PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 [20] 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

dojins.bros
November 16th, 2006, 03:04 PM
Ka MM...
di na puede yong Lieper Hatch ko..ganador ko nalang yon...medyo masama ang tama nong nakalaban ko ang manok ni berberabe sa san pascual....may ron ako magugulang mga 3 years old na Lemon x Claret din yong Butcher ko..di ko lang alam kong paano e post dito para makita nyo kong puede na uwi naman ako ng dec...di kong may oras na makapasyal mga kaibigan natin sa baco..para makita nila ang mga manok.....

Mt.Halcon 888
November 16th, 2006, 03:49 PM
Musta mga kabahag,ngayon ko lang nalaman na ok na pala ulit itong kubol natin,tagal na nawala . . . .
Ka Nestor,tinawagan ko si Boyet,talagang di na raw pwede lumaban yung hindi banded,kaya sayang yung handa nung nga manok ko,15 lahat silang hinanda. .
Musta na si Ka BJ,anong latest .?

mj_cool69
November 16th, 2006, 04:06 PM
musta na sa lahat na katribu, tanong ko lang kung marami ba member ng ORMIGBA?

muk_mafi
November 16th, 2006, 04:30 PM
ka jeff,
sayang nga yan manok mo, wala tuloy tayo aabangan until january. canceled din ang fastest kill natin. di na rin kami entry sa DRT 4-cock sa dec 16 kasi napagtalo yung mga magiging kabakas ko sana, di rin makontak yun taga bacolod na kukunan sana ng manok. ipalaban ko na lang yun 2 manok namin ngayon december (pang hackfyt lang).

ka joey,
thanks sa bidyo! sarap panoorin, ang gagaling ng manok nila. kakainggit talaga.... isa na lang po request... baka pwede pa upload nung kay kabahag DD na talisayin sa "photobucket", yun lang kasi ang ubra dine sa saudi. blocked ang "youtube" at "yousendit". thanks again!

gary,
sus, ay pagkagaling pala talaga nung nokiz mo. napanood din natin sa wakas! dapat yun ay maparami pa...

ka SPSP,
hanep din yun sweater/karachi natin ah. napakaingat at galing ng timing ng palo. yan ang paborito ko laro ng manok! asan na po itong mga manok nyo na ito? nabenta na?

joey bravo
November 16th, 2006, 04:34 PM
Mga kabahag,

May details na yung CF Derby 2007 sa Sabong News.

Nkalagay yung mga names ng mga dating sumali, pledge lang naman yan at pwedeng tumuloy at bawasan.

Ako may entry na na sigurado isa o dalawa......may 9 na manok ako sa San Gelacio na hinahanda na ni pareng Raul Caringal. May isa din na hinahanda dito sa paranaque. Kumbaga may Mangyan Support Contingent at Manila Special Forces. weheheheh

joey bravo
November 16th, 2006, 04:36 PM
http://download.yousendit.com/F80F6FF97B1A0A6A

daig si poging bagsik sa porma....wehehehhe

muk_mafi
November 16th, 2006, 04:51 PM
ka joey,
automatic nga lumalabas yung title... ganun ba talaga yun. hehe.


ka DB,
kahit isa sana padala ka, kung pwede yung best mo. karangalan kasi ng mga mangyan ang nakataya. sensya ka na ha. hehe. yung sa akin ay praktisan lang yun, di ko expect na makakasali yun pero padala ko rin para dumami man lang sila dun. :D

joey bravo
November 16th, 2006, 04:56 PM
http://s17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/?action=view&current=DingDong.flv


oo ka muff kasi inedit ko din yung title sa yousendit...weheheheh

dojins.bros
November 16th, 2006, 05:10 PM
Ka JB...
ang gagaling naman ng mga manok mo....kaganda tingnan
ang sipag mamalo....iba na talaga pagmanok ng mangyan...

dojins.bros
November 16th, 2006, 05:14 PM
Ka MM...
ibitaw ko muna pag-uwi ko...kong kasing ganda ng laro ng manok ni ka JB puede ko mapadala...nakaprecon naman lahat ang mga panlaban ko....paano pala contakin ang mga tropa di ko alam mga number nila..puede mo ba maibigay ang mga cell number nila....

dojins.bros
November 16th, 2006, 05:18 PM
Ka MM and Ka Jb...
Puede ko ba malaman kong sino incharges sa ORMIGBA....
member na rin ba kayo....

Raul_Ruaro
November 16th, 2006, 05:38 PM
[QUOTE=muk_mafi]Raul_Ruaro,

pre, dun ka na nga lang sa mindoro. masaya tayo dun. di ka mawalan ng job dun, pag wala ka makita ay kalampagin mo ninong teddy mo. walang-wala na yung gawin ka nya alalay sa city hall. lalaki nga lang ang tyan mo kakainom at kakakain sa mga pyestahan. hehehe.


Nyahahaha! Kinukulit nga ako nung 25th wedding aniv. ng byenan ko ni ninong teddy. Tinatanong kung gusto ko daw magwork ako dun, kasi nga nasabi siguro ni tay priming sa kanya na parang gusto nya na dun na lang kami tumira ng mag-ina ko. Unang apo kasi nila kaya namimis nila agad yung baby ko. hehehe!

Tiyak nga na lalaki tiyan ko dun, madalas kami nagkakainuman ni ninong teddy pagnagbabakasyon ako. Di mo na kailangan mag kwento kasi sa kanya lang ay kulang pa oras. hehehe! Baka mabasa nya ito ay masampiga ako nun.

Stewart-

muk_mafi
November 16th, 2006, 05:51 PM
stewart,
naku, ei kabisado mo rin pala ang bisyo ni ninong mo. matibay talaga yun sa kwentuhan. hehehe. di rin ako nananalo dun. waaaah!

ingat lang pre, dami chix dun sa office ng mga konsehal. wehehe.


ka DB,
PM ko sau mamya yung mga alam ko number.


ka joey,
salamat ng marami sir! more to come... :cool:

Raul_Ruaro
November 16th, 2006, 06:00 PM
Ka MM and Ka Jb...
Puede ko ba malaman kong sino incharges sa ORMIGBA....
member na rin ba kayo....


Pre kay dingdong mo kunin kontak no. ng mga kabahag, andun lahat sa kanya... Iyan ang acting secretary ng tribu mangyan.... Tsaka mukhang marami mga uuwi sa dec. dun, tiyak na magkakaroon ng grand kitakitz...

Ang presidente ata ng ormigba ay si mayor alvarez ng gloria at sila boyet chua ng dragon ang nagaayos ng paderby.... Si ka nestor lang member dun, isinama lang daw sya ni boyet chua.

-Stewart-

mj_cool69
November 16th, 2006, 06:13 PM
galing ng manok kabahag jb...may mga kapatid pa ba yun..

DingDong
November 16th, 2006, 06:43 PM
maluhaluha ang mata ko sa dami ng binasa e. bakit
gay-on parang kahapon lang ako huling nag post e
kahaba na agad nito. masisipag humunta ngay-on
ang mga mangyan a.

teka sisilipin ko laang ang aking listahan. ang huling
bilang na alam ko ei 17 na tayo. pang 18 si ka MJ.
ka MJ paki PM naman sa akin ng iyong detalye at
ng mailagay sa ating listahan.

ang kulang po sa database natin ei ang mga email
address at yung iba ei wala pa kontak # sa akin,
saka po kung saan po kayo naka base sa ngay-on.

DingDong
November 16th, 2006, 07:02 PM
may napansin ako . . .

bakit sa ilalim ng aking abang ngalan ei ang
nakalagay ei Senior Member tapos merong
Sabong Test Rank. ano kaya ibig sabihin nun?


ka muk,

kunyari lang ei magaling ako bumilang.


preng stewart,

wag mo namang sabihin na lover boy ako. baka
panindigan ko na yan. kasi pag wala hilig dyan
ei baka maaksidente din ako. kasi dati 2 kami
ni preng BJ na walang hilig dyan ei nagkaganun
kaya sige ita-try ko na din bumilang ayon kay
kaputol goryo.


ka DB,

ikaw na ang pumili ng iyong pwedeng isali sa
pooling natin kasi mas kabisado mo ang mga
laro ng manok mo at tiyak na iyon ang ikikilos
nila sa rentas. basta sa tingin ko ei dapat ei
medyo may edad na ng konti ng hindi api sa
basaan at syurbol pa ang garote.


Pres SPSP,

meron ga tayong minimum qualifications ng ating
isasabak sa CF Global? tapos meron ga tayong
selection committee na magdedesisyon kung alin
sa mga sundalo na nasa pooling ang isasabak sa
laban o katulad nung nakaraan na ang pagpili ei
nasa kamay ng handler. nasabi ko po ito dahil sa
totoo lang ei iba iba tayo ng pagtanaw kung anong
klase ng laro ng manok ang gusto natin ilaban.
meron kasing ang gusto ei walang puknat na paluan
hanggang sa mamatay ang isa, meron naman gusto
ei mataas mag break, meron gusto mapaa sa lupa,
meron gusto pasaltik saltik laang. meron gusto na
may side step sabay pitik. meron gusto yung may
frontal punch.



ano po sa tingin nyo mga kabahag?

muk_mafi
November 16th, 2006, 07:03 PM
pre DD,
kaw na lang magbigay nung mga contacts sa mga nagrerequest.

additional details ko:
e-mail - boyetbasilan@yahoo.com
present location - Riyadh, KSA

ka SPSP,
paki-inform nga kami about ormigba. pano sumali, membership fee, requirements, etc.

baka sumali kami ng pareng wilming ko para makasali mga stags namin sa stag derbies next year. thanks po.

muk_mafi
November 16th, 2006, 07:17 PM
pre DD,
palagay ko ay ikaw ay bibigyan ng exam ng sabong.net tapos ira-rank. wehehehe! gagalingan mo ha... no copying...

mj_cool69
November 16th, 2006, 07:19 PM
email: jez_atienza2003@yahoo.co.uk or jez_atienza@hotmail.com
address: chichester,england

goryo888
November 16th, 2006, 07:40 PM
Mga Kabahag...kumusta?? Kahaba nga eh...tama ka Ka DD...kagaling humunta ngay on ng mga Mangyan...wehheee

Kuya SP...aba'y nadale rin sa wakas...sige pasok laang ng pask dine sa ating Kubol...

Ka JB....ay bakit kaya pag sa "you send it" ay di ko mabuksan...di maOpen yung file...di ko tuloy nakita yung kay Ka Jeff na pamihadong malupit....

Ka MM...di nangongopya yan si Still Counting DD.....nyhahahaa may sarili at ORIHINAL na diskarte yaan......susss...matindi yaan...hihihihihhii :D

DingDong
November 16th, 2006, 07:51 PM
nakupo, baka nga mabigyan ako dine ng eksamin
ei taga row 4 laang ako tabi pa ng basurahan, wehehe.

psstttt 'tol goryo wag ka ingay baka marinig nila at
maniwala. ikaw din mapipilitan kang bigyan ako para
matugunan ko ang tamang pagbilang.


ka MM/MJ,

nailista ko na. si ka MJ kulang pa sa tunay na name
contact #'s at kung saan sa mangyanland. paki PM
na laang sa akin.


nakapasok nga si prez spsp kaya laang ei nadoble
vista yata.

. . . . .

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 07:59 PM
ORIENTAL MINDORO GAMEFOWL BREEDERS ASSOCIATION (ORMIGBA)
started its activities last year with a 3 stag derby at
bansud cockpit hosted by Mayor Romy Alvarez of Gloria.
The group is set to elect its officers then but for some
reasons, election was held roughly a year later, held in
Gloria in September of this year. Mayor Alvarez was
elected President, Boyet Chua of Dragon cockpit as VP,
Rocky Ilagan of Puerto Galera as Secretary, Mayor
Alex Enriquez of Bongabong, Mayor Jess Dimapilis of
Roxas, Manny Cleofe of Calapan, Kits Umbao of Pinamalayan
and another one as members of the board of directors.
Yours truly signed as a member along with 14 others
including the officers.
In the said meeting, the following were agreed upon.
1) Membership fee of 5,000 php;
2) Only legitimate gamefowl breeders will be accepted;
3) Constitution and by laws paterned with LGBA will be formulated and presented to the body for approval;
4) 4 Stag derby hosted by Mayor Alvarez will be held in bansud Oct 21, 30% of the earnings goes to ORMIGBA fund;
5) 4 Stag derby hosted by Boyet Chue will be held at Dragon Cockpit November 21;
Earlier, a banding team, led by Rocky Ilagan of Puerto Galera together with a certain Ariel of LGBA, wing banded stags for the 2 stag derbies. In the first stag derby in Bansud, banded and not banded stags were accepted, some entries are clearly cocks and not stags. This time, the second leg at Dragon Cockpit, only banded stags will be allowed to participate.
Anyone wanting to join the ORMIGBA may contact the Secretary, Mr Rocky Ilagan or Mayor Romy Alvarez of Gloria or you may just inform me and i will the rest for you.

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 08:08 PM
Ka DingD,

Sa ngayon, ang lahat ng desisyon ay pinapadaan
lang natin dito sa ating thread dahil tayo naman
ay hiwahiwalay ang kinaroroonan. Dun sa ating
pang CF GD sa enero, mas magaling siguro kung
mas maraming pipili at maraming pagpipilian. More
head is better than one head.

muk_mafi
November 16th, 2006, 08:14 PM
Ka SPSP,
naku ei baka di kami umubra kc illigitimate kami ei. hehe. tsaka medyo mahal ang membership fee ah.

gusto ko kc ay sarili breed ang isabak next year. may ipingamit ako inahin dun sa kumpare ko at dun sana ako pipili ng pupwede. pwede kaya isabay ko na lang sa banding jan sa farm nyo? :D

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 08:15 PM
He he. Ano kaya yong nakalagay na vcash 500?
Kailan kaya ibibigay sa atin yon?

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 08:21 PM
MukM,

Okey lang sa akin kung dito ka pa banding sa
munting farm ko. Ang balita ko, para mas
accurate sila sa screening, 3 to 4 months pa
lang magba banding na sila next season. So
kung December January born ang target nila,
March-April 2007 sila magba banding.

muk_mafi
November 16th, 2006, 08:30 PM
ka SPSP,
uuwi naman ako jan at yan ay mapapag-usapan pa natin. hehe.

pag binigay yung Vcash na 500 ay sasabihan nyo ako ha... baka akoý malimutan ei. :D

irequest nyo pala na sabay na ang exam nyo ni ka DD, 2 heads are better than 1. wehehe.

