PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 5 6 [7] 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

chuckeee2
December 5th, 2005, 01:17 PM
...wag kayong mag alala at ako'y hindi liliban ng hindi kayo masilayan.

joey bravo
December 5th, 2005, 01:39 PM
ang pag pipilian sa araneta ay 6 manok.

1 joey bravo
2 dingdong
1 grandeur
2 chuckee

yung share na noks ko, kasamang DD at grandeur ay nasa poder ni ka raul bilang handler.

yung noks ni chuckee ay ihahabol sa unang lingo ng enero.

ang final line-up ay pipiliin 9 days before the fight na ang pipili ay si ka raul.

Kung ano ang mahusay pumalo at sa loobin ni ka raul ay pasado sa kanya ay yung ang dadalhin dito sa Manila para ilaban sa araneta.



:)

chuckeee2
December 5th, 2005, 01:49 PM
okidoki approved!

blackjack
December 5th, 2005, 02:26 PM
mga kabahag sori d ako makapost at sira ung unit k...ngayon lang ako nkapasok uli d2 s internet cafe at pinapagawa k ung computer k.

maganda at maayos ung mga manok n grandeur 2 white legs at 1 mayahin...pinapaiwan nya naman kahit saan dun s dala nya kaya lang isa lang daw at may kumpromiso sya salihang derby. ang napili namin ay ung mayahin pero ok rin ung 2 white legs n magkapatid...pareho magaling. ayaw lang ipagamit ng may-ari... mahirap n pilitin.

kaya d n rin ako nagdala ng manok kc d k rin mapagamit s tropa at nkakumpromiso na... wala n akong magulang n manok at mga stags lang ang natira s akin.....

napakaganda ng lugar ni raul...nakaisip 2loy ako magdala ng manok dun para pagulangin....mailayo n rin s nagpapandaw at gumulang s tamang edad.

antay n lang kami s manok n ka chuck para makumpleto ang selection ng mangyan.....

DingDong
December 5th, 2005, 05:25 PM
ka chuck, wag namang ipagpalagay na
talo na tayo dine aba'y tig isang tare
din naman ire eh at pagkatalas ng
tare ni ka raul . . . ang siste wag laang
aasa ng masyadong mataas . . . at ng
hindi masakit ang bagsak.

kung ang kapalaran ay nasa atin aba'y
makokopo natin ang tagumpay di ga?

hala, sige ihinite na iyang mga sundalong
yaan at ng mailarga na sa araneta yaan.

SULONG SANDUGO . . .

teka hahanapin ko ang larawan ng
manok ko nung sila'y bata pa laang.
bata pa ga iyang kuhang iyan, hi hi hi


:rbounce:

DingDong
December 5th, 2005, 06:00 PM
kabagal talaga ng internet connection ko
kainip eh.

are na oh . . . .


http://i25.photobucket.com/albums/c64/dingdong0910/Grey.jpg

lemon-grey - are yata ang kursunada ni
ka raul, 2.150 ng ibitaw sa seleksyon


http://i25.photobucket.com/albums/c64/dingdong0910/Red.jpg

lemon lemonan naman ire - mababa daw
ito, 2.100 ang hataw sa timbangan


mga kuha iyan mahigit isang taon na
ang nakalipas, ewan ko laang kung
gwapo pa din ngay-on matapos
dumanas ng ilang bagyo at tag-ulan
doon sa atin.

pwede na gang pagtyagaan iyang
mga iyan . . .

DingDong
December 5th, 2005, 06:38 PM
nakupo tulog ang mga mangyan
kahirap ga nireng mag isa laang
ako, kausap ko ang sarile ko eh
baka mapag kamalang may tama
ako nito . . .

hala, dikiti na dine ang mga pektyur
na aktwal na kuha noong nakaraang
sabado . . .

para makita kung may nabago ba???

saka iyong pektyur ng iba pang
sundalo . . .

:rbounce:

goryo888
December 5th, 2005, 09:43 PM
Ayos yaan....pareho tayo ng paniniwala ka DD...pag Ukol sa atin eh atin yaang Korona na yaan........

gaganda naman....ok yan Ka DD.;)

chuckeee2
December 5th, 2005, 10:39 PM
utol DingDong,

aba'y larga na yaan dal'wang yaan. Mukhang sabik na ang mga yaan sa laban e ! pasok na ga yaang dal'wang yaan ?

sonny dela cruz
December 5th, 2005, 11:28 PM
Musta na po mga kabahag.Sensya na po at ako ay matagal na nawala, naaksidente po ako at naoperahan sa tuhod habang naglalaro ng basketball isang buwan nakaraan at naulit ulit ng huwebes at naobliga na akong paoperahan nung biyernes.

Medyo me kalakihan ho ang nagastos at matatagalan bago ako makapsok sa trabaho kaya ako po ay humihingi ng paumanhin kung hindi muna ako makasama sa mga darating nating pagtulong tulong sa mga entry na sasalihan.

Nasa itaas po kasi ng bahay namin itong computer at ako ay nasa basement at mag-isa lang ako sa araw dito sa bahay kaya hindi na kagaya ng dati na laging naka log-on.

Muli po ang aking paghingi ng paumanhin sa pansamantala ko munang hindi pag pledge ng suportang financial sa mga darating na entry nalalahukan ng grupo.Good luck na lang po sa mga sasalihang entry ng Sandugo,ako po ay nakaantabay pa rin at nanalangin na maging matagumpay ang grupo sa lahat ng proyektong isasagawa.

jojo60
December 5th, 2005, 11:28 PM
magandang umaga sa inyong lahat!!!

ka DD: wala akong kakabakaba na iyang 2 mong sundalo ay siguradong mamamayagpag sa ARANETA. sa itsura lang nila eh hindi na tayo madedehado.. kung magkano ang deperensiya ay larga...

ka CHUCKEE: tuloy na tuloy na ware ang pag-uwi mo.siguradong hindi ka na makapag antay para makita mo na ang iyong mga sundalo.kelan ba ga ang uwi mo?

ka GORIO: tayong dalawa lang pala ang matitira dine. cya ikaw na ang bahala kumuha ng resulta sa kanila pagdating ng torneo.

ka BLACKJACK: may pm ako sa iyo.. ingat lang kayo jan.:)

jojo60
December 5th, 2005, 11:32 PM
ka SONNY: 'wag kang mag alala at sigurado akong naiintindihan ka ng ating mga kapatid.. ang mahalaga ay ok ka at magpagaling ka kaagad para sa nalalapit na mga holiday. ingats ka lang bro. at merry x'mas sa inyong lahat.:rbounce:

goryo888
December 6th, 2005, 06:45 AM
Ka Sonny...ok lang yan ang hindi ok ay ang naaksidente ka....pagaling ka agad Tol!!!

Ka Jojo...walang problema...basta ako'y magmomonitor sa laban ng mga sundalong mangyan....gandang hapon sayo!!

Gandang umaga sa inyo dyan....giseng giseng at tayo'y magkwentuhan dine...;)

Ka Sonny muli ay hangad namin ang madalian mong paggaling.....

hanae mori
December 6th, 2005, 06:54 AM
psssttt pareng goryo may pm ako sa yo......

jojo60
December 6th, 2005, 06:57 AM
ka gorio:mukhang tapos na ang araw mo sa trabaho.ako'y off ng sun day and monday.eto nag lolaundry para hindi na abala sa pagpasok...ano tingin mo doon sa TJTACADEMY? mukhang maganda iyong project na iyon sa mga cockers na gusto magbreeding jan sa atin.sana may maipadala tayong representative para naman lumawak ang ating karunungan sa pagmamanok. :)

goryo888
December 6th, 2005, 07:22 AM
Tama ka...maganda yun...ako man ay nag iisip din na kung sino pwede kong ipadala doon para mag aral...pero gagawin ko yun kapag talagang nakapagpundar na ako ng manukan ko, at nandito pa rin ako... o kaya ay ako mismo ang mag aaral kapag nandoon na ako.........kaya di ako makahakbang ng ayos sa pagmamanok kasi wala akong mapapapag iwanan na nakakaintindi talaga sa pag aalaga ng mga panabong....madami kasing aspeto na dapat talagang pag aralan...lalo pa sa breeding at conditioning...pointing etc....

chuckeee2
December 6th, 2005, 07:29 AM
utol Sonny,

ok laang yaan! basta't pagaling ka at kailangan e nakakalakad pa sabungan. Marami pa namang pagkakataon at tayo'y nag uumpisa pa laang.

utol Jojo,

sa Enero 4 ang aking landoy sa Pinas. Kung matuloy ang Sanduguan sa Araneta'y baka ako't si 'tol Goryo ang mag monitor ng mga laban....complete coverage kung hindi aantukin :D

yoong talisayin ni 'tol DingDong ang mukhang nananabik na sa laban.

jojo60
December 6th, 2005, 07:30 AM
ang sa akin naman ay wala akong problema sa conditioning at pointing, ang gusto ko lang naman malaman ay ung proper medicines na ibi2gay lalo na ang mga sisiw kc iyan ang pinaka importanteng stage ng manok kung paano mo cla pinalaki. i beleivedna kapag ang surroundings nila ay malinis at ang pagkain at tubig ay properly taken care off ay malayo cla sa sakit.

jojo60
December 6th, 2005, 07:33 AM
good pm sa iyo ka CHUCK!!! talagang ligtas ka sa pasko at bagong taon ha>>>:lol: :lol:

Manokiz
December 6th, 2005, 07:53 AM
gudevning po,,, kabahag,,,

sonny,,,
get well soon,,, :)

dingdong,,,
wawa-waw! ganda nung nokiz,,, :D

chuckeee2
December 6th, 2005, 07:59 AM
'tol JoJo,

:lol: ... ang problema'y yoong mga sasalubong e kinansel ang pasko't bagong taon at sa Enero na raw nila i seselebreyt...:lol:

goryo888
December 6th, 2005, 08:22 AM
Ako naman ay halos ayos din pagdating sa ganyan ka Jojo....noon nandyan pa ako sa atin ay ako lahat ang nag aasikaso ng manok di ko pinapahawak sa iba....kaya alam kong maselan at sa maling mga hakbang ay mawawalan ka...

Kaya sa maka Bagong taon umuuwi yaan ay nananaGuan...nyahahaha....:D

chuckeee2
December 6th, 2005, 08:44 AM
mga kabahag,

ere ba yoong kaibigan ni Doc Teddy Tanchangco ! .. si Buhawi !


berdmata and Rooster Man are one and the same person. Rooster Man was banned in Sept. 25, 2005, then berdmata registered in October 7, 2005.

Sentenciador is convinced that berdmata and Rooster Man are only one person. Rooster Man is not Tom Borja whose handle name is roosterman.

Rooster Man and berdmata uses the handle name sabong years ago in the Pitmaster.com. His real name is Edwin Estabillo. This guy had quarrels with a lot of pitmaster.com posters before. He was supposed to be based in Switzerland at that time.

Edwin Estabillo is sick and has a record of using several handle names. He would start a thread with a handle then posts answers to his thread using his other handle names.

Other than berdmata , Estabillo is currently using another handle name buhawi which maintains kinder and milder postings. He also uses mobs ster who agrees with berdmata's postings and supposedly Marabella whom berdmata is supposed to be quarelling with.
Estabillo is one who Sentenciador calls an internet addict who should seek psychiatric treatment. He could also be suffering from schizophrenia

goryo888
December 6th, 2005, 09:04 AM
Ganon baga Ka Chuck?? aba ay mukhang mabigat yan ah....pero maayos naman ang mga postings ng nasasaad dyaan ah....di ko alam yan...mukahang maraming alam sa pagmamanok yang si IWAHUB...at ang gaganda ng mga nokis na nasa gallery nyan ah...san naman ay hindi...kaka awa naman...

chuckeee2
December 6th, 2005, 09:58 AM
mga kabahag,

ere at sumagot si berdmata,


Mr.Lando Luzong,

Since I could not get in to your website, supposedly to pm you, and I've read your identification of me as Edward Estabillo, I think it's about time that we meet in person.

I'd bring along my driver's license, bearing my real name.

Here's my celfon no. 09164485499.

You decide where we are we going to meet. Much better if you bring along sentenciador.

If someone else had messed up with my handle name, only the technical people should know more about it. I know nothing about this stuff.

I don't wan't to point an accusing finger to anyone, the way you guys are now doing. You have to straighten out your facts.

You have to clear my name and issue a public apology afterwards.

I'd be waiting for your call tomorrow. I'm here in manila right now, and my celfon is at home. You can tex me anytime tomorrow.

Thanks.

p.s. I wrote this here because I know they'd sent this to lando .

MGA KABAHAG,
ANO GA ANG NANGYAYARI DINE? ANO GA ANG PINAGMULAN NIRE ?

goryo888
December 6th, 2005, 10:10 AM
Hindi ko rin alam...parang onsehan or something...but not sure...parang hidwaan sa kabilang site...ano man ang puno't dulo nyan eh...bahala na sila la naman tayong mahihita dyan...

goryo888
December 6th, 2005, 10:21 AM
Wala pa ga yung ibang litrato ng mga sundalo natin??

DingDong
December 6th, 2005, 10:27 AM
tama ka ka goryo . . .

preng chuck hamo na lang sila . . .

suliranin nila yaan . . .

basta tayo ei ayos dine ang pulong
para ating samahan . . .


ayos baga ang ating sundalo
papuntang araneta, harinawa'y
kasiyahan tayo sa ating mithiin.

chuckeee2
December 6th, 2005, 10:34 AM
tama intindihin na laang natin yoong mga lalandasin natin sa mga darating na taon. Hoy! hindi ako tsimoso ha! :D

Siya, yoong ating shares e dapat yaan ay pinag uusapan na at baka kapag nariyan ang petsa ng laban e kapos kapos yaan. Kailangan e areglado na para ala ng problema. Kailan ga ang deadline?

goryo888
December 6th, 2005, 10:57 AM
Jan. 9 dapat ay likom na ang pera...yan ay petsa ng huling bitaw ng manok....ano ayos ga?

chuckeee2
December 6th, 2005, 11:01 AM
ok yaan mga kabahag,

sa Jan 9, pero sino ga ang lilikom? Aba'y nararapat laang na meroong hahawak !

chuckeee2
December 6th, 2005, 11:04 AM
... at repeti natin ang ating mga shares......

Ako'y 1 share = ph 5,000

jojo60
December 6th, 2005, 11:35 AM
si ako 1 share= 5k pesos:crazy:

goryo888
December 6th, 2005, 11:41 AM
1.5 daw ako....sige na nga....

jojo60
December 6th, 2005, 11:44 AM
nalalaman kung sino ang maraming nasubi:p nakakatawa at meron na ring la loma thread:)

joey bravo
December 6th, 2005, 11:51 AM
1 share din si ako!:)

chuckeee2
December 6th, 2005, 12:07 PM
UPDATES!

1. Joey Bravo 1 share= ph5,000
2. Goryo 1.5 share= ph7,500
3. chuck 1 share= ph5,000
4. jojo 1 share= ph5,000

total : ph 22,500

Knock ! knock ! mga Sandugo ! pwera dukot sa bag ni esmi ha! kailangan e i finalize na ere't para naman e ala ng kakabakaba :D Tignan natin ang ating lakas bilang Sanduguan.

DingDong
December 6th, 2005, 01:17 PM
aba ei salihi naman ako dyaan.

ako'y isang share din . . .

ipangungutang ko na laang ang
dagdag ko na pamusta sa manok
bwahahahahahahaha . . .

oi kayo namang naandyaan at dolyar
ang kita at saka iyong meron mga ipon,
ei dagdagi ireng shares nyo
at baka kulanging tayo nyaan . . .


:rbounce:

DingDong
December 6th, 2005, 01:39 PM
teka laang, sino nga ga ang titipon
ng mga shares?

ei wala pang naako eh.

pagbotohan na ire at ng malikom
na yaan . . .

:rbounce:

teodychongco
December 6th, 2005, 01:48 PM
sali din ako basta sabihin lang kung kelan ipapadala yong pera @ yopng address sori mga kabahag di ako gaano makasilip dine lagi busy sa trabaho nagsisipsip para makauwi ngayon buwan. saka naghahanda rin kami para sa derby d2 sa riyadh ngayong friday sana swertehin para madadagan yon subi ke esmi. kung aabot pwede nyo testingin yong manok ko na darating galing ki otek geroso daw yon sa negros.
salamat mga kasandugo!
kilala ko na si ka sherwin!
teody ng jeddah

joey bravo
December 6th, 2005, 01:53 PM
Akin sanang ipriprisinta si ka DD na maglikom ng pera.

Sana ay tangapin nya ang resposibilidad na ito.



:)

chuckeee2
December 6th, 2005, 02:42 PM
utol Teody,

ilan ga ang iyong share ?

'tol DingDong,

ikaw na ang mamahala sa pondo para sa CF. At i pm mo na laang ang iyong address sa mga Sandugo para sa ganoon e ayos ang door to door.

UPDATES:

1. ka Joey ........... ph5,000
2. ka JoJo ............ ph5,000
3. ka Chuck ......... ph5,000
4. ka Goryo ......... ph7,500
5. ka DingDong .... ph5,000

total ph 27,500

teka't si ka Teody e ala pa kung ilang share! :D Mukhang matatag ang samahang Sandugo ha!

chuckeee2
December 6th, 2005, 02:47 PM
'tol DingDong,

pati pala ang iyong phone number e kailangan ng delivery agent.... home address at phone number.

tayo na sa Araneta mga kabahag!

joey bravo
December 6th, 2005, 02:48 PM
mga kabahag,

may taga Victoria na nag post sa CF membership thread na ang handle ay SA PULA SA PUTI.

aba eh kung may nakakakilala ay imbitahin na yan sa tribu.

pwede daw i finance mga noks nya.:)

chuckeee2
December 6th, 2005, 03:15 PM
utol Joey,

naparoon ako at nabasa ko yoong dal'wang post niya at mukhang puro ere at hindi pa nai ko kross :D ok naman ang kanyang padale at ikinukusa ang kanyang mga manok pero kailangan ere'y pag usapan muna ng tropa kung ano ang dulot dulo. Kung ako naman ang tatanungin e, ituloy na muna ereng ating Araneta at sa mga susunod na lahok ng Sandugo sa mga derby saka pag usapan ang tungkol sa financing. Sa kasalukuyan e boluntaryo na laang muna tayo sa manok :D hangga't ala pa tayong mga dapat na laws.

joey bravo
December 6th, 2005, 03:18 PM
sige tutok mangyan muna tayo sa mga sundalo nating mga pang araneta.

:D

teodychongco
December 6th, 2005, 03:38 PM
isang share lang ho ang akin andyan ako ng dec22 to jan18! pwede kau pumasayal sa munti kong kobol sa dolores quezon
mukhang gumaganda ang samahan ng mga mangyan ok yan para pagdating ng panahon pwede na sa bigtime!
ingat mga kasandugo at ako'y magsisipsip muna.
teody ng jeddah

chuckeee2
December 6th, 2005, 04:05 PM
utol Teody,

maraming salamat igan sa iyong pledge at yaan e malaking tulong sa pagtataguyod ng framework ng Sanduguan. Tayo pala e magpapangita sa parteng Enero :D

utol DingDong,

pakiware ko'y napapanahon na hangga't maaga na i pm na ang iyong address at phone number para sa door to door para naman roon sa bibihirang pumasyal dine'y hindi kapusin sa panahon, ano ga ang iyong pakiware ? oras na ga!

LATEST:

1. ka Joey...........ph 5,000
2. ka Jojo ...........ph 5,000
3. ka Chuck ........ph 5,000
4, ka Goryo ........ph 7,500
5. ka DingDong ..ph 5,000
6. ka Teody ........ph 5,000

total ph 32,500

DingDong
December 6th, 2005, 06:13 PM
ka teody, talaga bagang bising bisi,
ei magaling iyan at ng makaipon
ng madami dami pag uwi kay esmi.

sige pag ikaw ay andito na ei
magpapangita din tayo.

salamat sa iyong pleds na share
para sa ating panimulang gawain.

ka joey, baken naman ako'y
naitulak mo dine sa paglilikom ng
ating pananalapi.

sinundan pa ni utol chuck. ei mahirap
at maselan ang paghawak ng yaman
ng isang samahan. kailangan dine'y
lubos na pagtitiwala ng bawat kasapi
ng ating samahan.

wala gang tututol dine sa mungkahing
ako ang pansamantagal este . . .
pansamantalang hahawak ng pananalapi
ng tropa. kung maaari lamang ay tumayo
at ipadama ang pagtutol.

iintayin natin ang batok ng ibang
mangyan bago ko tanggapin ang
mabigat na responsibilidad sa
pangangalap ng ating pananalapi.


parang ang sarap pakinggan nire:

isa . . . dalawa . . . panalo ang mangyan . . .

wala daw namang bayad ang mangarap
di ga ? ? ?


:rbounce:

sonny dela cruz
December 6th, 2005, 10:36 PM
Ka Jojo,Ka goryo maraming salamat sa suporta,advice ng doctor na pwedew ko na unlock yung brace ko para ma bend ng konti tuhod.

Pre manokis maraming thank you nagsend ako sa yahoo messgr mo hoping nakuha mo.

Ka ganda naman ka dingdong ng iyong mga manokis panapat talaga sa mga bigtime,talagang tunay na mandirigma ang dating,nakita ko na rin ang picture ng ilang kabahag tama nga sabi ni utol kagagandang lalake eh.Halungkat po muna ang inyong lingkod ng litrato para mai-post

Talagang handang handa na ang grupo pati pala coverage okey na.Musta po sa lahat at ingat po tayo lagi.Good Luck and God Bless.

goryo888
December 6th, 2005, 11:08 PM
Tol Sonny...mabuti naman at umaayos ang lagay mo na...sana mabilisan na ang paggaling mo....ingat ka lagi tol...at naku yang Basketball na yan talaga ay ang daming nadidisgrasya....pero masaya.....;)
Kaya ang laro ko ay halos indoor games......ang pinaka gusto ko eh yung Bedroom game...nyahahaha....:lol:

Ka DD sige hawakan mo na yang ating kayamanan...kami'y nagtitiwala sayo...hindi ka naman itutulak ni ka Joey kung may masama kang reputasyon, at walang puwang sa ating SAMAHAN ang MANLOLOKO.....may tiwala ang lahat ng Kabahag mo sayo....

Ka Teody...hindi mo pala aabutin ang CF??...sayang naman...pa extend ka ng bakasyon mo... o kaya idelay mo ang bakasyon mo, para mahagip ang CF derby....

jojo60
December 6th, 2005, 11:49 PM
aba ay talagang naapaw na ang pera d2 sa samahan natin.:) ka sonny walang anuman iyon at sana ay tuluyan na ang iyong recovery.

ka teody: musta kn 'tol.salamat sa pagsali sa ating nalalapit na torneo sa ARANETA.ingat lang jan sa kabilang mundo.

ka DD; ako man ay sang ayon sa pagpili sa iyo sa pagiging ingat yaman ng ating samahan.cya ipaskel mo na ang iyong address at phone # para makalipon na ng pera.

sa lahat ng mga mangyan, la ng atrasan ire at palusong na tayo sa CUBAO, ARANETA COLISEUM.

PAKI paskel naman ng mga pixs ng sundalo na lalahok at pati na rin iyong mga bitaw nila at ang mhalaga ay iyong mga litrato ninyo.. GOD BLESS TO YOU ALL!!!

sonny dela cruz
December 6th, 2005, 11:51 PM
Tama ka Kabahag mas safe yun pero problema mahirap gumala nung panahon na yun kasi nag umpisa na bumigat yung yelo sa itaas kaya binagsak na lahat,wala ka ring makita na pagala gala na dumalaga gawa ng makapal na yelo he he he.Kainip mag isa lang sa bahay,lalo na pag maisip mo na matagal ka mababakante at maapektuhan ang 2nd job mo na kung saan pang extra income lalo na sa kagaya kong ang main job ay nakalaan sa pamilya diyan sa atin na sapat lang.

Sana naman makumbinse na ng grupo na si ka dingdong na ang mamahala at siya talaga ang napupusuan mula pa ng umpisa at rekomendado ni ka Joey

Sana bukas na ang pag umpisa ng laban ng Sandugo para mapanood na lumaban ang mandirigma ng grupo SANDUGO.

goryo888
December 6th, 2005, 11:58 PM
Pirmis laang kayo dyaan na tulad kong di rin makakasaksi ng Laban...pero blow by blow ay live na iuulat sa atin ng ating kabahag na si Ka Chuck ang kaganapan.......ako ay magmomonitor text, tawag kung pwedeng makipaghiyawan ay gagawin na rin para updated tayong lahat dine....tingnan ko muna kung wala baga akong trabaho sa mga araw na yon....sa Enero ay 3 araw na ang off ko eh...sana matapat sa walang pasok.....;)

goryo888
December 7th, 2005, 01:40 AM
Ka Chuck...tangap ko txt mo...;) reding redi na talaga....

chuckeee2
December 7th, 2005, 01:43 AM
ISA ! DAL'WA ! .... PANALO NA NAMAN ANG MANGYAN !

mga kabahag,

talagang ala na ereng atrasan dahil ang ating bitbit dine pa Araneta'y bandila na ng Oriental Mindoro :D

chuckeee2
December 7th, 2005, 01:46 AM
.... AYOS !!!!

goryo888
December 7th, 2005, 02:25 AM
Ka Chuck...last fyt na ba?

Resulta po sa katatapos na CF Global....
WWWWW...tsampyon na nga.....;) :D

chuckeee2
December 7th, 2005, 02:31 AM
ISA ! DAL'WA ! ABA'Y NAKAKA-APAT NA ANG MGA MANGYAN !

Yoong pang limang laban e nasa atin na yaan kung WIN, kapag kumpleto na ang ating pamusta :D

Sa ngaun e ang total e ph 32,500 na.... yaan e 4 wins na ! :D

goryo888
December 7th, 2005, 11:39 AM
Masalimuot pala yung itinatanong mo dati Ka Chuck....whewwww medyo nabasa ko ng pahapyaw grabeeee....pero hwag na nating pagusapan yun bisnes na nila yun....mukhang kung magkakaharap ey magPUPUTUKAN eh....tskk tskkk...

Sya at maganda at nagkakalinaw na ng husto ereng ating lakad pa ARANETA.....
sino pa ga ang hinde nagrerepete??

Naku sa atin pala'y baha na naman ang Bucayao daw ay hinde madaanan dahil lubog...pati yata munisipyo ng Calapan ay inabot din ng Baha....sana yung aking ikinahon ay hindi inabot ng baha sa Calapan....hindi pa nakukuha sa LBC eh....:confused: :(

joey bravo
December 7th, 2005, 03:48 PM
http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/ManokPogi.jpg

yung 2nd and 3rd na nasa picture ay ang mga nokis na pwedeng pag pilian ng grupo na share ko sa araneta.

yung 2nd sa baba ay Cf stag winner 2004 at yung 3rd ay 7 cock roligon winner against showtime nevada of tos reyes.

bahala na kayong pumili kung alin dyan ang para sa sandugo:)

pinadala ko na ito sa MIndoro nuong selection day, ang may dala ay ang aking handler na si Dan.

joey bravo
December 7th, 2005, 03:55 PM
mga kabahag,

bilang CF Treasurer ay binayaran ko na sa araneta yung P 100K reseration deposit kanina.

tuloy na tuloy na itong laban natin dito.

ang derby name ay:

Cyberfriends 1M 5 cock Charity Global Derby on January 24 and 26, 2005

Breakdown ng 1 Million prize:

200K ----- day champion prize for 2 points in the elims.

150K ----- any four points

100K ------ handler

50K ------- gaffer

500K ------- CHAMPION
------------------------------------

1,000,000 TOTAL

pwedeng dirediretso panonood nyo ng sabong pala kasi ang World Slasher naman ay Jan. 17 to 21, 2005.

basta ba magpaalam lang ng ayos kay misis. hehehe

FYI:)

joey bravo
December 7th, 2005, 04:02 PM
http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/purpulehaze.jpg

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/broodcock.jpg

goryo888
December 7th, 2005, 04:40 PM
Ang gaganda nyan ka Joey.....gandang hapon sa inyo dyaan....


Magandang labanan ito....kumpleto naman na ang ating mga sundalo di baga? ;)

Ako'y nagising laang ng alangan kaya sumilip dine....

Ka GrandeurO ano gang balita dyaan sa baha?

joey bravo
December 7th, 2005, 04:43 PM
kumpleto na ka goryo.

may pinapahanda din ako na 3 noks dito in case magka aberya ang manok na galing sa kamangyanan sa araw ng laban.

pag ayos na line-up at wlang problema ay ilalaban ko sila sa elimination naman.:)

goryo888
December 7th, 2005, 04:49 PM
Sige Ka Joey....kaw na muna bahalang magpuno kung ano man ang kakulangan.....

Balik tulog muna ako....ala una dine ng madaling araw....;)

grandeur0
December 7th, 2005, 05:15 PM
bago ko umpisahan areng aking reply akoy nahingi ng paumanhin sa inyong lahat !!!! dahil bago tayo nag selection o nag bitaw ay yong 2 ko na manok yon ay naikomporpiso ko na sa kumpare ng tatay nasabi ko na meron akong 2 manok na pweding pustahan ika nga eh pandiin kasi napusta rin yon talaga pero naipangako ko na rin sa SG ang isa ganito ang nangyari dumating yong kausap ko 10 days bago ang bitaw natin dumayo sa bahay tiningnan nya ang lugar ko cnabi nya ang mga kulang sa munti kong manukan wala akong generator pag nag brown out kaya ipinag presenta nya ang kanyang generator kasi di daw naman nagagamit diesel engine mazda at 7.5 KVA ay sabi ko sa sarili ko ay napaka swerti ko kasi may magagamit na ako sa incubator pag nag brownout ,nagpa bili ako ng tanduay at emperador nag katay kmi ng reject bago nag inom ay nag bitaw kmi yong napili na 2 ni ka raul na gusto nya ipaiwan yon din ang gusto nya sabi ko kung alin ang matira na dalawa yon ang sa kanya gusto nga nya na yong isang mahina na lang ang mapunta sa ating SG DI NYO na raw malalaman di lang ako pumayag mas inuna ko munang makapili ang ating samahan ,ganon paman akoy hiyang hiya sa gropu sanay maunawaan nyo ako

grandeur0
December 7th, 2005, 05:15 PM
hayaan nyo pagbubutihin ko ang pag paparami ng mga lahing yon nasa akin pa ang mga materyales non nahihinayang nga ako at naibenta namin ng barkada ko ang mga kapatid yong hatch na yon ay 14 na magkakapatid naibenta namin ang 12 tapos tih isa kmi ng tira yong mga dalusapi marami yon 27 yata pumili ako ng 2 tapos dalawa rin sya yong tira naibenta na rin namin last year halos pare pareho ng laro yong mga dalusapi sa power na lang nag kakaiba,pag marami na walang problema alam ko naman na mas maganda talaga mag laban sa mnila mas may kinabukasan ang mga pagpapalahi ,,hanggang sa muli

grandeur0
December 7th, 2005, 05:29 PM
ang masasabi ko lang sa selection na naganap ay ang gaganda ng mga manok ni ka joey at magagaling pa ang ganda rin ng lugar di agad nagpuputik ang lupa kahit na laging naulan

1 share na ako pipilitin ko na at ang pang pusta ko ay si ka dingdong na ang bahala iiwanan ko na lang sa kanya

ka joey bka naman pwedi makalibre ng isang bayad sa gate yan naman ay kung maare laang para mapanood ng tiyo ko ang laban ng manok ko

grandeur0

DingDong
December 7th, 2005, 05:54 PM
ei ayan na sumulpot na si ka grandeur.

ayos na yun pre, ikaw naman ang dapat
mag desisyon dyaan, manok mo yan eh.
ang amin laang naman ei kung mapagbibigyan
mo. kelan ga ang laban nyaang mga iyan
at kahit wala akong balak umuwi ngayong
pasko eh makasaglit, baka magkakaroon
dyaan ei, makapusta kahit mamiso laang.

tayo naman ay magpapangita pa at tiyak
na iaabot mo sa akin ang iyong share at
pamusta, pwede gang pautang ng puhunan
ko, bwahahahahahaha . . .

oi ka grandeur, saguti naman ang text ko
alin gang numero ang gamit mo ngay-on?

wala naman yatang kokontra na ako ang
pansamantalang tagahawak ng pondo
ng tropa ei tatanggapin ko na ang responsibilidad.
kasihan nawa ako ng tropa at anito ng
pagmamanok.

iyong name and contact info ko ay na iPM
ko na kay tol chuck. iisa isahin ko na laang
kayo sa mga susunod na mga araw. sino sino
ga ang ipi PM ko? listahi naman dine. yoon
namang andine na ei abutan na laang siguro.


:rbounce:

DingDong
December 7th, 2005, 06:21 PM
huli man daw at magaling naihahabol din
bagamat huli pa rin.

ka sonny, ayos naman pala at unti unti
ka ng nakaka recover. bakit ga iyang
basketball na iyan ay laging nakakadisgrasya.
ako man noong high school at college ei
laro ko iyan ilang beses na ding napilayan
at nasoklo ei.

buti na laang at merong paboritong
basketball si ka goryo na hindi gaanong
nakakadislocate ng but-o. iyon gang
larong syut muna bago dribol, di ga
ka goryo. maalam din ako nyaan . . .
bwahahahahahaha . . .

hala mga kabahag, galingi ng paghahanda
at ng tayo'y mamayagpag sa araneta . . .

:rbounce:

DingDong
December 7th, 2005, 06:28 PM
ka joey,

iyan gang mga larawan na yaan ei
kabilang doon sa ibinitaw natin
sa multi?

ayos iyong mga iyon eh.

kahit alin dyaan are ikaw na ang pumili
ng ating sundalong pa araneta.

:rbounce:

arneld
December 7th, 2005, 07:20 PM
Mga Kasandugo na nasa Calapan Mindoro naway ayos kayo diyan at nasa mabuting kalagayan.

Sa hindi nakakaalam ang Calapan ay lubog sa ngayon dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Katatawag ko lang sa aking biyenan sa Bayanan II at abot ang baha sa kanila.

DingDong
December 7th, 2005, 07:35 PM
oo nga daw ka arneld,

si ka grandeur nga daw ay sinuwerte
laang na nakatawid kaya siya'y andine
ngay-on sa manila.

sa mga kabahag na andyan sa atin
sa mindoro, ibayong ingat po tayo.

teka nga pala ka arneld, kahiya hiaya man
ei ikaw ay aming inaanyayahan na
lumahok dine sa aming gawain. lalahok
tayo sa pa derby ng CF
sa araneta at kung papalarin ei
tutulong tayo sa ating mga kapatid
na mangyan. baka naman nais
mong umambag ng isang share.
are ga yaon (hiya :o )?


:rbounce:

DingDong
December 7th, 2005, 07:41 PM
tyatyagain ko na ire.

iisa na at pang 500 post ko na ire

ano ga ang meron pag nakatungtong
na sa gay-an ? ? ?

8:00 PM December 07, 2005

:rbounce:

DingDong
December 7th, 2005, 08:09 PM
gay-on pala iyon, kapapaliit
ko ng avatar ko eh lumabo na

bibilisan ko ng payagan akong
medyo malaki laki ang maidikit.

ala ako'y uuwi na wala uli
akong makausap dine.

arneld
December 7th, 2005, 09:08 PM
No problem!

Ka Dingdong paki PM mo na lang sa akin kung mag kano ang share, kung kailan ito at details ng padadalhan.:wink2:

goryo888
December 7th, 2005, 09:31 PM
Ka Arneld...aba ehsalamt sa iyong paglahok dine....ako man ay nagtatatawag din kahapon dyaan sa atin...sa Calapan at Naujan ay wala akong makontak na makapagbibigay ng malinaw na impormasyon tungkol sa Baha....
Ang nakausap ko laang ay ang tito ko at ang Balita ay pati yung may Guinobatan at yung C5 na dinadaanan papuntang pyer at madadaanan din ang bagong Kapitolyo ay baha din daw, sa Naujan ang Cabuyao ay lubog din sa tubig kaya di makadaan ang mga sasakyan papuntang Calapan at pabalik sa South, at ayon kay Ka Jojo 40+ barangays ang baha...:(

Sana maging maayos ang lahat...

Mabuti rin at nakaluwas agad kuya ko dinala lang yung Apatot ko sa tito...kung hindi malamang abot din ng baha...

goryo888
December 7th, 2005, 09:39 PM
Kung ali sa dlawa? Ka Joey sabi ni Ka DD kahit alin....ang sa akin yung nasa BABA magaan ang pakiramdam ko doon.....;)

Ano Mister Tresurero repitihe ang mga Shares.....parang dumadami eh...pakihalukay mo yung mga nauna at malalaman natin kung halos magkano na...may mga dumadagdag pa eh...;)

sonny dela cruz
December 7th, 2005, 10:19 PM
Musta na mga Kabahag,sensya na at ako ay kagigising laang at pinuyat ni Garci ei,at inantabayana ko ang balita sa pagbaha diyan sa calapan,kinabahan ako lalo ng hindi ko makontak utol kolalo na ata ppinakita yung taas ng tubig ,mabuti naman at naka text na ngayon lang na di raw gaano kataasan tubig sa Victoria pero sa Calapan daw ay may lugar na lampas tao tubig kaya di nila mailuwas mga bata na me ubo at sipon.Dineklara na ngadaw pona nasa state of calamity ang ating lugar.Naway okey lang po ang ating mga kababayan diyan at walang naaksidente.

Ka dingdong congrats at me avatar ka na,at salamat sa concern,siguro nga nood na lang muna PBA at NBA ang dapt ko asikasihun at silip dito sa ating thread ang gawin para mas safe he he he.

Ka joey kagagandanaman pala at mukhang mga tunay na mandirigma ang panapat ng grupo.Good luck po sa Sandugo entry .Ingat po tayo lagi and God Bless.

jojo60
December 8th, 2005, 01:12 AM
musta na kayong lahat KASANDUGO!!!

ARNELD; salamat sa pagpledge mo sa tropa.wak kang mag alala at 10x babalik sa iyo ang pledge mo...

KA JOEY: ke ganda naman ng itong mgasundalo.tiyak na mahihirapan cla kapag oras na ng torneo.

ka SONNY; magpagaling pa ng maigi para makapag ensayo ulit.

ka grandeurO: naiintindihan ka namin.:rbounce:

ka alimbuyog: i pm mo na lang sa akin ung address mo at phone# para malaman ko kung saan ipapadala ung aking parte.

sana ay maging mahusay ang inyong katayuan jan sa atin maski na nagkameron ng sakuna,ka BLACKJACK ok ba kayo jan.i pm mo ako kung ano man ang aking maitutulong.

goryo888
December 8th, 2005, 03:47 AM
KaJojo gandang umaga....kagabi 11 PM sa kanila...dito 7 AM...tumawag ako sa pinsan ko sa Naujan..dahil di ko makontak ang isa pang pinsan ko sa Clapan...ang balita eh ang tubig sa may Tawiran ay hanggang tuhod....wala akong matawagan sa atin sa naujan halos kasi ay Celfon...kaso walang kuryente...kaya siguro off lahat CP nila...
ang hahawak ng pera ay si Ka Dingdong......

Ka Sonny pagaling ka agad...

sonny dela cruz
December 8th, 2005, 06:04 AM
Maraming salamat mga kabahag Jojo at goryo.latest update ko mabagal daw pagbaba ng tubig lalo na sa parteng tawiran,yung mga alaga nga namin sa naujan buti na lang at nadala sa canaan bago tumaas ang tubig,nung nag text utol ko la parin daw kuryente ata sa naujan.Sana po ay bumaba na ang tubig ng hindi gaanong lumaki ang pinsala sa kabuhan at hindi maapektuhan mga kalusugan ng mga bata.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

goryo888
December 8th, 2005, 06:19 AM
Ang sobrang inaalala ko eh ang mga Palayan na hindi pa nakakapag ani...hayyyy grabeeee...sayang alam ko kung ano ang gastos sa pag papalayan dahil yan ay naging hanapbuhay ko rin....

Malamang wala pa rin ngang Kuryente sa amin sa Naujan, wala kasi akong matawagan..lahat patay ang CP....

Sana hinde lubog ang mismong bayan...dahil kung magkataon nasa may Simbahan tapat ang LBC eh hindi pa nakukuha yung padala kong kahon...eh ang daming masisira..... :(

chuckeee2
December 8th, 2005, 07:30 AM
MGA KABAHAG,

buti na laang at pumitada ang buhos ng snow dine't nabawasan ang ningas ng fireplace sa bahay at sobrang napaka init e!

yoong ating mga personal na breeding e pakabutihin at sa mga darating na taon e magkakaroon tayo ng mga personal fights at club fights na bitbit ang ngalang 'SANDUGUAN'

UTOL JOEY,

kagaganda pala ng iyong mga warriors talagang pasulong na yaan ha! Sana ako rin sa mga taong darating.

UTOL DINGDONG,

natanggap mo ga ang aking text message saiyo! ano ga sa tingin mo ang mainam? pm mo na laang sa akin.

ps: ang baha palang nangyari diyan sa mindoro'y, bumigay ang dike sa Naujan gawa ng napakalakas na ulan.

joey bravo
December 8th, 2005, 07:44 AM
mg kabahag,

katatawag ko lang sa Calapan, lubog sila sa tubig dahil nasira yung 3 dike. yung mag asawang tubig ay umapaw sa Calapan kasi nasira daw yung dike.

Ang bayan mismo ng Calapan ay lubog sa tubig at walang nakakalampas na sasakyan papuntang South mula duon sa Maria Estrella Clinic.

Malakas pa din daw ulan at apektado na ang mga 62 barangays sa Calapan.

Sa Victoria naman ay sobrang maulan din, at dahil dito ay namatay yung isang pang araneta ko na binutaw nuong selection. Sinipon at biglang nannginig daw kaya kinatay agad ni ka Raul kesa mahawa iba.

buti na lang daw at yung manok ko nadisgrasya kasi mahirap magpaliwanag pag ang namatay ay yung share ninyo na manok.

goryo888
December 8th, 2005, 09:33 AM
Ka Joey...ibig bagang sabihin ay ang may tubig laang ay ang Tawiran? Hangang sa tapat ng Maria Estrella o pati ang mismong Bayan? Pati baga hangang doon sa may Simbahan? Hayyy nakakapanlumo naman....Kaibigan ko pa naman yung mat ari ng Escalona Feeds Supply...tapos may pinsan ako sa Tawiran...halos likod ng Maria Estrlla Clinic..... :(

joey bravo
December 8th, 2005, 10:02 AM
sa bayan miismo ng calapan ay binaha ng tubig, yung commercial district pero passable pero after Maria Estrella Clinic unpassble na.

Sa masipit daw na lampas lang ng konte sa Maria Estrella ay hangang leeg tubig.:(

goryo888
December 8th, 2005, 11:00 AM
May malaking Bodega doon ng bigas ang Tito Larry ko
( Malapitan )...kawawa naman lubog....ang dami doong bodega sa Masipit ng mga kalakal....
Ibig sabihin Isolated ang South...hayyyy
:(

Ka Joey nabawasan pala ang sundalo mo....yun bang pinatay ay isa doon dapat sa isasama mo sa Sandugo?

joey bravo
December 8th, 2005, 11:04 AM
yung sa entry ng San Gelacio yung ka GORYO.

Ano ba maganda na entry name, pinapipilian ko mga ito eh.

San Gelacio
SG Mindoro

ano pa ba?

:rolleyes:

goryo888
December 8th, 2005, 11:07 AM
Buuin mo na kaya..para buo ang panalo...San Gelacio Mindoro

Tapos ang sa tropa ay kung uubra sa mga Mangyan ay

SamaSamaSANDUGO

deretso walang patlang...kumbaga ay kabit kabit walang iwanan...kaya matibay ang samahan....

joey bravo
December 8th, 2005, 11:10 AM
aba ayos nga ano!!!


sige San Gelacio Mindoro na entry ko sa Araneta.


:)

jojo60
December 8th, 2005, 11:12 AM
eto naman ang akin:

1. SANDUGO ALL STARS
2. SANDUGO WARRIORS
3. SANDUGO@SABONG.NET
4. SANDUGO 4EVER

goryo888
December 8th, 2005, 11:16 AM
Ayos yaan Ka Joey.......ang hiuntay ko na laang ay ang Kumento ng mg kabahag para sa entry name ng grupo.....kung ayos sa kanila yuong aking nabangit....
Tapos kung solong lakad ng bawat myembro ay ikabit pa rin ang SANDUGO sa entry name nila....;)

goryo888
December 8th, 2005, 11:19 AM
Yung kay Ka Jojo ay may hagod ng pagka moderno......
eh kung Sandugong Mangyan ? para kumbaga ay ethnic na ethnic ang dating....;)

arneld
December 8th, 2005, 11:54 AM
Ka Dingdong & others sa Enero pa pala ang CF Derby kaya ayos lang at hindi conflict sa derby naming sasalihan sa LCBA at baka sakali ay sa Cainta, e-mail o PM na lang ako ninyo.

Sya sige na mga Sandugo!!!:wink2:

jojo60
December 8th, 2005, 12:21 PM
ano kaya ang nangyari sa mga kapatid natin jan sa Mindoro..harinawa ay nasa magandang kalagayan kayo. GOD BLESS TO YOU GUYS!!!

goryo888
December 8th, 2005, 12:30 PM
Ka Jojo....hanggang ngayon daw ay medyo umuulan pa rin...at ang tubig sa may Tawiran ay hanggang bewang na.... sa Masipit ay lampas tao ang baha...sa Naujan naman ay OK, maliban sa parteng Bucayao at yoon naman talag ay bahain...marami na rin daw inilikas sa Naujan siguro yuong sa mga baybayin....walang kuryente kahit yata sa Calapan....baka matagaln ang paghupa ng tubig....dahil medyo nag uulan pa rin.....:(

jojo60
December 8th, 2005, 12:39 PM
KA G: salamat sa iyong balita.si ermats nga eh nag aalala dahil

nandoon iyong nakakatanda niyang kapatid na fr.in-law ni

BLACKJACK.sana naman ay tumigil na ang ulan para bumaba na

ang tubig at para din walang masyadong mapinsala.nabalitaan

nga ng kapatid ko d2 sa abs cbn news ay mahigit kumulang 1200

na pamilya ang naapektuhan ng pagsabog ng dike sa Naujan.:(

DingDong
December 8th, 2005, 06:41 PM
mga kabahag,

pwede gang magpalista kung sino ang
i PM ko ng address ko para sa mga shares
nyo. masagwa naman i dikit ko dine
ang aking address at baka dagsain ako
dine ng ibang magsasabong, hi hi hi kung kayo
laang ei okay lang dito sa aming tanggapan.

ano baga ang maige, address o bank
account number na lang?

hala listahi na dine.

nga pala ako'y may suhestyon, marami sa ating
mga kabahag ang uuwi dine ngay-ong pasko't
bagong taon kaya laaang yung iba yata ay
hindi aabot na makapanood sa ating laban sa
araneta. pwede bagang magkitakits tayo bago
man laang magsipagbalikan sila sa lupang dayuhan?

ang alam kong dumating at aalis ay sina:

1. ka gradeur - balik barko sa jan 18
2. ka jojo - kailan ga ang balik mo?
3. ka teody - balik saudi sa jan 18 - tama ba?
4. ka chuck - hi hi hi matagal pa balik ni tol.

sino pa ga? saan ga ang magaling na magpangita?
kung dito sa kalakhang luzon, tulad ng sabi ni
ka joey ei ka lu-ag ng kanyang lugar para tayo'y
magkahuntahan . . . di ga po ka joey ? ? ?

hala, mungkahi naman dyaan mga kabahag . . .


:rbounce:

DingDong
December 8th, 2005, 06:48 PM
ei may nakalimutan akong sagutin
may tanong nga pala tungkol sa
ating entry name.

dati ko pang nasabi ang kahulugan
ng salitang "SAMA" sa manyan ei
"KAIBIGAN" tama kaya . . . .

kaya ang sa akin ei yung tunog na
may SAMA at SANDUGO ei ayos na ayos

iyong kay ka goryo ay mainam na


"SamaSamaSANDUGO"


o baka yung iba'y may naiisip na pangalan ? ? ?

:rbounce:

bluebird
December 8th, 2005, 08:16 PM
Sa mga taga Mindoro lalo na sa Calapan

Take care po balita namin may flash floods po dyan .


------------------------------------------------------------------------

goryo888
December 8th, 2005, 09:48 PM
Ka DD, ibig sbihin sinisigundahan mo ang SamaSamaSANDUGO , sana dapat ganyan ang pagkakasulat, dikit dikit.....

Bank account na lang PM sa mga myembro...depende kung pano sila magpapadala....kung door to door ay address....pero PM na lang din o email...baka ka daluhungin ng mga talent scout at kumbinsihin bagang Mag artista....:D

chuckeee2
December 8th, 2005, 09:56 PM
mga kabahag,

kung ere'y personal fights e kailangan meroong SANDUGO. Example : SANDUGO/JOEYBRAVO o di kaya e SANDUGO/SAN GELACIO. at kung mag combine naman dal'wang miembro halimbawa'y SANDUGO/JB-DINGDONG. ang club fight na laang ang ating pag isipan. Suggestions laang ere baka uubra.

goryo888
December 8th, 2005, 10:06 PM
Doon ga sa SamaSamaSANDUGO ka Chuck ay Pabor ka?

Sang ayon din ako sa sinabi mo kaya kung mag entry si ako ay GoryoSANDUGO ;)

chuckeee2
December 8th, 2005, 10:21 PM
utol Goryo,

Ok rin yaan pero napaka haba ware! kung ma edit pa yaan na mas maigsi at compact e mas mainam. Kasi ang word na SANDUGUAN e samasama na rin ang dating. Kung ako ang tatanungin e SANDUGUAN/MINDORO. kasi meroon ring sanduguan sa parteng visaya ware.

sonny dela cruz
December 8th, 2005, 10:47 PM
Lahat ng suhestion puro magaganda kung ano man ang mapagkasunduan ng nakakarami dun ako,mabuti naman at nahupa na tubig lalo na sa parteng calapan at napanood ko din sa GMA kapuso na maayos din ang relief operasyon,sana lang ay hindi gaano malaki ang nasira mga pananim at ang iba pang pinagkakakitaan ng ating mga kababayan.

Ka goryo kasarap naman ng mga nakalista sa mga uuwi ni ka dingdong.Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
December 8th, 2005, 10:55 PM
Tama ka Ka Sonny...kasarap baga ng pauwi na...kakahile eh....

Sige Ka Chuck Mindoro Sandugo ....baka kasi kung sanduguan...ang ikutya sa atin pag tinalo ay Sandinuguan.....:lol:

chuckeee2
December 9th, 2005, 12:03 AM
kailangan e nauuna ang SANDUGO........SANDUGO/MINDORO :D

Siya ang importante'y kontakin na ninyo si utol DingDong at hingin na ang kanyang address sa door to door :D at tayo'y nakalista na sa mga lalahok sa Cf global at wag na yaan buburahin !

jojo60
December 9th, 2005, 01:40 AM
ka DD: mga last week ng marso or first week ng april ako

nanjan.mga 45 days ako magbabakasyon. i pm mo na lang sa

akin ung address mo at ung cp # mo para malaman ko kung

saan ipapadala ang ambag ko.:)

goryo888
December 9th, 2005, 06:48 AM
O sya tanungin na yung ibang Mangyan kung ayos na ga ang Sandugo Mindoro para sa entry name natin...ayos na ako dyan...;)

Naku mukhang di makakapagpost yung mga naka base sa atin dahil baga sa baha ay walang kuryente.....sana naman maayos na ang lahat.......

jojo60
December 9th, 2005, 07:19 AM
kapapanood ko palang ng news sa channel 7 GMA NEWS.talaga palang nasantala ang ating mga kabahag sa Calapan sa sobra na dinulot ng ulan at pagsabog ng dike.hanggang ngaun ay wala clang koryente.:( mabuti naman at nabigyan pansin ng ating gobyerno na tumulong kaagad sa ating mga kapatid. matatagalan sa tingin ko na magkakameron ng koryente sa Mindoro dahil sa napakataas ng tubig.

sang ayon na ako sa ating entry name na SANDUGO MINDORO.lalo dapat bigyan ng pansin ang ating pagsali sa torneo sa dahilang kailangan ng ating mga kapatid ang ating pagtulong sa kanila.ang ating maitutulong lang sa ngaun ay DASAL sa buong maykapal na sana ay maging maayos na ang lahat ... nakakalungkot naman at darating ang pasko at ito pa ang kanilang naranasan... MAY GOD BLESS YOU ALL!!!!

goryo888
December 9th, 2005, 08:34 AM
May ilang taon na rin ang nakakalipas at magPAPASKO rin noon ng halos sunod sunod na kalamidad ang naranasan ng Mindoro, malakas na bagyo, lindol na halos magkakasunod....ngayon eto na naman at magpapasko uli....pero ang Panginoon ang nakakaalam ng lahat....

blackjack
December 9th, 2005, 10:39 AM
mga kabahag
ok lang kmi d2 s bayan mismo ng naujan....ang apektado ay ang mga nsa barangay n nadaanan ng tubig lubog talaga ang mga yun kawawa ang palayan nila....swerte nung mga nakaani na. d2 s bayan ay d naman abot ng baha kaya ok lang kami 3 araw nga lang walang power tpos sira p computer k kaya d2 lang ako s mayor's office nakikigamit ng computer.

wla naman naging problema s mga alaga nating manok....mabuti nga at d kami naabot ng tubis baha!!!

goryo888
December 9th, 2005, 11:22 AM
Katatawag ko laang 5 mins ago sa tito ko sa Calapan at medyo humuhupa na daw ang tubig...sana tuloy tuloy na...

Ka Blackjack nakakalampas na ga ang mga sasakyan papuntang Calapan?

jojo60
December 9th, 2005, 11:28 AM
ok lang problema.... awa ng diyos ay hindi kayo naapektuhan ng baha...cya i focus ulit ang mga attensiyon sa mga sundalo at siguradong handa na sila sa anumang ensayo na haharapin nila.

saan ba sa maynila iistation ang mga sundalo bago magsimula ang derby? dapat ay todo pahinga cla para hindi ma-off.ilan na ba ga ang total na napili ni ka raul?:)

goryo888
December 9th, 2005, 11:50 AM
Ako man ay baka mayroon ding ipapakilatis kay Ka Raul sana bago matapos ang ikatlong lingo ng Desyembre ay mapadala na doon sa training camp ng Sandugo warriors.......pero kung talagang kumpleto na at ayos na ang lahat ay pwedeng saka na yon....sa lokal na laang siguro sa atin halimbawa ay derby sa dragon..

Ang alam ko ay byabyahe ang mga Sundalo sa araw yata ng mismong laban..... maagang iluluwas at deretso na sa Araneta....
Ganon nga ga kaya?

DingDong
December 9th, 2005, 12:23 PM
mga kabahag;

ang panuntunan ng may palaban ay
maitala ang timbang ng manok isang
araw bago ang laban. kaya ang ating
mga sundalo ay luluwas sa madaling
araw bago ang kaarawan ng laban
upang maipatala ang kanilang timbang.
samakatuwid sila ay matutulog pa ng
isang araw sa araneta bago makipag
tunggali sa mgakalaban. ganito rin
marahil ng magaganap sa ibang entries
na maggagaling sa ibang lugar tulad ng
bacolod, iloilo, ilocos atbpa.

patungkol naman sa baha, sa wari ko'y
malaki ang pinsala sa mga palayan dun
sa mga hindi pa nakakaani. sa amin
naman sa socorro ay kaunti daw laang
ang inabot ng tubig baha.

sa entry name dalawa na laang ang
pamimilian natin. ere iyon.

1. SamaSamaSANDUGO

2. SANDUGO MINDORO

botohan na, alin ang gusto nyo mga kabahag


:rbounce:

goryo888
December 9th, 2005, 12:50 PM
Pareho.....Kung sa Mindoro laang ang laban eh dapat SamaSamaSANDUGO , kung sa labas ng ating lalawigan eh, Dapat Sandugo Mindoro , dahil kung sa atin laang ay hindi na siguro dapat pang ilagay ang Mindoro sa entry name....mas angkop ang nauna para dito...;)

goryo888
December 9th, 2005, 11:52 PM
Gandang Umaga mga Sandugo!!!!;)

goryo888
December 10th, 2005, 01:14 PM
Aba at wala pa ring Mangyan na naliligaw dine ah....:confused:

DingDong
December 10th, 2005, 04:20 PM
hi hi hi ka goryo,

abala ang mga mangyan sa kanikanilang
pamilya. wikend baga. o baka naman yung
iba ay nasa sabungan, kakainggit tuloy.

sige at ako'y may lakar din, sabong
sabongan laang are.

:rbounce:

sonny dela cruz
December 10th, 2005, 11:37 PM
Magandang umaga,kagigising laang eh.Ka goryo la ata pasok ngayon?ka dingdong good luck sa sabung sabungan ba ika mo? he he he..Siguro ang mga kabahag ay busy nag kanina sa pag asikaso sa kanilang mga tinale at napagod kaya maaga nagsipahinga.

Ingat po tayo lagi and God bless.

DingDong
December 11th, 2005, 12:11 AM
hi hi hi

napainom ng konti preng sonny
dito pa sa opis.

pauwi na din malamang 2 oras
ang byahe ko pauwi bagal lang
ang takbo, nakainom eh . . .

sige mga kabahag ingat lagi
dyan kung saan man kayo
naroroon . . .



:rbounce:

sonny dela cruz
December 11th, 2005, 02:07 AM
Okey na okey pala ka dingdong,sayang nahuli na ata reply ko hihirit sana ako na itagay mo nalang ako at subo ng konting pulutan he he he,bawal pa kasi ako uminom gamot muna.Well ingat sa biyahe be defensive lalo na at 2 oras biyahe di baleng matagal basta matiwasay na biyahe.Ingat po tayo lagi and God Bless.

DingDong
December 12th, 2005, 01:30 PM
di bale ka sonny meron pa ako
nakalinya na dadaluhan na xmas
party sa mga darating na araw,
pakiwari ko ay may tatlo pa.
hamo dun itatagay at ikakain kita
ng pulutan.

halos alas kwatro na ng madaling
araw ako naka-uwi nung sabado
bale linggo na pala iyon. kabagal
ng takbo ko eh. sa wari ko'y pag
napapapikit ei 30kph laang. buti
naman at nakarating ng matiwasay.
may agimat pa ang mangyan, hi hi hi.

aba bakit wala ang mga kabahag,
lunes na lunes ei parang bising
bisi yata sa tarbaho.


:rbounce:

chuckeee2
December 13th, 2005, 01:43 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/0ae9a157.gif

Aba'y nasaan na nga ang kamangyanan! Pakiware ko'y busy sa pagbabalot ng mga regalo sa mga inaanak, o busy sa mga christmas party, hindi namang ubrang nagbaha uli sa Mindoro!

Sa aking pakiware'y naguguluhan sa pagbabago ng Cf Derby at ala ng 5 straight. Aba'y ok ere't kapag tayo'y naka 2 straight e laban na tayo sa championship labas ang puhunan dahilang sa tinamaang papremyo sa elimination...tama ga! Ano naman kung tayo'y hindi mapasama sa finals? Puede ga tayong mag back out o obligadong ituloy sa finals? Sino ga ang meroong kaalaman tungkol dine sa rules ng pagbabago?

Siya, comments, comments!

joey bravo
December 13th, 2005, 07:56 AM
kabahag chuck,

ganire yaan. pag natalunan ka ng 2 sa elims ay d ka na pwede sunali sa finals.

pag nanalo ka ng isa (1) o isa at kalahati (1.5) ay pwede ka pa rin tumuloy sa finals kung gusto mo para habulin yung insurance prize na 4 points.

pwede nyong aralin din na mag 2 entry ang sandugo sa elims kung kakayanin ng ating kaban.

mag pahanda ng 7 na manok, yung apat sa elims yung 3 ay sa pang finals kung makakalusot.

nasasa inyo yan mga kabayan.:)

chuckeee2
December 13th, 2005, 11:01 AM
o ayan na mga kabahag, meroon ng reply si utol Joey. Kung ako ang tatanungin e ok ere't meroong kaunting energy savings dine. Kung tayo'y maka dal'wa agad e hindi na masyadong kabigatan. At kung maka 1 o 1.5 e, pwede tayong tumuloy at baka nga e maka 4 o 4.5 sa talaan e ayos.

Siya, pag aralang maigi ang listahan ng kalahok kung gaano karami at kung ilan ang sakaling makaka 2 points sa elim at sakaling distribution ng 200k :D

Atin laang intindihin na tayo'y naka 1st base na sa ating adhikain :D

chuckeee2
December 14th, 2005, 11:20 AM
SAAN NA KAU MGA KABAHAG!

joey bravo
December 14th, 2005, 12:07 PM
bago maubos bonus ko eh magpapdala na ko ke ka DD.:lol:

chuckeee2
December 14th, 2005, 12:14 PM
:D :lol:

chuckeee2
December 14th, 2005, 12:25 PM
duda ko'y meroon na namang operation Habol Tamaraw diyan! aba'y biglang naglipanan na laang e :D

joey bravo
December 14th, 2005, 01:02 PM
hehehe genon na nga ka chuck,

ka DD napa deposito ko na yung P 5k na 1 share ko.

paki tsek na lang kung pumasok.
:)

joey bravo
December 16th, 2005, 10:16 AM
nawala mga mangyan ah, nadala ng flashfood:lol:

goryo888
December 16th, 2005, 10:52 AM
Sensyana na mga Kabahag mangyari,y kagagawa laang ng aking PC...alam ni ka Jojo yaan...tumawag pa ako kay Ka Chuck at ipinaalam ko, nag iwan ako ng vmail message sa phone nya....

Baki t ang tagal kong nawala ay konti laang ang mga mangyang dumalaw dine? Bakit ga kayo'y nawawala....yata???

Giseng malapit na...

Ka DD paki PM mo sa akin ang account # mo...

jojo60
December 16th, 2005, 11:01 AM
kamusta sa inyong lahat mga kapatid!!! nakatulog sa pancitan at ere ngaun lang ulit nakapagreply.tumawag sa akin si kaGorio last friday at sinabi niya sa akin na may virus ung computer niya kaya iyan ang dahilan kung kaya't nawawala cya. hindi na pala straight 5 ang laban kundi 2 cock elimination.kung anuman ang kanilang pagkasunduan ay nakikita kita ko ng mamamayagpag pa rin ang SANDUGO MINDORO. :rbounce: kamusta nb ang kalagayan ng ating mga sundalo pagkatapos ng pagbaha sa Calapan...hope everyone of them is doing fine. :)

jojo60
December 16th, 2005, 11:05 AM
just on time pala ang pagreply mo kaGorio at naunahan mo lang ako ng isang segundo. good to know that ur PC is now working.cya darami na ulit ang pagpopost ng mga mangyan kc nakabalik ka na... welcome back bro.:rbounce: ka DD ganda ng avatar mo ah, isa ba iyan sa mga sundalo na lalahok sa CF??

joey bravo
December 16th, 2005, 11:07 AM
bale magiging 3 pala ang entry name natin kasi pag no fight pala sa araneta ay dapat parepareho ang entry name.

Sandugo Mindoro 1
Sandugo Mindoro 2
Sandugo Mindoro 3

ayosss!!!

:rbounce:

goryo888
December 16th, 2005, 11:10 AM
Ka Jojo...okay na...ayos na uli ang PC ko...mga Kabahag ano ga...aby pasok pasok laang kayo dine at ng makaLARGA na....


Kumusta na ga ka Jojo?? Ikaw pala'y nawala rin eh? baka naman nasa painitan ka? pagka talagang malamig na ang panahon ay kailangan ang Painit... :D

jojo60
December 16th, 2005, 11:14 AM
nilinis namin ung mga kulungan kasi nagpadala nga ung partner ko ng 36 na ulo,kaya medyo maluwag na naman pwede na naman magpalahi.sagot noong isang friend namin ang pamasahe kc nabigyan cya ng 3 trio..hiniwalay ko ung sa akin kc baka magkahalohalo, mahirap na kc ung iba ay walang palatandaan.

Raul_Ruaro
December 16th, 2005, 11:17 AM
Ito nakalabas ako ng farm para magpa dentista sa bayan kaya naka nakaw ng oras para mag online.... Marami na pala akong habulin na babasahin dine. hehehe! Sige tignan ko lang mga napagusapan noong mga nakaraang mga araw at linggo.


stewart




Peace!

goryo888
December 16th, 2005, 11:18 AM
Aba at makakapagparami ka na naman pala uli nyaang lagay na yan? Ayos yan....sige paramihe at ng makabahagi rin ang SANDUGO balang araw....;)

blackjack
December 16th, 2005, 11:30 AM
matagal din me nawala at kahapon k lang nakuha pc ko. nasira din!!!!

Stewart
kausap k biyenan m nand2 nung libing n judge genilo ksama c arleo....

Nsang jojo
kmusta na? Parepareho lang tayo abala s paghanda ng manok. 2loy din pala ung laban ng manok k s 28th kaya malamang stags madadatnan m d2 pag-uwi mo.

mga kabahag
2loy p rin ang ulan di2 s atin. kaya medyo matrabaho ang maghanda ng panlaban.....

Raul_Ruaro
December 16th, 2005, 11:37 AM
Blackjack,

Ganun ga! Medyo nagaalala nga yun ng pumunta ako magisa sa victoria kasi di ko daw gaano kakilala mga katagpo ko, pero ng sinabi ko kayo ay medyo ok na naman. Nanganak na si misis nung dec. 6, buti na lang ay di pa gaano baha nun, kundi ay walang nagpaanak sa kanya. Baka sa monday or tuesday ay andyan na ako sa mindoro...


stewart-



Peace!

goryo888
December 16th, 2005, 12:01 PM
Ka Raul Rauro...aba ikaw pala'y nakababa na naman mula sa kagubatan ah...ayos yan...

ka Blackjack...kumusta na ga? Pareho laang pala tayong nasiraan ng PC...ang sa akin naman ay pinasok ng kung anong masamang espiritu...kaya ng dumating ako ay una muna puro pop ups....tapos sumunod unknown virus daw...kaya ayun kinabukasan di ko na mabuksan....pero ayos na uli...;)

jojo60
December 16th, 2005, 12:07 PM
maligayang pagbabalik ka RAUL..congrtaz sa iyong panganay! lalaki ba o babae.

ka BLACKJACK:eto at bcng bc sa trabaho..nagkausap nga kami ni kaGorio noong nasiaran cya ng CP.magagamit ko pa rin ung mga winners mo kc hindi naman susugat ung mga kalaban kaya oks na oks pa rin pagdating ko jan..

ka GORIO: marami tayong hahabuling topic ako sa LA LOMA ikaw naman sa SWAPMEET ninyo tama ba ga.

Raul_Ruaro
December 16th, 2005, 12:13 PM
goryo,

Oo nga at nakakita din ng maraming tao. Pero maya lang ay balik na ako... Baka maginom yung mga tao namin eh, malagot ako sa bayaw ko....


Jojo,

Thanx! Babae ang anak ko at buti na lang at di nagmana sa ilong ko... hehehe! Di ko pa nga nakikita pero pauwi na din ako ng mindoro sa monday or tuesday. Binaha nga yung hospital na pinanganakan ni kumander kaya ako'y nagalala ng sobra nun.



stewaRT-



Peace!

chuckeee2
December 16th, 2005, 12:21 PM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/7e013edc.gif

ako naman e muntikanan ng nasiraan akala ko'y hindi na kayo babalik!

utol Joey, yoon nga palang libre kasama ng entry pa Araneta e bigay na laang sa mga kabahag na nasa Mindoro sila blackjack at alimbuyog at kung meron pang iba. Ako'y bahala na kasi'y may kasama rin akong tropang Puerto sigurado.

'tol Goryo, handa na ba tayo sa broadcasting! humingi ka na ng day off at full coverage ere ng elimination every 5 fights.

" I'LL BE HOME WITH BELLS ON "

chuckeee2
December 16th, 2005, 12:26 PM
'tol raul,

congratulation nga pala sa iyong born daughter. ang ganda naman ng birth month niyan, the merry month of December.

joey bravo
December 16th, 2005, 12:31 PM
tol chuck,

3 sir ang libre na guest bawat entry, at 3 din para sa handler gaffer at drive bawat entry.

dami ng libre.:teeth:

chuckeee2
December 16th, 2005, 12:41 PM
ayos yaan 'tol Joey, nabuo rin ang sanduguan ere na ang ating tinatawag na launching ng club at para ko ng kinikinita'y napakasaya nire sa Araneta. Kaya't mga kabahag, kailangan e naka sick call kayo sa oras ng CF Derby :D

pagkatapos ng Derby, saan tayo magpapaumaga :lol:

Raul_Ruaro
December 16th, 2005, 12:49 PM
chukee,

Yup maganda nga birth month ng baby ko, kaso lang yun din yung araw na nagstart na bumaha sa calapan.... Buti naman at naging ok yung magina ko... Kitakitz na lang kapag nakauwi kana....

Joey Bravo,

Sya nga pala sarap ng inuman namin nung try out kanila ka raul... Paki paabot na lang kabahag na maraming salalamt sa pagtagap ni ka raul sa amin nung dec. 3.....



stewart-



peace!

Raul_Ruaro
December 16th, 2005, 01:01 PM
Kabahag dingdong,

ok lang ba na .5 la ang share ko? Magastos kasi itong panganganak ng misis ko at nadagdag pa itong pagpapa rootcanal ko.... Inform thru txt or PM kung paano proseso pagpadala ng pera.... Thanx!



stewart-



Peace!

Raul_Ruaro
December 16th, 2005, 01:08 PM
Paalam na ako mga kabahag! Sa susunod na lang po ulit! Mabuhay ang sandugo!



stewart-



Peace!

goryo888
December 16th, 2005, 01:22 PM
Ka Raul....walang problema yan...ang importante ay kasama ka sa Sanduguan....Congratzzzzzz sa pagiging tatay mo.....

Ka Jojo tama ka kaw sa Laloma ako eh sa Swapmeat....kala nga nila napikot na daw ako...kaya ako nawala...hehehehe

Ka Chuck sige at ako'y mag momonitor ng laban...ere pala'y wala ng straight 5 lahat pala'y dadaan sa elims...

sonny dela cruz
December 16th, 2005, 11:21 PM
Musta mga kabahag.Sensya na ngayon lang, dun po muna ako sa tiyuhin ko tumira habang me therapy ako at walang mag drive sa akin,problema nasa mga kwarto mga comp.nila kaya batong bato ako.Pero ngayon okey na home at last at pwede na mag drive,kahiya lang kasi me sticker ako ng handicapped,parang oldies ang dating lalo na sa parking area,although its an advantage.

Congrats ka raul,ka blackjack sana okey na kayo diyan,yung mga alaga rin namin sa naujan nailipat din gawa ng parang malabon daw yung parteng yun pag mataas ang tubig at walang tigil pa rin daw ulan.

Sana po makabawi agad lahat ng ating mga kabahag sa dumating na kalamidad.ingat po tayo and God bless.

goryo888
December 17th, 2005, 12:52 AM
Kaya nga ang laki ng nawala sa kanila...lalo na yung mga pananim na inilubog...yung mga Palay na di pa naaani....tskkk kawawa naman ang mga magsasaka......alam ko yun kasi magsasaka rin ako....

Ka Sonny...mabuti naman at nakabalik ka na sa Bahay nyo...sige pagaling ka ng husto....ok yang may sticker na ganyan...walang problema sa Parking...hehehe

sonny dela cruz
December 17th, 2005, 02:41 AM
He he he sinabi mo pa,naiilang lang ako kasi syempre lalo na sa kapwa natin pinoy sabihin nila gulang talaga mga pinoy kahit sa parking pro syempre sa mga puti k lang yun la sila pakialam.

Ingat po tayo lagi and God bless.

chuckeee2
December 17th, 2005, 10:01 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/2a44236d.gif

goryo888
December 17th, 2005, 02:27 PM
Gandang gabi sa inyong lahat....Tulog na muna ako 11 PM na pasok pa bukas ng maaga....hayyyy...

Ingat tayo lagi mga SANDUGO...

chuckeee2
December 18th, 2005, 12:35 AM
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/758e7ef4.gif

chuckeee2
December 18th, 2005, 01:48 AM
mga kabahag,

read this: http://www.journal.com.ph/news.asp?pid=2&sid=1&nid=16246&month=12&day=18&year=2005

goryo888
December 18th, 2005, 08:15 AM
Tama pala sabi sa akin kagabi...na maaaring bumaha uli...:(

Hayyyyyyy....ano baga naman ereng mga pangyayaring ere....tskkkk....NAKAKAASARRRRRRRRRR na......nakilos baga yaang mga nakaupo sa kanilang mga Puwet na mga Lokal na Opisyal dyaan??

Oo ngat ito'y natural na kalamidad na maiituring, pero yuon baga kayang Dikeng nasira ay hindi substandard at pinagkakitaan ng husto ng nagpatayo nire....kaya are'y nagkagarine....:mad:

blackjack
December 18th, 2005, 08:26 AM
mga kabahag
kahapon p ng hapon wla n byaheng sasakyan dahil d n mpasok ang calapan at mataas n 2big. tanghali p lang ay nsa daan n s onse ang tubig....kya ngayon ay baha n naman s clapan, mas malaki ang 2big ngayon.....dun n cla naguupisina s lumang city hall at baha n rin ang diversion road papuntang bagong city hall!!!

goryo888
December 18th, 2005, 09:01 AM
:( :(

chuckeee2
December 18th, 2005, 09:45 AM
aba! bakit magbabaha diyan e tabing dagat yaan ? samakatuwid e barado ang mga drainage!:o

goryo888
December 18th, 2005, 01:34 PM
Oo nga ka Chuck ano?? malamang barado nga....pero nakikita ko noong panahon ni Mayor P. naglilinis sila ng drainage ah...

Dapat di bumaha ang bayan mismo...:confused:

goryo888
December 18th, 2005, 10:50 PM
baha na naman po ang MANGYAN island....:(

chuckeee2
December 18th, 2005, 11:05 PM
tol Goryo,

baka naman ang nalilinis laang e ang bukana ng sewer. E paano na ang kalooblooban. dapat yaan e tuloy ang tubig sa dagat dahil island yaan....mataas.

chuckeee2
December 18th, 2005, 11:09 PM
kasakit naman ng pasko diyan at aanim na araw na laang ang natitira e! kausap ko nga ang aking kapatid at ang pagkakabara nga raw ng sewer ang pinaghihinalaan kung bakit nagkaganyan.

goryo888
December 18th, 2005, 11:13 PM
Tol Chuch...malamang nga ay ganoon yun...eh baka maikli ang panglinis nila kaya bukana laang ang inaabot....
ako na laang kaya ang maglinis.....:D

chuckeee2
December 19th, 2005, 12:37 AM
o baka naman e naipon ang tubig sa mga low lying villages. aba e parang naglagay ka ng tubig sa balon/hukay niyan! sana naman e maiga na yaan bago mag pasko.

Raul_Ruaro
December 19th, 2005, 12:15 PM
Ka sonny,
Buti naman at ok na po kayo! Bilisan nyo ang pagrecover ng dati nyong lakas ng bumalik na sa normal ang mga gawain nyo.

Ka Goryo,

Thanx sa pagbati.... Medyo nakakalungkot nga lang at binaha na naman sa calapan. Nagaalala lang ako sa baby ko dahil mabilis kapitan ng sakit ang mga sanggol na katulad nya sa masamang panahon. Bukas or tuesday ay punta na ako ng Mindoro. Sana naman maging maganda na panahon dun.


Ka chuckee,

Sana di kuraptsyon ang sanhi ng pagbaha ngayon sa ilang kabayanan ng oriental mindoro, kundi ay lalo ako manggigil sa mga lintek na mga magnanakaw sa gobyerno. Di bale na sana na talagang ganti lang ng kalikasan sa pangaabuso ng mga tao ang nangyayari, pero magiging masakit ito kung kapabayaan at kasakiman ng mga tiwaling opisyales ang nagdulot nitong paghihirap na nararanasan ng ating mga kabahag. Tssk! tssk!



stewart-




peace!

DingDong
December 19th, 2005, 12:55 PM
oo nga mga kabahag, kalunuslunos ang
sinapit ng ating mga kababayan sa ating
mgandang isla ng Mindoro.

sana nga ay hindi dahil sa pera kaya
nasalanta ang ating bayan.


teka laang mga kabahag, sa pakiwari ko
ay may post ako ng nakaraang linggo eh
baken kaya anaki'y nawala. di bale
uulitin ko na laang.

ka joey, na tsek ko na ang padala mo
pasok na pasok.

ka raul_ruaro, text ko sau ang account #
ko.

i PM ko na laang yung iba para sa
account number, bz pa laang ang
mangyan ha.

sa muli . . . .


:rbounce:

DingDong
December 19th, 2005, 06:57 PM
na i PM ko na sina kabahag
goryo, chuck, raul at jojo
ng contact info ko, paki tsek
na laang ng inbox nyo mga
igan.

bahala na kayo kung deposit
baga sa banko o door-to-door
ang mainam para sa inyo.

sino pa ga ang kailangan ko
i PM para sa ating shares???



nawala post ko kanina, hindi
pala dumikit dine. ulit uli ako.

preng raul, congrats sa iyong
prinsesa.

ka sonny, ikaw ga'y andyan sa
labas ng bansa o andine sa atin.
mabilis ang iyong recovery ah, hala
at ng tayo'y magpangita sa araneta.

ka jojo, yung avatar ko ay nasa
training camp natin sa victoria,
bahala na si ka raul kung iyan
baga'y lalarga pa araneta.

ka joey, musta na ga daw ang
ating mga sundalo???

ala ei ako'y uuwi na at sa wari ko'y
mag-isa na naman ako dine sa
oras na ire.

:rbounce:

goryo888
December 19th, 2005, 09:18 PM
Kuha ko PM mo ka DD...na PM ko na rin si ka Teodychongco...
Ka Raulrauro...sana maging maayos ang lagay ng maybahay mo at anak mo....

sonny dela cruz
December 19th, 2005, 11:26 PM
Musta mga Kabahag.kagigising lang binuksan ko agad ang TV grabe at walang tigil pa rin ang ulan diyan sa tin sa Calapan at apektado daw ng husto ay Calapan city,Baco,at Naujan at katabing bayan,sana ay tumigil na ang ulan para magawa na ang mga dike at makabalik na rin ang mga kabahag sa kani kanilang bahay.Text si utol na nakalikas na rin ang pamilya ng tagapag-alaga namin sa Naujan,laking pasalamat ko at pumayag na rin sila na iwanan na ang mga manok at unahin ang kanilang sarili,sabi ko bawi na lang sa susunod.

Ka Raul maraming salamat at sana ay maging maayos ang mag-ina mo at malayo sa anumang sakit,yan din ang problema ng utol ko gawa ng hindi sila makaluwas sa calapan para ipatingin ang mga bata sa duktor.

Ka dingdong ako po ngayon ay kasalukuyang nasa labas ng ating bansa,sunod pa na pasko ako naka skedyul.

Ipagdasal po natin na maging maganda na ang panahon sa ating lugar ng mauwi na sa kani-kanilang bahay ang mga kabahag at ng magawa na rin ang mga dike.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

jojo60
December 19th, 2005, 11:34 PM
nakuha ko na rin ang PM mo kaDD.salamat sa iyong info.mga kabahag ano na ga ang nangyayari sa ating mga sundalo.talagang nakakapanabik itong sasalihan natin .Hindi ko na maintay kung sino2x ang ating mga bibiktimahin sa nalalapit na torneo.may sampu yata akong kakilala na lalahok rin sa CF. bahala na at may the best soldiers win.

malapit na ang kapaskuhan at ilang 2log na ay 2006 na kaagad.ingat sa lahat at sana'y nasa mabuting kalagayan kayong lahat.

Oo nga pala baka hindi ako makapag reply until fri.dec.23 kc pupunta kami sa LOST VEGAS.kaya ingat lang mga kapatid and GOD bless you all!!!:rbounce: :rbounce:

kaGORIO: ingatz lang pards.kol kita kapag nakajackpot ako doon>Hehehe. lipad kaagad tayo pauwi.

chuckeee2
December 19th, 2005, 11:47 PM
mga kabahag,

ilang araw na laang at pasko na! asikasuhin na natin ang ating pang cf at nang makahabol sa pagtulong sa mga mangyan.

tol DingDong,

meroon akong pm sa iyo, paki check na laang.

Lapit na uwi ko :D

Manokiz
December 20th, 2005, 03:33 AM
gudevning po,,, kabahagueno,,, :)

'musta na kau lahat?
nawa'y humupa na yaang,,,
baha na yaan,,,

Gud Luck sa darating n'yong laban sa ARANETA,,, :)

blackjack
December 20th, 2005, 05:16 AM
mga kabahag;

pang-ilang ararw na rin 2 ngayon n baha p rin s calapan.....mas malaki at mas malalim ngayon kaysa dating baha. ang mga galing s south ay hanggang cinco lang at bangka na ang sinasakyan papuntang bayan....lubog ang grotto s cathedral s calapan at ilang araw n d namimisahan.

ung anak kng binata n umuwi kahapon kasabay c chinet bermudez, pinsan n ka goryo, ay payloader n ang sinakyan galing s lumang city hall papuntang tawiran at galing tawiran ay pump boat hanggang cinco. yuyng iba ay sumita ng single n motor sa sapul at parang ang daan labas ay dose. ganun kahirap papasok at palabas ng calapan. d n maari mga jeep at trucks s daan ng parang at sapul at masama n puro bagukan. single n lang n motor ang siguradong makalusot....

hirap ng buhay di2 ngayon....isa lang solusyon d2.... pigilin ang pag-ulan para menos ang 2big n dadaloy sa mga ilog!!! he he he!!!

goryo888
December 20th, 2005, 07:53 AM
Ka Blackjack....lagyan kaya natin ng bubong buong Mindoro? nyahahaahaha....hayyyyyyyyyyyyyy:(
kahit anong gawin natin eh kalikasan na ang naniningil.....itawa na lang natin kahit ganon kahirap....yun ngang pinsan ko naTrap din sya....kailangan na sya sa Hospital eh di makaalis isolated sila sa Tibag...dahil daw yung tulay na papunta sa kanila ay bumagsak na.... :(

Raul_Ruaro
December 20th, 2005, 08:34 AM
Medyo bumaba na konti ang tubig sa calapan, pero marami parin brgy. daw na baha.... Bukas ay tiyak na paglilinis ang sasalubong sa akin sa bahay nila kumander. hehehe! Sana maging maayos na lahat dahil yung mga bata ang unang nahihirapan sa mga ganitong sitwasyon...


Ka dingdong,

Text ko na lang kung kailan at kung sa accnt. ko ihulog yung share. Pwede rin kung magbabakasyon ka sa mindoro ay personal ko na iabot para magkakilala na rin sa personal. Sarap ng inuman pala namin nung 2 mo na kapatid. hehehe! thanx!



stewart-





Peace!

sonny dela cruz
December 20th, 2005, 09:08 AM
Ka Blackjack sana bumaba na rin ang tubig at tuluyan na tumigil ang ulan.At sana okey din lang kayo.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

goryo888
December 20th, 2005, 09:12 AM
Ka Raul...tama ka humanda ka sa operation LINISSSSSS...tsk tskkk

Ka DD...basta yung sa akin ay ang dedlayn ay sa 9 ng JAN. on or before....nag iisip kasi ako kung perang nandyan o magpapadala ako ng galing dine....kung magpapadala ako ay isasabay ko sa ipapadala ko para kung kani kanino....may pinsan kasi akong ikakasal, at kung anu ano pa..

lyrea
December 20th, 2005, 09:17 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/NutFun.gif

ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND A PROSPEROUS NEW YEAR
AHEAD TO ALL. MAY GOD BLESS US ALL ALWAYS. GOOD DAY!


http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/lights.gif
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."

blackjack
December 20th, 2005, 09:27 AM
ka goryo

tama ka kabahag, tawanan n lang natin 2 and do what's necessary to pull us thru these bad times!!!

kanina matapos k napakain mga manok ay medyo uminit naman ng konti pero my kasama p ring ambon.... tsaka apaw p rin ung creek s may agma at matubig n s dulong bayan natin....ung papuntang farm ay may tubig n ang daan bago umakyat ng tulay at dun s may kawayanan papuntang andres ylagan ay malalim n tubig....mga tao ay antay n lang ng dump truck ng munisipyo na syang nagtatawid ng mga tao!!!! mas m,alalim dun s unahan s nag-iba 2 kina kapitan polding magsino.....

Raul_Ruaro
December 20th, 2005, 09:27 AM
goryo,

Medyo nagpapalakas pa tayo sa mga byenan kaya masipag. hehehe! Excited na ako makita yung baby ko, unang pagkakataon pa lang bukas na masisilayan sya.... Ikaw ga ay may anak na? Aba'y nakita ko yung pinost mo na pix ay pwede ka na pala maging member ng the hunks. lol :lol:

stewart-




Peace!

joey bravo
December 20th, 2005, 10:16 AM
ka raul, musta ka na kabahag.

pwede nyo ulit bisitahin mga sundalo natin duon sabi ng tukayo mo.

hupa na daw ang tubig sa Calapan sabi ng kapatid ko.

kahapon daw walang bumiyahe na barko kasi malaks ang ulan, pero today ay meron na ulit.

kawawa naman ang bayan natin magpapasko pa naman.:(

goryo888
December 20th, 2005, 11:13 AM
Ka Raul....magpapasalamat pa naman ako sana sayo kaso bigla kang tumawa...nyahahahaa :lol: jok jok....
Sige magpalakas ka muna kina byenan, para ayos lagi.......

Yung sanang kukunin kong manok na baka rin aari ay kinansel ko na...nainis ako sa kausap ko.......kaya ang aantabayanan na lang natin ay yung kay Ka Chuck na lang....

Ka Joey kumusta na? handang handa na rin mga sundalo mo ha?

DingDong
December 20th, 2005, 02:18 PM
makasabad nga dine sa huntahang are.

paano yan mga kabahag ei di tawanan
na nga laang natin ang problemang baha
sa ating bayang mahal.

ka joey, kung sakaling ako'y makauwi
makapasko ay pupunta ako sa training
camp ng ating mga sundalo. sana may
skedyul ng bitaw at ng mawari ang
garote ng mga yun, hi hi hi.

ka raul, sige text mo na lang kung
paano at kelan ang iyong sheyr.

ka goryo, saan mo ga kinukuha iyong
sundalo anaki'y hindi kayo nagkasundo.
pagkagay-an nga ay wag na laang
kahirap ga noong may aberya.

ka blackjack, kumusta ga dyaan sa iyong
mismong lugar, wala gang baha dyaan?
sana naman ay wala at ng ayos ang
mga alaga mo dyaan.

hala sige, pasko na eh. maligayang
pasko sa ating lahat mga sandugo.

:rbounce:

Raul_Ruaro
December 20th, 2005, 04:21 PM
Ka Joey,

Ok naman po at nakaraos na sa trabaho, di nga lang naging maganda ang grow namin sa farm. Sabik nga ulit ako makapunta sa farm ni ka raul, nakakapanood na ng quality na bitaw with matching beer pa... Syempre di dapat kalimutan ang napaka sarap na tapa ni kabahag blackjack. Kailan ga nagbibitaw si ka raul para kung may oras ako at mga ka sandugo ay magkitakitz ulit sa kampo sandugo? Thanx!


Ka dingdong,

Kung makakauwi ka ng mindoro this holidays ay kunin na rin na pagkakataon na magkikita kanila ka raul. Si ka blackjack naman ay isang tawag lang. Padala na rin natin mga stags nya para makita na natin mga future winners ng sandugo. Oks! Timbrehan na lang kita regarding sa share ko. thanx!



stewart-



Peace!

Raul_Ruaro
December 20th, 2005, 04:34 PM
Ka goryo,

Sa itsura pa lang ng pix mo ay masasabi ko na marami kang iniwan nung nangibang bansa ka... Ilan ga panganay mo? hehehe! joke!

Kawawa naman ang ating mga kabahag, buti na lang at di gaano apektado ang pamilya ko dun. Sana nga lang ay gamitin na sa tama ang pondo na malilikom para sa pagpagawa ng mga dikeng nasira. 60M ata halagang pangpagawa. Malapit na pasko, advance merry christmas na lang!!!!



stewart-



Peace!

blackjack
December 20th, 2005, 05:24 PM
DD,
awa ng dyos ay d naman kami inabot ng baha d2 s bayan....may mga lugar lang d2 n abot ng 2big at umapaw nga ung creek d2 s byan pero 2ng lugar namin ay d inaabot ng baha...pati n ung lilipatan namin n jojo ng manok d rin inaabot ng 2big un at mataas ang tambak dun although tabing ilog un. lubog n buong bayan kng sakaling aabot ang 2big s manukan ko. pero putik p rin ng konti dahil butas n ung bubong ng mga pens k....jan k pa papalitan un....

tawag k lang kung kelan tyo kita kena ka raul s sn gelacio; talagang babalik ako dun at naiwan k ung tupperware n lagayan k ng tapa. he he heh!!!

tsaka iniisip k magtabi ng stags dun kay ka raul para siguradong mapa-edad k at d magalaw. kakausapin k p ka raul tungkol d2.

DingDong
December 20th, 2005, 05:49 PM
preng tem, buti naman at ayos ang
lugar nyo dyaan.

ka raul at blackjack, sige bakasakaling
makauwi ako makapasko kitakits uli
tayo sa SG.

pinaglilimian pa namin ni esmi ang
pag-uwi gawa ng kasama namin
ang aming mga tsikiting at ang
aking unico ijo ay 5 buwan pa laang
baka baga mahirapan sa byahe eh.
saka pinaglalaanan ang kaunting
paggastos pauwi, bahiting bahite eh.

sige pag natuloy ay hindi areng
hindi tayo magpapangita doon sa
ating kampo.



:rbounce:

Raul_Ruaro
December 20th, 2005, 05:57 PM
ka blackjack,

Maigi siguro magtawagan tayo kapag may balak pumunta kanila ka raul, para kitakitz ulit mga sandugo. Pa riyan na ako bukas, malamang hanggang january ako diyan. Wag kalimitan ang tapa na magpapainit sa ating mga tiyan... Buti naman at di kayo inabot ng baha dyan. mukhang di ka na talo sa mungkahi ni ka raul sa per head nung pagugulangin mo. Sya see you soon!


stewart-



Peace!

goryo888
December 20th, 2005, 09:03 PM
Ang sabi yata ay sa anuwebe ang huling bitaw ng nokis kaya sa huling bitawan na kayo magkita kita, para isang lakad na laang...pero pwede rin kung atat na atat na kayo sa tapa ni Ka Blackjack.....

Ka RaulR...malinis ang rekord nito....walang bahid ikanga....hindi ikagaganda ng reputasyon yung ganon gawi ng isang lalaki.....parang napakatino...:D

Ka Blackjack...naku ihanda mo na nga yaang pagtitigilan ng mga Nokis na bibitbitin dyaan ni ka Jojo...at talagang yun ay mga pangdiinan at kilitian....

Teka nga Ka Blackjack....ibigay mo nga detalye rin sa akin kung sakali at ayos doon kay Ka Raul?

jojo60
December 21st, 2005, 01:37 AM
magandang umaga po sa inyong lahat!!! ako at buong pamilya ay papunta ngaun sa lost vegas,sana'y makabahagi doon at malaki na rin ang aking napaparte sa mga hotel doon.

its good to know na nahupa na ang tubig jan sa atin..kawawa naman talaga ang mga biktima ng disaster jan sa atin..sana'y maging maayos ang kanilang pasko at ang kanilang bagong taon.

At sa lahat na mga KASANDUGO,"advance merry x'mas and have a happy-happy new year to all" :rbounce: :rbounce:

chuckeee2
December 21st, 2005, 02:26 AM
MERRY CHRISTMAS SANDUGUAN!

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/9b1f5faa.gif

goryo888
December 21st, 2005, 09:54 AM
Gandang umaga sa inyo dyaan mga Kabahag.....

sonny dela cruz
December 21st, 2005, 08:56 PM
Gandang araw at gabi mga kabahag.Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
December 21st, 2005, 09:04 PM
Ka Sonny aga mo gumising ah...kagigising ko lang din at mag tsatsaa muna ako...

Gandang Gabi / Umaga sa inyong lahat...

sonny dela cruz
December 21st, 2005, 09:49 PM
Pahirap na ng pahirap yung therapy ko ka Goryo kaya pagkatapos kain tulog na kaya aga gising pag gising parang nasa pinas din pag bukas mo TV pang umaga na balita sa kapamilya at kapuso ang panonoorin he he he.
Nood po muna tayo ng laban sa makati live.

chuckeee2
December 22nd, 2005, 12:05 AM
Musta na mga kabahag,

lapit na pasko, lapit na rin CF! at ere meroon na ring tupadakids...

http://www.journal.com.ph/headlines.asp?pid=1&hid=1113&month=12&day=22&year=2005

goryo888
December 22nd, 2005, 02:46 AM
Grabe na yan Ka Chuck...aba ay dapat matigil yan kawawa naman ang mga Bata....

Hirap na talaga ng Buhay...tapos may mga mapagSamantala pa....:mad:

chuckeee2
December 22nd, 2005, 02:54 AM
oo nga 'tol Goryo, napag iisipan ko na rin tuloy baka naman e nauubusan na ng manok sa pinas:mad: at mga paslit na ang inilalaban. Aba'y darating ang araw e ang mga tatay naman ang nasa rueda niyan!

goryo888
December 22nd, 2005, 03:14 AM
Bakit baga merong mga matatandang iresponsable....pangaralan mo nga Ka Chuck yaang mga yan....baka di makinig sa akin eh......mapagsasapok ko pa yang mga matatandang walang tinandaan....:D :mad:

Sana nga eh sila na lang matatanda ang maglaban laban....lalo na yung mga IRESPONSABLE para maubos NA SILA....HWAG LANG NILA IPAPAKITA SA MGA BATA PAGLALABAN NILA.....

chuckeee2
December 22nd, 2005, 03:38 AM
:lol: NAKU! BAHALA NA SA KANILA SI ATE GLO...YOONG ARTISTA HUH! DARATING ANG ARAW E TAO NA ANG MGA ISINASABONG. MAY KASABIHAN NGA E... 'HISTORY REPEATS ITSELF' :lol:

DingDong
December 22nd, 2005, 04:11 PM
ei nasaan kaya ang mga kabahag.

napailalim na ang bahay natin ei, akala
koy' nalubog na din sa baha.

ka goryo at ka chuck,
kalupit nga nyaang tupadang yaan
walang konsyensa at puso ang
may palaban kasama na din ang
mga magulang ng mga batang yaan.
pati na din ang mga tumatangkilik
ng tupadang yaan. alam na kaya
ng city government yaan.

kung darating ang araw na tao
na laang ang magsasabong?; mas
maganda yata yung katulad ng
dating pasabong doon sa quiapo
noong araw, hi hi hi

mga kabahag asan na kayooooooo????

:rbounce:

chuckeee2
December 22nd, 2005, 04:19 PM
PRESENT !!!!! 'tol DingDong, buti naman at ika'y lumutang at ako'y kanina pang umaga dine :D palagay ko'y busy ang mga kabahag sa pagbabalot ng mga pamasko. Ang dami na palang entries sa CF Derby, ere ga'y aabutin ng umagahan?

sonny dela cruz
December 22nd, 2005, 09:45 PM
Magandang umaga at gabi mga kabahag.Dito na ako ka dingdong nagkakape,narinig ko kasi ang tawag mo ei.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

goryo888
December 22nd, 2005, 09:46 PM
Ka DD alam na alam mo pala yung pasabonbg noong araw sa Quiapo ha?? tskkk tsskkk ...yun ang Syapulang umaatikabo...dawwwww....naririnig ko lang sa mga medyo may edad sa aking mga kaibigan ko dyan dati....tumira kasi ako sa likod ng San Sebastian eh, sa Bilibid Viejo....
Mangyari lahat halos ng mga kaibigan ko eh mga may edad na....mga lolo na rin...:D

chuckeee2
December 23rd, 2005, 02:27 AM
mga kabahag,

ere'y malaking issue sa ngaun sa Pinas.....http://news.inq7.net/nation/index.php?index=1&story_id=60820

PASKO NA NAMAN SA PINAS!

chuckeee2
December 23rd, 2005, 03:18 AM
SANDUGUAN, IT'S CHRISTMAS!

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/e21e1518.gif

goryo888
December 23rd, 2005, 08:53 AM
Haaayyyy naku nga naman ang Pulitika....bahala na nga Sila...mag pagalingan sila...pakapalan ng mukha......kanya kanyang Agenda...(hidden personal agenda)


Ka DD baka maihulog na yung Share ko...nagpadala kasi ako ngayon isang Bagsakan na...bahala na sila magkatay katay nun...basta kako 7,250 ihulog sa account mo....;)

goryo888
December 23rd, 2005, 10:04 AM
Nakupppp wala daw palang BPI sa Candon Ilocos Sur....siguro door to door na lang....Ka DD...sa Jan. 9 pa naman deadline diba?

chuckeee2
December 23rd, 2005, 11:41 AM
....meroon na gang nakokolekta si tol DingDong para sa ating pang CF?

DingDong
December 23rd, 2005, 11:45 AM
preng gori,

anaki'y napapasyal ka rin sa las vegas
o mackinley sa quiapo ah . . . . .

sige kung ala sa ilocos ei di door to door
na laang, teka bakit ga sa ilocos nagawi
ang iyong padala. hi hi hi, tsitsismis laang
ako . . . sa wari ko'y may pinapandaw ka
doon ah, bwahahahhahahaha.


'tol chuck,

two days naman ang laban baka naman
hindi pamorningan yaan.

ka sonny,

kalakas talagang sumigaw ng mangyan ano
narinig mo agad ei, parang tilaok ng manok
malayo ang dating ng sigaw ng mangyan.

sige mga kabahag, xmas party naman dine
sa kabilang opis namin sa cabuyao. kainan
at inuman na naman ire. ikakain at iiinom ko
na laang kayo dine.


MERRY CHRISTMAS TO ALL OF US ! ! !

:rbounce:

goryo888
December 23rd, 2005, 11:57 AM
Naku Ka DD, sa Ate ko yun na nakapangasawa ng taga Ilocos......
Baka paMaynila naman yung mga yun dahil sa kasal ng pinsan ko kaya baka maihulog din direkta sa Bangko mo.
Basta sabi ko ay ihulog, kaya ay ipadala o kahit ibato na laang papunta sa inyo at sambutin mo na laang...:D
Basta dapat kako ay matangap mo hangang Anuwebe ng Enero....


Hindi ako Ka DD napapapasyal sa kahit anong Kalyaeng sinambit mo...napapakingan ko laang sa mga Kaibigan ko.... napupunta ako malimit sa Wise Inn sa malapit sa Isetan sa Quiapo noon nasa Kolehiyo pa ako....syempre....alam mo na...mag aalis ng sama ng loob kasama GF ko...pero isa laang yun sa loob ng halos 7 taon...kaso nawala rin...

DingDong
December 23rd, 2005, 01:36 PM
'tol chuck,

ang sigurado pa laang sa ating pondo
ay iyong amin ni preng joey. sa malaon
at madali makukumpleto din natin yaan
oras laang ang ating hinihintay marami
naman ang nag pleds sa tropa.

preng gori, akala ko'y meron kang pinapandaw
doon, hi hi hi. sige basta banggitin mo
na laang dine o text ka sa akin ng aking
ma tsek kung pasok na pasok

iyong nabanggit ko ay sa aurora blvd, name
ng club iyon. sa banda dito kung galing ka ng
tulay ng quiapo bandang kanan, ang wise inn
naman na paborito mo ay nasa kaliwa. iyon
naman ay naikwento din laang sa akin, ako'y
hindi din nagkaroon ng pagkakataon makapasok
doon dahilang baga'y estudyante tayo noon
at ang alawans ei eksakto laang pang eskwela.

pitong taon kamo kayo ng iyong sinta at
nawala din. iyan ka din yaong dati mong
kwento na may salipsip ang mga istorya at
animo'y nahabol sa iyo. kung ano ano
ang kwento sa mga kamag anak mo doon
sa atin. tsk tsk tsk baken ga may gay-on.

di bale na iyong pitong taon na iyon sa
wari ko naman ay ayos ang palahi mo dyaan
kung meron na "rumangyan" baga???
simul-i ng magpalahi.

teka sa mga kabahag baga'y sino ang
merong YM. para tayo naman ay
makapag huntahan doon. i PM na laang
sa akin at mag conference tayo, hi hi hi


:rbounce:

chuckeee2
December 23rd, 2005, 03:14 PM
tol DingDong,

mukha yatang hindi ninyo inubos sa mga regalo bonus ninyo ni tol Joey ha! buti naman at nagsiguro na kayo pang CF. Siya, isama na kami ni tol Goryo sa mga paniguro na't darating na riyan ang kay tol Gori at yoong sa akin nama'y sa aking pagdating sa Jan 4 o baka mapaaga ng dalwang araw at ako'y naka waiting list kung meroong mag cancel ng flight.

MERRY CHRISTMAS! PASKO NA!

DingDong
December 23rd, 2005, 06:52 PM
'tol chuck,

pinagtiis na laang muna ang mga
inaanak at minsan laang naman
areng ating are kaya nauna ng
napalaan ang sa tropa, he he he

si ka raul_ruaro at ang mga nasa
mindoro ay pag nagpangita kami
doon (kung ako'y matutuloy ng
pag-uwi) ay iaabot na laang sa akin.

sana nga ay maka uwi ako at
makapanood ng derby sa dragon.
dangan bagang hindi pa ako nakaka
panood doon. malayo kasi sa amin
sa socorro eh.

nakupo, are na ang pasko kalapit
na eh. sana'y tayong lahat ay
magmahalan at magbigayan.

MERRY CHRISTMAS TO ALL OF US ! ! !

:rbounce:

DingDong
December 23rd, 2005, 07:01 PM
mukhang ala ang mga mangyan at
ako'y ulila na naman dine.

baken ga sa ganireng oras ay lagi
akong mag isa dine. ano gang oras
sa inyo dyaan. dine at 7:21PM.
ano ga ang katumbas na oras
dyaan sa inyo at anong lugal yaan.

maya maya laang ay ako'y uuwi
na din at kami naman ni esmi ang
may xmas panty este party pala.
mabait daw ako eh kaya sa bahay
na laang wala ng ekstra ekstra.

PASKO NA PO MGA MANGYAN

tagay nyo . . . .


:rbounce:

goryo888
December 23rd, 2005, 07:06 PM
Naku Ka DD.......balik balikan mo nga listahan natin at ng di magkalimutan sa mga sisingilin.....
Naku mabuti na laang at may natira rin para sa Tropa eh...binanatan ako ng hirit ni Ate ng mabigat bigat din ei......mantaking banatan ako ng 6 digits........butas ang bulsa ni ka Goreeee.....ubos ang pinaglandian ko dine ei....nyahahaha...

Mag sasayaw na nga laang ako dine sa mga Club, mas malaki kesa sa Nars ang kita...may tip ka pa pag magaling gumiling...nyahahaha.... maghuhubad na laang ng Karsonsilyo...:lol:

DingDong
December 23rd, 2005, 07:18 PM
preng goree,

si utol alimbuyog ang may gawa ng listahan
sya na laang ang ating pagsusulatin dine
nang mag PM nga ako sa inyo ei hindi ko
matandaan yung iba. kahirap ga noong
maraming iniisip na ba . . . gay bagay . . .

ei kasarap mo naman palang hiritan eh
daang libo yan ah, kagandang papasko
nyaan. barya na laang pala sa iyo ang
1.5 share, dagdagi na ire at ng maganda
ang ating parada.

teka preng gori, kapag ikaw ay magtatanggal
ng karsonsilyo ei iyo munang labhan at
baka kaya na nyang tumayo sa kapal ng
banil, hi hi hi jk jk jk

ganire na laang, duty ka muna sa ospital sa
araw tapos sa gab-i ei sasayaw sa club para
pag-uwi ei meron tayong pang sabong.
gaw-in mo na din akong personal na taga
bilang at ingat yaman, bwahahahahahaha

teka nga pala musta ang pasko dyaan sa
iyong lugal diyan, masaya ga?

:rbounce:

DingDong
December 23rd, 2005, 07:29 PM
ay nawala na si preng gori.

uwi na ako dre, sa martes na laang
uli bakasyon muna ng ilang araw.
kung matutuloy sa ng uwi sa mindoro
baka sa 28 ng madaling araw.
sana hindi na umulan at baka abutin
pa ako ng baha sa byahe.

ingat po tayo mga kabahag ! ! !

:rbounce:

sonny dela cruz
December 23rd, 2005, 09:58 PM
Tinanghali na naman po ng bunot sensya na ,gawa po ng ubod ng lamig talaga ngayon dito ei, kaya hindi ko gaano narinig ang pulahaw ni ka dingdong he he he.

Akoy makasabad na rin sa huntahan ng lugar ng quiapo di ko natunugan ang labanan ng na iyon pero ang madalas namin puntahan dati diyan ay yun gang paliguan sa planggana at yun gang torohan pag akyat mo ng overpass sa tapat pa naman ng simbahan.

Isang tulog na laang po ay pasko na diyan sa atin.Maligayang Pasko po sa ating lahat kahit po ang ibang kabahag ay hindi pa nakakabalik sa kanilang mga tahanan ang importante ay magkakasama pa rin po sila at wala naman pong napabalitang nadisgrasya.Panalalangin po namin na makabangon lahat sa nasabing kalamidad.

goryo888
December 24th, 2005, 12:15 AM
Ka DD wala halos Pasko dine....naku....kasarap pa dyaan sa atin...
puro Barya na nga laang kaso sinairan pa...kaya wala na....said na saiddd ang pinagLandian...nyahahaha
Kahit kasi kahuli hulihang kusing ko pag kailangan talaga nila ibinabato ko na lang........

Ka Sonny alam na alam mo rin yun ha? Ikaw ga ay ayos na ang pakiramdam??...Sya pagaling agad...

chuckeee2
December 24th, 2005, 02:04 AM
Pasko na mga kabahag, pero sa atin e alang tigil ang ngusuan ng ngusuan araw araw....


"Any uprising at this time is the last thing the country needs. Any source of instability, uprising, rebellion and secessionist movement will not do the country good. It is the last thing that we need," Honasan, a member of PMA Class 1971,said.

Sabi naman ng aking kapatid e tahimik naman raw sa pinas. Bakit sa mga diyaryo'y napakagulo! Anyway......

'PASKO NA' MAYA'T MAYA E, HOLY NIGHT NA!

chuckeee2
December 24th, 2005, 02:51 AM
HOLY NIGHT NA !

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/9c2ada91.gif

goryo888
December 24th, 2005, 02:55 AM
Tama ka Ka Chuck tahimik talaga sa atin, sabinga nung Anti graft consultant ng Pinas, eh ang nagpapaSAMA ng imahe ng ating bansa ay ang Media.....
Bakit kasi di ibalita yung magagandang bagay.....

chuckeee2
December 24th, 2005, 03:18 AM
....ganyan talaga 'tol ang newspaper business, kung ala kang sumisiklab na balita e ala kang kikitain. Galing ako riyan at bago ako lumisan e isa ako sa mga orig ng i launch ang Manila Standard ni Elizalde. Si Val Abelgas, ang mga Trinidad's, Chona, Cita, at Tony, isa ang mga yaan sa mga kasabay ko noon 1987. Then, napunta naman ako dine at 16 1/5 years rin akong photojournalist....paparazzi, ang bansag sa amin. Sa ngaun e lay down weapons na :D Tagal rin nag-antay mga alaga kong manok e matutuwa na sila sa ngaun at darating na kanilang Papa :lol:

Manokiz
December 24th, 2005, 04:01 AM
kabahagueno,,,

Mery X'mas po sa inyong lahat,,, :)

sonny dela cruz
December 24th, 2005, 06:13 AM
Tama ka diyan ka Goryo ang pasko dine ay di kasing saya ng diyan sa atin,mas importante pa sa kanila dito ang Thanksgiving day.Lalo na dito sa amin na konti ang pinoy.Maige na rin ang pakiramdam ko la na saklay at ika-ika na lang ng konti sa paglakad tinutulungan ko ng extra exercise yung therapy ko,pero di pa pwede tumalon sa kama lang pwede he he he.

Magkasiya na lang ako sa webcam nito habang sila ay nagdidiwang ng kapaskuhan sa atin.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

chuckeee2
December 24th, 2005, 06:53 AM
tama kayo mga kabahag, ala ng huhusay pa ang pasko kundi pasko sa pinas. Nariyan yaang puto bumbong na pinahiran ng star margarine at pinagulong sa kinudkod na niyog, bibingka na meroong itlog na maalat, keso de bola, sweet ham ng majestic sa quiapo, mainit na tsokolate, pansit loglog, litson, puto at dinuguan....ano pa ba! Malapit na noche buena ala na namang tulugan ere. kakainggit kayo diyan na nasa pinas....magkita kita na laang tayo sa cf derby at ituloy ang ligaya :D

........... PASKO NA NAMAN SA PINAS!
http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/9cecb687.gif

goryo888
December 24th, 2005, 01:14 PM
Kakalaway naman yaang mga pagkaing sinabi mo Ka Chuck....
Sige na nga makakain na...may mga dala akong pagkain eh...pichi pichi, tsaka puto at dinuguan....kaso di ako kumakain ng gaano.....

chuckeee2
December 24th, 2005, 01:23 PM
NOCHE BUENA NA SA PINAS !

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/9aeca914.gif http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/9aeca914.gif

ANG SASAYA NA NAMAN NG MGA BATA !

goryo888
December 24th, 2005, 09:11 PM
Merry CHRISTMAS!!!;)

ValianT
December 24th, 2005, 09:17 PM
merry christmas and a wonderful new year to all!
:rbounce: :rbounce:

from: tropang UAE!

hanae mori
December 24th, 2005, 10:58 PM
http://www.newcybertech.com/images/Gift%20Shopping%20Exceptions.gif


MERRY CHRISTMAS TO ALL OF YOU!

sonny dela cruz
December 24th, 2005, 11:14 PM
Malapit na pong gunitain ang kapanganakan ni Jesus.

Rab45
December 24th, 2005, 11:15 PM
MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON :rbounce:

rowdell kruz
December 25th, 2005, 01:08 AM
MERRY CHRISTMAS PO SA INYONG LAHAT

:rbounce: :rbounce:

goryo888
December 25th, 2005, 09:52 AM
Sa inyong lahat na dumalaw sa aming Tahanan at Bumati....Salamat sa inyo at isang Maligayang Pasko rin ang aming bati para sa inyo....

LUPIN3
December 25th, 2005, 01:02 PM
MERRY CHRISTMAS!!

goryo888
December 25th, 2005, 10:38 PM
Merry Christmas mga Kabahag......kumusta na ba ang pasko natin....sana lahat Maligaya lalo na sa mga darating pang mga Araw.....;)

jojo60
December 26th, 2005, 12:30 AM
MERRY MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE!!!:rbounce:

chuckeee2
December 26th, 2005, 12:58 AM
HAPPY NEW YEAR SANDUGUAN !

http://img.photobucket.com/albums/v694/chuckeee2/b720faf3.gif

lyrea
December 26th, 2005, 01:48 AM
http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/Graphics%20And%20Animations/b06d36b0.gif


http://i12.photobucket.com/albums/a202/lyrea/lights.gif
"There are moments in your life that are bigger than you think"
"I never knew how to worship until I knew how to love.
"You come to love not by finding the perfect person, but by seeing
an imperfect person perfectly."
"Life has taught us that love does not consist in gazing at each other
but in looking outward together in the same direction."
"The richest love is that which submits to the arbitration of time."
"The supreme happiness in life is the conviction that we are loved"
"To love and be loved is to see the sun from both sides."
"Love is an ideal thing, marriage a real thing."
"Better to have loved and lost, than to have never loved at all."
"It is better to be hated for who you are than to be loved for what you are not."