PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 [5] 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

goryo888
November 13th, 2005, 11:56 AM
naku at bzing bizi ang mga MANGYAN....sige sa mga pupunta ng sabungan....balatuhan nyo ako ng isang HALIGE man laang...hehehe:D

pang 1000 post na to!!!;)

goryo888
November 13th, 2005, 09:12 PM
Wala pa ring MANGYANG bumababa ng KABUNDUKAN?? tskkk tsskkk.....

Manokiz
November 13th, 2005, 09:19 PM
gudevning po,,, kabahag,,, :D

bluebird
November 13th, 2005, 09:42 PM
Sali na ....

4-cock ......1M guaranreed ...........min. 3,300.....entry fee 2,200

click here to read (http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&threadid=26766)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sali na!

bluebird

09155656100

jojo60
November 14th, 2005, 02:14 AM
para kay MANOKIZ at MALALIM salamatsa pagdalaw sa aming maliit na tahanan. welcome po kayo anytime...

KA GORIO:ibig mong sabihin ay alas tres ng umaga nagccmula ereng live broadcast sabong na pinapanood mo.aba eh pwedeng ako manood ksi nakabakasyon ako for 1 week.kailangan bumili ng maraming pandesal at kape para may pinagsasaluhan tayo habang nanonood.

GISING NA MGA MANGYAN NA 2LOG PA RIN SA MGA ORAS NA ITO...


god bless!!!!!:wink2: :)

goryo888
November 14th, 2005, 06:23 AM
Gising gisinggggggg...ano ga kayo? kayo ga'y matutulog na laang....

Tama ka Tol Jojo...ganoong oras nga...ako eh...mga alas singko na makakanood...tapos alas sais singko sibat na sa trabaho....buti ka pa at makakabuo ng panoorin... ;)

DingDong
November 14th, 2005, 08:12 AM
teka at makapag alis muna ng muta.

uuuhhhhhhh gandang umaga mga kabahag.

dangan baga at linggo kahapon
naitala ang oras para naman sa
sariling pamilya, minsan laang ere.

ano na gang balita? siguro ay atin
munang pag usapasan at gaw-in
ireng laban sa CF tapos saka
na natin pag-usapan kung
ano baga ang gagaw-in sa panalo
kung iaadya ng pagkakataon.
kahirap bagang bumilang ng
sisiw sa itlog. atin munang isipin
kung paano mananalo ang ating
mga tinale at kung andyan na ang
maaaring ipamahagi sa mga
kapuspalad nating kababayan
madali na laang mag desisyon
kung ilang bahagi ang ating
ibibigay, di ga?

hala, ka joey, nai PM mo na ga
si ka chuck ng mga gamot na
kailangan para sa ating mga
pangkiliti? sulong at paliparin na
sa hangin ang liham. hi hi hi

teka bakit ga itong ating bahay
ay andine pa din sa silong, higit
ng isanglibo ere ah!


:rbounce:

alimbuyog
November 14th, 2005, 08:39 AM
gandang araw po !

ang haba na pala . . . . .

sonny dela cruz
November 14th, 2005, 09:11 AM
Magandang umaga at gabi po sa inyong lahat,sensiya na at ngayon lang napasarap ang long weekend traffic na pauwi.

Ingat po tayo lagi at naway pagpalain ng nasa itaas.

chuckeee2
November 14th, 2005, 09:43 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b4d80d21.gif

utol jojo,

si manokiz at malalim e mga kabahag rin ang mga yaan! nakapag pledge na ga ang mga ere para sa CF ? Naku! at meroong inbitasyon na naman pala e ! Yaang Cainta Derby ay dapat nasalihan yaan e. Makakahabol pa ba tayo riyan ! kulang ware tayo sa mga manok na panlaban pero hayaan ninyo't kapag nabuo tayo'y lalahukan natin lahat yaan.

meroon akong bagong ideya! dapat e meroon tayong kampo at napag isipan ko na yoong si ka Raul na kababata ni utol Joey ang magpatakbo nang pangangalaga ng mga manok at tayo'y maglalaan ng mga panlaban sa kanya at contribution tayo lahat ng miembro sa feeds. Para kung meroong laban e diyan magmumula ang manok. Para hindi tayo kapusin sa mga nag iimbita sa atin gaya niyang Cainta halimbawa. Anong say ninyo? At magbabangko na rin tayo ng ating mga pamusta para sa ganoon e hindi na tayo padala pa nang padala kung meroong mga imbitasyon. anong say ninyo uli?

goryo888
November 14th, 2005, 09:56 AM
Okay yan tol Chuck.....pero...testing testing laang muna tayo, kung mag klik ang myembro/samahan eh di tuloy tuloy....kasi sa una pa laang dyaan natin masusukat ang bawat myembro kung ok baga......

Oks na oks nga sana itong imbetasyong ito eh...mura na malaki pa papremyo.....pero wala tayong mga manok....tsaka unahin natin itong sa CF...kasi may tutulungan ito.....

chuckeee2
November 14th, 2005, 10:44 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b1cc4ede.jpg

' MERRY CHRISTMAS PO SA SAMAHAN NG SANDUGO, YOONG BANGKA PO NA SASAKYAN NINYO PAPALAOT E NAKATIGAN NA PO NAMIN AT HINDI NA PO YOON TATAOB '

DingDong
November 14th, 2005, 11:22 AM
hi hi hi

ka chuck,

ang katig ga na pinalagay natin
ei yung hutok na hutok na kawayan,
yun bagang sagad sa gulang para
matibay at tumagal sa hampas
ng malakas na alon kung dumating
man ang mga unos. tayo'y sama sama
dine sa adhikain na ire.

mga kabahag ilang linggo na laang
at may "try-out" na ang ating mga
tinale. para bagang sasali sa isang
paligsahan ng laro noong tayo ay
nasa mataas na paaralan pa. kung
sasali sa basketball ay kailangan
dumaan muna sa "try-out". purgahi
na at himashimasin ng kaunti ng
makapalo naman ng husay. sa tagal
na hindi napabitaw dahil sa paglugon
ay baka matitigas na mga laman
nyaan at hindi pa maganda daloy
ng dugo.

larga na iyan!



:rbounce:

chuckeee2
November 14th, 2005, 11:36 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/5506b75e.jpg

' SIYA MANONG! DIYAN KA MUNA'T MEROONG LABAN ANG MGA MANGYAN SA CF AT KAMI'Y PA VICTORIA AT MAKAPANUOD NG TRY-OUT '

lyrea
November 14th, 2005, 12:15 PM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/monday_greetings.gif


http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/lights.gif
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

chuckeee2
November 14th, 2005, 12:46 PM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b4d80d21.gif

Aba'y si sister Lyrea pala'y nag door to door na nang pamasko .... beneath the pale blue sky ! Madam, Good Day rin po sa inyo at kung kayo po'y mapadaong sa Hinundayan e paki bitbit na po ereng pagbati ko sa aking balae na sina Dodong at Mila Florentino ng masigabong 'MERRY CHRISTMAS' at sa inyo rin pong mga pamilya ... HAPPY NEW YEAR!

DingDong
November 14th, 2005, 12:46 PM
madam lyrea,

salamat sa dalaw mo, pakikumusta
na laang kay preng scythe_g, preng
ryan, ayos ka pa ba dyan?


:rbounce:

DingDong
November 14th, 2005, 12:53 PM
teka laang mga kabahag,

baken ga tayo'y hindi maiangat
dun sa mainit na usapan?

ako'y ngawit na kakaatang nireng
kubol natin eh. paano ga nalipat doon?

lampas na tayo sa isang libo ei
andine pa tayo. sabagay para
namang mas maganda dine ei
dahil isang pasok laang ayos
na. ei kung doon papasok uli bago
pa marating ang ating kubol.
lalayo ng kaunti baga.


:rbounce:

jojo60
November 14th, 2005, 01:04 PM
wala akong masasabi sa inyong magagandang mungkahi.i focus muna natin ang ating sarili sa sasalinan natin para maibuhos ng buong attention para sa ating mga sundalo.i'm pretty much sure if you give them a 101% attention at pag-aalaga, ay susuklian at tutumbasan ng doble ng ating mga pangkiliti.

BLACKJACK: may pm ako sa iyo.pls.read it asap importante lang.


INGATZ LANG ULIT MGA KAPATID!!!! :) :lol:

alimbuyog
November 14th, 2005, 01:21 PM
tama ka sa iyong tinuran pareng jo . . . .

pero bakit nga kaya andito pa tayo?

chuckeee2
November 14th, 2005, 01:29 PM
.... aba'y oo nga! nakatigan na ware ang bangka at dapat dine'y mailipat na ng malaking daungan ... sa pantalan ng Calapan :D

jojo60
November 14th, 2005, 01:32 PM
pareng ALIMBUYOG: baka nakatulog lang ang mga moderators kaya nand2 pa rin tayo sa orchestra..ilang araw lang ay nasa balcony na tayo..Hehehe:lol: :lol:

jon_elasigue
November 14th, 2005, 01:35 PM
Makikiraan lang po upang kayo ay aking imbitahan sa nalalapit na December 15 & 17, 2005.

LCBA 1st Anniversary 4-Cock Derby (http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&threadid=25129)

Sana po ay suportahan nyo kami sa LCBA Derby.

Salamat po.

alimbuyog
November 14th, 2005, 01:43 PM
ahummnnnn . . . .

mga kabahag, dumadagsa na ang mga imbitasyon, di pa man tayo nakakaisa eh ayan na ang mga imbitasyon nila . . . .:D

jojo60
November 14th, 2005, 01:44 PM
thanks for the invitation jon e.if we can't make it this year will do our best next year na makalahok sa inyong pa DERBY.

good luck sa inyong lahat jan sa LCBA and advance MERRY XMAS and a prosperous NEW YEAR TO ALL OF YOU!!!:rbounce:

chuckeee2
November 14th, 2005, 02:04 PM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/d04f5eea.gif

Ayan na nga baga ang aking kinikinita ! kailangang merron talaga tayong kampo ng manukan at si ka Raul ang pinipintog ng aking dibdib na siyang hahawak tutal experinced na siya dine at mananari pa yata. kailangan e i set natin ere at kung anuman ang masasabi ni ka Raul kung siya'y aayon. kapag ereng idea na ere'y maayos ang pagpapatakbo'y, siya, tuloy na ang ating programa ng mga visions ng Sanduguan. Ereng plano natin sa CF, kung matuloy e sarahan na ang miembro diyan sa mga nag pledge. hindi natin kailangan ang maraming miembro kahit tayo'y sampu laang e ayos na yaan.

chuckeee2
November 14th, 2005, 02:53 PM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b4d80d21.gif

mga kabahag,

sino sino baga talaga ang naka homebase diyan sa oriental? at ilan ga tayong abroad ! ere'y importante para mapag alaman natin ang lakas ng Sanduguan.

ang ating bangkang nakatigan na'y patungong WSD yaan mga kabahag at yaan e isang vision natin on the road :D

alimbuyog
November 14th, 2005, 03:07 PM
sir chuck,

ang pagkakaalam ko ei kami laang talaga ni blackjack ang dito nakatira/namamalagi sa mindoro . . . .

si ka DD sa cavite, si ka raul ruaro at ka joey dyan din sa kabila, si grandeur paalis na rin uli yan, si manokiz ga'y taga-saan? . . . .

kayong mga nasa labas ng bansa eh :

1. ikaw
2. ka goryo
3. ka jojo
4. ka teody
5. ka sonny

sino pa kaya baga?

chuckeee2
November 14th, 2005, 03:34 PM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b4d80d21.gif

kabahag alimbuyog,

naitanong ko ere dahilang kailangan e sa oriental ang ating planong kampo dahil mindoro ang ating dinadala, ngaun, meroon ga kayong space diyan sa manukan? wag ninyong sisilipin yoong akin sa Puerto't alang magbabantay at ako'y paalis alis. kung meroon e gaano kalawak? uubra ga ang 20 flypens na 7'x14' ?

yoong ating mga kabahag na nasa abroad e ok na yaang bilang malakas na yaan. akala ko'y nariyan ang ka Raul. kung matuloy ere'y wag kayong mabahala sa feeds at yaan ating pag uusapan na mga miembro.

alimbuyog
November 14th, 2005, 03:45 PM
sir chuck,

baka naman yung manukan ni ka joey sa victoria eh malapad . . . .

pero kung lugar lang tinatanong mo eh meron dito, napakarami naman agad ng balak mong flypens . . . . :D

pero kasyang-kasya yan . . . .

chuckeee2
November 14th, 2005, 03:58 PM
.... basta't meroong lugar diyan sa oriental e ubra na yaan kahit saan diyan. ang mahalaga'y maaantabayanan palagi. kaunti pa nga yaang flypens na yaan. tanungin rin natin si utol Joey kung ubra sa kanyang lugar. kung tayo'y nakapag pledge sa CF, yaang pagpapagawa ng flypens e alang gusot.

mga kabahag, konting sigasig sa ating mga plano para hindi madismaya ang mga aasa sa mga visions ng Sanduguan....isip-isip... ala ng atrasan ere!

teodychongco
November 14th, 2005, 04:02 PM
mga kabahag ano na baga ang latest dyan! 2loy na ba yon laban natin text nyo lang kung kelan ipapadala yon share ko! andyan ako sa pinas ng dec.21 pahinga lang 1 araw at cgrado sa sabungan kaagad ang larga. c ka geandeur pala'y pinsanan ng mga pinsan ko sa subaan!
ka joey baka me gusto ka ipabili d2 bakal na panari meron d2 yon eclipse & sandvik!
malakas ang laban dine kahit patago kaya kelangan maganda ang conditioning baka pwede mkhingi ng tip sa inyo para madagdagan yon konti kong nalalaman di na kasi makakaiwas ipinanganak yata ako para maging mananabong.
saka ok ba yon lahi ng manok ni osmena sa cebu (lacy& super wakwak) ngdala kc yon tauhan ko eto raw yon gamit ni pacman.
salamat & advance merry x-mas.
teody ng jeddah

jojo60
November 14th, 2005, 04:04 PM
mga kabahag huwag tayong mangamba sa mga pinagplanuhan

natin kasi hindi sa rami ng tao ang ikatatagumpay ng isang

grupo kundi maski na dalawa,tatlo,apat,lima lang basta sincere

ang mga ito ay sigurado akong magiging sucessful ere...ang

dapat lang ay tiwala sa isa't isa para maisatupad natin ang mga

alituntunin ng ating samahan...


MAGANDANG ARAW PO SA INYONG LAHAT !!!:)

chuckeee2
November 14th, 2005, 04:10 PM
....tama utol jojo,

.... ereng itinatatag natin e isang samahan ng magkakapatid at kuing kinakailangan pang mag blood compact e gawin.

Ereng CF ang siyang magpapatunay niyan :D

at wag na meroong balitang alang pumasang manok pang CF, basta't yaan e natilaok, ilahok na yaan.

jojo60
November 14th, 2005, 04:12 PM
UTOL CHUCK: salamat sa pag-ayon mo .. matanong nga kita saan ka sa CANADA.nakapunta na kasi ako sa VANCOUVER at ONTARIO.

chuckeee2
November 14th, 2005, 04:16 PM
utol jojo,

narine ako sa Alberta, St. Albert.

DingDong
November 14th, 2005, 04:24 PM
ka chuck,

ako'y naka base dine sa cavite/calamba area. ako'y umuuwi sa atin ng hindi kukulangin ng isang linggo bawat uwi ng mga tatlo hanggang limang beses isang taon.

si ka raul na kababata ni ka joey ay naka base din sa atin, taga san gelacio, victoria. si ka raul ruaro ang hindi din base sa mindoro.

baka naman medyo may kalawakan ang lupain ni ka joey doon sa victoria o kaya ang lugal ni ka raul (san gelacio). gaano ga kalaki
ang tinitingnan mo na manukan. hi hi hi ang pagkaalam ko ekta-ektarya ang lupain ni ka joey doon eh, hindi ko laang alam kung abot pa ng langaw (biro lang po). ka joey saan ga aare ang manukan ng mga mangyan. sa amin ay meron din at kasya ang 20 flypens o mahigit. kaya laang ay walang magbabantay sapagkat ang aming ama naman ay hindi na din kalakasan para maasikaso ang ganun karaming tinale.

sino ga ang meron dyaan sa inyo?


:rbounce:

pahabol . . . . ka chuck, ikaw baga'y nakatulog na?
sa wari ko'y kanina ka pa eh, pahinga muna at ireng
pulong na ire ay palaot na, siguradong maganda
ang tugo nire.

jojo60
November 14th, 2005, 04:28 PM
gaano kalayo iyan sa VANCOUVER utol CHUCK?? kapag

napapunta ako jan baka sakaling magkita tayo at

magkakilalanan sa maboteng usapan.Hehe...or kapag ikaw

naman ay napadpad dine sa CALIFORNIA ay malapit kami sa L.A.

at maipasyal kita dine sa magagandang lugar. malapit lang ako

sa DISNEYLAND..pm mo lang ako pards kapag may balak kang

magbakasyon d2. nasan na kaya iyong mga ibang mangyan?

baka nagpapakain ng mga sundalo, wag lang kalimutan na

bigyan sila ng masusustansiyang pagkain para maihanda ang

kanilang katawan sa nalalapit nilang pagsasanay. :blush:

chuckeee2
November 14th, 2005, 04:38 PM
utol DingDong,

tanungin natin si ka Joey. ang importante'y ang tatao baka ere'y mapabayaan e sayang. kayong nariyan ang mag usap kung saan uubra. alam mo naman ang pag aalaga ng manok sasabungin e daig pa niyan ang mag alaga ng isang bebi.

utol jojo,

mga 14 hrs. drive non stop.

jojo60
November 14th, 2005, 04:42 PM
bayaan ninyo mga kabahag at pagnagkataon ay magkakameron

tayo ng isang maliit na lugar jan sa NAUJAN kina Nsan

blackjack..pag-uusapan pa namin ni Nsan ang mga balak2x

namin sa pag-uwi ko jan sa isang taon, mga bandang

MARSO.aba eh ilang buwan na lang pala iyon.cya mga kabahag

mgaplano ng umuwi para magkikitakitz na tayo.. ako na ang

bahala sa lahat ng inuman kapag tayo'y nandoon

na ..siguradong malaking celebration iyan.:rbounce: :rbounce:

chuckeee2
November 14th, 2005, 04:50 PM
utol jojo,

kung ika'y Marso nariyan e magkikita tayo :D ako'y Enero hanggang Hunyo 14 nariyan ako.

utol dingdong,

hindi ako makatulog! hanggang panaginip e pagtatatag ng Sandugo ang aking nakikita. ayokong hanggang panaginip laang ere :D

joey bravo
November 14th, 2005, 04:55 PM
mainan ay tingnan nyo muna ang lugar.

may 20 ektarya na lanzonesan, rambutan at sinturis ang aking mga magulang sa san gelacio na karatig ng 3 hektarya na lozonesan na binabantayan ni ka raul.

kamin ni ka raul ay ayos ang samahan kaya maski na ako ay may mga tauhan sa bukid ay kay raul ko pa rin hinahabilin ang mga manok ko dahil may tiwala ako sa kanya.

mahirap kasi mga kabahag baka manakaw, mapeste o kaya ay mawala ang manok lalo na mga seed fowls. dyan nagkakasira minsan ang magkaibigan.

napakalaking obligasyon sa pinagbilinan.

subukin nyong kausapin si ka raul, pero labas na ako sa usapan dyan.

:)

chuckeee2
November 14th, 2005, 05:02 PM
... offered na ang lugar ni utol Joey :D si ka Raul na laang ang nararapat na kausapin. saan ba makokontak si ka Raul? meroon ba siyang txt # ?

chuckeee2
November 14th, 2005, 05:23 PM
mga kabahag,

may offered nang lugar kaya't ako'y matutulog na :D at bagsak na ang aking talukab. bukas aalamin natin yaan kay ka Raul.

utol Joey,

kung meroong txt # si ka Raul e kung puwede'y paki pm sa mga kabahag para naman tungkol sa napag uusapan.

jojo60
November 14th, 2005, 05:41 PM
sige ka chuck baka may awa ang diyos ay magpangita tayo sa

pag-uwi ko riyan at ccguraduhin kong pumunta sa NAUJAN at

iyan ay napangako ko na kina NSAN BLACKJACK at ng kanyang

mabuting maybahay. makapagpahinga na rin at alas dos na pala.

ADIOS MI AMIGOS!!!!:rbounce: :rbounce:

DingDong
November 14th, 2005, 06:04 PM
hala iyong mga mangyan dyan
sa ibang bansa, gawa muna
kayo ng muta at bukas naman

utol chuck, sana'y sa iyong
panaginip ay makaisip ka
pa ng ilan pang magagandang
plano ng mga kabahag.

goryo888
November 14th, 2005, 08:57 PM
Gandang Gabi mga Kabahag dyaan...nood kayo www.***********.com

ganda ng mga laban...fyt 21 na ang inabot ko...kagigising laang ng mangyan...;)

bluebird
November 14th, 2005, 08:58 PM
Ako po yung lagi dayo dyan sa DRAGON anniversary sana ako naman ang paunlakan nyo ng entry dito sa Rizal / dr. Jovy

Kumbidado po namin kayo !

Pasko sa Cainta

4-cock "DAYTIME"derby
December 13,15,17 and 19

1 Million Guaranteed Prize

ENTRY FEE : P 2,200.00 only

click here to read our thread (http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&threadid=26766)

Dito lamang po yan sa Sabong ng Tropang Rizal !

Pledge na po kayo ...isang maagang pamasko ...1 Million guaranteed po ito !

salamat po :)
bluebird

09155656100
hotline 6553334

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

New Cainta Coliseum
Bahay ng Tropang Rizal Cockers

chuckeee2
November 15th, 2005, 12:33 AM
utol DingDong,

yaan na siguro ang pinakamagandang forecast ko sa tropa. merron na ring nakalaang lugar na offer ni ka Joey. Si ka Raul na laang ang problema kung anuman ang kanyang niloloob. And then, tayo na, body ng Sandugo, ang mag uusap tungkol sa financing niyan. what else? Kung merron tayong mga kanya kanyang idea e ilabas na rine para mai kumpara at ibasura ang mga hindi karapat dapat.

lyrea
November 15th, 2005, 02:46 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/HiBalloon.gif ..... http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/HavAGreatDay2.gif



@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

sonny dela cruz
November 15th, 2005, 06:06 AM
Musta mga kabahag ?Mam lyrea maraming slamat sa inyong pagdalaw sa aming munting kubo.

goryo888
November 15th, 2005, 07:13 AM
Napakadami ng mga balakin hayyy sarap limi limiin...sige laang at sana nga ay magkaroon ng Katuparan ang lahat ng ating pinapangarap...kung iisa ang dereksyon tapos sama sama eh malamang KAYANG KAYA!!!

iPwera ang ang masamang ugali at hinde yaan uubra...bawal ang magulang....naku eh kakagulo ang kalalabasan....pero sisipain laang natin kung sino man at matira ang tunay na Kaibigan.... ;)

chuckeee2
November 15th, 2005, 07:35 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/8c81dcf9.gif

'MERRY CHRISTMAS NA MGA KABAHAG! PALAMUTIAN NA ANG ATING MGA KUBO AT CHRISTMAS TREES' YOONG MGA PARA SA ATING MGA INAANAK E 'WAG KALILIGTAAN. UTAY-UTAYIN NA ANG MGA YAAN PARA HINDI MABIGAT SA BULSA.

goryo888
November 15th, 2005, 07:40 AM
Naku tol Chuck...yung sa akin ay matatanggap na nila....tatlong araw din akong namili ng namili....awa ng DIYOS ay naikahon din....

Kaya ako naman ang mamamasko sa aking mga Ninong para makabawi rin ako ...:confused: Tama ga kaya yoon...parang mali yata...:lol:

chuckeee2
November 15th, 2005, 07:50 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b4d80d21.gif

utol Goryo,

buti ka pa'y may ninong at ninang pa na mapagbabawian. ako nga e kaya Enero ang lipad e naiwas sa pasko at 'sang katutak ang nariyan...pero inunahan ko na sila't kako'y magtatayo ng manukan, ok naman raw at laging meroong tinola all year 'round :D

goryo888
November 15th, 2005, 08:00 AM
Wala nagNININUNG NINUNGAN na laang ako kung sinong meron...hahahaha...
Yung ninong ko simula ng magkaisip ako eh hinde ko na nakita....nagtago na yata....

Magtatanong tanong nga ako sa mga taga Laguna thread...baka kilala nila...
sige punta ako sa Laguna thread sandali...at baka may nakakakilala doon...para makabawi naman...sana ay buhay pa siya....:confused:

chuckeee2
November 15th, 2005, 08:19 AM
utol Goryo,

ako'y sumunod sa iyo sa Laguna't akala ko'y ika'y nagbibiro :lol: tutoo palang hinahanap mo ang iyong nawawalang ninong! aba'y muntikanan na akong maihi dine katatawa e :lol:

joey bravo
November 15th, 2005, 10:02 AM
mga kabahag,

nag confirmed na ng sched ang aking kababata na c ka raul.

Unang Sabado ng Disyembre ang selection sa San Gelacio Victoria. Aking i po poste ang map para hindi kayo mawawala.

Anong oras nyo ga gusto?

Nasira ang cellphone nya kaya medyo mahirap tawagan, nabasa ng namimitas ng lanzones daw. Ang means of communication ay pinapapunta ko ang aking tao sa bahay nya na may dala ng celllphone para kami ay magkausap.

Anyway, sino po ba ang magdadala ng manok na pang selection at Ilan at saan galing?

Pag nagkaige tayo dito siguro pwede natin gawing gaol na lumaban sa WSD pag ayos ang resulta ng mga laban natin. Pooling tyo ng manok para d mabigat at d rin magastos.

Igan chuckee, tingnan mo daw muna yung facilities nya pag uwi mo, bahala na kayong dalawa na mag usap.





:)

joey bravo
November 15th, 2005, 10:06 AM
na nakaligtaan ko ang post ni igan Teody. pasensya na igan.

aba maganda yan mga bakal na nabanggit mo. pagaaralan ko para madagdagan ang aking tari koleksyon.

maraming salamat kabahag.

:)

goryo888
November 15th, 2005, 10:12 AM
Ka Joey oks yan....o ayan ha unang Sabado daw...malapit na....

Tol Chuck...kala mo ako'y nagbibiro ha....makabawi man, laang aba'y malaki laki na rin ang utang noon sa akin....
gusto ko laang makita yung ninong ko....alam mo na....aba'y lumaki akong walang Ninong eh....

Kadami ko ng Apo sa mga inaanak ko eh kahit kailan eh di ko naalala na nakatanggap ng Kotsekotsehan galing sa Ninong ko eh....


:lol: :lol:

joey bravo
November 15th, 2005, 10:59 AM
http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/SanGelacio.jpg

:)

chuckeee2
November 15th, 2005, 12:46 PM
mga kabahag,

ayan! copy na ninyo yaang mapa at nang hindi matagtag nang husto manok sa biyahe. O mga igan, lutang na tayo ulit anong say ninyo meroon ng lugar. ako'y ok na diyan sa lugar ni ka Joey. Gusto naming malaman and mga feedbacks sa inyo tungkol diyan!

utol Joey,

ok yaan at meroong goal na pagsisiyotan ng bola....WSD :D ako'y baka sa Enero makagdala ng manok gaya ng sabi ko sa una. yoong tungkol sa lugar e kapag yaan e taniman ng mga prutas e ayos yaan ....hindi magubat at meron pang liliman.

utol Goryo,

kapag nakita mo ninong mo, ikaw na ware ang mag reregalo diyan :lol:

chuckeee2
November 15th, 2005, 01:02 PM
mga kabahag,

Dalawa laang siguro ang ating goal:

1. tulong sa mga kamangyanan

2. climb slowly but surely sa WSD.

Kaya natin ere! yaan ang dream ng isang sabungero, to the highest level :D

FEEDBACKS PLEASE !!!

tulog na muna ako't masakit yoong aking gout, nadale yata ako ng 'durian' :teeth:

DingDong
November 15th, 2005, 03:46 PM
kopya na ang lugar ka joey
hayaan nyo at baka ang aming
manok ay maturuan pumunta sa
san gelacio.

unang sabado ng disyembre
parating ang aming tinale.

goryo888
November 15th, 2005, 07:47 PM
DD...siguraduhing yang mga tinaleng yaan ay mga tinule na rin ha?? para talagang panlaban...:lol:

Dangan ay naalala ko laang yung aking inaanak ka bata bata pa ay nakipila sa mga papatule ni hinde alam ng magulang kaya niloko ko....sabi ko'y aanhin mo ga yaan eh hindi pa naman yan NANLALABAN.....:D

goryo888
November 16th, 2005, 04:39 AM
Itataas ko laang are at medyo nasa ilalim na naman.....

teka nga pala nasan na ang mga piktyur nyo noong kitakitz?

lyrea
November 16th, 2005, 04:45 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/midwkReminder.gif


http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/SMILEYBAR.gif
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

lyrea
November 16th, 2005, 04:48 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/midwkMsgBrd.gif



http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/SMILEYBAR.gif
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

lyrea
November 16th, 2005, 04:55 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/CockADoodleDo2.gif



http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/SMILEYBAR.gif
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

goryo888
November 16th, 2005, 06:01 AM
Miss Lyrea salamat sa mga palamuti dito sa aming bahay bahayan....

goryo888
November 16th, 2005, 06:46 AM
Gandang umaga mga Kabahag.....patuka muna kayo dyaan ng mga tinale....malapit na ang unanag pagsasala....unang Sabado daw ng Desyembre....

jojo60
November 16th, 2005, 06:56 AM
utol gorio: mukhang la kang pasok ngaun ah.kelan ba ang susunod na live sabong at anong oras nagccmula ere.

MGA KABAHAG: GANDANG UMAGA PO SA INYONG LAHAT!!!

AT KAY BB.LYREA: MARAMING SALAMAT SA PAGDALAW NINYO SA AMING MUNTING TAHANAN..

jojo60
November 16th, 2005, 07:49 AM
Nsan BLACKJACK paki clear nga ng iyong messages ksi i have one for u hindi tanggapin ksi puno' na raw. THANX

goryo888
November 16th, 2005, 07:54 AM
Wala akong pasok ngayon Tol Jojo....baka nga hangang Hwebes...
Bukas madaling araw meron uli..Finals....gising ako mga alas kwatro y medya....pero mga alas tres pa laang eh umpisa na yuon....
Hindi ka ga nakapanood noong Lunes?

joey bravo
November 16th, 2005, 07:57 AM
mga kabahag, kung sakaling kayo ay maliligaw ng landas ay pwede nyo tawagan yung tiyahin ko na nangagasiswa dyan sa farm.

daan muna kayo sa resthouse para maituro sa inyo kung saan yung kina raul.

Auntie Lucing:

09218373139


:)

jojo60
November 16th, 2005, 08:03 AM
ibig mong sabihin ka gorio eh bukas as in wednesday d2 sa atin ng alas tres ng umaga. hindi ako nakapanood kahapon ng umaga,gcng pa naman ako noon ksi may ktext ako sa PINAS hanggang alas sais kami natapos.

joey bravo
November 16th, 2005, 08:08 AM
pwede na gang interim GOAL natin bago mag WSD ay ang pag sali sa BAKBAKAN2006.

Yung may mga stag ng pang 2006 ay pwede kong ipakiusap sa aking kaibigan na ma bandingan ng BAKBAKAN para tayo ay makakasali.:)

chuckeee2
November 16th, 2005, 08:20 AM
utol Joey,

ok yaan ha ! hayaan mo't pag uwing pag uwi ko'y meroon akong dalwang barkada na pino prospect kong makakasama natin diyan. At pilitin nating mag join sa Sanduguan. Ang ibig bagang sabihing stag for 2006 e born January like that?

goryo888
November 16th, 2005, 08:21 AM
Dapat ka Joey eh...ang sumagot ay ang mga may nokiz...ako talaga wala akong nokiz sa ngayon....hirap ng hindi ikaw ang nag aalaga.....

Dapat ay alam din kung magkano kakailanganin sa Bakbakan...at kailan ga yaang Bakabakan ginaganap?

Dito sa CF magkakaintindihan ng husto kung magkliklik ang samahan ng Grupo.....

Walang problema kung tutuusin ang pagsali dyaan...basta may Nokis at tsaka ayos ang SAMAHAN..... ;)

Utol Jojo OO...tama ka alas tres dito bukas madaling araw....kaw ha patext text ka pang nalalaman....uwian mo na agad sabay BITBIT paparito...para may kasama ka na sa Ginhawa...at sa hirap ay kanya kanya....hahaha Jok jok... :lol:

joey bravo
November 16th, 2005, 08:30 AM
mga kabahag,

ang bakbakan ay 9 stag derby na ginaganap tuwing Nobiembre.

dapat ang stag ay late Jan o February born para ma bandingan ito.

ang format ay 3 stag elims, 3 stag semi- finals at 3 stag finals.

ang POT money naman ay P 15K.

FYI

yung WSD ay 55K ang pot nyan at by invitation only hehehe kaya mas mainan duon muna tayo sa maliitan.:)

goryo888
November 16th, 2005, 08:56 AM
Ka Joey malamang bago pa man dumating yaang Bakbakan na yan eh....marami pang mangyayari sa ating Samahan....kaya tutal sa Nobyembre pa yan eh may pagkakataon pa....makapag esep esep ang mga Mangyan....marami tayong pwedeng salihan pagkatapos ng CF...depende siguro sa magiging resulta....

Kahit mga lokal derbi sa atin sa Mindoro...gaya ng anibersaryo ng Dragon....atbp....

Ang tatanungin na laang ay yung may mga NOKIZ....

blackjack
November 16th, 2005, 08:57 AM
mga kabahag,
magdadala ako ng stag n ung pwede na ibitaw s dec kna kabahag joey....e2 ung mga una kng npahatch at kng pupwede ung palo dun s linya n un tayo magpapisa ng para malagyan ng band ng member org ng bakbakan...c pareng joey na bhala dun. tama lang 2 at ung mga nov dec born k n chicks ay napangako k n s barkada k gagamitin/testingin dw nya a ATU stag derby s davao kunin nya december last week s akin...

goryo888
November 16th, 2005, 09:00 AM
Kabahag Blackjack...talagang namamayagpag ang mga palahi natin dyaan ha...bibyahe pa puntang Davao....sana palarin lahat yaang manalo....

tapos yung sunod na pasisiw eh sa Bakbakan kung sakali....oks yan.... ;)

joey bravo
November 16th, 2005, 09:06 AM
mga kabahag,

ang ibig kong sabihin ay pwede tayo mag palabas ng sisw ngayon enero o pebrero at ang mga sisw ay lalagyan ng banding sa Abril.

ang mga sisw na napalabas nyo dyan sa kamangyanan ay dadalhin dito sa Manila para maihalo sa mga sisiw ng kaibigan ko na mag papabanding din sa BAKBAKAN.

ang ganang akin ay pwede kayo magpasisiw sa enero o pebrero ng inyon mga matitinding palahi para d2.

ako kasi an nagpapalahi d2 sa Manila at Romblon at magpapaband ako para makasali sa BAKBAKAN 2006.

at pra naman makatulong ako sa tribu ay isasabay ko na yung may sisw nyo kung gusto nyo ma band din para maisama sa pooling ng stag ng Sanduguan kung magbago ang ihip ng hangin at biglang nagising kayo at gustong sumubok sa BAKBAKAN DERBY..:)

jojo60
November 16th, 2005, 09:09 AM
Nsan BLACKJACK, na clear mo na baga ung mga messages mo?

joey bravo
November 16th, 2005, 09:12 AM
ka goryo,

ok lang yu maski walang nokis, kami na meron ay maglalan para sa grupo.

basta ang mga mangyan ay bababa ng maynila para makita naman kung ano ang itsura ng ARANETA Coliseum.

aba eh pag pumunta tayo dito sa kamyanilaan ay dapat labhan ng ayos ang inyong bahag at para naman d nakakahiya.

saka magdala ng madaming tsinelas para kada pasok na elevator ay may extra kasi baka mawala pag iniwan natin sa labas

:lol:

chuckeee2
November 16th, 2005, 09:12 AM
mga kabahag,

tamang tama rin ang dating ko January at makapag breed para sa Bakbakan. pero unahin muna natin ang unang hakbang ng Sanduguan ang CF sapagkat dito tayo mabubuo.

joey bravo
November 16th, 2005, 09:17 AM
oo nga ka chuckeee,

acid test yung selection sa Dec. para sa pag sali sa CF derby sa Araneta.

agree ako sa inyo sa ganang yan.:)

blackjack
November 16th, 2005, 09:20 AM
pareng goryo

dati k p kasi napadalhan un s davao mga 3-4 yrs ago pumarito n ung kaibigan k....cocker din 2 at promoter ng derby dun katropa 2 n chionkee at bebeot ung magkapatid n uy s davao. kaibigan k rin ung mga un nakakakuha ako dun ng materyals libre nung nandun p ako... ung mga dati kng pinadala s kanya ay naipanalo nya n s mga derby dun...ngayon kahit 1/4 blood n lang gamit nya ay nakakalusot p rin naman...d nga daw sya makapadami at pagkapanalo iba na ang nadampot ng manok...nahihingi n ng mga barkada dun; d naman nakatanggi palibhasa konsehal din at politiko

pero bka s tupadahan at baryo derby lang nya ginamit ung manok he he he...galing n un d2 s atin at dumalaw nga uli nung last wik ng august...itlog lang dinala at booking s nov & dec hatch k na sisiw...balik sya d2 dec at ibigay s akin ung hiling k s pasko...1 pair bruner RH galing kay chiongkee ng ATU gamefarms...maaga pasko d2!!!

jojo60
November 16th, 2005, 09:21 AM
ayos at ang mga mangyan ay nagsigising na pala..

ka joey kelan ba ginaganap ang bakbakan at meron ba tayong mabibiling mga DVD, kagaya d2 s states we can purchase WSC na ginaganap sa ARANETA tuwing JANUARY and JUNE. let me know bro. para medyo makumpleto ko itong mga collections ko.. THANX IN ADVANCE

joey bravo
November 16th, 2005, 09:25 AM
November yan kabahag.

ang may kontrata para sa DVD ay ang may ari nitong site.:lol:

nasa main page click mo lang yung buy DVD Bakbakan o WSD.

3 stag Semi finals ngayong darating na Nov. 17, at baka ako ay manunuod ngayong sabado.

joey bravo
November 16th, 2005, 09:37 AM
ka goryo ako din pala may ninong, nabalitaan ko kahapon na nanahimik na eh ni isang choknut eh wala man lang nabigay sa akin.:lol:

blackjack
November 16th, 2005, 09:42 AM
ka goryo, ka joey
ung mga ninong nyo baka nadale n ng e-vat yun dpat kayo n lang magbigay dun!!!! ang isa kng inaanak nagbibilad n ng palay anihan n d2 s atin at bibigyan dw ng dinurado ang ninong...he he he! sarap ng my inaanak!

jojo60
November 16th, 2005, 09:44 AM
KA JOEY maraming salamat sa iyong infomation..

chuckeee2
November 16th, 2005, 09:50 AM
utol blackjack,

magkano ba ang isang sakong 50 kilos na palay diyan sa Naujan ?

joey bravo
November 16th, 2005, 09:56 AM
preng balckjack, yung ninong kong c Atty. Herminio Tolentino na taga Calapan na mahilig mag regalo sa akin nuon bata pa ako, ngayon naman for the last 5 years eh ako naman ang nag reregalo sa kanya tuwing x'mas.

nakakatuwa nga eh.

:lol:

jojo60
November 16th, 2005, 10:08 AM
aba akala ko ay minumulto ako at biglang nawala iyong topic

natin iyon pala eh na promote na ang mga MANGYAN at d2 na

tayo sa HOT TOPICS..parang kelan lang eh.....

chuckeee2
November 16th, 2005, 10:10 AM
ayan mga kabahag !

nasa ringside na tayo:lol: talagang nausog na sa pantalan ng Calapan :D tuloy tuloy na ere !

joey bravo
November 16th, 2005, 10:14 AM
ayos talga ireng bahay na tinayo ni kabahag groyo.

nasa hot topic na!!!:rbounce:

chuckeee2
November 16th, 2005, 10:15 AM
aba'y tanaw na rine ang Araneta e ! :lol: yoong ating bangka'y matatag na ang katig, gulong na laang ang kulang at pagdaong nire sa Batangas e deretso makati na via Edsan pa Araneta :D

jojo60
November 16th, 2005, 10:20 AM
nsan blackjack puno' pa rin ang messages mo, paki clear nga po ulit or just give me ur e-mail address..la palang multo:lol: :crazy:

chuckeee2
November 16th, 2005, 10:56 AM
PAALALA NGA PALA MGA KABAHAG,

sa Enero 7 at 1pm, meroong major kitakits ang tropang TSM at isa ako sa mga nag initiate ng pulong na ere at ako'y miembro rin ng club. ere'y ilang buwan ring inaantay antay. kung sino man ang nariyan sa pinas at ubrang dumalo e tayo na at ere'y masaya at para na rin magkakilalanan ang bawat isa.

DingDong
November 16th, 2005, 11:25 AM
he he he, wala man laang babala kung
saan na napunta ang ating kubol
napa sagwan ako papunta sa ikatlong pahina
ng chit chat tayo pala'y andine na sa
itaas. he he h toktok na ire hala
sagwani pa ng mabilisbilis at
ng araneta'y madaling marating.

BAKBAKAN 2006, hi hi hi kailangan
pa ng banding . . . sige testingi
kung aare mga mangyan dyaan

:rbounce:

blackjack
November 16th, 2005, 11:26 AM
masarap talaga pag nsa balkonahe na!!! naging red carpet n pwes2 natin kng s araneta pa!!!

kabahag goryo
depende p sa palay m. kng ordinary ay 9 ang kilo at kng dinurado naman mas mahal syempre mga sampu n cguro....

DingDong
November 16th, 2005, 12:46 PM
preng blackjack,

sa wari ko'y parang si ka chuck
ang nagtatanong ng palay?

ang tanong yata ei isang sakong
50 kilos na palay dyaan sa inyo
sa naujan?

hi hi hi, marami yatang tauhan
si ka chuck sa magara nyang
manukan sa puerto na papasinayaan
sa darating na mayo 2006.

hala, gapasi na yaan at ibilad sa
arawan at ng mapakilo na. at ang
pinag bilhan ay makapagsubi na
ng pang araneta ang mga mangyan.


:rbounce:

alimbuyog
November 16th, 2005, 01:15 PM
napakatayog na ng ating minimithi . . . . .

medyo ngawit na nga leeg ko sa pagtingala ng ating pangarap . .

pero tama si ka joey, dito muna tayo sa medyo maliitan, magpakitang gilas, sana may makita sila at baka tayo'y maimbitahan na sa WSD, ei by invitation laang pala dun . . .:D

pero saan baga ang suot nyaan, mararating din natin yan at tayo naman ang titingalain . . . .:blush:

alimbuyog
November 16th, 2005, 01:23 PM
ei bukod sa pulong . . . . .

asan na kaya mga pektyur . . . . :D

grandeur . . . . . . yuhoooooooooooooo . . . . .

DingDong
November 16th, 2005, 01:46 PM
ei . . . baka namuling pa si
ka granduer sa pag dawnlowd
ng mga pektyur . . .

nasaan na baga iyon at hindi
pa naipadala sa akin at
nang maiposte na dine sa
dingding ng ating kubol . . .

nasaan ka ga, ka grandeur?


:rbounce:

goryo888
November 16th, 2005, 06:18 PM
Nagising ako at mumukat mukat pa...hanap sige hanap sa nawawalang kubol....ay naku....nandine na pala ere...kaganda.... :D

Yung pektyurrrrr pektyurrrrr.....

Ok...malapit na ang sabong sa Makati....alas dos bente syete na dine ng madaling araw....kalahating oras na laang at PUPUGAN na!!!!

Yung aking Ninong kaya ko hinahanap eh Magpapasko na at ng sya naman ay mapapaskohan ko......baligtad na nga ngayon ...mga inaanak na ang Magpapapasko sa mga Ninong....
Dami ko na ring inaanak tsaka mga apo sa mga inaanak eh wala rin eh....hinde bale sila na nga laang ang papapaskuhin ko.... :D

Ka Blackjack sige pag igihe ng husto yaang mga pangiliti natin dyaan at ng makilala rin ang Naujan.......para pag dyaan laang sa atin eh kagulatan din ng konti....

jojo60
November 17th, 2005, 01:47 AM
angat ko muna ere at medyo napapunta sa orchestra,dapat ay nasa balcony ere para madaling hanapin.

ka gorio nagising ako ng alas tres pero sa lamig pinili ko na rin ma2log muli.kay sarap baga ma2log..

goryo888
November 17th, 2005, 01:51 AM
Nasimulan ko simula sa simula...kaso luge sa puyat.....putol putol....
tutulog naman ako ngayon...bukas eh trabaho na naman....

lyrea
November 17th, 2005, 02:14 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/GdMorning2.gif


goryo888

Sir, thx 4 d warm reception. Godbless!



@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

jojo60
November 17th, 2005, 02:37 AM
salamat muli sa pagdalaw mo bb.lyrea sa aming munting tahanan.

Nsan blackjack: na e-mail ko na sa iyo pards.

GOOD MORNING TO ALL MANGYANS!!! :rbounce: :rbounce:

goryo888
November 17th, 2005, 06:58 AM
Gising gisinggggg mga mangyannnn....;)

chuckeee2
November 17th, 2005, 07:21 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/02bdc285.jpg

maayos na bagang mamitik ang mga mangyan warriors? dalwang linggo na laang at tryout na pa CF :D

jojo60
November 17th, 2005, 07:31 AM
gud pm sa inyong dalawa ka gorio at ka chuck:

utol chuck cno ba ang nanalo sa dalawang iyan??? ke laki ng mga ulo ng mga nokiz ng mangyan...ware ko ay may dugong ASIL yang mga iyan.:lol:mukhang aggresive pareho..

chuckeee2
November 17th, 2005, 08:19 AM
utol jojo,

pakiware ko'y yaan ang mga ninuno ng mga sweaters :lol:

goryo888
November 17th, 2005, 08:31 AM
Tol Chuck...parang mas magandang paglabanin yung dalawang magbibitaw....parehong mukhang palaban eh...:D

alimbuyog
November 17th, 2005, 08:40 AM
:lol: :D

gandang araw po!

jojo60
November 17th, 2005, 08:51 AM
utol chuck para mo na rin nakita cna patrick antonio at boy marzo pagdating ng taong 2030.Hehehe:rbounce:

chuckeee2
November 17th, 2005, 08:59 AM
tol jo,

taong 2030 ! baka bawal na ang sabong sa taong yaan at sa kagubatan na laang ng mindoro ang labanan doon sa paanan ng mt. halcon :lol:

goryo888
November 17th, 2005, 12:12 PM
Nasan na ga kayo.....nagkalimutan na sa litrato eh....sino ga ang dapat mag post noon dine??

jojo60
November 17th, 2005, 12:23 PM
ikaw ware ang in-charge ka gorio ksi nakakadalawa ka ng palit sa avatar mo..Hehehe:lol: :lol:

bluebird
November 17th, 2005, 02:06 PM
PASINGIT LANG PO...INVITATION PO PARA SA INYONG LAHAT .

http://i18.photobucket.com/albums/b140/docjovy/1234567.jpg

For pledge entries -
click here to go to our thread (http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&threadid=26766&perpage=30&pagenumber=1)

Bahay ng Tropang Rizal
New Cainta Coliseum
6553334 / 6552992

bluebird
09155656100

alimbuyog
November 17th, 2005, 03:59 PM
mga kabahag,

masama na naman ang panahon dito sa atin, maulan na naman . . . .

wawa na naman mga nokis natin dito . . . . . :(

alimbuyog
November 17th, 2005, 04:19 PM
ka joey/mga kabahag,

matanong ko nga pala, di nga pala natin napagkasunduan kung ano oras yung ating selection/bitaw sa Dec. 3?

ano bang magandang oras?

a. 2:00 pm?
b. 3:00 pm?
c. 4:00 pm?

DingDong
November 17th, 2005, 06:12 PM
ano nga ga ang oras ng try out?

sensya na at ako'y bisi laang ngayong
araw na ito.

babawi na laang sa ibang araw.

sige at paalis na ako.


:rbounce:

lyrea
November 18th, 2005, 04:44 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/SunnySideUp2.gif ..... ALL


jojo60

http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/ThanksBud.gif Godbless!


@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

goryo888
November 18th, 2005, 06:26 AM
Miss Lyrea salamat sa iyong pagdalaw....;)

joey bravo
November 18th, 2005, 07:51 AM
try out ba? hehehe

gawin nating 9:am ok ba sa inyo?:)

alimbuyog
November 18th, 2005, 08:04 AM
ka joey,

kung ganun pala ei kelangan pala bago mag-alas-otso dapat andyan na kami para makapahinga ng konti mga manok . . . . :sprcool:

sige, ka joey, salamat . . . . . manok lang ba dadalhin namin? :D

baka si blackjack may dala na namang tapa . . . . .

goryo888
November 18th, 2005, 08:06 AM
Hwag nyong ubusin ang lahi ko!!! Tapa na namannnnnn....Oks laang kung Usa...hwag laang Tamaraw....:D

Talagang mukhang pangmalakasan ang dadalahin mong nokis ha Alimbuyog...may pahi pahinga ka pang nalalaman....jok jok...

joey bravo
November 18th, 2005, 08:15 AM
maaga ba, o sige pwede daw gawing 9:30 am.:lol:

alimbuyog
November 18th, 2005, 08:28 AM
sir gori,

hindi yun usa/tamaraw, iba ang tapa ni blackjack . . . . masarap!

kelangan talaga ng pahinga kasi kung hindi makakapahinga eh mangingiliti laang talaga ang mga ito . . . . . :D

ka joey,

ok na yung 9:00, ewan ko lang kay grandeur at blackjack . . . . .

goryo888
November 18th, 2005, 09:56 AM
Alimbuyog kaya nga pangiliti eh...sa kilikili lagi ang patama....
pag may tari na yaan eh ibang usapan na yang Pangiliting yaan....;)

Raul_Ruaro
November 18th, 2005, 10:02 AM
Naku! Mali pa yung napindot ko, sa new thread napunta yung post ko kanina.

Magandang umaga mga ka sandugo! Napaka haba na itong thread at nahirapan pa ako hanapin, nasa hot topics na pala ang munting bahay natin. Marami na pala akong nalampasan na huntahan. Bumaba lang muna ako sandali ng bundok para makakita ng tao at makasilip na rin sa ating munting bahay. Balik na din agad ako sa trabaho bukas kaya malamang matagal ulit ako di maka dalaw dito.

Pareng goryo at chuckee! Congrats sa pagpupursige nyo na di mapailalim itong tambayan natin at naging hot topic pa pala!

Ang cute ng apo mo lolo chuckee! By mid dec. ay manganganak na din si misis sa calapan, first baby namin ito kaya excited na ako. Last week ng Nov. ay baka punta ako ng mindoro, dalawin ko lang si misis bago sya manganak. Mga 2 days lang siguro ako dun...



Mabuhay ang sandugo!



stewart-



Peace!

blackjack
November 18th, 2005, 10:04 AM
cge pareng joey, alimbuyog darating ako kung wlang manok n madala basta merong tapa...he he he.

jojo60
November 18th, 2005, 10:05 AM
gandang umaga jan sa pinas.utol gorio gabi na naman sa atin.pumasok knb kanina.ako ay sa lunes pa mag-rereport sa trabaho.

pag kumilos ang mga pangkiliti ng mga mangyan ay meron clang paglalagyan.cya at bigyan na ang mga sundalo natin ng mga bala at makapaghanda na sa nalalapit nilang digmaan na sasalinan. hindi ba late na ang 9:30 ksi pakakainin pa cla ng pang umagahan???

ingatan lang wag mabasa ang ating mga sundalo para makaiwas sa sakit.

INGATZ LANG PARATI MGA KABAHAG!!!

Raul_Ruaro
November 18th, 2005, 10:21 AM
Mga kabahag,

Try ko ang .5 na share, pero tentetive pa iyon. Nakadepende kasi sa gastusin ko nitong dec. sa panganganak ni misis. Baka sa mindoro ako mag x-mas at new year, kasi dun naka based ang aking napakabait na mindorenyang asawa. Mis ko na sya! hehehe! Sana may ma meet ako sa inyo pagbakasyon ko dun.

Lolo chuckee! Kapag nasa mindoro ka na ay magpasama ako kay tito Ronnie na dalawin ka.


Mabuhay ang sandugo!



stewart-




Peace!

alimbuyog
November 18th, 2005, 10:22 AM
jo,

oki laang maulanan maga nokis, pampatibay rin yaan . . . .

blackjack, kita na laang tayo dun . . . .

ng mabasa ko itong post ni ka raul, ei ako'y nagtaka at first baby pa laang daw nila ni misis nya, tiningnan ko tuloy profile nya . . .

ay sya pala pinakabata dine sa atin ! . . . . kala ko'y kami na ni grandeur ang pinaka-totoy dine, may bunso pa pala . .:D

blackjack
November 18th, 2005, 10:50 AM
pre alimbuyog,

my bas bata p kay raul s tropa....ls Nsang jojo....bata lagi ang hinahanap...he he he parang c goryo din. ang gaganda naman ng mga pullets ng mga yan.

Cge kita n lang tayo dun.

Raul_Ruaro
November 18th, 2005, 10:53 AM
Kabahag na alimbuyog,

Yup first baby lang namin yan at nung aug. lang kami kinasal sa Calapan. Nauna nabuo kaysa sa sakal, este kasal pala... hehehe!
Baguhan pa lang ako na nagpupumilit na unawain ang larong sabong, bagamat nahilig ako dito nung bata pa ako.

Baka last week ng nov. or 1st week ng dec. ay dalawin ko si misis, mga 2 days lang ako siguro kasi di pa tapos yung trabaho ko. Kapag natapat sa try out ang uwi ko ay subukan ko na magpakita sa Victoria, sana makumbinsi ko yung byenan ko na ihatid nya ako dun. hehehe!


stewart-



Peace!

goryo888
November 18th, 2005, 11:13 AM
Kabahag na Raul...ihahatid ka ni byenan mo...basta magaling ka laang Maglangis...ikanga eh pa Good boy ka lagi....
Sya Kongrats at magiging Tatay ka na pala....


Ka Blackjack...hinde pwedeng wala kang dalang manok Naujan doon....para naman makilatis na rin nila yuong pang Bakbakan natin dyaan kung saka sakali.....;)

Tol Jojo...kauumpisa laang uli...Lunes na naman sa akin...ang tagal pa uli ng Byernes ko....tskk tskkk...

Raul_Ruaro
November 18th, 2005, 11:16 AM
Pareng blackjack,

Baka naman kasapi ka din sa grupo ni pareng goryo at jojo na mahilig sa daisy? hehehe! sya! Ako'y maglalaba muna, nagbakasyon kasi ang aming kasambahay kaya tiga's muna ako.:blush:

stewart-



Peace!

jojo60
November 18th, 2005, 11:29 AM
ka raul:maligayang pagbabalik sa ating munting kubol. loko iyan c ka alimbuyog at pati ako ay tumingin rin sa iyong profile.ok iyan 'bata ka palang naman at paramihin ang mga anak para sumunod sa iyong yapak....

ka blackjack: iyan nga ang dahilan kaya mauwi ako riyan para mapetisyon ko na iyong naiwanan ko riyan..masyadong nahihirapan na si MARIA sa akin:lol:

ka alimbuyog: ang sa akin lang naman eh para hindi magkasakit ung mga sundalo natin at mahirap na maghabol kapag dinapuan ng sipon ang mga iyan.

alimbuyog
November 18th, 2005, 11:38 AM
preng raul,

matalas pala yaang tari mo, maga agad ng makadale . . . .

sana nga matapat bakasyon mo sa araw ng bitaw para makapag-huntahan tayo ng maayos . . . (saka pareho laang tayong baguhan sa sabong):D

blackjack, ako rin naman mahilig sa bata, di nga laang are . . . . he he he . . . . . (good boy)

goryo888
November 18th, 2005, 11:38 AM
Kami nga ay Damatans na...pero sabi nga eh ang matandang kabayo ay habulin ng sariwang damo....nyehehehe...

Ay sya ka Raul...ikaw ay maglaba na, tapos magluto ka na rin...at habang ikaw ay nagpapahinga ay Mamalantsa ka na rin....hehehhe:lol:

Raul_Ruaro
November 18th, 2005, 01:05 PM
Goryo,

Full blooded sabungero rin yung byenan ko kaya malamang ihatid ako nun, sa Victoria lumaki yun kaya malamang alam nya yung lugar nila ka raul. Yun ang nagdala sa akin sa sabungan ng victoria, dragon at lumang cockpit sa calapan. Kaya tuloy nag decide na ako na magaral ng pagaalaga ng manok.

Jojo,

Thanx sa pagwelcome bro! Mukhang babae ata ang magiging supling ko kaya malaki ang posibilidad pambayad utang. nyahahaha! Wag naman sana po! Tiwala naman ako na hindi kasi good boy ako nung binata pa ako.:D


Alimbuyog,

Kung sakali man di ako makapunta dun ay pwede parin tayo magkitakitz kasi malamang diyan na ako mag x-mas at new year sa mindoro.


stewart-




Peace!

alimbuyog
November 18th, 2005, 01:18 PM
aba, tapos na yata washing-washing ni pareng raul ah . . . . . :D

pwede pa rin nga tayong magkita-kita sa bakasyon sa pasko . . . . . kaso baka ma-assign ka sa 163 . . . . . :teeth:

Raul_Ruaro
November 18th, 2005, 02:25 PM
alimbuyog,

Hehehe! Nakaraos din sa paglalaba. Hay namimis ko na tuloy asawa ko...

Mga ka Sandugo,

Tuloy na ba talaga yung sa CF? Pagpasensyahan nyo na at wala pa ako pwedeng maishare na manok. Ka start pa lang kasi nagaaral sa pagaalaga kaya pass muna ako. Kung may maitulong na lang ako sa grupo ay bukal sa loob kong gagawin. Sana maging maayos ang selection at walang maging aberya sa ating plinaplanong samahan....



stewart-




Peace!

alimbuyog
November 18th, 2005, 03:44 PM
mga kabahag,

kayo naman at hapon na dine, pahinga muna . . . . .

sa lunes uli . . . . :hippie:

Raul_Ruaro
November 18th, 2005, 04:36 PM
Sige pareng alimbuyog, ingat na lang sa paguwi. Maya lang ay andyan na yung rerelyebo sa atin...

Gising na mga ka sandugo!!!! hay balik na naman ako sa bundok bukas...



stewart-




Peace!:hippie:

blackjack
November 18th, 2005, 05:54 PM
ok katatapos ko lang magluto, ayos n 2.

ka goryo,

bhala na basta tingnan k kung meron akong maibutaw dun baka pwede maisingit bitaw yung mga inihahanda k kung matapat ang sked ng butaw nila... hirap lang at umaga yung kay ka joey....d bale baka naman mgawan ng paaraan are. baka rin makadala ako ng stag dun, matesting rin pero may dalawang kaibigan na naman pumandaw dine s mga manok kanina... nahanap ng pangbroodcock; nereserba na ung 2 na parehong 8 months old....ung nagpareserba ay breeder din pangbenta naman ung kanya....baka kilala m un c kapitan pidong geremia ng barcenaga....d naman pwedeng tanggihan at kasama s politika. nung minsan kc nangursunda c pareng olan dun s farm nya ng 1 entry para s 3 cock kami pinapili ng kumpare k dhil may 30 pcs pang tira c kapitan. ang napili namin ay ung 2 broodcock nya at isang nakacord...d rin nakatanggi un tao...nanalo naman champion kami s luma ng calapan nung april.cge ingat ka dyan....

kabahag raul,

kaw ha lagi k research s manokis dun k yata nagtanong s tropang ilokano...he he he. cge antayin k namin d2 s bakasyon m.

Raul_Ruaro
November 18th, 2005, 06:16 PM
blackjack,

Oo nga paminsan minsan ay nagtatanong ako dun sa mga kababayan ko. Full blooded ilocano kasi ako na nakapag asawa ng mindorenya kaya paminsan minsan ay nakikipaghuntahan din sa kanila. Kapag napagisipan ko na tanggapin na imanage ko yung baboyan na naka tiwangwang sa victoria na pagaari ng byenan ko ay malamang makakapagalaga na ako ng maayos na tinale. Medyo pinagaaralan ko muna ng mabuti, mahirap ng sumulong ng di handa.

Kunin ko na din yung cel no. mo para kapag andun na ako ay baka makadalaw din sa iyo. PM ko na lang sa iyo yung no. ko bro.... thanks!

stewart-




Peace!

goryo888
November 18th, 2005, 11:22 PM
Oks laang yon Ka Blackjack...ganyan talaga bigayan laang.......aba't nakasikwit pala kayo ni Olan sa Luma ha....
Maayos rin pala ang mga manok ni Kapitan....naririnig ko laang pangalan noon....

Sya Ka Raul...ikaw nga ay dumestino na dyaan sa atin sa Mindoro...tutal may magiging Babuyan ka naman.....ako nung nandyaan pa ay may Babuyan ding kaunti.....binabyahe ko sa Batangas lalo na kung maganda ang presyo...kung minsan naman ay kulang pa sa mga magkakarne doon sa amin sa Naujan. May lolohin kasi ako na Babuyan din ang hanapbuhay.....sa Malinao, yun ang may ari ng M1 Farm.

Gandang gabi sa inyo dyaan....kami naman dine ay umaga na naman.....

chuckeee2
November 19th, 2005, 01:20 AM
.... mga kabahag,

... ako'y nagpadausdus laang paparine sa computer at paga ang aking tuhod gawa ng gout. masama pala yaang durian. kaya ingat kayo baka pagsapit ng CF e kayo naman ang meroon mas mahirap yaan :D

utol Joey,

ang pa banding ga para sa Bakbakan e meroong banding fee? kahirap pala sa WSD at by invitation pa. ereng Bakbakan e parang ang National Championships baga ? Ok na rin ere tutal ang sa atin nama'y for recreation laang.

mga utol,

countdown na for CF tryout. pati ware ere'y nagiging exciting na rin :D

goryo888
November 19th, 2005, 02:18 AM
Talagang kapanapanabik ere...kaya nga todo kundisyon ang mga mangyan ng mga alaga nila ei.....
Sya hwag paka igihe ang pagkain ng Durian at kung anu anong hi in Uric acid.....

Tumatanda na ga talaga at may gout na?:D

lyrea
November 19th, 2005, 02:22 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/RelaxHavFun.gif

http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/Graphics%20And%20Animations/TCofUrslf2.gif GUYS!


P.S.

I would like to invite everybody to pls. visit Christmas 2005 Countdown thread sa ChitChat to help us spread the X-mas spirit. Thanks n advnce. May God bless us all.




@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

goryo888
November 19th, 2005, 02:39 AM
Miss Lyrea.....tnx once again....;)

chuckeee2
November 19th, 2005, 02:43 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/128f0288.gif

Sister Lyrea,

ayos na ayos yaang iyong duyan animation sa pagitan ng dalwang niyog! yaan ang tinatawag na tunay na rest and recreation at napapaligiran ng mga manok :D

utol Goryo,

oo nga't natanda na e! ang ating mga kabahag e baka naman masobrahan ang pagpapatuka sa manok at hindi ware makakilos ang mga warriors sa kabigatan pagsapit ng tryout. kailangan natin e balingkinitan laang na maskulado...tunawin na ang mga taba.

chuckeee2
November 19th, 2005, 04:08 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/4dd50479.gif

DingDong
November 19th, 2005, 09:36 AM
ei iilang tulog na laang at dadaan na
sa pagsubok at pilian ang mga manok
ng mangyan.

pero teka, ano ga ang batayan sa
pagpili??? palo laang baga???

are ang aking mungkahi:

1. galing ng palo

2. hubog ng katawan (kung bukang
magaan - hi hi hi parang nabasa
ko na ito ah . . . .)

3. edad ng manok

4. taas - (kailangan ga ire, meron kasing
sa tikas ay mababa pero mahaba naman
ang hita)

5. lahi - (importante pa ba ire?)

kung lalagyan ng porsyento ang
bawat kategorya ei ilan baga kada
isa?

tapos meron timbangan doon para
sa magkaparehong timbang ang
magkabitaw, ika nga ei ng makita
ang tmaang palo.

ei kayo naman, ano ga ang inyong
mungkahi.


kay ka raul ruaro:

kahit naman wala ka pang manok ei
makakatulong ka sa ating pangkat. ang
sa akin ay baka ibig mo umambag ng isa
o kalahating bahagi (share), ayos ga iyon?

hala, sulati dine ang inyong mga
kuro kuro at palapalagay . . .

:rbounce:

chuckeee2
November 19th, 2005, 09:50 AM
utol DingDong,

para sa akin nama'y ang mga warriors e yoong bagang puwedeng paglandingan ng eroplano, parang isang aircraft carrier sapagkat ang dadalahin ng mga yaan e bandila ng Mindoro :D

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/913c821d.jpg

Siya, ako'y hindi na mapakali dine kung sino sino ang makaka qualify pang CF.

chuckeee2
November 19th, 2005, 10:02 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/95b19714.gif

... mga kabahag, nasaan na kayo ? kailangan post kayo mga qualifying features ng isang warrior para sa tryout.

Raul_Ruaro
November 19th, 2005, 10:45 AM
Magandang Umaga sa inyong lahat mga ka sandugo!


Goryo,

May experience ka na rin pala sa babuyan, ako kasi mas broiler ang kabisado ko. Di naman kalakihan babuyan ng byenan ko sa victoria, mga 10 to15 na inahen at may pang patteners lang. Parang subok na business lang namin magasawa. Alang mangyayari kasi kung empleyado ka lng dito sa Pinas, ayaw naman ako pag abroad din ni misis. hehehe! Pinagiisipan ko pa at pinagaaralan kung tanggapin ko yun. Ang konsiderasyon kasi rin nun makakapag alaga ako ng gusto ko na volume ng tinale. hehehe!



Dingdong,

Reserve muna yung share ko na .5 sa cf, manganganak kasi si misis this dec., baka mapalaki ang gastos sa hospital at di na ako makapaglaan sa ating grupo. Naging maselan kasi pagbubuntis nya kaya malaki narin gatos namin nung mga nakaraang buwan.


stewart-




Peace!

blackjack
November 19th, 2005, 10:48 AM
s akin lang po ay ang batayan ng pagpili ng manok ay ung magaling ang ibo s butaw; balansyado ang katawan, nsa tamang proporsyon ito para s timbang nya.... ibig sabihin ay d dapat sya mababa s entry weight nya; mataas ang uri ng pagkamanok at dapat my history na dead-game ang ito; maganda ang opening break nya at hindi pabaya s paluan s baba...dapat nauna lagi itong pumalo at magpatama. ang lahat ng ito at mga iba pang katangian ng manok ay nakikita dapat ng selektor at ang hindi masyadong nakikita ay masasabi natin n "gut feeling" na ng selektor kung saan ang napupusuan nya sa nakita nyang ibo ng manok.... all these cannot be seen in just one sitting but thru constant observation of the fowl by the handler/conditioner and breeder as the case may be. pero ganun p man at wala tayong manok masyado ay bahala n sina ka raul at joey s final selection....they know the level of competion that we're up against!!! basta tutulong n lang ako kng ano man ang maitulong ko.

will post d result of all these.....

Raul_Ruaro
November 19th, 2005, 11:27 AM
blackjack,

Sa akin naman ay basta ibigay natin yung mga best na nokis natin, kasi very tough ang labanan sa CF. Digaano talaga ako umaasa sa W dito pero dapat ipagpatuloy natin ito para makita natin kung san tayo magkukulang at isa pa ito ang magiging unang baitang ng pagkakabuo ng SANDUGO. Kailangan lang siguro ay mabuo ang tiwala natin bilang grupo sa bawat myembro para di lang lumakad ang SANDUGO kundi tumakbo pa ng matulin....

Kung talagang di papasa sa standard yung naitry out ay sali natin muna sa medyo mas maliit na derby pero yung mabigat din ng konti ang makakalaban.


stewart-




Peace!

Raul_Ruaro
November 19th, 2005, 11:34 AM
Hay sya! Mga kabahag ako'y magpapaalam muna, matagal tagal na ulit ang pagsilip ko dito... Paakyat na ulit ako sa bundok ng rizal, para bantayan ang broiler farm ng aking step sis ko... Laging suportado ko ang galaw ng SANDUGO!


Stewart-



Peace!

chuckeee2
November 19th, 2005, 12:31 PM
siyanga pala mga kabahag,

......... halimbawa'y alang pumasa sa mga manok sa darating na tryout, meroon baga tayong second choice ? :(

goryo888
November 19th, 2005, 12:45 PM
Papasa yaan ka Chuck.......pag hindi eh malamang kangkungan ang aabutin ng mga yan.....:lol:

Tingnan natin...may siguradio naman ng isa yung kay ka Joey malamang pangdiin yoon...etong mga Pangiliting iba eh titingnan pa...si GrandeurO may dadalhin din, si DD may tetestingin din yata, si Alimbuyog...si Sonny baga kaya ay meron ding tetestingin?

goryo888
November 19th, 2005, 01:24 PM
Pahabol kay ka Raul.....tol yung hanggang 15 inahin ay okay na yun....tapos dapat may barako ka ng sarili....

Magbenta ka ng biik....ang benta ko dati noon ay ang first 10 kilos ay 1,200 tapos yung higit ay 70 pesos kaya kung 20 kilos ang biik mag kakahalaga yun ng 1,900php. bale aalagaan mo yun ng 30 days pagkawalay sa inahin...nagwawalay ako sa inahin ng mga 28 days pagkaanak. Pero ngayon ay tumaas na siguro ang presyo ng BIIK. Dapat marunong ka na ring magkapon....
Sa babuyan laang pag ikaw ay tinamaan ng peste naku mapepeste rin ang BULSA mo :(

Pero okay ding pagkitaan yaan...lalo pa kung magandang klase ang karne ng baboy mo yung malaman...naku ang bilis nyan sa mga magkakarne sa Palengke....hindi pa babaratin ang baboy mo...

chuckeee2
November 19th, 2005, 10:39 PM
mga kabahag,

... malapit na huh! ala ba tayong mga larawan ng mga nakodakan nating pang tryout para naman masilip ang mga yaan sa bolang kristal nang kaunti :D at mabendisyunan na rin !

kabahag Raul,

kung ika'y magmamanok e wag mo nang samahan ng baboy at hindi ware maganda ang kumbinasyon. magkano ang isang biik? nasa ph 2,000.....magkano ang isang stag ? :D isip isip kung ano ang maganda !

goryo888
November 20th, 2005, 09:11 AM
Ka Chuck....tama ka.....at talagang napakahirap mag alaga ng Baboy.....

Depende na rin yan sa tao... kung gusto talaga at hilig eh hindi rin mahirap...ang mahirap ay kapag labag sa kalooban mo.....;)

goryo888
November 20th, 2005, 09:41 AM
Sya baka ako'y makiki try out din......at ng makadagdag ako sa pauuwiin ni Ka Raul at ka Joey.....:D

goryo888
November 20th, 2005, 12:25 PM
Sya at ako,y matutulog na ei wala man laang naligaw dineng mangyan ei....malamang ay nasa Sabungan.....sige bigyan sana kayo ng swerte....;)

chuckeee2
November 20th, 2005, 12:37 PM
.... busy ang mga mangyan sa mga libreta nang pagkokondisyon :D mahirap nang iuwi uli ang mga manok dapat e maiwan na kay ka Raul patungong CF :D

Manokiz
November 20th, 2005, 09:33 PM
gudafternun po,,, kabahag,,,

wow! galing naman pier ng Sta. Clara, Batangas,,, laki-lakig na,, linis-linis pa,,, bi-bilis pang mga bumi-b'yaheng bapor,,, :)

god bless dun sa naging kapitan ko sa M/V Emerald,,, sabi nung tindera sa Pier,,, buhay pa daw itong si Captain Magpantay,,, pagka-sabi,,, nasa Montenegro,,,

gud luck sa lahat na maging entry ng kabahag,,, :)

goryo888
November 20th, 2005, 09:43 PM
Wala pa rin silaaaaaaaaa.........

lyrea
November 21st, 2005, 04:06 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/Graphics%20And%20Animations/PCmessageGdDay2.gif



http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/SMILEYBAR.gif
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

goryo888
November 21st, 2005, 08:21 AM
Hoy hoy hoyyyyyyyyyy.......mga kabahag nasan na ga kayo???

joey bravo
November 21st, 2005, 08:49 AM
Mga kabahag,

baka isasara na ang pulong ngayong araw with the ARANETA management.

January 24 ang CF 4 Cock Global Derby.

Makatuntung din ang mga mangyan sa araneta..... go go goo....:D

goryo888
November 21st, 2005, 09:03 AM
Okay yaan ka Joey......kakilala pala ng Tito Tony (Catly) ko si ka Raul....kaya sabi ko baka makapagdala din doon ng pang tryout..
Testinggg testingggg...baka rin umubra......

joey bravo
November 21st, 2005, 09:54 AM
ka goryo at mga ka sandugo,

kung maari ay padala nyo na yung pinaka matindi nyo na manok.

nag pledge ang tropa ni WSD champ Boy Marzo ng 11 entries ng tropa nila na baka makabangga din natin sa araneta.

sasabihan ko nga na uwiwas sa manok natin at may kalalagyan sila sa manok ng mangyan.

(joke onli) hehehe

:lol:

goryo888
November 21st, 2005, 09:58 AM
Sa malamang dapat talaga umiwas na sila....may hinagap na rin ako ka Joey na ganyan....kasi yung isang kakilala ko eh gustong ipaghanda ni BM ng pang CF.....tskkk tskkkk mabigat pala talaga ang labanan dine....whewwwww.....lagot sila sa mga MANGYAN.... :D

chuckeee2
November 21st, 2005, 09:59 AM
:lol: utol Joey, basta't yoong kursunada kong dalwa mong aircraft carrier ang i entry mo mahihirapan sila.

mga kabahag, 12 days to go, tryout na :D

chuckeee2
November 21st, 2005, 10:30 AM
ok pala ereng CF Derby kung lalahok ang mga tropa ng PCAP. affordable na, matetest mo pa ang mga calibre ng manok natin laban sa mga class A's. siya pag iigihin ko na ang breeding next year :D

mga kabahag, iwalay na muna ang mga mandirigma natin sa inahen at para hindi mangatog ang mga tuhod sa laban :lol:

goryo888
November 21st, 2005, 10:36 AM
Kabigat talaga ng laban dine..pero masaya ito..;)

chuckeee2
November 21st, 2005, 11:07 AM
.... paghandaan na natin ere mga kabahag at ako'y siguradong manonood nire at mapag aralan na mga kilos ng mga class A's. Malamang marami akong ihahalo nire sa papaya kapag nagkataon :D

goryo888
November 21st, 2005, 11:46 AM
Aba...kapag ganyan ibig sabihin eh ang mga Mangyan warriors ang papapayahan....:confused: kasi di naman bali manok sa derby...waaaaaa hwag naman sana po....Tol Chuck...tirhan mo ako ng tinola ha?? mahal sigurado ang isang gayat at higop nyaan abay 5K ang isang bahagi ei....malasa yan...magkano kaya per lb. nyaan pag nabalahibuhan??hahahha
Pero sana bali manok para matikman natin ang lasa ng mga As ng big time...

joey bravo
November 21st, 2005, 11:49 AM
http://www.sabong.net.ph/forum/showthread.php?s=&threadid=26968

chuckeee2
November 21st, 2005, 11:58 AM
utol Goryo,

ibig kong sabihin e mga manok ko kung sila'y hindi lalaro ng dikit sa laro ng mga A's ng PCAP e lalaruin nila'y papaya at luya na may dahon ng sili :lol: magandang experience ereng CF at malalaman na rin natin kung anong klaseng manok ang ating aalagaan.

ala yata ang mga mangyan ! busy marahil sa pre tryout selection :D

chuckeee2
November 21st, 2005, 12:03 PM
aba'y ala pang pledge ang Sanduguan :confused: sama na ba tayo sa pledge ni utol Joey ?

goryo888
November 21st, 2005, 12:08 PM
Hinde pa siguro tayo kasama doon.....ilalagay nya siguro kapag nakapag try out na at may maaari....

SamasamaSandugo okay na sigurong entry name natin....ano sa tingin nyo mga Kabahag? Dikitdikit para walang kalasan....Tapos Mangyan Cockers ang grupo... okay baga iyon?...

DingDong
November 21st, 2005, 06:51 PM
pasensya na mga kabahag at ako'y
ngaing abala sa aming tanggapan.

pasasaan ba't paroroon din ang
mga mangyan sa rurok ng tagumpay
at malay natin ang unang hakbang
ay umaligwa agad ang tagumpay
pabor sa atin.

hala ayos na ga ang pang try out
ng mga mangyan . . .

dalawang linggo na laang at
huhusgahan na ang mga
pangkiliti natin.


mga igan huwag kalimutan ang
wento ng bitaw ha. yung blow by
blow ang wento, hi hi hi para
kaming hindi makakarating ay
para na ding nakapanood.


:rbounce:

goryo888
November 21st, 2005, 09:28 PM
Teka nga muna....sino sino ga ang pupunta doon at magdadala ng mga Pangiliti?