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 08:34 PM
Raul_Ruaro,

Good News! _ad News!
Dito ko na lang reply ang
tanong mo sa tx msg.

Nagpunta ako kay Blackjack kahapon 3pm
Nakahiga siya sa may ilalim ng hangdan
Malapit sa round table na kinainan natin
Noong nakaraang fiesta
Pare kumusta sabi nya sa akin
Nagulat ako, magaling na siya!
Tumabi ako, nahiga rin,
para kumportable kami pareho
Pero lahat ng tanong ko kasunod noon
Iba iba na ang sagot nya.
Sabi ko, pare, napisa yung kaisa isang
Itlog ng puting manok na binigay nyo ni Stewart,
Ang sagot niya, ano yon? ang alin?
Hindi na kami nagkaintindihan
Hanggang sa umalis ako.
Dinala siya sa PGH kahapon.
Yung kaisaisang sisiw ng puting
manok, buhay, malusog, maganda.
Minsan lang yata umitlog ang inahin
na iyon sa isang taon! he he

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 08:38 PM
Mr Cool,

Atienza family from San Luis Batangas
na dito na naninirahan sa Victoria
Oriental Mindoro napangasawa ko. Tiga
saan kayo?

sonny dela cruz
November 16th, 2006, 08:45 PM
Musta na sa inyong lahat!

Ka SPSP mabuti naman at nakauwi na siya at sana unti -unti makaka recover na rin siya sa tulong ng mga taong pumapasyal sa kaniya,suporta ng pamilya at dasal ng lahat ng malalapit sa kaniya.

Kung akp man po ay bihira mag-post andito laang ang inyong lingkod pabasa -basa lang ng kung ano man ang pinag-uusapan.

Ingat po tayo lagi.God bless us all.

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 08:58 PM
Ka Sonny,

Kawayan lang kami ni Sam Kanina,
Di ako makatigil sa kanila lugar,
Maraming construction ng mga
Nasunugan.

Ka Joey B,

Bahala ka na mag post ng pledge
natin sa CF GLOBAL, may isang
entry tayo mula pooling ng TRIBU
MANGYAN dito. This time siguro
mas marami ang pagpipilian, mas
maaga ang preparasyon, ang mas
malaki chances na maka par among
the best tayo kundi man maging best!
Kita ko mga manok mo na pang
CF GLOBAL doon kay Kahanggan
Raul, magigilas! Post ko dito mga
pix nila kung gusto mo.

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 09:03 PM
Pointmaster Goryo,

Tagal na ko hindi nakakasabong
Buhat nung madisgrasya si BJ
Si Totoy Pogi
Pinungusan ko na
Candidate sa Global
Pero parang gustong lumugon
Baka ikaw ang gustong hinete!
Pagbabalik ng lawin, he he.
Sino ga yang sa AVATAR mo?

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 09:15 PM
TO ALL TRIBU MANGYAN MEMBERS:
Kindly email to nestorrazon2003@yahoo.com
your complete name, sex, age, birthday, spouse,
children, address in phil, address
out phil, tel number, cel phone number, email
address and line of business, prefession and
job description. The above will be used for
reference purposes only and will be treated
confidential. Thanks, god bless and more
power to us all.

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 09:22 PM
TO ALL TRIBU MANGYAN:

Pwede ba tayo plano ng kitakitz
this christmas season? O kung
kailan man mas maraming makakaattend
Pwede ko mag host kung gusto nyo Estrella
Beach Naujan or kahit dito sa house.
Mas maganda kung before the CF
Global para tuloy sabay bitaw ng ating mga
warriors tuloy selection ng mga candidates
for the GLOBAL. Ano suggestion nyo?

goryo888
November 16th, 2006, 09:23 PM
Kuya SP....palugunan na muna yang si Pogi....heheheee hintay pa ako uli nyan....

Yang avatar ko ay dati pa yan....heheheee yan ang pagkukunan sana ng Rumangyan lines....hehehe RussianXMangyan...nyhahahaaaa!!

Nag Email ako sayo...

Yaang mga kung anik anik na yaan ay alam mo na yung sa akin.....pangalan ko atbp...wag na yung mga tsikabebe...dahil dati pa yun Timo na ako ngayon....parang si Ka DD....

goryo888
November 16th, 2006, 09:27 PM
TO ALL TRIBU MANGYAN:

Pwede ba tayo plano ng kitakitz
this christmas season? O kung
kailan man mas maraming makakaattend
Pwede ko mag host kung gusto nyo Estrella
Beach Naujan or kahit dito sa house.
Mas maganda kung before the CF
Global para tuloy sabay bitaw ng ating mga
warriors tuloy selection ng mga candidates
for the GLOBAL. Ano suggestion nyo?


Suhestyon ko LARGA na yan....nhahahaaa....

HOYYYYYYYYYYYYYYYYYY mga Poging manyan.....sugod na kayo na nandyaan sa Isla....ay ano pa ga ang hinihintay nyo dyaan....sina Ka DB at Ka MM, Ka MH3 maguuwian yaang mga yaan...magkitakita na kayo dyaan.........ewan baga sa mga yaan lalo na si Still Counting DD at laging kahirap ng Oras.....:D
Si Ka Jeff madali pang hagilapin..nakakapunta dyaan kahit pano pag may laban....

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 09:27 PM
Chit Chat Lang

Niyayabang ako noong mayari ng
anak ng White Hen Laying Golden
Egg ko, 4 straight win siya dito
sa sabungan ng Victoria gamit ang
mga lahi nito na wala pang 7 months
lahat panalo! Ano nga kayang
klaseng manok ito? Bakit ang lahi
niya bihirang matalo?
Yan nasa AVATAR ko isa sa lahi ng
White hen laying golden egg. Nakatali
na ngayon yan sa farms, not for sale
ang mga whites ang for sale ay mga
reds, sweater karachi at straight
sweater. For sale sa pula not for sale
sa puti. He he he.

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 09:34 PM
Siya mga katribu,
Okey na ang praktis ko dito,
Parang good na ang sabong.net,
Okey na post natin,
Nayt nayt na
Sleep na at sa construction naman bukas
ng clinic ni bayaw.
Naku ka DINGDONG,
Uwi si bayaw dito
May kasama speaker
Nag present sila ng Products
Ng networking,
Ano ga advise mo?

sa pula sa puti
November 16th, 2006, 09:37 PM
Ala KA GORYO, paano ga yang ginawa mo
dyan at nakopya mo ang post ko, turui
naman ang mangyan kung pano yan!
Sino ga yang nasa abatar mo? Baka ma
monitor na naman yan ni montet!

muk_mafi
November 16th, 2006, 09:42 PM
ka SPSP,
ay pano naman kami makakatikim ng laban niyang mga puti mo??? waaaaah!

not for sale talaga ei, pwede naman kaya hingin yan? wahahahaha!

kahit wala kami jan mga andine sa malayo ay kasama nyo kami in spirit jan sa kita-kitz na yan kung matutuloy. december nyo na gawin yan kasi uwi DD, stewart, malayan heat, DB, grandeuro (baka anjan pa), tyak magaling na Tem, neo M, kon moreno, ka jeff, si ka joey e pauwiin natin sa bayan nya (hehe), etc....

goryo888
November 16th, 2006, 11:43 PM
Ala KA GORYO, paano ga yang ginawa mo
dyan at nakopya mo ang post ko, turui
naman ang mangyan kung pano yan!
Sino ga yang nasa abatar mo? Baka ma
monitor na naman yan ni montet!


Ala'y di ga't nasambit ko na....yaan ay tsikabebe ko nungaraw.....ay wala na muna kami ngayon nyaan....malaman pag bumalik uli kung pwedeng paningit.....heheheeee

Streyt na si ako ngayon...timo na....heheehee

Mt.Halcon 888
November 17th, 2006, 06:48 AM
Gandang araw mga kabahag,

Musta na mga mangyan,nag tex sa kin si stewart,and2 pala sya sa manila at sinabi nya na nandito na raw si BJ sa PGH.
Ka Goryo,baka me kapatid pa yang Russian mo,pakilala mo naman kami, hehehe.

mj_cool69
November 17th, 2006, 07:30 AM
SPSP
Lumaki ako sa romblon at nakapag asawa ng calapena pero ninuno ko taal,batangas
saan kaba sa naujan? 7 yrs. ako work sa pca ang sakop ko ay naujan halos kilala ako ng magniniyog dyan...

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 07:57 AM
Ka Muk M,

Kursunada ko yang AVATAR mo!
Kung sa manok, puno ang katawan,
Tiyak, kahit sa taytayan, hindi
Uurong sa laban.

Ang mga puti not for sale,
For Friends Only.

goryo888
November 17th, 2006, 07:58 AM
Gandang araw mga kabahag,

Musta na mga mangyan,nag tex sa kin si stewart,and2 pala sya sa manila at sinabi nya na nandito na raw si BJ sa PGH.
Ka Goryo,baka me kapatid pa yang Russian mo,pakilala mo naman kami, hehehe.

Ka jeff....solong anak yan....Greyd Skul Sitser....tatay retiradong Lespu....huhuhuuhuu!! wawa si ako kung magkataon...heheheeeee

Wala na kahit email di na rin kami nagkakaUsap...medyo matagal na rin....http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/katya1.jpg

dojins.bros
November 17th, 2006, 07:59 AM
ka RR...
Musta na sobrang haba na ng usapan dito sa forum natin..
parang di ko na kaya habolin...
salamat sa information...i try ko kausapan ang kamag-anak
ni mrs...na may-ari ng sabungan ng baco...regarding sa mga entry...
pumunta nga daw sa bahay nagustuhan yata ang mga manok ko..

goryo888
November 17th, 2006, 08:00 AM
SPSP
Lumaki ako sa romblon at nakapag asawa ng calapena pero ninuno ko taal,batangas
saan kaba sa naujan? 7 yrs. ako work sa pca ang sakop ko ay naujan halos kilala ako ng magniniyog dyan...

Ka MJ....si ako ang taga Naujan....

Kuya SP kumusta?gandang umaga!!:)

joey bravo
November 17th, 2006, 08:01 AM
Ka Nestor,

aba'y kung hindi naman malaking abala eh sige nga daw ng masilayan ko naman itsura ng pambawi ko ..... sabi ni kababata raul eh babawi daw kami, nahihiya yun sa akin kasi one 2 out of 4 lang nanalo nuong last na laban sa araneta na hinanda nya......sinabihan ko na 2 entry ang ihanda nya sa elims sa 9 heads.

ka goryo i click mo link then download video. eto yung photobucket nya.

http://s17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/?action=view&current=MtHalcon888.flv

ka DB, pooling yan ng manok ng Tribu Mangyan.

goryo888
November 17th, 2006, 08:10 AM
Ka JB...kowwww...idol Jeff din nga eh....ayos...kagaling mamaa!!

Ka Jeff...Ka RR...baka magkakaOras kayo ay paUpd8 naman ng lagay ni BJ....

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 08:11 AM
Mr. Cool,

Siya, kamaganak mo siguro Mrs ko,
Atienza family name nila, Lemery,
San Luis, Taal at Mabini, Batangas
mga kaanak nila. Dito na kami
nag meet sa Mindoro, December 10,
l994 kinasal kami dito sa Victoria, kaya
ang Nueva Ecijano naging Tribu
Mangyan.

Hindi kami taga Naujan, Barangay
Macatoc, Victoria place ng Mrs ko,
pero dito na kami sa Poblacion 2
nagbahay. May tiny resort kami sa
Estrella Beach, Naujan. Doon tayo
kita kitz kung sakali. Ang kita kitz
natin kung sakali matutuloy, kasama
ang trip to the newest cockpit, DRT
NAUJAN COLISEUM, trip to at least
3 gamefowl farms in the province,
stay at our very own resort and
fishing (mangangawil tayo ng tanigue
and lapu lapu kung gusto nyo),
badminton and tennis excercises beside
my house para naman malaglag ang
liqour and fats na intake nyo. Two days
two nights siguro ito.

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 08:20 AM
Ka Joey B,

Okey, kukunan ko ng still pix ang mga
warriors mo kay Kahanggan Raul.
Mamaya gabi pwede mo na i check
dito. Kunan ko din video the try ko
upload, baka matsambahan uli. Medyo
madami na manok si Raul ngayon doon
sa farms, masaya na uli. Tutulungan
ko siya mamili ng pang araneta.

dojins.bros
November 17th, 2006, 08:21 AM
Prez SPSP...
Ka Goryo.....
Sang-ayon ako sa layunin nyo....mas marami mas masaya....para magkita
kita naman ang mga old and new member ng tribu mangyan...sana matuloy
nitong december kasi ...balik naman sa work sa first week ng January...

mj_cool69
November 17th, 2006, 08:26 AM
pasensya na hindi ako makadalo sa kitakitz baka last week ng march o last week ng july bakasyon ko....

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 08:33 AM
TO ALL KATRIBU,

Pag nag email kayo ng request ko na data
paki samahan na din ng inyong latest pic
para maganda ang ating directory. Paki
reduce na rin size ng pic para hindi ako
mahirapan. Each member will be given
a copy of Tribu Mangyan directory as
souvenir pag nakita kitz tayo.

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 08:40 AM
Mr Cool,

Okey lang, we all know that Tribu activities
comes last to our priorities, but first to our
hearts. Just stay online whenever possible
and everyone will be as happy as you are.
Family first, sabong manok? sobra pa yon
sa first. He he.

mj_cool69
November 17th, 2006, 08:43 AM
ka gore kung matatandaan mo sa mga unang thread nagkakilala na tayo.. remember mga manok ko dati nakalagay sa nfa.

DingDong
November 17th, 2006, 08:44 AM
ere muna ang post ko . . .

apat na kami magsusulit sa sabong.net. ako, JB, SPSP at
goryo. cheating arrangement tayo ha. kasi tayo ang may
sabong test rank!


mamaya na uli ako post. . . sisilay muna ako sa mga gawaing
pangtanggapan. saka basa basa muna at kabilis bagang
humaba nire.


magandang umaga po sa lahat.


. . . . . . .

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 08:46 AM
dojins B,

Okey hintay lang natin suggestion ng
iba kasagpi kung okey sa kanila December.
Pwede ba tayo patyal sa manukan mo
pag uwi mo? Plano ko kasi trip sa mga
manukan pag nagkita kitz tayo dito sa
Mindoro, Calapan area lang tayo dahil
marami naman manukan doon, kay
Boyet Chua at Manny Cleofe, both
ORMIGBA member, coordinate ko. May
suggestion ka?

mj_cool69
November 17th, 2006, 08:47 AM
mga kabahag na nandiyan sa pinas enjoy sa sabong ako enjoy rin sa koleksyon ko ng wsc dvd's,bakbakan at candelaria........sabong na naman sa dragon bukas sana manalo kayo para masaya.

