PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 5 [6] 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

goryo888
November 24th, 2005, 10:24 PM
O ayan lumitaw na uli si Manokiz...matagal lumubog yan eh....ewan laang kung saan lumulubog ng matagal yaan...nyehehehe:lol:

Kumusta na ga? Kami dine ay may niluluto baka ikaw ay nakakapusong tumikim din...pang CF ere sa Jan.24......;)

Manokiz
November 24th, 2005, 10:58 PM
kabahag goryo,,,

dehinz na puede magpa-lubog,,, after 6 months,,, puede na uli etu pandawin,,, :lol:

ayos laang dine,,, sana kau din d'yaan,,, ano ba ga yaang putahe n'yo d'yaan,,, kung Jan. 2007 maulit,,, andyaan ako,,, ako dala mismo,,, sang banyerang tilapya,,, na ihawin,,, masarap etu,,, masarap,,, malambot at sari,,,,,,hwa,,, :D

goryo888
November 25th, 2005, 07:14 AM
Giseng na kayo...........gisenggggg.....;)

blackjack
November 25th, 2005, 08:06 AM
bro

para kang nagpalit ng brief dyan s mga pinahili mong pullets....hataw pa! my manok k bang ipadala dun s try-out? ispar k lang un mga hinanda k para makita galaw s ibang d kalidad n manok... sori napakumpromiso n 2 at ntry s calapan ng 3 cock after x-mas!!!

chuckeee2
November 25th, 2005, 08:17 AM
....post naman diyan piktyur ng dalwang bulik :D

isang linggo na laang at tryout na :D

alimbuyog
November 25th, 2005, 08:22 AM
magandang araw sa inyo . . . .

nokiz, musta na . . . .

goryo888
November 25th, 2005, 08:23 AM
Ka Blackjack....
Hindi ko nga ALAM kung ano hitsura noon...tumawag laang ako kay kuya kung may mahihiram na manok....tumawag ako sa tito Tony ko...sabi ay isa laang daw ang maayos ayos ang sukat...meron si kuya kaso nasa Cabuyao at isasalang daw nya sa Fastest kill...bigay daw sa kanya na imported di natanong kung anong linyada....baka nga ang madala doon eh gawin laang na sangkalan...hehehe...pero parang balita ko eh nanalo na yata na walang sugat....

Ka Chuck.....sabi ko eh post din kayo ng mga piktyur na hindi nakadating sa unang kitakits para naman alam natin kung sino yung mga kaBahag natin....
Mukhang mahilig ka sa bulik ka Chuck ah....

goryo888
November 25th, 2005, 08:27 AM
Ka Blackjack...basta dala ka rin doon para ngayon pa laang eh mapigurahan na nila ang manok Naujan na palahi mo...malay natin baka makipag BAKBAKAN tayo sa sunod na taon...;)

blackjack
November 25th, 2005, 08:34 AM
ka goryo

d lagi patatalo manok naujan.... kung mabubugbog tatakbo un... d naman sila aabot!!!! isasali n lang natin s track & field ASEAN GAMES n ngayon baka habol pa!!! he he he!!

alimbuyog
November 25th, 2005, 08:35 AM
ka chuck,

meron kami dito ni ka DD na bulik, dalawa kaso ala naman ako dito pang-pektyur . . . . :D

sensya na . . . . .

alimbuyog
November 25th, 2005, 08:38 AM
:lol: ha ha ha ha . . . . .

goryo888
November 25th, 2005, 08:49 AM
Alimbuyog natawa ka sa Manok Naujan ha?....wala silang panalo doon...kapag nanakbo yung mga yoon eh walang Sentensya dapat tabla....hehe pag di kaya kalaban Atras balik sa bahay at hingi ng alalay nyahaha...tawag ng Resbak.. :D

jojo60
November 25th, 2005, 11:37 AM
ka alimbuyog: salamat sa iyo. sana nga eh makalusot ang mga sundalo sa sinalihang torneo. ang magaganda d2 ay mga puti kaya lang pag naging gf mo na ung mga iyon ay hindi mo alam kung ilan kayong bf niya sa kasalukuyan, baka masampal ko pa ang mga matris nila,Hehehe:lol: ok ung mga itsura ng manok mo sa gallery.buhay pb ung mga iyon.

ka gorio: pupuntahan ko muna ung naghihintay sa Pinas at kung walang mangyari ay iulot mo ako jan sa mga pinay na kasama mo sa trabaho.

manokiz: salamat sa pagdalaw mo pards.

ka blackjack at sa lahat na mga kabahag, ingat lang kayo parati....

alimbuyog
November 25th, 2005, 12:57 PM
preng jo,

manok namin yun ni ka DD, buhay na buhay, kasama sila sa try out natin sa Dec. 3.

yan laang ang hirap sa mga puti dyan, di makuntento sa isa . . . . tapos kalalaki pa . . . . kalalaking tao . . .

blackjack
November 25th, 2005, 01:17 PM
yan ang kagandahan s mga yan... d sila madamot!!! s damihan m rin booking m para parehas ang dating basta d k lang lugi s byahe hataw na!!!!

alimbuyog my e-mail ako s u

chuckeee2
November 25th, 2005, 02:13 PM
aba't meroon na palang muse ang mga mangyan at mayroon pang lahi :D siyanga pala, kung sino mandin sa inyo ang available sa Jan 7, attend tayo ng major kitakits ng TSM masaya eto meron pa tayong ilalaban na sasabungin sa hackfight ere'y pasimula ng kitakits, paumagahan ere :D malamang e sa lugar ni ka Juan Sabungero gaganapin.

utol Goryo,

oo at ako'y na attract sa balahibo ng mga bulik. nagdadalwang isip ngaun ako kung mag infuse ako niyan.

Manokiz
November 25th, 2005, 03:52 PM
gudang umaga po senyo,,, kabahagueno,,,

alimbuyog,,,
ayos laang,,, sana kau din d'yan,,,

etu,,, kayod na uli ei,,, :D

alimbuyog
November 25th, 2005, 04:07 PM
nokiz, ayos din kami dito . . . . .

blackjack,

ala laman inbox ko. . . . . sama panahon dito sa socorro, maulan na naman, musta weder dyan sa naujan?

grandeur0
November 25th, 2005, 04:18 PM
alimbuyog kmusta na ang mga inihahanda mo di naman gaano daw maganda ang panahon dyan sa atin andine ako sa sa manila nag aayos pa rin ng mga papeles ko ewan ko kung papasa sa panlasa ni ka raul ang ang mga pangkiliti natin kung hindi ilaban ko na lang sa hack fight sa victoria sabay na lang tayo sa try out ng bitaw dala ko owner ko o dala mo fx ,kmusta nga pala yong sisiw mo na galing naujan yong sa akin lumaki na ng konti kasi ng umuwi ako nakita ko na lumaki na sya malakas daw kasi kumain kahit isa lang sya
ka blackjack salamat ulit sa bigay mo mukhang mapapalaki namin ng malusog ah ,txt kita pag kukuhanin ko sa tito leo ang inahin na ipinahihiram nya,

grandeur

alimbuyog
November 25th, 2005, 04:28 PM
grandeur,

ok naman mga manok, yan nga problema ko dito, maulan na naman, madalang na namang umaraw.

ok na naman mga sisiw ni blackjack, ang tatakaw, mabilis lumaki.

oki lang kung di mapili manok natin, ilaban na lang natin dito sa december . . .

yung owner mo na lang dalhin natin (ala naman kami FX) . . . . .

alimbuyog
November 25th, 2005, 04:32 PM
mga kabahag,

uwian na naman, kayo na muna bahala dine sa ating bahay . . . .

sa martes na uli balik ng mangyang ire, ala pasok sa lunes, holiday . . . . :hippie:

goryo888
November 25th, 2005, 09:06 PM
ako muna tatanod dine.....

goryo888
November 26th, 2005, 06:34 AM
Wala pa ring dumarating....ano baga yaan.....natutulog sa pansitan.... gisengggg naaaa....;)

chuckeee2
November 26th, 2005, 07:36 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b4d80d21.gif

aaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!! ayan ! gising na ako :D

7 days to go na laang at magkakaalaman na ng calibre ng mga pang CF.

post naman dine ang mga poang tryout !

chuckeee2
November 26th, 2005, 07:54 AM
utol Joey,

sa iyo ko na ere i address at alam kong malawak ang iyong kaalaman tungkol dine.... bawal nga baga mag transport ng mga manok from province to province ? ano ga ang sitwasiyon from Manila to Mindoro ? :(

DingDong
November 26th, 2005, 09:24 AM
he he he bago ako sumagot ng
post idikit ko laang ang pektyur na ere.


http://i25.photobucket.com/albums/c64/dingdong0910/Sandugo.jpg


mula kaliwa: makmak, grandeur, blackjack
dingdong (holding a black grey) at jigjig (ang
aming taga alpas ng manok sa ruweda).

basta may inpinadalang pektyur si
ka grandeur asahan nyo at ididikit ko
dine. teka baka naman hindi nyo
nagugustuhan ang pigura ng mga
mangyan, bwahahahahahaha. . . .

:rbounce:

DingDong
November 26th, 2005, 09:42 AM
aba ei tugon naman kayo sa
panawagan ni ka goryo na
magdikit ng pektyur dine, aare
ga yaong mga mukha laang namin
ang naandine, hala, halungkatin
na ang baul at baka meron
dyaan pektyur na are are na
pang international, hi hi hi

ka chuck, may mga bulik po
tayo galing sa kaibigan kong si
apatot ng palawan, medyo mga
bata pa laang at hindi pwedeng
isabak sa GD. pero pwedeng
pangbitaw ng hindi maasiwa
ang ating mga sundalo.
palulugunin ko muna mga
iyon at maisabak sa sunod na
taon sa off color derby o kahit
saan mang laban, he he he

ka jojo, yaang gang mga puti
na yan eh are din sa mga mangyan.
baka meron kang ayos dyaan ei
makikibahagi ang mga mangyan dine.
bwahahahahahaha, beerolangpo!

:rbounce:

aba gising na mga mangyan . . .

goryo888
November 26th, 2005, 09:53 AM
Aba ay tayo na ga laang ang magkakakilala kahit sa pektyur pektyur man laang? Sina ka Jojo, ka Sonny, ka Teody ng Jeddah, ka Chuck atbp... abay magdikit na rin kayo dine ah...

Ikaw nga pala ka DD ay nakaApatot kay Ferds eh ano....parang ako'y napapagusto rin sa mga Apatutin....

jojo60
November 26th, 2005, 10:41 AM
gandang tanghali po sa inyong lahat jan sa atin!!! teka at naghahanap pa ako ng mga pixs ko sa baol.sa dami ng agiw ay hindi ko wari maaninagan ang mga ito.

ka DD; 'tol ganda ng pixs ninyo riyan kaya lang, bakit mo naman pinuyat si puti mukha nang inaantok.Hehehe:lol: wak kang mag-alala kapag may natisod akong tisay dine ay ipapa door to door ko para sa iyo pards.

ka G: musta ka na jan? 2moro na ang laban ng mga sundalo ko kaya ginabi na ako sa manukan at nagpailaw pa.oks na oks clang lahat.kumbaga eh readying ready na cla. pagang paga na nga ang mga pisngi. swerte na lang ang kailangan.

ka Blackjack: musta na Nsan. i already read your pm.thanx bro.

7 days to go at ka Alimbuyog sigurado iyang mga sundalo mo at ipipilit ko sa kanila makasali sa first five.

