PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 5 6 7 [8] 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

goryo888
December 26th, 2005, 07:38 AM
Mamya lang Bagong Taon na....sa Lahat naway ang bagong taon eh Maging maganda at Masagana.....;)

Ka Jojo...........salamat sa mga tip natin dyan...

Miss Lyrea salamat sa iyong pagbati...ganon din ang bati namin sa iyo at sa iyong buong Pamilya...

jojo60
December 26th, 2005, 07:49 AM
NANDITO KA LANG PALA 'TOL GORIO.... WALANG ANUMAN PARDS

AT SANA AY MAKATULONG NG KAUNTI ANG NABIGAY KO SA IYONG

MGA TIPS...:)

chuckeee2
December 26th, 2005, 09:32 AM
mga kabahag,

kamusta Pasko natin diyan ! Bagong Taon na, another celebration uli :D

jojo60
December 26th, 2005, 09:53 AM
ka chuck: ok lang naman ang pasko namin d2 sa CALIFORNIA, i

think same with ka GARY....tol malapit na ang alis mo db?

nakakainggit ka naman pards....btw sa lahat ng aking mga

kabahag MERRY X'MAS po sa inyong lahat!!

MABUHAY ANG SANDUGO!!!!!:rbounce: :rbounce:

goryo888
December 26th, 2005, 10:04 AM
Tol Jojo, pagkadating eh bumisita agad dine sa bahay natin...tapos halos hapon na nga ng magising.....inemail ko na kaagad kay Utol para sabihin kay Tito yung mga tips mo.....

Ka Chuck ayos naman ang aming Pasko...lalo pa ngat nakarekwest ng off....malapit na ang Sibat mo Tol Chuch ah...sige hwag kalimutan na dalhin din yung Sundalo mo sa ating training camp...

Ako'y baka matagalan ang uwi...may mga aasikasuhin pang mga bagay na importante...pero pag umuwi ako eh sisiguruhin kong matagal tagal...lalo pa't sa Enero eh mapupunta ako sa ibang Departamento....

Raul_Ruaro
December 26th, 2005, 04:40 PM
Belated merry christmas sa inyo mga kabahag! Dito na ako mindoro nung dec. 22 pa, medyo busy kaya ngayon lang nakasilip dito sa ating munting kubol. Busy sa pagaalaga kay baby. hehehe! Lintek pala sa hirap magalaga, daig pa sa napasabak sa derby. hahaha! Pero kahit mahirap ay nakakagaan naman ng loob kapag ngumigniti si baby sharina.

Kung matuloy yung entry ka blackjack sa dragon sa 28 ay malamang manood ako. confirm na kaya yun?

stewart-


Peace!

Raul_Ruaro
December 26th, 2005, 04:45 PM
Ka goryo,

Kababayan ko pala napangasawa ng iyong ate, malapit lang ang candon sa amin. Taga Vigan, ilocos sur kasi kami. Kapag dating na panahon ay pasyal ka dun sa amin at baka dun ka makakita ng makakatisod sa iyo. Yung baga makakasama mo habang buhay. hehehe!

Ka chuckee,

Sana mag pangabot pa tayo dito sa mindoro. San a nga at matuloy di si ka didngdong sa pagpunta rine.


stewart-



Peace!

goryo888
December 26th, 2005, 09:24 PM
Ka Raul, sa Sta Cruz yung bayaw ko, yung sa Candon eh doon lang yung branch ng bangko...na pinagpapadalhan ko ng pera, either PNB o RCBC.

Talagang pupunta ako doon pag umuwi ako dahil maganda daw sa Ilocos. Yun ay pag nandoon pa sina Ate ko.

Okay yan sige...alagaan mo ng husto si Sharina mo....;)

goryo888
December 27th, 2005, 09:58 AM
Nasan na kaya ang mga Mangyan??:confused:

DingDong
December 27th, 2005, 10:13 AM
'tol chuckee, jojo, goryo, sonny at raul_ruaro

maligayang pasko muli at manigong bagong taon
sa ating lahat.

masaya pa din ang pasko sa pinas di laang
siguro kasing saya noong panahon natin.
dumaan din ang pasko, lumipas at ipinagdiwang
subalit huwag sana mawala sa ating puso
ang tunay na diwa ng pasko. ang kapanganakan
ni Jesus na ating Panginoon. ang pasko ay
pag-ibig, kung meron nito ang bawat pinoy
disin sana'y maunlad at masagana ang ating
pamumuhay. pag-ibig sa kapwa at bayang
minamahal. hindi ang mamanginoon sa
materyal na bagay na syang waring pangunahing
adhikain ng ilan sa mga nasa gobyerno. hoy
mga tinamaan kayo ng kidlat magbago na kayo!


sa sabong na bagay naman, tuloy ang laban
ni ka blackjack sa dragon, 3 cock yata iyon
sa a-28. sana ay samahan ng swerte
si ka blackjack. umabot sana ako kasi sa
araw na iyon ang uwi ko sa mindoro wag lang
sasama ang panahon at baka umatras si esmi.

si ka grandeur naman ay sa 29 ang laban,
samahan din sana ng swerte.

kaya swerte lagi ang sambit ko kasi kung parehong
de kalidad ang manok, pareho din ang ganda ng alaga
ei di swertehan na laang ang laban di ga???

sana makapunta ako sa training camp sa a-30 ng
buwan, mahimas ang mga pandiin at pangkiliti natin.

HAPPY NEW YEAR TO ALL OF US ! ! !


:rbounce:

goryo888
December 27th, 2005, 10:22 AM
Aba at mapapalaban pala ang mga mangyan ah...sana nga swertehen sila.....kasarap naman pasabong sabong laang ei...

Naku ka DD...sinabi mo pa...hirap talaga pag...KAGAHAMAN ang pumasok sa sino man....tskkk tskkk....bahala na sila sa KABILANG BUHAY kung pano nila sasagutin ang tanong ng ating PANGINOON....

DingDong
December 27th, 2005, 10:39 AM
preng goree,

meron din nga sana akong panlaban
kaso andun na sa training camp. yung
kasing natira ei kung hindi mga sugatan
pa ei mga regular laang na pang hackfight.

hamo ka goryo, pag uwi mo magsasawa
ka sa kakalaban ng manok. kailan ga ang
gaur mo pauwi dine sa atin. ipaghahanda
ka namin ng manok kung kulang ang
panlaban mo. hi hi hi


:rbounce:

sonny dela cruz
December 27th, 2005, 10:39 AM
Sa iyo rin ka dingdong.
Mabuti naman at kahit paano masaya ang mga kabahag nitong nakaraang pasko,masaya rin kahit pano ang pasko namin at nasilayan ko sila diyan sa atin sa webcam.Gaya ng sabi ko sa utol ko ay lumuwas nalang sa maynila at dun magpasko ng kahit pano ay makapahinga ang isip ng konti lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa gaano nababa ang tubig sa brgy.malabo kung saan andun ang karamihan sa alaga namin sabi ko bawi na laang sa sunod.

Okey na okey pala at maraming nakasalang ang mhga kabahag,good luck at sana ay lahat lumusot,at sa mga magbabakasyon ayos na ayos at mahihipo na naman ninyo ang inyong mga sundalo at magkakape sa umaga habang nagtitilaukan ang mga nakahilerang mga sundalo.

Tulog na ako mga kabahag bukas ang balik ko sa trabaho.Ingat po tayo lagi and God bless.PEACE US.

DingDong
December 27th, 2005, 10:45 AM
ka sonny,

sige tulog na muna at nang madali ang
iyong paglakas.

asan kaya si 'tol chuck at jojo, tulog pa
yata. napuyat sa pag sta claus ah.


:rbounce:

goryo888
December 27th, 2005, 10:56 AM
Salamat ka DD at kung sakali pala ay may mga madadampot dyaan....ako nama'y talagang Magsasabong laang at hindi Sugarol...kaya kumbaga ay aliwan talaga ang sabong sa akin...naku baka masayang laang ang mga manok nyo na ihahanda tapos pusta laang ako ng manalapi.....ay kakahiya....
Kaya nga kahit papano ay nagpapaalaga ako sa Tito ko ng manok, may darating akong YLH at Kelso ng Bcock deretso sa Tito ko bahala na sya....mga galing din laang sa Tabi tabi....;) http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/Mclean20Stag2.jpg ari'y akala ko'y mabibili ko at ng maipares sana sa pullet na mahihingi ko sa tabi tabi rin na Abello Sweater, Mclean yata yan....nasa auction dati ni Rob Phoenix. Kaso nga ay naka Auction, kaya di pwedeng yan laang isang yan...naghihintay ako ng pics ng Gilmore...na papadala nya..kung makukursunadahan ko eh bibilhin ko.

chuckeee2
December 27th, 2005, 11:05 AM
tol DingDong,

yoong iyong pinukol na kidlat e nahagingan ako at ang tinamaan e yoong masungit na nasa likuran ko :lol:
mga kabahag, nalalapit na naman ang gastusin ang pagsapit ng bagong taon. Hinay hinay laang tayo't meroon pang isang darating yoong CF Derby baka ala ng matira :lol:
iisang linggo na laang e lilipad na ako pariyan sa kabundukan ng tabinay. Nawa'y ala ng ratratan diyan at ng hindi mabulabog ang mga tinale ko. text ko na laang kayo paglandoy ko sa lupang sinilangan.

chuckeee2
December 27th, 2005, 11:09 AM
aba'y tol Goryo,
napakaganda naman niyang stag na yaan e sa hubog pa laang ng pangangatawan e para kang lalandoy sa isang aircraft carrier. siya, umpisahe na ereng enero ang pagpaparami ng mangyan warriors at ng mapasabak na sa invitationals :D

DingDong
December 27th, 2005, 11:10 AM
ka goree,

parehas laang naman tayo na naglilibang
laang sa sabong . . . ei yung manalapi mo
at mamiso ko ei di ayos na yaon na parada.

lagi din laang ako lampas ng kaunti sa
minimum bet . . . basta ga laang makasali
sa derby at manalo ei tuwa na ako doon.

iyong tuwa na iyon ang hindi kayang
tumbasan ng kwalta di ga. ayan ang pamatay
ko kay esmi eh, tuwa hindi sugal ang sabong
sa akin.

basta nataon ka andito at merong pangiliti
doon na nakahanda ei ilalaban natin. sabi
nga eh hindi naman natuturuan mamalengke
ang manok eh, patayan laang ang alam nun,
he he he

iyang picture na iyan eh sa wari ko nga eh
mclean hatch . . . green legs eh . . .

meron ka naman resources ei kumuha
ka na ng magandang materyales para
sa mga susunod na sabak ng SANDUGO
ei malalim na malalim na ang ating
pagpipilian . . .


:rbounce:

DingDong
December 27th, 2005, 11:18 AM
'tol chuck,

buti na laang pala at haging laang,
ang lakas pa naman ng boltahe
ng kidlat na iyon.

nakupo, kung sa a-kwatro ang landoy
mo sa atin eh nakabalik na ako dine
sa cavite, gawa ng may pasok na ang
aking anak sa petsang yaan kaya
kailangang makabalik agad kami.

ngay-on baga'y panay pa din ang
ratratan sa kabundukan ng tabinay.
kamo'y hinay hinay muna sila at iisa
ang ating buhay. baka magkatamaan
ei kasarap bagang mabuhay ng
matiwasay.

:rbounce:

goryo888
December 27th, 2005, 11:32 AM
Naku yan nga ang hindi ko maintindihan, bakit ang mga kadugo natin ay nagpapatayan na kung tutuusin ay hindi naman dapat....ano ga ang mapapala nila sa Pamumundok at makipagpatayan sa mga Sundalo?................kakaawa ang mga taong nagagamit sa mga Idolohiyang...ewan ko baga.....

Sige Ka DD...pag ako'y napauwi...pero baka matagalan pa...malamang yung magiging anak ng mga paalaga ko ay maaari na rin, pagdating ko dyaan...kaya nga ako'y nagpapaalaga na sa Tito ko....

Ka Chuck di ga pwedeng akyatin mo yung mga kapatid natin dyaan at pababain mo na laang...ng hindi na nakikipagratratan at nakikipagtaguan sa mga Sundalo??
Aba ay kung magiingay sila ay mabubulabog ang mga pangiliti natin eh...

jojo60
December 27th, 2005, 11:43 AM
ka DD: katatapos lang po ulit kumain.talaga naman hindi pwedeng pahindian ang mga niluto ni ermats at baka magtampo.mainam naman at nakaraos rin ang pasko jan sa atin ng matiwasay.

ka CHUCK:talagang uwing uwi ka na eh..napakasarap naman talaga ng ganyan at parang wala tayong problema sa buhay kapag nakakakita ka ng iyong mga tinali at siguradong naglakihan na cla ng huli mong cla nakita.

ka GORIO:ke gwapo naman niyang ipapauwi mo.bayaan mo kapag ako'y nandoon na bibigyan natin yan ng magandang kapareha para makapagparami tayo ng mga panlaban.

ka BLACKJACK: balitaan mo kami sa iyong sasalihang Derby at sana ay makamit mo ang tropeo. alagaan mo ng husto iyang mga iyan at iyan ang pangdidiin ko kapag punta ko jan...

MANIGONG BAGONG TAON MGA KABAHAG!!! :rbounce: :rbounce:

DingDong
December 27th, 2005, 11:58 AM
ka goryo,
mali man o tama ang kanilang ipinaglalaban
sana'y sila'y magising na at kasarap mabuhay
na hindi lilinga linga sa paligid at baka may
rumatrat sa kanila.

ka jojo,
ayos naman din pala ang pasko mo dyaan.
dami damihi na ang pagpapalahi mo at baka
sakaling maambunan mo din ako ng isang
inahen. ang kung sakali ang ilan sa magiging
anak ay sa training camp ang dala para sa
mga susunod na sabak ng SANDUGO.


basta mga kabahag; kung tayo man ay may
mga laban ay ipahiwatig laang dine at baka
hindi natin alam ei magkatapat ang ating mga
tinale lalo na kung tayo'y hindi makakauwi
sa araw ng laban at mga kasama laang natin
ang nasa sabungan.


:rbounce:

Raul_Ruaro
December 27th, 2005, 04:08 PM
Musta mga kabahag? Ito natakas lang sa pagaalaga kay baby sharina upang sumilip dito sa ating munting kubol. ilang araw ng di maganda panahon dito sa mindoro at tumunog na naman ang serena. Nagbabadya na naman na bumaha. Nasa biga na daw yung tubig pero mukhang mabagal naman ang pagtaas ng tubig. Kapag nagkataon ay di matutuloy yung derby sa dragon bukas. May low pressure na naman kasi dito sa mindoro eh. Kaawawa naman ang mga kabahag natin....



stewart-



Peace!

Raul_Ruaro
December 27th, 2005, 04:17 PM
Ka dingdong,

As of now ay nakakadaan pa naman yung sasakyan sa biga at mukhang di naman magtutuloy ang pagtaas ng tubig kapag dumeretso na di uulan. Timila kasi ksi ngayon kahit paano. Kung di magkaka aberya ay kitakitz na lang sa 30 sa kampo sandugo.


Ka goryo,

Di din natin masisi yung mga kasama na namumundok, talaga nga naman na walang pakundangan kung mapagsamantalahan ng iilang landlords ang mga kabahag natin na magsasaka. Nakakadagdag pa ang pagiging kurupt ng karamihan na nasa gobyerno. Maswerte pa tayo at nagkaroon tayo ng mga oportunidad na kahit paano ay nakapag aral at nakakain ng 3 beses sa isang araw. Tingin ko hanggat andyan pagsasamantala ng iilan ay di matitigil ang kaguluhan sa ating bayan. Sosyalismo ang kailangan! Hehehe! Joke lang! Sya chicken talk na nga lang tayo para makalimutan natin ang mga masamang nagyayari sa bayan natin. hehehe!



stewart-



Peace!

DingDong
December 27th, 2005, 05:13 PM
preng stewart,

nag text nga kanina si preng blackjack
binigyan ako ng babala na wag na munang
tumuloy baka kasi tumaas uli ang tubig
dyaan. paki-abiso na din ako pre thru text
kung tataas ang tubig dyan sa atin. mas
maige yung sa iyo galing ang balita kasi
andyan ka sa calapan mismo.


ka goryo,

tumawag ang ate mo sa akin kanina
nailagak na daw nya sa akawnt ko yung
galing sa inyo. nag-tsek ako kanina dito
sa tabi namin na BPI kaya laang ay off
line sila. tsek ko uli mamya bago umuwi.
palagay ko naman ay swak na swak iyon.


sa ilan pang mga kabahag, yung sa inyo
ga, kailan papasok. lagyi na at baka
maubusan ng pondo, hi hi hi hi sige kayo
hihingi kayo nyaan ka esmi nyo, he he he

:rbounce:

blackjack
December 27th, 2005, 06:02 PM
mga kabahag

talagang mahal tayo ng kalikasan.... umuulan lagi s hulo dun s paanan ng bundok(PNB kung tawagin namin dito) kaya ang tubig ngayon ay nasa hiway na. medyo baha n sa dose at onse at malakas ang dating ng tubig....malamang mamayang gabi o madaling araw ay baha n naman ang calapan. 2loy ang baba ng tubig kasi d naman tumitigil ang ulan dun s PNB at s gawi ng halcon.

malamang d tuloy ang derby bukas; pero derby ngayong gabi s victoria, 3-cock no pot money. baka nag-uumpisa n un ngayon.