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 08:50 AM
Ka DingD,

Wag lang aritmetik hina ako dun!

mj_cool69
November 17th, 2006, 08:55 AM
k dingdong ikaw ba ang naka base sa laguna?

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 08:55 AM
TO ALL KATRIBU,

Kung okey sa inyo lahat pwede natin
lagyan ng ating brief biography ang
ating directory. Ano suggest ninyo?
Para may reference tayo, we can be
friends and help each other by knowing
more each other di ba?

goryo888
November 17th, 2006, 08:58 AM
ka gore kung matatandaan mo sa mga unang thread nagkakilala na tayo.. remember mga manok ko dati nakalagay sa nfa.

Tanda ko na Ka MJ....kaibigan din yata ng Tito Bayani (delas Alas) ko ang tito mo na graduate ng Law...na kakilala rin ng ate ko dahil LAWkoloka rin yun....
Sa NFA nga pala tito mo...

joey bravo
November 17th, 2006, 08:58 AM
Razon Reds!!!

http://s17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/?action=view&current=KaNestorReds.flv


Razon Whites!!!

http://s17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/?action=view&current=SaPulaSaPuti.flv

mj_cool69
November 17th, 2006, 09:02 AM
he he he...natumbok mo ka gore

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 09:10 AM
Ka Joey B,

Ganda panoorin ng panalo! Wag you na
i post yung talo ha!

Raul_Ruaro
November 17th, 2006, 09:10 AM
Magandang umaga mga kabahag!

Mamaya ay dalawin ko si pareng tem (blackjack), baka kasama ko si grandeur punta dun. Si mt.halcon ay di pa confrim kung makasama. Si toyting_pasay ay baka sa wed. na lang dalaw....

Di ko alam kung handa na ako makita ang kabahag natin na ganun ang sitwasyon nya, na depressed din kasi ako ng ilang araw nung maaksidente sya. Sana maging maayos na ang kanyang lagay sa madaling panahon..

Update ko na lang kayo sa kalagayan ni pareng tem pagka dalaw namin. Hiling pa po na karagdagang dasal sa ating kabahag para sa kanyang dagliang paggaling....


Stewart

DingDong
November 17th, 2006, 09:14 AM
nag ring ang phone ko kaninang mga 4:45AM, ako'y nagulat at
numero ni kabahag BJ ang umutlaw na pangalan. agad kong
tinext at baka kako ako'y naalala. subalit hindi na sya sumagot.
marahil nagtataka kung sino ga ereng DingDong na nasa phone
book nya. malamang di pa din nya ako naaalala.

.

Raul_Ruaro
November 17th, 2006, 09:15 AM
k dingdong ikaw ba ang naka base sa laguna?

San ka sa mindoro? Di mo ba kamag anak yung isa natin na kabahag dito na si chuckee2? Chuck atienza real name nya, taga puerto galera pero nasa canada sya ngayon..

stewart

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 09:18 AM
Okey mga katribu, mamaya na uli tayo,
sideline muna engineer kunwari sa
construction ng clinic ni bayaw jun,
kunan ko pa ng pic ang mga manok ni
Boss Joey sa San Gelacio Farm ni Raul
then post ko dito, magaanlaw pa ako ng
binabad!

dojins.bros
November 17th, 2006, 09:22 AM
dojins B,

Okey hintay lang natin suggestion ng
iba kasagpi kung okey sa kanila December.
Pwede ba tayo patyal sa manukan mo
pag uwi mo? Plano ko kasi trip sa mga
manukan pag nagkita kitz tayo dito sa
Mindoro, Calapan area lang tayo dahil
marami naman manukan doon, kay
Boyet Chua at Manny Cleofe, both
ORMIGBA member, coordinate ko. May
suggestion ka?

Prez SPSP...
all the time sir...open ako sa lahat ng kabahag na bumisita sa mga manok ko...
kaya lang di ko pa alam kong ano na hitsura ng pinaglalagyan ng mga manok
ko...bago kasi ako bumalik dito sa taiwan last october nilipat ko muna lahat
ang manok ko from batangas to mindoro...di pa nga ayos ang sit-up nong
iniwan ko..dahil kapos na ako sa oras kailangan ko na bumalik dito sa
taiwan...every three months ang uwi ko din 7 to 10 days lang ang
bakasyon..kaya gahol ako sa oras pag may pinapagawa ako sa manokan..ko
kaya nitong uwi ko ang attention ko naka focus naman sa mga manok...kong
ano pa ang kulang...

update mo lang kami ka SPSP kong ano man ang pagkasunduan ng mga
kabahag...about sa suggestion i think wala na sir...wait nalang ako kong
ano man ang mapagkasunduan....

mj_cool69
November 17th, 2006, 09:24 AM
San ka sa mindoro? Di mo ba kamag anak yung isa natin na kabahag dito na si chuckee2? Chuck atienza real name nya, taga puerto galera pero nasa canada sya ngayon..

stewart
siguro kaapelyedo ko lang o malayong kamaganak dahil nagreunion lahat na atienza sa puerto ng 2002 halos lahat na atienza nandoon including mayor lito a. at pinsan buo ni erpats vice gov. ng occ. mindoro tyo ramon a.

Raul_Ruaro
November 17th, 2006, 09:25 AM
nag ring ang phone ko kaninang mga 4:45AM, ako'y nagulat at
numero ni kabahag BJ ang umutlaw na pangalan. agad kong
tinext at baka kako ako'y naalala. subalit hindi na sya sumagot.
marahil nagtataka kung sino ga ereng DingDong na nasa phone
book nya. malamang di pa din nya ako naaalala.

.

Pre baka nga kasi sinend ko yung number mo sa cel ni pareng tem, na erase daw lahat kasi ni tem yung phonebuk list ayun kay mareng marife. Mukhang makakatulong moral support ng grupo para bumilis pagbalik ng alaala ni pareng blackjack.

stewart

mj_cool69
November 17th, 2006, 09:26 AM
exit na rin muna ako mga kabahag 1:30 am na dito......

DingDong
November 17th, 2006, 09:26 AM
ang uwi ko ei makalampas ng pasko at malamang sa abutin
sa mga unang linggo ng enero 2007. dyan sa mga panahon
na iyan ei are akong gumalagala dyaan sa ating mahal na
isla.


ka MJ,

dine ako naka base sa laguna dahil dine ako pinadpad na
magkaroon ng trabaho. medyo demanding sa oras ang
aking trabaho kaya pagpasensyahan nyo na kung madalang
o huli lagi ako sa mga tipanan natin.

mamaya na uli, may dumating dito sa tanggapan na gusto
akong kausapin.


.

mj_cool69
November 17th, 2006, 09:29 AM
ang uwi ko ei makalampas ng pasko at malamang sa abutin
sa mga unang linggo ng enero 2007. dyan sa mga panahon
na iyan ei are akong gumalagala dyaan sa ating mahal na
isla.


ka MJ,

dine ako naka base sa laguna dahil dine ako pinadpad na
magkaroon ng trabaho. medyo demanding sa oras ang
aking trabaho kaya pagpasensyahan nyo na kung madalang
o huli lagi ako sa mga tipanan natin.

mamaya na uli, may dumating dito sa tanggapan na gusto
akong kausapin.


.saan parte ng laguna? sabong ako parati sa lapiz sa lb...

Raul_Ruaro
November 17th, 2006, 09:37 AM
siguro kaapelyedo ko lang o malayong kamaganak dahil nagreunion lahat na atienza sa puerto ng 2002 halos lahat na atienza nandoon including mayor lito a. at pinsan buo ni erpats vice gov. ng occ. mindoro tyo ramon a.

Malamang kamag anak mo si chuckee dahil pinsan nya ata yung mayor ng puerto. Pag nagpost yun ay magkakikilanlan kayo tiyak.....


stewart

dojins.bros
November 17th, 2006, 09:41 AM
Mga kabahag...
Ito yong dalawang candidate ko..i post ko pa mamaya yong iba pa...

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/ButcherCross.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/LemonxClaret.jpg

dojins.bros
November 17th, 2006, 09:49 AM
Mga kabahag..
ito pa yong ibang medyo may edad na..last 6 months na tong picture medyo di lang magandaang kuha...yong iba kasi mga medium station na pero tingnan ko pa rin kong puede rin isabak...

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/DanGrayRoundhead.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/RampuriAsilxDocR.jpg

itong apat bagong bili ko lang sa mga kaibigan natin sa auction....
mga stag palang 11 months sa dec...

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/PureCardinalKelso.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/DinkFairSweaterxDemocrat.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/SweaterxLieperHatch.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/BBSweaterxLieperHatch.jpg
itong last na to balak ko sana gawing ganador...kaya lang nakarecover na daw..puede na ilaban..

DingDong
November 17th, 2006, 10:01 AM
ka MJ,

dito me work sa calamba pre. pero di naman ako madalas
magsabong dine. tig isang beses pa lang ako nakakapasok
sa sabungan ng Cabuyao at Calamba.


Ka DB,

hi hi hi kagaganda naman ah. basta may edad na ei sabaki
na iyan dun sa ating pooling. areng are iyang mga iyan sa
tindig ei di paaawat e.


.

DingDong
November 17th, 2006, 10:03 AM
preng stewart,

pag nakausap mo si preng BJ o si Fe ei pakitanong nga
kung sino dumayal ng numero ko. baka mamya ei meron
laang naglaro noon sa mga liwaliw doon sa PGH, hi hi hi


.

DingDong
November 17th, 2006, 10:07 AM
[QUOTE=dojins.bros]Mga kabahag..
ito pa yong ibang medyo may edad na..last 6 months na tong picture medyo di lang magandaang kuha...yong iba kasi mga medium station na pero tingnan ko pa rin kong puede rin isabak...

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/DanGrayRoundhead.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/RampuriAsilxDocR.jpg


ka DB,

ganda ng pagkakros nireng asil mo. syurbol siguro ang garote nire
tapos may gameness na galing sa DocR hatch. sa wari ko'y aare
ireng isang ire. dalhi na ere dun sa training camp ng tribu sa farm
ni prez SPSP.



.

DingDong
November 17th, 2006, 10:09 AM
teka ako muna'y gagaur pa MERALCO at hindi iniintindi
ang mga streetlights ko dine. madilim sa gab-i e, baka
magkahipuan ang mga naglalakad.

mamya na laang uli.




.

DingDong
November 17th, 2006, 10:10 AM
baken ako yata ei mag isa na laang dine. kahirap ga
nireng walang kahuntahan. sya mamaya uli ha!



.

goryo888
November 17th, 2006, 10:17 AM
Ka DD...ok na yang madilim.....hehehehee

Ka DB...doon din ako sa Asil grade mo....ayus yun kahit di pa man nakikita sa paluan!! Yang tipong yaan ang mabibilis pumatay......:)

dojins.bros
November 17th, 2006, 10:18 AM
ka DD..
Time to work na kasi baka masilip mahirap na hehehehehe...
pasilip silip nalang ako dito....

dojins.bros
November 17th, 2006, 10:21 AM
Ka Goryo...
Tumpak ka don..yon nga ang favorite ko...iyon nga dapat ang nakaschedule sa fastest kill natin...ang galing
madiin pumalo..nong binitaw ko..kaya taposin ang kalaban sa isang liparan lang..nakaumang ang paa..lagitigan pa..di nga nakaforma ang 2x winner ko...

Raul_Ruaro
November 17th, 2006, 10:22 AM
preng stewart,

pag nakausap mo si preng BJ o si Fe ei pakitanong nga
kung sino dumayal ng numero ko. baka mamya ei meron
laang naglaro noon sa mga liwaliw doon sa PGH, hi hi hi


.
Sige pre tanong ko maya, malamang si tem yun. Kinakalikot nya daw din kasi yung cel nya kaya na erase phonebuk list. Kapag may time ka dalawin mo sya pre... Lapit bday ng baby ko, text ko na lang kung what plans.

stewart

Raul_Ruaro
November 17th, 2006, 10:27 AM
Ka DD...ok na yang madilim.....hehehehee

Ka DB...doon din ako sa Asil grade mo....ayus yun kahit di pa man nakikita sa paluan!! Yang tipong yaan ang mabibilis pumatay......:)

Sang ayun din ako sayo pre, ok nga yung asilcross...

Sarap sana laban yan sa hackfight, tiyak na lapitin ng mga taga ulot...
Kaso kung ikaw ang mag-uulot tiyak na lalangawin ka. nyahaha!

stewart

dojins.bros
November 17th, 2006, 10:35 AM
Ka RR...
saan ba ang handaan 100% sure ako ingrande ang hadaan first baby pa naman...hehehehe

saan ka ga sa manila...ang main office namin dyan lang sa Legaspi Village...kaya lang dito lang ako naasigned sa taiwan...palagi ako sa mandaluyong nagsasabong lapit lang kasi ang tinitirhan ko..din pag sabado dyan naman sa makati na sabungan malapit sa santa ana colisuim....

goryo888
November 17th, 2006, 11:23 AM
Ka DB....yang Mandaluyong cockpit ang sobrang matindi karanasan ko dyan.....dyan halos naUbos ang pang REVIEW ko eh!! Natira sa akin eh wala ng isang daang piso...nagtabi ako ng pamasahe, 1995 yun...doon ako nakaranas na IWINAWAGAYWAY ang pamusta eh...kakahiya!! Kesa kako umuwi ako na wala ng isang daan pera ko eh di ipusta ko na lang...mas maganda pa yung ubos na ubos baga kesa may tira ay kakaPirangot...heheheeeehee!! Abay Sinwerte!! labing isang dikit na tama ako eh.....mapaDehado o Llamado ay tama eh...Nakabawi panalo pa ng konti!! hehehee!! Pero di ko tinitingnan ang laban pagkaPusta ko eh uukbot na ako pag tapos na sabay Tayo tapos KUBRA ng panalo...heheheeeee :)

Yun ay hinding hindi ko na INULIT!!!

muk_mafi
November 17th, 2006, 11:57 AM
gary,
ayos ireng karanasan mo sa mandaluyong ah. hehehe.

stewart,
cge pre, balitaan mo kami agad kung ano latest kay k BJ. sana naman ay makilala ka nya.

ka DB,
ayos ireng mga tinali mo ah. sanaý abutan ko pa laban nire sa march.

ka jeff,
ei kagaling nung manok mo. walang tigil ang palo. kala ko ay di nakukuha sa gandang lalaki yang sabong. hehe.

ka DD,
ayos yung talisayin mo ah, kunin na agad ang kpatid nun! baka madale pa ng iba ei.

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 11:59 AM
Silip lang.

muk_mafi
November 17th, 2006, 12:00 PM
ka SP,
ireng avatar na ire ay sinend ni angelica sakin at nami-miss na daw ako, talaga naman! di pa makaintay ay malapit na naman ako umuwi. LOL :D

narecib mo ga yung e-mail ko na mga pix nire si angelica?

dojins.bros
November 17th, 2006, 12:00 PM
Ka Goryo...
hahahahaha tindi pala karanasan mo sa mandaluyong....lapit lang kasi sa tinitirhan ko ang sabungan kaya doon nalang ako napunta...minsan talo minsan panalo din....hirap ako sa sabungan nayon lahat na tao nakatayo wala upuan sa baba....pag derby naman sa UCAP kaya lang di ako manalo nalo sa sabungan na yon.....hirap pa puntahan looban ng husto....

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 12:18 PM
Ka Muk M,

Tingnan ko mail mamaya.

Minsan ipinasyal ako ni bayaw jun.
Sa Bartolina sa may Cubao.
Maraming pwedeng gawing avatar doon.
Gaya ng sa iyo.
Kaya nga laang.
Hindi marunong magdamit ang mga yoon.
Laging gusto hubad.
Walang saplot kahit ano.
Ang masama pa tatabi sa iyo.
Pagkatapos mag show.
Ay talagang nakakasama ng pakiramdam.
Lalo na at may inom.
Hindi na naulit yon.
19 forgoten pa.
May na receive nga pala ako
Email mo si miss thailand.
Ala... ay ayaw ko noon!
Mail mo sa akin ay yo ong tunay.

goryo888
November 17th, 2006, 12:19 PM
Madali lang naman Puntahan yan ah.....yun nga laang hirap talagang nakatayo ka laang......ang maganda laang ay di ako nakaranas dyaan ng Mananabit o Iktad.....sa La loma susskupooo....ilang beses akong nasabitan at naIktaran.....:mad:

muk_mafi
November 17th, 2006, 12:22 PM
gary,
ano latest kay BobPac? sarado ang PACLAND kaya wala ako news!

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 12:35 PM
Dojins B and all katribu,

Ang purpose ng pooling natin,
Ay mag pool ng cocks,
Para sa derbies,
Na sasalihan ng tribu.

Yung mga cocks,
Tulad sa farm ko,
Na inaakala ko na,
The best among the rest!

Kaya as a member,
Ikaw na bahala.
The cock remains,
Your exclusive property.

It will be taken cared of,
trained, fed, fought and
returned to you in the
earliest possible time.

Because we know that is
your best cock!

My best cock, among 200 heads;
Your best cock, among 200 heads;
His best cock, among 200 heads
and Another best cock, from 200 heads

is better than, me fighting alone
using my best cock, my second best
cock, my third best cock, and my
fourth best cock selected from 200
heads as against 800 heads above.

goryo888
November 17th, 2006, 12:50 PM
yuhoooooo.... nakausap ko si BJ....at ayos na ayoang usapan namin....maganda ang Prognosis....halos konti na lang OK na....matibay talaga!!

Tuwang tuwa nga ako...pagsagot pakinig ko si Ka BJ....sabi eh...hello sino ito?...sagot ako na nagaalangan baka kung ano ang mga isasagot sa akin.....si Goryo ito pre....sagot uli sya Sir ..nandito ako sa PGH...daanan mo na laang ako....sussssss...akala ko SABLAY...ayun sabi ko eh...Prealam mo naman na medyo malayo ako.....basta palakas ka agad ka agad...

Kinausap ko rin si ate Fe at isa pa daw CTscan...

Natutuwa ako mga Kabahag!!! dalangin lang talaga!!

goryo888
November 17th, 2006, 12:54 PM
Korekek ka dyan Kuya SP....hamo at magsisipaglagay sa POOLING ng mga matitindi yaang mga Kabahag nating yaan.....

Hintay mo na laang yung sabi ko sayo...dapat kanina eh...kinapos sa oras....magagamit mo yun dyan sa mga pangDiinan ng mga Mangyan!! :D

muk_mafi
November 17th, 2006, 12:58 PM
gary,
aba, good news na rin yan pre! kahit pano e alam nya na may kilala sya goryo, hehehe. palagay ko ay madali na sya makakarecover after maalis mga blood clot sa ulo nya.

may balita ka ba kay BObby Pacquiao?

dojins.bros
November 17th, 2006, 01:03 PM
Ka MM...
sa timbangan kahapon...sumobra si bobby ng 2 pounds...kaya tinanggal sa kanya ang belt..but tuloy pa rin ang laban...kahit manalo sya di pa rin mabawi ang belt nya....bakante pa rin ang ganon category.....

update nalang kita kong ano nangyari sa laban just incase.....

dojins.bros
November 17th, 2006, 01:05 PM
napakagandang news nyan on this day...kahit paano 100% na makasama ulit si ka BJ...

muk_mafi
November 17th, 2006, 01:06 PM
ka DB,
oo nga e, nawala belt nya. sarado kasi ang PACLAND kaya wala ako makunan ng updated news. sa sunday meron kami PPV dito sa bahay, maaga ang gising kc 5 am ay bakbakan na!

dojins.bros
November 17th, 2006, 01:09 PM
Ka MM..
try ko buksan ang PACLAND...inform nalng kita after na maopen ko..para updated ka.....

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 01:10 PM
Ka Goryo,

He He He. Musta kayo diyan.
Lunch break dito.
Balik uli ako construction mamaya.
Lumugon na talaga si Totoy Pogi.
Tiyak madami ka mailalaban pag uwi mo.
Stop selling ang farms.
Pero nabawasan ng dalawa.
Isa napunta doon sa kaibigan ko
Yong foreman ng ORMECO
At isa napunta doon sa bayaw ko,
Kay Pretty Boy Manny,
Pang regalo sa byanan!

muk_mafi
November 17th, 2006, 01:14 PM
ka SP,
sino dun sa ormeco ang nabigyan mo?

ilan baga head count ng mga nokiz mo ngayon? yung nakacord na? sana ay wag madali ulit ng red mites!

dojins.bros
November 17th, 2006, 01:14 PM
Ka MM...
at sa mag kabahag..

Masamang balita regarding kay bobby...natalo pre sa 11th round via disqualified tinira nya ang kalaban below da belt....kaya disqualified sya...then bayad pa sya ng $15,000.00 dollars....sayang sinira nya career nya...

goryo888
November 17th, 2006, 01:19 PM
Talo nga....

muk_mafi
November 17th, 2006, 01:33 PM
bading pala si bobpac! wahahahahaha

bawi na lang tayo sa sunday!

dojins.bros
November 17th, 2006, 01:38 PM
abangan nalang natin laban ni manny..laki naman pustahan nito...llamadonf llamado si pacman.....

DingDong
November 17th, 2006, 02:18 PM
sasabad uli ako dine sa huntahan sa kanto.


BARTOLINA

nakupo dyaan nga ei gay-on ang mga panlaban. baken
ga mas madalas na gusto ay walang saplot. minsan tuloy
parang gusto ko ng maghubad . . . . . at itapal dun sa
mga iyon at baka sip-unin. Prez SPSP, bukas pa iyon, 2
nga iyon sa Cubao, magkasunod na street laang iyon.
kagaganda nga ng lahi ng mga pullets doon.


TALISAYIN

di makukuha ng iba yung utol nyan. kung baga sa baka
ei may hero na yun, pangalan ko. hi hi hi. pag nadale yun
ei mas maraming kapalit, hi hi hi hi. baka yung kanyang
mga dirty grey ang madali ko at yung ibang blacks dun
he he he.


MISS EARTH

yaman din laang at magagandang babae ang usapan dine
ako muna'y huhunta at pupuntos dine. kahapon ako ay
pinalad na maimbitahan na makasama sa pananghalian
ang mga contestants ng MISS EARTH. nakupo naliit ang
inyong kabahag, bagamat ako'y 5"7" ei baken ga ang mga
iyon ei halos lahat ei high station. ang mapapalaban sa
korona sa tingin ko ei yung MISS USA at MISS VENEZUELA.
pero sa ganang akin ei mas magaganda pa din syempre
ang mga asian. type ko yung MISS VIETNAM, kalayog e,
napakahabang hayhayin nun. ere ang siste. napadaan sa
tabi ko yung MISS ROMANIA di ako nakatiis na di kausapin
kahit sandali kasi naalala ko si kabahag goryo. di gaano
kataas ere mas mataas ako ng konti. kung sa derby ei
match na match baga. hi hi hi ayos ang aking lunch. di
laang tiyan ang nabusog pati mata. baken ga naman lagi
ang mga suot nun mga iyon ay para bagang kinapos sa
tela. kaiigsi nun iba e, malapit na sa kalangitan.



.

DingDong
November 17th, 2006, 02:25 PM
post ko nga dine yung pektyur ng utol ng talisayin na iyon.

teka lang mga kabahag, hahanapi ko muna.



.

DingDong
November 17th, 2006, 02:31 PM
silipi daw ere kung aare na. kuha yata bago lumugon.


http://i25.photobucket.com/albums/c64/dingdong0910/lemongrey_utol.jpg




.

DingDong
November 17th, 2006, 02:35 PM
pag nakuha ko na ere ei pupungusan ko uli ng medyo
pumogi ng kaunti at baka di makakuha ng pago ang
kasador. baka paos na ei wala pang lumarga, hi hi hi.

kung mapipili

.

dojins.bros
November 17th, 2006, 03:00 PM
ka DD...
Sure na yan mapasama na yan sa pooling..sa akin lang ha number one selection ko to kong ako ang tanongin....kapaitd ba ere ng nilaban yo na grey din sa derby,,,,

muk_mafi
November 17th, 2006, 03:24 PM
wow pareng DD! napakapalad mong nilalang!!! dapat ay nilawayan mo ang mga yun sa pusod at baka mabalis mo ang mga yun sa sobra titig mo. waaaaaahaha! :D

ayos na ireng talisayin mo, mas gaganda nga ng konti kung mawala yung tenga.

pansin ko nga ay sa "Wala" lagi nakalagay ang mga manok ng mangyan ei. lagi dehado baga.

dojins.bros
November 17th, 2006, 03:41 PM
Ka DD...
napakaganda naman yang katabi mo....

Tayo kaya ka MM kaylan tayo magkaroon ng ganong kagandang katabi.hehehehe..

muk_mafi
November 17th, 2006, 03:56 PM
mga kabahag,

nasa PGH po ngayong oras na ito sina grandeuro.

nakakatuwa daw dahil kilala na ni tem si grandeuro di tulad nung huli nya dalawin; malaki na daw talaga ang improvement. mamya siguro ang full report ni stewart.

pinatanong ko kung naaalala din ako ay kilala naman daw! hehehe. malapit lapit na natin makasama muli ang ating kabahag na si BJ.

salamat sa mga dasal ng lahat...

DingDong
November 17th, 2006, 04:00 PM
ka DB/MM,

full brother yan noong nanalo sa araneta. kaya ngay-on
ei tiyak na tiyak na magulang na iyan, hi hi hi hi hi hi hi.
pupungusan nga marahil . . .


ka MM,

balak ko na nga sanang lawayan ei tumulo na at natuyo
ang lalamunan ko kaya di natuloy. kung iyon ang sabi ni
ka goryo na bibilangin ko ei talaga namang paninindigan
ko na.



oooppppppssss . . . yung katabi ko sa avatar ei hindi
contestant yaan. friend ko yan, hi hi hi hi my very
special friend. ka goryo ere si . . . kilala mo na ere.

tingni na mga kabahag at papalitan ko uli iyan bukas.
he he he he




.

DingDong
November 17th, 2006, 04:03 PM
aba at napakagandang balita nyaan.

preng stewart,

kwentuhi na dine ang mga pangyayari dyaan sa PGH




.

muk_mafi
November 17th, 2006, 04:14 PM
preng DD,
post mo nga ng malaki-laki dine yang piktyur na yn at nang makilatis ng ayos. matingnan kung pwede palahian. wehehe

dojins.bros
November 17th, 2006, 04:30 PM
Napakagandang balita dahil totally nakarecover na si ka BJ..
update lang mga kabahag kong ano ang lastest newskay ka BJ...
paki banggit nalang na my mga new member na nagdarasal sa madaliang
paggaling nya...thanks pala sa information...

DingDong
November 17th, 2006, 04:39 PM
preng MM,

ayaw ko idikit dine at nakupo kadaming mandarampot ng
pektyur dine. baka kung anong gaw-in sa pektyur na iyan.
baka mai-limbag pa at gawing pang blackmail sa esmi ko
weheheeeeeeee. kung meron mang makakuha nyan sa
avatar ko alam ko na kung sino, hihihi. ilang lang naman
ang may access na gawin yun.

kung sa lahi ng nokiz ei baka pwedeng ihilera sa white hen
laying golden eggs ni prez spsp. makahulog salongba**g ere.
morena ang kulay at nakupo super ang body conformation.
at laging animo bagong ligo, nyahahahahahahahahahaha
pero uulitin ko ha, kaibigan ko ere di katalo.

pasensya na pre, pag uwi mo na lang. pakita ko ang ibang
pektyur nya. pero totoo pre kaibigan ko yan. matalik na
kabigan, di ba ka goryo. . .


.

muk_mafi
November 17th, 2006, 04:50 PM
kaibigan pala ha!... hehehe. wag mo pakikilala yan samin ni gary pre at baka mawala pagiging frends nyo, waaaaaahaha.

baka may kapatid o pinsan pa yan, yun ang pwede samin...:D

dojins.bros
November 17th, 2006, 04:58 PM
mga kabahag..
baka puede magtanong..
paano ba eh edit ang signature
balak ko sana bold letter changes the letter style and color..
please help me naman...

DingDong
November 17th, 2006, 05:09 PM
pre MM,

may mga asawa 2 kapatid nyang babae na mas bata sa
kanya. yung ate nya ala pa pero may bf, offshore ang
work sa oil exploration sa ibang bansa. sya na laang walang
bf . . . . kasi ako ei bf nya pero ganire ang ibig sabihin ng
BF - - - best friend . . . nyahahahahaha.



ka DB,

try ko ha kung di mageeffect dine pag sinulat ko kung paano.

sa umpisa ganire ang sulat mo kung ano ang gusto
mong kulay tapos yung WORD na gusto mong ibahin ei kukulungin
mo ng walang patlang pre; sa font naman ei ganire:
WORD; pag bold naman ei
ganire yata tapos WORD .

naku sana di umepekto para mabasa mo pre.