INGAT MGA KAPATID!!!

goryo888
November 26th, 2005, 11:20 AM
Jojo gudlak sa laban ng mga Nokiz mo....sana umuwing buhay lahat yan...para nakangiti ka sa galak....;)

jojo60
November 26th, 2005, 12:22 PM
'tol gorio, thanx a lot pards.:rbounce:

chuckeee2
November 26th, 2005, 08:59 PM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/297f8f3b.jpg

mga kabahag,

ako pala'y hindi na mamimili ng mga inumin at pinamaskohan na ako ng mga barkada dine tig isang botelya pang blessing raw ng cottage...hindi pang tao ha! yoong pang manok at meroong pang vitamins...pang manok rin ware.

goryo888
November 26th, 2005, 09:14 PM
Naku ayos na ayos yaan ka Chuck sa Pabendisyon mo...dadaluhungin yaan ng husto.....
Sige at sana magtagumpay ka rin sa pagpapalahi.....
Ikaw nga pala'y nakakapuso sa mga Bulik...ako'y may makukuha kay Apatot, kahapon laang kami nagkausap. Napagusto rin ako sa bulik eh...kaya may kukunin akong isang Babae 11 months.
Bale TRIO yun kaso gusto ko laang ay isa.....kaya meron pa doong isang pares.
Baka kursunada mo. 5K ang usapan namain doon sa ipapadala sa kuya ko anytime.

chuckeee2
November 26th, 2005, 09:45 PM
... at mga kabahag,

napakagandang balita ere, nakapanayam ko ang aking kapatid na nagbabantay sa aking mga manok kahapon laang at sa pakiware raw niya e nasa whitehackle raw ang nagpapanalo ang lahi namin dahilang meron dalwang magkapatid na parehong tig 2 panalo na. At last after more than 5 years of crossing crossing with 4 bloodlines nakuha niya yata ang highest percentage ng blood sa whitehackle at ang kagandahan e ere'y merong mga kapatid na babae at ere na raw ang pagtuunan ko ng atensiyon at paramihin.

ere ang pic ng lolo whitehackle...
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/3611e0ef.jpg
...ang under hack niyan ay puti...ayan nagmamano na sa Sanduguan.

utol Goryo,

sana nga e, kursunada ko nga ang bulik e, pero baka ako'y mawaglit ng atensiyon. gusto ko wareng magpalit ng kulay at gawing bulik. hamo't darating rin tayo diyan.

lyrea
November 27th, 2005, 01:14 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/RiseWknd.gif



http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/bar_1.gif
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

goryo888
November 27th, 2005, 07:36 AM
Magandang balita yan Ka Chuck....okidoki...gudlak sa pagpapalahi...para ang Sanduguan ay lalong tumibay sa labanan......at pati na rin ang Samahan... ;)

goryo888
November 27th, 2005, 09:23 PM
Itataas ko laang are ha.....matagal na walang ibang MANGYANG naliligaw eh....;)

chuckeee2
November 28th, 2005, 12:21 AM
utol Goryo,

sana nga e magtuloy tuloy na ere at mababantayan ko na sila ng mahusay. Ang target ko e sa 2008 mga last quarter...marami na akong panlaban :D

mga kabahag,

concentrate tayo sa breeding at baka sa mga darating na panahon e mawalan tayo ng pang tryout :D

ValianT
November 28th, 2005, 12:53 AM
present!


musta na po kayo jan mga kabahag?
gudluck po mga sasalihan nyong derby!::rbounce:

jojo60
November 28th, 2005, 04:06 AM
gandang umaga sa intong lahat mga KABAHAG!!

maganda naman ang resulta sa nasalihan ng aking mga sundalo.
W L W W. nakaparte naman ako sa any three. at sa hackfight eh nanalo ang dalawa at ung pangatlo ay hindi na namin inalaban kc pagabi na at medyo madilim na.kaya masaya na kami sa naging resulta:lol:

malapit lapit na ang ensayo ng ating mga sundalo kaya pag-igihan ninyo na jan upang makamit kaagad ang tagumpay.malakas ang loob kung maganda ang papakita ng ating entry sa unang derby na sasalihan ng SANDUGO. d2 sa amin naman ay malamig na talaga at naaamoy na ang ihip ng kapaskuhan. db ga KA GORIO?

o cya makapunta muna ulit sa manukan para makita ang kalagayan ng mga sundalo kc medyo malubha ang tama noong 4th fight namin.

HAVE A WONDERFUL DAY TO EVERYONE!!!!:)

jojo60
November 28th, 2005, 04:09 AM
VALIANT T : MARAMING SALAMAT NGA PALA SA PAGDALAW MO SA AMING KUBOL. INGAT LANG PARDS.:hat:

blackjack
November 28th, 2005, 05:09 AM
musta n kayo??? halos 2 days wla signal d2 at off-line ang system kya d ako nkapasok!

Nsang jojo,
aba npakagandang balita nun... rotal of 5-W & 1-L, oks n oks ang resulta ng pagod mo!

chuckeee2
November 28th, 2005, 05:31 AM
utol jojo,

ok yaan ! kung makakapagdala ka kahit man laang mga itlog ng lahi ng mga winners mo diyan e iuwi mo na at maparami na sa kampo ng Sandugo :D para sa ganoon e handang handa na tayo sa mga darating na taon.

utol blackjack,

musta na mga breeding natin diyan sa homebase ! paramihin ninyo mga bulik ni utol dingdong !

lyrea
November 28th, 2005, 06:10 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/Graphics%20And%20Animations/Capuccino.gif

http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/Graphics%20And%20Animations/Capuccino2.gif




@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

jojo60
November 28th, 2005, 06:19 AM
ka gorio: how did u post the picture in this site? does it need to be hosted or can i attach it to my reply? thanx jojo

goryo888
November 28th, 2005, 06:27 AM
Gamit ka ng Photobucket okaya ay Picturetrail...doon mo i upload mga pix mo...tapos bago mo idikit dito.....

Yung IMG sa taas kapag mag reply ka makikita mo....click mo lang yun ......pwede ka ng mag attach ng pix.

Kumusta laban ng mga Nokiz mo?

Kadarating ko lang galing trabaho....

jojo60
November 28th, 2005, 06:30 AM
ka chuckee: i just was informed yesterday the price of shipping went down from $115.00 to $ 80.00 na lang. so im thinking i might be able to send 2 hens at 3 six mos.old na stag to KA Blackjack ASAP.

Nsan: medyo swerte lang kaya lang iba pa rin kung ikaw ang nag-champion. 2 entry ang nanalo. ang lalakas ng mga manok ngaun so hopefully we can start our plans to send all my stocks to you.

ka gorio: if you dont mind can i get your landline or cp # para maturuan mo ako magpost dine sa ating THread.

goryo888
November 28th, 2005, 06:30 AM
Tol JOJO..... Naku may resulta na pala sa taas di ko nabasa....

galing pre ng mga Sundalo mo ha....gandang balita yan....;)

jojo60
November 28th, 2005, 06:41 AM
http://i29.photobucket.com/albums/c299/jojo60/Save0001.jpg
taken last xmas after a long vacation from PI.unfortunately i gained 20lbs. hanggang ngaun hirap ibaba.

goryo888
November 28th, 2005, 06:51 AM
Tol...okay lang yan....pag uwi mo sa atin pag napalaban ka ng husto sa Pullet mo doon iimpis din yaang tyan na yan....;)

Nasaan kaya ang pix ng mga iba nating Kabahag..wala pa ei....

goryo888
November 28th, 2005, 06:59 AM
Ako Tol Jojo ay mag Tsa tsaa muna...para relax relaks muna ang Mangyan... ;)

jojo60
November 28th, 2005, 07:01 AM
ka gorio: medyo nawalan na ako ng 7lbs.im starting 2 work out again.by next week im going to start my 3 day diet kaya lang sabi ng doktor ko ay hinay hinay lang kc medyo rigid ung diet na gagawin ko. sabi ko nga sa mga kasamahan ko dine ay baka sasali kami sa 2007 WSC at kapag napagkasunduan ay dadalhin ko ang SANDUGO ENTRY. im planning to have a mass production this year kc ang dami ng gusto pumakyaw ng aking mga bloodlines d2.now medyo tuliro ako kung ano ang aking gagawin pero syempre mas uunahin ko ung mga ipa2dala ko jan sa PI para nasa atin parin ang mga ACES natin.

goryo888
November 28th, 2005, 07:06 AM
Gandang balita yan ka JOJO....sige at ng Mamayagpag ng husto ang Sandugo......gudlak sa breeding mo...

Work out at dyeta laang ang katapat nyang taba sa tyang yaan...naka 7 lbs ka na...kaya tuloy tuloy na yan....

jojo60
November 28th, 2005, 11:21 AM
nasaan kaya ang mga ito.. taas ko lang muna 'ere...

grandeur0
November 28th, 2005, 11:53 AM
ka jojo60 binabati kita may magagaling ka palang manok dyan,kelan mo pala ipapadala kay ka blackjack baka andine pa ako sa pinas pasyalan ko na lang manok mo doon at ng makakita naman ako ng imported na at magaling pa,baka pumasyal ako kina ka black ngayong dec kasi may kukuhanin ako na inahin ipinahihiram lang sa akin malapit kay ka blackjack kilala nya yong nagpapahiram sa akin,,,

hayaan nyo wag laang magka aberya ang aking camera ay makukunan ko ang mga na try out namin khit di mapili pilitin ko rin na makunan ng video request ni ka dingdong,,,

blackjack
November 28th, 2005, 01:11 PM
ka goryo

kabahag nakita k kanina ung pinsan mong c rene my uuwi daw d2 s pasko ung bitenan nya c ka narding...kung pwede daw ay dun k na magpadala ng request nya; 11 1/2 daw un...

Nsang jojo,
magandang balita ung pagbaba ng freight ng manok...yakang-yaka m n yan...itabi m na kahit konti dyan s panalo para bago magpasko nand2 n ung mga manok. habol p yan s breeding season....nag-palinis n k kanina ng cord area dun s isang lote...my bakod n naman un at malapit lang d2 s bahay, mga 100 meters lang ang layo, napaglagyan k un ng 60 heads 2 yrs ago....dun k n ilalagay ang mga stags d2 lang s bahay ang breeding at ung mga materyales.

Ka chuckee,
basta't my panahon k pasyal k lang d2 s naujan....mas maganda kung ma-augment nyo ng fresh blood ung apatot bulik ni dingdong...kung makakuha k sana ng mga chappel doms ayos un at maganda para s long knife.....

goryo888
November 28th, 2005, 09:16 PM
Gandang gabi sa inyo dyaan....

Ka Blackjack....kung sa San Diego yung mga byenan nya pag kalayo naman noon mga 9 to 11 hrs drive yun....approx. 471 miles. Basta titingnan ko rin.....
Tama ka Chappel doms ang kailangan para mas ma upgrade pa ung Apatot...para talagang bulik na bulik.....

blackjack
November 28th, 2005, 10:36 PM
pareng goryo
nandyan din yata s L.A. c ka narding jayag...check k ky rene bukas at kunin k number nya.

ka chuckee
bro, bisitahin mo website n kris chappel dun my magandang bulik... here's his site: http://www.wildlifecreations.net/dot.htm

jojo60
November 28th, 2005, 11:05 PM
ka grandeur: 'tol salamat sa pagbati mo sa pagkapanalo ng aking mga sundalo.

ka gorio: musta kn jan? anak ng pating pasok na naman. kay hirap tlaga d2 panay ganito na laang eh.

ka blackjack: Nsan ayos na ayos yan at napalinis mo na pala ang iyong pwesto. talagang nakakahili jan sa atin. mukhang gusto ko na lang mag-alaga ng mga nokiz at makapagretire na ng maaga.

cya pasok muna ako at mamaya na lang ulit ang huntahan.

TAKE CARE GUYS!!!! :rbounce: :rbounce:

goryo888
November 29th, 2005, 02:41 AM
Ka JOJO ok lang ako dne.....syempre trabaho muna uli...pero bukas sy off ako....Fri. para sa akin ngayon...;)

Ka Blackjack...kahit LA layo dito sa amin... basta kung hindi man umabot sa Laro yoon eh padadalhan ko pa rin sya...pag magkakahon ako papunta dyaan sa atin....
Kailan ga ang umpisa ng intertown dyan sa atin? ilang bayan ang kasali? Sino sino ang mga Player natin dyaan?...May tsansa kayang Magtsampyon kaya uli?

chuckeee2
November 29th, 2005, 07:22 AM
mga kabahag,

post naman ninyo dine mga nakuha ninyong mga bulik apatot line para naman makaliskisan :D ilalaban ba muna ang mga yaan o palalahian na ?

ilang araw na laang at tryout na! ano na ga ang lagay ng mga mangyan warriors !

chuckeee2
November 29th, 2005, 07:32 AM
utol blackjack,

naalala ko yaang inter town basketball...itinuloy pala yaan. ako'y miembro ng Puerto Galera team noong 1st Inter Town ng Oriental Mindoro nang pasimulan yaan sa Calapan. Nang makalaban namin ang Calapan e nag walk out kami dahilang kampi ang ref sa Calapan. Sus, toda ang tirahan e alang pang silbato. mula noon e natigil yaang inter town. Naaalala ko noon na ang Naujan team e nag import ng isang player sa Maynila ang pangalan e ... Marasigan, player sa isang school sa Maynila. Ang hindi nila alam e meroon rin kami, player ng San Beda College na si Bernardo Bernardo... :D

goryo888
November 29th, 2005, 07:41 AM
Ka Chuckee....hinde import yun kung ang ginaganon mo ay yung Varsity ng PCU...lehitimong taga Naujan yun taga San Agustin yun karatig Barangay namin...Kuya ko pa ang nagpasok doon sa PCU dahil propesor doon ang Kuya ko....late na kasi yung Bata sa enrollment...Manigbas siguro ang ginaganon mo na apelyido.....may mga kapatid yung magagaling din dati kaso matatanda na...yung isang kapatid nya na medyo matanda na eh ang pangalan ay Donnel.....

chuckeee2
November 29th, 2005, 08:04 AM
utol Goryo,

noon yon mga 1971 pa... Jun Marasigan ang pangalan ware hindi ako sigurado pero sigurado akong Marasigan ang apelyido. maitim siya na. Natigil nga noon ng makalaban namin ang Calapan, kami laang ng Calapan ang ala pang talo at ayaw magpatalo ng host city. Anyway, sabong na uso ngayon :D padamihin mo yaang bulik mo. para sa mga darating na taon e marami na tayong pang tryout. Target ko by late 2008 marami na akong panlaban.

goryo888
November 29th, 2005, 08:13 AM
Nakupoooooo....1971 pala yung sinasabi mo tol Chuck naku ay hinde pa ako Tao noon...:D akala ko yung kailan laang dahil Naujan ang Tsampyon noon....

