PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 [3] 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

alimbuyog
September 20th, 2005, 11:34 AM
gandang araw po sa inyong lahat!

ka sonny/DD,

2 cock ung sa pinamalayan, alamin ko muna detalye ng pa-derby nila. . . . intay lang . . . .

alimbuyog
September 20th, 2005, 04:49 PM
ka sonny/DD,

ay wala akong mahagilap dineng magsasabong na matanong. . ..

pero ciguro tulad din ng mga nakaraang derby dito ang palakad dun . . . .

2,200 pot money
2,200 minimum bet

50,000 premyo
ewan ko sa gaffer . . . .
ewan ko sa handler . . . .

weighing time - mula umaga hanggang siguro bago magsimula laban . . . . . . mga 3:00 ng hapon . . .

verify ko na lang ito kung tama . . . . :D

DingDong
September 20th, 2005, 06:17 PM
ka alimbuyog,

pakialam ng tamang detalye para sa mga kabahag dito.

baka meron pang ibang gustong sumali.

:rbounce:

sonny dela cruz
September 20th, 2005, 08:02 PM
Musta mga Kabahag ?Ano ga ang buhay buhay ?Wala daw tigil ang ulan sa atin ei,nag kandamatay daw ang aking mga sisiw kahit me gamot na at ilaw gawa ng lamig ei.

Ka Blastpak pasensiya na ga at wala akong ideya kung ang nokis ay manggagaling dito sa labas ,ang alam ko niyan bibigyan pa yan ng mga anti biotic at ilang gamot para di manibago sa klima natin at isa pa ang pagkain nila ,pero sa mga kabahag natin tulong naman po at balak ng ating kabahag ka Blastpak na maging makulay ang darating na sasalihan ng Sandugo kung uubra na mangagaling sa labas ang entry.

Ka Alimbuyog maraming salamat sa input,balak ko kasing imbitahin ang grupo ng R3CA kahit isangentry at isang entry sa atin,kung maraming susuporta kahit maliitan lang ang pusta importante masubukan naman ng ating mga kasapi sa sabong.net na ang grupo Sandugo at ang ating lugar ay maipagmamalaki natin.

Ka Dingdong maraming salamat at sa ating lahat,ingat po tayo lagi and God Bless.

goryo888
September 20th, 2005, 08:23 PM
Silip silip laang muna ako....pero may magandang nabubuo ha...sige laang mga kabahag.....;) ;)

sonny dela cruz
September 21st, 2005, 05:31 AM
Usong laang at napunta na tayo dito sa pangalawang pahina,mga Kabahag buhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat.

goryo888
September 21st, 2005, 11:05 AM
Kabahag na Sonny...ako naman ngayon ang bubuhattttttt................

sonny dela cruz
September 21st, 2005, 12:17 PM
Maraming salamat Ka Goryo888,yun gang aking isinasalang na naamoy mo ay malapit na tinawagan ko na kapatid ko at sabi niya ay bibigyan niya rin ako ng detalye tungkol sa derby na sasalihan sa pinamalayan,ang ating mga kabahag ay hintay ko rin ang feedback,inaasahan ko ang inyong suporta ,ika nga ay kahit kaunti basta sama sama ay madami rin ei.

Maya maya laang hindi lang tayo ang bubuhat nito parating na ang mga kabahag nagpapakain laang siguro ng kanilang mga tinale he he he.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

teodychongco
September 21st, 2005, 01:38 PM
salamat ka dingdong & ka goryo ako ay bago laang dine napasulyap laang d2 sa sabong.com kc mahilig talaga tayo sa sabong! marami ding magsasabong dine sa saudi kahit patago nagkakatalo! sana nga magkita kits tau sa december kung may derby subukan kong sumali!
eh di sa sussnod na laang ulit sana'y dumami pa ang mga sandugo sa kolum nato!
teody ng jeddah

grandeur0
September 21st, 2005, 04:30 PM
Kmusta na sa inyong lahay dyan ngangayon lang ulit ako napasyal dine,,,alah ay marami na rin tayo ka teody kitakitz tayo sa pag uwi mo ng dec doon din ako mag xmass sa mga sasali ng derby sa mindoro this coming nov or dec cgurado mapapanood ko yan,paala ala lang maliit ang rueda ng mga sabungan sa socorro ,pinamalayan,at gloria ,kaya kyo na ang bahalang pumili ng laro ng mga nokis nyo kung ano ang maganda ,victoria,dragon,roxas,puerto galera ,malalaki ang rueda dyan ,sana tuloy tuloy ang ang swerti natin naumpisahan na ni ka sonny,,,mabuhay ang mga MANGYAN!!!

DingDong
September 21st, 2005, 06:06 PM
sige mga kabahag, ihanda na ang mga tinale.

bakasakaling kami'y makasali din sa palaban na iyan.

tuloy ang kitakits, doon tayo sa petsa na medyo maraming
makakauwi sa kamangyanan.

:rbounce:

grandeur0
September 21st, 2005, 06:11 PM
EH tama nga kabayang dingdong at dapat din talaga na andoon ka para makapag laban tayo ng manok mo,,,one month na lang ako miss na miss ko na makahawak ng manok

DingDong
September 21st, 2005, 06:35 PM
pipilitin natin na makauwi ako, ka grandeur.

matesting baga kung aare na ang mga manok, galing
kasi sa lugon eh.

kung hindi pa kumpleto ang balahibo, aba atras, mahirap
sumabay sa gay-on, sayang ang manok.

:rbounce:

teodychongco
September 22nd, 2005, 12:23 AM
kumpare ko yong mayari ng sabungan sa pinamalayan kasi tagaron ako sa papandayan di ko lang alam kun sila pa ang mayari noon kitz paylago ang name niya! matagal n kc akong di nauwi ng mindoro huling uwi ko ay 1991 pa! magkita kits tau don!
salamat kasandugo dont wori me regalo ako sau vitamins para s tau hehe! para kang tamraw cigurado ko pg nktikim ka non!
hello n lang sa mga kamangyan dyn.
teody ng jeddah

grandeur0
September 22nd, 2005, 04:04 AM
teody sad to say kung di ako nagkakamali patay na si kitz paylago,ang alam ko si mar ang kapatid nya diba.dati si kitz ang namahala ng sabungan sa socorro ang balita ko ipinapatay si kitz..kung sino nagpapatay yon ang diko cgurado balibalita lang
na rent ng isang taon yata nina escal taga socorro pagkamatay ni kitz tapos tumaas ang rent kaya dragon ang nakakuha ngayon sila ang namamahala ngayon...pre may mga kamag anak ako dyan sa papandayan yata yon banda rito ng sabungan mga magbuo...sige hanggang sa muli

DingDong
September 22nd, 2005, 12:29 PM
walastik, nasa ikalawang pahina na ere. teka bubuhatin ko muna.

mukhang tama ang sapantaha mo ka grandeur, two years ago sin escal nga ang may palaban sa socorro, tapos sinundan ng dragon, ngayon daw iba na uli ang may hawak. pero dun sa bahagi ng patayan wala ako alam na kwento dyan, hi hi hi.

ka teody, yaan gang vitamins na iyan ay para kanino, hi hi hi hi hindi mo kasi nabanggit baka mag-agawan ang mga mangyan dyaan. kung para kay ka grandeur yaan, he he he TITIngnan natin ang epekto sa kanya, pag maganda aarbor na laang ako kay ka grandeur, bwahahahahaha.

:rbounce:

DingDong
September 22nd, 2005, 06:45 PM
aba at nasa ilalim na naman,

teka ay itataas ko lang saglit mga kabahag.

:rbounce:

grandeur0
September 23rd, 2005, 03:12 PM
ka dingdong iba na naman pala ang naka rent ng socorro cockpit,last dec 2004 eh dragon pa ,cguro tumaas na naman ang gusto ng may ari na rent,,lumakas ang socorro ng dragon ang may hawak ,,,kmusta na sa inyong lahat ,,,,,grandeur

DingDong
September 23rd, 2005, 06:09 PM
oo nga ka grandeur, kailan lang ulit nag-operate ang sabungan sa socorro, hindi ko pa nga alam kung sino nakakuha.

tingnan na lang pag nakauwi.

:rbounce:


mga kabahag, asan na kayooooooooo . . . .

sonny dela cruz
September 23rd, 2005, 08:02 PM
Musta na po mga Kabahag?

Nakaunsap ko utol ko at sabi niya ay alanganin pa ata ang ating pang entry medyo bata pa para isabak sa cock derby,lalo na daw at mga big time daw po ang makakabangga natin na karamihan ng nokis ay galing sa Bacolod at Ilo-Ilo.

Kung sakali man na di matuloy ang ating entry sa derby sa pinamalayan ,pag -uwi na lang po ng ating mga kabahag pagsama samahin natin ang ating mga tinale at siguro mas masaya..

Ingat po tayo lagi and God Bless.Balik po natin ito sa unang pahina.Tulong tulong tayo kahit mabigat ay gagaan pag sama sama.

goryo888
September 24th, 2005, 01:22 AM
Pagtulungtulungan at ng hinde mabigatttt....itaas laang uli ...matatabunan na naman....

DingDong
September 24th, 2005, 09:34 AM
oo nga ka sonny,

mabibigat na ang labanan sa atin ngayon mula ng nagkaroon ng Nautical Highway. ayun normal ng may dumarating na nokiz galing bacolod at iloilo.

pero ka sonny, kaya rin naman ng nokiz natin yun, nakatsamba na ako nanalo sa poging manok ng dayo run eh, galing iloilo, december 2004, kaya lang nakakahiya ang manok ko biro nyo tagaroon ako eh na-tres manok ko. yun natsambahan sa unang lipad, pilay manok nila.

swertehan at ganda ng alaga siguro lang yan ka sonny. alalaon baga'y pareho namang may tare yaan, basta't papalo ang manok may tsansang manalo, kung baga palaliman na lang ng tama.

sige mga kabahag.


:rbounce:

sonny dela cruz
September 24th, 2005, 01:52 PM
Yun ang hinihintay ko mga Kabahag ang kagaya ni ka Dingdong,hala sige kahit na bata pa ang aking isasalang basta ba nasa likod ang mga kabahag, tuloy ang laban.

Walang malaki na nakakapuwing ,importante katuwaan laang naman ei,basta sama sama walang mabigat na kayang buhatin.

Ingat po tayo lagi,God Bless.

grandeur0
September 24th, 2005, 02:53 PM
kumusta nsa inyong lahat ,,,sa mindoro maulan parin daw sabi ng tatay ko, ka dingdong tungkol sa socorro cockpit iba na naman nga ang nagpapalakad si EDDIE ESCAL ng CALOCMOY at MR.RIVERA daw ng pola ang magkabakas walang bayad sa pinto 500php ang premyo kada mananalo hanggang 11am at 300php kada mananalo hanggang hapon yan daw ngayon ang pampalakas nila ,Hanggang sa muli,,

goryo888
September 25th, 2005, 06:15 AM
Sige ka Sonny largaaaaa.....ayos laang yan..pareho laang may tari....ako nga noong bata bata pa eh...basta lumaban ang manok ko ei sige tari na agad.....;) ;) nananalo rin naman....

teodychongco
September 25th, 2005, 05:47 PM
ka grandeur & ka dingdong,
di ko alam na patay nc pareng kitz kapatid nga ni mang mar yon. mahirap talaga yon di nakakauwi dyan sa atin kaya nga pipilitin kong makauwi ngyong dec. marami ngan magbuo sa pinamalayan pero sa matuod tuod na yata yon mga yon magaganda ang lahi lahi nyo ka grandeur! yon sa vitamins sinisigurado ko uubra yon sa inyo ni ka dingdong! siguradong tutuka at tutuka ang inyong manok hahahaha! kaya lang huwag nyong gamitin sa pansabong na manok at baka di pumalo.hehehe!
magkitakita kitz na lang tau dyan!
god bless mga kabahag.
teody of jeddah

grandeur0
September 25th, 2005, 10:51 PM
ka teody kmusta na ,mga taga matuod matuod nga ho yong mga kamag anak ko doon mga Magbuo sa pinalamayan at saka mga HELERA sa mismong bayan ,,CELL#+63927-915-9558 Para pala sa lahat ng mga kasandugo na uuwi ngayong november at december pwedi nyo ako eh txt sa no# na yan pag uwi ko, october 25 nasa pinas na ako ,,,cgurado may kitakits tayo

sonny dela cruz
September 26th, 2005, 05:01 AM
Naamoy ko na ang kitakits ng Sandugo,malapit na talaga,Ka goryo888 tayong mga hindi makakauwi sana mapadalhan tayo ng litrato at sana meron tayong masusundan na isasali ng Sandugo ,Hackfight man o derby para lalong masaya.

