PDA

View Full Version : Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!



Pages : 1 2 3 4 5 6 7 8 [9] 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84

sonny dela cruz
January 14th, 2006, 11:56 PM
Present din po ako ka goryo eto kakain lang at babalik na naman sa higaan para manood ng filipino channel sayang la sabong sports na mapapanod tayo he he he,long weekend pa na naman,Hay nakuu hirap talaga,pag me pasok gusto mo weekend na pag weekend naman boring din,pero okey lng pag nsa link na ako okey na nanam.

Ka Dingdong tama ka diyan pagdating sa trabesiya hindi lang instinct at regla ang dapat sundin dapat talas din ng mata.

Ingat po tayo lagi and God bless.

Peace Out!!!!

goryo888
January 15th, 2006, 12:16 AM
Ka Sonny...ako man ay kumain na....nagpapahinga rin dahil ang trabaho ko ay Mon. to Fri. na rin.......

Ako naman ay nagbababad din dine sa Net....

Manokiz
January 15th, 2006, 04:45 AM
gudevning po,,, kabahag,,,

Ding! Dong! Ding! Dong!,,,

'musta na kaung lahat? :)

jojo60
January 15th, 2006, 05:56 AM
ka Gorio: call me 951-245-7065 asap.

Raul_Ruaro
January 15th, 2006, 05:02 PM
Musta mga kabahag! Nagkita ulit kami ni blakjack kahapon, medyo inikot nya ako sa mga friends nya ring mga breeders sa nujan kahapon. Ako'y tuwang tuwa sa lugar nya dahil maganda. Kay ka jojo dalhin na agad yung mga stocks natin na mabibigat at masimulan na yun. hehehe!

stewart-

Bubuli
January 15th, 2006, 06:36 PM
musta na blackjack d me nakabalik kanina, get well soon di nyo pa ko sinama para tatlo tayo ni stewart hehehe isang mapag palayang at makabuluhang araw po sa inyong lahat

goryo888
January 15th, 2006, 09:04 PM
Gandang gabi sa inyo dyaan....aba'y talaga palang papasyal pasyal na laang tayo dyaan ah...

Ka Bubuli, Ka Blackjack, Ka Raul...kumusta na laang sa inyo...;)

goryo888
January 16th, 2006, 02:12 AM
Mga Mangyan gisenggggg......malapit na ang GD....lalarga na ang mga Mangyan Warriors....;)

jojo60
January 16th, 2006, 03:28 AM
magandang umaga po sa inyong lahat!!:rbounce:

KA GORIO: KAMUSTA NA GA? meron na bang bagong balita sa mga sundalo mo...sana maging mahusay ang lahat..

KA RAUL: may nabasa ako na merong hindi magandang nangyari sa iyo at sa fren mo... meron bang problema 'tol at baka naman kami dini ay may maitulong.

Malapit na ang torneo ng ating mga sundalo at sana ware ay makalusot clang lahat...

Sa lahat ng manonood sa Araneta ay bigyan ninyo naman kami ng round by round details ng ating mga sundalo o kaya'y souvenir program ng mga fights.

goryo888
January 16th, 2006, 03:37 AM
Tol Jojo dito laang ako...sa tabi tabi...malamang ay magaganda ang kalalabasan ng lahat...

Ano gang nagyari kay Ka Raul??

joey bravo
January 16th, 2006, 08:03 AM
ka Goryo binitaw namin yung Nokis mo.

ready na ito for battle.

pumunta at nanuod ng final selection sila DD at Grandeur.

nag usyosso din kami ng mga noksi duon kina rebel ng mga WSD candidate na pinapahinga duon.



:D

goryo888
January 16th, 2006, 08:10 AM
Aba at magandang balita yan Ka Joey....

Pero WSC?? sa kanila na lang muna ang WSC....saka na lang muna tayo dyaan...pangarap na laang muna.....


Kumusta na mga Kabahag...mamya pa siguro sina Blackjack at Alimbuyog....

blackjack
January 16th, 2006, 12:22 PM
musta k n dyan...snabi k n ky pinsang rene m n meron kng manok n ipapadala d2 at xcited n ung loko....cgurado dw n mganda at mhilig k nga dw s mganda......iba naman ang naisip ko!!!

sya antayin n lng namin d2 at wala namang pwedeng lumuwas s amin...bka sakali c pinsang rod m kng mapataon.....cge bahala na.....post m lang dvelopment.

Raul_Ruaro
January 16th, 2006, 01:32 PM
Ka Goryo,

Hayan papunta ng araneta yung nokis mo! Tuloy mo ba padala kanila ka blackjack yung di pumasok sa timbang? Sya wag ng magdalawang isip at tayo'y makapag parami na ng panlaban dito sa mindoro pag-uwi nyo ni ka jojo.


Ka blackjack,

Baka bago ako luwas ng manila ay dalaw ako sa iyo ulit. Puno yung inbox mo sa PM kayo di ako makapag send. Still alive and kicking parin tayo. Thanx!


stewart-

blackjack
January 16th, 2006, 05:02 PM
pare ayos p rin c tem d2 kya lang msakit ang mga kasukasuan....alam m n kng san nkuha yun!!!! tawa ng tawa c bubuli....

un nagbura n ako s pm list k...ayos na.

cge pasyal k bago puntang manila basta d2 lang ako s bhay khit d k n magtxt kc d naman ako mkaalis d2....alam m namang mbait ako eh!

goryo888
January 17th, 2006, 07:25 AM
Gandang umaga sa inyo dyaan mga Kabahag.... kumusta?? are at nagkakayod wala rin naman...pero ayos laang basta.............bastaaaa...pero kakapagoddddd dinnn... pero masaya pa rin
:)

tirso
January 17th, 2006, 10:11 AM
musta sa lhat ng mga klahi nting mestisong mangyan!!!!!

ako ay taga PINAMALAYAN maraming tropang magmamanok dun!

kita kita tau dun sa april.

blackjack
January 17th, 2006, 10:19 AM
welcome kbahag d2 s thread ng mangyan.....walang mistiso d2 puro mga purong-puro may mga buntot!!!

pasyal k lagi at atmbay d2 may mga nakaline-up ang tropa na mga aktivity...welcome k rin.....

jojo60
January 17th, 2006, 10:19 AM
kaTIRSO: salamat sa pagdalaw sa ating tahanan.

musta na kayo mga Kabahag? mukhang di na tayo mapakali sa inaasam asam na pagsali ng ating mga sundalo:rbounce:

ano ga nangyari sa inyo kaBlackjack at ka Raul at kayo'y masasakit ang mga katawan.mukhang napalaban kayo at hindi ung mga sundalo natin..cya ingat lang parati.

kaGorio: d2 lang ako at pasilip silip lang.

goryo888
January 17th, 2006, 10:22 AM
tirso....pasok ka laang dito sa ating munting Kubol....welkam lahat ng may Bahag...;)

Ka Blackjack..pag nalikom yung mga nokis....papadala na rin agad sana dyan, kaso wala akong alam na magbibitbit...ikaw ga'y di pupunta sa GD?? sino ga dyaan kaya ang pupunta na pwedeng mapagpadalhan? 3 babae at 2 ganador...

jojo60
January 17th, 2006, 10:28 AM
ayan Nsan meron na palang mabibitbit jan galing kay Ka Gorio..

bilisan mo agad para makahabol pa sa mating season..at para

magamit nya itong mga ito s darating na taon.. balita ko ay mga

1st class ere.

jojo60
January 17th, 2006, 10:41 AM
ka GRandeurO: wag kang pasilip silip diyan, alam kong narine ka sa paligid ligid:lol: kamusta na ba 'tol?

goryo888
January 17th, 2006, 10:44 AM
Nakupooo...yung 2 ay mag 7 mos pa lang, Nene Abello SweaterXHi action Hatch at Abello Sweater x YLH, na ang gagawing pangasta ay Firebird Dan Gray RheadxGilmore Hatch. Mga bata pa........kaya malamang di aabot yun....ang paniguradong pwede agad isalang ay yung Red Fox Mclean, kaso kay Tito gagarahe yun, dahil alam na nya, baka magtampo. ;)

Bale 3 ulo ang papunta kay Ka Blackjack, bahala ka na pumigura sa mga babae, pag di ok sa panlasa mo eh KATAYIN AGAD...:D
Yung 2 lalaki paniguradong okay yun....

grandeur0
January 17th, 2006, 10:48 AM
kuya napadaan dine nag basa ng konti busy ako masyado bukas na ang balik ko ng barko kukuha ako ng ticket mayang hapon kmusta na sa lahat sana manalo ang mga panlaban natin sa GD sa inyong lahat ipag paumanhin nyo ang madalang na pag dalaw ko dine sa ating bahay busy talaga ,,pag balik ko ng barko baka makikibalita na lang ako kay dingdong sa mga pangyayari at mga balita hanggang sa muli grandeur

jojo60
January 17th, 2006, 10:54 AM
cge kaGRANDEUR: ingatz ka lang sa pupuntahan mo kung ano man iyon..Hehehe... siyempre priority natin ang trabaho bago ang sabong... putan..... trabaho ito, istorbo sa pagmamanok..:lol:

grandeur0
January 17th, 2006, 10:59 AM
tampa florida ang homeport namin lagi mainit sa lugar na ito ,mexico ,caribbean, ang mga byahe namin,,hanggang sa muli salamat sa paala ala

blackjack
January 17th, 2006, 11:11 AM
grandeur

paalis k n lang ay d k n dumalaw uli...cge s sunod m n lang n baba!!!

goryo

nasundan k lahat n mga lakad mo at kng san m knuha ung mga stocks n yan.....cguradong maganda lahat yan at puro quality buys naman gnawa m. plalahiin muna natin ung stag samantalang pinagugulang sya s drating nyang laban.....tsaka n natin bgay feedback s sabong-auction!!!
pm m lang ako kng nandun n ang manok kay neil bka madaanan nung mga uuwi galing s cf derby... cna ka raul g kng pauwi ng sn gelacio galing s araneta. kng wala e d skedulan k n lang pluwas s mga ktapusan....

jojo

napalaban nga kami n raul, kami ang taob!!! wlang mgawa s chivas!!!

goryo888
January 17th, 2006, 12:20 PM
Akala ko kung anong laban na...nagbubulungan pa kami ni Tol Jojo, nagalala tuloy kami......:D

Sya at matutulog na muna ang Mangyan...may trabaho bukas....

chuckeee2
January 17th, 2006, 04:02 PM
mga kabahag, lapit na cf, goodluck to us! yong mga manok bm ay hindi sa akin, sa tsm yon bigay ng ka member na si ms marie for breeding at malapit na i breed ng club....member din ako niyan! hehehe! kita kita na lang tayo sa araneta!

tol goryo, handa na ba celfon mo! txt na lang kita mayamaya, kuha ko ulit txt num mo nawala ko e!

DingDong
January 17th, 2006, 05:04 PM
teka, trial post muna ako.

kasi kahapon pa ko gusto magpost
pag click ko ayaw tumuloy, may problema
yata sa internet connection ko, hu hu hu

DingDong
January 17th, 2006, 05:07 PM
langya namang internet connection ko dine
sa opis, kapangit eh (parang ako waaahhhhh).

ilang araw ba ako nawala???

teka ano na ba balita dito sa ating kubol?

may bago tayo, si tirso ba yun?

nalasing yata si preng blackjack at stewart
(nalasing lang ba? sa alak o sa kaligayahan?)

may mga breeding materials na parating si
preng gori.

maayos ang lagay nina ka jojo, sonny at ng
iba pang kabahag.

ano pa nga ba???


ere naman ang aking balita:

isa na laang ang entry ng tropa pero apat
lahat ang SANDUGUAN kasama ang 2 ni preng
joey at 1 galing ng mindoro (sa katabing farm
ni ka raul).

listahan ng mga pasok ang shares:

1. joey = 5K
2. dingdong = 5K
3. goryo = 7.5K
4. chuck = 5K
5. raul_ruaro = 2.5K
6. grandeur = 5K

total = 30K

mga parating na shares:

1. jojo = 5K or more; bumabyahe na papunta dine
2. teody = 5K or more; parating na din
3. blackjack = binibilang pa at baka makita ni esmi
4. alimbuyog = binibilang pa at baka makita ni esmi

sino pa ga mga kabahag???


MGA KABAHAG, PAGO NA AT LARGA NA ERE!!!

:rbounce:

goryo888
January 17th, 2006, 09:04 PM
Galinge ang pagkupet kay Esmi at baka mapalo palo pag nahule...hehehe:D

Kumusta sa inyo mga Kabahag....

Ka Chuck PM ko sayo......

joey bravo
January 18th, 2006, 07:25 AM
mga kabahag,

Last Sunday nag bitaw sa SG. OK daw lahat ang nokis, maganda daw ang mga kilos.

Yung kahanggan ko na si Ka Nestor ay sinubok ibutaw ang manok nya sa manok ng grupo, aba eh parang nag dadalawang isip pagkatapos kasi baka daw sya uwuwi ng luhaan. Ginawang standard yung palo ng manok natin eh wala daw sa Standard yun sa kanya.

May problema tayo pag hindi tumuoy si Ka nestor kasi sa kanya ang sasakyan ng mga sundalo natin.

Nagpatanong ako kay ka raul kung magkano ang rent ng van from Mindoro to Araneta (one way).

P 2500 daw sa atin lahat ang gastos.

Ang kakalabasan:

Basic Rent : P 2500
Expenses :

Gasoline P 1500
RORO (1400 x 2) P 2800
Others (Food, toll misc.) P 700

TOTAL P 7500/2 = 3,750

Nag suugest din si Ka raul na Supercat ang gamitin para mas mabilis at baka makakuha sa Batangas ng FX taxi na ang upa lang daw ay P 2000 to P 2,500.

Pero ang sabi ko ay ayaw ko ng supercat kasi duon sa likod ito ilalagay at mainit dito, mausok at may posibilidad na mabasa ng tubig alat o maulanan.

HIndi dapat ma expose sa alat galing sa tubig o hangin baka maglagkit balahibo.

Ano sa tinggin nyo.

:)

goryo888
January 18th, 2006, 08:01 AM
Ang sa akin ay kung ano ang makakabuti.....ganito? kung hinde tutuloy yung kahangan mo doon ka Joey ay pabor ako dyaan sa Umarkila na laang ng Sasakyan...di natin pwede ikompormiso ang lagay ng ating Mandirigma........


Yan ay ayos laang...;)

mga Mangyan labas kayo at sumegunda na.....para tapos na ereng usaping are...sana naman ay tumuloy pa rin....baka Magbabago pa ang palo eh.... :D

Nagulat ga Ka Joey?? aba'y ibig sabihin pala ay ayos na ayos nga talaga....gandang balita yan...

grandeur0
January 18th, 2006, 02:01 PM
ka joey akoy paalis na sa araw na ito baka pwedi na yong pinsan ko na lang na may dina drive na van ang maarkila natin para makapanood din sya pki txt na lang kung interasado ang grupo na yon ang kuhanin EDMAR DE LEON ang name nya cell no#09194986692 bago ang van model 2004 nisan urvan open ang likod kaya magandang lagyan ng mga manok cge hanggang sa muli,,grandeur kita ni ka dingdong yong van

joey bravo
January 18th, 2006, 02:02 PM
FREE entrance sa CF GD

1. Owner
2. Financier 1
3. Financier 2
4. Handler
5. Handler 2
6. Gaffer

1. Owner ( Mangyan Group Represenative) DD

2. Financier 1 - Neil utol ni ka Goryo
3. Financier 2 - CHUCK (
4. Handler 1 - C/O DD
5. Handler 2- Stewart
6. Gaffer - C/o Grandeur

pre complete name dapat hindi handle.


:D

sige ka Sherwin patatawagan ko agad.

DingDong
January 18th, 2006, 02:50 PM
ere ang sa akin:

noong kami ay magkahuntahan ni ka raul
ei prang nasubukan na nya na magdal ng
nokiz papunta dine na sakay ng supercat.
ayos sa kwento ei napakiusapan nya na sa
loob ng supercat itahan ang nokiz sa dahilang
ang mga iyon ei pang derby. pumayag daw
ang kapitan o opisyal ng supercat. ewan laang
kung uubra pa iyon. sa ganito kasi ei mas
menos ang ating gastos.

anu't anuman ei ang kapakanan ng ating
mga sundalo ang dapat na isaalangalang.

preng joey, ganire kasi ang aking lista
sa mga papasok sa araneta:

1. Owner ( Mangyan Group Represenative) DD
2. Financier 1 - Neil utol ni ka Goryo
3. Financier 2 - CHUCK
4. Handler 1 - C/O DD
5. Handler 2- Stewart=hindi daw sya makakarating kaya
ang slot na ere ei C/O CHUCK na laang
6. Gaffer - C/o Grandeur = nasa labas na sya ng bansa
kaya libre pa ireng slot na ire.

email ko na laang sa iyo preng joey ang complete
names ng mga aatend, baka may mag protesta
pag inilagay ko dine ang mga tunay nilang ngalan.
yung iba kasi ei tunog banyaga, parang yung sa
akin akala mo'y tisoy mangyan laang pala, he he he!


:rbounce:

joey bravo
January 18th, 2006, 02:56 PM
pre representative ata ni ka grandeur yung EDMAR de Leon.:)

jojo60
January 19th, 2006, 06:46 AM
MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT MGA KABAHAG!!!

KA joey: kung ano ang palagay mo na ikakabuti sa ating mga sundalo, ako'y ok lang sa lahat ng inyong mga plano..

ka GORIO: talagang pinapanay panay mo na yata ang pangungolekta na magagandang materyales para sa pag-uwi mo aaah... cge kunin mo lahat ang mga Aces nila at para tayo ay makapagparami ng mga iyan.

ka BLACJACK: Nsan, anak ng pateng kay CHIVAS lang pala kayo bumagsak, akala namin ni KA GORIO ay napaano na kau..

KA CHUCK: musta knb jan? ware ko ay panay happenings ang inaatupag mo jan,ingatz lang jan at matagal tagal ka pa at huwag masyadong magkapagod at baka wala ka na lakas kapag naghappenings tayo jan sa pag-uwi ko... malapit lapit na rin at sana ay mamayagpag ang mga Mangyan sa lahat ng laban na ating sasalihan sa pag-uwi ko..:rbounce:

huwag kalimutan kaming balitaan sa mga laban ng ating mga sundalo...

goryo888
January 19th, 2006, 07:07 AM
Kaya nga Ka Jojo eh...pati tayo dine ay pinag isip ng 2 na yan...yun pala ay nabugbog laang ni Chivas.....:D


Sya malapit na...kaya maghanda handa NA KAYO....

Raul_Ruaro
January 19th, 2006, 01:20 PM
Musta mga kabahag!

Nagkasakit ako kaya nawala ako ng ilang araw, grabe pala tama nung chivas. hehehe!

Sya mukhang handang handa na ang ating mga sundalo sa GB! Talagang nanghihinayang ako na di makapunta, nataon kasi sa start ng trabaho ko. Paluwas na ako ng manila bukas.

stewart-

Raul_Ruaro
January 19th, 2006, 01:25 PM
ka Joey,

kailan ga ang luwas ng ating mga sundalo? Kung ano sa tingin nyo na mas makakaganda sa guerilya natin ay kayo na magdesisyon. Balitaan nyo na lang kami sa mga mangyayari. Thanx!

stewart-

goryo888
January 20th, 2006, 07:08 AM
Kaya kung kayo'y magkukwento ay BUBUUIN nyo...para kaming mga Kabahag na medyo malayo ay di nag aalala.....kala namin eh kailangan ng magpadala ng isang batalyon ng US Marines eh....heheheehehe:lol:

grandeur0
January 20th, 2006, 09:13 AM
mga kabayan dito na ako sa barko nakarating naman ng maayos
ka joey kayo na lang ang bahalang magusap ng pinsan ko kung magkasundo kayo sa price okey lang pero kung hindi ipagpaumanhin nyo sana manalo naman ang ating mga manok
ka dingdong ikaw na ang bahala parang wala na akong maidagdag na pusta gipit na talaga ,,,good luck,,
hanggang sa muli,,grandeur

goryo888
January 20th, 2006, 11:10 AM
Mabuti naman at nabalik ka dyan ng maayos...sige kayod na uli....mabuti ka nga at Nakabasyon na.....pag ako nagBakasyon...tatagalan koooo...;)

jojo60
January 20th, 2006, 11:21 AM
KA GORIO: I ALREADY RECEIVED YOUR 2 PM'S.THANX BRO...:rbounce:

KA GRANDEUR O: PARDS INGAT LANG PARATI.HOPE 2 C U WHEN I GET BACK TO P.I.

DingDong
January 20th, 2006, 02:17 PM
mga kabahag,

musta na ba ang lahat ! ! !

preng grandeur ikaw pala'y nakasampa na
uli sa barko, ayos yaan . . . kanyod uli este
kayod uli . . . sige okay na itong pusta nating
mamiso, tayo naman ay naglilibang laang.
pero baka areng isangla mo muna iyang
barko na iyan at yayanigin natin ang araneta
sa pusta, hi hi hi


preng gori,

wala ako sa YM kanina, bwiset ang connection
ko, kabagal ei.


tol jojo,

anaki'y panay panay ang palitan nyo ng parating
ni preng gori ah . . . yoon gang para sa tropa ei
napalo mo na para umuwi ng Pilipinas, nyahahaha.
baka kasi nakaligtaan mo na pre, hi hi hi paalala
lang po, nyahahahahahahaha . . . samahan mo na
ng pang trabesiya natin, bwahahahahaaha . . .


:rbounce:

Raul_Ruaro
January 20th, 2006, 03:05 PM
Magandang hapon mga kabahag!

Andito na ako manila, kaluluwas ko lang kanina. Na move yung start ng trabaho ko kaya makakasama ako sa araneta kung may slot pa natitira. hehehe! Parang tulog ata mga kabahag ngayon at di gaano umandar ang ating tambayan. Sana manalo tayo sa GD! Yahoo!

stewart-

Raul_Ruaro
January 20th, 2006, 03:22 PM
Ka goryo,

Naku pati tuloy kayo eh nagalala. hehehe! Wag na kayo magpadala ng US marines dito, baka kasi lalo pa lumala prostitusyon sa puerto. nyahahaha! Saka mainit mga kano ngayon dito dahil sa rape case na isinampa ng 1 pinay sa 4 na us soldiers. Ayaw ibigay ang custody sa pinas kahit may arrest warrant na. Ala na naman bago sa double standards ng US gov. Buti na lang at kumikita ka dyan, atleast napapakinabangan mo sila. hehehe!


Ka blackjack,

Pre dito na ako sa manila, di na ako nakadalaw dahil nagkasakit ako. Next time na lang ulit pre! hehehe! Paki banggit na rin kay ma'm marife yung sa baby ko. thanx!

stewart-

DingDong
January 20th, 2006, 03:36 PM
preng stewart,

kung ala representative si preng grandeur ei
sau na yung slot na yun pero kung meron ei
aamot tayo ng isang slot sa entries ni preng
joey . . . tingin ko ala naman problema dyan.

hala sige larga na mga kabahag ! ! !


:rbounce:

Raul_Ruaro
January 20th, 2006, 04:33 PM
Ka dingdong & Joey bravo,

Ano ba plano ng grupo? Kailan ga dating nung mga nokis at san tayo magkikita kita? Thanx!

stewart-

goryo888
January 20th, 2006, 08:51 PM
Nga Kabahag...malapit na po.....makakapanood na rin kayo dyan ng magandang Aksyon....kagandahan ay atin ang panonoorin....;)

Ka Jojo...wala yon....


Ka DD...nawala ka nga eh...papalitan mo na kasi...rekwest kay Boss Manager Amo...

Ka Raul...oo nga eh balita ko nga rin....tangna kasi....hindi ba dapat dyan sa VFA eh bago pa lang ratipikahan yan eh sinigurado ng mga Mambabatas na iyan ay nakapaloob at malinaw na isasaad doon??:mad:

sonny dela cruz
January 22nd, 2006, 06:25 AM
Musta mga kabahag?Napasilip lang at maya konti si Manny "Pacman " Pacquaio ang mapanood.Swerte kayo diyan sa atin libre dito kailangan pa mag subscribe "pay-per view" pero okey lang sulit naman with bottle of beers saka mga kasama sa bahay pati mga spangol,maingay na naman ito,last time tinawagan kami ng pulis ng neighbor akala kasi me nag-aaway,lakas kasi sigawan .

Ka Goryo malakas ba pustahan diyan sa cali, ka Dingdong,ka Blackjack panigurado sa atin masaya na.Good luck at sana makabawi na tayo.

Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
January 22nd, 2006, 06:55 AM
Kausap ko lang si Ka Jojo60, llamado si Pacman sa pustahan....at ang ganda daw ng Kilos ni Pacman ngayon...talagang kundisyong kundisyon...sa tingin ni Tol Jojo eh....mananalo talaga.........nasa Las Vegas ngayon si Tol Jojo manonood talaga ng harapan....

Raul_Ruaro
January 22nd, 2006, 07:34 AM
Ka goryo,

Sana nga manalo si Pacman, tiyak tuloy-tuloy na ang pag angat ng boxing dito sa Pinas. May kapustahan ka na ga dyan na mehikano? hehehe! Last year yung cuz ko sa hawaii natalo ng 1000k sa first fight ni EM at Pac. Malapit na din mapalaban ang tribu mangyan, sana maging maganda ang ipakita nila. Excited na ako makapanood. hehehe!

stewart-

goryo888
January 22nd, 2006, 08:27 AM
Wala akong naging kapustahan...walang pamusta....hehehe...walang kasing makapustahan ngayon.....

Mananalo yun Ka Raul....maganda ang aking KUTOB....Nostradamus ako ngayon...hehehehee:D

Bubuli
January 22nd, 2006, 10:19 AM
isang mapagpalayang umaga sa lahat ka goryo sa academy ka pala din pumasok mabanggit ko kasi kay pareng rene kumusta daw sino ba ka batch mo sina manolito? oo nga pala may balita ka na ba kay manny paquiao? madami kasi pumupusta dito sna manalo saliring atin hhehehehe

sonny dela cruz
January 22nd, 2006, 10:51 AM
Musta na mga Kabahag?

Matindi itong laban na ito ni Manny,pumunta kami sa isang pinoy na kaibigan nagyaya sa kanila manood almost 50 miles/45min drive ang layo kasi dami pinoy annag-ipon ipon pagdating dun du ubra kasi ka subscribe palang iya bagong lipat -i set-up pa daw,balik kami sa bahay,eto kadarating pa lang buti supporting bout pa lang next si idol na sobrang tipid kami rin pala mag babayad gastos pa sa tollgate at gasolina pero okey lang sulit naman sikat na sikat ang lahing pinoy pag tawag mo yung laban agad nila ang binabanggit.

mag-uumpisa na good luck at sana manalo ang nokis natin.

goryo888
January 22nd, 2006, 01:02 PM
Panalo si Manny mga kabahag....Si Tol Jojo....nanalo rin syempre...di naman ako nakapusta...walang makapustahan dine....

Aatend pa daw ng press con si tol Jojo...heheheheehe...kausap ko laang kani kanina....

Ka Bubuli..tama ka sina Manolito, Charina Diokno, Liza Roda...ang mga ka batch ko....kumusta na laang kina pinsang Rene dyaan....

DingDong
January 23rd, 2006, 09:43 AM
hi hi hi ang saya ng pagkapanalo ni
pacman pacquiao . . . lakas nya ganda
ng kundisyon . . .

mga kabahag,

bukas na ang umpisa ng laban ng mga
sundalo natin . . . bitbitin na natin ang
swerte . . .

preng gori,

nabasa ko na PM mo, hindi na nakareply
sa text ang utol mo, text ko sya uli mamya
ng konti baka busy pa sya . . .

preng sonny,

musta dyan, palakas lagi ha para pag uwi
dito ei nakakundisyon ka . . . para magsabong
bwahahahaha . . .

tol jojo,

balato naman dyan, ayos ba pusta mo
kay pacman . . .


LARGA NA TOITS . . .

goryo888
January 23rd, 2006, 10:45 AM
Ka DD...kumusta na ga??? ano na ang lagay ng ating Kaban??

jojo60
January 23rd, 2006, 10:55 AM
ksDD: naka anggi lang naman ng kaunti,pang gasolina...:lol:

Cno ga ang dalawang isasabak ng Samahan sa unang araw ng torneo...meron na ga kaung line-up jan..

Ngaun yata ang deadline ng pagtitimbang ng ating mga sundalo..

goodluck sa ating lahat at sa iu rin ka joey, na alam natin na mas marami ang mapapalaban na sundalo..

Ka Gorio: kararating lang po namin... masaya ang naging lakad pards.:rbounce:

goryo888
January 23rd, 2006, 11:16 AM
Alam kong masaya ang lakad nyo...ayan nga at nagtatatalon ka pa ei....hehehehe....


:rbounce: :rbounce:

Ako rin...para yan sa mga sundalong Mangyan...

joey bravo
January 23rd, 2006, 11:20 AM
mga kabahag,

dumating na ang mga sundalo natin sa Araneta kaninang 10AM.

17 pito lahat lahat ito.

Ka ganda ng service ng mga sundalo natin galing ng kamangyanan at naka NIssan Patro Safari 2005 model pa ito.

Buti na lang libre courtesy ni Ka Nestor.

Sabi ko kay kababatang raul na sagot na lang natin pamasahe nito.

Kung gusto nyo bisitahin mga sundalo natin ay nasa kakhouse 17 at 18 ito sa second floor.



:)

sya nga pala baka mayroon sa inyo na folding pen pa, kinulang tayo ng isa (1) lang, pakidala kumg maaari.

goryo888
January 23rd, 2006, 11:38 AM
paki post na laang dine ang line up ng ating panlaban....


Ka Joey....madadale rin yaan ng mga Mangyan....heheheehe ano gang oras ang umpisa dyaan?? pati ang laban ng mga nokis natin humigit kumulang eh ibigay din ang oras...pati yung sa iyo Ka Joey....magMomonitor si ako...;)

Magmomonitor kung di makakatulog sa pansitan...nyehehehe...:D

goryo888
January 23rd, 2006, 11:54 AM
Aba ay kaSwerteng mga Mangyan yaan ei...naka Patrol pa....tskkk...dapat ay bumanat yaang mga yan ng husto...

juan sabungero
January 23rd, 2006, 01:03 PM
chuckeee2 at dingdong
pre kitakits tayo bukas sa cockhouse ng mga mangyan
sa cf global.

good luck sa inyong enties sana no fight doon sa isang
kaibigan kong may entry din pala.

grandeur0
January 23rd, 2006, 01:32 PM
ka dingdong
at sa lahat ng makakapanood dyan ng live sana samahan tayo ng swerti alam natin na nakahanda talaga ang mga sundalo natin kaya swerti na lang ang kulang para manalo

ka joey
maraming salamat sa lahat ng tulong mo para sa grupo natin sana tuloy tuloy ang maganda nating samahan

ka blackjack
kmusta na dyan sana okey ka lang pasensya na medyo mapapa dalang na ang pag bisita ko dine,yon nga palang ibinigay mo na sisiw sa akin diba sabi mo straight breed yon nagpapalit ng balahibo matapang na pag nakatapos ng pag lugon malamang lalaban na yon sana di magkasakit nakakatuwa nga eh kasi masigla khit nag iisa sya,pag malaki na at pwedi ng ibitaw dadalahin ko sayo ipapakita ko sayo ,,maraming salamat !!!

alimbuyog
classmate kmusta na anong balita na maiinit na ba dyan sa atin ikumusta mo na lang ako sa tropa dyan sa munisipyo sa mga kilala natin

raul ruaro
kumusta na sayang di ka makakapanood sa laban pasensya pre ng magkita tayo dina tayo nakapag kwentuhan pag uwi ko sa december subukan nating sa bahay naman tyo mag kitakitz
kuya teody
kmusta na asan kna sayang dina tyo nagkita salamat nga pala sa ibinigay mo iniwan ko sa erpat ko ibibigay kay ka dindong ang isa sinabi ko na sa tatay

ka goryo ka jojo
kmusta sa tampa florida ang homeport namin pangit ang byahe namin walang kwenta ang labasan kaya dito lang ako lagi sa barko hanggang sa muli !!!!!