.

DingDong
November 17th, 2006, 05:12 PM
waaaahhhhhhh . . . di umubra pre kasi umepekto yung mga
command. punta ka sa User Control Panel. may mga instructions
dun kung paano.


.

muk_mafi
November 17th, 2006, 05:31 PM
ka DB,

punta ka muna User CP. tapos punta ka Edit Options.... sa pinakababa ay meron dun option to choose the "message editor interface" - choose mo ang "ënhanced interface".

after ma save changes ay saka mo puntahan ulit yung signature mo... advanced na ang magiging mode nun kaya mas madali iedit...

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 06:21 PM
He he he. Ma chikas talaga tong mga katribu
na to. Lagi ng chikas ang usapan. Paano kaya
mga to pag nahuhuli ang cell phone may mga
text ang babae? Ano kaya palusot ng mga to?
Malamang, may mga PIN CODE ang cell phone,
tapos hindi binibitiwan kung hindi naka OFF. Tapos
pag naka ON naman at nasa bahay, laging naka
SILENT. Yung iba siguro, dalawa ang cellphone,
isa sa kotse o office, at isa yung legal na nasa
katawan, ang pang chikas yung illegal. Di bale
yung mga nasa tawid dagat, born free, ei yung
tulad ko lagi sa tabi, tulad ni DingD, ano kaya
style? Yan ang ilan sa mga katanungan at haka
haka nuong minsan sa Magandang Umaga Bayan.
Magingat sa imbestigador ng bayan! Ewan ko
laang!

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 06:25 PM
Kabayan Joey B,

May pamahiin pala ang iyong Kumpare Kababata
Raul, di pamayag picturan ang mga nokiz. Hindi
na ako nagpilit, talaga kanya kanya tayo ng
style sa pagmamanok at dapat laang nating
igalang ang style ng bawat isa. Kung sabagay,
okey din ang surprise na lang, pagdating sa
Araneta, LARGA NA!

mj_cool69
November 17th, 2006, 07:24 PM
kamusta na sa lahat maganda ang pakiramdam pag walang pasok........
tutok muna sa computer..

muk_mafi
November 17th, 2006, 07:44 PM
MJ cool,

pre, ganda nitong nasa avatar mo ah! san location ito?

bigla bumait ang site, pwede na ngayon lahat maglagay ng custom avatar. yehey!!!

mj_cool69
November 17th, 2006, 07:47 PM
hindi ko na matandaan kung kelan ko na upload dapat gumagalaw pa yan!

muk_mafi
November 17th, 2006, 07:47 PM
waaaaaaaah! pinalitan mo naman agad e binati ko pa naman. hehehe.

pre, yung manok ang sinasabi ko avatar. hehe

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 07:58 PM
Dojins B,

Katribu ba natin yan nasa Avatar mo?

sa pula sa puti
November 17th, 2006, 08:00 PM
Ka Joey,

Balikan ko si Raul bukas, di ba sabi niya
pamahiin niya kontra sa picture. Pagbalik
ko bukas, sasabihin ko baka pwede video!
He He He.

mj_cool69
November 17th, 2006, 08:01 PM
syensya na, ito yung lemon ko 3x stag winner when i was in pi broodcock na sya last na nakalaban nya ay kay pamping...hiniram nina mayor pol ferraren last year pero pinakuha ko na medyo sinagad nila sa breeding kaya para nabalda ang manok

sonny dela cruz
November 17th, 2006, 09:03 PM
Musta na po sa inyong lahat!

Parang maiksi ata ang per pages ng ating bagong forum,o complete attendance lang po ang tribu mangyan.

Ka Nestor maraming salamat,naipadala na pala ni Sam ang mga pics,sa wakas at nakarating.

Me napansin laang ako ,kagaganda naman ng inyong mga avatar,di ko tuloy malaman kung ano ang uunahin ko,ang titigan sila o basahin ang inyong mga post.Sana ako rin weihhhhhhhh.

Pasok po muna tayo.Ingat tayo lagi.God bless us all.

goryo888
November 17th, 2006, 11:52 PM
He he he. Ma chikas talaga tong mga katribu
na to. Lagi ng chikas ang usapan. Paano kaya
mga to pag nahuhuli ang cell phone may mga
text ang babae? Ano kaya palusot ng mga to?
Malamang, may mga PIN CODE ang cell phone,
tapos hindi binibitiwan kung hindi naka OFF. Tapos
pag naka ON naman at nasa bahay, laging naka
SILENT. Yung iba siguro, dalawa ang cellphone,
isa sa kotse o office, at isa yung legal na nasa
katawan, ang pang chikas yung illegal. Di bale
yung mga nasa tawid dagat, born free, ei yung
tulad ko lagi sa tabi, tulad ni DingD, ano kaya
style? Yan ang ilan sa mga katanungan at haka
haka nuong minsan sa Magandang Umaga Bayan.
Magingat sa imbestigador ng bayan! Ewan ko
laang!

Kuya si Ka DD.....yung CP nyan lagi sa katawan at di pwedeng pakialaman ng Esmi nya....hehehee kahit nailigo yan dala sa banyo!!wahahahahhaaa!!!

Ka DD...kaganda ng Nokiz natin eh..mas matayog ng konti yaan dun sa nanalong kapatid sa Araneta dati....
Ay kaSwerte mo ga...mabuti't hindi mo naMasam-an yung mga binibining yoon?! Heheheeee...Tunay na iba pa rin nga ang mga Asian sa paningin natin ano? heheheee!! Kumbaga eh yung mga taga ibang Kontinente eh SEGUNDA na laang....yn ay sa paningin nating dalawa laang....hirap saklawan ng iba dyaan....

muk_mafi
November 18th, 2006, 12:35 AM
mga kabahag,

para di kayo lipat lagi ng page ay punta kayo sa "edit options" tapos hanapin nyo yun "Thread Display Options"... choose nyo how many posts you like to show in a given page... you can choose 5, 10, 20, 30 and 40.

it is initially set into default which is 10 posts per page. matipid sa lipat pag set mo sa mataas ang number of posts to be shown.

muk_mafi
November 18th, 2006, 12:58 AM
He he he. Ma chikas talaga tong mga katribu
na to. Lagi ng chikas ang usapan. Paano kaya
mga to pag nahuhuli ang cell phone may mga
text ang babae? Ano kaya palusot ng mga to?
Malamang, may mga PIN CODE ang cell phone,
tapos hindi binibitiwan kung hindi naka OFF. Tapos
pag naka ON naman at nasa bahay, laging naka
SILENT. Yung iba siguro, dalawa ang cellphone,
isa sa kotse o office, at isa yung legal na nasa
katawan, ang pang chikas yung illegal. Di bale
yung mga nasa tawid dagat, born free, ei yung
tulad ko lagi sa tabi, tulad ni DingD, ano kaya
style? Yan ang ilan sa mga katanungan at haka
haka nuong minsan sa Magandang Umaga Bayan.
Magingat sa imbestigador ng bayan! Ewan ko
laang!

sanayan lang ka SP. :D

basta pagkarecib at nabasa ay delete... tapos pag kaw nag-send punta agad sa sent mesejes at delete din agad. lagi magbibilin, "dont call me, i'll call you" - "reply only when i text". name ng lalaking barkada ang pangalan (kilala dapat ni misis). hehehe.

wag itatago ang cell phone at wag rin papatayin. lagi ikalat as in wala tinatago. lalo magduda pag lagi off at nakadikit sa katawan mo.

sana makatulong. TY (haydol)

muk_mafi
November 18th, 2006, 01:19 AM
Ala KA GORYO, paano ga yang ginawa mo
dyan at nakopya mo ang post ko, turui
naman ang mangyan kung pano yan!
Sino ga yang nasa abatar mo? Baka ma
monitor na naman yan ni montet!

ka SP,

dali lang ito gawin...

sa banda kanan ng every post ay meron icon na "Quote". click mo lang ito sa exact post na gusto mo i-quote. then type your own message after the quote...

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 05:45 AM
Muk M,

Kaunti lang manok ngayon naka cord
Oldies 1 year up 8
Bagets below 1 year 95

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 05:49 AM
Ding D,

Bukas pa pala. He he. Bilib ako sayo
updated ka sa selebriti news! Patyal
naman tayo minsan para ma review
ko. O meran pa mas kesa doon?

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 05:56 AM
Muk M,

Salamat sa mga TIPS. Korek ka.

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 06:04 AM
Wag nyo kalimutan mga katribu, ang pang
pooling yung best cock nyo, yung second,
third, fourt atbp, iwanan muna sa farm ok?
Ang sa akin candidate for pooling, isang
BB Sweater, 20,000 bili ko kay Roy, ang
agente si Blackjack, isang Sweater Karachi
na nag champ sa 2 cock socorro derby,
dalawang Mangyan Whites selected out of
55 heads kasama dito peboreyt ni Goryo888
na si yellow legged super mangyan white,
tatlong Mangyan White Bagets, isang Sweater
Karachi Dandee Elcid Line, at isang Sweater
Karachi na Hackfight winner last year sa
Victoria, isa lang dito ang pipiliin for Araneta
January 07 GD, yung, THE BEST AMONG THE
BEST.

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 06:15 AM
Ding D,
Muk M,
Dojins B,
Malayan H,
Mt H,
1925 B,
Grandeur O,
Goryo 8,
Blackjack 21,
Sonny DC,
Hanae M,
Raul R,
Joey B,
Teody C,
Chuck 2,
mj C,

Libra 06*
Bicol D*
Bionic W*
n M*
Manokiz *
Advirada*
Cockersec*

Musta kayo lahat.

Ding D, korek ba?

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 06:19 AM
Ding D,

Yung may asteris friends of tribu mangyan.
Yung wala members. Paki korek kung mali.

goryo888
November 18th, 2006, 07:08 AM
Ding D,

Yung may asteris friends of tribu mangyan.
Yung wala members. Paki korek kung mali.

Kuya si Hanae naka* dapat fren laang yun...

Si manokiz..alanganing mangyan, pero Oks yan.....sa UK group kasi yan...

joey bravo
November 18th, 2006, 08:00 AM
madali lang malaman kung full blodded na mangyan, hubuan pag dalawa eng eng eh mangyan nga yan.....

Against runner of of WSD.

http://s17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/?action=view&current=MightyWingsMorita.flv

goryo888
November 18th, 2006, 08:51 AM
Ka JB...Swapak....galinggggg....ang ganda ng pitik nya pagbaba.....sipag mamalo.....AYOS.....tenkyu tenkyu!!

Raul_Ruaro
November 18th, 2006, 08:53 AM
Magandang umaga mga kabahag!

Update kay pareng blackjack;

Mga 2:00 PM ako nakarating ng PGH, pagpasok ko ng room 561 ay nabungadan ko agad ang ating kabahag katabi ang kanyang mapagmahal na asawa. Nakakakilala nya agad ako dahil pagpasok ko ay ang banggit nya “Hoy pareng stewart salamat at dinalaw mo ako” sabay abot sa akin ang kanyang kanang kamay. Dinaing nya ang kanyang pagka disgrasya.

Maya-maya lang ay nagkwentuhan na kami agad sa mga manok, marami sya sinasabi tungkol sa DRT coliseum, john Paul teves at sa breeding materials nya na naibenta. Banggit nya pag nakarekover sya ay ayusin nya ulit ang paghahanap ng materyales… Talagang napaka mahal ni pareng tem ang pagbreeding dahil kahit sa ganitong kalagayan nya ay nasa isip nya parin pagmamanok.

Naistorbo ang aming kwentuhan dahil I-Ct-scan na sya, titignan kasi ng doktor kung di nagtubig or nagka impeksyon yung namuong dugo sa kanyang ulo. Panalangin natin na di ito magkatubig o magka impeksyon dahil nangangahulugan na di nya na kailangan operahan sa ulo. Ayun sa narinig ko sa doktor na kaibigan ni mareng marife ay magiging napaka gastos ang operasyon at delikado. Ngayon araw malalaman ang evaluation ng ct-scan ni pareng blackjack.

Sa kabuuhan ay may improvement kay pareng blackjack kahit nagkaroon sya ng selective memory, ang kagandahan lang ay nakakakilala na sya ng tao. Pero di pa nya maabsorb lahat ng mga sinasbi natin… Naghahalo halo at minsan nalalayo ang kanyang mga kwento. Tsaka Nagiging bugnutin sya kapag di nya nakuha ang gusto. Natural lang daw ito sa mga taong may traumatic brain injury. Mukhang mas makaka tulong kung tuloy-tuloy ang text at tawag natin sa kanila, lalona’t binabasa ni tem yung mga tex natin. Lagay nyo na lang yung pangalan nyo dahil na erase nya yung phonebuk list ng cel. Ipag dasal natin ang mabilis na pag rekober ng ating kabahag…

Stewart

dojins.bros
November 18th, 2006, 09:17 AM
Dojins B,

Katribu ba natin yan nasa Avatar mo?

ka SPSP...
katrihu natin yan....yan ang handler ko .......hehehehe..joke lang...
nakuha ko lang yan sa mga promo magazine ng manok panabong...

dojins.bros
November 18th, 2006, 09:18 AM
ka DB,

punta ka muna User CP. tapos punta ka Edit Options.... sa pinakababa ay meron dun option to choose the "message editor interface" - choose mo ang "ënhanced interface".

after ma save changes ay saka mo puntahan ulit yung signature mo... advanced na ang magiging mode nun kaya mas madali iedit...

ka MM..
maraming salamat....nabago ko na signature ko....pinaganda ko
ng konti para naman malamig sa mata tingnan....

dojins.bros
November 18th, 2006, 09:21 AM
syensya na, ito yung lemon ko 3x stag winner when i was in pi broodcock na sya last na nakalaban nya ay kay pamping...hiniram nina mayor pol ferraren last year pero pinakuha ko na medyo sinagad nila sa breeding kaya para nabalda ang manok

ka MJ_cool69..

gandang umaga...ganda nitong manok mo sa avatar ah..
nakapalahi ka na ba nyan....anong klasing lemon yan...
ang kisig...

dojins.bros
November 18th, 2006, 09:30 AM
madali lang malaman kung full blodded na mangyan, hubuan pag dalawa eng eng eh mangyan nga yan.....

Against runner of of WSD.

http://s17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/?action=view&current=MightyWingsMorita.flv

ang galing sir pumitik napailaliman na tira pa rin...yan ang manok ng mangyan....da best ang galing.....thanks sa vedio...

BICOL_DYNASTY
November 18th, 2006, 09:39 AM
kumusta na ang tribu mangyan. salamat naman at bumibilis ang pag galing ni ka BJ, sana wala ng complications.
ka SPSP salamat sa pag consider sa akin as a friend of your group.
mabuhay po sa lahat ng tribong mangyan! good luck sa susunod na mga laban.

bicol_dynasty

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 09:46 AM
Bicol D,

Sure, all the time, ang Oragon friend
ng Mangyan. Musta sa iyo and family.

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 09:52 AM
Okey. Noted na Ka Goryo888.
ei si nmontet ano?

dojins.bros
November 18th, 2006, 11:52 AM
Tulog yata ngayon mga kabahag.....ok lang rest muna kayo para malakas na ulit sa huntahan mamaya.....
ako pala hanggang 4:00 PM lang din wala bukas...kita nalang ulit tayo sa monday...
good luck and god bless....mga kabahag....

goryo888
November 18th, 2006, 11:58 AM
Okey. Noted na Ka Goryo888.
ei si nmontet ano?

XXX yun...nyhahaaaa!!
:D

goryo888
November 18th, 2006, 12:01 PM
Mga Kabahag kumusta na ga?

Ka DB...mukhang namamakyaw ka ng mga materyales sa Auction ah....kay AG1 ok din nga....

Ka RR....mabuti naman at nakapunta ka...salamat sa update...yan din ang sabi sa akin nung nakausapko kahapon si Ka Bj at Ate Fe....
Tawagan ko uli ngayon...


SirBicolDynasty....welkam na welkam ka dito sa aming kubo!!l

libra 06
November 18th, 2006, 12:12 PM
libra 06 one of the friends of TRIBU MANGYAN
ang friend ba puederin sumali sa pool

goryo888
November 18th, 2006, 12:15 PM
libra 06 one of the friends of TRIBU MANGYAN
ang friend ba puederin sumali sa pool

Ka Libra06.....ako na magpapaUna...PWEDENG PWEDE!!! yan ang kailangan ng Tribu mangyan..malalim na seleksyon!!!

goryo888
November 18th, 2006, 12:21 PM
Ok daw ang result ng CT Scan ni Ka BJ....nagImprove daw by 70%....so after 2 wks...repeat ng Scan...deretso Therapy na rin.....

Magandang balita ito mga Kabahag!!

dojins.bros
November 18th, 2006, 01:11 PM
Mga Kabahag kumusta na ga?

Ka DB...mukhang namamakyaw ka ng mga materyales sa Auction ah....kay AG1 ok din nga....

Ka RR....mabuti naman at nakapunta ka...salamat sa update...yan din ang sabi sa akin nung nakausapko kahapon si Ka Bj at Ate Fe....
Tawagan ko uli ngayon...


SirBicolDynasty....welkam na welkam ka dito sa aming kubo!!l

ka Goryo...
hahahaha di naman kapag makusunadahan lang....
about kay A1G...kukuha talaga ng Bennet grey nya na pair
din isama ko yong mga inahin kong Pure Dan Gray,
Pure Doc Robinson Hatch & yong Pure Mclean Hatch ko..
para Pure and 50/50 ang maproduce natin next year...
para marami tayo maselect na magandang materiales..
about sa pooling baka di ko na isama ang mga manok ko
sa selection...panghackfight lang ang mga iyon......
kay Prez SPSP..marami magagandang manok....para sure
ang laban....

dojins.bros
November 18th, 2006, 01:13 PM
Salamat naman dahil 100% sure na ang recovery ni ka BJ....
malapit lapit na natin sya makasama't maka-usap dito sa kubol...

dojins.bros
November 18th, 2006, 01:19 PM
ka Libra,

kamusta na..ngayon lang kita nasilayan dito sa kubol
ng mga mangyan...bago lang kasi ako dito....
about sa pooling napagandang mungkahi yan na sasali ka
sa pooling...para madadagdagan ang mga pagpili-an..
yong sa akin kc...sa tingin ko di uubra...pero tingnan ko pa rin
sa pag-uwi ko kong maymama-ari...

libra 06
November 18th, 2006, 01:28 PM
wishing a early recovery for ka BJ
sana tuloy na tuloy na
Ka Gory
wala naman akong magaling na manok na sing galing nang manok ni ka
SPSP tingnani ko kung meron dalhin ko sa pagpunta ko sa March '07
para sa sunod na pagsali ng TRIBU MANGYAN

libra 06
November 18th, 2006, 01:34 PM
ka Libra,

kamusta na..ngayon lang kita nasilayan dito sa kubol
ng mga mangyan...bago lang kasi ako dito....
about sa pooling napagandang mungkahi yan na sasali ka
sa pooling...para madadagdagan ang mga pagpili-an..
yong sa akin kc...sa tingin ko di uubra...pero tingnan ko pa rin
sa pag-uwi ko kong maymama-ari...

Ka dojins.bros
paminsan minsan lang ako na post dito pero palagi kong basa ang post dito
ka db na sali ka ba sa mga derby dyan sa manila kasi parang na basa ko na
ang dojins.bros sa mga magasin :)

goryo888
November 18th, 2006, 01:50 PM
Ka DB....sussss...yung Asil X Doc Robinson mo naku ay ayos na ayos sa tingin ko yun....sabagay kung ihahakpayt mo yun..panigurado lamang ka na....wahaahahaaa harang ang kalaban nyan....heehheeheee

Pero ipagamit mo na muna yan sa Tribu kung uubra sa final selection!!

Ka Libra06....aysussss...akala ko ay maaari na yaang dadalhin mo para sa Global ngayong Jan....heheheee...ok lang pwede yan sa mga ibang laban!

Sige ako'y matutulog na muna mga Kabahag....mag alas dyes na dine ng gabi....heheeee

mj_cool69
November 18th, 2006, 01:59 PM
ka MJ_cool69..

gandang umaga...ganda nitong manok mo sa avatar ah..
nakapalahi ka na ba nyan....anong klasing lemon yan...
ang kisig...
bale ang tiyuhin ni misis na ang nagpapalahi nyan bigay lang sa akin galing los banos ang kwento sa akin ng pinsan ko ang broodcock nyan ay galing kay patrick puno.........

dojins.bros
November 18th, 2006, 02:09 PM
Ka dojins.bros
paminsan minsan lang ako na post dito pero palagi kong basa ang post dito
ka db na sali ka ba sa mga derby dyan sa manila kasi parang na basa ko na
ang dojins.bros sa mga magasin :)

ka Libra 06..

di pa naman sa batangas lang ako naglalaban ng manok...
walang ibang gumagamit ng user na yan kondi kami lang
magkakapatid...yan kasi ang tawag sa amin ng mga kasamahan
dyan sa batangas..bali pinaganda lang nila ang apelyedo namin..
instaead na ( DUHINA) ginawa nilang DOJINS...hehehehehe
kaya..lahat ng laban yan ang gamit namin...

dojins.bros
November 18th, 2006, 02:11 PM
Ka DB....sussss...yung Asil X Doc Robinson mo naku ay ayos na ayos sa tingin ko yun....sabagay kung ihahakpayt mo yun..panigurado lamang ka na....wahaahahaaa harang ang kalaban nyan....heehheeheee

Pero ipagamit mo na muna yan sa Tribu kung uubra sa final selection!!

Ka Libra06....aysussss...akala ko ay maaari na yaang dadalhin mo para sa Global ngayong Jan....heheheee...ok lang pwede yan sa mga ibang laban!

Sige ako'y matutulog na muna mga Kabahag....mag alas dyes na dine ng gabi....heheeee

ka Gory....
Tingnan ko pa pag-uwi kong puede..ayaw ko naman mapahiya ang grupo
tama nga si ka SPSP dapat d'best talga ang ilaban natin sa mga derby...
para sure ang laban...

dojins.bros
November 18th, 2006, 02:14 PM
bale ang tiyuhin ni misis na ang nagpapalahi nyan bigay lang sa akin galing los banos ang kwento sa akin ng pinsan ko ang broodcock nyan ay galing kay patrick puno.........

ka Libra 06..
maganda pala ang pinanggalingan di basta ang mga manok ni Patrick Puno..
dapat makakuha ka pa ng magandang inahen para maipares mo don sa
broodcock mo....

muk_mafi
November 18th, 2006, 03:05 PM
stewart,

salamat sa full report!

mabuti naman pala at medyo maayos na talaga ang ating kasama. habang nagpapagaling ay pwede na yan sa harap ng computer umupo. hehehe.

sana ay wala na komplikasyon pa.

dojins.bros
November 18th, 2006, 03:47 PM
paano mga kabahag....see you on monday nalang..rest muna ako bukas...
ista family..day...hehehehehehe

dojins.bros
November 18th, 2006, 03:47 PM
ka MM...
abangan natin bukas laban ni PACMAN...kaya no chicken talk mo na...

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 06:41 PM
Naku!!! mga katribu, mali ang paliwanag ko
sa inyo. Sorry po.

Tungkol sa pooling ng panlaban natin sa
January 07 GLOBAL derby sa Araneta
Coliseum, binigyan ko lang kayo ng example
kung papaano ninyo pipiliian sa inyong mga
alaga ang isasali sa pooling. Hindi kinakailangan
na marami kayong manok, at lalong hindi
kailangan na marami tayong magagaling
na manok. Ang ibig ko pong sabihin, at iyon
ay kung sumasangayon din kayo, kasama na'
pati si Libra 06, at iba pang friends ng Tribu,
na ang bawat isa sa atin ay maglalagay ng
tig isang manok sa pooling.

Kung ang manok po ni Katribu Raul Ruaro
halimbawa ay tatlo, yung the best sa tatlo
na iyon ang isasali niya sa pooling. Ngayon
po tulad ko, may 5 ako na best among 100
cocks in my farms, pwede ko rin pong isali
lahat yong lima sa pooling.Wala po limit.

In Short, a member of Tribu Mangyan must
send at least one cock in the pooling. Pero
kung sa kanyang masusing pagaaral at
obserbasyon sa kanyang alaga, may limang
manok siya na pwede ilagay sa pooling, di
ba mas maganda kung marami tayo pamimilian.

Kahit pang tupada po pwede ilagay sa pool.
Sa statistics po at sa tunay na nangyayari
sa Araneta Coliseum, KADA DERBY, MARAMING
MGA MAGAGALING NA MANOK NA PAGAARI
NG HIGIT NA MAGAGALING AT KILALANG TAO
SA LARANGAN NG SABONG ANG NATATALO
SA LABAN! SA SABONG PO WALANG MAGALING
NA MANOK BASTA HINDI MO KASAMA SI MR
BWENAS TALO KA! LALO NAMAN PO NA HINDI
SASAMA SA IYO SI MR BWENAS KUNG ANG
MGA MANOK NA ILALABAN MO AY HINDI
MASYADO MAGALING!

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 06:45 PM
Libra 06,

How are you?
Kumusta sa ZW,
The Perfect Fighting Cock Thread?
Di na ako nakakadalaw doon,
Pasensya na.
Paki kumusta mo na lang ako sa
mga kasamahan lalo na kay GD.

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 06:55 PM
Ka Goryo,

Paki gawan mo ako ng training program
na angkop sa pang Jan 07 GD natin.
Kasama ang feeding, suplements,
exercises and sparring, do's and dont's
and others. Post mo dito for study,
comments, and suggestion ng tribu.
Overtime ka ng kaunti para maganda
mga paliwanag.

Mas mabuti kasi yung may training
program tayo para sa ating warriors
para hindi sumala at publish mo rito
sa thread para lalong mapagaralan
nating lahat.

Ano sa palagay mo?

sa pula sa puti
November 18th, 2006, 07:00 PM
Malapit na ang PASKO.
Sana maging maligaya tayo lahat.
Sana sa araw ng PASKO
Mapaligaya natin lahat ng mahal
natin sa buhay.

Mt.Halcon 888
November 18th, 2006, 08:48 PM
Magandang gabi,

Musta na mga mangyang sabungero,kanina umaga e nakausap ko yung asawa ni BJ tinawagan ko sa tel.,ang sabi nya ay medyo ok na at talagang di na ooperahan,nasa rehabilitation stage pa lang sya,andun nga daw sina stewart kahapon.

Goodluck sa mga papasok sa eskwelahan bukas. . . . .

DingDong
November 18th, 2006, 08:51 PM
mga kabahag,

napakabilis naman talagang humaba nireng ating
basahin dine . . . ako'y napadaan laang dine iimik
laang ng kaunti.


ka gori,

wag mo namang ibisto na kahit saan ako sumuot
ay bitbit ko ang aking cp. wag gay-on. gagayahin
ako ng mga kabahag dyaan. ere laang ang paliwanag
ko. kaya bitbit ko lagi ang cp ko kasi 24/7 ang work
ko at any time ay may tatawag sa akin, it's either
my boss or my staffs. ganun lang po kaya kahit eebak
bitbit si cp, hihihihihi lusot po iyon at nauunawaan
ako ni esmi.


saka na muna po iyong ibang topic. at ere naring
na naman ang cp, he he he



.

1925blossomhill
November 18th, 2006, 10:19 PM
Ka Goryo,

Pag gusto mo mag farm tour sa Gilroy ay tawagan mo ako. Last week andoon ako sa farm nila Veto nag padala ako ng Trio.

chuckeee2
November 18th, 2006, 10:54 PM
ka spsp,

meron na ga policy ang tribu Mangyan? importante'y ang funding policy para sa ganang di na padala ng padala kada laban. ilagay na nating 1k ang isang share. nasimoy na ang CF Derby ai!

pre Adrienne,

yan bagang avatar mo e dala mo pa rin ang iyong cp? aba'y paki text naman ako dine!!! wehehe!

muk_mafi
November 18th, 2006, 11:30 PM
ka SP,
marami na naging suhestiyon sa pormal na pagbuo ng tribu pero talagang di pa rin matuloy-tuloy. hehe. di kaya mas maganda na balangakasin na laang ng isang myembro ang mga alituntunin at patakaran natin na halaw sa ibang parehong organisasyon saka ilahad sa grupo for approval? palagay ko'y pag andyan na at pipirmahan na laang ay GO na agad ang lahat. hehe.

baka pwede nyo isingit ito sa agenda ng kitakits sa december, mukhang marami naman ang pupunta. kahit walang quorum, basta may 2 o 3 katribu nag-uusap ay okey na yun sa akin. palagay ko'y ayos din yun sa iba kasama.

ka chuckee,
kilala mo ga ireng aking kaibigang si "Dennis Medina" at aking tiyahing "Shirley Manalo" (Zuzara ire nung dalaga pa). ang alam ko'y taga Tabinay ang mga ire, kung hindi man Dulangan.

muk_mafi
November 18th, 2006, 11:34 PM
ka 1925BH,
tanong laang kabahag... magkano magagastos ko kung pabili ako sayo ng isang magandang trio dyan sa mga farm dyan? freight/shipping costs?

for future reference laang.... maraming salamat!

goryo888
November 19th, 2006, 12:12 AM
Ka MM...Ka Chuck...ka 1925BH, Ka DB.....Ka DD...Ka RR, Kuya SP, Ka JB....Ka MH888....Ka MH3....Ka MJcool...at sa kalahat lahatan na...syempre kay Ka BJ...weheheheeee...Ka Sonny..magandang umaga sa atin dine...heheheee

Ilang oras na laang at laban na ni Pakeyow......


Kuya SP..tama ang tinuran ni Ka MM......inisyal na balangkasin MOOOOOOOOO na muna ang mga alituntunin at patakaran ng Grupo na magsisilbing pundasyon at haligi ng samahan...at ilahad na laang kahit dito sa ating kubol...at sa pagkikitakita ng mga mangyan ngayong nalalapit na Desyembre.....

Ang tungkol sa conditioning program ay subukan kong alalahanin...heheheeee!! mangyari baga'y walang talagang programang masasabi kong AYUN na nga...sa kadahilanang NAGABABAGO bago baga ang ginagawa ko sa Nokis na kinokondisyon ko base sa mga galaw na pinapakita nila....sa tingin ko Kuya yung programa mo ay OK na yun....
Ang ibibigay ko na laang siguro ay Med/Supp program at iprovide ko na rin yung mga gagamiting yun....

muk_mafi
November 19th, 2006, 01:09 AM
pareng gori,
kaw baga'y may pasok today? ako'y maaga tutulog at 5:30 AM ang start ng laban dine. dine makinood sa bahay ang mga barkada para marami kami at mas masaya!

may pusta ka ga sa laban pre?

goryo888
November 19th, 2006, 01:31 AM
Mtulog ka na...ako'ylibrenglibre...tawagan ko nga si Kabahag"Bert" aka 1925BH....

1925blossomhill
November 19th, 2006, 01:49 AM
Muk_mafi,
Kabahag, Dependi sa farm yan ,kung kay Joe Sanford Makaka mura, 8 hundred ang trio at 1 hundred bawat isa ang pamadjak kay Veto, kung sa Alabama naman, Kay Blackwater o Bruce Barnette o Slick Lizard 1,500 ang Trio Plus 3 hundred ang pamadjak kay Veto, Si Veto siya ang isa sa Brooker dito sa amin Kapatid ni Tetchie Agbayani, pero kung patingi tingi sa mga kaibigan dito 150 isang nokis plus panadjak kung minsan nakakalibre, kaya nga yayayain ko si ka Goryo ng Pasyal pasyal diyan sa Gilroy baka makaispat ng magaling na nokis at makaalbor sa mga kaibigan diyan. Bert

sonny dela cruz
November 19th, 2006, 05:19 AM
Magandang hapon dito sa labas at magandang umaga diyan sa atin sa inyong lahat.

Ka Goryo,magandang umaga din sa iyo.Pumasok ka ba?Laban na ni Pacman,iisa na naman ang inaabangan ng lahat ng pinoy.

Ka nestor sabi ni sam libre daw mapapanood ng mga mangyan ang laban ni Pacman sa bayan,okey na okey yan di kagaya namin dito sa labas bayad pa ,hu, hu,hu, pero okey lang panigurado sulit naman.

Ingat po tayo lagi.God bless us all.

P.s.Ka BJ panoorin mo laban ng kahit pano ma excersice ka.Pagaling ka.

mj_cool69
November 19th, 2006, 07:03 AM
musta na sa lahat ako maaga rin ang tulog 2 am start dito..
hula ko paquiao in 7 by ko!

sa pula sa puti
November 19th, 2006, 07:41 AM
Ka Goryo Ka Muk,

Okey.

goryo888
November 19th, 2006, 07:52 AM
Ka Goryo Ka Muk,

Okey.

Talagang OK.....heheheeee...sensya ka na...tutal ikaw ang Tatay ng Grupo....heheheee isang ama na masasandalan/maaasahan...

Kumusta ga kayo dyaan? Si KingKyut/kulit kumusta?

Pano eh di mamya eh Pukpukan na...Pakyawwwww!!

goryo888
November 19th, 2006, 07:54 AM
musta na sa lahat ako maaga rin ang tulog 2 am start dito..
hula ko paquiao in 7 by ko!

Ako eh hangang 5th round lang...matagal masyado yang 7....heheheee!! Sa kita ko kay Morales parang Kutsugin/lungkuyin...wala sa pormang may lakas na manalo....

chuckeee2
November 19th, 2006, 09:18 AM
mga kabahag,

simple laang yan! kung baga ang bawa't isa'y mayroong 5k sa funding, 1k/share, yaan ang gagamitin sa laban. at yaan e lalago kapag nagpanalo tau sa derby at vice versa. kung yaan e abutin ng 10 milyon e divided by per number of shares, lalabas diyan kung magkano na inabot per share. kung ang 1 share e inabot ng 9k halimbawa at meron tayong 5 share e di multiply by 5 = ?

muk_mafi
November 19th, 2006, 01:33 PM
Mga kabahag!

pyesta sa pilipinas ngayon! nanalo ang bayani nating si Manny!!!!!

mabuhay!!!!!!!!!

sarap ng kwentuhan sa sabungan tyak...:)

goryo888
November 19th, 2006, 01:37 PM
Oo nga kabahg.....susssss...walang makapusta eh...dnayo ko na yung mga Mehikano dine ay susss...winagayway ko na yung pera ko...sabi nung mga kolokoy....

No bet...pakyawwin....heheheeee!! natatawa ako...

Tapos sa umpukan ng mga pinoy...kami kami sana kung anong round matatapos....kaso bunutan...di na ako sumali....

muk_mafi
November 19th, 2006, 01:40 PM
Ako eh hangang 5th round lang...matagal masyado yang 7....heheheee!! Sa kita ko kay Morales parang Kutsugin/lungkuyin...wala sa pormang may lakas na manalo....

sobrang haba ng mga prediksyon nyo pre! wehehehe

2nd round pa lang kalog na tuhod ni morales. sa pagpasok pa lang e matamlay na, parang alam na ang mangyayari. hehe

muk_mafi
November 19th, 2006, 01:44 PM
pagbagsak nya sa rnd 3 nung huli e umiling na si loko...

"di na daw kaya ang parating"

pero palagay ko masaya na rin si morales ngayon kasi mabibili na nya yung mga gusto nya kainin. waaaaaaahahahahaha!

goryo888
November 19th, 2006, 02:03 PM
Nagbago ang prediksyon ko Pre nung unang saltikan....kako sa katabi kong Pinoy din.......mahaba na ang 4th round dito....pero muntik na kasi konting segundo na lang...nasalba sana sya ng Batingaw...TALO pa rin sana ako sa pustahan...

grandeur0
November 19th, 2006, 03:06 PM
bagsak talaga si morales nakakagigil ng bumagsak ksi ang sabi nya sa interview nya AKO ANG MANANALO TANDAAN NYO YAN ang dami yang sinasabi
tungkol kay pacman ganyan naman yang mga mexicano mayayabang talaga mabuhay ang pilipino mabuhay si pacman sa dec opening ng DRT si pacman ang mag cut ng ribbon

muk_mafi
November 19th, 2006, 05:18 PM
Grandeuro,
musta na kabahag? bigla ka napadalaw ah!

musta na ang bakasyon jan?

goryo888
November 20th, 2006, 02:30 AM
bagsak talaga si morales nakakagigil ng bumagsak ksi ang sabi nya sa interview nya AKO ANG MANANALO TANDAAN NYO YAN ang dami yang sinasabi
tungkol kay pacman ganyan naman yang mga mexicano mayayabang talaga mabuhay ang pilipino mabuhay si pacman sa dec opening ng DRT si pacman ang mag cut ng ribbon

Kabahag....asahan mo ang taong madaming salita...kumbaga ay defense mech na lang nya yun....pero sa loob nun alam nya na di nya na Kaya!! Nandon na lang sya para sa Pera....papaAkayat pa lang sya eh...kita mo ng KABADO na!! si Pacman naman kita mo ang taas ng Energy level....point na point...parang pagkumawala eh dudurugin talaga ang kalaban!! Fastest Win....

Ako naman nanood lang para malaman kung anong Round babagsak si Morales....kumbaga eh pag sinabi kong naku walang Tare makakalaban nare....pusta na kayo!!! weheheeheee!! SELYADO na baga!!
Sala lang yung aking Prediksyon.....napahaba...heheheeee

muk_mafi
November 20th, 2006, 03:02 AM
gary,

narecib mo ba yun notice ko sa YM? wag mo open kung may marecib ka mga links galing sa YM ko, nadale din ng virus yun pyuter ko e. di ko pa nalilinis ng ayos.

mj_cool69
November 20th, 2006, 05:26 AM
gandang umaga sa lahat, tama si ka gore pera lang habol ni EM kaya pa nyang tumayo kasi 3 sec na lang bago matapos ang round..siguro naisip nya bakit pa sya magpapabugbog ay parehas lang na $2.7M ang makukuha nya..magulang di ba!

goryo888
November 20th, 2006, 05:45 AM
gary,

narecib mo ba yun notice ko sa YM? wag mo open kung may marecib ka mga links galing sa YM ko, nadale din ng virus yun pyuter ko e. di ko pa nalilinis ng ayos.

Tol Boyet...di na ako nagbubukas ng YM...kasi nandon pa rin yung Virus.....minsan nagTry ako ayun ...naglabasan ang mga Aswang....weeheheheee!! Uninstalled na ang YM ko.....

kailangan yatang ireformat areng PC ko....eh wala naman akong alam don....yung mga files ko eh watak watak...heheheee
Hinayaan ko na di nalang ako nag wawayEM....

goryo888
November 20th, 2006, 05:48 AM
gandang umaga sa lahat, tama si ka gore pera lang habol ni EM kaya pa nyang tumayo kasi 3 sec na lang bago matapos ang round..siguro naisip nya bakit pa sya magpapabugbog ay parehas lang na $2.7M ang makukuha nya..magulang di ba!

Ka MJ....kahit ako yun....hehehehe kahit isang segundo na lang...di na rin ako tatayo..IILING na lang ako...kasi sa sunod na Round...mabubugbog na naman ako....nyhahahaaaaa!!
Ramdam kasi Nya na talagang di nya kaya Lakas ng Suntok ni Manny.....
Dinayo ko yung lunga ng mga Mehikano...winawagayway ko na yung pamusta ko eh walang kumuha eh....at tahimik ang mga KOLOKOY...

libra 06
November 20th, 2006, 08:02 AM
good afternoon mga TRIBU MANGYAN
Noon pangalawang laban nila EM marami nagaalok ng pusta ngayon
wala nag alok sa akin sabi sa akin ng mga nagtratrabahong mexicano
magaling daw si PACMAN

dojins.bros
November 20th, 2006, 08:11 AM
Magandang umaga mga kabahag...
ang bilis humaba itong furom natin...
hirap na habulin...kahapon lang ako di
nakapabukas sobrang haba na agad..

dojins.bros
November 20th, 2006, 08:16 AM
ka SPSP, ka Gory, ka MM..at sa lahat ng mga kabahag..
Napakaganda yang binabalak na gawin alituntunin at
patakaran para sa grupo ng tribu mangyan..sana
matuloy na yan para..buo at nag-iisa ang grupo..
sang-ayon ako sa binabalak nyo.....sana magawa ng mas
maaga para malaman agad natin ang result....

dojins.bros
November 20th, 2006, 08:18 AM
Mga kabahag walang ka trail trail ang laban kahapon...
halatang bigay ang laban pera lang talaga ang habol ng kalaban...

dojins.bros
November 20th, 2006, 08:19 AM
Tulog pa yata ang mga kabahag ko...sige...work muna ang atupagin
natin..mamaya na ulit ang huntahan....

sonny dela cruz
November 20th, 2006, 08:27 AM
Musta na ka DJ.

Siguro nga nakahiga pa mga mangyan at napuyat sa huntahan sa laban ni Pacman.Kami rin dito 3am na natulog at inubos pa ang iniinom habang kwentuhan tapos dami nag text kung tapos na daw at me pusta sila sa atin,he,he,he.akala nga mga kapitbahay me gulo na naman ,buti walng tumawag 911

Akoy hihiga na muna at lunes na naman po.Ingat tayo lagi.GOD bLess us all.

goryo888
November 20th, 2006, 08:45 AM
Kumusta mga kabahag???!!!


Ka Sonny...sige tulog ka muna...heheeee
Ka DB.....sige trabaho laang...
Ka LIbra06....naku ay talagang walang makapusta eh...mangangawit ang braso ko kawawagayway ng pamusta ko doon sa Pizza Depot dine sa may amin..ka daming Mehikano ay katahimik baga...ay samantalang kilala sa Maiingay at magugulo yaang mga yaan....heheeheee

DingDong
November 20th, 2006, 08:51 AM
malamang sa puyat iyong mga kabahag na
nanood habang natagay. ako'y sa bahay
laang nanood. kaiinis naman mga text at
nauna na naikot na panalo na si pacman
pero kahit alam na, inabangan ko pa din.
sarap panoorin kung paano bumagsak ang
kalaban.


'tol chuck,

sino ga iyong Adrienne na iyong nabanggit?


ka gary,

wala palang pumago sa iyo. baka di mo nilogro.



ere na laang muna . . . maya na uli.



.

joey bravo
November 20th, 2006, 09:03 AM
ka SPSP,

nakausap ko si kababatang raul kahapon, eh kung maari daw ay wag litratuhan nokis kasi may experience daw sya na yung mga nilitratuhan na manok nya ay puro talo sa laban, wehehehe

paniwala nya kasi ay pag kinunan picture ay matatalo ang manok kasi nag iwan na ng remebrance...

basta yung matitindi daw ang hahanda nya sa akin para sa araneta.

yung pang pooling ko ay dito na pque mangagaling at pwedeng si ka DD ang pumili.....wag lang yung 5 x winner ko na hindi nasusugatan...kasi broodcock na yun....

http://s17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/?action=view&current=Democrat.flv

goryo888
November 20th, 2006, 09:19 AM
Ka JB....wheeeewwwwww.....eto ga yung naka 4 na yata na di nagsusugat? yung nakita namin nung kitkitz dyaan sa inyo??

Ay kagaling talagaaaa ehhh....heheheeeee

Naku ay hayai ang pamahiin nitong si Ka Raul....kanya kanya baga tayo ng pamahiin....heheheeee
Ay sya kahimanawari'y manalo nga lahat ng manok ng Mangyan na sasabak sa Global!!
Ay katagal naman ng Plaso sa akin ni Kuya SP eh mga 2 yrs daw....heheheheehee...kahirap ga isipin nun.......
Sabagay kung pagdating naman ay nakahanay agad ang hihimasin eh ay di SULIT na rin...heheheee!! sana'ypagdating ay araw araw ang sabong sa DRT Coliseum....heheheeee!! ay baka di na maulit yung 4 na buwang katagal na bakasyon eh....baka sa sunod eh mga ANIM na buwan na laang....nyhahahahaahaa!!

dojins.bros
November 20th, 2006, 09:19 AM
Another excellent fight ka JB....ang galing ng mga manok mo.....

Raul_Ruaro
November 20th, 2006, 11:45 AM
Napaka gandang umaga sa lahat mga kabahag!

Sensya na ngayon lang napadalaw, medyo nagkalakad kasi nung sabado at kahapon. Nanood kami ng mga old friends ko na paclander's sa sm mega mall. Ibang klase talaga kung malaki ang screen at maraming tao, paraka din nanood ng live sa laban ni Pacman.

Ibang klase talaga ang kondisyon ni manny at ang galing ng strategy ni roach. For the first time ko nakita si manny na nag 140 plus pounds sa laban, pero di man lang naapektuhan ang kanyang speed.

Tsaka alam ng team pacquiao na makikipag sabayan si Morales dahil gumamit ito ng cleto reyes na gloves, ito ang ginagamit ng mga boksingerong brawlers at knock out artist. Kaya nagpabigat ng 144 pds si Pacman para mas less impact ang suntok ni morales.. At ayun nga nangyari kasi tinanggap ni Manny ng maayos yung malalakas na patama ni morales.

Umaakyat na siguro ang bayag ni Barrera ngayon dahil may posibiladad na sya na susunod na pagreretiruhin ni manny. hehehe!

Congrats kay Pacman!!!!!!

stewart

Raul_Ruaro
November 20th, 2006, 12:06 PM
Mga kabahag, maya ay kontakin ko ulit si mareng marife para sa karagdagang update kay Pareng blackjack....

Baka dalawin namin ulit si pareng blackjack sa wed ni toyting pasay, ewan ko lang kung libre pa si grandeur at makasama din.

Katuwa sa kulit si pareng tem... Naikwento ng kasambahay nila na humingi ng red horse si tem nung ika tatlong araw nya sa kanilang bahay buhat nung lumabas sila sa hospital sa calapan, nang di binigyan ay nagalit at nagwala daw ito. hehehe! Ayun binuhusan daw nila ng may ice na tubig si pareng tem para mapakalma. First aid nila yun ayon sa mga doktor. kaya dapat lagi sya sa malamig na lugar dahil pag mainit ay nagsisimula syang bugnutin...

Pero over all ay masaya naman mood sa hospital, dahil na rin sa kakulitan ni pareng tem. Bilib din ako sa tibay ni mareng marife, talagang napaka tiyaga nya sa kanyang mahal na asawa....Sana nga magtuloy tuloy na yung pagrakober ng ating kabahag.

Kailangan na lang ata ng rehabilitation dahil di pa sya nakakapag lakad, mukhang tatagal pa sya ng konti sa hospital....

stewart

goryo888
November 20th, 2006, 12:08 PM
Tama ka Kabahag na RR....sabi ko nga dahil hindi man lang pinawisan si pacman eh isinunod na rin si barrera,pinaAkayat na rin sa Ring kungpwede lang...doble byahe kung sa manok....nyhahaaa....heheheeee!! Kumbaga eh pakuritan laang yung laban nila ni Morales.....

Mt.Halcon 888
November 20th, 2006, 12:11 PM
Musta mga kabahag,

Buti na lang at kahit pano e nakapusta ako ke Pacman kahit kaunti laang,meron pang pumusta sa amin ng 100k,last minute nag back out,100k tamang 120k..

Di na talaga tinanggap ni mayor alvarez yung entry ko sa 2nd leg ng Ormigba,sa susunod na lang daw,baka daw magalit yung ibang entry,ok lang at least marami rami akong stag na pagugulangin,mga nasa 60 pa yung di napalaban.

Ka nestor,sa DRT coliseum na lang tayo sumali,Dec.16 yun di ba.

Raul_Ruaro
November 20th, 2006, 12:42 PM
Tama ka Kabahag na RR....sabi ko nga dahil hindi man lang pinawisan si pacman eh isinunod na rin si barrera,pinaAkayat na rin sa Ring kungpwede lang...doble byahe kung sa manok....nyhahaaa....heheheeee!! Kumbaga eh pakuritan laang yung laban nila ni Morales.....

Hehehe! Sa kondisyon ni Manny kahapon kahit nga sunod na agad si barrera, then si marquez naman pagkabagsak ni barrera after 5th. Ipapatumba naman ni manny si marquez till 9th round. hehehe! Parang sparring lang hah? hahaha!

Pero di ko gusto yung balak mangyari nung promoter nya na si Bob Arum, balak sya ilaban sa macau, kalaban si Edwin Valero ng Venezuela. Champ ng IBF yun pero high risk, low reward sya dun. Di tulad kay Barrera low risk, high reward. hehehe! Kasi maliban sa Knock out artistsi Valero ay malaki at natural 130 pounder sya, di tulad nila Barrera, Morales, Marquez at Larios na mga galing sa lower weights.

Kaya naman talunin ni Pacquiao, kaso lang iba parin ang boxing...Baka masingitan ng suntok, lalo na knock out puncher si Valero. Ito record nya 20 wins, 0 loss, 20 knock outs. 19 of his knock outs ay galing sa 1st round ko. hehehe!

stewart

dojins.bros
November 20th, 2006, 01:07 PM
Gising na ang mga kabahag....musta na kayo....
enjoy ba ang panood ng laban ni pacman....

kami sa news lang walang live dito sa taiwan..
ngayon napanood ko rin kaya lang putol putol..
sa youtube pa.....

dojins.bros
November 20th, 2006, 01:09 PM
ka RR..
taga vigan ka pala..may barkada ako don...mga lanuza ang apelyedo
kasama ko dati sa saudi....

dojins.bros
November 20th, 2006, 01:11 PM
Maykilala ka bang mga vidad and gaspar ang apelyedo don....
doon din yata sa vigan nakatira....

DingDong
November 20th, 2006, 04:50 PM
mailipat nga muna ere sa unang dahon. tulog pa
yata ang mga mangyan ngay-on. pppssssssstttt
gising mga kabahag.


.

Raul_Ruaro
November 20th, 2006, 04:52 PM
DB,

Di ako masyado pamilyar sa mga nabanggit mo na mga apelyido tsaka laki na ako dito sa manila. Nag aral ako ng grade 2 at 1st year high school dun pero di gaano karamihan kakilala ko. Madalas ako magbakasyon dati dun, pero mula nung 2003 ay bhira na lang.

stewart-

DingDong
November 20th, 2006, 04:53 PM
testing nga ere

chuckeee2
November 20th, 2006, 05:06 PM
Aldrienne pala!

pre, di ba natin popondohan tribu? para may cash flow kunin na lang dun pang derby?

muk_mafi
November 20th, 2006, 05:53 PM
ka chuckee,
palagay ko'y ganun nga ang mangyayari. magkakaroon ng common fund at yun gagamitin for every entry (conditioning costs, entry fee, minimum bets, etc.). bisi pa laang ang ating kabahag na si ka SP.

preng DD,
ano ga ang tnesting mo dun sa taas??? hehe

DingDong
November 20th, 2006, 06:25 PM
yong paggamit ng kung anu anong font style at kulay baga.
kasi iba gamit na font at kulay ni ka DB e.


preng chuckeee,

Aldrien iyon pre walang dagdag na "ne" sa dulo kasi pag meron
nyaan ei baka babae na yun. katulad ng anak ko na panganay
ang name nya ay Adrianne kung lalake ei Adrian laang.

si prez SPSP yata ang babalangkas ng ating alituntunin.



.

chuckeee2
November 20th, 2006, 06:43 PM
ok! hehehe!

pre Aldrien 'ne', in 2 years retired na me, wehehe! at dami ko panlaban by Jan 2008 CF, palugunan na laang raw namin mga 9 months old ko ngaun. di muna me uwi etong summer 07, sa Nov 07 na laang, tamang tama preparation CF Jan 08, testing ko sila dyan kung ano gagawin hehehe!

pre, magkano ba sharing nyo sa 'tribu mangyan pooling 4 ? para sa CF ereng Enero!

DingDong
November 20th, 2006, 06:48 PM
di pa napag usapan kung gaano preng chuck. hamo't pag di na
gaano bisi si prez SPSP ei ihahayag na dine iyon. ang unang
hakbang baga ei dalhin doon kina prez ang mga nokiz para sa
pooling natin. ilan na ga ang nag pledz na magdadala ng nokiz
para sa CF Global 2007?



.

DingDong
November 20th, 2006, 06:53 PM
nga pala mga kabahag,

baka naman sa inyo ei merong magaling mag design ei guhiti na ang pwede nating maging logo. sa wari ko'y si ka DB ei mahilig dyaan e. may dugong artist ka yata pre. kapag meron na tayong logo ei di iyon ang ating gaw-ing signature para parepareho tayo. tapos kapag may entry tayo ei gamit natin iyon. parang ang ganda yatang tingnan. ano sa palagay nyo mga kabahag?



.

chuckeee2
November 20th, 2006, 07:01 PM
ok pre! sali me dyan sa 'tribu mangyan' pooling no.4, let me know how much per share k! kaya lang la me manok sa ngaun, bawi na lang me sa next CF cock derby.

DingDong
November 20th, 2006, 07:07 PM
okies preng chuckeee sama ka sa sharing. teka nga pala di ka pa yata naglalagay ng TRIBU MANGYAN dyaan sa lagda mo dre. lagyi na ng kaunti at ng ayos na ayos ang ating pirma, hi hi hi.


.

DingDong
November 20th, 2006, 07:08 PM
mga kabahag,

kayo naman dine at ako'y uuwi na muna. baka si esmi ei naghihintay na. lalamig ang pagkain sa hapagkainan.




.

muk_mafi
November 20th, 2006, 10:48 PM
ka chuck,

ayos ireng avatar mo ah.... talagang tribu mangyan ang dating. hehe.

signature na laang pre ang kulang... sabi nga ni ka DD, pakilagyan ng Tribu Mangyan!

parang excited ka na sa CF global ah. sayang at di pa pwede iyung mga PA lines mo.

ire ang update sa pooling:
SPSP - marami
ka Joey - 1 (nasa paranaque, si DD daw ang pipili)
ka DD - 1 (talisayin - kapatid nung dati nanalo sa CF global)
muk mafi - 1 (pang-aliw lang; sparring partner)
ka DB - baka sakali meron pag-uwi nya december
libra06 - may early pledge for CF GD 2008 (aga nito sir, hehe)
ka jeff ???
neo M ???
malayan heat ???

mga kabahag,
paki-post na ng mga additional pledges para sa pooling.

muk_mafi
November 20th, 2006, 11:35 PM
Muk_mafi,
Kabahag, Dependi sa farm yan ,kung kay Joe Sanford Makaka mura, 8 hundred ang trio at 1 hundred bawat isa ang pamadjak kay Veto, kung sa Alabama naman, Kay Blackwater o Bruce Barnette o Slick Lizard 1,500 ang Trio Plus 3 hundred ang pamadjak kay Veto, Si Veto siya ang isa sa Brooker dito sa amin Kapatid ni Tetchie Agbayani, pero kung patingi tingi sa mga kaibigan dito 150 isang nokis plus panadjak kung minsan nakakalibre, kaya nga yayayain ko si ka Goryo ng Pasyal pasyal diyan sa Gilroy baka makaispat ng magaling na nokis at makaalbor sa mga kaibigan diyan. Bert

ka Bert,
ayos na rin pala ang presyo, medyo mabigat nga lang kasi pure siguro itong mga trio.

pwede rin naman siguro palahian yung mga crosses kaso tyambahan daw ito ayon kay ka BJ; baka di prepotent ang makuha. kung makakabili ng tig-150 lang na cock ay ayos na rin. kahit pa magbayad ng 100 na pamadyak. bale patak ng 250 per head (12,500 pesos lang imported na).

nagkita baga kayo ni goryo? nakapasyal na kayo sa mga farm?

goryo888
November 21st, 2006, 12:11 AM
ka Bert,
ayos na rin pala ang presyo, medyo mabigat nga lang kasi pure siguro itong mga trio.

pwede rin naman siguro palahian yung mga crosses kaso tyambahan daw ito ayon kay ka BJ; baka di prepotent ang makuha. kung makakabili ng tig-150 lang na cock ay ayos na rin. kahit pa magbayad ng 100 na pamadyak. bale patak ng 250 per head (12,500 pesos lang imported na).

nagkita baga kayo ni goryo? nakapasyal na kayo sa mga farm?

Ka Boyet....hindi pa..pero nagkakaUsap na kami ni kapatid na BertM aka 1925BH....hamo at pag may oras eh magpapasyal kami samga farm doon at titingin tingintayo ng di gaanong masakit sa bulsa...perokalidad baga....pipigurahan natin....heheheehee...

goryo888
November 21st, 2006, 03:23 AM
Taas ko laang are mga kabahag at naHuhubo na eh....heheheeheeee

malayan_heat3
November 21st, 2006, 04:58 AM
Mga kabahag msta na kayong lahat aba ang haba
na ng habulin ko ahhh... cinzia na kayo ngayon la
mang nakadalaw sa kubol natin nadali kasi ng virus
ang puter ko kaya ngayon lamang nagawa ng kaibigan
ko tisting lamang bukas na ako makikipag-kuwentuhan
ingat kayo lahat diyan........................................

malayan_heat3
TRIBU MANGYAN
-----------------

muk_mafi
November 21st, 2006, 05:21 AM
Ka Boyet....hindi pa..pero nagkakaUsap na kami ni kapatid na BertM aka 1925BH....hamo at pag may oras eh magpapasyal kami samga farm doon at titingin tingintayo ng di gaanong masakit sa bulsa...perokalidad baga....pipigurahan natin....heheheehee...

cge pre, malay mo banda banda dyan e makaya natin yang mga presyong yan. mas maganda nga kung medu magaan sa bulsa. baka ubra yan sa pang CF GD 2008 natin. hehehe.