PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!

Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 [42] 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

goryo888
April 17th, 2007, 07:12 PM
Sa Imbitasyon ay ilagay din ang NUMERO nina Kuya SP at Ka Jeff...para iconfirm nila ang entry nila....

DingDong
April 17th, 2007, 10:51 PM
pasensya na mga katribu, ang inyong lingkod ei di makasilip man laang
dine ng madalas ... basa basa laang ang nagagawa e ...

sya ere pala ei pinsing tatses na laang ... larga na ere ...

.

DingDong
April 17th, 2007, 10:55 PM
nadalaw nman ako lagi ikaw lang ang tagal nwala:D

itanung mo pa k ka MM.DB at tol gory .......ehermmmmmmmmmm DD

madam bayo .... baken ga kahaba ng iyong eeeehhheeeeeeemmm dine ...

utol si ate bayo mo yaan ... teka sala yata ...

kita mo avatar nya madam bayo, alin dyan sa tingin mo si utol???

,

sonny dela cruz
April 17th, 2007, 11:33 PM
Musta na sa inyong lahat!Silip lang sandali maya naman at trabaho muna .God bless us all.

grandeur0
April 18th, 2007, 01:24 AM
pasensya na madalang ako makadalaw dito tungkol sa 2,k na kontribusyon ng bawat kasapi ipadala ko na lang kay alimbuyog sya na ang bahala,nabanggit na ni ka lugar dingdong ang mga pwedi pang imbitahan ,ka spsp c mar santos malamang 2 ang entry noon nai txt ko na pumili na at ihanda na ang manok, ako ay wala munang entry sa sunod na lang bahala na muna kyo dyan basta kung ano mapag kasunduan malalaman ko naman kay malayan heat

konsehal elmar anyayahan,
at brgy capt bagsok

wings_21
April 18th, 2007, 02:23 AM
Pre Dojins,
Ito yung final na pa premyo natin. Dapat naka indicate yung 1-10 na prizes para mas marami ang maenganyo kapag nagpaskil at nagbigay tayo ng imbitasyon. Salamat!

Php.100,000.00 guaranteed fastestkill kill MAGIC NUMBER:

1st - 20,000.00
2nd - 15,000.00
3rd - 5,000.00
4th - 4,000.00
5th - 3,000.00
6th - 35,000.00
7th - 2,000.00
8th - 1,500.00
9th - 1,500.00
10h - 8,000.00

Slowest Kill- 5,000.00

Minimum bet-2,200.00
Pot money 1,500.00

stewart

hello musta na sa lahat ng katribu ito okey itong nakalista dito para dami sumali , maraming premyo ,,,,,,,,tsambahan na kung alin ang makuhang premyo ang maganda maraming premyo

dojins.bros
April 18th, 2007, 07:38 AM
Magandang umaga sa lahat ng kabahag
itaas ko lang ari nasa ikalawang pahina na ang kubol....

dojins.bros
April 18th, 2007, 07:40 AM
ka Prez
ikaw nalang baga ang ilagay ko na contact person sa paderby ng tribu....
baka may idagdag pa eh final ko na ang invitation natin....

alimbuyog
April 18th, 2007, 08:19 AM
gandang umaga rin sa yo ka dojins . . . . .

yan bagang design na yan eh pangpaskel? o yan na mismo ang invitation? . . . . . pwede rin ung suhestyon ni MM . . .

Mt.Halcon 888
April 18th, 2007, 08:31 AM
Gandang umaga,

mr.Pres.tanong lang ho,2 na magkasunod ang derby natin.May 12 sa DRT at May 22 sa dragon.di ho ba masyado malapit ang date at ang lugar e magkalapit din'

Opinion ko lang,sa tingin ko maapektuhan ang dami ng sasali kung halos isang linggo ang pagitan ng fastestkill kill natin sa DRT at Dragon,kala ko e sa dragon lang muna tayo magpapakonsyerto.Kaya nga ho nilakihan natin ang premyo,ginawa natin Php.100,000.00 para dumugin ng tao at hinati natin ang premyo sa 10,para isipin nila maraming chance sila manalo,magbabakasakali.

yung scheme na ginawa ko,para maiwasan ang dayaan,fair sa lahat,kaya nga pangmasa ang pakonsyerto natin. . .

Yung pot money na 1,100 dati tapos ang premyo e 50,000.00 lang.Ngayon dagdag lang sila ng 400.00 nadoble ang premyo naging 100,000.00.

dojins.bros
April 18th, 2007, 08:32 AM
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-3.jpg (http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-3.jpg)

Pre ito yong latest yong isa di ko pa naumpisahan medyo loaded na ulit...pasingit singit lang tong ginagawa ko pakamasilipan tayo mahirap na hehehehehe

dojins.bros
April 18th, 2007, 08:38 AM
ka Jeff
Good morning
Pakitingni kong maaari na ga tong ginawa ko kong may kulang and suggestion eh indicate lang dito sa furom natin para madali ko mapalitan ang dapat na palitan...

alimbuyog
April 18th, 2007, 08:43 AM
ka dojins . . . . mas malupet ito! ok na to . . . . ung detalye na lang siguro ang problema kung me dapat pang baguhin . . .

alimbuyog
April 18th, 2007, 10:12 AM
medyo tinatanghali ang mga mangyan . . . .

taas ko laang at ayokong tayo eh napupunta sa ilalim . . .

dojins.bros
April 18th, 2007, 10:15 AM
ka dojins . . . . mas malupet ito! ok na to . . . . ung detalye na lang siguro ang problema kung me dapat pang baguhin . . .

ka ALimbuyog....
Puede na ba..hehehehe ma mabighani na ba sumali ang mga magsasabong sa atin...
sana nga approve na ari sa ating mga kabahag...kong mapalitan man siguro minimal na lang...baka puede na eri eh distribute kong approbado na ng mga pangulo natin...

alimbuyog
April 18th, 2007, 10:19 AM
ka dojins,

ayos na ayos na! . . . . pinapakita ko na nga dito sa opisina pag me taxpayer na magsasabong na pumupunta dito . . . . di ko pa laang mabigyan ng kopya kasi baka nga me baguhin pa. . . .

dojins.bros
April 18th, 2007, 10:21 AM
Mga Kabahag...Gising na kayo..Husgahi nyo na kong maari na ga ere

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-3.jpg (http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-3.jpg)

dojins.bros
April 18th, 2007, 10:26 AM
ka dojins,

ayos na ayos na! . . . . pinapakita ko na nga dito sa opisina pag me taxpayer na magsasabong na pumupunta dito . . . . di ko pa laang mabigyan ng kopya kasi baka nga me baguhin pa. . . .

ka Alimbuyog
Salamat naman at pasado na sa iyo hehehehehe..hintay lang natin ang ibang kabahag baka nga may idadagdag pa o baguhin sa schedule...parang my comments si ka JEff regarding sa schedule....

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 10:38 AM
Larga na.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 10:39 AM
Gandang umaga,

mr.Pres.tanong lang ho,2 na magkasunod ang derby natin.May 12 sa DRT at May 22 sa dragon.di ho ba masyado malapit ang date at ang lugar e magkalapit din'

Opinion ko lang,sa tingin ko maapektuhan ang dami ng sasali kung halos isang linggo ang pagitan ng fastestkill kill natin sa DRT at Dragon,kala ko e sa dragon lang muna tayo magpapakonsyerto.Kaya nga ho nilakihan natin ang premyo,ginawa natin Php.100,000.00 para dumugin ng tao at hinati natin ang premyo sa 10,para isipin nila maraming chance sila manalo,magbabakasakali.

yung scheme na ginawa ko,para maiwasan ang dayaan,fair sa lahat,kaya nga pangmasa ang pakonsyerto natin. . .

Yung pot money na 1,100 dati tapos ang premyo e 50,000.00 lang.Ngayon dagdag lang sila ng 400.00 nadoble ang premyo naging 100,000.00.

OKEY, SIGE I CANCEL NATIN YUNG SA DRT. MAY NAKA SCHEDULE KASI AKO DOON SA MAY 12. DI BALE SOLO KO NA LANG PA FASTEST KILL YON. YUN NA LANG PLANO MO SA DRAGON ANG ITULOY NATIN. SO 100 THOUSAND ANG PREMYO AT 1,500 ANG POT MONEY. OK LARGA NA YAN.

alimbuyog
April 18th, 2007, 10:41 AM
ka Alimbuyog
Salamat naman at pasado na sa iyo hehehehehe..hintay lang natin ang ibang kabahag baka nga may idadagdag pa o baguhin sa schedule...parang my comments si ka JEff regarding sa schedule....

ang problema nga laang natin ei nasa kabundukan pa yata ang mga mangyan . . . . . di ko rin nga alam na 2 pala palaban natin . . . . sana masagot agad ni prez tanong ni jeff . .

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:02 AM
ka Prez
ikaw nalang baga ang ilagay ko na contact person sa paderby ng tribu....
baka may idagdag pa eh final ko na ang invitation natin....

For inquiries, call or text the following:
Calapan - Stewart 09178868711, MukM 09214191435
Baco San Teodoro Puerto - Chuckee, Dojins 09158393771
Naujan - Blackjack, Goryo
Victoria - SPSP 09198409100, AllanM
Socorro - Dingdong,Alimbuyog, Grandeur
Pinamalayan - NeoM 09287427141, ArisB 09178889777
Gloria - JJSoller 09209457673
Bongadong - AlexE 09209457673

Paki edit mo na lang to Dojins kung sino pa hindi nakalagay. Lahat ng Info, forward nyo na lang sa Secretary natin for consolidation at nang hindi magkabuholbuhol.

dojins.bros
April 18th, 2007, 11:05 AM
ka Prez

May nauna pala na schedule...baka puede na rin yan pagtulungan ng tribu natin para naman magaan sa'yo sa akin wala problema maganda nga yang sunod sunod para lalong makilala ang tribu mangyan for my own openion lang ha....hintayin muna natin ang mungkahi ng ibang kabahag para madesisyonan na yong naunang paderby..sa DRT @ May 12.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:08 AM
ang problema nga laang natin ei nasa kabundukan pa yata ang mga mangyan . . . . . di ko rin nga alam na 2 pala palaban natin . . . . sana masagot agad ni prez tanong ni jeff . .

Yung original na plano sa Dragon ang tuloy. Ako na bahala sa DRT. Bago kasi tayo maka decide ng pa derby sa Dragon, matagal na naka schedule yung pa fastest kill ko sa DRT gawa ng hiling ni OGIE, yung kasangga nating kasador doon para naman kumita daw siya at ibang kasamahan sa DRT. Kung hindi ko
ma cancel ang sa DRT May 12, ako na bahalang magtuloy noon.

Yang sa Dragon, larga na yan!

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:33 AM
Jeff,

Kailangan natin ng banner sa Sabungan ng Baco, Dragon, Cinco, DRT, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Bansud, at Bongadong;

Invitation card kailangan pa print na rin for distribution, bahala ka na pa print.

May mga imbitasyon na rin tayong tatanggapin galing sa ibang promoter, kailangan pag usapan na rin natin ito, kakahiya hindi sila entry han. Ito ang dis advantage ng maaga ang promotion.

Yung sa DRT ko sa May 12, try ko pa cancel, pero kung hindi na pwede, ako na lang bahala doon.

Stewart,

Kaya mo ba in-charge ka sa cock house reservation? Baka mamaya pa kami mag finalize ng usapan ng ninong mo, post ko mamaya result. Tentative pa lahat ng plano until we have the final agreement.

Dingdong,

Kaw bahala consolidate lahat ng information/details ng pa derby, okey ba?

Jeff,

Kaw na bahala sa invitations, submit na lang kami ng na invite namin sa iyo. Post na lang natin lahat dito.

dojins.bros
April 18th, 2007, 11:33 AM
ka Prez
yong Cell number ni ka JJ Soller and Alex E..ay iisa paki-update para maipasok ko yong tamang contact number...thanks,...

goryo888
April 18th, 2007, 12:24 PM
Ayos Larga na yan...kung napaaga laang sana are eh di yung pang 2 cock ko eh sana entry ko na laang dito sa fastest kill natin....

Sana madale ni Tito at di magsugat manok...wehehehe paramaypang Fastest Kill si kami....heheheeee

Larga na yan....

DingDong
April 18th, 2007, 12:27 PM
prez spsp,

pwede gang si utol muna ang aking proxy dine as secretary, gawa baga
ng super bagal ang kompyuter ko dine sa kabundukan ng sto. tomas. luma
pa kasi ang gamit dine. kaya sa gab-i laang ako nakakasilip dine minsan.

dine ei magbabasa muna ng isang komiks bago labsan ng isang pahina
ng sabong.net.

utol alimbuyog,

sagwani muna ang trabaho ko dine kakahiya sa mga kabanel e. pag naman
meron na ako bago kompyuter dine ei ako na uli ang gagawa nun. babasahin
ko naman lagi sa bahay ang gawa mo para matsek baga. salamat.

ere ei testing laang kung kayang ipasok ng hinayupak na kompyuter na ere.

.

Mt.Halcon 888
April 18th, 2007, 12:39 PM
Ka Dojins,paki lagyan ng A,SABONG FOR A CAUSE. . .ok na yun pare. .pangtarpaulin yung design. . . .palagay ko yung sa banner e ibang design,pero more or less e ganun na rin ang style. . .
Ka MM,me kilala ka bang pwedeng pagawan ng tarpaulin at banner dyan sa calapan para mabilis. . .

cnuestro
April 18th, 2007, 12:49 PM
MUSTA HO MGA KABAHAG. BAKA MATULUNGAN NYO AKO SA JUNE 2, 2007. 2COCK NIGHT TIME DERBY HO SA GLORIA. 2200 LANG POT, AT GUARANTEED 50,000.00. KINAPALAN KO NA. BAKA SAKALING MAKAENTRY DIN AKO SA PADERBY NG MGA KABAHAG NATIN. MUSTA SA INYONG LAHAT LALO KAY MUK MAFI AT MTHALCON888

DingDong
April 18th, 2007, 12:51 PM
preng jeff,

pakitext naman ng landline mo at tatawagan kita. kahirap dine at halos
kalahating oras bago ko maipasok ang sa akin dine. din naman kalakihan
ei bakit baga kahirap ipasok. hi hi hi

.

cnuestro
April 18th, 2007, 01:10 PM
KUNG TULOY FASTEST KILL ONE COCK DERBY NYO, TRY KO MAG INVITE PA. ALA PA AKO IMBITASYON JEFF. HONESTLY, OK YAN. TINGIN KO DAMI ENTRY NYAN.

muk_mafi
April 18th, 2007, 01:54 PM
cnuestro,
kumusta pre? madalang ka sumilip dine ah, bc ga sa kampanya? hehe. ilag lang sa mga kandidato at baka mapuruhan ka.

ka jeff,
ask ko muna sister ko kung san yun sinabi nya sakin na printing ng tarpouline. definitely sa Color Master meron nyan pero ipahanap ko ang mas mura. printing lang naman yun, basta iprovide lang natin ang design. yung banner marami din gumagawa satin, pera lang kailangan.

dojins,
ayos ito design mo! galing!

dojins.bros
April 18th, 2007, 02:12 PM
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-4.jpg (http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-4.jpg)

Pre Boyet salamat....
Ito pala ang latest..medyo my dinagdag lang ng kunti...

dojins.bros
April 18th, 2007, 02:18 PM
KUNG TULOY FASTEST KILL ONE COCK DERBY NYO, TRY KO MAG INVITE PA. ALA PA AKO IMBITASYON JEFF. HONESTLY, OK YAN. TINGIN KO DAMI ENTRY NYAN.

ka cnuestro

Musta na..tamang tama tong paderby ng tribu mangyan sa May 22...isabay mo na ang pag-imbita para marami ang sasali....Ikaw ba'y napabilang na sa listahan ng mga di bahag....aba'y sana kasapi ka na namin para lalong lumakas ang tribu natin...