Raul_Ruaro
January 23rd, 2006, 03:59 PM
Ka grandeur,

Oo nga di tayo nakapag kwentuhan nung nagkitakitz. Next time na lang pagbalik mo ng pinas. PM kita one of this days, may tanong lang ako regarding sa pagaayos ng papers sa cruise lines. Makakasama din ako sa araneta dahil na move yung work ko....

ka dingdong,

Kitakitz na lang tayo bukas ng umaga, mga around 10 am baka andun na ako.


Ka joey bravo,

Salamat sa pag asikaso sa mga gerilyang mangyan! Naku sosyal pa at bagong modelo pa ang nasakyan.Thanx!


stewart-

DingDong
January 23rd, 2006, 04:34 PM
aba aba at aba pa uli,

kaganda naman ng service ng mga sundalo
natin, buti pa sila at nakasakay na ng patrol
ei, ako ay sa autoragos pa laang nakakasampa.
nakupo dapat ei galingan nila kasi kung hindi,
hindi na sila uli makakasakay ng patrol . . .

preng joey, kadami ga nyaang pagpipilian na
iyan sa elims . . . he he he sige at ng maganda
ang ating laban . . .

sa mga pupunta bukas, kitakits na laang tayo sa
cockhouse natin 17 at 18 daw, second floor.

preng JS, see you there!


:rbounce:

DingDong
January 23rd, 2006, 04:39 PM
ka grandeur,

hamo't haharanahin ko si swerte ng gumayak
papunta sa atin . . .


basta ang ating pasasalamat kay preng joey
at ang kanyang kumpareng raul na nag aasikaso
ng lahat ng mga bagay bagay para sa ating
mga sundalo.

teka square pen ga ang kailangan, titingnan
ko yung sa akin at baka naman hindi pa puno
ng kalawang at are pang gamitin.

waaahhhhh, mali pala, folding pen pala ang
kailangan, wala po ako nun dine sa cavite.


:rbounce:

sonny dela cruz
January 23rd, 2006, 08:11 PM
Musta mga Kabahag ?

Ka dingdong maraming salamat,dapat talaga tuloy tuloy ang pagpapagaling para makakuha na ulit ng side job hirap ng sunod sunod datng ng bills pera kulang budget.At para makaipon na ng pamasahe sa disyembre mas maagang makakabili pamasahe mas mura he he he.

Good luck po sa laban ng mga sundalo malapit na po,naway pagpalain tayo ng nasa itaas.

Ingat po tayo lagi ang God bless.

goryo888
January 23rd, 2006, 09:23 PM
Preng JS....mga kabahag.....Kumusta sa inyong lahat.......

Ka Grandeuro....ok ka na uli baga dyaan?? balik trabaho ay ayos laang nakapagbakasyon ka naman...kaya kayod uli ng kayoddddd.....

Ka Sonny.....hwag pwersahin....baka lalong di maganda kahantungan.....medya medya laang ikanga....

Ka DD...bahala na kayong dumiskarate na mga nandyaan sa atin kung pano nyo bibiyak biyakin yaang Milyones nating pamusta.....hehehe...kami dine ni Tol Jojo sa palagay ko naman ay walang kontra kung ano man dikarte gawin nyo dyaan......kayo na laang na nandyaan ang mag usap usap para sa finaleng desisyon.....

Pag nakuha ang programa...paki post dine ang mga fyt # at ang makakalaban.....at mga anong oras diyan....

goryo888
January 24th, 2006, 06:27 AM
Ngayon na po magkakaintindihan.....mapapalaban na at masusubukan ang mga Mangyan Warriors....


SG Sanduguan Mindoro......gogogogogogogo!!!! Go for the Champ Crown!!;)

jojo60
January 24th, 2006, 06:48 AM
MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT!!!!

ITO NA PO ANG PINAKAIINTAY NG ATING MGA SUNDALO,KUNG GAANO CLA KATIBAY PAG AKYAT NG RUWEDA NG ARANETA COLISEUM.

SA MGA DADALO, KAMI PO AY AANTABAY SA INYONG MGA BALITA D2 SA MUNTING KUBOL NATIN.

KA GORIO: TAWAGAN MO AKO SA CEL FON PAG UWI MO GALING TRABAHO....

GOOD LUCK SA ATING LAHAT AT HARINAWAY MAKATAM NATIN ANG SWERTE PARA MAIBAHAGI NATIN SA ATING MGA KAPATID NA MANGYAN..

MABUHAY ANG MGA MANGYAN :rbounce: :rbounce:

Raul_Ruaro
January 24th, 2006, 07:17 AM
Magandang umaga mga kabahag! Nag loloosen up lang ako bago punta ng araneta. hehehe! Sana maging maganda ipakita ng mga gerilyang mangyan natin, manalo man o matalo... Mabuhay ang Tribu Mangyan!

stewart-

goryo888
January 24th, 2006, 11:02 AM
1st fyt SG Sanduguan Mindoro1 over Morita2.....

gandang panimula toitssss...


Gogogo Sanduguan!!!

jojo60
January 24th, 2006, 11:53 AM
[B]KEEP IT UP GUYS.... MORE POWER and LUCK TO COME:rbounce:

jojo60
January 24th, 2006, 01:35 PM
first fight ng sanduguan mindoro 3.... manok yata ni ka ALIMBUYOG na GREY panalo.... sana deretso na ito hanngang finals...

ka GORIO: keep me posted sa mga resulta ng ating mga sundalo:

sonny dela cruz
January 24th, 2006, 08:01 PM
Sana po tuloy na tuloy na ang magandang resulta.


Go! Go! Go!.Beat them all.God bless.

goryo888
January 24th, 2006, 08:24 PM
Magandang araw mga Kabahag.....yung kay Granduero ay hindi pinalad na makalusot....

May 3 laban pa tayo sa Finals.......

Katatawag ko lang at naghihintay pa sila ng laban ng Manok ni Ka Joey......

joey bravo
January 25th, 2006, 07:37 AM
elimination score:

1. San Gelacio Sanduguan Mindoro 1 - 10
2. San Gelacio Sanduguan Mindoro 2 - 00
3. San Gelacio Sanduguan Mindoro 3 - 10
4. San Gelacio Sanduguan Mindoro 4 - 11

napakabigat ng labanan, masyadong mataas ang level of competition. May mga WSD runner ups tayong nakabangga. Minsan panalo minsan din ay talo.

Ang tutuloy sa finals ay:

1. San Gelacio Sanduguan Mindoro 4 (Nestor Razon)

3. San Gelacio Sanduguan Mindoro - 3 (Mangyan Group)

Mga manok na gagamitin:

1. goryo
2. DD
3. Joey

FYI

grandeur0
January 25th, 2006, 07:47 AM
ka joey, salamat sa post mo
TALO!! pala ang manok ko pasensya na sa TROPA !! sana ang itutuloy natin sa final ay manalo lahat ,,

juan sabungero
January 25th, 2006, 07:48 AM
mga igan sa mindoro pleasure po in meeting you sa
CF global derby at thanks po sa compliment pass.

preng goryo88 na meet ko brod mo pero lamang daw
siya ng sampung paligo sa iyo :lol:

preng dingdong pleasure in meeting you too and also
thanks to raul and chuckee2 hindi na yata nakarating

invite namin kayo ng QCA sa aming munting paderby
malayo pa po naman ito baka sakaling mailagay ninyo
sa inyong schedule. salamat

http://i26.photobucket.com/albums/c144/qca/2ndkitakitsderby.gif

joey bravo
January 25th, 2006, 08:09 AM
ka sherwin swerte lang yung nakalaban mo. Lahat at ng palo ay manok mo, nasabitan lang yung sa iyo. Manok daw yung ni Rolly Ramos ng LCBA.

giba giba na yung kalaban minalas lang at sa leeg nasabitan.

drag fight ito at naubusan ng dugo.
:(

joey bravo
January 25th, 2006, 08:12 AM
parada ng mangyan sa first fight ay P 22K. (win)

11K mangyan group
5K joey
5K c/o DD

parada ng manyan sa second fight ay P 27.5K (loss)

11K mangayn group
11K joey
5 K c/o ka DD

goryo888
January 25th, 2006, 08:35 AM
Ka Joey salamat sa update....hindi bale...may 3 pang huling laban....at nandyaan p arin yung kay Ka Nestor...puro daw Sinibalang yung ginamit na 2 ni Ka Nestor.....

Preng JS...napakadami namang paligo inilamang ni Utol......hahahahahaha:lol: :lol:

Ka Sherwin....ganyan talaga ang laban...manalo o matalo...dapat ay ayos lang...walang dapat ihingi ng paumanhin....


Abangan na lang sa Finals yung anim pa, ng mga Mangyan....

joey bravo
January 25th, 2006, 08:40 AM
aba eh pinagtatawanan yung manok ni ka nestor kasi daw ay putikin daw ito.

nakupasan ng pulang putik sa San Gelacio, hindi na daw kayang tagalin ng shampoo kasi nag manstsa na.:lol:

goryo888
January 25th, 2006, 09:35 AM
:lol: Ka Joey...pwede gang madikit dine...kung kani kanino ang nakalaban ng ating mga sundalo??

jojo60
January 25th, 2006, 10:58 AM
ka GRANDEUR: wag kang magpaumanhin,ganyan lang talaga ang sugal..hindi naman tayo naargabyado sa manok mo kc marami rin naman tama ang kalaban at naswertehan lang tayo at matindi ang kanyang tama sa leeg.

ka JOEY: hindi mo na ba itutuloy ung unang entry mo? meron bang any 4 ang labanan?

Sa tingin ko bukas ay raratratin ng mga sundalo natin ang mga kalaban... ang lakas ng kutob ko na hahakot kayo ng maraming datung sa katapusan:rbounce:

GOOD LUCK SA ATING LAHAT!!!!

joey bravo
January 25th, 2006, 11:15 AM
ka jojo,

masyadong mabigat ang labanan ngayon.

mga bigtime at heavyweight d2.

mas mainan na iatras ko isa para mas malaki tsansa na manalo at madami din ang mapagpilian.

2 WSD 2006 runner up ang nakatapat ko.

nanalo against Mighty Wing Morita (6.5points) at natalo naman ako sa CAT stinger (5.5 points) ni Esting Teopaco.

Even ang idol natin na si Roger Roberts ay kasali dito. Another WSD 5.5 pointer na si Catch 22 ay pasok din sa finals.

Walang nakakasiguro pag ganito katitindi kabangga mo. Mas Mainan na iatras isa ng mas malalim mapagpilian at ilaban lang yung may pag asa. :)

Liza Galore ni Blitzgame at entry ni Kahig ay mga WSD regular participants din mga yan ay pasok din sa finals. whew!! Isama mo a yung NICAF entry na Davao Anniversay stag champion.

ilan lang yan sa mabibigat sa finals.

goryo888
January 25th, 2006, 11:29 AM
Ok lang yan....makita na laang sa finals....sige sugod pa rin ang mga sundalong Mangyan....;)

Raul_Ruaro
January 25th, 2006, 11:49 AM
Ka Grandeur,

Wagka humingi ng pasensya dahil lumaban hanggang sa huli yung manok mo. Aminado naman yung may ari ng manok na nakalaban natin na swerte na lang yun panalo niya. Malufettt parin pinalo nun atin, namuo na lang siguro yung dugo kaya sa huli ay di na nakatuka. Dragfight yun laban, di umayaw yung BFHatch mo... patay din yung kalaban ang pagkakaalam ko dahil ginawang giniling nung manok natin... Cheer up bro!


Ka goryo,

Dahil sa utol mo ay natuto ako magsugal. hehehe! Tinapos namin nila dingdong ang 137 na sultada, sa kasamaang palad talo kami sa trabehisya.

Yung pinagtuturuan ng utol mo ay dun ako grumaduate, nagpang abot pa kami ng 1 year sa trinity pero di ko na sya na meet. Malaki din talo ng utol mo at di na nakapasok sa school. hehehe! Layo pa naman ng uuwian nya. Kahit natalo ay enjoy naman dahil grabe sa gagaling ng mga entries, isa nga lang ata tumakbong manok. Di katulad sa WSC. nyahaha!

Ka joey,

Bawi na lang tayo bukas, try ko kung ubra pa ako dahil 27 na ang start ng work ko... Thanx sa lahat lahat!


stewart-

Raul_Ruaro
January 25th, 2006, 12:29 PM
Mga kabahag! Yung entry ng sandugo4 ni ka nestor razon ay talagang magagaling. Yung mga puti na yun ay talagang bilib ako sa laro, yung linaban nya kagabi ay ganun din ang laro ng mga stags nilang isinali sa 3-cock nung dec. sa dragon. Bagamat 1 tabla at 1 talo sila sa dragon nun ay di maikakailang magaling yung mga manok na puti nya, lalo't mga cocks ang kalaban. Ang pinagkaiba lang nung ilinaban na puti ni ka Razon kagabi sa stags nya nun ay mas magulang itong puti niyang nanalo sa cf drby. Ibig sabihin ay mas accurate ang cutting nito kapag napagulang. Sa gameness ng mga puti nya ay wala akong masabi dahil nakita ko yung stag nya kung paano tumabla sa isang cock, kahit warak na warak na ang katawan ito.... almost 1 minute pa lang ng madapa yun puti nya sa dragon ng tamaaan sa tagiliran, sa katapangan nung manok ay natiis nya na binugbog sya hanggang maubos ang oras. Tingin ko magandang palahi yun ni ka nestor. Di ko lang alam kung anong bloodlines ang composition nung mga sinibalang nya. Kwentong manok lang po. Sensya na medyo mahaba. hehehe!

stewart-

jojo60
January 25th, 2006, 01:10 PM
good luck 2mro sa SGSM3 and SGSM4..:rbounce:

PAKI POST LANG KA JOEY ANG MGA FIGHTS NATIN...THANKS IN

ADVANCE... GO GO GO GO SANDUGUAN MINDORO:rbounce:

zulueta
January 25th, 2006, 02:19 PM
mga ka mangyan ano oras start bukas ng finals? balak ko kasing manood..

Raul_Ruaro
January 25th, 2006, 07:51 PM
Zulueta,

Pre 11 am nag start kahapon kaya malang mga ganun time din bukas...

stewart-

zulueta
January 25th, 2006, 08:00 PM
RR,

oK pre salamat.

goryo888
January 25th, 2006, 09:45 PM
Ganon ba RR? Ayos yang utol kong yan mabait din ng konti yan parang ako....hehehehehee

Sige dyaan muna kayo....pasok na muna ako trabaho....


GudLak....SGSM3 n SGSM4!!!! :rbounce:

sonny dela cruz
January 26th, 2006, 05:30 AM
Musta mga kabahag?

Ingat sa pagpasok ka goryo.

Good luck sa mga susunod na mga sundalo,congrats po sa mga manok ng grupo at gaya ng sabi ni ka joey matityindi pala talaga ang mga sumali at kahit merong ibang hindi lumusot ay talaga namang lumaban sabayan.

Ingat po tayo lagi ang God bless.

Manokiz
January 26th, 2006, 05:36 AM
gudevning po,,,

good luck sa finals sa araneta,,, :)

jojo60
January 26th, 2006, 06:23 AM
ANONG ORAS BA ANG UMPISA NG FINALS???

PARENG MANOKIZ: maraming salamat sa iyong pagbati at sana nga'y maglaro ng maganda ang mga sundalo...

MGA KABAHAG: d2 lang kami ni ka gorio at nag-iintay ng inyong balita sa laban ng SGSM III and SGSM IV....we're hoping and praying sa entry natin, nawa'y maging matagumpay clang lahat at huwag mababawasan ang ating mga sundalo... :rbounce:

goryo888
January 26th, 2006, 07:10 AM
Malapit na namn....dito na magkakaalaman, SGSM#3 at SGSM#4...gogogogogo!!!!!


Preng Jojo....malamang magumpisa ito gaya ng dati.....11AM, bale alas Syete dito sa atin....

Hayaan mo tatawg tawag uli ako.....

Raul_Ruaro
January 26th, 2006, 09:17 AM
Magandang umaga mga kabahag!

Ka goryo punta pa ba kuya mo ngayon? Di na ako makadaan dahil babalik na ako bukas ng umaga sa work ko. mahirap na ang puyat. Post ko na lang dito kung anong nangyari... Makikibalita na lang ako kay dingdong at joey... Thanx!


stewart-

goryo888
January 26th, 2006, 10:04 AM
Punta si Utol kausap ko laang kani kanina...nagkwentahan ng talo.....nyahahahaaha.....ganyan laang naman ako pagdating sa pustahan....lalo na pag di ko nakikita.....
Maaga pa nga si Utol mga 8:30 dyaan eh Ready to Go na....hehehee parang mauubusan ng Sultada....

Raul_Ruaro
January 26th, 2006, 04:09 PM
Mga kabahag! Ka text ko lang si dingdong at natalo daw yung share na nokis ni ka joey sa grupo. Mukhang kinapos na naman tayo, gold daw yun na 2 times winner. 1-0-0 na ang score ng tropa. Di ko na natanong kung ano score ng kabahag nating si ka nestor razon....


stewart-

Raul_Ruaro
January 26th, 2006, 06:50 PM
Mga kabahag nag off daw nokiz ni ka dingdong kaya ang ipinalit ay nokiz ni ka joey, panalo daw kaya 0-1 na entry natin for this day. Baka ang last fight ay yung kay ka goryo, im not sure kasi di gaano kumpleto updates ni ka dingdong. sana manalo last fight natin.

Yung 1st fight ni ka nestor daw ay talo, sayang puti pa naman. hehehe!

Sandugo no.3 1-0-0-1 --- sa tropa
sandugo no.4 1-1-0 ---- ka nestor


stewart-

goryo888
January 26th, 2006, 09:20 PM
Mali na naman ang impormasyon ni Propesor...........sabi manok ni DD ang natalo......haaayyyyy...baka nga intsik yung kausap nya sabi ni Tol Jojo....

Talo ako sa 1st fyt ni Ka Nestor....pati 1st Fyt natin...

Galing manok ni DD.....

Fyt 77 daw yung akin....malapit na huli kong tawag...baka naka limber na yun ngayon....

goryo888
January 26th, 2006, 09:25 PM
Lamang tayo...namamalo yung akin dapa na daw kalabannnnnn....hehehe...sana panalo na.....

goryo888
January 26th, 2006, 09:34 PM
San Gelacio Sanduguan Mindoro3= 1 0 0 1 1= 3pts. good enough!!!!!

Meron kayang any two sa finals?? hehehehe may pera pa tayo..... :rbounce:

SGSM4...wala pa akong balita...tawag uli....

goryo888
January 26th, 2006, 10:55 PM
Eto mga Sundalo ng Mangyan na nanalo...Ewan kung tama yan...kasi ang alam ko yun daw yatang Gold ni Kuya Joey na 2x winner ay talo...kaya malamang yang red ni DD at Grey parehong nanalo...
Para kasing iba ang lengwahe ng Kuya ko....LOL!!
Ang alam ko dati talo yung 1st fyt at manok yata ni DD...tapos nabasa konaman post ni Kabahag na Raul...ang talo daw ay Gold ni Kuya Joey....malalaman natin mamya kung ano talaga ang kwento...Basta 3 pts tayo... http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/KelsoBlueFace.jpg

goryo888
January 26th, 2006, 10:59 PM
http://i12.photobucket.com/albums/a208/mookie69/DDsLemonGrey.jpg[/IMG]


ok eto na pala...ang totoo...Kay Kuya Joey pa rin yung isang nanalo....nasan ang pix nun....

goryo888
January 26th, 2006, 11:05 PM
Kuya Joey...Ka Raul ng SG...Dandan.....salamat sa pagaalaga sa ating mga Sundalo....

Sa sunod siguro mas magiging maganda pa ang resulta....ayos na yan....

Pa Champ yata yung nakalaban ng Nokiz ko...tama nga ga....baka intsik na naman ang kausap ko....heheheheehe:lol:

SGSM#4 3 pts din.... Not Bad....

Manokiz
January 27th, 2006, 02:43 AM
gudevning po,,,

Congrats,,, 3 points not bad at all,,,

jojo60,,,
marami pang laban at sabong,,,
sunod,,, makuha na ya-ang Champion,,, :)

Boie_zosa
January 27th, 2006, 04:22 AM
makikiraan lang po! binabati ko kayo dahil magagaling ang mga manok ng Sanduguan tsamba lang ang panalo namin ( LCBA)..pareng DD hindi na tayo nagka usap ng matagal kasi naman ay 2am palang ay gising nako para sa semis ( jan 24).tinanong kita don sa cock hauz nyo pero lumabas karaw...next time sana ay maboteng usapan na ang paghaharap natin.. he he he... congrats ulit !


boie

goryo888
January 27th, 2006, 04:26 AM
Preng Boie...salamat sa pagbisita at pagbati....ganyan lang talaga...larong magkakapatid.....manok lang ang magkalaban pero di ang may ari...kumbaga eh subukan lang ng mga Nokiz.....

joey bravo
January 27th, 2006, 07:13 AM
Balitang Mangyan!!!!!

Score sa Finalsl: Loss Win Win

Loss against Lucky Boy (Elorde Cockpit)

Napagalitan ko handler ko dito. Fatal ang error ng handler natin, ang naiakyat na panuka ay ayaw tukain ang nokis natin hehehe, malamig ito at ng bitawan ay sa salamin dumiresto para mag posing ata. inikutan pa nito ang dalawang kanto ng gradas kaya hinabog ng sentensiador para lumapit sa kalaban. Nag makadikitan una sya pumalo tinamaa sa balubbog kalaban pero hindi ito fatal, gumati kalaban kilikili tama ng atin. Parada natin dito ay:

7700 Mangyan Group
16500 Joey


Win against NICAF GF (Defending champion ito nuong Sa 7 cock DAvao Anniversay ata yun owned by Ton Isaac) Parada nila 33 K parada natin 77K.

Unscathed mga kabahag yung Democrat na nilaban natin d2.

nanalo ng 7700 ang mgnayan d2.

Win Against Goodwings Glenejer who is running for champ.

Nakasilat po manok ni Ka goryo dito. Nag rehearsal pa kami ng handler ko kung papano ang tamang pag bitaw ng manok ni ka goryo sa hallway para siguradong sasabay sa itaas kalaban.

Yung nga ang nangyari ng nakita ko ang bagsak ng manok at sumugod din yung kalaban ng 5 years old na sweater looking bird. napasigaw akona panalo na ito ay yun nga binitbit pataas yung kalaban. Sa hita lang sugat nito at wala malubhang tama.

16,500 lang pusta natin dito at 7700 dito ang sa mangyan group. sinabihan ko yung mga gustong sumama na sumahaod na lang kasi running for champ kalaban.

Nag-uulat ang inyong kabahag na si ka joey.






:)

goryo888
January 27th, 2006, 07:30 AM
Mag pi PM ako sayo kuya Joey....puno PM box mo.....;)

Raul_Ruaro
January 27th, 2006, 07:32 AM
Congratz sa Sandugo! Di na masama ang unang sabak ng grupo, sana masubukan din natin sa dragon o kahit anong sabungan sa mindoro... 3-2 -L ay di na masama sa first timer sa CF.. Yung 1st fight natin kagabi na natalo ay yung gold ni ka joey, 2nd fight ay na nanalo ay nokiz din ni ka joey. Nag off daw kasi manok ni ka dingdong. Syempre ang last fight na nanalo ay yung pang ng utol ni ka goryo ng makita nya manalo ang kanyang inalagaan. hehehe!

Derederetso na dapat ito... magmeeting na kayo kung paano nati itayo ang grupo... Mawawala muna ako sa sirkulasyon kaya kung ano mapag kasunduan ay go ako. Mabuhay ang TRIBU_MANGYAN!

stewart-

Raul_Ruaro
January 27th, 2006, 07:40 AM
Naku sa kamamadali ko ay kulang na pala nai-type ko. Yung 3rd fight na nanalo ay yung pang diinan ni ka goryo. Tanggal talaga pagod ni professor ng makita nya pagkapanalo... hehe!

stewart-

goryo888
January 27th, 2006, 07:45 AM
Ka Raul...si Dandan ang nag alaga dun....ang alam lang ni utol ay manood at pumusta....kahit nung nandyan pa ako, ako nagiintindi ng panlaban namin.... ;) Marunong yan magpatuka at magpainom pero magkondisyon EWAN ko laang...hehehee

Siguro naman ay marunong runong na rin....medyo matagal ko na ring di nakikita mag alaga manok yan eh...

Kuya Joey puno PM box mo..

jojo60
January 27th, 2006, 08:15 AM
CONGRATULATIONS TO ALL KABAHAG!!!

MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAG ASIKASO SA SINALIHAN NATING DERDY,LALONG LALO NA SA IYO KA JOEY....
:rbounce:

ANG GAGALING PALA TALAGA ANG NATAPAT SA SGSM III...BIG TIME ANG MGA IYON AT KARAMIHAN SA KANILA AY CHAMPIONS AT RUNNER-UP NG BIG TIME DERBIES... NEXT TIME SANA'Y MAS MAHIGIT PA ANG MARATING NG ATING MGA SUNDALO...

DingDong
January 27th, 2006, 10:05 AM
mga kabahag,

samakatuwid ay naging matagumpay ang ating
unang sabak sa derby. ito ay isang malaking
pagsubok sa dahilang ang unang sabak natin
ay maituturing na hindi pahuhuli sa WSC sapagkat
marami sa mga manlalaro sa naturang torneo ay
lumahok din sa palaro ng CyberFriends . . .

sa ilang mga araw pa ay ilalabas namin ni ka joey
ang libro ng ating kaperahan upang maisara natin
ang ating unang salang . . .

muli po salamat sa mga tumulong upang maging
matagumpay ang ating gawain . . . unang una na
si pareng joey . . . ka raul ng SG . . . DanDan . . .
at iba pang kasama ni ka raul na nag asikaso ng
ating mga sundalo . . .

sa pangkalahatan po ay naging maganda ang ipinakita
ng ating mga sundalo . . . masasabi ko lang ay baka
hindi pa ayon sa atin ang swerte upang makamit
ang karangalan . . .

magbabasa muna po ako ng mga nakaraang posts
at baka may maidagdag pa ako na kwento upang
mas maging masaya ang iba nating kasama na
hindi pinalad na masaksihan ang laban ng ating
mga sundalo . . .

ang inyong lingkod.

dingdong po ang ngalan


:rbounce:

joey bravo
January 27th, 2006, 11:07 AM
TOTAL Cash received from DD P 46,000

Expenses: Pot Money P 8,800
Loss 2nd fight (grandeur) 11,000
Loss 2nd fight (grandeur) 5,000
Loss 3rd fight (joey) 7,700
(1) P 500 every win (Rau/handlerl) 500
(3) P 500 every win (Raul/Gaff) 1,500
(2) P 500 every win (Dan/handler) 1,000
P500 Asst. Handler (al lumbera) 500
Hardship Bonus to Raul 500
P250 x 3 sugat gamot 3 birds 750
Vitamins and Special Feeds FREE
P Share in Transportation/food 4,150

P 41,400

Total P 4,600




Income
Win 1st fight DD (11K) 9,300
Win 3rd fight (7.7K (joey) 6,500
Win 3rd fight (7.7K (goryo) 6,500 P 22,300

Cash Balance 1/28/2006 P 26,900
(NOTE : MAY BINABAWAS NA 10% at 700 at 500)

Transportation expenses

January 23, 2006
RORO P 1,400
Gas 1,000
Food 1,000
Taxi Dan Dan 500
(FOOD allotement per day to Raul, Al, Dandan, Driver)

January 24, 2006
FOOD Allowance P 1,000

January 25,2006
FOOD Allowance P 1,000

January 26, 2006
Food Allowance P 1,000
RORO 1,400
Gas FREE (TY to Ka Nestor)
BEERS FREE (joey)

TOTAL P 8,300/2 = P 4,150

goryo888
January 27th, 2006, 11:13 AM
Kuya Joey...di ba 2 lang talo sa atin? kay Sherwin at yung isa sayo? Kaya kwenta ko eh ang tira ay, 31,400php. tinangal ko sa ibabawas yung nadobleng talo kay Grandeuro.

joey bravo
January 27th, 2006, 11:22 AM
tol goryo,

yung 5k ata ay pera ni grandeur na napasama sa P46k na dagdag pusta s manok nya.:)

malalaman natin yan sa ating treasurer.hehe

joey bravo
January 27th, 2006, 11:34 AM
ka goryo, nag txt sa akin c Dan dan,

may promise ka daw sa kanya sabihin ko daw sa iyo.

may sikweto pala kayo ha, hehehe:lol:

goryo888
January 27th, 2006, 11:56 AM
Teka baka nagka amnesya ako...pakitanong kay Dan dan kung ano yun...kakahiya sa tao baka nga may nasabi ako...PM mo sa akin kuya Joey....

Ano kaya yung ibinigay ni Utol kay Ka DD parang sobra sa isang Share ni Tol Jojo...ako kasi ang nagpaabot..parang 7.1K yata ang kinuha ni Ka DD....isang share lang si Tol Jojo...

Kuya Joey PM mo sa akin kung ano man yun....tanong mo kay Dandan...wala kasi akong maalala...sensya na...pero kung ano man yun...paki PM...

grandeur0
January 27th, 2006, 03:21 PM
binabati ko ang lahat ng ka grupo lalo na sa mga nag ambag ng manok na nanalo kay ka dingdong balitaan nyo ako sa mapapag usapan email mo lang ako ka dingdong maraming salamat sa inyong lahat maganda na ang naumpisahan natin di masama ang score natin khit di nanalo share ko na manok hanggang sa muli ,,,granduer0

DingDong
January 27th, 2006, 03:45 PM
Collection

1. Joey_Bravo 5000
2. DingDong 5000
3. Goryo888 7500
4. Chuckeee2 5000
5. Raul_Ruaro 2500
6. Grandeur 5000
7. Jojo60 6000 through Neil B.

36000
less (sobra) 1000

Total Collection 35000

dito natin ibabangga ang nga gastusin

jojo60
January 28th, 2006, 04:56 AM
Oras na naman ng trabaho.... la bang naiisip na sasalihan tayo muli mga kapatid..

ka BLACKJACK: nasan ka baga.. tingin ko ay sira na naman ang PC mo.:lol:

ka GARY: kelan ba ang dating ng mga sundalo sa lugar ni NSAN...dapat ay makapag parami tayo kaagad para sa pag-uwi natin ay maramirami rin ang pagpipilian..

goryo888
January 28th, 2006, 09:42 AM
Bakit ga nawawala yang mga yan?? Kumusta kayo dyannnnn....

Ka Alimbuyogggggggg!!!

Ka Blackjackkkkkkkk!!!

Ka Bubuliiiiiiii!!!!!


Lumabas kayooooooo!!!

Tol Jojo...malapit ng ipauwi yung mga yaon...isa na laang ang hinihintay.....;)

DingDong
January 28th, 2006, 09:44 AM
mga kabahag,

sa mga darating na araw ei ilalabas ko
ang kwenta ng ating nakaraang gawain
medyo laang ire ay nasa excel file at
hindi ko pa mawari kung uubrang idikit
dine sa ating kubol.

mangyari ei baka summary na laang
ang maidikit ko dine at kung sino ang
may gustong makakita ng detalye
ay email ko laang sa inyo kasi baka
hindi nga kayanin dine maidikit . . .

preng gori, PM ako sau mamya ng konti
at medyo busy pa ako, may diprensya
ang aking YM. paputolputol baga ang
connection ng YM ko.

:rbounce:

sonny dela cruz
January 28th, 2006, 11:05 PM
Musta mga Kabahag?

Gusto ko pong batiin ang grupo sa nakaraang pagsali sa isang malaking pa derby diyan sa atin,naway tuloy tuloy na maging matagumpay ang mga darating pang mga sasalihan.

Ingat po tayo lagi.God bless more success and good health para sa ating lahat.

goryo888
January 29th, 2006, 01:11 AM
Kumusta Tol Sonny.....

Yung mga nawawalang Mangyan....nasan na......Ka Chuck......Ka Blackjack......Ka Alimbuyog.....Ka Bubuli.....

Malat na ako kakahiyaw sa inyo wala pa rin anino ninyoooooooo!!!!;)

sonny dela cruz
January 29th, 2006, 06:34 AM
Kamusta tol Goryo?okey lang.

Siguro nagpapahinga lang sila tol goryo o kaya ay baka hindi pa nakakabunot,joke joke joke!

Tulungan na kita humiyaw at nang magising.

Mustaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah namga

KABAHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!!

sa pula sa puti
January 29th, 2006, 06:28 PM
Sonny dela Cruz baka si Sam ang sinasabi mo na may ari ng poultry supply sa bagong palengke ng Victoria, friend kami nun. Yung sinasabi mong dating may ari ng feeds, si Larry Atienza, na bayaw ko at kasama sa Mindoro Massacre victim about 5 years ago. Pag uwi mo dito sabihin mo kay Sam may invitation ako sayo kita tayo sa bahay at ipapasyal kita sa aking munting manukan kung may time ka malapit lang yun sa bayan at dinadaanan mo papuntang Canaan. Sa San Gelacio and farm

goryo888
January 29th, 2006, 07:20 PM
SPSP.......kumusta ba tayo dyaan?? Magkakalapit laang pala kayo nina Kuya Joey.....Kaw baga yung Ka Nestor na may ari ng SGSM#4??

Ang gagaling daw ng mga Puti nyo ah... ;)
Baka kilala ninyo ninyo sina Leo at Ricky Arago kumusta na laang....

sonny dela cruz
January 29th, 2006, 09:24 PM
Musta na mga kabahag? musta ang school natin ?marami ba pumasok ?ma llamado ba?

Ka SPSP siya nga po yung utol ko si Sam at kayo yung kinukwento niya lagi sa akin na pupuntahan namin dati pag napunta ako sa Canaan kaya lang lagi bitin sa oras.

Congrats po sa resulta ng entry niyo gaya ng sabi ni ka Goryo ang gagaling daw.,maraming salamat sa imbitasyon at panigurado pag bakasyon ko sisiguraduhin ko na makakapasyal ako sa lugar niyo at pati sa buong grupo.

Almusal po muna tayo.Ingat lagi and God bless.

goryo888
January 30th, 2006, 01:58 AM
Ka SPSP congrats sa mga Nokiz natin....at sana limit limitan nyo pagdalaw dine sa ating Kubol....;)

Ka Sonny....Tol Jojo....bukas eh Kayod na naman.....hayyyy....di bale ilang buwan na laang at tayo'y magpapaRELAKS relaks na, tama nga ga Tol Jojo??

jojo60
January 30th, 2006, 02:07 AM
tama ka jan bro, ilang buwan na lang at sana'y walang aberyang mangyari...
musta kn jan ka SONNY? magaling nb ang iyong tuhod at pwede na rin bang maglaro ulit...

kaSPSP: balita ko nga talaga ay magagaling iyong mga sundalo na nilahok mo sa GD.... next time deretso na ang panalo ng mga iyan:rbounce:

sonny dela cruz
January 30th, 2006, 03:05 AM
Musta na mga kabahag? walang balita sa mga lupon ng mga kabahag sa atin ah.

Ka goryo sinabi mo pa,hay naku minsan tuloy tinatanong ko sa sarili ko bakit kaya tayo ay hindi pinalad na magkasama ang ating libangan at ating pinagkakakitaan sa ating inang bayan,sensya na naging makata tuloy tayo,he he he.

Ka jojo musta?medyo okey na tuhod ko nakakapagmaneho na rin pero di pa pwede mag basketball sabi 3 months pa at saka hindi ko na rin siguro isusugal pa ulit na maglaro gaya ng dati nagka trauma ako sa gastos ng surgery at therapy.

Sana magkasabay-sabay tayo ng pag-uwi at ng super saya,magdamagang inom at maghapong chicken talk sabay pasyal sa mga kabahag nating me mga farm.

Ingat po tayo lagi and God bless.Tagay ko na lang ang grupo at eto birthday ng isang kasabong natin si basoy,lamang ako dito dahil dito sa bahay ginanap birthday niya la problema sa pag drive.

Gisiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing na mga kabahag pinas base tanghali na na tilaok na mga sundalo ei.

Bubuli
January 30th, 2006, 06:28 AM
isang makabuluhang umaga po sa lahat ka goryo at ka gary sensya na daw sabi ni ka blackjack nag ka problema na manan pc nya medyo internal na problema papalitin ng harddisk e di pa dumadating order, medyo busy lang ako sa paglaban sa MINDEX Nickel project na nagnanais sumira sa ating mahal na lalawigan aba e pag nasira ang ating lalawigan e mawawalan na rayo nga magandang tambangan at breeding location hehehhehhee yan kasing mga norwegian national na iyan ang sunira sa marinduque kaya nagkaroon ng flashflood doon e ngaun mindoro naman target nila sige po at may malaking rally ngaun sa pola mabuhay po tayong lahat!!!!

goryo888
January 30th, 2006, 07:12 AM
Akala ko baga yang MINDEX na yan ay di na binigyan ng permit to Operate?? Bakit nandyaan na naman yaan??

Sangayon ako sa paglaban sa mga tinamaan ng Kulog na mga yan...aanhin natin ang pagkakakitaan kung ang nanganganib naman ay ang ating Lalawigan.....:mad: :mad:
Bakit ang kailangan pa'y taong bayan ang Tumutol gayong may mga Lokal na Opisyal tayo dyaan na dapat Humadlang!!!!......

DingDong
January 30th, 2006, 02:58 PM
sensya na po mga kabahag, hirap akong makapasok
at makapagdikit dine sa ating kubol. lagi na laang
nakabitin, hindi baga makatuloy, waaaahhhhhh!


ang inyo pong tagahawak ng pananalapi ay
mag uulat na ng kung paano nagamit ang
kaperahan ng ating pangkat. . .

hinihintay ko lamang ang pagsang-ayon ni
kabahag joey sa aking natapos na ulat.
kailangan po ang pagsang-ayon ni kabahag
joey sapagkat sya ang tumangan ng ating
pananalapi noong kasagsagan ng labanan
ng ating mga sundalo. matapos ang kanyang
pagsang-ayon ay ilalathala ko ang naturang
ulat . . . bagamat buod na lamang ang aking
ididikit dine . . . ang detalye ay maaari ding
makita subalit ito ay sa pamamagitan ng
"email" na lamang kung baga sa wikang banyaga
ay"upon request" . . .


:rbounce:

sonny dela cruz
January 30th, 2006, 08:16 PM
Musta mga kabahag?

Nag text si utol napanood daw niya ang CF derby at si Ka Joey Bravo at ang entry ng grupo ang inabutan niya.

Congrats po ulit sa lahat.

Ka dingdong musta nah?

goryo888
January 30th, 2006, 08:22 PM
Kabahag na Sonny...ang aga natin ah....trabaho na ba uli??

Sige laang kayod ng kayod....

Mga Kabahag.....gandang umaga sa inyo!!;)

sonny dela cruz
January 31st, 2006, 06:07 AM
Musta mga kabahag?

Kabahag Goryo napasok na ulit sa trabaho ,pero alalay pa rin di pa gano nahapit para tuloy tuloy ang pag galing.Kadarating lang galing trabaho kain muna tayo mga kabahag.

Ingat po tayo lagi and God bless.


.

goryo888
January 31st, 2006, 07:57 AM
Ako eh kadarating lang....dapat kanina pa ako....KAKAINISSSSS....daming pang asar....paalis na laang ako at sukat eh may mga Emergency pa......


Sana kayo mga Kabahag ko ay OK laang.....

goryo888
January 31st, 2006, 09:03 PM
Gandang araw mga Kabahag.....kumusta kayong lahat......

Ka Bubuli anong balita dyan sa MINDEX?? Salamat sa mga Kabahag na sumusuporta sa pagKONTRA dyan sa MINDEX na magmina sa ating Lalawigan.....

goryo888
February 1st, 2006, 12:28 PM
Malapit ng matabunan....iatataas ko laang uli ere.....;)

goryo888
February 2nd, 2006, 08:03 AM
Wala pa ring Mangyan na naliligaw dito.............nasan na kayooooooooo!!!:confused:

DingDong
February 2nd, 2006, 08:41 AM
SAN GELACIO SANDUGUAN MINDORO 3

FINANCIAL STATEMENT
as of January 28, 2006


Revenue:
Shares 35,000
Earnings-Bet 22,300
57,300

Expenses:
Pot Money 8,800
Transpo/Food 4,150
Handler/gaffer 3,500
Bonus: Raul 500
Cure/Medicine 500
Losses-Bet 18,700
36,150

Excess: 21,150


Note: No amount was charged to our entry on the feeds/vitamins
during the time our fowls are conditioned at SG.



ayan po ang isa sa limang pahinang ulat ng inyong
tagahawak ng pananalapi.
kung ibig nyo po makita ang detalye ay iemail ko na
laang sa mag ibig masulyapan

:rbounce:

goryo888
February 2nd, 2006, 09:06 AM
Mga Kabahag...bale ang natitirang pera ay 21,150php, ano gang balak ninyo dine??

Ang aking panukala ay mag open ng account....at ipangalan sa 2 myembro ng Sanduguan....pansamantala habang di pa tuluyang nabubuo ang ating samahan....ang ibig kong sabihin sa di pa tuluyang nabubuo eh sa kadahilanang dapat magtalaga tayo ng mga Opisyales....at magkaroon ng mga patakaran at hangarin.....

Ngayon tutal naman ay marami rami na kayong nandiriyan....bakit di magSet ng araw para mapagusapan ito....


Ano ga sa palagay ninyo?




Tol Jojo..natangap ko na yung DVD....

goryo888
February 2nd, 2006, 09:13 AM
O baka gusto ninyong...i Entry uli yang tirang pera na yan..pwede pa yan sa 3 cock sa atin....

Mga mangyan sagotttttttt!!!;)

DingDong
February 2nd, 2006, 09:20 AM
he he he, nakapasok din ako.

aba ei ilang araw na akong nakatok dine
sa ating kubol ei hindi ako pagbuksan.
kahirap ga nireng naiwan ko ang aking susi
naiabot ko yata dun sa isang white legged
pullet na nakilala ko, hi hi hi

aba ei ano nga ga ang ating balakin dine
sa ating kaperahan na ire.

hala, komento naman kayo dyaan mga
kabahag . . .

tol jojo, nasaan ka ga??? ano ga ang petsa
ng iyong uwi, may ipinahahanda ako na
pang 2 cock kay utol alimbuyog baka gusto
mong pumago dine, PM ka sa akin tol . . .
ireng mga ire naman ay mga winners na yung
ilan dun, mamimili tayo ng aareng pangkiliti.

DingDong
February 2nd, 2006, 09:35 AM
aba kabahag goryo parang are yaang
suhestyon mo ah . . .

ano kaya masasabi ng ibang kabahag dyaan???


hooooooooooooooooyyyyyyyyyyyyy gggiiiiisssssssiiiinnnnnggg

ibaba muna ang nakapas-ong na tinibang saging at sagot
muna dine mga kabahag . . .


nga pala mga kabahag, sumakabilang buhay na
po ang aking sundalo na nanalo sa araneta. hindi
po nya ang nagiisang tama nya sa balagat, punong
leeg. malamang po ay may nakudlit na lamang loob
kaya hindi sya makakain at tuluyang nanghina ang
katawan.

ang magandan balita po ay kausap ko ang pinanggalingan
nun at meron pang isang kapatid na nakaskedyul na
mapalaban sa darating na marso. pag nanalo yun, he he he
sa bakuran ko ang patak nun, nyahahhahaha at kukunan
ko ng lahi . . . sa ilang araw ei ididikit ko dine ang larawan.

yun namang manok ni ka goryo ay sa kanang hita ang
tama at hindi naman delikado. may konting kudlit sa
may leeg. tuyo na lahat ang sugat nun nang huli kong
makita. sa pakiware ko ay walang pagkabalda yun,
sana nga at ng mapalaban uli . . .


:rbounce:

jojo60
February 3rd, 2006, 04:10 AM
MAGANDANG UMAGA MGA KABAHAG!!!

KA DD: awa ng diyos ay baka sa last week ng MARCH or any weekend ng April....nakakalungkot naman at namatay ung talisain na pinanalo natin sa Araneta..i'l pm you kung kailan mo uumpisahan ang conditioning ng mga sundalo natin na ilalaban jan..

Kung anuman ang mapagpasiyahan ng grupo sa natitirang pera ay bahala na kayo at ok lang sa akin kung anuman ang mapagkasunduan..

KA GORIO: ok ba ung DVD na pinapanood mo ngaun.. sana makakuha ka na ng bagong remote para jan sa Player mo..

Ano ba ang bagong agenda na uumpisahan???

Manokiz
February 3rd, 2006, 05:52 AM
gudevning po,,,

good luck sa sunod na venue,,, :)

goryo888
February 3rd, 2006, 08:36 AM
Gandang araw mga kabahag dyaan sa atin sa Pinas!!! kumusta na ga kayo??

Kami dine ay....ewan...nababagot na eh...hehehehe....
Kitakits na laang tayo dyaan pag makakauwi.... ;)

jojo60
February 4th, 2006, 12:05 AM
itataas ko muna ere at nasa pangalawang pahina na tayo..
kamusta na kayo jan sa atin? mukhang abala kayo sa mga ginagawa ninyo ah...

goryo888
February 4th, 2006, 07:39 AM
Tol Jojo...para yatang nawawala ang ating mga Kabahag dito ah....tsskkk tsskkk....

Kayo ga'y mga natutulog sa Pansitan??:confused:

DingDong
February 4th, 2006, 12:45 PM
ei tingin ko'y ang mga mangyan ei naghahanap
ng bertud pansabong. para sa sunod na sabak
natin ei kuha na natin ang tagumpay.

ooooiiiiiiii, mga mangyan, baba muna dyaan sa
bundok at imik dine . . .

si preng stewart ay kasalukuyan aanduon sa
bundok ng rizal at nagbibilang ng pera, bwahahaha



sige tol jojo, pero sa tingin ko'y ngay-on pa laang
ei, binabatak na ni utol yung mga yun para man
laang gumanda ng konti ang mga katawan. saka
gawa ga ng baka ako'y mapasaing na lumaban
sa feb 28 o march 06 doon sa amin sa socorro.
kung magkakakwalta ei susuong ako sa laban
na iyon . . .

:rbounce:

goryo888
February 4th, 2006, 12:55 PM
huhuhuhu...namatay daw yung Apatot ko....may itlog naman na 12 ewan kung mapipisa pa.....nagkamatayan daw ng mga Nokis...pero mga babae lang daw ang namatay...kasi yung mga Tandang di daw naman nagkakasakit....ng bumaba daw sa pugad ay biglang patay....:confused:

Kaya yung mga Nokis ay di na daw papauwi ni Utol...doon na lang daw aalagaan at papaitlogin...tsaka na daw ipapauwi pag medyo malalaki na...

DingDong
February 4th, 2006, 01:08 PM
eiiiiiii . . . baken nagkagay-on . . .

nasasaan ba ang apatot mo preng gori, dun
ga kina neil??? kakaibang sakit yan at babae
lang ang tinatamaan . . . sayang naman . . .
hirit ka na laang uli kay preng bulik baka naman
makakadiskwento ka sa pangalawang kuha.

naupuan na ga iyong mga itlog na iyon???
baka aare pa sa ibang naglilimlim o kaya
ei sa incubator . . .



:(

goryo888
February 4th, 2006, 09:00 PM
Nasa Naujan na....

Mga 7 araw na daw nililimliman......dinala kina preng Donald (Escalona) sa Calapan para incubator....di naman pala andar....dinala sa amin ayun napalimliman naman....pero bugbog na yun sa daan.....sana nga may mapisa pa.....:(

Malamang kasing labas nun eh mga sunog na kulay....para nga yatang di ako hiyang sa bulik.....nagkabulik ako 2 pero bigla rin lang namatay....at di pa rin ako nakakapaglaban man lang ng Bulik.....pero tumalo na ako ng 2 bulik....baka kaya ayaw sa akin....:confused:

sonny dela cruz
February 4th, 2006, 10:18 PM
Sad to hear nangyari sa alaga mo ka Goryo,hindi naman siguro peste iyon gawa ng mga inahen laang naman,sana me mapisa sa mga itlog na natira.

Ka Dingdong siguro ay nag-uusap usap ang mga kabahag at ang mga sundalo kung pano pa mas maraming mabibihag sa susunod na kumpetisyon.

Araw na naman pala ng pasok sa sabungan bukas (linggo) ng ating mga kabahag sana po ay swertihin kayong lahat .

Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
February 5th, 2006, 11:26 AM
Ka Sonny...ganyan laang talaga...ok lang yun basta sana mapisa pa rin yung 12 itlog niya....ang ganador kasi nun eh multi winner na Hatch......gusto ko kasi Dark na bulik ang lumabas....


Mga kabahag kumusta kayo??

Ka Blackjack...baka di na iuwi dyaan ni utol...doon na laang daw nya aalagaan kung may iuwi man dyaan ay mga medyo malalaki na......

goryo888
February 6th, 2006, 03:14 AM
Malapit ng matrabunan...itataas ko laang.....;)

DingDong
February 6th, 2006, 09:13 AM
ka sonny,

musta ga dyaan, ayos na ayos ga? hindi
naman ako mahilig magpunta ng sabungan
linggo linggo. kapag laang may laban ang
manok ko o ng kaibigan . . . pag walang
laban sa bahay laang ako maghapon pag
araw ng linggo kung walang lakad ang
pamilya . . . tulad kahapon, maghapong
tulog, nyahahahahahaha!


ka goryo,

baka naman sa 12 itlog ei may mapipisa
doon . . . baka dun ka magkakaroon ng
muti winner na bulik . . . sa hatch mo pala
pinares yung inahen na apatot. sabi sa
akin ni preng bulik ei masyado aggresive
daw pag hatch ang cross ng mga bulik
nya . . . turuan mo na lang umabang hi
hi hi hi . . . kasi ang laban dito sa manila
ei abangan, kung baga talo inip . . .


may sira kaya ang internet connection sa
ating isla . . . bakit ang mga mangyan doon
ei hindi man laang naimik dine . . .


:rbounce:

goryo888
February 6th, 2006, 10:54 AM
Kaya ko kasi sa Hatch pinares.....dahil minsan nabasa ko eh....yung isang bulik daw niya ay namatay kaiilag....ayaw ko naman ng ganon....para kasi yatang napakabait sa laban.....

Makita na laang kung ano kakalabasan.....gusto ko eh pag nakatyempo eh walang tigil mamalo......itatapat di natin sa mga Huramentado Style.....patay kung patay....hehehe....
Pero di daw naman basta sagasa yung ama nun....kaya nga naka apat na yata....
pero iba pa rin yung nauunang pumalo....makatama ng isa at malalim eh lamang na agad.... ;)

DingDong
February 6th, 2006, 12:53 PM
sa mga nailaban at nakita ko na laro ng bulik
ni preng ferdz, iba ibang kulay na pagkabulik
iba iba ang style ng garote at laban. ano gang
kulay ng pagkabulik ang nasa iyo???

yung mga puting bulik nya ay maingat ang
laro . . . ayaw magpapalo sa kalaban . . .
katulad ng puting bulik na na kay preng totie
nakuha nya sa palipad lipad ang kalaban
na halos hindi makita ng mata kung papaano
napatay ang kalaban . . .

yun naman orange na bulik na may palong
na CF winner at one punch soldier . . . ilag
ilag ilag, ng pumalo syut sa kili kili ng kalaban.
yung isa pang CF winner na puti na may halong
orange din . . . kiskis na walang billhold at
magaling tumawid laging may iwan na patama
sa likod ng kalaban . . . yun namang natira sa
akin na puting bulik ei hindi nagpapauna sa
ere, basta umangat ang kalaban lagi sya
nauuna sa taas, may konting kiskis din ito.
nakitaan ko pa ito ng bagsak na palo ng hindi
sumabay sa ere ang kalaban . . . kaya masarap
ilaban sa ulutan ire . . .

wag laang masyado tumagal ang laban ei
ayos na ang apatot . . . pero sabagay mga
stags yung nakita ko na laban . . . baka pag
aged cock na ei magkatagalan man ei yakang
yaka. . . kaya yung natira sa akin ei pag
nakalusot sa abril ei pagugulangin ko pang
GD kung uubra sa tropa ang style ng palo
nya . . . baka kasi makikikig ang gusto ng
tropa eh.

sige sana ei may mapisa dyaan sa iyong yaan
at pag nakita ko sa bitaw ei alam ko kung
alin dyaan ang ating didiinan ng piso, he he he.

:rbounce:

sonny dela cruz
February 6th, 2006, 08:23 PM
Musta na mga kabahag?

Ka Dingdong musta na ga?okey laang naman ako dine sana lahat kayo diyan ay okey laang din kasama ng mga pamilya niyo pati mga sundalo he he he.

Pareho pala tayo,ako rin naman pag walang budget sa bahay lang at ikot lang ng ikot sa mga sundalo himas himas at pag me dayo ay butaw butaw lang at asikaso ng mga sisiw di mapansin hapon na naman pakakainin na a ulit sila at pagkatapos hilamos muukha at mga kasu kasuan okey na kahit araw aaraw araw na gawin okey lang.Hay naku nakaka miss na talaga kahit mga 45 days na himas mo dito iba talaga yung tutoong nokis ang himas mo.Ka Goryo uwi na tayo he he he.

Inga po tayo lagi and God Bless.

goryo888
February 6th, 2006, 09:14 PM
Ka DD....malalaman natin pag may napisa at nabuhay....ang sa akin kahit anong klase ng laro basta MANALO....hehehehee.....
Gusto ko kasing pagkabulik ay yung medyo matingkad ang kulay....tapos dark legged.....

Ka Sonny....Tol Jojo...kayod na naman tayo dine....hala sige at ng makauwi ng maaga aga.....;)

goryo888
February 7th, 2006, 07:24 AM
Nasan kayo mga Kabahag??? Aba ay giseng na kayo at tanghali na dyannnnn....

jojo60
February 7th, 2006, 07:29 AM
talagang mahaba yata ang pagkakaidlip ng mga kabahag natin..

Bro, musta na ang kapapanood mo ng mga nokiz na lumahok sa

WSD 05 June Edition?? baka naman masira na ang iyong mga

mata sa kapapanood ng mga magagandang laban..Hehehe :lol:

goryo888
February 7th, 2006, 07:37 AM
May 2 pa ngang Disc...na di pa napapanood...pero mas Maganda yung mga laban ng Jan.....ewan rin eto nga at isasalang ko uli, tingnan kung may magaganda.....kasi pinanood ko kagabi ay mga Movie...dahil ibabalik na sa Blockbuster...;)

Padala ko agad sayo pagkatapos kong panoorin ng 2 beses hehheehehe....:lol:
Pati yung pinadala mong DVD sa akin...pagMakaluwag ng konti sa oras....

Kumusta na??

jojo60
February 7th, 2006, 11:21 AM
Bro, ok lang medyo nilagnat lang ng kaunti...maski na may sakit

eh dapat pumasok rin ng trabaho kc ung supervisor ko is on

vacation kaya ako ang OIC:( basta maliwanag ang pagkakakuha

ng laban ay oks na rin iyan..

sonny dela cruz
February 7th, 2006, 08:03 PM
Musta mga kabahag?Mukhang masarap ang pahinga mo niyan ka goryo ah meron kang WSD june 2005 sabi nga nila maganda rin daw yung Jan 2005 edition,ako hintay na lang ng me magbebenta ng mura pag pinagsawaan na nila panigurado pag me 2006 na baka mababa na he he he.

Ka Jojo tama ka diyan kahit medyo masama ang pakiramdam minsan obligado kasi trabaho at responsibilidad yan ang importante at isa yan sa dahilan kaya bilib sa atin ang ibang lahi.

Ingat po tayo lagi and God bless.

goryo888
February 7th, 2006, 08:33 PM
Ka Sonny...tama ka...trabaho laang tayo ng trabaho.....pero kailangan din nating alagaan sarili natin........

Tol Jojo...ok lang yan....ganyan talaga, pag may responsibilidad na mas mabigat na nakaatang....sige laang malapit ka naman ng magbakasyon....

Gandang araw mga Kabahag....

goryo888
February 8th, 2006, 07:37 AM
Ano ga kayo...mga Mindoro base...bakit wala yata kahit anino ninyo?? Si Ka Alimbuyog...Ka Blackjack....Ka Bubuli....aba'y magreport dine.....

Raul_Ruaro
February 8th, 2006, 11:08 AM
Musta na mga kabahag? Ito kababa ko lang ng bundok, pero balik din agad ako sa friday dun... Marami rami na pala ako hahabulin. Sya magbasa lang muna ako... thanx!


stewart-

Raul_Ruaro
February 8th, 2006, 12:40 PM
Ano na plano mga kabahag? Sasali ba tayo ng derby sa mindoro? Mukhang busy si ka chuck at di nadadalaw dito sa thread....


stewart

DingDong
February 8th, 2006, 04:23 PM
preng stewart,

wala na nga ako balita kay tol chuck.
ni text wala eh, mukhang bising bisi
ang mama sa pagtatayo ng kanyang
manukan.


tol jojo/preng gori,

wala pa akong napapanood na WSD
2006 june edition. baka naman pwede
mahiram yaan pag uwi mo dine kasi
mahal nyan eh, sing presyo na ng isang
pusta sa ulutan, hi hi hi

ka sonny,

ikaw ga'y kailang ang gayak na pauwi
at ng tayo'y makapamaril ng tilapia o
ibon sa naujan lake . . . limited hunting
laang ha, yung kaya laang kainin . . .


baka nga walang internet ngay-on sa
ating isla . . . aba'y ni isa sa kanila ei
wala man laang maligaw dine eh. yung
kay alimbuyog yata ei may problema
ang buong system ng munisipyo kaya
wala syang koneksyon sa internet.


:rbounce:

sonny dela cruz
February 8th, 2006, 08:12 PM
Musta mga kabahag?

Ka dingdong kung makakaipon ng pamasahe balak ay itong disyembre gawa ng hindi natuloy nung isang taon,okey na okey yan sabi nga ng nag-aalaga ng mga sundalo namin ni utol na taga brgy.malabo malapit diyan sa Naujan lake ay me season daw.Excited na tuloy ako,ka Goryo sabay tayo ha,he he he.maraming salamat sa iyong imbitasyon panigurado kasama na sa plano yan.

Ingat po tayo lagi.God bless.

goryo888
February 8th, 2006, 08:25 PM
Sige Ka Sonny....di man tayo magkasabay at kung mauna ako ...ay baka magpang abot pa rin tayo.....hehehee

Sarap tlaga sa atin....

Ka DD...syempre naman....iuuwi ko rin yung kopya ko....kahit ipakopya ko na rin dyaan....

blackjack
February 9th, 2006, 04:54 AM
mga kabahag

pasyensya n at mhaba ang aberya ng pc k. palit ako hardisc at lancard...ewan k kng anong mikrobyo ang nakapasok s akin at bigla n lang bumagsak...

Nsang jojo, ka goryo
ano n g balita medyo mhaba lang babalikan kng basahin pero inuna k ang pgpost n ayos n uli unit k.

goryo888
February 9th, 2006, 05:26 AM
Basta Ka Blackjack anut ano man ang mangyari ay magsasabong tayo dyaan....

Mabuti naman at naayos na ang PC mo...

jojo60
February 9th, 2006, 06:48 AM
NSAN:its glad to know that ur PC is back again...marami kang babasahin sa dahilang matagal tagal rin ang pagkawala mo sa kubol natin...

Ka DD: wag kang mag alala at magpapakopya rin ako ng mga iyon at pati na rin kay NSAN.baka kung buwenasin kami ni Ka Gorio ay sabay kami sa pag-uwi jan.talagang magkakameron tayo ng malaking kitakitz sa pag-uwi namin jan at magkakasama tayo ng matagal...

Ka Sonny: ikaw ba'y hindi mapapaaga ang uwi,cya baguhin mo na ang iyong plano sa pagbalik at para isahan na lang ang malaking celebration...

At sa lahat ng mga Kabahag na na riyan sa atin ngaun ay mag-ingat lang po kayong lahat and especially sa iyo Ka Chuck :lol:

DingDong
February 9th, 2006, 08:02 AM
aba maganda yan sabay sabay kayo uwi
para masaya at malaking kitakits ang
magaganap. dun natin gawin sa mindoro
basta ba tyempong may holiday para naman
mahabahaba ang bakasyon ko at nang
maraming sabong na mapuntahan, he he he


preng blackjack,

buti naman at ayos na iyang pc mo, siguro
kung ano anong nakasave dyaan kaya
nasira. share mo naman baka ikaliligaya
ng ibang mangyan yan, hi hi hi . . .


hala, usap usap na kayo para kundi man
sabay sabay ay magpang-abot man laang
kayo dine sa bayan nating mahal . . .

:rbounce:

joey bravo
February 9th, 2006, 08:13 AM
musta na kayo mga kabahag!!!

medyo naging busy ako sa work kaya d ako nakabisita dito.

lalaban nga pala ako sa Largahan sa Roligon 5 cock.

March 11 ang 2 cock elims at March 18 3 cock finals.

pwede tayo mag kitakits din dito. abisuhan nyo lang ako ng mailibre ko kayo sa pinto.

Ka DD,

gusto mo bang isama sa line-up yung 2 mong manok? Pag may gumalaw ng ayos ipasok ko. At least parehong sabado ang laban dito hindi tayo gipit sa opisina.:)

DingDong
February 9th, 2006, 08:26 AM
ka joey,

alang problema . . . basta sa hilatsa mo ei
papalo ng husto eh isabak natin . . . suhestyon
lang pre . . . sa finals na laang sya sa March 18,
para at least eh makahabolhabol pa sa klima
dito sa manila . . . ayos na ga ang kilos lately???

kung hindi naman makitaan ng magandang
kilos ei sa abril na laang sa roligon din di ba???


sige pre, mapasama o hindi nood ako ha basta
malibre ako sa oras . . .

:rbounce:

blackjack
February 9th, 2006, 08:48 AM
Wag kayo mag-alala basta pag-uwi nyo rito ay may panlaban tayo! NIrereserba k s u nsan ung 3 age cock k d2....mga winner n 2ng 2 at ung isa naman ay nagamit kng broodstag last year. ang mga stag marami ng nabawas kaya tinabi k n 2ng tatlo n may edad. D2 n s mindoro kitakitz s holy wik suggestion k para nand2 karamihan ng tropa!!!

sometime nxt wik ay ipost k pics ng mga manok k d2...nbigyan kmi n ulie ng digicam....pag-aralan k p paano ang pag-upload....

goryo888
February 9th, 2006, 09:26 AM
Ka Blackjack...binibilang bilang ko ang panlaban namin ni Tol Jojo...eh baka mga 9 na ulo na yun....hehehee...titingnan na laang kung ayos nga..malaman pag dumating dyaan....

Are ga kaya'y pwede na... [/IMG] pahiram laang yan sa akin pakakastahin....hehehe pic yan nung bata pa...ngayon eh nasa 7 mos na yan...;)
Taka kayo kasi straight comb....hehehehee tapos Rhead...

Salamat sa aking kaibigan na napakamapagBigay....nasa tabi tabi laang yun dyaan....Mangyan din....

blackjack
February 9th, 2006, 09:52 AM
madadaghdagan p natin mga panlaban...ayaw k lang ipangako mga stags d2 at mayat-maya naman kasi my kumukuha....baka masabi k s inyo at pagdating nyo'y wla na kaya bhalana...basta meron tyong panlaban d2

nanalo n nga ung stag n kinuha s akin nung jan. 2....nilaban 2 weeks ago s victoria ng mga anak n kapt. boy angga....8 1/2 months old lang ung manok....maiinit s laban ung mga anak n angga. may 4 pa n kasama un nung kinuha pero inuwi n nila s bulacan at dun nagtatrabaho ung bata.

cge ingat kayo n nsang jojo dyan...malapit n sked nyo pauwi!!!

toyting_pasay
February 9th, 2006, 10:23 AM
mga kabahag, kilala nyo pa ba ako? ako ay taga roxas ang napangasawa(cabrera-gara clan), at ang aking mother ay taga bongabon. may small farm kami jan sa san aquilino, roxas. at sama ako sa kitakits kung meron sa holy week. mukhang dami sasalihan na sabong mga kabahag ha? sana majoin me ha?

goryo888
February 9th, 2006, 10:32 AM
Sige laang Toyting pasay...nawawala ka kasi eh...
Basta Mangyan Kabahag yan...sama sama tayo dito....;)

Ka Blackjack ayos laang kahit bata bata pa....ibig sabihin eh may tiwala sa mga Nokis mo yun....

blackjack
February 9th, 2006, 10:48 AM
welcome n welcome k p rin d2 s kubol, kabahag.

ayan padami n uuwi ng holy wik. basta toka k ay tapang tamaraw pasyensya n ang mga nagpipinitensya at d makakatikim he he he!!!

jojo60
February 9th, 2006, 11:34 AM
ka GORIO: ware koy mapapalaban tau ng husto dahil marami palang nagiintay sa ating mga sundalo para sa pag-uwi natin...
dapat eh hindi lang mga sundalo ang condition pati na pala tau ay baka mapalaban sa mga desisiete:lol:

mga kabahag meron pa lang laban ang mga sundalo ni ka JOEY..gusto ninyo ba ga ipusta ang natitirang pera ng mga mangyan..baka swertehin eh malakilaki rin na pondo ang maitatala ng mga kabahag para sa mga kapatid nating Mangyan.

goryo888
February 9th, 2006, 12:06 PM
:lol: sige masubukan din nga yan.....

Tol Jojo...baka pag tayo magkasama ay grbe mangyari ah....tskk tsskkk....sige bahala na pag nandyan na....:D

DingDong
February 9th, 2006, 08:09 PM
ka toyting_pasay,

ei katagal mo ngang nawala??? ikaw ga'y
saan napasuot na sukalan at ngangay-on
ka lumabas. limitlimiti ang dalaw dine at
nang dumami ang mangyan dine . . .
welkam bak, kabahag!!!


mga kabahag,

ano tingin nyo sa suhestyon ni tol jojo?
aba'y are nga iyong ipusta doon sa derby
sa roligon, laban ni ka joey.

palista dine ang payag dun:

1. jojo - nag umpisam, payag
2. goryo - ayos ka ga dine
3. dingdong - ayos sa akin
4. joey - syempre payag yun
5. chuck -
6. stewart -
7. grandeur - sasagutan ko na ire, payag yun


samakatuwid, si tol chuck na laang at stewart
ang ating iintayin ang sagot . . . teka maitext
nga yung dalawang yun . . . bukas malalaman
natin sagot nila.


:rbounce:

sonny dela cruz
February 9th, 2006, 08:26 PM
Musta mga kabahag?

Ka jojo sana nga magkasabay-sabay.

ka dingdong,ka blackjack at sa lahat,musta na ga.

Lalong napapasarap ang pag-uwi me sinubukan ulit kami ng tatay sa texsas cockpit kahapon sinuwerte naman na lumusot yung 2 dinala ni ama,sana yung ipapadala ko ke utol diyan sa Canaan maganda rin resulta,kung sakaling me sasalihan ulit ang mga kabahag pwede ito pa screen kung uubra.

Ingat po tayo lagi and God bless.

malayan_heat
February 9th, 2006, 08:40 PM
mzta na po kaung lahat?ako po ang bago ninyong ka cockmate si malayan_heat po taga malaya naujan sana isali ninyo ako sa grupo thaks po sa lahat ng taga mindoro. ang inyong kaibigan malayan_heat

blackjack
February 9th, 2006, 08:49 PM
malaya-heat welcome d2 s kubol natin.....

mga kabahag,

nadagdagan n naman ng taga-naujan....


ka DD, alimbuyog

c malaya-heat ay e2 n ung magiging tiyuhin n grandeur... un gang kausap nya s cel nung kitakitz natin s socorro s bahay rock band nyo

goryo888
February 9th, 2006, 10:42 PM
payag ako dyaan....paano baga natin bibiyak biyakin yaan sa pagpusta?

Gawin natin dalawang pusta lang...pili tayo ng kung alin ang pupustahan natin sa mga Nokis ni Kuya Joey....
Kuya Joey....baka gusto makita ng ibang Mangyan ang mga litrato ng Nokis mo dyaan....tapos pili sila ng pupustahan....

Pwede ring isang bagsakan na lang.....hehehe isang pusta todo na....

Mga Mangyan suhestiyon naman dyaan....;)

Malayan Heat....sama sama tayo dito...welkam na welkam ka dito....

jojo60
February 10th, 2006, 01:35 AM
ayos at nadami na naman ang mga mangyan... ka Toyting at ka Malayan welcome na welcome kayo sa ating munting kubol.. :rbounce:

sa tingin ko ay unanimous ang pagpusta natin sa mga manok ni ka JOEY..sasali tayo at harinawa'y makalusot ang mga sundalo ni ka Joey..

ito ang aking suhestiyon..unang manok na mapapalaban, pusta ng tropa 5.5K.. panagalawang laban ay 11K...samakatuwid habang nananalo ay 11K ang pusta at kapag natalo naman ay balik tayo sa 5.5K ... o boto na kayo at kelan nga pala ung Derby na sasalihan ni ka JOEY...

mas masarap ung may pusta ang mga mangyan para bang nagkakaisa ang mga dalangin upang manalo ng husto ang mga sundalo na kung cnoman sa atin ang lalahok ng torneo.

MABUHAY ANG MGA MANGYAN !!!:rbounce:

goryo888
February 10th, 2006, 01:45 AM
Tol Jojo...ayos ako dyan......pirmis sa 11K kapag nananalo....balik 5.5K pag tinalo......

Kung gusto nga nila eh...isa o dalawang pustahan na lang eh...manalo matalo....todo buhos ikanga...di ba Tol jojo diskarte mo yan?;)

Unang pusta....Bahay at Lote
Pangalawa.......Kotse
Pangatlo...........Lahat ng tirang ariarian...Lupain etc.
Pang apat.........Byenan
Panglima...........Asawa
Pang anim.........Karsonsilyo na....heheheeh ewan kung tanggapin pa yan ng kapustahan:lol:

Nakupoooooo di Pwedeng Mangyari yannnnnnn....

malayan_heat
February 10th, 2006, 03:58 AM
mga ka sandugo salamat ng marami sa inyo at isinama ninyo ako sa inyong grupo salamat kay pareng blackjack at itinuro niya sa akin ang lahat ng ito sana magkitakita tau sa pag uwi ko sa dec.2006 kung may panahon kau ay imbitado ko kayong lahat sa amin sa malaya naujan at tamang tama ang mga nokis ko 2 years ng lahat pwd nang isabak sa dec.siguro tau ay nagkitakita na sa victoria hnd lamang tau nagkakakilala kasi lagi akong sa victoria naglalaban ng manok kahit sa calapan malimit dn akong maglaban ng manok kahit akoy narini sa italia ay naglalaban dn ako ng manok salamat uli sa inyong lahat god bless sa lahat.

Manokiz
February 10th, 2006, 04:27 AM
gudevning po,,, kabahag,,,

'musta sa lahat?

Ganun din sa Chua Family ng Baco,,, :D

joey bravo
February 10th, 2006, 07:32 AM
welcome kabahag Malayan Heat,

d ba yung malaya ay duon sa kurba yan, hehehe nakalimutan ko na ah.

tol goryo, sige kukunan ko ng litrato.

ano ga gusto nyo gawing entry name?

ka ganda ng promotion na ito kabahag

2Million prize
4.4k pot
3.3k minimum bet
fastest kill - Brand New Toyota vios 1.3

gawa na din tayo ng listahn para sa mga manunuod para ma libre sa pinto. anim ang pwede na FREE

1. owner- Joey
2. financier- DD
3. fiancier-niel
4. handler- ?
5. handler- ?
6. gaffer-?
7. Driver-?

may napa reserve na din ako na aircon na cockhouse duon na lang tayo kitakits at chicken talk.:)

Raul_Ruaro
February 10th, 2006, 07:46 AM
Welcome to mangyan thread toyting_pasay and Malayan_heat!!!


Ka dingdong,

Ok lang sa akin na sama tayo sa manok ni ka joey. Kung maari nga lang ay isang largahan na lang, manalo o matalo yun. Ano kaya sa tingin mo?

stewart-

goryo888
February 10th, 2006, 08:47 AM
Kuya Joey...ang Malaya ay malapit na sa Victoria...yan yata ang boundary......sensya sa mga Naujeno kung mali ako ha...:confused:

Ka Raul...nakababa ka na naman sa kapatagan...ayos ga ang ating Manukan sa Bundok?

Kuya Joey kay Kuya Neil baga yang isang pwesto dyaan?? salamat...at itatanong ko nga kung makakasama....malamang mabilis pa sa alas kwatro ang OO nun....hehehe...

Sige at kukunan pala ng Litrato......pili tayo ng kursunada...para kung gusto ng isang Buhos na laang ay di ayos....hehehe

blackjack
February 10th, 2006, 09:00 AM
Hala mga kabahag

kilatisin n ang manok n pustahan at isa o dalawang sabak lang d n dudukot para s puhunan pagnaglaban ang tropa d2s s pagkitakits s holi wik.

dumadami ang mangyang uuwi dami din ng panlaban!!!

ka sonny gayak n at tipon tayo s abril d2 s mangyanland 2loy isang entry din siguro..... dapat ay sumali din ang tropa d2 s homebase natin!!!!

toyting_pasay
February 10th, 2006, 11:07 AM
dahil nung una kong join ay dun lang ata ako nakahawak ng internet at naging busy sa sabong auction, ngayon pwede na me araw araw sa internet at makakasama na dito sa thread natin. yahoo!!!!!!!! cge pusta rin me sa mga nokis, malayan_heat welcome!!!!!!!!!

toyting_pasay
February 10th, 2006, 11:12 AM
ang derby ka Joey para makapaghanda na rin ng pamusta. masaya yan lalo na ang pag kikita kits.

goryo888
February 10th, 2006, 11:40 AM
toyting...pre bakit Pasay?? sa Pasay ka ba nagsasabong....pre baka kilala mo yung kaibigan ko na si Garry Gerardo, dyan nagsasabong yun...ang huling kita namin ay taong 98 nawala kontak # nya sa akin....Kaibigan ko kasi yun klasmeyt ko rin nung College ako. ang huli kong balita ay Pulis na yata, Nurse yun at dating konsehal dyan sa Pasay, kalimutan ko lang lugar niya dyan.
Kulot ang buhok na satsat lagi ang gupit...o baka kilala mo si Bumbay kung tawagin dyan? kakilala yun nun....baka mapapapunta ka doon pakitanong tanong naman......salamat...

toyting_pasay
February 10th, 2006, 02:00 PM
pre novaliches ako based, toyting pasay kasi nung mag entry kami last year ng fastest kill dun eh toyting 1 to 15 ang name namin, bale 15 manok ang fininance sa akin, 10 wins 1 loss 1 draw. nakuha ko pa 2nd at 3rd sa fastest kill kaya medyo malaki nakuha ko pera nung araw na yun, kaya toyting pasay na ginamit ko. pero totoy honda naman ako sa sabong auction. di na nga me nagawi ng pasay kasi may bagong sabungan dito sa nova, mga tagapasay din ang management. sobrang lakas, ordinaryong araw na sabong umaabot ng 100 na sultada.

sa pula sa puti
February 10th, 2006, 02:29 PM
musta po kayo lahat dito mga taga mindoro. dito po ako sa poblacion 2, victoria, oriental mindoro. 11 years pa lang ako dito sa victoria at di ko mabilang kung ilang years na ako nagmamanok basta tanda ko minana ko pa ito sa tatay kong sabungero na siyang nagturo sa kanyang 4 na kapatid na lalake ng sabong. dito po sa victoria ako rin ang promotor sa tatlong bayaw and tatlong bilas ko para magsabong kaya bad influence ang dating ko sa biyenan kong babae at biyanan kong lalake na dati ring sabungero. medyo mahaba istorya ko pero nakakalibang dahil itoy tungkol sa sabong na libangan nating lahat. sa ngayon po medyo sa pagiging promotor ko ng sabong sa mga in laws ko dito sa victoria napadami ang alaga kong manok na bukod sa magastos ay nakakapagod pero higit sa lahat ay nakakalibang di ba mga kababayan. hanggang dito na lamang po muna at itutuloy ko na lang sa susunod na kabanata i se send ko muna to dahil medyo bulok and internet dito sa victoria eh baka magkaaberya pa at hindi nyo mabasa itong kwento ko. salamat po muli sa inyo lahat. swertehin sana tayo lahat para masaya. abangan ang susunod. . .

sa pula sa puti
February 10th, 2006, 02:34 PM
KA JOEY, SALAMAT NG MARAMI KUNG DI SAYO HANGGANG NGAYON ANG MAGSABONG SA ARANETA HANGGANG PANGARAP LANG SA AKIN. SALAMAT MO SA ACCOMODATION. KITA TAYO ULI PAG MAY NAPILI AKONG PANLABAN NA PWEDE DYAN.

toyting_pasay
February 10th, 2006, 02:37 PM
sa pula sa puti welcome ka dito, mababait ang ating mga kabahag. on line ka lang palagi at m asaya dito. sama ka na rin at maraming pauwi sa holy week jan sa atin para magsabong at magbakasyon. sana nga magpanalo tayo para masaya at malasing hik!

blackjack
February 10th, 2006, 07:55 PM
sa pula sa puti

ayos at napasyal k d2 s kubol ng kapwa m mangyan....pangit nga linya dyan s inyo s victoria kng dial-up ang gamit m mas maganda kung lipat k s wifi ng smart, mas mabilis at unlimited p kahit babad k d2. subscibe/apply k lang s smart.
punta ako dyan s malapit s farm m at may ipapatabi ako ky raul n ilang stags para mapagulang.

abangan namin next chapter ng kwen2 mo.

toyting
nova k lang naman dala k naman ng panlaban para lalo masaya samahan....halos lahat ay gusto laban ng laban
kung sabagay marami namang alaga si sa pula dyan s SG, maaayos pa.

sonny dela cruz
February 10th, 2006, 08:23 PM
Musta po sa inyong lahat.

Kung maari lang sana na mapaaga ang uwi pero nag-uumpisa pa lang kasing bumawi sa gastos sa pag papaopera ko ng tuhod kaya nag decide ako na end of this year na lang.

Dumadami na po tayo lalong sumasaya at lalong dumadami ang suporta.

Ingat po tayo lagi at Good luck sa ating lahat.GOD BLESS.

goryo888
February 10th, 2006, 08:46 PM
Ako'y lubos na nagagalak at dumarami ng husto ang mgaMangyan dine...ang maganda pa eh talagang nakabase sa Mindoro...kaya pag nagkauwian ay wheeewwwww....ayos ang Chicken talk...at sabong na umaatikabo....hehehehehe


Tol Jojo....mukhang mapapahapit nga ng husto.....hehehee;)

tonton c
February 11th, 2006, 05:10 AM
Mga kaibigan!!!! Baka kilala nyo po ang long lost friend ko....Taga Lucena po sya dati...pero lumipat ng Calapan Mindoro........
Vernon Javier po ang name nya......Opo...cocker din po yan:-)

Preng Sonny....naoperahan ka pala.....cge pre...pagaling ka...bakasyon ka muna sa pinas:-)

goryo888
February 11th, 2006, 07:08 AM
Tonton c hayaan mo pre......hintay hintay natin ibang kabahag namin dine at baka nga kakilala yan......

Mga kabahag kumusta??

DingDong
February 11th, 2006, 11:59 AM
ei pagkadami na natin dine ah!

una:

welkam po sa mga kabahag na pumasok
sa ating munting kubol. kay toyting_pasay,
at sa pula sa puti (SPSP).

tol SPSP ikaw ga'y si ka nestor, tama ako ano???
ka toyting_pasay, pasabi ka kaagad at ng
mapasama ikaw sa listahan ni preng joey sa
laban sa roligon . . . kitakits tayo doon.

tama si SPSP, malaking karanasan lalo na
sa akin na karaniwang sabungero ang mapalaban
ang gusgusing manok sa araneta. maraming
salamat muli ka joey!


ikalawa:

5 cock ang laban sa roligon ni ka joey. sangayon
ako dun sa suhestyon na 5.5K, tapos 11K
kung tuloy ang panalo at balik sa 5.5 kung
hindi palarin. nang sa gay-on ei may tyansa
pa na may matira para naman sa laban sa
mindoro kung sakali at meron ang mga kabahag.


ikatlo:

i-set na natin ngay-on pa laang kung anong
petsa sa abril tayo magpapangita. ang aking
mungkahi ei sa nalolooban ng "holy week".
sigurado po ako na makakauwi nyaan wag
laang maalangan ako sa pananalapi. . .
are po ako sa pagitan ng Abril 9-15, 2006.


ikaapat:

ako'y tatalon muna sa tuwa at tayo nadami
na dine :rbounce:

jojo60
February 11th, 2006, 12:14 PM
magandang umaga po sa inyong lahat!!!:rbounce:

salamat ka DD sa pag-ayon mo sa aking suhestiyon sa darating na DERBY sa ROLIGON. ayos lang iyang pera natin jan kc malamang naman ang panalo ng mga sundalo ni ka JOEY..hindi tayo mauubusan ng pondo at kung kailangan pa ay magdagdag tau muli ..

maligayang pagsali nga pala kay ka NESTOR aka SA PULA SA PUTI.. sir ang gagaling ng manok ninyo na ilnlaban sa Araneta.. sana'y maambunan ninyo kami ng mga ipapalahi namin jan sa mga darating na araw..

sa inyong lahat, INGAT LANG PARATI and GOD BLESS YOU ALL!!!

toyting_pasay
February 11th, 2006, 08:17 PM
pre blakjak magdala me jan ng panglaban kahit pangkontian lang.

ok ako sa holy week mga kabahag, magandang oras yan para magsabong at magkitakits

salamat ka dingdong sa pagtanggap, kailan ba derby ni ka joey?

goryo888
February 11th, 2006, 08:52 PM
Ka Toyting...mukhang ginagabi ka sa Internet ah...di ka pa baga inaantok nyaan? Soige tayo'y sama sama dine....

Mga kabahag lalong lumalakas at sumisig la pag tayo'y madami...
Kasaya baga...:rbounce: :rbounce:

Mt.Halcon 888
February 12th, 2006, 07:25 AM
Mga kababayan,taga Pinamalayan ho ako,madalas din akong umuwi sa Mindoro,me paderby ho yung kaibigan ko sa lumang sabungan ng calapan sa feb.15,2006,kung gusto nyo hong sumali o mag trabisya,kita kita tayo dun,sa mga gustong sumali,tex nyo lang ho ako, 0917 524 0888

Mt.Halcon 888
February 12th, 2006, 07:31 AM
Maga kababayan,

Pwede rin ho ba akong sumali dito sa samahan ng mga taga mindoro,kaibigan ko ho si toyting pasay na taga nova.

maraming salamat ho.

goryo888
February 12th, 2006, 07:35 AM
Mt. Halcon...pwedeng pwede ka dito...dito ay basta may bahag at Mangyan ka rin ay ayos na ayos....maganda nga at tayo'y dumarami....;)

Mga kabahag kumusta ga??

jojo60
February 12th, 2006, 07:52 AM
narami ang may mga may buntot

Tol ok lang naman ako d2,gustong gus2 nang umuwi...nakakainip natalaga...Ayyy naku buhay nga naman:rolleyes:

Mt.Halcon: welcome to the Club..saan ga kayo ni Ka toyting sa Novaliches..may bahay kami jan sa Fairview at madalas ako jan sa may Holy Cross..jan nakalibing ang Erpats ko at ung handler ko naman jan din nagtratrabaho..

Madalas akong maglaban sa La Loma at doon ako lumaki at jan rin ako namamalagi kapag umuuwi ako jan sa atin.


Ka Gorio: tx mo ako kapag na sa bahay ka na.

Mt.Halcon 888
February 12th, 2006, 12:09 PM
Salamat ho sa pag welcome nyo sa akin.San ho ba madalas maglaban ang grupo ng nga mindoreno?d2 ho ako sa cainta madalas naglalaban.

blackjack
February 12th, 2006, 03:22 PM
kabahag

welcome n welcome k d2 s kubol ng mga mangyan....basta wag mo laang labhan ang bahag mo at un ang hinahanap ng mga puti...souvenir na iuwi s kanila....at mahal daw bilhin s paris yan gnagamit as preservative!!!

ayaaan dumadami n ang mga mangyan!!!!

toyting_pasay
February 12th, 2006, 08:32 PM
ka goryo pag sabado at lingo gabi me nakakapaginternet katabi si misis din na kabahag. he he he

pre mt. halcon ok mga kabahag natin, masaya samahan dito padami na ng padami. ung mga oakgrove mo baga ay may sisiw na sakin. may alas na naman tayo. mga kabahag ok to si mt. halcon gaganda materyales medyo ayaw pa nga lang ipagsabi. binuko na kita tol, ha ha ha

ka jojo dito ako sa sauyo, lapit lang sa holy cross. dyan din nakalibing mga tito at lola ko. fairview ka lang pala, may magandang bagong sabungan dyan sa may simbahan sa bayan. jan lang ang daan sa jordan plains. parang laloma rin dami palagi sultada kahit ordinaryung araw

goryo888
February 12th, 2006, 08:36 PM
Ka Blackjack....gamot yan sa sakit ng Tyan o kaya sakit ng ulo....ilaga mo lang ang bahag ng Mangyan tapos inumin ang sabaw.....napakaEpektib kasi nga...di pa naiinom malaman lang na sabaw ng nilagang bahag eh...........sasabihin sayo Magaling na..wala ng sakit....hehehe :D


Magandang araw sa inyo mga Kabahag....

goryo888
February 12th, 2006, 08:40 PM
Ka Toyting...ayos yan...ako naman eh kagigising lang...Lingo dito ngayon at may pasok ako....5:30AM dito....7AM ang trabaho ko....

Buti pa kayo dyan ah pa Easy easy lang....ingat kayo lagi at kumusta sa buong Pamilya....;)

Sigurado ka bang si Misis katabi mo....hehehe Jok lang Misis Toyting...baka nya mabasa eh..Sabunutan ka....:lol:

toyting_pasay
February 13th, 2006, 06:56 AM
swerte nga ako kahit 7 am pasok ko kasi may internet dito sa opis at from time to time now ay nakakasurf nako d2. di bale ka goryo jan naman ang swerte mo kasi mas mabilis kayo makaproduce ng pansabong, he he. at libre pa mang sabong, ha ha ha

blackjack
February 13th, 2006, 07:01 AM
ka toyting

gud a.m....aga pasok ah!!! yan ang maginoong sabungero, d pabaya s trabaho! cge pakaayusin n at malapit n bakasyon...makapag-liwaliw n naman d2 s sarling atin!!!! basta pagdating nyo d2 labanan na agad at syempre chiken talk s kitakitz!!! galing ng banda ng magkapatid n DD at alimbuyog

toyting_pasay
February 13th, 2006, 07:13 AM
ka blakdyak aga nga me pasok kahit antuk pa. oo pre lapit na holy week, lapit na bakasyon. countdown na!! anu pre ung banda ni ka DD at alimbuyog?

goryo888
February 13th, 2006, 08:10 AM
Ka Toyting....ang pagkakaalam ko eh...Banda rito BandaROON lang yun...nyahahaha...pero totoo sabi nila magaling daw yang magkapatid na yan tumugtog ng Balde.....heheehehe

Ka DD Ka Alimbuyog....pakitaan nyo nga itong mga bago nating Kabahag ng Pangmalakasan nating Kombo.....hehehe

toyting_pasay
February 13th, 2006, 09:45 AM
aba malakas yan, baka mabasag ang balde. heheheh


cge na ka DD at ka alimbuyog, sample na ng pangmalakasan na kombo, he he

goryo888
February 13th, 2006, 11:48 AM
Tsaka na..pagnagkita kita kayo sa Socorro....ayus dun...tapos si Ka Blackjack ay magdadala ng tapang kalabaw....hehehe
Sarap pulutan nyo....;)

joey bravo
February 13th, 2006, 11:53 AM
sali ako dayn!!!

bibilhan ko ng madaming bonamine c misis para d mahilo sa barko ng makauwi din ako ako. :lol:

blackjack
February 13th, 2006, 12:16 PM
ayos mga kabahag.... cguradong masaya 2ng kitakitz natin. Bsta toka nyo na s akin ung tapang tamaraw, kna DD at alimbuyog ang banda, madali n ang pla-pla at marami nyan s tabi-tabi ung tig-iisang kilo ung isa....sarap iihaw nun!!! tapos maraming malamig na ano...yelo at ayaw k n bumarik baka sumimplang n naman s motor 2lad nung isang punta n ruaro d2 s naujan...he he he!!!!

stewart aka raul ruaro

gayak n at barikan n naman!!!

toyting_pasay
February 13th, 2006, 03:52 PM
ayus na ayos yan, ngayon pa lang magpapakondisyun na ako para marami makain at mainum, akin ang sugpo, hik. basta dun ka din dapat ka goryo para pare parehas tayo rasing, he he he

DingDong
February 13th, 2006, 06:26 PM
nakupo at parami ng parami tayo dine,

teka ha iisa isahin ko ire . . .


tol jojo, wais na pusta tayo kung baga, hi hi hi

ka toyting,
sa darating na march 11 at march 18 ang laban
ng mangyan sa roligon, entry ni preng joey.
yun namang banda ei grupo ni utol alimbuyog yaon,
nakiki jamming laang ako pag ako'y nauwi sa atin.
ang hayop na COMBO yun, bwahahahahaha . . . pang
dagdag kasiyahan laang kung baga, dun laang
tayo iinom at tutugtog sa walang manok o
walang laban kinabukasan . . . maingay kasi
lakas ng stress sa nokiz . . . subok na namin
hindi maganda epekto sa manok, last time
naglaban kami kinabukasan ng tugtugan, ayun isang talo
isang panalo, kahit yung nanalo ei ang pangit
ng ipinalo . . . kaya kung may tugtugan walang
laban kinabukasan . . . hala ipuni na ang
pang kitakits natin sa mindoro.


preng blackjack,

hi hi hi, ikaw ga'y nakatarato na ng tapang
kalabaw. baka iyan ei sa kapitbahay ha!
nadala mo na ga kina ka raul sa SG ang
pagugulangin na nokiz???


preng goryo,

aba'y mainggit ka na, gayak ng pag uwi at
nang ika'y makahabol dine . . . hala ka kung
sa hulyo pa ei taglugon na iyon . . . pahina
na ang sabong.

nga pala hindi ko na nakumusta si utol mo
kung nag kaayos na ga dun sa ating
transaksyon, basta nung araw ding yun ei
naayos ko na.


preng joey,

kung hiluhin si atty. esmi ei gaw-in mo
yung sinabi ni ka goryo. painumin mo ng
pinaglagaan ng bahag ng mangyan at mabilis
pa sa alas kwatro ei tanggal ang hilo nyaan.
ingat laang pre sa demanda, bwahahahahaha

ayos na ga kilos ng mga sundalong mangyan
dyaan sa iyo??? kelan ga ang sunod na bitaw
at nang makasilip man laang!!!


ay, bago ko malimutan, welkam mt. halcon,
dalas dalasi ang iyong dalaw dine ha at
masaya ireng nadami ang mga kabahag!


:rbounce:

goryo888
February 13th, 2006, 08:39 PM
Ka DD ayos na...Salamat ng MARAMI.....PM mo ako ng Acc # mo, para mapalitan ko yun....

Naku Ka Blackjack...ingat ng konti...madami nadidisgrasya dyaan sa mga padaleng yan...pinsan ko si Manong Wel Catly...balita ko eh nadisgrasya dahil lasing...kapatid ni Ate Ely Masuba...pakikumusta na rin....matagal tagal na rin yun eh..di ko man laang natawagan...OK lang kung kasama nyo ako...dahil sigurado may Driver kayo...di ako umiinom eh...hehehe

Sige sana nga ay makaUWI ng may mga balahibo pa ang mga Nokis.....

goryo888
February 14th, 2006, 07:17 AM
Kumusta mga kabahag.....magandang araw sa lahat....