Si Alimbuyog, GrandeurO,ikaw ga Ka Dingdong ay may ipakikilatis din? Sigurado na tayo sa isa na manggagaling kay Ka Joey, kaya ilan pa ga ang kailangan natin? Ang reserba ga ay ilan? Magdadala din ang Tito ko, baka mapapag ari. Si Ka Chuck, kung makabalita na medyo tagilid ang ilang napiliay magdadala din kikilatisin, pag dating nya dyaan.....kaso enero ang dating pa nya....abot pa ga kaya iyon? Kaya ka Chuck, ipa precon mo rin yung mga pangiliti mo doon ha?

Sige at yumagyag na ang mga MANGYAN puntang ARANETA...;)

chuckeee2
November 21st, 2005, 11:10 PM
mga kabahag,

gaya ng nasabi ko e baka sa mga unang araw ng ikalawang linggo ng Enero e makapagpadala ako ng dalwang manok for screening. Meron na kaming inihahanda pang Mayo sa pista ng Puerto at ere'y sampung ulo at ako'y sisikwat laang ng dalawa. Baka ang mga ere'y hindi sanay sa echo ng coliseum at baka alang mga puno sa Araneta'y manibago ang mga ere'y magliparan pa bubong :lol: Siya, ako'y handang handa na makapanuod ng CF at ang aking pambatong long sleeve na bulaklakin e plantsado na. Meron bagang aircon sa coliseum? baka ako'y mangatog sa ginaw e makapagdala ng jacket :D

jojo60
November 21st, 2005, 11:39 PM
magandang gabi po sa inyo jan at d2 naman ay umaga na.pagpasensiyahan ninyo ako kung sakali hindi ako napadpad dine sa ating kubol sa dahilanan, ksi ay para makita ko rin ang practice ng walong player ko na sasli sa 4 on4 at 3 ay pang hackfight.this will b held on the long weekend of THANKSGIVING.
kaya i stayed with my friends house for 3 days.

ok naman cla lahat kaya lang ung dalawa ay may sapote pa at medyo matigas pa ang kanilang mga paa' ng kaunti. swerte na lang ang kailangan at para naman maganda ang aking pasko.

bigtime pala ang ating sasalihan talaga. dapat talagang ayusin ng husto ang ating mga sundalo para naman hindi naman madali sa kanilang kung sakaling tatalunin tayo. ang alam ko sa larangan ng sugal ay parating may 1st time luck..so gud luck sa ating lahat at sa mga mangyan nasa P.I. ngaun at sana wari ay pagpalain tayo sa pagpili ng ating koponan.

ka joey: accdg. to my friend here, he told me that ARANETA will be close pretty soon and SAN JUAN COLISEUM w/c is owned and operated by Bong P. will be the new venue of all the bigtime DERBIES.

lyrea
November 22nd, 2005, 02:03 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/WakeUp2.gifhttp://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/RiseShine2.gif



@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

goryo888
November 22nd, 2005, 02:39 AM
Gandang umaga sayo ka Jojo...ka Chuck...

Sige gudlak sa laban ng mga mandirigma mo sa tnx giving...Jojo hwag mong kalimutan magpadala sa akin ng isang hita man laang ng Bihag ha....ayaw ko ng Tarki ei...:D

jojo60
November 22nd, 2005, 05:49 AM
gandang hapon rin sa iyo ka gorio. kapag talunan d2 sa atin tinatapon na lang namin ksi hindi mo alam kung ano ano ang sinasaksak sa mga mandirigma d2.bukas pa lang ang balik ko sa work at sa huwebes ay lang pasok na naman kay inam talaga..

sa lahat ng mga KASANDUGO kamusta po kayong lahat!!!:rbounce:

Nsan blackjack: musta ka na jan? hope everything is fine..:lol:

goryo888
November 22nd, 2005, 06:52 AM
Gandang umaga sa inyo dyaan mga Mangyan....kami dine maya maya ay Gabi na naman....giseng gisengggg at intindihin ang mga tinaleng pangiliti..... ;)

chuckeee2
November 22nd, 2005, 07:23 AM
.... 12 days to na laang at magkakaalamanan na kung sino ang mga gladiators ng kamangyanan :D wag laang sobrang training baka pumaga ang mga muscles niyan e hindi na pumalo :lol:

siya, goodluck sa inyo diyan sa Oriental sana'y pumasa ang mga mangyan warriors natin.

blackjack
November 22nd, 2005, 07:48 AM
maaga lagi d2 gising ng mangyan nababasa k naman mga post nyo d lang ako sumasali muna at marami gawa hirap mag-asikaso ng manok... kahapon pinaliguan k at nun lang medyo uminit...panay p rin ang ulan d2.

baka isabak k 2ng 3 d2 3 cock sa dec at un nga kumpromiso s manong lito gaud gusto umentry...bahala na isubok k ng bitaw dun kna ka joey, matingnan din ung mga iselection dun.

Nsang jojo,
pumunta na ng florida ang mga kuya arvin at ulie....ang reunion daw s 2007 ay s isang cruise na instead of going 2 only one place and meet there; mas mabuti daw un at maraming mapuntahan at importante ay kasama ung mga kamag-anak...he he he. sana makasali na by that time!
good luck din s laban mo...sayang wala n dyan ung kaibigan kng gaffer, lumipat n kc s guam pagkatapos nung mudslide dyan s cali...

jojo60
November 22nd, 2005, 08:55 AM
Nsan blackjack: un nga ang suggestion ng nakakarami noong pagpupulong noong nakaraan sa florida,hindi ko alam na pumunta pala cna kuya arvin at ulie.sigurado akong makakasama sa susnod na kikikitz ng mga Basa.

ka chuckee: musta kn jan sa Canada? hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa iyo kung paano kami magtraining d2 sa states. wala kaming awa sa mga manok d2 lalo na during selections.kaya wala kaming paborito d2 during thier selections.kapag hindi kumilos ang manok ay siguradong out kaagad cya maski na 3 time winner pa cya.21 days ang paghahanda. 14 days binibitaw namin ang mga manokiz morning ang afternoon,pwera pa ang table exercises at rotatons. rotations ang pinakamahirap ksi every 2 hrs.nililipat namin cla sa kanilang mga scratched pen at the same time nabibitaw cla ng isang buckle lang. kaya kapag nakapili na kami ng mga tumagal ay umasa kanaman talagang sa huling hininga nila ay ilalaban ang pera at oras ng inalay mo sa kanila.suportado talaga cla ng mga iba't ibang vitamins,pagkain,atbp.we always make sure na nirerecord namin ang kanilang mga timbang to prevent from any unnecessary things to happen.

DingDong
November 22nd, 2005, 09:50 AM
teka mga kabahag,

ididikit ko laang dine ang larawang
kuha ng unang kitakits ng mga mangyan.

paano ga ire, testing nga.

http://i25.photobucket.com/albums/c64/dingdong0910/Sandugo3.jpg

mula sa kaliwa: granduer, blackjack,
alimbuyog, dingdong at makmak,

ayos ga mga kabahag, yung ibang
larawan ay saka na laang, dahil
ga ireng si ka granduer ei namumuling
pang magbaba ng larawan mula
sa kanyang pangkodak.

:rbounce:

goryo888
November 22nd, 2005, 10:15 AM
Ka Dingdong nasaan na ga....blanko naman ei....

Tol Jojo para yata ngang sobra sobra yaang inyong pag preprepara ng Nokiz dyaan....tskkk tskkk..

goryo888
November 22nd, 2005, 10:19 AM
Ayun naman pala...ay kakikisig nga eh... ;)

DingDong
November 22nd, 2005, 10:40 AM
ei ka goryo,

katulin mo namang tumingin
saglit pa laang napalagay ei
kita mo na agad.

yung una ko kasing dikit ei
pagkalaki, akin munang
inilabas at pinahupa ang
kakisigan at ng lumiit liit
ng kaunti.

hala iyan na ang mga mangyan,
yung ibang pektyur ei saka
na uli, pinag aaralan pa ni
ka granduer ang pagkuha
ng larawan sa kanyang
pangkodak.


hala, sino sino na ga ang may
pang try out na manok, mas
maraming magtatry out ei
mas maganda at masaya. basta
kami ei meron.

ka chuck baka naman yung
sa iyo'y mapapadali ang pag try out,
baka naman sa disyembre ay
maipadala mo na dine at ng
makilatisan na agad at hindi
kapusin si ka raul sa oras
sa paghinete ng mga manok.
kasi kung sa huling araw ng
ikalawang linggo ng enero ei
baka kapus na sa oras ang
ating tagahanda.

teka nga pala saan ga manggagaling ang
iyong pandiin, dyaan ga sa canada
o sa US? kung dine naman sa
parteng luzon ei ako na ang
susuysoy at nang maisubok na
sa mga manok na nasa mindoro na.

kasi ang balita ko'y higit isang
buwan kung maghanda ng nokiz
si ka raul ayon sa programa
ni preng joey, tama ga?


:rbounce:

goryo888
November 22nd, 2005, 11:47 AM
Ako baga ay may napansin sa larawan....Ka DD kayo pala ni Ka Blacjack ay pwedeng mapagkamalang magkapatid...ay magkahawig kayo sa litrato eh...;)

blackjack
November 22nd, 2005, 12:04 PM
ka goryo

npansin m ga??? ganun ang mga poging hitsura ng maginoong magmamanok na may buntot!!!! d lang kita ung buntot at kodakan 2 he he he.


ka grandeur

dalhin mo uli yang pangkodak m at ipost natin uli ung mga manok na pumasa s selection.... sarap na naman ng inihaw n tilapia ung mangilo ang isa!!!! tapos kasunod ung tapa...wow!!! my malamig n san mig lights dun sigurado yan dahil mainitan ang pukpukan ng mga manok dun....

kaya ang mga may oras ay sumaglit n s san gelacio s ating bakbakan blues!!!!

jojo60
November 22nd, 2005, 12:46 PM
nice pictures mga kapatid. talagang makikisig ang mga dating ninyo. nakakainggit talaga jan sa atin at maski na anong oras ay pwedeng gumimick.d2 ay trabaho bahay lang kami,bihira ang magkasalosalo.

ka gorio at ka chuckee: dapat ay iplano natin ang pag-uwi para naman makompleto ang mga ka sandugo.. oo nga pala uuwi nga pala c ka chuck ng enero baka magpangita kami roon at makapagsalo2 tayo jan.

ka blackjack: talagang hindi ka pa rin nagbabago.

cge pakipost ninyo pa iyong mga ibang pixs.

DingDong
November 22nd, 2005, 12:47 PM
ei si ka goryo naman, kabilis talaga
ng mga mata, nakita mo pa yun, he he he

gay-on daw iyong mga magigiting
na magmamanok, bwahahahahaha
tama ba ka blackjack.

aking ngang muling pinaliit ang
larawan ng hindi na gaanong
pansinin. pero sabagay yung
gay-on daw ang magagaling
sa sabong (ng . . . . bahala
na kayo doon, hi hi hi)

hala, panggasi na ang mga tinale
at malapit ng husgahan ang
mga iyon.

chuckeee2
November 22nd, 2005, 12:49 PM
.... siya nagkakitaan na ang Sanduguan! kaya pala sa aking pagtulog e meroong kumukulbit at meron na palang nangyayari dine :D

utol DingDong,

yoong sa akin e puede na munang ilagay sa reserved dahilang hindi yoon bibitawan hanggang ala ako diyan at kailangan e pumasa sa aking panghipo ang pangangatawan at kung sakaling meroong mag off sa training e di pasok ang reserba. Sa Enero 4 pa ang landoy ko diyan sa Pinas kaya't wag kayong mag alala at naka pre con na ang mga yoon naihabilin ko na. At sa Mayo 13 kailangan e nasa Puerto kayo doon sa itatayo kong manukan at munting kubol alang aabsent :D

DingDong
November 22nd, 2005, 12:57 PM
aba maganda ang mungkahi ni
ka jojo na sila nina ka chuck at
ka goryo ay makauwi dun sa atin
sa mindoro. pag nagka gay-on
ei dadami na ang nasa pektyur.

pasensya na sa kuha medyo
lumabo na dahil pinaliit ko
iyan mula sa 1.2 MB hanggang
sa 16 KB na laang. dangan
baga'y mahihirapan na ang
ating sinulid at side kapag
masyadong malalaki ang file
ng mga pektyur dine.

ka jojo, baka naman ikaw ay
may pwedeng ipadala at
maisali sa training camp
natin dine. mas maraming
nokiz mas malawak na
selection mas malaking
tsansa na makasungkit
ng wagi, di ga!

oi, yung iba diyan, ipadala
na sa Dec. 03 sa san gelacio
ang mga tinale natin.

:rbounce:

chuckeee2
November 22nd, 2005, 01:04 PM
... aba'y yoong mga mangyan sa abroad e uwi na sa inang bayan at tayo'y pa Araneta :D ere na ang ating pinakaaantay at wag na ereng paalpasan :D Ako'y 6 na buwan diyan sa Pinas at kapiling ko'y alang iba kundi manok !

jojo60
November 22nd, 2005, 01:09 PM
ka dingdong: medyo gahol na sa panahon kapag nagpadala ako

jan. ang balak ko ay sa pag-uwi ko ay doon ako magdadala

ng mga nokiz at para malagyan na ng mga tinale iyong magiging

lugar namin ni Nsan blackjack jan sa Naujan sa bakanteng

lote ng aking tiohin.mas mainam yata iyong malaking pixs mo

kanina.

jojo60
November 22nd, 2005, 01:13 PM
talagang nakakahili ka naman ka chuck at 6 mos. ka pala sa atin.

cya siguradong magpapangita tayo doon. o, ka gorio magbalak

balak na at kalimutan mo muna iyong mga pullets mo dine sa

norcal.pagpahingahin mo naman sila 'no.Hehehe
:lol:

blackjack
November 22nd, 2005, 01:18 PM
mga kabahag

wag n magaalala ung pipilian s dec 3 ay umpisa pa lang s ating samahan...s susunod ay medyo magdadami n ang mga manok natin at umpisa na ng palahi ngayon. my mga kasama naman tayo n nagpapalahi at ung iba ay my plano din n magpalahi. dadami din ung manok natin...i-screen lang n akma s level n ating sasalihang derby. kung walang pumasa e d maghanap ng manok n mabibili para dun....ambag n lang tayo!

plagay k s jan n ang planong pagpatibay ng grupo pagdating nina k chukee at baka sumunod naman ng uwi sina ka jojo at ka goryo kaya kitakitakitz sabay pormal n tatag n ng grupo....mag-assign n ng tao para magdraft ng by-laws at ifinalize n lang pagdating ng mga bigatz at d2 n s mindoro ang launching natin....homebase natin ay Tabinay ni ka chuckee.

ka chuck

nandyan kami s mayo s tabinay....sana kasama k s nsang jojo at ka goryo.

jojo60
November 22nd, 2005, 01:37 PM
cge mga kabahag at ma22log muna ako at maaga pa ang pasok

bukas..ingatz lang kayo lahat jan sa atin.

kung anuman ang mapagyarian ay buong suporta kami d2. :rbounce:

goryo888
November 22nd, 2005, 09:07 PM
Basta kami'y nakaantabay laang dito....kung magkaka ige...si utol malamang papuntahin ko....kilala na ni ka Blackjack yon....

Parang alanganin sa akin yung mga petsang yoon....baka mapilitan pa ako sa pyestang NAUJAN.

Sige tingnan natin....pero mahirap makipagsabayan kina ka Chuck..... RETARDED este RETIRED na yan....nyehehehe...
puro pasarap na laang sa buhay iniisip nyaan....RELAKS RELAKSSSS.....eh ako?? naku madami pang kakaning bigas....pero sana 3 to 5 yrs eh GARAHE na rin ako....

jojo60
November 23rd, 2005, 03:26 AM
teka, at maitaas muna are'.. good day guys.:rbounce: :rbounce:

goryo888
November 23rd, 2005, 08:15 AM
Itaas ko rin ito ha......bangon na kayo't tanghali na......

jojo60
November 23rd, 2005, 09:08 AM
mga namamaluktot pa yata dahil sa malamig na hangin dulot ng ulan. musta na trabaho 'tol gorio?

chuckeee2
November 23rd, 2005, 09:35 AM
utol Blackjack,

aasahan ko kayo sa Mayo sa Puerto :D at pupuntahan ko kayo diyan sa Naujan kapag kami'y napa Calapan para sa mga gamit.

utol Goryo,

hindi pa full retirement, semi pa laang. Ang ibig sabihin e 6 months abroad, 6 months sa Pinas. Kapag ako'y ala sa Pinas e trabaho parin ng 6 mos. pambili ng ticket at allowance pang manok :D

goryo888
November 23rd, 2005, 09:51 AM
Ayos na rin yoon Ka Chuck ang importante semi retarded...retired ka na..... :D aba mahaba haba rin yoon ah...6 buwan....tskk tskkk kailan pa kaya ako....sana 3 to 5 yrs garahe na rin ako....pabandying bandying na laang din....

Tol Jojo...oks laang ang trabaho...pero off ko ngayon at bukas...

chuckeee2
November 23rd, 2005, 12:38 PM
aba'y ala na naman ang mga kabahag! talaga yatang tight monitoring sa mga warriors ang nangyayari ah ! ilang araw na laang at tryout na ng pang CF :D

alimbuyog
November 23rd, 2005, 04:00 PM
mga sandugo,

musta na kayo dyan, di naman sa abala sa mga manok, nasira lang yung isang computer namin dito sa opis, di tuloy ako makasilip dito sa bahay natin, nakigamit lang ako dito sa kabila opis . . . .

ok naman mga nokis, medyo gumaganda na panahon dito sa atin . . . .

alimbuyog
November 23rd, 2005, 04:05 PM
kapo-pogi pala ng mga mangyan sa pektyur . . . . :D

marami pa yang kasunod . . . . asan kaya yung iba? . . .

goryo888
November 23rd, 2005, 10:03 PM
Tol Alimbuyog...medyo iniipit ng konti kumbaga ang parada....para pag magkalogrohan eh sahod na laang ng sahod.....bago ibaba sa gradas ang mga nokis eh pag bibitawan na......
Pasuspens ikanga yung mga litrato nyo para di gaanong mapigurahan ng husto....

blackjack
November 24th, 2005, 05:51 AM
grandeur,

oo nga naman, ilabas nyo na naman ung ibang pics lalo n ung tumutogtog sina dingdong at alimbuyog!!!! abay parehong magaling s musiko ung dalawang yan!!!!parang santana din pagkumiliti ng gitara####

chuckeee2
November 24th, 2005, 06:25 AM
aba'y talaga palang kumpleto ang Sanduguan e, at meron pang gitarista. Naalala ko tuloy noong aming kabataan nagkaroon ng mangyan festival sa puerto't ala kaming ginawa kundi mangharana ng mga dalagitang mangyan naku!, kasaya :D

Ilang araw na laang e tryout na ! sino ga sa tropa ang meroong alagang bulik ?

chuckeee2
November 24th, 2005, 07:19 AM
...picture naman ng mga candidates para sa CF :D at yoong mga bulik :D

goryo888
November 24th, 2005, 07:51 AM
Ano na ga? piktyur naman dyan.....
Kumusta na ang ating mga Nokiz...malapit na...;)

Ka Chuck....suspense daw......baka magulat sina BM and Co. nyehehehe jok jok...:D

alimbuyog
November 24th, 2005, 09:31 AM
ay yaun laang ang problema, ala kaming pang-pektyur dine, si grandeur ang meron kaso ala pa yata dine sa mindoro . . .

ka chuck,

meron kami dito ni DD na bulik, isasama ko nga sa try-out, awan ko laang kung mag-aare . . . :D

alimbuyog
November 24th, 2005, 11:19 AM
mga mangyan . . . . yuhoooooooo . . . .

ka gors,

baka naman ine-edit pa mga pektyur para nga naman mga pogi ang lalabas dine . . . . :lol:

goryo888
November 24th, 2005, 11:26 AM
ayaw nyo maglagay piktyur ....ei di ako na laang...para kahit litrato eh magkakakilala tayo....eto ako...mga kabahag si kabahag Blackjack laang nakakakilala sa akin eh....http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/goryo.jpg

goryo888
November 24th, 2005, 11:29 AM
Ka Chuck, Jojo, ka Sonny...yung mga wala sa kitakits maglagay dine ng litrato...para naman makilala namin kayo....;)

Yung mga nokis din post nyo dito....

alimbuyog
November 24th, 2005, 11:41 AM
ka gors,

yan ang tunay, buti at pinangunahan mo . . . . ei sino naman kaya ina-tingnan mo duon? . . . . :D

kagandang lalake ah . . . .

goryo888
November 24th, 2005, 11:45 AM
Isang dilagang bukid....nyehehhe:lol: are ga.... http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/4Senglot.jpg

joey bravo
November 24th, 2005, 12:40 PM
ka gorgo, gagamba raraki ka pala, d yata eh nalahiaan ka ng mga hapon na natago sa Baco ah.

beerolang igan:lol:

alimbuyog
November 24th, 2005, 12:55 PM
nakupo, kaganda naman nyaan, ka goryo . . . .

baka lamigin yaan, pag-bihisi na . . . .:D

jojo60
November 24th, 2005, 02:40 PM
magandang gabi po mga kasandugo!!!

ka gorio: bakit meron ganyang kaganda jan sa northern california

d2 eh talaga namang masasakit sa mata ang mga tiga d2 sa

amin maski na sa L.A.. cge maghahanap muna ako ng litrato ko

at ung sa aking inahen naman ay pag papantihin ko

muna.Heheh:lol: HAPPY THANKSGIVING nga pala sa iyo 'tol.

bago sana mag-umpisa ang selections ay litratohan muna ang

mga sundalo at ang kanilang mga 'amo,para naman makita

namin dine. cya ingatz na lang ulit mga kapatid at naway

pagpalain tayo sa nalalapit na tournament ng mga sundalo at

sana ako rin sa nov.26

alimbuyog
November 24th, 2005, 03:02 PM
preng jo,

kala ko ga'y karaniwan na ang magaganda dyan, o baka naman sawa ka na laang sa mga itsura ng mga tao dyan . . . . . :D

naalala ko, may picture nga pala yung dalawang manok namin ni ka dingdong, kasama yun sa try out.

tingnan nyo na lang sa gallery ni ka dingdong . . .

alimbuyog
November 24th, 2005, 03:11 PM
tingnan nyo dito ang pektyur . . . .


http://www.sabong.net.ph/gallery/showgallery.php?cat=998&thumb=1&si=dingdong

alimbuyog
November 24th, 2005, 03:25 PM
ei ala namang tao dine . . . .:(

preng jo, gud lak nga pala sa laban nyo dyan, mauuna pala yang sa inyo dyaan . . . .:sprcool:

alimbuyog
November 24th, 2005, 04:10 PM
mga kapatid,

hapon na dine, uuwi muna ang mangyan at ng makapag-patuka muna . . . . :hippie:

DingDong
November 24th, 2005, 06:03 PM
nakupo, dalawang araw na abala
sa tarbaho ang inyong kabahag
ngangay-on nagka oras ei.

ka jojo sige ibabalik ko sa 55kb
yung picture ng medyo maitsurahan naman

ei sino gang maysabing walang
magandang lalakeng mangyan, ayan
o si ka gori ay pwedeng pang konsorte.
ayos ang porma ah.

pero ka gori pag alisi nga ng trapal
yaang dumalagang bukid mo, pero
email mo na laang ha at baka masarhan
ang ating kubol pag dine mo idinikit.

aba at kasipag mag post ngay-on ni
ka alimbuyog, mukhang alang gawa
sa opis ah. rerelyebo muna ako ng
ilang oras habang nagpapalipas
ng trapik dine.

ka chuck, baka naman pwede nang isali
sa try out yaon, saka mo na laang hipuin
pag uwi mo dine sa atin. baka iyon
ang makatutulong sa ating tagumpay ei.

sino ga ang makakapasyal muna kay
ka raul at nang masabihan na maghanda
ng timbangan, kahit na iyung guhit guhit
laang ayos na iyon, para ang bitaw ay
hindi naman magkakalayo sa timbang.
meron gang may video cam dyaan at
nang makuhanan ang bitaw at makapanood
naman ang hindi makakarating saka
baka pwedeng kasama sa selection
process ang pag review ng video. meron
kasing palo na hindi nakikita agad ng
mata subalit pwedeng makita sa slowmo
ng video di ga? mungkahi laang iyon ha
kung uubra baga . . .

al ei kay haba na naman nire . . .


:rbounce:

DingDong
November 24th, 2005, 06:15 PM
teka may nakalimutan yata ako . . .

ka blackjack, pag nasungkit na ni
ka grandeur iyong pektyur ei ididikit
ko agad dine. yung musikero ga
ay ididikit dine? saka meron pa tayong
kuha na may manok eh, nasaan kaya
iyon? ka grandeur nasaan na ka?

ei sino ga ang nasa ibang oras na
kabahag at relyebohan nyo na
ako dine, gutom na eh, uwi na ako
at baka magarote na ni esmi. kasi
kung ako ang papalo ibang
klase ang panggarote hi hi hi.

oi mga kabahag paliti muna ako dine.


:rbounce:

goryo888
November 24th, 2005, 09:36 PM
Ako'y naandine na.....ano na gang balita?

Ka Dingdong yung pamalo mo eh malamang gustong gusto ni Esmi mo yan...ang ingatan mo ay ikaw ang mapalo palo...kaya sibat na...si Kumander ayan na may dalang tangalaaaa.....

Gaganda naman pala ng mga Sundalo natin eh..ayos yaan...

Ka Alimbuyog...sige himasin ng husto yaang mga alaga natin dyaan...hwag laang si Ineng..nyehehe

Ka Jojo...dine ka pumunta...naku kahit sa trabaho ko na laang kadami ga...mga Pilipina pa...ay sya GUDLAK sa laban mo...at Hapi Tenksgibing din sayo....

Ka Joey...naku ay purong purong Mangyan ere....:D

Manokiz
November 24th, 2005, 09:46 PM
musta na?,,, kabahagueno,,, :)