Insang Jojo
baka naman abutan m p ang mga eto kasi malamang d 2loy ang derby bukas....d k n rin itutuloy kahit makadaan p sasakyan kasi baka bumigla ang baha ako naman ang mastranded s calapan.....nun ngang umuwi anak k n galing maynila ay nataong baha ang calapan....pump boat na ang sinakyan nila para makatawid s bandang masipit. hanapan n lang 2 ng magandang sked!!!

DingDong
December 27th, 2005, 06:34 PM
preng blackjack,

salamat sa update sa baha dyan sa atin
medyo lilimiin muna namin ni esmi kung
tutuloy baga kami o hindi, basta text text
lang pre.

ayun pala pre, hindi na tuloy laban mo sa
dragon, dalhi na iyang mga lasak mo dun
sa SG, isa o pareho ayos yaan sa tingin ko.
kasi may bentahe tayo dyan sa lasak
hindi papaluin yan ng deretso ng mga red
o grey, makakauna tayo ng pasugat, kung
malalim agad ei di . . . isa . . . dalawa . . .
panalo ang mangyan . . .

:rbounce:

DingDong
December 27th, 2005, 06:46 PM
teka mga kabahag, light moments muna tayo
para malimutan ng panandalian ang problema
sa baha. konting tawa at kiliti muna . . .

preng blackjack, ikaw ang nakita ko eh. natutuwa
ako dun sa signature mo.

"if he lies to you, he will steal from you"

paano kung ang pagkasalin ko nire sa
tagalog ay ganire.

"tumihaya ka at nanakawan ka nya ng lakas"

kung high station na white legs na pullet ay
pananakaw na ako ng lakas, hi hi hi . . . di ba
ka goryo, kayo ga are doon . . .

:rbounce:

chuckeee2
December 27th, 2005, 08:58 PM
Siya mga kabahag, ako'y abala na sa ngaun sa pag gayak ng mga bitbitin at text text na laang ko kayo. Aba'y iilang araw na laang e! ala ng isang linggo :D kakamustahin ko laang si ms. remy martin trek at baka gustong magpa pinas :lol:

goryo888
December 28th, 2005, 12:58 AM
Ka DD...aba ayos ang translation mo don sa sig ni ka Blackjack ah....hahahaahaha:lol:

Ka Chuck...sige at mangumusta ka sa mga kaibigan mo sama mo na rin yung magkakapatid na sina Blue, Red, Black at Green label...para masiyahan mga kosa mo sa Tabinay...painumin mo ng husto yung mga nasa taas at ng magkadalasing at tumiwarik ang mga puwet pag sinikaran ng magkakapatid na yan....sabay pag nahimasmasan ay Pangaralan mo nga....at ng matauhan....

blackjack
December 28th, 2005, 04:48 AM
ka DD

bwahahahaha!!! on d lighter side of things dapat ang tingin lagi para makaraos!!! kahit ako man kung gay-un ay nanakawin k na rin mapasaya rin lang naman ung kukunan mo.bkit nga ba ipagdadamot natin 2ng s atin basta makikiusap ay babahagihan din naman yan ng mabait na mangyan.
Bahala n kung sipagin basta papasyal ako dun kena raul s SG at naiwan k p dun ung pinakaimpoprtanteng lagayan k ng tapa....may sentimental value n s akin un at marami n kaming lugar n napuntahan... nakarating n rin un s inyo s socorro at marami pang lugar un na pupuntahan!!!

katay n lang kami mayamaya ng 1 alaga k para may makain naman ang mga katribu d2, 2nd death anniversary pati ng mommy penny ngayon.....hindi ung manok!!! may alaga din ako baboy ilang piraso pang reserba kontra gutom.....


ka chuck
PM k pag naramdaman mo n ung banlik s mga paa m.... hab a gud trip!!!

cge mga kabahag happi nu yr to all!!!!

goryo888
December 28th, 2005, 05:19 AM
Ka Blackjack....baka matuloy parin yaang derby mo...ipost mo laang dine...
pero mas maganda kung hindi na...para masama yaan sa CF..

blackjack
December 28th, 2005, 06:20 AM
ka gori, DD

Un nga eh maaga 2mawag s akin at pinipilit na isali.... wala n daw
2big. maaraw n nga d2 naujan at maliwanag na d 2lad kahapon medyo makulimlim. bahala na kung ano mamaya....basta ipost k lang pangyayari

ka DD

pwede k n gumayak pauwi at maganda n pinakita ng panahon!!!

cge mga kabahag simba muna kami at death anniv ng byenan k ngayon.

jojo60
December 28th, 2005, 06:36 AM
ka Blackjack: pakisabi kay TIO MELONG at kay Marife that will

pray for the soul of TIA PENNY..Nsan kung maganda ang kinikilos

ng mga sundalo ay ilaban mo na para mas maganda ang

pagpasok ng Bagong Taon . :rbounce:

ano ba ang gagamitin mong entry name?? GOOD LUCK!!!

goryo888
December 28th, 2005, 06:46 AM
Entry name?? Tol Jojo...Pwede na sigurong Blackjack Sandugo...ayos ga kaya yun Ka Blackjack?

Ilaban na yan basta maganda ang kilos sabi nga ni Ka Jojo....;)

jojo60
December 28th, 2005, 06:51 AM
KA GORIO: nakauwi ka na pala from work.d2 pa ako sa trabaho

nagtatago sa computer room, pretending to be busy..hindi na

kami bc compared from two weeks ago hanggang

24th.nakabakasyon nga ako last week pero magbigat naman

ang katapat sa LOST VEGAS.:(

jojo60
December 28th, 2005, 06:57 AM
ka BLACKJACK: pakiusap lang wag kalimutan ang kamera, may

kutob ako na magchachampion ka.. good luck and bring home

the bacon...:rbounce:

goryo888
December 28th, 2005, 07:07 AM
Na Lost Vegas ka pala....akala ko winwin yun pala loslos hahahha okay lang yan basta hwag yung baba ang lumuslos hahahaha...

Off ako ngayon...pati bukas.....

Ka Blackjack...o ayan ha...may kumutob na ng maganda...kaya sige larga na yan...

Teka teka....kausap ko yung utol ko nung isang araw at uuwi daw sya dyan eh....baka yun ay magDerby ah.....hindi laang sinasabi sa akin....matawagan nga uli.... :confused:

jojo60
December 28th, 2005, 07:13 AM
NSAN: kapag nakadalawa ng w's make sure insurance na para sigurado ang moolah:)

DingDong
December 28th, 2005, 11:18 AM
preng gori,

swak na swak ang pagkalagak ng
sheyr mo, naipasok na ng mga ate
mo. kita ko na kagabi bago ako umuwi.

preng blackjack,

ayos yaan malamang nire ay gagaur na
kami mamyang hating gabi para hindi
mainit sa mga bata ang byahe. dine sa
calamba ay mainit din ngayon, ayos na
marahil ang panahon.

yung laban mo, ei kung matuloy ei di
magaling at sa pakirawari nga ni 'tol
jojo ei kampyon ka. kung hindi naman
ay lalong magaling at ng dumami ang
pagpipilian ng ating pang CF.

may isa laang akong bilin ha, kung
may titihaya ei ako na ang bahala ha!

'tol chuck,

damidamihi ang igagayak mong pauwi
dine. karaming sasalubong sau ei baka
buong barangay.

ka jojo,

ikaw ga'y kailan ang gayak na gumaur
pauwi dine sa atin?

:rbounce:

goryo888
December 28th, 2005, 11:58 AM
Ayon sa aming pag uusap ni Ka Jojo eh sa Marso yata baga....naku yaan ang abangan nyo ring gumaud dyaan at panigurado ang bitbit nyaan......;)

Mabuti naman ka DD at naipasok na....sya sige larga na pauwi sa atin at ng makapagKITAKITS uli kayo....

DingDong
December 28th, 2005, 01:39 PM
ei sa marso pa ga . . . sige maabangan si
ka jojo . . . baka pwede akong maging
kargador mula paliparan, bawat hakbang
ei may mahuhulog sa mga bitbit nya, :lol:


wari ko'y ganire ang aking bakasyon sa
mindoro:

byahe mamyang hating gabi; dating sa
amin bago mananghali 29 na (kasi baka mahaba
ang pila ng sasakyan sa batangas pier);
bandang hapon larga ako pa-Gloria (kung
hindi kokontra si esmi) kasi may laban si
preng grandeur doon, RPS SANDUGO ang
entry name nya, yun daw alimbuyog at
talangas ang isasabak 2 cock derby ata
iyon. sa a 30 kung matuloy ang kitakits
byahe pa victoria, sa training camp,
hihimas muna ng mga sundalo. 31 ei
putukan muna kung meron, kung wala ei
nguso na laang ang papuputukin.
Jan 1, hi hi hi pasyal sa mga kababag-anak
kakilala at kaibigan. Jan 2, hanap uli kung
saan may sabong, he he he. nood nood
lang kasi walang puhunan eh. ere ang
masakit jan 3 balik na uli dine sana konti
lang ang luluwas pagnagkataon waaaaahhh
butil butil ang pawis ko sa pier sa inip.

jan 4, balik tarbaho na uli, hu hu hu
bitin ang bakasyon, waaaahhhhhhhh
di bale sa mahal na araw na lang uli
april yun . . .

he he he, kayo mga kabahag ano ang
plano nyo, inggit kayo ano, bwahahahaha

:rbounce:

blackjack
December 28th, 2005, 03:25 PM
mga kabahag

may entry c grandeur s gloria bukas 2 cock derby daw 2. sana makuha nya rin kampeonato. un atang 2 dalusape ang gagamitin ung di iniwan kna ka raul..... maayos gumalaw ang mga un.

cge katatapos lang ng dasalan d2...

Insang jojo

salamat! dalawang isip p ako kung 22loy, bahala na basta sinubmit k n ung weights dun kanina.... txt k n lang kayo s resulta. sana swertehin ang "SANDUGO" kung ma22loy ang derby....

blackjack
December 28th, 2005, 07:45 PM
mga kabahag

d n ko 2muloy marami p naman susunod n laban.... tsaka 19 ntries lang naman daw kaya winner tahe all n lang at wala n ung guarranteed prize. meron p naman s jan.11 paderby n pinsang teddy flores s dragon din.

kay grandeur n lang abangan natin bukas un.

oks n ako d2 s bahay at nagtabi na k ng tanpuluts medyo maiinit n nga punong tenga eh!!!

hapi nu yr 2 all!!!!

sonny dela cruz
December 28th, 2005, 09:04 PM
Musta mga kabahag?

Good luck sa laban mo ka grandeour.

Kainggit naman sked mo ka dingdong.sige po pasok na muna ako.

goryo888
December 28th, 2005, 10:40 PM
Ka Sonny...balik trabaho ka na pala...sige at hinay hinay at ingat ng konti...lalo na sa pagmamaneho....

Ka Blackjack oo nga daw...tinawagan ko si Ka GrandeurO at may laban nga daw siya sa Gloria....sana'y maging glorya talaga ang kalabasan ng resulta.....

Ano gang detalye nyaang paderby ni Teddy na yan? 3 cock o 4 cock baga? pakipost naman dine pot money, premyo....

jojo60
December 29th, 2005, 07:02 AM
ka gorio: may PM ako sa iyo. that would help a lot...

ka BLACKJACK:sana pinatulan mo na iyon at pera na un Nsan.

ka GRANDUER: goodluck sa mga sundalo mo and bring home the

1st trophy of SANDUGO.

goryo888
December 29th, 2005, 07:07 AM
Ka Jojo...nabasa ko na tol, ok nga pero sa ngayon wala pa rin naman akong ipapadala sa atin...pero tama ka iba na ang kahit papano alam mo ang tamang gagawin..;)

Nasa trabaho ka pa ga rin?? Naku ako'y bukas eh Lunes na naman...

jojo60
December 29th, 2005, 07:37 AM
kakauwi ko lang 'tol.kinopya ko na nga kc iyon ang hindi ko alam at ipapaalam ko narin sa mga grupo na balak magpauwi ng mga sundalo.

jojo60
December 29th, 2005, 07:43 AM
KA CHUCK AND BLACKJACK: meron akong PM sa inyo and it would help a lot.

DingDong
December 29th, 2005, 11:07 AM
ei mga kabahag,

inumaga ako ng uwi kanina, kaya hanggang
ngayon eh andine pa ako sa laguna. dalawang
okasyon kasi pinuntahan ko kagabi, xmas party
ng mga pulis ko dine tapos mga bandang alas
nueve eh may nag imbitang uminom sa labas.
ei napahunta ng husto sa katabi kaya ayun
inumaga ako. ka sonny, kainam nung kahuntahan
ko kagabi, siguradong tanggal ang sakit ng pilay
mo dun, he he he

kahit inumaga ei hindi naman gaanong nagalit
si kumander, nag-alala laang daw, hi hi hi

siguro ei makapananghali ei pauwi na kami ng
aking mag iina. darating siguro ei gab-i na dun
sa atin. sana'y makahabol pa ako sa laban ni
ka grandeur . . .

:rbounce:

goryo888
December 29th, 2005, 12:14 PM
Naku ka DD...talaga naman pala ano?? Eto kaya ang maging kahuntahan mo?? Baka di lang umagahin baka abutin ka pa ng gabi uli.... [IMG][IMG]http://

goryo888
December 29th, 2005, 12:38 PM
Sige ka DD at baka ako'y tumawag din kay Grandeuro para mangumusta....pag mapaaga ng gising bukas ng umaga dine....

Raul_Ruaro
December 29th, 2005, 04:29 PM
Magandang hapon mga kabahag! Natuloy yung derby kagabi sa dragon kahit isang dangkal na lang ay katuhod na tubig dun. 17 entries lang at 3 ang nag champion. 2 taga puerto at 1 taga masipit. Tiyuhin nung misis ko yung 1 taga puerto at masipit na nagchampion. Mangyan warriors yung entry name nung isang nagchampion na taga puerto. mga mag alas 3 na ng madaling araw natapos yung derby.


stewart-




Peace!

Raul_Ruaro
December 29th, 2005, 04:36 PM
Nagkita pala kami ni ka raul kagabi sa dragon, nagtari sya sa entry ng taga san gelacio. Magaling sana kaso lang stags ang linaban nila kaya di kinaya mga palo ng cocks. Nabaggit ko na baka nga makadalaw si ka dingdong sa 30 sa kampo sandugo. Di nya nga nabibitaw yung mga sundalo natin dahil laging masama ang panahon. Namatayan daw sya ng 4 na manok after a week ng manggaling kami dun at muntik na din nadale yung manok ni alimbuyog na bulik pula nya. Kitakitz na lang siguro ulit kami na mga andito ngayon sa mindoro.....


stewart-




Peace!

Raul_Ruaro
December 29th, 2005, 04:49 PM
Ka goryo,

Yung pa derby ni ninong teddy sa jan. 11 ay 3-cocks yun at 120 ang guaranteed price. Baka may mga tira pang derby na manok mga kabahag natin ay pwedeng combine yung manok ni blackjack. Meron pa naman kay ka dingdong na pwedeng ilaban. Tamang-tama at andito na si ka chack nung time na yun.

ka chuckee,

Nagchampion kagabi yung entry ni tito ronnie marquez sa dragon kagabi. Kakilala mo ba yung may entry name na mangyan warrios na taga puerto din? Baka may manok ka pa na pwedeng icombine sa manok ni blackjack na di nya tinuloy kagabi? Para mabinyagan natin muna sandugo bago ang CF derby... Paramdam ka na lang kapag andito kana sa mindoro para madala ka namin kanila ka raul.... thanx!


Stewart-


Peace!

sonny dela cruz
December 29th, 2005, 09:21 PM
Kamusta mga kabahag?

Maraming salamat ka Goryo,malapit na pong matapos ang taon hangad po nating lahat na maging maayos na ang lahat diyan sa atin at makapagsimula ng panibagong buhay.

Pasok na po ako ako,ingat tayo lagi and God Bless.

goryo888
December 29th, 2005, 09:54 PM
Tumatawag ako kay Ka Dingdong para alamin yung laban doon ni Ka Grandeuro, kaso di kami magkarinigan...........maingay..

Ka Raul....sa Anibersaryo ang balak kong magEntry....sa Marso yun...

Sige Ka Sonny at tuloy tuloy na yaan...magbasketbol ka uli ha?...nyahahaha

Bigay mo nga Ka Raul detalye nyang paderby ni Teddy...pati entry fee.

Salamat...

goryo888
December 30th, 2005, 07:23 AM
ano ng balita??

jojo60
December 30th, 2005, 11:31 AM
'tol mukhang nagkakaigi na ang mga mangyan jan,kutob ko ay namumuro na para pa-champion..... hari nawa....hoy,balitaan naman kami dini at para malaman namin kung ano ang nangyari kung may nangyari o wala manyayari:lol: :lol:

goryo888
December 30th, 2005, 11:39 AM
Tol..tatawagan ko na nga eh....tawagan ko saglit si Dingdong o GrandeurO.. sandali laang...

goryo888
December 30th, 2005, 12:48 PM
Ang Balitaaaaaa........first fyt..panalo...2nd fyt..di sinwerte.. 1-0 po ang score....
Sa Jan 11 sasabak si Blackjack..ayun na rin kay Ka DD...3 cock daw sa Dragon...

jojo60
December 30th, 2005, 01:49 PM
next time pana'y w's na iyan... ok lang iyan mga 'tol basta naka

iskor ok na iyan. Nsan blackjack yakang yaka mo iyan.basta wag

lang mababasa ang mga sundalo malaki ang panalo natin jan...

GOOD LUCK AND HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!:rbounce:

goryo888
December 30th, 2005, 10:20 PM
Tol...anong petsa sa Marso nasa Pinas ka? Balak ko entry sa Anibersaryo ng Dragon sa Clapan....4 cock yata yun...

Matanong nga kung kailan yun....mga KABAHAG na nakabase dyaan...ano gang detalye ng Derby sa Anibersaryo ng Dragon?
Kailan, Entry Fee, tsaka weight limit?

Kung nandon ka eh pwede ka ring saglit doon....maliitan laang yun...minimum din laang ang pusta ko doon...katuwaan baga...
yun ay kung maayos ang ikikilos ng mga Manok at di magkakaaberya during Conditioning period. 4 laang kasi yung nandoon...tapos yung isa eh sabi ni Tito medyo mababa yata...pero maayos daw...pero baka dumilehensya ako ng isa pa.....

Manokiz
December 30th, 2005, 10:30 PM
kabahagueno,,,

HAPPY NEW YEAR,,,
sa inyong lahat,,,

Good Luck sa lahat ng entry,,, :)

jojo60
December 31st, 2005, 01:11 AM
ka Gorio: last week ng march or 1st week ng april.. ayos iyan at

kapag nandoon ako ay baka sakaling makapusta sa mga

sundalo mo.. medyo maaga pa sumali ng derby para sa akin kc

gusto ko nakikita iyong kilos ng mga sundalo na ilalahok

ko..kung meron sa manila ay sasali ako at depende na rin iyon

kay Nsan kong ano ang aming pagkakasunduan:)

goryo888
December 31st, 2005, 01:36 AM
Kaya nga alanganin ako eh...hindi ako sigurado sa preparasyon....kasi misan ng nandyan pa ako sa atin ako kasi talaga naghahanda ng Manok at Maganda naman ang Resulta....

Eh minsan nakalingat ako Derby namin sa Dragon din Anibersaryo...1st 2 fyts panalo...yung last 2 olats...ang nangyari medyo nakalingat ako eh...napakialaman...ayun....
Minsan pa eh malapit na maglimber 1st fyt namin..banatan ba namang patukain....hayyyy....kaya baka kako nandoon ka eh kahit sa cockhouse eh masilip mo man laang...tapos maalalayan din ng Konti....
Pero okay naman na siguro si Tito sa Conditioning...ang prob laang siguro sa kanya kasi minsan nagkausap kami ay ang Pointing....w/c is very important.....
Alam ni kuya ko na metikuloso ako sa Manok...sa Pasay nagdederby din kami...maganda naman ang resulta...

Yun laang ang di ko alam kung anong Petsa ang Derby sa Marso...

Kaya pinipilit ko ring ipabili kay utol yung video at book ni Doc Ted...para di na ako mahirapang mag esplika sa kanila..at least may Guide sila......

blackjack
December 31st, 2005, 04:52 AM
ka goryo

ung anniversary derby ng dragon ay laging 1st week ng march un 4 cock derby at 300 k ang guarranteed prize nsa 8800 ang pot money nun.....minimum bet ay ganun din s pot.

ung kay teddy flores naman ay s jan 11, 3 cock derby 120 k ang premyo at 5500 ang pot, minimum bet ay pareho ng pot. weights ng manok at from 1.8 - 2.4 kg. lagi

goryo888
December 31st, 2005, 05:01 AM
Sayang medyo malapit na yang kay Teddy... yung sa Dragon medyo matagal naman...bahala na...basta ipapahanda ko yung Manok doon sa Malibago.......


Salamat Ka Blackjack...

blackjack
December 31st, 2005, 05:15 AM
ka goryo

marami pang derby n kasunod halos every other week ay may derby na kaya ipahanda mo lang manok. padaanin m si ka tony s akin at baka may maitulong ako dun....

goryo888
December 31st, 2005, 05:24 AM
Ka Blackjack parang napakaaga mong magising......sige Salamat sayo...

Ganon na nga muna siguro...at kung sakali at matuloy eh pakialalayan mo na rin laang...

blackjack
December 31st, 2005, 05:41 AM
Nsan

galing ako ng san gelacio kahapon at dumalaw din ung magkapatid DD at alimbuyog dumating din s stewart(raul ruaro) bitaw at chicken talk ang nangyari. dadalaw s naujan ang mga un jan 2 at pipili ng stag n dadalhin kay ka raul para dun n itabi at mapagulang dun. kung dito lang s akin ang manok ay paubos lagi tukoy na kasi.... 2 stag n ang nabawas at d k naman matangggihan ang bumahagi. buti nga binayaran pa he he he!!!

sila n pinapipili k at halos pareho naman edad ng mga e2 kulay lang pagkakaiba nila at halos lahat maige mamalo, kung maicord kay ka raul lalo gaganda ang palo ng mga e2.

ilan ga ang ipadadala k dun sabi k tama n ang 4 pero pwede p namang dagdagan un....pinsan mga stags 2 ha may ilang 9 months max ang edad at ang karamihan ay 8 months and below

sonny dela cruz
December 31st, 2005, 08:33 AM
HAPPY NEW YEAR PO SA ATING LAHAT.SANA PO AY MAGING MASAGANA MAAYOS AT LIGTAS SA ANUMANG SAKIT TAYONG LAHAT SA DARATING NA TAON.

Ka blackjack nabanggit ko ke utol name lahi rin tayong nalipad ay sabi niya minsan daw pasyalan ka niya,he he he.Joke lang.

jaxxwhite
December 31st, 2005, 08:55 AM
HAPI NEW YEAR PO SAINYO DYAN......:hippie: :rbounce:

jojo60
December 31st, 2005, 09:56 AM
jaxxwhite HAPPY NEW YEAR RIN PO SA INYONG LAHAT!!!

KA BLACKJACK: may PM ako sa iyo...

goryo888
December 31st, 2005, 12:58 PM
gandang gabi sa inyo mga Kabahag...Ka Blackjack, Ka Jojo........sa ating bisita jaxxwhite............


kadarating laang galing sa landian...nyahahaa

goryo888
December 31st, 2005, 09:38 PM
HAPPY NEW YEAR Sandugo!!!!


Nawa'y ang pagpasok ng Bagong Taon sa ating lahat ay mapayapa at masagana.....

Pagpalain nawa tayo ng Poong Lumikha!!

goryo888
January 1st, 2006, 07:12 AM
Hoooyyyyy mga hoooyyyyy...yooohhhoooooo yyyooohhooo...nasan na kayooooo............

Manokiz
January 1st, 2006, 07:25 AM
kabahag goryo,,,
andine si me,,, :D

HAPPY NEW YEAR,,,
sa inyong lahat,,,

blackjack
January 1st, 2006, 10:46 AM
mga kabahag

hapi nu year s inyong lahat!!!!

ka goryo maghanda k na ngayong taon n 2 bakasyon k naman d2 s atin!!

jojo60
January 1st, 2006, 12:47 PM
HHHAAAPPPEEEE NNNNEEEEWWWWW YYYYEEEEAAAARRRRR!!!!:rbounce:

goryo888
January 1st, 2006, 01:47 PM
Ka Jojo kumusta ga ang bagong taon natin dyaan??

Mga Kabahag.....Hapi Nyu Yir uli sa inyong lahat...

Ka Blackjack...bahala na....sisilpot na laang...... ;)

hanae mori
January 1st, 2006, 02:38 PM
happy new year sa inyong lahat!
:rbounce:

rodolfo_m69
January 1st, 2006, 11:13 PM
HAPPY NEW YEAR..........SANA MAGING TAGUMPAY LAHAT NG INYUNG MAGIGING LABAN.......GOD BLESS........

goryo888
January 2nd, 2006, 06:54 AM
Tol Hanae, rodolfo_m69.....salamt sa inyong pagbati sa mga Mangyan....

Hayy salamat....kasi kanina down tong wbsite natin....

Musta mga kabahag??

jojo60
January 2nd, 2006, 08:01 AM
'tol ok lang ako d2. at last nakaraos na naman ng isang

taon.hopefully it's going to be a better one than last year at sa

mga kabahag natin na napinsala ng baha sana'y makabangon

cla muli sa sakunang nangyari sa kanila.

sonny dela cruz
January 2nd, 2006, 09:13 AM
Happy new year ulit mga kabahag.Sensya na nawala sandali naimbitahan kasi ng isang kapitbahay dito na pumasyal sa atlantic city,dealer kasi siya duon at bumalik na sinama kami.Wala talaga mga kabahag sabong lang talaga hilig,konting laro lang slot machine tinamad na pati poker nagyaya sila sabi ko inom na lang sa bar at pasyal sa HOOTERS at billiard tulog na at uuwi ng maaga para makapanood ng play0ff ng football..

Dalangin nating maging maganda ang pasok ng bagong taon sa ating lahat.God bless.PEACE US.

goryo888
January 2nd, 2006, 09:51 AM
Gandang gabi sa inyo...Ka Jojo, Ka Sonny... mabuti naman at maayos at maligaya ang Unang araw ng Bagong TAON NINYO....SANA LAHAT NG ATIN MGA kABAHAG AY GANUN din... ;)

Raul_Ruaro
January 2nd, 2006, 03:19 PM
Kumusta mga kabahag!

Balita ko andito na si ka chuckee, ewan ko lang kung ano mga pinagkaka abalahan nya ngayon. Belated happy new year sa inyong lahat!

stewart-



Peace!

Raul_Ruaro
January 2nd, 2006, 03:24 PM
blacjack,

Maganda yung lugar mo na paglilipatan kung papadala na ni ka jojo ang kanyang magagaling na stocks. Marami rami rin yung maitatale at madali pa bantayan. Salamat pala sa pa gulf mo at sisig! hehehe!


ka Dingdong,

Kailan ga deadline nung bayad sa share? Medyo nabitin pera ko dito sa mindoro kaya pahabol ko na lang.,.. Happy new year!

stewart-



Peace!:hippie:

jojo60
January 2nd, 2006, 03:27 PM
ganun din sa iyo ka Raul hapi new year din sa iyo and ur family..

ang pagkakaalam ko ay sa JAN.6 pa ang alis ni ka

Chuckee,malapit na nga dumaong ang kanyang barko jan sa

atin. MGA KABAHAG musta na kayong lahat???:)

Raul_Ruaro
January 2nd, 2006, 03:33 PM
ka jojo,

Ganun ga? Kasi nabanggit ni blackjack na nagtext daw si ka chuck nung 31, baka mali lang pagka intindi ko dahil may amats na din ako nun. hehehe! Ang alam ko ay magdadala si ka blackjack ng stags na pagugulangin kanila ka raul. Thanx!


stewart-



Peace!:hippie:

blackjack
January 2nd, 2006, 05:00 PM
mga kabahag

napansin nyo n ilang araw n wala c lolo chuck s site!!! nand2 na at nakayapak pagbaba s eroplano....nagtxt agad at inaayos p sked nya para makadalaw s SG dadalhin ung manok nya. papasyal din daw d2 s naujan...wala p txt netong mga huling panahon....masakit cguro ang ulo s hang-over!!!

bago ako sumimba nung 31 ng gabi ay nagtxt c lolo at nand2 n dw sya pinas....

goryo888
January 2nd, 2006, 10:39 PM
Ka Blackjack...Kuya pa lang natin yan....pero lolo na nga yan ng kaniyang mga apo...hehehehe....

Kaya pala tumatawag ako sa CP nya ay walang sumasagot...ngtxt ako eh walang reply....nanadyan na pala si Kuya Chuck...

Ka Raul...mukhang enjoy na enjoy tayo dyan ah....;)

jojo60
January 3rd, 2006, 02:43 AM
talagang iniligaw kami ng petsa ni kaCHUCK...hindi na talagang

nakapagintay at lumipad na rin ng mas maaga sa plano niya.cya

mga kabahag magplano na ng kitakitz a wag kalimutan ang mga

litrato... ka GORIO talagang nakakainggit kapag nandoon na at

anim na buwan pala cya sa PINAS..:(

goryo888
January 3rd, 2006, 03:45 AM
Oo nga Ka Jojo.....ikaw ga'y ilang buwan mamamalagi doon sa atin??.....

Ako'y may ilang porsyento ring pwedeng sumibat sa atin pero depende nga sa sitwasyon....gaya ng sabi ko eh sisilpot na laang....;)

Sya abanagan nyo si Ka Chuck sa SG.....at may bitbit yaang di halos magkandadala....

jojo60
January 3rd, 2006, 06:58 AM
'tol gorio baka ako'y mamalagi muna doon ng pansamantala...il

make sure na ayos na ayos na iyong paglalagyan namin ni Nsan

bago ako bumalik...nakakaburyo na d2 sa States pana'y kayod

na lang, wala ka namang nakikitang pagbabago... susubukan ko

muna magnegosyo doon para na rin magkasama kami ng Fiancee

ko naman ng matagal tagal.

goryo888
January 3rd, 2006, 08:18 AM
Talagang bababaran mo ng husto pala ha....sige tol Jojo...pabor ako dyan sa gagawin mo.......

Sige....at baka ako'y mahipan din ng hangin at makaisip ding umuwi....pero kung uuwi ako eh mga Mayo o Hulyo.....yun ay kung maaari..depende sa sitwasyon...at sigurado pag umuwi ako...taon ang itatagal ko doon para makarelaks relakssss din ikanga...bago uli bumalik dine kung kailangan uling kumayod...pero kung okay naman na eh baka sa atin na ako magtagal ng husto.....

Malalaman ko yan ngayong Mayo o hangang Hulyo.....pag di ako nakauwi malamang ang sigurado ay sa isang taon na....:( :(

Raul_Ruaro
January 3rd, 2006, 01:29 PM
Ka goryo,

Medyo nakakatakas paminsan minsan sa misis at pagaalaga ng baby kaya nakakadalaw dito sa mga kabahag. Hintay ko nga ko kailan magparamdam si ka chuck para makapag kitakitz naman. Sya wag na magdalawang isip sa pag uwi dito sa pinas, dahil iba ang pakiramdam ng nakakapag bakasyon. Atleast gigil ka ulit sa trabaho pagbalik mo ng stsates.


Ka jojo,

Ok yung lugar ni ka blackjack na pagdadalhan mo ng mga stocks kung matuloy yun, di kalakihan pero maganda. Konting develop na lang. Sya eh padala mo na mga sundalo mo para makapag parami na ng pang bakbakan. hehehe!



stewart-



Peace! :hippie:

alimbuyog
January 3rd, 2006, 01:41 PM
mga kabahag!

masaganang bagong taon sa inyong lahat!:rbounce:

Raul_Ruaro
January 3rd, 2006, 01:50 PM
Ka nante,

Dito na daw si ka chuck! Kitakitz na lang tayo kanila ka raul kung magdadala na ng manok si ka chuck. Thanx!


stewart-


Peace!

alimbuyog
January 3rd, 2006, 02:14 PM
bro. stew,

sabi ni ka chuck, mga second week pa daw sya makakapunta sa SG, busy pa daw sya sa kanyang mga kamag-anak, sana sabado o linggo sya pumasyal dun para makapunta ako . . . .

Raul_Ruaro
January 3rd, 2006, 02:57 PM
Ka nante,

Naku po! Sana magpang abot pa kami, baka mga jan 14 ay luwas na ako manila. Sige text text na lang para makita din natin sundalo ni ka chuck. Paki send na lang yung No. ni ka chuck sa cel ko, para mabati ko naman sya. Thanx!

Stewart-

Raul_Ruaro
January 3rd, 2006, 03:20 PM
Mga kabahag! Ano nga pala yung entry name natin sa cf? Thanx!


stewart-

goryo888
January 3rd, 2006, 10:15 PM
Ka Raul ang alam ko eh Sanduguan Mindoro ................