Sana nga ay makapagpalabas ang Tito ko doon ng maayos...Hatch ang ipapangasawa ko...na multi winner na rin yata....
Aba mukhang mag ma mass produce ka ngayong uwi mo Tol Chuck ah...
;)

jojo60
November 29th, 2005, 08:26 AM
maganadang gabi sa inyong dalawa ka gorio at chuck!! wala pa yata ang mga ibang mangyan...

ka chuck: meron ka bang nakalaro na GOZAR ang apelyido na tiga Calapan at Basa naman na tiga Naujan?

ka gorio: la kp nga sa mundo noong 1971. hindi kapa nga pinaplano maging tao...:lol:

alimbuyog
November 29th, 2005, 08:28 AM
gandang araw sa inyong lahat . . . .

ka jo, kongresmanin ang dating natin dyan ah . . . :D

congrats sa 'yo, galing naman ng mga manok mo!

mam lyrea, salamat po sa lagi nyong pagdalaw dito sa amin . . . :hippie:

jojo60
November 29th, 2005, 08:31 AM
gandang umaga jan sa iyo ka alimbuyog!!! nakatsamba lang kung baga ay kinapinatan ng konting swerte. salamat sa pagbati 'tol.

goryo888
November 29th, 2005, 08:33 AM
Magandang gabi din sayo Ka Jojo....Ka Alimbuyog gandang umaga sayo.....

Ewan ko laang kung ang mga Guttierez at Rodriguez noon ay naglalaro na...sa Guttirez sina kuya Joel, Nonot , pero baka hinde pa rin kasi 1971...

goryo888
November 29th, 2005, 08:37 AM
Si ka Chuck...wala pang idinidikit dine na larawan eh...para gang nagkakalimutan sa usapan....sino pa ga ang hinde natin nakikita man laang sa larawan??

alimbuyog
November 29th, 2005, 08:43 AM
tungkol dyan sa inyong kwentuhang yaan.

tanda ko nung kami ay nasa elementarya pa laang eh lagi ngang may intertown, ang alam kong bayan na maraming magaling na player ay calapan at naujan, pag dumadayo kami dyan ei laging talo, di lang talo, tambak pa . . . . :(

chuckeee2
November 29th, 2005, 08:53 AM
utol jojo,

hindi ko na ware maalala kung sino sino na mga player ng inter town noon :D oo Naujan at Calapan ang malalakas na team kahit na noon pero pinausukan namin ang mga yaan kaya nga nagkagulo ang laban namin sa Calapan ayaw nilang magpatalo at mula noon e nawala ang inter town, natigil walang champion hehehe! puti na laang e tinuloy uli yaan, masaya yaan at kadaming chicks :D yaang mga player noong unang inter town, malamang mga lolo na rin sila hehehe! tulad ko ! dahil ako ang pinakabata noon.

blackjack
November 29th, 2005, 08:54 AM
mga kabahag

ang alam k dyan ay laging champin ang taga-NAUJAN ilang taon na at lalo na nung mga nakaraang taon.... sina ulie at boy basa pa nun....
sabagay wala naman ako hilig dyan at sabong ang s akin!!!

chuckeee2
November 29th, 2005, 08:57 AM
... ala bang sabong na inter town ! :D tayo ang magpasimula niyan, then each town champion mag lalaban sa grand sa Calapan :D

joey bravo
November 29th, 2005, 09:11 AM
http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/11272005.jpg

kabahag Dingdong, 3rd, rebel, butoy, jamesH, steph and 2 guys from zambales.

joey bravo
November 29th, 2005, 09:14 AM
http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/11272005001.jpg

jamesH, 3rd, rebel, butoy, joey bravo (spongebob shirt), steph and 2 guys from zambales

joey bravo
November 29th, 2005, 09:16 AM
http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/11272005002.jpg

chuckeee2
November 29th, 2005, 09:22 AM
utol Joey,

mukhang ok ereng tropang ere ha! dikiti naman ng mga pangalan! nasaan kaga dine?

yoon nga palang aking tinatanong pagbiyahe ng manok e bawal na nga ba from one province to another? nabalitaan ko laang sa aming kapatid gawa ware ng bird flu.

alimbuyog
November 29th, 2005, 09:25 AM
ka chuck,

si ka joey ay yung nasa ikalawang pektyur, nakadilaw na t-shirt . . . .

kasarap naman ng inyong yaan . . . . :rbounce:

joey bravo
November 29th, 2005, 09:36 AM
kabahag chuck,

hindi bawal, kaya lang dapat dumaan sa quarantine.

ni hindi nga binubuksan ang karton sa quarantine kaya lang may bayad na P 20.:lol:

pag naka kotse ka pwede nag dirediretso d na yun mahahalata pag konte.

chuckeee2
November 29th, 2005, 09:39 AM
i see! saan ba ang quarantine? sa mismo bagang pier sa Batangas?

joey bravo
November 29th, 2005, 09:42 AM
oo pre, madali lang makita yun.:)

chuckeee2
November 29th, 2005, 09:49 AM
utol Joey,

thanks for the ID. kalulusog naman pala ng mga CF !

ere naman ako at ang aking princess na mula't mula pa e hindi na ako pinagbawalan sa manok at ang aking 5 mga apo at naligaw na sa akin at gustong magpa Mindoro uli.
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/9a8f58bf.jpg

siya, kita kita tayo sa CF Derby :D

goryo888
November 29th, 2005, 10:00 AM
Kasayang pamilya ga nyaan...kakahile eh sana ako'y magkaroon din ng ganyan Ka Chuck....Marami na rin akong apo...kaso sa mga inaanak ko laang sa Kasal at Binyag.... ;)

alimbuyog
November 29th, 2005, 10:16 AM
iilan na laang ware ang ala dineng picture . . . .

ka chuck, ang cute naman ng mga apo mo . . . :)

chuckeee2
November 29th, 2005, 10:25 AM
mga kabahag,

salamat! at kapag kayo e nagkaroon ng ganiyang kalalaking mga apo na e full time na kayo sa pag mamanok :D

ala gang nag se set ng kitakits sa Oriental? uuwi si utol jojo e dapat meroong kitakita man laang.

at magandang balita uli, yoong nakasama kong nag breed dine sa Canada e nag umpisa uli magmanok at ubra naman raw akong makapag uwi ng itlog kung meroong makursunadahan.

alimbuyog
November 29th, 2005, 10:45 AM
ka chuck,

kayo ang magsabi kung ano date kayo ni ka jo pwede . . . .

andito laang kami ni blackjack, laging available . . . . :D

maganda ngang balita yan na may makukuhanan ka dyan, makakapili pa pala depende sa kursunada, ayos yaan ka chuck!

goryo888
November 29th, 2005, 11:02 AM
Mukhang dadating ang panahon na ang Sandugo ay mamamayagpag ng husto ei.....sya at sana nga ay mag kaige ng husto....naku ay kahit itlog ay mag uwi na rin at ng mapisa na baka aabot pa sa Bakbakan...at ng masubok din.....

chuckeee2
November 29th, 2005, 11:11 AM
utol alimbuyog,

ako'y alang problema't 6 na buwan ako riyan. Si utol JOJO ang ating tanungin at limited laang yata ang kanyang bakasyon dapat e kahit isang araw man laang e mailaan sa kitakits :D antayin natin siya't mayamaya e narine na yaan.

oo nga, yoong aming mga whitehackle e yaan ang aking inalagaan dine at yoong mga roundheads. naiuwi ko na ang mga yaan kaya huminto na ako dine at napakahirap kung winter. Ang pinaka inumin ng mga manok e snow na aming pinapala't itatambak sa isang sulok ng flypen. Hindi puwede ang tubig at magiging yelo gawa ng lamig biruin mo'y halos minsan e -30 ang lamig. kaya dine e minsan laang ang breeding sa spring at kailangan e mga 6-7 months na mga sisiw bago mag winter kundi hindi nila kaya ang lamig gawa ng kailangan e kumpleto na balahibo pagsapit ng winter.

chuckeee2
November 29th, 2005, 11:15 AM
utol Goryo,

sana nga! sayang naman at napakagandang pangalan...SANDUGO ... paghahandaan natin yaan mga kabahag at tayo'y sama sama. Kung mag champion e, champion lahat.

alimbuyog
November 29th, 2005, 11:31 AM
ka chuck,

naalala ko, gusto rin nga pala ni 'tol jo na magkita-kita uli ang mga mangyan, ayon pa nga kay 'tol blackjack, si ka jo daw taya, babawi daw sya . . . . :D

napakaganda nga ng pangalan natin, lalo na kung bumabandera na yan . . . . .:rbounce:

alimbuyog
November 29th, 2005, 01:17 PM
grandeur,

musta na ang ating pang-"er-be" dyan . . . .

kelan uwi mo dito . . . daan na lang kami dyan sa inyo, sama si utol ko . . . .

joey bravo
November 29th, 2005, 01:28 PM
Sana ay may mapili at nag matupad na ang ating pangarap na mapalaban ang Sanduguan sa Araneta.:lol:

papupuntahin ko ang handler ko dito sa Manila para magdala pa ng 2 na manok para mas malalim ang line-up.

7 bale ang manok ko dyan na pinapahanda para sa CF GD.

gudluck sa inyo.:rbounce:

happy family ka chuck!!!! may pinagmanahan kaya pogi din ang iyong mga apo.

alimbuyog
November 29th, 2005, 01:55 PM
ei sino pa baga ang may isasama sa try out?

si ka grandeur (2 yata), yung sa amin ni ka dingdong (4). . . .

ayos yan ka joey, baka manibago mga manok mo sa amin, baka di sanay sa kilitian . . . . . :D

jojo60
November 29th, 2005, 02:00 PM
gandang tanghali sa inyo jan sa PI.gud pm naman sa inyo ka chuck at gorio.

ka joey: nice pictures 'tol.yan ang favorite show ng nephew ko ang " SPONGE BOB".

ka chuck: its nice to see ur apo's and ur maybahay. im planning my vacation probabaly at the end of MAR. next year. ill be there at least 40 days.dont worry ill make sure ill see you guys ASAP.

ka gorio: ikaw kelan ang balak mo umuwi next year..

ka alimbuyog: sigurado ang punta ko jan kc i want 2 see ung lugar na lalagyan namin ni ka blackjack at kung ano pa ang kailangan ayusin para isahan na lang ang gastos.

ka blackjack: Nsan i just came from the manukan at sad to say namatay ung may malubhang tama but b4 ko cya inilaban ay binigyan naman niya ako ng at 15 chix sa dalawang babae,he's a 3x winner at talagang magaling lang ung nakalaban.

alimbuyog
November 29th, 2005, 02:19 PM
ka jo,

march pa pala uwi mo, alam kasi namin dito eh january, sige oki lang yan kay ka chuck, six months naman daw bakasyon nya dito.

sayang nga at di namin nasilip ni DD at grandeur yung lugar nyo ni blackjack, napasarap kasi kwentuhan/inom namin saka umuulan nun. . . . .

sayang naman yung winner mo, buti na lang nakuhanan mo. . .

ingat tayo lagi mga mangyan!

jojo60
November 29th, 2005, 02:29 PM
ka alimbuyog: kung ako lang nga ang masusunod eh gusto ko jan na ako magpasko kaya lang c ermats eh pinapalakas ko pa kc 2x cya na-ospital.. pero dont wori 'tol punta ako jan agad at kung cno naman ang gusto pumunta s maynila ay sagot ko ang lahat. kaya 'tol kung may makokondisyon ka kapag nanjan na ako ay ilaban na rin natin.

alimbuyog
November 29th, 2005, 02:40 PM
kabahag jo,

ei wag mo kaming intindihin dine, nagkasakit pala ermats mo dyan, syempre pamilya muna . . . . .

marami pa tayong panahon na pwedeng pagsamahan . . . . :hippie:

yaan mo ipaghahanda ka namin ni DD ng mailalaban pag-uwi mo . . . .

jojo60
November 29th, 2005, 03:04 PM
ka alimbuyog: gusto ko kc kapag umuuwi ako jan ay every week ay may panlaban tayo..masarap sa maynila kc talagang mapapalaban ang parada mo.. madalas ako sa la loma kc teritorio ko iyon. alam ni Nsan blackjack yan.

alimbuyog
November 29th, 2005, 03:18 PM
ka jo,

ei medyo malakas ka waring mamusta, ako'y kapareho laang ni insan mong blackjack, mahilig laang mag-alaga ng manok, pumusta ma'y paminsan-minsan laang . . . .

pero tingin ko nama'y marami na ring malakas pumarada dine sa atin . . .

kung dito sa mindoro maglalaban, maipaghahanda ka namin pero kung sa maynila, di naman siguro mawawalan si ka joey ng mailalaban dun, magpasabi ka laang at ika'y di naman siguro pahihindian nun . . . . :D

jojo60
November 29th, 2005, 03:31 PM
alam mo ga 'tol alimbuyog maski na anong manok o kahit kanino man galing eh naipapanalo ko kaya natagal ang bakasyon ko jan sa atin. lalong lalo na sa 1st fight, bihira akong talunin. kaya nga ako nagtagal jan last year almost 4 mos. ako jan kc nanalo ako sa sabong at sa karera...ilang beses na rin ako nakauwi at parati ang sabong ang nagbibigay sa akin ng pera para magtagal ang bakasyon ko. :lol: tayong dalawa na lang yata dine sa ating kubol, mga nagsitulugan na c ka gorio at chuckee at baka cla insan naman ay nagpapahinga o ware kayay nasa trabaho pa.

alimbuyog
November 29th, 2005, 03:37 PM
ka jo, ei kaswerte mo naman pala at ganyan lagi ang nangyayari . . . .

baka naman antingan ka kaya lamang sa panalo . . . :D

kanina ko pa nga napapansin, tayo laang dalawa dine, ako naman ay andito pa rin opis, tuloy trabaho, pa-singit-singit ang internet . . .

pang-gabi yata yung iba nating kabahag dito.

jojo60
November 29th, 2005, 03:42 PM
cya at maka2log na ako kapatid. alas dose na pala, maaga pa ang pasok ko. .......ina pasok na naman,nakakabuwisit na talaga ang ganitong buhay.eh noong nanjan ako ay hindi man ako nakaranas mag trabaho kaya sarap buhay lang ako jan. ingat pards at talk to you l8r.

alimbuyog
November 29th, 2005, 04:22 PM
sige pre, pahinga ka muna, at ako nama'y pauwi na rin maya-mya.

sila naman ang bahala dine mamaya . . .

alimbuyog
November 29th, 2005, 04:31 PM
ka jo,

yan nga laang ang masarap dine sa ating bayan, pwedeng magpa-relaks-relaks, pero sa ngayon hirap ng buhay dine, kelangan mo rin talagang kumayod . . . . :(

mga kabahag,

kayo naman dine, si 'tol jo eh natulog na, ako naman eh pauwi na rin at magpapatuka naman . . . . . :sprcool:

DingDong
November 29th, 2005, 07:09 PM
langya mga kabahag ilang araw lang
ako wala ilang pahina na agad ang
nadagdag dine, aba ei halos mamugto
mata ko kababasa dine eh. pasensya
na ha, medyo abala pa ang inyong
kabahag dine sa opis, (kunyari lang yun)


utol jojo at chuck, he he he kagagandang
lalake naman pala eh. kakahiya tuloy
ang native na mangyan . . . aba'y dalhi
na dine sa atin ang alin mang madadala
na manok dyaan. makailang taon ei
napakalalim na ng mga stocks ng
sanduguan.


preng blackjack, grandeur at alimbuyog:
ang mga sundalo pang try out ga ay
ayos na, dalhi na yung mga pangkiliti
natin dyaan. ka blackjack baka kung
hindi are yung mga lasak mo ei huguti
muna ang isang imported na broodcock
mo at ng maganda ang laban natin
sa araneta. pagkaganireng hawak ko na
ang imbitasyon sa araneta ei wari
ko'y patikar na tayo papunta doon eh.
ano ga, baka yung isang hinawakan ko
pangalawa yata sa kaliwang fly pen
ay aareng isabak ei. pero kahit alin
dun sa broodcock mo ei aare siguro.
basta dapat meron kang isasali sa
try out. mas maraming pagpipilian
ei mas magaling di ga mga kabahag?


preng joey, salamat sa masarap na
pananghalian, inumin at pulutan. ang
pinakamasarap ay ang wentuhang
manok syempre . . .


ano ga mga kabahag, sulong na tayo
paaraneta . . . ilang tulog na laang
at mabubuo na ang team ng SANDUGO
papuntang araneta.


sa mga uuwi galing sa ibayong dagat
ay pakisabi kung kailan at nang yung
ibang nagtratrabaho sa ibang pulo na
katulad ko ei makauwi din sa atin.
kasarap ga noong samasama, hi hi hi.


uulitin ko po, hawak ko na ang
imbitasyon ng Cyberfriends 4-Cock
Global Derby sa Araneta, Jan. 24, 2006
para sa SANDUGO. iniabot na sa akin
ng no less than the pres ng CF na si
kaibigang Rebel. hindi pa laang tayo
makapag pleds ng entry at hindi pa
tapos ang try out natin.


GO GO GO SANDUGO ! ! !

:rbounce:

goryo888
November 29th, 2005, 07:56 PM
Aba ay dapat talagang ayusin ang ating mga sundalong Pangiliti....ay may imbitasyon na pala eh......basta tayo'y sasali dyaan...kahit anong mangyari...kahit ako'y walang manok nyahahaha :lol: ang lakas magsalita NG WALANG MANOK.....aba ay talagang kung kahiyaan na eh....baka nga makagawa ng milagro......pero bahala na sina Ka Alimbuyog dyaan.....may sigurado naman ng isa di baga? yung kay ka Joey....

Ka Alimbuyog, Ka Jojo...aba at nagkasrapan pala kayo ng huntahan ei...ako'y nakatulog na agad at medyo kinapitan ng maagang antok.....

Ka DD....okis laang yaan kunwari ay bisi ka sa trabaho...parang ako rin noong araw dyaan ala una pa laang ay nasa bahay na at manok na ang inaatupag...pero bago umalis ay limpyado ang trabaho..... ;)

ValianT
November 30th, 2005, 03:18 AM
magandang araw po mga kabahag!:rbounce:

goryo888
November 30th, 2005, 04:38 AM
Kabahag ValianT...salamt sa pagbisita mo dine sa ating kubol...sana'y mapadalas yaan....
Ka Jojo...kaw pala'y sa La Loma nag sasabong eh...ako noong College eh kalimit din dyaan....kahit kinabukasan ay Final exam ay nandyaan ako at nagsasabong...pero may dalang reviewer na pinotokapi laang...ati nakaraos din at nakatapos din sa pag aaral ;)
Kadami kong karanasan dyaan sa sabungang yaan...naku ay ang daming mananabit dyaan..tsaka mga iktad....yoon naman ay noong bago bago pa laang ako dyaan...

chuckeee2
November 30th, 2005, 06:42 AM
ayan mga kabahag,

meroon na pala tayong imbitasyon sa CF. ibig sabihi'y na welcome na tayo at they trust us. gaya ng sabi ni utol Goryo e dapat salihan natin yaan anuman ang mangyari at pangalan ng Oriental Mindoro ang bitbit natin pa Araneta. Kung anuman ang kahinatnan ng tryout, nariyan si utol Joey na siyang gagawa ng paraan pa CF. Kaya, 'handa na ba tayo!'

utol JOJO,

ayos yaan sa march ang uwi. Kahit kailan basta't magkapulong pulong ang Sandugo.

utol DingDong,

pinararami mo ga ang mga apatot line?

chuckeee2
November 30th, 2005, 06:49 AM
utol Alimbuyog at Blackjack,

musta na homebase? balita ko'y naglinis kayo ng lugar sa manukan! ok yaan para sa ganoon e meroon manukan bawat kanto. Start na breeding for tomorrow at tayo'y magiging busy one of these days to come.:D

joey bravo
November 30th, 2005, 07:41 AM
mga tol!!!

all set na. nag abala pa si pareng raul na maghanda ng pang merienda. hehehe

balitaan nyo naman kami kung ano ang kinahinatnan ng selection.:rbounce:

chuckeee2
November 30th, 2005, 07:58 AM
naku mga utol !

ako'y galak na galak na sa ngaun! Ang aking pag uwi'y magiging napaka busy, pero ang importante'y .... I've found new friends to be with .... for the remaining days of my life. Sana umabot pa ng 30 years more :D

alimbuyog
November 30th, 2005, 08:08 AM
gandang araw sa ating lahat!

ayos, andyan na pala imbitasyon . . . .

kaganda ga ng umagang ire!

ka DD, ayos na ang ating pangiliti lines natin, buti na lang medyo umiinit na ngayon . . . .

ka chuck, ok naman dito sa atin, si blackjack lang yata nagpalinis nung kanilang paglalagyan ni 'tol jo, 30 years? mas tatagal pa dyan ang samahan ng mga mangyan . . . .

ka gors, napuyat nga yata si ka jo, medyo napasarap kwentuhan namin . . . .

ka joey, yan ang magandang balita, baka ako'y may kasama sa sabado, gusto raw makakita ng magagandang manok . . . . .

alimbuyog
November 30th, 2005, 09:11 AM
ka chuck,

lampas ka pa ng 30 taon, tibay mga mangyan . . . .

goryo888
November 30th, 2005, 09:30 AM
Naku, Ka Chuck...kung 30 taon laang ay kayang kaya mo pa.....basta kung ano man ang ipagkaloob sa atin ng nasa sa ITAAS ay ating buong pusong tanggappin...siya ang nakakaalam ng lahat......basta't tyo'y laging magpasalamat sa Kanya at magiging AYOS ang lahat....;)

Sya at malapit na malapit na........ako'y nagagalak baga ng husto...sana nga ay ang unang sabak ng SANDUGO ay PALARIN...;)

jojo60
November 30th, 2005, 10:17 AM
gud am sa inyo jan sa pinas. gud pm naman sa inyo ka gorio at chuckee..

ka alimbuyog: talaga naman pipikitpikit ang mata ko sa trabaho eh.. hindi ko na namalayan na alas dose na pala tayo natapos maghuntahan.

ka chuckee: im coming home next year and i cant wait to see all of you guys..30 years yakang yaka iyan basta maalaga ka lang sa katawan eh aabot ka sa edad na iyon.

ka gorio: talaga naman hinating gabi kami ni "tol alimbuyog. nahilig ako sa sabong noong mga 1985 pagkatapos kung ibenta ang mga pangarera kong kabayo.hindi ako nag breed basta isang umaga ay may nakita akong nakatali sa mga kapitbahay ko at pinakealaman ko na.sa awa ng diyos ay naipanalo ko naman lahat maliban sa isang tagalugin na pinakapaborito ko pa naman.saan ga ikaw nag-aral noong nasa kolehiyo ka at napadpad ka sa LA LOMA.doon ako namamalagi maski na maybahay kami sa Fairview kc lahat ng mga kabarkada ko ay doon nakatira.

ka DD: kamusta ka na? tama ka napagkasunduan namin ni Nsan blackjack na ang NAUJAN ang magiging homebase ng mga sundalo ko d2.

alimbuyog
November 30th, 2005, 10:47 AM
ka jo, gandang araw din sa yo . . .

ako'y medyo napuyat din kagabi, nag-jamming/inom ang aming banda-bandahan, sinusubukang gumawa ng sariling kanta at baka sa banda roon ei may marating . . . .:)

jojo60
November 30th, 2005, 10:53 AM
aba eh hindi masamang pagkakakitaan iyan ka alimbuyog. ano na ga ang lagay ng ating mga sundalo.masyado yatang pinapa gwapo eh mga kabahag hindi beauty contest ang sasalihan natin.Hehehe:lol: bago sana ibitaw ang mga are ay kunan muna ninyo sana ng mga litrato para naman kami d2 ay maaninagan ang kanilang pagkalalaki.

alimbuyog
November 30th, 2005, 11:08 AM
ei sana nga'y may patunguhan areng pagpupuyat . . . . .

ayos naman mga nokis, sana'y di umulan sa sabado ng umaga para maayos mga palo ng mga manok . . . .

dumi nga na manok namin dito kasi maulan, nagpuputik cord area namin . . .

magdadala naman yata si grandeur ng camera/video cam . . . .

jojo60
November 30th, 2005, 11:16 AM
ilagay na lang ninyo sa cockhouse "tol para hindi masira ang pagpreparasyon ninyo.

alimbuyog
November 30th, 2005, 11:25 AM
itatangkal ko na nga bukas para di na mabasa ng ulan . . . .

pabigla-bigla kasi ulan dito, may araw tapos kukulimlim, kasunod na ulan, buti na laang medyo matitibay din mga manok kaya nakakayanan pabago-bago panahon.

jojo60
November 30th, 2005, 11:30 AM
'tol bigyan ninyo ng gamot sa sipon na pang 'bata at sasakyan ng konting vitamins at kapag oras na ng pahinga nila w/c is 3 days bago ilaban ay bigyan ninyo ng kalahating TYLENOL para mawala ang sakit ng katawan nila after their long preparation.

alimbuyog
November 30th, 2005, 11:31 AM
ka jo,

maiwan muna kita saglit at uuwi muna, alas-dose na dito, kain muna ang mangyan. . . . . :D

jojo60
November 30th, 2005, 11:33 AM
enjoy your lunch pards.:lol:

alimbuyog
November 30th, 2005, 11:34 AM
subukan ko yang tips mo . . . .

goryo888
November 30th, 2005, 11:42 AM
Naku...Ka Jojo...talaga palang ikaw ay Laloma boy...sa FEU ako noon....tapos sa Navarra ako nakatira likod ng UST. Baka kilala mo si Kuya Francis, pulis yoon na lagi sa Laloma. Kamukain ni Babalu...

O ayan Ka Alimbuyog maniwala ka sa eksperto...yang tip na yan ay panigurado...at areng si ka JOJO ay batikan na rin...;)

chuckeee2
November 30th, 2005, 12:00 PM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/4c7f989d.gif

ok yaan. meroon pang isang maganda yoong iniinom ng mga hockey players bago ang laro para hindi manakit ang katawan :D

utol Goryo,

pinararami mo ga ang iyong apatot line?

DingDong
November 30th, 2005, 03:52 PM
mga kabahag isang pagbati mula
sa isang mangyan dine . . .

teka muna naiparating na ga
kung paano gagawin ang selection
ng ating mga sundalo.

ganire ang akin mga kabahag.

dapat ang kabitaw ng ating mga
manok ay iyong mga magagaling
na tinale ni ka joey o ni ka raul.
sa gay-on ay makikita kung meron
bagang ibubuga ang manok ng
mangyan at parehas ang timbang.
pwede ring ang kabitaw ay iyong
mga dala rin ng mga kabahag.

dalawang bitaw na magka-iba ng
kalaban na katimbang na tig 2 rounds
at 4-6 buckles each. syempre may
pahinga in between bitaw.

unangbitaw heating heating muna,
yung tamang painit, larga,
nagpaluan sa itaas at pumupog
sa baba, he he he awat na baka
wala ng tatadtarin, pahinga, kahig
kahig, tapos second round. matapos ang
unang bitaw ng lahat ng manok
second bitaw na nila na ibang kalaban
naman.

matapos ang dalawang bitaw
medyo mapupusuan na ni ka raul
ang mapipili nya. kung sino ang
consistent ang palo di ga?
ilan ga ang maiiwang sundalo
sa bakuran ni ka raul bago
mag decide sya kung alin ang
larga pa araneta? anim ga?

kung dalawang entry ang sandugo
dahil merong isa si ka joey ilan
dapat and reserve, dalawa ga?

opinyon naman dyan mga kabahag . . .

:rbounce:

DingDong
November 30th, 2005, 07:26 PM
nakupo sa ganireng oras pala'y
tulog ang mga mangyan, ako
na laang yata ang giseng eh.

ala ei ako'y uuwi na din at ako'y
gutom na. naasim na sikmura ko
ei, nag aalburuto na ang mga sawa
ko sa tiyan.

sige at bukas ko na laang babasahin
ang ano mang opinyon nyo. basta
na kay ka raul ang mga desisyon
ng manok.


:rbounce:

goryo888
November 30th, 2005, 07:30 PM
Gandang Gabi ka DD....aba'y kahaba ng Nobela mo eh....;)
Ako'y nagising ng alangang oras...alas tres y medya dine ng umaga.

Magandang punto yaan....kaya bahala na siguro sila na nandoon at sasaksi sa pagpili....yaan ay pwedeng gawing gabay....pero kumbaga si Ka Raul siguro ay may kanyang gabay sa pagkilatis ng nokis na aari sa mga ganyang Labanan....nandoon din si Ka Blackjack......
Pero maganda yaang iyong tinuran na yaan....mababasa naman nila are kaya nasa sa knila na kung areng iyong mungkahi ay isasakatuparan...

goryo888
November 30th, 2005, 07:55 PM
Ako kanina ay nagPOST ah...ka DD nandito ako....ewan ko baga at bakit nawala...

Maganda ang iyong tinuran....magandang gawing gabay yaan sa pagpili ng ating mga SUNDALO....pero bahala na sila doon...makikita naman nila itong iyong mungkahi...kaya nasa sa kanila na...

Siguro naman ay may sariling batayan si ka Raul para sa bagay na yaan, lalo pat bihasa na sya sa malalaking Sabong dahil na rin ni ka Joey...kaya humigit kumulang alam na niya ang gagawin....nandoon din naman si Ka Blackjack....;)

jojo60
December 1st, 2005, 01:15 AM
GOOD MORNING PO SA INYONG LAHAT!!!

itataas ko muna are at nasa palapag na naman tayo

:rbounce:

Boie_zosa
December 1st, 2005, 02:25 AM
makikiraan lamang po at pwede po bang magtanong? May nakakakilala ba sa inyo kay Reynante Enriquez ng San Jose Occ.mindoro? ang Entry name nya sa Derby ay Rapid fire?


Salamat,
Boie

goryo888
December 1st, 2005, 03:26 AM
Naku preng Boie...mga taga Oriental lahat kami dito....pero may naliligaw ding taga Occidental...try mo si Blastpak...alam ko taga Occ. yun....bihira na kasi syang dumalaw dine sa bahay namain...;)

Boie_zosa
December 1st, 2005, 05:17 AM
at na wow mali pala ako! sorry ha tao lang!


Boie

goryo888
December 1st, 2005, 07:19 AM
Oks lang preng Boie....buti tao ka di multo...nyahahaha jok lang SIR!!!:D

jojo60
December 1st, 2005, 07:48 AM
ka gorio, gandang hapon sa iyo. nahagok pa yata ang mga mangyan sa kasalukuyan. masarap ma2log kc nag uulan daw sa atin..giiiiissssiiinnnggg na kaya riyan at tingnan na ang kalagayan ng ating mga sundalo, baka nagugutom na eh malapit na ang kanilang try-out...:rbounce:

chuckeee2
December 1st, 2005, 07:50 AM
mga kabahag,

Breeding! Breeding! Breeding! na :D konting tight selection para hindi maaksaya ang panahon. yoong meroong mga undesirable traits e palambutin na ang mga yaan sa papaya. nakatikim na baga kayo ng binagoongang manok ? naku! kasarap niyan at sigurado'y tiwangwang kayo sa papag sa ilalim ng punong niyog habang nasagap ng simoy ng dagat.... hmmmmmm yummy yummy!

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/4dd50479.gif

TRYOUT NA!!!!

jojo60
December 1st, 2005, 07:53 AM
GANDANG HAPON DIN SA INYO, KA CHUCKEE!!! :)

alimbuyog
December 1st, 2005, 08:17 AM
mga ka-sandugo,

maganda ang umaga dito sa atin at sumikat ang haring araw . . . .

ka jo/ka chuck,

ano masasabi nyo sa suhestyon ni ka DD? o baka naman may sarili na ngang batayan si ka raul sa pagpili, kung anuman eh maganda din nga sigurong makapag-ambag tayo kung ano ga ang tamang pagpili sa mga ilalaban . . .

joey bravo
December 1st, 2005, 08:24 AM
may 7 akong manok duon na naka line-up para sa CF GD na ito.

last saturday isinama namin ni ka Dingdong yung dalawa ko dito sa Pque at dadalhin sa MIndoro bukas ng aking handler.

si ka raul at ang kanyang bayaw na taga customs ay may 60 tinale duon na pwede ibutaw kaya di tayo kakapusin ng manok.

may mga 20 na flypens duon din na bagong gawa na 8 feet ang taas ng mga hapunan. meron din akong mga iniwan na mga flypen duon na plastic. ibig kung sabihin ay kumpleto po ang facilities sa conditioning ng aking kababata na ito.

kaya wag po kayong mag alala.

:)

goryo888
December 1st, 2005, 08:58 AM
Alam namin na walang dapat ipag alala Ka Joey dahil yun ngang sa iyo ay ipinagkakatiwala mo kay Ka Raul eh kami pa kayang mga Bagito? Oks yaan at kami'y kampante dine...
Ka jojo....gandang gabi rin sayo....bukas eh kayod na naman si ako...

Ka Chuck...naku ang sarap talaga nyaang manok na binagogongan pero...... siguro sa mga edead nyo ng iyan ay medyo ingat ingat tayo ng konti...alalahanin may target tayong 30 taon...


Ka Alimbuyog...gandang umaga sa inyo dyaan....

alimbuyog
December 1st, 2005, 09:36 AM
ka joey,

tama si ka goryo, ala kaming kaduda-duda dyan, kami nga ang duda sa manok namin at baka di makasabay sa mga manok nyo dun . . . :D

dalawang tulog na lang! seleksyon na . . . . . :blush:

alimbuyog
December 1st, 2005, 09:42 AM
ei nga pala . . .

Boie_zosa,

ako nga pala'y Reynante din, iba nga laang apelyido . . . . :D

goryo888
December 1st, 2005, 09:45 AM
Alimbuyog....umamin ka na.....kaya nagtatanong si Boie ay malaki yata ang utang sa kanya....kaya Magbayad ka na....:lol: :lol:

Joke JOKE!!

alimbuyog
December 1st, 2005, 10:14 AM
ka goryo,

wag ka ingay, baka malaman pati ni ka Boie_zosa na taga-Socorro ako . . . . . :lol:

chuckeee2
December 1st, 2005, 10:23 AM
... basta't ako'y kapag natilaok yaan e ... gusto ng lumaban yaan :D kung ako ang inyong tatanungin e, unang una'y ang pangangatawan, at ang klase ng laro. Meroong mga manok na throughout conditioning process e nag iimprove ang laro at meroon namang nag o off. Sa madaling salita'y, kung papasa ang pangangatawan e iwan na kay utol Raul lahat, then malalaman natin kung sino sino ang nag improve at nag off throughout conditioning process. kaya kailangan e meroong mga extra. Kasi ang iba'y hindi kaya ang training lalo na yoong mga alang pre con.

chuckeee2
December 1st, 2005, 10:29 AM
pahabol.... at bahala na rin si utol Raul base sa tryout kung ano mahusay na timbang. kung kailangang itaas o ibaba.

DingDong
December 1st, 2005, 10:34 AM
naku mga kabahag,

mag nonobela sana ako kaso dumating
na mga ka meeting ko. usapan 10:30am
ngayon lang dumating, abala sa pagsasabong
ko mga ito, teka't masabon nga muna.

sige mga mangyan, mamaya na lang uli.

ang mga sundalo ha, kailangang
magpakitang gilas yan kay ka raul
ng merong mapili.

sagot daw ni ka raul ang meryenda
yung alak at pulutan na laang. sino
ga ang sasagot noon.

hala ikain atitagay nyo na laang
kaming hindi makakarating.

ka joey, si dandan ba ay aabot sa
try-out doon?


:rbounce:

goryo888
December 1st, 2005, 10:41 AM
Sya ka DD...sabunin mo muna ng husto yaang mga yan at ng pumuti....:lol: ibig kong sabihin ay mamutla sa takot...ab't may usapang oras ay di dumating sa itinakda eh....

Labahan mo sa Mr. Klin.....
Ka Alimbuyog....hindi ko ba dapat sabihing taga Socorro ka?...baka mahanap ka noon ay naku...bayad utang ka..:lol:

alimbuyog
December 1st, 2005, 11:23 AM
ei namatay server namin kaya ako'y natagalang makasagot dine . . . . . .

tama yung sinabi ni ka chuck pero sa dami naman ng manok nila dun madali naman silang reserve para yung mga pangit lumaro eh out agad . . . . . .

ka gori, oo nga, wag nyo sasabihin at baka ako'y masundan dine sa atin . . . . :D

alimbuyog
December 1st, 2005, 11:33 AM
maalala ko, si ka raul_ruaro nga pala . . . . .

baka daw sya'y makakauwi at sasama daw sa try out, makauwi nga kaya yun?

ka raul, yuhoooooooooooooo . . . . .

goryo888
December 1st, 2005, 11:59 AM
Ka Alimbuyog...pakilagay mo nga dito ang listahan ng mga mangyan ng SANDUGO ....baka baga tayo'y may nakakaligtaan....

Eto Subukan ko uli kung matalas pa ang aking isipan...

1. Ka JB
2. Ka DD
3. Ka Blackjack
4. Ka GrandeurO
5. Ka Chuckeee2
6. Ka Jojo60
7. Ka TeodyChongco
8. Ka Alimbuyog
9.Ka Goryo888
10.Ka Raul rauro
11.Ka Sonny dela Cruz.................Sino pa ga? Iyang mga nabanggit kong mga pangalan na yan ay yuong aktibo at makikibahagi sa pagpopondo para sa darating na CF GD...kung ako'y may nakalimutan dine ay pag pasensyahan...

Sina Manokiz, Blastpak atbp ay syempre mga kabahag natin yaan...pero hindi yata makakasama sa ating lakaran...sa ibang pagkakataon na siguro...;)

jojo60
December 1st, 2005, 12:28 PM
sang ayon ako sa panukala ni ka chuck.sa aking experience kapag wala ng masalat na butchi sa manok at ang hawak mo ay parang bulak, un ang masasabi ko na handang handa na.ung ngang nasabi ko sa mga unang pahina natin,just make sure na wala na clang "sapote" at maluwag na ang kanilang mga paa'.

dapat tayo ay lubos na magpasalamat kay ka joey sa kanyang kabaitan.Biro ninyo mga kapatid sa kanya na ang lugar at sa kanya pa ring ang handler. ka joey,thanx a million 4 letting us to be a part of these big event.:)

ka gorio: tapos naga ang iyong day-off. dapat talaga ay makapag-ipon ngaung pasko para may maipamahagi naman sa ating mga minamahal,lalong lalo kn kc marami kang minamahal.Hehehe:lol:

sa inyong lahat jan sa pinas: Mabuhay kayo at ingat lang parati...

alimbuyog
December 1st, 2005, 01:42 PM
ka goryo,

ei ako'y nagsulat din na hindi ko tiningnan yung sa 'yo eh yaan ding bilang na yan ang lumabas . . . . .

alimbuyog
December 1st, 2005, 03:07 PM
mga kabahag,

tayo pala ay napakarami sana, bukod pa dun sa mga inilista ni ka goryo, eto pa yung iba na hindi na napapadalaw sa bahay natin . . . .

ni-rebyu ko yung mga unang pahina natin, eto ang nakita ko . . .

si manokiz, napapadalaw pa pag minsan . . . .

1. blastak
2. von_abrenica
3. arneld
4. valiant
5. bernnari
6. vader
7. zulueta
8. mj_cool69
9. jowell

alimbuyog
December 1st, 2005, 04:30 PM
uwi muna ang mangyan . . . .

kayo muna dine . . . .

zulueta
December 1st, 2005, 04:32 PM
alimbuyog,

malayo na pala narating ng inumpisahan ka ni goryo888,
mabuhay kayong lahat at dalangin ko na mag champion ang SANDUGO entry.

alimbuyog
December 1st, 2005, 04:37 PM
ka zulueta,

maligayang pagbabalik!

limitan mo pagdalaw sa ating bahay at napakasaya dine . . . . .

zulueta
December 1st, 2005, 05:07 PM
ka alimbuyog,

ok, salamat.

joey bravo
December 1st, 2005, 05:25 PM
mga kabahag.

baka 5 cock na ang CF derby.

1M na ang premyo.

Same pot money and minimum bet.

Sana matuloy ito at maisara namin with araneta management sa darating na linggo.

:)

DingDong
December 1st, 2005, 05:28 PM
ako muna uli ang papalit kay ka alimbuyog
dine sa ating kubol. mga ilang minuto baga
ay ayos na.

maige pala yung may rolkol at may
nabatok, katulad nireng si ka zulueta
sa wari ko'y mahahatak natin ireng
lumagi sa ating bahay. nasaan na kaya
ang iba, baka bz laang sa kanilang
mga hanapbuhay. galingi at ng meron
tayong pamusta kahit kaunti sa
ating laban.

si ka raul_ruaro ay nasasa bundok daw
natingin sa kanyang hayupan. akin
ngang maitext at nang maalaman
ang kalalagayan.

ka jojo/goryo/chuck . . . sa ganireng
oras ga'y tulog pa kayo . . . napaka
lumbay naman nireng nag iisa eh.

sa mga andine sa bayang mahal,
sino ga ang makakasama ko sa
ganitong oras, damayi naman ako
dine.

sus, kalungkot talaga eh . . .
sige intay ako baka may dumating din . . .

:rbounce:

2 tulog na laang . . . .

DingDong
December 1st, 2005, 05:32 PM
ei andine pa pala si ka joey.

5 cock na ang ating sasalihan
aba ay pabig-at na ng pabig-at
yaan ah.

GO GO GO SANDUGO!!!

ka joey, si dandan ga ay
makakapanood ng selection???

:rbounce:

joey bravo
December 1st, 2005, 05:38 PM
oo kabahag dingdong,

bukas ko pinapaluwas c dan dan.

limang manok pala ang pipiliin ha.

baka kasi gawing 5 cock ito kaya 5 ang selected dapat sa Dec. 3.:)

DingDong
December 1st, 2005, 06:01 PM
ala ei sige limahi na iyang
ilalaban natin na iyan . . .

kaya pa kaya ni ka raul kung
ganyan karami ang ihahanda
nya. baka kailangan na nya
ng katuwang . . . o yakang
yaka nya yaan . . .

sabik na akong maalaman
ang resulta ng selection
natin na yaan . . .


:rbounce:

chuckeee2
December 1st, 2005, 10:49 PM
nakupoooo mga kabahag,

napakagandang gising naman ere at 1 MILLION na pala ang prize money ng CF Global Derby. Kakayanin kaya ng Araneta ang mga dadalo't lalahok dine! Baka naman tayo'y pagpawisan ng husto at hindi kayanin ng airconditioning. At ang napakagandang bulong bulongan e mga topnotch cockfighters raw ang mga invited locals and abroad at dine sa Cf Global derby sila'y maglalaban laban ng kanilang mga new strains from winning bloodlines. Tayo'y masosorpresa nire kung sino sino ang mga ere :D Aba'y hindi ko na ere palalampasin kahit man laang e makapanood ng lagitikan sa CF.

Ang entry ga ng Sandugo e handang handa na ! Aba'y sa makalawa na ang tryout e! Mapapalaban ang mga Mangyan Warriors :D

chuckeee2
December 1st, 2005, 11:13 PM
mga kabahag,

meroon akong naaamoy dine na ang Bakbakan Champ na si Al Garcia e lalahok nga baga sa CF Derby ? Ere na ang another version ng WSD :D

lyrea
December 2nd, 2005, 02:54 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/TGIF.gif

http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/RelaxHavFun.gif



@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

goryo888
December 2nd, 2005, 06:38 AM
Yuhooooo....naku ang gandang balita nyaan kung matutuloy na 5 cock na iyan....tapos mga big time pa makakaharap ng Mangyan entry....wowwww:wow:

Kahirap ga nireng kalayo...para bagang wala akong magawa man laang na tulong dyaan?? Sensya na kayo mga kabahag mangyari ay wala talaga akong sariling manok ngayon eh...pero siguro sa bandang huli ay may magagawa rin ako sa ganyang aspeto...dangan ay para bagang lumagay ng husto ang loob ko...yun pala'y talagang garine kabigat ang sasabakin natin...ang lagay eh magtiwala na laang talaga tayo sa ating mga nokis kung ano man ang nandyaan...kaya kung may talagang alas taong itinatago eh ilabas labs nyo na at are pala'y mabigat na labanan...
Yung kay Ka Jojo naman ay hindi karaka rakang pwedeng ipadala dyaan...

Ka Jojo...balik trabajo na uli ako...pero sa Jan. eh mag 4 days work na laang ako...baka masyadong yumaman ang mangyan...nyahahaha....hinde...kailangan ko laang ng medyo mahaba habang oras na walang trabaho...medyo may niluluto kasi akong putahe...pag luto na saka ko na ibabahagi sa inyo...are naman ay sa PAGANDA.....wish nyo na laang ako ng isang malaking Swerte...;)

jojo60
December 2nd, 2005, 07:05 AM
ka gorio: kung anuman iyang binibigyan mo ng magandang pansin ay la akong masasabi kundi wishing you all the best and luck..:)

ka joey: naku talaga pa lang masusubukan ang ating mga sundalo sa sasalihan nilang torneo. akala ko ay pang PBA lang ang lalahukan un pala eh NBA.jan natin malalaman kung anong kalidad meron ang mga KA SANDUGO.basta maganda ang bloodline ng ating mga sundalo ay siguradong may paglalagyan cla.

GOOD LUCK SA ATING LAHAT!!!!:rbounce:

goryo888
December 2nd, 2005, 07:40 AM
Salamat Tol Jojo.....sa lahat ng mga Mangyan naway tayong lahat ay pagpalain ng Poong Maykapal.....;)

goryo888
December 2nd, 2005, 09:48 AM
Malapit lapit na ere....naku ay talagang dapat pag igihe ang pagpili.....at talagang malakihan na pala itong pinasok nating ito....

Kaya yung mga iba dyaan na may mga alas na manok eh ibahagi na muna dine.....

alimbuyog
December 2nd, 2005, 09:55 AM
tumaas pa pala ng isang level areng ating sasalihan!

kabado na ako dine . . . . . .

alimbuyog
December 2nd, 2005, 10:03 AM
ka goryo,

areng aming dadalhin eh talagang mga alas na namin dine, kaso baka ALIS ang kalabasan sa halip na ALAS! . . . . . . :D

pero kaya natin yaan, dapat laang siguro tayo lagi ay nasa magandang gawi para maganda rin lagi ang balik sa atin.

mabuhay tayo lahat! mabuhay ang SANDUGO!

alimbuyog
December 2nd, 2005, 10:22 AM
mga kabahag,

bukas ng ang ating seleksyon, pinuntahan na ako dito sa opis ni ka grandeur, apat din daw dadalhin nya na manok.

ka blackjack,

wer is yu? kita na laang tayo dun bukas . . . .

jojo60
December 2nd, 2005, 10:31 AM
don't worry guys just think positive...kung anuman ang magiging resulta ay dapat nating malaman na ito ay isang pagsubok lang at kung tayo'y gagantipalain ay maganda ang magiging parte ng ating mga kapatid na MANGYAN.... sana hindi ito ang huling pagsalo natin sa ganitong torneo at para naman maging buklod ito ng ating magandang pagsasama...gusto ko lang talagang matulungan ang ating mga kapatid jan sa Mindoro para naman at least ay makatapak cla sa paaralan, na tingin ko ay iyon ang kanilang hinihiling sa ating maykapal...

2 days to go mga kapatid, kayo na ang bahala jan at kami naman d2 ay Dasal lang ang aming maaambag at sana sa pagpili ninyo ng ating mga sundalo ay gabayan kayo ng buong maykapal. :)

WISHING ALL THE BEST FOR US!!!! MABUHAY ANG MGA MANGYAN!!!!:rbounce:

goryo888
December 2nd, 2005, 10:34 AM
Sya kami'y balitaan agad ha? at talagang kami dine'y hindi na malaman kung matatae o maiihe eh.....alumpihit baga......basta mga pangiliti yaang dadalhin nyo eh ayos yaan....isipin nyo na laang na ang babanggain ng mga sundalo natin ay tunay na mga Alas ng mga bigating Magmamanok...pero sagi nga ni Ka Jojo eh ...May kalalagyan sila!!;)

jojo60
December 2nd, 2005, 10:44 AM
Ika nga ko nga kapag ako ay nagpapanalo, eto ang parati kong cnasabi " I LOVE THIS GAME ":rbounce:

goryo888
December 2nd, 2005, 10:59 AM
But win or lose i still love tis GAME!! Siguro Ka Jojo inabot mo pa si tito Dolfo ko, panganay nina dadi ko....Naku noong araw daw ay kadaming manok ni tito....

chuckeee2
December 2nd, 2005, 11:11 AM
mga kabahag,

'wag tayong mabahala't may mapili o ala e tuloy ang CF ng Sandugo sapagkat dine na, sa Araneta pa man din, ang launching ng ating club. At kapag ere'y naumpisahan dine e ala ng makapipigil sa ating paglahok sa mga derby. :D Bukas na ang tryout!

jojo60
December 2nd, 2005, 11:55 AM
huwag kalimutan ang camera para kunan ang mga sundalong magta try-out!!! 'wag rin kalimutan timbangin muna cla para malaman kung ayos na ang kanilang katawan...:rbounce:

goryo888
December 2nd, 2005, 12:19 PM
Mga Kabahag ...ako'y pansamantalang papaalam muna at medyo inaantok na....trabajo pa uli bukas......

alimbuyog
December 2nd, 2005, 12:56 PM
sige, ka goryo, ako muna uli dine . . . . .

ei hindi ko naulit kay ka grandeur yung camera, text ko na laang mamaya . . . .

DingDong
December 2nd, 2005, 01:39 PM
makasabad nga ng isa habang
konti pa laang ang gawa dine.

nakakasabik naman ang selection
na yaan. galingi ng pamimili at
areng labanan na ire ay pagka
big-at talaga ei.

ka alimbuyog pektyur lahat ng
manok na kasali sa try out. kung
may video habang bitaw tapos
pektyur ng lahat ng napili. para
gang pektyur before, during &
after the selection. para naman
kaming hindi makakarating ay
para na ring andyan sa selection.


:rbounce:

alimbuyog
December 2nd, 2005, 02:35 PM
areglado yan, ka dd at ka jojo, basta't may dalang camera si ka grandeur. . . . . . . :D

alimbuyog
December 2nd, 2005, 03:21 PM
mga kabahag,

log out na muna ako, try out na natin bukas . . . . . .

sana'y di umulan . . . . .

ka blackjack, asan ka na? kita tayo bukas . . . . . . :rbounce:

hanggang sa muli . . . . .

DingDong
December 2nd, 2005, 04:23 PM
ei kaaga mo naman umuwi
ka alimbuyog, anaki'y sisilipin
ang mga sundalo kung nilalamok
hi hi hi

ang pakain ay tama laang ha
at baka naman lumobo ng husto.

hala sige, nawa'y may mapili sa
mga pangkiliti na yaan.


:rbounce:

joey bravo
December 2nd, 2005, 06:56 PM
mga kabahag,

itong Cf derby ay napakaganda ng schedule.

World Slasher Derby muna Jan 14 to 21.

akalain mo after WSD ang opening derby ng araneta ay ang CF derby na naka reserve sa Jan 23 and 26.

malamang tuloy na ito kasi, may mga pledges na ang tropa ng CF para mapunuan ang initial requirements ng araneta na mag lagak ng P 600,00 bago mag derby.

syanga pala mahigpit sa pinto kasi araneta yan. P 700 pag ringside at P 400 sa bleacher.

pag lumabas ka at babalik ay bayad ulit, ganuon pala patakaran ng araneta.




:)

goryo888
December 2nd, 2005, 10:57 PM
Aba ay kahigpit nga pala...wala bang tatak dyaan na pagbumalik aypasok laang ng pasok?? Naku ay sya mag dala ng makakain sa loob...at siguradong gugutumin ang mangyan nyaan...magdala rin ng kumot baka lamigin sa erkon.... :lol:

jojo60
December 2nd, 2005, 11:26 PM
today is the day para sa mga sundalong magpapakita ng kanilang kakayanan at galing para sa unang DERBY na lalahukan ng mga KASANDUGO. :rbounce:

ka joey: ilan ba ang pwede mong ipasok sa gate? kung maaari ay ipalista muna rin ang mga pangalan ng ibang kapatid natin as
part owner ng SANDUGO ENTRY. para naman libre na rin cla sa gate...

GOOD LUCK SA LAHAT NG SUSUBOK NA SUNDALO AT MABUHAY ANG SANDUGO!!! :rbounce:

goryo888
December 3rd, 2005, 12:36 AM
Oo nga ka Jojo...si Kuya ko eh parang gustong manood....ilan ga kaya ang libre sa isang entry??

goryo888
December 3rd, 2005, 04:51 AM
Ilang oras na laang at seleksyon na galingan ang pagpili at ng makagulat man laang ang mga mangyan sa mga Bigtime.....naku ako'y eksayted na talaga....kwento nyo agad ang resulta ha, at idikit din dine ang piktyur...;)

chuckeee2
December 3rd, 2005, 08:38 AM
...ipapanhik ko laang ere't pala sa darating na mga balita'y hindi mahirap hungkatin :D at yoong mga nakodakan e kailangang kailangan :D

DingDong
December 3rd, 2005, 09:08 AM
malamang sa oras na ire'y
kararating laang nina ka alimbuyog
at ka grandeur sa san gelacio.
tig-apat na manok ang dala nila
doon. si ka blackjack kaya may
bitbit na sundalo . . .

sige mga kabahag, bawat text sa akin
ay ididikit ko dine ang mensahe.
kansel muna mga meetings ko at
ipagpaliban ko muna mga gawain
dine sa opis. eksayted din ako eh.


:rbounce:

DingDong
December 3rd, 2005, 09:50 AM
aba bakit wala ang mga kabahag
na nasa ibayong dagat. ka chuck,
ka goryo at ka jojo, nasaan kayooooooo!

kararating lang daw nina alimbuyog
limber pa siguro ng mga sundalo, he he he

ka joey, ikaw ga'y andyan . . . . ???


:rbounce:

joey bravo
December 3rd, 2005, 10:22 AM
andito lang ako ka DD, nakaantabay.

8 daw manok dala nyo mga brownred, talisain lasak at pula.

ayos daw mga palo, malalakas daw mangiliti mga ito. nahihirapan tuloy pumili si ka raul. hehehhe:lol:

sabi ko 3 rounds ang bitaw sa iba ibang manok bago pumili.

goryo888
December 3rd, 2005, 12:26 PM
Kadarating ko lang galing trabaho.....tumatawag ako sa tito ko at baka nagdala rin doon ng pangiliti...kaso di ko makontak...patay CP nya....aba't magandang balita yaan Ka Joey...talaga palang may ibubuga ang mga manok ng Mangyan....;)

Tatawag din ako kahit kanino doon kina Ka GrandeurO kung ano baga talaga ang nangyari....

DingDong
December 3rd, 2005, 12:52 PM
he he he, ayos nga daw ang mga
kamot ei, kiliting kiliti ang mga
kabitawan.

preng joey at mga kabahag dapat
meron pang another round ng selection
para mas malalim ang selection at
mas lalong matibay ang entry natin.
saka yung ibang kabahag na kinulang
sa oras makapagdala ng sundalo ay
may pagkakataon pang humabol.

sa mga nakadalo, kwento naman dyaan.
saka nasaan ang mga pektyur para sa
amin dine at sa mga nasa ibang bnasa.

waaaaaaahhhhh, tatlo yata ang nakuha
sa mga manok ko, paano yan wala muna
ako sabong sa Disyembre . . . . yun pa
laang kasing mga yun ang maaaring
pang cock derby.

suggestion/s mga kabahag ! ! !


:rbounce:

DingDong
December 3rd, 2005, 01:05 PM
mukhang tulog ang mga mangyan. . . .

iwan ko muna kayo mga kabahag
ako'y uuwi ng maaga ngay-on at
may dadaanan pa akong bitaw ng
manok saka maysakit ang aking
bunso . . . kaagang nagkabulutong
ng aking si totoy . . .

hindi sana malala . . .

:rbounce:

goryo888
December 3rd, 2005, 01:09 PM
Naku madali laang yang bulutong......hwag mag alala...katatyawag ko laang kay GrandeurO at ayos daw talaga...kagagaling daw talaga ng manok ni Ka Joey...isa daw ang iniwan nya...dangan at napakompormiso daw yuong mga manok niya....2 daw ang pinaiiwan ni ka Raul pero di nga daw maaari....

chuckeee2
December 3rd, 2005, 02:39 PM
utol DingDong,

ayos yaan ! wag ka na lang munang magsabong at sa CF na laang ilaan yaang mga warriors mo. Sa madali't salita e pasok na ga ang Sandugo sa CF derby ? Aba'y kailangan e mapasama na tayo sa listahan ng mga nag pledge! :D Baka mawal'an ng espasyo sa listahan.

Ano ga ang susunod na baytang ? :D

chuckeee2
December 3rd, 2005, 02:44 PM
... kodakan na yaang mga nakapasa sa tryout :D at nang makilatis ng husto!

mga kabahag,

ano ga ang susunod na kabanata? Pasado na mga mangyan sa tryout e! Kailangan e patungong Araneta huh! :D

goryo888
December 3rd, 2005, 08:53 PM
Ka Chuck.....sya ikaw ay mag balut balot na at pumunta na sa Araneta....are'y panigurado na........iyong sayo na nasa Puerto ay ipakondisyon din at baka yaon ay mapapagayak din lumuwas pa Araneta....;)

chuckeee2
December 3rd, 2005, 11:55 PM
utol Goryo,

ala! ako'y Agosto pa laang e gayak na :D Napasama na ga tayo sa mga listahan ng mga lalahok sa CF ? Yoong sa aming manok e oo naman pero kailangan e mahipo muna ang kat'wan at masilayan ang hagupit at kapag uubra e dadal'hin ko kay utol Raul for screening. Sa ngaun e pagkaabalahan na muna ang mga nakapasa sa tryout.

chuckeee2
December 3rd, 2005, 11:59 PM
utol Goryo,

ala! ako'y Agosto pa laang e gayak na :D Napasama na ga tayo sa mga listahan ng mga lalahok sa CF ? Yoong sa aming manok e oo naman pero kailangan e mahipo muna ang kat'wan at masilayan ang hagupit at kapag uubra e dadal'hin ko kay utol Raul for screening. Sa ngaun e pagkaabalahan na muna ang mga nakapasa sa tryout.

Ano na ga ang padal'wang kabanata ng Sandugo? Tapos na ang tryout e! Layout na ang agenda patungong CF :D

Yoong mga pumasa e paki kodakan na sila't maaninag na dine!

chuckeee2
December 4th, 2005, 01:16 AM
NEWS! NEWS! NEWS! naman diyan! ano ga ang latest ng tryout :D Kami rine e sabik na! yoong mg pics ng lalahok na warriors e 'wag kaliligtaan :D mukha yatang paumagahan ang huntahan ei!

jojo60
December 4th, 2005, 03:38 AM
magandang tanghali sa inyo ka gorio at ka chuck!!!

ka DD:ako'y nagagalak sa pagkapili ng mga sundalo mo.Dahil sa kanilang tindig at pangangatawan siguradong hindi ako nangangamba na hindi tayo makakapuntos.ang tingin ko ay mga dalawang taon na sila ano'...

ilang araw ba ang ilalaan ni ka raul sa pagkokondisyon? 21 days ba or 1 month..wag lang mabasa ang mga sundalo sana para hindi dapuan ng kung anong sakit>> 'knock on wood"....

ka alimbuyog: dine lang kami at nag-iintay ng mga pixs ng mga sundalo.sabihin kay ka GranduerO ay agad-agag ipaskel ang mga iyan.

Nasaan kaya si Nsan Blackjack? nakadalo ba cya?

:) GOOD DAY GUYS!!!!:rbounce:

goryo888
December 4th, 2005, 07:04 AM
Nakadalo si Ka Blackjack....tumawag ako kagabi kay GrandeurO at nandon daw...ayos daw naman ang mga manok doon...naiwan yata si Ka Blkjk at nag painit ng konti sa lalamunan.... ;)

Ka Chuck...buti ka pa eh...sige pag ikaw ay nandoon ay ihanda mo lagi ang CP mo at ako,y mag momonitor sa Entry ng Mangyan...talagang ako'y magtatatawag sa inyo doon....

chuckeee2
December 4th, 2005, 08:08 AM
utol Goryo,

siya't ayos na ayos pala'y ikaw ang taga monitor dine ng mga laban. Pagdating na pagdating ko sa Pinas e bibili na agad ako ng sim card para ayos ang komunikasyon.

katagal naman ng mga nakodakan :D

goryo888
December 4th, 2005, 08:21 AM
talagang maghahanda na ako ng pambili ng ponkard at malamang ay magkakaige.....isigurado fully charged mga celpon nyo....;)

wala pa gang upd8 at piktyur ng mga Sundalong pupunta ng digmaan sa Araneta.....;)

joey bravo
December 4th, 2005, 08:30 AM
Mga kabahag, nakausap ko ngayong umaga si ka raul at nasabi sa akin na dalawa lang daw ang pwede.

isang manok kay ka DD at isang manok daw ni ka sherwin? (ano handle ba ni ka sherwin?)

pwede din daw yung isang manok ni sherwin kaya lang ay d daw ito pinaiwan.

yung kay dingdong ay isa lang daw napili nya sa tatlo dahil sa medyo kapos sa height.

yung 7 cock winner ko sa roligon ay ang manok ko na ipapasok sa tribu natin.

all in all may 3 na tayong manok.

kung gusto daw natin ng second selection ay pwede daw ult sa next Saturday. sana din daw ay maipasok yung kay ka sherwin na d pinaiwan para mas malaki tsansa natin na manalo.

sino ba sa atin si ka sherwin??? hehehe

goryo888
December 4th, 2005, 08:38 AM
Si GrandeurO....sabi nga sa akin kagabi ng makausap ko siya ay pinapaiwan yung isa pa...kaso may kompormiso yata si Ka GrandeurO.....nangumusta nga ako agad sa Kanya.....yun kayang kay Ka Chuck...baka pwedeng may papuntahin na siya sa San Gelacio at ipadala yung Nokiz nya para maPIGURAHAN....;)

Ka Chuck...baka magagawan ng paraan....;)

chuckeee2
December 4th, 2005, 09:30 AM
mga kabahag,

yoong nabanggit kong sa akin e hindi yoon bibitawan hanggang ala ako dahil mga manok yoon ni mayor :D at sa akin laang yoon ipagkakatiwala. Siguro naman e naiintindihan ninyo ako! Sa mga unang araw ng padal'wang linggo ng Enero'y dadal'hin ko roon kung aabot pa at pipilitin kong mag entry na rin siya pati na rin si ka Tuna. At kung hindi naman aabot e yoong kay utol Joey na laang na tig 2 panalo na...yoong talisayin at puti :D asbok yaan!

Sige at ihanda na mga celfon at i monitor natin dine sa kubo ng Kamangyanan ang details from fight # 1 to championship. Nakupoo! dadami ang bisita natin dine !

goryo888
December 4th, 2005, 10:16 AM
Sya Ka Chuck ikaw ay nauunawaan....ibig sabihin eh 3 laang pala ang pumasa sa panlasa ni Ka Raul....pano ga are??
Kung 5 cock are ay kulang pa ng 2....kung 4 cock pa rin ay isa na laang ang idadagdag ni Ka Joey.... :D Tama ga kaya ako??...

Ka Joey....ano ga iyong masasabi...pero si Ka Chuck naman ay may dadalhin ei....sya yung iba dyaan na baka may natatagong Pangiliti pa ay ilabas na....

chuckeee2
December 4th, 2005, 10:32 AM
utol Joey,

punuan mo na muna yaan sa ngalan ng Sandugo :D Aba'y kabibili ko laang ng celfon para gamit diyan sa Araneta pang monitor at handa na rin si utol Goryo sa pag post dine ng mga fights.

Siya! pa Araneta na e !
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/97cd2606.jpg

goryo888
December 4th, 2005, 12:33 PM
Sya ako'y matutulog na muna....Ka Chuck nawa'y ang iyong panawagan ay dinggin...kung anut ano man ako'y nakikiramdam laang...yaan nama'y mapupunuan....;)

goryo888
December 4th, 2005, 09:36 PM
Gandang umaga mga Kabahag...... ;)

chuckeee2
December 5th, 2005, 12:26 AM
gandang umaga rin mga kabahag,

bangon na mga Sandugo at baka tayo'y maubusan ng seat pa Araneta. Pag usapan na ang mga nararapat na gaw'in at ere puro pasulong na. Yoong mga hindi naka pasa sa tryout e ituloy laang ang pag condition at baka maisali natin ang mga yaan sa derby sa Puerto. :D

Yoong mga nakodakan ha! wag kaliligtaang ipaskil dine :D

lyrea
December 5th, 2005, 02:21 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/monday_greetings.gif


http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/Graphics%20And%20Animations/coffee5.gif GOOD MORNING GUYS!
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

chuckeee2
December 5th, 2005, 04:01 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b6d1cd65.gif

...rin po sa inyo Ms Lyrea at sa iyong pamilya!

mga kabahag,

nasaan na kayu ! ala pa kaming news direct sa homebase! Utol Blackjack at Alimbuyog, kayo nariyan, ano na ga! Teka't ako'y paparoon muna sa Superstore Liquor at sale yata ang mga Ballantines Scotch Whiskey e cn$ 17 na laang e dati'y cn$ 27, makakuha ng isa't may pang painit sa tropa pag uwi :D

goryo888
December 5th, 2005, 06:29 AM
Miss Lyrea Thnx....

