palarin at ng mapadala diyan sa atin at ng maparami at ang mga lahi ay ating maibahagi sa Sandugo para sa ating mga darating na entry.

Good luck din po salahat ng me parating na ilalaban.Ang tatay ko po ay siguradong kahit pano ay susuporta ke Ka joey,malapit lang po kasi kami sa San Mateo kung saan gaganapin ang CF entry.


Grandeour,ingat sa biyahe at sa ating lahat.God Bless.

DingDong
September 9th, 2005, 07:58 PM
ka sonny

good luck sa laban mo

kung mapasama sa umpukan ang tatay mo

baka sakaling makahuntahan ko din


:rbounce:

goryo888
September 10th, 2005, 06:06 AM
sa mga KABAHAG na maglalaban....gudlak sa inyong lahat....basta laro laro lang at hwag gagawing SUGAL!! ;) ;)

goryo888
September 10th, 2005, 09:28 AM
Mga Kbahagggggggggggggggggggg!!!!!!!!!!! Pyesta sa amin sa NAUJAN..................kayo'y aking inaanyayahan na mamiyesta sa aming bayan!!!bagamat wala ako doon eh.....bahala na si BLACKJACK sa inyo!!!hehehehe:lol:
Ang galing kong mangimbita ano?? madami namang restoran doon kapag kayoy ginutom...nyehehehe:crazy:
Biro laang mga sandugo....;)

goryo888
September 10th, 2005, 09:33 AM
eto pa....handa sa pyesta sa amin:D :D

alimbuyog
September 10th, 2005, 11:34 AM
sir gori, blackjack, jojo,

HAPPY FIESTA na laang sa inyo! . . . . . . sensya na di namin mapaunlakan imbitasyon nyo, may gawain kasi dito di maipagpaliban . . .

sayang, sarap pa naman ng inihanda ni sir gori . . . .:crazy:

sa sunod na lang . . . .

grandeur, kilala mo ung nagpapatanong, may gusto yatang itanong sa yo pagdating mo dito . . . .:D

DingDong
September 10th, 2005, 05:50 PM
makasabat lang ng konti.


hala sige mga kabahag tuloy tuloy lang po tayo

:rbounce:

goryo888
September 10th, 2005, 08:32 PM
Tlagang tuloy tuloy laang DD...sana magkita kita na kayo muna dyaan...para maumpisahan ng totohanan ang ating samahan....mayroon akong matagal ng balak kaso nga medyo malayo ako dyaan, sana kung okay sa inyo, eh umpisahan na...halimbawa....pangalan ng samahan" Sandugo Cockers Foundation or Association" Foundation kasi, dapat mayroon tayong hangarin na para sa iba...lalung lalo na sa mga kapatid nating MANGYAN, halimbawa...sino man sa kabahag natin ang mag ENTRY, at magTSMPYON o kaya ay manalo ng kahit magkano...magbigay sa foundation ng kaunti, o kung ano mang porsyento na itatakda ng Foundation o ng ating SAMAHAN. Magbukas ng ACCOUNT at deretso nalang ideposito ng myembrong magaambag, irehistro sa SEC. Sa tuwing sasapit ang pasko o kahit ano mang oras....magbibigay tayo sa ating mga kapatid na MANGYAN...tulad ng halimbawa BILI tayo ng isang SALOP na BIGAS at ipamahagi natin sa kanila, isang latang sardinas, isang supot na noodles....yan ay maliit na bagay na kahit papano mapaparating natin sa ating mgA KAPATID NA SILA'Y kinakalinga. mAG PAARAL TAYO NG bata NA GUSTONG MAG ARAL, pero kapos ang mga magulang para tustusan ang kanilang pag aaral. Mag tatayo tayo ng HINDI KURAKOT na OPISYALES, dahil kung magkakaganon, ang sino man na manungkulan at gumawa ng kalokohan, itatali nating patiwatik sa itaas ng BUNDOK at ihuhulog sa BANGIN, dahil walang kwentang tao!!! :mad: :mad:
Gawin nating katiwala sa atingmanukan kaya ay ating kapatid ding mangyan....
Basta marami tayong pwedeng magawa ang kailangan laang ay Maumpisahan.....
Ano sa palagay nyo mga KASANDUGO???

juan sabungero
September 10th, 2005, 09:27 PM
happy b day ulit :lol:

goryo888
September 11th, 2005, 07:09 AM
Ka Juan...mula sa aking puso...ang isang malugod na PASASALAMAT!! ikaw ang kaunaunahang BUMATI sa akin!!;) ;)

jojo60
September 11th, 2005, 02:43 PM
pareng GORYO,
HAPPY-HAPPY BIRTHDAY !!!! MAY YOU HAVE MANY MORE TO COME... payag ako sa iyong napakagandang alituntunin para sa ating mga kapatid na MANGYAN.malaki ang ating maitutulong sa kanila kapag itong ating balak ay maisatupad. i wish we could see each other in the very near future para naman maisatupad ang ating mga pangarap at magbotohan na tayo kung sino man ang mamumuno ng ating magandang samahan.


alimbuyog,
maraming salamat kapatid sa iyong pagkumbida.



BLACKJACK,
insan kamusta na muli? nabasa mo na ba iyong pm ko sa iyo? HAPPY-HAPPY FIESTA!!!:rbounce::lol:

sonny dela cruz
September 12th, 2005, 01:12 AM
Happy Birthday ka Goryo888,more sucess to come,peace of mind .

goryo888
September 12th, 2005, 05:27 AM
Salamt Kabahag na SONNY!! Ganon din sayo ang aking mithi!!

alimbuyog
September 12th, 2005, 11:16 AM
sir gori,

birthday mo pala . . . . .

HAPPY BIRTHDAY!

maganda ung naisip mong magkaroon ng ganyang hangarin ang ating samahan, nakagawa na kami ng ganyan dati nung umaakyat pa kami ng bundok, pangalan ng grupo namin ay MANGYAN MOUNTAINEERS, nagdala/namigay kami ng mga lumang damit, bigas, de-lata atbp sa mga ita sa may paanan ng Mt. Pinatubo, mahirap na masarap ang tumulong . . . .

goryo888
September 12th, 2005, 07:59 PM
Alimbuyog....hindi baleng mahirap....basta nakapagbigay tayo ng kahit kaunting tulong sa mga halos wala ng masulingan......ang PAGOD ay nawawala kapag nakita mo ang NGITI sa kanilang MUKHA.......

Kahit bumayad tayo ng DOCTOR para kahit isang araw ay matingnan ang kalagayang PANGKALUSUGAN ng mga ito....mag...ipon ng mga gamot at bitamina ang ating samahan...para sa isang MEDICAL MISSION.....mga bagay na hindi na natin pwedeng iasa sa ating BULOK na SISTEMA ng GOBYERNO, kaya tayo na laang mga ORDINARYONG tao ang gumawa ng paraan para sa KAPWA natin.....kahit hindi man ito MATULOY....ako naman mismo sa sarili ko ang GAGAWA nito....nag-IIPON IPON laang ng KONTI.... ;) pero mas maganda kung may mga KASAMA ka sa isang HANGARIN na TULAD nito...para mas MALAKING tulong ang MAGAGAWA....

joey bravo
September 13th, 2005, 08:27 AM
:D

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/pacmankitakits2.jpg

sagot ni ka Ding Dong ang kaldereta, inihaw ng porkchop at isang litro na chivas.

naghanda si misis ko ng pulutan na kinilaw na kambing, lechon paksiw, inihaw na rainbow trout at yung inihaw na footlong ng mangyan.

kaya ayos na ayos panunuod at kwentuhan.

hulaan nyo na lang kung sino dyan si kabahag Dingdong, Yung pinaka magandang lalake eh si ka DD na yun. Wala pala ako dyan kasi ako cameraman.