Ingat po tayo lagi God Bless

alimbuyog
September 26th, 2005, 09:59 AM
gandang araw po sa inyong lahat!

ey ang dami na palang napagpulungan dine . . . . . . .

kahirap ga pag marami ang tarbaho, madalang ng makasilip dine . . . . :D

DingDong
September 26th, 2005, 01:35 PM
ka teody,

ayos yaan, masubukan nga yaang iyong yaan. kahirap ga nireng pagod sa tarbaho lagi, kailangan ang pampalakas na gay-an.

ka sonny,

maaasahan mo, mailalagay dine ang larawan ng kitakits.


ka grandeur,

he he he, malapit na yaan. text kita pag dito ka na.


:rbounce:

teodychongco
September 26th, 2005, 02:00 PM
ka grandeur baka herrera yon! me barkada akong herrera si pareng nonie architect yon! hayaan mo itext kita pag andon ka na!pwede nyo akong itext d2 sa 966565605951 kung talagang kelangan nyo na ni ka dingdong yon agimat na pampalakas hahaha!
ka ding dong text ka lang at ipapadala ko sau yong ating agimat!
good luck na lang sa inyo! kelangan munang magsipsip para kumita ng pera!
teody of jeddah

grandeur0
September 26th, 2005, 04:02 PM
pwedi nyo rin eh txt ang cell ko na yan khit andito ako kasi roaming yan,,
ka sonny,sure mag post kmi ni ka dingdong ng picture inip na inip na nga ako eh gustong gusto kona umuwi pagod na kasi ka sony pasyal din kmi ni alimbuyog sa kapatid mo sa victoria ang alam ko sa tindahan ng kapatid mo ay sa kaliwa ang pasok pag galing ng socorro nakita ko na ang tindahan na yon saka sa naujan kay blackjack punta rin kmi paglalaanan ko ng panahon yan
ka teody HELERA ang mga pinsan ko sa pinamalayan meron din akong tito na NONIE HELERA malapit sa may san miguel outlet ang bahay sa may munisipyo nagbarko din sya dati pero matagal ng huminto,,,txt kita pag nsa bermuda na kami ,,,

alimbuyog
September 26th, 2005, 04:49 PM
uwian muna. . . . :D

sonny dela cruz
September 26th, 2005, 07:41 PM
Musta na mga Kabahag!!!

Ka grandeourO okey na okey pasabi lang kayo pag dating ng araw na yun at text ko siya at bigay ko rin sa inyo no.niya pati sa tindahan.Maraming salamat at kahit litrato lang ay masaya na kaming di makakauwi lalo na kung tayo ay merong ilalaban at sama sama ang mga kabahag manalo matalo hackfight man o derby.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

grandeur0
September 27th, 2005, 06:11 AM
KA ALIMBUYOG ,malapit na talaga ang uwi ko at ang magandang balita na extend ang bakasyon ko till 2nd week ng febuary kaya maiilaban ko ang lahat ng magugulang na manok ko khit yong mga pangtupada ilalaban ko katuwaan lang yong talagang mga reject pag aaralan ko mag kabit ng tare

sa inyong lahat na mga kasundugo pupuntahan namin lahat ang lugar nyo sabihin nyo lang kung saan kuhanan namin ng picture at eh post natin dito para makita nating lahat basta abot ng sasakyan ,,,

ka dingdong pusta sana ako sa manok ni ka joey kahit tig 1,000pesos lang kada isa straight paano kaya yon pwedi kaya yon buti sana kung dehado lagi ,,,ipasok ko na lang sana sa acct# mo ,,pm mo ako kung pwedi,,,

alimbuyog
September 27th, 2005, 04:37 PM
abay preng grandeur, ay ayos yaan, mahaba-haba bakasyon mo . . . . . at mag-aaral ka pang tumare, gusto ko rin nga sanang mag-aral tumare, ala laang panahon . . . .

ka sonny,

isang buwan na lang, makakapaglaban na rin tayo, sanay gumanda panahon dito sa atin, wag sana puro ulan . . . para ayos mga manok natin . . . . . . palarin sana tayo . . . . :D

musta sa inyong lahat . . . . .

grandeur0
September 27th, 2005, 04:43 PM
ka alimbuyog naka online ka eh kaya lang paano kaya tayo makakapag chat ano? sana nga swertihin tayo sa mga laban natin baka gusto mo mag aral mag tare mag paturo tayo doon sa taga pag alaga ko sya ang tga pag tare ko nakaka panalo rin minsan takot lang ako kasi baka masugat pero kung intresado ka pag uwi pag usapan natin ...

DingDong
September 27th, 2005, 06:54 PM
ka grandeur,

sige PM ko sau kung paano ang maganda para makapusta ka kay ka joey.

aba sige, mag-aral na kayo magtare


:rbounce:

joey bravo
September 28th, 2005, 07:13 AM
yung mga pupunta sa CF Derby,

PM nyo lang ako para maisama ko kayo sa list of guest ng entry ng SG Sandugo.

YUng gusto mag aral mag tari, pwede ko kayong turuan FORK o ASK pag meron kitakits.

Out of 11 stags na hinahanda ko sa CF nag moult ang 4 na pandiin natin. 6-7 na lang ang primary feathers.


:(

alimbuyog
September 28th, 2005, 04:06 PM
ka joey,

abay anong mainam kayang gawin dyaan . . . . .

basta kahit ano mangyari, andito laang kami . . . . . .

gud lak uli sa yo, palarin sana at gabayan sana lagi tayo ng nasa Taas . . . .:hippie:

joey bravo
September 28th, 2005, 04:11 PM
mga Jan at FEb born mga ito, kasi yung Dec born nabawasan.

pero palo ng mga ito ay lintik din, kaya lang ay bata nga.

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/Bruce.jpg

grandeur0
September 28th, 2005, 05:25 PM
ka joey maganda nga pag may kitakits ay pwedi mag aral ng pagtatare mas madali sana ang ASK kaya lang ang mahal naman ng tare na yan madali at safe pa mag kabit nakakita na ako ng nagkakabit kaya lang di ako nag aral kasi mahal nga ang tare na yan at sa atin sa mindoro walang gumagawa ng socket ,,,ka joey matibay din ba ang pagkaka kabit ng ASK sa paa ng manok para kasing iikot o madali gumalaw eh lalo na pag magulang ang manok at malakas pumalo ,,ka joey sana makauwi ka rin sa mindoro pag may kitakits ,,,hanggang sa muli grandeur

joey bravo
September 28th, 2005, 05:30 PM
pag ako tatanugin nyo ay pareho lang yan.

mas matibay ang kabit ng ASK kasi wala itong kalso at paunan na kailangan.

sapin, salpak. asinta tapos talian mo na. PRE-set na kasi mga yan.

ganuon yan kadali.

may video ako d2 na pwede ko pahiram sa inyo.

:)

grandeur0
September 28th, 2005, 05:40 PM
ka joey sige hiramin namin ni ka dingdong ipa copy ko na lang sa CD mahal lang kasi ang tare na yan ,mas matibay pala yang socket na yan ,ka joey saan ba nakakabili ng socket knife na mas mura na maayos din naman ,,15k kasi ang dozen ang nabasa ko mabigat na sa bulsa

goryo888
September 29th, 2005, 11:50 AM
taas taas laang munaaaaaa!!

alimbuyog
October 1st, 2005, 08:37 AM
magandang Sabado ng umaga sa ating lahat!

sir gori,

mukhang abala sa CF ang ating mga ka-Sandugo . . . . . . .

ano na kayang nangyari dun . . . . . . mga kabahag . . . . UPDATE naman dyan . . . . . .

sonny dela cruz
October 2nd, 2005, 03:53 AM
Buhat muna mga kabahag ,aniilalim na ei,malulungkot si ka Joey Bravo niyan,rumaratsada po ang entry ni Ka Joey/Sandugo,1st fight po niya panalo,sana po tuloy tuloy nah.

grandeur0
October 2nd, 2005, 09:08 AM
mga ka sandugo 2 wins ang CF SG SANDUGO sana isa sa mag champion tayo,,nakakatuwa kasi SANDUGO talaga ang entry name ,maraming salamat din kina cf malalim ,at cf jlbs72 para na rin akong nanuod alam ko si kabayang dingdong ay andoon sana nanalo sa trabeseya para pang dagdag sa kitakits natin,,,

grandeur0
October 2nd, 2005, 03:02 PM
kabayang dingdong cguro tinapos mo ang derby mukhang di tayo pinalad na mag champion kasi ang nabasa ko lang san roque,ni mang ben *** ,at isa pang nag champion kay farenas na manok ang ginamit ,ano kaya ang score natin sige hanggang sa muli nagpapahinga pa si ka joey hintay hintay lang kmi ng kwento nyo,,,

goryo888
October 3rd, 2005, 11:38 AM
Itaas laang muna are ha??!! Kay Ka Joey...gongratzzzzz!!Galing naman ng ipinakita ng mga nokis ng SG SANDUGO....;) ;)

DingDong
October 3rd, 2005, 02:09 PM
he he he

hindi ako pinagpala ng swerte sa trabesiya mga sandugo.

mula umpisa hanggang sa last fight may pusta ako. walang pinatawad na sultada, talo panalo ang nangyari. nag kwentahin susme talo ako. he he he

pero mga igan, mamiso lang ang pusta ko ha. baka isipin nyo malakas ako mamusta.

2-2 ang naging score ni ka joey. first two fights ang gaganda ng mga laro ng stags nya kahit pilay ang lupit ng mga palo. yung third at fourth fight, ang lulupit din, yun nga lang mas may bwenas ang kalaban. hu hu hu doon ako napadiin ng pusta, nagbabawi kasi, napalalim pa ang sugat. he he he

pero overall mga igan, ang ganda ng nilaro ng mga nokiz ni ka joey. animo'y laro ng mga pang araneta na stags.

sa susunod, doon pa rin ako kay ka joey!

mabuhay ang SANDUGO!



:rbounce:

joey bravo
October 3rd, 2005, 03:18 PM
2W 2 L po entry natin mga kabahag!

yung third fight laban sa pa champion na c bajegs ay kinulang tayo ng swerti, isang bangaan lang ang mga manok namin, at mas naunanag nakapagpatama tayo, kaya lang unang namantay manok ko. 1 to 2 sec difference patay din kalaban.

tabla lang talo lang sa manok.

nabalda yung first fight ko waaaaaaaaaa


2nd fight la malakiing sugat.

pag natuluyang mabalda ay sa inyo na lang at gawing broodcock.

hehehe


SG Sandugo W vs. San Antonio Valley ( San Fernando La Union)

SG Sandugo W vs. Tribu Hiligaynon DRL Felisa (Capiz Iloilo)

SG Sandugo L vs. CF Bajegs liverstong 1 (Bulacan)

SG Sandugo L vs. Royal BL (San Mateo)

last figth discontienued kasi no bearing pareho.

Next fight ng SG Sandugo, ROLIGON 6 Stag on Oct. 15. 1.3 M prize plus TOYOTA SURF 4x4.

:)

sonny dela cruz
October 3rd, 2005, 07:55 PM
Congrats po Ka Joey Bravo,napanood po ni ama ang laro ng mga nokis niyo ang gagaling daw po talaga,sayang nga lang at hindi po nadagdagan ng swerte na makalusot yung iba.Good luck po sa laban niyo sa roligonNapakalaking karangalan ang makasama ang grupo ng Sandugo sa entry ni Kabahag Joey.

Ingat po tayo lagi and God bless.

grandeur0
October 3rd, 2005, 08:06 PM
bili na lang ako ng dvd ng mga laban nayan para makompleto ang kasiyahan ko,mga sino na ba ang nakapila sa mga ipinamimigay na brood cock ni ka joey ,makikipila na rin ako buti na lang may kasama tayong katulad ni ka joey na sumasali sa bigtime at ibinibigay sa atin ang mga winner nyang manok pag di na pweding ilaban,,,ka joey si RAUL po ba ang nag tare ng manok nyo sa san mateo ,,sige po hanggang sa muli kmusta na lang sa inyong lahat ,,,,

Manokiz
October 4th, 2005, 04:04 AM
congrats sa entry ng ka-sandugo,,, :)

good luck sa laban sa Roligon. ;)

I.C.F.
October 4th, 2005, 04:33 AM
Originally from Batangas City, but I do have some cuzin dyan sa San Isidro,Victoria have fun guys...

Cheer,
I.C.F.

blastpak
October 4th, 2005, 05:00 AM
Mabuhay ang SANDUGO...

Mabuhay ka rin Ka Joey. Sana yung Roligon Championship ang madale mo. Salamat sa pagbabandera sa tribong Mangyan! Goodluck :rbounce:

joey bravo
October 4th, 2005, 07:39 AM
salamat sa inyo mga kabahag.

igan grandeur oo si Raul Caringal ng San Gelacio victoria ang nagtari ng lahat ng manok.

Pinakiusapan ko itigail muna nya ang pagpitas ng rambutan at lanzones para matarian entry natin.:lol:

alimbuyog
October 4th, 2005, 11:43 AM
ka joey,

kongrats! mabuhay ang SANDUGO!

BAWI na laang sa sunod . . . . . maganda ng simula yan para sa ating grupong SANDUGO . . . :hippie:

goryo888
October 4th, 2005, 11:45 AM
Lansones at Rambutan...ayyy pagkakaSARAPPPPP!!

DingDong
October 4th, 2005, 02:11 PM
nakupo mga kabahag,

kung kayo'y pinalad na makapanood sa CF Stag Derby
masasabi nyo na sulit ang inyong puyat at pagod.
kagagandang laban ang inyong masasaksihan.

lalo na't meron kang aabangang entry ng kasanduguan.
alalaon baga'y kahit luhaan na ay hindi maaaring
hindi sasamahan ang laban ni ka joey, kagagaling baga!

preng grandeur, kilala ko nga sa mukha si Raul na
kababata ni preng joey. nakikita ko nga sya doon
sa sabungan sa atin. nagkausap kami at nagkakilala
ng personal. sinabihan ko na din na kung may laban
ako at andun sya, sya magtatare ng manok ko.
sa kanya sigurado tayo na walang mangyayaring
kwento laban sa hindi magandang kabit ng tare.
malamang nito hihingin ko na kay preng joey ang
cp# ni Raul at ng mapasabihan pag may laban
sa atin ang ating pangkat.

hala, malamang sa ako'y manonood sa laban ni
ka joey sa Oct. 15, 2005, pwede ga akong palista
sa entry mo ka joey? sana makuha na ng SANDUGO
ang inaasam na kampeonato.

MABUHAY ANG SANDUGO!


:rbounce:

grandeur0
October 5th, 2005, 08:10 AM
mga kasandugo kmusta na kayong lahat kahit nasaan man kayong sulok ng mundo,ingat na laang lagi ,

ka dingdong ka swerti mo talaga kasi napanood mo ang derby na yon kaya nga gusto ko bumili ng vcd or dvd ng derby na yan about kay raul kilala ako sa mukha cgurado kasi minsan inuulutan pa ako nyan sa socorro sa tingin ko mabait naman ,
pre malapit na ang uwi ko dalawang cruise na lang ako ,,,at makakawala na ako sa kulungan ko !!!

joey bravo
October 5th, 2005, 08:14 AM
kopya yan kabayang DD:)

c u at roligon!

goryo888
October 5th, 2005, 08:33 AM
Kaswerte ga nang mga are...panood nood na laang ng DERBY eh!!! Sige ibandera uli ang SG SANDUGO!!!

grandeur0
October 5th, 2005, 08:46 AM
ka joey may schedule kaba ng laban sa mga susunod na month
cguro naman meron ka rin ilalaban sa mga cock derby makakapanood na ako noon

sonny dela cruz
October 5th, 2005, 10:42 AM
Musta na ga ang mga kabahag?Panahon na naman ng rambutan,sintores at lansones miss ko na tuloy ang aming pag akyat ng bundok para mamitas at me baon kaming tilapia at ipagkakatay kami ng manok at sabay sabay kakain sa dahon ng saging ei.

Ka Joey gud luck po sa entry niyo,mga kabahag iskedyul na po natin kung kelan natin pagsasama samahin ang ating mga tinale at ilaban saan man sabungan diyan sa atin ng maikondisyon na anong buwan nga po ba?

Ingat po tayo lagi and God bless.

alimbuyog
October 5th, 2005, 04:42 PM
ka sonny,

ei masarap talaga prutas dito sa aitn . . . .

meron na kaming inihahanda dito para sa katapusan nitong october . . . . . kung di aari sa derby eh iha-hackfight na laang namin . . . . . :D

grandeur0
October 5th, 2005, 07:54 PM
alimbuyog abot na ako dyan sa ilalaban mo ah ,,umabot pa kaya ako ng rambutan at lansones katapusan ng october,
mainit na ba ngayon dyan sa atin ,,,mga dec paako makakapaglaban ng manok ko kasi dipa kompleto ang balahibo mura pa ,

blackjack
October 6th, 2005, 08:17 AM
Ka Joey
congrats sa performance ng mga stags mo... ang gagaling daw sana sa sunod ay samahan ka ng sangkatutak n swerti at s kalidad ng manok m ay yun lang ang kailangan. d bale sa sunod ay sa u na ang tropeo.

Grandeur0, DD, alimbuyog
kelan dating nyo d2... PM nyo lang ako kng kelan tpos pasyal kayo d2 basta twag kyo b4 para makahanap ng tanpulots hirap d2 s looban at wala agad makita

mga kabahag baka may makakuha s inyo ng VCD/DVD ng laban nila Ka Joey kng maari dalhin nyo naman.... ako n bahala gawan ng kopya kng cno man my gus2.... wla lang makopyahan... hehehe!!

d2 lang po kmi antay lang kng may maliligaw!!!!

alimbuyog
October 6th, 2005, 10:05 AM
blackjack,

musta na . . . . wag ka magalala, pasyal kami dyan, basta paguwi ni DD at grangdeur, silip kami oras para makapunta dyan . . . . o baka naman matuloy kitakits eh di ikaw naman punta dito sa amin sa socorro . . . . .

grandeur,

mura pa pala balahibo nokis mo, kala ko may mabibitawan sa yo bago magkatapusan . . . . . anong petsa ba dating mo dito? . . . .

baka naman may maabutan ka pa rambutan at lanzones . . . . baka sa victoria o dyan sa happy valley, ung mga nagtitinda sa highway . . . . .

grandeur0
October 6th, 2005, 10:09 AM
sir black jack hayaan mo for sure pag nagkameron ako cgurado meron ka,meron kaba vhs player kasi yan ang madali e copy kung meron madadalahan kita ng iba ko pang mga tape baka kasi yang sa cf stag derby na yan ay medyo matagal pa pero katulad ng sinabi ko pag nagkameron ako cgurado magkakapanood ka rin non,,

DingDong
October 6th, 2005, 01:52 PM
ka sonny,

yung inihahanda ni ka alimbuyog, palaban yun
kung hindi sa derby sa hackfight. kakausapin
ko pa pag uwi ko kung handa ng manalo
sa laban sa ruweda, hi hi hi

ka blackjack,

kung ikaw ay aare, punta ka pre sa socorro
sa araw ng laban namin he he he, baka
kulangin ng pamusta, hi hi hi biro lang pre.

ka grandeur,

isasabak natin ang mga nokiz sa katapusan
kung meron kang pwede nang ibitaw ei
isalpok natin dun sa mga inihahanda ni
alimbuyog at ng mabistahan mo na kung
alin ang didiinan natin ng pusta.

mga kasama ang diin ko pong pusta
ay 1.1k lang po. yun lang ang kaya ng bulsa.



:rbounce:

grandeur0
October 6th, 2005, 04:26 PM
ka dingdong mura pa ang buntot at pulok maikli pa ng huling tumawag ako sana nga sa katapusan ay pwedi ng ibitaw paano ba ang kitakitz sa katapusan nba sure na ba ang uwi mo ka dingdong ,nakuha mo na ba ang brood cock na ibinigay ni ka joey ang swerti mo ka dingdong winner sa bigtime derby yon katapusan ng october sure na nasa pinas na ako at kung may ilalaban talaga si ka dingdong syempre nsa mindoro na ako non

Manokiz
October 7th, 2005, 03:54 AM
sandugo,,, gandang gabi po sa inyo,,,

kung may laban kau 3 kak parteng Calamba, Cabuyao, Binan @ Cavite,,, puede ba ga ako maka-sama isa manok,,, puedeng pag-i-punan mimimum bet lang si ako,,, Tres-TresK,,,:D

goryo888
October 7th, 2005, 08:03 AM
Sige mga kasandugo ilarga ng ilarga yan at nang makarami!!!!!!!!!!;)

jojo60
October 7th, 2005, 08:13 AM
KA GORYO

nakakainggit ung mga kabahag natin at cla ay pauwi na sa buwan na ito. kelan ba ang balak mong umuwi para magkitakitakitz na tayong lahat.

KA JOEY BRAVO

keep the ball rolling at sana ay marami pang W'S ang makamit ng mga kaSANDUGO. CONGRATZ sa iyong mga panalo.

BLACKJACK
Nsan hopefully pagdating ko jan ng MAR.2006 ay mala2ki na ang ung mga tinali. dadalhan kta ng mga DVD WSC 2004-2005.I can't w8 2 c u and family, matagal2 na rin un db.ill make sure na magkikitakita tayong lahat sa pag-uwi ko jan.

at sa lahat na mga KASANDUGO kamusta sa inyong lahat.
GOD BLESS YOU ALL!!!
:rbounce: :rbounce:

joey bravo
October 7th, 2005, 08:19 AM
nasa GUESt list na sa Roligon STAGFEST 6 stag on Oct. 15, 17 and 19.

1. Dingdong

Ang laban po ng SG Sanduguan ay sa Oct. 15.

Abisuhan nyo lang po ako para man lang malibre kayo sa pinto.:)

sonny dela cruz
October 7th, 2005, 09:40 AM
Musta na po mga Kabahag?Naabisuhan ko na po ang kapatid ko tungkol sa kitakits at sinabi ko na maghanda ng ating pang kabahag/sandugo entry kung mapagkayarian na maglaban diyan,mas marami po mas masaya.

Ka Joey,dalangin namin ng buong Sandugo na maging tuloy tuloy ang magandang resulta ng lahat ng inyong sasalihang derby.Ipinagmamalaki po naming lahat na dala po niyo ang Sandugo entry sa inyong mga sasalihan,Mabuhay po kayo.

Ingat po tayo and God Bless.

sonny dela cruz
October 7th, 2005, 09:44 AM
Pahabol lang po gusto ko lang pong batiin si Ka Joey Bravo,balita ko po siya ang bagong hirang na Presidente ng Cyberfriends.Mabuhay po kayo.

joey bravo
October 7th, 2005, 09:49 AM
nakow, nag eeleksyon pa lang po.

wala pa pong nananalo. :lol:

blackjack
October 7th, 2005, 12:32 PM
DD, grandeur0
cge ipaalam nyo lang kng kelan ung laban ng manok at pupunta ako. slamat n advance grandeur0. PM nyo ako kng kelan ang kitakits natin at kng saang lugar

Pinsan Jojo
kng mga feb o march ang dating m d2 ay cgurado may mailalaban ka. Ihahanda k n manok paara pgdating mo ay laban n kaagad. salamat s vcd/dvd malaking bagay yan at wala naman akong makunan nyan d2 s atin

DingDong
October 7th, 2005, 05:21 PM
ka joey,

copy yan, text na lang ako pag nasa
gate na ako ng roligon


ka blackjack,

PM ka ni alimbuyog ng cp # nya para
ma text ka kung anong araw ang
laban natin.