Sige laang hwag mainip at yang si Kuya Chuck ay darating dyaan sa SG....

blackjack
January 4th, 2006, 05:33 AM
kabahag

ngtxt uli c ka chuck medyo bc p nga daw sya s ibang bagay kaya d agad nakapost d2 s site at d p dw nya maasikaso ang tungkol s SG warriors at c mayor at ka tuna ay sasali daw s 4 cock ng roxas kaya d sya makahugot dun ng gagamiting manok....d rin nya nayaya na sumali s CF dyan s araneta at may ibang kompromiso na....

kaya malamang kung ano ung manok na nandun ay yun na rin ang pagpipilian....tingin k ay kulang ang manok ng tropa!!!

blackjack
January 4th, 2006, 05:48 AM
sya mga pala mga kabahag

magandang umaga s inyong lahat!!!!

balik n naman tayo s normal nating gawain; maaga n naman ang gising k at may pasok n naman mga bata. alas 4 ng umaga ang normal kng gising at 5:15 ang alis ng 2 kong anak papuntang calaapan, dun k kc pinapasok s JJ....tapos mayamaya ay linis na ng patukaan at 2loy pakain ng mga alaga....

may dumaan pala d2 nung makalawa napakursunada s mga alaga k...apat na stag ang nabawas...lima pala kc binalikan p ung isa kahapon at kasali daw s gusto nilang dalhin. bagong pungos p nga ung isa, mga dalawang araw k p lang pinungusan un p rin naisali s mga pinili!!!!teimpo naman at wala n akong pambili ng patuka kaya solve ang problema.....

alimbuyog
January 4th, 2006, 08:29 AM
ka blackjack, gandang umaga sa inyo dyan!

yaan din ang sinabi ni ka chuck sa akin . . . . . .

di na daw siya makakapagdonate na manok para sa grupo kasi naaya daw sya ni mayor at ka tuna pa-roxas, sali sa 4-cock . . . . .

bawi na lang daw sya sa sunod . . . . .

hanggang hwebes daw sya sa puerto, tapos balik uli sa maynila, tapos pagbalik dito, baka makadalaw na sya sa SG . . . . .

yun daw nag-champion na taga-puerto eh si roni marquez at olit evangelista, mga imported daw mga manok kaya pala magagaling ayon sa kwento ni stewart, nagbabakasyon din daw mga yun, taga-california . . . . . .

goryo888
January 4th, 2006, 09:21 AM
Naku kulang pala talaga ang Manok....o sige ganito na laang may Manok ako sa Laguna ngayon...kapapakuha ko laang sa Bohol, ang balak ko doon ay sa Dragon gamitin.....kaya ngayon medyo apiki na ang panahon...sino kaya pwedeng makakuha doon sa Manok nasa Kuya ko sa Laguna...

BluefacexKelso at 1 Oakgrove Hatch..........o kaya ay sinong uuwi na nasa Maynila para makuha yung Manok. Kung maaari at papasa sa inyong panlasa ay ipapagamit ko muna....

O kaya ay baka pwedeng kay Ka Joey na laang dine sa P'que ikondisyon...kilatisin ni Ka Joey kung maaari.....at ibibgay ko ang contact# ni Kuya ko.....sila na ang mag-usap....

Ka Joeyyyyyyyy........kailangan ka dine.....

joey bravo
January 4th, 2006, 09:21 AM
mga kabahag,

hapi new year!

ngayon lang ako nakabalik dahil sa nagbakasyon kaming maganak.

ano ng balita sa ating mga sundalo?

d ko makontak si ka raul sa SG kasi sira ata charger nya kaya makikibalita na rin ako.

huling bilin ko kay raul ay 2 na ang entry na ihahanda nya na pang elimination plus isang entry para sa tropa. all in all ay 3 entry.

ka goryo, sige pwede mo padala at ng maisama natin sa line-up.

may back-up din ako dito sa manila na 7 manok na pang 7 cock roligon anniversary ko sana ito sa darating na Jan. 31 to Feb 7, so pag hindi kumilos ng ayos manok ay may pwede tnating gamitin na reseved, ayaw ko sana magalaw ito kasi nakakompromiso na ako kay rolly ligon na sasalihan ko sya..

anong balita kay ka chuck?

pag libre kayo pwede tayong mag kitakits sa aking munting kubol sa paranaque para na rin mag chicken talk.

:)

blackjack
January 4th, 2006, 09:53 AM
pare

hapi nu yr s u at s lahat!!!

nung nandun kami n DD, alimbuyog, raul r kay ka raul s sg ay nagbutaw kaya lang 1sang pares n lang inabot k...iyo daw un. maayos naman galaw ng mga manok m knting biogat pa nga kc medyo malamig p naman panahon pero ayos naman pinakita. d nga lang daw makapagdala ng manok c chuck at may kompromiso nga tropa nya.....d bale kung aabot naman yang kay goryo ay ok p rin lakad....

dyan n lang cguro s u s paranque ang garahe nyan at wala namang paluwas; kami lang n nante(alimbuyog) ang nand2 s mindoro parehong d p makabunot s paltak ng cord at malalim ang baon!!!

ka goryo

post m contak # ng kuya m dyan at baka sakali madala nya n kay ka joey para magpangilala naman ung 2.....

goryo888
January 4th, 2006, 10:06 AM
Ka Joey...ngayun din eh kokontakin ko si utol ko....pangalan nya eh Neil............eto # nya, 9186531943....pakikontak na lang siya at kayo na laang Ka Joey ang mag usap............

Konkontakin ko sya ngayon para ipaalam na hwag ng ipauwi sa Mindoro ang Manok....dahil nga ang balak dyaan ay pang Dragon sa Anibersaryo....kaw na Ka Joey kumilatis kung maaari......

goryo888
January 4th, 2006, 10:16 AM
Nagkausap na kami ni utol....Ka Joey bahala na kayong mag-usap, nasabi ko na na hwag ng ipadala sa Mindoro ang manok....

Bahala ka ng kumilatis Ka Joey, at pakibalitaan mo na laang kami kung mayos baga.....;)

joey bravo
January 4th, 2006, 10:18 AM
ka goryo, nadine ako ngayon sa in laws ko kasi iniwan ko mga bata sa kanila kasi d pa nakakabalik yaya nila, niubusan daw ng pamasahe.:lol:

patatawagan ko sa handler ko na si Dan Dan Jimenez cel number ay 09205119880.

ayos, nadagdagan na naman line up natin sa araneta.!!!!

:rbounce:

goryo888
January 4th, 2006, 10:31 AM
Dapat mapakuha na agad yun...pero ang alam ko eh yung BluefacexKelso ay naka Precon na yata...pero pakontak mo na agad kay Dandan, ang sinabi kong pangalan ay ang handle mo...

Para maikondisyon ng ayos malapit na kasi....pagmakakalusot sa panlasa mo at palaring MANALO eh maihahabol pa yan sa mga Derby sa Dragon.......

joey bravo
January 4th, 2006, 10:45 AM
kopya ka goryo,

pinapa tawagan ko na sa handler ko.:)

jojo60
January 4th, 2006, 11:13 AM
talagang isa kang mandirigma ka GORIO at maaasahan sa ano mang panahon...salamat at napagkatiwala mo sa SANDUGO ang iyong mga sundalo at harinawa'y wag masugatan para naman magamit mo ulit ito sa Dragon...salamat 'tol.

ka JOEY: salamat sa paggamit ng iyong lugar jan sa Paranaque at malaking bagay ere para hindi masyadong mapagod ang ating mga sundalo sa pagbiyahe...

ka DD: iyong business address mo ba ang gagamitin ko sa pagpapadala ng Entry fee ko at un ba ang nasa Laguna?

ka Blackjack: wag mag-alala at paparamihin natin iyang mga iyan kapag dating ko riyan.. kailangan pa natin ng cockhouse, at maraming flying pen db..

ka Chuck: pards enjoy ka lang jan at make sure kumuha ka ng BP mo araw-araw dahil sa cholesterol...

at sa lahat ng mga ka SANDUGO malapit na ang Torneo at sana'y bigyan ng malaking pansin ang ating mga sundalo para hindi masayang ang pagod at pera ng ating Samahan..

GOOD LUCK TO ALL OF US! :rbounce:

DingDong
January 4th, 2006, 12:06 PM
babati muna ako ng Happy New Year sa lahat ! ! !

tol jojo,

ang iyo gang sheyr ay door to door? kung gay-on
ay dun sa business address ko sa laguna at malimit
na ako'y andun kesa sa bahay. text mo laang ako
kung kailan ang expected na dating at ng hindi ako
umalis dine sa opis.

ka goryo,

saan ga sa laguna ang iyong utol na si Neil? baka
naman malapit dine sa akin ei sasaglitin ko na at
mabitbit papunta kina pareng joey o dili kaya ay
magpangita kami sa may alabang o kahit saan dine
at kami ni dandan pupunta at pipili ng sundalo mo doon.
ilan ga ang kukunin doon?

ka blackjack,

paumanhin kaibigan at hindi kami natuloy dyaan
sa inyo noong Jan 02, kami'y nadatnan ng kamag-anak
at hindi na nakaalis doon. napaltakan agad eh. baka
naman pwedeng tabihi na dyaan muna yung stags na
pagugulangin doon sa SG. pagpunta na laang nina
alimbuyog, kuya chuck, raul_ruaro dyaan sa iyo kukunin
at sabay sabay kayo punta sa training camp.

sa lahat,

si kuya chuck ay dec 30 dine dumating sa Pilipinas.
nasa mindoro sya Jan 03, balik manila ng Jan 5, balik
mindoro ng Jan 9, dyan pa laang sya pwedeng
makipagkita sa mga tropa dyaan. kung sakali at
makasalo ako baka magkita kami sa Jan 7 dine sa
manila.

hala dine na laang muna at tanghalian na dine.


:rbounce:

goryo888
January 4th, 2006, 12:15 PM
Ka Jojo......para naman sa SAMAHAN kaya sige lang....sana palarin ang mga sundalo ng SANDUGO ;)

Ka DD sa CABUYAO........

jojo60
January 4th, 2006, 12:15 PM
ka DD; il tx u kapag na i door to door ko na.medyo malayo d2

ang padalahan sa akin 54 miles ang layo. il let u know ok>>>



salamat naman at nabigyan pansin ni GMA ang Mindoro at

harinawa'y wag pakialaman ng mga demonyo jan ang

pagpapaganda ulit ng lugar ng Cabuyao at ang mga nasalantang

lugar ng ating probinsiya> salamat rin kay kuya RGV sa

pagdonate ng 5M pesos sa gobiyerno ng Mindoro.:rolleyes:

DingDong
January 4th, 2006, 01:18 PM
ka jojo,

sige intayin ko na laang ang text mo.

ka goryo,

subukan ko itext ang utol mo. yun ga'y mas
bata sa iyo? dine laang ako sa calamba at
ang isang opis ko naman ay nasa cabuyao.
dati ako naka-assign dun kalilipat ko laang
dine ng july 2005. saan kaya doon, he he he.


hindi naman sa tinatawaran ko ang kanilang
kakayahang tumulong pero . . . . .
sana laang ay hindi drawing ang mga tulong
ng mga iyan. gawa baga'y kalimitan ay
nangangako tapos ubanin na bago dumating
ang ipinangako. lalo't ngay-on ay iinit na uli
sa atin baka iyan ay makalimutan na naman.

:rbounce:

sonny dela cruz
January 4th, 2006, 09:14 PM
Musta mga kabahag?Nakausap ko utol ko kahapon ng bumili raw ng patuka si ka raul ng SG naikwento sa kaniya na okey na okey daw ang mga sundalo ng grupo na inihahanda niya.At open pa nga daw ang lugar niya kung sino me kailangan lalo na at nabalitaan niya na malaki ang nawala sa mga alaga namin sa brgy.malabo na hanggang ngayon ay mataas pa rin ang tubig.

Ka blackjack talagang matitindi mga sundalo mo sana marami ka pang maipalabas ngayon season.

Ka gorio mabuhay ka isa ka talagang tunay na mandirigma.

Ka dingdong tama ka sana nga ay hindi ningas kugon o pa pogi points laang ang mga ipinangako.

Pasok po muna tayo ng makapadala ng patuka sa ating mga sundalo.

Ingat po tayo lagi and God bless.PEACE US.

goryo888
January 4th, 2006, 10:35 PM
Mga Kabahag....gandang araw sa inyo...Ka Sonny sige trabaho laang muna tayo dito....

Ka DD, kung sakaling makuha mo yung Manok...balitaan mo ako kung ano bang hitsura...at kalidad...pag hindi maaari eh..ipapabalik ko sa pinanggalingan yan...... :D Sa pwet ng inahin nya...:D

DingDong
January 5th, 2006, 09:22 AM
ka sonny,

maige ngang paglagyan ng mga sundalo
ang lugar ni ka raul sa SG, mukha namang
patuka laang ang hihingin nya, napakabait
eh. kung meron kang pagugulangin ei doon
mo na laang dalhin ang iba.

preng gori,

kausap ko laang ngay-on si dandan, handler
ni preng joey. on the way na yun sa mga
oras na ire. pagkarating dine ei gagaur na kami
paunta sa kuya mo sa mamatid. may kalakihan
ang subdivision na iyon, sana'y hindi kami
maligaw. sige at makilatis nga iyon sa wari ko
naman ei ayos yaon, bluefacexkelso, pogi nyaan.


sa lahat:

kausap ko kagabi si preng joey at ang suhestyon
nya ay magdalawang entries tayo sa elimination.
kc kung isa laang at hindi palarin ay masasayang
ang ibang manok na hindi napalaban. kung swerte
naman at pasok pareho ang dalawang entries ay
hindi naman problema ang manok at maraming
nakahanda sa lugar ni preng joey sa parañaque.
ganire ang magiging siste:

Elimination:

SANDUGUAN MINDORO 1
manok ni Grandeur at DingDong

SANDUGUAN MINDORO 2
manok ni Goryo at Joey

kung palarin at lusot pareho:

SANDUGUAN MINDORO 1
manok ni DingDong, Joey at Joey

SANDUGUAN MINDORO 2
manok ni Goryo, Joey at Joey


kung sa kaperahan naman ei basta makapag share
ang lahat ng may pleds at kakasya na iyon
ganire naman ang gastusan:

Elimination:

2 entries = 17,600
min. bet = 22,000 sa 4 na manok
TOTAL = 39,600

kung pasok yung dalawang entries ei di meron
na tayong pang puhunan para sa finals di baga.

sa ngay-on ei 17,500 ang pera sa akin. ito ay
iyong shares nina Joey (5k), Goryo (7.5k) at ang
sa akin (5k). si chuck, raul_ruaro, at jojo ay
nagpasabi na na parating na ang shares nila.
kung sila ay tig iisang share for a total of 15K,
ang kulang na laang natin ay 7.1K at larga na
ang dalawang entries.

ano ga ang masasabi nyo rine, payag ga kayo
sa sisteng are, opinyon nyo po ay mahalaga
mga kabahag.


MABUHAY ANG SANDUGO ! ! !

:rbounce:

goryo888
January 5th, 2006, 09:39 AM
Kumbaga eh 2 ebtry tayo? ayos laang yan....kaya Mr. Tresurero...pakigaling galingan ang pangungulekta...sundutin mo ng sundutin......

Si TeodyChongco pakitext sa kanya ng detalye. meron pa rin tayong kasandugo na taga UAE. pakipalo-ap.

Si Ka Alimbuyog pakilagay dine ang Listahan ng mga Kabahag natin.....

alimbuyog
January 5th, 2006, 10:03 AM
mga kabahag,

nakausap ko si pareng grandeur bago umalis, nag-text daw sa kanya si ka teody, sa kabila pala naglalaban ng manok yun, nasa quezon daw mga manok ni ka teody . . . . . .

tanong ko kay preng grandeur kung ano number ni ka teody, baka may available syanag manok . . . . .

ka goryo,

nawala na yung dati kong listahan, pero saulo ko na yung mga aktibo sa grupo, eto sila . . . .

1. ka joey
2. ka goryo
3. ka chuck
4. ka jojo
5. ka sonny
6. ka dd
7. ka blackjack
8. ka grandeur
9. ka teody
10. ka raul_ruaro

ewan ko sina manokiz, arneld, valiant_t, sino pa ba . . . . .

goryo888
January 5th, 2006, 10:11 AM
Malaki na rin yan....kung magtitig iisang share yan eh malaki na....sino ga ang 1/2 share dyaan?? Eto kay Ka Teody...9213946456....naka international roaming yan...;)

goryo888
January 5th, 2006, 10:54 AM
Si Ka Sonny nagkagastos ng malaki kaya ang pagkakaala ala ko eh hindi yata sya makakaambag....

Ka Blackjack ......napadala ko na.....baka hanggang aONSE eh nandyan na yung Vits. na sabi ko....

goryo888
January 5th, 2006, 12:35 PM
Di pa daw nakukuha, kausap ko lang si Dandan ngayun ngayon lang...kumakain pa daw sila..... di ko tuloy alam kung ano talaga itsura nun, ewan ko, maganda kasi kayo makakita dyaan....sige at ako'y matutulog na at maaga ako pasok Bukas....
post nyo na laang dine kung ano gang nangyari.....

Ngorrrkkkk zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz dyan muna kayo mga Kabahag....

jojo60
January 5th, 2006, 12:57 PM
aba at dalawa na pala ang Entry ng Sanduguan Mindoro...ang laki ng chance natin jan... sana ay maging maayos lahat ang mga sundalo para makapaglaro cla ng mainam.

Ano pa ang hinihintay at LARGA NA IYAN!:rbounce:

ka DD: ill PM you kapag napadala ko na ung share ko...

DingDong
January 5th, 2006, 03:19 PM
mga kabahag,

tulungtulungi ako sa pangungulekta at
ako'y hindi gaanong makababad dine sa
internet, baka ako'y maisumbong sa boss
ko at masipa dine sa trabaho . . . pero sa
wari ko naman ay walang tsutsu dine.


ka alimbuyog,

si preng granduer ga ay andine na sa
manila? teka hindi ko pa nakikita ang
share nun ah, hahagilapin ko muna.

ka goryo,

nakuha na namin ang dalawa mong sundalo,
sa tayo pa laang ei makikisig na, lalo na yung
malaki't mataas. areng are yaon. mas lamang
sa kelso yun kesa sa blueface, ang gara ng
tindig eh . . . sa hipo ay malamang na 2.3 yun.

yun namang mas maliit ei kainaman
ang edad, lamang tayo sa gulang nun. sa timbang
nya na 1.8 sa tingin ko eh ayos laang ang station.
sa akin kasi ei hindi naman basketball ang laban
kaya ang mga regular station ay are basta't
mainam mamalo.

sa linggo ay ibibitaw yung mga yun kina preng
joey, sana ako'y makarating araw kasi para
sa pamilya yaon eh, bahala na.

meron pa akong makukunan ng manok dito sa
tanauan batangas. nakausap ko na ang aking
kaibigan at umusap ng dalawang sundalo na
hindi bababa sa 2 taon, pero ang sabi ko kung
merong 3 taon at medium station ay mas mainam.
ipili na laang nya ako sa manukan nya ng mga
pangkiliti nya. kung sakaling libre ako bukas
ay baka ako na mismo ang pipili.

ayan nagaw-an na ng paraan ang mga manok,
share na laang ang may kulang pa. baka yung iba
ay gusto pang itaas ang kanilang share . . .

sa mga sag-ot ninyo ay walang tutol na 2 ang
entries natin . . . KAYA LARGA NA YAN . . .

isa . . . dalawa . . . panalo ang mangyan . . .

kasarap bagang pakinggan nyaan . . .

:rbounce:

DingDong
January 5th, 2006, 03:29 PM
naku sorry po, kulang pala ang lista ko sa taas.
hindi napasama si preng grandeur.

kaya sa diprensyang 7.1k, isang share si preng
grandeur sa 5K, kulang na lang ng 2.1K.

ayan konti na lang, sinong papago dyaan . . .
isang libo kay . . . isang libo kay . . . limang
daan kay . . . larga larga larga. . .
pustahan na kayo . . .

unang sigawan MERON MERON MERON,
ibinaba sa lupa ang manok ng mangyan,
lumakad, kagara ng tindig aba nabaliktad . . . .
sa WALA sa WALA sa WALA . . .


sa listahan ni ka alimbuyog hindi ko na din
matandaan kung sino ang 1/2 share, sa
palagay ko'y kasya na at may konting
panggastos pa para sa mag-iintindi ng
mga sundalo . . . isasali ga ang other expenses
sa mga shares natin o dukot bulsa na
laang ni preng joey (ikaw ang naituro ko
pre sensya na) hi hi hi . . .


:rbounce:

goryo888
January 5th, 2006, 08:35 PM
Naku eh, kisig kisigi laang ang pangungulekta ay kahit doble doble pa dyan ay meron....yun ay depende kung magashare talaga....:D

Pago na mga Kabahag at Larga na ere....

goryo888
January 5th, 2006, 09:14 PM
Ka DD, sige ibitaw yaan at ng malaman....baka tinola abutin nyan....:D

Ka Sonny....gandang umaga sayo....ako'y alas 2 nagising di na nakatulog, mangyari ay nalipat ako ng Dept. at medyo nababaguhan.....mamya pasok na uli 7AM, hayyyyyy....

Manokiz
January 6th, 2006, 04:12 AM
gudevning po,,, SANDUGO,,,

Ding! Dong! - Ding! Dong! :)

'sens'ya na po't,,,
busy din laang sa paga-handa,,,
pan-laban sa 1 Cock Ulutan,,, :D

n'way maka-lusot lahat entry sa Araneta,,,

sonny dela cruz
January 6th, 2006, 06:50 AM
Musta mga kabahag?

Okey laang yan ka goryo sabi nga nila pag tayo lumabas
ay kailangan trabahong kalabaw talaga para pag-uwi ay
masarap magkuya-kuyakoy sa harapan ng ating mga
sundalo,pakape-kape lang ga at pahimas himas.Kaya
ma swerte talaga ang iba nating mga kababayan na di
na kailangan pang lumabas para maging maayos ang
buhay.

Naalala ko tuloy pag ako ay natawag at maririnig ko
ang tilaok ng mga nokis na walang patid.parang
gusto ko disyembre.

Ingat po tayo lagi and God bless.PEACE US yall.

rowdell kruz
January 6th, 2006, 07:01 AM
napadaan lang po sa inyong masayang grupo

babati lang po ako ng "happy new year" sa lahat at goodluck po sa inyong laban sa taong ito, sana po ay manalo ang grupo ng mas masaya pa ang lahat. napasyal po ako sa oriental mindoro last year (january 2005) at isa lang masasabi ko sa mga taong nakausap ko sa aking pag bisita dyan "mababait po at magagalang ang mga tao"

KA SONNY
yung 2 trio at 4 na panlaban naka-ready na kaya lang hinde sila marunong lumangoy baka malunod lang sila "sayang" just call me pag puede na tumawid, goodluck bosing.

GOODLUCK PO SA INYONG LAHAT

goryo888
January 6th, 2006, 08:37 AM
Mga Kabahag KUMUSTA??? Eto kadarating laang galing sa pagkayod........sana nga palarin tayo...eh kalapit na ei...

Ka Rowdell...salamat sa pagdalaw dine...;)

Raul_Ruaro
January 6th, 2006, 01:40 PM
Musta kabahag! Medyo busy parin sa pagaalaga ng baby ang inyong likod. Malamang luwas ng manila ako, may mga asikasuhin lang. Pero balik din ako siguro ng jan 11.


stewart-

Raul_Ruaro
January 6th, 2006, 02:00 PM
Ka dingdong,

Malamang .5 lang ang maishare ko, medyo marami kasi gastos nitong december. Timbrehan na lang kita kapag na hulog ko na yung pera. Di na din ako makasama sa araneta kasi natapat yung load namin sa jan 24, kaya matagal-tagal ako na no show dito nun. thanx!



Ka Goryo,

Try ko panoodin yung bitaw nung sundalo mo sa sunday kung may time ako. Salamat naman at pinagkatiwala mo sa grupo yung mga nokis nyo. Mabuhay ang sandugo!


Ka blackjack,

Baka naman pwede mo isabak yung lasak at dalusapi mo kung di matuloy sa dragon na ma i-entry yun? Pagbalik ko dito sa mindoro ay dalaw ulit ako sa inyo hah. Thanx!



stewart-

DingDong
January 6th, 2006, 02:09 PM
ka goryo,

tingin ko naman ay ayos gumarote yung
mga yun . . .

preng manokiz,

hi hi hi baken ga naman hindi mo pa
isinama dine sa pangiliti natin dine
iyang isang super mo na yan. kapatid
yata yan ng tsampyon ei . . . pero teka
mahirap yata na makalusot lahat ng entry
sa araneta, paano yun . . . he he he
nagpapatawa lang ako pre, pero kuha
ko naman na ang wish mo ay ang entries
ng SANDUGUAN . . . .

ka sonny,

wag ka masyado mainip at napakabilis naman
ng oras, mayamaya lang ei andito ka na uli
sa atin at magbabakasyon. basta work laang
ng mabuti dyaan at siguradong gaganda ang
iyong ani.

ka rowdell,

salamat sa malimit mong pagdalaw dine sa
aming kubol. sa wari ko'y utol mo iyong
naka-usap ko sa victoria. dun sa poultry
supply ni ka sonny at kapatid nya. nakahuntahan
ko ng saglit iyon . . .

preng stewart,

text text na laang ha kung kailan ang iyong
bahagi.

sa lahat:

meron na gang pumago . . .

LARGA NA IYAN ! ! !

:rbounce:

Raul_Ruaro
January 6th, 2006, 02:42 PM
Copy pareng dingdong! Text ko din sa ka chuck kapag nasa manila na ako kung possible na makapag inuman tayo. hehehe! Thanx!

stewart-

Raul_Ruaro
January 6th, 2006, 02:49 PM
Sya nga pala mga ka bahag, yung nag champion na taga puerto na may entry name na mangyan warriors sa dragon nung 28 ay ininvite ni ka chuck dito sa thread. Olit evangelista ata name nya, kapag nasa tate na daw sya dalaw dito sa thread. Dito nya daw nakuha yung name na mangyan warrior's. Mabuhay ang sandugo!


stewart-

DingDong
January 6th, 2006, 05:28 PM
aba sige at ng meron tayong bagong
miyembro dine. kagagaling daw ng
manok nyang si ka olit ei.

teka, baka naman yang si ka olit ay
papago para sa laban nating ire ? ? ?

yung mangyan warriors, teka parang
kasama nga yan sa pinagpilian natin
dati ah, di ba ? ? ? may swerte pala
yung name na yun kasi tsampyon agad
sila, hi hi hi. sana tuloy tuloy na yun.

buti na lang SANDUGUAN MINDORO ang
entry name natin ngayon. kasi dalawang
beses na nagamit ang SANDUGO hindi
umubra eh. isa sa akin at isa kay ka
grandeur, hindi kami pinalad. sana ang
SANDUGUAN MINDORO ay may bitbit na
swerte sa atin . . .

:rbounce:

DingDong
January 6th, 2006, 05:37 PM
nga pala, yun sanang makukuha ko
na manok para may additional tayo
sa selection ay hindi umubra. naunahan
ako ng tiyuhin ng byenan ng kaibigan ko.
at ang mga natira sa kanya ei mga bata,
less than 2 yrs.

sino pa kaya ang may manok dyaan, na
naka pre-con na, para kaya pang ihabol
ang kondisyon . . . meron pa akong pwede
kunan kaya lang baka magpabayad na eh,
upa baga . . . galing sa red game farm ang
stocks nun . . . mga ayos din . . . sweaters . . .

pero may dagdag o wala, LARGA NA IYAN . . .


:rbounce:

goryo888
January 6th, 2006, 09:30 PM
Gangang araw mga Mangyan!!! Dadami tayo ng husto dito matapos ang CF......eawan laang kung dadami ang dadating o mawawala, depende sa resulta.....:lol: biro laang mga Kabahag, dahil tayo'y magkakasama hindi dahil sa Sabong laANG kundi ang MISYONG MAKATULONG... ;)

sonny dela cruz
January 6th, 2006, 09:32 PM
Musta mga kabahag?


Ka rowdell maraming salamat sa pagdalaw,ang tutuo niyan yung lugar na lang ata ng mga sundalo namin sa brgy.Malabo sa Victoria ang me tubig gawa ng malapit sa Naujan lake sabi ni utol ay mga pebrero pa raw baba ng normal ang tubig,ang mga natira nga na alaga namin ay nasa Cananan muna.

Ka goryo sige laang kayod lang tayo para pag nakasilip ng pag-uwi okey na okey.

Ka raul okey laang yaan bawi na lang next time at congrtas ulit sa iyong bagong baby.

Ingat po tayo lagi and God Bless.

Manokiz
January 7th, 2006, 07:57 AM
gudevning po,,, kabahagueno,,,

Ding! Dong! Ding! Dong! :)
'gaya laang ng sinabi mo,,,
natira't mga bata,,, pan-laban,,,
detu muna ako,,, sa kaya ng aking bulsa,,,
1 Cock Ulutan,,,
who know's,,, madale natin,,,

sonny,,,
sad to hear sa nangyari sa manukan mo,,,
ganun din sa lahat na-salanta ng bagyo,,,
hari nawa'y humupa ng yaang baha,,,

Good Luck sa lahat ng entry,,, :)

goryo888
January 7th, 2006, 08:22 AM
Kumusta mga kabahag??....

jojo60
January 7th, 2006, 12:52 PM
musta na mga KA SANDUGO??? oks lang ako d2 ka Gorio..eto lang pahinga na ipasyal ung bunsong kapatid ko from Florida,shopping d2 at shopping doon.

ka DD: kung kukulangin ang mga sundalo eh ayos na iyang mga less than 2 years mo.hindi naman sa edad nakukuha iyan kundi sa galing at swerte ng manokiz. mas maganda iyan nothing to loose pero kapag nakayari naman ay limpak na limpak na moolah ang makakamit natin, kaya sahuran na natin iyang mga iyan.

DingDong
January 7th, 2006, 02:23 PM
tol jojo,

he he he wag na nating pagtyagaan ang
less than 2 yrs old, madami pa doon kay
preng joey na okay ang gulang, yun na
lang ang gagamitin natin.

yung team 1 at team 2 na ginawa ko ei
tuloy na yun. kung sakaling parehong
pumasok, lahat ng manok ng tropa na
nasa training camp ay mapapalaban
ang kakulangan ay manok na po ni preng
joey ang gagamitin natin.

hala sulong mga mangyan, sama sama
sa SANDUGUAN ! ! !


:rbounce:

Raul_Ruaro
January 7th, 2006, 04:05 PM
Ka sonny,

Bakit di nyo muna dalhin kanila ka raul sa san gelacio yung mga manok nyo habang baha? Mapagkakatiwalaan at maayos kausap si ka raul, malamang pang patuka lang ang hingin sa iyo nun. Taga antipolo ka pala? Sa broiler farm ng bayaw ko sa mrong ako nagwowork. Thanx!


stewart-

Raul_Ruaro
January 7th, 2006, 04:12 PM
Ka goryo,

Malamang di ko na mapanood butaw ng nokis mo bukas, medyo madami pala akong ayusin dito sa bahay. Nagbakasyon kasi kasambahay namin. hehehe! Dito na ako manila.

Ka Joey Bravo,

Paki update na lang kami kung musta yung padalang sundalo ni ka goryo. Thanx!

Mabuhay ang SANDUGO!

stewart-

sonny dela cruz
January 7th, 2006, 08:42 PM
Musta mga kabahag?

Ka raul yun nga sana balak ni utol gawa ng madalas naman mag-usap si ka raul ng SG at si utol pag nakuha ng patuka ,pero gusto ng nag-aalaga ay sa dun na laang sa bahay ni utol sa canaan ilagay gawa ng mas malapit sa kaniya.

2 araw nanamn po ng sabong diyan sa atin sanay palarin ang susubok ng mga sundalo ang mamasyal naman sa sabungan sana ay palarin din.

Ingat po tayo lagi and God bless.PEACE OUT.

goryo888
January 7th, 2006, 10:54 PM
Malapit na ang testing ng 2 kong Sundalong kanin....ulam ay Tinola....:D pero kalaban ang matitinola.......sanaaaaaaaaa....:lol:

Update update laang ng mga sundalo....

Ka Jojo...sige laang ipag Shopping mo ng husto yang utol mo....para naman mabawas bawasan ang nakapatas mong Milyonessss...

jojo60
January 8th, 2006, 12:48 AM
ka GORIO: 'tol ubos ang pinagp......pati mga pennies ko napapalit na rin sa coin cash machine..HEHEHE...

KA blackjack: Nsan baka padoor to door ko na ung mga kailangan mong vitamins,etc.dahil medyo mabigat ung mga iyon sa bagahe.

Sa lahat ng manonood ng bitaw ng mga sundalo huwag ninyo naman pong kalimutan ang mga Kodak para naman maipasklel d2 sa ating tahanan..

Enjoy the weekend at pakitagay na lang kami at sa mga hindi rin makakarating ng Sparring ng mga sundalo. :rbounce:

goryo888
January 8th, 2006, 03:00 AM
Tol Jojo...pareho laang tayo...pagnadadale ng mga kapatid eh...ubos ang Pinaglandian...:D

Oo nga pala...baka pwedeng makunan ng kodak yang mga isasalang natin...para naman makilatis din namin dine...na nasa tabi tabi....
Kahirap gang mag imagine na laang.... :confused:

goryo888
January 8th, 2006, 09:52 AM
Nakupooo...ay kausap ko si Kuya kanina...ang sabi ay yun laang yatang Malaki ang maaari dyaan sa dalawang yan.....
Nakakahiya laang yata eh....ano gang kinalabasan ng bitaw.....

Ay sya...ihanda ang mga papaya.............:D

goryo888
January 8th, 2006, 10:10 AM
Sa 15 pa pala ang bitaw nung 2.....

Raul_Ruaro
January 8th, 2006, 10:52 AM
Magandang umagamga kabahag!

Nagkita pala kami ni ka chuck kahapon, nasabit ako sa kitakitz nila ng tropang sampaloc. Dapat kasama din si ka dingdong kaso lang di na sya nakapunta. Syempre D' usual na ginagawa ng nagkikitakitz ay inuman at chicken talk. Nag hack fight sila sa la loma at napalaban yung isang manok nila, di nga lang ako nakasama sa sabungan. Big time daw yung kalaban nila 10-6 ang tawagan, ayun masaya na naman ang mga dehadista. hehehe!

Baka next week namin dadayuhin si ka blackjack sa nujan at si ka raul caringal sa san gelacio.


stewart-

goryo888
January 8th, 2006, 02:10 PM
Mga Kabahag may Phil.# ako....6948213 bale ang area code ay 02 dahil sa Manila to, masasagot ko pa rin tawag nyo....kahit dito ako....pero matutulog na ang Mangyan....kung tatawagan nyo ako ay mga 9:30 ng gabi dyaan pataas....o kaya ay anytime in the morning.....

ka Blackjack...tumatawag ako sa iyo kanina...kaso nasa Barcenaga ka daw yata....may sasabihin laang sana ako....kung ok laang sayo na tawagan ako sa # na yan...tawagan mo ako...pero ako ang may kailangan kaya ako ang tatawag....

Hwag kayo alalaala di kayo machacharge ng international call.....
pero kung wala kayo sa Manila na (02) ang area code...long distance call kayo macharge....:D

Raul_Ruaro
January 8th, 2006, 10:42 PM
Nahilo ako sa sinabi mo kay blackjack ka goryo hah! Hehehe! Try ko sana na tawagan ka kaso lang shy ako papa eh, ala naman ako masasabi kundi umuwi ka na dito sa pinas at tayo'y maghahapi hapi.

Next week pa pala butaw nung manok mo. Di ba mabigat na dalawa ang entry natin mga kabahag? Naisip ko lang mas solido kung 1 lang, para pang diinan talaga. Ala lang opinyon ko lang po... Syempre kayo parin may desisyon nun. What do you think mga ka sandugo?


stewart-

goryo888
January 8th, 2006, 11:53 PM
Kabahag mas Ok na yung 2 entry tayo para mas malaki ang tsansa....

Kaya laang naman ako nagpapatawag ay para mangumusta dyan sa inyo.... ;)

Nahilo ka ba sa sinabi ko kay Blackjack? yun ay kung makakalusot laang sa kanya, at ako'y tawagan, pero dahil ako ang may kailangan, kaya ako ang dapat tumawag.....
pero pag nag login sya eh baka PM ko na laang....;)

joey bravo
January 9th, 2006, 09:24 AM
ka Goryo,

kahapon, pinasaltik ng ng mga 1 buckle lang ang mga nokis ni ka Goryo sa catchcock, ang masasabi ko ay parehong pwede pero mas matindi yung malaki.

yung maliit ay 1.890 ang timbang, medyo stress out pa kaya under medication pero ayos din ang palo at mas magulang ito.

Sa 15th ko balak ibitaw sa medyo malakas ng makita kung pwede isabak sa araneta.

:)

Raul_Ruaro
January 9th, 2006, 09:43 AM
Ka Joey,

Thanx for the information at sa walang sawang pag aasikaso sa sundalo ng sandugo sir!

Ka gory,

Ayan hah medyo may pahapyaw ng balita si ka joey. Tama nga sabi ng utol mo na mas pang diinan yung mas malaki sa 2 manok mo.... Malamang tatapak na yan sa Araneta. Laban sandugo!!!

joey bravo
January 9th, 2006, 10:11 AM
ka raul eto na mga ritrato!

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/01062006001.jpg

http://img.photobucket.com/albums/v430/genius_m3/01062006.jpg

joey bravo
January 9th, 2006, 10:16 AM
mga kabahag,

bale lima (5) ang entry natin na aapak sa araneta.

yung kahanggan ko sa San Gelacio ay nag abiso na isang entry din sya.

masaya ito lima ang entry nag San Gelacio Sanduguan Mindoro 1 2 3 4 5.

:rbounce:

may tanong ako, baka meron sa inyo na may van o may kakilalalang may van na sasakyan ng ating sundalo baka wede natin kausapin.:)

jun abutan
January 9th, 2006, 10:28 AM
Pre Stewart musta na? napadaan lang.

Bossing Joey...ang gaganda naman ng mga panlaban nyo sa GD ng CF! Goodluck sa mga entries nyo.

Raul_Ruaro
January 9th, 2006, 10:59 AM
pre jun abutan,

Ok naman bro. Salamat nga pala ulit! Baka pa mindoro ako ng wed. Text kita kapag dito na ko commonwealth, try natin spar yung stags ko. Dalaw dalaw ka lang dito bro!


stewart-

goryo888
January 9th, 2006, 11:54 AM
Sa wakas...nakita rin......salamat Ka Joey................makita na laang ng ayos kapag ibinutaw....sana pumasa sa panlasa mo yaan Ka Joey....

DingDong
January 9th, 2006, 01:23 PM
he he he,

sabi sa inyo at pogi eh . . . ayan ang dagdag sa
ating mga sundalong sasabak sa araneta . . .
yung nasa taas ei iyong mas malaki. at yung nasa
baba ei yung mas maliit na sagad naman sa gulang
he he he, yang gulang nyan ei tipong ibibigay
lahat ng hininga manalo laang . . .


ka joey,

pwede ako sa a-kinse para sa bitaw ng mga
sundalo, saan ga tayo, sa pwesto mo o sa lugar
ni prez???

teka nga pala, yun gang libreng gate pass sa
pagkatanda ko ei anim ayon kay preng joey.
tanong lang po preng joey, iyan ga'y ililista o
bibigyan na laang ng anim na passes bawat
entry at bahala na ang may-ari kung kanino
ipamigay. naitanong ko laang kasi baka meron
tayong galing mindoro at ibang representative
ng tropa na balak manood ei nang sila naman
ei malibre sa pinto . . . ka joey pasagot naman.

iyong mga shares natin, baka pwedeng pakilagak
na sa ating bank akawnt . . .

:rbounce:

jojo60
January 9th, 2006, 01:32 PM
anak ng pitugo, yan ba ang pang tinola... aba'y mukhang magagamit ko iyang mga iyan sa pag-uwi ko kc sa tingin ko ay hindi susugat ang kalaban... sa 22o lng ano ba ang mas malaki jan ung nasa itaas o ibaba ng litrato,medyo masama na ang aking paningin eh, sa mga may" damo " lang maliwanag ang aking mga mata..

mga KABAHAG: kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong nagbibigay halaga sa ating mga sundalo.kapag kami naman ang umuwi ay sitting pretty na kau sa isang tabi at kami naman ang mag aasikaso sa ating mga Sundalo.

MABUHAY ANG ATING MGA SUNDALO:rbounce: :rbounce:

joey bravo
January 9th, 2006, 01:45 PM
ka DD, sige gawa na tayo ng listahan para sa mga libre.

3 ang libre bawat entry kasama na owner.

3 din libre para sa handler gaffer at driver.

lahat lahat ay 6 sa 2 na entry ay 12 lahat.

pag kukulangin pa ay sagot ko na.



:)

joey bravo
January 9th, 2006, 01:48 PM
ka DD, sige gawa na tayo ng listahan para sa mga libre.

3 ang libre bawat entry kasama na owner.

3 din libre para sa handler gaffer at driver.

lahat lahat ay 6 sa 2 na entry ay 12 lahat.

pag kukulangin pa ay sagot na ng entry ko.



:)

DingDong
January 9th, 2006, 02:25 PM
tol jojo,

hi hi hi hindi mo yata nabasa yung nauna
ko na post. yung nasa itaas ang mas malaki
at yung nasa ibaba ang maliit pero sagad
ang edad . . .

preng joey,

isa pang hi hi hi, dalawang beses mo nai-post
ibig bang sabihin ei 24 lahat ang libre na
passes ng mga mangyan, bwahahahahaha
pag ganyan magyaya ako ng mga kabahag
dami dun sa atin ei.

hala palista na mga kabahag:

ako una sa listahan kasi pag nawala ako baka
hindi matuloy kasi hawak ko ang salapi, hi hi hi

1. DingDong
2. isa pa c/o DingDong
3. Chuck
4. Stewart
5.
.
.
.
.

preng joey, may ibibigay ba na passes ang CF
o listahan laang . . .


:rbounce:

Raul_Ruaro
January 9th, 2006, 02:29 PM
Mga kabahag! Tanong ko lang kung anong posibleng nangyari sa stag na pinagprapraktisan ko alagaan, all of a sudden naging manfighter sya. 7 month old na ung stag. Ibinutaw ko lang kaninang umaga sa kaedad nya na mas maliit na nokis, after nun yung ginamit ko na pinang hardening ko na pullet sa naging man fighter ay linagay ko sa flypen nung kaispar nya. Nung kunin ko sa cording area nya kanina ay pinagtutuka na ako. Nang bitawan ko at kukunin ko ulit ay shinufle naman ako. tapos deresto na syang nanunuka at namamalo. Ano kaya nagyari mga kabahag?

Walangya tawa pa ako ng tawa kahapon sa mga experienced nung mga nagposts sa thread nung manfighter na manok kahapon, tapos kinabukasan lang pala ay sa akin naman nangyari. Ayun nakatikim tuloy ng sakal sa akin dahil sa inis ko. 2 na nga lang stags ko eh muntik ko pa napatay yung isa. hehehe! Salamat sa inyong magiging sagot!:)

stewart-

Raul_Ruaro
January 9th, 2006, 02:38 PM
Ka dingdong,

Menos na ako sa listahan ng makakapunta, nataon na load na namin ng sisiw ng jan 24. Baka sa 23 ay balik na ulit ako sa bundok. Kung pwede nga lang sana di pa ako akyat sa work ko eh, kaso lang alang mag supervise nung dadalhin sa amin na chicks. Baka bukas ko na ihulog yung 1/2 na share ko. Sensya na kayo dun hah, medyo madami gastos this past few months. Sya larga na! Manalo, matalo ay solido parin ang sandugo!

stewart-

joey bravo
January 9th, 2006, 02:42 PM
nakow nag doble nga...

:D

ka dd, d ko rin alam kung may complimentary ticket o lista lang.

sa pagkakalam ko ay lista lang, kasi nuong ako ay isinama sa listahan ng entry ni Malviola sa EGT Stinger ay lista lang ito at duon ako pinadaan sa South gate.

ka raul,

ganyan talaga pag quality ang nokis lalo na at dugong hatch yan. mga bata pa lang ay mangangagat na.:lol:

DingDong
January 9th, 2006, 04:09 PM
ka joey,

sige kahit alin, complimentary tickets o lista
basta makakapasok. hi hi hi.

preng stewart,

ganire ang nangyari sa stag mo. dati kamo
hindi nanunuka at namamalo yan, ibinitaw
mo tapos yung pullet nya ay ibinigay mo sa
isa mo pang stag . . . tama ga???

ikaw man pre ang agawan ng asawa hindi
ka ba magwawala . . . baka mapatay mo pa
di ga??? nagselos ang manok mo, hi hi hi

subukan mo uling ibalik ang pullet sa kanya
tapos mga ilang araw damputin mo uli kung
syasyapulin ka pa . . . aba ei kung magaling
pagtyagaan mo kahit manfighter . . .
kung regular lang ibigay mo na laang sa akin
at patitinuin ko yan, bwahahaha.

ano nga ba lahi nyaan at kabata pa ei gany-an
na . . . pero meron talagang ganyang manok.
di ba nakita mo naman yun grey natin na panlaban
stag pa lang tuka at palo ang inabot ko dun
pinagtyagaan lang kasi nga medyo ayos naman
ang palo at tiyak ko ang uri ng pinanggalingan.

hala himasin mo ng himasin yaan at ng
bumait bait yaan . . . matapos mong ibalik
ang inagaw mong asawa nya, lol . . .

:rbounce:

Raul_Ruaro
January 9th, 2006, 05:22 PM
Ka dingdong,

Ganun nga ang tingin ko baka nagselos o masakit ang katawan nya sa pagspar ko. Kinuha ko ulit ngayon hapon, pero nanunuka parin. Sige gawin ko yung suggestion mo na bigay ko sa kanya yung pullet. Actually bigay lang ng ninong ko na itlog ito, galing daw sa uncle nya sa states. Nung ma hatch ay kinuha namin 6 pcs.,sa kasamaang palad 4 ang babae at 2 lang lalaki lumabas. Switer switeran daw yun at may 1 nahiwalay na tingin ko brownred na naicross sa ibang lahi.

Di ko mawari kung magaling yung nagiging manfighter, sa butaw ko kanina ay mahilig sumilong. Pero malakas ang palo dahil medyo binutas yung braso ko nung tahid. eh. hehehe! Medyo mahina resistensya nito dahil kasambahay lang namin nagaalaga kapag wala ako, di masyado alaga. thanx!

stewart-

DingDong
January 9th, 2006, 05:34 PM
sige preng stewart,

pagtyagaan mo muna yan bata pa naman
yan hindi mo pa gaano makikitaan ng
totoong palo nya yan. magbabago pa
garote nyan pag nalugonan . . .

balitaan mo kami kung babait yan ha!!!

sa CF GD 2008 pandiin na yan, he he he
pero bago yun ilaban muna natin dyan
sa tabi tabi dyan . . . testing baga . . .
ipanghaharang natin, lol


:rbounce:

goryo888
January 9th, 2006, 10:23 PM
Tutal di naman ikaw nag aalaga Ka Raul at kasambahay nyo laang eh ayos laang yan....nyhahahaha...kaso pag nainis yang kasambahay nyu...malamang Hambalos aabutin ng manok mo....:lol: Ibigay mo kay Ka DD.....at maalagaan pa yan ng husto...tama ga ako Ka DD??:D

Si Kuya Neil ko hwag kaliligtaan sa listahan....baka magpagulong yun...mahal na ang kending hubad ngayon, pang alo baga sa batang nagliligalig....
At baka sumama si Kuya Celso, bayaw ni utol na nagbitbit nyaang Sundalo ko eh baka pwede rin....bale 2.

Raul_Ruaro
January 10th, 2006, 08:51 AM
Ka goryo,

Naku baka di tumatanggap si ka dingdong ng reject. Nyahahaha! Medyo pasensosyo naman yung kasambahay namin, ang problema ay nakabakasyon sya ngayon. Nanay ko nagpapatuka sa kanila kaya malamang ituloy nya na i-evict yung mga pinagprapraktisan ko na nokis. hehehe! Sinisira ko daw yung garden nya. :lol:


ka dingdong,

Baka di pwedeng pangharang mga ito, kasi nga pinagprakstisan ko. Kung ano edad nito ay yun din edad ko pagmamanok. hehehe! May mga 1 month older na mga kapatid ito sa province namin sa ilocos, tamang tama yun sa april or may sa mindoro. Baka makapagdala ako 1 or 2 na pang hackfight. Kasi pang 3 cock daw nila yun dun. Tiyak na maige mga yun dahil tumanda na sa pagmamanok yung nagaalaga.

stewart-

goryo888
January 10th, 2006, 09:02 AM
kung Van....ang gawin na laang kaya ay mangharang ng mga Byaheng South....dami dyaan sa atin....tapos kontratahin na laang.......


Nakontak na ga si Ka Teodychongco....maga share yun ng isa....

Ka Raul sige kunin mo yung nasa Ilocos at ng matesting sa Dragon.... ;)


Ako'y papahinga muna....dyaan muna kayo mga Kabahag....iuunat ko laang ang aking likod....

Raul_Ruaro
January 10th, 2006, 09:39 AM
Mga kabahag!

May paderby pala sa feb 22 yung father law ko sa calapan, 3 cocks ata ito. Hingi sana ako suporta. kung makapag entry sana kayo o mga kakilala nyo. Post ko na lang yung complete details samga susunod na araw. Bukas pa lang ako pa calapan... Thanx!


stewart-

Raul_Ruaro
January 10th, 2006, 09:46 AM
Opppss! Sorry father inlaw pala! :)


stewart-

DingDong
January 10th, 2006, 05:01 PM
preng stewart,

paano naman naging reject yaan ei island
born yan, galing sa ibang bansa yata ang
itlog mo, hi hi hi.

tama si preng gori. kung mapapabayaan
lang ei dine na laang sa akin sa cavite,
wala akong hinihimas ngay-on kasi inuwi
ko na sa mindoro yung 3 alaga ko dine
at igagayak isabak sa mahal na araw.
marami kaming panghackfight sa mindoro
sa mahal na araw ang kulang laang ei
pamusta, bwahahahahaha . . .

kung maglalaban ka sa mindoro ei dapat
pagkarating ei laban mo na agad huwag
mo patagalin hanggan 3 araw laang
at baka makaramdam pa ng ibang klima.
kung magtatagal naman ei mga 2 buwan
doon bago mo ilaban para damdam na nya
ang bagong klima . . . tanggal na stress
nya sa pagbabago ng kapaligiran . . .

ka goryo,

he he he, baka wala nang kending hubad
ngay-on, kahirap ngang patahanin ang
naglulupaging bata.

o, are ang bagong listahan natin

1. DingDong
2. c/o DingDong
3. Chuck
4. c/o Chuck
5. c/o Goryo
6. c/o Goryo

hala palista pa dine mga kabahag, pag naman
kinulang ei dodoblehin natin kasi doble post
ni ka joey, hi hi hi hi

:rbounce:

goryo888
January 10th, 2006, 10:36 PM
Gandang araw mga Kabahag....ano na ga ang lagay ng pananalapi natin dyaan??......

Bunot Lito Lapidddd......Ka DD...pagkikilitiin mo na.....:D

goryo888
January 11th, 2006, 11:56 AM
Nasan na kayoooooo?????