DingDong
April 18th, 2007, 02:35 PM
ka DB,

kagara ng pagkakayare mo nireng ating padaling ere. malakas
erng maka enganyo ng mananabong.

Prez SPSP / Ka DB at sa lahat ng kabanel,

meron laang ako mungkahi patungkol sa detalye ng poster natin.
sa anuman daw pong panulat ang dapat daw e ang konsiderasyon
e dun sa mga makababasa ng anumang isinulat di ga (naglektyur
pa e, hi hi hi).

sa atin kasi ei di naman tayo kilala sa ating mga handle names dine sa
sabong.net maliban sa akin na tunay na palayaw ko ang ginamit ko dine.
maaari bagang lagyan natin ng tunay na ngalan katabi ng mga sabong.net
handle ang nakasulat sa poster tulad baga nun kay ka DB. kung sa tingin
nyo ei maganda iyun ei PM ko kay ka DB ang mga tunay na ngalan ng mga ere ...

salamat po!

.

BOLSHEVIK
April 18th, 2007, 02:39 PM
Pre muk_mafi,

Paano ga sistema sa reservations ng cockhause? Yun kasi task ko kay prez eh. Baka kaya mo na saluhin yun at ikaw mas pamilyar sa ganyan. Hehehe! Tutok na lang ako sa pag imbita muna. Problema ko pa kung paano dadalhin yung manok diyan sa mindoro..

Stewart

muk_mafi
April 18th, 2007, 02:56 PM

meron tao na incharge jan sa reservation ng cockhaws sa dragon, si enteng. ipakukuha ko ang celfon number nya para maitext natin ang mga reservations. sama-sama na lang ang mga magkakilala kc tyak kukulangin pag di ginawa yun. 2 weeks before the derby pwede na magpareserve.

ilagay na rin natin cell number nya sa imbitasyon para sila na tumawag sa kanya.

dojins.bros
April 18th, 2007, 02:59 PM
Yong sa banner natin baka bukas ko pa maipaskil dini for reference lang natin..Simple lang ang gagawin ko pero related pa rin sa invitation format natin....

DingDong
April 18th, 2007, 03:04 PM
Pre muk_mafi,

Paano ga sistema sa reservations ng cockhause? Yun kasi task ko kay prez eh. Baka kaya mo na saluhin yun at ikaw mas pamilyar sa ganyan. Hehehe! Tutok na lang ako sa pag imbita muna. Problema ko pa kung paano dadalhin yung manok diyan sa mindoro..

Stewart

ang hirap ga nireng bawat pasok ko ei log in, labas masok ako dine e.

preng bols,

nakapasok ka na naman ng dragon kaya mo na ang reservation ng cockhouse.
mas maganda tutal ninong mo naman si mr. chua ei di baka makakuha ka ng
floor plan ng cockhouse. simple, lagyan mo ng numero bawat cockhouse sa plano
then pwede ka na mag assign kung sino ang gusto magpa reserve nito ...

tyagaan ang pagpasok ko ko dine e, ang tagal bago ako labasan . . . ng pahina ...

.

alimbuyog
April 18th, 2007, 03:10 PM
ka dojins,

siguradong ayos din yaan! tama ka, dapat talaga sama-sama ang tribu mangyan dun . . .

preng stewart,

maganda nga ung sabi ni utol . . . pero sabi ni MM eh ung enteng na daw ang bahala dun . . .

muk_mafi
April 18th, 2007, 03:16 PM
ipakukuha ko na lang muna ang number ni enteng sa barkada ko. pag may reservations ay sa kanya ang bato, or sila na ang kumontak kay enteng pra sa detalye. tyak itatanong nun kung ilan mnok ang dadalhin at kung need provide ng tangkal. meron kasi dun ipinapahiram na tangkal pero 1st come 1st serve basis, unahan lng ng pagsasabi.

BOLSHEVIK
April 18th, 2007, 03:31 PM

Oks Pre! Naalala ko ikaw nag pa reserve ng cockhaws natin nung dragon aniv.

Dalhin daw ni jef yung manok. Sana ma pick up ni ariel ito sa sabado.

stewart

muk_mafi
April 18th, 2007, 03:39 PM
Oks Pre! Naalala ko ikaw nag pa reserve ng cockhaws natin nung dragon aniv.

Dalhin daw ni jef yung manok. Sana ma pick up ni ariel ito sa sabado.

stewart

pre,
itext mo lang kay ariel kung ano oras ang dating sa pier, may motor ang kapatid nun kaya madali sumaglit sa pier. or ibigay mo kay jeff number nya para matext if ano oras byahe ng barko para sila na lang usap. magkakilala nman ariel at jeff.

kung may sasakyan naman dala si jeff pwede idaan sa may amin, ibigay mo lang ang direksyon. thanks.

dojins.bros
April 18th, 2007, 04:04 PM
Sample lang ng Banner natin....Mga kabahag pakihusgahi para ma final na natin ang exact layout....

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-banner.jpg (http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-banner.jpg)

dojins.bros
April 18th, 2007, 04:11 PM
Pre Boyet madami ba eh condition si ariel..kong kukunti baka puede na isama yong sa akin kahit dalawang manok lang...kong di kaya kahit isa nalang....di ko pa maasahan yong bayaw ko regarding sa night fyt....kong loaded na Pass mo na ako hehehehehe

alimbuyog
April 18th, 2007, 04:32 PM
ka dojins,

ayos na ayos din! pakilagay na lang tunay kong pangalan sa halip na alimbuyog . .

Nante - 09283679943 . . . . ty.

muk_mafi
April 18th, 2007, 04:40 PM
Pre Boyet madami ba eh condition si ariel..kong kukunti baka puede na isama yong sa akin kahit dalawang manok lang...kong di kaya kahit isa nalang....di ko pa maasahan yong bayaw ko regarding sa night fyt....kong loaded na Pass mo na ako hehehehehe

pre dojins,
subukan mo sya tawagan, ito number nya +63920-5880260. may ipadala si bolshevik na 2 manok dun plus meron kami 1 na isali. madali kausap yun, paabutan mo lang konti pambili patuka. may mga gamot pa naman kami dun.

dojins.bros
April 18th, 2007, 04:41 PM
Pre Nante
Ok na na edit ko na..hintayin ko pa ang ibang pangalan at cell number ng ibang kabahag natin para ma final na natin at mapaprint na....lapit ka na pala maglog-out ako may 45 minutes pa...para umuwi....

dojins.bros
April 18th, 2007, 04:46 PM
pre dojins,
subukan mo sya tawagan, ito number nya +63920-5880260. may ipadala si bolshevik na 2 manok dun plus meron kami 1 na isali. madali kausap yun, paabutan mo lang konti pambili patuka. may mga gamot pa naman kami dun.

Cge pre tawagan ko mamaya kapag na bahay na ako...medyo busy pa ng kunti lapit na kasi uwian..bukas nalang ulit ako mag-online...paki ulit pala sa lahat na kasapi na eh forward nila ang exact name and cell number para ma edit natin yong invitation and banner...base sa suggest ito ni ka DD...

muk_mafi
April 18th, 2007, 06:31 PM
nagtext si stewart, according to prez ay final na daw ang sked natin for May 22 sa Dragon Cockpit. napacancel daw ni prez yung sa drt.

pwede na natin finalize ang mga invitations natin at banners plus tarpouline.

ka jeff,
sabi nung kapatid ko ay sa "Reliance" daw sila nagpapaprint ng tarpouline. ito yata yung 230 per piece. iconfirm ko ulit sa kanya mamya ang rate at kung san exact location nito sa calapan.

malayan_heat3
April 18th, 2007, 07:04 PM
SANDUGO

Hello !!! msta na ang mga kasandugo?naku cizia
na kayo sa akin madalang makapasok sa munting
kubo natin masyadong BC ang mangyan sa mga
gawain d2 lalo na ngayon malapit na ang summer
madaming trabaho d2...

siya ok na yaang paderby nating yaan kung ano
man ang maitutulong ko sabihin ninyo lamang at
kung kaya ko walang problema yan...

prez ang 2000 pesos na para sa akin ipadadala ko na lamang dyan sa yo...
MH888
preng jeff mag papa wngband ka ba ng mga sisiw
mo sa bansud pk sama mo naman ng sa akin may
18 piraso ako sa bahay kung pupunta ka. siya
ty pre...

NANTE (ALIMBUYOG)

Msta na? ayos ba ang mga laban?
siya ingat na lamang...

Mt.Halcon 888
April 18th, 2007, 07:36 PM
magandang gabi mga kabahag,

kapapasok lang na balita,mainit na mainit pa hehehe,
pumayag na si boyet chua at final na ang derby natin sa dragon sa may 22 na.at ang maganda pa,70%-30% ang hatian,kaya magandang deal na yun mga kabahag. . .

Ka MM,pare paki confirm yung pagagawan natin ng tarpaulin at banner para mapa umpisahan na. . .bakasyon ka muna ulit hehehehe. . .

Ka DB,paki final na yung design natin,ok na lahat yun . . . . .
pakilagyan na lang ng contact numbers yung mga banner at tarpaulin . . . . .. . .

New member ng TRIBU MANGYAN si Boyet Chua. . .

Mga kabahag,tuloy tuloy na pag imbita natin,wala ng atrasan to . . .

Pareng Cris,sali ka dito sa pa fastest kill natin at kung me maiimbita ka pa dyan sa bansud,salamat . . . wag ka mag alala sali kami dyan sa paderby mo . . . . . `

minabob
April 18th, 2007, 07:51 PM
kahit di ako taga mindoro pwede akong sumali sa inyo?

minabob
April 18th, 2007, 07:53 PM
malakas ba ang pa derby dyan?

Mt.Halcon 888
April 18th, 2007, 07:53 PM
pwedeng pwede ho kayong sumali,taga san ho ba kayo?

minabob
April 18th, 2007, 07:54 PM
inform nyo naman kami kung may pa derby sa calapan mindoro bka pwede kaming dumayo

minabob
April 18th, 2007, 07:55 PM
d2 kami sa kalibo aklan pero madali lng pumunta dyan via caticlan

minabob
April 18th, 2007, 07:57 PM
madali lng ang way via caliclan 2 roxas mindoro den to calapan

Mt.Halcon 888
April 18th, 2007, 08:03 PM
Meron hong 3 cock derby sa Pinamalayan sa april 22. . .

tapos sa may 18 yata ho e sa DRT naujan 5 cock derby. . .maganda ho ang pustahan dun.

Meron ho kaming pa fastest kill sa calapan sa May 22,guaranteed Php.100,000.00 ho yun,sana makasali ho kayo

muk_mafi
April 18th, 2007, 08:13 PM
pre jeff,
gustong-gusto ko na nga ulit umuwi. hehehe. krisis din kasi si erpat, wala makatulong sa kampanya. di maganda ang resulta ng initial surveys.

di pa nag-oonline si sister ko, maya-maya pa siguro. pag ok na ang final lay-out ay pae-mail ko lang kay dojins ang design tapos makikisuyo na lang tayo sa mga tao sa mindoro na magdala. pipick-up mo na lang cguro pag umuwi ka. yung banner medyo matagal gawin yan, kaw na magpagawa kasi wala ako contact tungkol jan.

minabob,
welcome sa kubol ng mga mangyan! pwedeng-pwede ka dumayo sa mindoro if you want, ask ka lang dito ng skeds ng mga derbies.

wings_21
April 18th, 2007, 08:25 PM
musta sa lahat ng katribu nasilip lang ako dito ,,, pero okey yung palaban,, kung anong tulong at kaya ko bigay sege , okey sa akin sabihin nyo lang ,,,,,,,

Mangyan88,

May email ako sa yo pls paki check mo at pakireply please......

Kuya spsp,

musta na ......

wings_21
April 18th, 2007, 08:26 PM
mga katribu kung ano plano nyo sege sama ako dyan

muk_mafi
April 18th, 2007, 08:26 PM
madali lng ang way via caliclan 2 roxas mindoro den to calapan

marami ho mumurahin pension house dun kaya walang problema sa accommodation. sa harap mismo ng dragon cockpit sa calapan ay meron (Bimas Inn). May 22 1-cock Fastest Kill

kung sa DRT coliseum sa naujan kayo dadayo at day before fyt kau dadating ay pwede na matulog dun sa mga cockhaouses nila. May 18 or 26 (for confirmation) 5-cock derby - maganda ang pustahan, matindi ang labanan

kung sa Pinamalayan naman kayo dadayo ay bahala na si Mt. halcon sa inyo. hehehe. April 22 na po, 3-cock derby

wings_21
April 18th, 2007, 08:29 PM
Rio,

hi musta na pakisabi ha ,, at saka email mo ako pls

muk_mafi
April 18th, 2007, 08:31 PM
mga katribu kung ano plano nyo sege sama ako dyan

wings,
ibanat mo na yung mga manok natin dun, pili ka na ng maaare. mas marami entry mas masaya. let's make our 2nd derby a super BANG event! para di nila malimutan ang tribu mangyan...

muk_mafi
April 18th, 2007, 08:34 PM
pre cnuestro,
wag ka mawawala at mawawalan sa fastest kill ng tribu ha. hehe. kaw na tumari ng mga panlaban ng tribu kung gusto mo para matesting ng todo mga tari natin jan. :D

sali ka na rin dito sa tribu para mas marami at mas masaya tayo!

malayan_heat3
April 18th, 2007, 08:41 PM
d2 kami sa kalibo aklan pero madali lng pumunta dyan via caticlan

Minabob....

welcome ho hayo d2 sa kubol ng mga mangyan
kung saan ninyo gustong sumali e-mail lamang
ho kayo sa akin at wala kayong problema sa
matutulogan sa bahay ko pwd kayo. cinzia
lamang kayo at maliit lamang ang hayba ng
mangyan.. magaganda ho ang laban d2 sa
mindoro..may makakasama naman kayo
doon ang handler ko visaya din siya..
may 22 ang paderby namin..

e2 ang email ko...
mangyan_tribe01@yahoo.com
or tx my roaming 09283965245--

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 09:37 PM
meron tao na incharge jan sa reservation ng cockhaws sa dragon, si enteng. ipakukuha ko ang celfon number nya para maitext natin ang mga reservations. sama-sama na lang ang mga magkakilala kc tyak kukulangin pag di ginawa yun. 2 weeks before the derby pwede na magpareserve.

ilagay na rin natin cell number nya sa imbitasyon para sila na tumawag sa kanya.

Kaunti lang cockhouse sa Dragon, kulang sa entry, kaya kailangan hawak natin ang reservation nito at may kasapi tayo na in-charge sa reservations. Ang dahilan ay meron entry na mahirap kausap at meron naman entry na pwede nating pakiusapan na doon na lamang sa isang tabi at ipalamang na ang cockhouse sa dayo at taga malayo. Ang punto rito kaya may in charge ay para orderly ang palaban ng Tribu Mangyan. Isang punto po lamang ito. Sa invitation natin, nakalagay doon ang CP AT PANGALAN NG KATRIBU na incharge sa cockhouse reservation ay siya na ang bahalang makipagugnayan kay ENTENG ng Dragon.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 09:52 PM
Bolshevik, kaya mo yan reservation, wala na ibang tao, ninong mo may ari ng sabungan, COORDINATE at stablish ka lang ng contact kay ENTENG, SWABE na! Basta ang importante, lahat ng pa importante, mailagay mo sa cockhouse na gusto nila, at yung mga pwede nating pakiusapan, tama na sa kanila doon sa mga sulok sulok, okey ba? tx tx lang swabe na yan! Gawan mo ng mapa ang cockhouse, ilagay mo sa pitaka mo, kada may tatawag or tx ng reservation, kunin mo sa pitaka mo kodigo para alam mo kung saan pa bakante.

Muk Mafi, tutal marami kang kasangga sa Calapan Baco area, bahala ka na magdesignate ng tao mo na lalakad sa imbitasyon, pwede siguro si Ariel ang company, o baka may iba pa, mas marami mas okey;

Before the 21 days before the derby, mas maganda kung nakausap/natawagan/na text na natin ang ating mga prospects dahil karaniwan, gusto nila may time sila magkondisyon ng kani kanilang warriors, kadalasan pag wala ng 21 days at derby na, ang sagot ng iimbitahan mo ay, "SAYANG PARE, KUNG NASABI MO AGAD, NAKAPAGKUNDISYON SANA, NEXT TIME NA LANG PARE AT GAHOL NA", pero kung talagang gustong sumali kahit day of fight mo imbitahan okey lang, sa may gusto, maraming paraan, sa may ayaw, maraming dahilan.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 09:55 PM
BOB.....W e l c o m e to Mangyanland.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 09:57 PM
Katribu Dingdong, bahala ka sa tasking at alam ko namang mahusay ka sa personnel management. Mas marami tutulong at mas marami makakarating sa Dragon, mas magiging successful ang palaban natin.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 10:10 PM
Ito ay panawagan sa lahat ng kasapi ng TRIBU MANGYAN.

Ang palaban natin sa May 22 sa Dragon Cockpit ay isang pagkakataon para ipakita natin ang ating pagkakaisa sa ating munting samahan na naglalayon
na mapagbuklod sa isang maayos na pagtitipon at paligsahan ang mga kapwa
natin kababayan na naglilibang sa pamamagitan ng sabong. Ang lahat po ng
kasapi ng TRIBU MANGYAN ay inaanyayahan natin na makiisa sa mga gawain
upang maisakatuparan ang paligsahang ito. Isa sa dapat nating pagtulungan
ay ang pag anyaya sa ating mga kamaganak, kaibigan, at mga kasabong na dumalo sa ating paligsahan. Ang tama po nating gawin ay call, tx, meet, follow up, follow up follow up, at kailangan, ngayon na! hindi bukas!

DingDong
April 18th, 2007, 10:17 PM
prez SPSP,

gusto ko talagang makatulong sa mga gawain para dine pero sa gab-i
laang talaga ako makakababad dine sa ating kubol gawa ng ang aking
gamit na pc sa opis ko sa sto. tomas ei panahon pa ni kupong kupong.

iibo ako ng aking makakaya para sa ikagaganda ng ating palaban. utol
alimbuyog, alalayi ako dine ha ...

uulitin ko laang.

1. venue/date - prez SPSP/mt. halcon - okay na ito
2. design - DB
3. reservation - bols
4. tarpaulin - c/o mt. halcon, muk: baka are dine si mangyan88
5. banners - sino ga
6. invitations - kanya kanyang print at abot sa mga kakilalang magsasabong
7. weighing - sino dine
8. matching - sino dine
9. stop clock - meron na ga
10. record keeper - sino ang andun sa araw ng derby na walang enty
11. watcher sa pinto - kailangan pa ga ere

may kulang pa ga, imik mga kabanel ...

mga taga puna - para lalo gumanda ang palaban, una na ako dun, hi hi hi

antok na. magandang gab-i muli mga kabahag, gagawa na muna ako ng muta ...
bukas uli ...

LARGA NA YAN!

.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 10:30 PM
Yung announcement ni JEFF, tama po yon mga Katribu,

Final na usapan sa venue. Boyet Chua is the newest TRIBU MANGYAN member.
Kailangan kasi natin lumakas ang grupo, paliwanag ko kay Boyet, pag lumakas ang grupo at hindi nag materialize ang ORMIGBA, TRIBU MANGYAN will organize as a Cockers Breeders Association and work for its affiliation with UGBA, NFGB o kung kanino natin gusto.

Boyet Chua, Manny Cleofe, Aris Baldos Jr, Jon Jon Soller, Alex Enriquez, and Judge Neo Molato, so far has been invited to join our group by yours truly in an effort to make our group competitive to other association. Okey ba kayo dito?

I also would like to request everyone in the thread to upgrade our wordings in our postings, para mas lalong gumanda ang dating, agree ba kayo? Jokes are welcomed, we avoid unnecessary post para hindi mahirap magbasa, medyo refine lang natin kaunti so that even ERAP ESTRADA will surely enjoy reading our thread, HE HE HE.

Danny Teves, Melchor Teves, Willy Bugarin, are among my other prospects.

Just PM me if you are not comfortable to post your comments suggestion here.

Maraming salamat po at magandang gabi mga Katribu.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 10:41 PM
Dingdong,

Kung wala talaga stop clock, meron ako stop watch. Kasi yung ginagamit ng Dragon na stop watch maliit at hindi kita ng tao na tumatakbo ang oras habang
naglalaban. Ang ginagawa sa Dragon, iaabot sa iyo ang isang maliit na papel, nakasulat doon ang time ng laban mo na ginawa ng isang tao doon. Ang ibig sabihin, siya lang ang nakakalam at nakakakita ng oras, medyo may duda ang
tao kapag ganoon.

Pwede natin gamitin ang ginamit ko sa Victoria Cockpit, stop watch, nakatutok ang video cam, at naka display sa TV MONITOR ang umpisa ng oras hanggang
matapos ang laban, kita ng lahat at hindi ng iisang tao lamang. Ang ginamit kong time keeper, bilas ko si Eric Serrano, basket ball player, okey naman pagka time nya doon sa palaban ko, malinis. Ang proceedure, pag nagsalpukan ang manok, "time starts", pag tumuka ng dalawa, tatlong taas, tatlong bagsak, one two three "time ends". Kausap dito ang sentenciador na pare pareho ang speed niya ng tatlong taas at tatlong bagsak and the counting of one two three.

Sa DRT, maganda orasan doon, digital stop clock. Kita lahat ng tao, kaya sila ang may pinaka authentic na palaban ng fastest kill dito.

Sa matching, may kausap ako dito, computer matching, yung ginamit kong tao noong magpa fastest kill ako sa Victoria.

Sa weighing/submission of weights, kailangan dito si Jeff and company bahala na siya mamili ng kasama.

Sa weighing, may isang secretary, taga lista ng entry, name of owner at telephone or cell phone number, gagawa ng directory for the next derby invitation, style ito ng Roligon para hindi mahirap magimbita at mag follow up ng imbitasyon sa susunod dahil may name/address/tel/cp number ng may entry.

DingDong
April 18th, 2007, 10:44 PM
to all katribu,

a preposition has been raised by the president. any comment/s may either be publicly posted here or discreetly relay through personal message (PM) to the president.

the objective of the president's preposition is to strenghten our group "Tribu Mangyan" to be able to compete in the bigger league. another thing is to be in the proper decorum in posting in our thread to make it somewhat modest but not strictly formal. jokes may be fielded in some occasions depending on the topics at hand.

we hope to receive your comments/suggestions soonest.

DingDong
April 18th, 2007, 10:47 PM
prez SPSP,

baka nga maganda na yung mga kasama mo dati ei sya na ring
magsagawa ng ating palabang ere. dagdag na laang kung sino
mang kasapi ang naroon sa araw ng laban ...

.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 10:49 PM
Okey ka pala SPEAKER OF THE HOUSE Dingdong.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 10:50 PM
Okey lang sa akin, pero ang susundin natin dito ay yung diskarte ni VP JEFF,
siya ang direktor ng palabang ito.

goryo888
April 18th, 2007, 10:50 PM
Kuya SP....aba bakit gising pa ang mama....weheheheheheee

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 10:57 PM
Nagluluko kasi SMART BRO dito sa Victoria, ngayon lang nakagamit ng maayos.
Kumusta ga dyan? Kung hindi sa pa fastest kill natin, natuloy na sana ako dyan
April 25, kasama mo 2 sisters, stay sana ako Buena Park, talap sana patyal patyal!

goryo888
April 18th, 2007, 10:58 PM
Ok ako sa lahat ng iyan......sige Larga...mas marami mas masaya....pero kung minsan ang mas madami mas madaming di nagkakaintindihan kung minsan....sana naman ay ayos ang takbo....
Ok sige sa mga nadagdag na yaan...aba aykahit yata WSC ay madadale ng Tribu Mangyan.....sa hinaharap na panahon ay di malayong mangyari....

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:00 PM
Lagi na lang bitin patyal ko, dadating pa Bayaw Bert from Spain sa Sabado,
wag daw ako alis at sasabong kami. Pwede na sana tablahin ang fastest kill
e si Bayaw, hindi! Eentry daw siya sa Palaban natin.

goryo888
April 18th, 2007, 11:01 PM
Nagluluko kasi SMART BRO dito sa Victoria, ngayon lang nakagamit ng maayos.

Kumusta ga dyan? Kung hindi sa pa fastest kill natin, natuloy na sana ako dyan

April 25, kasama mo 2 sisters, stay sana ako Buena Park, talap sana patyal patyal!

Nakowwww....ay sige...punta ikaw dine....pero wag muna ngayon...parang katulad nung sabi mo sa akin wag muna uwi at wala namang gaano ng magandang labanan....
Ay pero kung pupunta ka eh ipaalam mo sa akin at baka makakapunta ka dine sa amin eh...makahirit ako ng rekwez off...

Sana pag umuwi ako may aktibidades ang Tribu kahit garineng Fastest Kill uli para may mapagkaabalahang maganda.....

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:04 PM
Tama ka, pagdami, paggulo!
Pero hindi tayo makakausad ng mabilis kung kakaunti tayo,
Lagi tayong dehado kumpara sa ibang grupo,
Ang kailangan lang naman natin ay magkaisa!
At syut na sa balde and WSC! HE HE HE, cf lang muna, hinay hinay laang utol....

IN " ONION" THERE IS STRENGHT,
Sa Sibuyas May Lakas, he he he.

goryo888
April 18th, 2007, 11:04 PM
Lagi na lang bitin patyal ko, dadating pa Bayaw Bert from Spain sa Sabado,

wag daw ako alis at sasabong kami. Pwede na sana tablahin ang fastest kill

e si Bayaw, hindi! Eentry daw siya sa Palaban natin.

Ay ayos pala eh.....sya hintayi na muna nga si Bayaw mo at baka magtampo....
Mag eentry ka baga rin Kuya sa DRT 2 cock? wag na...dahil yung sa Tito ay palihim laang yun...di pwede deretsahing Tribu Mangyan ang Entry Name at ibabanga sa bigatin ay minimum laang ang pusta nun....patipalo ng manok yata ay minimum din laang....weheheeheheee

Paalis katilaang ni Tito yun...kaya bahala kako siya....pag kako di nakadale ay sya..walang patuka ang mga sisiw niya....weheheheee

DingDong
April 18th, 2007, 11:05 PM
Okey ka pala SPEAKER OF THE HOUSE Dingdong.

just doing what i know is the job of a "corporate secretary" mr. president.

.

DingDong
April 18th, 2007, 11:06 PM
nakupo parang di ako sanay dine na pormal ang usapan. ayos ga ere mga kabanel?

ei imik naman dyaan ...

.

goryo888
April 18th, 2007, 11:11 PM
nakupo parang di ako sanay dine na pormal ang usapan. ayos ga ere mga kabanel?

ei imik naman dyaan ...

.

heheheeeeee....ay pagka garine ay sige laang....basta...ay ako'y kahit sa ano'y are...

di bagay ware are sa atin Ka DD...weheheehe pang bahag tayo ei...eh masubukan ding mag Amerkana at Barong Tagalog...malamang ay pormal din yun...heheheee

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:15 PM
Okey Dingdong, nice job!

Gary, June anak ni esmi, pag di ako nakaalis April, tabla na naman alis ko. May inihanda ako pang DRT, pero nanghihinayang ako, kakoy sa May 22 na at baka sakaling masilat ko naman si Muk Mafi! he he he Yung Bulik apatot, okey naman ang palo, siguro gumanda na katawan ngayon noon, medyo matagal na kundisyon. Puro local lang ng Naujan Calapan Victoria malamang entry doon kaya parehas lang chances ng lahat. Pa derby ng mga tauhan ng DRT yon kasama ang mananari. Invited nga ako ni Allan, mananari ni Teves at ni Ogie,
yung kasangga nating kasador, tingnan ko kung matuloy entry ko.

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:16 PM
BRAVO! okey ang mga mungkahi mo prez, sana nga maging matagumpay ang grupo natin sa ating mga adhikain.

kausap ko na si ariel, sya ang mag-abot ng mga invitations dun sa mga iimbitahan ko. pangalan ko ang gagamitin at bahala na ako magbayad ng utang na loob sa mga yun pagbalik ko. hahanap laang ako ng barkada na pwede magprint ng invitation at para maibigay kay ariel. sana bukas ay may mahagip ako kung sakali ma-final ni dojins ang invitation.

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:21 PM
tol goryo,
pangalanan na ng "May 22 Fastest Kill" yan entry mo sa DRT. ayos laang yun, promotion na rin. pwede naman ibulong kay ogie na minimum bet category laang yun. dati nga ay ganun ang sabi ko, ang sagot sakin ay naku mapusta yaang tribu mangyan. ang isinagot ko laang ay marami kako myembro ire grupo namin. may malakas at may mahina din pumusta... pag ibinangga nila sa mapusta ei di sila ang mahirapan. hehehe.

pagdating sa palo, bahala na yung manok magsalita. hehe.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:22 PM
Aba okey ah, apat na tayo dito. Tyagaan lang natin invite Boyet para maging Big Bang ang palaban natin.Tinawagan ko na nga si Ogie ng DRT, sabi ko paki
cancel muna ng May 12 Fastest Kill at napaulot lang ang TRIBU sa Dragon, sabi
ko sa June na lang i reschedule. Para maka concentrate tayo sa DRAGON. Hiya
lang ako kay Ogie, yari na ang banner!