:rbounce:

alimbuyog
October 8th, 2005, 09:08 AM
blackjack,

oki na, nakuha ko na . . . . . . .

tungkol sa kitakits, parang matutuloy na yata, pagusapan naman natin kung ano mga dadalhin nyo . . . . . . he he he

ipaalala ko lang, meron na po tayong pinaupong itik at isang kambing . . . . . ako naman ay meron na ditong upuan, mesa, baso, plato, kutsara't tinidor, basahan, whew! dami ko handa para sa inyo . . . . .

DingDong
October 8th, 2005, 10:47 AM
alimbuyog,

huwag mo kalimutan ang inyong live band.
baka kanta . . . han ang idadayo ni ka blackjack.

saka gusto ko ding makapanood ng
bitaw ng mga manok dyaan. hi hi hi
handa na ba sila.

ang petsa? meron ba kayong mungkahi
mga kabahag? ang bakasyon ko siguro
kung papayagan ng amo ay mula ika 31 ng oktubre
hanggang ika 3 ng nobyembre.



:rbounce:

alimbuyog
October 8th, 2005, 11:48 AM
ay oo nga pala, ang hayup na kombo . . . . sige, ikokondisyon ko na rin . . . . .

at un nga po palang mga bosing natin dyan sa poreyn land, padala kayo ng mga relip guds ha . . . . :D juk lang . . . .

pero pwede nyo ring totohanin . . . .

Manokiz
October 8th, 2005, 04:24 PM
kasandugo,,, musta na?

DingDong,,,
paki-PM ng cell# mo. Thnx :)

jojo60
October 9th, 2005, 03:38 AM
MAGANDANG UMAGA PO SA MGA NAGGAGWAPUHANG MGA KASANDUGO!!! medyo itataas ko muna ere at medyo nata2bunan na naman tayo. sa mga kasama na uuwi ni ring buwan na ito ay HAPPY TRIP na lang poh.dahan2 lang po ang pusta at baka masyadong manalo ay makalimutan na natin bumalik sa trabahong naiwanan natin.Hehehe...

BLACKJACK

i just ordered the JAN.2005 WSC and i might have it in 2 days.pag-uwi ko ay magpapaBurn na lang ako para mabigyan kta ng kopya ng mga DVD. Ang sarap ng nanonood ka habang may palamig at masasarap na pulutan. can't wait to see you all guys...JOJO

MABUHAY ANG MGA MANGYAN !!!!

GOD BLESS

grandeur0
October 9th, 2005, 08:57 AM
ka dingdong
october 31 - to nov 1-2 pwedi ako nyan nov 3 ay may lakad na ako nyan baka pwedi naman dito sa tatlong araw na ito na natin eh set ang kitakitz natin paano ba ang set up,dadalahin ko ba ang kambing na luto na or kayo ang mag luluto ibigay ko na lang ng buhay kasi pag sa bahay iluluto kaldereta at sampayne na lang ang madadala ko wala na ang ulo at paa kasi ibigay ko na sa mag aasikaso paano ang mga gastusin di maiiwasan na may gagastusin kahit paano maliban sa mga dala ng mga aatend kung ano man ang makayanan,meron ba tayong contribution ex: 200pesos each andyan na ang tanghalian at meryenda basta kung ano makayanan natin na maihanda, yan naman ay kung di mauubos ang pera ay yan ang magiging simula na pondo na ng grupo,,mga kabayan yan ay suggestion lang

alimbuyog
October 9th, 2005, 11:24 AM
mga kabahag,

ano po masasabi nyo sa suhestyon ni grandeur ? . . . . .

asan na kaya si sir gori? :D

blackjack
October 9th, 2005, 06:44 PM
kung ano man mapagkasunduan ng grupo ay ok ako dyan...

sonny dela cruz
October 9th, 2005, 10:03 PM
Pago po ako sa suhestiyon ni kabahag Blackjack.hala isulong na iyan.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

jojo60
October 10th, 2005, 06:09 AM
OKS NA OKS AKO SA SUGGESTION NI PARENG GRANDEURO...LET

ME KNOW GUYS AT MEDYO MAG-IISIP PA AKO KUNG PAANO

MAKAKARATING ANG PERA JAN SA ATIN AT KUNG CNO ANG

MAGIGING RECPIENT ( baka si NSAN BLACKJACK na

lang )...ingatz lang parati mga KASANDUGO..

goryo888
October 10th, 2005, 06:29 AM
nandito laang ako at pasilip silip laang.....sige ilarga na yan at nang maumpisahan na ang Sandugong samahan.....

alimbuyog
October 10th, 2005, 08:23 AM
:rbounce: :rbounce:

jojo60
October 10th, 2005, 10:25 AM
PARENG G. dahan dahan lang ang pagsilip at baka tayo ay magkakuliti niyan.. Hehehe:lol: :lol:

goryo888
October 10th, 2005, 10:56 AM
sige laang ang pag silip........ano bang sinisilip nyo dyaan? yung nasa avatar ko??hahaha sige libre ang silip dyan.. :lol: :lol:

alimbuyog
October 10th, 2005, 11:34 AM
mga kabahag,

ano nga kayang magandang petsa, may laban kasi sa oct. 31, ok lang bang gawin ang kitakits sa nov. 1 o 2?

di kaya tayo makaabala dung sa iba nating kasama na may pupuntahan/dadalawin na patay?

DingDong
October 10th, 2005, 03:55 PM
ako, nov 1 0r 2, ayos ako dun.

ilan kaya ang makakarating sa mga kabahag.

yung kontribusyon okay lang sa akin yun.

:rbounce:

alimbuyog
October 11th, 2005, 11:42 AM
mga kabahag, ilan kayo kaya tayong makakarating sa kitakits na are . . . . .

listahan . . . . .

1. Ka Dingdong
2. Ka Grandeur
3. Ka Blackjack
4. Rep. ni ka Jojo
5. Rep. ni Ka Sonny
6. Rep. ni Ka Joey
7. Rep. ni Ka Goryo
8. si ako

. . . . sino pa kaya?

sa bilang na ito, abay maubos kaya natin ang isang kambing nito? . . . . . :D

DingDong
October 11th, 2005, 01:03 PM
marami na rin yaan,

eto ang aking mungkahi, kasi halos lahat
naman siguro ay may dadalawing mahal
sa buhay sa sementeryo.

baka ang maganda nito ay umpisahan ng
meryenda hanggang hapunan at inuman
malamang sakto lang yang kambing na yan.

may pumago ba sa Php200 na patak?


:rbounce:

grandeur0
October 11th, 2005, 03:48 PM
ka dingdong kelan ang laban ng manokis mo na inihahanda ni alimbuyog,sige dalahin ko na lang ang kambing luto na hapon na ba ang kitakits natin 3:00pm basta pili lang kayo ng nov 1 or 2 itatawag ko pa lang mamaya ang kambing para makapagpahanap,ka dingdong kelan ba ulit ang bakasyon mo
dec na ba ulit cge kung payag cla na pupunta ng nov 1or 2 ngayon kung di cla makakapunta kasi nga busy sa mga date na yan pwedi natin eh set na lang sa dec pero sa nov 31-1-2 alin man sa isa sa date na yan baka tayo lang tatlo ni alimbuyog magkitakita,,,

alimbuyog
October 11th, 2005, 04:28 PM
grandeur,

oct. 31 laban ng mga manok, two cock sa pinamayalan . . . . kung di daw are eh iha-hakpayt na laang . . . .

malamang nga ang sigurado talagang pupunta dyan ay tayong tatlo. . . . . . pero intay din natin ang kanilang sasabihin . . . . . .

grandeur0
October 11th, 2005, 06:59 PM
Alimbuyog ayos yan may ilalaban na pala tayo sa october 31 makakasama kahit na konti cgurado andyan ako basta pag uwi ko ng mindoro pasyal din ako kaagad sayo txt mo ako basta ipapahanda ko lang ang kambing para anytime ay meron tayong mapupulutan ,,,ilan ba ang nakahanda mo na manok dyan

sonny dela cruz
October 11th, 2005, 07:57 PM
Musta na po mga Kabahag.tumawag po ako sa kapatid ko okey po siya sa Nov.1 or 2.Sana po umabot yung kinokondisyon ng utol sa 2 cock sa pinamalayan pag hindi hackfight na lang natin sa victoria,wala kasing pwedeng isalang sa mga tinale namin sa canaan kaya sa aking ama kukuha sa antipolo ng panglaban problema wala pong luluwas gawa ng nag uulan natatakot bumiyahe si ama gawa ng maalon daw.

Hala at isulong na ang kitakits naamoy ko na ang saya at katuwaan sa darating na entry ng Sandugo.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

goryo888
October 11th, 2005, 09:24 PM
Nag aamoy kaldereta, kilawin at sampayneng KAMBING....sige kitakitz na kayo.....pag may lugar kuya ko eh pasasaglitin ko dyaan sa tagpuan na yan..... ;)

grandeur0
October 11th, 2005, 09:30 PM
ayan pala 4 na tayo tuloy na yan !!!
31 pala ang laban ng manok basta kayo na lang ang bahala ni ka dingdong basta ako libre ng 31- 1- 2 naka ready lang ang kambing,

goryo888
October 12th, 2005, 12:00 PM
itaas ko laang are ha...para tayo'y magKAKITAAN....;)

DingDong
October 12th, 2005, 03:02 PM
grandeur,

apat ang nakahanda para sa laban na yun.
ang hindi ko mapipili ay ilalaban natin
sa hackfight.

kung lahat hindi aare sa timbangan
sa hackfight lahat ang laban nila.

kakausapin ko pa eh, lol

basta, ihanda mo na pamusta mo,
he he he



:rbounce:

sonny dela cruz
October 12th, 2005, 08:24 PM
Good luck sa entry mo ka Dingdong sana pumasok ang timbang nila yun din ang problema ni utol sa ipapasok namin baka pagdating diyan eh magbago,pero kahit di matuloy yung isasalang namin panigurado pupunta daw utol ko,kita na lang kayo dun pati sa kitakits,pag napadaan ka sa victoria pasyal ka lang sa Gasic feeds sa tindahan niya.Salamat.

Ingat po tayo lagi and God bless.

jojo60
October 13th, 2005, 12:37 AM
mga kaSANDUGO i think BLACKJACK can represent me. sa mga maglalaban sa kitakitz GOOD LUCK po sa inyong lahat... nakakainggit naman kayo riyan but i'll make sure pag-uwi ko ay sana marami ang makakadalo at parang maging isang memorable one.. ingatz mga KASANDUGO at GOD BLESS YOU ALL!!!:lol:

goryo888
October 13th, 2005, 10:50 AM
Sige laang mga kasandugo.......pakaLIGAYA kayo.....karapatan ng bawat isa sa atin yan....GUDLAK...sa lahat!!;)

alimbuyog
October 13th, 2005, 04:07 PM
:lol: :teeth:

DingDong
October 13th, 2005, 08:44 PM
he he he

hala larga na ito.

kitakits na.

salamat po ka sonny.

ka jojo, lahat po ng makakarating ay welkam po
sa lugar ni ka alimbuyog.

:rbounce:

jojo60
October 14th, 2005, 07:06 AM
kailangan po ng tulong mga KASANDUGO ng konting tulong at medyo natatabunan na po tayo... ka JOEY GOOD LUCK PO sa inyong darating na derby.. medyo kaillangan lang ng konting swerte at mapapasaiyo ang TROPEO. sa lahat ng mga kaSANDUGO mabuhay po kayong lahat.:p

sonny dela cruz
October 14th, 2005, 07:31 AM
Musta na mga kabahag!Ka joey goodluck sa mga nokis niyo,Ka dingdong san ba ang kitakits kila ka Alimbuyog ba san po ba iyon?para masabihan ko si utol ng maaga.Maraming salamat po at ingat tayo lagi and God Bless.

alimbuyog
October 14th, 2005, 10:10 AM
ka sonny,

madali lang makita lugar namin, malapit lang kami sa highway. . . . zone iv, sa may tapat ng kambingan (videoke bar). . . . . bago dumating ng Flores de Mayo St. . . . .

ipagtanong nyo na lang kung saan bahay ng mga Vida, lugar kasi ng esmi ko yun . . . . NANTE tawag sa akin dito . . . .

pag di pa rin nakita eto cp # ko, 0918-5927269. . . . .

goryo888
October 14th, 2005, 10:20 AM
Hwag kalimutan magPEKTYUR PEKTYUR...magPEKPEKTYUR:lol: sige kitakitz na!!!!;)

DingDong
October 14th, 2005, 01:52 PM
ayan mga kabahag,

sa lahat ng mga dadalo sa kitakits
ayan na po, nakahayag na ang linya
ng kumunikasyon ni ka alimbuyog.

kitakits na yan, teka sino ga ang
may pangkodak sa inyo? iyong akin
ay sira na eh kamahal ng pagawa
kaya iyon inilagay ko na laang sa
baul.


:rbounce:

sonny dela cruz
October 14th, 2005, 08:26 PM
ka Alimbuyog maraming salamat,bigay ko cel no.mo para sigurado.Sa mga pupunta po sa unang kitakits ng Sandugo malapit na po excited na kaming malalayo makita mga pic ng mga kabahag.

ingat po tayo lagi and God Bless.

alimbuyog
October 15th, 2005, 01:17 PM
ka sonny,

alang anuman yaon . . . . . sana nga'y maraming makarating para masaya! . . . . . :rbounce:

magandang araw ng sabado sa inyong lahat . . . . .

DingDong
October 15th, 2005, 03:14 PM
o ayan na ha

larga na yan.

:rbounce:

grandeur0
October 15th, 2005, 07:55 PM
ka dingdong anong date ang kitakits natin ikaw naman ang magadidisisyon nyan kasi ikaw ang hihintayin namin ni alimbuyog,malapit na ang uwi ko october 25 nsa pinas na ako
kmusta ang score ng laban ni ka joey

joey bravo
October 15th, 2005, 08:34 PM
Kalaban natin ay ROLIGON 5 stag CLEAN UP ON NOV. 12. Llamado ang gallera kasi may 1 w na ito, ng bibitawan na bumaligtad na naging llamado tayo. Nang nagsalpukan sapul kalaban, wala sugat stag ng SG SANDUGUAN.

joey bravo
October 15th, 2005, 09:23 PM
Buti na lang nakauna tayo nakatama kasi ang laki ng kalaban 2095 ang timbang natin 2050, sweater x democrat sa atin kalaban bb sweater na ponkan. Malayo pa next fighta no 60 pa.

grandeur0
October 15th, 2005, 10:44 PM
GO!! GO!! GO!!! Nakakatuwa naman nanalo na ang isa sana magchampion tayo ,tuloy tuloy na yang swerti na yan para mag champion tayo sa mga manok ni ka joey sa kalidad at kondisyon di tayo huli kaya kahit kanino makalaban di tayo kakabahan,

goryo888
October 15th, 2005, 11:12 PM
Yuhoooo....bumabandera na naman ang SANDUGO.......gudlak ka Joey!!:)

sonny dela cruz
October 16th, 2005, 12:12 AM
Magandang balita yan ka Joey,go, go ,go.Sana mag tuloy tuloy na yan.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

joey bravo
October 16th, 2005, 01:49 AM
1 W 1 l tayo sa elims, nahita 2nd fight, sarap sabong maski tabla lang.

Manokiz
October 16th, 2005, 02:42 AM
gandabg gabi po,,, kasandugo,,,

sir joey bravo,,,
congrats sa laban n'yo,,, kahit mas malaki kalaban,,, unahan na laang ya-an,,, talagang mas magaling manokis n'yo,,, kahit mas malakig ang kabila,,, :)

bawi,,, sa sunod,,, ;)

goryo888
October 16th, 2005, 08:04 AM
Sige laang ka Joey at sa huli eh dire diretso na ang panalo nyaan!! :)

joey bravo
October 16th, 2005, 11:16 AM
Medyo agrabiado tayo sa matching, ok lang talagang ganyan kaya mahipap lumaban sa stag derby madaming issue. Sayang d ko mapa champ ang entry ng SANDUGO, pasensya na kayo.

sonny dela cruz
October 16th, 2005, 08:42 PM
Ka joey para sa akin isa nang malaking karangalan ang makasali sa ganong kalakas na pa derby lalo na sa stag,kung baga nasa mataas na kalidad na talaga ang inyong mga palahi at para naman sa grupo nating sandugo ang madala niyo ang grupo ay isa nang malaking karangalan.At kung hindi man makuha ang tropeo ngayon alam po namin na parating na po iyon dahil nasa kalidad na po ng inyong mga palahi at sa inyong mabuting loob ang kalidad ng pagiging champion Mabuhay po kayo.

goryo888
October 17th, 2005, 07:11 AM
Ang mahalaga ka Joey eh nag EENJOY tayo....okay lang yan sa malaot madali'y makukuha din nang Sandugo ang tropeo......;)

alimbuyog
October 17th, 2005, 11:49 AM
ka joey,

oki lang yan . . . . . sige lang ng sige at makakaisa rin mga MANGYAN ! . . . . :rbounce: :D

DingDong
October 17th, 2005, 04:06 PM
ka joey,

ipagpaumanhin po ninyo ang hindi ko
pagdating sa ating tipanan.

meron lamang akong biglaang gawain
na hindi pwedeng ipagpaliban.

muli, ang aking paumanhin.


:rbounce:

joey bravo
October 17th, 2005, 04:29 PM
ok lang yun kabayan,

pamilya muna siempre bago ang sabong.:)

teodychongco
October 17th, 2005, 05:04 PM
hello mga kasandugo! mukhang masarap ang huntahan ng mga mangyan! sana magkita kita kits tau paguwi ko.
ka joey baka pwede makabili ng trio dyan sa iyo. meron din akong ginagamit na gamot d2 baka gusto mong subukan dyan sa mga panabong mo! txt mo ko sa smart roaming 09213946456 di kaya'y d2 sa mobily ko 00966565605951
o sige mga kabahag magkita kita kits tau dec.16 andyan ako sa pinas.
teody ng jeddah

goryo888
October 18th, 2005, 06:40 AM
taas taas lang uli.....;)

joey bravo
October 18th, 2005, 08:47 AM
kabahag Teody,

Nakow pre hindi po ako nag bebenta ng manok. Never sold even a single bird. Pag personal use lang at pang katuwaan ang pag breeding ko.

But I can refer you to a friend who sells good breeder at a very reasonable price. Name is MALVIOLO the grand son of the owner of the famed past WSD Champ CAT Stinger.

Nag advertized sya sa CF forum P 2500 lang ang pullet at 15 K ang TRIO pero presyong pang CF lang ata yan.

Silipin mo ang gallery nya ng makita mo ang mga klase ng manok nila located at Hacienda Luisita, Tarlac. then give a a feedback.


:)

goryo888
October 19th, 2005, 12:39 AM
O ayan na Teody...bahala na si Ka Joey sa kukunan mo.....hindi nagbebenta si Ka Joey pero NAMIMIGAY:D :D
Kapit ka lang kay Padrino Joey...makakamura ka na magandang klase pa....

chuckeee2
October 19th, 2005, 08:52 AM
siya, nasikat na ang araw! tag isda na naman....sulsihan na yaang mga lambat at pumalaot na... kailan ga ang meeting? :D at maitatag na yaang Sanduguan!

alimbuyog
October 19th, 2005, 10:45 AM
:rbounce: :teeth:

chuckeee2
October 19th, 2005, 11:33 AM
:D :lol: .... Sandugo Joey, start na yaang stratton at ng tayo'y pumalaot na. Ikaw na ang mangasiwa nireng Sanduguan at ng mapasama na ere sa CF.

Aruyyy! teka laang at yoong aking sinabawang hasa hasa sa pinatuyong kalamyas e nabulwak na....itlugan ang hasa hasa ngay-on at kay sarap....

goryo888
October 19th, 2005, 12:54 PM
naku Chuckeee2...kasarap nyaan....;)

teodychongco
October 19th, 2005, 06:29 PM
salamat ka joey pagdating ko dyan hahanapin kita kaagad! hayaan dadalhan din kita ng agimat ko na pampalakas ng tuhod pati c grandeur pwede rin don sa mga kasandugo na di na baga nakahig ang tuhod hehe!!
good luck sa inyo at sana pagpalain kayo ni san pedro sa mga laban nyo.
teody ng jeddah

sonny dela cruz
October 19th, 2005, 08:18 PM
Usong usong na at ng hindi na tayo mapunta sa likod,Suhestiyon lang po sana sa darating na kitakits ay mapag-usapan na rin kung sino ang napipisil natin na mamumuno at tayong mga nasa labas kung meron tayong roaming no.send natin sa mga kabahag para habang chicken talk sila ay me update tayo kung sakaling malayo sila sa comp.

Sana po ka Joey kayo ay makasaglit din o kaya kung medyo busy ay magpadala rin po kayo ng representative niyo.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

goryo888
October 19th, 2005, 10:16 PM
Sige at paghgandaan ang araw ng PAGKIKITA....sabayan ng Musika at Ligaya.....Alimbuyog......yung ating Combomangon eh tanghali na ayos na baga....pagpraktisin ng pagpraktisin yaang mga yan at ng sa oras ng tugtugan ay Hataw na Hataw..;)

Manokiz
October 20th, 2005, 05:40 AM
kabahag,,,
ipas-an ko,,, :D

goryo888
October 20th, 2005, 05:44 AM
Pag tulung tulungan natinnnnn!!;)

alimbuyog
October 20th, 2005, 08:05 AM
magandang araw sa inyong lahat!

makikiusong na rin . . . . . .


sir gori,

ay ayos na ang ating banda-bandahan . . . . . medyo maingay laang ng konti ang mga kanta namin. . . . pero mapagtiyagaan na siguro ng ating mga ka-Sandugo . . . . :D

alimbuyog
October 20th, 2005, 09:31 AM
mga ka-Sandugo,

linawin ko laang po, ang pagpipilian nating petsa ng ating pagkikita-kita ay Nov. 1 o 2 . . . .

alin man sa petsang ito ay are kami dito sa socorro . . . . :D

chuckeee2
October 20th, 2005, 09:57 AM
sa wakas e natuloy rin! EEEEEEYYYYYAAAAAAAHHHHH!!!!! PA SOCORRO INE...
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/7018670e.gif

goryo888
October 20th, 2005, 10:06 AM
sige tuloy tuloy na yaan....;)

alimbuyog
October 20th, 2005, 03:26 PM
mga ka-mangyan,

mukhang matutuloy na nga . . . .

apag-pasensyahan nyo na laang kung ano itsura ng lugar na madadatnan nyo dito sa amin . . . . . . :D

goryo888
October 20th, 2005, 09:11 PM
Hindi importante ang lugar na dadatnan ang importante ay ang TAONG dadatnan.....;)

DingDong
October 20th, 2005, 09:59 PM
ipagpaumanhin ang aking hindi
pagdalaw dine ng mga ilang araw
ako lamang ay may byahe dine
sa lungsod ng cebu.



mga kabahag,

ang aking mungkahi sa ating pagtitipon
ay sa ika-dalawa ng buwan ng nobyembre
sapagkat ang bawat isa sa atin ay
marahil may dadalawing mahal sa buhay
sa alinmang libingan.

ayos ga iyon mga kabahag?

aba'y ikayod na ere at nang masimul-an
na, mga sino ga ang makakarating duon?


ang tugtog po ng banda ay medyo
may kabaguhan ng kaunti. kaya
sa mga kakanta . . eh kabisaduhin
na ang mga letra.


:rbounce:

Manokiz
October 21st, 2005, 03:21 AM
gandang gabi po,,, kabahag,,,

DindDong,,,
gud luck sa inyong pagtipon-tipon,,, @ huntahan,,,
meron pang kantahan,,, di man ako makarating etu mandin ang akin,,, :D

GILIW,,, IKAW ANG BUUHHHHAAAYYYYY,,,

PUSOOOOOOYYYYYY,,,, TANGING IYO LAANGGGGG,,,,,

TAAAAAANNGIIIIIIIINGGGGGGGGGG,,,

YAONG LAAAAAAARRRRAAAWAANNNNNN,,,

AAALIIIIIIIIWWW NG PUUUUUSSSOOOOOOONNNGGG,,,

NAAAGGGGGMA-MAHALLLLL,,,


TANNNNNN-TARAN,,,,TAN,,,,TAN,,,TAN,,,TAAAAANNNN,,, :D

goryo888
October 21st, 2005, 05:46 AM
Nakupoooo...ayan na inabot na ang bahay KANTA eh hindi pa tumatagay....:D

grandeur0
October 21st, 2005, 08:26 AM
ka dingdong sarap naman ng trabaho nakakarating ka rin kung saan saan na lugar yang cebu ang isa sa gusto ko marating at makapag bakasyon nakapunta ka ga sa mga manukan dyan ,kmusta naman ang manok na ilalaban natin okey na ba? tuloy ba ang laban natin sa october 31 sa pinamalayan

ka teody thanks sa pasalubong mo kitakits na lang tayo sa december pag kukuha ka ng manok doon sa sinasabi ni ka joey PM mo ako kasi gusto ko rin kumuha ng isang pullets ng abuhin mahilig kasi ako sa off color kung meron sila availlable buti na lang at nakilala natin si ka joey sigurado maganda ang makukuha natin na materyales at kung sa mindoro mo rin aalagaan ay di isasabay mo na rin ang sa akin at idadaan mo sa amin sa subaan sa payment ay eh deposit ko na lang sa acct# mo

alimbuyog kmusta na ang inihahanda mo na manok tuloy ba tayo sa 31 entry ba tayo or hackfight lang lapit na talaga ang uwi ko 2 days na lang at makakalaya na ako sa kulungan ko,,,,

goryo888
October 21st, 2005, 09:47 AM
Kabahag na GrandeurO...sige...von voyage....maging masaya sana ang bakasyon mo sa atin....;)

chuckeee2
October 21st, 2005, 11:42 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/3ac5fb6f.gif

alimbuyog
October 21st, 2005, 02:05 PM
:rbounce:

grandeur,

ok naman mga manok, pagdating dito ni kabahag Dingdong, punta ka dito, tulong tayo sa pagpili ng i-eentry natin . . . .

wag mong isiping kulungan yang trabaho mo, yan ang buhay mo . . . . . :D

nokiz,

tagay pa . . . . . . . .

Manokiz
October 22nd, 2005, 03:38 AM
i-sunong ko mga kabahag,,, :D

alimbuyog,,,
ikot na tagay,,,
pulutan naman,,, :D

goryo888
October 22nd, 2005, 04:31 AM
Nlalapit na....kitakitz na ...paikutin ang tagay...sabay dampot ng PULUTAn....Sampayne at Kalderetang MHEEEEEEE.... ;)

chuckeee2
October 22nd, 2005, 07:54 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/7018670e.gif

Aba'y Santa! Balik, pa Bulalacao yaan! Socorro pa kaliwa!

chuckeee2
October 22nd, 2005, 08:01 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/7018670e.gif

" ako'y mula Calapan Dude " Baka ako'y mahuli sa meeting!

alimbuyog
October 22nd, 2005, 09:19 AM
:D :teeth:

DingDong
October 22nd, 2005, 04:16 PM
hi hi hi hi

mga kabahag,

ako'y napadpad dine sa bohol
medyo naglaug ng konti

bukas pa balik ko ng manila


ka grandeur, hi hi hi hi
ayos na mga panlaban
tingnan na lang kung derby
o hackfight ang giya natin


:rbounce:

Soseng
October 22nd, 2005, 04:32 PM
makikiraan lang po mga kabahag at sandugo :D regards sa inyong lahat dito.

bouncer DD mukhang tagal mong absent sa yahoo...dami mong na miss na wentong walang wenta sa conference hahahah :lol:


Sengapore

teodychongco
October 22nd, 2005, 04:51 PM
siguarado yon ka grandeur text mo lang ako! mukha ngang maganda yon suhestyon ni ka joey saka baka don tau swertehin. marami ring alagang tinali yon mga pamngkin ni misis sa quezon saka si pareng Do de guzman marami ding alaga na galing k mayor Viceo pwede rin tau kumaha ng manok don kamangyan din yon taga naujan.
basta magkita kita kits tau dyan! medyo maikli ang bakasyon ko 1 month lang wa kc kapalit sa pwesto d2 sa trabaho! sinisigurado ko dala ko yong agimat na para sa inyo ni ka joey wa sa pinas non d2 lang sa saudi nabibili better than Viagra hehe!
god bless sa lahat.
teody ng jeddah

Raul_Ruaro
October 22nd, 2005, 05:08 PM
Gud Pm sa inyo! Di po ako tubong mindoro pero naka pangasawa po ako ng magandang dilag na taga calapan. Yung father inlaw ko ay tubong Victoria at isang full blooded sabungero. Kaya tuloy nahilig na ako sa sabong. Kasalukuang nagbabakasyon ako ngayon dito sa mindoro at madalas na nanood ng sultada sa lumang sabungan ng calapan, victoria at dragon. Napakaganda ng lugar na ito at pinagiisipan kong tumira na rin. Mabuhay po ang mga katutubo ng mindoro!

Peace!

grandeur0
October 22nd, 2005, 08:21 PM
welcome RAUL_RAURO ay nandyan ka na pala sa mindoro
meron kaming ilalaban ni ka dingdong sa pinamalayan sa 31 baka makakapasyal ka or may kitakits tayong mga taga mindoro sa nov 2 daw nakahanda na ang kambing sa bahay cell#927 915 9558 txt mo ako dating ako ng 25 october may live band si ka alimbuyog na inihanda cguro panay na ang practice ng mga yon

sa mga di makaka attend at kung may representative kayo ay kung pwedi ay yong kasama yong kalimitang nagdadala o nag lalaban ng manok nyo para pag nagpangipangita ay dina tayo magkalaban lalo na sa mga taga victoria kasi malimit kmi maglaban dyan, nag entry nga ako dyan last vacation ko ayon 2 cock zero ang score,,,kaya balik ulit sa barko,

goryo888
October 23rd, 2005, 11:12 AM
Malapit ng matabunan are ay...sya sige na at malapit lapit na KITAKITZ ay magkakatotoo na...;)

Raul_Ruaro
October 23rd, 2005, 02:34 PM
granduer0,

Maraming salamat po sa imbitasyon, bagamat ngayon lang tayo nagkakilala dito sa forum. Ikinalulungkot ko po na di ako makakadalo dahil luluwas na ako bukas ng manila, ako po'y naghihinayang dahil kahit paano ay my makikilala pa sana ako na mga eksperyensadong mga sabungero. Malamang december na ang sususnod na bakasyon ko dito. Good luck na lang sa laban nyo at sa eyeball sir! thanx!


Peace!

sonny dela cruz
October 23rd, 2005, 09:50 PM
Musta na mga Kabahag? ka GrandeourO lapit na uwi mo okey na okey.Plantsado na pala ang kitakits good luck sa panglaban ng grupo hindi daw po makakasali ang utol sa pinamalayan gawa ng alanganin pa raw po talaga yung mga sa parteng pulok ng pangsalang natin,suporta na lang po muna tayo.

Kumpirmado po na makakarating si utol dinadaanan lang po ang bahay namin diyan laang po kami sa Canaan,Croosing katabi ng nursery,sa tabi po mismo ng highway.Ingat po tayo lagi and God Bless.

chuckeee2
October 24th, 2005, 07:05 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/f1e55b85.gif..... SIYA, SI SANTA'Y NASA SOCORRO NA! TALAGANG HINDI NA PAAWAT ANG KITAKITS SA PAGBUO NG SANDUGUAN.

alimbuyog
October 24th, 2005, 09:46 AM
nokiz,

nakatagay na ako, hik . . . . shela naman . . . . hik

si santa klaws mukhan may amat na . . . . nagkakanta na . . .:D

goryo888
October 24th, 2005, 09:57 AM
Inabot ang bahay kanta ni SANTA.....ayan hataw na hataw na....:D

chuckeee2
October 24th, 2005, 10:11 AM
mga ka bahag, meroon pang nadating...http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/984c12b5.gif .. sino ga ere? Talagang maitatatag na ang samahang Sandugo... GO. GO. GO, MANGYAN WARRIORS!

aba'y mula Bulalacao naman ereng isang ere!

alimbuyog
October 24th, 2005, 10:41 AM
:rbounce: :D

chuckeee2
October 24th, 2005, 11:51 AM
... lumandoy na sa Socorro! at si Drummer Boy pala e! http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/56239853.gif .. at kasunod na raw ang Banda Musiko. Kaya't wag ninyong didismayahin yan at malayo layo ang biyahe ng mga yan. Tuloy na ba ang SANDUGUAN ?

MUKHANG TULOY NA TULOY NA WARI.

Raul_Ruaro
October 24th, 2005, 01:52 PM
Wow! Saya naman ng mga taga mindoro! Hehehe! Pwede bang maging adopted son ninyo? Di kasi ako tubong mindoro bagamat nakapag asawa ng taga dto sa calapan.

Di ako natuloy lumuwas ngayon ng manila pero baka di ko na rin abutin yung laban ni pareng grandeur0 sa pinamalayan at yung eyeball. Malamang babaha ng malamig na san miguel nun! lol


Peace!:hippie:

alimbuyog
October 24th, 2005, 03:34 PM
ka raul,

pwedeng-pwede ka dito. . . . sayang, kung makakaabot ka sana sa kita-kits, makakapag-huntahan tayo ng maayos . . . .

isang linggo na lang. . . . .

KITA-KITS NA . . .

DingDong
October 24th, 2005, 06:30 PM
mga kabahag,

ipagpaumanhin po ang hindi ko
madalas na pagdalaw sa ating
bahay.

mangyari'y ako napadpad sa ibang
bayan para sa isang makakalikasang
gawain.

pero ako'y nakabalik na ngayon
sa aming tanggapan kaya
tuloy na ang ligaya.

dami ko na palang naiwan na usapan.


:rbounce:

sonny dela cruz
October 24th, 2005, 08:29 PM
Welcome ka sa aming munting kubo ka Raul,nagkakasayahan na po ang mga mangyan.

Tagay po namin sana wag niyo kalimutan salamat po.

Manokiz
October 25th, 2005, 04:24 AM
gandang gabi po,,, kabahag,,,

alimbuyog,,,
hala,,, pasa tagay,,, mala-shenng ka nga n'yan,,, :D

kelan ba yang kita-kitz n'yo? :)

goryo888
October 25th, 2005, 06:45 AM
Mamumulutan na laang ako....hindi baga umiinom ng alak ang kabahag ninyo...mabuti nakaabot ako ng kambing sa tindahan dine...kaya uunahan ko na kayong mamulutan....kalderetang kambing mamaya'y aking kakainin.....:D

alimbuyog
October 25th, 2005, 08:26 AM
sir gori,

totoo ga yan, di ka tumotoma? . . . . .

nokiz,

baka ung iba nating kabahag eh hindi rin umiinom, malalasing nga tayo nyan . . . . . kita-kitz daw eh sa nov. 2 . . . . .

grandeur,

MALIGAYANG PAGLALAKBAY !

pasalubong namin . . . . . :D

chuckeee2
October 25th, 2005, 10:58 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/565d8771.jpg... Siya mga kabahag, dumaong na pala ang barko ng mga musiko sa Calapan. Sino ga ang kakaon sa mga ere? At sino sino ga ang mga ere? Talagang tuloy na yan sa a dos!

alimbuyog
October 25th, 2005, 11:36 AM
:rbounce: :teeth:

chuckeee2
October 25th, 2005, 11:49 AM
Mga kabahag,

Umimbarke na ga ang mga musikero sa barko? Baka ang mga yaan e hindi alam pa Socorro? :teeth: Balita ko'y 3 tropa man din ang darating! :D

joey bravo
October 25th, 2005, 12:09 PM
nandyan pa pala ang Banda Alitagtag para salubungin tayo.:lol:

chuckeee2
October 25th, 2005, 12:18 PM
Sandugo Joey,

Ubra ka gang mag timon dine sa pagtatag nireng tropa e tutal ay napakarami mo rin laang alam tungkol sa Sabong. O kung pwede'y ilukluk ka na laang naming presidente. Eto'y kung maaari laang...:D

Nakupo! e narine na pala ang unang grupong musikero at malamang ere'y ang tropa ng 'TALILI-BANANA' Siya suungin na yaan at ipanghuli ng kuratcha at magataan sa labong.

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/5111a529.jpg

alimbuyog
October 25th, 2005, 02:17 PM
chuck,

parang iba yata ang amoy ng mga musikerong yan ah . . . . . . :D

ano kayang masasabi ni ka joey sa suhestyon mo . . . .

chuckeee2
October 25th, 2005, 04:37 PM
pareng Alimbuyog,

Tungkol diyan sa aking suhestyon e unang una'y si kabahag Joey ay expose na sa mga pa derby kung saan saan. Pangalawa'y ang dapat mamuno e naka base sa Pinas para sa ganoon e mai update tayo sa mga balita tungkol sa sabong. At ang mabubuong samahan ng oriental e ating popondohan yaan by shares at yaan ang ating ilalaban sa mga hacks o mapa derby. Kung tayo'y magpanalo e lalaki ang ating shares. At yaan e atin din sa mga miembro. Yaan e kailangang pag usapan sa kitakits. Kung sakaling pumayag si ka Joey at ok sa tropa e bakit ang hindi. Kung sakaling magpaliwanag siya at hindi uubra e kailangan isa sa inyo diyan sa Pinas ang mamuno.

joey bravo
October 25th, 2005, 04:46 PM
nakow mga kabahag, maraming salamat kaya lang baka hindi ako makakauwi.

ang aking maybahay ay takot sumakay sa barko, once ko pa lang nadala sa atin. nag suka :lol:

bayaan nyo, pag dito sa manila kitakits ay sagot ko na sa aking munting bahay.

gudluck na lang sa laban nyo at harinawa'y makamtan nyo ang tropeo.:rbounce:

DingDong
October 25th, 2005, 05:39 PM
byahilo, i bonamine mo, hi hi hi

aba may libreng ads pa ako ah.

ang inyong kabahag ay baka makauwi
sa ika-29 o ika-30 ng buwang
kasalukuyan.

dadalaw laang ng kaunti sa libingan
at ayun sabungan na ang tuloy,
hi hi hi hi

saan kaya ang maganda ang laban?

:rbounce:

chuckeee2
October 25th, 2005, 05:45 PM
Kabahag Joey,

Hindi naman ika'y kailangang umuwi sa Mindoro. Kahit ika'y nasa Maynila e ubra yaan. Kadami namang paraan sa pag kontak, internet, cp, etc. Kung sakaling mapag isahan ng tropa sa darating na pulong pulong na ika'y ihayag na mamuno ng Sanduguan, tatanggapin mo ga?

DingDong
October 25th, 2005, 05:59 PM
sang-ayon ako dun kay kabahag na chuck
ako'y bo . . . boto para kay kamangyan joey.

sa mga makakarating sa darating na ika-2
ng nobyembre, isama natin sa pulong
ang kung paano mabubuo ang pangkat ng
kamangyanan.

pag iya'y naka dalawang ikot na ng tagayan
masarap na ang pulong niyan.

ka joey, ang iyo gang pareng raul sa victoria
ay makakarating? baka naman pwede mong
maipasa sa akin ang bilang ng kanyang
linya ng kumunikasyon, ako'y susubok
patakid sa kanya ng tare, ika nga'y magpapahiyang.
sa linggo baka aare ang manok sa ulutan
sa sabungan ng socorro.

hala larga na iyan!


:rbounce:

chuckeee2
October 25th, 2005, 06:04 PM
MGA KABAHAG,

Kung puwede laang na itala natin dine ang mga posibleng bilang ng magiging miembro ng Sanduguan! :rbounce:

ValianT
October 25th, 2005, 09:38 PM
Good day po sa inyo jan! bago lamang po aq d2, tga- Mindoro rin po ang Father ko. Minsan lang po aq pumunta ng Bansud, Solas po ang apelyido ko. pwede rin po b aq sumali sa nyo?:)

Manokiz
October 26th, 2005, 03:39 AM
taas ko lang po,,, kabahag,,,


aba,,, aba,,, aba,,, ganda na p'la pier ng calapan,,, ung isang naga-tugtog ng trumpeta,,, blondie pa,,, :lol:

chuckeee2
October 26th, 2005, 04:13 AM
mga kabahag,

kasaya naman ngayon sa Socorro e nalibot na pala sa bayanan ang padalwang banda musiko. Siya yaan e abot ang hingal dapat laang na ipagputi na yaan ng malauhog. Isa na laang ware ang ating inaantay ang patatlong banda. Balita'y asbok ere at sa bisperas ware ng kitakits ang landoy.

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/002265b3.jpg

siya, malamang e kakapusin ang isang kambing! Aba'y kung makakahabol pa e manghuli na ng mga labuyo at ma tinola na.

alimbuyog
October 26th, 2005, 09:08 AM
ValianT,

aba'y welcome ka dito, limitan mo lang ang silip dito at ng makahabol ka sa mga usapan. . . . . .

chuck,

tungkol sa bilang natin eh sandali laang at mabilang nga kung ilan tayo dito. . . .

alimbuyog
October 26th, 2005, 09:33 AM
TALAAN NG MGA MIYEMBRO:

1. goryo
2. joey
3. chuck
4. dingdong
5. grandeur
6. blackjack
7. jojo
8. teody
9. manokiz
10. sonny
11. raul
12. vonabrenica (di na napapadalaw)
13. valianT (bagong miyembro)

di ko lang po sigurado kung may nakaligtaan ako . . . . ito po ung mga aktibo sa ating samahan (sana madagdagan pa tayo)

chuckeee2
October 26th, 2005, 09:42 AM
kabahag Alimbuyog,

Aba'y kainaman na pala ang bilang e. Kung tayo'y may tig 1k (1 share) na ilalapag e 13k na yaan at pwede ng sumali sa derby. mas mainam kung maraming shares para pang WSC na. Siya tuloy na yaan.

At tayo'y mananghali muna, tawagin na yoong unang bandang dumating yoong 'TALILI-BANANA' at ng makapag tanghalian na.

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/5162a839.jpg
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/61c4fabb.jpg

KAMAYAN NA MGA KABAHAG!

goryo888
October 26th, 2005, 10:13 AM
Pag kakasarap naman ng mga inihahain mo kabahag na CHUCKEEE2.....mabubusog ako ng husto pero di malalasing.....paano'y hindi talaga umiinom....:D

ka Joey...sige at pamunuan na are kung saka sakali.....

alimbuyog
October 26th, 2005, 10:27 AM
chuck,

kasarap naman ng pinakbet na yan . . . .

saka pala ako, di napasama sa listahan . . . . :D

chuckeee2
October 26th, 2005, 10:41 AM
Mga kabahag,

Nagustuhan ng bandang 'TALILI-BANANA' yaan at pati na ulo ng gIgI E INUPAKAN NA RIN AT NAPAKALUTONG DAW!

Pangalawa'y ihanda na ninyo mga panlaban diyan sapagkat pagkabuo ng tropa e dapat pondohan na yaan at ng makahabol sa derby sa Disyembre at baka mag champion e napakasaya ang ating Pasko. Abisuhan na ang lahat ng kabahag at nalalapit na e. :D Wag na tayong mag aksaya ng panahon dapat e laging nakataas ang bandila ng kamangyanan, ang SANDUGUAN. :D

joey bravo
October 26th, 2005, 12:05 PM
mga kabahag,

mas mainan siguro na ang syang manununo sa atin ay yung laging napupunta sa atin kagaya ni kabahag dingdong.

ako kasi ay bihira ng nauuwi, kaya d ko masabi na magiging active ako sa ating samahan lalo na kung ang activities ay sa atin gaganapin.

sana tangapin ni kabahag dingdong ang suhestyon ko. supportako kita kabayan.:)

teodychongco
October 26th, 2005, 03:57 PM
aba ay mukhang nagkakaigihan na ang usapan! maganda yan mga kasandugo col ako dyan! mabuti na yon nagsisimula sa maliit! simulan na yan! marami ring mangyan na magsasabong dine sa saudi ikukwnto ko sa kanila aring topic na ire! sigurado ko matutuwa yon mga yon.
ingat lang mga kasandugo! ka joey hahanapin kita pag uwi ko! don't wori dala ko yong agimat hehe!
teody ng jeddah
:lol:

sonny dela cruz
October 26th, 2005, 08:00 PM
Valiant T welcome ka dine sa aming munting damapa at ayan me kaunting salo salo na buti umabot ka he he he.Sang ayon po ako sa suhestiyon ni ka Joey na si ka Dingdong o kung sino man po ang mailalagay na nakabase sa atin.

Kasarap naman ng ating handa ,sarap na talagang umuwi,miss ko na ang mga lutong gay an.malapit na po ang kitakits sana maraming makapunta at ka Joey sana makapasyal din si Raul at sa hindi makakapunta gawa ng malayo sana po ay meron din kayong kinakatawan para masaya.

Sulong mga kabahag,wala ng makakapigil nito ayan na ang banda,me handa na .Cheeers.

Raul_Ruaro
October 26th, 2005, 08:54 PM
Magandang gabi mga sandugo! Ako po ay nakaluwas na ng manila. Nakakapang hinayang ang pagkakataon na makilala ang iba nating mga kasama dito sa munti nating bahay. Sana sa susunod ay makakadalo na ako sa pagtitipon tipon. Sa disyembre malamang balik ko ng mindoro dahil manganganak na si misis. hehehe!

Peace!

Raul_Ruaro
October 26th, 2005, 09:03 PM
Tinenxt ko si pareng grandeur0 nung 25 at andito na daw sya sa Pinas. Mukhang busy sya ngayon dahil kahit dito sa tambayan ay di pa sya nagparamdam.

Sana kahit baguhan at ala pang masyado kaalaman sa pagsasabong ay makasali ako sa grupo nyo. Mabuhay ang mga sandugo!


Peace!

grandeur0
October 26th, 2005, 10:44 PM
mga kabayan pasensya na kung medyo di ako napapadaan dine kasi busy talaga ang dami kung inaasikaso ko na mga padala kasi merong kailangan ihatid sa bahay san mateo merong ipapasok sa bank merong dadalahin sa airport para maipadala sa davao merong kailangan eh send sa lbc,tinatapos ko laang are at akoy uuwi na ng mindoro nakahanda na ang naipangako ko na kambing nov 2 pala ang kitakits sige at dadalahin ko doon na luto na para ready pag dating doon, at medyo nag aadjust pa ako sa tulog simula ng dumataing ako 3 hr palang ang tulog ko since october 25 pero okey lang kasi wala namang trabaho,,sarap magpahinga alimbuyog hintay mo ako pasyal ako dyan sayo hanggang sa muli grandeur0

chuckeee2
October 26th, 2005, 11:05 PM
mga kabahag,

si kabahag Grandeur e nariyan na pala. Talagang tuloy na ere. Samakatuwid e ang kitakits sa Nobiembre 2 e hindi na ware election ng pagka presidente kungdi panunumpa na ni kabahag DingDong bilang pinuno ng Sanduguan. At ang aking mungkahi naman e si kabahag Joey e maging technical adviser ng tropa. :D Ok ga kabahag?

At kung pwede'y yoong shares natin e 1 share e 1k. At yoong mga nasa ibang bansa'y antimano 2 shares 2k. At lahat ng ating mapapanalunan e 30% e mapupunta bilang tulong sa mga kapatid nating mangyan. Kung tayo'y suwertihin e lalaki ang ating mga shares.

So, ang Nobiembre 2 e Birthday ng Sanduguan.

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/c454aca9.gif

Yoong may magagandang suhestiyon e isigaw na at ere'y papalaot na!

goryo888
October 26th, 2005, 11:49 PM
Aba at si kabahag na GrandeurO eh nasa PINAS na pala....sige at sana maging maayos ang lahat sa buong panahon ng pag TIGIL mo dyaan sa atin...

basta hwag kalimutan...magpektyur pektyur...kodak kodak hehehehe....

:D

Raul_Ruaro
October 27th, 2005, 07:45 AM
Sige pareng grandeur magpahinga ka muna at tiyak kapag nasa mindoro ay non-stop na naman ang lakad mo. Meron ata derby sa dragon this nov., di ko lang sure kung what yung date. kitakitz na lang tayo sa december pagbakasyon ko dyan.