Bubuli
January 11th, 2006, 02:19 PM
Taga Naujan din po ako malapit sa simbahan at plaza grit ko lang mga kababayan ko mindoreño manager Tem Tulio ayos na ba internet conncetion natin??

joey bravo
January 11th, 2006, 03:43 PM
welcome ka dito kabahag na bubuli.:)

ayos na ayos ang nokis ni ka goryo, pwedeng pandiin.

puro sugod parang yung amo walang atrasan sa laban.

kung bumanat ay kabila't kanan, patagilid, patihaya mana sa amo ararong walang puknat jingle lang pahinga.:lol:

binabatak ko pa lang using a catchcock eh makikita mo na na quality ang manok.

joey bravo
January 11th, 2006, 04:25 PM
mga kabahag,

malapit na ang laban natin!

kailangan natin ng Van na sasakyan ng nokis papunta ng Araneta!

Baka may kilala kayo na pwede i rent, pag hahatian ng tatlong entry!:)

sonny dela cruz
January 11th, 2006, 09:12 PM
Musta mga kabahag?

Ka goryo congrats,sulit ang gastos mo sa nakuha mo,gaya ng sabi ni ka joey talagang pangdiin base na rin sa picture tapos nasulit ng makita ni ka joey ang laro.

Nung huli mag-usap si ka raul ng SG at utol ng bumili siya patuka handang handa na rin daw mga sundalo na nasa San Gelacio.

Good luck po at naway maging masaya at matagumpay ang darating naderby nasasalihan ng mga kabahag.

Ingat po tayo lagi and God Bless.Peace out

goryo888
January 11th, 2006, 10:09 PM
Haaayyy...mabuti na laang at pwede pala.....sa TARI na laang maiintindihan.....aryaaa mga Sundalong Mangyan.....

Bubuli...welkam ka dito....kumusta sa mga KaNaujeno.... ;)


Ka Jojo...pwede pala yung 2 kong Sundalo....kaya pag Makakalusot ito at walang pinsala eh madadagdagan panlaban mo pag uwi mo.....


Ka Joey...SALAMAT sa pagaasikaso sa mga Sundalo nayin......

Ka Sonny..kumusta ka ga??

jojo60
January 12th, 2006, 01:26 AM
Musta na sa lahat inyong lahat mga kabahag? medyo bc lang po ako sa pagaasikaso sa bunso naming kapatid at sa kanyang unika Iha sa pagpapasyal sa kanila.

kaDD: wag kang mag alala sa paglaban mo sa mga sundalo mo at ako na ang maglalaban sa pagdating ko jan. Piliin mo ang mga pangdiin para tumagal ang aking pagbakasyon jan
:lol:

KA GORIO:sabi ko na naman sa iyo na walang katalotalo ang ating mga sundalo.sana nga'y wag cla magalusan man lang para mapakinabangan natin cla sa mga araw na darating.nagkausap na baga kau ni NSAN BLACKJACK?

ang hiling ko lang sa mga kabahag natin jan ay kung cno ang may camcorder ay pakikunan ang magagandang laban at meron akong pamangkin jan na pwede niyang ilipat ang lahat maski na lumang litrato sa isang CD..let me know guys para naman meron tayong souvenir sa una nating paglahok sa malaking pa DERBY.

sonny dela cruz
January 12th, 2006, 02:43 AM
Kamusta mga kabahag?

Ka Goryo okey laang naman ako dine,medyo nakakabawi na pero di pa gaano nahapit sa trabaho single job laang muna at ng di maatak ng husto pilay kanan,baka mapwersa ang kabila at mapilay tare he he he.

Sana nga po makapanood din o kahit pics laang ng mga sundalo okey na sa mga kagaya naming mga nasa labas.

Sige mga kabahag sumilip laang sandalibalik trabaho ulit,ingat po tayo lagi and God bless.PEACE OUT,

goryo888
January 12th, 2006, 07:55 AM
Naku Ka Jojo.....aba'y malamang matagalan ka sa atin...lalo na kung Hackfyt laang lagi laban natin....mga Pangiliti panigurado ang ibibigay sayo na panlaban....alalahanin mo meron pa tayong dalawang paniguradong panlaban....meron ilang piraso pa rin kina Tito na kung makukursunadahan mo eh...isang sabi ko lang doon kahit di sa akin yun eh pwede mong mailaban.... ;)

Ka Jojo....hinay hinay laang....baka mabigla....tama yan....;)


yung mga Alas ni Ka Joey eh nakabandera na sa kabilang Thread...ang gaganda....

joey bravo
January 12th, 2006, 08:27 AM
mga kabahag,

nakausap ko ang aking kababata na si ka raul eh pumapalo na daw ng ayos ang mga sundalo natin.

umiepekto na daw yung gamot na bingay ko na tiki tiki. :lol:

ayos din daw ang panahon at umiinit na.

sino ba sa inyo ang may kilalalng rent a car sa atin ng matanong kung magkano upa punta ng Araneta?

goryo888
January 12th, 2006, 08:38 AM
Naku paano na nga ga kaya ang sasakyan ng ating mga Sundalo?? Wala rin akong alam ei....

Ka Blackjack...wala ga dyaan sa atin sa Naujan na may Van na ibinabyahe??

blackjack
January 12th, 2006, 08:57 AM
ka goryo

walang may van d2 n byaheng manila puro d2 lang paikot-ikot mindoro tsaka roxas....kung meron man mausap ay cgurado malasa ang presyo!!!

Nsang jojo

d ako nakapost matagal at cra n naman comp d ko alam bakit s lan card yata at d ko nakuha installer nun mamaya k p kunin. d2 ako nakipost kna bubuli.....kamag-anak din 2 ng mga basa....pamangkin n ninang chaly.....anak ng nawalang boboy.....salamat dun s pampagana.

joey bravo
January 12th, 2006, 10:50 AM
Yung nag pahabol na entry na kahanggan ko na si Ka Nestor ay pumayag na gamitin yung Nissan Patrol nya sa pagdala ng ating mga sundalo mga 11 ito.

Manok lang ang pwede nilang dalhin at pointing feeds.

Ayaw nya magpabayad ng renta, pang gastos lang daw ay ok na, pero nakakahiya ata, dapat mag bigay tayo maski papano para namn d nakakahiya.

ako na bahala sa mga sumusunod pag dating nila sa Araneta:

1. Cockhouse ( meron na ako napareserve na isang malaki na cockhouse na pwedeng lagyan ng 5 entry.

2. Apat (4) na folding pen para sa 8 na manok.

*kulang pa tayo ng 2 pang folding pen.

3. Tatlo na 3x3 pen

4. Tagabantay ng kakhouse (P250 per day)

5. Hotel Reservation para sa mga galing probinsya.

ano pa ba kakailanganin natin?

:)

goryo888
January 12th, 2006, 10:54 AM
Naku ayun naman pala at halos resolba na lahat ng Kakailanganin......at mukhang magkakaige nga ng husto ito....Ka Joey maraming salamat sa iyong pag iintindi......;)

joey bravo
January 12th, 2006, 11:07 AM
basta para sa mga ka sandugo no problemo yan ka goryo.

sunod na ayusin natin ay minimum bet.

mga kabahag, patakaran ng Araneta ay declared ang bet sa first fight. kung gusto nyo kargahan ang pusta kasi nokis nyo ang mapapalaban ay mas mainan na idiga agad ito.

SAMPLE:

A. San Gelacio Sanduguan Mindoro 3

May ari ng manok na lalaban:

I. Grandeur

Minimum bet ng Tropa P 5,500
Dagdag na pusta:
a. Joey Bravo P 5,500
b.

Declared bet sa First fight: ________

II. DingDong

Minimum Bet ng Tropa P 5,500
Dagdag na Pusta:
a. Joey Bravo P 5,500
b.

B. San Gelacio Sanduguan Mindoro 4

May ari ng manok na lalaban.

I. Goryo

Minimum bet ng Tropa P 5,500
Dagdag na pusta
a. Joey Bravo P 5,500
b. Goryo

Declared bet sa first fight: _________

2. Joey Bravo

Minimum Bet ng Tropa P 5,500
Dagdag na Pusta
a. Joey Bravo P 11,000
b.

pwede din natin i roll ang pusta ng Tropa depende sa mapag kakasunduan ng grupo.







:)

jojo60
January 12th, 2006, 11:50 AM
ka JOEy: maraming salamat sa pag-aaruga ng ating mga Entry.ako'y payag i roll ang pera para kung kakakilanganin na swertehin tayo ay may pang insurance bet tayo sa huli.. payag ba kayo hanggang ikatlong laban ng ating mga sundalo ay pagulungin ang ating pusta? wari ko ka JOEY ay nakakalamang na ang mga itsura ng ung mga sundalo. magaganda ang tindig ng mga un at may pisngi na.

Uulitin ko lang po na sana ay makapagvideo tayo ng laban ng ating mga sundalo.. cno ba ang may camcorder para maisalin natin sa DVD at para magkameron naman tayo ng mga kopya...

Im sure naman na bago ako makarating jan sa atin ay may kopya na ako ng WSC JANUARY 2006 version na pwedeng bilhin d2 ng $70.USD.

nasan na kaya si ka CHUCK? wari ko ay talagang sobrang bc niya kaya hindi cya makadalaw sa atin. Ingat lang jan ka Chuck at kung may kailangan ka jan ay pwede mo akong iPM maski na anong bagay jan ay pwede nating palakarin,wag lang ang patay...:lol: :lol:

joey bravo
January 12th, 2006, 11:55 AM
Important reminders to all participants for this Global Derby

1. Araneta management is requiring all entries to pay the entry fee before the start of the derby or before your first fight in the elimination.

2. All cocks intended to fight for the elimination on Jan 24 will be leg banded before the start of the derby. Likewise, all cocks for the finals on Jan 26 will be leg banded in the morning of fight day. Leg banding starts at 6 am. Failure to comply with the legbanding rule shall be fined 2,500.

3. Araneta give and take rules are as follows:

Good Weight - 35 grams

Bad Weight - 40-55 grams based on higher weight
Penalty - Php 3,000

Change cock - 60 grams
Penalty - Php 5,000

4. Matching shall be done through computer and shall be under the exclusive supervision and control of the MATCHING COMMITTEE composed of Araneta Coliseum and derby host representative. Request for NO FIGHTS shall be disallowed except only between entries coming from the same owner/stable and registered under the same entry name.

5. Submission of weights is from 2:00pm to 7:00pm only of January 23 for the elimination and from 2:00pm to 7:00pm only of January 25 for the finals. Look for Gloria at tel no 9112928.

6. The earliest that we can start the derby in the elimination day on January 24 is 10 am depending on the number of entries that will submit prior to the derby.

7. Araneta management dress code for handlers and owners that will go up the rweda should be observed. No shorts, no sandals, no slippers and no sleeveless shirt are allowed inside the rweda.

8. Releasing your cock beyond the designated white line has a penalty of php 2,500

9. Delay of fight penalty is php 2,500

10. Per entry is allowed 3 patron tickets and four entrance tickets (no seats) for its handlers, gaffer and driver.

11. All points must be earned.

12. CF will provide a list of participants for this GD with entry names and owner to Araneta management for acceptance of your entry. Anyone who will call and submit their weights (cocks) but not listed in the master list will be put on hold. Priorities will be given to those derby participants that confirmed their entries prior to the derby.

joey bravo
January 12th, 2006, 11:56 AM
c ka chuckee ay may bagong picture duon sa tabinay website, holding blackhatch at sweaters from Boy Marso.

wehehehehe

dapat sinama nya ako kasi alam ko kung saan area nakalagay ang mga magaganda na nokis duon. :lol:

DingDong
January 12th, 2006, 02:19 PM
aba at isang araw laang akong hindi
nakabasa dine ei ayos na agad ang
butobuto.

may tanong laang ako ka joey, iyon
gang sasakyan ei galing mindoro???
kasi kung galing doon ei may additional
na dalawang oras na travel time ang
ating mga sundalo, kasi sa roro ang
sakay nyaan. pero kung sa tingin mo ei
hindi naman karagdagang stress yaon
sa ating mga sundalo ei ayos laang din.

gaano naman kaya ang panggastos daw
ni mr. razon pre???

aba't ang tol chuck ei napadalaw na agad
kay BM, hindi man laang nagpasabi at
nakapag-amuyong sana doon.


preng joey,

tuloy ga ang iskedyul ng bitaw sa jan 15???
ako'y baka makalibreng makadalaw dyaan
sa iyong lugar. pakibanggit kung tuloy at
ng maaya ko si tol chuck at stewart . . .

para sa dagdag na pusta sa mismong araw ko
na laang ibubulong sa iyo. nakakahiyang ibulgar
dine na mamiso laang ang dagdag ko, hi hi hi


tol jojo,

hi hi hi . . . kung hackfight laang ang laban
ay medyo lamang tayo ng konti. kasi ang
andun sa likod bahay ei mga pangit ang
itsura pero may mga garote naman . . .
kailangan laang ei pasabi ka at ng maihanda
natin ng husto . . . saan ga natin ilalaban
ang mga yun???


preng gori,

hi hi hi, tama pala ang hinala ko na ayos
ang garote ng nokiz mo. ayos ang hipo
ko doon eh, binulungan ko agad na pag
hindi nya ginalingan ei isusuot mo uli sya
sa pinanggalingan nya. mukhang umayaw
at amoy ipot daw ang lungga . . .

:rbounce:

joey bravo
January 12th, 2006, 02:29 PM
ka DD,

oo pre, galing Mindoro na yan.

wala nga hiningi maski rent o pamasahe ng sasakyan. baka pwedeng paki linaw na lang sa utol mo at tanugin si ka raul.

4: AM ko sila pinapaalis ng 23 ng gabi. Tanghali ay nasa Araneta na mga yan.

Sakay sa RORO ay OK lang. Sabi ko piliin nila yung mabilis na RORO sa umaga na 1:45 hrs lang ang travel.

Yung sched ng bitaw ng atin sundalo ay binago ko, gabi ito gagawin.

Baka sa 15 ay final bitaw ng 3 entry ng Blitzgame/Steph/Joeyxus/lito/cedreq at ng mga entry ni REBEL. Pwede tayo manuod duon sa umaga ng makita natin kung papaano umaway yung mga nokis ng Blackwater at karachi ni Eddie Araneta. Sige pre ayain mo sila lunch tayo sa bahay. :teeth:

joey bravo
January 12th, 2006, 02:39 PM
ka goryo nakalimutan kong bangitin sa iyo,

bagong putol pala mga tahind ng nokis mo, napa sobra ata igsi ng putol. tingnan mo ritrato.

Ng dumating at pinapalo ko sa catch cock ay dumugo pa kasi sariwa pa ata.

Pwedeng dumiin duon sa malaki mo, siguradong pag nakauna ay gutay gutay kalaban neto.:D

Raul_Ruaro
January 12th, 2006, 03:54 PM
kA dingdong,

Medyo busy pa si ka chuck ngayon sa manila, baka sa saturday pa makabakil dito sa mindoro. Yung hawak nya na galing kay BM na trio ay bigay nung pamangkin ni BM sa tropang sampaloc. Sana may magbigay di sa atin ng ganun! hehehe!

Buti nasabi mo agad yung tungkol sa paglalaban ng manok, baka nga manibago sa klima rito sa mindoro. Bahala na kapag di naasikaso yun baka try ko na lang pagulangin kanila ka raul.

May 3-cokc derby kagabi sa dragon, may nag entry na taga soccoro, G & B yung entry name nya.


stewart-

Raul_Ruaro
January 12th, 2006, 04:06 PM
Nyahahaha! Bali-baligtad tong mga spelling ko sa kamamadali.;)


Mga kabahag! Sa sunday ay subukan daw ni ka chuck na madalaw si ka blackjack at raul sa san gelacio, medyo busy sya sa manila ngayon. Mag login na lang daw sya dito kapag di na gaano toxic ang schedule nya.


Yung 3 cock kagabi sa dragon ay may 30 entries, marami rin mabibigat na sumali galing batangas. Isa na dun yung may-ari ng sta. rita cockpit at grabe yung mga parada nya. 300k na tumataginting. hehehe! Kasamaang palad ay 0-0-1 ata lang sya. Iba talaga karakas ngayon ng manok mindoro. hehehe!

Yung tiyuhin ko na nagchamp nung 3 cock nung dec 28 ay 0-0 sya, di na linaban yung huling manok nila. Once in blue moon na nga lang ako pumusta ay talo pa. hehehe!


Pati din yung kanila ka tuna ng puerto ay di rin pinalad sa dragon, malamang kung andito si ka chuck ay medyo mabutas din bulsa nya.


stewart-

DingDong
January 12th, 2006, 06:38 PM
ka joey,

subukan ko kung may pagkakataon si
utol na makadalaw uli sa SG. dahilan
bagang dahil sa lubak lubak ang daan
ei humigit kumulang sa isang oras ang
byahe papunta doon. naknang mga nasa
gobyerno yaan at ayaw pang ipagawa.

napansin ko na yung tahid na yun ng
kunin namin pero ang sabi ng utol ni
preng gori ei mga 2 wiks na daw iyon
kaya okay lang at abot na abot pa sa
araw ng laban ei tuyo na yun . . .


ka stewart,

yung sa akin naman ay opinyon laang at
ako naman ay baguhan din laang na
magmamanok, he he he . . . bagito baga
pero may puntos naman ware ang aking
suhestyon, hi hi hi

mas maganda na dalhin mo na laang kina
ka raul ang nokiz mo mga 3 months bago
ilaban. patuka laang naman at gamot siguro
ang hihingin sau nun. kabait noong si raul
eh, parang ang kanyang kumpareng joey.

hindi ko alam kung sino taga sa amin ang
nagamit na G&B na entry. ano ga naging
score nun???