Ka Chuck....ano gang balita na...wala pa ring piktyur eh....

chuckeee2
December 5th, 2005, 08:00 AM
utol Goryo,

ala pa akong balita mula sa homebase. Kanina pa ako dine at nakatulog na nga e! Antayin laang natin sina utol Blackjack at Alimbuyog, o si 'tol DingDong at mas meroong mga alam sila sa napagkasunduan.

joey bravo
December 5th, 2005, 09:18 AM
mga kabahag,

actually pwede yung 3 mga noks ni kabahg DD.

kaya lang mas mainan na tig iisa lang tayo ng manok para hindi naman mabigat.

exception yung kay grandeur na hindi pinaiwan kasi magaling daw talga yun at malaki tsansa na manalo.

aba ay kumbinsihan na yan ng matuloy na hehehehe

:lol:

1 Ka DD 1 o 2
2. Grandeur dapat 2 hehehe
3. joey bravo 1
4. chuck 1 0 2 basta ihanda lang at kung pwede eh gamitin na rin natin kung mapipili sa final selection sa January.


TOTAL 7 noks na ito.

Basta sa final selection kung alin ang ilalaban sa araneta ay si ka raul ang pipili kung alin ang last 5 para hindi mahirap sa grupo.

pwede na!!!:)

goryo888
December 5th, 2005, 09:26 AM
Ayun naman pala eh nakabalita din....kausap ko nga si Ka GrandeurO noong araw ng seleksyon...sabi ko eh bakit di pa niya iniwan pati yung isa....napakompormiso daw.....kaya wala tayong magagawa...unawain na laang natin.....;)

Sige at baka may mga manok pang dadating sa bandang huli.....

alimbuyog
December 5th, 2005, 09:32 AM
magandang araw sa inyong lahat!

pasensya na at ngayon laang ako makakapagpost . . . . .

tingin ko naman eh lahat ng manok na naiwan kay ka raul eh may potential, pero di ako ang pwede magsabi nyan o si ka DD dahil may manok kami dun, intay na laang natin si ka blackjack dahil mas malawak eksperyens nya tungkol dito, tinanong ko naman si Dandan kung ano masasabi nya sa mga manok eh medyo may kasamang ngiti ang sagot, ok naman daw . . . .

iba-iba kasi opinyon namin sa naging resulta ng bitaw, kinuhanan naman ng picture ni ka grandeur mga manok, tingnan nyo muna mga itsura at ng matantya nyo rin kung aare . . . .

sayang yung kay ka grandeur, maganda height, may palo, may uri, di laang namin napilit na iwanan na nya dahil may natanguan na daw sa na derby kaya napilitan na ako na iwan yung apat na manok namin dun kahit na tingin ko eh isa/dalawa laang talaga are . . . .

chuckeee2
December 5th, 2005, 09:36 AM
..ayun naman pala e! utol Goryo nabasa ko na. siya, ako'y magdadala diyan sa aking pagdating at ang mga ere'y naka pre con na at bahala na si utol Raul kumilatis o i reserve na laang kung huli na sa panahon.

'tol Goryo,

paramihin na yaang mga ibi breed mo at ng hindi na tayo mangapos sa mga darating na taon :D Ako'y ang target ko'y sa 2008 pagka first moulting kasi nga e ayokong sa stag. Gusto ko'y sa cock derby.

Siya, kung ayos na e ano naman ang karugtong na kabanata? ubra na ga tayong mapasama sa listahan ng mga nag pledge na lalahok !

goryo888
December 5th, 2005, 09:43 AM
Tol Chuck....Kung gayon eh ako'y pirmis na muna.....sya at hintayin na laang natin ang CF ng magkaintindihan na....;)

chuckeee2
December 5th, 2005, 09:55 AM
tol Goryo,

ya! pirmis na laang muna't siguradong tuloy na yaan :D yoong ating kuwan ang ating pag usapan naman para tal'gang tuloy na tuloy na .

goryo888
December 5th, 2005, 10:06 AM
Sya pag usapan na natin yung ating kwan.... at ng matuloy na ang kwan...kwanin mo na kaya Ka Chuck yung kuwan...ikaw na nga ang kumuwan...para magkakwanan na....:lol:

O pano yung ating mga Shares kailan natin iipunin at kailan ang dedlayn?? yan baga yung kwan na gusto mong makwan ka Chuck....dyaan ako magaling sa kwanan...:D

chuckeee2
December 5th, 2005, 10:09 AM
:lol: ... nagka kuwanan na doon sa London :D

goryo888
December 5th, 2005, 10:12 AM
Ano gang London?? Loan dito loan doon?? Naku ay mababaon.... :lol:

chuckeee2
December 5th, 2005, 10:13 AM
mga kabahag,

yoong ating mga shares e pag usapan na at nang matuloy na ang ating kuwan ... ang samahan ng Sandugo. Konting sakripisyo laang at masaya tayo sa mga darating na panahon e mga taon pala :D Ako naman e dahilang uuwi e i hand delivery ko na laang kay 'tol Joey/DingDong pagdating na pagdating ko sa Maynila.

'tol Joey anong say tungkol dine sa shares? deadline!

DingDong
December 5th, 2005, 11:06 AM
teka at hindi pa kasundo sa mga
sundalo . . .

ganire ang hiwatig ko sa hindi
pag iwan ni ka grandeur sa kanyang
magaling na tinale. sya ay nakatango
na daw sa isang local derby dyaan
sa ating mahal na mindoro. hindi areng
hindi nya sasalihan sapagkat dinayo pa
sya sa bahay para personal na
imbitahin. kung iiwan nya ay kukulangin
sya ng manok na panlaban at marahil
mabigat para sa kanya na iwan ang
kanyang 2 tinale na gagamitin ng
tropa. sa dati nyang post ay ang
opinyon nya ay lagyan ng share ang
manok upang hindi na nya suliranin
ang pamusta nya o share sa entry.
ngayon kung 2 manok nya andun tapos
isa lang ang magiging share nya (sa cash
na 5K) baka ang dama nya ay napakabigat
ng kanyang parte. ito lamang mga kabahag
ay aking sapantaha sapagkat hindi pa
lumulutang si preng grandeur.

iprinisinta ko na ang kahit aling manok
ko kay ka grandeur kapalit ng kanyang
talangas na kursunada ni ka raul na
pang araneta subalit wala pa syang
tugon. ipapagamit nya sa tropa ang kanyang
manok kapalit ng manok ko na gagamitin
nya sa local derby. siguro naman ay kaya
na ng tinale namin ang laban sa local
derby, yun ay kung kursunada nya . . .

sa mga andyan sa mindoro, dayuhi na
si grandeur at kapulungi. baka naman
kulang laang sa himas yaan. kung ako
laang ay may pamasahe (kunat noh!)
ay ako ang uuwi at kakapulungin ko
yaang si preng grandeur, mabait naman
yaan. baka kulang nga laang sa paliwanag.

sa mga may manok pa dyaan, dalhi na
sa sabado, december 10, para sa ikalawang
round ng seleksyon.

mga utol: chuck, jojo, at goryo; bawasi na
ang dolyar at magpadala na dine ng
magagaling na tinale.

:rbounce:

chuckeee2
December 5th, 2005, 11:16 AM
aba'y pipiliin pa ba ni tol Grandeur ang mapalaban sa local derby e mas maigi dine sa CF at mga bigatin ang kalahok at dine mate testing ng husto ang palahi ng Sandugo. Ako nga'y gusto kong makatapat e yoong de kalidad na para sa ganoon e alam ko na kaagad kung ano ang aking pararamihin kung sakaling manalo.

tol Grandeur, isip isip ere na ang testing grounds ng mangyan warriors :D nakasalalay na sa iyo ang pangalan ng Sanduguan sa larangan ng sabong at ere'y para sa ating mga missions and visions sa tribu ng ating mga ninuno diyan sa Oriental.

chuckeee2
December 5th, 2005, 11:20 AM
mga kabahag,

kung ano man ang dulo'y tuloy ere ang ating paglahok sa CF. Dine tayo mag uumpisa mga kabahag wag na nating paalpasan ere't ala nang mangyayari sa ating mga panaginip na makatulong sa mga mangyan.

goryo888
December 5th, 2005, 11:33 AM
Ano ga? ako'y nagatanong sa inyo...Basta linawi laang ng husto at ng magkaige....;)

Kung ganon naman pala ay maaari na nga siguro na pagamit sa tropa yoong manok na yoon....pero kung ganang sa akin ay hayaan na laang natin ang desisyon ni Ka GrandeurO...dahil baka talagang ang magbibigay sa atin ng Korona ay yuong buong pusong ipapagamit talaga.....alam nyo naman ang Sabong kung minsan kun alin pa yung inaasahan ng husto ay sya pa yung maghihila pababa....
May mga darating pa naman na nokis yung kay Ka Chuck....
Baka yung manok na yoon ang kapanaluhan ni Ka GrandeurO sa Derby na natanguan nya kaya hayaan na laang natin.....;)

DingDong
December 5th, 2005, 11:54 AM
ala ei sige, antayin na laang natin
dine ang desisyon ni ka grandeur.

wala pa eh, baka walang maupuan
na computer doon sa kamangyanan
na may internet kaya wala pa dine
si preng sherwin.

ka alimbuyog, gisingi muna si ka
grandeur at baka tulog pa.


:rbounce:

chuckeee2
December 5th, 2005, 12:09 PM
'langya! ang lagay ga nire e manok ang makakapag pigil sa ating itinataguyod na samahan! Kung ayaw ipagamit e humanap ng iba kahit na ere'y mababa at kagandahan nire'y kahirap nireng patamaan :D

goryo888
December 5th, 2005, 12:13 PM
Hinde naman sa ganon Ka Chuck...ayos naman na ang lahat....magpapadala ako ng tungaw malamang di yun tatamaan...halos di nga makita eh...kumakati lang pag namamayag...pag:lol:

Basta lahat ng mapipili ay mananalo yun kaya tsampyon ang mga Mangyan...kahit pa manok kaldero ay mananalo rin basta ukol bubukol....:confused:

Sige at ako'y matutulog na muna at bukas ay may 1 araw pang trabaho....di bale Byernes para sa akin ang Lunes dine....

chuckeee2
December 5th, 2005, 12:28 PM
siya at ako'y matutulog na rin. Bukas na laang ulit at baka umahon na rin si tol Grandeur at kung ano ang kanyang daing.

yaan ba e bago pa laang ang tryout e nakakompromiso na o pagka tryout saka pa laang nakompromiso!

alimbuyog
December 5th, 2005, 12:46 PM
ka goryo, tama ka dyan, wag na nating pilitin, meron pa namang iintayin na manok ni ka chuck, saka andyan naman si ka joey, alam naman natin na laging may pang-sagot yaan sa ating problema . . . . .

kayang-kaya natin yan!

alimbuyog
December 5th, 2005, 12:46 PM
ka goryo, tama ka dyan, wag na nating pilitin, meron pa namang iintayin na manok ni ka chuck, saka andyan naman si ka joey, alam naman natin na laging may pang-sagot yaan sa ating problema . . . . .

kayang-kaya natin yan!

DingDong
December 5th, 2005, 12:55 PM
ka alimbuyog, doble doble ang post
mo ah, parang gigil na gigil pumalo.

dapat ganyan ang manok natin
para doble dobledin ang sugat
ng kalaban ei di patay agad sila,
kareo . . . isa . . dalawa panalo tayo, he he he


:rbounce:

chuckeee2
December 5th, 2005, 12:59 PM
siya kung ganoon e pag usapan naman natin sa ngaun e ang ating mga shares. saan ba ere ibabagsak? kailan ang deadline? mas maaga nating pinag uusapan ere'y mas mainam. ere'y pinag igihan na natin at wag tayong aatras dine kung hindi'y mahina ang ating haligi.

alimbuyog
December 5th, 2005, 12:59 PM
ei baken nga nag-doble, a-isang pindot naman eh . . . . . :D

di ko pa nate-text si ka grandeur, intay na laang natin na mag-post siya dito . . . .

chuckeee2
December 5th, 2005, 01:04 PM
.. pagdating na pagdating ko riyan sa pinas sa a-kuatro'y pa Puerto na ako't kinabukasa'y pa Victoria bitbit ang sasabungin at balik na ulit sa Maynila mga ilang araw at pa Puerto na ulit.

alimbuyog
December 5th, 2005, 01:04 PM
tama ka dyan ka chuck, wala ng atrasan are kahit na agrabyado mga mangyan . . . . . :sprcool:

darating din naman ang araw na lalalim din ang ating mga pagpipilian . . . .

pag-usapan na nga yan kung sinong aareng tresurero sa atin . . . . .

alimbuyog
December 5th, 2005, 01:08 PM
ay nakow, ka chuck, di ko makikita pagdalaw mo sa san gelacio, ei hwebes ka pala pupunta dun, may pasok ako, sayang . . . . :(

chuckeee2
December 5th, 2005, 01:14 PM
tama! sa ganoon e napag aaralan nating mabuti ang mga kalidad ng ating masasagupa sa mga darating na taon. Ere'y hindi naman na para mag champion tayo kundi magkaroon ng malaking experience sa larangan ng sabong at maitatag na rin ang bandilang Sandugo. Alam kong mabibigat ang mga manok dine at yaan ang ating dapat alamin ang kanilang mga pagkilos.

kaya't mga kabahag, tuloy na ere at tayo'y ipagpalagay na talo na dine, ngunit ang hindi mapapantayan e ang experience na ating matatamo sa larangan ng pagmamanok.