Peace!

alimbuyog
October 27th, 2005, 08:54 AM
magandang araw sa inyong lahat!

pero dine sa amin sa socorro eh di kagandahan panahon, kalakas ng ulan ah. . . . . . di tuloy mailabas mga manok . . . . .

alimbuyog
October 27th, 2005, 09:04 AM
grandeur,

sige, antay kita dito . . . .

nasaan na kaya si DD? . . . . . . . . :D

Raul_Ruaro
October 27th, 2005, 09:27 AM
Tama ka dahil pag-alis ko dyan sa calapan kahapon ay ma-ulan. dito din sa manila umaambon din. Buti ngayon may ka kumpetensya na yung supercat at medyo nagmura ang kanilang pamasahe. hehehe!


Peace!

goryo888
October 27th, 2005, 11:04 AM
Si DD ba hinahanap nyo...naku...madami daw syang inaasikaso...tsaka syempre may mga extra curricular activities pa yan...:D

DD....paramdam ka....baka kung sino ang pinaparamdaman mo dyan ha??hehehe.... Joke:D

alimbuyog
October 27th, 2005, 11:37 AM
baka nahihiya . . . . . . baka inihahanda na ang kanyang plataporma at ang kanyang talumpati . . . . .:D

chuckeee2
October 27th, 2005, 11:47 AM
:D .... mga kabahag, hayaan laang natin si Mr. President at yaan e naghahanda na.

At wag kaliligtaan na tayo'y lalaban sa Disyembre sa derby. Yoong ating pagpopondo'y wag kalilimutan. Wala pang natugon sa aking suhestiyon na 1 share = 1k. Ihanda na ang mga panlaban at masubukan na ang mga Mangyan Warriors. Kung meroong happenings e may excitement at yaan ang kailangan ng mga Sanduguan.... :D

goryo888
October 27th, 2005, 12:59 PM
walang problema sa akin ang suhestyon mo kabahag na CHUCK....pero kailangan eh kung papano patatakbuhin yaang magiging samahang yan....gaya ng nasabi ko dati....kung magpopondo tayo...yung may kapupuntahan na maayos....kaya dapat ay magkitakita laang muna...tapos doon pa malalaman kung ano baga ang mangyayari..... ;)

DingDong
October 27th, 2005, 01:04 PM
nakupo, kadami ko ng binitawang
paumanhin dine.

ako po'y mahigit isang linggong hindi
napakinabangan ng aming tanggapan
kaya ang inyong kabahag ay medyo
abala sa mga gawain/trabaho.

sa mungkahi po ni ka joey at pinangalawahan
ni ka chuck, ka sonny at iba pang kasama,
ang akin pong pagtanggap ay iaayon sa kung
anuman ang mapagpasyahan ng pangkat at higit
sa aking pagtanto kung meron ba akong
magagawa para sa samahan.

alam nyo po mga kabahag, ang inyo pong
kabahag ay abala sa aking trabaho at ang
pagdagdag ng ilang panahon para sa pangkat
ay baka hindi ko magampanan. subalit kung
maraming katuwang sa pagkilos nito ay
maaaring samasama nating itaguyod ang
kung anuman ang mithiin ng samahan.

malalaman natin ang kung anuman ang
desisyon sa darating na salusalo at
pagpupulong sa ika-2 ng Nobyembre.

sa muli mga kabahag.


:rbounce:

totie joaquin
October 27th, 2005, 01:14 PM
:hippie:

alimbuyog
October 27th, 2005, 01:37 PM
mahalaga po talaga ang paguusap hindi laang dito sa site . . . . . mas maige wari nga ang mapagusapan muna ito sa unang pagtitipon para magkapagpalagayang loob ang mga miyembro . . . .

goryo888
October 27th, 2005, 01:44 PM
tama ka kabahag na ALIMBUYOG.....dapat ay magkita kita muna...hindi karaka raka ay mabubuo agad ang isang SAMAHAN....MAHIRAP YUNG BUBUT PA LAANG AY LALAGYAN NA NATIN NG KALBURO para madaling MAHINOG....naku ay hindi maganda ang kalalabasan....kaysa sa natural na pagkahinog....pagka TAMIS baga....;)

Raul_Ruaro
October 27th, 2005, 08:32 PM
Right on the bro! Mas maigi nga na magkita-kita muna kahit yung ilan sa atin para magkapalagayan loob. Kung yung mga mindoro base ay magkita-kita at yung batch naman halimbawa na base dito sa manila ay magkita-kita din. Basta ang mahalaga magtuloy-tuloy ang kapatiran natin. hehehe!


Peace!

chuckeee2
October 28th, 2005, 05:26 AM
Aruy ko pu! ang akala koy' kayo'y magkakakilala na diyan sa pinas :teeth: siya at magtagpo muna kayo't pag usapan na at ihanda na kaagad ang plata porma.

Kabahag DingDong, Kayang kaya mo yaan at ang mga officers ang mga katuwang sa pagpapalakad lalong lalo na si kabahag Joey ay hindi tayo pababayaan niyan. Pauna, ako'y wag ninyong gagaw'in opisyal at hindi uubra sapagkat ako'y pariyan-parine okidoki. At kaming hindi makakadalo'y antay na laang sa napagkayarian.

GO! GO! GO! SANDUGUAN.

goryo888
October 28th, 2005, 09:42 AM
Kaya nga CHUCK....hinay hinay laang....kumbaga, eh one step at a time....para paniguradong magiging matibay ang samahan....kasi kung hindi magkakapalagayang loob yang mga yan...eh sa una pa lang eh ayawan na yan...wala ng samahang MABUBUO...;)

alimbuyog
October 28th, 2005, 10:24 AM
ayan, ayos . . . . . baka naman kayo ay may suhestyon kung ano pwedeng pulutanin este pagsusapan pala . . . . . .

alimbuyog
October 28th, 2005, 10:29 AM
at baka mapasarap ang inuman eh magkantahan na laang ang mga mangyan . . . .:D

DingDong
October 28th, 2005, 02:26 PM
hi hi hi,

ayan, mukhang makakalusot ako ah.
barkdahan muna di ga?

teka, yung kantahan ay pagkatapos
na laang ng huntahan. pulong pulong
muna. sa medyo pahapon o pagab-i na laang
ang kantahan.

ilan na ga ang parating sa
ika-2 ng Nobyembre, hala nga
at mabilang muna.

sino ba naglilista, baka maiwan ng
bangka, sagwani na iyan.


:rbounce:

ValianT
October 28th, 2005, 09:56 PM
mga kabahag,

maraming salamat po sa inyong magarbong pagtanggap sa akin. dadalasan ko po ang pagsilip d2 sa ating munting tambayan.

Gud luck po sa mga magsasabong ngaun linggo! :)

goryo888
October 28th, 2005, 10:40 PM
yung pupunta eh...palista agad...para yung lulutuing pamulutan ay di lumabis o kulangin...dapat eh tama lang...:D

sayang yung kuya ko eh manganganak asawa anytime this week....sya sana papupuntahin ko....

palista na kayo....

chuckeee2
October 29th, 2005, 08:18 AM
:D ... itinaas ko laang mga kabahag para doon sa mga magpapatala na dadalo e hindi na maghagilap nireng notebook..:D

Raul_Ruaro
October 29th, 2005, 01:00 PM
Valiant T,

Welcome na welcome ka dito! Ako nga kahit di talagang tubong mindoro ay tinanggap naman ako dito.

Pareng goryo888

Anong maisuggest mo na magandang pangtanggal ng hanip ng nokis at kung ilang buwan na yung nokis usually pinapaliguan. First time lang ksi magalaga, literal na baguhan ang iyong sandugo. Thanx!

sonny dela cruz
October 29th, 2005, 08:21 PM
Musta na mga kabahag?nakausap ko na si utol at sila raw ay pupunta kasama ni ama ang bilin ko laang ei wag magdadala ng tiyan na walang laman kung sakali wala laman ei magdala ng kahit paano ilalagay at ng mapagsaluhan at masaarap ang huntahan.Lapit na po ilang tulog na laang .Ingat po tayo lagi and God Bless.

Ka joey sana po ay maimbitahan din natin na makarating si kabahag Raul o kung sino man po ang di makakarating ay mayroon kinatawan para masaya.

goryo888
October 29th, 2005, 08:33 PM
Preng Raul....maraming nabibili sa mga poultry supply na shampoo para sa hanip ng manok....may "wash out" atbp. pero ako gamit ko noon eh "MALATHION", pero pestisidyo yan, na ginagamit din sa mga halaman..... lagay ka sa balde ng tubig at lagyan mo ng Malathion...tingi mo ang direction ng paggamit....di ko na kabisado ang dilution nito....pero ok lang na tantyhin mo na lang....madali lang patayin yang hanip sa Malathion.....siguruhin mo lang maganda panahon bago mo paliguan...tapos bilad mo sa arawan...

Spray ka na rin sa paligid....tapos pati yung kulungan....

chuckeee2
October 30th, 2005, 06:30 AM
:D ... itinaas ko uli! ilang araw na laang e iiitlog na ang samahang 'Sandugo'

Raul_Ruaro
October 30th, 2005, 03:14 PM
goryo888,

Thanx pare! Maganda nga daw yung malathion kaso lang delikado daw kapag nainom ng manok, siguro yung wash out na lang muna kasi first time ko lang magpaligo ng manok.
5 months na yung mga nokis ko bro, pwede ko na ba silang paliguan? Sensya na talagang wala pa kasi ako experience. Maraming salamat bro!


Peace!

Raul_Ruaro
October 30th, 2005, 03:20 PM
Ilang araw na lang ay magkikita na ang mga nasa mindoro, tiyak na umaatikabong inuman at kainan yan! hehehe! Sana posts nyo dito mga nangyari at kung ano mga napag usapan. Sayang at tapos na bakasyon ko.

Nasabi ng asawa ko na marami daw nabaha na brgy. lnung nakaraaang araw, nagtuloytuloy daw kasi ulan sa Calapan at mindoro. Ayon nabaha din daw bahay nila. hehehe!


peace!

goryo888
October 30th, 2005, 09:09 PM
Preng Raul...pwedeng pwede na yan....yung malathion gamitin mo na lang na pang SPRAY sa paligid....

Mga SANDUGO....kitakitz na!!!!!

Naku...nagkalubugan na naman pala sa BAHA...... :(

sonny dela cruz
October 30th, 2005, 11:21 PM
Sana lang po ay hindi gaanong naapektuhan ang ating mga kabahag at kahit paano ay nakapaghanda sila bago dumating ang laki ng tubig.

Ingat po tayo lagi and God Bless

platinum
October 31st, 2005, 07:28 AM
baka naman parteng Bucayao lang ang bumaha....yun naman ang laging binabaha....umaapaw hanggang kalsada ang tubig....

sana maayos na ang lahat at wala ng kahit na anu pa mang susunod na pagbaha....kasi pag ganyan ang daming nasisirang mga pananim, lalo na ang mga Palayanan.... :(
nakikiramay po ako sa inyo mga MANGYAN...

goryo888
October 31st, 2005, 07:43 AM
uyyy, may bagong naligaw...mangyan ka rin ba? sana naman nga mayos na ang lahat.;)

Raul_Ruaro
October 31st, 2005, 08:28 AM
Pareng goryo888,

salamat ulit, sana wagka magsawa sa pagtulong sa mga tulad kong newbie sa pag-aalaga.

Mukhang ok na naman ang panahon sa mindoro. Bakit di nagpaparamdam yung mga magkikita-kits?



Platinum,

Welcome dito sa aming munting bahay!





Peace!:hippie:

chuckeee2
October 31st, 2005, 12:30 PM
mga kabahag,

aba'y dalwang araw na laang e kitakits na! at may nadating pa wareng banda... ere'y tropa ng COPA CABANA.

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/cccdad50.jpg

Maayos na ware ang sikat ng araw sa oriental at ang mga hasa hasa e malapit ng magsipag itlog. Siya't ihanda na mga lambat at dagsaan na naman ang mga tuna at tanige niyan. :D At may isang banda pa darating at ere'y asbok!