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/pacmankitakits.jpg

joey bravo
September 13th, 2005, 08:33 AM
happy b-day nga pala ka goryo!!!

sana ay dumami pa ang rumangyan mo!:rbounce:

goryo888
September 13th, 2005, 09:12 AM
Salamat ka Joey......kasarap naman ng KAINAN at INUMAN nyo dyaan....kakahili.....kakatuwa namang makita na ang maga kabahag eh MALILIGAYA!!;) ;)

alimbuyog
September 13th, 2005, 10:36 AM
ka joey,

kasarap naman ng inyong huntahang yaan . . . . .

kilala ko dyan si DD, ung may HIV . . . . . he he he

sir gori,

kasama mo kami sa hangarin mong yan, kelangan lang nating masimulan . . . . . di baga mga KABAHAG!

goryo888
September 14th, 2005, 01:22 AM
Itataas ko laang uli ere....medyo abala yata lahat ng mga KABAHAG!!;) ;)

sonny dela cruz
September 14th, 2005, 04:27 AM
Kasarap naman ng kwentuhan at iunman habang pinapanood ang laban ni Pacman,kami dito nag-iinom din at me konting pulutanpero iba pa rin kung andiyan tayo kahit gano pa kasarap inumin pero ang pulutan at kwentuhan sa PINAS pa rin ang sarap.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

alimbuyog
September 14th, 2005, 10:38 AM
:D ala lang . . . . .

alimbuyog
September 15th, 2005, 08:09 AM
magandang umaga po sa ingyong lahat . . . . . .

maulan dito sa ating probinsya o baka naman dito lang sa amin sa socorro . . . . . .

kumusta na sa lahat dyan, mukhang abala yata ang ilan at hindi napapagawi dine . . . . .

joey bravo
September 15th, 2005, 08:18 AM
meron ako dating classmate na taga socorro ni Neneng Perez, musta na kaya yun.

ka alimbuyog buti na lang ikaw walang HIV.:lol:

alimbuyog
September 15th, 2005, 08:50 AM
ka joey,

nennen perez ba, pinsan ng asawa ko . . . . . . kaklase mo ba nung college? ung utol ni nennen barkada/kaklase ni DD . . . . .

sabihin ko pinapakumusta mo . . . . .

ibang HIV un ka joey ha . . . . . . he heh he . . . . :D

goryo888
September 15th, 2005, 09:08 AM
Alimbuyog...lagot ka kay DD...."hair is vanishing" ba??hehehe!!Lagoootttttttt!!! :lol: :lol:

joey bravo
September 15th, 2005, 09:21 AM
baka nagkakabangaan na tayo sa kamangyanan eh d ko man lang alam itsura nyo. :D

eto andito ako sa group piture na ito ng CF.:D

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/cf.jpg

goryo888
September 15th, 2005, 10:03 AM
Mga kabahag...ipakita na ninyo mga mukha ninyo dito...para naman...pag nagkasalubong tayo ay makikilala natin bawat isa...ayan nauna na si ka JOEY..... ;) ;)

alimbuyog
September 15th, 2005, 10:42 AM
sir gori/ka joey,

yaan nyo, pag natuloy kita-kits dito maklikita nyo rin kami . . . . pa-picture kami ng marami . . . .

eh nasan na nga kaya si DD, di nagpaparamdam ah . . . .

chuckeee2
September 15th, 2005, 11:39 AM
Mga ka Sandugo,

Aba'y ako'y pauli uli na dine e hanggang sa ngayon pa ba'y hindi pa naitatatag yaang samahan ng taga Oriental ?

Sandugo Joey, Umpisahe na yaan at ako'y isa sa mga susuporta diyan. I draft na ang Sandugo policy at pamunuan mo na yaan.

DingDong
September 15th, 2005, 06:27 PM
nakupo

pagpasensyahan nyo na mga kabahag

ilang araw tumigil ang mundo ko sa sabong

meron kasi kami trabaho ng tatlong sunod sunod
na araw. meron kami external auditors.
ayun hindi makasilip dito

pero ngayon libre na uli ako.

kaya he he he, tuloy ang ligaya.

ikaw ka joey ha, teka ayun ako oh, bwahahahahahaha.

teka ano ba yung HIV, hmmmmmm. may tira pa ng konti, he he he

goryo888
September 16th, 2005, 11:31 AM
itataas laang muna are....natatabunan na!!;)

grandeur0
September 16th, 2005, 04:10 PM
medyo di rin ako nakapasyal ng ilang araw dine kasi maalon ngayon dito sa byahe namin nakakahilo ,ayan kilala ko na si ka joey diko pa rin nakita si dindong si rebel at 3rd lang ang kilala ko sa naipost ni ka joey nakita ko noong 2003 cf kitakits,,yaan nyo malapit na ang uwi makikita na nyo kmi nina alimbuyog , cgurado may kitakits pag uwi ko

joey bravo
September 16th, 2005, 04:30 PM
katabi ni rebel si Steph (pink) , swallow (white)and Erick (Black) na naka upo.

:)

DingDong
September 16th, 2005, 05:11 PM
pre grandeur, hi hi hi

hindi mo ko makikita dyan kasi katabi ako ni kabahag joey, sya ang camera man di ga, he he he.

ang damit ko mapusyaw na dilaw, parang kilyawan baga.

pag tayo ang nagkitakits hindi ako makakatago, bwahahahaha.

:rbounce:

goryo888
September 17th, 2005, 04:25 AM
itataas ko muna uli are ha??!!;)

sonny dela cruz
September 17th, 2005, 07:24 AM
Musta na po mga Kabahag?

Gusto ko lang pong ibalita na isa po tayo sa pinalad na makasama sa grupo ng nag champion sa KCA 3 stag derby na ginanap kahapon ang SSS-R3CA entry,co champoin po natin ang kay Paring Joey,Ronnie Lacsina entry

Gusto ko pong magpasalamat sa inyong suporta,unang una tayp po ay nakatulong sa kanilang maganda ring adhikain para sa pa derby na iyon, ang makatulong sa ating mga kababayan.

Tayo rin po ay sana mabigyan din ng pagkakataon na kagaya nun ng tayoy makatulong sa ating mga kabahag.

Muli po ang aking pasasalamat sa inyong suporta mga kabahag.Ingat po tayo lagi and God Bless.

alimbuyog
September 17th, 2005, 09:22 AM
ka sonny,

uuna na ako sa pagbati sa iyong tagumpay! ! ! kongrats . . . .

ey bat nga kaya di na lumalabas ung malaking piktyur nina ka joey, tuloy isang mata lang kita kay DD . . . . :D

sir chuck,

musta nga pala sa iyo . . . .

chuckeee2
September 17th, 2005, 10:48 AM
Sandugo Alimbuyog,

ere't pabata na! saan ka baga sa Oriental? Baka naman tayo'y magkita sa Puerto e 6 months ako diyan mula Enero.

chuckeee2
September 17th, 2005, 10:59 AM
Alimbuyog,

sigurado'y may pa derby sa kapistahan ng bayan sa Mayo at kung ika'y sakaling mapasali e magdala ka ng sariling mananari at kanya kanyang tarian dine. Bawal na wari ko ang mananari sa sabungan dine pinagbawal na gawa ng alam mo na marahil kung ano.
Ang samahang Oriental e nabahura na ga sa isla berde?

goryo888
September 17th, 2005, 11:10 AM
Ako man ay babati rin sa iyo...kabahag na SONNY...kongrats!!!

sa inyong lahat nawa'y ang PAGPAPALA ng MAYKAPAL ay sumaATIN nawa!!;)

DingDong
September 17th, 2005, 11:18 AM
hala harinawa'y magtuloytuloy ang swerte ng mga mangyan sa mga darating na laban.

ang susunod na maraming laban ay si ka joey.

baka kami ay sa nobyembre o disyembre pa.

ka sonny, paki-ambunan mo ng iyong buenas si kabahag joey, he he he!



:rbounce: :smoke: :rbounce:

goryo888
September 17th, 2005, 11:50 AM
Sige kayo muna ang SWERTEHEN ng HUSTO...ako ay sa medyo PAHULI na laang muna..... ;) ;)

sonny dela cruz
September 17th, 2005, 12:24 PM
Maraming salamat po ulit sa inyong lahat at tayong lahat ay nananalangin na naway di lang si Ka Joey ang swertihin din lahat po tayo at hindi lang sa larangan ng pagmamanok kungdi sa ating pang araw araw na pamumuhay .Ang akin lang pong pagsali ay hindi po sa pera sa dahilang min bet.laang po ako.

Dala ko po ang buong Kabahag sa pagsali kaya po tayo ay biniyayaan ng kaunting swerte.At gaya po ng aking pangako ay pag sinuwerte pa siya sa darating na laban niyasa katapusan ng uwan na ito ay pakukuha ko na sa kapatid ko at ng ating maparami diyan.

Naway tayo pong lahat sampu ng ating mga mahal sa buhay ay pagpalaing lahat.marami pong salamat ulit.

Ingat po tayo lagi.

alimbuyog
September 17th, 2005, 01:20 PM
chuck

sa socorro lang ako, last year 2 beses kami pumunta ng puerto . . . abisuhan kita pag pupunta kami dyan, dyan kasi gusto lagi pumunta ng mga pinsan ng esmi ko pag umuuwi ng pinas . . .

abay mahirap pala magsabong dyan sa inyo, baka madale tayo ng magmamanok . . . . he he he :D

goryo888
September 18th, 2005, 11:19 AM
Usongggggggggggggggggggg....bigatttt!!

alimbuyog
September 18th, 2005, 11:36 AM
arrraaaayyyyyy . . . . . . dahan-dahan lang . . . . :D

chuckeee2
September 18th, 2005, 12:39 PM
mga ka Sandugo,

Ano ga ! itatag na yaan. Walang mangyayari kung tayo'y dine na laang sa net e patanda na tayo. Sino ga ang puwedeng tumimon niyan? Sandugo Joey, sagwani na ere!

Kurdapyo, kung narine ka e ayos ang iyong suggestion. Ako ma'y susuporta laang. Magaling ang policy ng tsm at ating i apply ng makasali man laang diyan sa CF in the future.

Alimbuyog, kamag anakan ba ng esmi mo ang mga Berberabe? Naroon ang mga anak last summer from US.

teodychongco
September 18th, 2005, 01:26 PM
salamat mga kabayan sa inyong mga kuro2 ako ay taga mindoro din! sadicon & chongco ang angkan namin sa Pinamalayan! sana mgkitakita tau dyan uuwi ako ng december. malakas din ang sabong dito sa saudi kahit patago!
shukran katir,
teody

DingDong
September 18th, 2005, 07:12 PM
aba aba at aba pa uli.

tayo'y nadami na dine ah. basta ang kitakits ay malapit na. sa socorro gaganapin ire, petsa na laang ang kulang. ang aking nga mungkahi ay sa mga darating na bakasyon, sa dahilang ang mga mangyan na ang trabaho'y nasa sa maynila ay nauuwi din naman basta makasilip ng mahabang bakasyon.

katulad nitong parating na undras, hi hi hi, baka ako'y makakasaglit umuwi sa atin.

hala, sagwani na ere.

ka teody, ikaw ga'y ngangay-on dine, aba'y welkam sa kalahati (in behalf) ni ka goryo at mga kasama. kung dati naman na, ay gay-on din, saan ga napasaling at ika'y nawala. pag uwi mo ay baka tayo'y magkahuntahan, magkalapit bayan laang tayo, at sa disyembre ako'y nauwi din.


:rbounce:

Manokiz
September 18th, 2005, 08:52 PM
how are you ga,,, mga ka-sandugo?

tanong ko lang kong magkano na ba ga ngayon bayad ng elf van / pic up, sa barko? maraeng salamat po,,,
:)

sonny dela cruz
September 19th, 2005, 12:16 AM
Musta na po mga kabahag? Dingdong tanong ko lang kung kelan 2 cock derby o 2 cock ulutan yung sasalihan niyo sa darating na Nov. o Disyembre po ba?balak ko po kasimagpasok din kahit min.bet lang po para sa entry ng Sandugo?

Bossing Manokis mukhang mamasyal kayo sa ating mga kabahag pagbakasyon niyo ah,sana tatapat sa kitakits ng Sandugo para masaya.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

Manokiz
September 19th, 2005, 05:01 AM
sandugo sonny,
naga-tanong laang si ako. kapag malapit na pasko, malakas dun sa amin ang Lechon. napa-tataon bakasyon ko lagi, before x'mas nung nasa barko pa naga-trabaho. yan man din laang ang aking tanging libangan.

mas masarap at malasa ang native na baboy na kulay itim, kesa puti. ka-daeng nama-maraka ng baboy na native d'y-aan, at inilu-luwas Maynila.

Eh kung, meron ba ga diyan naga-luwas,,, eh,,, paki-sabihan naman si me,,, at ng mapag-usapan. :D

salamat po,,, :)

goryo888
September 19th, 2005, 05:33 AM
Teodychongco..kabahag welkam ka dito sa ating maliit na KUBOL....dumadami ang mga mangyan...kaya sa nandyaan at sa mga uuwi sa atin na nasa malalayong lugar eh UMPISAHAN na ang KITAKITZ......at kaming medyo hindi pa makakauwi eh maghihintay na laang ng inyong mga LITRATO dine......

;) ;)

Hala sige at naway ang PAGPAPALA ng POONG MAYKAPAL ay sumaatin nawa!!

DingDong
September 19th, 2005, 01:12 PM
ka manokiz,

ang huli kong uwi sa atin ay noong mahal na araw, abril yata iyon nitong taon na ito, ang pamasahe ng kotse noon, pareho na din siguro ng mga van/pick-up ay Php 880.00. pero kung light truck na parang elf, baka mas mahal iyon.

ka sonny,

ang derby yata ay sa Pinamalayan, sa ika-31 ng Oktubre, 2-cock marahil iyon.

sa buwan ng disyembre naman, ay madami doon sa ibat ibang sabungan.

sige kaibigan, pakibanggit mo na laang dine kung tuloy ka at ng makilala naman kung sinuman ang iyong ipapadala doon. tuloy maiiwas na din ang ating mga tinale na magkatapat.

ka goryo,

tuloy na ang kitakitz ng nasa isla, petsa na lamang ang kulang


HALA SIGE MGA KABAHAG, PASOK!


:rbounce:

DingDong
September 19th, 2005, 04:59 PM
babawi ako.

mukhang wala mga kabahag ko ah.

mag-isa ko itong bubuhatin.

kaya ko ito,

uuuuuggggghhhhh, aaaahhhhhhh

whew, ang bigat mga kabahag.

:lol:

:rbounce:

sonny dela cruz
September 19th, 2005, 07:53 PM
Kamusta mga Kabahag !!!!!!!!!!!!!


Ka Dingdong eto po ba ay 2 cock o stag derby laang yung sa pinamalayan ?tawagan ko kasi yung kapatid ko kung meron tayong maisasali at kung maliitan kakayanin natin ang pot money nang maumpisahan na natin ang ang pagpasok ng SANDUGO entryito na po ang gagamitin natin para maiwasan natin makalaban ang ating kabahag.

Kung ano man pong petsa tatapat ang kitakits okey po tayo at pasasabihan ko ang kapatid ko.

Ingat po tayo lagi.Ka joey good luck po sa entry niyo.God Bless

DingDong
September 19th, 2005, 08:28 PM
ka sonny,

hindi uso ang stag derby dun.

puro cock ang labanan dun pre. pero kung makakasali kami medyo bata pa ng konti ilalaban namin.

sige ka sonny, ipalagay natin kay ka alimbuyog details ng derby sa pinamalayan.

paging ka alimbuyog pakilagay naman dine. ikaw ang malapitlapit dyaan.



:rbounce:

blastpak
September 19th, 2005, 11:12 PM
Kabahag Sonny...

MABUHAY :rbounce: Congratulations for your success. Long live Sandugo. Kumusta sa lahat

Blastpak

sonny dela cruz
September 20th, 2005, 04:51 AM
Ka DingDong maraming salamat,kung magkakagay on ay baka hindi pa makaabot ang ating mga tinale na magugulang,pero maganda malaman narin natin ke Kabahag na Alimbuyog para sa lahat ng ng Kabahag.

Kabahag na Blastpak maraming salamat sana sa atin magkaroon tayo ng entry kung hindi man itong darating na octobre sana sa disyembre kahit maliitan lang kung tulong tulong ang grupong sandugo panigurado dadami rin.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

blastpak
September 20th, 2005, 06:42 AM
Puede siguro, ka Sonny. Me idea ka ba kung pano mapabilis ang acclimatization ng galing dito na battle-crosses? Puede na ba ang 2 months para sila makapag-adjust sa P.I? Bitin yata, ano? Plano ko kasi magpauwi ng pang-entry. Inputs please...

Blastpak