:rbounce:

DingDong
January 12th, 2006, 06:46 PM
preng stewart,

ano kamo galing sa pamangkin ni BM
yung trio ni chuck si PABS ba . . . yun
ba yung pamangkin ni BM na naka
based sa aussie . . . teka baka
nagkamali ng bigay si PABS. sa akin
dapat yun ah, nyahahahahahahaha

waaaaahhhhhh ako yung taga mindoro
PABS na kausap mo hindi si tol chuck . . .

di bale, gilmore na lang kukunin ko kay
PABS kung kilala nya pa ako, hu hu hu


:rbounce:

joekris
January 12th, 2006, 09:40 PM
Raul_Ruaro,

pre kumusta laban ni ka tuna kagabi? kumilos ga mga manok na inilaban nila? di kasi ako nakapanood.

goryo888
January 12th, 2006, 09:48 PM
Ka Joey...nag iipon pa ako ng piso piso...di naman ako napusta ng malaki sa Sabong....yan din ang sabi ni Kuya sa akin may bibili sana nyaang Manok na yan kaso nakapagsabi laang ako....kaya ibinigay na laang sa akin...ang alam ko eh Pangiliti talaga yan doon sa pinagkunan....yung maliit naman ay bigay din laang ni Kuya Celso....kaya pamasahe laang ng nagbitbit ang gastos ko.... :D

Ka DD pag di nila ginalingan eh baka kahit sa pinanggalingan nila ay di na sila makabalik.....uuhurin sila....:D
Naku ikaw pala'y naunahan ni Ka Chuck...aba'y ripitehe....baka nga makadale ng Gilmore ni BM....

jojo60
January 13th, 2006, 03:16 AM
MGA KABAHAG 'wag mag-alala sa manok ni KA GORIO dahil sa tuka lang nito mapapatay na ang kalaban kaya hindi na kailangan tarian...

Tama na muna sa akin ang premyo ng champion..kalahati nito'y ibabahagi ko sa ating mga kapatid na Mangyan at iyong iba ay sa improvement ng aming lugar ni KA BLACKJACK.

KA DD: pwede naman maglaban ako jan sa Mindoro at kung meron pa eh sa Maynila rin tayo maglalaban.Iyong aking parte ay baka next week na kc hindi pa ako napapadpad sa Filipino Store o kaya'y LBC.

Malapit na malapit na po ang Torneo... nakakasabik ng makita ang ating mga sundalo kung paanong garutihin ang mga kalaban.

MABUHAY ANG ATING MGA SUNDALO!!! :rbounce: :rbounce:

joey bravo
January 13th, 2006, 08:38 AM
mga kabahag,

kausap ko si ka DD mukhang hindi natin kakayahin financially ang dalawa na entry.

nabawasan din ang ating sundalo kasi yung maliit na nokis ni ka Goryo ay mababa ang timbang nasa 1.840 lang ito pag binatak pa yan at ginupitan ay baka maging 1.8 na lang.

ang Acceptable Weight sa paderby na ito ay 1.9 to 2.450 pala.

kung ipipilit natin ay agrabiado agad ito sa timbang.

baka isang entry na lang.

Mga manok na gagamitin ay ang mga sumusunod:

Elimination:

1. Grandeur
2. Dingdong

Finals:

1. Goryo
2. Dingdong
3. Joey

pag nanalo tayo ng dalawa ay mas mabuti pero ang suhestion ko ay pag nanalo tayo maski isa ay pwede natin ito ituloy sa finals para mapalaban lahat at habulin ang insurance prize.

Sumatutal ay mapapalaban din lahat mga manok natin.:)

joey bravo
January 13th, 2006, 08:50 AM
mga kabahag,

proposal po ito for sharing of prizes.

lalabas na SANDUGUAN MINDORO ang financier ng entry na ito.

ano kaya ang magandang sharing ng prizes kung meron man?

pwede ba yung 40% Financier at 60% naman ay pag hahatian ng may ari ng manok?

siguro mas mainam na linawin natin.

Gastos ng Financier ay:

1. Pot Money
2. Transportation
3. Misc. Expenses like food, merienda accomodation ng handler.

Yung FEEDs na ginamit na patuka ng mga nokis at yung mga VITAMINS na tiki tiki (hehehe) ay sagot ko na yan.

Isa pang katanungan ay kung ibibigay ba natin lahat ay premyo sa handler/gaffer kung mag-champ o may share na kukunin ang Financier?

Mag bibigay ba tayo ng every win incentive sa Handler at gaffer.

Ako kasi binibigyan ko handler/gaffer ko ng P 500 incentive for every nokis na nanalo. Pero pag nag champ ay yung handler gaffer prize na lang ang sa kanila.

Ano sa tinggin nyo.




:)

jojo60
January 13th, 2006, 09:05 AM
KA JOEY: sangayon ako sa lahat ng iyong suhestiyon.bahala ka

na basta wag lang maargabyado ang mga handler at gaffer ay

ok na sa akin..kung isang Entry lang ang Sanduguan Mindoro

palaga ko ay lalaki pa ang minimum bet natin di ba? maganda

iyan para naka focus lang tayo sa isang Entry... ano tinging ninyo

mga Kasama?? cya si bulilit na hindi nakasama sa torneo ay

gagamitin na lang namin ni ka Gorio sa pag-uwi namin para

maidagdag sa mga panlaban namin nina Nsan Blackjack at KA DD.

blackjack
January 13th, 2006, 09:48 AM
pare pdala m n d2 s naujan ung isang manok m n d maipasok s CF ntry natin para d2 n maalagaan....kukunin k n lang dun kna k raul s san gelacio. dagdag din un s panlaban natin!!!

DingDong
January 13th, 2006, 10:26 AM
mga kabahag,

maganda ang suggestion ni ka joey.

ika nga sa legal field ei fair and equitable.

ganire siguro ang magiging kwenta nyaan.


Financier - SANDUGUAN = 40%
Fowl Owners = 60%

variables:
Earnings from bets = X
Prize money = Y


For Financier:

each share holder will have:

= {no. of share/total shares}[(X+capital-expenses) + (40%Y)]


For Fowl Owners:

= (no. of fowl/total fowls)(60%Y)


ayan, tama ba ang aritmetik ko o equation ba
ang tawag dine . . .

sino ang payag dineeeehhhhhhhh, are ei
opinyon laang mga kabahag. kailangan ang
boses nyo dine . . .

so, what's the pleasure of the majority ! ! !

sabi nga ng isang senador ei "NOTED" :lol:


:rbounce:

Raul_Ruaro
January 13th, 2006, 10:36 AM
joekris,

Welcome dito sa thread ng mindoro! Ayun sa pagkakatanda ko ay 1-2 ang W-L records nila. Medyo masmabigat yung mga kasali ngayon. Sayang at ala na si mang Olit Evangelista para nakita din sana kung consistent yung mga dala nya na cocks galing states.

stewart-

goryo888
January 13th, 2006, 10:38 AM
Walang problema...Ka Blackjack..ilalaban natin yan at sayo na laang gumarahe.....hindi laang yan ang mapapalaban pagdating dyan ni Tol Jojo....meron akong 2 panaguan sekreto namin yan ni Tol jojo....Balak ko laang na pababahin sandali para makalahi...tapos ilalarga na rin natin yan....at kina Tito Tony ay meron pa rin ilang manok duon....puntahan nyo laang at pag may maaari ay itimbre nyo sa akin at isang tawag ko laang duon eh....maiilaban din yun.....

Sya Ka Joey yung di maaari ay bahala ka na muna magpatuka ha...at pakisama sama na rin sa papauwi sa atin...para duon na laang kunin ni Ka Blackjack.....o kaya naman kung luluwas din sino man sa mga Mangyan na nakabase sa atin eh...pakibitbit na laang.....

Ka Blackjack, sayo ang garahe nyaan... ;)

blackjack
January 13th, 2006, 10:45 AM
ka goryo

mabuti at madagdagan ang panlaban natin d2 para s pagdating nyo!!!! may mga manok naman ako d2 n ari ilaban kaya lang mga bata karamihan....cge basta antayin k n lang kung kelan kayo makauwi!!!

Raul_Ruaro
January 13th, 2006, 10:46 AM
Ka joey,

Kayo na bahala diyan ng mga kabahag tungkol sa sharing ng prizes kung sakali makalusot. Manalo matalo sana ay tuloy natin yung grupo para tuloy-tuloy ang commaraderie ng mga mangyan.

Para sa akin ay masmaigi na 1 entry na lang tayo para mas solido at pangdiinan yung mga sundalo natin, di kasi basta basta din yang inorganize nyo na pa derby. Masmalalim ngayon ang selection natin. Mabuhay ang SANDUGO!


Ka dindong,

Pinagiisipan ko nga yung suhestyon mo, kapag nadalaw kami sa SG ay kausapin ko din si ka Raul tungkol dun sa pagpagulang ko nung nokiz. Pwede din sana kay ka blackjack pero baka sobrang maabala na sya kung may mga maglalagay din na kabahag sa kanya. Confirm ko lang kung natanggap mo yung half share ko? Thanx!

Raul_Ruaro
January 13th, 2006, 10:49 AM
Ka blackjack,

Baka bukas ako makadalaw, text mo na lang sa akin yung cel no. na gamit mo ngayon para ma i-confirm ko pagdalaw ko sa iyo. Thanx!

stewart-

Raul_Ruaro
January 13th, 2006, 10:53 AM
Ka dingdong,

Yung Trio na nakuha Kay BM ay galing sa pamangkin nya na babae at bigay nya yun sa tropang TSM. Kaibigan kasi nila ata kaya nagpledge na magshare ng stocks para sa TSM. Ayun busy parin si ka chuck kaya di parin nagpaparamdam.


stewart-

joey bravo
January 13th, 2006, 11:08 AM
pag kukuha kayo kay BM pwede ko kayo tulungan.

kababayan ng misis ko c BM at classmate ng brother in law ko yung pamangkin nya na nasa australia.

Guest of honor namin sya nuong CF christmas party.

http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/12202005008.jpg

Sweatershuffler (pabs) with wifey (savvy chick - Marie) from Australia last january 5 2006 having chicken talk with us over bottles of wine.

http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/sweatershuffler.jpg

DingDong
January 13th, 2006, 11:08 AM
ka goryo/blackjack,

hindi nyo yata napansin yun suggestion
ni ka joey at ang computation formula
na ginawa ko . . .

sang ayon ba kayo dun . . .

si preng stewart ay okay na sa kanya



preng stewart,

si rita ba yung pamangkin dun ni BM???




:rbounce:

Raul_Ruaro
January 13th, 2006, 11:12 AM
Ka dingdong,

Di ko sure kung sya nga yun, ang alam ko member din sya sa site. Text mo si ka chuck kung kay rite nga galin yun. Na check mo na ba kung naihulog ko ng tama yung share ko? Thanx!

stewart-

DingDong
January 13th, 2006, 11:14 AM
preng stewart,

pasok na yung share mo.


preng joey,

sino ga iyong pullet na katabi ni BM,
aare ga kaya iyan sa mangyan, hi hi hi
beero lang po BM (baka mabasa eh)


:rbounce:

Raul_Ruaro
January 13th, 2006, 11:17 AM
Ka dingdong,

Wagka kay sir BM matakot kundi kay kumander kapag nabasa nya. hehehe! :lol:

stewart-

joey bravo
January 13th, 2006, 11:18 AM
Steph, Marie (wife of PABS aka sweatershuffler) and RITA

http://i17.photobucket.com/albums/b93/flyingD007/12202005002.jpg

joey bravo
January 13th, 2006, 11:20 AM
yung katabing pullet ni BM ay Escort ni Kabu-san, yung japanese na may-ari ng ***********.:lol:

batang bata yan pre.may hawak pang maynika.:D

DingDong
January 13th, 2006, 11:23 AM
ganda ng ngiti ni preng steph dyan ah,

preng joey, lagyi ng name at baka
makasalubong namin sa sabungan
yang mga bebots na yan eh mabate . . .
mabati pala naman

:rbounce:

DingDong
January 13th, 2006, 11:29 AM
preng joey,

yun ba ei escort service o bata ni ponjaps.
he he he daig ng mangyan yun . . . he he he
beero lang po . . .

joey bravo
January 13th, 2006, 11:32 AM
ahhhhh no comment, bayaan mo tatanungin ko si BM.:lol:

DingDong
January 13th, 2006, 11:36 AM
he he he, pakitanong kung may kapatid
pa na ganun din ang alindog . . . .
bwahahahahahaha :lol:

mukhang masaya ang xmas party nyo . . . sana
nag gate crash na laang ako, he he he


:rbounce:

joey bravo
January 13th, 2006, 11:41 AM
pwede naman basta kasama mo ako, ako tagabayad eh.

oi nawal tayo sa focus duon sa Proposal mo. :D

sa 15 na lang maghahanap tayo ng pullet.:teeth: yung walang sapola

jojo60
January 13th, 2006, 11:43 AM
aba eh lima tayong naka sign in ngaun.. hoy wag lang magbasa dine at pwede na tayong mag-conference. saan kaya si Ka GORIO... tingin ko ay nagbibilang na naman ng kanyang naipon at wari ko ay hindi magkandaugaga kabibilang.

ka Raul: sama mo na rin ung nokiz mo sa lugar ni kaBlackjack, mas marami mas masaya.. ano palagay mo NSAN..

Raul_Ruaro
January 13th, 2006, 11:52 AM
Ka jojo,

Kausapin ko din muna si ka blackjack, baka dalawin ko sya bukas sa nujan. Kailan ga dating mo? baka di pa pwede ilaban yun pag-uwi mo dahil 7 month old pa lang yun ngayon.


Sige mga kabahag paalam na ako!


stewart-

jojo60
January 13th, 2006, 11:59 AM
kaRaul: walang problema. di ilaban din natin sa 7mos.old.matira

matibay.lamang na tayo sa conditioning..Around last week ng

March or early April ang aking uwi jan...matagal tagal taung

magsasama diyan..

goryo888
January 13th, 2006, 12:40 PM
Nandito ako Ka Jojo at mga Kabahag...walang problema sa akin...akala ko bago ako nagpunta ng Costco eh...napost ko yung yinayp ko ....

Larga ako dyaan sa kompyutasyon na yan....;)

goryo888
January 13th, 2006, 12:45 PM
Ka Jojo Abril na laang at ng makagulang gulang pa ng konti yung mga Manok.....;) At ng kung ako ay mahipan ng magandang hangin at itaboy pauwi eh magpangabot tayo....baka Mayo last week ay makauwi rin...yun ay di pa sigurado..pero maypag-asa.....

blackjack
January 13th, 2006, 12:59 PM
ka goryo

gayak n dyan ng ayos para magpang-abot kayo n jojo d2.....basta kung anong nand2 ay ilaban natin....may nakareserba n pati ako d2 n pwede s sagaran!!! tapado n ni nsang jojo....pwede ntry 2 ng 3-cock at lalo pwede s hakfight!!! basta s pag-uwi nyo ang laban n2.

buti p d2 m n lang ipadala ung balak m gamiting materyal at masasabay n natin s pag-asikaso ng amin n jojo d2.....kung malalaki n ang anak at pwede n icord ay dun m n pagulangin kay ka raul s SG...madali naman kausap yun at maganda pati ung lugar nya!!!

DingDong
January 13th, 2006, 01:28 PM
sige preng joey, hanap tayo pullet sa
linggo . . . basta ikaw kamo ang babayad.

marami na kumasa sa proposal. mukhang
okay na naman iyon. majority na . . .


preng blackjack,

basta sa mahal na araw may skedyul tayo
dyan na laban ha para makasama naman
kami ni utol . . .


:rbounce:

blackjack
January 13th, 2006, 02:10 PM
Tama ka kabahag

mahal n araw ng pala patak ng abril....tama din ung ibang stag masubok!!!

DingDong
January 13th, 2006, 06:26 PM
preng blackjack,

kasi mas malamang na bakasyon ako
dyan sa atin sa mahal na araw eh, mga
mahigit isang linggo ako dyan. kung papalarin
ei isng linggong sabong din, nyahahahaha

basta may puhunan, larga na mga manok ko
dyan kay alimbuyog . . .

:rbounce:

goryo888
January 14th, 2006, 09:34 AM
Nasan na kayo mga Kabahag?? Busy na naman baga??

ay sya....sige kung kayo'y magaSabong eh...kapitan nawa kayo ng Swerte...;)

DingDong
January 14th, 2006, 02:50 PM
karamihan kasi wala pasok saka weekend
preng gori kaya wala sila . . .

ako naman ei medyo busy kanina kaya
ngay-on laang napapindot dine . . .

sa mga magsasabong galingi ng mata sa
ulutan ha para mas lamang sa panalo. . .

:rbounce: