Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 30 of 55

Thread: Kalapati at Manok

  
  1. #1
    Kurtandrew2002
    Guest

    Kalapati at Manok

    Mga Kasabong,

    Nasubukan nyo na ba na May alaga kayo na Manok Panabong at Kalapati.

    Marami Ang nagsasabi, Malas ang Kalapati para sa Manok panabong na Pareho mong Alaga.

    Malas nga ba, Ano po ang opinyon at Pamahiin nyo??

  2. #2
    WickedFrog
    Guest
    di naman malas peru marumi ang kalapati

    they go places to places and bring

    viruses

    kaya nga pina patay natin ang wild birds na

    pumapasok sa bakuran natin

    baka maging carrier ng mga viruses, same sa

    mga kalapati

    good luck

  3. #3
    Member Simurgh's Avatar
    Join Date
    Nov 2000
    Posts
    206
    Post Thanks / Like
    Ang Manager ng LBC cargo forwarder ng IPIL , Zam. Sibugay, may magandang linyadang manok Panabong na kalapati ang naglilimlim! mga bullstag na ngayun ang mg manok na yun. Peksman true ito.

  4. #4
    Kurtandrew2002
    Guest

    Sana may iba pang Share

    Kasi meron bigay sa akin na Kalapati, pang karera daw pero wala sa manukan nasa bahay namin. Kaya lang sabi nila d daw maganda ang kalapati at manok panabong at the same time.

    Pero baka naman nga, gaya ng sabi ni wicked baka maging magdala ng dumi o sakit galing sa iba.


    e nakakahiya ipamigay, lalo naman nakakahiya e benta o lutuin. db dahil bigay lang.

    Pero tnx sa info nyo.

  5. #5
    Senior Member swallow's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    2,703
    Post Thanks / Like
    Hindi yan tutoo at walang halong katutuhanan na malas ang kalapati sa manok panabong...

    Nagsimula ako magkaron ng manok panabong 1984 Imported yan na galing ke Bobby Payton, nakalagay yan sa bahay kung saan di bababa sa 60 piraso ang kalapati. Nun taong 1997 ang kalapati ko eh dumami hanggang 200 piraso at nilalaban namin sila sa mga malalaking organisasyon. 1997-2002 eh nanalo kami ng 3 beses na overall sa pagkakalapati. Nun taong 2001 naman po ang taon na pinakamaganda naming record sa pagsasabong 18W - 2L. yan sabay po namin inalagaan sa iisang lugar ang manok at kalapati at sabay po namin nagwang manalo. Ang malas eh nasa tao wala sa hayop.

    Sa mga nagsasabing madumi ang kalapati, maaring totoo yan kung ang nakita nyo eh yung mga native at pagala galang kalapati, ngunit kung makikita nyo ang mga bahay ng kalapati ng mga nagkakarera nito, eh mapapahiya ang bahay ng pangkaraniwang mamamayan sa linis at ganda ng kulungan nila. Halos wala po kayong makikitang dumi sa kulungan ng mga kalapati.

    Nasa Tao po lahat ang ikagaganda at ikasasama ng ating mga alagang hayup.

  6. #6
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    75
    Post Thanks / Like

    Talking

    Madumi ang kalapati since nakagala sila pde silang dumumi kahit saan . Kahit native or pangarera yan ...dumudumi pa rin yan.
    Di mo sila pedeng bantyan kung saan dudumi para linisin



    Wala nga dumi sa loob na kulungan sa labas naman marami pati kapitbahay mo magagalit sa iyo .....hehehehe

  7. #7
    Kurtandrew2002
    Guest

    Swallow & Watch d Wall

    Maraming Salamat sa input nyo. Hayaan nyo't kapag napag isip isip ko na alagaan Sila, e pag iigihin ko.
    Tnx. ulit.:sprcool:

  8. #8
    nosi balasi
    Guest
    kurtandre2002
    ano bang kalapati ang tukoy mo yun mag native na pagalagala o yun mga racing pigeon.

    kung yun mga pagalagala at mababa ang lipad e marurumi nga iyan ay talagang carrier ng virus iyan tulad ng fowl fox. kaya tinatawag na malas iyan kasi kapag nagdala ng sakit sa manok mo at nahawa lahat at nangamatay ng lahat ewan ko lang kung tawagin mong suwerti ang mga iyan.

    yun racing pigeon ay talagang malilinis at malulusog din ang mga iyan at comparable sa mga manok panabong o nakakahigit pa. kaya hindi pwedeng paghambingin ang dalawa. ang isa sa dalawa ay malas.

  9. #9
    Member benjaminabrigo's Avatar
    Join Date
    Feb 2004
    Posts
    151
    Post Thanks / Like
    mahal ang presyo ng concentrate feeds ngayon. pakain sa kalapati halos parehas na sa panabong na manok .pag-isipan mo na lang kung pagsabayin mo ang pag-aalaga

  10. #10
    Senior Member banderado84's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    tabi2
    Posts
    999
    Post Thanks / Like
    .......... ok naman nung may kalapati ako ....wala naman peste...... kunting English carrier yung alaga ko nun......madumi lang sa bubong at nag pupugad sa Gutter kahit gawa mo sila ng pugad nila kaya tigil ko.... meron ako isa na lang babae naka Cage siya heheh.... at kung maselan nga kapitbahay mo kalimitan Lason ang aabutin .... away pa :zippo:

  11. #11
    Senior Member jepoy723's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Posts
    1,309
    Post Thanks / Like

    KALAPATI

    Ang kalapati daw ay malas sa bahay....kasi e2 daw ang pinagmumulan ng paghihiwalay ng mag-asawa...Kasi ang kalapati ay layas kaya ang misis mo ay magiging layas din...:blush: SABI-SABI LANG HA!!!:smoke:

  12. #12
    Member fring's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Posts
    371
    Post Thanks / Like
    Masama nga yatang sabay malas daw lalo na kung ang alaga mong kalapati ay mababa ang lipad.

  13. #13
    Senior Member mataban's Avatar
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    Oas,Albay/Queens,NY
    Posts
    20,675
    Post Thanks / Like

    kalapati

    isa lang masasabi ko mga kasabong... d po masama ang kalapati sa pagsasabong..... nasasainyo na lang po iyan kung gusto nyong alagaan...:rbounce:

  14. #14
    Member Boie_zosa's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Location
    Starosa Laguna
    Posts
    346
    Post Thanks / Like

    Jeps,

    malas nga raw iyang kalapati sa mga sabungero! mangyari kase karamihan sa mga sabungero kapag nananalo naghahanap ng Kalapati...:lol: dami nyan sa patay sindi...:lol:


    Boie

  15. #15
    Kurtandrew2002
    Guest
    :rbounce: :lol:

  16. #16
    WickedFrog
    Guest
    :lol:

  17. #17
    Senior Member swallow's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    2,703
    Post Thanks / Like
    Jobber,

    Magkaiba po ang racing pigeon sa native pigeons. Yung impression nyo na madumi ang kalapati at nagdudumi sya sa mga kapitbahay, nangangahulugan yan na di pa kayo nakakita ng set-up ng mga racing pigeon fancier. Hindi yan hinahayaan gumala sa paligid tulad ng mga native. Maliban po dyan eh binabakunahan din po sila against viruses tulad ng mga manok panabong.

    Kurtandrew.

    Ang mapapayo ko naman sa yo kung mag-aalaga ka lang ng ilang pirasong kalapati eh ok naman yan, pero kung balak mo magkarera sa mga malalaking associations, eh sa manok mo na lang ituon ang pansin mo. Di hamak na malaki ang puhunan sa pangangalapati kumpara sa pagmamanok, at mas maliit pa ang tsansa mong mabalik ang puhunan. Ang pinakapanalo mo eh tabla. Mas matindi ang technical know how na kailangan sa pangangalapati kesa sa pagmamanok. Napakalaki din ng bagay ang matinding bloodline o linyada ng iyong alaga para manalo, di tulad ng manok na kahit mestizo eh pwede patayin ang imported. Napakamahal din po ng primera klaseng Kalapati...

    Sa ngayon meron pa din akong 60 piraso ng kalapati, karamihan ay nailaban na sa Tacloban City.

  18. #18
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like

    Wink

    Yung kalapating mababa ang lipad, anong lahi yon?:crazy:

    beersh lang...hehehe:lol:

    Kidd

  19. #19
    WickedFrog
    Guest
    :lol:

  20. #20
    Cyberfriends chrisjr's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    JMJBROTHERS.MUL
    Posts
    1,481
    Post Thanks / Like
    Saan ba ang nagbebenta ng babaeng mababa ang

    lipad at iyun na lang ang alagaan ko.



