PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 [4] 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

Raul_Ruaro
October 31st, 2005, 02:34 PM
Sino ba ang makakapunta pala sa kitakitz? No show ako dahil dito na ako sa manila. Sana madami dami kayo para mapagusapan yung mga plano at makapag palagayan loob na ang mga sandugo.



Pareng chuckeee2!

Taga Puerto ka pala, may uncle kasi asawa ko na taga sa puerto at sabungero din sya. Baka kilala mo, ronnie Marquez name nya? Sa pagkakaalam ko may business silang mini grocery dun.


Peace!

goryo888
October 31st, 2005, 09:33 PM
wala pang nagpapalista eh........hoy hoy hoy gizingggggggggg
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...nakupoooo natutulog pa yata....;)

hanae mori
November 1st, 2005, 12:07 AM
good morning po sa inyo at kay pre' goryo ..... HAPPY HALLOWEEN!

http://www.sempregrafica.com/gif/halloween/24.gif

chuckeee2
November 1st, 2005, 12:38 AM
kabahag Raul,

ako'y may kakilalang Ronnie. Pero sa dami ng naging dayuhan sa Puerto mula ng ere'y naging tourist destination e baka magkaiba ang ating tinutukoy. Pwede ko bagang malaman kung ilang taon na ereng Ronnie na iyong tinutukoy at sasabihin ko sa iyo kung siya na nga.

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/19584f60.gif

blackjack
November 1st, 2005, 04:22 AM
gud a.m. mga ka tribu hapi hallowin sa lahat!!! naglaban kahapon cna grandeur0, dingdong at alimbuyog 2 cock s pnamalayan... talo ang 1st fight...nagkamali ang bumitaw at bago p bitawan ay nagsarili na ang manok...pagpiglas 2mama ang tari s kabilang paa kya bali kaagad pagbaba... yun d n nakapalo manok! Yung 2nd fight naman kay mayor alvarez nakalaban kaya dhado sila...tinitres s logrohan...d sumama and kay dingdong s liparan at s baba kinuha ang kay mayor romy pagratratan... ang galing ng manok n dingdong 1-win, 1-loss tayo mga sandugo.....

Manokiz
November 1st, 2005, 06:19 AM
gandang gabi,,, happy halloween po,,, :D

dingdong,,
sunod,, kuha mo na yan,,, :)

goryo888
November 1st, 2005, 08:13 AM
Aba...at napapadale nga ng husto ang tropang SANDUGO....sige laang at matuto sa mga pagkakamali....

Hapi halowin sa lahat!!;)

Raul_Ruaro
November 1st, 2005, 08:44 AM
chuckeee,

Matangkad sya na medyo moreno, di ko lang sure kung ilan taon na sya. Siguro nasa 50's na. Park way ata name nung mini grocery nila, pero di ako sure dun... Di pa kasi ako naka punta ng puerto kayo di ko pa nakita lugar nila. Kasama ko nga nanood ng sabong sa Calapan ng nagbakasyon ako nung nakaraang linggo sa mindoro.


blackjack,

Whoaw! Sayang kung di sana pala napilay yung 1st fight malamang nagchamp sila dingdong. Malamang maganda-ganda ang huntaan nila bukas sa kitakitz. Ilan na ba confirmed na pupunta? Ikain nyo na lang kaming di makakadalo! hehehe!

Peace!

chuckeee2
November 1st, 2005, 10:20 AM
kabahag Raul,

langya! si ka Ronnie. me edad sa akin yaan at ang grupo nila ang mga taga saway sa amin noon hehehe. ka tropa ko sila meyor, judge Famini, mga Cobarrubias, mga Atienza, mga Quinto, mga Yaco, etc. Sana makadalo kayong magpamilya sa kapistahan ng bayan sa Mayo 13 at naroon ako at baka may derby e sali na tayo. At baka set up na rin ang aking manukan sa Tabinay Munti e masilayan mo man laang....:D

Kitakits na bukas mga kabahag! Mabuhay ang Sanduguan!

Raul_Ruaro
November 1st, 2005, 10:52 AM
Pareng chuckeee,

Malamang sya na nga yun. Ang alam ko may maliit syang farm di, lugi daw papisa nya last breeding season. Sana nga at makapunta kami sa inyo sa Fiesta. Balak ko kasi itry yung alaga ko sa calapan sa summer, pang hack fight lang. Pero bago ako magdala dyan ay subukan ko din muna sa bayan namin sa ilocos, para di naman nakakahiya sa byenan ko at tito Ronnie. hehehe!

Sige pre kontakin kita sa summer kung matuloy ako ng Puerto...
Sama ka pa sa kitakitz nila bukas? Good luck sa inyong lahat!


Stewart-

peace!

chuckeee2
November 1st, 2005, 11:10 AM
kabahag Raul,

narine pa ako sa abroad at sa enero pa ang aking uwi. anim na buwan ako diyan para nga e mai set up ko na manukan sa Tabinay. Siya, ika'y magdala ng manok sa kapistahan ng bayan at kadaming nadayo diyan mga taga maynila e at mga taga iloilo at batangas. medyo laang mabigat ang paradahan. Si ka Tuna (Candava) ang bigating magmanok diyan sa ngaun at naupa pa ng taga pag alaga mula sa bacolod.

Kitakits na bukas! Mabuhay ang Sanduguan ng Oriental Mindoro!

Raul_Ruaro
November 1st, 2005, 04:59 PM
Pareng chukeee,

Ala akala ko andyan ka sa mindoro at kasama ka sa mga magkitakitz. Sa Calapan na lang ako siguro maglaban kung sakali, kasi di pa tested yung alaga ko at pinagparaktisan lang namin ng tatay ko yun. Kung ako lang ay mabigat na sa loob ko pumusta ng 3k kaya di ako pwede sa puerto. Kahiya naman pabakasin yung mga byenan at ninong ko sa mindoro kung talunan lang din dala ko. hehehe! Sobrang baguhan lang talaga ako kaya nasa trial and error pa ang inyong lingkog.

Kung sakali eh babanggain mo na pala yung tabinay farm kapag nakapag set-up kana? Hehehe! Good luck po sa mga plano nyo at sana ay mabahagian nyo din ako ng inyong kaalaman sa pagmamanok. Sandugo are!!!


Stewart-


peace!:rbounce:

goryo888
November 1st, 2005, 05:16 PM
Preng Raul....yung TABINAY ay kay kabahag na Chuck......yung web site na tabinay gamefowl eh kanya rin...kung di ako nagkakamali....pag di ako nagkakamali ay malamang na TAMA:lol:

tama ba SPITFIRE?;)

Raul_Ruaro
November 1st, 2005, 05:43 PM
Pareng goryo888,

Ganun ba! Naku po na wow mali pala ata ako? Actually may naginvite lang sa akin na dalawin yung site na tabinay, kaya naman na name recall ko lang. :blush:


Sensya na chuckeee! Ala ka na pala babanggain kasi sayo pala yun... :lol:


stewart-




peace!

goryo888
November 1st, 2005, 09:51 PM
Preng Raul....Yaan bagang si Chuck ah....napakaSIMPLENG Mangyan...kaya halos di mo mapansin pero...may tinatago;)
mga Apelyidong de kalibre nga sa Puerto ang kakiskisang siko nyan eh...;) pero pwede yaan kahit saan...

chuckeee2
November 2nd, 2005, 02:05 AM
nakupo! ang farm e itatayo pa laang umpisa Enero. Ang website e nauna na. Sa Mayo ang pabendisyon kaya't kung sino man ang nasa Oriental e welcome kayong lahat, sa atin eto. At nagpahanda na rin ako ng mga panlaban sa kapistahan mga hiraw na dilaw ang paa mga PA ang mga ere. Ang pag usapan natin e ang pagtatag ng Sanduguan :D Aba'y bukas na ang kitakits! Post na laang dine ang mga nakadalo kung ano na ware ang napagkaisahan :D Mabuhay ang Sandugo!

ValianT
November 2nd, 2005, 04:46 AM
Happy Halloween po! Musta na po jan? Tuyo na po ba ang mga lupa? Sparring na!:wink2:

chuckeee2
November 2nd, 2005, 07:09 AM
'GOOD MORNING SANDUGUAN!' THE MOMENT HAS COME! THE LAUNCHING OF THE ORIENTAL MINDORO COCKERS CLUB.

SIYA TAYO'Y MAG TANGHALIAN NA SA BAGONG HAIN AT ANG MANGYAN FAVORITE NA WALANG IBA KUNDI ANG....

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/fb80e341.jpg

goryo888
November 2nd, 2005, 07:46 AM
Ano ga yaan Chuck...ako'y biglang nalaway eh....tsk tsk...sarap nyaan...;)

Ay sya...kayong makikipagkitakitz ay gumayak gayak na...habang maaga pa at ng makarami... ;)

Raul_Ruaro
November 2nd, 2005, 12:31 PM
Pareng goryo888,

Napaka simple nga ni kabahag na chuckee, di mo man lang namamalayan na may tinatago pa lang lakas. hehehe! Mukhang bigtime nga mga dikit nya, bigla tuloy ako nahiya... Baguhan at wala pang sampo manok ko. hehehe! Sana marami pang simple na katulad ni kabahag na chuckeee!



Pareng chuckee,

Ikaw hah! Simple lang pero rock! Sayo pala yung site na tabinay, hayaan dadalasan ko na pagdalaw ko dun bilang suporta ng iyong ka sandugo. Pwede ba ako makasali sa sandugo kung konti lang manok ko? Di bale ako na lang gawin nyong bunso ng sandugo dahil ako naman ang pinaka baguhan at baka pinaka bata. Baka lang? hehehe!

stewart-



Peace!:rbounce:

Raul_Ruaro
November 2nd, 2005, 12:41 PM
Musta na kaya yung mga nagkitakitz? Natuloy kaya? Nakakainggit sila kung sakali, malamang nasa kasarapan na ng kwentuhan, kainan at inuman! hehe! Wag nyo kaming kalimutan na di naka punta.... Mabuhay ang sandugo!

Stewart



Peace!

chuckeee2
November 2nd, 2005, 02:09 PM
nakupo! mga kabahag, wag ako ang pag usapan ninyo. ang mahalaga'y mabuo ang Sanduguan at ere'y malaking tulong sa ating mga kapatid na batang mangyan.

A SANDUGO SMILE IS FOREVER !

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b1cc4ede.jpg

Raul_Ruaro
November 2nd, 2005, 02:32 PM
Mga ka sandugo! Paano po ba maglagay ng avatar? Gusto ko lagay na avatar yung pix namin ng wife ko. Thanx!


stewart-



Peace!:rbounce:

goryo888
November 2nd, 2005, 09:04 PM
Preng Raul....kailangan mong maka 500 na post bago ka magkaroon ng avatar....pwede ka na rin kaya lang hindi pwede yung gusto mo na pix nyo ni Misis mo.

subukan ko ngang tawagan sila ngayon. 5:13AM dito.

goryo888
November 2nd, 2005, 09:15 PM
Tumatawag ako kay GrandeurO..kaso BZ selpon nya.....mga 9:25PM dyan sa atin...
ok sige txt ko na laang siguro....
papasok pa ako sa trabaho... hayyyyy

blackjack
November 3rd, 2005, 05:17 AM
Kabahag bc ata kayo lahat at wala namang dumating.... ako lang ang dumayo at ung kumpare k n sinama k. Bale ako lang at ung magkapatid alimbuyog at dingdong at c grandeur ang present.... ok kinalabasan ayos ang kaldereta ni grandeur...nagbitaw ng manok maayos manok ni dingdong at magagaling din ung kay grandeur.... dinaanan k kapatid ni sonny s victoria pero d nkasama at bc so proceed n kmi s socorro... watch out 4 d pics i-post un n alimbuyog o dingdong... pinsang jojo60 d ka naman nabokya at itinagay n kita dun ikinain n rin kita pareng goryo888 lalo n s kaldereta ... talagang masarap at panay p ang init n alimbuyog tuwing lumamig....meron p nga pala kaming tapang tamaraw este kalabaw.... ok din pares s malamig n red horse at brandy... tumugtog p ang banda....magaling pala n musikero ung magkapatid...ayos p ung kapitbahay n lead vocalist nila maaga p primed n s lapad!!! He he he...

blackjack
November 3rd, 2005, 05:22 AM
Un gabi n ako nakauwi at basa p lakas ng ulan s daan... hirap at nakamotor lang kami...malagihay p tama kaya d pumayag ung mga kabahag n umuwi kung d muna magkape para medyo ayos... salamat s mga maginoong cockers/kabahag ng socorro!!!! antay ko dalaw ninyo dito naujan.....

chuckeee2
November 3rd, 2005, 05:57 AM
kabahag blackjack,

ayos! ano na ga ang napagkasunduan? ang plataporma? ang pagpopondo? paano gagamitin? ilan bawat isang share? :D

goryo888
November 3rd, 2005, 06:47 AM
Chuck....parang maaga pa....hayaan muna natin na magkaroon ng magandang BLENDING ikanga......

kabahag na Blackjack salamat at kahit pano naitagay mo ako....tama laang dahil di naman ako umiinom....;)

Alimbuyog...abat ikaw palay may itinatagong galing ha....sige at pag nagkaroon ng grand kitakitz ang mga mangyan eh paniguradong may KOMBOmangon na tutugtog....

chuckeee2
November 3rd, 2005, 07:24 AM
nakupoooo!!!! pinaalpasan pa yaang pagkakataon na yaan ! :teeth:

sonny dela cruz
November 3rd, 2005, 07:44 AM
Pasensiya na po sa nagyari ka Blackjack ako ay humihingi ng paumanhin sa inyo at dinaanan niyo pa ay hindi nakasama si utol,tumawag ako ang sabi ay nakagayak na sila ni ama dangan lamang at hindi daw makalis ang asawa para magbantay ng tindahan sa bayan.Sensya na po ulit mga kabahag.

Excited na po kaming lahat lalo na kaming nasa labas na makita ang mga kabahg sa grand kitakits.Ingat po tayo lagi and God Bless.

chuckeee2
November 3rd, 2005, 08:02 AM
.... ang lagay pala'y hindi pinag usapan ang pagtatag ng Sanduguan ! Siya, ako'y natanda na e at baka hindi ko na abutin ang pagtatag niyan e aabisuhan ko na laang ang aking mga apo :teeth:

goryo888
November 3rd, 2005, 08:04 AM
nandoon daw si DD...kaya hintay na laang muna natin kabahag na Chuck .....kung ano baga ang napag usapan....;)

blackjack
November 3rd, 2005, 11:18 AM
chuckee, d n muna namin npag-usapan ang kung ano man plataporma at plano... ang importante ay nagkalapat n ang pagkakaibigan at nagpangita na at last...madali na ang kasunod dun at least the seed has already been planted...basta ako alalay at 22long s lahat ng plano ng grupo d2...biruin m c grandeur pala ay magiging pamangkin ng isang kaibigan k n nsa ilaty magmamanok din at my farm din d2 s naujan....ang pamangkin n leonie villanueva ay syang gf n grandeur nandun din s ilaty gf nya kasama ng tiyuhin at tiyahin...d ko alam kng kelan kasalan pero nung nandun kmi at nagtatagayan ay dumaan p yung ama ng gf n grandeur!!! talagang mahal ung kabahag ng pamilya nung babae.....antay k p ung grupo kng kelan dadayo d2 s naujan!!!

chuckeee2
November 3rd, 2005, 11:56 AM
kabahag blackjack,

siya at kami'y aasa pa rin na yaan e mabubuo ang Sanduguan. ikaw pala'y taga Naujan! ang aming manong Criseng Yaco e taga riyan nakapangasawa yata ng mga pamilya ng Berberabe. Preho silang titser. Hayaan mo't baka ako'y mapasyal diyan kapag nariyan na. Kamusta na ang mga naglalakihang mga sabalo sa lake? Panahon na naman ano! Meroon pa ba nahuli ng mga yaan? Naka text ko nga si kabahag Grandeur e ala pa nga raw napag usapan at puro inuman ang nangyari :teeth:

Siya at tatawa tawa na si ka Joey niyan!

goryo888
November 3rd, 2005, 12:04 PM
Tama ka Blackjack....di dapat madaliin....kumbaga eh...dapat magkakilanlanan muna ng husto, magkapalagayang loob ikanga...para di mahirap bumuo ng isang SAMAHAN na binabalak na itatag...

aba at si kabahag GrandeurO pala'y lalong mapapalapit ng husto sa taga Naujan...

kundi ako nagkakamali yung sinasabi mong Leonie V. ay nurse dyaan sa atin di baga?

ay sya kabahag GrandeurO...kailan ga mag gigisa ng mga bawang at sibuyas?

Raul_Ruaro
November 3rd, 2005, 12:05 PM
Pareng goryo888,

Kung maka 500 posts na ako, paano ako magkakaroon ng avatar? Mag request ga ako sa admin or automatic ng magkakaroon? Thanx!



Pareng Blackjack,

Congrats sa inyo at naging succesfull ang kitakitz! Nagtext ako kay sandugo grendeur kahapon kung natuloy nga kayo at nabanggit nya na present ka dun. Buti naman at safe kayo nakauwi, mahirap talaga nakainom pag magdradrive, lalo na kung motor pa. Bawi na lang kami next time, sana makadalo ako sa grand kitakitz.... Drink moderately, mga 12 bottles of beer ok na! hehehe!

Stewart-



Peace!

Raul_Ruaro
November 3rd, 2005, 12:22 PM
Kabahag na chuckee,

Buo na naman ang sandugo pero di pa nga lang formal... Medyo ang problema kasi natin ay magkakalayo tayo kaya mahirap magsamasama at makapagusap ng masinsinan. Siguro maari narin muna natin ipost yung mga idea na naiisip natin dito sa htread para gumagalaw na ang sandugo. Formal na lang natin ito itayo sa grand kitakitz. Simulan natin kung bakit ga natin itatayo ang sandugo at ano ga ang gusto nating marating. Sya ilabas na natin ang ating mga bright ideas mga kabahag!

Stewart-


Peace!

jojo60
November 3rd, 2005, 01:22 PM
MAGANDANG ARAW PO SA INYONG LAHAT!! paumanhin ninyo po ako mga sandugo kung ako ay bihirang makadalaw sa ating munting tahanan.masyadong maraming trabaho kami ngayon sa Post Office.Hindi man ako nakakapag reply ay hindi ko naman naka2limutan sumilip paminsan minsan. Sa mga dumalo ng munting pagsasama sana wari ay naging magandang umpisa ito sa ating samahan.MABUHAY kayong lahat.


BLACKJACK

Nsan maraming salamat at hindi mo ako nakalimutan na tagayan.Pahintulutan mo ako na unang bumati sa iyong kaarawan sa NOV.5. MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO KAPATID!!!

AT SA LAHAT NA MGA KASANDUGO; MABUHAY KAYONG LAHAT SAAN MAN PARTI NG MUNDO KAYO NGAYON NAMAMALAGI....

GOD BLESS YOU ALL!!!! JOJO

Raul_Ruaro
November 3rd, 2005, 02:02 PM
Hay mamimis ko itong ating tambayan! Babalik na ulit ako sa work ko sa bundok bukas, kaya malamang mga 2 weeks ako di makakasilip dito sa ating bahay. Sana kung ano man ang mapagkaisahan ay asahan nyo na full support ako sa sandugo! Kahit saling kitkit lang ako dito. hehehe!


stewart-



Peace!:rbounce:

sonny dela cruz
November 3rd, 2005, 09:07 PM
Musta mga kabahag!maligayang kaarawan kabahag na Blackjack naway lalo kang pagpalain at bigyan ng ibayong lakas para sa iyong pamilya kaibigan ,mga mahal sa buhay at siyempre para lalo ka pang maging succesfull sa iyong breeding.

ingat po tayo lagi and God bless

jojo60
November 4th, 2005, 05:22 AM
itataas ko muna ere at nasa pangalawang pahina na tayo.:lol:

Raul_Ruaro
November 4th, 2005, 07:42 AM
Akala ko bukas pa ang Birthday ni Pareng blackjack? Anyway bati na ako kasi matagal-tagal na di ako makakadalaw dito sa board.:rbounce:


Mga kabahag,

Silip lang ako pampabwenas sa aming grow ngayon. Nagwowork kasi ako sa broiler farm ng step sis ko, stay in ako dun para mabantayan yung mga boy. Twice lang ako kada grow namin ako umuuwi, kaya matatagal ulit ang pagtambay ko dito. Mabuhay ang sandugo!

Sana pala buhay pa itong thread pagbalik ko, kaya parecng chuckeee at goryo wag nyo hayaaan mawala itong thread!

Stewart-




Peace!

goryo888
November 4th, 2005, 07:50 AM
preng RAUL...hinding hinde masasara toits....pagbalik mo nandito pa rin to....

Blackjack....hapi birtdey....GOD BLESS!!

nasan na mga picture....

blackjack
November 4th, 2005, 08:08 AM
mga kabahag d k naman b-day...pilyo talaga yang pinsang jojo b-day bkas n misis kaya bumati yun!!! alam nya n tigre ako pero mas matapang ang may-ari ng tigre...he he he!

pareng chuckee, bihira n ang huli ng banglis at pingkit pero meron p rin paminsan-minsan...kaibigan k dyan c kiko at vic utol n mayor at nakilala k rin yung butch yata yaco...matangkad at malaking tao bata p my manok din nagtanong ng gamot s botika namin para s sipon ng alaga nyang manok binigyan k ng norfloxacin

ngayong nagpangita n kami dito ay madali n ang mga planong kasunod at lapat n nga ang lood...magkakilala n at d magkalaban s sabong....

kasali naman kayo lagi s plano at ipaalam namin kng ano man dvelopments

pinsang jojo e-mail lang ako s u s isang araw....

goryo888
November 4th, 2005, 08:21 AM
Na wow mali pala kami doon ni jojo ha??
pero ok pa rin...hapi bertdey kay misis mo...

DD, Alimbuyog,GrandeurO...nasan na mga piktyur....

Raul_Ruaro
November 4th, 2005, 08:21 AM
blackjack,

Ganun ba? Hehehe! Si kumander pala ang may b-day? Baka gusto regalo ay wagka muna punta ng sabungan ngayon, bukas at sa sunday? Mukang mapapasubo ka niyan bro. Kabahag sige ikain mo na lang kami sa inyong salo-salu.......



stewart-




Peace!:rbounce:

blackjack
November 4th, 2005, 09:59 AM
ayos lang un ka goryo, ka raul nanalo na naman manok nila grandeur s victoria hakfight khapon kahit medyo malambot dw ang palo.... bwenas p ung mga kabahag....wala lang ako dun at daming labahin d2 s bahay....nanalo din un isang stag ng inaanak k ang materyales nun ay galing s akin pinahiram k kc ng isang stag at dalawang inahin un last year. pinalahi habang pinapagulang k ung stag. nailaban k n un last april nanalo naman pero patay... at least nanalo ung anak ngayon kaya medyo happy ako s linya n un....sweater possum line n bruce, nsa akin n uli ung gnamit nyang inahin kinuha k n 3 months ago pa!

chuckeee2
November 4th, 2005, 11:33 AM
kabahag blackjack,

kilala mo pala ang mga antigo ng Puerto! Siya, masisiyahan ka roon at karaming pansabong :D

jojo60
November 4th, 2005, 12:20 PM
ay mali pala Nsan BLACKJACK!!! pero anyway pakibati na rin ako kay MARIFE ng HAPPY-HAPPY BIRTHDAY sa kanya.. maganda pala ang mga linya ng manokiz mo ha.. di na nga ako makapag-intay at sabik na sabik ng umuwi para makapagbitaw man lang.. dadalhan ko kayo ng magagandang Vitamins na ginagamit ko d2 tuwing may laban ako.

SA ng mga KASANDUGO lalong lalo na kay KA RAUL ingatz lang kayo parati...

Nsan intay ko ung e-mail mo kapag may panahon ka na at tapos na ang mga nilabhan mo... Hehehe:rbounce:

jojo60
November 4th, 2005, 12:25 PM
TEKA muna NSAN BLACKJACK, hindi pa naman malabo ang mata ko at alam ko ikaw ang nag fill-up ng profile mo. Mga kabahag pakibasa nga ng profile nya, malinaw na NOV 5 1959 ang DOB niya.. kaya HAPI2 B-DAY sa iyo muli.:rbounce: :rbounce:

chuckeee2
November 4th, 2005, 12:55 PM
mga kabahag,

Siya, mag set kayo ng grand kitakits mula Enero hanggang Mayo, makaka attend ako :D Yoong mga nasa abroad i set na yaang pag uwi at sabay sabay na pa Oriental :D

sonny dela cruz
November 4th, 2005, 08:55 PM
Musta mga kabahag !Congrats sa panalo niyo kabahg Blackjack at Grandeour hindi lang siguro swerte yun talagang magagaling ang mga alaga ng Kabahag.Me pinuntahan nga ata kahapon sila kabahag alimbuyog sa naujan dinaanan nila utol ko pero hindi na naman nakasama at nagkataon na dumating ang kapatid ni rowdell cruz na taga bulacan me dadalawin ata na kamag anak sa pinamalayan.hiyang hiya nga utol ko gawa ng 2 beses na.sabi ko marami pa namn sigurong pagkakataon kaya bawi na lang kami.

Mukhang naamoy ko ang magandang resulta ng mga alaga ng grupo sana mag tuloy tuloy na.Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
November 5th, 2005, 05:46 AM
Ka Blackjack...ayan na naman si pinsan Jojo mo....hahaha...bakit inililihim pa yaang mga kaarawang yan...eh lahat naman tayo'y tatanda...una una laang yaan...

sige at sana nga ay magkaroon ng grand kitakitz...pero sana yung mga nagkapangita na eh..huwag manlamig...para magkaroon ng deretsong SAMAHAN tungo sa pagtatatag ng pamunuan na may KATUTURAN..... ;)

kailan na nga ang anibarsaryong derby sa Dragon? ano kaya't salihan natin yoon....

Entry name natin eh Sandugo.net.....

chuckeee2
November 5th, 2005, 07:25 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/77204ef9.gif

siya! natanda na naman ang isang mangyan!

chuckeee2
November 5th, 2005, 07:42 AM
HAPPI BIRTHDAY PA ULI KABAHAG BLACKJACK !

ere at pinagluto kita ng sitaw. pasensiya na at yoong tulingan e nasa bagahan pa :D

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/69b58674.jpg

blackjack
November 5th, 2005, 12:25 PM
he he he...mali nga ako kaya alng DOB n misis nailagay k s profile k ang akin tlaga ay 3/22/60...sori ako mali...cge pag d2 s site nov 5 b-day k...ayos pa rin d ba!!!!

punta cna dingdong, grandeur at alimbuyog khapon oks n oks naman tagayan namin tpang kalabaw pulutan...plus chicken talk kaya ok na naman ang tropa ng mangyan!!!

bitaw kmi ng ilang stag...ok naman pinakita...s marso p pwede gamitin 2ng mga 2 kng d magbabago palo....bata p kc 5-7 months lang....

jojo60
November 5th, 2005, 04:48 PM
GOOD PM SA LAHAT NA MGA KASANDUGO... napasilip lang po at medyo napansin ko na kailangan ay iangat ng kaunti ksi medyo natatabunan ang ating munting bahay.... ingat lang po sa inyong lahat. Nsan BLACKJACK i just answered ur pm.MABUHAY!!! :rbounce: :crazy:

jojo60
November 6th, 2005, 01:20 AM
MAGANDANG ARAW MGA KABAHAG!!!:rbounce: teka at nasa PANGALAWANG PAHINA na naman ang ating barangay..itataas ko lang poh.

ValianT
November 6th, 2005, 02:26 AM
Good day po sa inyo jan, mga kabahag! :D

jojo60
November 6th, 2005, 04:56 AM
Nsan BLACKJACK may pm ako sa iyo ulit...

sonny dela cruz
November 6th, 2005, 05:23 AM
Magandang umaga mga kabahag.tulong tulong tayo para nasa unang pahina lagi.Good luck po sa mga papasyal sa sabungan sana lahat ay palarin.ingat po lagi qnd God bless.

chuckeee2
November 6th, 2005, 09:53 AM
mga kabahag,

Congratulations to me ! :D Lima na apo ko! Bagong grandaughter na mangyan... Maleah Olivia. Sa May paliliguan namin yaan sa dagat sa Puerto... ka birthday pa ni kabahag Blackjack!

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/2d3901c2.jpg

goryo888
November 6th, 2005, 10:41 AM
Chuck...Congratz.....padami ng padami ang magagandang lahi ng Mangyan...;)

hanae mori
November 6th, 2005, 11:01 AM
ang cute naman ng baby..... psssssssssssstttttttttt goryo....pre!

goryo888
November 6th, 2005, 09:05 PM
Tol Hanae...magaganda talaga ang lahing Mangyan....

Gandang Umaga mga Sandugo....

goryo888
November 7th, 2005, 08:26 AM
Bakit wala pang mangyan na Bumababa ng Kabundukan?? Kayo baga'y di magkanda ugaga sa mga gawain?? Lunes na dyaan sige...kayod muna uli....at ng madagdagan ang panalo nyo kahapon sa Sabong. Sana nga eh madagdagan at hindi para may puhunan uli:confused:

sonny dela cruz
November 7th, 2005, 08:38 AM
Musta mga kabahag!Siguro yung iba ay nahihirapan pang kumilos gawa ng kahaba ng bakasyon ei.ang iba naman siguro ay di pa makalapit sa computer gawa ng basa ang kamay at naulan satin ngayon.

Ingat po tayo lagi at pagpalain ng ating poong maykapal.

goryo888
November 7th, 2005, 10:28 AM
Nandyan na si Kabahag Alimbuyog...sana pumasok na sa ating Kubol....:D

joey bravo
November 7th, 2005, 10:40 AM
sarap ng bakasyon ko! straight 9 days!

ano na balita mga kabahag.

congrats sir chuckee sa iyong apo.

eto ako ulit reporting for duty mga sir.:)

alimbuyog
November 7th, 2005, 10:46 AM
MAGANDANG ARAW NG LUNES SA INYONG LAHAT!

pano kaya masimulan ang pagkwe-kwento . . . . .

mga kabahag, kahit ilan laang kaming nagkita-kita dito, si dingdong, grandeur, at blackjack (kanyang kasamang si mak) eh ayos naman ang naging pagkikita, palibhasa'y pag manok ang pinagusapan eh para bagang walang katapusan . . . . at madaling maghulihan ng kiliti . . . .

at kahit na walang napagusapan tungkol sa magiging pundasyon ng grupo eh tingin ko naman eh maganda ng simula itong unang pagkikita . . . .

at ang mga picture ay si grandeur na ang bahala . . . . . . :D

alimbuyog
November 7th, 2005, 10:52 AM
pareng blackjack,

salamat uli ng marami sa mainit na pagtanggap mo sa amin at sa mga kwentong manok . . . . .

at syempre sa iyong pabaon, wag ka magalala, iingatan namin mga 'to . . . . . :hippie:

sir chuck,

congrats sa bago mong apo, aba'y lolo ka na pala . . . . . :D

goryo888
November 7th, 2005, 11:10 AM
Anong pabaon yan?? aba at nakapagbibit yata kayo ng manok Naujan ah...oks yan...

Ka Joey...welkam bak....

alimbuyog
November 7th, 2005, 11:22 AM
sir gori,

napakapogi ng pabaon ni blackjack, makikita nyo rin mga yun . . . .

napakabait nyang si blackjack . . . . . . sana mapalaki namin ito at ng masundan pa . . . . . :D

chuckeee2
November 7th, 2005, 11:23 AM
aba'y oo naman! pang lima na yaan :D

Sandugo Joey, ihanda mo ang mga plato't ikaw e isa sa mga dadalawin ko next year :D

kabagal naman niyang mga nakodakan! post na aba!

Ganoon ba! aba'y makahingi na rin ng isa kay Sandugo blackjack! Gusto ko yoong tinatago niyang mga SL.

blackjack
November 7th, 2005, 11:55 AM
ayan naglabasan n mga mangyan!!!

lolo chuck congrats npkacute ng iyong apo!

alimbuyog, dingdong at grandeur syensya n maliliit lang yang naibahagi k s inyo wla p kasi stocks konti lang yung nabuhay kita nyo naman...s susunod pag sinuwerti s mga alaga...ngayong season k pararamihin at medyo nakakatuwa yung mga unang labas...

mahirap basta n lang palahi ng marami tpos bulok ang lumabas s mahal ng feeds ngayon!!!

islandpride
November 7th, 2005, 12:02 PM
sayang naman sa panahon kung maganda ang labas tapos konti lang ang palahi.

joey bravo
November 7th, 2005, 12:05 PM
:lol:

chuckeee2
November 7th, 2005, 12:43 PM
Siya! naglabasan na nga mga mangyan! pati na rin yoong iba, nagbahag na rin :lol:

Yoong ating Sanduguan, hindi pa nabubuo :D

alimbuyog
November 7th, 2005, 01:17 PM
dont worry lolo chuck, oki na yan . . . . pwede ng simula yun . . . .


islandpride,

yangmols (mangyan) ka rin ba?

blackjack
November 7th, 2005, 01:19 PM
s iba 2loy napunta dugtong k...ok lana kng konti npalabas k basta quality lang anyway d naman commercial 2ng s amin although i have sold a few 2 offset the feed bill...the fowls i raise earn their keep; they are d ones paying 4 their feed nakakalamang p at minsan my papulutan p galing s sabungan ay tupadahan pala!!! kasama n dun ang pangtagayyyyy...

jojo60
November 7th, 2005, 01:21 PM
MAGANDANG TANGHALI PO SA INYONG LAHAT!!!

BLACKJACK: sana naman ay matupad ang ating balak para balang araw ay makapagpahinga na ako jan sa PINAS.mga middle next year tayo magumpisa ng ating balak.

CHUCKEE: congratz po sa inyong bagong apo at napaka cute naman niyang batang iyan.

SIR GORIO;ang daming alaga mo naman jan sa iyong lugar.saan baga iyan at baka maambunan naman kami ng iyong swerte. akala ko nga eh si RITA AVILA na iyan sa bago mong avatar.

MGA SANDUGO:ang napagkasunduan po namin ng aking Nsan BLACKJACK ay balang araw ay mapauwi ko na lahat ang aking mga manokiz d2 sa CALIFORNIA.meron daw bakanteng lote'jan sa Naujan na pag-aari ng aking tiohin na dati ay babuyan.

GOD BLESS YOU ALL !!!!

DingDong
November 7th, 2005, 01:49 PM
dami ko na nasulat tapos nawala lang

aysus, uulitin ko ha medyo mahaba ere.

umpisahi ng basahin

:rbounce:

DingDong
November 7th, 2005, 01:52 PM
aysus . . . .

napakadaming gawa dine sa tanggapan
sa kadahilanang ilang araw na nawala
ang inyong kabahag.

teka laang at uunahin kong bumati sa
lahat ng mga kabahag. mukhang nadami
tayo dine ah. isang ligkit na linggo ako
wala ay ilang pahina din ang nadagdag
na inuna kong basahin.

kasamang chuck, pasensya na at sa wari
ko'y hindi namin nakamit ang iyong mithi
na buuin na agad ang ating pangkat.

pero huwag kang mag alala at sa malaon at
madali at mabubuo din ang ating pangkat.

Lunes: ang amin pong laban sa pinamalayan tulad
ng napagkasunduan ay lalagyan ng SANDUGO
sa entry name. ginawa po namin yun. unang
laban po ay dragon po ang katapat. sa hindi
inaasahang pagkakamali, nagkaroon ng
aksidente sa pagbaba ng manok at tinamaan
ng dulo ng tare ang kanang tuhod nito. hindi
ko nakita yun pero malakas ang bulungan sa
loob ng sabungan na sirit ang dugo na naging
dahilan ng pagtigil nito bagamat agresibo ang
tipo ng manok na ito. bagamat nakasugat din
ay hindi naging dahilan upang maipanalo ng
unang laban ang grupo ng SANDUGO. sa ikalawang
laban naman po ay nakatapat ang nokiz ni mayor
alvarez, isang pormadong alimbuyog na higit ang
sukat sa taas sa ating manok. nalogro po tayo
ng malalim subalit hindi ang paluan ng manok.
samakatuwid ay nanalo po ang ating ikalawang
laban.

Martes: bitbit po namin ang tatlo pang manok
na pinagpilian para sa derby. ulutan po sa
socorro. nakupo, napakahirap iulot ang mga
nokiz, inilabas na lahat ay hindi pa rin mapalaban.
nang pahupa na ang init ng araw, napalaban
ang aming talisayin na medyo mababa ang tayo.
inilaban na namin kahit mataas at malaki ang
kalaban. nasa meron po kami pero dahil nga sa
agrabiyado sa ulot, nabaliktad po ang pustahan
pero hindi naman na logro. hmmmm . . . . paluan
paluan, lugmok ang pula (down cock ika nga), aba
halos ibaon sa lupa ng talisayin ang kalaban, may
talent sa lupa ang grey namin. ayun nanalo ng
may isang putok balat na sugat sa may butse pero
hindi naman nabutas.

Miyerkules: hmmmm kitakits na. aba maagang
nag text si ka blackjack parating daw sya kasama
ang kumpare nya na si makmak. hehehe bago
mag ala una andun na si preng blackjack kasama
si preng makmak, hindi nagtagal dumating na din
si preng granduer kasama ang kanyang mga pinsan.
aba teka lipat tayo at ibang lugar ang napuntahan.
doon kami tumuloy kina alimbuyog, he he he hindi
pa kasi handa ang pwesto ng inuman dahil napaulot
sa swimming sa ibabaw ng la mesa kaming mag aama.
kwentuhan muna hanggang sa napabitaw ang mga
manok na galing sa lugon, unang bitaw nila yun, aba
at ayos pala, may kalutungan din. umpisa na ng inuman,
ininit ko muna ang kalderatang kambing ni ka granduer
at inilagay sa timba na may yelo ang red horse, inilabas
ang bote ng brandy. inuman, kwentuhan . . . inihahanda
ng grupo ni alimbuyog ang gamit ng banda. . . jamming
jamming muna kami kasi wala pa ang ibang kasapi ng
banda. wentuhan uli, nasagi din naman kung ano ang
balakin subalit napagkasunduan na saka na lamang
iyon kung sakaling medyo madagdagan pa ang dadalo
ng mga susunod na kitakits. eto na kantahan na po,
sus kung hindi ka sanay sa ingay yare ka, pati mga manok
nabulahaw. pagsapit ng dilim, nagpaalam na sina preng
blackjack subalit humirit pa si ka makmak, napatagal pa
ng konti. sa kabuuan, naubos ang pulutan, 2 kahong
red horse, 2 bote ng brandy at 2 bote ng emperador.
sus, medyo malagihay na ako nun.

Huwebes: he he he ilalaban na ang dalawang natirang
nokiz. dadayo ng victoria. hmmmm . . . parang ayos
pa naman ang nokiz. napatare ang una, nakupo
napakalambot ng palo aysus, ayun talo. ikalawa, napatare
binitawan, nakupo ganun din, malambot din ang palo
dalawang beses lang tumama buti na lang syut
sa kilikili, nanalo naman, ang daming tama ng nokiz
namin.

isip isip isip bakit ganun ang nangyari sa mga
nokiz, ibabahagi ko sa inyo at nang mapagwari.
una inihanda ang manok para sa derby ng oct. 31,
Nov, 01, napalaban ang isa ayos pa ang palo. nun
araw ding iyon isinalpok namin ang manok ng
ilang liparan, ayos naman. tinurukan at pinainom
ng gamot kinagabihan, pahinga uli sila. kinabukasan
sa tangkal pa din. kinahapunan inuman at tugtugan
hanggang gabi. araw ng laban pangit laro ng manok.

tingin ko, hindi masama ang pagkakaturok at gamot
sa manok. ang nakasama at ang stress na dulot
ng ingay namin, sa lakas ng tugtog ng hayop na
combo, he he he, napuyat sina nokiz. tama kaya?

Biyernes, punta kami nina alimbuyog at grandeur
sa naujan sa lugar nina preng blackjack. inuman
at usapang manok. kahit sa ilalim ng ligatik
ng ulan ay ayos ang aming huntahan. masarap
ang tapang tamaraw este kalabaw. nagbitaw
ng mga ilang stags ni preng blackjack aba at
kahit sisiw pa ay kalulutong ng palo. hi hi hi
naisuyo ko at napag usapan na baka sa dec
breeding ni ka blackjack at makapagtira ng ilang
piraso na maaaring isabak sa CF derby na pag
ambagan ng Sanduguan kung kayo ay papayag.
ito pa lang marahil ang pwede nating pag usapan
sa ngayon. meron ba kayong suhestyon?

nakupo, napahaba na yata ere, baka kayo'y
mangalumata dine.


:rbounce:

DingDong
November 7th, 2005, 01:56 PM
may nakalimutan pala ako.

pero hindi naman ito mahaba.

maraming salamat preng blackjack
sa iyong pagtanggap sa amin sa iyong
magarang tirahan.

ganun din sa pabaon mo sa amin.

muli maraming salamat.


:rbounce:

goryo888
November 7th, 2005, 01:57 PM
Aba Kabahag na Jojo...oks yang binabalak nyo ni Ka Blackjack...mas titibay ang mga nokiz ng mga Mangyan lalo pat madadagdagan ng maaayos na lahi pa.

Naku ay halos yata ng mangyan ay naka online ngayon ah....
ako muna ay matutulog..bahala na muna kayo dito sa ating bahay kubo....

Ka Blackjack tama yan kwaliti hindi kwantiti maganda na yung kahit konti laang basta maaayos naman....noon pa naman eh balita na rin yaang mga palahi mo dyaan...naririnig ko na rin sa mga sabungero doon sa amin...may naibigay ka pa nga yata kay LITO Hernandez na taga roon sa amin, minsan sabi sa akin ng makita ko yung manok doon sa kanila ng dumayo ako ng bitaw eh galing daw sayo yun....ewan ko laang kung totoo nga.

joey bravo
November 7th, 2005, 02:00 PM
aba'y para palang isang linggong pag-ibig yaang kitakits na yan ah.

:lol:

nakakainggit namang tunay.

Lito Hernandez, yan ba yung dating mayor ng Baco?

iKamusta nyo na lang ako kay kuya pag sya yaan.

blackjack
November 7th, 2005, 02:03 PM
Ayan kmpirmado na mga kabahag dagdagan n nsang JOJO ang mga breeding stocks namin d2 s mangyanland at maglalagay ng farm ang ating kabahag d2...yours truly ang taga-pakain ng mga stocks.

judging from insang jojo's ability with chx cgurado ako ganun din kametikoloso e2 s pagpili ng brudstock kaya cguradong magaganda 2ng darating isa p naipapanalo nya n dyan yung mga produce ng materyales nya...

kaya pareng goryo pagbigyan m n request n jojo bnatang-binata yan aywan k bakit ayaw p mag-asawa...late '80's p yan dyan s tate wla p rin napili...tsk tsk tsk! ang tinik naman s chx plibhasa'y Basa kaya pareng goryo isama m na!!! birds of d same feather flock together!

goryo888
November 7th, 2005, 02:07 PM
Teka...bakit ako yata'y pinulutan nyo ng husto ah...sabi ni ka dingdong eh tapang Tamaraw daw eh....:confused:

aba okay yaan ka Dingdong syut ako sa balak na yan...sali tayo sa CF 2006....naku parang nakikiliti ako dyaan sa suhestyong yaan ah.....

isip isip kung papano...at kung anu't ano man ay ipinale yaan...at ng ngayon pa laang ay makapagsubi na ng maaga aga pa....kahit piso piso laang isang araw....bago ang derby ay may maiipusta rin.

goryo888
November 7th, 2005, 02:14 PM
Naku preng Blacjack...maniwala ka dyaang walang nililimliman yaan dine....baliktad sa tao eh lalake ang lumilimlim....:D

Preng Jojo aba'y mag isip isip na hindi tayo bumabata.....kaya dapat magkabata:D

Sya tutal ay napahanga ng manok Naujan yaang mga makikisig na mananabong, at balak pang mag entry sa CF...preng Blackjack pag laani ng ilang pirasong pang derby ang mga Mangyan....

blackjack
November 7th, 2005, 02:26 PM
d p 2 ung mayor taga-bancuro p yung lito h. n cnabi n ka goryo

nkakuha nga yan s akin kabahag goryo mga 3-4 yrs ago p yun...at 2 dumalaga ang nakuha s black x wilburn blue(liza galore) magkakatay kc kmi nun para pulutan nandun ang lito kaya tatakbo pauwi ng bancuro at kmuha ng tatlong inahin pinalit dun s mga dumalagang kakatayin... oks naman resulta ng mga paanak nun crossed s manok nila. Yung isang stag n binili ng umuwing balik-bayan italy ay stag napalaban s victoria katapat kay ka tuna ng puerto ayun panalo ang taga-naujan.. d n pinaporma ng itim ang manok nila...pero plagay k tsamba lang yun kahit ako d ako lalaban s manok ng ka tuna....ang gagaling at ang gaganda pa ng mga stocks nya ngayon! d2 n lang ako s tabi-tabi....

blackjack
November 7th, 2005, 02:37 PM
basta't may lumusot s mga sisiw 2loy natin yan....kung aari 2ng mga padali ko. atin munang silipin at tingnan kng aari. pag-usapan natin yan s kitakitz natin ngayong dec kng may uuwi s inyo...abisohan nyo lang kami kng saan at kelan...

jojo60
November 7th, 2005, 03:00 PM
KA DINGDONG; hindi ka nag=iisa sa nangyari sa dalawang manok mo. noong taon 1990 may ilalaban akong BATES GREY sa LA LOMA dahil kilala ako doon ay nahirapan humanap ng katapat at inuwi na lang namin na hindi napalaban.ibinitaw ko ng kaumagahan at napakagaling.makalipas ng 3 araw ay naisipan ko nailaban ang dalawa ko pang manok na kasama itong kay BATES.tinurukan ko ulit cya. sa pangyayari ay naipanalo ko ung dalawang manok at cya ay naulot kay BONG CHUAng manok na unang naging WSC CHAMPION.nalyamado kami at nagpakuha pa ako sa labas,pagbitaw ko ay sirit kaagad na para bang naghurementado ayon hindi man sumagat iyong sa akin at talo.muntik na ngang barilin ng kapatid ko iyong manok sa inis.
off na off ung manok.

ang munting aral ay huwag mong turukan ulit ksi ang gamot ay tumatagal ng 10days at maintain mo lang iyong pakain at ilabas lang cla kapag umaga at hapon lamang at ibalik na muli sa cockhouse.bigyan lang cla ng 5 flies everyday para maikilos lang ang kanilang katawan.

jojo60
November 7th, 2005, 03:11 PM
KA GORYO: EWAN KO ba iba ang ganda ng mga chix natin sa PINAS keysa d2 sa STATES.mga pang DERBY ung mga nasa P.I. d2 naman ay pang hockfight lang.cge makapagipon na nga para sa pagsalo natin sa SANDUGO entry.

BLACKJACK: ano bang da best na oras ka tawagan diyan sa botika ? pm mo sa akin ung landline mo at ung cp mo para makapaghuntahan tayo . mas maganda ay nandiyan ung mga kabahag natin at para makahuntahan ko rin sa pagtawag ko sa iyo.nag hockfight kami kahapon sa L.A. isang panalo at isang tabla.ung tumabla ay sa aking manok na nakaratay na ng makapalo ay nasingitan ung kalaban at umabot sa parehong hindi na tumuka.nilabas na nga namin ung pambayad eh.Sabong nga naman!! :rbounce: :rbounce: :

DingDong
November 7th, 2005, 06:02 PM
ka jojo,

combined effect na yun ng saksak ng
gamot at stress ng pinuyat ng combo
he he he.

ka goryo,

hala, magsubi na nga ng papisopiso
at nang makarami tayo.

ano kaya mungkahi ng iba, ayos
kaya iyon?

ka blackjack,

subukan natin yung blaks mo sa
dec. laban natin sa victoria. yung
dalawang beses natin ibinitaw.


:rbounce:

blackjack
November 7th, 2005, 07:39 PM
nsang Jo, tlagang ganun ang quality na manok...all's not over until the last two pecks!!! lamang k at maganda pag-prepare m ng manok..ika ng "the best conditioning starts at the brood pen!" and that starts at the time you choose w/c cock & hen to use as broodstock.

dingdong, tlagang masama tama mo dun s paanak ng itim. Cge testing natin s vict sbago magpasko ba o after? Sabihin m lang kng ano date k nand2 para maihanda k 2. ihahanda k lang kayo n diskarte s sabungan...d kc ako nakikialam s ulutan.

goryo888
November 7th, 2005, 11:12 PM
O ayan ha...kadaling kausap ni preng Blackjack...yaan baga ay magulang gulang na? Aba pero mukhang kahit bata pa eh, malupit na nokiz yan ah....

sige at testingin sana bago mag pasko...magpapapusta rin ako kahit konti......at ng may pangPASKO ang mga totoong MANGYAN....KUNG MANANALO!!

Magkano na ga dyaan ang sako ng bigas? at tsaka karton ng de lata?

goryo888
November 7th, 2005, 11:38 PM
Preng Blackjack...pa humble ka pa.....kahit kanino pwedeng itapat yang mga nokiz mo dyaan....sina Dingdong nga eh mukhang tulo laway dyaan sa itetesting ngayong Dec.

At sya pag yaan ay natesting eh paghandaan ang CF....mga magkano baga ang gastusin sa pagentry.....
sama na rin presyo ng MANOK at lahat lahat na. Kumbaga eh kahit sa myembro galing ang manok ay presyohan na rin...para yung mga manok ay maging pag aaring lehitimo ng SAMAHAN.

Si ka Joey ay nandyaan laang pwedeng yung sa ating sa SANDUGO eh igarahe sa kanya...kung ma aari, at okay laang sa kanya na isama sa pagkokondisyon yung manok ng Grupo....kahirap siguro kung sa atin pa sa MINDORO ikukundisyon ang mga manok... ;)

sya sige at isip isip din kayo...

jojo60
November 8th, 2005, 05:11 AM
maitaas muna ere at nasa palapag na naman tayo, iaangat ko lang sa 2nd floor....:lol: :rbounce:

joey bravo
November 8th, 2005, 07:43 AM
Mga ka Sandugo,

Sa darating na Enero 2006 ay may CF Global Derby 4 cock, baka gusto nyo mag pooling ng tigiisang manok at ilaban natin dito ata sa Araneta o Las Pinas Coliseum o Makati Coliseum gaganapin.

tinggin ko mas maganda ang pooling para mas masaya.

mayroon akong pinapahandanag manok sa San Gelacio Victoria and meron din isa dito sa Paranaque.

ano larga na ba mga kabahag?:)

alimbuyog
November 8th, 2005, 08:39 AM
ka joey,

mukhang maganda yan ah pero mukhang mabigat mga kalaban dyan . . . . . ano sa tingin nyo mga kabahag? . . . .

goryo888
November 8th, 2005, 09:14 AM
Bakit hinde testingin at ng malaman...isa kay Dingdong, isa kay Blackjack, isa kay ka Joey at isa kay GrandeurO...ang reserba ay sagot na rin ni ka Joey.....oks baga iyon mga kabahag....

naku mukhang masaya yaan pag nagkataon....;)

ano yung may gusto.....taasi ang kamay...

itatanong ko rin sa Kuya ko baka meron siyang pangiliti kahit di pangdiin....baka makakaisa rin sa akin....

chuckeee2
November 8th, 2005, 10:24 AM
Taas ang aking dalwang kamay pati na Paa !

'wag na nating presyohan ang mga manok e barkadahan e. bigyan na laang natin ng pondo para feeds at vitamins.

Utol Blackjack, ihanda mo ang iyong manok na tumalo kay Ka Tuna, request :D

Siya, pag usapan na pagsulsi ng ating mga pisi at laban na tayo sa CF Global. Tamang tama at nariyan na ako sa Pinas at makakapanood ng laban ng mga 'Mangyan Warriors'.

joey bravo
November 8th, 2005, 10:43 AM
sagot ko na lang ang reserve cocks kasi may entry din ako na pledge bilang member ng CF.

para mapanuod ng mga taga ibang bansa na mga kasandugo ay kukunan ko ng video ang laban at i post ko link dito ng mapanuod nyo.


:)

alimbuyog
November 8th, 2005, 10:49 AM
yipppeeeeee . . . . :rbounce:

blackjack
November 8th, 2005, 10:55 AM
maga kabahag
mukhang ang bilis naman ata...baka s joey bravo ay meron pero ako wala n magulang na manok...bukod s broodcocks ay tatatlo ang napalugon k n puro may panalo. eto lang natira s akin tapos napakumpromiso n rin ngayong nov & dec. naka-oo n ako s kaibigan at tiyohing gagamit! ung mga kasamahan n2 ay nauna pang lumuwas s akin dyan s manila

chuck
yung stag n tumalo s manok n ka tuna ay hindi akin yun anak lang yun ng dumalaga n pinalit at pupulutanin sana namin...mga excess pullets k baga ay pnalahi nung nakakuha...

ang sarap sana sumali cguradong masaya yan at grupo talaga ang lalakad....yaan m ka joey kung makapasyal k s bakasyon any pilian n natin tung mga pasunod baka may aari...reserve n natin s darating n lakad ng grupo pero ikaw dapat kasama s selection panel at alam m ang level ng competition n sasabakan natin d k alam kung uubra 2ng padali k

yung lambing n dingdong n isusubok s victoria ay 8 months old lang yun dadalawang beses k p nabitaw tpos dinalawang bitaw p ng mga mangyan n dumalaw....pero testing daw eh d pagbigyan....

alimbuyog
November 8th, 2005, 11:08 AM
ano kayang masasa dito ni DD . . . . asan kaya yun? . . .

blackjack, sarap nga siguro kung matutuloy ito . . . . . kaso nga ala ka pa pwede dyan . . . . . . enero pa naman, baka magagawan pa paraan . . . . .

grandeur0
November 8th, 2005, 11:13 AM
kmusta na mga kabahag pasensya na ngayon lang ako naka bisita,kasi kahapon lang ako naka luwas ng manila kukuha kasi ako ng service record ,at mag rereport na ako sa PTC

DINGDONG,ALIMBUYOG,BLACK JACK,
PASENSYA NA KAYO !!!kasi di ko ma reply ang mga txt nyo nag ka problema ang sim ko na globe nakaka tanggap ako ng txt at nakakatawag pero di ako makapag sent ng message yong mga picture natin noong kitakits diko pa maisend sayo ka dingdong kasi di ako maalam mag lagay sa email address ko wala kasi akong card reader ,basta gawan ko ng paraan na maipadala ko sa inyo hintay ko lang kapatid ko nsa mindoro pa kasi sya ang may alam doon sa computer sa bahay kasi sa kanya yon

tungkol doon sa isang para sa january 4 cock 2006 hindi ko pwedi madisisyonan kung pwedi yong manok ko kasi sa hack fight nga eh tsamba tsamba lang ang panalo namin ,gusto ko sana ibitaw doon sa ipinahahanda ni ka joey sa san gelacio kung papasa sa panlasa ng naghahanda meron ako doon na 3 piraso na pwedi ibitaw yon lang ang pandiin ko mag 2 years sila january pwedi na kaya yon sa 4 cock ,kita nina blackjack at dingdong alimbuyog yong isa na mayahin yong last na ibinitaw yong dalawa di ko dinala noong nag kitaKITZ

MGA kabahag pasensya na kung mapapadalang ang pag bisita ko dine kasi diko nga kabisado yong computer sa bahay nag rent lang ako now,,hanggang sa muli
grandeur0
BLACKJACK,
pre maraming salamat nga pala doon sa sisiw na ibinigay mo sa ngayon bago ako umalis malakas naman kumain binilhan ko nga ng patuka bago ako umalis,

blackjack
November 8th, 2005, 11:41 AM
Un pwede dw ung isa n grandeur... pwede yun mayahin, high station hatch cross s tingin k; anak dw yata ng inahin n galing kay chiongkee uy(ATU) ng davao...maganda ung kay grandeur n un at mataas ang break, maagap p s baba maganda ang nakaw n palo s harap.

bka meron p s ibang katropa na pwede idagdag d2...wla talaga s akin at napakumpromiso na...nakakahiya kung babawiin k p ung binitawan kng salita s mga kaibigan. kung hindi sila tutuloy lumaban pwede siguro...tingnan n lang natin s mga darating n araw...yan kung hindi sila tuloy s laban pero 2loy naman prepare k ng manok...pinurga k n nga d following day nung dumalaw sna alimbuyog, grandeur at dingdong....nsan n nga pala un. dingdong pakita k naman...baba n dyan s inakyatan mong puno!!!!

joey bravo
November 8th, 2005, 11:50 AM
aba ayos naglalabasan na mga manok ng sandugo.

ok lang yun kabahag blackjack, madami pa namang susunod. magagada daw materyales mo na istorya nga sa akin kahapon ni ka DD.

For selection:

3 from Grandeur
reserve from Joey

kabahag chuck, baka meron kang naitatabo sa tabinay ng matuloy na ire.

Ka DD, hugot na yan!

4 cock lang naman ito pangkatuwaan lang.


:)

jojo60
November 8th, 2005, 12:10 PM
sama ako jan ng sampu mga kabahag... makasali lang tayo ay pwede na un,kung baqa'sa mahjong may enrollment fee bago kang matuto ng husto..

BALACKJACK:basta iprepare mo ung mga pwede at baka naman umatras ang mga nasagutan mo eh di pwedeng isama sa SANDUGO ENTRY.

basta handa ang mga nokiz natin mahihirapan cla kailangan na lang ay swerte at kapag un ang kumapit sa atin ay may paglalagyan cla.


cge na para kami naman d2 sa ibang sulok ng mundo ay makita ang mga MANGYAN sa VIDEO.

GOOD LUCK TO EVERYONE!!!!

chuckeee2
November 8th, 2005, 12:24 PM
kabahag Joey,

... kailan ba ereng CF Derby na ere ? Magkano entry fee at minimum bet? At saan gaganapin ? Aabisuhan ko mga barkada sa puerto baka sakali.

Mga kabahag, lahok na !

:D

joey bravo
November 8th, 2005, 12:30 PM
kabahag Chuck, baka last week of January, P7.7 ang pot 5.5k ata ang min bet.

for charity ito kaya ang proceeds ay i dodonate sa charity (hospicio de san jose)

nakapagsabong na tayo nakatulong pa ika nga.:)

chuckeee2
November 8th, 2005, 12:30 PM
.... nakalimutan ko, gaano nga pala ang pot money !:D

ok got it!

goryo888
November 8th, 2005, 12:40 PM
Sige kahit ano mangyari eh larga na yan....o ano mga kabahag...yagyag na sa CF global at ng makahabol ng mga papasko sa makakalaban....nyehehehe!!!

naku ay 7.7 + 22T=29.7T ilan ga tayo na magbabakasbakas dyaan? kaya magkano laang ang tatamaan ng sa bawat isa sa atin....pag sama sama tayo ay katiting laang yan...para bagang tig pipiso laang tayo.

joey bravo
November 8th, 2005, 12:45 PM
gawin nating P 5,000 per share para sa may manok at P 2,500 naman ang 1/2 share para sa walang manok. pwede din maski walang manok ay kumuha ng mahigit isang share para mas malaki ang pondo natin.

sample:

may manok:

1 nok joey P 5000
1 nok chuck P 5,000
1 nok DD P 5,000
1 nok grandeur P 5,000

walang manok

1/2 share black P 2,500
1/2 share alimbuyog P 2,500
1 share jojo P 5,000
1 share goryo P 5,000

TOTAL - P 35,000

Expenses:

POT : P 7,700
1/2 share Van or jeep : P 4,000
pusta for 4 cocks @ 5,500 : P 22,000
gamot/feeds : P 1,300

TOTAL: P 35,000

Medyo kapos pa ata.

pag nag champ/insurance/panalo o tirang pera ay hatiin at ibabalik per share din.

Basta minimum bet tayo pero kung gusto nyo kargahan pusta ng manok nyo eh ok din yun.

roll tayo kung win, balik minumim bet pag nataluhan.


:)

chuckeee2
November 8th, 2005, 12:51 PM
Ok call ako dine sa breakdown ka Joey.

Ipaalam ko rin sa iyo baka merrong kabahag sa puerto'y mag entry rin :D

goryo888
November 8th, 2005, 12:52 PM
Larga ako dyaan!! sige na at ng matuloy na yaan...makakatulong na tayo, makakapagsabong pa. Matalo man ay panalo pa rin dahil tayo namay nakatulong. At kung palarin..... sana namay maambunan natin ang mga Kabahag nating Mangyan.

Ako ay pabor sa iyong tinuran ka Joey..:rbounce:
nagtatatalon na nga ako o..

joey bravo
November 8th, 2005, 01:01 PM
kulang pala ako para naman may mga manok.

ok lang ba na consdered 1.5 share sila sa sharing sa huli para naman mabalik yung cost ng manok nila?

any other suggestion and violent reactions.:lol:

goryo888
November 8th, 2005, 01:05 PM
No Violent reaction....everything is fair and clear..... ;)
kaya nga sabi ko dati eh presyohan na rin yung manok...pero kung sa sharing kukuha derekta ng .5 yung manok eh okay lang.

Pag di makumpleto yaang apat na nokiz na yan.....tanungin ko Kuya ko kung meron syang pangkilitian, baka maaari.

DingDong
November 8th, 2005, 01:10 PM
he he he

aba at ayos na pala ang pulong.

ganire ang akin. ako'y wala katandaang
manok, ang aking panlaban sa dec
ay mga higit 2 taon laang. ere ay kung
makakalusot at hindi grabe ang sugat ay
isasali ko dyaan sa laban na iyan.

5,000 ka kamo ka joey ang patak patak
hi hi hi, kahigpit naman nire, sige at
nang mapag-ipunan. ako'y kung pumusta
ay kabado na sa isang libo, paano ga ere.

larga na yan, kung wala man akong
manok ay sasama na laang ako ng pusta
at taga sahod ni ka goryo sa logrohan.

baka mas maige na padala tayo hanggang
2 manok sa "conditioning area" ni ka joey
at mula sa "pooling" na ito ay pipili tayo
ng panlaban. ang "selection process" ay
depende sa kanilang laro tuwing ibibitaw.
kung sino ang makadadalo tuwing bitaw
ay bibigyan ng "score card" at sa katapusang
bitaw ay susumahin na kung aling manok
ang "consistent" ang magandang laro at
iyon ang ating isasabak sa CF Global Derby.

pwede ga ang aking mungkahi, mga kabahag?


:rbounce:

goryo888
November 8th, 2005, 01:30 PM
Teka teka....yuon bagang mga manok na maiisali kung sakali ay saan igagarahe? Kay ka Joey baga? At sya na rin ang bahala sa pagkondisyon? Tapos dapat may dalawang palabis ikanga...at sa anim na yoon pipiliin natin ang maaari? At sila na ring dalawa kung sakali ang reserba? Ganoon ga?
Sige at kahit ano ang mapagkasunduan na makakabuti sa lahat ay ayos sa akin.

Naku ka DD ako'y matuwain laang di rin ako gaano mamusta....ako'y makapanood eh ayos na, pero noong sumasahod pa sa magulang eh naku araw araw nasa sabungan kahit kinabukasan ay Final exam, sa Sabungan na rin naga REVIEW ng konti....ati nakatapos din....:D

joey bravo
November 8th, 2005, 01:43 PM
ka goryo,

ang mga manok kung saka sakaling matutuloy ay sa San Gelacio Victoria i kukundisyun ng aking kababata na c raul.

ipapadala ko na din yung mga manok ko na para pang CF para sabay na lang sila ikundisyun dyan at ng nakikita nyo na rin at mabisita ang mga manok sa pasko a bagong taon.

bale 2 entry ang ihahanda at ang mga manok na yaan ay dadalhin dito the day b4 the fight.

pakisilip na rin yung mga manok ko kasi laging sa province ni kumander ako nag x' mas at new year eh.:teeth:

alimbuyog
November 8th, 2005, 01:48 PM
kabilis ng usapan dine ah, kumain laang ako eh ganire na agad . . . .

ka joey,

hige lang . . . . . dito pala sa atin ikokondisyon mga manok . . . . ayos, makakasilip kami . . . .

jojo60
November 8th, 2005, 02:18 PM
ala cge larga na iyan...ito lang ang aking suggestion: kung sino ang kikilos sa hilung araw ng bitaw ay iyon ang ilaban.magbigay kayo ng deadline at para mapadala na namin iyong kabahagi namin.

BLACKJACK;sa iyo ko na lang ipadadala iyong pera at pm mo sa akin iyong address mo jan sa NAUJAN..

:rbounce: :rbounce:

alimbuyog
November 8th, 2005, 03:15 PM
at baka makadayo pa kami ng bitaw ni grandeur, tingnan namin kung aare . . . . . mga pang-kiliti namin dito, sabi nga ni gori . . . . :D

DingDong
November 8th, 2005, 03:18 PM
he he he kabilis naman pala.
kasundo na agad.


pag andun na mga manok ei
magpapadala kami ng pambitaw
sa mga manok ni ka joey,
sa unang linggo ng disyembre,
apat o lima na over 2 yrs old . kung
lulusot sa bitaw at kilatis ni
ka raul ei di yun ang share ko
na manok.

pero kung ang mapipili ni ka raul
ay yung panlaban ko, he he he
ilalaban ko muna sa dec 26,
bwahahahahaha.

basta okay na yan.

grandeur0
November 8th, 2005, 05:05 PM
ay kabilis nga ng usapan kanikanina lang ay nakabisita ako ngayon ay ang layo na ng usapan,sige at eh precon na lang yong 3 nokis ko bka sakaling mapili basta isa ang pipiliin doon sa 3 ko na nokis pero kung sa oras ng kondisyoning ni ka raul di pumasa ang manok ko ok lang kung pumasa naman ay maganda dahil isa lang para makapusta rin ng maganda ,tuloy ang laban khit wala ako ipapadala ko na lang doon sa pinsan ko ang manok ko kasama sina ka alimbuyog sa unang bitaw
sige hanggang sa muli dito ako sa sm san lazaro

alimbuyog ,kung ano man ang mga bago na mapag usapan txt mo lang ako kasi madalang ako mapabisita dine

DingDong
November 8th, 2005, 07:05 PM
sya sige tuloy na yan.

ka granduer, sa unang linggo ng disyembre
punta kayo ni ka alimbuyog sa victoria
dayo kayo ng bitaw he he he, tingnan natin
kung uubra yung kunyari nating manok
sa mga pandiinan ni ka joey. sana naman
hindi tayo malumpo sa bitaw, he he he.

si ka raul na magdedesisyon kung alin
ang pwede sa ating mga tinale.

nakupo, sayang at wala ako dun. pero
sa x'mas vacation makakadalaw din
ako dun sa san gelacio.

ei wala na akong masabi eh.
hala sige na, basagin na ang alkansya
at bilangin ang laman.


:rbounce:

sonny dela cruz
November 8th, 2005, 09:07 PM
Musta mga Kabahag!

Okey na okey po ako diyan,sabihan ko si utol na magdala rin ng pangbitaw kila ka Raul tutal malapit laang naman sila duon,at kung sakali di mapipili ay 1/2 share po ako,meron kasi akong ipadadala sa canaan galing sa bahay sa marikina baka makapili duon.

Kabahag Dingdong,Blackjack,Alimbuyog ako ay humihingi ng paumanhin at hindi nakasama si utol sa kitakits gawa ng nataon na dumating yung kapatid ni ka rowdell cruz sa bahay at ng sumunod na araw ay wala daw ta tao sa tindahan.Bawi na lang po sa susunod.Ingat po tayo and God bless.

blackjack
November 8th, 2005, 09:54 PM
ano mga kabahag ayos d ba?
sked nyo lang lahat at lagi ako nandyan... kung ano man obligasyonay ok kami ni pinsang jojo
d pa nga tayo buo NAGLALABASAN NA ANG MGA MANOK... kailangan lang lagi ay ung selection....
basta ako aalalay lang sa lakad lagi

dapat nxt week ay naipon n s site ang mga manok kc d basta ung sasalihan natin buti kng vict yan at no pot money, eh kaso MADAMING DAYO DYAN SA SASALIHAN NATIN! lahat ay puro pambato ang isasabak dyan... BUT THEY'D BETTER WATCH OUT 4 D MANGYAN NTRY

cge mga kabahag ABANTE!!! taga malaya din 2 grandeur... mga abante i mean! GF kc n grandeur taga malaya he he he...yun nagpapa-interview s embassy para mkadalaw s italy....

post nyo kng kelan ang sked ng bitaw at makapunta para makatulong....

goryo888
November 8th, 2005, 10:03 PM
Sya ka Blackjack ikaw naman nga ay malapit lapit dyaan kaya bahala ka na rin tumulong tulong kung anuman....

Sabihin lang kung kelan yung sa aming Share kailangan at ng maihanda at mapadala.

Mukhang ayos na ang usapan....sige at ituloy tuloy na yaan...malaman kung ayos ang mga padale ng Mangyan.;)

chuckeee2
November 8th, 2005, 10:37 PM
Tama! kailangan e diyan i kundisyon ang mga panlaban sa oriental para iwas sa pollution. At pag luwas sa maynila e kailangan e first trip yoong kaagahan at hindi gaanong kainitan. At pagkadating sa maynila e painumin agad ng sabaw ng baka at maka recover kaagad. :D

Sabi nga ni kabahag Goryo e kailan ang deadline ng padalahan ng shares at kung saan ! Siya natuloy rin ang kamangyanan. Doon na rin tayo mag grand kitakits :D

joey bravo
November 9th, 2005, 07:52 AM
mga kabahag,

first week of December ang sched nating ng prelimiminary selection na gaganapin sa San Gelacio Victoria. Post ko na lang later ang exact date at time.

aabisuhan ko na ang aking kababata na si raul.

medyo precon nyo ng konte ang mga nokis para pumalo naman ng ayos.

mas mainana na dalhin nyo yung mga basal na hindi bugbog sa bitaw o yung mga winners na hindi masyadong nasugatan.

wag na natin ipasok sa line up yung mga nanalo nyo na manok na nagrabihan ng tama kasi may warshock effect yan.:lol:

blackjack
November 9th, 2005, 08:02 AM
Un kabahag dingdong, grandeur, alimbuyog first week december daw prelim selection....dpat nandun din kayo.

ka joey post m lang exact time and date dadating ako

blackjack
November 9th, 2005, 08:08 AM
ka sonny
pare pwede k b first week december w/ or w/o gamecock dumating k naman para magpangilala na

tapang tamaraw uli sagot ko he he he!

private joke namin n ka sonny ung pakpak...iisa pinagmulan

alimbuyog
November 9th, 2005, 08:10 AM
blackjack, oki, pre-con ko na mga pang-kiliti naming manok dito sa AMUSIN FARM . . . . :D

alimbuyog
November 9th, 2005, 08:41 AM
parating ba si ka sonny? sa december?

goryo888
November 9th, 2005, 08:46 AM
Hala sige ilabas ang mga pangiliting manok nyo.....naku hwag sila sisiguro dyaan sa mga pangiliting yaan at baka sila'y tumirik na laang....

Malapit na ang 1st wk. kaya ihanda handa na yang mga nokiz nyo ha?;)

Sonny buti ka pa kung makakarating, ako'y makikibalita na laang. Basta sa oras ng laban sana matapat na wala akong trabaho...para makatawag ako habang may laban, para na ring nakakapanood ng LIVE....iimaginin na laang.... ;)

sonny dela cruz
November 9th, 2005, 09:15 AM
Musta mga kabahag!Binalak ko po na umuwi pero naunahan ng aking 2 pinsan na gumayak na ang isa kahapon at yung isa ay sa dec.talo po ang inyong lingkod sa bunutan kaya re sked. nalang po ulit gawa ng hindi pwede mag sabay sabay.

Tamang tama lang po siguro ang sked ni Ka joey na first week ng disyembre at ang ating mga tinale ay tapos ng makalugon.Ka blackjack pag ako ay nagbakasyon sana patikimin mo ako ng paborito nating dinuguan,he he he,joke lang po.

alimbuyog
November 9th, 2005, 10:07 AM
ka joey,

nga pala, kung maaari sana eh sabado o linggo nyo i-sched ung preliminary selection/unang bitaw . . . . para ala pasok . . . :D

chuckeee2
November 9th, 2005, 10:12 AM
mga kabahag,

magandang labanan ere sa CF at siguradong makikilala na ang mga mangyan warriors. Kaya't konting gayak na't malapit na ere.

Ka Joey :D

goryo888
November 9th, 2005, 11:21 AM
Nandyaan naman si ka Joey na magiging isang halige na rin ng samahang MANGYAN.....kaya ipalagay ang loob ng mga kabahag....basta gawin ang nararapat, at siguradong magiging maayos ang lahat ano man ang kahantungan ng ating unang sabak.....;)

alimbuyog
November 9th, 2005, 11:25 AM
sige, SULONGGGGG . . . . .

chuckeee2
November 9th, 2005, 11:30 AM
naku! para ko nang nakikinita ang lagapakan ng paluan sa darating na CF Derby :D baka pumalaot na ang dalwang aircraft carrier ni ka Joey. Hindi niya tayo pababayaan mga kabahag. kaya't paghandaan na ere at sabay grand kitakits na sa CF. This is a history to tell for Sanduguan :D

goryo888
November 9th, 2005, 11:42 AM
Ano gang entry name ng grupo?

Magbigay nga kayo...at yuon ang magiging permanenteng entry name natin...pag buong grupo ang lalarga ay ang mapapagkaisahang entry name ang GAGAMITIN. Tapos kung solo solo laang naman eh basta ikabit ang Sandugo....

1. Tribung Sandugo
2. Mangyan Sandugo
3.Sandugo ng Mindoro
4.Sanduguang Mangyan
5.Sandugo.Net
6. kayo naman ang magbigay at ng may mapagpilian

:rbounce:

joey bravo
November 9th, 2005, 11:44 AM
gawing nating Saturday para walang naabala.

aba ayos may entry name na.:)

joey bravo
November 9th, 2005, 11:49 AM
1.8 to 2.4 ang acceptable weight pala sa CF.

Magdala kayo at siguradong mapapabutaw yan sa katimbang kasi itong aking kababatang c raul at bayaw nya na taga customs ay may mga 60 tinale duon.

:)

jojo60
November 9th, 2005, 12:08 PM
GOOD MORNING PO MGA KABAHAG!!!

ayos na ayos na pala ereng mga plataporma ng ating lalahukan..kaming dalawa ni KA GORIO ay dine lang sa isang tabi at kung ano man ang mapagkasunduan ay 'call' kami jan.ayos ba un KA GORIO? O xya purgahin na ang mga warriors natin para magkaalamanan na.. talo o panalo ay masaya eto.. iyan ang nadudulot ng mga NOKIZ sa tao, kahit hindi pa man tayo nagki2ta kita eh parang matagal na tayong magkakaibigan at turi sa isat isa ay kapatid..kelan nga ba itong DERBY ???

ANG SAYA SAYA :rbounce: :rbounce:

chuckeee2
November 9th, 2005, 12:15 PM
utol Jojo,

wag kang mag alala at yaang derby e next year na sa Enero last week at yaan e hindi na aabutin ng dos-mil-nueve siyentos-beinte :D

goryo888
November 9th, 2005, 12:22 PM
Chuck, kailan ga yaang taong 2920....bukas na ga yaan? abay kabilis nga ng panahon....kanina laang ay 2005 bukas pala'y 2920 na?:confused:

Tol Jojo60....tama ka, basta tayo'y nakaantabay laang dine sa tabi tabi... ;)

chuckeee2
November 9th, 2005, 12:30 PM
ka Goryo,

abot pa ang sabong hanggang sa taong yaan, 2920. Pagkatapos niyan e hindi ko na alam kung may sabong pa :teeth: kaya't wag tayong mag aksaya ng panahon baka tayo'y abutan niyan :D

Kitakits na tayo sa CF at maitatag na yaang Sanduguan !

chuckeee2
November 9th, 2005, 12:51 PM
utol Joey,

sa aking pag uwi'y baka may kailangan kang mga vitamins o anuman para sa paghahanda ng mga panlaban sa CF e maaari ko yaang dalhin diyan. Pm mo laang sa akin kung ano kailangan.

DingDong
November 9th, 2005, 01:07 PM
ayan at may parating pa tayo na
imported na gamot galing sa bayan
ni tiyo sam. ka chuck, salamat po.

preng blackjack, sa wari ko'y hindi
ako makakarating sa araw ng unang
bitaw. kauuwi ko laang ei, baka ako'y
garotihin na ni esmi nyaan. iwento nyo
na laang sa amin ang laro sa bitaw.

ka sonny, noong kami'y papunta kina
preng blackjack ei dumaan kami nina
alimbuyog at granduer sa gasic poulty,
naandoon ang iyong utol, usap kami
saglit pero meron nga siyang bisita na
taga bulacan daw. aysus, hindi uli
napasama pero iyon naman ay intindi
ng grupo, kahiya naman iwan ang kanyang
bisita saka marami pa tayong pagkakataon
na maaaring magkitakita. kalaking tao
pala ng iyong utol, ano na nga ngalan
nya, sa kadalianan ay hindi ko na nakuhang
itanong bagamat kami'y nakapagpakilala.

preng joey, ayos ere, malaking karangalan
na ang aming pangkiliti ay makabitaw
ang iyong premyadong mga tinale, hi hi hi.
handai na ang pulutan at inumin at sa
wari ko'y matapos ang bitaw ay may
kaunting inuman at wentuhan yaan.

hala, may ipon na akong 3 piso mula
pa noon lunes, bago magkatapusan
ng enero 2006 ay madami na din ere.



:rbounce:

alimbuyog
November 9th, 2005, 01:10 PM
:D :teeth:

alimbuyog
November 9th, 2005, 01:17 PM
DD,

ang iniisip ko eh baka katulad ni blackjack si ka raul na bihagan ang bitaw, pag natalo mga manok nating dala eh iiwan na . . . . .

buti kung makakaisa areng mga pangiliti natin . . . . :D

DingDong
November 9th, 2005, 01:30 PM
ka alimbuyog,

baken nakangisi ka dyaan?
ayos na ba ang pambitaw
natin? baka iyan ay gawing
"punching bag" laang ng nokiz ni
ka joey ha, kakahiya naman.

"galingi na ng paghahanda
at nang tayo'y di mapahiya
sa piliang itinakda
ng grupong may-akda"

Entry Name: SAMA SANDUGO

ang "SAMA" sa mangyan yata
ay ibig sabihin ay KAIBIGAN

mungkahi ko laang yaan, isip pa
kayo mga kabahag.


:rbounce:

alimbuyog
November 9th, 2005, 01:44 PM
DD,

inaayos pa lang . . . . .

medyo ok na panahon dito, sumisikat na araw, sa gabi na lang umuulan . . . . . pinapadala ko na yung switir natin kay sarhento ng mas maaga para makasabay sa pre-con . . . .

joey bravo
November 9th, 2005, 01:53 PM
Pwede na siguro natin umpisahan ang pa pledge ng shares.

1 share si ako (P 5000)

kanino kaya natin padala ang funds natin?:)


wag na sa akin kasi ako ang in charge ng pahanda ng manok. hehehe

chuckeee2
November 9th, 2005, 01:55 PM
mga kabahag,

diba e kailangang i set na ware ang deadline sa pagkolekta ng mga shares! baka tayo'y magahol e mahirap na. Ere na ang ating pinakahihintay ang CF Derby na lalahukan at sabay narin pag usapan diyan ang pagbuo ng tropang Sanduguan.

Anong say nyo mga kapatid na mangyan ! Ka Joey, you're the man! At yoong mga vit o anumang gagamitin sa pagkondisyon e paki pm na laang sa akin at ako'y namimili na utay utay :D

chuckeee2
November 9th, 2005, 01:59 PM
utol Joey,

sa iyo na padala at kadali dahilang nasa maynila ka. ok ga!

1 share din ako.

joey bravo
November 9th, 2005, 02:02 PM
naku maraming salamat ka chuckee.

may programa na ako at vitamins na pinadala kay raul sa victoria na ganito din ganamit nuong 2004 CF derby na dyan din sa victoria hinanda. baka pag nag dagdag tayo ng vitamins ay sobrang maging 200% healthy nag manok natin.

http://www.sabong.net.ph/gallery/showphoto.php?photo=10498&papass=&sort=1&thecat=998

hayaan mo subukan natin sa susunod na mag laban tayo.
:)

chuckeee2
November 9th, 2005, 02:05 PM
okidoki!

sa iyo na ang padala ng funds ha!

DingDong
November 9th, 2005, 02:11 PM
aba ako'y pasok din ng isang bahagi.

nakupo magkano kaya araw araw
ang king isusubi para makaipon
ng limang libong piso, kadami ga
noon.

ka alimbuyog, yung switir switiran
na na kay sarhento ga ikamo? nakupo
sa itsura pa laang nun siguradong
tres ang aabutin natin doon. ei
mukhang bullstag laang yun ei, hindi
nakatubo ng maganda ang buntot.
hayai, dalhi na rin baka naman tunay
na switir ang garote noon. praktisan
na laang yaan, he he he! pero malay
natin are pala ang garote.


:rbounce:

joey bravo
November 9th, 2005, 02:13 PM
ay wag na sa akin kasi ako din humahawak ng pera ng CF as thier Treasurer.

sino pa ba pwede?:)


1 share (joey) P 5,000
1 share (chuck) P 5,000

larga na dapat maka 35K tayo or more para mag materialize itong plano natin mga kabahag.

DingDong
November 9th, 2005, 02:41 PM
ka joey,

ibilang mo na ako ng isang bahagi
dyaan sa iyong talaan. nabanggit ko
na kanina medyo napalalim lang
ng konti ang pananagalog.

aba ei kanino nga ga natin ilalagak
ang pananalapi?

dapat doon sa mga dolyares ang
kita ei dalawang bahagi, hi hi hi
pwede ga iyon mga kabahag?


:rbounce:

chuckeee2
November 9th, 2005, 02:54 PM
utol DingDong,

e binalikan ko yoong breakdown ni utol Joey tungkol sa funding e hindi ware uubra na dalwang bahagi ang mga dolyares at sosobra ang pondo :D

alimbuyog
November 9th, 2005, 02:57 PM
baka si ka gori, kumuha ng dalawa share . . . :D

chuckeee2
November 9th, 2005, 03:09 PM
naku e malamang! siya pala ang commanding General nireng thread na ere e :D

Siya't punuan na ang kailangan at nang ganahan ang ating handler na si ka Raul.

alimbuyog
November 9th, 2005, 03:34 PM
bat kaya nangangawala mga mangyan? . . . .

malamang nasa kabundukan, abala sa paghuhukay ng kamote at ng maibenta para may pang-share . . . . . :D

KAYOOOODDDDDDD . . . . .

joey bravo
November 9th, 2005, 03:34 PM
1. chuck 1 share = P 5000
2. DingDong 1 share = P 5000
3. joey 1 share = P 5000
4. ka goryo 2 shares = P 10,000
5. alimuyugin 1/2 share = P 2500

total as of Nov. 9 = P 27,500

2 shares ba si ka goryo?

go na talga ito kasi konte na lang diperensya eh.

chuckeee2
November 9th, 2005, 03:55 PM
Aba! kapag pala sabong ang pag huhuntahan e kabilis mamuti ng kwarta :D Ala pang dose oras sinimulan ere ha !

alimbuyog
November 9th, 2005, 03:56 PM
ka joey,

wala pa dyan sa listahan mo sina ka :

1. blackjack
2. grandeur
3. sonny
4. jojo
5. si manokiz kaya? sasali?

chuckeee2
November 9th, 2005, 04:04 PM
aba'y oo nga ano! meroon pa palang limang mangyan nahuhuli sa balita. Kapag ganyan kabilis e baka uubra nating ituloy sa Roligon ang grand kitakits at ala nang tulugan :D mas masaya!

1 share ako para sa Roligon :D

alimbuyog
November 9th, 2005, 04:14 PM
sir chuck,

dalawahin mo na! . . . .

ano yung "ala ng tulungan"? . . . .

ala bang tulugan ibig mong sabihin?:D

chuckeee2
November 9th, 2005, 04:18 PM
aruyyy! tulugan nga pala ! kung itutuloy natin sa Roiligon baka sumobra e...ang pondo :D

bahala na pagdating ko diyan....jan 4 nariyan na ako sa Pinas.

DingDong
November 9th, 2005, 05:57 PM
mas malaki ang pondo
ei di mas maganda para
naman hindi gasino malalim
ang logro natin.

wawa naman manok natin
kung lagi na laang tres


:rbounce:

sonny dela cruz
November 9th, 2005, 09:16 PM
Naaamoy ko na ang matagal nang hinihintay ng grupo.Malaman na lang po kung hanggang kailan pwede ipapadala ang aking isang share wala pa po kasi sa bulsa ie,pero nag susubi na simula ng magparamdam si Ka joey.

Ka dingdong yun po ang kapatid ni rowdell kruz na kabigan po dito sa net na biglaang dumating at me papasyalan sa pinamalayan.Tawag ke utol diyan ay Sam dela cruz.

Katakot pala magbutaw ka joey kila ka raul ang matalo ay bihag he he he.

Kung ano man po mapagkasunduan na pangalan entry okey po ako.Inga po tayo lagi and God bless.

goryo888
November 9th, 2005, 11:32 PM
Ka Joey...pwede ga kumambyo ng konti? 1.5 share sa akin...may mga nasa huli pa....yung .5 ko ei pang gasolina dine baka di umabot yung laman ng tangke papuntang Kabundukan para makapagbungkal ng Kamote....naku ay baka hinde kumain ang mangyan...:D

goryo888
November 9th, 2005, 11:50 PM
Eto ang alam ko sa listahan eh:

1. Ka Joey (1 share)
2. Ka Chuck (1 share)
3. Ka DD (1 share)
4. Ka Alimbuyog (.5)? baka 1 share na rin yan
5. Ka Blackjack (.5) ? baka 1 share na rin yan
6. Ka Jojo60 (1 share)
7.Ka GrandeurO (1)
8.Ka Goryo (1.5)
9.Ka Sonny (1)
10. Manokiz ?

o sa siyam pa laang eh...42.5K na...kaya larga na yan.


Dingdong....sayo na kaya ang pondo ipadala.

chuckeee2
November 10th, 2005, 12:04 AM
utol Goryo,

kahusay mo pala sa aretmetik! pa pinas ka baga? kailan?siya, naka entry na pala ang kamangyanan :D tuloy ang ligaya sa CF Derby!

goryo888
November 10th, 2005, 12:34 AM
Kuya Chuck....uuwi balak pa laang baka Sept o Oct next year. Pero di pa sigurado dami pa ako intindihin dine.

Sige at magpakasaya kayo pag uwi nyo....sana nga ay palarin ang ating mga Pangiliting tinale....;)

Naku....sa KWENTABEHO laang naman ako magaling....

blackjack
November 10th, 2005, 04:18 AM
kabahag goryo

galing mo talaka s matik-matik.....nagpapahuli tlaga ako at sana'y gusto k sana makita at makilatis mga manok bago mag-pledge...d kc ako napusta s manok n d k kita ang palo dun lang siempre s kabisado m ang gawa.....pero ok n rin ung computation m larga na!

goryo888
November 10th, 2005, 06:34 AM
Ka aga mo gang magising Ka Blackjack....tama ka dapat eh makita muna sa bitaw...eh ang sa akin naman ei katuwaan laang...hindi naman siguro aabot sa CF ang manok na iEENTRY natin kung walang kalidad....kaya nga masusi nyong piliin ang maaari para naman hindi mapahiya ang Kamangyanan.

Kaya nga dapat nandoon ka rin sa unang bitawan.......

Sino sino ga ang magdadala kina ka Raul ng mga tetestingin?
Hala sige at i precon nyo laang yang mga nokiz nyo na ibibitaw para makitaan ng mga pangiliting garute...;)

jojo60
November 10th, 2005, 07:33 AM
1 share ang sa akin. magccmula na akong basagin ang aking baol at para maibalot na ang mga pennies and nickels at maipalit na sa bangko.:lol:

BLACKJACK pm mo sa akin ung landline,cp#, at ung address mo jan sa NAUJAN.ingatz mga kabahag.

platinum
November 10th, 2005, 07:48 AM
Preng Jojo, eto na add nya...baka nasa manukan pa yon...
Poblacion1 Naujan, Or. Mindoro 5204. Kahit Naujan, Or. Midoro lang eh matatanggap na siguro nya yun...

;)

Manokiz
November 10th, 2005, 08:27 AM
gandang tanghalian po,,, mga kabahag,,,

musta na kaung lahat,,, sensya na kau't ngayon laang si ako,,, puede ko laang mai-sali ay ung pang 1 cock ulotan,,,

mga bata itong pan-sali ko,,, at may chansang maka-pili ng katapat,,,

sa ulotan,,, kumbaga,,, kung ala kapares,,, ako ay u-uwi ng di napapa-laban ang manok,,, kesa umuwi ng olatz,,, :D

sa lahat ng may entry,,, gud luck po sa inyong lahat,,, :)

blackjack
November 10th, 2005, 09:31 AM
salamat platinum

ka goryo
talagang balak k puntahan ung unang selection para mkita kung itutuloy o hindi ang mga manok.... pipilian natin ang mga nokis dun at tsaka magdesisyon....pano tayo sasali kng d ari ang mga manok; alangan naman pabogbog lang tayo dun dpat mga panggulat mga dalhin natin....

pinsang jojo
naipm k na s iyo ung details. sna padala k ng sample pullet m ung maganda station baka abot p s breeding season w/c starts now. magdadala ako ng pangbitaw dun kna joey bravo 1st week of dec s san gelacio, victoria....

chuckeee2
November 10th, 2005, 09:49 AM
Siya, manok na laang ang kulang! sana naman e maganda ang mga ilalaro't tuloy na tuloy na ere! :D

platinum
November 10th, 2005, 09:49 AM
Walang problema yun....si Ka Goryo kasi ay di pa makabunot...kaya ako ang napag utusan.;)

goryo888
November 10th, 2005, 09:56 AM
Dito na ako...medyo may inasikaso laang...nagaluto ng KALDERETANG MHEEE, kain muna tayo mga kabahag...bukas eh trabaho na naman ang mangyan....

Kaya ngayon eh manok na laang ang hihintayin natin...madali na ang pera......

Platinum salamat...

blackjack
November 10th, 2005, 10:21 AM
chuckee, goryo, pinsang jojo
manok nga talaga ang problema...wla naman akong stock d2 kc d ako nagvolume lasy yr tiningnan k muna 2ng mga pasisiw k. ngayon pwede n maibutaw at balak k dalhin kna joey bravo para makita ang kilatis pero tingin k naman ayos ang mga ito, maganda ang ibo at malulutong ang palo.... kailangan tingnan muna s quality na kabutaw n d nila kalahi, i.e. manok ng ibang farm.

kng maayos naman ang ibo ng mga ito ay d 1st priority ang grupo s pagkuha dto kng gus2....these are F1 progenies of the brudstock sent from L.A. crossed w/ my old proven hens and also pullets from L.A. nasubukan k mga nauna d2...ok naman won 4 out of 5 s possum-dink cross last march-april. my halo na blacks 2ng mga kasunod pero meron dins straight sweaters at sweaterRHs. will spar fifteen of these s dec kna Joey Bravo....he he he...sana nand2 kayo

mariorefer39
November 10th, 2005, 10:43 AM
find some new tips in breeding/conditioning at www.pitfowl.com, or www.pitfowl.net
hope it can help some cockers/breeders, I'm not the owner or related to this site...just found some helpful tips that may benefit others.

goryo888
November 10th, 2005, 10:51 AM
Madami na rin ya ah...15 pang butaw.....aba ay talagang magkakaige ng husto yaan...sarap sana manood....

sige basta balitaan na laang kami....

chuckeee2
November 10th, 2005, 10:56 AM
ayan na! meroon nang nagmamalasakit sa atin sa pagkokundisyon :D talagang tuloy na ere mga kabahag!

utol blackjack, ang lalahukan ware natin e cock kailangan e medyo lagitik na ang mga hagupit hindi uubra dine ang stag maliban na laang kung mga nasa 1 year and a half na ubra ng isabak yaan sa cock at depende rin sa pagpapalaki. wag tayong mabahala't nariyan si utol Joey, siya ang ating timon :D

goryo888
November 10th, 2005, 11:26 AM
Ka Chuck, yung kay Blackjack eh, para laang makita ang laro...mga bata pa nga iyon, meron sana sya kaso nakakumpurmiso na sa iba...syempre nauna yoon...

Doon naman sa ibubutaw eh, sa mga darating na panahon at mangangailangan tayo, eh tayo unang makakagamit ng mga iyon....;)

blackjack
November 10th, 2005, 12:22 PM
ka goryo
yun kuha m agad ang ibig k sabihin... s darating p na panahon ung mga stag magagamit kung papasa kna joey bravo ang palo...testingin p ni pinsang jojo 2 s feb maglalaban daw ng iilan pagdating nya!!!

meron ako tatlong pirasong napalugon pero nakakumpromiso n 2 at tingin k 2loy ang lakad ng manong lito gaud, pinsan ng tatay....kausap k kanina un bumibili n ng supplements n kailangan k kaya d natin 2 magamit ang batch n ito at nauna 2ng magsabi s akin at napaoohan k na!

marami pa naman pagkakataong magsasama tayo kaya paghandaan rin nating mabuti....pangalan ng kadugo 2ng dala natin!!!

goryo888
November 10th, 2005, 12:27 PM
Sya mga kabahag dyaan muna kayo't ako'y matutulog na muna...maaga pa ako bukas trabaho na naman....

Ka Blackjack sa malamang ay pumasa yaang mga yaan sa panlasa ni Ka Joey.....

grandeur0
November 10th, 2005, 01:50 PM
5,000 ang isang share parang ang bigat sa akin ah baka pwedi naman maka hirit na kung sakali na mapili ang isang manok ko ay .5 share na laang ako pero kung hindi mapili ay 5,000 na rin ako kasi ang hirap talaga ng buhay ngayon dine sa pinas sa lahat ng uwi ko ay ngayon ko lang naramdaman are,

ka joey marami naman palang mabibitawan doon 60pcs ikamo eh di kung di mapili yong aming mga dala ay pwedi ga na doon na lang kmi pumili para matuloy itong ating mga plano

grandeur
new cell#+639196175079

jojo60
November 10th, 2005, 02:13 PM
BLACKJACK: i just read your pm thanks Nsan.ano gang best time tumawag jan sa landline mo? gusto ko rin makausap ni ERMAT si TIO MELONG at para naman makapaghuntahan cla.tamang tama iyang mga tinali mo jan pagdating ko masusubukan natin cla.i dont know kung makakapagpadala ako ng pullets ngayon ksi ung magaganda ay naglulugon pa? medyo late cla naglugon nitong taon na ito.dont worry i decided already na jan na sa iyo mamamalagi ang mga ito.ako na ang bahala sa improvements ng ating paglalagyan sa kanila.

KA GORYO: kabigat pala ng pennies at nickels at mahirap magbalot at ipalit sa bangko.Hehehehe...

GOOD LUCK SA INYONG LAHAT AT HUSAYAN ANG PAGPILI!!!!

teodychongco
November 10th, 2005, 02:28 PM
aba'y sali ako dyan mukhang nkalimutan nyo na ang taga jeddah manyapat medyo madalang makasilip dini hehe! nagsisipsip kc sa work para payagang makapagpasko dyan sa atin! isang share ako kanino ba ipapadala yong pondo!pakitext na lang sa roaming ko 09213946456
salamat mga kasandugo sana nga ay swrtehin. at pagpalain ni san pedro ang mga manok na pansabong.
teody ng jeddah

jojo60
November 10th, 2005, 03:08 PM
ayan maypahabol pa si KA TEODY... baka mapasali na tayo niyan sa WSC 2006...Hehehehe.

salamat nga pala KA PLATINUM...:lol: :rbounce:

DingDong
November 10th, 2005, 07:09 PM
nakupo, mamaghapon laang ako hindi
nakasilip dine ei pagkahaba na agad nire.
nadagdagan na agad ng isang dahon ere.

teka tulog pa yata ang ating magaling sa
aritmetik. may pahabol si ka teody.

bakit kaya walang pleds si manokiz? preng
manny sali na dine!

ang aming pangkiliti na dadalhin ay baka
lima laang, sa tingin ko ere laang ang
aare sa mga manok ni ka joey eh.

paano nga ga iipunin ang pananalapi na
iyan?

danga't ako'y naipresinta ni ka goryo na
tumangan ng kwarta ei pag iisipan ko. kahirap
ga nireng wala namang bumoto na ako
muna ang pansamantagal este pansamantalang
taga tangan ng kwalta. kung are sana si ka
joey ei mas magaling. kaya laang ei naunahan
na tayo ng pagtanggi nya dahil baga'y sya
yata ang may tangan ng pananalapi ng CF.

hala sige ipuni na yaan.


:rbounce:

sonny dela cruz
November 10th, 2005, 08:32 PM
Musta mga kabahag?Maraming salamat boss platinum.Sa suhestiyon na si kabahag na dingdong ang hahawak sa ating budget kung hindi pupuwede si kabahag na joey.

Ingat po tayo lagi at naway pagpalain ng nasa itaas.

goryo888
November 10th, 2005, 10:04 PM
Teody...sensya na....o ayan may mga humahabol pa....
mga kabahag mukhang madadagdagan ang listahan ng mga may SHARES....sige yung mga Mangyan na hahabol palista na!!

Nood kayo ng Sabong Live...fyt 26 na...ang linaw dine sa akin...

jojo60
November 11th, 2005, 12:47 AM
KA GORIO: anong site ang pinapanood mo? yan ba ay pinoy-sabong.com

BLACKJACK: i just read ur response,thanx PARDS.bili lang ako ng phonecard para makapaghuntahan tayo. naubos ko na doon sa tinata...... ko jan.(alam mo naman binata si ako ngaun)


INGATZ LANG LAGI MGAKABAHAG:rbounce: :rbounce:

jojo60
November 11th, 2005, 01:06 AM
BY THE WAY MGA KABAHAG, MALAPIT NA TAYO MAPUNTA SA HOT TOPICS...... RATRATIN NA NATIN ERE...:zippo: :zippo:

sonny dela cruz
November 11th, 2005, 05:57 AM
Umpisahan ko na kabahg na Jojo ng mapunta na sa hot topic.

goryo888
November 11th, 2005, 07:07 AM
Pag ganyan ng ganyan kainit ang mga mangyan malamang malayo ang mararating ng ating samahan...Eto laang naman ang importante.....

TIWALA sa isa't isa.....kailangan ang bawat mangyan na kasali dito sa ating grupo ay marunong magpahalaga sa bawat SALITANG bibitawan....at huwag na huwag sisirain ang TIWALA ng mga KABAHAG....kapag yang bagay na yan ay napanatili natin sa ating SAMAHAN....di malayong ito'y maging isang SOLIDONG grupo na kayang tumapat sa kahit na SINO.
At ang huwag nating kakalimutan kung saka sakali na tayo'y UMANI ng TAGUMPAY ay ang TUMULONG sa mga nangangailangan, lalung lalo na ang mga kabahag nating MANGYAN na nasa KABUNDUKAN.....

goryo888
November 11th, 2005, 09:08 AM
Sa 42.5K na kwenta ko dati eh...idagdag natin si kabahag na Teodie ng Jeddah...kaya 47.5K na....

o baka may maliligaw pang mangyan dyaan...magpalista na...;)

chuckeee2
November 11th, 2005, 10:55 AM
siya mga kabahag,

talagang tuloy na yaan. ala munang barik ha! concentrate laang sa CF Derby :D

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/a6b8698a.gif

chuckeee2
November 11th, 2005, 12:38 PM
mga kabahag,

yoong ating mga pledges e gawin na rin nating isang panunumpa bilang isang tribu ng Sanduguan :D at huag ng pahinugin yaan sa puno at baka maunahan tayo ng mga kabag.

Saan bang petsa ang deadline ng padalahan? kailangan ere at para mapaghandaan ng mga kabahag nang husto. ang importante'y kung kanino baga talaga, ang address, real name, at baka kayo'y hingan ng ID ng delivery man.

siya, patungong CF na laang muna ang istoryahan at naamoy na ang simoy :D

chuckeee2
November 11th, 2005, 12:47 PM
utol Joey,

kami'y pa Calapan sa mga unang araw ng pangalawang linggo ng Enero at baka ako'y may bitbit ng dalawang sasabungin at ibagsak ko diyan sa training grounds ng Sanduguan for screening at baka uubra. I'll ask for the address later on.

joey bravo
November 11th, 2005, 01:31 PM
kabahag chuck,

pag may line up na tayo na nokis, pwede na siguro umpisahan ang pag deposito ng pledges sa account ni kasamang Dingdong.

ano sa tinggin nyo.

aba ayos yan kabahag chuck, pwede natin subukin baka mas mainan pumalo eh pwede natin ipasok yaan.:)

joey bravo
November 11th, 2005, 01:36 PM
teka pala mga kabahag, hndi natin naisara yung panawagan ni igan grandeur na .5 share lang sya pag mayroon napili na manok nya.


:)

goryo888
November 11th, 2005, 10:11 PM
Ka Joey...madali na ang magpadala ng pera...basta ang isigurado na laang ay yung mga NOKIZ nating pangiliti....
Bale ang mangyayari eh ganito.....magdadala ng mga nokiz ang mga kabahag natin kay Ka Raul sa itatakdang petsa....at sa mga ibibitaw na mga Nokiz ay pipili ng ilan na Maaari...tapos iiwan na doon, mga ilang manok ang iiwan kay ka Raul? Mga walo? at bahala na si Ka Raul, tapos ibibitaw uli at gra graduhan kung alin ang Umaasenso pa...hanggang sa mafinale kung alin sa walo ang isasabak....tapos Ratratan na sa CF!!!!

Ka Joey oks lang yung kay igan Grandeur...si Teodie ay may pahabol na 1 share rin...kaya lumalabas sa kwenta ko kahit si GrandeurO ay .5 na lang eh 45K pa rin ang malilikom na pera....at baka may mga humabol pa dyan.....;)

Basta ipost nyo laang dito kung kailan ang punta kay Ka Raul para isang lakaran na laang at ng makita ng bawat isa na may dala ng Manok kung alin nga ang uuwi at maiiwan......malamang tutuwa tuwa yung UUWINgG nokis..nakalibre daw siya sa Bugbugan:D

jojo60
November 12th, 2005, 03:00 AM
KA GORIO: thanks so much sa pag pm mo sa akin.appreciate it so much,thanks again.

mga KABAHAG: after dis reply all we need is 34 replies to go para makapunta na sa HOT TOPICS. ano pa ang hinihintay,RATRATIN NA...hehehe

BLACKJACK: i just replied to ur wife re-her e-mail.musta ka na baga..

imanicure at ipedicure na ninyo ang mga sundalo natin, at kung hindi man mapili at least gwaping ang dating nila.


TAKE CARE GUYS!!!!!!!!!!

goryo888
November 12th, 2005, 03:25 AM
Ala yun kabahag na Jojo....... sige at dagdagan natin ito....

natutulog pa yung mga kabahag natin.....Gandang araw sa inyong lahatSANDUGO!!!

jojo60
November 12th, 2005, 03:30 AM
pards saan ba yang SUNNYVALE? malimit ksi ako ipadala 4 seminars. baka napuntahan ko na iyan ay hindi ko lang maalaala. u never know someday mapasyalan kta jan>>

goryo888
November 12th, 2005, 03:34 AM
NorCal, to igan...magkakatabi sila ng Sta Clara, San Jose, Mountainview, Cupertino, Los Altos, Sta Clara County to.

Sige kapag ikaw ay napaligaw dine eh nandine laang ako...hinde naman ako layas kaya malamang kung wala sa Bahay nasa Trabaho...;)

jojo60
November 12th, 2005, 03:39 AM
I was there last month in san jose. i took the REAL ESTATE EXAM ksi walang available dine sa LA,SAN DIEGO,ANAHEIM.SAN BERNARDINO.kaya jan kami napadpad ng aking sister at pamangkin ko .it's a nice place and its only 6hrs of driving.i'm just w8tng 4 my license at kapag nakuha ko na ay magpapaalam na ako sa work ko sa post office.

goryo888
November 12th, 2005, 03:43 AM
San Jose is just 15 mins or less drive from my place....
Good Luck Mr. Realtor!!!

jojo60
November 12th, 2005, 03:46 AM
hopefully nga pards.. i should have done this 3 yrs ago.. talk 2 u l8r at makapanood muna ng WOWOWEEE. bihira lang ksi maka experience ng long weekend.Hehehe

ingatz lang parati kapatid.

chuckeee2
November 12th, 2005, 04:20 AM
utol Joey at mga kabahag,

oo nga pala yoong mungkahi ni kabahag grandeur na .5 share laang kung meroong mapiling manok sa mga kabahag! Ang ibig bagang sabihin nire e .... 1 manok + .5 = 1 share. Ok rin ere kaya laang e lumalabas na pinapresyohan ang manok at baka maapektohan ang mga expenses for preparations, etc. Anong mga say ninyo mga kabahag?

goryo888
November 12th, 2005, 04:45 AM
Ka Chuck...Hinde naman siguro...kumbaga eh, binigyan laang yung manok ng ganang kanya....
Kasi ang mangyayari...yuong sa kwenta ko na una...sigurado na yung pera na malilikom ay hihigit sa kailangan nating 35K. Bale sa huling kwentada eh 45K na...yun ay kung si GrandeurO eh .5 share na laang kung makukuha ang manok niya. Yung iba katulad nina Ka Joey ay 1 share na talaga yuon..tapos kung makukuha pa ang manok niya eh magiging 1.5 na ang share niya....kaya sa paghahatian meron siyang 1.5 share...

May breakdown si Ka Joey ng magiging Gastos....sa mga unang posting....

chuckeee2
November 12th, 2005, 06:03 AM
utol Goryo,

sa madaling salita'y kung makuha ang iyong manok halimbawa'y, .5 share ka na kaagad kahit ala ka nang lapag na cash share! Baka sa mga darating na panahon e lahat na nang miembro e gustong makapagpasok ng manok at baka ere'y maging pagtatalo talo pa nang asosasyon e lalong hindi mabuo ang tropa. Bakit hindi na laang gawing boluntaryo na laang ang manok para sa tropa para alang hinanakitan na kung bakit si ganire at si ganoon! Sabaga'y e ako'y darating rin sa ganiyan kapag nakapag umpisa na akong mag mass production. Pero sa pakiware ko'y hindi ayos ... may intrigahan diyan. Mas ayos kung... " mga kabahag, merron akong 4 na panlaban e kulang ang aking budget, ph 3,000 laang bahala na tayong punuan ere "

Pero kung ano ang mapagkasunduan e ok na rin sa akin. Ang mahalaga'y mabuo natin ang tropang Sanduguan. :D

grandeur0
November 12th, 2005, 06:04 AM
mga kabahag pasensya na medyo gipit lang talaga untill january 17 pa kasi ako dine sa pinas kaya alam ko na kakapusin talaga ako sa budget

chuckeee2
November 12th, 2005, 06:10 AM
utol grandeur,

mabuti at nariyan ka. Hindi namin makuha yoong mugkahi mong .5 share kung ang iyong manok e ma select, at kung hindi e 1 share ka. :D

jojo60
November 12th, 2005, 08:48 AM
MAGANDANG UMAGA SA LAHAT!!!! BANGON NA AT PAKAININ NA ANG MGA SUNDALO:rbounce:

BLACKJACK:Nsan na e-mail ko na si MARIFE.

grandeur0
November 12th, 2005, 11:39 AM
ganon din lang ang share ko kung mapili ang manok ko .5 lang din ang share medyo gipit lang talaga marami kasi akong ipinagawa ang mahal na ng mga materyales diko naman pina presyohan ang manok ko pero naiisip ko nga na posibleng ganon ang maiisip nyo dahil sa pag ka post ko, ipagpaumanhin nyo, pero syempre didilihensya din ako ng pampusta
para madag dagan naman yong pampusta ko sa entry natin ,hanggang sa muli ,grandeur

goryo888
November 12th, 2005, 12:55 PM
Okay...sige nakuha ko rin ang punto ni Tol Chuck....kaya para sa lahat kayo ang magdesisyon kung ang manok baga ay kukuha pa ng .5 share sa huli? Parang mas maganda talaga siguro kung boluntaryo nating iaambag sa Grupo ang ating manokis...na wala ng ikukuhang share sa huli.....tutal una pa laang namang subok natin ito....kumbaga eh....testing testing....

o ano mga kabahag, pasok, para sa inyong suhestyon....

pero mayroon pa rin akong isang ideya/suhestyon...pero sa huli na laang muna...kung hinde yaan uubra....

DingDong
November 12th, 2005, 02:42 PM
ganire naman ang sa akin mga kabahag.

mas maige kung wala ng share kung mapili
ang iyong manok. kung 0.5 ka , ganun laang
ang suma sa hatian.

ang aking manok kung mapipili ay ganun
pa din ang aking share. ibabahagi laang
ang aking manok particular sa laban na
iyon. kung ipag adyang manalo, he he he
syempre babalik sya sa likod bahay namin.

kung baga ay pagamit laang sa SANDUGO
ang ating mga tinale. mas simpleng
pamamaraan ito para sa ating unang
silbato.


:rbounce:

grandeur0
November 12th, 2005, 03:02 PM
syempre naman babalik sana nga lang makabalik ng hindi gaano maraming sugat ,masaya na ako pag natuloy yang mga plano natin na yan,khit di mapili ang manok ko manonood ako nyan cgurado

jojo60
November 12th, 2005, 03:30 PM
Basta ang aking bahagi kapag nanalo ay iaalay ko na sa mga batang MANGYAN na nangangailangan ng tulong..ang aking paniniwala kaya itinatag ang samahan ay para may maidulot na tulong sa ating mga KASANDUGO at para magkakakilalanan ng husto at muling itaguyod ang ating lupang pinanggalingan.

hala ratratin na ninyo ang inyong mga keyboard para abutin na natin ang isang libo (HOT TOPICS)....

IYAN LANG PO AT MABUHAY ANG MGA MANGYAN!!! :rbounce: :rbounce:

chuckeee2
November 12th, 2005, 05:02 PM
... ayan mga kabahag, meroon nang mungkahi si ka jojo para sa ating magandang intensiyon. ako naman e kung sakaling manalo mapa champion o anumang kabigin sa laban e 30% e mapupunta sa mga kabahag nating mangyan laong lalo na ang mga istudyante. Yaan e kahit balik share e aawasan na rin.

siya, mga kabahag, ilang porsiyento kayo! meroon pa bagang ibang suhestiyon diyan?

DingDong
November 12th, 2005, 05:14 PM
o ayan kaige na tayo.

kung anuman ang kapasyahan ng
pangkat sali ako dyaan.

dapat may maitala na tayong
benepisaryo ng kung anuman
ang kayang ibigay ng pangkat.

hala sige hanap na!


:rbounce:

chuckeee2
November 12th, 2005, 05:25 PM
mga kabahag,

meroong isang problema! kung sakaling tayo'y matalo, e di ala nang para sa mga kabahag na mangyan! ganire na laang at mas mainam: kung sakaling ang total na gastusin e ph 37,000, kuhanin ang % niyan sa mapagkakasunduan ng tropa kung ilang porsiyento't i raise natin yaan by number of members involved divided-by at i set aside na kaagad para sa ganoon e paniguradong ' nakapagsabong na, nakatulong pa '. Tayo'y mag oopen ng bank account for charity purposes only at ere'y nakalaan kung kailan i distribute maybe Pamasko nila.

Anong masasabi ninyo mga kabahag! :D

DingDong
November 12th, 2005, 05:55 PM
ka chuck,

pagka gay-an ay intayin natin ang
opinyon ng iba. maige na yung
kapasyahan ng nakararami di ga?

mga kabahag, imik kayo riyan!


:rbounce:

DingDong
November 12th, 2005, 06:30 PM
pagkatapos nire'y dalawanput dalawa na laang
at tayo'y andun na sa taas ei.

tulungi naman ako dine?

:rbounce:

DingDong
November 12th, 2005, 06:38 PM
tyatyagain ko na ire, mukhang tulog na
mga kabahag ko.

babanatan ko na.

bente na laan ire.

:rbounce:

DingDong
November 12th, 2005, 06:51 PM
ala ei gutom na ako mga kabahag
hindi ko na kaya ire.

makauwi muna, malamang pagpasok
ko sa lunes ire'y nasa itaas na at nasa
mainit na sisidlan.

ingat tayong lahat mga kabahag!

:rbounce:

DingDong
November 12th, 2005, 07:05 PM
teka teka teka

mukhang may mali yata

susme gutom na nga ako.
hindi pala dalawanput dalawa
at bente.

sus, dose at dyes pala.

ngayon siyam na laang
at pasok na tayo.

kayo na bahala sa nueve ha!

:rbounce:

goryo888
November 12th, 2005, 09:14 PM
Ako'y kagigising laang at si DD pala,y nakarami na....sige dagdagan ko pa...

Kailangan talaga magbukas ng Bank Account .....para sa magiging pera ng samahan na itutulong sa ating hindi gaanong pinalad na mga kababayan at kabahag....
at kung saka sakali madekwat natin ang Korona...hala sige ibalik laang ang puhunan at...35% sa mga mangyan....35% para naman sa mga taga lugar ko...at syempre 30% para sa susunod na lakad ng Tropa ay hindi na ako maghahagilap ng pang ambag......;)

Magbubukas tayo ng Account kung may pamunuan na....ang ilalagay sa account ay ang pangalan ng grupo...na kung pwede ay tatlong Pirma ang kailangan bago maglabas ng pera....Halimbawa..Presidente, Treasurer at Auditor....
kailangan kung talagang pang kawang gawa ang ating samahan ay REHISTRO sa SEC......;)

chuckeee2
November 12th, 2005, 10:48 PM
utol Goryo,

aba'y kagandahan yaan irehistro sa sec. At darating ang panahon e ubra na tayong magpa derby sa oriental bayan-bayan for charity gaya nang ibang asosasyon.....MWSD naman ang ating version, MANGYAN WORLD SLASHER DERBY :D At bawa't champion ng bayan at kasama na ang 2nd and 3rd placers ay qualify na sa MWSD Grand Championship na gaganapin sa kapitolyo ng Oriental sa Calapan sa mapagkakaisahang petsa.

chuckeee2
November 12th, 2005, 11:24 PM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/3ac5fb6f.gif

jojo60
November 13th, 2005, 04:49 AM
MAGANDANG ARAW SA INYONG LAHAT!!!!

Sangayon ako sa inyong mga alintuntunin para sa ating mga kapatid..KA CHUCKEE at KA GORIO ayos iyang mga suhestiyon ninyo at para maayos lahat ang mga bagay-bagay kung baga ay ang lahat ay nasa black and white na papeles.. sya mag appoint na ng mga tiga jan sa atin namamalagi at kami naman d2 ay 100% support sa ano man ang mapagkasunduan..

RARATIN ULIT ANG KEYBOARD PARA MAABOT NA ANG 'HOT TOPICS'.
ilan pa baga'...


ingatz sa lahat!!!!:)

goryo888
November 13th, 2005, 07:24 AM
Basta ang pakiramdaman ay itong binabalak natin sa CF....kumbaga eh ito yung unang hakbang para malaman natin kung pwede baga tayong MAGKASAMA SAMA sa isang layunin....

dito malalaman kung may dahilan bagang buuin itong ating binabalak na SANDUGUAN, at pumalaot na hinde mag aalala na tataob, dahil kulang kulang ang bahagi ng BANGKANG ating kunalululanan.... ;)

goryo888
November 13th, 2005, 09:06 AM
Ako na mag iimbita sa inyo mga kabahag....sa Lunes & PM oras dyaan sa atin sa Pilipinas nood kayo Sabong Live sa Makati, NCA 4 stag derby elims....www.***********.com

libre yaan mga Kabahag....


pampadami laang ere ng post para sa HOT TOPIC....;)

malalim
November 13th, 2005, 09:35 AM
Magandang Umaga po mga tiga-Mindoro.

Gusto laang bumati sa inyo.

Ang inay ko ay ipinanganak at lumaki sa Calapan. Pamilya ng mga Comple.

Sa father side ko naman ay mga tiga-Batangas City pero me mga pinsanin kami diyan mga Evora at Ebora.

Ang sister ko ay nakapag-asawa ng Cacha na tiga-Calapan din.

La lang magawa kaya napadaan at nagpapakilala sa inyo.

O siya hayaan ko na muna kayo, at medyo magulo dun sa RTCA thread.

goryo888
November 13th, 2005, 09:56 AM
At meron pa tayong naging panauhing pandangal......
Sir Malalim welkam ka dito sa aming kubol.....
Yaan yuong may ari siguro ng Cacha Mart...
May mga Evora din sa Naujan....

Sige at kung magulo dyaan sa RTCA eh dumito laang kayo at ituring na nasa sarili kayo...;)