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:25 PM
kuya SPSP,
malapit na pala manganak si esmi mo... makakautang na ako sa lending. :D

tol goryo,
pumayag ka na sa entry name. iba yung lagi nakikita at lagi announce sa derby na meron tayo promotion.

goryo888
April 18th, 2007, 11:26 PM
Okey Dingdong, nice job!

Gary, June anak ni esmi, pag di ako nakaalis April, tabla na naman alis ko. May inihanda ako pang DRT, pero nanghihinayang ako, kakoy sa May 22 na at baka sakaling masilat ko naman si Muk Mafi! he he he Yung Bulik apatot, okey naman ang palo, siguro gumanda na katawan ngayon noon, medyo matagal na kundisyon. Puro local lang ng Naujan Calapan Victoria malamang entry doon kaya parehas lang chances ng lahat. Pa derby ng mga tauhan ng DRT yon kasama ang mananari. Invited nga ako ni Allan, mananari ni Teves at ni Ogie,

yung kasangga nating kasador, tingnan ko kung matuloy entry ko.

Sayang nga at napasalang na si Tito dyan...dapat sana ay sa fastest Kill na laang natin inilaban yun.....di bale bahala siya dun...baka umuwi pa yung Kuya ko...ay baka madagdagan ang minimum bet...hehehee babawas ako tapos ipapasahod ko yung 110K sa labas....weheheehehe 220K ako doon kada laban....wehehehehee
Tama na ang Dos dos na minimum noh...pwede nga akong walang pusta eh kaso para syempresuporta ke Tito kahit papano...

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:28 PM
Tama ka DOJINS, maganda nga ganun entry name ni GORYO para lumabas
na promo natin.

goryo888
April 18th, 2007, 11:30 PM
tol goryo,
pangalanan na ng "May 22 Fastest Kill" yan entry mo sa DRT. ayos laang yun, promotion na rin. pwede naman ibulong kay ogie na minimum bet category laang yun. dati nga ay ganun ang sabi ko, ang sagot sakin ay naku mapusta yaang tribu mangyan. ang isinagot ko laang ay marami kako myembro ire grupo namin. may malakas at may mahina din pumusta... pag ibinangga nila sa mapusta ei di sila ang mahirapan. hehehe.

pagdating sa palo, bahala na yung manok magsalita. hehe.

Nakupoooooooo....paktay tayo dyan......waaaaa....sige bahala kayo....kaso..bakaaaaaaaaaaaaaaaaa...........

Kuya SP mag Entry ka na ikaw naman ang mabibigat ang manok eh...para areng suhestyon ni Ka MM ang gamitin mong entry name...heheheeee

Pero kung sasabihin mo na pwede na yung mga bulik namin doon eh papayag na rin ako....

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:30 PM
Aba okey ah, apat na tayo dito. Tyagaan lang natin invite Boyet para maging Big Bang ang palaban natin.Tinawagan ko na nga si Ogie ng DRT, sabi ko paki
cancel muna ng May 12 Fastest Kill at napaulot lang ang TRIBU sa Dragon, sabi
ko sa June na lang i reschedule. Para maka concentrate tayo sa DRAGON. Hiya
lang ako kay Ogie, yari na ang banner!

mabait naman yan si ogie, sa ibang pagkakataon tayo babawi sa kanila... di ko sure if okey pa magpaderby ng june dahil talagang taglugon na ito time na ito.

tsaka mauubos na ang manok ng mga taga mindoro pag nagsalihan sila sa 5-cock ni RA at DRT. hehehe. ay 5 agad ang kailangan dun ei.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:30 PM
Lima na sana tayo kung di natulog si Dingdong, musta Malayan Heat?

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:33 PM
Di ako pwede umentry, tumawag si Bayaw, nagpapakaon sa Airpot sa 21, araw ng derby, gusto pa yata humabol, he he he.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:34 PM
Antok na yata ako, kala ko narito si Malayan Heat!

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:35 PM
wala na si Malayan Heat kuya, kanina ay kausap namin ni DD sa YM. bukas daw ng 8 PM pinas time ay mag-online sya.

tol goryo,
bukod ang entry name ni prez... "May 22 Fastest Kill sa Dragon" ang sayo...

kay prez ay "Tribu Mangyan sa Dragon" or ibang diskarte naman. hehehe. para malimit ang announce...

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:35 PM
Ala, ay tutulog na ang matanda!

goryo888
April 18th, 2007, 11:36 PM
Di ako pwede umentry, tumawag si Bayaw, nagpapakaon sa Airpot sa 21, araw ng derby, gusto pa yata humabol, he he he.

Ay ihabol mo kung ganun..para may kasama ka na na magpapalarga sa "Tribu Mangyan May 22 Fastest Kill" heheheheeeee!!

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:38 PM
Di ako pwede umentry, tumawag si Bayaw, nagpapakaon sa Airpot sa 21, araw ng derby, gusto pa yata humabol, he he he.

di kaya madale na naman kayo ni byenan mo nire? hehehe.

1 lang personal entry nmin ni ariel, wala ako pusta. pero si bolshevik at dojins may ipakundisyon na tig-2 kay ariel kaya 5 entries yun na lahat may pwesto sa top 10! :D

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:38 PM
Yung sanang 2 panlaban ko sa 21 DRT ay si 1335, kapatid ni totoy bata
at si High Action, galing kay Aris Baldos, barter kami sa puti. May pamusta
ako 22k pareho sa dalawa, first time ever ko paparada 22K, di pa natuloy.

sa pula sa puti
April 18th, 2007, 11:40 PM
Sign Off na ko, di na kaya ni Tanda!

goryo888
April 18th, 2007, 11:41 PM
Ala, ay tutulog na ang matanda!

Ay sya matulog na...at ako'y tutulog na rin...ang araw dine ay gabi sa akin..kakarating ko laang din.....

Ka MM...sige...gay un na ang entry name ko...dapat eh TM Sunnyvale.....diko nga maderetsong Tribu Mangyan Sunnyvale..pero namamlo daw naman yun eh...di ko laang talaga kita sa laro yun...bata pa nung makita ko..pero pumapalo na...kaso iba yung kita ko talaga kagit ngayon...pero OK daw naman sabi ni Tito....pang minimum nga laang talaga....hehehee...makakadale rin are!! pambayad sa patuka...ay 50 piraso pala yung patukaing sisiwan doon eh....

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:45 PM

tol,
sa kita ko kay tito tony mo ay nakakaintindi naman sa manok kaya tyak di nya isasabak sa derby yun kung di okey ang performance! good luck tol, malapit na pala ito. update mo kami sa kaganapan dito.

goryo888
April 18th, 2007, 11:45 PM
di kaya madale na naman kayo ni byenan mo nire? hehehe.

1 lang personal entry nmin ni ariel, wala ako pusta. pero si bolshevik at dojins may ipakundisyon na tig-2 kay ariel kaya 5 entries yun na lahat may pwesto sa top 10! :D

waahahahahahaaa...dadale ka na naman...sayang yung BJ Hirao.....magulang na magulang na daw ang balahibo..di na aare sa 22 sabi ni Tito..pag merong di nagsugat dine sa dalwang are ay deretso sa Fastest Kill are, o kaya sigurado na areng dalwang are ay dederetso... Pers pleys at siks pleyz ang babanatan nare...hehehehee

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:47 PM
Yung sanang 2 panlaban ko sa 21 DRT ay si 1335, kapatid ni totoy bata
at si High Action, galing kay Aris Baldos, barter kami sa puti. May pamusta
ako 22k pareho sa dalawa, first time ever ko paparada 22K, di pa natuloy.

kita ko yung ganador na lemon ni aris kay manny, mukhang mabagsik nga!

kaw baga kuya ay gusto pagawa ng tari na hindi socket? padadalhan kita ng magandang bakal kung gusto mo. si aris ay nagbilin sakin.

goryo888
April 18th, 2007, 11:50 PM
Kung magtatare si Kuya SP at magpapagawa ng sariling tare eh sagutin mo ang bakal...sagot ko ang hasaan....hehehehee

"Surgical Black Arkansas" na hasaan ang sagot ko....

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:51 PM
waahahahahahaaa...dadale ka na naman...sayang yung BJ Hirao.....magulang na magulang na daw ang balahibo..di na aare sa 22 sabi ni Tito..pag merong di nagsugat dine sa dalwang are ay deretso sa Fastest Kill are, o kaya sigurado na areng dalwang are ay dederetso... Pers pleys at siks pleyz ang babanatan nare...hehehehee

nakow tol, naunahan na kita ng deklarasyon pero mas maganda ang tinarget mo na numbers # 1 at # 6. hehehe. sino pa baga naman ang maglalaban jan kung di tribu members din tyak!

goryo888
April 18th, 2007, 11:51 PM
Dyan na muna kayo at tutulog na si ako.......zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

muk_mafi
April 18th, 2007, 11:53 PM
Kung magtatare si Kuya SP at magpapagawa ng sariling tare eh sagutin mo ang bakal...sagot ko ang hasaan....hehehehee

"Surgical Black Arkansas" na hasaan ang sagot ko....

libre talaga itong offer ko, mura laang naman dine. ako nga tol ay ipagdala mo rin nyan arkansas pag-uwi mo. mapaghasaan nung mga kutsilyo sa bahay. hehe. ako kasi magpagawa din ng tare pero di ako ang kakabit... gusto ko lang quality ang gagamitin sa manok ko, ayos naman yun tagakabit ko.

goryo888
April 18th, 2007, 11:58 PM
Are yung nakalaan kay Kuya SP...basta siya kakabit at gagamit...yung isang hasaan napabigay kay Barangyaw, kasi opisyal na mananare niya yata dati yun....ewan ko ngayon...kaya baka mawala na naman...

Yung translucent ay kay Ka BJ, yung Surgical Black Arkansas kay Kuya SP......nakahold pa nga lang yung kay Kuya SP baka di pa naman siya maghahasa eh...hehehee!!
Napadala ko na yan...dadating na yan ngayon baka bukas kaya....
http://i131.photobucket.com/albums/p304/goryo888/000_0365.jpg

wings_21
April 19th, 2007, 02:54 AM
wings,
ibanat mo na yung mga manok natin dun, pili ka na ng maaare. mas marami entry mas masaya. let's make our 2nd derby a super BANG event! para di nila malimutan ang tribu mangyan...

MM,

ano bang date nito ,,,, baka nama ubos na manok ko nito heheheheheh,,,, kailan ba 26 ang pang laban ko ,, kahit bata na dadali ko na ,,,,,

kailan ba ito ,,,,may 22 ba

wings_21
April 19th, 2007, 03:11 AM
Okey Dingdong, nice job!

Gary, June anak ni esmi, pag di ako nakaalis April, tabla na naman alis ko. May inihanda ako pang DRT, pero nanghihinayang ako, kakoy sa May 22 na at baka sakaling masilat ko naman si Muk Mafi! he he he Yung Bulik apatot, okey naman ang palo, siguro gumanda na katawan ngayon noon, medyo matagal na kundisyon. Puro local lang ng Naujan Calapan Victoria malamang entry doon kaya parehas lang chances ng lahat. Pa derby ng mga tauhan ng DRT yon kasama ang mananari. Invited nga ako ni Allan, mananari ni Teves at ni Ogie,
yung kasangga nating kasador, tingnan ko kung matuloy entry ko.

kuya spsp

uuwi na ako saan ba may magandang derby dyan sa atin ,,, atleast 4 cock sya ,,,, ayaw ko ng masyadong malayo eh ,,,,,,,, wala bang napag uusapang derby dyan na malaki laki naman ,,,,, dyan sa atin , victoria , calapan yang dragon , o yang DRT,,,,,

KesheJe
April 19th, 2007, 03:25 AM
kamusta na kayo dito mga Tribu Mangyan??

Boss Sapula Saputi kamusta na sir?? sir goryo kamusta na dyan sa Sunnyvale sir?

goryo888
April 19th, 2007, 05:40 AM
kuya spsp

uuwi na ako saan ba may magandang derby dyan sa atin ,,, atleast 4 cock sya ,,,, ayaw ko ng masyadong malayo eh ,,,,,,,, wala bang napag uusapang derby dyan na malaki laki naman ,,,,, dyan sa atin , victoria , calapan yang dragon , o yang DRT,,,,,

Yang DRT Kabahag.... 22K ang PotMoney....ang may Paderby si DRT at Mayor RA....kaso di proportionate sa Guaranteed ..... .5M lang yata....baka sine BM nandyan atmag Entry rin, dahil si DRT nagEentry sa paDerby ni BM....hehehehee

goryo888
April 19th, 2007, 05:42 AM
kamusta na kayo dito mga Tribu Mangyan??

Boss Sapula Saputi kamusta na sir?? sir goryo kamusta na dyan sa Sunnyvale sir?

Sir Kesh...ayos laang ang mga Mangyan, pati areng nasa Sunnyvale....hehehehe

Ikaw baga kaya ay ayos na ang pakiramdam sa NBA POSTAHAN?? hheheheeee!!! Nagbayad na ga....hehehee ala ay nasilip ko laang baga at ako'y nasa ibang thread ng pinaghahanap mo yung de Kabayo....heheheheee

dojins.bros
April 19th, 2007, 08:36 AM
madali lng ang way via caliclan 2 roxas mindoro den to calapan
minabob
Musta na Thanks sa pagdalaw sa kubol ng mangyan...taga Iloilo din ako mother ko taga Balasan and ang erpat ko taga dumangas..kaya lang dito na ako nakatira sa mindoro dahil taga dito ang napangasawa ko..hehehehehe welcome na welcome kayo dito wala problema kong wala kayo matuloyan pueding puede sa amin..hehehehehe kaya lang dapat nanadon ako hehehehehe..lagi ka lang pre bisita dito sa kubol namin para lagi ka on time sa schedule ng derbies sa mindoro...by June eh timing mo na sumali dahil nasa pinas na ako on that time....

alimbuyog
April 19th, 2007, 09:00 AM
gandang araw sa inyong lahat!

sang-ayon ako sa mga mungkahi ni PREZ!

mga kabahag,

kung wala pa kayong contact number at pangalan (tunay) dun sa ating invitation eh pakipost na dine at ng mafinalize na ni ka dojins ang ating invitation at banner . . . .

dojins.bros
April 19th, 2007, 09:24 AM
Magandang umaga sa lahat ng kabahag

Pre Nante
Tayo na naman ang tatao ngayong umaga sa ating kubol..tulog na yong ibang mangyan..hehehehehe
sana nga maipaskil na ng mga kabahag natin yong mga list of name and number para naman mafinalize na natin yong Tarpouline and Banner natin....

alimbuyog
April 19th, 2007, 09:33 AM
ka dojins,

malamang tayo nga lang 2 uli . . . . itanong ko pala kay utol at baka alam nya mga contact number nung mga wala pa . .

BOLSHEVIK
April 19th, 2007, 09:54 AM
Wow kahaba ng aking hinabol na basahin dito…

Sya larga na iyan pa concierto natin. Mga kabahag suggest ko lang na yung mga may entry sa atin sa 22 ay dapat may Tribu mangyan. Mahirapa na baka Puro tayo ang magkalaban laban, lalona’t baka computer matching ang gagawin. Hehehe!

Stewart

dojins.bros
April 19th, 2007, 09:54 AM
ka dojins,

malamang tayo nga lang 2 uli . . . . itanong ko pala kay utol at baka alam nya mga contact number nung mga wala pa . .

Cge Pre para mafinalize na antin tong invitation and banner natin...

dojins.bros
April 19th, 2007, 10:00 AM
ka dojins,

malamang tayo nga lang 2 uli . . . . itanong ko pala kay utol at baka alam nya mga contact number nung mga wala pa . .

Cge Pre Nante para mafinalize na natin tong invitation and banner natin

BOLSHEVIK
April 19th, 2007, 10:05 AM
Pre Muk_mafi,
Ok text ko na lang si ariel kung sakali, sana nga lang wala sya sa sabungan nun para di naman dyahe para sa kanya. Hehehe!

Pwede ba tayo na tag team sa Reservation ng cockhaws? Para di ako maligaw, lalo na di pa ako pamilyar masyado sa mga nag eentry sa mindoro. Thanx!

Stewart

libra 06
April 19th, 2007, 10:32 AM
mga ka tribu mangyan
makikisali na ako sa inyo sa pagbantay dito sa kubol ninyo

KA SA PULA SA PUTI
naghihingi ka pala ng comment sa paglaban mo sa UBBA kagabi ko lang na basa bagamat
huli na gusto ko parin magbigay ng commentario sorry ngayon ko lang nabasa

ang mga MANGYAN WHITE ng pinulok natin noon gabing iyon masasabing kong magaling
tlaga ang break ng manok kung tatanga ang mga manok na makakalaban natin talagang sa kangkungan sila pupulutin at sigurado magaling din ito sa patamaan basi sa napanood ko na laban ng iba kaya lang ang napansin ko masyadong sugod masyadong ang mga
manok na mangyan white minsan wala na sa balansi ng sugod mabuti kung palaging
makakasira tayo sa isa pangalawa o pangatlo sugod pero kung hindi malamang na talo
tayo kaya kung madadagdagan ng diskarti ang MANGYAN WHITE tulad ng ilag palagay ko
lalo ng titindi ang galing ng MANGYAN WHITE kaya icrocross ko ang MANGYAN HEN na
nasa akin sa mga ALIMBUYUGIN KO medium station lang tutal mataas naman ang mga
MANGYAN WHITE ito ay opinion ko lang
BABALITAAN KO KAYO KUNG ANO ANG KALALABASAN NG BREEDING NA ITO

GOOD LUCK KA GORY sa laban mona 2 cock derby WW
good luck din sa lahat ng tribu na maglalaban sa fastest kill hindi ko na isaisahin baka
me makalimutan ako

goryo888
April 19th, 2007, 10:39 AM
Kabahag DB at Alimbung...wehehee

Sige wentuhan muna kayo dyan at iidlip muna uli si ako dine....

goryo888
April 19th, 2007, 10:43 AM
lalo ng titindi ang galing ng MANGYAN WHITE kaya icrocross ko ang MANGYAN HEN na
nasa akin sa mga ALIMBUYUGIN KO medium station lang tutal mataas naman ang mga
MANGYAN WHITE ito ay opinion ko lang
BABALITAAN KO KAYO KUNG ANO ANG KALALABASAN NG BREEDING NA ITO

GOOD LUCK KA GORY sa laban mona 2 cock derby WW
good luck din sa lahat ng tribu na maglalaban sa fastest kill hindi ko na isaisahin baka
me makalimutan ako
[/quote]

Ka Libra....ngayon nakaKross sila sa isang Black din....sa Daredevil Black..kaya ang nakikita namin dine ay maganda ang kakalabasan....nakita mo siguro nung mapunta ka kina Kuya SP......

Tenkyu...sana nga madali ng mga bulik ko are....pambayad sa patuka man lang....

goryo888
April 19th, 2007, 10:46 AM
Wow kahaba ng aking hinabol na basahin dito…

Sya larga na iyan pa concierto natin. Mga kabahag suggest ko lang na yung mga may entry sa atin sa 22 ay dapat may Tribu mangyan. Mahirapa na baka Puro tayo ang magkalaban laban, lalona’t baka computer matching ang gagawin. Hehehe!

Stewart

Pero pag may mabibigat pumusta ay ...siguro itabi ang kanila at ipagtapat tapat na lang sila para di matagalan ang pagkakasa...heheheheeeee!!
Pwede ring itapat sila sa akin at ng abutin ng sunod na mahal na araw bago mabitawan manok nila....weheehehehee

BOLSHEVIK
April 19th, 2007, 10:57 AM
Pre goryo,
Ayun sa aking pakiramdam at wannabe breeder thinking ko ay mas magiging maganda labas ng mangyan white sa whitehackle. Yung whitehackle ng kaibigan ko na nag brebreed kay ram lopez ng altuz entry ay di rin maganda ang pangangatawan ng kanyang BC na whitehackle at di mo rin sya kakikitaan ng galing sa bitaw. Pero kapag ilinaban mo na sa tari ang kanyang mga anak ay superb ang cutting ng mga ito at isa ito sa kanilang pambato.

Sa breeding daw kasi di lagi ang magaling sa bitaw ay nangangahulugan ng magaling na din ang i-aanak nito. Mas nag mamatter daw kung prepotent ba ang gagamitin mo na manok, kahit di ito kagalingan sa bitaw. Lalona't may nakita ako sa characteristic nung whitehackle na magiging malaking tulong sa Mangyan white. Ayun na rin sa pagsasalarawan ng creator ng DD whitehackle. Isa pa ay dahil sa pitu rin naman yung whitehackle BC ay di gagano lalayo ang offspring nito sa pangalan na mangyan white. hehehe! Kwentong barbero lang naman.

stewart

alimbuyog
April 19th, 2007, 11:12 AM
ka leony,

ok lang. salamat sa pangungumusta . . . . di kami masyado naglaban ng manok ni utol . . . . 1-1 kami last 2-cock derby dito sa amin . . . titingnan dito sa palaban natin, testing yung 2 galing kay pareng tem.

ka dojins,

si blackjack na laang yata ang wala dyan, TEM pangalan nya, eto number nya, 09184038924. si grandeur/sherwin nga pala eh wala na dito, sumakay na uli ng barko.

wings_21
April 19th, 2007, 11:50 AM
Yang DRT Kabahag.... 22K ang PotMoney....ang may Paderby si DRT at Mayor RA....kaso di proportionate sa Guaranteed ..... .5M lang yata....baka sine BM nandyan atmag Entry rin, dahil si DRT nagEentry sa paDerby ni BM....hehehehee

goryo,

ito ba ay guarateed 5 milyon ba,, marami naman kaya sasali dito,,,kailanagn ang manok dito ay yung matindi ang condtion at talagang magaling hnd bayong,,ano ito 4 cock ba,,, ano ito miimum bet 22k din ,,,,,,mabigat ay ang manok ko naman ay hnd pa talagang pang diin,,, ay sa baka mapasabak na laang dto sa ating palaban,,,,

dojins.bros
April 19th, 2007, 11:59 AM
ka Gary, ka Wings, ka Stewart

Musta na...paano ba to eh finalize ko na ang invitation and banner wala na ba kailngan ihabol o baguhin pa..any suggestion pa para sarado na natin to..para maimprinta na....

ka Wings..
DI yan 5mil...500K lang po yan..hehehhe 22k ang pot money and minimum bet

sya goodluck nalang sa ating lahat....kain mo na ang dapong mangyan....dahil kanina pa gutom....

wings_21
April 19th, 2007, 12:08 PM
hi evry one,

goryo888 and to all,

look what i got to my eamil,,, the fun is over ,

To all the members of Oakridge Gamefarm;

As you all know, H.R 137 has passed and is awaiting signing by the
President. By this Bill becoming law, We will be making some major changes
on the website. As the law states, You will not be able to talk about
fighting of Gamecocks, Selling of Spurs, Gamefowl Pits, ETC. This will
be law! You will have to drop all talk about fighting of animals period.
I know this against your first ammendment right. We all know this, So
don't be the user to send me an email that says you can talk about what
you want. That is where you are wrong. They are going to be coming
after the websites when this is signed. I will not have my site dropped
from a user who just don't give a damn. In order to be a user of the
website, You will have to abide by the changes that are to come. Users that
have not posted in a while will be banned! If you are banned, Don't
email me asking why. The letter states why. I will not tolerate any non
sense of any kind. Fighting each other in a post will result in a ban! If
you want to fight or bicker back and forth like a little kid, Take it
to a PM or email. Keep it off the website. Anyone that uses the terms,
Fighting, S/k, l/K, Gaff, Pit, Etc will be banned! As you can see, Other
websites have already shut down or has done a house clean up. We are
doing the same thing but are taking it a step further. I WILL NOT LOOSE
MY WEBSITE BECAUSE OF NON SENSE!!!!!! Take note of what is said here.
With these new laws coming in like they are, We have to watch what we say
and who we say it to or it can result in a Federal offense. I will not
go to jail for you nor would you me. I hope this letter does not make
anyone mad, If it does, You need to find out where your heart is. You
are either for us or against us. You can't be both. Thank You for your
time and I hope you and your family have a blessed day. The old rules
still apply! Make sure you read the old rules in the FAQ listed under
forum twards the bottom of the forum page. Thanks Oakridge Gamefarm

tapos na ang maliligayng arw doon sa kanila paano kaya ang mga farm nila goryo tutuloy pa ba rin nila ang pag brebreding ng manok

dojins.bros
April 19th, 2007, 12:09 PM
ka Pres

Pakitama naman tong number ni ka JJ Soller and ka Alex E.
kasi iisa ang number na binigay mo...paki update lang ulit thanks....

sa pula sa puti
April 19th, 2007, 01:13 PM
kamusta na kayo dito mga Tribu Mangyan??

Boss Sapula Saputi kamusta na sir?? sir goryo kamusta na dyan sa Sunnyvale sir?
\

Kesheje,

Long time no news from you, naligaw ka yata dito sa Tribu, kumusta na? Ang mga mangyan dito okey lang, di bahag pa rin pero may brief na!

sa pula sa puti
April 19th, 2007, 01:17 PM
ka Pres

Dojins, yung kay Alex E 09189274731, yung kay JJ Soller 09209457673

dojins.bros
April 19th, 2007, 01:21 PM
[/left]

Dojins, yung kay Alex E 0918927473, yung kay JJ Soller 09209457673

ka Pres
Thanks...eh update ko na para mafinalize na natin para kong sino man sa kabahag natin puede magprint....

dojins.bros
April 19th, 2007, 01:23 PM
ka Pres
yong kay kabahag..Alex E..kulang ng isang number..hehehehehe

alimbuyog
April 19th, 2007, 01:24 PM
[/LEFT]

Dojins, yung kay Alex E 0918927473, yung kay JJ Soller 09209457673

prez,

magandang hapon sa inyo, kulang ho yata yung number ni Alex E . . .

muk_mafi
April 19th, 2007, 01:28 PM
dojins,
pre nakausap mo baga si ariel tungkol sa manok mo. nabanggit ko rin sa kanya pero sabi ko tatawagan mo sya.

pag final na ang design ng tarpouline ay paki-email sakin boyetbasilan@yahoo.com. tingnan ko if may mapakiusapan ako na magpaprint nito sa calapan.

Mangyan88,
baka naman anjan ka sa calapan... paki-inquire na magkano printing ng 2 x 3 ft tarpouline jan sa Color Master Photo, katabi laang yan ng shop mo...

sa pula sa puti
April 19th, 2007, 01:28 PM
Wings,

Kadamong giyera ng manok dito ngayon, taglakas, tag ani ng palay, maraming manok ang magbubukid, derby kaliwat kanan, tiyak mapapalaban tayo ng magandahan. Pa kundisyon mo mabuti ang manok mo para pagdating mo ay fight agad. May request lang ako para ma proktektahan ko ang pamusta sa bulsa mo, ito naman ay kung maaari laang, pwede ba bago mo ilaban ay makilatis muna natin ng maigi ang pamamalo at kilos ng manok? Mahirap kasi yong laban ng laban kahit galing sa bayong kung okey ang pamamalo pwede ilaban, pero kahit mahal ang bili pero hindi maganda kilos ay ipagpaliban muna. Nasabi ko ito dahil sa ang entry noong wala ka ra rito sa Victoria sa Fastest Kill ng CHOKKO ay hindi kumilos ng ayos. Mahirap maghanapbuhay ng malayo sa sariling bayan tapos basta na lang natin ipapatalo sa hindi nakahandang manok. Pagdating mo rito ipatawag mo lang ako at akoy laging handang tumulong lalo na sa iyong breeding na laging nauudlot ang paglaki ng mga sisiw.

sa pula sa puti
April 19th, 2007, 01:31 PM
dojins,
pre nakausap mo baga si ariel tungkol sa manok mo. nabanggit ko rin sa kanya pero sabi ko tatawagan mo sya.

pag final na ang design ng tarpouline ay paki-email sakin boyetbasilan@yahoo.com. tingnan ko if may mapakiusapan ako na magpaprint nito sa calapan.

Mangyan88,
baka naman anjan ka sa calapan... paki-inquire na magkano printing ng 2 x 3 ft tarpouline jan sa Color Master Photo, katabi laang yan ng shop mo...

Dojins, mayroon doon sa malapit sa globelines, doon ako nagpagawa ng tarpaulin noong magpa fastest kill ako, patingnan mo rin kung alin ang mas mura na ok naman doon na lang.

muk_mafi
April 19th, 2007, 01:32 PM
stew,
sige at tutulungan kita sa cockhouse reservations... i have the floor plan on my mind. hehehe. bukas pa mabibigay sakin ang number ni enteng.

sa pula sa puti
April 19th, 2007, 01:33 PM
ka Pres
yong kay kabahag..Alex E..kulang ng isang number..hehehehehe

Kulang nga ng 1 sa dulo, nilagay ko na tama na siguro yon, he he he, talagang tanda na!

sa pula sa puti
April 19th, 2007, 01:38 PM
Babu na, punta ako sa sabungan dito sa Victoria, papagamot ko yung mga nanalo sa DRT 5 SUGATAN, puro may bangkulit, hindi yata nililinis nung mga
doctor quac quac doon, pati yung gurlis lang sa hita may bangkulit pa, walang
matinong manggagamot doon, marami pang maglalason at mambabali, sa pa fastest kill natin balak kong magsalita pagkatapos ng National Anthem, parang welcome speach at paanyaya sa isang parehas at malinis na pagsasabong.

Ka Dingdong, pwede gang paki gawa mo ako ng isang speach, tagalog, ang tema ay paanyaya sa lahat ng magsasabong na maging maginoo at parehas.

muk_mafi
April 19th, 2007, 01:38 PM
Dojins, mayroon doon sa malapit sa globelines, doon ako nagpagawa ng tarpaulin noong magpa fastest kill ako, patingnan mo rin kung alin ang mas mura na ok naman doon na lang.

magtanong-tanong na lang muna ako kung san pinakamura, habang di pa final ang design natin. ilan baga ang paprint natin?

dojins.bros
April 19th, 2007, 01:39 PM
di ko pa natawagan si Pre ariel....tawagan ko sya sa weekend para don sa manok din paki-usapan ko na rin kong ipahatid ko ang mga manok...bigyan nya ng invitation yong handler ko para maidistribute sa area ko...paki remind nalang pre para ulitin ko nalang sa kanya...kong next week tapos na ang banner and tranpouline natin tamang tama my sabong sa baco doon ko nalang ipadala ang invitation mas mabuti yon dahil nandon lahat ang magsasabong sa area namin....

goryo888
April 19th, 2007, 01:44 PM
Dyan muna kayo...at kakayod muna ng panggata......

dojins.bros
April 19th, 2007, 01:59 PM
Mga kabahag yong number na nakaindicated sa name ko..ay number ng brod ko sya na ang bahala tumulong sa akin habang wala ako sa pinas...

dojins.bros
April 19th, 2007, 02:04 PM
Ito na pala ang Final na Invitation and Banner natin......sana magustuhan nyo....puede naman baguhin yong banner based sa skill ng shop...

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-final.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-banner-1.jpg

muk_mafi
April 19th, 2007, 02:06 PM
pre dojins,
unahin mo na tapusin yung invitation kung pwede... kung di ka busy ha. yun yung ipofold at lalagyan lng ng name sa labas. pagbukas ay hati sa 2 page at pareho portrait ang printing. paki-email mo rin sakin together with the tarpouline design.

hahanap pa ako ng tao na pwede magprint ng marami nito...

dojins.bros
April 19th, 2007, 02:12 PM
Pre Boyet
na send ko na sa email add mo..kaya lang di ko pa nagawa pala yong para sa invitation letter...puede na rin gamitin yong tarpouline natin...paliitin lang...

BOLSHEVIK
April 19th, 2007, 02:19 PM
Kung wala babaguhin ay larga na iyan. Naghihintay na ang mga sabungan. Hehehe!

Mga kabahag tanong ko lang, ilang porsyento sa kikitain ang mapupunta sa pondo ng proyektong pagtulong sa mga mangyan at sa pondo ng TRIBU MANGYAN? O bibigay ba natin 100% yung kikitain para sa operation tulong natin? Salamat!!!!!

Stewart

BOLSHEVIK
April 19th, 2007, 02:21 PM
Pre Muk_mafi,

Asan na yung fastest kill nyo nuon na manok? Baka pwede pa ulit ilaban? Hehehe! Yung stag ba na dumating ang ilalaban nyo sa pa concierto natin pre?

stewart

dojins.bros
April 19th, 2007, 02:23 PM
Kung wala babaguhin ay larga na iyan. Naghihintay na ang mga sabungan. Hehehe!

Mga kabahag tanong ko lang, ilang porsyento sa kikitain ang mapupunta sa pondo ng proyektong pagtulong sa mga mangyan at sa pondo ng TRIBU MANGYAN? O bibigay ba natin 100% yung kikitain para sa operation tulong natin? Salamat!!!!!

Stewart

ka Stewart
sa akin lang ha ok na rin yong mungkahi mo na ibigay natin para sa operation tulong...
pero kunin mo na ang lahat ng gastos para magamit natin sa sunod na proyekto ang matira yon ang puede natin ipamigay.....

muk_mafi
April 19th, 2007, 02:41 PM
stew,
hindi yung bagong stag ang gagamitin, reserve yun sa pag-uwi ko. sabi ko ilaban na lahat kahit yun derby winner wag lang yun stag na yun. lalos na yung nanalo sa victoria pre, after manalo isinoli ko na sa kumpare ko. ikinundisyon nila at inilaban sa cinco, lyamadong lyamado dahil putok na yun yung champ sa victoria. talo! patalon-talon lang at malambot ang palo. conditioning ang malaking pagkakaiba.

dojins,
recib ko na yun e-mail mo. try ko paprint agad yung tarpouline. please make me another file nung tarp design that would fit small bond paper; pakialis yung yellow background at yung border line please make it black. subukan ko if makapagpaprint ako ng marami nito sa special paper, medyo makapal. inform kita pag pwede na pick-up kay ariel.

dojins.bros
April 19th, 2007, 03:27 PM
Pre Boyet

Pre pakitingni kong maaari na sayo yan...pinasok ko na sa excel para madali mo ma adjust just incase na set-up mo ng maayos....eh preview mo muna para makita mo ang set-up

dojins.bros
April 19th, 2007, 03:39 PM
Mga Kabahag..ito na yong Tatlong Format ( Banner, Tarpouline & Invitation form)

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-banner-1.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-final.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-Invitationform-1.jpg (http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/2ndFastestkills-Invitationform-1.jpg)

dojins.bros
April 19th, 2007, 04:00 PM
Pre Boyet
nasend ko na ulit sa email add mo....thanks

alimbuyog
April 19th, 2007, 04:10 PM
ka dojins,

ayos na ayos mga to! (di ba nilalagay kung magkano bayad sa pinto?)

sign out na muna ako . . . bukas uli.

muk_mafi
April 19th, 2007, 04:15 PM
Pre Boyet
nasend ko na ulit sa email add mo....thanks

pre,
nag-email ako ulit sayo. pakitingnan mo yung suggestion ko ha. thanks!

dojins.bros
April 19th, 2007, 05:05 PM
pre my email ako sa'yo...pakitingni...kong maaari na...

Sya bukas nalang ulit...malapit na uwian...hehehehe ligpit muna ng mga kalat sa table.....

muk_mafi
April 19th, 2007, 05:23 PM
pre my email ako sa'yo...pakitingni...kong maaari na...

Sya bukas nalang ulit...malapit na uwian...hehehehe ligpit muna ng mga kalat sa table.....

saktong-sakto pre!!! yung jpeg ang ie-mail mo sa mga kabahag na nagrerequest ng copy. print lang tapos gupitin into 2 invitation cards. tingnan ko kung makapagpa-print ako ng marami nito.

Mt.Halcon 888
April 19th, 2007, 06:30 PM
Magandang hapon mga kabahag,

haba ng hinabol ko ah. . . . .

ka DB,siguro dun sa tarpaulin e pakilagyan ng contact numbers,para pag isinabit sa sabungan emaron na silang matatawagan,ganun din sa invitation . . .

Prez.daan ako dyan sa yo sa sabado ng umaga,para ifinalize natin ang task ng bawat isang kasaping availabale sa araw ng palaban. . . .

Ka MM,kung me makakausap kang gagawa ng mga tarpaulin at banner o kaya kahit itex or pakipost yung mga contact numbers nila. . .para makapag pagawa na tayo at maidikit na sa mga sabungan.Sabado at linggo nasa mindoro ako,makakapag ikot na kami nun sa mga sabungan . . . .

sa pula sa puti
April 19th, 2007, 08:57 PM
Jeff,

Paluwas ako sabado ng umaga, sunduin ko si Bayaw sa airport, linggo o lunes pa balik ko ng Mindoro. Sino sino ba darating na katribu sa pa fastest kill natin sa May 22? Kailangan talaga mahati natin ang trabajo para maayos ang takbo
ng paderby natin.

DingDong
April 19th, 2007, 09:46 PM
pare jeff,

sinabihan ko si utol na puntahan ka sa pinamalayan sa sabado, txt txt
na laang kayo kung paano kayo magpapangita ...

prez,

bawat araw ei tig isang wika ang gagawin ko, cguro naman bago dumating
ang kaarawan ng palaban ei meron na akong ilang talata, hi hi hi

kung dadating man po ang inyong lingkod ei malamang po na sa gab-i
na laang ng laban. uwian din po ang magiging banat ko dine. pagkatapos
ei sibat na paluwas uli. saan kaya pwede dun matulog kahit 3 hrs laang.
para naman hindi ako tutukatuka sa opis, hi hi hi

bakit wala yata ang mga night shift dine ... mag isa laang wari ako dine.

.

Mt.Halcon 888
April 19th, 2007, 09:48 PM
Ka DB,pare pakibago yung time ng derby starts,siguro lagay natin 5 pm,sa tingin ko mas maaga tayo magpa umpisa. . . . para di masyado late matapos. . . . kasi kung yung iba mag eentry lang ng isa,aabutin pa ng matagal e baka mainip,bigla umalis hehehehe. . .

naimibitahan ko na si Kits Umbao kanina,2 entry daw sya . . . . . .

Pareng DingDong,yung Kasiligan cockpit paki imbita rin. . . .

Mga kabahag,kundisyon nyo lahat ng manok nyo na pupwedeng ilaban,para meron tayong pang bangga sa mga me pustang entry. . para maganda ang kasahan, , ,

Pati,paki banggit dito sa thread kung sino sino ang pupwedeng tumulong sa araw ng derby.para mabigyan ng task ni KUYA(pinoy big brother yata yun ah) . . .hehehehe

kelangan natin ng me tutulong sa matching. . . pwede na kami dun . . .

kelangan member din natin ang naka assign sa stop watch. . .

Yung ginamit ko sanang sentensyador sa Pinamalayan ang kukunin ko,taga dito sa Manila at nagsesentensya yun sa Roligon. . . . para parehas ang laban at mabilis yun,pinalakpakan nga yun nun paderby ko kasi maagap dumampot ng manok. . . .

Ka MM,ok na ba yung kakausapin natin sa mga invitation,tarpaulin at banner?salamat pare.

Pres. tuloy pa ba yung entry mo sa cainta sa April 25?

Tama yun mga kabahag,dapat lahat ng sasalihan nating derby ,kelangan ang entry name parati e 100,000 MAY 22 FASTESTKILL DERBY SA DRAGON,para ma promote nating mabuti,kahit 2 cock laang o kaya e maghahackfight tayo,pa announce natin ang derby natin,sabay pago at largahan ang deprensya ng pusta ng lyamado bwahahahaha.

Mt.Halcon 888
April 19th, 2007, 09:54 PM
Pareng DD,andine laang ako,naga isip pa ko kung kulang pa,ano pa baga. .

Imbitahan ba natin yung BAY WALK BODIES para pang intermission. ..hehehehee

Mt.Halcon 888
April 19th, 2007, 10:00 PM
Mga kabahag,ok ba sa inyo contribution natin 500 o 1,000,para sa mobility at pangpagawa ng mga kakailanganin natin sa paderby. . basta lahat ng gastos e babawasin sa kikitain. .

Ka DB,pakilagay na rin pangalan ko sa contact number sa Pinamalayan-JEFFREY LORETO 0917-5240888,salamat ulit kabahag . . . .

DingDong
April 19th, 2007, 10:06 PM
Pareng DD,andine laang ako,naga isip pa ko kung kulang pa,ano pa baga. .

Imbitahan ba natin yung BAY WALK BODIES para pang intermission. ..hehehehee

maganda sana iyan kaso baka madisgrasya tayo dyaan. ere at naghahanap
ako ng matutulugan ng kahit 3 oras laang ei bibigyan mo naman agad ako
ng katabi. di ako makakatulog nyaan .... hi hi hi

pero okay ga kaya sa gay-an ang mananabong ng mindoro? ano sa tingin
nyo mga kabanel ... sa akin ei okay lang ... gaano ga ang talent fee nyaang
mga iyan at ilan baga sila? ...

.

goryo888
April 19th, 2007, 11:20 PM

Ka DD ikaw laang eh tabon na yaang mga Bay Walk Bodies na yaan...hehehe konting pakita ka laang ng makintab kintab na ano eh....hehehehe masisilaw na yaang mga yaan.....ng legs baga....heheheheeee!! Baka naman yung sinasambaliluhan ang ipakita mo eh masisilaw nga yung mga yun....weheheheee

Magkano ga ang talent fee mo Ka DD sa gay an??

goryo888
April 19th, 2007, 11:22 PM
Ay pagkaGaling baga ni Ka DB sa gayang larangan...yaan ang papalakpakan...hehehee

Ka Jeff...sige yung kaibigan mo ang kuning magSentensya kung kaya ng Tribu ang presyo nyaan....

dojins.bros
April 20th, 2007, 08:18 AM
Ay pagkaGaling baga ni Ka DB sa gayang larangan...yaan ang papalakpakan...hehehee

Ka Jeff...sige yung kaibigan mo ang kuning magSentensya kung kaya ng Tribu ang presyo nyaan....

ka Gary
Maraming salamat kahit di ko alam ang iyong ibig tukoyin hehehehehehehe

Musta na sa lahat ng kabahag.....
Any comments and suggestion pa....kong wala na close ko na ang libro
at larga na to....

ka DD
kailangan ko sana ang mga email add ng lahat ng kasapi ng tribu mangyan para mapadala ko sa email nila ang ating invitation letter, tarpouline and Banner..pati na rin yong email add mo paki-include kailangan ko sana this morning....dahil mamaya busy na ang iyong kabahag....mag-impaki ng gamit dahil balik na kami sa main office tomorrow....

alimbuyog
April 20th, 2007, 08:51 AM
magandang araw sa inyong lahat!

ka DB,

ito email ad ko, danzante_74@yahoo.com.

mas mganda nga kung makakapagusap ng personal ang mga mangyan na nakabase dito sa atin . . . para mas madaling mahati ang mga responsibilidad natin bago at sa araw ng ating palaban.

alimbuyog
April 20th, 2007, 08:58 AM
kung kukulangin tayo sa manpower eh pwede akong magsama dito ng isa na empleyado ng sabungan dito sa amin. pwede ito sa matching, runner, boy o kahit anong trabaho . . . . all-around kung baga.

dojins.bros
April 20th, 2007, 09:51 AM
Pre Nante
Napadala ko na sa email add mo..pakicheck nalang kong maaari na....

ka DD na send ko na rin sa email add mo (company email add mo yata yon sa science park) pakicheck nalang kong puede na rin...

alimbuyog
April 20th, 2007, 09:51 AM
nakow! . . . . ako laang yata ang tatao dine ngayong umaga . . . . abala si ka DB sa paglilipat . . .

dojins.bros
April 20th, 2007, 09:55 AM
nakow! . . . . ako laang yata ang tatao dine ngayong umaga . . . . abala si ka DB sa paglilipat . . .

Pre Nante
Nandito pa rin ako kahit pasilip silip lang hehehehhe samahan pa rin kita maghapon...

ka Pres. SPSP

na send ko na rin sa email add mo iwan ko kong tama yon....( nestorrazon2003@yahoo.com (nestorrazon2003@yahoo.com) ) tama ba yan...kong hindi paki forward naman sa akin...ito pala email add ko.... dojins.bros@gmail.com (dojins.bros@gmail.com)
Thanks

alimbuyog
April 20th, 2007, 09:58 AM

buti naman at andyan ka pala . . . . natanggap ko na. . . ty.

dojins.bros
April 20th, 2007, 10:06 AM
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/1-Tarpouline.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/1-Invitationform.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/1-Banner.jpg

mga kabahag ito na yong Latest format para sa concierto natin....

alimbuyog
April 20th, 2007, 10:15 AM
pre DB,

wala na kayang mababago dine at magpiprint na ako ng ilan dine. . . . kaso medyo malabo ung ibang contact number, masyado yatang maliit . . . . ung kina jeff.

dojins.bros
April 20th, 2007, 10:19 AM
ka DB,

buti naman at andyan ka pala . . . . natanggap ko na. . . ty.

ka Nante

Nandito pa...umpisa na mag-impaki mga kasamahan ko ako mamaya pa kukunti lang naman ang ilagay ko sa box....

dojins.bros
April 20th, 2007, 10:26 AM
pre DB,

wala na kayang mababago dine at magpiprint na ako ng ilan dine. . . . kaso medyo malabo ung ibang contact number, masyado yatang maliit . . . . ung kina jeff.

ka Nante
Malabo nga kahit eh print ko sa black & white...saglit lang ha baguhin ko ulit gawan natin ng paraan

dojins.bros
April 20th, 2007, 11:03 AM
Ito na talaga ang latest hehehehe pinatingkad ko lang ang kulay ng mga text

http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/1-Tarpouline.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/1-Invitationform.jpg
http://i143.photobucket.com/albums/r150/rpd_bros/1-Banner.jpg

BOLSHEVIK
April 20th, 2007, 11:30 AM
Jeff,

Paluwas ako sabado ng umaga, sunduin ko si Bayaw sa airport, linggo o lunes pa balik ko ng Mindoro. Sino sino ba darating na katribu sa pa fastest kill natin sa May 22? Kailangan talaga mahati natin ang trabajo para maayos ang takbo
ng paderby natin.

Di pa ako surekung makauwi sa mindoro sa pa fastest kill natin. Baka nasa Ilocos ako that time, medyo may importante lang ako aayusin dun. Pero kung may free time ako ay kahit ako runner nyo. Hehehe!

Yung pledge ko sa sabong.net. derby ay out ko na, dito na lang sa pa concierto na lang natin ilaban. Pandagdag din ito sa entries.

Sya magparamdam ka lang kapag andito ka sa manila….

Stewart

BOLSHEVIK
April 20th, 2007, 11:33 AM
Tuloy parin po pooling natin sa sabong.net derby, mayo 25 2007.

Ito po mga pledges.

Mt.halcon 1
SPSP 1
Sonny dela cruz 1

Baka meron pa gusto mag pledge diyan para mas maganda.

Stewart

goryo888
April 20th, 2007, 12:12 PM
Tanungin Ka Bols yung mga bagong bigating myembro ng Tribu....sina Ninong Boyet mo..sine Ka JJ, Ka Alex E....baka di laang isa ang magiging en3 ng Tribu pag magAmbag ng manok yang mga yaan....

grandeur0
April 20th, 2007, 12:31 PM
GRANDEUR0- email add: babes_i2004@yahoo.com
mga kbahag kayo na muna ang bahala cgurado naman magiging maayos yang pa derby natin nayan ,cell#+639286241794 roaming

classmate nante - pag naka pag print ka ng invitation paki bigyan sa bahay ng 6pcs
ang tatay ang bahalang mag bigay

- mag kano ba ang magiging contribution ipapaabot ko na kay mt
halcon sa april 22 manonood kasi ang mga tatay sa 3 cock

hanggang sa muli mga ka tribu baka ako ay maiwan ng barko ksi
sa labas lang ako nakakapag bukas dine sa ating kubol

grandeur0
April 20th, 2007, 12:36 PM
bolshevik
kausapin ko yong barkada ko bka okey sa kanya na sa grupo natin isapi yong manok nya tinatanong kasi ako kung meron ako pwedi dyan sa sabong.net meron syang isa doon pweding pwedi yon kita ko sumalpok kausapin ko kung papayag taga binangonan un

goryo888
April 20th, 2007, 01:17 PM
Ka GrandeurO ay sya lakad na at baka maiwan ng Barko ay maglangoy ka...ay siguradong pagkalamig ng tubig dyaan....heheheee

alimbuyog
April 20th, 2007, 01:20 PM
pareng sherwin,

musta na ga? print na ako maya-maya, dalhin ko na rin mamaya hapon pagkapatuka ko ng mga manok . . .

dojins.bros
April 20th, 2007, 01:22 PM
ka Gary and Grandeur0

Musta na sa inyong dalawa
naku mga kabahag..yong inaasahan ko na maisabak ko sa fastest kill natin na si 2X winner na si panot nadidbol daw sabi ni mrs..katatawag lang huwwwwwaaaaaaa malakas naman daw kagabi..nasa talian..pagkagising kaninang umga dead na daw...huhuhuhu nalagasan na naman sya si cardinal kelso din si asil ko nlang ang mapalaban....

alimbuyog
April 20th, 2007, 01:51 PM
ka dojins,

baka yun eh nadale ng heat stroke . . . . grabe ang init dito sa atin . . . he he he . .

nakaprint na ako ng ilang piraso nung invitation, malinaw na lahat!

dojins.bros
April 20th, 2007, 02:15 PM
ka dojins,

baka yun eh nadale ng heat stroke . . . . grabe ang init dito sa atin . . . he he he . .

nakaprint na ako ng ilang piraso nung invitation, malinaw na lahat!

Baka nga sayang talaga....
Buti naman at clear na ang printing..puede na yan eh distribute problema ko yong sa area ko kong paano ko mapadala dahil walang net connection sa baco.....

ka MM kong makaproduce ka ng mga printing pasobrahan mo ha para maipamigay ko rin sa amin...tawagan ko nalang brod ko for pick-up sa place mo..

alimbuyog
April 20th, 2007, 03:18 PM
taas ko lang . . . .

dojins.bros
April 20th, 2007, 03:22 PM
Pre Nante
Maiwanan ko muna kayo akoy..shutdown na baka mawala ako ng ilang araw dahil magset-up pa ng gamit sa aking lilipatan kasama na rin yong pag-ayos ng mga net conection...ikaw na muna bahala magforward sa mga kabahag natin na nangangailangan ng kopya....thanks ronaldd

alimbuyog
April 20th, 2007, 04:10 PM
preng dojins,

no problemo . . . . . ingat tayo lagi! bibigyan ko na yung mga kakilala ko dito bukas . . . sign out na rin muna . . . .

malayan_heat3
April 20th, 2007, 07:09 PM
hello Mga Kabahag.....

taas Ko Lamang At Naglalayag Na
naman Ang Bangka Natin.....

sa pula sa puti
April 20th, 2007, 08:03 PM
Jeff/Dojins,

Dapat nailagay natin pangalan and cp no ni Katribu Joey Bravo as contact
person for entries coming from metro manila and other places out of
Mindoro. Nawala sa loob ko, pwede pa ba natin i correct ang format?
Sensya ka na Dojins, nung tinatanong mo kung may idadagdag pa, wala na
ako maisip, yun pala eh meron pa! Tanda na talaga si Kuyang.

KesheJe
April 21st, 2007, 03:25 AM
goryo888

Bossing Goryo sir.. hindi pa ho ako nababayaran nong De Kabayo na yon eh
$2,500 Dollars ang Talo nya sa akin sa NBA Postahan.. ang Usapan namin Hulugan nya
nalang mag Simula syang mag Hulog sa June... USapang LALAKE..

Kamusta na dyan sa Sunnyvale sir?

Kamusta na sa inyo mga TAGA Mindoro mga Kaibigan na Mangyan binabati ko kau lahat
kay Sir JB.. idol ko yan musta kana sir?

Sir Kesh...ayos laang ang mga Mangyan, pati areng nasa Sunnyvale....hehehehe

Ikaw baga kaya ay ayos na ang pakiramdam sa NBA POSTAHAN?? hheheheeee!!! Nagbayad na ga....hehehee ala ay nasilip ko laang baga at ako'y nasa ibang thread ng pinaghahanap mo yung de Kabayo....heheheheee

KesheJe
April 21st, 2007, 03:46 AM
sa pula sa puti

Sir naging Busy Lang sa NBA Postahan at sa NFL. yon na kasi ang pinaka-sabong
ko. :D kamusta na ang HEn na ireregalo nyo sa akin Boss Sa Pula? madami na ba?
sana makadalaw ako dyan sa inyo ng makita ko naman ang Mindoro aT ang Lugar mo
at pati na yong sinasabi mong paliguan mukhang maganda ingat nalang dyan sir

mga Mangyan Makikisilip lang po ako sa Bahay nyo.. pasensya na po kung naka istorbo
Salamat po .. At Goodluck sa mga Laban nyo at sa pa derby nyo...

ang inyong linkod

Jessie.

\

Kesheje,

Long time no news from you, naligaw ka yata dito sa Tribu, kumusta na? Ang mga mangyan dito okey lang, di bahag pa rin pero may brief na!

Mt.Halcon 888
April 21st, 2007, 06:35 AM
Mga kabahag,

ako muna ay uuwi sa mangyan land,tinanghali na ng gising

Mt.Halcon 888
April 21st, 2007, 06:36 AM
Mga kabahag,

ako muna ay uuwi sa mangyan land,tinanghali na ng gising
Ka DB email ad ko-bravo_131313@yahoo.com

DingDong
April 21st, 2007, 08:26 AM
sa pula sa puti

Sir naging Busy Lang sa NBA Postahan at sa NFL. yon na kasi ang pinaka-sabong
ko. :D kamusta na ang HEn na ireregalo nyo sa akin Boss Sa Pula? madami na ba?
sana makadalaw ako dyan sa inyo ng makita ko naman ang Mindoro aT ang Lugar mo
at pati na yong sinasabi mong paliguan mukhang maganda ingat nalang dyan sir

mga Mangyan Makikisilip lang po ako sa Bahay nyo.. pasensya na po kung naka istorbo
Salamat po .. At Goodluck sa mga Laban nyo at sa pa derby nyo...

ang inyong linkod

Jessie.

preng jessie,

nakalimutan mo na yata ako ... ilang taon na ga ang nakakaraan nun
tayo tayo ang magkakausap sa sabong chat ... naalala mo pa ga? ei
dine din ako sa Tribung Mangyan ...

silip silip ka laang dine ...

.

sonny dela cruz
April 21st, 2007, 08:29 AM
Musta na sa inyong lahat.

Okey na okey ang invitation lutang na lutang ang tribung mangyan.

God bless us all.,

DingDong
April 21st, 2007, 08:38 AM
gandang umaga (dine) ka sonny, musta ga dyaan ... yung gang mamiso
mo araw araw na iniipon panglibang ei madami na. uwi na at kasarap
bagang maglibang dine sa atin ...

sa lagay na ere ei baka tayo naman ang tatawo dine ...

.

chuckeee2
April 21st, 2007, 10:22 AM
Jeff/Dojins,

Dapat nailagay natin pangalan and cp no ni Katribu Joey Bravo as contact
person for entries coming from metro manila and other places out of
Mindoro. Nawala sa loob ko, pwede pa ba natin i correct ang format?
Sensya ka na Dojins, nung tinatanong mo kung may idadagdag pa, wala na

ako maisip, yun pala eh meron pa! Tanda na talaga si Kuyang.

:D :D ... SABAY TAAS NA RIN AT PAPAROON NA NAMAN SA PAGE 2 E!

goryo888
April 21st, 2007, 01:28 PM
Ay kaikli yata ng mga salitype mo Tol Chuck...wala bagang balita?? Yung Puerto na balwarte mo eh imbitahan mo daw mga kasabong doon....heheheeeee

Mapapalaban na mamya ang Bulikikig namin ni Tito Tony...heheheee
Entry Name: Tribu Mangyan May 22 Fastest Kill

Pambayad laang are sa patuka....weheheheee

muk_mafi
April 21st, 2007, 01:45 PM
tol goryo,

gud luck sa entry natin mamya! maganda ang pakilasa ko jan!!!

balitae kami dine mamya ha...

DingDong
April 21st, 2007, 03:40 PM
ei ano gang oras ang laban na iyan ka goryo?

meron na gang balita?

.

mj_cool69
April 21st, 2007, 07:16 PM
musta na sa lahat!!!!
sensya na at ngayon lang nakasilip at puro trabaho muna at nag-iipon ng pamasahe pauwi at kamahal na at apat na kami....
plantsado da ba ang fastest kill ng tribu? pasensya na at wala akong maiimbitahan...
post nyo na lang kung magkano ang kontribusyon at kung saan mapapadala para maihulog ng utol ko sa bangko dyan...

muk_mafi
April 21st, 2007, 08:15 PM
tol goryo,

wla pa baga napalaban???

muk_mafi
April 21st, 2007, 08:50 PM
ire ang mga text sakin nung barkada ko...

1st text: nasa ruweda na ang tribu mangyan, bulik. napakaganda ng kalaban, sigurado tresan ang tawagan. :D

2nd text: PANALO! napakagaling, san ga galing yun?

3rd text: napakagaling, wala sa hitsura!

tol goryo,
napabilib mo ng todo ireng kapatid ng handler ko ei. hehehe. sobrang galing daw ng bulik nyo! congrats pre, sure win na ang sunod nyan...

sa pula sa puti
April 21st, 2007, 09:10 PM
sa pula sa puti

Sir naging Busy Lang sa NBA Postahan at sa NFL. yon na kasi ang pinaka-sabong
ko. :D kamusta na ang HEn na ireregalo nyo sa akin Boss Sa Pula? madami na ba?
sana makadalaw ako dyan sa inyo ng makita ko naman ang Mindoro aT ang Lugar mo
at pati na yong sinasabi mong paliguan mukhang maganda ingat nalang dyan sir

mga Mangyan Makikisilip lang po ako sa Bahay nyo.. pasensya na po kung naka istorbo
Salamat po .. At Goodluck sa mga Laban nyo at sa pa derby nyo...

ang inyong linkod

Jessie.

Jessie,

Kaw pala yun hinahanap ko na binigyan ko ng pullet na puti pero hindi kinuha.
Ayun, nasa bundok ni byanan ang pullet mo na naging inahin na! Kailan ang patyal mo dito sa Mindoro at nang maipahuli ko ulit sa mga mangyan doon sa bundok ng Byanan?

dojins.bros
April 21st, 2007, 09:17 PM
ka Prez
magandang gabi musta na wala ka ba entry sa DRT ngayon nanalo daw yong 1st fyt ni ka gary

sa pula sa puti
April 21st, 2007, 09:21 PM
UPDATE

Si CYBERFRIENDS PRESIDENT Rebel may entry sa TRIBU MANGYAN MAY 22 FASTEST KILL DERBY DRAGON COCKPIT.

TRIBU MANGYAN LATEST MEMBER IS BOYET CHUA, OWNER AND OPERATOR OF DRAGON COCKPIT.

WE WILL BE HAVING ENTRIES COMING FROM OUR SISTER PROVINCE OCCIDENTAL MINDORO COURTESY OF AN OLD FRIEND.

BAKBAKAN BANDING OF COCKERELS WILL BE ON APRIL 23 AT THE RESIDENCE FARM OF CYBERFRIENDS PRESIDENT RAUL EBEO AT MULTINATIONAL VILLAGE. THOSE INTERESTED MAY CONTACT SPSP OR YOU MAY CONTACT DIRECTLY PREZ REBEL. CRITERIAS ARE 4 4 PRIMARY FEATHER WITH NO SPUR.

KABAYAN JOEY BRAVO WAS NOTIFIED THRU TEXT THAT HE IS IN CHARGE OF INVITATIONS OUT OF MINDORO. (WALA PANG REPLY, BAKA BUSY SIGURO SA CHICKS....na ipapa banding sa BAKBAKAN! he he)

SPSP will personally go to Puerto Galera to invite friends of TRIBU MANGYAN to participate in the May 22 Fastest Kill

KesheJe
April 21st, 2007, 10:19 PM
DingDOng

Bossing Never ko kayo makakalimutan sus kayo pa makakalimutan ko sir
kala ko nga ako ang nalimutan nyo na eh. :D dahil nawala na kayo sa chatroom dati
ay palagi kayo don.. Sabi ko naging Bigtime na si DingDOng busy na sya sa mga
manokis nya kako dahil hindi na kita nakikita since then.. Ingat nalang dyan preng
DingDong and goodluck sa mga laban ng nokis mo.

Hello sa Inyong lahat mga Kaibigang Mangyan..

ang iyong kaibigan Sa Sabong.net
Jessie

preng jessie,

nakalimutan mo na yata ako ... ilang taon na ga ang nakakaraan nun
tayo tayo ang magkakausap sa sabong chat ... naalala mo pa ga? ei
dine din ako sa Tribung Mangyan ...

silip silip ka laang dine ...

.

KesheJe
April 21st, 2007, 10:25 PM
SapulaSaputi

Sir pasensya na kayo at hindi ko nakuha ang pullet na regalo nyo sa akin noon
nandito po kasi ako sa California naka based sir. bayaan nyo pag ako naka uwi eh
pag susumikapan kung maka pasyal dyan sa inyo sa mindoro. at sa magandang lugar
mo sir. at ng makita ko nadin ang mga White mo na magagaling.. Goodluck po sa
laban ng manok nyo..

Jessie..

Jessie,

Kaw pala yun hinahanap ko na binigyan ko ng pullet na puti pero hindi kinuha.
Ayun, nasa bundok ni byanan ang pullet mo na naging inahin na! Kailan ang patyal mo dito sa Mindoro at nang maipahuli ko ulit sa mga mangyan doon sa bundok ng Byanan?

sonny dela cruz
April 21st, 2007, 11:02 PM
Musta na sa inyong lahat.

Ka dingdong okey laang sana kayong lahat ay okey din.

Sana nga ay makumpleto na itong piso-pisong ipon ng makauwi na,he,he,he.

Goodluck sa laban tuloy tuloy na yan.

Nag laban si utol ng miyerkules,3 dala 1 lang napalaban sinuwerte,yung pangalawa,nasa gradas na ay pinuwera,pa aywan kung balik sila kahapon.

Ingat po tayo lagi and God bless us all.

goryo888
April 21st, 2007, 11:34 PM
ire ang mga text sakin nung barkada ko...

1st text: nasa ruweda na ang tribu mangyan, bulik. napakaganda ng kalaban, sigurado tresan ang tawagan. :D

2nd text: PANALO! napakagaling, san ga galing yun?

3rd text: napakagaling, wala sa hitsura!

tol goryo,
napabilib mo ng todo ireng kapatid ng handler ko ei. hehehe. sobrang galing daw ng bulik nyo! congrats pre, sure win na ang sunod nyan...

Ka Boyet...hulingkausapko si Tito nakaLimber na uli yung last Fyt...

nasa trabaho ako nung mapalaban...panalo nga daw...ay di daw nakaPorma yung kalaban eh...walang sugat....heheheeee

KesheJe
April 21st, 2007, 11:52 PM
goryo888

Congrats pare magaling pala ang manok mo hindi man lang nagalusan sana ay
ay tuloy tuloy ang swerte mo kaibigan..

Ka Boyet...hulingkausapko si Tito nakaLimber na uli yung last Fyt...

nasa trabaho ako nung mapalaban...panalo nga daw...ay di daw nakaPorma yung kalaban eh...walang sugat....heheheeee

goryo888
April 21st, 2007, 11:54 PM
May sugat daw yung pangalawa!!

Tribu Mangyan May 22 Fastest Kill...nakadale ng pampatuka!!! weheheheeheeee!!

goryo888
April 21st, 2007, 11:55 PM
goryo888

Congrats pare magaling pala ang manok mo hindi man lang nagalusan sana ay
ay tuloy tuloy ang swerte mo kaibigan..

Salamat!!
Yung pangalawa daw Igang Kesh ay nagkasugat...konti lang daw naman....heehehe pampatuka lang yun...heheheeeee

goryo888
April 21st, 2007, 11:57 PM
Ang tanong ng mga MIRON...nasan daw ang ibang kalahi nun....heheheee

BuliKIKIG yun!!

muk_mafi
April 21st, 2007, 11:58 PM
tol goryo,
congrats! nakadali ng pampatuka. hehehe. wag kalimutan ang balato namin.

yung wala sugat ay deretso na ang kundisyon, ihapit na ulit sa fastest kill natin. sabi ko sayo maganda ang pakilasa ko e. hehe.

sya uwi na muna ako tol...

goryo888
April 22nd, 2007, 12:02 AM
Salamat Tol Muk......heheheeh alam ni Kuya SPmagkano pusta ko doon....heeheh wala ako doon eh...kaya 220K lang napapusta ko doon.....bwaahahahahahaahaaa
Hindi daw maikasa eh....nyhahahahaaaa

sonny dela cruz
April 22nd, 2007, 12:51 AM
Ka Goryo congrats!

Tuloy tuloy na yaan hanggang pa derby ng mga mangyan.

goryo888
April 22nd, 2007, 01:14 AM
Ka Sonny salamat....

Ayun tuwang tuwa si Tito...50K pala ang premyo sa Champ....sabi ko balik puhunan lang at kung magkano makuha sa Premyo ay Kanya na lahat....so far 4 pa daw laang ang nagChamp...pero patapos na...si DRT, Tribu Mangyan, yung isang pinsan ko daw, at ewan ko baga kung sino pa...

Basta may pambayad laang sa patuka ayos na...heheheeheee!! di na huhugutin sa sariling bulsa...kundi sa bulsa ng kalaban dapat ang dukot....weheheheee

libra 06
April 22nd, 2007, 01:52 AM
ka gory
hindi lang pala pang 220k ang bulik mo he he he maganda ang cross mo ng bulik apatot
at saka ano nga yun

goryo888
April 22nd, 2007, 06:07 AM
ka gory

hindi lang pala pang 220k ang bulik mo he he he maganda ang cross mo ng bulik apatot
at saka ano nga yun

Brownred Ka Libra...salamat!!

chuckeee2
April 22nd, 2007, 06:15 AM
SPSP will personally go to Puerto Galera to invite friends of TRIBU MANGYAN to participate in the May 22 Fastest Kill

manong sp, ayos na ayos yaan, wag kalimutang imbitahin sila ka tuna, ronnie marquez, at si pareng teo, at baka naroon rin si olit evangelista baka naka r & r naroon yun, marami pang iba dun mga taga white beach at kalalakas ng mga yaan, kapag naroon ka na'y puntahan mo si bayani yaco para ma introduce ka kay pareng teo at cguradong chicken talk yaan paumaga at baka mapunta ang huntahan sa ... :D

imbitahan mo na rin lahat cla sa global derby sa january para masaya sa araneta. kapag na meet mo si bayani e puntahan nyo yoong aking munting lupa sa tabinay paki survey kung uubrang manukan.

sa sabungan dun mo i announce invitation for the public.

goryo888
April 22nd, 2007, 09:40 AM
Tol Chuck...paunahan mo na sila na may dadating na magiimbita....pasakalyehan mo agad....are naman ay di nakakahiyang ipagImbita at maykapupuntahan namangmaganda at hindi sa ating bulsa...ang sa atin aymakapagLibanglaang tayo ay nakatulong pa!!

At iba na rin na sinundot mo...baka naman kung anong sundutin mo....hehehehee

grandeur0
April 22nd, 2007, 01:04 PM
ka goryo congrats ,ay kagaling naman ng bulik mo ,ka goryo pki txt naman ang cell # mo bka sakaling makatawag sayo pra makapag kwentuhan naman tayo

kuya sonny kmusta na grandeur ito anong balita na balik barko na ako tawag na lang ako sayo pag may pag kakataon 09286241794 eto pala ang roaming ko pki txt na lang ng cell# mo kung nabago na

may entry din si mt. halcon 2 yata o 3 entry 3 cock sa pinamalayan ngayon sana mag champion hanggang sa muli,kmusta na lang sa lahat

muk_mafi
April 22nd, 2007, 01:21 PM
pre sherwin,
kumusta na? kailan ulit ang sked ng bakasyon mo? extend ka ng kaunti para sakto sa dragon anniversary magkasama ulit tau. di na tayo madedehado pag andun ka! hehehe.

malapit na ang laban ni ka jeff naman... sana ay pareho ang swerte nila ni tol goryo! ayos ang promotion ng paderby sa DRT at nagchampion pa, malaki-laki din ang kabahagi ni tito tony ahhhh... :rolleyes:

goryo888
April 22nd, 2007, 02:02 PM
Sana Madale rin ni Ka Jeff.....

Pero hindi daw naikabit yung May 22 Fastest Kill sa entry name....parang ayaw yata magPromote ang Tribu dahil sa Dragon gaganapin....waaaaaaaaa!! Ok na rin at least kita nila Tribu Mangyan yun!!

goryo888
April 22nd, 2007, 02:10 PM
[quote=grandeur0]ka goryo congrats ,ay kagaling naman ng bulik mo ,ka goryo pki txt naman ang cell # mo bka sakaling makatawag sayo pra makapag kwentuhan naman tayo

Ka GrandeurO...yun pa rin ang number ko...pero kung weekdays ka tatawag..malamang tulog ako kung sa araw.....kung Sabado at Lingo nasa bahay ako pati Lunes pala...sa Landline ka tumawag...PM ko sayo...

Teka ang Sabado eh malamang tulog ako nyan....dahil darating ako ng bahay ay umaga ng Sabado....tapos day off kona.....pwera siguro sa pahapon.....eto nga at Alas Onse ng gabvi eh gising ako at nagtaTsaa....nagpapaantok at makatulog naman sa gabi....hehehee

muk_mafi
April 22nd, 2007, 03:25 PM
Pero hindi daw naikabit yung May 22 Fastest Kill sa entry name....parang ayaw yata magPromote ang Tribu dahil sa Dragon gaganapin....waaaaaaaaa!! Ok na rin at least kita nila Tribu Mangyan yun!!

Parang di naman yata tama yun tol...

malayan_heat3
April 22nd, 2007, 03:42 PM
garry Congrats,

ayos Nadale Mo Pala Ang Pakana Sa Drt...
hehehe Sabi Ko Na Nga Baga At Yare Sa
iyo Ang Mga Yaan Sa Talim Ba Naman Ng
bahag Ng Mangyan.....ha Ha Ha ..

msta Na Lamang Sa Lahat Ng Mangyan
at Good Luck Sa Mga Maglalaban Sa
araw Na E2........

BOLSHEVIK
April 22nd, 2007, 03:44 PM
Pre goryo,

Sabi ko na nga ba mamamalo yun, yung katawan lang naman ang di nagustuhan ni prez sa bulik noon binitaw. Buhay pa ga yung inahen at ama nun? Mukhang nick yung palahi mo na iyon. Multi winner pa naman na brownred ang ama, malamang prepotent yun.

Stewart

BOLSHEVIK
April 22nd, 2007, 03:46 PM
Pre muk_mafi,

Nakuha na daw ni ariel yung manok through mt.halcon. Yung white legs na 3 years old ay pinalitan na lang ng bullstag, anak din yun nung 3 years old. Stag winner na sa tarlac yun at kapapanalo lang sa 2 cock derby sa malanday nung april 5, meron lang konting sugat. Pero mukhang abot naman sa pa concierto natin.

Talagang mababa yung binabae sabi ni jef, pero ganda sana pang hack fyt dahil maayos yung katawan. Pero tuloy parin sa 22 yun, basta kayanin nya lang yung kundisyon di ariel. Medyo hingalin kasi yun at mukhang may sapola pa. hahahaha!

Stewart

muk_mafi
April 22nd, 2007, 04:10 PM
stew,
maganda daw yung white legs, yung binabae medu mababa. yan comment nya. sabi ko naman e sabi mo parehong winner na yun at pang-fastest kill talaga ang kartada nung binabae. winning line naman yun WL. malamang after 1 1/2 weeks ibutaw na yun.

sana may ka-match sila sa butaw dun sa mga manok namin para laging may kapares sa sparring. kung may pamusta lang ako ay pwedeng-pwede sana yung bullstag na bago dun ei. sayang naman kung minimum lang pusta ko, marami na nagastos dun. hehehe.

BOLSHEVIK
April 22nd, 2007, 04:43 PM

Oo nga pre, alanganin sa sukat yung binabae. Pero may palo naman din, kaso pang minimum lang. Yung white legs naman pwede diinan, kailangan lang din samahan ng konting swerte para lumusot.

Yung white legs pwede yun ibitaw sa stag mo na dumating, di gaano malayo timbang nun siguro. 1900-2000 pwede yung white legs, tignan na lang ni ariel kung san mas maayos palo nya. Sana nga mapababa konti timbang nung binabae para di masyado dehado sa kalaban.

stewart

muk_mafi
April 22nd, 2007, 05:02 PM
bolshevik,
papalo yun mga manok mo tyak basta si ariel mag-alaga, iadjust nya bigat ng mga yun depende sa palo. malakas din pumusta yun 2 na yun kasama yun kapitbahay ko pag nagkakataon may pamusta. di naman matatapat sa sobra daig yan binabae lalo na minimum bet lang declared. kahit medyo daig sa sukat okey lang, yun nga ulot ng alimbuyog mo alangan talaga e pero nanalo. basta mahalaga magpakagaling sya. hehehe.

DingDong
April 22nd, 2007, 05:28 PM
congrats ka goryo,

nakadali pala ang mga bulikikig mo, hi hi hi nadali sila ng
patuka lines mo, nyahahahahahahaha ...

.