  21. #21
    ryan72_2000
    Guest
    chris,

    kailangan lagi kang may available na anti-biotic kapag iyan ang aalagaan mo. mababa kasi ang lipad niyan kaya prone sila sa mikrobyo

  22. #22
    Kurtandrew2002
    Guest

    Sir Swallow

    Salamat sayo. Gusto ko lang mapahalagahan ang ibinigay sa akin na pair. at yes Pang karera sila. May wing band provi para sa GPS.

    at sa iba na gusto ng kalapati na medyo mababa ang lipad e madami malapit sa amin. Sa mabolo, 6 pm pa lang marami na nag aabang na madadagit hehe! ANg presyo depende sa kalidad, Kung tagalugin, mestizo, pure o pang karera hahaha!

    Malamang yung ganito ang kalapati na magastos sa Patuka at maintenance. Joke!joke!joke!

    :lol:

  23. #23
    Member
    Join Date
    Jul 2005
    Posts
    381
    Post Thanks / Like

    kalapati

    yong mananari ko ubos ang 30 nokis nya dahil sa alagang kalapati nya kaya problemado ako dahil mahilig siya sa puro, puro hingi ang gusto nya sa mga broodstock nya , na sa akin mangagaling!:crazy:

  24. #24
    Senior Member pitgods's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    Philippines
    Posts
    760
    Post Thanks / Like
    May kalapati kami dati. Magastos din pagdumami. Mahirap ibenta kahit maganda ang lahi.

  25. #25
    Senior Member pitgods's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    Philippines
    Posts
    760
    Post Thanks / Like
    watch d wall, Dati pa yung kalapati namin. Ngayon wala na. Pinabayaan namin nagsawa. Mayroon kaming na meet nagaalaga ng mga Giant na kalapati yung mga anak binebenta sa restaurant. Madali lang paramihin ang kalapati. here's a nice link on pigeon breed http://www.feathersite.com/Poultry/P...RKPigeons.html

  26. #26
    Senior Member jason_slay's Avatar
    Join Date
    Jun 2005
    Location
    Laguna Sunrise
    Posts
    1,533
    Post Thanks / Like

    english/us carrier

    1200-200/ pcs un ang huling nkta ko nung poumunta ako s petshop s laguna. mga dark brown ang kulay!

  27. #27
    Senior Member beakheel's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    guam,cavite
    Posts
    2,757
    Post Thanks / Like

    price....

    imported 5,000.00 pesos up
    local banded-500.00 up
    regular quality-100.00 up

    sa racing pigeon.com meron din kung gusto mo ng international pricing.

  28. #28
    DEEPDIVER
    Guest
    meron ako 200 personal banded nga lang.

    ang sabi ng mga lolo at lola ko ay swerte sapagkat paglipad daw sa taas ay nagdadasal sila para sa atin

  29. #29
    nosi balasi
    Guest
    wala kasi akong alagang kalapati kaya hindi ko pa alam kung totoo nga :innocent:

  30. #30
    talahib747
    Guest
    sa opinyon ko sa ngayon ay hindi wise na pagsamahin ang kalapati at manok dahil sa kumakalat na bird flu sa asia..lalu na at papasok ang winter, maraming migratory birds ang dumadaan sa bansa..ang kalapati ay vulnerable sa sakit na ito dahil nakakalabas ng bakuran natin, sa ngayon hanggat di pa nareresolba ang sakit na ito eh suggestion kong wag muna kayong mag-alaga ng kalapati sabay ang mga manok dahil pare pareho tayong mapeperwisyo sa ating pagsasabong at magiging threat din ito sa ating pamilya....

Similar Threads

  1. kalapati (doves)
    By edge in forum Usapang Manok
    Replies: 22
    Last Post: June 19th, 2010, 07:41 PM
  2. kalapati ng mga nagmamanok
    By redfurry in forum Usapang Manok
    Replies: 6
    Last Post: November 18th, 2007, 03:49 PM
  3. Manok Swap sa Kalapati
    By Aramos in forum Usapang Manok
    Replies: 6
    Last Post: August 2nd, 2007, 08:22 AM
  4. Kalapati Na Pangarera
    By LRPWarLord in forum Usapang Manok
    Replies: 39
    Last Post: November 29th, 2006, 05:18 AM
  5. kalapati o manok
    By blufacesweater in forum Usapang Manok
    Replies: 37
    Last Post: November 23rd, 2006, 10:40 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •